You are on page 1of 12

MALAY

Tomo XX • Blg. 2 • April 2008


Pamantasang De La Salle–Maynila

Ang Katotohanan tungkol kay Inocencia


Binayubay (alyas Inday) at ang PPagsugo
agsugo sa mga
Pinoy Supermaid sa Iba’t Ibang PPanig
anig ng Mundo

Allan N. Derain
Pamantasang De La Salle–Maynila, Filipinas

Ang sanaysay ay isang mapanuring pagbasa kay ‘Inday’ at sa mga ‘patawang-Inday’ (Inday-
joke) kaugnay ng pagbibigay ng teknikal/bokasyonal na pagsasanay para sa nagpaplanong
magtrabaho sa mga ibang bansa, at kaugnay ng diaspora ng mga manggagawang Filipino. Ang
mga patawang-Inday ay naghuhudyat ng mga kontradiksiyon kung paanong ang turing na
‘supermaid’ sa mga Filipinang DH, tulad ng ipinakikita ng kahusayan ni Inday sa kanyang
ganitong trabaho, ay katumbalikan naman ng mga limitadong opsiyon para sa sektor na
kinakatawan ni Inday bilang texto at bilang Internet icon.

The essay offers a critical reading of ‘Inday’ and ‘Inday-jokes’ as seen in the immediate
context of the technical/vocational training of those planning to work abroad as household
service workers and in the wider context of Filipino workers’ diaspora. The Inday-jokes
are indicative of contradictions in the conferring of the title ‘supermaids’ to Filipino
domestic helpers as seen in Inday’s own display of excellence in her line of work and in
the limited options of the sector supposedly represented by Inday as text as an Internet
icon.

Mga susing termino: overseas Filipino worker (OFW), Inday text, household service worker (HSW),
supermaid

H ulyo 2006 nang nagsimula ang isang mahabang


serye ng mga pambobomba sa Lebanon dulot
ng pagsagupa rito ng mga tropang Israeli.
kamag-anak na naroroon nang mga sandaling iyon,
sangkot na sangkot sila sa mga pangyayari.
Sa State of the Nation Address (SONA) ng
Samantala, sa Filipinas napapanood natin sa mga Pang. Gloria Macapagal-Arroyo nang buwan ding
balita ang mga usok sa lansangan na tumataas iyon ng pagsiklab ng digmaan, ipinahayag niya ang
hanggang sa tuktok ng mga minaret. Hindi man kaniyang pag-aalala sa mga Filipinong nasa
alam ng marami sa atin ang puno’t dulo ng Lebanon. “Sa araw na ito,” bungad niya sa
sagupaang ito, para sa maraming Filipinong may kaniyang talumpati, “nakatuon ang isip natin sa ating
16 A.N. DERAIN

mga kabayayan sa Lebanon. Nasa kuko sila ikinakabit kay Superman, hindi na rin malayong
ngayon ng malagim na paglala ng digmaan.” ikabit ito kina Wonder Woman, Batman at iba pang
Sinimulan ang malawakang repatriasyon ng mga miyembro ng makapangyarihang Justice League
overseas Filipino worker (OFW) buhat sa na dating kilala bilang Super Friends. Dahil
Lebanon. Pagkalipas ng isang taon, may halos 11 ikinakabit din sa pagiging Superstar ni Nora Aunor,
libong OFW na ang napauwi sa bansa. Karamihan konektado na rin sa salitang ito ang Megastar,
sa kanila ay may kani-kaniyang kuwento ng mga Diamond Star at Star for All Seasons at iba pang
hirap na inabot. Nakaranas ang ilan ng konstelasyon sa langit-langitan ng Pinoy show
pagmamaltrato buhat sa kanilang mga amo habang business. Samakatuwid, dahil sa idinagdag na
ang iba ay nakaranas mabilanggo dahil sa mga ‘super’ sa kanilang designasyon, sila rin ay sikat
bintang, gaya ng pagnanakaw. at magagaling; at dahil dito, inaasahang mas may
Nagkaroon ng ban sa pagpapadala ng mga kakayahang maging mas competitive sa global na
OFW sa mga kinikilalang delikadong lugar tulad larangan.
ng Iraq, Afghanistan at Lebanon. Ngunit ikatatlo Ano na ngayon ang nangyari sa pagiging martir
pa lamang ng Agosto, isang buwan lang matapos ng bagong bayani? Tulad ng nasabi na, nananatili
sumiklab ang sagupaang Lebanon at Israel, pa rin ang kabuluhan ng nasabing titulo dahil hindi
naglabas ng pahayag ang Pangulo tungkol sa naman talaga ito salungat sa bagong titulo.
‘selective deployment’ ng ilang manggagawa sa Lumilikha lang ng pagdadalawang-diwa o
mga naturang bansa. Kaugnay din nito ang ambiguity ang bago nilang titulo ngunit may lohikal
panawagan niyang i-upgrade ang mga kasanayan, na kaisahan pa rin ito. Superhero na sila ngunit
partikular ng mga domestic helper (DH) upang martir pa rin; samakatuwid, mga martir na
hindi na lamang sila maging mga ordinaryong maid superhero. Dahil ang bagong dagdag na
kundi mga supermaid. Marami ang natawa at kakayahang lilikhain sa kanila ay ang kakayahang
nainis sa bagong taguring ito ng Pangulo sa mga mas makasunod sa namamayaning sistema ng
DH na ipinadadala sa ibang bansa. paggawa sa ibang bansa. Hindi ang kritikal na
Ngunit ano nga ba ang nangyari nang ikinabit katayuan ng kanilang mga trabaho ang
ng Pangulo ang ‘super’ sa designasyong ‘maid’? magkakaroon ng pagbabago. Wala ito sa pangako
Paano nito naiba ang katayuan ng maraming DH ng Gobyerno. Lalong hindi rin kayang baguhin ng
sa labas ng bansa? Tandaang bago pa ang mga DH ang mga kondisyong ito ng paggawa kahit
pagtititulo bilang ‘supermaid,’ tinawag na silang para sa kanilang mga sarili, sa kabila ng kanilang
mga ‘bagong bayani’ kasama ng ilan pang mga bagong taglay na panuring. Ang pagbabago ay
OFW noong rehimeng Marcos. Dalawang magmumula sa mga DH lamang—kung paano sila
magkapatong na pagtititulo ngayon ang nabubuo ngayon magsasanay para sa matibay na coping
na hindi naman talaga magkasalungat bagkus pa mechanism sa pagkasa sa mga dating pahirap sa
nga ay magkasugnay. Ikakabit na lang ang ‘super’ kanilang mga trabaho.
sa ‘bagong bayani’ at mayroon na tayong mga DH
na ‘bagong superbayani.’ Ang paglikha sa mga lalong pinahusay na
Naiuugnay ang ‘bagong bayani’ sa konsepto Supermaid
natin ng bayaning martir na binabaril sa Luneta.
Sa naratibo ng mga OFW, lutang na lutang ang Ilang buwan matapos marinig ng madla ang
mga elemento ng kamartiran, sakripisyo, pagtitiis katawagang ‘Supermaids’ buhat sa Pangulo,
sa kalungkutan, pagkawalay sa mga mahal sa naglabas ng memorandum circular ang Philippine
buhay, at sa hindi-patas at kung minsan pa nga ay Overseas Employment Administration (POEA) na
hindi-makataong trato ng mga amo. Samantala, tumutupad sa paglikha ng mga pambihirang
ang ‘super’ naman ay madalas ikabit kay Superman kasambahay na maipadadala sa global na merkado.
at kay Nora Aunor na isang Superstar. Dahil Kabilang dito ang memorandum na bumabalangkas

