You are on page 1of 4

WIKANG FILIPINO: KAAKIBAT NG PAMBANSANG PAGBABAGO

Sisimulan ko ang tulang, sanay muling magmulat sa ating mga mata


Na tuluyan nang binulag ng lengguwaheng banyaga
Isang tulang sana’y magsilbing inspirasyon,
Lumipas man ang maraming panahon

Isang pyesa na sana’y pumuno


Sa maluwang na espasyo ng ating pambansang wika sa ating mga puso
At sana’y sa isip at diwa ng mga nakaririnig ay kanila itong mabaon,
At huwag kalilimutan, ang makata mang ito ay lumaon

Halina’t tayo’y bumalik sa nakaraan


Ang sabi ng iba ‘wag na lang kasi masasaktan ka lang
Pero ating ibalik, noong mga panahong ang pagbigkas ng bawat salita
Na nagmula sa ating wika ay mahalaga

Mga panahon na ang Pinas ay ‘di nauubusan ng makata


Makata… na taas noong tumatayo sa taas ng entablado
Para lamang ipahayag ang importansya ng Wikang Filipino

Makata… na buong pusong iwawagayway ang bandera ng Pilipinas


Habang tumutula ng matatas
Gamit-gamit ng pambansang wikang pilit n’yang itinataas

Akin pang natatandaan


Ang mga kataga na minsan n’yang binitawan
“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika.
Ay masahol pa sa malansang isda”

Mga katagang galing sa isang sundalo


Sundalo na minsang lumaban para sa ating bansa at para sa ating wika
Isang sundalong matapang na sumabak sa gera
Na ang tanging armas lamang ay tinta at pluma

At ang tanging bala n’ya ay ang paniniwala


Na ang wika Filipino ang s’yang magpapalaya
Sa ating bansa na matagal inalila ng mga banyaga

At ngayong tapos ko nang balikan ang nakaraan


Pumunta naman tayo sa kasalukuyan
Ano na nga ba ang lagay ng ating wika
Halina’t alamin natin ang kasagutan

Mahilig sumunod sa uso ‘yan ang mga Filipino


Kaya kahit ang paraan ng pananalita ay kanila na ring binago
Isinantabi ang Wikang Filipino
Upang gumamit ng lengguwaheng balbal at gay lingo
Isama mo pa ang mga salitang binali-baliktad nila
Ang salitang malupet’ ginawang petmalu
Pati kanilang mga idolo, ginawang lodi ang titulo

Kung nakapagsasalita lang ang ating pambansang wika


Tiyak na itatanong n’ya sa atin ang sikat na linya sa isang pelikula
Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?
Dahil kung hindi bakit pilit mo akong binabago?

Sigaw ng wikang Filipino sa ating mga puso’y ‘di na natin marinig


Dahil sarado ang ating mga tenga upang makinig
O, sadyang nabarahan na ito ng ibat-ibang dayalektong gustong ibulalas ng ating bibig
Nakakalungkot.

Nakakalungkot… isipin na ang ating wika ay tila isang papel


Na hinayaang masira at tuluyang malukot
Hindi ba nila naisip, na ang Wikang Filipino ang ugat ng lahat

Dahil kahit anong lengguwahe pa man ang alam mo


Mapa-balbal, Cebuano, Bikolano, Ilokano, o Gay Lingo
Ang lahat ng ito ay nagmula sa wikang Filipino

Wikang Filipino, wika ng saliksik


Ito ang naging daan upang madiskubre
Mga bagong salita na lumalabas sa ating dila

Wikang Filipino, tatag ng ating bansa


Ito ang dahilan nitong ating kalayaan
Simbolo ng ating pagkakakilanlan

Wikang Filipino, wikang mapagbago


Marapat na mahalin at pagyamanin
Makaluma man o moderno

Isa, dalawa ,tatlo


Wikang Filipino na minsang kinatawan ang kalayaan,
Ngayon ay unti-unti nang lumilisan
Kanila nang nakalimutan, na sa ‘di mabilang na sigundo ng kalupitan
Sa wikang Filipino, pag-asa ang nasilayan

Wika… isang sailta apat na letrang ‘di mabilang ang kahulugan


Na sa ating Pagka-pilipino’y nagbibigay ng kabuluhan
Nagsisilbing kaluluwa nitong ating bayan
At pakpak nitong ating kalayaan

Oo, alam ko, hindi nga naman masama ang magmahal ng iba,
Ibang lengguwahe
Nakatutulong ito upang mapalawak ang kaalaman
Umusbong ang kalakalan at mapagtibay ang pamahalaan
Pero sa paglipas ng panahon, ‘wag sana nating kalilimutan
Na wikang Filipino simbolo nitong ating kasarinlan
Kaya bago pa man matapos ang tulang ito,
Halina’t samahan ninyo akong maglaro

Tagu-taguan maliwanang ang buwan


Wikang Filipino’y ibinaon sa nakaraan
Sariling wika’y tinalikuran
Simula nang marinig ang lengguwaheng Kanluran

Nais kong sa inyo ay ipagbigay-alam


Kahit maging kasing puti mo pa si Snow White
Kahit tumangos pa ‘yang ilong mo na parang si Pinoccio
At kahit matuto ka pang mag-Korean
Pilipino ka pa rin ‘yan ang iyong pakakatandaan!

Habul-habulan tila nag-uunahan


Mga Pilipinong kapwa pag-unlad ang kailangan
Sa nakabibinging katahimikan naririnig ko ang mga bulong
Bansang Pilipinas daw ay kailangan nang sumulong

Pero paano?
Paano susulong ang isang bansang
Hindi alam gamitin ang sariling wika

Dahil sa sobrang nasisiyahan na tayo sa ibat-ibang salitang ating naririnig


Tila ba ayaw na nating marinig
Ilang beses bang sa atin ay kailangang iparinig
Na hindi nga wikang banyaga ang syang maghahatid ng kaunlaran
Kundi sarili mismo nating wika ang ating kailangan

Pero kung isasara lang natin ang ating mga mata


At bubuksan ang ating mga tenga atin s’yang maririnig
Wikang Fililpino na nagsasabing
Mahalin mo naman ako, dahil ako ang wika mo

Sa dating pangulo lubos akong nagpaasalamat sa iyo


Dahil isinabatas mo ang wikang pambansa na s’yang kaluluwa ng bayang ito
Sadyang ang tunay na pagbabago ay nasa wikang Filipino

Marapat na ating pagyamanin, mahalin, ingatan, linangin


At higit sa lahat gamitin sa iba’t ibang paraan na alam natin

Maraming salamat sa pagkakataong ito


Salamat at pinakinggan n’yo ang munting pyesang handog ko sa inyo

“Wikang Filipino: Wika ng saliksik”


At oo nga pala…
Sa Kanya na Dakilang Lumikha
Na S’yang nagbigay sa atin ng wika
Maraming salamat!

You might also like