You are on page 1of 7

SIPI

SA
FILIPINO
2
(PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK)

Bb. Nerzell B. Respeto, LPT


Guro
Tsapter 1: Pagbasa

Teoryang Iskema- ang proseso ng pag-uugnay ng mga kaalaman sa paksa at


kaalaman sa pagkakabuo ng mahahalagang salik sa pag-unawa (Pearson 1987)
Interaktibong Proseso ng Pagbasa

 Sa pagbasa, kailangan ang interaksyon ng mag-aaral o mambabasa at ng teksto sa


pamamagitan ng interpretasyon, pagpapalawak, pagtatalakay sa mga
alternatibong posibilad at iba pang konklusyon.
 Kailangan sa interkatibong pagbasa, hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling
ideya, kundi pag-unawa rin sa ideya ng iba.
 Sa paggamit ng interaktibong pagdulog sa pagbasa, dapat isaalang-alang ang
komprerhensyon.
 Tandaan na ang pag-unawa ang pinakapuso ng interaktibong pagdulog sa
pagbasa.
Mga Elemento ng Metakognitiv na Pagbasa
METAKOGNITIV- kaalaman at pagk
abatid kung papaano makokontrol ang proseso ng pag-iisip.
 Bahagi ng metakonisyon ang METAKOMPREHENSYON na binubuo ng dalawang
aspeto:
 Ang pagkakaroon ng kamalayan kung kalian hindi maunawaan ang isang bagay.
 Ang pagkaalam sa istratehiyang dapat gamitin upang maiwasan ang
kakulangan sa pag-unawa.
METAKOGNISYON- ay ang proseso ng pagkakakilanlan kung ano ang ating alam at kung
paano natin nalalaman ito.
1. Ang kaalaman ukol sa sariling kaugnayan sa mga kailangan sa pagsasagawa ng
gawaing pagbasa.
2. Pagmomonitor ng sarili.
Antas ng Metakognitiv na Pagbasa
1. Paglinang ng plano
1.1 Ano ang aking kaalaman na nakatutulong sa akin sa gawaing ito?
1.2 Sa anong direksyon ko nais dalhin ako ng aking pag-iisip?
1.3 Ano ang una kong dapat gawin?
1.4 Bakit ko ito binabasa?
1.5 Gaano karaming oras ang mayroon ako upang kumpletuuhin ang gawaing
ito?
2. Paggamit at Pagmomonitor sa Plano
2.1 Kumusta ang aking pagsasagawa nito?
2.2 Ako ba ay nasa tamang landas?
2.3 Paano ako dapat magpatuloy?
2.4 Anong impormasyon ang mahalaga kong natandaan?
2.5 Dapat ba akong bumaling sa ibang direksyon?
2.6 Dapat ko bang isaayos ang bilis sa paggawa ayon sa kahirapan ng
gawain?
2.7 Ano ang kailangan kong gawing kung di ko naunawaan ang aking
binabasa?
3. Pag-ebalweyt sa Plano
3.1 Kumusta ang pagsasagawa ng aking Gawain?
3.2 Ang akin bang paraan ng pag-iisip ay naisagawa ng mas marami o kaunti
kaysa sa akin inaasahan?
3.3 Ano kaya ang dapat kong gawin sa iba pang paraan?

