You are on page 1of 1

Ang Kaniyang Paglisan

Ma. Cecilia A. Tapuz

Sa panahon ngayon, pag iniwan ng “jowa”, laslas agad. Paano pa kaya kung ang isang magulang ay
iniwan ng pinakamamahal niyang anak? Matatanggap niya kaya ito? Ano ang mangyayari sa kanya?
Mawawalan ba siya ng pag-asa sa buhay at magkukulong sa nakaraan o muli siyang babangon at mas
magiging matatag sa buhay? Hali na kayo at tunghayan natin ang kaniyang kwento sa pagharap sa
bagong umaga na may ngiti. Siya ay si Dolores”dolor Flores Traje at ang kaniyang katuwang sa buhay na
si Noel Traje, na isang mamamayan ng barangay Jawili, Tangalan, Aklan sila ay may anim na anak subalit
sa kasawiang palad isa sa kanilang anak ay kinuha agad . Siya ay ang bunsong si Princess Joy Flores Traje
na ipinanganak noong ika-21 ng Pebrero taong 2014 ngunit pumanaw rin sa taong 2016 kung saan siya
ay dalawang taong gulang at dahil sa pagkawala niya ay nagdulot ito ng labis na kalungkutan sa kanilang
buong pamilya lalong lalo na sa kaniyang ina sapagkat ito ay muntikan ng na nabaliw. Ngunit dahil sa
taong nasa paligid niya ay hindi siya tuluyang nabaliw at inisip na lang niya na lang ang kaniyang
natitirang mga anak at mga mahal sa buhay kaya’t itinuon niya ang kaniyang pansin sa pagbebenta
lamang. At ngayon siya ay unti-unti ng bumabagon sa nakaraan at paunti-unting bumabalik ang ngiti sa
kaniyang mga labi. Kahit masakit para sa kaniya ang nangyari ay pilit niya itong kinakaya at unti-unti niya
na itong natatanggap at mas piniling maging matatag para sa kaniyang mga natitirang mga anak at mga
mahal sa buhay. Ang buhay natin ay hiram lamang kayat siyay may karapatan na bawiin ito kahit
anumang oras ngunit sa pagbawi niya nito ay hindi maiwasan ang pagbuhos ng mga luha ng mga taong
kaniyang inulila sa sakit at pait, lungkot at di matanggap ang sinapit. Ang kailangang gawin ay tanggapin
ito. Kayat ang kakambal ng pagkawala ay ang paglimot. Ngunit makakaya mo kaya siya kalimutan o hindi
sapagkat sa huli ikaw parinikaw ang magdedesisyon ngunit dapat unahin mo muna aqng pagtanggap
dito upang ikay magkaroon ngt tamang pasya.

You might also like