You are on page 1of 36

EL

FILIBUSTERIS
MO
ni JOSE RIZAL
Bench Christian Wico L. Mendoza
III – OTM

SA KUBYERTA KABANATA

I. MGA TAUHAN
Doña Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit
isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta.
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming
may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral
ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra
na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay
Juanito Pelaez.
Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng
bayan ng San Diego.
Padre Sibyla - isang paring Dominikano.

II. MGA TAGPUAN


Sa Bapor na Tabo
Sa Ilog Pasig
Sa Kubyerta

III. BUOD
Isang umaga sa buwan ng Disyembre, naglalakabay ang Bapor Tabo sa
Ilog Pasig papuntang Laguna. Ang bapor na ito ay tinawag na Tbao dahil ito
ay may hugis na parang isang Tabo. Lulan nito ang mga pasaherong Kastila,
mga pari, at mga Indio.
Napagusapan ang suliranin ukol sa mabagal na pag-usad ng bapor
dahil sa mabagal na pag-usad ng bapor dahil sa putik na taglay ng ilog na
nagging dahilan ng pagbabaw nito. Nagbigay ng iba’t-ibang mungkahi ang
mga ito kung paano mapapalalim ang ilog tulad nag paggawa ng tuwid na
kanal na ang gagawa ay ang mga bata, matanda, babae, at lalaki nang
walang bayad at ang pag-aalaga ng itik. Dahil ditto ay nagkaroon ng
pagtatalo sina Don Custodio, Simoun, at ilang pari ukol sa mga panukala
kung paano mapapalalim ang ilog.
IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN
Sadyang mahirap humusga sa pagkatao mg mga nilalang sa mundo.
Hindi natin makikilala ang isang tao tao kung hindi natin ito lubusang kilala o
hindi kaya’y nakakauspa ng madalas. Ganyan kahirap makilala ang ugali ng
isang tao. Minsan kasi tayo’y tumitingin sa panlabas na kaanyuan nito. Kaya
nasasabi natin na kapag ito ay maganda o gwapo iyo ay mabait na. Kaya nga
minsan ay nakakamanghang malaman na ang hindi natin inaasahang mabait
ay siya pa ang may mabuting kalooban.
Ang kabanatang ito nagbibigay paalala sa atin na tayong nilikha ng
Diyos ay walang karpatang humusga ng ating kapwa. Mas nanaisin siguro ng
ating Poong Maykapal na lubusan muna kilalal\nin ang isnag tao bago tayo
magsalita.
SA ILALIM NG KUBYERTA KABANATA

I. MGA TAUHAN
Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni
Huli.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita,
pamangkin ni Padre Florentino.
Kapitan Basilio - isa sa kapitan sa bayan ng San Diego.
Kapitan Tiago - mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan
ni Maria Clara.
Padre Sibyla - isang paring Dominikano.
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Kapitan Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas;
lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra / Simoun.
Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na
nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila
ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay
Juanito Pelaez.
Doña Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit
isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming
may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral
ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra
na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
Padre Florentino - siya ang amain ni isagani, marangal at
mabait na paring Pilipino.

II. MGA TAGPUAN


Sa Bapor na Tabo
Sa Ilog Pasig
Sa Ilalim ng Kubyerta

III. BUOD
Pinag-uusapan nina Basilio, Kapitan Basilio, at Isagani ang ukol sa
kalagayn ni kapitan Tiyago at ng Akademya ng Wikang Kastila. Hindi nila
nahimok si Kapitan Basilio na maitatag ang Akademya ng Wikang Kastila.
Hinamak ni Simoun ang mga kababayan ni Isgani na ikinagalit ng huli nang
sabihing naghihirap ang bayan nito. Hinangaan naman ni Simoun ang
dalawang binata sa kanilang pangangatwiran. Samantala isinalaysay ni
Padre Florentino ang kasaysayan ng pagpapari ni Padre Florention at ang
pangangalaga nito sa kanyang karangalan.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Wala ni sinuman ang gusting maliitin ng kanyang kapwa. Ito ay
lubhang napakasakit sa pagkatao ng isnag nilalang na tinatapakan ng ibang
tao ang kanyang dignidad. Ang bawat tao ay may damdamin na dapat
ingatan na huwag masakatan. Lalo na sa mga napagkaitan ng ginhawa sa
buhay, masakit sa kanila ipamukha ang kanilang katayuan sa buhay. Kaya
nmana ang pangungutay ay hindi kailanman nakakabuti.

MGA ALAMAT KABANATA


I. MGA TAUHAN
Padre Florentino - siya ang amain ni isagani, marangal at
mabait na paring Pilipino.
Padre Sibyla - isang paring Dominikano.
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng
bayan ng San Diego.
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming
may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral
ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra
na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
Doña Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit
isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Kapitan Basilio - isa sa kapitan sa bayan ng San Diego.

II. MGA TAGPUAN


Sa Itaas ng Bapor (Sa Kubyerta)

III. BUOD
Nang dumating na si Padre Florentino sa pangkat na nasa itaas, napawi
na ang pagtatalo dahil naakit sila sa tahanan sa bayan ng Pasig at sa mga
kopa ng alak. Ilang sandal sa kabila ng kanilang pagtatawanan at
pagbibiruan, Sumungaw ang ulo ni Simoun. Sinadyang dalhin ni Simoun ang
uspan ukol sa alamat sapagkat mayroon siyang gustong patamaan.
Nagsalaysay sina Padre Florentino, Padre Salvi, at ang kapitan ng Bapor Tabo
ng mga alamat na kanilang alam bilang pagpapatunay na maalamat ang
ilog. Hiningan ng opinion ni Simoun si Padre Salvi kunag saan mas
makakabuti ilagay sin Doña Geronima. Lahat ay namangha sa kaaya-ayang
paligid at mga tanawin na nakikita nila. Biglang naitanong ni Ben Zayb kung
saang dako ng ilog napatay ang nagngangalang Guevarra, Navarra, o Ibarra
na labintlong taon na ang nakakaraan

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Maging matimpihin sa lahat ng oras, iyan ang sinasabing ng
kabanatang ito. Sa pagiging matimpiin nakukuha nating pigilin ang isang
bagay na ating ikakasama. Minsan sa tuwing may kumakalaban sa atin hindi
natin napipigilan na manlaban na siya naming isang malaking pagkakamali.
Siguro kung ating iisipin o magawang magtimpi, marahil wala kaguluhang
mangyayari sa ating mundo.

