You are on page 1of 1

3rd Floor.Bose Bldg., Maharlika Highway, Brgy.

Kanluran, Calauan, Laguna


E-mail: iugeslleryhs@yahoo.com, lcest.calauan@gmail.com Tel: (049)310-1764

Ika-23 ng Enero 2020

Minamahal na mga magulang,

Magandang araw po!

Sa darating po na linggo, ika 27 – 31 ng Enero, ay sasailalim na po ng medical exam ang inyong mga anak
para mo sa kanilang immersion. Narito po ang schedule ng kanilang medical exam:

 AUTONICS – mahahati po sa dalawang grupo (Lunes at Martes, ipapaalam po ni Ma’am Vanessa kung
sino ang sa Lunes at kung sino sa Martes sa pamamagitan po ng TEXT MESSAGE)
 DELTA - Martes, Enero 28
 ECHELON - Lunes, Enero 27
 KEYENCE - mahahati po sa dalawang grupo (Martes at Miyerkules, ipapaalam po ni Sir Angel kung
sino ang sa Martes at kung sino sa Miyerkules sa pamamagitan po ng TEXT MESSAGE)
 NORGREN – Miyerkules, Enero 29

Alas-sais (6:00 A.M.) po ng umaga ang alis nila sa Calauan. Php 650.00 po ang kailangan para sa kanilang
medical exam, Php 200.00 naman po para sa balikang byahe ng van at ang budget po ng inyong anak para sa
pagkain (almusal at pangnhalian) ay nakadepende na po sa inyo..
Ang posibleng araw ng pagdala sa kanila sa company upang magsimula ang kanilang immersion ay sa ika-3 o
ika-4 ng Pebrero. Sa kanilang pagtungo sa kanilang gaganapan ng immersion ay kailangan nilang magdala ng
Php 1,500.00 na paunang bayad sa bahay, budget sa pagkain, mga personal na mga kagamitan, shoe rag at
hairnet.
Narito naman po ang kanilang klase sa mechatronics subject sa susunod na linggo (Enero 27 - 31).
 LUNES 8:00 A.M. – 12:00 NN DELTA
1:00 P.M. – 5:00 P.M. KEYENCE
 MARTES 8:00 A.M. – 12:00 NN ECHELON
1:00 P.M. – 5:00 P.M. NORGREN
 MIYERKULES 8:00 A.M. – 12:00 NN AUTONICS
1:00 P.M. – 5:00 P.M. DELTA
 BIYERNES 8:00 A.M. – 12:00 NN ECHELON
1:00 P.M. – 5:00 P.M. NORGREN

PAALALA: Ang graduation fee po ng inyong anak ay Php 4, 000.00 na maari na pong bayaran kahit pautay-
utay nang hindi masyadong mabigat pagdating ng panahon.

Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

ARNEL S. GALLO
Punong-guro

You might also like