You are on page 1of 5

AANG RELASYON NG WIKA AT KULTURA

Ano ba ang Wika? Ano ba ang Kultura? Bakit angkop na angkop ang wika sa kultura?
Bakit walang wikang superyor sa ibang wika? Bakit magkabuhol ang wika at kultura? At gaano
bang kahalaga sa isang bansa ang wika at kultura? Paano ito mapapahalagahan?

ANO ANG KULTURA?

Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan
ay may sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura,
paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan.
(Santiago, 1979)

Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at
sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng
pamumuhat, at iba pang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng
pagkakaisa na siyang nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian
at adhikain. (Rubrico, 2009)

May dalawang uri ng kultura. Ang materyal na kultura at di-materyal na kultura. Binubuo
ng materyal na kultura ang mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal. Nabibilang dito
ang mga kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at pagkain. Samantala, ang mga
kaugalian, tradisyon, panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-
buhay ay sumasaklaw sa di-materyal na kultura. (Delmirin, 2012)

ANO ANG WIKA?

Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay


nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga
tao. http://gabayngwika.blogspot.com/2008/05/ano-ba-ang-wika.html

Wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang


arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Gleason)

ANG BAWAT WIKA AY ANGKOP SA BAWAT KULTURA

Anupa’t ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang kinabubuhulan nito.


Magagamit din ang isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ngunit ito’y hindi
kasimbisa ng wikang likas sa nasabing pook. Sa katotohanan, ang ganitong pangyayari ay
malimit maganap sa mga bansang nasasakop ng ibang bansa. Natural lamang na pairalin ng
mananakop ang kanyang sariling wika sa kanyang nasasakupan. Isang halimbawa ay ang
bansang Pilipinas na ilang daantaong sinakop ng mga Kastila. Sa panahong iyon ay pinilit ng
mga Kastilang pairalin ang kanilang wika upang siyang gamitin ng mga “Indios” na may ibang
kultura. Nakapasok din, kung sabagay, sa ating bansa ang ilang kultura ng mga Kastila,
kaalinsabay ng pagpapairal ng kanilang wika ay relihiyon. Subalit hindi sapat ang gayon upang
maipahayag ng mga Pilipino sa wikang Kastila ang kanilang kaisipan, maliban sa ilan-ilang
nakapag-aral sa Europa. (Santiago, 1979)

Bawat wika ay natatangi. Bawat wika ay naiiba sa ibang wika. Dahil sa iba iba nga ang
kultura ng pinagmulang lahi ng tao, ang wika ay iba iba rin sa lahat ng panig sa mundo. May
etnograpikong pagkakaiba rin sapagkat napakaraming minoryang grupo (ethnic groups) ang
mga lahi o lipi. (Bernales, et al., 2001) Bawat pangkat ay may kulturang kaiba sa kultura ng
ibang pangkat. Ang kultura ng isang pangkat o grupo ay nakatanim at kusang umuusbong ang
isang wikang likas sa kanila.

WALANG WIKANG SUPERYOR SA IBANG WIKA


Magkakapantay-pantay ang lahat ng wika at kultura. Ito ang iginiit ni Franz Boas ng
nagsimula ang ikahuling bahagi ng ika-19 siglo. Binigyang diin ni Boas na kaya ng lahat
wikang ipahayag ang anumang gustong ipahayag ng katutubong nagsasalita nito ngunit sa
iba-ibang kaparaanan at estilo ayon sa kulturang iniiralan ng nasabing wika.

Pinakamabisa sa mga Amerikano ang wikang Ingles para sa kanilang kultura; gayundin
ang wikang Niponggo sa mga Hapon, ang Mandarin sa mga Intsik, ang Filipino sa mga Pilipino
atbp. Hindi maipipilit ng mga Amerikano na mas mabisa ang kanilang wika kaysa sa mga
Pilipino. Mas mabisa ang wikang Ingles kung Amerikano ang gumagamit at ginagamitan,
gayundin sa wikang Filipino, higit na mabisa kung ang kausap ay kapwa Pilipino.

