You are on page 1of 2

Mel E. Cruz.

Abril 25, 2020


BSA - 1202

Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon


Dr. Bienvenido Lumbera

Ang papel na pinamagatang “Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon” ay


akda ni Dr. Bienvenido Lumbera. Si Dr. Lumbera ay isang Pilipinong makata, tagapuna,
dramatista at iskolar ng Pilipinas na maraming karangalang napalanunan sa kanyang larangan sa
panitikan. Ipinirisinta ni Dr. Lumbera ang kanyang papel sa auditorium ng College of Mass
Communication ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ang papel ay naglalahad ng mga isyung
napapanahon ukol sa kalagayan ng wikang Filipino na konektado sa globalisasyon. Binibigyang
diin dito ang banta ng globalisasyon sa mamamayang Pilipino hinggil sa aspetong panlipunan,
kabuhayan, edukasyon, at higit sa lahat ay sa wika.
Ayon kay Dr. Lumbera, ang glolablisasyon ay banta sa ating kultura lalo na sa wikang
Filipino. Sinasabing ito ay may dalang negatibong epekto sa ating kultura at ito ay isang uri ng
modernong pananakop sa ating bansa na para bang mga Amerikano noon na nagpahayag na nais
lang nilang makipagkaibigan sa ating bansa. Sinasabing ang globalisasyon ang tulay sa nasabing
uri ng pananakop. Dahil sa ang globalisasyon ay may pinagandang imahe na nagmumungkahi ng
mas maganda at maginhawang pamumuhay lalo na sa mga mahihirap na bansa ay lalo pang mas
bumilis ang paglaganap nito. Ngunit ayon kay Dr. Lumbera, sa kabila ng magandang imahe ng
globalisasyon na “bordless world” ay ang buktot na pakana na nag-aanyong biyaya ng
mapagsamantalang kapitalismo. Samakatwid, ang “globalisasyon” ay pananalakay ng mga
kapitalistang bansa ng kanluran na naghahanap ng pamilihan para sa kanilang kalabisang
produkto. Nagpapanggap na sila ay nagpaparaya ngunit sa bandang huli ay unti-unti nilang
kinakain ang kanilang mga lokal na kompetesyon. Nabanggit na sangkot din ang World Trade
Organization dito na siyang tila may impluwensya sa edukasyon. Ang bagong sistema ng
edukasyon lalo na hinggil sa kurikulum ng K-12 na idinisenyo upang humubog ng mga kabataan
sa susunod na henerasyon upang maging manggagawa sa ilalim ng mga dayuhan. Ngunit ang
pinaka binibigyang atensyon ni Dr. Lumbera ay ang isyu sa ating wika. Tila hindi na ito
nabibigyan ng nararapat na pansin at ito ay isang malaking suliranin ng ating bansa bilang mga
mamamayang Pilipino. Ayon Kay Dr. Lumbera nakatatak sa wika at panitikang katutubo ang
pinagdaanang kasaysayan ng mga Pilipino bago pa man sakupin ng mga Espanyol ang bansa
hanggang sa pananakop ng mga Amerikano. Kapag pinagyayaman ang wika at panitikang
katutubo ay may lakas na pinakikilos sa kalooban ng Pilipino na siyang magagamit na panlaban
sa pang-aakit ng globalisasyon. Ang pag-unlad ay hindi tinatanggihan ngunit ang identidad ng
isang sambayanan ay hindi naisusuko nang gayon-gayon lamang.
Ang may akda ay nagbibigay impormasyon at nanghihikayat sa pamamagitan ng
pagpapahayag ng mga tunay na ganap sa ating lipunan. Magaling at maganda ang pagkakasulat
ng kanayang papel sapagkat tunay na nakapagpapabuhay sa pagka Pilipino ang papel at
nagdudulot ng mga emosyon na naglalayon sa pagtangkilik ng sariling atin. Sinusuportahan ng
mga datos o ebedensya ang kanyang ipinahayag na argumento. Ngunit hindi maikakaila na may
opinyon ang manunulat at ang layunin nitong makapanghimok ng mga mambabasa. Medyo
maraming hindi derekta na impormasyon ang nakalahad ngunit ang mga ito ay kinakailangan
upang mapatunayan o masuportahan ang mga direktang impormasyon na makatutulong sa
pagsuporta sa argumento ng manunulat. Sa paglalahat, ang pakay ni Dr. Lumbera sa kanyang
isinulat na papel ay himukin o impluwensyahan ang mga mambabasa ng kanyang akda na
suportahan at tangkilikin lalo at higit ng mga Pilipino ang sariling atin. Kahit sa anong aspeto
man ito nabibilang kagaya ng sa kultura, lipunan, at wika. Binibigyang diin ng may akda ang
kahalagahan ng tunay na identidad ng mamamayan Pilipino. Ang wika ay mahalagang parte ng
ating buhay sapagkat ito ay nagsisilbing katibayan ng ating mga karanasan bilang isang bansa.
Wala namang masama sa pag-unlad ngunit hindi nararapat na ang sariling atin ang nabubura sa
ating mga puso at isipan. Hindi nararapat na ibang lahi ang namamayagpag sa sarili nating bansa.

You might also like