You are on page 1of 1

Pamagat:

Ang Tatlong prinsipe ng Kalinaw

Mga Tauhan:
Prinsipe Tanyag – pangalawang anak ni Haring Lakan-Ilaw.

Prinsipe Tanglao – ang bunsong anak ni Haring Lakan-Ilaw.

Haring Lakan-Ilaw – ni minsan ay hindi nagagalit,nagpaparusa o nagbibilango ng Tao.

Prinsipe Tumibay – panganay na anak ni Haring Lakan-Ilaw.

Lugar:
Kaharian ng Kalinaw, saan mang dako ng daigdig na walang negosyo at pagawaan ng paputok,kanyon,lason at pampasabog at
walang dambuhalang pader.

Buod:
Kilala ang kaharian ng Kalinaw sa buong daigdig dahil itinatangi ang pinuno nilang si Haring Lakan-Ilaw na ni minsan ay hindi
nagagalit,di magpaparusa at di nagpabilango.Isang araw nagkasakit si Haring Lakan-Ilaw at walang pinakamainam na halamang
gamot. Ipinatawag niya ang tatlo niyang anak na sila Prinsipe Tumibay Prinsipe Tanyag at si Prinsipe Tanglao. Ihahabilin ko sa
inyo ang Kaharian ngunit isa lamang ang tatanghaling pinuno. Agad namang tinanggap ni Tumibay ang hamon ng hari, Ilang
lingo ang nakalipas dumating ang hukbo ni Tumibay, Manghang-mangha ang lahat sa dala nitong tipak na bato at sako-sakong
basag na salamin at agad inilagay sa ama. Pananggalang ang mga bato sa mga kaaway at ibubudbod ang bubog sa mga pader
upang umurong ang mga kaaway.

Sumunod naman na naglakbay si Prinsipe Tanyag, Ilang linggo ang lumipas dala nito ay sibat na noong inihagis nalaglag ang
sandaang buwitre at espada ay natatad ang laksa-laksang melon at pakwan at marami pangkamangha-mangha naganap.
Pinanghinaan ng loob ang bunsong prinsipeng si Tanglao, ngunit makalipas ang ilang linggo bumalik Ito dala ang alagang loro
kaya’t nangamba ang Hari at “bukas pa ng kapatid na ito’y nagliwaliw” ang kaalaman niya sa iba’t-ibang wika ang kanyang
inialay sa kanyang ama,Ayon sa kanya Ito ang lunas sa alitan at magbibigkis sa mga mamamayan. Napaluha sa tuwa si Haring
Lakan-Ilaw. Batid niyang magpapatuloy ang kanilang kaharian. At nagbunyi ang lahat sa pagkakahirang ni Tanglao.

Talasalitaan:
Buwitre-Ang mga ito ay mga ibong nanginginain ng bangkay o patay nang mga hayop.

Laksa-laksa-marami.

Nagliwaliw-naglibang.

Nagbunyi-nagdiwang.

Mga Aral:
-Nagpagtanto ko na hindi lahat ng materyal na mga bagay ang mas kailangan sa pagkakaisa ng mamamayan.

-Napag-alaman ko na hindi dapat sa isang nakamamanghang bagay ibinabase ang kahalagan ng anumang kundi sa anumang
gawaing makatutulong sa pagkakaisa at katahimikan ng isang pinamumunuan.

-Naramdaman ko na sa simpleng pamamalakad sa Kanilaw, Dapat iyon ang matutunan ng ating mga namumuno sa ating bansa.

You might also like