You are on page 1of 36

[Type text] Page 1

“Epekto ng May Karanasan At Walang Karanasan sa


Pagsali sa SSG sa Pamumuno Ng Mga Estudyanteng
Kabilang Dito”

[Type text] Page 2


DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 10, ang


pamanahong-papel na ito na pimagatang Epekto ng May Karanasan At Walang Karanasan
sa Pagsali sa SSG sa Pamumuno Ng Mga Estudyanteng Kabilang Dito ay inihanda at
iniharap ng mga mananaliksik mula sa GLAFJENHS na binubuo nina:

______________________________ ___________________
Rachelle Jeremy A. Mijares Mariel B. Cobacha

Tinatanggap sa Ngalan Kagawaran ng Filipino,Governor Luis A. Ferrer Junior East


National Highschool, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 10,
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

_________________________
Gng. Jeruzelle Pateño

[Type text] Page 3


PAGPAPASALAMAT

Lubos kaming nagpapasalamat unang-una sa ating Diyos sa pagbibigay sa amin ng


gabay upang magawa ang aming proyekto,pati na din sa aming guro na si Ma’am Jeruzelle
M. Pateño na nagbahagi ng kanyang kaalaman upang magamit at makatulong sa paggawa
ng pamanahunang papel na makakapaghanda din sa amin sa pagtungtong namin sa
kolehiyo.

Nagpapasalamat kami sa mga institusyon,iba pang indibidwal at pangkat na


nakatulong sa pagsusulat ng aming pamanahunang papel katulad nalang ang mga
estudyanteng bumubuo ng Supreme Student Government,ang kanilang advisers at ang
buong AP/ESP Department. Unang una,sa kanilang oras at walang sawang paggabay sa
amin,sa kanilang angking talento at mga pagkukunan (resources). Hindi magkakaroon ng
Survey ang aming pamanahunang papel kung wala kayo at marahil mahihirapan kami sa
pagsulat ng papel kung wala ang mga payo ng advisers.

[Type text] Page 4


TALAAN NG NILALAMAN

 Pahinang Prelimenary
 Blank Page 1
 Pamagatang Pahina 2
 Dahon ng Pagpapatibay 3
 Pagpapasalamat 4
 Talaan ng Nilalaman 5
 Talaan ng Graph/Talahayan 6
 Blank Page 7
 Kabanata 1: Suliranin at Kaligiran 8
 Introduksyon 9
 Layunin sa Pag-aaral 11
 Kahalagahan ng Pag-aaral 12
 Saklaw at Delimitasyon 13
 Depenisyon at Terminolohiya 14
 Kabanata 2: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 15
 Kaugnay na Pag-aaral 16
 Kaugnay na Literatura 19
 Kabanata 3: Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik 23
 Uri ng Pananaliksik 24
 Respondents ng Survey 25
 Instrumento ng Pananaliksik 27
 Talahanayan 28
 Mga Graph 29
 Kabanata 4: Lagong,Konklusyon at Rekomendasyon 30
 Lagong 31
 Interpretasyon 32
 Mungkahing Solusyon 33
 Kabanata 5: Mga Huling Pahina 34
 Listahan ng Sanggunian 35
 Appendix 36

[Type text] Page 5


TALAAN NG GRAPH

Epekto ng Pagsali…………………………………………………………………………….29
Naramdaman………………………………………………………………………………….29
Gusto Pang Sumali…………………………………………………………………………...29

[Type text] Page 6


[Type text] Page 7
KABANATA 1:

Suliranin at Kaligiran

INTRODUKSYON

[Type text] Page 8


Ang pamumuno ay hindi lamang kapangyarihan at karangalan, manapa’y isang tungkulin at
pananagutan sa bawat taong sakop ng pamamahala ng isang pinuno o lider.

TATLONG katangian ang dapat taglayin ng isang tunay at tapat na lider:


1.Kilala niya ang kanyang nasasakupan
2.May pangitain siya o vision
3.At mahigpit siyang kalaban ng katiwalian (corruption)

Ang pamumuno ay isang bihira at mahalagang katangian ng isang indibiwal. Kung walang
mga pinuno na mangunguna at mangangasiwa para hubugin ang isang pangkat, samahan, o
kalipunan ng mga tao, ang lipunan ay mauunsyami at walang patutunguhan. Ganito din ang
nangyayari kung hindi matino at walang pagmamalasakit sa kapakanan ng mga nasasakupan
ang isang namumuno, kawangis ng kasalukuyang nararanasan.