TOMO XX • BLG. 2 • ABRIL 2008


ANG KATOTOHANAN TUNGKOL KAY INOCENCIA BINAYUBAY (ALYAS INDAY) 17

sa Pre-qualification of Filipino Household Service Binatikos naman ng ilang grupong pangmigrante


Workers (MC NO.10), Transition Period to tulad ng Asia Pacific Mission for Migrants (APMM)
Implement the Governing Board Resolution ang ganitong mga bagong eskema sa pagpapadala
Affecting Household Service Workers (HSWs), ng mga HSW sa ibang bansa. Ayon sa kanila,
Low/Semi-skilled Female Workers and Applicants paraan lamang ito para higit pang gatasan ang mga
for New License using HSWs as their New Market OFW na hindi pa man nakaaalis ng bansa ay
(MC No.11), Prequalification of Foreign Placement napagkakakitaan na nang husto ng Gobyerno.
Agencies Hiring Filipino Household Service Ayon sa pag-aaral ng MIGRANTE International,
Workers (MC No.12), Requirements for the umaabot sa may halos P17 libo ang nasisingil ng
Verification, Registration and Documentation of Gobyerno buhat sa mga papaalis na OFW para
Overseas Household Workers and Selected Skills sa buong pagpoproseso pa lang ng mga kailangang
(MC NO.14), at ang Guidelines on the Deployment papel at dokumento (Asia Pacific Mission for
of Filipino Household Service Workers. Migrants, 2007). Ngunit dahil sa dagdag na
Ayon sa mga bagong patakaran ng pagpapadala rekisitong ito ng pagkuha ng dalawang nabanggit
ng mga DH sa ibang bansa, magiging dagdag na na mga sertipiko, tataas pa nang halos kalahati ang
rekisito ang pagsasailalim ng mga aplikanteng gastusin ng mga aplikanteng DH at HSW.
household service worker (HSW) – (mga Inirereklamo ng maraming aplikante ang mataas na
caregiver, mga caretaker ng mga hotel at ospital, hinihinging traning fee ng mga training center at
at domestic worker) sa isang bagong uri ng ng mga eskuwelahan na umaabot mula P10 libo
training na maghahanda sa kanila sa pagkuha ng hanggang P15 libo kada pagsasanay. Ang mas
mga test para sa National Certificate for Household masaklap, walang kontrol ang TESDA sa ganitong
Service Workers mula sa Technical Education and mga bagay.
Skills Development Authority (TESDA) at sa Isa ang All Nations College sa mga
Language and Culture Certificate of Competence eskuwelahang nagbibigay ng ganitong mga
mula naman sa Overseas Workers Welfare pagsasanay. Ngayong taon lamang (2007)
Administration (OWWA). Layon ng mga itong natanggap nito ang rekognisyon mula sa TESDA
maipatupad ang pag-a-upgrade sa mga DH upang para buksan ang kursong tinatawag na
mapangalagaan daw ng Gobyerno ang kapakanan Housekeeping National Competency II. Isa
ng mga HSW sa ibang bansa at upang magkaroon lamang ito sa mga short-term program sa ilalim
ang mga manggagawang ito ng pagkakataong ng TESDA na nais ialok ng nasabing kolehiyo. Sa
makakuha ng mas malalaking sahod. hinaharap, plano rin nitong magbukas ng mga
Dati, pumupunta ang mga nais maging DH sa kursong Language Proficiency in English,
ibang bansa dala ang kanilang likas na talino at Mandarin, Korean, at Fukien, Associate in HRM,
kaalaman sa mga gawaing pantahanan. Sa Caregiving/Nursing Aid (anim na buwan),
pinanggalingang patriyarkal na lipunan, dito dapat Household NC II, Practical Nursing (isang taon),
eksperto ang mga Pinay na mangingibang-bayan. Nursing Assistance (dalawang taon), Food and
Ganito pa rin naman ngayon sa kalakhan, bagaman Beverage Services, Information Technology,
unti-unti nang nagiging propesyunalisado ang Frontdesk Services, Bartending, at Waitering.
ganitong klase ng trabaho. Nagiging mas mataas Mahahalata agad buhat sa listahang ito ang
ang kahingian sa isang klase ng kakayahang arál, merkadong tinatarget ng mga kurso.
teknikal at pinagsanayan. Kaya kung sa ngayon Niliwanag ni Fatima Aureada ng All Nations
ay puwede pa rin sa pagkakatulong ang pa-ouido, College, mula sa personal na panayam, na kahit
darating ang panahong baka hindi na. Kahit ang ang kanilang Housekeeping Course ay hindi lang
pagkakatulong ay kailangan na ring pag-aralan para sa mga nagpaplanong maging DH sa ibang
tulad ng kung paano nag-aaral ang mga gustong bansa. Ipinaliwanag niyang wala pang tiyak na job
maging nurse at caregiver sa ibang bansa. designation ang mga estudyanteng pumapasok sa

