byUndeniablyGorgeous "A broken heart, a tragic fate, those tears and pain are the consequences of a forbidden love" -Our Asymptotic Love Story ***************** Author's Note: "Our Asymptotic Love Story" ay Prequel ng I Love you since 1892 hehe! pero unahin niyo po muna basahin ang I Love you since 1892 dahil hindi niyo po ito maiintindihan hangga't hindi niyo pa nababasa iyon. Votes and Comments are highly appreciated <3 Disclaimer: Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Ang ta P 1-1 Prologo 46.3K 2.2K 278 byUndeniablyGorgeous This story is dedicated to the guy who I think knew me froma thousand of lifetimes. I hope that I will have the courage to tell you everything. But fromthe bottomof my heart, I wish for your happiness. Thank you for inspiring me. And I wish you'll know through the rain that here I am... writing our asymptotic love story. Yours truly, Binibining Mia (UndeniablyGorgeous) ***************** Magandang Umaga/Gabi mga anak ?? Ang masasabi ko lang ay... Tayo'y magsimula ng mag-ipon para sa "Our Asymptotic Love Story" #OALS ngunit wag kayo mag-alala mga anak dahil matagal-tagal pa ito baka sa bakasyon pa at asahan niyong hardbound din ang OALS ? Wala munang magsesend ng order sa "Watty online bookshoppe" o sa "Fairy Publishing House" dahil hindi pa po tatanggap ng order. Ang nais ko lang munang ipapaalamsa inyo ay mag-ipon na tayo upang mapaghandaan na natin ang OALS hihi. Maraming Salamat mga anak *Huuugs* P 2-1 Kabanata f(x - 1) 222K 6.2K 5.6K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 1] "And though the seasons change Our love remains the same You face the thunder When the sunshine turns to rain" -A1 (Like a rose) Sabi nila, kaya raw umuulan ay dahil may isang diwata noon na naghintay ng napakatagal sa muling pagbabalik ng kaniyang kasintahan ngunit nabigo siya... nabigo siya sa pag-ibig. "Kapag Hindi ka bumalik, iiyak ako at siguradong mababasa ka ng luha ko" "Hoy! Aleeza! daig mo pa broken hearted sa pag-emo mo diyan ah" pang-asar sa'kin ni Jen, nakasakay kami ngayon sa bus pauwi galing school. Nandito ako nakaupo sa tabi ng bintana habang pinagmamasdan ko ang tuloy-tuloy na daloy ng tubig ulan sa bintana ng bus. Malakas ang ulan ngayon at sobrang makulimlimang langit kahit pa alas-kwatro pa lang ng hapon. Buti na lang nakauwi kami ng maaga ni Jen kasi hindi na nakapasok yung prof namin sa last subject. Natatanaw ko ang mga tao sa kalsada na nakasilong sa mga establishments, ang iba naman ay pilit sinalubong ang ulan gamit ang payong na konti na lang ay liliparin na ng hangin, nag-aagawan naman ang iba sa iilang jeep na tumitigil upang magbaba ng pasahero. At sobrang dami ng tao ang stranded ngayon dahil sa lakas ng ulan na walang tigil na bumubuhos mula pa kahapon. "Adik ka, pero ewan ko ba bakit parang may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing umuulan... di ko alam kung bakit nalulungkot ako na ewan at ang sakit-sakit sa dibdib" sabi ko sabay turo sa puso ko, binigyan naman ako ni Jen ng yung-totoo-nagaadik-ka-ba-friend-look. Natawa na lang ako at hinampas ko siya, nakakaloka talaga ang bff kong to' palagi niya ako inaasar, ineecheos at kinokontra pero kahit ganoon never kami nag-away. Siya nga pala si Jenina Rodriguez or Jen, bestfriends kami since High School at hanggang ngayon malapit na kami grumaduate sa College ay magkasama pa rin kami, kulang na lang itali kaming dalawa para hindi na magkahiwalay pa. P 3-1 Ako nga pala si Aleeza Mae Agcaoili, Nineteen and an incoming 4th year nursing student. Magiging fourth year lang ako kung makakapasa ako sa final exams namin bukas. At hindi pa ako nakakapag-review sa ngayon kasi naman si Jen nagdala ng laptop kahapon tapos ayan nanood na lang kami ng nanood ng mga music video at interviews ng favorite male groups namin na Westlife, A1 and Backstreet boys haha! Oh diba lakas namin maka-90s kahit pa year 2014 na ngayon. "And drama mo ngets! Lahat ng bagay may dahilan noh, sabi nga nila Everything Happens for a reason, ikaw lang tong madramang palaka diyan, Dinaig mo pa ang iniwan ng jowa sa pagdadrama mo diyan sa bintana, feeling nasa music video pfft" pang-echeos niya pa at ang lakas-lakas ng boses niya dahilan para mapatingin sa amin yung ibang pasahero na nakatayo sa bus. Buti na lang immune na talaga ako sa bespren kong to haays. Oo nga pala 'Ngets' ang tawagan namin sa isa't-isa short-cut sa panget haha! "Pag ako nakuhang commercial model sa mcdo, Hu u ka talaga saken" banat ko naman at hinampas ko ulit siya, hindi ko alamnakasanayan ko na mang-hampas habang tumatawa. Bigla namang napadaan yung konduktor ng bus sa kinauupuan namin at paulit-ulit siya sa pagsasabi ng 'Oh yung wala pang bayad diyan! Oh yung wala pang bayad diyan! Oh yung wala pang bayad diyan' "Seriously ngets, pansin ko lang din lagi kang napapatulala tuwing umuulan, feel ko nga dati may Seasonal Affective Disorder ka eh" sabi pa niya at dahil dun binigyan ko siya ng Salamat-sa- tulong-friend-ah-look. "Joke lang... feeling nga lang diba? Maka-react naman to... Guilty oh" pang-asar niya pa. Haays, kung sabagay naisip ko na rin yung dati, baka nga may S easonal Af ective Disroder is a type of depression that's related to changes in seasons. Oh diba lakas makapag-diagnose sa sarili. P 3-2 Kabanata f(x - 2) 137K 4.8K 3K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 2] "Baby, I know the story, I've seen the picture, It's written all over your face Tell me, what's the secret that you've been hiding? And who's gonna take my place?" -Westlife (Fool Again) "Ngets? Nakikinig ka ba? Kanina pa ko nagpapaturo dito oh" reklamo ni Jen dahilan para matauhan ako. Nandito na kami ngayon sa library at nagrereview kami para sa examnamin mamayang 3 pm. Kakatapos lang din ng first class and second class namin at hanggang ngayon hindi pa rin ako maka- get over sa nangyari kanina. Matapos ang nakakahiyang nangyari sa'kin kanina sa klase sa harapan ni Prof. Nathan, hindi ako makapagconcentrate ng maayos sa examlalong-lalo na kasi naglalakad palibot si Prof.Nathan para siguraduhing walang nangongopya. Hindi ko alampero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na nang mapadaan siya sa gilid ko at mapatigil sandali. Muntik na ngang tuluan ng pawis ang test paper ko dahil sa sobrang kaba ko. Sobrang naweweirduhan na ako sa sarili ko, hindi naman ako ganito pagdating sa mga lalaki. At hindi naman ako ilag sa mga lalaki kasi may lalaki rin naman akong kapatid pero bakit pagdating sa kaniya... kakaiba ang nararamdaman ko? Pagkalipas ng ilang oras natapos na ang iba kong blockmates sa examat isa-isa silang tumayo para ipasa ang test papers nila kay Prof.Nathan na nakaupo na sa teacher's desk sa harapan. Patapos na rin ako at mas lalo akong kinabahan kasi lalapit ako sa kaniya para ipasa yung test papers. Buti na lang natapos na rin si Jen at tumayo na siya, hinulaan ko na lang yung last three questions ng test paper ko at dali-daling sumunod kay Jen para kahit papaano may kasabay ako sa pagpasa. Pagdating sa harapan sa tapat ni Prof.Nathan, inilagay ko na rin yung test paper ko habang nakayuko lang, hindi ko rin magawang tumingin ng diretso sa kaniya. Pero hindi ko alamkung bakit parang may lungkot akong naramdaman noong palabas na kami ni Jen sa classroomna iyon. Parang may iniwan kang bagay na hindi mo dapat nilisan pero alammo sa sarili mo na P 4-1 kailangan. "Ha? A-ano ba yun?" tanong ko na lang, napa-tsk tsk naman si Jen. "Nakasinghot ka ba ng katol ngets? Kanina ka pa tulala diyan parang wala ka sarili... may sakit ka ba?" tanong niya pa at hinawakan niya ang noo ko at napailing-iling. Wala naman akong sakit, sadyang hindi ko lang talaga mapaliwanag kung anong nangyayari sa'kin ngayon. Hindi rin ako nakapag-focus sa second class namin kanina at hindi rin ako nakakain ng maayos kaninang lunch, hindi ko rin maintindihan kung bakit panay ang sulyap ko sa mga bintana sa labas na kung saan patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. "Haays... sana talaga ma-suspend na ang class may babasahin pa ko mamaya eh tsk" narinig kong reklamo pa ni Jen habang nilalagyan niya ng highlights yung mga key words sa notes niya. Magsasalita na sana ako kaso biglang dumating sila Iryn at Leana, naki-upo sila sa table namin dito sa library. "Aly! Jen! Nakita niyo ba si Sir Nathan?" kinikilig na tugon ni Iryn, kaibigan din namin sila at madalas kaming magkakagrupo kapag may mga group works. Cute and chubby si Iryn, medyo maliit din siya pero maganda ang features