Ang tunay na kalagayan ng isang lipunan ay nararapat lamang ibatay sa uri ng kanyang mga
pinuno o sa mga taong umuugit sa pamahalaan. Kung sino ang iyong pinuno sa lipunang
iyong kinabibilangan, ay siya ring uri ng pamamahala na iyong matitikman. Matiwasay o
masalimoot man ito, nasa uri ng pinuno ito nakasalalay. At nasa atin naman ang sagradong
kapasiyahan na palitan sila, kung sila ay pawang problema ang ginawa sa halip na mga
solusyon.

Ang Student Government Program (SGP) ay ang programa sa Pilipinas para sa mag-aaral na
namamahala sa mga paaralang elementarya at sa mga sekundaryong paaralan ng
Department of Education, sa ilalim ng Office of the Undersecretary for Regional Operations.
Ito ay ang nangunguna sa lahat ng co-curricular student na mga organisasyong awtorisado
na ipatupad ang mga may kinalaman na programa, proyekto, at mga gawain sa mga paaralan
sa Pilipinas bilang sa pamamagitan ng Department of Education.

Ang Pilipinas ay isang komplikadong mag-aaral unyon na may iba't ibang mga pangalan tulad
ng student government, ang katawagan na ginagamit sa lahat ng mga pampublikong
sekundaryong mga paaralan at ang ilan sa mga unibersidad at / o kolehiyo at student council
para sa karamihan ng mga kolehiyo / unibersidad.

Ang Supreme Student Government ay ang pinakamataas na namamahala sa katawan ng


buong pagkamag-aaral. Ito ay sumisikap upang bumuo ng mga kasanayan sa pamumuno at
mga katangian ng lahat ng mga lider ng mag-aaral sa loob ng saklaw at hurisdiksiyon;
nagsusumikap upang maka-impluwensya sa pagkamag-aaral ng estudyante na magkaroon
ng maingat na kamalayan ng kanilang mga pangunahing mga karapatan bilang mga mag-
aaral at bilang isang mamamayan ng bansang ito at ang mga benepisyo at pribilehiyo na
upang sila ay makakuha o sila ay may karapatan bilang mga mag-aaral ng paaralang
kinabibilangan nila.

[Type text] Page 9


Sa pangkalahatan, ang Supreme Student Government ay naglalayong impluwensiya at
magkaroon ng mga student lider pati na rin lamang mga mag-aaral na maging mapagbantay
at aktibong mamamayan sa kani-kanilang mga komunidad at sa bansa bilang isang buo-na
sila ay positibong makilahok, at hindi dapat magwalang bahala sa mga problema at mga isyu
na sa kalahatan ay nakakaapekto sa kanilang komunidad at ating bansa bilang isang buo.

[Type text] Page 10


LAYUNIN SA PAG-AARAL

Ang una naming layunin sa pag-aaral ay maipakita ang epekto ng mga estudyanteng may
karanasan at walang karanasan sa pamumuno sa Supreme Student Government at kung
paano nito binago at patuloy na binabago ang pagganap ng mga estudyante sa kanilang
klase. Layunin din namin sa pag aaral ay maipakita kung paano hinuhubog ng Supreme
Student Government (SSG) ang pamumuno ng mga estudyante sa kanilang mga batang
panahon hindi lang sa klase kundi pati sa buong paaralan.

[Type text] Page 11


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa pamamagitan ng Supreme Student Government (SSG),ang mga estudyante sa


pamamagitan ng kanilang karanasan at mga napulot na kaalaman sa kanilang pamumuno,
maipapakita ang pagbabago sa kanilang mga sarili,at patuloy silang magiging responsableng
mamamayan sa kasalukuyan.

