You are on page 1of 2

Mga Bugtong Tungkol sa Bagay

• Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.


Sagot: Baril
• Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
• May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok
• Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo
Sagot: Pako
• Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw.
Sagot: Sobre
• Dikin ng hari, palamuti sa daliri.
Sagot: Singsing
• Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.
Sagot: Walis
• Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos
• Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
Sagot: Unan
• Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon.
Sagot: Kalendaryo
• Alalay kong bilugan, puro tubig ang tiyan.
Sagot: Batya
• Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan.
Sagot: Kalendaryo
• Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan.
Sagot: Yoyo
• Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.
Sagot: Bumbilya
• Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: Kampana o Batingaw
• Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.
Sagot: Sapatos
• Ang ulo’y nalalaga ang katawa’y pagala-gala.
Sagot: Sandok
• Bagama’t nakatakip ay naisisilip.
Sagot: Salamin ng mata
• Hindi ako sikat na pilosopo, tulad ng henyong kapangalan ko, pero
mahal din ako ng tao, dahil kinakainan ako.
Sagot: Plato
• Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: Batya
• Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig
• Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: Kubyertos
• Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: Kulambo
• Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
Sagot: Payong
• Bahay ni Mang Kulas, nang magiba’y tumaas.
Sagot: Payong
• Sa bahay ko isinuksok, sa gubat ko binunot.
Sagot: Gulok/Itak
• Kalesa ko sa Infanta, takbo nang takbo pero nakaparada.
Sagot: Silyang tumba-tumba
• Aling mabuting letrato ang kuhang-kuha sa mukha mo?
Sagot: Salamin (mirror)
• Isang tingting na matigas, nang ikiskis ay namulaklak.
Sagot: Posporo
• Takbo roon, takbo rito, hindi makaalis sa tayong ito.
Sagot: Duyan
• May bibig walang panga, may tiyan walang bituka; may suso walang
gatas, may puwit walang butas.
Sagot: Bayong
• Maliit na parang sibat, sandata ng mga pantas.
Sagot: Pluma o Pen

You might also like