KABESANG TALES KABANATA

I. MGA TAUHAN
Tata Selo - ang ama ni Kabesang Tales at lolo ni Huli
Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa
pagmamay-ari ng lupang sinasaka na
inaangkin ng mga prayle.
Tano - anak na lagging kasama sa bahay ni Kabesang
Tales na isa ng Guwardiya Sibil.
Hermana Bali - naghimok kay Huli upang humingi ng tulong
kay Padre Camorra.
Huli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni
Huli.

II. MGA TAGPUAN


Sa Baryo ng Sagpang (Bayan ng Tiani)

III. BUOD
Si Kabesang Tales at ang kanyang ama ay nagkaingin sa isnag
kagubatan sa pag-aakala nilang walang nagmamay-ari nito. Sa pagkakaingin,
nagkasakit ng malaria ang buong pamilya na ikinamatay ng kanyang asawa
at panganay na anak.
Inangkin ng isang korporasyon ng mga pari ang kanilang lupain nang
ito ay umaani nang husto at sila ay umuunlad. Sa simula ay
nagpapasensiya si Kabesang Tales hanggang sa hindi na siya nakatagl ay
lumaban ito sa husgado. Ang kanyang anak na si Tano ay ginawang
guwardiya sibil. Natalo siya sa usapin ngunit patuloy na lumalaban hanggang
sa kanyang makakaya at dukutin siya ng tulisan. Ipingabili lahat ni Huli ang
kanyang mga alahas maliban sa laket na bigay sa kanya ni Basilio.
Namasukan si Huli upang makakuha ng salaping pantubos kay Kabesang
Tales. Napipi si Tata Selo dahil sa hindi niya nakayanan ang mabigat na
problema ng kanyang pamilya.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Ang bawat tao ay dumadaan sa pagsubokng buhay, at sa kabila nito
ang pinakamahirap na gawin ay ang pagiging matatag. Kailanman ay hindi
nagbigay ang Dioys ng suliranin na alam niyang hindi natin ito kakayanin.
Ang tanging paraan upang malagpasan ang ganitong dagok ng buhay ay ang
pagharap sa mga ito. Dahil kung ito ay tatakasan mo lamang, ito ay
magdudulot na hindi hindi kanais-nais o humantong sa paglala lalo ng
problema. Tandaan natin na sa pagharap ng problema at sa pagsisikap na
malutas ito hindi magtatagal ito ay malalagpasan mo rin.

ANG NOCHE BUENA NG


KABANATA

ISANG KUTSERO
I. MGA TAUHAN
Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni
Huli.
Sinong - kaawaa-awang kutsero na nakaranas ng
matinding pangaalipusta sa mga Guardia
Civil.
Hermana Tersero - miyembro ng kapatiriang itinatag ni San
Francisco.
Kapitan Basilio - isa sa kapitan sa bayan ng San Diego.
Sinang - anak ni Kapitan Basilio.
Alperes -
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming
may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral
ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra
na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
Kapitan Tiago - mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan
ni Maria Clara.

II. MGA TAGPUAN


Sa Bayan ng San Diego
Sa Tahanan ni Kapitan Tiago

III. BUOD
Nahuli ang kutserong na sinasakyan ni Basilio na nagngangalang
Sinong ng dalawang beses ng mga Guardia Civil sa kadahilanang wala itong
sedula at namatay ang kanyang karomata. Dahil ayaw ni Basilio ng gulo ito
ay bumaba at ngalakad na lamang. Sa paglalakad ni Basilio nakita nito ang
bahay ni Kapitan Basilio. Ito ay namangha sapagkat nakikipagusap ito sa
kura, sa alperes at kay Simoun. Ang kura ay nagpapabili ng pares ng hikaw,
samantala ang alperes naman ay isang kairel ng relos sa nasabing Kapitan.
Tumungo na sa kanilang tahanan o kaya’y sa bahay ni Kapitan Tiago.
Nayayamot si Basilio dahil sa mga di magagandang balita. Tuluyan itong
nawalan ng ganang kumain nang ibalita sa kanya na dinakip ng mga tulisan
si Kabesang Tales.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Ang bawat tao ay dapat binibigyan ng pantay-pantay na karapatan sa
mundong ito, Ang karapatang pantao’y dapat na igalang kahit na ano pa
man ang kalagayan natin sa lipunanang ito. Diba masakit sa atin na hindi
man lamang maipaglaban an gating karapatan. Siguro mas Masaya
maranasan na ang bawat isa sa ating ay nabibigyan ng pagkakataong
mailahad ang gusto nating sabihin at maipagtanggol ang sarili. Ang
kalayaanay napakahirapmakuha noong panahon ngunit sa kasalkuyan tayo
ay dapat matutong manindigan at ipaglaban ang karapatan natin.
SI BASILIO
KABANATA

I. MGA TAUHAN
Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni
Huli.
Dominiko - sumusuri sa pamantayan ng paaralan.
Kapitan Tiago - mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan
ni Maria Clara.

II. MGA TAGPUAN


Sa Kagubatan ng mga Ibarra
Sa Maynila

III. BUOD
Palihim na pumunta si Basilio sa kagubatan ng mga Ibarra na ngayon
ay pag-aari na ni Kapitan Tiago. Doon ay naaalala niya ang kanyang mga
pinagdaanan sa buhay. Ulila ng lubos si Basilio at takot na takot sa
makapangyarihan. Nilisan nya ang San Diego at pumunta ng Maynila. Sa
Maynila ay hinanap niya si Kapitan Tiago upang mamasuykan bilang isang
katulong. Pinyagan siyang makapag-aral bilang kapalit ng kanyang
pamamasukan kay Kapitan Tiago. Nagsikap siya ng pag-aaral at nang siya ay
nasa ikatlong taon na ay nagsikap na siyang manggamot at nagsimulang
magipon ng pera. Sa kanilang pagtatapos, Si Basilio ay nahirang na
magbibigay ng talumpati. Ang mga bagay na ito’y siyang nasa isip ni Basilio
sa pagdalaw niya sa libingan ng kanyang ina.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


May kasabihan “Kapag may tiyaga may nilaga”. Ito ang kasabihan na
ating pinaghahawakan upang tayo ay magsikap. Sa pagsisiskap ng isang tao
mas masisiguro nito na may magandang bukas na naghihintay sa kanya.
Ang sipag at tiyaga ay susi upang marating natin ang inaasam-asam na
tagumpay. Napakasarap siguro sabihin sa ating pinagdaanan, sa ating
pagsisikap ay tayo ay may narrating na sa buhay at unti-unti pagkamit ng
ating mga pangarap.

