You are on page 1of 2

ASSUMPTION SCHOOL PASSI CITY ILOILO, INC.

Saligumba St. Passi City


Government Recognition Nos.
SR-028, S. 2014; ER-098, S. 2014; ER-097 S. 2014

Banghay Aralin School’s Division Passi City Asignatura Araling Panlipunan


Paaralan Assumption Passi City Baitang 3
Iloilo Inc.
Guro Ms. Arianne Kaye D. Markahan Ikaapat na Markahan
Alalin
Petsa Pebrero 17, 2020 Linggo 2
I. Layunin Pamantayang Ang mga mag-aaral ay nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok sa
Pangnilalaman mga gawaing panlalawigan tungo sa ikauunlad ng mga lalawigan.
Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay naipamalas ang pang-unawa sa mga gawaing
Pagganap pangkabuhayan at bahaging ginagampanan ng pamahalaan at ang
mga kasapi nito, mga pinuno, at iba pang naglilingkod, tungo sa
pagkakaisa, kaayusan, at kaunlaran ng mga lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon.
Pamantayan sa Nailalarawan ang mga pangunahing likas na yaman/produkto ng mga
Paghubog lalawigan sa rehiyon

Code AP3LAR-lh-12
Mahalagang Anong hanapbuhay ang gusto mo sa iyong paglaki? Paano ka
Tanong makatutulong sa iyong kapwa sa pamamagitan ng hanapbuhay na
ito? Bakit masasabing angkop ang trabaho o hanapbuhay na naisip
mo sa uri ng pamayanang mayroon ang inyong lalawigan o rehiyon?
Kakailanganing Mauunawaan ng mga mag-aaral na magkaroon ng maayos na
Pag-unawa hanapbuhay o negosyo ay makatutulong nang malaki hindi lamang sa
sarili kundi maging sa pamayanan o lalawigang kinabibilangan.
Lapat – Buhay Malayang magagamit ng mga mag-aaral ang mga natutuhan sa pag-
aaral ng pinagmulan ng lahing Pilipino upang sa darating na panahon
ay maging kabahagi sa pagpapahalaga, pagmamalaki, at matibay na
pagkakakilanlang Pilipino.
II. Nilalaman Paksang-Aralin: Mga Hanapbuhay, Produkto, at Kalakal sa Aming Lalawigan at Rehiyon
Sanggunian: Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 3, pahina 314 hanggang 320.
Estratehiya:
III. Kagamitan Laptop, Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 3, PowerPoint Presentation
IV. Pamamaraa Balik – Aral Panalangin
n
Magbalik-aral tungkol sa nakaraang talakayan at itanong ang
sumusunod:
 Ano-anong produkto ang ating makukuha sa pagsasaka?
 Sa paanong paraan natin maipapakita ang pagpapahalaga sa
mga sakripisyo ng ating mga magsasaka?
Pagganyak  Papuntahin ang mga mag-aaral sa kanilang pangkat. Bigyan
(Engage) sila ng dalawang minuto upang magawan ng akronim ang mga
titik na bumubuo sa alinman sa tatlong salita sa ibaba:
 ISDA
 MINA
 TROSO

 Ipalahad sa klase ang akronim na nabuo ng bawat pangkat.

Pagtuklas Itanong sa mga mag-aaral:


(Explore)
 Saan nagmumula ang karamihan sa mga isdang binibili ng
inyong nanay sa palengke at inihahain sa inyong hapag-
kainan?
 Sino-sino ang taong nagsasakripisyo upang makakain tayo ng
isda at iba pang lamang-dagat, sariwa man, tuyo, o de lata?

Pagtalakay  Ipabasa ang talakayan tungkol sa “Pangingisda” sa mga


(Explain) pahina 321 at 322.
 Pag-usapan ang pangingisda bilang isang mahalagang
industriya lalo na sa isang kapuluang tulad ng bansang
Pilipinas.
 Sabihing maliban sa pagsasaka at pangingisda ang dalawa pa
sa mahalagang hanapbuhay na pinagmumulan din ng
mahahalagang produkto ng bansa ay ang pagmimina at
pagtotroso.
 Ipabasa ang tala tungkol sa “Pagmimina” sa mga pahina 322
at 323, at “Pagtotroso” sa pahina 323.
Paglalapat Itanong sa mga mag-aaral:
(Elaborate)
 Ano ang ibinunga ng walang habas na pagputol ng puno sa
kagubatan?
 Bakit kawayan, yantok, o rattan sa halip na mga punongkahoy
ang madalas na ngayong kinukuha sa mga kagubatan? Sa
iyong palagay, paano ito makatutulong upang manumbalik ang
ating mga kagubatan?
 Paano makatutulong ang isang batang katulad mo upang kahit
paano’y hindi na masira at sa halip ay madagdagan pa ang
mga natitirang puno sa ating kapaligiran?
Pagtataya Lagumin ang aralin sa pamamagitan ng estratehiyang One-Minute
(Evaluation) Paper. Magpasulat ng tatlong paraang magagawa nila upang
makatulong sa pangangalaga ng mga puno at halaman.
Mga Tala
Pagninilay

You might also like