You are on page 1of 3

URI NG TEKSTO

Ang Teksto - ay isang babasahin na puno ng mga ideya ng ibat-ibang tao at impormasyon.

1. Tekstong Akademiko - Ang tekstong akademiko ang tawag sa mga tekstong ginagamit sa pag-

aaral ng humanidades, agham panlipunan at agham pisikal. Taglay nito ang mga terminolohiya, uri

ng diskurso o pahayag, nilalaman ng teksto at ang mga konseptong inilalahad. Ang tekstong

akademiko ay may katangiang hindi tiyak sapagkat nakabatay ito sa katanggapan ng mga kasapi ng

lipunang akademiko

Tekstong Pang-Akademik - Ang Tekstong pang akademik ay ginagamit ng mga mag-aaral sa paaralan

at lumilinang sa ating kaisipan upang mapahusay ang ating kaalaman. Halimbawa mga teksto sa

agham panlipunan - Ang mga Agham Panlipunan - ay isang pangkat ng ma disiplinang akademiko

sa pinagpaaralan ang mga aspeto ng tao sa mundo nag bibigay din sa paggamit ng kaparaang agham

at mahigpit na mgapamantayan ng ebidensiya sa pag-aaral ng sangkatauhan.

Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Akademiko

EKSPOSITORI – Ang tekstong ito ay naglalayong maglahad o magbigay ng impormasyon,

kabatiran at kapaliwanagan sa Bagay-bagay at pangyayari ayon sa hinihingi ng panahon at

pagkakataon.

ARGUMENTATIB - Tekstong naglalayong maglahad ng mga simulain o proposisyon upang

mapangatuwiran ang nais iparating na kaalaman sa mga mambabasa.

DESKRIPTIB - Naglalayon naman itong magpakita o maglarawan ng mga bagay-bagay at

pangyayari batay sa nakita, naranasan o nasaksihan.


PERSWEYSIB - Tekstong ang layunin ay maghikayat at papaniwalain ang mga bumabasa nito.

2. Tekstong Propesyunal o Pandalubhasaan - Ang tekstong propesyonal o pandalubhasaan ay

nagsasaad ng talakay ukol sa natatanging paksa at may kaugnayan sa propesyon ng manunulat.

Naglalaman ito ng batayang teorya at mga datos bilang ebidensya ng talakay, maging ang mga bagong

tuklas na datos na may kinalaman sa gawain ng manunulat. Masusing pananaliksik at mahusay na

pagpili ng salitang gagamitin ang kailangan dito. Ang tekstong propesyonal ay yaong mga teksto na

nagdaan sa mabalasik na pareresirts at ito ay para sa mga taong ang gustong pag aralan ay yaong mga

bagay na makakatulong upang maging malawak ang kanilang kaalaman gaya ng mga abogasya at

medisina dahil ito ay nakakatulong upang kanilang malaman ang mga bagay na mga patunay o

pinatutunayan ng mga akda. Halimbawa, ang isang tao ay nakapagtapos ng Ph.D. at gumawa ng isang

tesis batay kanyang riserts tungkolsa makabagongvpamamaraan ng pag-oopera ng pasyente. Ang

tesis na ito ang tinatawag nating tekstong propesyunal.


3. Tekstong Literari - Malaya ang paraan ng pagpapaunlad ng diwa sa tekstong ito. Ginagamit ng

manunulat ang kanyang sariling karanasan, damdamin, pananaw at wika bilang batayan sa

pagpapaunladng tekstong literari. Ang kahulugan ng tekstong ito ay karaniwang nakabatay sa sariling

pagpapakahulugan ng mambabasa dahil ang paksa ng ganitong uri ng tekstong ito ay hango sa

katotohanan o kathang-isip lamang. Ilan sa mga napaiilalim sa uri ng tekstong ito ay ang mga Nobela,

Kuwento, Balita, Alamat, Pabula, Parabula, Talumpati, Anekdota, at Talambuhay.

You might also like