SI SIMOUN
KABANATA
I. MGA TAUHAN
Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni
Huli.
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming
may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral
ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra
na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.

II. MGA TAGPUAN


Sa Tabi ng Balite

III. BUOD
Pabalik na si Basilio ng makakita ito liwanag sa gitna ng kakahuyan.
Likas kay Basilio ang pagkamatakutin. Satabi ng balite tumigil ang anino ng
binata. Ang magaalahas ay naghuhukay. Kinilabutan ito, iyon ang ttaong
tmulong sa kanya labingtatlong taon na ang nakaklipas. Nagpakilala si
Basilio kay Simoun sa takot na matuklasan siya na naroroon sa gubat.
Napagusapan nila paraho ang kanilang palno para sa bayan at nalaman
nilang magkasulangat ang kanilang mga katwiran. Sa kdahilanang iyon
nahikayat ni Simoun si Basilio na sumama sa kanayang paghihiganti sa mga
Kastila.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Lahat ng tao ay naghahangad ng mabuti para sa kanyang bayan o
bansa. Sino ba nmana ang ayaw na maging malaya at makamit ang
minimithi ng lahat. Nakakatuwa ding isipin na may mga taong handing
ipagtanggol ang kanyang bayan muila sa pangaalipin. Gaya ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay walang hinagad kundi ang
ipagtanggol ang sariling bansa. Walang takot na hinarap ang bulok na
sistema ng pamahalaan at pangtatanggol sa mga mapagsamantala at sa
mga sakim sa kapangyarihan. Gaya nga ng sinasabi ng na nakakarami
“Walang maapi kung walang magpapaapi”. ANg katarungan ay makakamit
lamang ng mga taong nagnanais nito.

MALIGAYANG PASKO KABANATA


I. MGA TAUHAN
Huli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
Tata Selo - ang ama ni Kabesang Tales at lolo ni Huli.

II. MGA TAGPUAN


Sa Baryo ng Sagpang (Bayan ng Tiani)

III. BUOD
Madilim pa ang paligid nang magising si Huli at agad tinungo ang
imahen ng Birhen sa pag-aakalang may naganap na himala. Nabigo si Huli
kaya’t naghanda na lamang ng salabat para sa almusal ng kanyang ingkong
na natutulog pa at inayos ang dadalhing gamit sa kanyang papasukang
trabaho.
Sa araw ng Pasko, maraming nagsimba kasama ang mga anak o bata
sapagkat ayon sa matatanda, ito ay araw ng mga bata subalit para naman sa
mga bata, ayaw nila ang Pasko.
Dinalaw ni Tandang Selo ng mga kamag-anak. Nais magsalita ng
matanda subalit nagulat ang lahat nang walang lumabas na isang salita sa
paos na tinig niya at Ito ay napipi na.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Ang pagsubok ay dadaan at dadaan sa pag-ikot ng mundo. Ibinibigay
ng Diyos ang pagsubok dahil alam niya na kaya natin ito. Ang mapagmahal
at mapagmalasakit na anak na handang gawin ang lahat para sa kanyang
pamilya. Gaya ni Huli na nagpapakatapang upang malagpasan ang mga
problema na kanilang hinaharap.

MGA PILATO KABANATA

I. MGA TAUHAN
Tata Selo - ang ama ni Kabesang Tales at lolo ni Huli
Padre Clemente - isa sa kura na uldog.
Kabesang Tales -ang naghahangad ng karapatan sa
pagmamay-ari ng lupang sinasaka na
inaangkin ng mga prayle.
Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na
pinaglilingkuran ni Huli.
Huli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.

II. MGA TAGPUAN


Bayan ng Tiani

III. BUOD
Kumalat ang balita sa buong nayon na si Tandang Selo ay napipi na.
Sinamsam ng tinyente ng guwardiya sibil ang lahat ng sandata at mga
magsasakang walang kasalanan ay pinagdadakip nang hindi Makita si
Kabesang Tales. Nag-huags-kamay ang tatlong pilato sa katauhan nina
Hermana Penchang, tinyente ng guwardiya sibil at ang uldog na si Padre
Clemente smantalang ang mga sanhi kung bakit si Kabesang tales ay nahuli.
Ipingpasalamat ni Hermana Penchang ang pagkakahuli kay Kabesang Tales
sapagkat may magdarasal sa kanya. Ipinagdiwang ng mga praylke ang
desisyong ibigay ang saka ni kabesang Tales sa isang humingi noon a walang
karangalan at kahihiyan.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Ang katarungan ay mahirap makuha lalo na sa taong mahihirap. Dahil
ang paghuhusga ay minsan dinadaan natin sa antas ng buhay, hindi ba
maari na gawing makatarungan ang paghatol sa tao? Siguro mas mainam na
bigyan muna ito ng paliwanag kung ano ang tunay na nangyari.
Hanggang ngayon ay likas sa tao ang manghusga. Kung ating iisipan ni
isa man sa ating ay walang karapatan manghusga hangga’t hindi natin natin
sila nakikilala ng mabuti. Siguro kung iispin natin na kilalanin muna ang
isang tao na walang panghuhusga wala siguro tayong masasaktan na
damdamin.

KAYAMANAN AT
KARALITAANKABANATA
I. Tauhan
Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa
pagmamay-ari ng lupang sinasaka na
inaangkin Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na
nakasalaming may kulay, na tagapayo ng Kapitan
Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo
Ibarra na nagbalik upang maghiganti
sa kanyang mga kaaway.
Kapitan Basilio - isa sa kapitan sa bayan ng San Diego.
Sinang - anak ni kapitan Basilio
Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na
pinaglilingkuran ni Huli.
Kapitana Tika - asawa ni Kapitan Basilio, ina ni Sinang.
Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais
magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
Tata Selo - ang ama ni Kabesang Tales at lolo ni Huli
ng mga prayle.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita,
pamangkin ni Padre Florentino.

