You are on page 1of 6

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa isinagawang pag-aaral, nakalikom ang mga mananaliksik ng mga impormasyon o

literatura na may kaugnay sa kanilang paksa na patungkol sa mga batayan na nakahahadlang sa

mga mag-aaral ng College of The Holy Spirit Manila Senior High School sa pagpili ng STEM

strand. Nahahati ito sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay binubuo ng mga literaturang lokal

at banyagan at ang ikalawang bahagi ay binubuo ng lokal at banyagang pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura

Mga Lokal na Literatura

Batay naman sa artikulo ni Ramos (2013), ang pagpili sa kurso ay hindi madali sa mga

kabataan dahil dito nababase ang kanilang kinabukasan. Ayon sa National Center for Education

Statistic, halos tatlong beses kung magpalit ng kurso ang mga kolehiyala. Mga 80% sa Estados

Unidos ang nagpapalit ng kurso, ayon sa NCES (National Center for Education Statistics). Halos

tatlong beses naman kung magpalit ng kurso ang mga karaniwan na estudyante.

Base sa artikulo ni Laurisa White Reyes, 2014 na pinamagatang "MOTIVATING THE

LOW-ACHIEVING TEEN", sinabi na ang mga kabataan ay kinakailangang malinaw na makita

ang kanilang layunin at sila ay nangangailangan ng suporta mula sa magulang at guro.

Ayon sa ulat ni Sagani C cruz (2014), na dapat tandaan na ang mga asignaturang ito ay may

ibat ibang nilalaman, namalalaman depende sa mga sirkumstansya ng mga mag aaral ng paaralan

at ng sirkumtansiya ng mga mag aaral , ng paaralan at ng nakatataas na edukasyon institustion na

kung saan ang mga mag aaral ay maaring mag enrol. Ang ideya na ang "isang sukat akma sa
lahat" ay nai-inabandunang

sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd). Ang isang pulutong ng pasobra ay

ibinibigay sa Senior High Schools, dahil ang pangunahing tanging dahilan na dalawang taon ay

idinagdag sa basic education ay upang ihanda ang mga estudyante para sakanilang buhay sa

hinaharap. Ito ay hindi gumagawa ng kahulugan sa lakas ng isang mag-aaral upang sundin ang

isang paunang natukoy na kurikulum kung siya ay may isang bagay sino pa ang paririto sa isip

para sakanyang sarili o ang kanyang sarili.

Mga Banyagang Literatura

Base sa isang banyagang literatura (students must overcome their fear of stem), binanggit

dito na nagkakaroon ng takot sa mga asignaturang sipnayan, chemistry at pisika kapag

pinibigyan nila ito ng malaking halaga ngunit walang kontrol dito. Sa sobrang laki ng takot nila

sa mga ito ang pangunahing reaksyon ng mga estudyante ay umiwas.

Ayon sa banyagang literatura ni Ramirez (2014), ang dahilan kung bakit umaalis ang mga

Stem students ay dahil sa hindi kaakit-akit na kapaligiran nito, hindi interesado sa binigay na

mga asignatura, o kaya hindi kaugnay ang STEM sa gusto nilang kuning course. Impostor

Syndrome, isa ring minsang dahilan kung saan hindi nakikita ng mag-aaral na isa siya sa taong

nagkakaroon ng pagkakaintindihan sa pagitan ng estudyante at guro na nagdudulot ng epekto sa

