You are on page 1of 3

Axel: So guys, before we discuss the memoirs of Emilio, sino nga ba muna si Emilio Aguinaldo?

Some of them
are stated in the book na eh.

Jangle: Ayon sa aking mga nabasa, si Emilio Aguinaldo - was born on March 22, 1869 in Kawit, Cavite. He was the
seventh among the eight children of Carlos Jamir Aguinaldo and Trinidad Famy-Aguinaldo.

Hiro: Aguinaldo’s family was well off since his father was the community’s appointed gobernadorcillo of their
pueblo.

Gio: Sa pagkakaalam ko din - Tamad si Emilio na mag-aral at mahilig siya dati na maglaro. Nag-aaral siya sa
Colegio San Juan de Letran at mahilig siya magliwaliw ngunit may kakaunting hilig siya sa Geografia.
Ngunit, hindi niya natapos ang kanyang edukasyon dahil sa kolera, pero ikinatuwa niya pa ito dahil
makakauwi siya sa kanyang ina upang tumulong sa kanilang paghahanapbuhay.

Axel: But you know guys - nabanggit din dito ni Emilio na ang kanyang buhay ay umikot sa pagiging “martir”
mula noong siya ay sanggol pa lamang (na kung saan au nagkaroon siya ng malubhang bulutong at
inakalang patay na siya , at idagdag pa ang pagkagat sakanya ng mga langgam noong iniwan siya sa ilalim
ng kawayan) at sa pag-ibig (hindi siya nagustohan ng kanyang niibigan.

Axel: So now, let’s talk about his story and achievements according to the book. So who wants to start?

Hiro: -17 anyos pa lang siya noong 1886, siya ay naging Cabeza de Barangay upang mailigtas siya ng kanyang
ina sa sorteong pagsusundalo. Ang responsibilidad ng posisyong ito ay ang pagsingil ng cedula personal sa
mga taong nasa 18 hanggang 60 na gulang. Ang posisyon na ito ay tumagal sa kanya hanggang sa taong
1895. -Noong siya ay 25 na anyos, siya ay hinalal ng kanyang mga kababayan sa posisyong Capitan
Municipal na dating pinamagatang Gobernadorcillo, pinakamataas na tungkuling sa bayan.

Jangle: -Noong 1895, siya ay sumapi sa Masoneria na may bandilang Libertad, Igualdad, Fraternidad (Kalayaan,
Pagpapantay-pantay at pagkakapatiran). Siya ay bininyagan sa masonerya sa Logia 1 Pillar sa Imus, Kabite
sa taguring “Colon.”Siya rin ay sumali sa “Katipunan ng mga Anak ng Bayan” na pinangalanan ni Andres
Bonifacio dahil napusuan niya raw ang kapatiran na ito. Nalaman niya ang tungkol sa kapatiran na ito sa
kanyang kababata na si Santiago Alvarez.

Gio: -Iginiit ni Emilio na sila ni Andres ay nagkaroon ng mabuting pagkakaibigan sa pagkasapi niya sa Katipunan
at naging maganda ang kanilan samahan. -Sa unang araw ng Enero sa taong 1896, siya ay nakipag-isang
dibdib kay Bb. Hilaria del Rosario. Ang una nilang anak ay naisilang noong ika-10 araw ng Oktubre ng 1896.
-Sa umaga ay ginagampanan niya ang kanyang tungkulin bilang Capitan Municipal at sa kinagabihan
naman, siya ay isang miyembre ng Katipunan.

Jangle: -Natuklasan naman ang katipunan noong nagkuwento ang kabiyak ni Teodoro Patiño kay Padre Mariano
Gil, kura sa tondo at ginugupitan rin nita ni T.Patiñp pag siya’y umuuwi. Nagtapat ang kura at ang barber
sa ika-19 Agosto, 1896. -Lumabas ang samahang ito sa pahayagan sa Maynila tulad ng diyaryong “El
Comercio: na may lista ng kasapi sa Katipunan. Nagimbal ang buong samahan at nagtago-tago pagkatapos
nilang matuklasan.

