You are on page 1of 1

MALIBAN sa graduation, isa rin sa ikinagagalak ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang ang

RECOGNITION DAY. Ito ang araw na binibigyan ng pagkilala at parangal ang mga natatanging
mag-aaral na naging mahusay sa academic subjects at sa iba pang aktibidad tulad ng sports o iba
pang larangan ng paligsahan. Maraming pagkakataon na naging bahagi tayo ng mga
RECOGNITION DAY ng mga paaralan bilang guest speaker.
Saksi ako sa tuwa ng mga magulang sa bawat medalyang isinasabit sa kanilang anak at sa galak
nila sa bawat parangal na natatanggap ng anak. Mababakas mo sa kanilang mukha ang ngiti ng
kaligayahan na pumapawi ng pagod nila sa isang taong paghihirap na mapag-aral ang mga anak.

Sa aking pagsasalita, lagi kong binabati ang tagumpay nila. Ang bawat medalya o parangal na
kanilang natatanggap ay magsisilbing inspirasyon na lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang pag-
aaral hanggang sa makatapos sila. Bahagi ng kanilang tagumpay ang paghihirap ng magulang at
gabay ng kanilang mga guro ng paaralan.

Kasama na rin dito ang pagtutulungan ng mga kapwa mag-aaral lalo na sa mga aktibidad na kung
saan naging kinatawan sila ng paaralan sa mga patimpalak o paligsahan na kanilang sinalihan.

Binigyan pansin ko rin ang mga mag-aaral na hindi man nagkaroon karangalan sa taong iyon ay
huwag nilang tutuldukan ang kanilang paghahanda o pagsasanay dahil may panibagong taon na
magbibigay muli ng pagkakataon sa kanila na makamit ang tagumpay.

Ang kasabihang “try and try until you suc-ceed” ay isang motto na dapat isa-puso at ilagay sa isipan
para marating ang inaasintang tagumpay. Walang puwang sa kalooban
ang pagsuko.

Tagubilin ko rin na bagama’t natural lang na ipabalita ang kara-ngalang nakamit, hindi ito dapat
ipagyabang. Bagkus, gawing inspirasyon na lalo pang pagbutihin ang pag-aaral at gawing
magandang halimbawa para sa ibang mag-aaral, kapatid at kaibigan.

Sa programa ng recognition day o araw ng pagkilala ay inaanyayahan din tayong magsabit ng


medalya sa bata. Ngunit sa halip na ako mismo ang maggawad ng parangal ay ipinatatawag natin
ang magulang ng bata at ibinibigay ang medalya sa kanya.

“Nanay, kayo po ang magsabit ng medalya sa inyong anak.” At sinasabi ko naman sa bata “Iho, o
Iha, ialay mo ang iyong medalya sa magulang mo dahil kabahagi sila ng inyong tagumpay.

Pagkatapos ay magkayakap sila na bumababa ng entablado.

So mga readers, sa inyong lahat congratulations sa tagumpay at naway taon ng pagtatapos ng


inyong mga anak. GOD BLESS!

****

You might also like