Gawain nito sa klase. At upang malampasan ang syndrome na ito ay dapat maging modelo ng

mga estudyanteng ito ang mga guro at maski sa telebisyon. Ang mathematics ay isa sa mga

mahirap na asignatura, nang dahil dito karamihan sa mga kabataan ngayon ay bumababa sa

asignaturang ito at hindi na gugustuhin pang sumubok na kuhain ang strand na STEM.
Ayon kay George-Jackson (2012), pumapangalawa ang mga magulang kasunod ng

pansariling, kagustuhan na nakakaimpluwensyasa mag-aaral sakanyang pipiliing kurso.Marami

sa atin ang nahihirapan sa pipiliin nating kurso sa kolehiyo. Maraming bagay ang ating

isinasaalang-alang o binibigyang katuturan at kahulugan kaya tayo hindi makapamili nang

maayos. Mayroon din namang ilang mga gabay na lubusa ng makakatulong sa atin sa pagpili ng

kurso. Madalas na binabase ng mag-aaral ang kanyang pinipiling kurso sa personal na interes.

Una na sa mga dahlia ang pera. Ang pera kadalasanang

pinakaimportanteng bagay na ating isinasaalang-alang sa pagpili ng kurso. Hindi natin makuha a

ng ating gustong kurso dahil hindi ito kayang bayaran ng ating mga magulang dahil narin sa

kagipitan ng buhay ngayon. Mas uunahin na muna ang mga pangunahing pangangailangan tulad

ng pagkain, damit, bayad sa bahay at kuryente bago ang pag-aaral.Ito na rin marahil ang dahilan

kung bakit maraming kabataan ngayon ang hindi nakakapag-aral.Pangalawang dahilan ay ang

ating mga magulang. Hindi nagkakapareho ang ating gusting kurso sa gusto ng ating mga

magulang. Nalilito tuloy tayo kung susundin ba natin ang ating gusto o susundin natin ang ating

mga magulang. Hindi pa naman huli ang lahat. Mayroon pa naming mga paraan upang

makapamili tayo nang maayos. Heto ang ilang mga gabay sa pagpili ng kurso. Una, kung di natin

talaga kaya ang mahal na kurso, meron pa naming magagandang kurso na mura lang ang

kailangang bayaran tulad ng Information Technology. Mura na, in-demand pa. Pangalawa,

subukang pumasok sa scholarship na meron ang paaralan. Kung susuwertihin,baka makalibre ka

pa kung makapasa ka sa pagsusulit. Pangatlo,mag-usap kayo ng iyong magulang kung ano ba

talaga ang makakabuti sa iyong kurso. At huli,pumili ng kursong kaya mong intindihin ng

mabuti o hindi ka mahihirapan.Ilan lang yan sa mga gabay sa pagpili ng mabuting kurso. Ang

kolehiyo na ang huling yugto ng ating pag-aaral. Pagkatapos nito ay magtatrabaho na tayo. Lagi
lang nating tandaan na kailangan nating mag-aral nang mabuti para sa ating magandang

kinabukasan.

Ayon naman sa artikulo ni Berbano  (2014) isa sa maraming problema na kinakaharap ng

mga estudyante sa kolehiyo ay ang kanilang mga propesor. Pangalawa,ang pinanggalingang

paaralan ng mga estudyanteng papasok sa kursong inhinyeriya. Ikatlong maaaring maging

suliranin ay ang pagkuha ng hindi nais na kurso ng isang estudyante. Ayon pa sakanya, minsan

ay napipilitan lamang kunin ng mga estudyante ang kursong ito dahil sa kagustuhan ng magulang

o kaya naman ay naiimpluwensyahan ng mga kaibigan o kapwakamag-aral. Ito ay nagdudulot

naman sa ikaapat na problemang kawalan ng estudyante ng interes sakanyang kurso. Ang pagpili

ng kurso ay napakaimportante sa buhay ng isang taong papasok ng kolehiyo dahil ito ang

magsasaad ng landas na tatahakin hanggang sa pagtanda. Ayon kay

Patricia Vizarra (2015), may mga mag-aaral din na humahan tong sa punton ghindi nila

matukoy kung ano batalaga ang kanilang gustong kuning kurso kung kaya naman nagkakaroon

ng problema dahil hindi sigurado ang mga mag-aaral sa ginawang desisyon.


