1. Mayroon kang lagnat. Ang gamot na nakagagaling sa iyo ay nagkakahalaga dati ng Php. 10 bawat piraso at bumili ka ng 10 piraso. Ngayon ang presyo ay Php. 15 bawat piraso. Bumili ka na lamang ng 8 piraso 2. Sa halagang Php 30 ay nakabili ka ng 2 bareta ng nakaugaliang brand ng sabon. Nang bumaba ang presyo nito sa Php 25, nakabili ka ng 5 bareta ng sabon. 3. Tumaas ang halaga ng paborito mong fishball mula 0.50 centavos tungong Php 1 bawat isa. Sa dati mong binibili na 20 piraso, ngayon ay 10 piraso na lamang ang iyong binibili. 4. Si Mang Erning ay may sakit na diabetes. Kailangan niya ng gamot na insulin batay sa takdang dosage na inireseta ng kaniyang doctor. Tumaas ang presyo nito mula Php 500 kada 10 ml. vial tungong Php 700 bawat 10 ml vial. Walang magawa si Mang Erning kundi bilhin ang iniresetang dosage ng doctor.