You are on page 1of 1

Ang wikang Filipino at ang banta ng Globalisasyon ni Bienvenido Lumbera

1. Ano-ano ang banta ng globalisasyon sa wikang Filipino?


- Base sa sanaysay, ang mga banta ng globalisasyon sa wikang Filipino ay: (1) pagpapalawig at
paghahasa sa wikang Ingles – para sa akin, ang pagbibigay pokus sa paghahasa ng
kakanyahan ng mga Pilipino sa wikang Ingles ay makakaapekto o magiging pagsubok sa
pagpapalalim sa kaalaman natin sa sarili nating wika. Mapapansin na sa panahon ngayon,
mas naging pangunahing batayan ng pagiging pormal, sa sulat man o sa pananalita, ang
kahusayan sa pagsasalita ng Ingles kumpara sa paggamit ng wikang Filipino. Ang
kahalagahan ng kaalaman sa wikang Ingles ay isang mahalagang salik sa globalisasyon na lalo
na sa linya ng negosyo at komunikasyon; (2) pagtatangkilik sa literaturang banyaga – hindi
ito direktang sinaad sa sanaysay ngunit nakuha ko ito sa isang partikular na talata kung saan
nagbigay ang awtor ng mga retorikal na katanungan kaugnay sa mga kinikilala nating mga
magagaling at magigiting na manunulat, musikero, at artista – mga natatanging tao sa
larangang ng sining, napagtanto ko na dahil din sa globalisasyon nagkaroon ng mas
maraming pagpipilian ang ating mga kababayan at unti-unti na rin nabuo ang ideya ng
mataas na pagtingin sa mga sining ng banyaga at ganoon na lamang kababa sa mga sariling
atin.
2. Paano nagsasalungatan o hindi nagsasalungatan ang prinsipyong pangwika at pambansang
kaunlaran sa pangangalaga ng identidad sa Pilipinas? Maglatag ng halimbawa buhat sa mga
sitwasyon ng kasalukuyan.
- Sa aking palagay, hindi nagsasalungatan ang prinsipyo ng pangwika at pambansa tungo sa
kaunlaran at pangangalaga ng identidad sa Pilipinas dahil naniniwala ako na kaluluwa ng
isang bansa ang kultura at wika nito. Sa pagpapanatili at pangangalaga ng identidad sa iyong
sariling bayan mahalaga na isabuhay ang kabuan ng iyong pagka-pilipino sa pamamagitan ng
pagbibigay halaga sa sarili nating wika. Mahalaga na unahin natin linangin ang kaalaman sa
pambansang wika upang mas maging epektibo ang pagbuo ng relasyon at pagpapalawig ng
kultura natin bilang parte ng globalisasyon.
3. Bilang iskolar sa antas tersyara, ano ang buong kaisipang iniiwan ng kritiko sa pangangalaga at
pagpapaunlad ng wika sa gitna ng nagbabagong panahon?
- Para sa akin, ang kabuoang kaisipan na iniwan ng may akda ay ang kahalagahan ng pagiging
tapat sa sarili nating wika at kultura kahit pa sa gitna ng hamon ng nagbabagong panahon.
Naniniwala ako na bagama’t malaki ang epekto ng globalisasyon sa nabubuong identidad
lalo na ng mga makabagong henerasyon at mga industriya. Isang hamon din maituturing na
mapanatili ang pagkakakilanlan natin sa aspeto ng wika at kultura dahil sa umuunlad na
paniniwala at maging ang teknolohiya. Maaaring isang biyayang maituturing ang
globalisasyon lalo’t higit sa ating ekonomiya ngunit isa rin itong pagsubok sa ating pagka-
pilipino. Ano ang makakaya natin gawin upang mabalanse ang hamon ng globalisasyon at
ang negatibo at tiyak na epekto nito sa ating prinsipyong pangwika at pambansa?

You might also like