Bayograpikal

You might also like

You are on page 1of 1

Ang Teoryang Pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan

at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan. Isa rin itong sistema ng mga

kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng

panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng

tekstong panitikan na ating binabasa.

Sinasabing sinasalamin ng akdang sinulat ang pagkatao, damdamin,

kinagawian, at mga pangyayari sa buhay ng may-akda. Mahalaga ang

paggamit ng pagdulog na ito upang magkaroon ng mas malawak na

kaalaman sa katauhan, personalidad at buhay ng may-akda. Makatutulong

ito upang malaman ng manunuri ang mga bagay-bagay tungkol sa buhay

ng manunulat. Ang mga kaalamang ito ay mahalaga sa higit na pag-unawa

sa mga pangyayari at mga kaisipang nagkabisa sa manunulat upang

maiugnay ang mga ito sa akdang kanyang isinulat.

Ang teoryang Bayograpikal ay patungkol sa may-akda ng mga akdang

pampanitikan. Ito ay Tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang

sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may-akda sa dahilang

kababasahan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais

niyang ihatid sa mga mambabasa.

You might also like