Mga Lokal na Pag-aaral

Ayon sa pananaliksik ni Marie Grace S. Cabansag, Ph.D. Ang resulta ay nagpapakita ng

magandang maidudulot sa maraming magaaral at tumutugon sa programming k -12 bilang isang

paraan sa paghahanada ng mga magaaral upang maging mahusay at mapataas ang porsyento na

magkaroon ng magandang trabaho at para rin magkaroon ng magandang trabaho lalo na sa ibang

bansa. Batay sa programming k -12 tinitignan holistic development na ang mga magaaral ay

kinakailangan magkaroon ng kasanayan sa buhay na malaki ang maiiaambag sa pang-

ekonomiya nga ating bansa. Base sa pagaaral Doris franche- borja sa pahayagan na “Pilipino

Star Ngayon” nararapat ang mga magaaral ay pumili ng kursong mataas ang sahod ayon ito sa

pahayagan na “Pilipino Star Ngayon”. Ang mananaliksik ay nakahanap ng hindi maayos na

pagbabalanse kaya’t hindi maayos ang ipinapahiwatig nito. Kaya payo ng kalihim ay huwag

gayahin ang kanilang kaklase sa pagpili ng kurso sa kolehiyo, dahil ito ay may malaking epekto

sa kanilang pagaaral lalo na kung hindi mo gusto ang iyong napiling kurso. Isa sa negatibong

epekto sa pagkabahala ng magaaral sa pagpili ng kurso ay pagkatamad sa mga mararaming

Gawain at isa pa doon ang pananatili ng kanilang grado na 83% upang hindi maalis sa kinuhang

kurso.

Ayon rin sa pagaaral ni Pasaquian (2014), ang dahilan muli ay ang pagpwersa ng

magulang o ng mga tao sa paligid kaya nagagawang makapagdesisyon ng hindi naman talaga

nais kunin
Mga Banyagang Pag-aaral

Ayon rin sa pagaaral ni Pasaquian (2014), ang dahilan muli ay ang pagpwersa ng

magulang o ng mga tao sa paligid kaya nagagawang makapagdesisyon ng hindi naman talaga

nais kunin.

Sabi sa Kabanata II ng isang banyagang pagaaral, isa sa mga sanhi ng takot ng mga mag-

aaral sa sipnayan ay hindi dahil sa asignatura kung hindi dahil sa mga guro. Kinakabahan silang

mag presenta ng kanilang mga solusyon sa harap ng kanilang mga kaklase dahil ayaw nilang

mapahiya, lalo na't kung mahirap iyong kanilang pinagaaralan. Maliban sa mga guro, isa pang

dahilan ng kanilang takot ay ang kanilang mga magulang. Dahil ito sa kagustuhan ng mga

magulang na maganda ang mga marka na makukuha ng kanilang mga anak Ng, Ley Keow,

Mathematics Anxiety in secondary school students, pahina 571

Ayon sa pag aaral na ito, may mga mag aaral na mayroong takot sa pag aaral ng agham at

sipnayan. Subalit sinasabi dito na dapat tulungan ng mga magulang at mga guro ang mga mag

aaral upang maalis ang kanilang takot sa mga asignaturang ito. Tinukoy rin dito ang mga dahilan

kung bakit ang mga mag aaral ay may takot sa asignaturang nabanggit. At mayroon pang tinukoy

dito tungkol sa mga magandang resultang dulot ng pagtulong ng mga magulang at guro sa mga

mag aaral.

Ayon sa pag aaral na ito may mga mag aaral na balisa lalo na sa asignaturag sipnayan.

Sinabi dito na mas mataas na bilang ng mga kababaihan ang balisa sa sipnayan subalit ang mga

lalaki naman ay mas mababa kaysa sa mga kababaihan. Ginawa ang pananaliksik na ito upang

malaman kung anong kasarian ang mas balisa pagdating sa asignaturang sipnayan.

You might also like