You are on page 1of 3

MGA POSITIBO

AT NEGATIBONG
EPEKTO NG
WATTPAD SA
MGA MAG-AARAL

Janna Elisha Domingo


BSBA-HRDM 1-1N
PANIMULA:
Tila ang layo-layo na nga ng henerasyon noon sa henerasyon ngayon. Maraming bagay
na nagbago sa pamumuhay ng isang tao dahilan upang masabing tunay na nasa
modernong panahon na tayo. Isang magandang halimbawa ang aspeto ng pagbabasa.
Kung dati-rati, lahat ng mga kabataan aklat ang ginagamit sa tuwing magbabasa,
ngayon dulot ng teknolohiya ang mga imposible noon ay naging possible sa
kasalukuyang panahon – nakakapagbasa na tayo ng iba’t-ibang kwento mula sa
magkakaibang genre gamit ang ating mga computer, laptop, maging sa ating mga
cellphone.
At isa sa pinakapopular na produkto ng teknolohiyang tinatangkilik ng maraming
kabataan ngayon ay ang Wattpad. Ito ay isang uri ng social networking site at isa ring
online community na itinatag noong 2006 nina Allen Lau at Ivan Yuen ngunit naging
tanyag lamang noong 2011. Ang aksesibilidad nito para sa mga manunulat at
mambabasa ang isa sa mga naging daan upang tuluyan itong makilala at yakapin ng
publiko partikular na ang mga Pilipino.

A. Layunin ng Pag-aaral
Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito na mapag-alaman at mailahad ang ibat
ibang patunay bg pagiging isang wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng
mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos savpagbabasa
ng Wattpad. Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mananaliksik ang Slovin’s formula upang
tukuyin ang bilang ng resondenteng tutugon

MGA EPEKTO NG PAGBABASA NG WATTPAD:


 Ito ay nakakapekto sa emosyon ng isang indibidwal dahil kumakabog ang
kanilang dibdib sa tuwing mag aapdeyt ang paborito nilang awtor sa kwentong
kanilang binabasa
 Ang ibang wattpader naman ay naglalaan pa ng ilang minuto upang magmuni-
muni at magbalik-tanaw sa mga pangyayari sa kwento
 Karamihan sa mga nagbabasa ay naaapektuhan sila ng sobra sa kanilang
binabasa na para bang sila iyong mismong gumaganap sa kwento
MGA POSITIBONG EPEKTO:
 Nakakapagbigay ng kasiyahan
 Nakakapagbigay ng satispaksyon at nakapagtuturo ng aral
 Lumalawak ang kaisipan ukol sa realidad
 Nakakalimutan ang problema
 Nadedebelop ang 5 aspeto ng isang indibidwal

MGA NEGATIBONG EPEKTO:


 Napapabayaan ang pag-aaral
 Nawawalan ng disiplina sa sarili
 Nalilipasan ng gutom
 Nawawalan ng oras sa pamilya at iba pang mahahalagang tao
PAG-AANALISA:
Base sa ginawang pananaliksik, makikita natin na may ibat-ibang epekto ang
Wattpad sa mga kabataan. Negatibo o positibo man ito, dapat nating ibalanse ang
ating oras sa paggamit ng social networking site. Nararapat lamang na unahin muna
natin ang mga dapat gawin at huwag abusuhin ang paggamit ng mga ito. Matuto
tayong disiplinahin ang ating sarili para din sa ating ikabubuti.

You might also like