[Type text] Page 12


SAKLAW AT DELIMITASYON

SAKLAW
Ang pamanahunang papel na ito ay may kinalaman sa pagkamit ng layunin na:
 Upang malaman kung anong epekto ng mga estudyanteng may karanasan at walang
karanasan sa pamumuno sa Supreme Student Government.
 Upang malaman kung paano hinuhubog ng Supreme Student Government (SSG) ang
pamumuno ng mga estudyante.
 At upang maipapakita ang pagbabago sa mga estudyante.
Sa nasabing paksa:
 Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga estudyanteng kabilang at naging kabilang ng
Supreme Student Government (SSG) kung paano sila natulungan at hinuhubog ng
kanilang karanasan at kaalaman sa pagsali dito.
Sa pagpapakita ng aspekto ng pag-aaral:
 Maisasagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
survey na kung saan pipili ang mga mananaliksik ng sampu hanggang benteng estudyante
na naging kabilang at patuloy na kabilang dito na nag aaral sa GLAFJENHS.
DELIMITASYON
Ano:
 Ang pananaliksik na ito ay may limitasyon sa parte ng paaralan, kung paano
nakatulong ang pagkakaroon ng paaralan ng ganitong mga institusyon at kung paano din
nakatulong ang mga estudyanteng opisyal na kabilang dito,pagdating sa paaralan sa
pamamagitan ng kanilang mga plataporma.Hindi din masasabi ang mga pagkukulang ng
dalawang panig at kung saan sila humihina.
Sino:
 Ang pananaliksik na ito ay para lamang sa mga estudyanteng kabilang at dating
kabilang sa Supreme Student Governement ng GLAFJENHS.
Saan:
 Ang pananaliksik na ito ay magaganap sa Governor Luis A. Ferrer Junior East National
Highschool (GLAFJENHS).

[Type text] Page 13


DEPENISYON AT TERMINOLOHIYA

[Type text] Page 14


[Type text] Page 15
KABANATA 2:

Mga Kaugnay Na Pag-aaral at Literatura

[Type text] Page 16


KAUGNAY NA PAG-AARAL

Madami ang naghahangad na maging Leader. Madami din ang ayaw? At madami din ang
mga iba't-ibang dahilan kung bakit gusto nilang maging Leader. Ano ba ang ibig sabihin ng
Leader? Ayon kay John Maxwell, " his definition of leadership as "leadership is influence -
nothing more, nothing less." at kay Warren Bennis, ito ay"definition of leadership is focused
much more on the individual capability of the leader : "Leadership is a function of knowing
yourself, having a vision that is well communicated, building trust among colleagues,
and taking effective action to realize your own leadership potential.". Ating talakayin ang 2
part series na ito patungkol sa Leadership at simulan natin alamin sa Unang Serye na ito ang
iba't-ibang klase o uri o istilo ng pagiging Leader. Sa definition, ikaw ay matatawag na Leader
kung ikaw ay meron follower o tagasunod. Ngunit hindi lahat ng may follower ay mahusay na
Leader. Ito rin ay may iba't-ibang katawagan sa panahon ngayon mula sa pinakamaliit
hanggang sa pinaka mataas na aspeto ng lipunan. Tulad ng isang ama sa isang tahanan;
Bgy Captain sa inyong Baranggay; Manager sa corporate world; Supervisor o Team Leader
sa Operations; hanggang sa Pangulo ng Pilipinas. Ito ay mga Leader sa dahilang meron itong
mga nasasakupan o followers.

Ngunit sino ba? ang pamantayan natin sa pagiging Leader, of course ang ating Panginoong
Hesus meron siyang 12 disciples at ang kanyang impluwensiya sa buhay ng kanyang mga
disciples: kanyang aral, pamumuhay, pananampalataya, at sariling buhay ay ibinigay niya
sa kanyang mga follower at sa lahat ng tao. Ngunit...hindi naman natin sinasabi na
kinakailangan maging perpekto ka o banal para maging mahusay na Leader...dahil lahat tayo
ay makasalanan. Ngunit isang malaking bagay sa isang Leader na maging patotoo niya ang
kanyang buhay upang siya ay maging kredibol na Leader. Ang sabi nga nila..."paano mo kami
gagabayan kung ang sarili mong buhay ay di-mo

ma-iwasto." It's true that charisma can make a person stand out for a moment, but character
sets a person apart for a lifetime". Kung ikaw ay Leader...maaaring sumusunod lang sa'yo sa
dahilang sila ay napipilitang sumunod dahil ikaw ay Supervisor o Manager. Ngunit, hindi sila
sumusunod sa iyo dahil sa naniniwala sila sa'yong kakayanan o masaya silang ginagawa ang
mga bagay na ipinagagawa mo."Successful leadership is about 90% people knowledge and
10% product knowledge."