ng mukha niya at masiyahin din siya. Samantalang, matangkad at pang-super model naman si Leana, may lahi siyang Indian kaya ang ganda-ganda ng mata niya. "Sir Nathan? Ah! yung gwapong proctor natin kanina" tugon ni Jen at napatango-tango naman na may halong kilig si Iryn at Leana. Natawa na lang din ako sa kanila, parehong-pareho kasi ang type nila kaya palagi silang share sa crushes nila. "Oo siya nga! Grabe! Alamniyo ba kaya pala ganun kagwapo si Sir Nathan kasi may dugong Spanish siya!" kinikilig na tugon ni Iryn at halos mamula na siya ngayon, hindi rin maawat sa kakatango at tawa si Leana. "Whoah? Kaya pala mestizo siya tingnan" pag-sang ayon ni Jen at mukhang nahahawa na siya sa kilig nila Iryn at Leana. "Paano niyo naman nalaman yan?" tanong ko naman sa kanila at dahil dun nilabas ni Iryn yung phone niya at pinakita sa'kin ang fb account ni Sir Nathan. "Hindi naman kami nahirapan i-search si Sir kaya lang naka-private ang account niya pero nagawan namin ng paraan ni Leana" tugon pa ni Iryn at nag-evil laugh siya dahilan para mapalingon sa amin yung iba pang mga estudyante na seryosong nag-rereview dito sa library. Agad naman kaming napatahimik at nagkumpulan pa kami lalo. "Oh? Ano pang nalaman niyo?" tanong pa ni Jen at halatang interesadong-interesado siya, kung sabagay kahit ako interesado rin sa chikahang ito. "27 years old na pala si sir, and last week lang siya nagsimulang magturo dito sa school natin" dagdag naman ni Leana, napatango-tango naman kami na parang mga killers at nagsasagawa ng plano ng palihimhaha. "Eh anong tinuturo niya?" tanong pa ni Jen, magsasalita na sana si Iryn at Leana kaso napatigil kami nang biglang may napa-ehemsa likod namin. Nanlaki ang mga mata namin nang makita ang librarian na si Ma'm Diane na seryosong nakatayo sa likod namin at naka-crossed arms pa. P 4-2 Sabay-sabay kaming napasandal sa upuan at parang natuod kami dahil sa pagkabigla. "First Warning" sabi ni Ma'mDiane at binigyan niya kami tig-iisa ng matalimna tingin saka umalis na matapos niyang pagbantaan ang buhay namin chos haha. Ngayong araw na rin ang last day of second semester namin kaya nag-celebrate kaming apat sa Seaside dampa dito sa Pasay. Bumili kami ng fresh na mga seafoods gaya ng hipon, pusit at crabs saka ipinaluto namin sa isang restaurant dito. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas pero walang makakapigil sa amin gumala haha. Nakaupo kami sa tabi ng glass window ng restaurant, nasa tabi ako ng bintana habang katabi ko naman si Jen at nasa tapat naman namin nakaupo si Iryn at Leana. Hinihintay pa namin ang order namin at kanina pa nagrereklamo si Jen at Iryn kasi natatakamna daw sila sa seafoods. Habang abala naman si Leana sa pagsusulat sa isang blue na notebook na mukhang pang-High School. Samantala, nakatanaw naman ako sa labas at pinagmamasdan ko ang buhos ng ulan. Halos lahat ng tao ay nakasilong ngayon at ang ilan ay nakitambay lang dito sa loob ng restaurant para magpatila ng ulan. Nakita ko rin ang ilang mga batang nanglilimos na nagtatampisaw sa ulan at naghahabulan pa. Buti pa sila saya ang naidudulot sa kanila ng ulan samantalang ako... Hindi ko alam. "Leana! Ano ba yan? Tapos na ang sempero nag-aaral ka pa rin diyan" reklamo ni Iryn at kinuha niya yung notebook na sinusulatan ni Leana. Agad naman siyang binatukan ni Leana at inagaw sa kaniya yung notebook "Bruha! Sa kapatid ko to' kailangan niya kasing mapasa to para hindi siya mag- summer class" buwelta naman ni Leana sabay hampas ulit kay Iryn, at dahil dun naghampasan ulit silang dalawa. Ewan ko ba natawa na lang kami ni Jen, ang weird siguro talaga namin kasi ang brutal namin sa isa't-isa. Biglang inagaw ni Jen yung notebook at binasa iyon habang hindi maawat sa hampasan sa braso si Iryn at Leana na sobrang kinasasaya naman nila. "Oh! Math pala to eh, bigay mo kay Aleeza sisiw lang to sa kaniya" tugon pa ni Jen at hinampas niya sa braso ko yung notebook. Napatigil naman si Iryn at Leana sa paghahampasan at napatingin sa akin "Omg! Oo nga pala! Math genius ang friend nating to" pagmamalaki pa ni Leana at invisible na pinasa niya sa akin ang korona. Natawa na lang ako mukha kasi kaming shunga. Kinuha ko na yung notebook at tiningnan iyon ng mabuti, Rational Expressions and Equations of Algebra pala ito. "Ayan na! kumapit na kayo magiging living calculator na yan!" pang-asar pa ni Jen at naghawak kamay silang tatlo habang ineecheos ako. "Tigilan niyo nga ko, di ako makapag-focus" banat ko pa sa kanila pero mas lalo lang nila akong inasar. Kinuha ko na yung ballpen ni Leana at sinimulang sagutan iyon. Pero napapatigil ako kasi nakikisilip sila sa ginagawa ko at ang sarap punitin ng mga ngiti at mata nilang sobrang nakaka-echeos haha. "Aly! Kaya mo bang i-relate ang math sa totoong buhay?" echoes pa ni Leana at pinakita niya sa amin yung isang post sa fb na hugot lines. P 4-3 Math tells us three of the saddest love story... TANGENT- lines that had one chance to meet then parted forever. PARALLEL- lines that will never meant to meet. ASYMPTOTES- lines who can get closer and closer but it will never be together. "Ouch! Ang saklap naman ng Asymptote!" buwelta ni Jen napahagalpak sila sa mesa, at inasar na nila si Iryn na hanggang ngayon ay friendzoned pa rin sa bestfriend nito mula elementary. Maganda at cute naman talaga si Iryn kaya lang hindi kasi siya napapansin ng besfriend niya na si Bryan kasi mas prefer nito ang mga hot and sexy chicks. Medyo chubby kasi si Iryn at sobrang gana kumain. Ilang saglit pa dumating na ang order namin at nag-agawan na kami, mas gusto kasi namin yung malutong na calamares na nag-cucrunch sa tuwing kakagatin. Itinabi ko na muna yung notebook at nakipagbakbakan sa agawan sa kanila, ang bilis kasi kumain ni Iryn, samantala halos masuka naman na kami nila Leana at Jen sa sobrang dami ng sinasalpak namin sa bunganga namin. Napatanaw ulit ako sa bintana habang kumakain kami, Hindi pa rin tumitila ang malakas na buhos ng ulan pero kahit ganoon ay saglit kong nakalimutan ang bigat ng pakiramdamko dahil sa mga kalog na kaibigan ko kasalo ko ngayon. Bakasyon na at abala naman kami ngayon ni Alexander sa pagtulong kay mama dito sa palengke. Halos dalawang linggo na ang lumipas nang hindi ko namamalayan kasi sobrang busy ngayon dito, matapos dumaan ang bagyong Nina, gumanda na muli ang panahon dahil summer na rin at lumakas na rin ang bentahan ng mga isda. Alas-siyete ng umaga na dito sa palengke at napakarami na ring taong bumibili. Pero makulimlimata ang kalangitan ngayon at mukhang uulan. Medyo mahangin din kanina kaya nagliparan yung ibang mga trapal sa labas ng palengke. Buti na lang dito sa loob ng wet market area ng palengke nakapwesto ang tindahan namin kaya kahit umulan nasa loob naman kami ng palengke. Si Alexander ang taga-buhat ng banyera ng mga isda na dinedeliver, natatawa na lang kami ni mama kasi halos lahat ng mga inday na nagtitinda rin dito sa palengke ay may crush sa kaniya, napapatulala sila kapag pasan-pasan ni Alex yung mga banyera. "Tanggalin mo nga yung salamin mo" utos ko kay Alex pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Paano ba naman kasi ang hot niya tingnan ngayon habang suot ang sandong puti at black shorts kaso naka-eye glasses naman siya. Lakas maka-nerd. "Kung si superman at spiderman nga tinatagal ang salamin pag sasabak sa labanan... dapat ikaw din!" pangasar ko pa sa kaniya, pero napailing-iling lang siya, ang sungit talaga ng kapatid kong to tsk. Sayang naman gusto ko pa man din magsagawa ng pustahan na mapapatanggal yung eye glasses niya, siguradong malaking P 4-4 pera ang kikitain ko dahil mukhang madaming mga tindera rito ang kakagat sa raket ko. haays. Ilang saglit pa dumating na si papa at hinalikan niya sa pisngi si mama, pinagmalaki niya sa amin na nakabili siya ng sariwang karne ng manok para sa tanghalian namin. At sinabay na rin niya si Alex pag-uwi sa bahay dahil tapos na itong maghakot ng mga banyera. Ganito lagi kami araw-araw kapag bakasyon. Gigising ng maaga, magkakape at pandesal lang muna tsaka ihahatid kami ni papa sa palengke bago siya magsimula magpasada ng jeep. Pagkatapos mabenta ng tatlong banyera ng isda na binibili ni mama tuwing umaga ay uuwi na kami at susunduin ulit kami ni papa para sa tanghalian. Mamayang hapon bago sumapit ang gabi babalik kami ulit sa palengke para magtinda naman ng mga isdang binilad sa araw katulad ng mga tuyo, daing na tinuyo, dilis at marami pang iba. "Aleng, ayusin mo nga ang pagtanggal ng kaliskis" narinig