II.Tagpuan
Sa bahay ni Kabesang Tales

III.Buod
Nagtungo at nakituloy si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales upang
magtinda ng kanyang mga alahas. Dumating ang mag-anak ni Kabesang
tales at ang mag-anak ni Kapitan Basilio kasama si Hermana Penchang
upang mamili ng mga alahas ni Simoun. Ipinakita ni Simoun ang kanyang
rebolber kay Kabesang Tales at binibili niya ang laket ni Huli sa halagang
P500.00. Ipinagpalit ni Kabesang Tales amg laket ni Huli sa rebolber ni
Simoun.
Natagapuang patay ang paring tangapangasiwa at ang asawang lalaki
ng may pasak na lupa ang bibig at sa tabi ay may nakasulat na dugo na
TALES. Kasabay nito ang pagkawala ng rebolber ni Simoun at kapalit na laket
na binibili nito.

IV.Kahalagahan
Sadyang nakakalungkot isipin na madami ang nagsasamantala sa
kahinaan ng isang tao. At meron din namang sadyang nag papaapi na hindi
man lamang naaawa sa kanilang sarili. Mas maganda siguro na tulungan
silang paunlarin ang kabuhayan nila. May kasabihan tayo na “Sa halip na
bigyan natin sila ng isda ay turuan natin sila mangisda.” Ang panlalamang sa
isang tao ay walang idinudulot na maganda lalo na kung ito ay pansariling
interes. At kung minsan kung tayo ay nakakaangat talagang hindi maiiwasan
na mas manlamang sa iba sa kabila ng tinatamasang kaginhawaan na
kailanman ay di magtatagumpay
SA LOS BAÑOS KABANATA

I. Tauhan
Kapitan Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas;
lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra / Simoun.
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Padre Sibyla - isang paring Dominikano.
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta.
Padre Fernandez - ang paring dominikano na naiiba sa lahat
ng pari dahil malaya ang kanyang kaisipan
at tumatanggap ng pagkakamali.
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming
may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral
ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra
na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.

II.Tagpuan
Sa Busubuso
Sa Los Baños
Sa Sala ng Kapitan Heneral
Sa Balkon ng Bahay
Sa Silid Bilyaran

III.Buod
Nagpunta sa Busubuso ang Kapitan Heneral kasama ang mga prayle,
kawal, kawani, Don Csutosio, Ben Zayb at Simoun upang mangaso.
Noong ding araw na iyon ng Disyembreang kapitan ay matatagpuang
naglalaro ng baraha. Sa pagitan ng kanyang paglalaro ay tinapos niya ang
mga panukalang dapat pagpasiyahan tulad ng pagpapalaya kay Tandang
Selo, maayos na paaralan, mahinang kalibre ng baril, Akademiya ng Wikang
Kastila at iba pa. Pumayag si Simoun na makipaglaro ng braha ngunit ang
kapalit ng pantayang brilyante ay ang pangakong tatanggihan ang
kahirapan, pagkamababang -loob at pagkamasunurin at ang kapitan naman
ay isasagaw ang paguutos na pagpapakulong, pagpapatapon at ang
pagpapapatay sa loob ng limang buwan.
Sa mga panukala, ang pagpapalaya kay Tata Selo at ang kalibre ng
baril lamang ang inaprubahan, ang Akademiya ng Wikang Kastila at ang
kahilingang maayos na paaralan ay pag-aaralan pa ng Kapitan Heneral. Ang
mungkahing gawing paaralan ang sabungan ay tinutulan dahil ito ay
nagbabayad ng malaking buwis sa pamahalaan.

IV.Kahalagahan
Sa isang bayan o bansa, mabuting pamumuno ang ating ninanais.
Tapat sa tungkulin, walang kinikilingan at gagampanan nito nang buong
husay. Ngunit, sa kasalukuyang panahon ay mahirap hanapin ang ganitong
uri ng pamumuno. Gayun pa man sa kabanatang ito ipinakita ng Kapitan
Heneral ang taong may dignidad sa lahat ng dako ay iganagalang. Dahil sa
kanya maganda ang pamamalakad niya sa kanyang bayan. Tandaan na sa
namumuno ang ikinabubuti ng bayang kanyang pinapatakbo.
PLACIDO PENITENTE KABANATA

I. MGA TAUHAN
Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang
mag- aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga
propesor; nabibilang sa kilalang angkang
may dugong Kastila
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita,
pamangkin ni Padre Florentino.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay
Juanito Pelaez.
Doña Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit
isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Tadeo - kamag-aral ni Macaraig.
II. MGA TAGPUAN
Sa Tanauan, Batangas
Sa Escolta
Sa Pamantasan ng Santo Tomas
Sa Tulay ng España
Sa Daang Magallanes

III. BUOD
Nais nang tumigil sa pagaaral ni Placido ngunit hindi siya pinapayagan
ng kanyang ina. Naikwento ni Juanito Pelaez ang kanyang pagbabakasyon sa
Tiani at siya ay nangolekta ng ambag nang sila ay magkita ni Placido. Ilang
sandali pa ay pinagkaguluhan si Paulita Gomez nang bumaba ito mula sa
kanyang karwahe. Kahit na huli na sa klase ay pumapasok pa rin si Placido
sa kanyang klase dahil malapit na ang kanilang pagsusulit at hindi pa siya
natwag ng kanyang guro. Pagkaladkad siyang pumasok sa silid-aralan upang
mapansin siya ng kanyang guro.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Ang bawat oras ay napakahalaga sa isang tao. Kailanman ang
panahon lumipas ay hindi na maibabalik pa. Sa sobrang kahalagahan ng oras
ginugugol natin ito sa makabuluhang bagay. Ngunit may iilan na walang
pakialam sa mga oras na lumilipas. Siguro kung ating iisipin na an oras ay
dapat pinapahalgahan at ginawa itong makabuluhan ito ay mas makakabuti
sa atin.