MALAY
18 A.N. DERAIN

kanilang kurso. Ngunit karamihan ay umaasam na presidente at founder ng nasabing eskuwelahan,


pagkatapos ng pagsasanay ay makakukuha sila ng may iisang bisyon at misyon ang kaniyang itinayong
trabaho sa mga hotel, kahit pa lubhang kakaunti institusyon. “Have you ever thought why God
ang mga nakakapasok sa mga hotel lalo na sa allows 9 million OFWs [sic] scattered to serve the
ibang bansa. Kailangang 20 hanggang 27 ang whole world now?” tila pamisteryosong tanong ng
edad ng aplikante, at mas pinipili pa ang mga lalaki founder na ito sa kanilang ikinakalat na brochure.
dahil kailangan nila ng mga manggagawang “Surely, God wants to use them for world
maliliksi kung kumilos. Dahil dito, maraming mga evangelization in this generation.”
babaeng lampas edad-27 ang hindi natatanggap Hindi nakapagtataka ang ganitong mga
kung kaya nauuwi sa pagdi-DH matapos ang pahayag buhat sa nasabing founder ng kolehiyo
pagsasanay. na isang misyonerong Koreano-Amerikano.
Hindi birong paghahanda ang ginawa ng All Naniniwala siyang kasama sa kalooban ng Diyos
Nations College upang makakuha ng rekognisyon ang pagkalat ng maraming Filipino sa iba’t ibang
mula sa TESDA. Ipinakita ng registrar ng kolehiyo panig ng mundo. Hindi lamang ito katuparan ng
ang listahan ng mga dokumentong kailangan para mga personal na pangarap ng pag-unlad ng mga
mabuksan ang kanilang programang Housekeeping OFW at ng kanilang pamilya; higit na mahalaga,
NC II: katuparan ito ng plano ng Diyos ng pagpapakalat
ng ebanghelyo sa mga bansa sa pamamagitan ng
(1) SEC Registration at Articles of Incorporation;
mga OFW. Ang mga Filipino raw kasi, ayon sa
(2) kasalukuyang Certificate of Ownership of
kaniya, ay may likas na husay sa pag-aaral ng
Building/Contract Lease;
ibang wika at kakayahang mag-adapt sa ibang
(3) Fire Safety Certificate;
(4) mga curricular requirement, kurikulum, kultura bukod pa sa pagiging mga tunay na deboto
course at subject description, listahan ng ng kanilang pananampalataya. Nagkataong mga
gamit at kasangkapan, instructional katangian din itong kailangan ng isang mahusay
materials, facilities, off-campus facilities; na misyonero. Bukod pa rito, nakararating ang
(5) faculty at personnel, teaching at non- mga OFW sa mga lugar at bansang hindi madaling
teaching; napapasok ng mga Kristiyanong misyonero—mga
(6) mga academic rule, schedule at breakdown delikadong lugar sa pag-eebanghelyo tulad ng
ng tuition fee at ibang program cost, sistema Iraq, Lebanon, at Afghanistan. Dahil dito,
ng paggagrado, mga entrance/admission nakabakas din sa pangingibang-bansa ng mga
requirement, mga panuntunan ng attendance; OFW ang pagpapalawak ng Kristiyanismo. Kaya
at sa pagbubukas ng ganitong klaseng training center
(7) support service, health service, career sa Filipinas, dalawang ibon agad ang kanilang
guidance at mga placement service. nasasapol sa iisang bato: nakapagsasanay na sila
ng mahuhusay na manggagawa abroad,
Mula sa listahang ito, makikitang malaki ang nakapagpo-produce pa sila ng mga puwedeng
kailangang puhunan sa pag-o-operate ng ganitong kumatawan sa kanilang relihiyong nais ikalat sa
center. Halos katulad din ng sa mga pormal na ibang bansa. Sa ganito, makikitang patong-
edukasyonal na institusyon ang mga kailangan nila patong na ang mga interes na nakaangkas sa
para mabigyan ng permit. Kaya hindi pagtulak ng mga manggagawa sa ibang bansa: ang
nakapagtatakang malaki ang singil ng mga sariling interes, ang interes ng mga kaanak, ang
pribadong center sa mga aplikanteng nais maging interes ng gobyerno, at ngayon, ang interes ng
DH o HSW. simbahan.
Para sa All Nations College, may isa pang Bukod sa simbahan, nakabakas din sa paghayo
mabigat na dahilan ang pagtatayo nila ng ganitong ng mga sinasanay na supermaid ang interes ng mga
paaralan, bukod sa simpleng negosyo. Para sa negosyo. Ayon pa rin kay Aureada, malaking