kong suway ni mama at dahil dun natauhan ako. Napatingin ako sa bangus na tinatanggalan ko ng kaliskis, mukhang namurder ko yung isda kasi nasama ko na yung laman nito. "Ayos ka lang ba? Bakit bigla kang naging matamlay ngayon?" tanong ni mama at kitang-kita ko sa itsura niya na nag-aalala siya. hindi naman niya mahawakan ang noo o leeg ko kasi malansa rin ang kamay niya. Napahinga na lang ako ng malalim, nagsisimula na naman kasing sumikip ang dibdib ko "Ma... may history po ba tayo ng sakit sa puso?" tanong ko sa kaniya, napaisip naman si mama. "Wala naman anak, walang may sakit sa puso sa side ng mga kamag-anak ko at sa papa mo naman ang pagkakaalamko ay wala rin" paliwanag ni mama, napayuko na lang ako. Alamko namang wala talaga sa lahi namin ang sakit sa puso, pero bakit ang kirot-kirot ng puso ko? "Anak... tungkol na naman ba yan sa iniinda mong sakit sa dibdib?" tanong ni mama at hinawakan niya ang kamay ko, pareho namang malansa ang kamay namin ngayon. Napatango na lang ako bilang sagot sa tanong niya. Mula pagkabata ay iniinda ko na to lalo na kapag umuulan, hindi ko alamkung bakit pero naninikip ang dibdib ko sa tuwing nagbabadya umulan. Dalawang beses na rin ako napa-check up nila mama, noong una ay nung 5 years old ako, wala naman daw problema sabi ng doctor kulang lang daw ako sa vitamins at pagkain ng masusustansiyang pagkain na kailangan sa paglaki ko. Nag-pacheck up din kami noong 9 years old ako kung saan hindi ako nakapasok ng isang linggo kasi ang kirot-kirot ng puso ko. Buti na lang suspended din ang klase noon kasi may bagyong Milenyo. At sa dalawang beses na check up ay wala naman akong problema sa puso sabi ng doctor. "Ayos lang po ako Mama" sabi ko na lang at pinilit kong ngumiti para hindi na siya mag-alala pa. Kailangan naming mapaubos ngayon ang mga paninda namin para hindi na kami bumalik mamayang gabi kasi mukhang uulan ngayon. At heto dahil nagbabadya na naman ang pag-ulan... nagsisimula na namang kumirot ang puso ko. P 4-5 Kinagabihan, nakaupo ako ngayon sa study table dito sa kwarto namin habang tinatapos ko yung requirement na kailangang sagutan ng kapatid ni Leana, ipapasa na ito bukas pero hindi ko pa natatapos nitong mga huling araw kasi abala kami sa palengke. Suot ko ngayon yung black nerdy glass na lagi kong sinusot kapag napapasabak ako sa math, feel ko kasi madali kong naalala ang mga formulas at maaayos kong natatapos ang mga solutions kapag suot ko ang eye glass na iyon. Napatitig ako sa last three questions... at biglang napukaw ng atensyon ko yung salitang... Asymptote Naalala ko bigla yung hugot sa fb na pinabasa sa amin ni Leana, Lines who can get closer and closer but it will never be together. Ito na ata ang pinaka-masaklap na pangyayari sa Mathematics. May mas sasaklap pa kaya sa Asymptote? Napatingin ulit ako sa bintana ng kwarto namin, umuulan pa rin ngayon. Kanina pang tanghali bumuhos ang ulan buti na lang napaubos na namin ni mama ang mga natirang isda at nakauwi na rin kami kaya makakapagpahinga na kami ngayong gabi. Alas-diyes na ng gabi at hindi pa umuuwi si papa kaya hinihintay namin siya, nagtext siya kanina kay mama na magpapasada siya hanggang hatinggabi kasi malakas ang pasada ngayon kasi kaunti lang ang mga jeep na bumyahe dahil malakas ang ulan kaya madaming mga pasahero ang nastranded at nakikipag-agawan para makauwi na. Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang bumukas yung pinto, napalingon ako sa likod at nakita kong basangbasa sa ulan si Alex at mukhang bad trip siya. "Saan ka galing? Bakit lumusong ka sa ulan- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla niyang hinagis sa sahig yung dala niyang paper bag na halos madurog na dahil basa na rin ito. Hindi niya ako pinansin sa halip ay padabog niyang binuksan yung cabinet namin at nagpalit na siya ng t-shirt. P 4-6 Dinampot ko naman yung basang paper bag na tinapon niya at kinuha ko ang laman nito. Isang libro. "Ano to? lumabas ka para bumili ng libro?" natatawa kong tanong sa kaniya pero sinamaan niya lang ako ng tingin "Ate! Sabihan mo nga yung epal na kapatid ni Ate Jen na tigilan na ko, nabasa tuloy ako ng ulan dahil sa kaniya" reklamo ni Alex, napataas naman yung kilay ko. Nabasa siya ng ulan dahil kay Lily? Kaklase ni Alex si Lily na kapatid ni Jen at matagal ko ng alamna patay na patay si Lily sa masungit kong kapatid na kung magalit ay parang si King Kong. Ano bang nagustuhan niya dito kay Alex? Tss. "Teka! Taga-Bacoor pa sila Lily ah... ibig sabihin galing ka sa Bacoor?" gulat kong tanong sa kaniya, hindi naman siya nagsalita pero alamkong tama ako. "Anong ginawa mo dun? Bakit nakarating ka pa doon? Umuulan kaya at gabi na" sermon ko naman sa kaniya. Pinupunasan na niya ngayon yung buhok niya gamit ang tuwalya niya. "Basta! Sabihin mo kay Ate Jen na lubayan na ko ng kapatid niya... naiirita na ko! at Oo nga pala pakitapon na lang din ang librong yan o kaya sunugin mo na lang kung gusto mo" pagsusungit pa sa'kin ni Alex, tinanggal ko na sa paper bag yung libro pero nakabalot pa rin ito ng see through na color red na panyo at nanlaki yung mga mata ko nang mabasa ko ang nakasulat doon sa harapan. It's my Birthday pero kahit wala kang regalo sa'kin, mas gusto ko naman na ako ang magreregalo sayo... Please accept this - Lily Omg! Iba talaga ang Charisma ng kapatid ko. "Bakit mo itatapon? Bigay niya to sayo dapat nga magpasalamat ka eh" sabi ko pa pero in-erapan lang niya ako. "Love stories? I don't believe in love pang mga hopeless romantic lang ang mga yan" tugon ni Alex at dahil dun in-erapan ko siya. Yan ang problema kapag sobrang talino eh minsan nakakalimutan na ang magmahal. Kinuha na niya yung mga damit na pamalit niya at padabog na sinara yung pinto, feel ko mangangatog siya mamaya sa lamig kasi mukhang balak niya pang maligo. Tsk Humarap na ulit ako sa study table at tinanggal ko na yung pulang see through na panyo na nakabalot doon sa libro. Tinabi ko na rin yung note na iniwan ni Lily at dinikit iyon sa mirror ni Alex na nakalagay sa gilid ng study table namin. Napatigil ako nang mabasa ko yung title nung libro... P 4-7 Our Asymptotically Love Story Isang graph at asymptotes ang book cover nito, habang nakasulat ang title sa pinakagitna at kulay pula ang font nito. Napataas naman yung kilay ko sa pangalan ng author na nakasulat sa baba... By f(x-1) Seryoso? f(x-1) ang screen name ng author nito? Parang may kung anong pwersa na nag-uudyok sa akin buksan ang librong iyon, napatitig ako sandali sa title ng libro, Nabasa ko pa lang ang salitang Asymptote ay parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko. Nilakasan ko na ang loob ko at binuksan ang librong iyon, tumambad sa akin ang linya sa unang pahina ng aklat... Saksi ang bawat patak ng ulan sa ating pagmamahalan Ang ihip ng hangin ay naghahatid ng magkahalong pait at tamis na ating naranasan Asahan mong ang pag-sinta ko sa iyo'y di mapaparam Tanging ang pag-ibig mo lamang ang aking inaasam Hindi ko namalayan na may luhang unti-unting namumun sa mga mata ko nang mabasa ko ang mga linyang iyon. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang unti-unting nadudurog ang puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ko ito... P 4-8 Napasulyap ako sa bintana at napansin ko na mas lalong lumakas ang ulan sa labas. Maging ang hangin ay pilit na tinutumba ang mga punong nagsasayawan na ngayon. Napahinga na lang ako ng malalimat muli kong binaling ang mga mata ko sa aklat na nasa tapat ko ngayon. Sinimulan ko nang ilipat ang pahina at binasa ko ang Unang Kabanata, Ako si Salome, at ito ang kwento nating dalawa.... ****************** Source of Math hugot: https://web.facebook.com/permalink.php? story_fbid=425390157671336&id=408978055979213&_rdc=1&_rdr HOYAUTHORI HAPPYENDINGMO TO PUHLEASEAleng,in theend ofthis story,alammo naang storymo palasasinaunang panahon ang binasa mo P 4-9 Kabanata f(x - 3) 149K 4.4K 4.2K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 3] Our Asymptotically Love Story (page 1 � 11) Unang Kabanata Filipinas 1688 Ako si Salome, at ito ang kwento nating dalawa... "Lumeng! Ano bang pinagkakaabalahan mo riyan? Bumaba ka na riyan at akayin mo paakyat iyong ate upang siya naman ang makapagpahinga" sambit ni Nay Delia, napatango na lamang si Salome, isinara na niya ang kaniyang kuwaderno at inilagay iyon sa loob ng isang bayong. Palundag na bumaba si Salome sa ibabaw ng kalabaw at pinagpagan niya ang kaniyang kamay at saya. Nakasimangot siyang naglakad papunta sa likuran