ANG KLASE SA PISIKA


KABANATA

I. MGA TAUHAN
Padre Millon - isang batang Dominikong napabantog sa
pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de
Letran.
Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga
propesor; nabibilang sa kilalang angkang
may dugong Kastila
Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang
mag- aral sanhi ng suliraning pampaaralan.

II. MGA TAGPUAN


Sa Silid-Aralan (San Juan de Letran)
III. BUOD
Pakutyang tinawag ni Padre Millon ang estudyanteng mataba upang
sagutin ang kanyang katanungang may kinalaman sa leksyong salamin.
Tinulungan ni Juanito ang kamag-aral at binulungan nya ito. Dahil sa kanyang
pagmamarunong tinwag ito ng kanilang propesor at ngatanong ng isang
nakakalitong katanungan. Hinila ni Juanito Pelaez ang damit ni Palcido upang
tulungan itong sumagot kay Padre Millon. Tinapakan ni Juanito Pelaez ang
paa ni Placido nang hindi ito tulungan sa pagsagot sa nakakalitong tanong
kaya ito ay napasigaw ng malakas. Narinig ng propesor binata. Labis na
panlalait ang narinig ni Placid okay Padre Millon nang hindi ito nakasagot sa
kanyang mga katanungan. Lalong lumala ang sitwasyon nang lumabis ang
bilang ng pagliban sa kanyang ginawa. Padabog na umalis si Placido dahil sa
panlalait na kanyang narinig.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Ang paggalang o ang pagrespeto ay isa sa pinakamahalagang
kaugalian ng isang Pilipino. Kaya nga sa ating kaugalian na ito tayo ay
nagsasabi ng “po” at “opo” na isang simbolo sa paggalang sa mga
nakatatanda. Ngunit ang paggalang ay hindi lamang sa mga matatanda,
bagkus sa lahat ng tao, bata man o hindi ay kailangan ng respeto. Ang
pagrespeto ay umaani din ng respeto. Kung ikaw ay gumagalang, ikaw din ay
gagalangin. Kaya nga may respeto upang wala tayong masaktan na
damdamin.

SA BAHAY NG MGA KABANATA

ESTUDYANTE
I. MGA TAUHAN
Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na
nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila
ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa
ipinaglalaban ng mga mag-aaral.
Pecson - isang matabang estudyante, at madalas
tumanggi sa lahat na
pinagsasangayunan ng lahat.
Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga
propesor; nabibilang sa kilalang angkang
may dugong Kastila
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta.
II. MGA TAGPUAN
Sa Bahay ni Macaraig

III. BUOD
Nagpalitan ng kuru-kuro at haka-haka ang mga kaspi sa samahang
lumalakad para sa Akademya ng Wikang Kastila. Ibinlaita din ni Macariag na
nakipagkita siya kay Padre Irene at sinabi ang kanilang kahilingan ay nasa
kamay ni Don Custodio at Ginoong Pasta. Upang mapakiling ang Kapitan
Heneral sa itinatatag na akademya, iminungkahi nilang lapitan sina Quiroga
at Pepay.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Nakakatuwang isipin na ang bawat isa sa atin ay nakikiisa upang
ipaglaban ang kapakanan ng bayan. Lalo pa’t madami sa ngayon ang mga
aktibong kabataan na lumalahok sa mga proyektong pang bayan. Ipinapakita
lamang nito na na ang pakikiisa ay ang susi upang matupad ang nais na
matamo at dahil dito unti – unti natin malalabanan ang suliraning
kinakaharap ng ating bansa.

SI GINOONG PASTA KABANATA

I. MGA TAUHAN
Ginoong Pasta - isang abogadong sanggunian ng mga prayle
kung may suliranin, pinagsanggunian din
ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng
akademya.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita,
pamangkin ni Padre Florentino.

II. MGA TAGPUAN


Sa Tanggapan si Ginoong Pasta

III. BUOD
Nilapitan ni Isagani si Ginoong Pasta upang humingi ng tulong upang
kausapin ang nakatataas sa kanilang pagtatatag ng Akademya ng Wikang
Kastila. Nagkaroon ng pag-uusap at palitan ng kuru-kuro sa pagitan nina
Ginoong Pasta at Isagani ukol sa dapat na mabatid ng pamahalaan para sa
kanyang mamamayan. Pinayuhan ni Ginoong Pasta si Isigani na mag-aral ng
medisina, pag-aralan ang panggamot, maningil ng mataas sa kanilang
pasyente at kalimutan ang nauukol sa bayan. Kinaawaan ni Ginoong Pasta si
Isigani at sia Padre Florentino sa maaaring mangyari sa kanila kung sakaling
ipagpatuloy ang isinusulong ng mga kabataan ukol sa Akademya ng Wikang
Kastila.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Hindi maaalis sa isang tao ang pagiging makasarili nito. Ito ay likas
lamang dahil para dito ay mas kailangan nito na umunlad muna bago unahin
ang iba. Ngunit diba hindi rin naman masama ang isipin din natin ang
kapakanan ng iba o kaya sa isang bayan. Mas maigi siguro na dapat din natin
isipin ang kapakanan ng bayan kaysa sa pansariling kapakanan. Dahil kung
maunlad ang bayan. Uunlad din ang mga mamamayan nito.

ANG MGA KAPIGHATIAN KABANATA

NG ISANG INTSIK
I. MGA TAUHAN
Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais
magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
Ginoong Gonzales - tumutuligsa sa mga Instik sa editorial ng
pahayagan.
Don Timoteo Pelaez - amain ni Juanito Pelaez na nakabili sa bahay
ni Kapitan Tiyago.
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming
may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral
ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra
na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng
bayan ng San Diego.
Mr. Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa
perya.
II. MGA TAGPUAN
Sa bahay ni Quiroga (Escolta)
Sa Liwasan sa Quiapo

