You are on page 1of 1

Ang Batang Magtatanso at Batang Magbabayuko

Sina Joanna Marie, 10 taong gulang at Andrew, 6 na taong gulang ay itinampok sa Reporter’s
Notebook na ini-ere noong Marso 2013. Sila ay mga batang sa halip na nag-aaral ay naghahanap buhay
sa pamamagitan ng paghahanap ng piraso ng kable sa basurahan bunga ng kahirapan. Ang mga ito ay
kanilang sinusunog upang makuha ang tanso. Bagama’t pumuputok ang kableng kanilang sinunog ay
hindi kinakitaan ng takot ang batang si Joanna dahil ayon sa kanya ay gagawin niya ang lahat upang
maibigay ang pangangailangan ng kanyang inang biyuda. Ang ganitong Gawain ay tinatawag na extreme
risk o isang uri ng mapanganib na child labor sa buong mundo ayon sa Maplecroft.

Samantalang noong buwan ng Agosto ng nasabi ring taon ay isa pang dokumentaryong kahawig
ng mga batang magtatanso ang ipinalabas sa Reporter’s Notebook, ito ay ang mga Batang
Magbabayuko. Sila ay mga batang naghahanap ng malaking usong tinatawag na bayuko sa kabundukan
sa halip na nagaaral o pumapasok sa paaralan. Sila ay sina John Paul, Ronald Gaspar, at Enteng, mga
batang taga-Daraitan, Tanay, Rizal

You might also like