kung nasaan hinang-hinang naglalakad ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Felicidad habang akay-akay ito ni Danilo na kanilang ring kapatid. Masama ang kaniyang loob dahil kasalukuyan siyang abala matuto mag-sulat ng alpabeto ngunit naudlot iyon nang utusan siya ng kaniyang ina. Bagama't nakasimangot siyang nagtungo sa kinaroroonan ng kaniyang mga kapatid na si Felicidad at Danilo na nahuhuli na sa paglalakad, animo'y unti-unting napawi ang pagkakunot ng kaniyang noo nang makita niya ang kalagayan ng kaniyang ate Felicidad, namumutla na ito at patuloy ang pagtagaktak ng mga butil ng malamig na pawis sa noo nito. "Ika'y hapong-hapo na, sasabihin ko kay itay na tayo'y magpahinga muna kahit saglit" tugon ni Salome, isang tango lamang ang sagot ni Felicidad dahil hindi na nito kaya pang magsalita. Agad tumakbo si Salome papunta sa unahan kung saan nangunguna sa paglalakad si Tay Isko na kanilang ama at kasabay nito ang lima pang mga kalalakihan na kasama rin ang kanilang mga pamilya. P 5-1 Alas-diyes pa lamang ng umaga ngunit matirik na ang sikat ng araw, Marahil ay papalapit na ang panahon ng tag-araw dahil malapit ng matapos ang buwan ng Marso. At ito ang napili nilang panahon ng paglalakbay patungo sa lalawigan ng San Alfonso. Ang pamilya ni Tay Isko katuwang ang lima pang pamilya ay mula sa Tondo, Maynila. Pinangunahan ni Tay Isko na lisanin ang Tondo dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ng kaniyang kapatid na si Fernando na kasalukuyang cabeza de barangay ng nasabing lugar. Nagsimula ang kanilang paglalakbay sa pamamagitan ng paglalakad noong buwan pa ng Enero sa tulong ng kanilang mga alagang kalabaw na siyang taga-hila ng kanilang mga kagamitan. Isinama rin nila ang ilang alagang manok at mga kambing. Buong tapat na sumama kay Tay Isko ang lima pang pamilya na kaniyang matatalik na kaibigan na mga sambahayan ni Mang Islao, Mang Pedro, Mang Jose, Mang Berto at Mang Kiko. Sa kabuuan halos limampu silang naglalakbay ngayon at ito ay sa pamumuno ni Tay Isko na bagama't medyo may katandaan na ngunit malakas pa rin ang kaniyang pangangatawan, Payat ang pangangatawan nito ngunit maliksi pa rin kung kumilos. Kayumanggi ang kaniyang balat at bilugan ang kaniyang mga mata, hindi ganoon katangos ang kaniyang ilong at may manipis na labi. Ang pinakamapapansin kay Tay Isko ay ang kilay nito sa kaliwa na animo'y nabuhol. Ang asawa naman ni Tay Isko ay si Nay Delia na may dugong Intsik. Ang ninuno ni Nay Delia ay mula sa Canton, Tsina. Ngunit pinili nilang manirahan dito sa Pilipinas dahil sa masiglang kalakaran noon sa pagitan ng mga Pilipino at Intsik bago man dumating ang mga mananakop na Kastila na halos isang daang taon na ang nakararaan. Sa Tondo nanirahan ang mga ninuno ng pamilya ni Nay Delia na kung saan pinamumunuan ito noon ng mga Rajah bago tuluyang magapi ng mga Kastila. Nang masakop ang kaharian ng Maynila at Tondo ang buong pamilya at sambahayan ng mga dugong bughaw ay walang awang pinatay at ang iba ay pinatapon sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas. Si Fernando Aguantar na nakatatandang kapatid ni Francisco Aguantar o mas kilala bilang Tay Isko ang kasalukuyang cabeza de barangay bilang pagkilala sa lahi ng mga maharlikang Indiyo na sumapi sa mga Kastila. Nagkaroon ng hidwaan at pagtatalo sa pagitan ni Fernando at Francisco kung kaya't napagdesisyunan ni Francisco na umalis na lamang sa Tondo kasama ang kaniyang buong pamilya. Sumama naman sa kaniya ang lima pang sambahayan patungo sa San Alfonso kung saan kasalukuyang naninirahan ang panganay na anak ni Francisco o Tay Isko na si Ernesto Aguantar. Si Ernesto ay nasa dalawampu't limang taong gulang lamang, isa siyang makisig na binata, kamukhang-kamukha siya ng kaniyang ama at kilala rin siya sa galing niya sa pangingisda at paglalakbay sa laot. Nakapangasawa ng isang simpleng dalaga na anak ng isang magsasaka si Ernesto at ito ay si Roselia na tubong San Alfonso. Ito ang kanilang pakay ngayon ang manirahan na sa San Alfonso at kalimutan ang kanilang kaugnayan kay Fernando na namumuno sa Tondo. Si Tay Isko at Nay Delia ay nabiyayaan ng limang anak, si Ernesto ang panganay, sumunod naman sa kaniya ang dalagang nasa dalawampu't dalawang taong gulang na si Felicidad Aguantar, sunod naman ay si Salome Aguantar na nasa labing-siyamna taong gulang, kasunod naman ay si Danilo Aguantar na nasa labing-animna taong gulang at ang pinakabata sa kanila ay si Julio Aguantar na pitong-taong gulang lamang. P 5-2 Si Felicidad Aguantar ay nagtataglay ng natatanging kagandahan, bilugan ang kaniyang mukha, maputi ang kaniyang balat na namana niya sa kaniyang ina na si Nay Delia na may lahing intsik, bilugan ang kaniyang mga mata at manipis ang kaniyang mga labi, ang kaniyang buhok ay mahaba at tuwid na tuwid. Si Felicidad ay magalang, mahinhin, mayumi at tunay na pinapangalagaan talaga ni Nay Delia dahil naniniwala siya na si Felicidad ang kanilang alas upang makaahon sa kahirapan. Nais ni Nay Delia na maipakasal ito sa isang mayamang binata, Kastila man o hindi. Si Salome Aguantar naman ay nagtataglay rin ng kagandahan tulad ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Felicidad, bilugan rin ang kaniyang mukha ngunit medyo singkit ang kaniyang mga mata, maputi rin ang kaniyang balat dahil may lahi silang intsik, tama lamang ang kaniyang ilong at manipis rin ang kaniyang mga labi, ngunit ang buhok niya ay medyo kulot at mahaba, katangian na pinaniniwalaan ni Tay Isko na namana niya sa kanilang lahing maharlika, dahil ang kanilang mga ninuno ay kabilang sa mga dugong bughaw ng Kaharian ng Tondo ngunit nang sakupin na ng mga Kastila ang Maynila, kasabay ng pagkatalo ng kanilang mga ninuno ay ang pagkawala rin ng Kaharian ng Tondo. Taliwas naman sa karapat-dapat na ugali ang taglay ni Salome, kung kaya't palagi siyang napupuna ng kaniyang ina na si Nay Delia. Masiyahin at mapag-biro si Salome, palagi rin siyang sumasama sa pagsasaka at pangingisda noon ng kaniyang kuya Ernesto. Bihasa rin siya sa lahat ng gawaing bahay dahil siya lamang ang katuwang ni Nay Delia dahil palaging may sakit ang kaniyang ate na si Felicidad. Sanay rin sa pakikisama at pakikisalamuha si Salome kung kaya't madalas din siyang katuwang ni Nay Delia sa paglalako ng mga paninda nilang isda na nahuhuli ni Ernesto sa karagatan noong hindi pa nag- aasawa si Ernesto. At ngayon labis ang saya ni Salome dahil makikita na rin niya muli ang pinaka-paborito niyang kapatid na si Ernesto dahil maninirahan na rin sila sa San Alfonso. Samantala, si Danilo Aguantar naman ay isang tahimik na binatilyo, siya ang pinaka- matalino sa kanila. Madalas siya noong tumatambay sa labas ng Simbahan ng San Agustin sa Intramuros upang makinig sa mga pangaral ng pari, nagtatrabaho rin siya bilang taga-buhat ng mga panindang gulay sa palengke upang magkaroon ng pera pambili ng mga papel, pluma, kuwaderno at talaarawan. Iniregalo niya ang isang kuwaderno sa kaniyang ate Salome noong isang taon dahil interesado rin itong matuto magbasa at magsulat ng alpabeto. Bukod sa katalinuhang taglay ni Danilo, may angking kagwapuhan at kakisigan rin ito, matangkad siya, maputi rin ang kaniyang balat, singkit ang kaniyang mga mata at may makisig na pangangatawan. Mga katangian na hinahangaan ng mga dalagita na nabibilang sa matataas na antas ngunit hindi sila pinapatulan ni Danilo. Habang si Julio Aguantar naman ang pinaka-bata sa magkakapatid ay likas na makulit at pilyo. Nahahawig niya ang kaniyang kuya Danilo, bagama't paslit pa lamang si Julio ay sanay na rin ito sa pagsasaka at pagpapastol ng mga hayop. Pitong taong gulang na si Julio ngunit hindi pa rin it nakakapagsalita, bagay na labis na ikinababahala ng pamilya. "Itay! Maaari po ba tayong magpahinga muna saglit dahil nanghihina na po si ate Felicidad" paalamni Salome sa kaniyang ama na si Tay Isko. Napalingon naman si Tay Isko at ang iba pang mga ama ng tahanan na kasamahan niya sa likod kung saan inaakay na ni Danilo si Felicidad paakyat sa kalabaw. P 5-3 "Sige... mas makabubuti nga kung magpahinga na muna tayo at dito na rin tayo mananghalian" tugon ni Tay Isko at nginitian niya si Salome. Nagpasalamat naman si Salome at kumaripas ng takbo papunta kina Felicidad at Danilo upang ipagbigay alamang mabuting balita. Sinuway pa ni Nay Delia si Salome dahil sa hindi kaibig-ibig nitong kilos nang kumaripas ito ng takbo, ngunit wala nang nagawa pa si Nay Delia dahil hindi rin naman siya pinakinggan ng kaniyang anak na si Salome. "Saang