[Type text] Page 17


Meron 3 klaseng popular na estilo ng pagiging isang Leader, at ito ang mga
ss: 1) Authoritarian leaders, also known as autocratic leaders, provide clear expectations for
what needs to be done, when it should be done, and how it should be done. There is also a
clear division between the leader and the followers. Authoritarian leaders make decisions
independently with little or no input from the rest of the group. Ito ang mga klase ng leaders
na mas kilala sa tawag na "Bossy" wala siyang paki-alam sa opinyon o suggestion ng
kanyang mga tao. "All knowing" ang boss na ito siya ang masususnod walang masyadong
relasyon sa kanyang mga empleyado o tauhan. May kilala ba kayo na ganito? 2) Participative
Leadership (Democratic) Lewin’s study found that participative leadership, also known as
democratic leadership, is generally the most effective leadership style. Democratic leaders
offer guidance to group members , but they also participate in the group and allow input from
other group members. Participative leaders encourage group members to participate, but
retain the final say over the decision-making process. Group members feel engaged in the
process and are more motivated and creative. (Ito ang klase ng leader na binibigyan ng
opurtunidad ang opinyon ng lahat na mapakinggan pero siya pa rin ang mayroon "final say".)

3) Delegative (Laissez-Faire) Leadership - Delegative leaders offer little or no guidance to


group members and leave decision-making up to group members. While this style can be
effective in situations where group members are highly qualified in an area of expertise, it
often leads to poorly defined roles and a lack of motivation. ( Ito ang mga Leader na mahilig
mag delegate upang halos wala na siyang gawin as a Leader...naka masid na lang, kulang sa
kaalaman at walang malinaw na delegasyon ng mga gawain.) “Relational skills are the most
important abilities in leadership.” At ito ang madalas na kulang sa mga Leader, ating silipin na
lang ang maliit na elemento, ang pagiging Supervisor sa isang opisina o trabaho. Kung ikaw
ay mayroong mga 6-10 tao na hinahawakan. Ang concern mo ay mas mahalaga ang "power
tripping" o "personal gain" gamitin ang iyong posisyon to take advantage of other people.
Being a leader you must be," You can have strong people skills and not be a good leader, but
you cannot be a good leader without people skills. " a good motivator, a good example, a
leader with integrity, a leader with a vision and a leader of multiplying another leaders.

Ayon kay John Maxwell, a famous author. ang madalas na nagiging problema ng mga
kumpanya is "how to create a good and effective leaders" . Sa dahilang they are under

[Type text] Page 18


pressure to create one Leader that's what he called " Fast food chain Leader". Isang leader
na hindi pa hinog at walang motivation sa sarili. As if you're trying to put a person in a
microwave oven and set the timer and after a couple of minute....presto! there's your Leader.(
a microwave oven leader ). Madalas hindi na consider ang character ng isang tao to be an
effective leader since he/she came from a microwave...then we produce a popcorn
leaders. Eversince my principle is this...in order to be a good and effective Leader you must
have something(wether that's good ideals,aspirations,belief,vision,motivations and skills) in
order to be able to give something. "Ano ang maituturo o maibibigay mo sa iyong mga
tauhan...e kung ikaw mismo e dapat pang turuan." Paano ka magtuturo ng kabutihan, kung
walang kabutihan na makikita sa'yo? Paano ka magtuturo ng encouragement , kung ikaw
mismo ay madaling ma depressed at hindi marunong magdala ng sarili mong problema sa
buhay? paano ka magtuturo ng Disiplina, e kung ikaw mismo ay walang Disiplina sa buhay
mo? paano ka magtuturo ng integridad, e kung ikaw mismo ay walang Integridad? Paano ka
magtuturo ng tamang perspektibo sa buhay at tamang kaisipan...e kung ikaw mismo ay
mapanira ng iyong kapwa at mapag-gawa ng kuwento? Paano ka ba naging Leader? aba
ewan ko itatanong ko sa lolo ko?"

Ating tandaan palagi na," Character creates consistency, and if your people know what they
can expect from you, they will continue to look to you for leadership." Oh Ano? Leader ka nga
ba talaga? - Usapang Barbero

http://leaderbaako1.blogspot.com/

[Type text] Page 19


KAUGNAY NA LITERATURA
Balita: Kandidato ng SSG, isinalang sa Press Conference
Inilatag ng bawat grupo ng kandidato ng Supreme School Government (SSG) officers ang
kani-kanilang plataporma para sa susunod na taon, sa isinagawang press conference sa
Computer Laboratory, Peb. 16.
Inamin ng grupong Wise Intention For Individual (WIFI) na 80 porsiyento lamang ang
kasiguraduhan na maipapatupad ang lahat ng kanilang plataporma. Kabilang na rito ang
kaayusan sa pananamit ng bawat estudyante, Proper Waste Management, Free Tutorial,
SARDO, wastong pagdidisiplina sa mga mahuhuling nagka-cutting class at ang paglalagay ng
freedom wall.
“Napagpasyahan naming maglagay ng freedom wall, para naman matigil na ang pagba-
vandalism ng mga estudyante sa CR.” sagot ni Appke Claire Benito (tumatakbong Kalihim ng
SSG) nang tanungin siya sa kahalagahan ng paglalagay ng freedom wall.
Hindi naman nagkalayo ang plataporma ng grupong Enhance the Development of Individual
With the help of governance Of Well first state (EDI WOW) sa naunang grupo. Katulad na
lamang ng wastong pananamit at ayos ng mga estudyante, pagpapanatiling maayos ng silid-
aralan, Proper Entrance and Exit at freedom wall.
Ayon din sa kanila, nasa 85 porsiyento lamang ang kanilang kasiguraduhan sa pagpapatupad
ng kanilang plataporma.