TOMO XX • BLG. 2 • ABRIL 2008


ANG KATOTOHANAN TUNGKOL KAY INOCENCIA BINAYUBAY (ALYAS INDAY) 19

bahagi ng test na kukunin ng mga trainee ang Ang atsay na ‘ispokening dolar’
pagpapakita ng mismong kaalaman sa paggamit
ng mga kasangkapan sa bahay/hotel. Ihahanay Tila bilang tugon sa mga supermaid na
sa kanilang harap ang iba’t ibang makabagong hinahanap ng Pangulong Arroyo ang paglitaw
kasangkapan tulad ng floor polisher, vacuum naman ni Inday sa mga SMS at Internet.
cleaner, washing machine, oven stove, at iba Bukambibig na siya ngayon ng marami at ayon nga
pa. Isa-isa itong aktuwal na ipagagamit sa kanila. sa kaniyang sariling blog ( opo, may sariling blog
Minsan, puwede silang utusan ng mga eksaminer si Inday, ang http://blogniinday.com), “She is now
na magluto ng hihilinging putahe. Hindi lang becoming one of the fastest rising Internet stars
pagluluto. Puwede rin silang utusang maghanda amassing a number of followers all over the world,
at mag-ayos ng mesa kung saan aktuwal na mostly Filipinos...” Dagdag pa sa nasabing press
pagsisilbihan ang mga eksaminer. Minsan release, ilan sa listahan ng mga personaheng kaniya
naman, puwedeng ipalilinis sa kanila ang buong nang naungusan pagdating sa popularidad ay sina
bahay na pinagdarausan ng pagsusulit. At minsan Ederlyn, Yuga, ang Numa Numa Boy, at ang
din, puwede silang paglabahin ng kilo-kilong Chinese Backstreet Boys. Bukod pa rito, kasama
lalabhan. na rin si Inday (o marahil ay nagpapanggap na Inday)
Kaya nakasentro sa sinasabing housekeeping sa cast ng telepantasyang Zaido ng GMA-7.
course ang pag-aaral sa paggamit ng mga
Para sa mga hindi pa gaanong nakakikilala sa
kasangkapang mayroon ang kanilang magiging
kaniya, si Inday, ayon sa kaniyang bio-data na
mga employer. Kailangan nilang maging pamilyar
mababasa rin sa kaniyang blog ay si Inocencia
sa mga pinakabagong teknolohiya at
Binayubay, edad 18 taon, anak nina Mang Andoy
kaginhawaang naibibigay ng mga ito sa mga
at Aling Seling, may tatlo pang nakababatang mga
marunong gumamit. Madalas, may kani-kaniyang
kapatid, nakatapos hanggang ikalawang taon sa
mga kapritso ang mga kasangkapang ito, na sa
halip na maging mas simple dahil sa pag- kolehiyo bilang iskolar sa La Salle Zobel, at naging
arangkada ng teknolohiya ay nagiging mas household service manager (katulong) nina Mr.
masalimuot pa ang paggamit sa mga ito. Anupa’t at Mrs. Montemayor.
parang nagkakaroon na rin ng sarili nilang mga Kasama sa mga dahilan kung bakit naging isang
buhay at kaisipan ang mga makinang ito na lampas novelty item si Inday ay ang kaniyang kakayahang
sa kontrol ng may hawak ng buton. Ang mga gumamit ng Ingles sa kabila ng kaniyang pagiging
kasangkapan ay kailangan ding pakisamahan dahil isang katulong. Hindi lamang basta Ingles ito kundi
hindi lang kasangkapan ang mga ito, bagkus ay makadugo-ilong na Ingles na kaya niyang ipaulan
nagiging mga ‘katrabaho’ na rin ng mga HSW. sa kaniyang mga amo at sa mga taong nakapaligid
Dahil dito, katulong ang mga supplier ng mga sa kaniya.
housekeeping equipment tulad ng SC Johnson, Kung paano naman siya nagkaroon ng ganitong
Euroclean, Minuteman, Bayer at iba pa sa klaseng abilidad, may maikling paliwanag pa rin
pagtuturo sa mga aplikante. Madalas, ang mga sa kaniyang website. Bilang parusa raw sa
nasabing kompanya ang namamahagi ng hand- pagkabuwisit ng kaniyang amo, ipinadala siya nito
out sa mga training center. Kaya mahigpit ang sa Inglatera para mag-aral ng dalawang linggong
pagkakawing ng pag-aaral ng mga estudyanteng kurso sa ‘good manners and right conduct.’
housekeeper sa pagpapakilala, pagpapatalastas, Marahil doon na namakyaw ng kaniyang Ingles ang
at pagbebenta ng mga kasangkapan. Kaya bukod katulong kaya pagbalik sa Filipinas para muling
pa sa mga interes mula sa labas na nabanggit na, sumabak sa dating trabaho ay naging ibang-iba na
idagdag na rin ang malalaking kumpanya ng mga ito lalo na sa paraan ng pagsagot.
kasangkapang ito sa mga nakikibakas sa pagtulak Isang tipikal na halimbawa kung paano sila mag-
ng mga manggagawa sa ibang bansa. usap ng kaniyang amo ang isang text joke na ito

MALAY
20 A.N. DERAIN

(galing sa kaniyang blog ang lahat ng joke na pag- ituturo naman ang tungkol sa intra at interpersonal
aaralan): development, personal hygiene kasama na ang
work values at ethical standards. Maliwanag,
AMO: Inday, hindi mo ba natanggap text kung ganoon, kung para kanino talaga ang layunin
ko? Tinext kita. Sabi ko bumili ka na rin ng ng mga araling ito at ang dahilan kung bakit
giniling. Selpon selpon ka pa, di naman mahalagang makapagsalita at makaintindi ng Ingles
nakakareceive ng text. ang isang katulong na may among nagsasalita rin
ng Ingles.
INDAY: It’s not that I can’t receive any Kung babalikan naman ang Inday joke sa itaas,
messages; it’s just that I was at a place with gumamit si Inday ng Ingles, ngunit makikitang
a weak cellular signal. You see, even though tinadtad naman niya ng mga salitang lampas sa
longer wavelengths have the advantage of rehistro ng kaniyang amo ang kaniyang sagot.
being able to diffract to a greater degree and Walang signal ang kaniyang cellphone—ito lang
are less reliant on line of sight to obtain a naman talaga ang ibig niyang sabihin. Ngunit
good signal, it can still attenuate significantly. parang kinuha sa isang science manual ang
And because the frequencies that cellphones paliwanag niya sa amo sa paggamit ng mga teknikal
use are too high to reflect off the ionosphere na termino at maliwanag na hindi simpleng
as shortwave radio waves do, cellphone maybahay tulad ng kaniyang amo ang target na
waves cannot travel via the ionosphere. tagatanggap ng mensahe. Sa ganitong paraan,
nagagamit ang wika hindi lamang bilang simpleng
Tulad ng nabanggit na, ilang buwan matapos ang instrumento ng pagkakaintindihan kundi manapa’y
panawagan ng Pangulo sa produksiyon ng mga bilang instrumento nga ng hindi-pagkakaintindihan
supermaid, naglabas ng memo ang POEA na at sa ganito ay ng pagsasanggalang ni Inday ng
isasama nila sa mga pre-qualification kaniyang sarili mula sa kontrol ng kaniyang amo.
requirement ng mga HSW ang pagkuha ng Masasabing sa isang banda, subersibo rin naman
tinatawag na ‘Certificate of Competency’ sa wika pala ang gamit ni Inday sa wikang Ingles.
at kultura ng pupuntahang bansa. Sa kaso ng Kung ganito rin ang magiging layunin ng mga
marami, kabilang dito ang pagkuha ng kurso sa aplikanteng DH sa pag-aaral ng ibang wika, wala
English proficiency. ring magiging pagkakaiba kung mag-aaral sila o
Kasabay ng pag-aaral ng bagong wika at kultura hindi ng pangalawang bagong wika dahil sapat na
ay pag-aaral din sa kung paano makikibagay sa ang paggamit ng sarili nilang wika—Kiniray-a
mga madaratnang amo sa ibang bansa. Sa halimbawa na gagamitin sa pakikipagdiplomasya
kurikulum, halimbawa, na inihanda ng All Nations sa isang among Scandinavian—para hindi na sila
College para sa kanilang Housekeeping Course mag-usap kahit kailan. Kung makapag-Ingles
(nakabatay sa rekomendasyon ng TESDA ang naman sila, paano nila paduduguin ang ilong ng
kanilang kurikulum), laman ng modyul para sa among dati nang nagsasalita sa Ingles? Sa kanilang
bahaging may kinalaman sa communication kinalulugaran sa relasyong pangkapangyarihan ng
competency ang ilang pagbabalik sa basic English amo’t katulong, sila ang tunay na mawawalan kung
grammar: parts of speech, sentence hindi sila makikipagtalastasan nang maayos sa mga
construction, effective communication, nakatataas. Sa madaling sabi, walang kahit anong
communication process. Kasunod nito ang klase ng wika, sarili man o banyaga ang puwedeng
araling ‘Proper Communication with the Employer’ magtanggol sa kanila.
at ‘Proper Communication with Other Members Batay ngayon sa ganitong pagtatambis,
of the Household.’ Sa mga susunod na modyul, makikitang may isa pang nakakatawa sa joke ni

