You are on page 1of 26

Magasin

Halina’t Alamin…
May kaunting
Alam mo ba kung alam po ako
ano ang ngunit hindi po
magasin? ito ganoon
kalawak
Magasin
• Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng
maraming artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa. kalimitang
pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng
impormasyon sa mga mambabasa.
• Ito ay may sukat na mas malaki kaysa aklat ngunit mas maliit kaysa
pahayagan.
• Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na
iniindorso ng mga sikat na tao sa bansa.
Mga Halimbawa ng Magasin

Mga Magasin NOON at NGAYON


Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas
Lipang Kalabaw (1907)
- Ang magasin ay pag-aari ng editor din nito na si Lope K. Santos. Ang Lipang
Kalabaw ay tumatalakay sa mga isyu ng politika, lipunan at kultura. Naging
kontrobersyal ang magasing ito dahil sa mga karikatura ng mga kilalang personalidad ng
panahong iyon. Ayon sa mga mananalaysay ng sining, ang mga karikaturang ito ay
iginuhit ni Jorhe Pineda. Tumigil ang operasyon ng magasin noong 1909 dahil sa mga
reklamo ng mga opisyal ng pamahalaan na parati nitong tinutuligsa.
- Ito’y nailathala sa tatlong magkakaibang panahon:1907-1909, 1922-1924,
1947-1948 dahil sa paulit-ulit na pagpapatigil dito.
- Ilan sa mga tinuligsa nitong pulitiko ay sina Gobernador Leonard Wood.
- May mga komiks din na nailathala dito bilang isang “page filler” na tumutuligsa
sa pamumuno ng mga Amerikano.
Lipang Kalabaw
Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas
Telembang (1922-1924)
-ay isang satirikong lingguhang magasin na nasa sirkulasyon ng industriya
noong 1922 hanggang 1924. Ang pangunahing editor sa magasing ito ay si Inigo Ed
Regalado.
- Ang magasing ito ay naglalaman ng mga nakakatawang mga kwento mga
caricatures at mga cartoons.
- Ayon sa mga historyador ang mga cartoons sa magasing ito ay likha nina
Fernando Amorsolo at Jorge Pineda.
- Ang magsing ito ay naglalaman ng mga satirikong cartoons na laban sa
mga Amerikano at mga pederalista.
- Mayroong 111 isyu ang magsing ito.
Telembang
Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas
Liwayway (1922)
- Naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng mga
larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa, at tula, at nasusulat sa tatlong
wika.
- Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa
Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga
nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga
Pilipino.
- Inilunsad ni Ramon Roces ang mga magasin na nasa katutubong wika.
- Mayroon pa ring magasing Liwayway hanggang sa kasalukuyan.
Liwayway
Luma (1931) Bago (2015)
MAGASIN PRESYO BILANG NG MGA
WIKA
Lipang
Kalabaw
14¢ 3 wika
Telembang 14¢ 3 wika
Liwayway 12¢ 1 wika
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting
humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa
ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang
magasin mula sa ibang bansa.

Dahil sa pagbabagong nagaganap naghanap ang


mga tao ng ibang uri nang mga magasin na
sasakto sa kanilang panlasa at mga hinanahanap.

At dahil sa mga ito umusbong ang


industriya ng mga makabagong magasin.
Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
FHM (For Him Magazine)
- Ang magasing ito ay
tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno
ng mga impormasyon na
nagiging instrumento upang
mapag-usapan ng kalalakihan
ang maraming bagay tulad ng
buhay, pag-ibig, at iba pa nang
walang pag-aalinlangan.
Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan

Cosmopolitan
- Magasing
pangkababaihan. Ang mga
artikulo dito ay nagsisilbing
gabay upang maliwanagan
ang kababaihan tungkol sa
mga pinakamainit na isyu sa
kalusugan, kagandahan,
kultura at aliwan.
Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
Good Housekeeping
- Isang magasin para
sa mga abalang ina. Ang
mga artikulong nakasulat
sa dito ay tumutulong sa
kanila upang gawin ang
kanilang mga
responsibilidad at maging
mabuting maybahay.
Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
Yes!
- Ang magasin tungkol
sa balitang showbiz. Ang
nilalaman nito ay palaging
bago, puno ng mga nakaw-
atensyon na larawan at
malalaman na detalye
tungkol sa mga pinakasikat
na artista sa bansa.
Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan

Metro
- Magasin tungkol
sa fashion, mga
pangyayari, shopping
at mga isyu hinggil sa
kagandahan ang
nilalaman ng Metro.
Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan

Candy
Binibigyan ng pansin
ang mga kagustuhan at
suliranin ng kabataan. Ito
ay gawa ng mga batang
manunulat na mas
nakauunawa sa sitwasyon
ng mga mambabasa
Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
Men’s Health
- Magasin na nakatutulong
sa kalalakihan tungkol sa mga
isyu ng kalusugan. Mga
pamamaraan sa pag-ehersisyo,
pagbabawas ng timbang, mga
pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusugan ang nilalaman nito,
kung kaya ito ay naging paborito
ng maraming kalalakihan.
Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
T3
- Isang magasin para
lamang sa mga gadget.
Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya at kagamitan
nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at
gabay tungkol sa pag-aalaga
ng mga gadget.
Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan

Entrepreneur
-Magasin para sa
mga taong may
negosyo o nais
magtayo ng negosyo.
Ngayon sa tingin
ko’y sapat na ang
iyong nalalaman
Ngayon oras na para Syempre
sa pagsusulit. PAGSUSULIT?
HANDA NA
AKO!
PAGSUSULIT…
1. Ang ________ ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng
maraming artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa.
kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay
ng impormasyon sa mga mambabasa.
2. Ito ay ang kauna-uanahang magasin na lumabas noong 1907
3. Ang magasin na Telembang ay nagsimula noong taong __________
at natapos ang paglalathala noong __________.
4. Ang Magasing telembang ay may ilang isyu?
5. Sa anong pangalan unang nakilala ang Magasin na Liwayway?
6. Magkano naibebenta noon ang magasing Lipang Kalabaw?
PAGSUSULIT…
7. Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay
gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga
mambabasa. Ano ang magasin na ito?

8. Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga


impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng
kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang
walang pag-aalinlangan. Anong magasin ang tinutukoy sa pahayag?

9. Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo. Ano
ito?

10. Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ano ang
magasing sinasabi sa pahayag?
MGA
KASAGUTAN
1.Magasin 7.Candy

2.Lipang Kalabaw 8.FHM / For Him Magazine

3.1922-1924 9. Entrepeneur

4.111 na isyu 10. T3

5.Photo News

6.14 ¢

You might also like