Ang Metakognitiv na pagbasa ay istratehiya sa pagkatuto kasama ng


kognitiv at sosyo-apektibo.
 Mas magiging malalim na ang pag-unawa
 Pagbabalak
 Pagsusubaybay
 Pagpapahalaga sa paggawa ng malikhain babasahin
Sa metakognitiv na pagbasa, nagiging mapamaraan ang magmbabasa tulad
ng:
1. Nakapag-uugnay ng dating kaalaman sa bagong impormasyong nabasa.
2. Nakasusubaybay sa pag-unawa habang nagbabasa.
3. Gumagawa ng kaukulang aksyong panluna sa mga bahaging hindi maunawaan.
4. Nakapipili ng mahahalagang ideya sa tekstong binabasa.
5. Nakakapgbuod ng mga impormasyong binasa.
6. Patuloy na nakapagbibigay-hinuha bago, habang at pagkatapos bumasa.
7. Nakakabuo ng tanong tungkol sa paksang binabasa.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------
Pagbasa ng Tekstong Akademik at Profesyunal
Tekstong Akademik- ang tawag sa babasahing ginagamit sa pag-aaral ng iba’t ibang
disiplina tulad ng Humanides na ang subdibisyon ay Wika, Literatura, Musika, Sining at
Teatro. Disiplinang Agham Panlipunan na may mga subdibisyong Sosyolohiya,
paglilingkod Panlipunan, Sikolohiya, Ekonomiya, Pagtutuos/ Akawnting, Antropolohiya,
Arkeolohiya, Edukasyon, Abogasya, Kasaysayan at Agham Politika.
Sa disiplina naman ng mga Agham Pisikal, ang mga subdibisyon nito ay Matematika,
Pisika, Kemistri, Biyolohiya, Botanika, Pagsasaka, Soolohiya, Astronomiya at Heolohiya.
Katangian ng Teksto at Register ng Ilang Disiplina
Agham Panlipunan
Ang Agham Panlipuan ay ang pag-aaral ng tao at ang pag-uugnay ng tao sa ibang
pangkat na may kultura.
Kasaysayan
Isang disiplina, mga tala ng lumipas, ng mga pagbabagong naganap sa bawat
panahon ng isang bansa.
Agham
Isang disiplina na nagangailangan ng komprehensibong kinalabasan nng isang
bagay na sinubok mula sa pagmamasid, pangangalap ng datos, pagkaklasipika sa mga
datos na nakuha tungo sa pagbuo ng hipotesis at kongklusyon.
Teknolohiya
Teknolohiya ang nagbunsod na maging modern ang mga bagay na makatutulong
upang maging magaan ang pag-aaral, pakikipagtransaksyon, pakikipagkomunikasyon,
paglilibang at marami pang iba.
Matematika
Ang kasalukuyang Matematika ang makabagong paraan ng pagkukuwenta. Noong
araw, halos lahat ng bagay ay isinmasaulo ng mga mag-aaral. Kahit indi maintindihan
ang aralin sa matematika ay nakukuha ito sa drill o pagsasanay na medaling nasasagot
kapag nakita ang mga numero.
Literatura
Ang Maikling Kuwento ay isang maikling kathang maaaring hango sa tunay na buhay
o maaari naming likha ng mayamang guniguni ng may-aklda, kakaunti amang ang mga
tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig.
Natatapos itong basahin sa isang upuan lamamg.
Mga Uri ng Maikling-kwento
1. Salaysay- Ang uring ito’y walang katangiang nagingibabaw, timbang na timbang
ang mga bahagi, hindi nagmamalabis bagamat masaklaw, maluwang ang
pagsasalaysay.
2. Kuwento ng Katatawanan- May kabagalan at bilang paglihis sa balangkas ang
galaw ng mga pangyayari sa kuwentong ito.
3. Kuwento ng Tauhan- Ang tauhan o mga tauhan sa kuwento ang binibigyan diin.
4. Kwento ng Madulang Pangyayari- Kapansin-pansin ang pangyayari sa ganitong
uri ng kuwento. Ang pangyayari’y lubhang mahalaga at nagbubunga ng isang bigla
at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan sa kuwento.
5. Kuwento sa Pakikipagsapalaran-Ang kawilihan sa ganitong uri ng kuwento ay
nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan ng kuwento. Ang kawilihan ay
nababatay sa pagsubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan
sa kuwento.
6. Kuwento ng Katutubong Kulay-Ang binibigyang diin sa uring ito’y ang
kapaligiran sa isang pook. Ang tagpuan ang higit sa binibigyang pansin.
Inilalarawan ang mga tao sa isang pook, ang kanilang pamumuhay, mga gawi,
mga kaugalian at paniniwala.
7. Kuwento ng Kababalaghan- ang binibigyang kasiyahan sa kuwentong ito an
gating pananabik sa mga bagay na kaytaka-taka at salungat sa wastong bait at
kaisipan. Karaniwanng likha lamang ng mayamang guni-guni ng may-akda ang
ganitong uri ng kuwento.
8. Kuwento ng Sikolohiko- Inilalarawan ang mga tauhan sa isipan ng mambabasa.
Ang suliranin ng may akda ay maipadadama sa mambabasa, ang damdamin ng
isang taosa harap ng isang pangyayari.
9. Kuwento ng Talino- Ang may-akda ay lumilikha ang masuliraning kalagayan sa n
simula upang mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa sumapit ang takdang
oras ng paglalahad. Ang umaakit sa mambabasa sa uring ito ng kuwento ay ang
pagkakabuo ng balangkas sa halip na ang mga tauhang gumaganap.
10. Kuwento ng Katatakutan- Ang damdamin, sa halip na ang kilos ang
binibigyan diin da uring ito. Pinupukaw ang damdamin ng mambabasa at
mahalaga ay ang bias at kaisahan.
Ang Mga Alamat at Kuwentong Bayan
Ang alamat ay isang kathang pampanitikan na ang pinakadiwa ay mga bagay na
makasaysayan.
Ang kuwentong bayan ay isang akdang walang may-akda at nagpapalipat-lipat
lamang sa bibig ng mga tao.
Nobela- Ang nobela ay isang akdang tuluyan higit itong mahaba kaysa maikling-
kuwento. Ito’y maraming tauhan at marami ring pangyayaring totoo o likhang-isip
lamang.