TOMO XX • BLG. 2 • ABRIL 2008


ANG KATOTOHANAN TUNGKOL KAY INOCENCIA BINAYUBAY (ALYAS INDAY) 21

Inday bukod sa pagsasalita niya ng Ingles. Ito ay naman si Inday ay kailangan pang suriin. Kailangan
ang reaksiyon naman ng kaniyang amo sa munang masakyan ang kaniyang pagpapakuwela
pagsasalita niya ng Ingles. Madalas mauwi ang bago siya maintindihan.
siste sa pagdurugo ng ilong ng amo na nagpapakita
talaga ng kahinaan at pagsuko. Sa ganito Mga kamangha-manghang kakayahan ng
nagtatapos madalas ang mga joke. Kaya nga ito pantabulosang katulong
joke. Dahil sa totoong buhay, hindi titigil ang amo
hangga’t hindi nakapagpapaliwanag nang Sa loob ng mahabang panahon, ang imahen ng
maliwanag si Inday. Your English is good but we mga Inday na binuo ng midya sa kolektibong
need cash, bukambibig nga nating mga Filipino. imahinasyon ay naging mapanghamak sa
Na sa isang banda ay sagot na rin natin sa mga kababaihang nasa mga rehiyon. Madalas ilarawan
estrukturalista at postestrukturalistang bilang probinsiyanang pamali-mali o di kaya ay may
lingguwistang tulad nina Derrida at Barthes. Wala malapot na punto at medyo may kahinaan ang ulo,
sa mismong wika ang kapangyarihan kundi nasa nakilala ang mga Inday na ito sa kanilang mga
kakulangan. Sa ganitong paraan, sila ay naging
pang-ekonomikong kalagayan ng nagsasalita at
regular na parte ng katatawanan kapwa sa mga
gumagamit ng wika.
patalastas at mga palabas. Samantala, ang bagong
Totoong nagamit ni Inday ang Ingles bilang
Inday na inihahain ngayon ng SMS at Internet ay
palusot sa amo, at sa ganito tayo unang natuwa sa
parte pa rin ng katatawanan, ngunit sa
kaniya at sa ganito natin siya unang napansin.
pagkakataong ito ay hindi dahil sa kaniyang
Binigyan siya ng wikang Ingles ng isang klase ng
kakulangan kundi dahil pa nga sa kaniyang mga
prestihiyo, at siya man ay nagbigay ng prestihiyo
kalabisan. Isang kapansin-pansing sangkap ang
sa wikang Ingles. Pansinin kung anong mangyayari kalabisan sa halos karamihan ng mga joke tungkol
kung isasalin sa Filipino ang sagot ni Inday sa itaas. kay Inday at madalas itong makita sa mga
Magkakaroon din kaya ito ng kaparehong bisa? pagkakataong ginagampanan niya ang kaniyang
Pagdating sa pagpepedestal sa wikang Ingles, mga tungkulin bilang kasambahay. Tingnan na
si Inday ay masasabing alingawngaw ng isa pang lamang ang tagpong ito kung saan ipinagluto niya
tauhan sa panitikang Filipino, si Bb. Phathupats ng hapunan ang kaniyang mga amo:
(na posibleng apo naman ni Doña Victorina).
Karakter sa kuwento ni Juan Crisostomo Sotto AMO: Inday ano ulam natin? Darating na
si Bb. Phathupats (Manlapaz 1981: 226-31). Isa Sir mo.
siyang tinderang taga-Bacolor na nakapag-aral ng
Ingles mula sa isang kawal na Amerikano matapos INDAY: Due to the infrequent mass media
ang rebolusyon. Nang matuto itong makipag-usap coverage around hog cholera, I’d
sa Ingles, sinikap nitong itakwil ang sariling wika consequently given a judgment on sautéing
sa pamamagitan ng hindi lang paggamit ng Ingles exquisite scallops in unsalted butter together
kundi ng pamamalita pa sa mga kababayan niyang w/ pungent white onion & tossed it w/ brisk
hindi na raw siya maalam gumamit ng asparagus. I’d also assented to twist it w/
Kapampangan. fresh lemon zest & advance its taste via
Kapwa nilikha para magpatawa sina Inday at blending a petty amount of chardonnay white
Phathupats. Ang kaibhan lamang ni Phathupats kay wine as well as a cup of viscous cream.
Inday, si Phathupats ay maliwanag na tampulan ng
pang-uuyam ng kaniyang mga kanayon dahil sa AMO: (napatumbling)
paglubog niya sa kulturang kolonyal. Sa ganito,
maliwanag na tampulan din siya ng uyam ng Isa pang halos kaparehong Inday joke ang
kaniyang mga mambabasa dahil sinulat siya bilang tungkol naman sa pagbebenta ni Inday sa silya ng
tauhan ng isang satirika. Samantalang kung ano kaniyang mga amo:

