You are on page 1of 7

VAPE: Nauuso sa kabataan, delikado o hindi?

Ang Department of Health (DOH) ay ipinagbawal ang paggamit ng electronic


cigarette o vape sa publiko, mga lokal government unit ay inatasan na hulihin ang mga
lalabag.
Maraming mga kabataan ang naiinganyo sa paggamit ng vape dahil sa nakakaakit
na flavor nito, gaya ng tsokolate, mint, at banana.
Sa kabila ng nakakaakit na aroma nito ang paggamit ng vape ay nakakasama sa
kalusugan kaya ito’y tinututulang gamitin lalo na sa mga kabataan.
Ang vape o tinatawag ding e-cigarette ay isang device na gumagamit ng liquid
nicotine solution o e-juice na lumilikha ng vapor na tulad ng nagagawa ng isang
ordinaryong sigarilyo. Itinuturing ito lalo na ng mga gumagamit nito, na mas ligtas na
alternatibo sa tradisyunal na tobacco.
Napag-alaman ng Food and Drug Administration na naglalaman parin ng tobacco
ang vape at e-cigarettes.
Ayon sa DOH, matatagpuan parin sa vape ang 7, ooo delikadong kemikal na
mayroon sa sigarilyo. Ibinaling ng ilang tumigil sa pagyoyosi ang kanilang bisyo sa e-
cigarette o vaping dahil sa pag-aakalang mas makakabuti ito sa kalusugan. Pero
paalala ng isang doktor, “mayroon ding nicotine ang e-cigarette kaya lang liquid
nicotine”, paliwanag ni Dr. Lulu Marquez.
Ang ating pamahalaan ay nagpasa ng isang Executive Order 26 ni Pangulong
Rodrigo Duterte na nagbabawal manigarilyo sa pampublikong lugar. Sa ilalim sana ng
executive order na ito na isali sa ipagbawal ang paggamit ng vape. Para hindi
maingganyo ang mga kabataan na bumili nito.
Sa ating mga lokal na gobyerno, ang pagpapatayo ng mga tindahan ng vape sana
ay tutulan, lalo kung ito’y malapit sa paaralan para kabataan vape ay maiwasan.
Sa ating mga paaralan hikayatin din natin ang ating mga mag-aaral na vape ay
iwasan dahil nakakasama ito sa kalusugan.
Kaya mga kabataan huwag basta makisabay sa uso. Alamin mu muna kung ito’y
makakabuti o makakasama sayo.
CLEARING OPERATIONS, TULOY TULOY
(Quymshie Jasty B. Clemente)
(kolumn)

CHANGE IS COMING. Iyan ang naging pahayag ng ating Pangulong Rodrigo R.


Duterte ng siya ay magsimulang manungkulan. Kaya naman inaasahan ang pagbabago
para sa lahat. Ngunit para sa lahat nga ba ang pagbabago at dama ba natin ang
pagbabago sa ikabubuti ng lahat?
Ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay naglabas ng
direktibang ukol sa utos ni Pangulong Duterte na linisin at tanggalin ang lahat ng
nakabara sa mga kalsada na hindi lamang sumasaklaw sa mga pinuno ng
pamahalaang lokal sa Metro Manila kundi maging sa mga pamahalaang lokal sa buong
bansa.
“Walang hindi saklaw ng kautusan na ito. Binibigyan lamang namin nang mas
malaking pansin ang Metro Manila sapagkat ang suliranin sa trapiko sa mga kalsada ay
mas malala sa National Capital Region (NCR) ngunit ang memoramdum ay sakop ang
buong bansa,” ani DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan E. Malaya.
Noong Hulyo 29, 2019, inilabas ng DILG ang Memorandum Circular 2019-121 na
nag-uutos sa lahat ng punong lalawigan, punong bayan/lungsod, at mga punong
barangay na gamitin ang kanilang kapangyarihan upang bawiin ang mga pampublikong
kalsada, tanggalin ang mga iligal na istruktura at konstruksyon, at panibaguhin at ayusin
ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapalit ng pananda at pangalan ng kalsada, at
umisip ng pamamaraan upang matugunan ang isyu ng paglilipat sa mga mapapaalis.
Nadismaya ang mga taga-Urdaneta kay Mayor Rammy Parayno sa paraan niya
ng pagsasagawa ng clearing operation. Lalong lalo na sa mga nagtitinda sa sidewalks.
Hindi nila nagustuhan ang nilipatan nilang lugar sa pagtitinda.
Ayon kay Aling Flor, “Masikip at mainit dito sa aming nilipatan kaya hindi kaaya-
ayang puntahan ng mga mamimili kaya naman nahihirapan kaming makabenta at
nalulugi.”
Sa kabilang banda, ilang driver, ramdam na ang magandang resulta ng clearing
operations. Kung dati ang sidewalk ay punong-puno ng mga nagtitinda na nagpapasikip
ng kalsada. Napakahirap magpaseheros at magpunta sa bayann dahil sa bagal ng usad
ng mga sasakyan. Ngayon, maganda nang tignan at malaya nang nadadaanan ang
mga kalsada. Malinis nang daanan ng mga sasakyan at wala nang nakakaabalang mga
sasakyan na nagbaba ng mga tinda sa gilid ng kalsada.
Mayroong magandang naidulot ang clearing operation lalong- lalo sa
pagpapaluwag ng trapiko ngunit mayroon ding hindi natuwa dito at sobrang nahirapan
sa pagpapatupad ng clearing operation. Kung lumuwag ang kalsada at mga sidewalks,
ang mga nagtitinda namang napaalis dito ay hindi natuwa. Sila ang sobrang
naapektuhan dahil nawalan sila ng hanapbuhay. Ang iba naman na nilipat ng lugar ay
nahihirapang magtinda at nalulugi dahil masikip at mainit ang lugar na kanilang
nilipatan.
Marahil hindi pa natin nararamdaman ang pagbabago dahil tayo ay nakakahon pa
sa ating mga nakasanayan. Ngunit kinatagalan tayo din ay masasanay at marerealize
na maganda rin pala ang pagbabagong ito.