barrio ba tayo maninirahan?" tanong ni Mang Pedro kay Tay Isko, kasalukuyang nakasilong ang lahat sa magkakatabing puno ng Narra na nasa gilid ng kalsadang lupa na pinakinis upang madaanan ng mga kabayo at calesa. Kumakain na rin sila ngayon ng kanilang tanghalian na inihaw na kamoteng kahoy at tig-tatlo sila ng saging na saba. "Sa barrio Tagpi, doon naninirahan ang aking anak na si Ernesto, naalala mo noong bumisita siya sa atin sa Tondo noong Disyembre inilarawan niya sa akin ang daan at isinulat iyon sa kuwaderno ni Danilo kung kaya't naniniwala ako na matutunton na natin ang kanilang barrio bago magtakip- silimngayong araw" paliwanag ni Tay Isko, napatango-tango naman ang kaniyang mga kasamahan. "Sino ba ang gobenadorcillo sa bayan na ito?" tanong naman ni Mang Kiko. Napaisip naman si Tay Isko at pilit na inaalala ang mga impormasyon na sinabi sa kaniya noon ni Ernesto bago sila magsimulang maglakbay. "Ang pagkakaalamko ay si Tay Alfonso Silong ang unang naggapas ng mga kagubatan at kabukiran dito sa San Alfonso at nang dumating ang mga Kastila ay naging isa siyang encomiendero, napalawig niya ang buong lupain ng San Alfonso at isinunod ang lugar na ito sa pangalan niya, Samantala, ang apo naman niya na si Filimon Alfonso ang kasalukuyang gobernadorcillo ng lalawigang ito" paliwanag pa ni Tay Isko, taimtimna nakikinig naman si Salome sa kanilang usapan at nararamdaman na niya na isa siyang dayuhan sa bagong lupain na titirhan nila. Pagkatapos ng tanghalian ay nagpatuloy na sila sa paglalakbay, si Felicidad na ngayon ang nakasakay sa kalabaw habang akay-akay ni Danilo ang kalabaw sa harapan. Hawak naman ni Salome sa kamay si Julio na halatang pagod na sa paglalakad at mukhang inaantok na dahil oras na rin ng siyesta. Napansin ni Salome na pumupungay na ang mga mata ng kapatid niyang si Julio kung kaya't pinasan na niya ito sa kaniyang likod upang makatulog na. Kinanta naman ni Salome ang awiting palagi niyang kinakanta sa tuwing patutulugin niya si Julio... ~Ang batang makulit Siya ay pilyo at paslit Ngiti ang sa amin ay hatid At ang ngalan niya ay Juliong Paslit~ P 5-4 Nagpalitan na lang sa pag-pasan kay Julio si Salome at Danilo hanggang sa makarating sila sa daungan ng San Aflonso. Kasalukuyang ginagawa ang tulay na kahoy na daungan nito at may iilang mga maliliit na bangka na nasa tabi, alas-singko na ng hapon at abala pa rin ang mga trabahador sa pagpako ng mga tabla para sa daungan. May iilang mga Kastilang nag-mamatiyag at binabantayan ang mga manggagawa. Ang ilan namang mga kababaihan ay nasa tabi at may hawak na mga tubig at pamunas para sa mga asawa at anak nilang gumagawa sa daungan. ilang saglit pa ay nakarating na rin sila sa kabisera ng San Alfonso, natanaw nila ang plaza at ang tulong-tulong na pagtatrabaho ng mga tao upang maitayo ang simbahan ng San Alfonso. Kasalukuyang pundasyon at mga haligi pa lamang ang nagagawa nila at aabutin pa ito ng ilang buwan bago matapos. Napapalingon naman ang ilang mamamayan ng San Alfonso sa pagdating ng kanilang grupo sa pamumuno ni Tay Isko. Tinanong ni Tay Isko sa isang kutsero na nagpapahinga sa gilid ng plaza ang direksyon papunta sa barrio Tagpi, agad naman siyang itinuro nito at sinabing mga dalawang kilometro pa ang layo nito sa bayan. Nadaanan rin nila ang tulay ng San Alfonso na kung saan gawa pa lamang ito sa kahoy, namangha si Salome sa ganda ng ilog na umaagos sa ilalimnito. "Iyan ang Ilog Tangis" narinig ni Salome na tugon ni Danilo na nasa tabi na pala niya habang pasan-pasan na nito si Julio. Magtatanong pa sana si Salome ngunit bigla nilang narinig ang sigaw ng mga lalaking naka-uniporme na pang-guardia civil at pinapatabi sila dahil dadaan ang mga ito sa tulay. Mabuti na lamang dahil nakalagpas na sila sa tulay at tumigil muna sandali sa gilid at binigyan ng daan ang paparating na mga hukbong kastila habang kasunod nito ang isang magarbong kalesa at lulan nito ang isang binatang kastila na nagtataglay ng pambihirang kagwapuhan. Nagtama ang mga mata ni Salome at ng binatang kastilang iyon, biglang napahawak si Salome sa kaniyang puso nang maramdaman niya ang biglaang pagpintig nito nang mapasulyap sa kaniya ang binatang kastila. Sandaling bumagal ang takbo ng paligid, animo'y ang bawat takbo ng segundo ay naging minuto. Mabilis lamang ang pangyayari agad nakalagpas ang magarbong kalesang sinasakyan ng isang makisig na binatang Kastila. Hindi naman nilubayan ni Salome ng tingin ang kalesang iyon hanggang sa makalayo ito. "Ipinagdarasal ko na walang sugapal na kastila dito sa San Alfonso, dahil kung mayroon titira na lamang ako sa isang isla" biro pa ni Mang Pedro at nagtawanan sila nila Tay Isko saka nagpatuloy na muli sa paglalakbay. "Lumeng? Ayos ka lang?" tanong ni Nay Delia kay Salome dahil nagsimula na silang maglakad pero naiwan lang siya doong tulala at nakahawak sa kaniyang puso. "Ikaw ba'y pagod na rin?" patuloy pa ni Nay Delia dahilan para matauhan si Salome na kinakausap pala siya ng kaniyang ina. "H-hindi po inay, ayos lang po ako" tugon na lamang ni Salome at nagsimula na rin siyang maglakad habang dala-dala pa rin sa kaniyang puso ang kakaibang pintig na naramdaman niya kani- kanina lang. P 5-5 Matapos ang dalawang kilometrong paglalakbay ay nakarating na rin sila sa barrio Tagpi, ito ang unang barrio pagkalagpas sa kabisera ng San Alfonso, napapalibutan ang buong barrio Tagpi ng mga kabukiran at palayan. May mga sampung kabahayan pa lamang dito at halos malalayo ang agwat ng mga bahay kubo sa bawat isa. Agad na natanaw ni Tay Isko ang anak niyang si Ernesto na nagbibilad ng palay sa isang patag na lugar sa di-kalayuan. "Estong! Anak!" masiglang tawag ni Tay Isko kay Ernesto, nabitawan niya ang kaniyang mga dala-dalahan at dali-daling tumakbo papunta kay Ernesto na ngayon ay tumatakbo na rin papalapit sa kaniya. Nagyakap ng mahigpit ang mag-ama at bakas sa kanilang mga mukha ang labis na saya. Humabol naman sa kanila si Nay Delia at Salome, habang mabilis na akay-akay naman ni Danilo si Felicidad papalapit sa kanilang kuya Ernesto. Isa-isa nilang niyakap si Ernesto at maluha-luha na sila dahil sa saya na nararamdaman nila. "Maraming Salamat sa Diyos dahil nakarating kayo rito ng matiwasay" tugon ni Ernesto sabay yakap muli sa kaniyang ina na si Nay Delia. Sumunod naman sa kanila ang iba pang mga sambahayan na kasama nila Tay Isko sa paglalakbay at buong galang silang binati at sinalubong ni Ernesto. "Tayo'y magtungo na sa aming tahanan upang makapagpahinga na kayong lahat" patuloy pa ni Ernesto habang nakaakbay sa kaniyang ina at kay Salome at masaya nilang tinahak ang daan papunta sa bahay kubo nila Ernesto at ng asawa nitong si Roselia. Sa gitna ng palayan nakatayo ang tahanan ni Ernesto at Roselia, maliit lamang ito at gawa lamang sa kawayan at pawid. "Kamusta na po kayo? Nagagalak po akong makita muli kayo" nakangiting tugon ni Roselia at isaisa niyang niyakap ang pamilya Aguantar. Naghain na rin siya ng hapunan, inihaw na isda ang kaniyang inihain habang sinamahan naman ni Ernesto ang iba pang pamilya na kasama ni Mang Isko papunta sa kabilang palayan na kung saan malinis na ito at nagapas na rin ang mga damo, maaari na itong tayuan ng bahay at tirhan. Ngunit ngayon gabi ay pansamantala muna silang lahat matutulog sa tahanan nila Ernesto at bukas na lamang nila sisimulang manguha ng mga kawayan at kahoy sa kagubatan para magamit sa pagtatayo ng kanilang mga bahay. Kalat-kalat ang mga bisita, ang ibang mga bata ay tulog na sa papag at tabi-tabi na ang mga kababaihan habang nasa kabilang sulok naman ang mga kalalakihan. Isang gasera lamang ang nagbibigay ng liwanag sa buong bahay. kasalukuyang nasa labas ng bahay sila Ernesto, Roselia, Nay Delia, Salome at Danilo habang mahimbing ng natutulog si Tay Isko at Julio sa loob dahil na rin sa matinding pagod. "Ano po ang balak niyong hanapbuhay dito sa San Alfonso inay?" tanong ni Roselia kay Nay Delia habang nakasandal sa kaniya si Ernesto. Nakaupo sila sa palibot ng apoy na sinigaan sa gitna. Malamig ang gabi ngunit nagdudulot ng init ang apoy na nasa harapan nila ngayon. maingay rin ang tunog ng mga kuliglig sa buong paligid ngunit hindi nila ito alintana. P 5-6 "Nais ko sanang magtinda ng mga isda sa palengke ngunit sa ngayon ay wala pa kaming pampuhunan kung kaya't mamasukan na lang muna kami ni Salome bilang katulong" tugon ni Nay Delia, nagpaalamnaman na si Danilo at pumasok na siya sa loob ng bahay upang matulog na. kung kaya't naiwan na lang doon sa labas si Ernesto, Roselia, Nay