 Nobela ng tauhan
 Nobelang makabanghay
 Nobela ng kasaysayan
 Nobela ng romansa
Sanaysay- isang akda na nasa anyo rin ng tuluyan. Ito’y kasama rin sa mga genre ng
panitikang Pilipino.
Karaniwan ng nakatuon itop sa isang tanging paksa at naglalayong maglahad ng mga
kuro-kuro o pananaw ng may-akda. Dalawa ang uri ng sanaysay: ang maanyo o pormal
at Malaya o di-pormal.
Dula- ay isang anyo ng panitikan na ang layunin ay magpakita sa isang tanghalan sa
pamamagitan ng kilos at galaw.
Pabula- Ang pabula ay mga kwentong ang mga tauhan ay hayop. Ito’y kawili-wiling
kwento na nagpapakita ng mga mabuting aral o ang layunin ay maghatid ng
kagandahang asal.
Parabula- mga kuwentong mula sa Banal na Kasulatan. Ito’y mga kuwentong
naglalaman ng mga aral at pangaral ni Hesukristo. Halimbawa nito ay ang kuwento ng
Alibughang Anak, Ang Mabuting Samaritano at marami pang iba,
Tula-Katutubong hilig ng mga Pilipino ang pagtula. Katunayan bago pa man dumating
ang mga kastila sa Pilipinas, may mga tula ng binibigkas ang mga Pilipino tulad ng
bugtong, salawikain, tugmangh bayan at bulong. May mahaba ring tulang pagsasalaysay
tulad ng epiko.

 Tulang pandamdamin o Tulang Liriko


 Tulang Pasalaysay
 Tulang Patnigan
 Tulang Padula
Batay sa istruktura ang tula ay may sukat, tugma, kagandahan o kariktan at may
makabuluhang diwa.
Pagbasa ng Tekstong Profesyunal
Ang mga tekstong profesyunal ay isinulat ng mga taong profesyunal na mahusay
sa kani-kanilang larangan. Layunin ng tekstong profesyunal na maglahad ng mga
karagdagang impormasyon, mga makabagong impormasyon na bunga ng mga
napapanahong pag-aaral batay sa mga pananaliksik na isinagawa upang makatuklas pa
ng mga kaalamang magiging kapaki-pakinabang sa mga mambabasa.

