You are on page 1of 9

Banghay Aralin sa Edukasyon sa

Pagpapakatao 6

Aralin 15: Ako at ang aking Papel tungo sa


Kamalayang sPansibiko

Bilang ng araw ng Pagtuturo:


5 Araw (30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa
bansa at pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa
at mapagkalingang pamayanan

Pamantayan sa Pagganap:
Naipakikita ang mga gawaing tumutugon sa pagmamahal sa bansa
sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok na may dedikasyon at
integridad

Pamantayan sa Pagkatuto

I. LAYUNIN:
Nabibigyang-halaga ang mga batayang kalayaan na may kaukulang
pananagutan at limitasyon
4.1. kalayaan sa pamamahayag
4.2. pagbibigay ng sariling opinyon, ideya o pananaw
Code: EsP6PPP- IIIa-c–34
II. PAKSA: Aralin 17: Ako Tungo sa Kamalayang Pansibiko
a. Sanggunian:
MISOSA 6. Makatuwiran at Pantay na Pagbibigay ng Pasiya;
Pagkukusang Sumali sa mga Gawaing Pansibiko
a. b. Kagamitan: powerpoint presention, videoclips (Jam nina
Kevin Roy at Cooky Chua), artikulong “Problemang Pinas:
Wapakels” mula sa thepinoysite.com, Social Awareness
Campaign” ni CJ Angeles na kinuha sa youtube.com,
metacards, manila paper/cartolina, permanent marker at masking
tape
c. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa bansa
* Kamalayang Pansibiko (Civic Consciousness)

III. PAMAMARAAN
Unang Araw
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
2. Pagdarasal
3. Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
4. Pagpapaayos ng silid at mga upuan
5. Pagpapakita ng mga larawan ng pagka kanya-kanya o
kawalang pakialam sa kapwa at kumonidad. Hayaang
magbigay ng opinyon o ideya ang bawat isa.

Mga larawang kuha gamit ang www.google.com. (Mas mainam na puntahan at i-cite ang
orihinal na website.

a. Ano-anong tagpo ang makikita sa larawan. Isa-isahin?


b. Sino-sino ang kabilang sa mga larawan at ano ang
kanilang ginagawa?
c. Nakikita o namamasdan nyo ba ang mga iyan sa inyong
paligid?
d. Ano ang naisip o naramdaman mo habang nakikita ang
mga larawan at inaalala ang aktwal na nagaganap sa
kapaligiran?
e. Tama ba o mali ang ipinakikita ng mga nasa larawan?
Maghatol at mangatwiran?

B. Panlinang na Gawain
1. Alamin Natin
Magpakita ng mga bagong larawan. Sa pagkakataong ito, ang
mga larawan ay nagpapamalas ng Civic Consciousness o
Kamalayang Pansibiko.

Mga larawang kuha gamit ang www.google.com. (Mas mainam na puntahan at i-cite ang
orihinal na website.
Magkaroon ng talakayan sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga
ito:
a. Ano ano naman ang makikita at ginagawa ng mga tao na
nasa bagong mga larawang ipinakita?
b. Sa pagkakataong ito, ano ano naman ang inyong
naramdaman habang pinagmamasdan ang mga larawan?
c. Bumanggit ng mga pagkakatulad at pagkakaiba sa
ipinakikita ng mga larawan. Ano ang wala sa unang set na
nasa ikalawang set? (Magbigay ng iba pang prompts
hanggang mai-direkta ang mga bata na kailangan ng
Kamalayang Pansibiko)
d. Ibigay ang depinisyon ng Kamalayang Pansibiko at mga
halimbawa kung papano ito maipapakita. Gamitin ang mga
kapaliwanagang nasa MISOSA 6. I-highlight din na
napakahalagang paraan para maisakatuparan ito ay ang
pagkakaroon ng kagustuhang makatulong at kalayaan sa
pamamahayag.
e. Ipabasa ang artikulong: Problemang Pinas: Wapakels!
Closure: Iparinig ang awit na Jam nina Kevin Roy at Cooky Chua. Sa huli,
bigyang diin ang sabi sa lyrics na: Kilos kabataan, oras natin ‘to.
MAKIALAM, MAKI-JAM, MAKILAHOK. Ipabigkas ito sa mga mag-aaral.