Delia at Salome. "Maunlad na rin po ang bayang ito kung kaya't madali po kayong makakahanap ng trabaho inay, may pitong mayayamang pamilya po ang naninirahan ngayon dito sa San Alfonso at kabilang na rin po ang gobernadorcillo na si Don Filimon Alfonso" paliwanag ni Ernesto. Napatingin naman si Salome sa malaking tahanan na napapalibutan ng mga bulaklak na natatanaw niya sa di-kalayuan pagkalagpas sa mga palayan. "Maaari po ba kaming manilbihan doon?" tanong ni Salome sa kaniyang kuya Ernesto sabay turo doon sa malaking mansyon na natatanaw nila. Sabay namang napailing si Ernesto at Roselia. "Ang pagkakaalamko ay bihira tumanggap ng mga indiyo na tagapagslibi si Don Antonio Flores, isa siyang heneral at may mataas na katungkulan mula pa sa Espanya, limang taon pa lamang siya naninirahan dito kasama ang kaniyang asawa at mga anak" sagot ni Ernesto. Napatango na lang si Salome. "Inay! Salome! Maaari ko kayong ipasok na tagapagsilbi sa hacienda Montecarlos, ang aking tiya Estelita ay tatlong taon nang mayor doma doon" tugon ni Roselia, napangiti naman si Salome dahil sa magandang balitang narinig niya. "Hindi ba strikto ang padre de pamilya doon?" tanong ni Salome, napailing naman at natawa si Roselia. "Si Senor Patricio Montecarlos ay isang binatang kastila na nasa edad dalawampu't apat pa lamang, apat na taon pa lang siya naninirahan dito sa San Alfonso ngunit napaunlad na niya ang ekonomiya dito, namuhunan siya ng malaki sa pagtatanimng palay at mais at nakapagpatayo na rin siya ng mga kuwadra, marami na siyang natulungang mga mamamayan ng San Alfonso at marami rin siyang nabigyan ng trabaho" paliwanag ni Roselia, napangiti naman ng todo si Salome dahil sa malaking oportunidad na magkakatrabaho agad sila ng kaniyang ina. "Hindi naman ba mata-pobre si Senor Patricio?" pag-usisa pa ni Salome, sabay namang natawa si Ernesto at Roselia. "Ikaw talagang bata ka, hindi naman lahat ng Kastila ay mata-pobre, marami pa rin sa kanila ang may mabuting loob" paalala ni Nay Delia kay Salome. "Huwag kang mag-alala Salome, madalas namang wala sa mansyon si Senor Patricio dahil abala ito sa kaniyang negosyo na balita ko ay lumalawak na at umabot na sa Maynila" dagdag pa ni Roselia. Hindi naman maalis ni Salome ang mga ngiti sa kaniyang labi dahil nararamdaman niyang may magandang buhay ang naghihintay sa kanila dito sa San Alfonso. Kinabukasan, alas-kuwatro pa lang ng madaling araw ay gising na si Nay Delia, Roselia at Salome. Naghahanda na sila papunta sa hacienda Montecarlos na nasa pinakadulo ng San Alfonso, medyo malayo ito P 5-7 sa barrio Tagpi kung kaya't nagsimula na silang maglakad. Nasa apat na kilometro ang layo nito at sinamahan din sila ni Ernesto at ng iba pang mga kalalakihan na nais ding mamasukan bilang trabahor sa hacienda Montecarlos. Pasado alas-siyete ng umaga nang makarating sila sa hacienda Montecarlos, namangha si Salome dahil natanaw niya na karugtong pala dito ang ilog tangis at natatanaw niya ang isang malaki at napakagandang lawa sa dulo nito. Hindi rin maitago ni Salome ang kaniyang pagkamangha nang matanaw niya ang napakalaking bakod na gawa sa ginto na bumungad sa harapan ng hacienda, nakasulat sa itaas nito ang dalawang salita na mabagal niyang binasa dahil nakasulat ito sa alpabeto at kaunti pa lamang ang nalalaman niya sa alpabeto. Makalipas ang halos isang minuto ay nabasa na rin niyo ito... Hacienda Montecarlos Magiliw silang binati ng ilang mga magsasaka at manggagawa na papasok na rin sa hacienda, hindi naman mapigilan ni Salome ang pagkislap ng kaniyang mga mata lalo na nang matanaw niya ang napakagandang mansyon na kulay puti at kitang-kita ang karangyaan nito dahil sa mga nakaukit na disenyo sa haligi nito. "Magandang Umaga sa inyong lahat at Maligayang pagdating" bati ni Manang Estelita na medyo may katandaan na, nasa edad animnapu't apat na ito at medyo may katabaan habang ang kaniyang buhok ay itimpa rin ang kulay. Magiliw ang mga ngiti nito kahit pa kulubot na ang kaniyang balat. "Magandang umaga Tiyang" bati ni Roselia at pinakilala niya isa-isa sila Nay Delia, Salome, Danilo at ang iba pang mga kasamahan nila na ibig mamasukan sa hacienda. "Nagagalak akong makilala kayo... Siya nga pala, kasalukuyang nasa Maynila ngayon si Senor Patricio Montecarlos ngunit huwag kayong mag-alala iniwan naman niya sa kaniyang pinsan na kakarating lang kahapon mula sa Maynila ang pamumuno dito sa Hacienda" paliwanag ni Manang Estelita at ilang saglit pa, bumukas na ang magarang pintuan ng mansyon at bumungad sa harapan nila ang isang binatang kastila na nagtataglay ng pambihirang kagwapuhan at kakisigan nasa edad dalawampu't pito lamang ito. Kulay brown ang mata nito, matangos ang ilong, maputi at makinis ang balat, manipis ang mga labi, matangkad at makisig ang pangangatawan. Naka-suot ito ng itimna coat at itimna sumbrero. Bakas na bakas sa kaniyang porma ang kaniyang karangyaan. "Magandang Umaga po Senor Fidel, Nais po nilang mamasukan dito sa hacienda Montecarlos" bati ni Manang Estelita, napangiti naman ng bahagya si Fidel at isa-isa silang tiningnan hanggang sa mapatigil P 5-8 ang kaniyang mga mata kay Salome na ngayon ay nakatingin din ng diretso sa kaniyang mga mata. Bumaba na sa tatlong baiting na hagdan si Fidel at dahan-dahang naglakad papalapit sa kanila habang ang kaniyang mga kamay ay nasa likod niya. "Buenas Dias, Ikinagagalak kong makilala kayong lahat, Ako ang pansamantalang namamahala ngayon dito sa Hacienda Montecarlos habang nasa paglalakbay ang aking pinsan na si Patricio, Maaari niyo akong tawaging Senor Fidel Montecarlos" paliwanag ni Fidel at itinapat niya ang kaniyang sumbrero sa kaniyang dibdib bilang pagbati. Ganoon rin naman ang ginawa ng ilang kalalakihan na kasama nila Roselia, Samantalang napahawak naman sa saya sila Roselia, Nay Delia at Salome at bahagyang yumuko upang magbigay pugay. "Simple lamang ang nais ng aking pinsan na si Patricio, nais niyang maging masaya kayo habang nagtatrabaho rito sa hacienda- " patuloy pa ni Fidel ngunit hindi na ito masyadong naintindihan ni Salome dahil napatulala lamang siya kay Fidel habang nagsasalita ito. Namangha siya sa galing nito sa pagsasalita ng tagalog bagama't isa itong purong kastila, napatitig siya sa labi nito habang nagsasalita at minememorya niya ang mga tamang pagbigkas ng mga salita. Napatigil lamang siya nang bigla hawakan ni Nay Delia ang kaniyang kamay at napagtanto niya na nakatingin na sa kaniya si Fidel at kinakausap siya nito. "May nais ka bang itanong Binibini?" tanong ni Fidel kay Salome, napaiwas naman siya ng tingin at napayuko, batid niya na hindi kaaya-aya ang kaniyang inasal sa harapan ng binata. "W-wala po Senor" sagot niya at napahawak na lang siya sa kamay niya dahil sa kaba. "Binibini, ikaw ba'y ayos lang?" pahabol na tanong pa ni Fidel, sandali siyang napasulyap dito ngunit napayuko ulit dahil nahihiya siyang tumingin ng diretso sa mga mata nito. "O-opo Senor, A-ayos lang po ako" tugon pa ni Salome. Napatango naman si Fidel at ibinaling na niya sa iba pang mga trabahador ang kaniyang paningin. "Kung gayon, Tayo'y magsimula na..." anunsyo pa ni Fidel, at sa huling pagkakataon ay napasulyap muli si Salome sa kaniya, hindi naman siya nabigo dahil napatingin din sa kaniya si Fidel bago ito tumalikod. At sa pagkakataong iyon, naalala ni Salome na ang binatang kastilang nakasakay sa kalesa kanina noong tinatahak nila ang tulay sa ilog tangis ay si Fidel Montecarlos. Nang makapag-paalamna si Fidel at tumalikod na ay napahawak muli si Salome sa kaniyang puso. P 5-9 Katulad ng biglaang pagbuhos ng ulan nang hindi inaasahan... Ang pagdating ng aking Unang Pag-ibig. *************** Sources: History of The Philippines during the Spanish era Slide Share SHETMEMORIES THO SALOME! IM WARNIN' YOU! WAGKASAMGAFLORES ANAK NGTINAPA! SALOMEEEEE!! P 5-10 Kabanata f(x - 4) 107K 3.5K 2.2K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 4] "Just a smile and the rain is gone Can hardly believe it (yeah) There's an angel standing next to me Reaching for my heart" -Westlife (I Lay my Love on you) "Seriously? Ngets! Okay ka lang ba? Bakit nag-aadik ka sa History?" narinig kong reklamo ni Jen na halos magkadugtong na ang kilay niya ngayon. Hindi ko na lang siya pinansin dahil nakatutok talaga ako sa mga history books na binabasa ko ngayon dito sa library sa University namin. Kahit bakasyon ngayon pwede pa rin makapasok dito basta related lang sa pagreresearch at pagkuha ng mga references ang gagawin sa library. White blouse and blue maong pants lang ang porma ko ngayon samantalang si Jen naman ay naka-off shoulder with matching high waist pants. May date pa daw kasi sila ni Arthur mamayang hapon. 