You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I – Ilocos Region
MARITES BATUMBAKAL NATIONAL HIGH SCHOOL

KATITIKAN NG PANGKAKARANIWANG PAGPUPULONG NG IKA-LABING DALAWANG


BAITANG, SEKSIYON SALAMAGI

Ika-10 ng Oktubre, 2022


Ika- 1:00 ng hapon
Sa Seksiyon Salamagi, Marites Batumbakal National High School

Dumalo:
Mar Domingo - Mayor
Evans Lunes - Vice- Mayor
Nicole Martes - Secretary
Aryanna Miyerkules - Treasurer
Christel Huwebes - Auditor
April Biyernes - Business Manager
Hannah Sabado - PIO
Aldrin Narding - Peace Officer

Panukalang Adyenda:
1. Mga nais imungkahi ng mga opisyal ng klase upang masolusyunan ang problema sa basura
2. Mga nais imungkahi ng mga opisyal ng klase upang masolusyunan ang kakulangan ng materyales

I. Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay sinimulan ni Mar Lorenze Domingo, ang Mayor ng ika-labing dalawang baiting,
seksiyon Salamagi sa oras na ika-1:00 ng hapon at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang
panalangin na pinamunuan ni Aldrin Jannsen Narding. Ang sumunod ay ang roll-call na isinagawa ni
Nicole Martes.
II. Pagbabasa sa Nakaraang Pagpupulong
Ang pagpupulong ay nagpatuloy sa pagbasa ni Nicole Martes, ang Sekretarya ng ika-labing dalawang
baiting, Seksiyon Salamagi, ng katitikan sa nakaraang pagpupulong noong Setyembre 15, 2022 ng hapon.
Iniulat niya ang tungkol sa mga paghahandang dapat gawin sa papalapit na Intrams.

III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda

- Ang pagpupulong ay binuksan sa pamamagitan ng pagbanggit ni Mar Lorenze Domingo ng mga


suliranin sa loob ng silid-aralan.
- Sinimulan ni Mar Lorenze Domingo ang unang adyenda - Mga nais imungkahi ng mga opisyal
ng klase upang masolusyunan ang problema sa basura. Humingi siya ng mga mungkahi sa
mga opisyales ng klase. Ang unang nagbigay ng mungkahi ay si Evanswinda Lunes. Ang
kanyang mungkahi ay ang paglalagay ng mga basura sa isang lagayan gaya ng trash bag at iuuwi
ng isang tao ang basura. Sa susunod na araw, iba naman ang mag-uuwi ng mga basura. Ang
sumunod na nagbigay ng mungkahi ay si Aryanna Karell Miyerkules. “Basura mo, i-uwi mo” ang
naisip niyang mungkahi. Ayon sa kanya, magdudulot ito ng maayos na pamamahala sa basura at
maiiwasan ang madaming basura na nakakalat. Ayon naman kay Aldrin Jannsen Narding, hindi
malinis at nakasasama sa kalusugan kapag iuuwi rin ang mga alikabok. Sinagot ito ni Aryanna na
ang mga alikabok ay puwedeng ilagay sa isang basurahan na nasa sulok ng silid-aralan at ang
mga plastik at papel ay iuuwi. Unang sumang-ayon si Christelaiza Jeanne Huwebes sa mungkahi
ni Aryanna na sinundan ng mga ibang opisyales.
- Binanggit ni Evanswinda Lunes ang ikalawang adyenda – Mga nais imungkahi ng mga opisyal
ng klase upang masolusyunan ang problema sa kakulangan ng materyales. Binigyang diin ni
Evanswinda na expired na ang mga gamot sa first-aid kit kaya kailangan ang pagbili ng dalawang
Paracetamol, isang pack ng band-aid, at dalawang Betadine. Idinagdag ni Mar Lorenze na kulang
ng tatlong walis, dalawang walis tingting, at isang dustpan sa silid kaya kailangan ding bilhin ang
mga ito. Ayon kay April Joy Biyernes, ang presyo ng dalawang paracetamol ay P200, ang isang
pack ng band-aid ay P100, at ang dalawang betadine ay P600. Sa kabilang dako, ang halaga ng
tatlong walis ay P300, ang dalawang walis tingting ay P100, at ang isang dustpan ay P50.
Ipinaliwanag ni Christelaiza Jeanne Huwebes na nangangailangan sila ng P1350. Ngunit
kailangang kasama na rin doon ang ibabayad sa drayber kaya ang perang kakailanganin ay
P1550. Binanggit rin niya na ang funds nila ay P600 lamang kaya nararapat na maghahati-hati ng
babayarang P950.
Narito ang resulta na ipinaliwanag ni Nicole Martes
P1550 (perang kailangan upang makabili ng mga kulang na materyales)
38 (bilang ng buong klase)
= P25 (ibabayad ng bawat mag-aaral sa klase)
Ang palugit ng pagbabayad na iminungkahi ni Evanswinda ay ika-12 ng Oktubre. Ang unang sumang-
ayon ay si Hannah Faye Sabado at sumunod ang mga iba pang opisyales. Ang bibili ng mga kulang na
materyales ay si Mar Lorenze, Christelaiza Jeanne, at April Joy.

IV. Iba Pang Pinag-usapan


- Ayon kay Aryanna Karell Miyerkules, sa ika-11 ng Oktubre ay may gaganaping programa sa
covered court.

V. Iskedyul ng Susunod na Pulong


- Wala pang petsa.

VI. Pagtatapos ng Pulong

- Ang pagpupulong ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Marites Batumbakal, ika-labing


dalawang baitang, seksiyon Salamagi ay natapos sa ganap na 1:15 ng hapon.
KATITIKAN NG
PAGPUPULONG

INIHAHARAP NILA:
Evanswinda Agustin
April Joy Agustin
Mar Lorenze Agraan
Nicole Pagaduan
Aryanna Karell Tabones
Christelaiza Jeanne Tumamao
Aldrin Jannsen Umlas
Hannah Faye Tabieros

IHAHARAP KAY:
Gng. Venalyn Polangco

You might also like