MALAY
22 A.N. DERAIN

AMO: Inday, bakit mo binenta yung sirang hindi lang namomonitor kundi naiintindihan din
silya? talaga ni Inday ang katawan at kalusugan ng alaga.
Nakabatay ang bawat tanong sa ilang
INDAY: I have computed the chair’s fair domestikong kaayusan. Higit pa sa simpleng
values less cost to sell, and the value in use paghingi ng mga sagot, ang mga pagtatanong ng
using projections for 5 years and a pre-tax amo ay paraan din ng maya’t mayang pagpapatibay
discount rate. Accordingly, the value in use nito sa kanilang relasyong pangkapangyarihan
is lower, so I decided to sell the chair. This bilang amo at naninilbihan, at sa pagpapatupad ng
in accordance with PAS18 on Revenue, mga pamantayan ng amo sa mga nasabing gawaing
PAS16 on Property, Plant, and Equipment, bahay.
and PAS36 on Impairment of Assets! Makikita naman ang sinasabi kong kalabisan sa
pangalawang bahagi ng bawat joke kung saan
AMO: Adik ka talaga Inday! matutunghayan ang mga sagot ni Inday sa mga
Bilang pangatlong halimbawa, tingnan naman tanong ng amo. Ang kalabisan dito ay ang
ang sagot ni Inday nang tanungin ng amo paglampas ni Inday sa kapasidad na inaasahan sa
kung bakit nagkaroon ng mga butlig si Junior: kaniyang trabaho. Sa unang joke, sa halip na
INDAY: Allergens triggered the immune simpleng pagluluto, tila culinary expertise ng isang
response. Eosinophilic migration occurs to gourmet chef ang kaniyang ipinamalas sa kusina.
the reaction site and release of chemotactic Sa pangalawang joke naman, sa halip na
and anaphylotoxin including histamine and karaniwang pag-iingat ng mga gamit sa bahay,
prostaglandin. These substances result to pagdedesisyon ng isang ekonomista ang kaniyang
increase circulation to the site promoting pinairal. Sa huling joke, tila naman siya naging isang
redness. nagsasalitang medical encyclopedia sa paggamit
ng mga teknikal na termino sa pagpapaliwanag ng
Kung ating babalangkasin, mahahati sa tatlong simpleng pamumula sa balat ng alaga. Sa ibang
bahagi ang mga joke na ito. Sa unang bahagi, ang panahon at sitwasyon, marahil puwedeng tingnang
mga tanong ng amo tungkol sa mga trabahong- normal ang ganitong paggamit ni Inday ng kaniyang
bahay ni Inday partikular bilang kusinera, katiwala kakayahan. Ngunit dahil ang mga joke ay madalas
at yaya. Sa unang joke halimbawa, tinanong ng magtapos sa pagdurugo ng ilong ng kaniyang mga
kaniyang amo kung ano ang niluto niyang amo, sa pag-tumbling ng mga ito sa ere, o sa
panghapunan. Dalawang bagay ang inaasahan kay pagsabi ng “Adik ka talaga, Inday!” (na siyang
Inday sa tanong na ito: (a) na nakapagluto na siya ikatlong bahagi sa balangkas ng mga joke),
at (b) ang niluto niya ay magugustuhan ng among nabibigyan ng diin sa bahaging ito na kakaiba nga
lalaki dahil ang pagdating nito ang hinihintay para talaga ang mga ikinikilos ni Inday. Makikita rito
makapaghapunan. Sa ikalawang joke naman, ang isang DH na may pagtatangkang gawin ang
tinatanong ng kaniyang amo ang tungkol sa isang trabaho ng isang chef, ekonomista at doktor.
gawaing hindi dapat ginawa ni Inday: ang hindi Sapagkat tinitingnan ang normal na trabaho ng mga
pagpapaalam nito sa pagbebenta ng isang sirang DH sa paggamit nila ng mga simpleng kasanayan
silya. Inaasahan naman ngayon dito ang respeto kung kaya masasabing may aberasyon nga ang mga
ni Inday sa pribadong pag-aari ng mga amo, na kamangha-manghang kakayahang ito. Bukod pa
bagaman kasama siyang nakatira sa bahay, dapat rito, kung sisilipin ang buwanang badyet ni Inday
pa rin niyang tandaang ang mga gamit sa loob ng para sa sarili:
bahay na ito kung saan din siya nakatira ay hindi
sa kaniya. Sa ikatlong joke, humihingi ng P 500: Sun Plan Subscription
paliwanag ang amo tungkol sa mga butlig ng alaga P 1800: Glutathione 30 capsules
nitong si Junior. Dito naman, makikitang inaasahang P 600: Olay Total Effects