Axel: Does anyone know when and where did Emilio first strike the Spaniards?

Hiro: -Ang unang pagsalakay ng grupo nila Emilio sa kalaban ay naganap noong unang araw ng Setyembre 1896
sa Imus, Kabite. -Nagtagumapay sila sa pagsasalakay at pinasalamatan sila ng mga taga Imus at sila’y
pinakain dahil sila na ay Malaya mula sa kamay ng mga Kastila. -Ngunit sila naman ay nabigo sa Kastila sa
kanilang labanan na naganap sa Bakood sa ika-2 araw ng Setyembre 1896.

Gio: -Ngunit nakabawi naman sila sa laban sa hukbo ni Heneral Aguirre noong ika-3 araw ng Setyembre 1869.
Nakamit nila ang tagumpay at nakakuha ng 70 baril na Remington at humiyaw sa sigla at tuwa ang kanila
kababayan. -Nasalakay din nila ang Talisay, Batangas na kung saan nagsitakbuhan ang mga kawal ng
Espanya na hinabol ng matatapang na hukbong Pilipino.

Jangle: -Isa sa kanyang pinakamadugong labanan ay ang nauntol ang kanilang pagsakop sa Bañadero, Tanawan
dahil sa sulat na ipinahatid ng kanilang Pangulo sa Magdalo na si Balderamo Aguinaldo. Naagaw sa kanila
ng Kastila ang unang nilang kuta sa Binakayan sapagkat itinakwil sila ng isang kawal sa hukbong Crispulo
Aguinaldo. Kahit madugo ang labanan ay nabawi parin nila ang baterya sa kamay ng mga kalaban.
Axel: In the book, he also stated the difference between the Magdalo ang Magdiwang. So what are their
differences?

Jangle -Ang Magdiwang ay may monarkiyang Sistema at ang Supremo na si Andres Bonifacio ang naghahari nito.
-Samantalang ang Magdalo naman ay may sistemang pangrepublika at ang Pangulo nito ay si Balderamo
Aguinaldo.

Hiro: Sinabi ni Aguinaldo ang dahilan kung bakit pinili ng Andres ang pangalang “Magdiwang” sapagkat mahihilig
sa sila sa marangya at magandang pangalan”. Samatalang ang pangalang “Magdalo” naman ay hango sa
kanila patrona na si Sta. Magdalena.

Axel: Let’s talk about the events in Tajeros, Gio any ideas?

Gio: -Kinumbinse si Emilio ng kanyang kapatid na si Crispulo Aguinaldo na manumpa sa Tejeros at sumunod
naman ito. Naagaw sa kanila ang Pansong Satol dahil hindi sumaklolo ang mga kawal sa Magdiwang. -
Nalaman niya kay Koronel Vicente Riego de Dios na siya ang hinalal bilang pangulo ng Bagong
Pamahalaang pinagsanib sa eleksyn at kinakailangan niyang umuwi upang manumpa at gamapanan ang
kanyang tungkuling. -Nalaman rin sakanya ang nangyari sa pagpupulong sa Tejeros gaya ng ilang beses na
pagkatalo ng Supremo at ang kaguluhang naganap nag-anunsyo si Daniel Tirona na ang supremo ay hindi
nababagay sa huling posisyon na kanyang napanalunan.

Hiro: -Nainsulto nito ang Supremo at hinablot ang kanyang baril na ikinagulo ng lahat. Umalis sa pagpupulong
ang Supremo dahil sa sama ng loob at sinabing walang bias ang naganap na halalan dahil sa kanyang
posisyon na Pangulo ng Pagpupulong sa Tejeros. Hindi ito nasunod sapagkat may pumalit sa posisyon ng
Supremo at ipinagpatuloy ang pagpupulong na iyon.

Jangle: -Noong ika-19 ng Abril, 1897 ay natuklasan ni Emilio kay Komandante Lazaro Makapagal na nagkaroon ng
pagpupulong ang Supremo at ikinulong niya ang mga kawal sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga ito
at tsaka kukulungin sa kanyang bahay. -Laking pasasalamat niya sa diyos at nakuha niya ang kanyang mga
kawal sa kamay ng Supremo na inaanyayahan ang mga kawal na makipagguerra laban kay Emilio sapagkat
siya ay isanag traydor sa bayan.