ANG WIKA AT KULTURA AY MAGKABUHOL

Matalik na magkaugnay ang wika at kultura kaya nga naririnig natin na magkabuhol ang
wika at kultura. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ang pagkawala o
pagkamatay ng isang wika ay nangangahulugan din ng pagkamatay o pagkawala ng isang
kultura. Ang wika ang siyang pagkakakilanlan ng isang kultura. (Santos, et al., 2009)

Sa kultura ng mga Eskimo, may labinlimang (15) katawagan sila sa iba’t – ibang
kalagayan ng nyebe (snow). Snowflake, Frost, Fine Snow, Drifting Particles, Clinging Particles,
Fallen Snow, Soft Deep Fallen Snow, Crust on Fallen Snow, Fresh Fallen Snow, Fallen Snow
floating on Water, Snow Bank, Snow Block, Snow Cornice, Blizzard, at Severe Blizzard.
(Woodbury, 1991) Hindi maaaring isang katawagan lamang ang gamitin ng mga Eskimo sa
iba’t-ibang kalagayan ng nyebe (snow) sapagkat ang snow ay parte na ng kanilang kultura at
ang labinlimang (15) katawagan na yun ay napagkasunduan ng pangkat nila. Sa kabilang
dako, hindi rin naman angkop sa ating mga Pilipino na gamitin ang labinlimang katawagan
sapagkat wala namang nyebe dito sa bansang Pilipinas. Sa madaling sabi, hindi ito parte ng
ating kultura.

Bagama’t isang salita lamang ang ginagamit ng mga Pilipino–nyebe– (wala talagang
katawagan tayong mga Pilipino sa snow sapagkat ang nyebe ay galing sa wikang Kastila na
Nieve) ngunit hindi nangangahulugan na mahinang uri ng wika ang Filipino kung ihahalintulad
sa wika ng mga Eskimo. Pansinin din natin na kung mayroon silang iba’t-ibang katawagan sa
nyebe wala naman silang mga katawagan tungkol sa pagsasaka. Sabihin na nating sa mga uri
ng bigas sa Pilipinas katulad ng Sinandomeng, Bordagol, Banay, Masipag atbp. O hindi kaya
sa iba’t-ibang luto ng bigas na sa wikang Ingles ay tinatawag nilang rice. Upang mas maging
malinaw tignan ang dayagram sa ibaba. BAHAW

PALAY BIGAS KANIN SINANGAG

TUTONG

Makikita sa dayagram na mula sa pagiging palay, nagiging bigas ito kung naalisan na
ng balat. Kung naisaing na ang bigas, kanin na ang tawag dito. Kung malamig na ang kanin,
bahaw na ang tawag. Ang nakadikit sa pinaglutuan ng bigas na naging kanin, tutong ang
naging tawag natin. Ngunit sa mga Amerikano, isa lamang ang tawag nila sa mga ito – rice na
dinagdagan lamang ng pang-uri. Old o Cold rice para sa kaning lamig o bahaw, fried rice para
sa sinangag at burnt rice para sa tutong.

ANG KAHALAGAHAN NG WIKA AT KULTURA


Mahalaga ang wika sa isang bayan, dahil ito ay ang anumang binibigkas o isinulat ng
tao upang maipahayag ang kanyang saloobin. Ang wika ang siyang nagbibigay pagkakataon
para sa mga tao sa iba’t-ibang lugar upang makapag-usap, upang magkaintindihan at upang
makabuo ng pagkakaisa. Ang kultura naman ay ang mga bagay na tumutukoy sa sa
pangkalahatang gawain o aktibidad ng mga sa isang lugar. (Ignacio, 2011)

Kung walang wika, walang bansa sapagkat hindi tayo nakakapagusap o wala tayong
komunikasyon sa kadahilanang walang naguugnay sa bawat tao sa isang bansa, walang
pagkakaisa at higit sa lahat walang mabubuong kultura. Ang wika ay ang tagapagbigkis ng
isang lipunan. (Buensuceso, et al., 1991)

Ang simpleng paggamit at paggalang sa wika at kultura ay isang pagpapakita ng


pagpapahalaga. Ating gamitin ang sarili nating wika at bumuo ng isang kultura na kagalang-
galang o ginagalang ng lahat at tayo’y makakabuo ng isang bansang may pagkakaisa at higit
sa lahat may tiwala sa isa’t-isa.