TOMO XX • BLG. 2 • ABRIL 2008


ANG KATOTOHANAN TUNGKOL KAY INOCENCIA BINAYUBAY (ALYAS INDAY) 23

P 1500: Crocs flip flops ous, pampered left-wing pseudo-intellectual


P 2000: For mama riding the wave of today’s anti-hegemonic
counter-revolution.
lumalabas na P6,400 lang ang kabuuang sahod niya
na wala pa sa minimum wage! Ginagawa niya Iwas-pusoy. Mahirap na nga naman kung
ang trabaho ng isang propesyunal na maaaring maikakabit pa ang kuwento niya sa isang
kumita ng P50 libo pataas kada buwan ngunit ang napakaseryosong panlipunang isyu. Baka hindi na
halaga ng kaniyang trabaho ay hindi lumilitaw sa siya maging kuwela.
uri ng natatanggap niyang kompensasyon. Gustuhin man o hindi ni Inday, babasahin at
May isang sitwasyon at panahong hindi titingnan babasahin siya ng kaniyang mga tagahanga’t
bilang abnormal ang ginagawa ni Inday. Ang kritiko, lalo na’t sila ay mga Filipino, mula sa sosyo-
sitwasyon at panahong ito, kung tutuusin, ay kailan kultural na konteksto ng diaspora at feminisasyon
lamang din nagwakas. Ang pagpasok ng ng lakas paggawa sa ibang bansa. Dito, hindi
Taylorism o ang tinatawag na scientific kailangan ang isang pilit na pagbasa (over reading)
management sa mga lugar-pagawaan sa Estados dahil ang mismong direksiyon ng kaniyang mga joke
Unidos ay naganap lamang ng mga unang taon ng ay tumutugpa sa nasabing mga isyu.
ika-20 siglo. Sa pamamagitan ng ismong ito, Balikan na lang ang kaniyang bio-data.
nagkaroon ng matinding pragmentasyon o hati ang Makikitang bago pa man siya mag-aral sa Inglatera
paggawa, kasama na rito ang dibisyon sa pagitan at bago pa man din siya pumasok sa
ng mental at manwal na paggawa (Perrons 2004: pagkakatulong, nakatapak na ng La Salle Zobel si
12). Ang ganitong paraan ng ‘pagsasaayos’ sa Inday. Ang kaniyang kredensiyal naman sa
hanay ng mga manggagawa, kasama na siyempre kaniyang resumé nang mag-apply siya bilang
ang conveyor belt ni Henry Ford ang salalayan governess ay gradweyt ng Bachelor of Arts in
ngayon ng sistema ng paggawa sa global na Rhetorics, major in Meaning-Based Grammar with
larangan. May nakatakdang papel ang bawat isa Applied Discourse Analysis and Thermodynamics,
sa takbo ng produksyon. Mas magiging episyente Masters in the Principles of Oral-Aural
ang takbo nito kung ang bawat isa ay mananatili at Communications, at PhD in Early Childhood
huwag lalampas sa kanilang mga nakatakdang Program with Honorary Degrees in Organic
papel. Ngunit bago ang ganitong dibisyon, Chemistry. Malamang na nag-enrol pa siya sa isang
nagkaroon pa ng isang panahong ang bawat open university habang nagsisilbi sa mga dating
manggagawa ay may kalayaang maglaan at amo.
magbuhos ng kaniyang talino at imahinasyon sa Narito naman ang resulta ng kaniyang kinuhang
kaniyang ginagawa. Sa panahon ni Inday, paksa International English Language Testing System
na lang ng mga text joke ang mga gumagawa nito. (IELTS) para makapag-apply bilang DH sa
London: Speaking-9.0, Writing-9.0, Listening-
Inday, hindi ka totoong nag-iisa! 9.0, at Reading-9.0.
Magiging problematiko ngayon ang pag-iral ng
Ang tanong ng mga tanong ay ito: Bakit pinili ni isang textong katulad ni Inday kung itatabi sa pag-
Inday ang ganitong trabaho sa kabila ng kaniyang iral ng mga tunay na DH sa kanilang kasalukuyang
kamangha-manghang akwisisyon ng matinding realidad at dilema sa paggawa sa ibang bansa.
karunungan at galing? Paano nga kung dati nang Kaya nga sa huli ay hindi pa rin maiiwasan nitong
overqualified si Inday bago pa man siya napasok si Inocencia Binayubay na sagutin ang tanong na
sa ganitong trabaho? Narito naman ang tugon ni bakit. Inday, bakit?
Inday sa ganitong mga pag-uurirat:
RL: So with all your uhh academic
I choose to withhold all judgement lest my credentials, what made you decide just to
detractors perceive me to be a preposter- be a domestic helper?

MALAY
24 A.N. DERAIN

INDAY: Well, what do you expect me to Isang halimbawa na lamang ang kaso ni ‘Sally’
be? A lawyer? A politician? A newscaster? (David 2004: 43-44), isang DH sa Hong Kong na
Oh come on, you’re all so predictable. kumikita doon ng P 12 libo kada buwan. Bago
Have you met a domestic helper who has a naging DH, nakapagtapos siya ng Bachelor of
medical degree, is a world-class culinary Science in Agriculture major in Plant Pathology sa
artist, has a degree in Business Management, Unibersidad ng Filipinas (UP). Nang makapag-
a certified public accountant and consistent graduate, nakapagtrabaho pa siya sa isang
Best in English for four years in high school? government laboratory dito sa Filipinas; ngunit
ayon sa kaniya, hindi kasya ang P 4 libo kada
RL: Uhhm, ahh I guess not. buwan niyang sahod dito para sa sarili niyang mga
pangangailangan. Sa ganito kaliit na sahod,
INDAY: Well there you go. That’s what problema pa ni Sally kung paano pa siya
sets me apart and makes me unique from all makatutulong sa mga magulang sa pagpapaaral sa
the rest and I guess it’s something that you kaniyang mga kapatid. Kaya siya tumulak sa ibang
just can’t fathom. bansa kahit ang trabaho niya roon ay wala namang
kinalaman sa kaniyang mga inaral sa UP.
RL: (Tuluyan nang nag-nosebleed). Marami ang mga katulad ni Sally. Hindi
ekstraordinaryo ang kaniyang sitwasyon. Ayon sa
Sa panayam na ito, lumalabas na taglay ni Inday pagtatayang ginawa ng Ibon Databank, “isa sa
ang mga kredensiyal sa kaniyang litanya. Mayroon bawat apat na bagong tapos ay hindi
siyang medical degree, degree in business makakapagtrabaho. Ang tatlo namang
management, world-class culinary expertise, makakapagtrabaho ay kailangang tanggapin ang
CPA accountancy, at consistent Best in English kahit anong trabahong nariyan kahit ito ay walang
award sa hayskul, at isang buhay lang ang kaniyang kinalaman sa apat-na-taong kursong kanilang
kinailangan para makamit lahat ito. Mayroon kinuha,” (Ibon Facts and Figures, 30 April 2006,
siyang opsiyong mamili ng ibang karera ngunit pinili sariling salin).
pa rin niyang pasukin ang pagkakatulong dahil Dahil sa lumalalang problema ng kawalan ng
gusto lamang niyang maging kakaiba. Sa ganito, matitinong trabahong mapapasukan sa bansa, ang
puwedeng nagpapa-cute lang si Inday, at ang pag-alis sa bansa ang nakikitang opsiyon ng
pagkakatulong pala para sa kaniya ay isang maraming kabataan at kababaihan. Ayon sa tala
ng POEA, may mahigit nang 10 milyong OFW sa
selebrasyon ng buhay.
buong mundo, hindi pa kabilang ang mga
“It’s something that you just can’t fathom,” sabi
nagtatrabaho nang ilegal. Ang bilang na ito ang
ni Inday sa kaniyang interbyu. Sumasang-ayon
bumubuo sa halos 11 porsiyento ng kabuuang
ako. Mahirap nga talagang arukin at tanggapin
populasyon nating mga Filipino; at araw-araw, may
basta ang penomenong ito. Ngunit, sa tingin ko,
halos 3 libong Filipino ang nakapila sa POEA para
mali naman siya nang sabihin niyang ang pagiging maglakad ng kanilang aplikasyon. Mula sa 289,981
DH na may matayog na pinag-aralan ang nito lamang taong 2005, ang bilang ng mga bagong
naghihiwalay sa kaniya sa marami at ginagawa deployed na manggagawa sa land-based sector
siyang unique. Sa ganitong kontradiksiyon, kung ay tumaas sa halos 317 libo nang taong 2006. Sa
kontradiksiyon mang matatawag, hindi totoong kabuuang bilang ng mga manggagawang pinadadala
nag-iisa si Inday. Hindi naman talaga siya nalalayo sa ibang bansa, 60 porsiyento ay babae at
sa kaso ng mga kababayang may diploma sa porsiyento naman ay lalaki. Sa kabuuang bilang
kolehiyo at propesyon sa Filipinas ngunit napipilitan ng mga bagong deployed na manggagawa nitong
pa ring pumasok bilang kasambahay sa ibang 2006, pinakamarami ang mga nagmumula sa sektor
bansa. ng mga HSW. Sa grupong ito ng mga HSW, may