III. BUOD
Naghanda ng isnag salusalo si Quiroga sa mga prayle, kawani at
mangangalakal upang mapadali ang pagkakaroon ng consulado sa Pilipinas.
Idinaing ni Quiroga ang pagkalugi ng kanyang negosyo dahil di siya
naksisingil sa kanyang mga pautang kasama na ang pulseras na galling kay
Simoun. Pinangakuan ni Simoun na tutulungan niyang makpaningil si
Quiroga sa mga nagkakautang sa kanya kung papayag siyang maitago sa
kanyang tindahan ang ilang kahon ng armas at bilang kapalit ay babawasan
sa utang niyang siyam na libong piso.
Napag-usapan ang mga bagong negosyo tulad ng hierrong galvanizado
ni Don Timoteo Pelaez para sa mga bahay na pawid na ipinagiba ng Kapitan
Heneral na maaaring pagkakitaan nang malaki.
Nagkaroon din ng pagtatalo ukol sa pagpapadala ng komisyon sa India
upang pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga Indio na tinutulan
ng ilan dahil ang ipinadala ay malapit na kamag-anak ng Kapitan Heneral na
walang kaalam-alam sa paggaw ng sapatos.
Nagkayayaan ang grupo ni Padre Slavi na panoorin sa Quiapo ang
palabas ni Mr. Leeds na nagpapakita ng salamangkla sa pagtatanghal ng
putol na ulo na maaaring ginamitan raw ng espiritismo.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Ang kusang pagtulong sa kapwa ay hindi kailanman nangangailangan
ng kapalit. Masama din na sinasamantala ang mga pagkakataong gipit na
gipit ang isang tao. Katulad ng naganap sa kabanatang ito na sinamantala ni
Simoun ang pagkakataon kung saan si Quiroga ay napilitan itago ang mga
armas. Isipin natin na kung gusto mong tumulong, ito ay dapat bukal sa
iyong kalooban at hindi dahil sa may masama kang balak. Ang mabuting
layunin ay laging pinagpapala a kung hindi, ito ay masama ito ay hindi
magtatagumpay.
ANG PERYA SA QUIAPO KABANATA

I. MGA TAUHAN
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay
Juanito Pelaez.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita,
pamangkin ni Padre Florentino.
Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga
propesor; nabibilang sa kilalang angkang
may dugong Kastila
Doña Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit
isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Mr. Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa
perya.

II. MGA TAGPUAN


Sa Perya ng Quiapo
Sa Tindahan ng mga Iginuguhit at Nililok na Larawan

III. BUOD
Sa perya ng Quiapo ay libang na liabang si Padre Camorra sa pagtingin
sa magagandang dalagang nakakasalubong. Napalundag si Ben Zayb nang
siya ay kurutin ni Padre Camorra nang mapalapit sa kanila si Paulita Gomez
na kasama si Doña Victorina at si Isagani.
Sa tindahan ng mga iginuguhit at nililok na larawan ay pinintasan nila
ang bawat isa at pinagtalunan pa ang kakayahan ng mga Pilipino pagdating
sa sining.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


“Panig sa bayan, panig sa katotohanan”, iyan ang madalas sabihin sa
telebisyon kung ang pinapaniid ay ang programang pambalita sa istasyon ng
ABS – CBN. Tunay sa larangan ng pamamahayag dapat lang naman na ito ay
purong katotohanan lamang. Sa pamamahayag, nararapat na maging
responsible ang manunulat sa nagsasaad ng integridad sa balita upang ito
ay paniwalaan. Sabi nga nila “kaakibat ng mabuting pamamahayag ang
pagtataguyod ng katotohanan.” At yan ang ating pakatandaan.

ANG KADAYAAN KABANATA

I. MGA TAUHAN
Mr. Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa
perya.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng
bayan ng San Diego.
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta.
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Mr. Leeds

II. MGA TAGPUAN


Sa Loob ng Tanghalan

III. BUOD
Magiliw nna sinalubong ni Mr. Leeds ang pangkat ni Padre Camorra,
Ben Zayb, Padre Slavi, at ang ilang napasamang babae. Pinayagan ni Mr.
Leeds si Ben Zayb na tingnan ang mesang natatakpan ng itim na tela kung
may nakatagong salamin. Inilahad ni Mr. Leeds na nakuha niya ang kahong
may lamang abo at piraso ng papel sa piramide ni Khufu. Sa salitang
Deremof na binigaks ni Mr. Leeds ay nabuhay ang pugot na ulo na buhat sa
abo. Nagsalaysay ang espingheng si Imuthis kung paano siya nakaranas ng
mga kasawian sa kamay ng mga saserdoteng taga-Ehipto hanggang sa siya
ay mapatay sa ilog ng Moeris. Takot na takot si Padre Salvi dahil sa kanya
nakatingin si Imithus habang ito ay nagsasalaysay hanngang tuluan na
siyang hinimatay. Pinag-utos ng Gobernador Eklesyastiko na ipatigil ang
palabas ngunit kinabukasan si Mr. Leeds ay nagpunta na ng Hong-Kong.
IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN
Sa kasalukuyang panahon bibihira na lamang ang may katangiang
pagiging matapat sa sarili at sa kapwa. Ang pagiging matapat na tao ay
napakahalaga sapagkat ito ay isang sandata na mahirap ng hanapin sa
ngayon, na siyang magiging gantimpala ng tiwala sa iyo ng kapwa mo.
Napakasarap isipin na kung ikaw ay nagsasabi ng pawang katotohanan ay
panatag ka dahil alam mong wala kang tinatapakang tao. Tandaan natin na
sa bandang huli ang mangingibabaw ang katotohanan.

ANG MITSA KABANATA

I. MGA TAUHAN
Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang
mag- aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
Padre Sibyla - isang paring Dominikano.
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta.
Kabesang Andang- ina ni Placido Penitente.
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming
may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral
ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra
na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay
Juanito Pelaez.
Doña Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit
isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga
propesor; nabibilang sa kilalang angkang
may dugong Kastila

II. MGA TAGPUAN


Sa Tulay ng España
Sa Bahay ni Placido Penitente
Sa Perya
Sa Daungan ng Bapor
Sa San Fernando
Sa Kalye Iris
Sa Arabal ng Trozo
Sa Bahay ni Simoun