“Hindi naman namin sinasabing 100% magagampanan namin yung mga planong ito,” pag-
amin ni Sheena Perez (tumatakbong SSG President, EDI WOW Group).
Bagama’t kapwa aminado ang parehong grupo sa maaaring maging resulta ng kanilang mga
inihaing plataporma; sinigurado naman nila ang kanilang sapat na atensyon sa pamamahala
ng mga estudyante.
“Ibibigay namin yung best namin at makikipagtulungan kami sa iba’t-ibang organization ng
school.” paliwanag ni Catherine Santos (tumatkbong SSG president, WIFI Group). (Alma Mae
Trilles)
http://umalohokan2003.blogspot.com/2015/02/balita-kandidato-ng-ssg-isinalang-
sa.html

[Type text] Page 20


Ang mga pinuno ay hindi ipinapanganak. Sila ay nahuhubog. Walang sinuman ang
makapagsasabi kung sino ang karapat dapat na maging pinuno. Gayunpaman, tayo ay
binibigyan ng pagkakataon upang pumili ng taong sa tingin natin ay kaya tayong pamunuan at
pagsilbihan. Ang oportunidad na ito ay nangyayari lamang minsan sa isang taon. Kung kaya’t
nawa’y huwag itong balewalain at abusuhin. Nawa’y ito’y magsilbing daan sa inyo upang
iluklok ang mga taong makatutulong at handing tumulong sa inyo.
Malamang, ay may mga napipinta na kayong mga kandidato. Ngunit tatanungin ko kayo. Sila
ba’y mga kandidatong ikaw mismo ang pumili o dili kaya’y nagpatianod ka lamang sa agos ng
kanilang popularidad, panlabas na katangian o kaya’y pangangampanya ng mga guro? Sila
ba’y pinili mo mismo o ikaw ay nakikibagay lamang sapagkat kabilang kayo sa iisang
pangkat? Nasisigurado ko na ang mga iba sa inyo ay may mga agam-agam pa sa mga
kandidatong kanilang iluluklok. Iyan ay karaniwan lamang.
Malapit na ang eleksyon. Samakatuwid, ito’y bukas na. Kung kayo’y binabagabag sa kung
sino at kung aling partido ang iyong pipiliin, mayroon akong katanungan na maaaring
tumulong sa inyo sa pagpili ng kandidato. Ang kandidatong iyon ba ay papansin at
magtatanong sa inyo kung ano ang ibig mo pagkatapos niyang makuha ang posisyong
kanyang hangad? Ang kandidatong iyan ba lalapit at diringgin ang iyong mga saloobin at
patuloy na gagabay at maglilingkod para sa kapakanan ng mga mag-aaral at ikagaganda ng
ating paaralan matapos niyang makamit ang ininais na posisyon? Siya ba’y mananatiling
tapat sa mga sinumpaang pangako at maging responsable sa mga tungkuling inatang sa
kanya?
Pakatandaan, walang tamang sukatan kung sino ang karapat dapat. Ngunit may magagawa
tayo upang ang ating mga lider ay mananatili bilang lider at hindi lider lideran lamang.
Huwag kayong pauto sa mga sabi-sabi. Huwag kayong pakukuha sa mga kampanyang
nagsasabing si ganito at ganyan ang tamang kandidato sapagkat sila ay higit na
nakakatanda. Walang pinipiling gulang sa pagiging lider. Hindi nakukuha sa senyoridad ang
pagiging lider. May mga matatanda nga, ngunit masakit mang aminin, kung minsan higit pang
nakakaunawa ang mga bata kesa sa mga matatanda. Ang gulang o edad ay nagsasabi
lamang kung gaano ka katagal nang namamalagi dito sa lupang ibabaw. Hindi ito ang
pamantayan kung gaano kalawak mag-isip ang isang indibidwal at kung gaano katatag ang
kanyang prinsipyo.