Ikalawang araw
2. Isagawa Natin

a. Pagbati sa mag-aaral.
b. Balik-aral. Itanong :
1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
2. Anong pagpagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa
aralin?
3. Paano ito nakaimpluwensiya sa iyo at sa bansa bilang
miyembro ng lipunang iyong ginagalawan?
c. Pangkatin sa lima mga mag-aaral at ibigay ang sumusunod na
gawain:

PANGKAT PAKSA GAWAIN


Unang Pangkat Ako, kapwa at Impormal na debate
katarungan
Ikalawang Ako, kapwa at Sayaw interpretativ
Pangkat kalikasan
Ikatlong Pangkat Ako, kapwa at Dula-dulaan
kahirapan
Ikaapat na Ako, kapwa at Pagguhit ng poster/collage
Pangkat edukasyon
Ikalimang Ako, kapwa at pag- Paglalapat ng lyrics sa isang
Pangkat uugali kanta

d. Talakayin ang mekaniks at ibigay ang iba pang mga direksyon


tulad ng:
1. Magkaroon ng sama-samang pag-iisip (brainstorming)
tungkol sa nabunot na konsepto/gawain na dapat malaman
ng isang mag-aaral na bahagi ng isang bansa.
2. Nakabase sa nakaatang na gawain, ipakita/talakayin ang
mga reyalidad ng buhay at kung ano ang ideyal o
nararapat na isaisip at ikilos ng tao.
e. Ipabatid ang rubriks para sa gawain.

RUBRIKS PARA SA PANGKATANG GAWAIN


KRAYTERYA NAPAKAHUSAY MAHUSAY KAILANGAN
PANG
(3 Puntos) (2 Puntos) PAUNLARIN
(1 Puntos)
Nilalaman Lahat ng Isa hanggang Tatlo o higit
konseptong dalawang pang
nakapaloob sa konseptong konseptong
output ay tumpak nakapaloob sa nakapaloob sa
at may kinalaman output ay output ay
sa paksa tumpak at may tumpak at may
kinalaman sa kinalaman sa
paksa paksa
Kahusayan ng Napakahusay at Mahusay at Hindi gaanong
output masining na masining na lumabas ang
nagampanan ang nagampanan husay at sining
nakaatang na ang nakaatang sa pinakitang
gawain na na gawain na output/paggana
naipakita sa naipakita sa p
output output
Pagtutulungan Lahat ng Isa hanggang Apat o higit
ng Pangkat miyembro ay tatlong pang miyembro
aktibong miyembro ay ay hindi
nakibahagi mula hindi gaanong gaanong
sa proseso aktibong aktibong
hanggang sa nakibahagi mula nakibahagi
matapos ang sa proseso mula sa proseso
output hanggang sa hanggang sa
matapos ang matapos ang
output output

(Para sa guro)
Tandaan na ang rubrics ay magmumula sa pagsang-ayon ng
mga mag-aaral at guro sa pag-gagrado ng gawain.
Maaari rin naming ito ay galing sa guro ngunit dapat ay may
konsultasyon sa mag-aaral upang lalong mapaganda ang
rubrics.
f. I-video ang pagtatanghal/pagpapaliwanag. (Hingin ang
pagpayag ng mga bata).
g. Magkaroon ng maikling paglalahat sa nakaraang gawain.
(Mas mainam na sa mga mag-aaral manggaling)

Closure: Gamitin ng tama ang kalayaan sa pamamahayag upang


magkaroon ng kamalayang pampulitika, pang-ekonomiya, pang-
edukasyon, pansosyal, pang-kalikasan at pangkultural. (Ipabigkas sa mga
bata: MAKIALAM, MAKI-JAM, MAKILAHOK.)

Ikatlong Araw
3. Isapuso Natin
b. Ipa-panood sa mga mag-aaral ang video clip ng kanilang
pagtatanghal bilang pagbabalik-aral.
c. Banggitin ang buod ng nakaraang aktiviti.
d. Ipa-panood sa mga mag-aaral ang maikling video clip na
“Social Awareness Campaign” ni CJ Angeles na kinuha sa
youtube.com
e. Itanong ang mga sumusunod:
1. Ano-anong datos na may kinalaman sa mga suliranin sa bansa
ang ipinakita sa video clip?
2. Naniniwala ka ba na mabibigyan pa ng solusyon ang
mga suliranin ng bansa?
(Kapag sumagot na ng “opo” ang mga mag-aaral, ipagawa ang
susunod na gawain. Kung hindi ang sagot, i-proseso upang sa huli
ay makumbinsi sila na may paraan pa.)

f. Pagsulatin ang mga mag-aaral ng kanilang panunumpa o


pangako na makikiisa sa paglutas ng mga suliranin na
nangyayari sa bansa sa pamamagitan ng pagkumpleto nito:

Gamit ang aking kalayaan sa pananalita at pagmamahal sa bansa,


makatutulong ako sa paglutas ng mga sumusunod na suliranin ng bansa:
____________________________________________________________________
____________________________________________________________
Upang mangyari ito, ipinapangako ko na gagawin ko
________________________________________
______________________________________

Tulungan nawa ako ng Diyos!