1 pmpa lang naman ngayon at kanina pang 10 amako nandito sa library samantalang kakarating lang ni Jen kani-kanina lang. Kakaunti lang ang tao ngayon dito sa library dahil wala namang pasok pero may iilang mga nag-susummer class. Akmang magrereklamo pa sana si Jen kaya lang biglang tumawag sa kaniya si Arthur kaya ayun sinapian na naman siya ng kalandian at kinikilig na lumabas muna sa library para sagutin yung call ni Arthur. Napailing na lang ako, Haays pag ako na-inlove sisiguraduhin kong hindi ako magiging ganyan kabaliw tulad ni Jen tss... Ibinalik ko na lang yung tingin ko sa mga history textbooks na nakakalat ngayon sa harapan ko. Nagdala rin ako ng maliit na notebook kung saan ilalagay ko ang mga importanteng information and details sa ginagawa ko ngayon. Nag-reresearch ako ngayon tungkol sa Kingdom of Tondo. Sa totoo lang narinig ko na ito dati nung High school pa ko pero hindi ko na matandaan kasi hindi naman ako interesado talaga noon sa Kasaysayan ng Pilipinas. Pero ngayon hindi ko alamkung bakit interesadong-interesado ako sa Kingdom of Tondo. Siguro dahil sa nabasa kong historical novel kagabi na kung saan isang descendants ng royal blood family ng Kaharian ng Tondo ang pamilya ni Salome kaya lang nang dumating ang mga Kastila at nasakop na nila ang Kingdom of Manila at Kingdom of Tondo naglaho na ang kaharian ng ating mga ninuno... P 6-1 Ang Tondo o mas kilala noon bilang Tundo, Tundun o Tundok ay isang kaharian na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Pasig river na tumutuloy hanggang sa Manila Bay na bahagi ng Luzon. Ang Tondo ay isa sa pinaka-sinaunang nayon na nabanggit sa Laguna Copperplate Inscription na naitala noon pang 900 AD. Ang Kaharian ng Tondo ay kilala na noon pa man bilang isang diplomatikong ugnayan sa bansang Tsina sa kasagsagan ng Ming Dynasty (year 1368 - 1644). Noong taong 1373, nagpadala ng mga sugo/kinatawan ang Ming dynasty sa Luzon bilang bahagi ng kanilang malayang pakikipagkalakaran sa isa't-isa at pagiging magkaibigan ng bawat kaharian. Kinikilala rin ng Ming Dynasty ang Tondo bilang isang Kaharian na pinamumunuan ng Hari. Kasabay nito ay ang pagdating ng mga unang intsik na nanirahan sa Pilipinas at nagkaroon sila ng magandang samahan. Bukod dito ay ang Kaharian ng Tondo at kaharian ng Maynila ay may malalim rin na koneksyon at pakikipag-kaibigan sa bansang Brunei. Noong taong 1500 AD, si Sultan Bol-kiah, hari ng Brunei ay nagproklama ng kasal sa pagitan ni Gat Lontok (who later became Rajah Namayan) at Dayang Kay- langitan, isang dalagang nabibilang sa dugong bughaw sa Kaharian ng Maynila. Ang namumuno sa Kaharian ng Tondo na si Lakandula ay napanatili ang kaniyang posisyon ngunit ang kapangyarihang pang-politikal ay napunta na sa kaharian ng Maynila na pinamumunuan ni Rajah Sulayman. Ang Pilipinas ay hindi pa iisang bansa noon, hati-hati ang mga kaharian nito tulad ng: States in Luzon Kingdom of Maynila Kingdom of Tondo Caboloan (Pangasinan) States in Visayas Kedatuan of Madja-as Kedatuan of Dapitan P 6-2 Rajahnate of Cebu States in Mindanao Rajahnate of Butuan Sultanate of Sulu Sultanate of Maguindanao Sultanate of Lanao Nang makarating si Ferdinand Magellan sa Homnhon island noong March 16, 1521. Pinangalanan niya ang Pilipinas na Isla De San Lazaro, at naging kaibigan niya si Rajah Humabon, ang rajah ng Cebu at nahikayat nya itong magpabinyag bilang Katoliko kasama ang asawa nito at halos 800 na Cebuanos. Samantala si Datu Zula naman ay nais ring magpailalim sa kaharian ng Espanya ngunit matindi itong tinutulan ni Datu Lapu-Lapu na datu ng Mactan. Milaiit ni Ferdinand Magellan ang kakayahan at hukbo na pinapangunahan ni Lapu-lapu dahilan para matalo sila sa labanan at namatay si Magellan. Ang battle of Mactan ay nadulot ng pinsala sa panig nila Magellan na kung saan ang tatlong barko ay hindi na kaya pang pamunuan ng nalalabing mga tauhan kung kaya't iniwan na nila ang barkong 'Concepcion'. Tanging ang barkong 'Trinidad' at 'Victoria' na lamang ang pinamahalaan nila pabalik sa Espanya. Ngunit sa kasamaang palad ang barkong 'Trinidad' na pinamumunuan ni Gomez de Espinoza na naglakbay sa dagat pasipiko ay hindi nakaligtas dahil sa mga sakit at bagyo. Samantala, ang barkong 'Victoria' naman na pinamumunuan ni Juan Sebastian Elcano na naglakbay pa-kanluran ay nakabalik sa Espanya noong 1522. Nang dahil sa pagkatuklas sa Pilipinas, si Haring Charles I ng Espanya ay naglabas ng utos upang maglakbay at tuklasin muli ang spice island (Pilipinas). Nagpadala ito ng limang barko sa pamumuno ni: Loaisa (1525) Cabot (1526) Saavedra (1527) Villalobos (1542) Legazpi (1564) P 6-3 Noong 1543, pinangalanan ni Ruy L�pez de Villalobos ang Leyte at Samar na Las Islas Filipinas after Philip II of Spain. At noong 1564, dumating na si Miguel Lopez de Legazpi sa Pilipinas kasama ang 500 tauhan upang sakupin ang Cebu. Hindi naman siya nabigo dahil nasakop niya ito at naipatayo niya ang Fort San Pedro sa Cebu. Si Miguel Lopez de Legazpi rin ang kauna-unahang naging gobernador-heneral ng Pilipinas. Sa tulong ni Juan de Salcedo (Apo ni Miguel Lopez de Legazpi) at ni Martin de Goiti ay nasakop na rin nila ang kaharian ng Maynila at kaharian ng Tondo. Sa panahong iyon ang namumuno sa kaharian ng Maynila ay si Rajah Matanda at Rajah Sulayman, Samantala sa kaharian naman ng Tondo ay si Lakandula ang namumuno. Ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at mga Pilipino sa bahagi ng hilaga ng Pilipinas sa Luzon ay tinawag na Battle of Bankusay nong 1571. Ngunit sa kasamaang palad natalo ng mga Kastila ang mga Pilipino at nagsimula na ang pananakop nito sa Maynila at Tondo. Ang kaharian ng Maynila at Tondo ay tuluyan nang naglaho at itinalaga ni Miguel Lopez de Legazpi na kabisera ng Pilipinas ang Intramuros, Manila. Samantala, ang Tondo naman ay naging isang siyudad na lamang na bahagi ng Maynila. Napatulala lang ako nang mabasa ko ang lahat ng iyon. Parang ang sikip sa dibdib, sobrang nalulungkot ako malaman na tuluyan nang naglaho ang kaharian ng Maynila at kaharian ng Tondo. Teka! Anong nangyari sa iba pang miyembro ng mga royal blood sa kaharian ng Maynila at Tondo? Magbabasa pa sana ako kaso biglang dumating na si Jen at nakasimangot na siya. Tsk nangangamoy LQ with her mr-perfect-hottie-boyfie-Arthur na palagi niyang binibida tss. "Kainis! Pinaasa niya lang ako! hindi raw matutuloy ang date namin ngayon!" reklamo ni Jen at napadabog pa siya sa pag-upo dahilan para umalingangaw sa buong library yung ingay nung upuan at mapatingin sa amin si Ma'mDiane. Agad namang nag-sorry si Jen at dinahilan niya na masakit lang paa niya. "Ganyan kasi talaga kapag masyadong pinaghahandaan ang isang bagay... Hindi iyon natutuloy" pang-asar ko pa sa kaniya habang abala pa rin sa pagsusulat ng mahahalagang impormasyon na nababasa ko ngayon sa history book na hawak ko. "Bwiset talaga siya! mamatay na lahat ng lalaking paasa!" reklamo niya pa at umalingangaw na naman sa buong paligid yung sigaw niya. Buti na lang hindi iyon napansin ni Ma'mDiane kasi may kausap itong estudyante. "Look at me, No love life... No worries! At peaceful pa ang mind and heart ko" pagmamalaki ko pa sa kaniya, in-erapan niya lang ako. Gusto kong matawa sa itsura niya ngayon kasi naka- porma talaga siya ng bonggang-bongga pero hindi naman pala siya sisiputin ng boyfriend niya. "Kapag ikaw na-inlove humanda ka ngets! Ikaw naman ang pagtatawanan ko diyan" banat niya pa at dahil dun binigyan ko siya ng isang mahabang sarcastic na tawa. Ha Ha Ha "Never mangyayari yun noh! I'll make sure na sa right guy ako ma-fafall" buwelta ko pa pero tinaasan niya P 6-4 lang ako ng kilay. "You'll never know, ang pag-ibig parang magnanakaw yan, hindi mo alamkung kelan aatake, at kapag napasok na nito ang puso mo magugulat ka na lang dahil wala itong tinira para sayo" hugot niya pa. Nako! Masyado kasi nag-aadik sa mga hugot lines ang babaeng to eh. Napa-crossed arms naman ako at proud akong tumingin sa kaniya "I'll guard my heart then, para walang makapasok na magnanakaw" "Kahit anong harang mo diyan, matitibag din yan pag nakilala mo na ang lalaking magpapatibok ng puso mo tss" "If that happens I'll make sure na sa right guy pa rin ako ma-fafall" depensa ko pa. napa-tsk tsk naman si Jen, sesermonan pa niya dapat ako kaso biglang tumunog ulit yung phone niya, akala namin si