[Type text] Page 21


May mga nagsasabing hayaan na lang muna natin ito sa mga nasa ika-apat na taon sapagkat
mayroon pa namang pagkakataon para sa aming. Ito lamang ang aming tugon, kaya mo
naman ang magsilbi sa paaralan at sa mga mag-aaral nito ngayon? Bakit mo pa
ipagpapaliban ang mga mabubuti mong hangarin sa ating paaralan sa susunod pang mga
taon kung kaya mo naman nang simulan ito ngayon. Diba nga’t daig ng maagap ang masikap
? Iisa lamang ang ating mga hangarin. Iyan ay ang pagtutulungan, pagkaka-unawaan at
pagkakapit bisig tungo sa higit pang ikakaganda ng ating paaralan. Tayo nawa ay maging
ehemplo ng kabutihang asal. Tayo nawa ay maging modelo ng isang mapagkakatiwalaang
lider.
Sa pagtakbo pa lamang ninyo ngayong halalan, pinatunayan na ninyo na handa kayong
maglingkod sa kapwa ninyo mga estudyante at nakahanda kayong tanggapin and malaki at
mabigat na responsibilidad ng pagiging lider.
Huwag kayong panghinaan ng loob sa mga paninira. Panatilihin nating nakaapak ang ating
mga talampakan sa lupa at huwag kalimutan na sa tunay na paglilingkod, hindi kailangan ng
titulo. Ang tunay na lider ay may paninindigan, tapat sa tungkulin at iniisip ang kapakanan ng
nakakarami bago ang sarili. Ikaw ang tunay na lider.
http://ltagreenair.blogspot.com/2011/09/talumpati-kampanya-para-sa-ssg-sir-eric.html

[Type text] Page 22


KABANATA 3:

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

[Type text] Page 23


URI NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng


pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na
gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”, na gumagamit ng talatanungan (survey
questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang
disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula
sa maraming respondent.
Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng
disenyong ito sy hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung
kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kungsaan
maari ring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng
mga datos at impormasyon.
Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging
mabisa sa pagaaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa
pananalisksik.
Ang naisagawang pananaliksik ay kinabibikangan rin ng qualitative research kung
saan inilahad ng mga respondent ang kanilang karanasan sa pamamagitan ng pagsasagot ng
mga tanong.
Qualitative Research is collecting, analyzing, and interpreting data by observing what
people do and say. Whereas, quantitative research refers to counts and measures of things,
qualitative research refers to the meanings, concepts, definitions, characteristics,
metaphors, symbols, and descriptions of things.

[Type text] Page 24


RESPONDENT NG SURVEY

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang “Epekto ng May
Karanasan At Walang Karanasan sa Pagsali sa SSG sa Pamumuno Ng Mga
Estudyanteng Kabilang Dito” ang pagpili ng respondente ay mga estudyante na naging
kabilang at patuloy na kabilang sa SSG.

Ang mga respondente sa pagsusuring ito ay ang mga estudyante na nasa baiting
7,8,9, at 10 ng Governor Luis A. Ferrer Junior East National Highschool. Malayang pumili ang
mananaliksik nang dalawampu’t walong (20) na estudyante na maaring kumatawan sa
kabuuan ng pag-aaral.

[Type text] Page 25


INSTRUMENTO SA PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang pangunahing


instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay ang
survey ukol sa paksang pinagaaralan. Ang survey ay nagbigay ng iba’t ibang persepsyon sa
estudaynte tungkol sa kung papaano nakatulong sa kanila ang pagsali sa Supreme Student
Government (SSG).
Narito ang sipi ng survey questionaire upang lubos na maunawaan ang komposisyon ng
mga talatanungan na ginamit sa pag-aaral.

[Type text] Page 26


PANGALAN: _____________________________________________
_____________________________________________
BAITANG AT SEKSYON: _____________________________________________
PANUTO: Sagutin ng maayos ang sumusunod na mga _____________________________________________
tanong;maging matapat sa iyong pagsagot. _____________________________________________