Sa pangwakas, ang wika ay balangkas ng pinili at isinaayos na set o kabuuan ng


silasalitang tunog sa paraang arbitraryo upang magamit sa pagpapahayag ng damdamin,
kaisipan, kaugalian at uri ng pamumuhay o kultura ng isang pangkat sa isang bansa o lipunan.

Sanggunian:

Aklat

Bernales, Rolando A. et al., 2001. Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t – ibang Disiplina. Mutya
Publishing House, Inc. Valenzuela City.

Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Bookstore Inc. Manila,


Philippines.

Santos, Angelina L. et al., 2009. Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Mutya


Publishing House Inc. Malabon City.

Wardhaugh. Ronald. 1992. An Introduction to Sociolinguistics. 2nd ed. Blackwell. Oxford,


UK.

Internet

http://gabayngwika.blogspot.com/2008/05/ano-ba-ang-wika.html

http://languagelinks.org/onlinepapers/wika2.html

http://ramildemerin.blogspot.com/2012/05/uri-ng-kultura.html

http://rozzignacio.blogspot.com/2011/08/wika-at-kultura.html

http://www.princeton.edu/~browning/snow.html

Mayroong apat na paniniwala kung paano natutunan ng isang tao ang wika

1. Paniniwala ng mga behaviorist – ayon sa kanila ang mga bata ay pinanganak na may
kakayahan na sa pagkatuto ng wika at ang kanilang kilos at gawi maaring hubugin sila sa kanilang
kapaligiran. Binibigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na kailangang
“alagaan” ang pag-unad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at
pagpapatibay sa anumang gawi o kilos. Ang teoryang ito ay nagbigay sa mga guro ng set ng mga
simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang audio-lingual method (ALM), ang
mga pangunahing katangian nito ay ang mga sumusunod: binibigyang diin ang kasanayang pakikinig
at pagsasalita; binibigyang-diin ang pag-uulit at mga drill; paggamit laang ng target na wika; kagyat
na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot; kagyat na pagwawasto ng kamalian;at ang
pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro.

2. Paniniwala ng mga inativist – ayon sa kanila ang mga bata ay ipinanganak na may “likas na
salik” sa pagtamo ng pagkatuto sa wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975, 1965) na ang
kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay
nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw na ito ang nagpapahayag na ang
wika ay makapaloob at nabibigang-hugis ng sosyo-kultural na kaligiran kung saan ito nabubuo.
Ito’y mabibigyang kahulugan lamang kapag may interaksyong nagaganap sa kapaligiran.
Inilalarawan dito ang likhang-isip na “aparato” na taglay ng mga bata at tinatawag itong
language-acquisition device (LAD). Ang LAD ang tumatanggap ng impormasyon mula sa
kapaligiran sa anyo ng wika. Ang wikang ito ay sinusuri at pagkatapos marinig bubuuin na sa
isipan ng mga tuntunin, at inilalapat ang mga tuntunin habang nakikipag-usap ang bata.

3. Paniniwala ng mga cognitivist– ayon sa kanila ang pagkatuto ng wika ay isang dinamikong
kung saan ang mga mag-aaral ng wika ay kailangang palagiang mag-isip at gawing may saysay
ang bagong tanggap na kaalaman at impormasyon mula dito mas napapaunlad nila ang pagkatuto
nila sa wika. Inaalam ng mga mag-aaral ng wika ang mga pumapailalim na tuntunin at mailapat
ito nang sa ganun ay makabuo ng orihinal na pangunguasap. Habang ginagawa ang prosesong ito
hindi maiiwasan nag pagkakamali. Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali ay isang
palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto.
4. Paniniwalang makatao – ang paniniwala nila ay nakapokus sa damdamin at emosyon ng isang
tao. dagdag pa dito , mas mabilis nila natututunan ng tao ang wika at wala siyang pag-
alinlangang gamitin ito at malaya niyang nailalahad ang kanyang saloobin. Tungkulin ng isang
guro na maglaan at lumikha ng isnag kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng
walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at Malaya nilang
nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutunan. Kailangan ding linangin ng guro ang
pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-aaral.

You might also like