Pagsasaka, inaayawan na nang mga Kabataan


(Quymshie Jasty B. Clemente)
kolumn

Pagsasaka ang hanapbuhay ng mga sinaunang sibilisadong tao at ito rin ang naging
pangunahing batayan sa pangkabuhayan magpahanggang ngayon.
Ito ang hanapbuhay na nakapagbibigay ng pagkain sa mamamayan, ngunit mga
kabataan ngayon kanila na itong inaayawan.
Paanong hindi nila ito aayawan, napakahirap nga namang magsaka.
Sabi nga sa isang kanta “magtanim ay di biro, maghapong nakayuko, di man lang
makatayo”.
Ikaw ba naman gugustuhin mu paring magsaka sa ganitong sitwasyon?
Karamihan na ngarin sa mga magulang ngayon ay ayaw na nilang maging
magsasaka ang kanilang mga anak sa hirap ng sitawasyon ng isang magsasaka.
Sa University of Southern Mindanao (USM) sa Kabaca, North Cotabato ay bumaba
sa 29% ang bilang ng mga nag-enroll sa BS Agriculture sa taong 2016-2018
samantalang sa Sultan Kudarat State University (SKSU) ay may naitalang 13.5% ng
mga mag-aaral na bumagsak sa mga asignaturang may kinalaman sa agrikultura.
Patunay lang nito na marami nang kabataan na umaayaw na sa pagsasaka.
Kung patuloy na aayawan ng kabataan ang pagsasaka, susunod na henerasyon
may makakain pa kaya?
Kaya naman Department of Agriculture ay naglunsad ng isang programang “Young
Hands in Agriculture” na naglalayong hikayatin ang kabataan na magsaka.
Dagdag pa riyan ay ang paggamit na nang iba’t-ibang makinarya sa pagsasaka
para mga magsasaka hindi na makonsomi pa.
Sa mga paaralan din ay may programang “Gulayan sa Paaralan” para malaman ng
mga kabataan kahalagahan ng pagtatanim.
Kahit sa mga barangay ay mayroon din “Gulayan sa Barangay” para maipabatid pati
narin sa mga magulang na pag meron kang itinanim, mayroon kang makakain.
Kaya mga kabataan patuloy nating tangkilikin ang pagtatanim para susunod na
henerasyon mayroon paring makakain.

Editoryal - VAPE: Nauuso sa kabataan, delikado o hindi?