-Dahil dito ay hinuli ang magkakapatid na Bonifacio dahil sa kanilang paglinlang sa mga kawal ni Emilio na
ikadudulot ng Guerra civil sa kanyang kababayan. Dahil ditto ay hinatulan ang magkakapatid ng kamatayan
dahil sa pagtataksil sa bayan (Traicion), pagbabangon (Sedicion), at Pagbabanta ng Ganting himagsik
(Rebelion).

Gio: -Ayon kay Aguinaldo, nagkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan ang dalawang panig sapagkat
makailang beses siyang tinaggihan ng Supremo ng siya ay humingi ng tulong sa pwersa ng mga kawal
lalaban sa Kastila.

Gio: Pero alam niyo -Bago pa man nagkaroon ng elekyon sa Tejeros ay nagkaroon muna ng pagpupulong ang
dalawang sanggunian noong ika-28 ng Disyembre, 1896.

Hiro: -Matapos hatulan ng kamatayan ang magkakapatid na sina Andres Bonifacio at Procopio Bonifacio sa
pamamagitan ng Consejo de Guerra ay dumating ang grupo ni Aguinaldo sa Biak na Bato, San Miguel
Bulacan noong 1897. -Mabilis na lumaganap ang himagsikan sa mga bayan ng Bulcan, Nueva Ecija, Tarlac,
Bataan, Zambales, Pangasinan, Laguna Batanggas at iba pa. -Ito ay nakapagpabahala sa mga Kastila kaya’t
binalak nilang humingi kay Aguinaldo ng kasunduan. -Ipinadala ng Espanyol ang mayamang Pilipino na si
Pedro A. Paterno upang pag-isahin ang mga manghihimagsik at mga Kastila.

Hiro: *Nakalimutan ang mga kasunod.

Jangle: -Unang hiningi ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas ngunit hindi sumang-ayon ang mga espanyol. -
Hanggang sa nangyari na nga ang “Pakto ng Biak na Bato” na nilagdaan noong Disyembre 16, 1897. -
Kasama sa mga kondisyon ay ang paglisan ni Emilio Aguinaldo at mga pinunong manghihimagsik at
malayang manirahan sa Hongkong at ang pagbayad kay Emilio ng 800,00 daang libong piso sa kapinsalaang
nagawa ng nasabing digmaan.

Axel: I’m astonished by Emilio Aguinaldo.

Axel: -Sa Gunita ng heneral, dito niya naikuwento ang kanyang husay at talino sa pandirigma at ang kanyang
kakayahan na mamuno sa kanyang mga kasamahan. Naipahiwatig niya rito na siya ay kilala dahil sa
sobrang laki ng kanyang naiambag sa lipunan upang makalaya ang Pilipinas sa mga Kastila. Dito niya
naisaad na siya ay isang pinuno at marami siyang naiambag sa mga labanan na kaniyang pinangunahan.

Jangle: -Si Emilio Aguinaldo ang unang nahalal na pangulo sa republic ng Pilipinas. Siya rin ang nagproklama ng
kalayaan sa Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Ang kakayahan nya sa pagiging military ang
naging dahilan upang Malaya ang bansang Pilipinas sa mga mananakop.

Axel: -Ang aklat na kanyang ginawa ay nagsilbing “mata” para sa mga Pilipino kung ano ang nangyari noong
panahong himagsikan. -Ito ay pinamagatang “Gunita ng Himagsikan”. Ang aklat ay isinulat mula 1928-
1946. Nakasulat ang orhinal na teksto nito sa wikang tagalog. Sa aklat nakasulat ang mga pangyayari at
ang mga gyerang naganap laban sa kalayaan para sa bansang Pilipinas na nasaksihan at isinapuso ni Emilio
Aguinaldo at mga iba pang katipunero.

You might also like