1.) Kung kasalukuyan kang namamahala ng SSG ano 7.)Paano mo masasabing ginagampanan/ ginampanan
ang iyong posisyon? mo ang iyong posisyon?Magbigay ng ilang detalyeng
________________________________ paraan.
2.) Kung hindi ka naman kasalukuyang namamahala sa _____________________________________________
SSG ano ang dati mong posisyon? _____________________________________________
________________________________ _____________________________________________
3.) Kung ikaw ay may karanasan na sa pamumuno,anu- _____________________________________________
ano ang mga naging epekto nito sa iyong pagsali sa _____________________________________________
SSG?
8.)Paano nakatulong sa iyo ang pagsali sa SSG?
____________________________________________ Magbigay ng ilang karanasan na iyong napulutan ng
____________________________________________ aral.
____________________________________________
____________________________________________ _____________________________________________
____________________________________________ _____________________________________________
____________________________________________ _____________________________________________
_____________________________________________
4.) Kung ikaw naman ay walang karanasan sa _____________________________________________
pamumuno,anu-ano ang naging epekto nito sa iyong
pagsali sa SSG? 9.)Paano mo naman ito napapahalagahan? Magbigay
____________________________________________ naman ng ilang kaalaman na iyong natutunan.
____________________________________________
____________________________________________ _____________________________________________
____________________________________________ _____________________________________________
____________________________________________ _____________________________________________
__ _____________________________________________
5.)Anu-ano ang mga nakita mong pagbabago sa iyong _____________________________________________
sarili nang sumali ka sa SSG? _____________________________________________
____________________________________________ _____________________________________________
____________________________________________ _____________________________________________
____________________________________________ 10.) Ano ang iyong masasabi sa pagsasali sa SSG? Ano
____________________________________________ ang iyong naramdaman?
____________________________________________
____________________________________________ _____________________________________________
_____________________________________________
6.)Paano ka hinubog ng SSG sa iyong pamumuno at pati _____________________________________________
na din sa ibang aspeto ng iyong sarili? _____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

[Type text] Page 27


TALAHANAYAN NARAMDAMAN SA PAGSALI SA SSG

Bittersweet 1

GUSTO PANG SUMALI NG Maganda at


2
SSG Fullfilling

Nakakaiyak 2
OO HINDI
Proud 1

10 5 Malungkot 2

Nakakadepressed 2

Masaya 10
EPEKTO NG PAGSALI SA SSG

Nakakapresyur 11
Nagiging Aktibo 6
Wala 2
Flexible sa
pakikipag-usap at 7
pakikisama Masamang epekto
3
sa pag-aaral
Nagiging open sa
6
pag-iisip Umuunlad ang
7
Maraming pagkatao
natututunan tungkol
12
sa pagiging isang
mabuting leader

Nagiging confident 6

Nakakatulong sa
7
academic grade

[Type text] Page 28


Gusto pang sumali

Hindi Naramdaman
35%
Bittersweet
Maganda at 3%
Oo Fullfilling Wala
65% 6% 6%
Nakakaiyak
6%
Proud Nakakapresyur
3% 34%
Malungkot
6%

Nakakadepressed
6% Masaya
30%

Epekto ng Pagsali

Nagiging aktibo Flexible sa


11% pakikipag-usap
at pakikisama
13%Nagiging open sa pag-
iisip
Umuunlad ang
11%
pagkatao
13%
Masamang epekto sa
pag-aaral Maraming natututunan
6% tungkol sa pagiging isang
mabuting leader
Nakakatulong sa
22%
academic grade
13%
Nagiging
confident
11%

[Type text] Page 29


KABANATA 4:

Lagon,Kongklusyon at Rekomendasyon

[Type text] Page 30


LAGON

Naipapakita na ang epekto ng pagsali sa SSG ng mga estudyanteng kabilang dito sila
man ay may karanasan o wala ay nakakapag-unlad ng mga estudyante,hindi lang pagdating
sa kanilang pamumuno kung di sa iba’t ibang aspeto din ng kanilang sarili.Katulad nalang ng
mga epekto na nagiging responsable silang tao,nagiging flexible sa kanilang nasasakupan
pagdating sa pakikipag-usap at pakikisama,nagiging open ang pag-iisip sa mga bagay bagay
o mapag-unawa,maraming nakikilalang tao na maaaring mapagkuhanan ng bagong
kaalaman base sa karanasan,nagiging confident o nagkakaroon ng tiwala sa sarili,nagiging
aktibo bilang mag-aaral,nakakatulong sa academic grade,umuunlad ang pagkatao at marami
pang iba. Ika nga ng isang respondent, “I became the best version of myself.”

Naipapakita din na sa kabila ng kanilang naranasan,iba iba ang kanilang naramdaman.