TOMO XX • BLG. 2 • ABRIL 2008


ANG KATOTOHANAN TUNGKOL KAY INOCENCIA BINAYUBAY (ALYAS INDAY) 25

89,861 ang naipasok ng trabaho sa hanay ng TALASANGGUNIAN


kababaihan ngunit 1,590 lamang sa mga
kalalakihan. Pinakamataas na destinasyon ng “Critique of the Pre-qualification of Filipino
deployment ng mga HSW ang Hong Kong na may Household Service Workers,” Asia Pacific
19,532 HSW, pangalawa ang Kuwait na may Mission for Migrants, http://
19,097, at pangatlo ang Saudi Arabia na may groups.googles.com.ph?group/APMM-Email-
11,898 (www.poea.gov.ph/stat/2006stats.pdf). Bulletin, 31 Oktobre 2007.
Ngayon, kung matutuloy din ang pag-a-abroad David, Randolf S. Nation, Self and Citizenship:
ni Inday, sa halip na sa London ay sa isang mas An Invitation to Philippine Sociology, Pasig
kapana-panabik na destinasyon tulad ng Lebanon, City: Anvil Publishing, Inc., 2004.
at kung saka-sakali ring matuloy siya sa Lebanon Housekeeping Course Design. All Nations
at mabawasan niya nang kaunti ang kaniyang College, Antipolo City, 2007.
pagkaatribida roon, walang kaduda-dudang siya Ibon Facts and Figures, 30 April 2006.
na nga ang magsisilbing pinakamahusay na modelo “Inday Household Jokes,” www.blogniinday.com,
ng iba pang mga HSW sa buong panig ng mundo. 15 Nobyembre 2007.
Buong pamamayagpag niyang maipapaalala sa “Maids Don’t like TESDA training,”
bawat Filipinong nangangarap ng maalwang buhay www.philippinestoday.net, 31 Oktubre 2007.
sa ibang bansa na kayang-kaya ng mga Pinoy ano “Overseas Employment Statistics,”
man ang danasing hirap, diskriminasyon at pang- www.poea.gov.ph/stat/2006stats.pdf, 22
aabuso dahil dumadaloy sa pagkatao nila ang Oktubre 2007.
kabayanihang global ang saklaw. Ito ang magsisilbi “Package of Reforms Concerning the Deployment
nilang mantra na lagi’t laging magpapatibay sa pilit
of Filipino Household Service Workers,”
na pinaniniwalaang katotohanang maayos pa naman
www.philcongen-hk.com/media, 31 Oktubre
ang buhay.
2007.
Sa kabilang banda, si Inday pa rin ang
Perrons, Diane. Globalization and Social
masasabing pangarap na katulong ng kahit sino
Change: People and Places in a Divided
sigurong amo. Larawan siya ng mataas na
World, London at New York: Routledge, 2004.
pamantayan ng paggawa ng mga nasa bansang First
Roldan-Samson, Amelia at Amelia Malapitan-
World sa pagbibigay niya ng sobra-sobrang
Crespo. Housekeeping Management,
serbisyo sa murang halaga. Tunay na
isinasakatawan niya ang larawan ng mas moderno, Paranaque: AR Skillls Development and
aral at sanay na HSW para sa mas globalisadong Management Services, 2003.
paninilbihan, ang Supermaid mula sa mapaglarong Sotto, Juan Crisostomo, “Y’Miss Phathupats.”
imahinasyon ng Pangulo. Sa mga job interview Kapampangan Literature: A Historical
na susukat sa kaniyang husay sa nasabing trabaho, Survey and Anthology, Edna Zapanta
ito lang ang masasabi ni Inday: Manlapaz, ed., Quezon City: Ateneo de Manila
University Press, 1981.
I believe that my trained skills and expertise
in management with the use of standard PANAYAM
tools, and my discipline and experience will
contribute significantly to the value of the Aureada, Fatima, All Nations College, 27 Oktubre
work that you want, my creativity, 2007.
productivity and work-efficiency and the
high quality of outcomes I can offer will
boost the work progress.

Mga kababayan, si Inday.

MALAY

You might also like