 Hindi maligoy ang paksa


 Komprehensibo ang pagkakalahad
 Maayos at organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya
 Mayaman ang mga impormasyon
 Bunga ng masusing pananaliksik
 Iniuugnay sa mga nagging karanasan ng isang tao o bumabasa o kaya naman ay
sa isang tiyak na sitwasyon

Tekstong Ekspositori- bunga ng pagpapahayag na ang layunin ay gumawa ng


malinaw, sapat at walang kinikilingang pagpapaliwanag sa ano mang bagay na
nasasaklaw ang isip ng tao. Sinasaklaw ng tekstong ekspositori ang pinakamalaking
bahagi ng binabasa at sinusulat ng tao. Obhetibo ang pinatutunguhan ng mga
paglalahad.
Hulwaran ng mga Organisasyon ng Teksto
1. Definisyon- isang uri ng diskursong ekspositori na pinakamadalas gamitin.
Maaaring maibigay ang kahulugan ng isang bagay o salita sa tulong ng ibang
salitang kasingkahulugan nito.
HALIMBAWA:
itim - pagdadalamhati
pula - katapangan
luha - kasayahan o kalungkutan
Ano ang paglalahad?
Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag, pasalita man o pasulat,
na nagpapaliwanag. Ilang uri ng paglalahad ay tala, balita, pitak, editorial, panuto
at sanaysay.

Sa pagbibigay ng definisyon, tinatalakay din ang isang bagay o paksa, kasama ang
pagkakatulad o pagkakaiba nito sa ibang bagay.
I. Pormal o Maanyo- Kapapansinan ng tatlong bahagi.
I.1 salita o katawan (term
I.2 pangkat na kinabibilangan o kaurian (genre)
I.3 kaibahan (difference)

Hal:
Ang kasal (salita) ay isang sakramentong (kaurian) nagbubuklod sa
dalawang pusong nagmamahalan. (kaibahan)
II. Di-pormal o Malaya- nagbibigay kahulugan sa paggamit ng mga salitang
nakapukaw ng damdamin at hindi tuwirang sumusunod sa kaayusan ng
pangungusap sa pormal na pamaran.
Hal: Ang kasal ay bunga ng pagmamahalan ng dalawang pusong
umiibig sa isa’t isa na dumaan sa maraming oras ng pagliligawan bilang
pangako ng lalaki sa babae.

May dalawang dimension ang definisyon:


DENOTASYON. Karaniwang kahulugang dala ng diksyunaryo o salitang
ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
Halimbawa: Berde ang kanyang damit.
KONOTASYON. Di-tuwiran ang kahulugan. Nagkakaroon ng ikalawang
kahulugan ang salita o pahayag. Sinasabi rin na ito ay pansariling
kahulugan ng isang tao.
Halimbawa: Berde ang utak niya.
2. Pag-iisa-isa (Enumerasyon)
Pag-aayos ng ga detalye ayon sa pagkakasunod-sunod, mula simula
hanggang huli.
Halimbawa: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbasa ayon kay William S. Gray.
Pag-iisa-isa: Mga Hakbang sa Pagbasa Ayon kay Gray
1. Rekognisyon o Persepsyon
2. Koprehensyon
3. Reaksyon
4. Aplikasyon/Integrasyon
3. Pagsusunod-sunod
Hulwaran ito ng mga organisasyon ng teksto, nagbibigay ng pagtataya o
ebalwasyon sa isang mambabasa kung alam niya kung paano pagsusunud-
sunurin ang mahahalagang pangyayari sa isang kuwento, pangyayari sa
isang bansa, dapat gawin sa isang bagay, magluto ng isang pagkain o
pagsunod sa isang direksyon.

 Sekwensyal –pagsusunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento,


nobela, talambuhay, dula, balita at iba pang hahantong sa isang
kongklusyon.
 Kronolohikal- pagsusunud-sunodng mga pangyayari ayon sa kung
kalian nangyari ito.
 Prosejural- ang pagsusunud-sunod ay prosejural kung may hakbang o
prosesong isasagawa. Maaaring ito ay kung paano gawin ang isang
bagay, pagluluto at pagsunod ssa direksyon.
4. Paghahabing at Pagkokontrast
Ginagamit sa pagpapahayag, mga kahigitan o kalamangan ng isang bagay
sa iba ang hulwarang paghahambing at pagkokontrast.
5. Problema at Solusyon
Isang normal na pangyayari ang pagkakaroon ng problema sa buhay at
kasunod naman ang pagbibigay dito ng solusyon.
6. Sanhi at Bunga
Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang
bunga.

You might also like