(Ipasulat ito sa papel na korteng puso. Hayaan din ang mga batang lagyan
ito ng iba pang desinyo)

Closure: Bawat isa ay may magagawa o maitutulong. Ang kailangan ay:


MAKIALAM, MAKI-JAM, MAKILAHOK. (Sa pagkakataong ito, ipabanggit sa
mga bata ang tatlong kataga sa paawit na paraan.)

C. Pangwakas na Gawain

Ikaapat at Ikalimang Araw


4. Isabuhay Natin

a. Itanong. Sa paanong paraan ka makatutulong upang


mabigyang solusyon ang mga suliraning nararanasan ng
bansa.
b. Gamit ang simpleng template na nasa ibaba, bumuo ng isang
mungkahi sa pamamagitang ng project proposal (tingnan ang
kasamang kopya na gagamitin ng bata).
c. Ipaulat ang mga mungkahing proyekto. Bago ito, sabihin na
ang mapipiling proyekto ay aktwal na isasagawa ng boung
klase bago matapos ang yunit.

MUNGKAHING PROYEKTO
Pangalan ng Proyekto:
Tagapagsulong:
Kailan at Saan Gaganapin:

Rationale: (Gabayan ang mga bata sa pagbuo nito. Sabihin na magsimula


sa ano ang kasalukuyang suliranin (tungkol sa napili ng grupo) at paano
makatutulong ang proyektong nais isagawa. Ilahad din ang inaasahang
magiging impact o mabuting epekto nito.

Layunin: (Tulungan ang mga mag-aaral na gumawa nito sa pamamagitan


ng mga halimbawa) Ipaunawang ito ay espisipik na mga gagawin at naisin
na agad-agad maisasakatuparan sa pagsasagawa ng proyekto.

Mga Gawain: (Ano ano ang mga nakatakdang gawain mula sa pagpaplano
hanggang sa pagsasakatuparan ng mga ito.

Paghahati ng mga gawain: (Ipasulat ang mga trabaho at kung sino ang
gaganap dito.

Closure sa ikapat na araw: Sasabihin ng guro: Kung hindi ikaw, sino?


Kung hindi
ngayon, kalian?
Sasagot ang mga mag-aaral: MAKIALAM, MAKI-JAM, MAKILAHOK.

IV. Pagtataya
5. Subukin Natin
a. Balikan ang mga konseptong tinalakay sa mga nakaraang
araw.
b. Pasagutan ang sumusunod na katanungan:
1. TAMA o MALI. Nagpapatuloy ang iba’t ibang suliranin sa
bansa dahil sa kawalang kamalayan o pakialam sa mga
pangyayari sa komunidad at bansa?
2. Identipikasyon. Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa,
anong mabuting pagpapahalaga ang dapat malinang sa
tulad mong Pilipino?
3. Multiple Choice. Magagampanan ang pagtugon sa mga
suliranin sa pamamagitan ng:
A. Pagbibigay ng ideya o opinion
B. Pagtupad sa malaya at responsableng pamamahayag
C. Pakikipagtulungan sa bansa
D. Lahat ng nabanggit
4.-5. Pag-iisa-isa. Magbigay ng dalawang aspektong pang-
sibiko na dapat kang magkaroon ng kamalayan.

Matapos makapag tsek ng papel, ituon ang atensyon ng mga mag-aaral


sa panonood sa pakikinig ng awit.

Closure sa ikalimang araw: Sasabihin ng guro: Hayan nakatapos na


naman tayo ng isang aralin kaya binabati ko kayo sa inyong aktibong
pakikilahok.
Patuloy nating tatandaan na sa EsP, natutunan ay ilagay sa isip, damhin
ng puso at ikilos ng katawan.
Sa anomang suliranin, ipakita ang pagmamahal sa bansa kaya dapat tayo
ay… MAKIALAM, MAKI-JAM, MAKILAHOK (tugon ng mga mag-aaral)
(Muling patutugtugin ang awit na Jam)

V. Takdang-aralin
Maglista ng iba pang mga suliranin sa komunidad/bansa na hindi pa
natalakay sa klase at kapanayamin ang mga magulang o kapitbahay sa
maaaring solusyon o magagawa dito.
Isulat sa kwaderno ang sagot at maghanda sa pagbabahagi sa klase

Inihanda ni:

JAYPEE E. LOPO
Division Co-coordinator, EsP
Senior Education Program Specialist-HRD
Division of Bińan City
Region IV-A CALABARZON

Binigyang-pansin:

JENNIFER A. DE VILLA
Education Program Supervisor, EsP
Division of San Pablo City
Region IV-A CALABARZON

Isinumite kay:

JOSELITA B. GULAPA
Senior Education Program Specialist
EsP Focal Person, Central Office

You might also like