III. BUOD
Nagpasya si Placido na titigil na ito sa pagaaral at maghihiganti siya sa
mga prayle. Nalungkot si Kabesang Andang sa pasya ni Placido kaya’t
pinayuhan ang anak na mapagkumbaba at magpatulong sa procurador.
Sa perya ay nakita ni Placido si Simoun at pinapakiusapang tulungan
siyang makapunta ng Hong-Kong. Subalit siya ay isinama ni Simoun sa Kalye
Iris. Nagulo ang isip ni Placido nang makita ang mga taong tutulong kay
Simoun upang mailigtas si Maria Clara at ang pagtatatag ng himigsikan.
Nagdalawang isip si Simoun kung itutuloy niya o hindi ang kanyang
binubuong himigsikan. Nagbago sa kanyang desisyon si Placido at narinig sa
kanyang bibig na siya na lamang ang makikipag-usap sa procurador upang
siya ay patawarin.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Sadyang napakaikli ng panahon. Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa
ay nararapat lamang. Kahit na ano pa man ang kasalanan ng kapwa mo sayo
hindi mainam ang paghihiganti. May kasabihan tayo na “kapag binato ka ng
bato, batuhin mo ng tinapay”, ito ay nagpapakita lamang na anuman ang
dahilan ay hindi parin sapat upang tayo sa magkasala. Kaya sa patuloy na
pag ikot ng mundo tayo’y gumawa ng mabuti sa ating kapwa
ANG NAGPAPALAGAY KABANATA

I. MGA TAUHAN
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
Ginoong Pasta - isang abogadong sanggunian ng mga prayle
kung may suliranin, pinagsanggunian din
ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng
akademya.
Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na
kaibigan daw ni Don Custodio.

II. MGA TAGPUAN


Sa Maynila
Sa Madrid (España)

III. BUOD
Hinangaan ni Padre Irene at Ben Zayb si Don Custodio sa kanyang
kasipagan sa pagbabasa sa mga kasulatan. Nilapitan ni Don Custodiosi
Ginoong Pasta ngunit ang ibinibigay nitong payo ay malabong Mangyari.
Nagtanong din siya kay Pepay na mananayaw ngunit sa halip na magbigay
ng payo ay siya pa ang hinigan nito ng pera.
Tinawag na Buena Tinta si Don Custodio de Salazar y Sanchez de
Monteredondo dahil hindi ito kumikilos kung hinto ito napapalathala sa mga
pahayagan. Naagkaroon ng mabuting hanapbuahy si Don Custodio na
nagging daan upang siya ay makapagasawa ng isang maganda at mestisang
mayaman. Lumuwas siya sa baying España upang ipagamot ang kanyang
karamdaman sa atay at wala pang isang taon ay nagbalik na siya sa Maynila
dahil hindi siya kinilala di tulad ng mataas na pagkilla sa kanya sa Pilipinas.
Nabuo ang pasya ni Don Custodio sa Akadmeiya ng Wikang Kastila nang
buksan niya ang kahon ng panukala.
IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN
Talaga naming napakasarap na purihin ka ng iyong mga kapwa. Ngunit
may mga tao na sadyang inaangat ang kanilang sarili. Sabi nga sa bibliya,
“Ikumbaba ang sarili sa mata ng Diyos, at siya ang mag-aangat sayo.” Ito ay
nagpapatunay na sa kabila ng biyayang iyong natatamo, hayaan natin na
ang ibang tao ang pumuri sayo.

IBA’T-IBANG ANYO KABANATA

NG MAYNILA
I. MGA TAUHAN
Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga
kalahi dahil sa kanyang panlabas na
anyo.
Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming
may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral
ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra
na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
Tadeo - kamag-aral ni Macaraig.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay
Juanito Pelaez.
Doña Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit
isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga
propesor; nabibilang sa kilalang angkang
may dugong Kastila
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta.
Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na
nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila
ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Pecson - isang matabang estudyante, at madalas
tumanggi sa lahat na
pinagsasangayunan ng lahat.
Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa
ipinaglalaban ng mga mag-aaral.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita,
pamangkin ni Padre Florentino.
II. MGA TAGPUAN
Sa Labas ng Teatro de Variedades

III. BUOD
Natuloy ang pagpapalabas ng Les Cloches de Corneville.
May isang sundalong lumapit sa isang pulutong ng mga estudyante at
pagkaraan ay lumapit sa isang karwahe at kinausap si Simoun na saky nito.
Narinig ni Camaroncocido kay Simoun ang “Tandaan, ang hudyat ay isang
putok!”
Sa kabila ng pagtutol sa pagpapalabas ng operating Pranses, dumating
sin Padre Irene, Don Custodio, Ben Zayb at ilang mga estudyanteng
pinangungunahan ni MacaraigSa Teatro de Variedades.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Sa patuloy na pag-ikot ng mundo, tayo ay patuloy sa
pakikipagsapalaran sa buhay. Nakakatuwa din naman isipin na may mga
bago tayong nakikilala. Hindi man magsalita ang isang tao siya ay medaling
makikilala sa kanyang kilos. May mga taong maganda ang panlabas na anyo
ngunit bulok ang kalooban at meron din naman na pangit ngunit
napakabusilak ng kalooban. Nagpapakita lamang ito na walang taong
perpekto. Gayunpaman, siguro ay ganun talaga basta ating pagkatandaan
na tayo ay kumilos ng naayon sa mata ng Diyos.
ANG PALABAS KABANATA

I. MGA TAUHAN
Kapitan Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas;
lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra / Simoun.
Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na
kaibigan daw ni Don Custodio.
Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na
nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila
ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta.
Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa
ipinaglalaban ng mga mag-aaral.
Pecson - isang matabang estudyante, at madalas
tumanggi sa lahat na
pinagsasangayunan ng lahat.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita,
pamangkin ni Padre Florentino.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay
Juanito Pelaez.
Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga
propesor; nabibilang sa kilalang angkang
may dugong Kastila
Gertrude - isang magandang artista na nabibigay kay
Kapitan Heneral ng mga makahulugang
sulyap.
Doña Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit
isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Tadeo - kamag-aral ni Macaraig.
Serpdette - isang mang-aawit
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng
bayan ng San Diego.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.

II. MGA TAGPUAN


Sa Loob ng Dulaan (Teatro de Variedades).