Leiza Maureen Jose

Ang Department of Health (DOH) ay ipinagbawal ang paggamit ng electronic


cigarette o vape sa publiko, mga lokal government unit ay inatasan na hulihin ang mga
lalabag.
Mula sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal,”ang kabataan ang pag-
asa ng ating bayan”. Sila ang magaangat ng ating bayan sa hinaharap. Ngunit sa
kasalukuyan karamihan na sa ating mga kabataan ay nahihilig sa masamang bisyo. Sila
ay madaling naaakit sa mga nauuso na hindi iniisip kung ito ba’y nakakasama sa kanila
o hindi.
Lalo na noong lumabas sa publiko ang pagbebenta ng vape. Maraming mga
kabataan ang naiingganyo sa paggamit nito dahil sa nakakaakit na flavor nito, gaya ng
tsokolate, mint at banana. Isa pang rason kaya ito tinatangkilik ay dahil sa paglabas ng
Executive Order 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbabawal ng paninigarilyo sa
pampublikong lugar. Tinangkilik nila ito sa para makatakas sa utos ng pangulo at
pagaakalang ligtas ito sa kalusugan.
Sa kabila ng nakakaakit na aroma nito ang paggamit ng vape ay nakakasama sa
kalusugan kaya ito’y tinututulang gamitin lalo na sa mga kabataan.
Ang vape o tinatawag ding e-cigarette ay isang device na gumagamit ng liquid
nicotine solution o e-juice na lumilikha ng vapor na tulad ng nagagawa ng isang
ordinaryong sigarilyo. Itinuturing ito lalo na ng mga gumagamit nito, na mas ligtas na
alternatibo sa tradisyunal na tobacco.
Napag-alaman ng Food and Drug Administration na naglalaman parin ng tobacco
ang vape at e-cigarettes.
Ayon sa DOH, matatagpuan parin sa vape ang 7,000 delikadong kemikal na
mayroon sa sigarilyo. Ibinaling ng ilang tumigil sa pagyoyosi ang kanilang bisyo sa e-
cigarette o vaping dahil sa pag-aakalang mas makakabuti ito sa kalusugan. Pero
paalala ng isang doktor, “mayroon ding nicotine ang e-cigarette kaya lang liquid
nicotine”, paliwanag ni Dr. Lulu Marquez.
Kaya naman sa ilalim sana ng Executive Order 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte
ay hindi lang ang paninigarilyo ang dapat ipagbawal kundi pati narin ang paggamit ng
vape lalong lalo na sa ating mga kabataan. Taasan din ang tax ng produktong ito at
ipagbawal na ibenta sa mga kabataan para mapangalagaan ang kanilang kalusugan at
kinabukasan.
Sa ating mga lokal na gobyerno, ang pagpapatayo ng mga tindahan ng vape sana
ay tutulan, lalo kung ito’y malapit sa paaralan para kabataan vape ay maiwasan.
Sa ating mga paaralan hikayatin din natin ang ating mga mag-aaral na vape ay
iwasan dahil nakakasama ito sa kalusugan.
Kaya mga kabataan huwag basta makisabay sa uso. Alamin mu muna kung ito’y
makakabuti o makakasama sayo.

One Expert ng DOST, nagsimula nang kumalat


Ni Roland Suan

Bumuo ang DOST o Department of Science ang Technology ng makabagong site


na makatutulong sa mga nais paunlarin ang kanilang kagamitan sa pag-aagrikultura.
Maaari silang umutang ng mga makinarya na makakatulong sa pagpapalago nang
kanilang hanapbuhay.
Layunin ng DOST na makatulong sa mga mamamayan nating mga mangingisda,
magsasaka, gumagawa ng mga produkto tulad ng longganisa, banana chips at marami
pang iba.
Ang One Expert ay isang site na kung saan madali ka lang makakuha o makautang
ng mga makinarya.

CEST program, inilunsad na


Ni Roland Suan
Naglunsad ang Department of Scince and Technology (DOST) ng programa para
sa mga mamamayan na buong Region 1. Kabilang na rito ang lungsod ng Pangasinan.
Ang Community Empowerment thru Science and Technology Program ay isang
programang susuporta sa mga komunidad na kabilang din sa mga kababayan nating
mahihirap.
Ayon sa DOST, binuo nila ito upang makatulog sa iba’t-ibang karatig lugar na
nakararanas ng kahirapan.
Nakatutulong ang CEST sa pamamagitan ng trainings at ma-develop ang kanilang
kapabilidad at mas umangat ang kaalaman nila sa larangan ng agham.

Elektripikasyon sa Lananpin, nagsimula na


(Quymshie Jasty B. Clemente)

Nagsimulang nagpalit ng mga elektrik wires ang Lananpin National High School
noong Agosto 29, 2019.
Sa kadahilanang lumalaki ang populasyon ng paaralan, mahigit isang milyon ang
inilaan na budget para sa proyektong ito.
Layunin nito na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at inaasahang
matatapos ito pagkaraan ng 120 araw.
“Nasimulan na ito pero dahil sa hindi kasali ang lingo at araw na umuulan kaya
medyo nagkakaproblema sa pagtatapos dahil mga mas madami ang araw na umuulan
pero matatapos to” pahayag ni Reynaldo Milar, incharge sa nasabing pagpapalit
“Actually project of DepEd including the transformer at poste kaya nagpalit” ani
Milar.
Contractor/supplier T-J Velasco Construction and Supply ang nagtrabaho kasama
ang ibang awtoridad.
Inaasahan ang kooperasyon ng mga mag-aaral at guro ng Lananpin upang sa
ganoon ay matapos ito sa araw na itinakda.

SCIENCE ACTIVITY PROJECT


Pamagat: Bottle Rocket
Mga Mananaliksik: Mag-aaral ng Grade 8
Tagapayo: John-John Sarmiento
Panimula: Isinasagawa ang aktibidad na ito upang mas lalong maintindihan ng mga
Estudyante ang Law of Motion na kasama sa kanilang pinag-aaralan.
Mga Materyales: 1.5 plastic bottle Air pump
Launcher Karton
Paraan ng Paggawa: Ang plastic bottle ay kilangang putulin sa ibaba. Maglagay ng
isang bilog sa ibabaw ng plastic at i-cut ang porthole. Gumawa ng isang
karton kon o para sa rocket nose, kola ito sa leeg ng sisidlan. Gumawa
rin ng pakpak (fin) na gawa sa karton. At idikit upang maging pakpak
nito.

You might also like