Maraming nakaramdam ng tuwa o saya sabi nga ng mga respondent, “dahil sa aming grupo”
mararamdaman mong nagtutulungan sila at nagdadamayan sa tuwing kailangan magkaisa at
walang iwanan.May nakaramdam din naman ng presyur at pagkadepressed sabi nga ng mga
espondent,“mula sa mga problema o isyu na aming ikinahaharap..” na sumusubok talaga sa
kanilang mga kakayahan at abilidad. Habang ang iba ay nakakaramdam ng lungkot at naiiyak
dahil huling pagkakataon na nila ito upang magkasama sama bilang isang grupo. Ang isa ay
nagiging proud sapagkat marami kang mararanasan na di mararanasan ng ibang estudyante
dahil di sila kasali dito.Ang iba ay nakapagsabi na maganda at fulfilling ang experience
sapagkat nakakatulong sila sa ibang tao at paaralan na kanilang kinabibilangan at nagiging
parte sila ng pagbabago nito. Samantala,may sumagot din naman na wala silang
naramdaman at naniniwalang isa lang tong bahagi ng pagsali sa extra-curricular ng kanilang
paaralan.

Naipapakita din na marami ang gusto pang sumali kung bibigyan sila ng pagkakataon
sa senior high at sa mga lower years kung maiboboto o maihahalili pa din sila.Natutuwa kasi
sila sa ginagawa nila at willing kahit mahirap at nagkakaroon sila ng ambag sa pagpapalago
ng kanilang paaralan at maging isang mabuting halimbawa sa mga estudyante. May mga
hindi rin naman pumayag na sumali pa sapagkat nahihirapan kung paano i-babalance ang
kanilang oras lalo na kapag nagsabay sabay na ang mga bagay na kanilang ginagawa.
Mahirap din naman kasi mamuno ng buong paaralan.

[Type text] Page 31


KONGKLUSYON

Naipapakita sa graph na nagiging competitive ang mga estudyante sapagkat sa kabila


ng kanilang nararamdaman o nararanasan iniisip pa din nila ang makakabuti at ang
makukuha nila sa pagsali dito.Marami silang napagdaanan at sa mga pinagdaanang iyon ay
natututo sila maging isang mabuting leader ,natututo sila ng time management, nakakakuha
sila ng bagong ideas,karanasan na kanilang ginagamit upang maging maalam sa paligid at
maging matured, creative at disiplinado sa kanilang ginagawa. Sabi nga ng SSG president ,
“mas nagiging produktibo ako” sapagkat napapalago din ang kanilang kakayahan at mga
talento. Madali silang sumaya sapagkat minsan tatawanan nalang nila ang kanilang
pagkakamali at kukunin ang pagkakataon para itama iyon at mas maging maingat sa susunod
na pagkakataon. Naniniwala din sila na “being a leader is a follower” kung saan kailangan
nilang maging mapagpakumbaba at magpasakop sa kanilang mga nasasakupan. Higit sa
lahat,maipapakita na hindi sila sumusuko,dahil sa bandang huli, problema na ang sumusuko
sa kanila.

[Type text] Page 32


REKOMENDASYON

Ang nakita lang na problema o suliranin sa pananaliksik ay ang masamang naidudulot


ng pagsali sa SSG sa pag-aaral ng mga estudyante sapagkat minsan ito nga ang isa sa mga
nagiging dahilan kung bakit bumababa ang kanilang grado dahil sa pag-attend palang ng
mga meetings at lalo na tuwing may ipinapagawa sa kanila,hindi sila nakaka-attend ng klase
at napapabayaan ang kanilang pag-aaral o iba pang mga priyoridad.

[Type text] Page 33


KABANATA 5:

MGA PANGHULING PAHINA

[Type text] Page 34


LISTAHAN NG SANGGUNIAN

 http://group9-liderato.blogspot.com/p/liderato.html
 http://ltagreenair.blogspot.com/2011/09/talumpati-kampanya-para-sa-ssg-sir-eric.html
 http://umalohokan2003.blogspot.com/2015/02/balita-kandidato-ng-ssg-isinalang-sa.html
 http://leaderbaako1.blogspot.com/
 https://oppositeofapathy.wordpress.com/2009/02/08/ang-tunay-na-lider/
 http://www.upd.edu.ph/~updinfo/octnovdec08/articles/Tolentino_vision.pdf
 http://www.slideshare.net/GinoongGood/pamanahong-papel-o-pananaliksik-research-
paper

 https://www.surveymonkey.com/r/attitudes_toward_Student_Government
 https://www.academia.edu/10450128/KABANATA_3_METODOLOHIYA_NG_PANANALI
KSIK?auto=download
 https://www.academia.edu/6546602/SAKLAW_AT_LIMITASYON

[Type text] Page 35


APENDIKS

[Type text] Page 36

You might also like