III. BUOD
Nilapitan ni Macaraig si Pepay upang kunin ang sulat ni Don Custodio
na naglalaman ng desisyon ukol sa Akademiya ng Wikang Kastila.
Nalaman ng mga estudyante na sila ay tagasingil lamang ng abuloy sa
pagpapatupad ng paaralan ngunit ang pamamahala ay ibinigay sa mga
paring Dominiko sa ilalim ng Unibersidad ng Santo Tomas. Hindi tinapos ng
mga estudyante ang operetang Pranses. Sila ay sabay-sabay na umalis
upang mgdiwang sa pansiterya na ang mga naglilingkod ay mga Instik na
hubad.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Napakahalaga ng bawat oras na dumadaan para sa isang tao. Ang
pagdating sa tamang oras ay nagpapakita lamang ng pagpapahalaga sa
kapwa. Ito ay paraan ng pagkuha ng paggalang sa iyo ng kapwa mo.
Likas naman daw talaga ang pagpapahalaga sa oras ng mga Filipino.
Ayon kay Tomas Ongoco, ang Filipino time daw ay makikita sa probinsya.
Halimbawa, ang isang nagsasaka ay makikita mong nasa bukirin bago pa
man sumikat ang araw. Ngunit napakasakit isipin na ang Filipino time ngayon
ay isang oras bago ang napagusapang oras darating. Sana isipin natin ang
kahalagahan ng ng oras at sana maibalik natin ang dating kultura natin
tungkol sa tunay na oras Pilipino.
ISANG BANGKAY KABANATA

I. MGA TAUHAN
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming
may kulay, na tagapayo ng Kapitan Heneral
ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra
na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na
nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila
ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga
kalahi dahil sa kanyang panlabas na
anyo.
Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni
Huli.
Huli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
Kapitan Tiago - mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan
ni Maria Clara.

II. MGA TAGPUAN


Sa Kalye Ospital
Sa Bayan ng San Diego

III. BUOD
Dumating si Simoun sa bahay ni kapitan Tiago at muli silang nagharap
ni Basilio pagkatapos ng kanilang pagkikita sa bayan ng San Diego. Ibinalita
ni Basilio kay Simoun ang pagkamatay ni Maria Clara. Umalis si Simoun sa
bahay ni Kapitan Tiago na litong-lito at tial wala sa sarili.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Sadyang napakamakapangyarihan ng pag-ibig. Lahat ay hahamakin
nito ano pa man ang mangyari kaya ito ay nagiging dakilang pag-ibig.
Katulad sa kabanatang ito, sa labis na pag-ibig ni Simoun kay Maria Clara ay
humantong ito sa pagpapasimuno ng isang himagsikan mabawi lamang muli
ang kanyang minamahal sa kumbento. Ngunit sa kasamaang palad ito pala
ay nasawi na. makikita talaga natin na hinamak nito ang lahat upang upang
masunod lamang ang pusong labis na nagmamahal. Gayunpaman, atin
tandaan na kailanman ang paggawa ng masama ay walang naidudulot na
mabuti.

ANG MGA PANGARAP KABANATA

I. MGA TAUHAN
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita,
pamangkin ni Padre Florentino.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay
Juanito Pelaez.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
Doña Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit
isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga
propesor; nabibilang sa kilalang angkang
may dugong Kastila

II. MGA TAGPUAN


Sa Paseo de Maria Cristina (Luneta)

III. BUOD
Sa Paseo de Maria Cristina hinihintay ni Isagni si Paulita bago ang
paglubog ng araw. Pag-uusapan nila ang nangyari sa Dulaang Variedades.
Habang naglalakad si Isigani nakasalubong niya si Ben Zayb at narinig ang
tungkol sa pagkakasakit ni Simoun.
Unti-unting lumalalim ang gabi ng duamating na si Paulita na kasama
si Doña Victorina at Juanito. Nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ang
dalawa. Doon niya nalaman na si Doña Victosina ang may gusto kay Juanito
at hindi siya. Nagtawanan ang dalawa. Napag-usapan nila ang kanik\-
kanilang pangarap at nagkapalitan sila ng pagtanaw sa kinabukasan.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Tunay na libre ang mangarap. Hindi masama ang mangarap. Ang
pangarap ang siyang inspirasyon sa kabila ng patuloy na paggalaw ng
mundo tayo ay mananatiling buhay at nakikipagsapalaran. Ngunit ang
pangarap ay mananatiling pangarap kung ang pagsasakatuparan nito ay
iaasa mo sa iba. May kasabihan nga tayo na “Nasa Diyos ang awa nasa tao
ang gawa.” Kaya naman para sa ating ikabubuti tayo ay magtiyaga at
maging masipag sa buhay. Lumaban para sa ating mga pangarap.
ANG MGA PANGARAP KABANATA

I. MGA TAUHAN
Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa
ipinaglalaban ng mga mag-aaral.
Tadeo - kamag-aral ni Macaraig.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita,
pamangkin ni Padre Florentino.
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta.
Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na
nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila
ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Pecson - isang matabang estudyante, at madalas
tumanggi sa lahat na
pinagsasangayunan ng lahat.

II. MGA TAGPUAN


Sa Bulwagan ng “Pansiterya Macamista de Buen Gusto”

III. BUOD
Nagkaroon ng kasiyahan ang mga estudyanteng kasapi ng akademya
sa kabila ng kanilang kabiguan. Naglagay ng paskil ang mga estudyante sa
loob ng pansiterya na nagsasabing “Luwalhati kay Don Custodio sa
kaitaasan at pansit sa lupa sa mga binatang may magagandang kalooban!”
Binigyan ng ibang pangalan ng mga estudyante ang mga ulam na kanilang
pinili at inihahandog sa mga naging sangkot sa pagpapatupad ng akademya.
At bigla nakita ang mga estudyanteng ang aliping ipinadala ni Padre Sibyla
na nagmamatyag sa kanila.

IV. KAHALAGAHAN SA KASALUKUYAN


Wala naman sigurong taong hindi nakaranas ng kahit isang kabiguan
sa buhay niya. Gayunpaman, ang kahalagahan nito ay dapat na sa kabila ng
kabiguan ay harapin ito. Ang taong marunong harapin ang hamaon ng buhay
ay magtatagumpay sa buhay. Tandaan natin na ang taong masayang
hinaharap ang pagsubok at may positibong pananaw sa bawat pagsubok na
dumarating sa kanyang buhay ay kahanga-hanga dahil alam natin na
panatag ito na malalagpasan.naman para sa ating ikabubuti tayo ay
magtiyaga at maging masipag sa buhay. Lumaban para sa ating mga
pangarap.

You might also like