Arthur pero si Lily pala yung kapatid niya ang nag-text. Ate! Help me, I need to move on, gusto ko ng kalimutan si Alex :( -Lily Napasandal naman si Jen sa upuan at mukhang nakaka-relate rin siya ngayon sa kapatid niya, pareho kasi silang broken hearted. Napa-iling-iling na lang ako. "And that's the reason why I keep on avoiding... Love" banat ko pa, kaya ayoko ma- engage sa relationships dahil kakambal ng saya at kilig ang luha at lungkot. Hindi naman na nagsalita si Jen, napatulala na lang din siya sa phone niya kaya nagsulat na lang ulit ako sa mini notebook ko, pero napatigil ako nang mabasa ko yung nakasulat na quote sa front cover nito na dati ay hindi ko naman pinapansin... Love will find you What-the-heck! Month of June na ngayon, First day of class. At sobrang saya ko dahil 4th year college na ko! isang kembot na P 6-5 lang Graduate na! Maaga akong nagising dahil sobrang excited akong pumasok, syempre first day na first day ayokong ma-late. Kasabay ko rin ngayon si Alexander dahil pareho na kami ng University na papasukan. First year college na siya, BS Biology ang kursong kinuha niya. Nasa bus kami ngayon at pansin ko na makulimlimang kalangitan, pero hindi koi yon masyadong napansin dahil mas nangingibabaw ang saya na nararamdaman ko ngayon at hindi ko mapaliwanag kung bakit. "Ate, mukha kang sira kakangiti diyan" narinig kong reklamo ni Alex, katabi ko siya ngayon dito sa bus, nasa bintana ako. at dahil sa sinabi niya napawi tuloy yung ngiti ko at sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw naman mukha kang serial killer na hindi marunong ngumiti!" banat ko naman sa kaniya, in-erapan niya lang ako at nagsalpak na lang siya ng earphones sa tenga niya. Asar talo haha! Pero dahil trip ko siyang asarin ngayon hinigit ko yung earphones niya dahilan para mapakunot yung kilay niya. "Hoy! Totoy di mo pa sinasabi samin kung bakit galit na galit sayo si Lily" reklamo ko pa sa kaniya, napa-erap naman siya nung marinig niya yung pangalan ni Lily. "I just tell her the truth... na ayoko sa mga babaeng katulad niya" diretso niyang sagot. Whuut? "Ano ka ba! Bakit mo sinabi yun? siguradong na-hurt siya! kaya naman pala galit na galit siya sayo eh" pangaral ko pa sa kaniya. At napatingin sa'min yung mga nakatayong pasahero sa bus. Mas mukha kasing matanda tingnan sa'kin si Alex pero binubungangaan ko siya ngayon. "I just don't get it, bakit kayong mga girls ayaw niyo ng paligoy-ligoy pa pero kapag ni-real talk kayo magwawala naman kayo" naiinis na tugon ni Alex at napailing-iling pa siya. napa- crossed arms naman ako, kung pwede ko lang sabunutan tong kapatid ko dito sa bus kanina ko pa nagawa kaso nakakahiya naman sa ibang pasahero. "We prefer real talk naman pero as much as possible wag naman yung nakaka-degrade ng pagkatao... duhh? We're humans too" banat ko pa. napakunot lang lalo yung noo ni Alex at sinalpak na niya ulit yung earphones niya sa tenga niya. Pareho kaming magkapatid na hindi pa tinatamaan ng pana ni kupido, pero parang mas hopeless case siya kasi ang bitter niya sa pag-ibig. Samantalang ako, I believe in Love naman yun nga lang I do my best to avoid it. Napatingin ako sa makulimlimna kalangitan sa labas ng bintana ng bus, kaya lang hindi ko pa rin alamkung anong nararamdaman ko ngayon, parang naranasan ko ng umibig at masaktan at hindi ko iyon matandaan. Pagdating sa school, ihahatid ko pa sana si Alex sa classroomnila kaya lang nagrereklamo siya hindi na raw siya bata at tinakbuhan niya ako. Kaya dumiretso na lang ako sa first class ko kung saan magiging alien kami P 6-6 ni Jen kasi mga freshmen nursing students ang magiging classmates namin. Pareho kasi kami ni Jen nag-first year college noon sa isang kolehiyo sa Cavite pero hindi namin nagustuhan doon kaya nag-tansfer kami ngayon dito sa University na pinapasukan namin sa Manila, kaya lang three years din namin hindi nakuha ang subject na Algebra na pang-first year kasi palaging napupuno ang slots at hindi kami nakakaabot ni Jen sa enrollment. Kaya eto talagang nag-enroll na kami ng maaga para makuha ang subject na Algebra. Pagdating ko sa classroomsa third floor, tahimik lang ang lahat ng freshmen nursing student at napalingon silang lahat sa akin. Nag-hi naman ako sa kanila pero konti lang yung ngumiti halos nahihiya pa nga eh at yung iba naman ay busy sa mga cellphone nila. Natanaw ko naman si Jen na nakaupo sa pinakasulok sa likuran at agad siyang kumaway at napangiti sa akin nang makita niya ako. dali-dali naman akong tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya kahit pa magkasama lang kami last week kasi namili kami ng mga bagong notebooks at ballpen. "Ngets! Buti dumating ka! at least dalawa na tayong gurang dito" tugon pa ni Jen dahilan para matawa ako at mahampas ko siya sa braso. napatingin naman ako sa mga freshmen na ka-blockmate namin, Oo nga mukha pa silang mga inosenteng estudyante... nako! Ganyan din naman ang itsura namin noon eh pero paglipas ng apat na taon sa college magiging ermitanyo rin ang itsura nila haha! Halos kalahating minuto pa kami nagkwentuhan ni Jen, at kaming dalawa lang ang nagsasalita sa loob ng classroom, kinuwento niya sa akin na dito rind aw mag-aaral si Lily at BS Biology din ang kinuha nitong kurso. "What? Akala ko ba gusto na niya mag-move on sa pabebe kong kapatid?" "Nasasabi mo lang naman na gusto mo ng mag-move on kapag galit ka pero kapag nginitian ka na ulit ni crush na ko babalik ang diwa at kaharutan mo" natatawang tugon ni Jen, sinasabi ko na nga ba eh may pinagmanahan talaga si Lily tsk tsk. Nalaman ko rin na nagkabalikan na si Jen at Arthur at pupusta ako ng 100 php na mag-break break din sila after a week haha. Ilang saglit pa, napatigil kami sa pagdadaldalan ng biglang bumukas ang pinto at umupo ng maayos ang mga ka-blockmates namin. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung sino yung pumasok sa pintuan at naglakad sa gitna ng platform. "Goodmorning Class... I amProfessor Nathan Abrantes and I will be your Algebra teacher in this semester" panimula niya at inilapag na niya yung dala niyang laptop sa mesa sa gilid. WHUUUUT? P 6-7 BAKIT SIYAAAA?! Nagulat ako nang biglang hawakan ni Jen ang braso ko at bumulong siya sa'kin "Ngeets! For sure maiinggit si Iryn at Leana pag nalaman nilang prof natin ang crush nila Hahaha" tuwang-tuwa na tugon ni Jen, at agad siyang nag-text kay Iryn at Leana para inggitin ito. Kasabay nito ay natanaw ko ang unti-unting pagpatak ng ulan sa bintana ng classroomna nasa tabi ko, hindi nagtagal ay tuluyan nang bumuhos ang ulan, napahawak naman ako sa puso ko, Nararamdaman kong hindi magiging madali ang mga mangyayari sa susunod na araw at hindi pa ako handa sa mga posibleng mangyari. "Huy! Ayan ka na naman tulala ka na naman" suway sa'kin ni Jen dahilan para mapatingin ako sa kaniya, naaninag ko namang lumabas saglit si Sir Nathan dahil nakalimutan daw nitong kunin yung book na gagamitin niyang reference. "Ngets! Hindi pwede to! magpalipat tayo ng class" "Ha? Bakit naman? Mas enjoy nga dito eh ang gwapo ng prof natin!" "Nooo! Parang may darating na panganib" Tinawanan naman ako ni Jen ng todo dahil sa sinabi ko "Hoy Aly! Panganib talaga? hindi naman mukhang mapanganib si sir eh" echoes niya pa, Paano ba to? kailangan kong makumbinse si Jen na lumipat kami ng klase kasi hindi talaga maganda ang kutob ko. "I mean... feel ko ibabagsak niya tayo! Baka di pa tayo maka-graduate kaya magpalipat na tayo ng class now na!" pagsusumamo ko pa sa kaniya pero puro tawa lang ang tugon niya sa'kin. mukha na kasi akong desperadang palaka ngayon. "Mukha namang mabait si sir at hindi ka naman babagsak... Calculator ka kaya!" pang-asar niya pa, magsasalita pa sana ako kaso biglang bumukas ulit yung pinto, nakabalik na si Sir Nathan. Hindi ko namalayan na napatulala pala ako sa kaniya hanggang sa makaupo siya sa table sa harapan, naka-button down light green polo shirt siya, at naka-black pants. Messy hair din ang peg ng buhok niya pero ang hot lang tingnan, mas nakadagdag pa sa kagwapuhan niya ang suot niyang silver wristwatch. P 6-8 "Ganyan ba ang itsura ng mapanganib sayo Aleeza?... pang-model ang tindig ni sir oh" echoes pa ni Jen dahilan para matauhan ako at mapatingin sa kaniya. Haays na-iistress na ko! "Agcaoili, Aleeza Mae" napatigil ako nang bigla kong narinig na tinawag ni Sir Nathan yung pangalan ko. may hawak siya ngayong isang listahan ng mga enrolles, at nakatingin na siya ngayon sa'kin. natulala ako sa mala-hazelnut colored eyes niya, nakakatunaw"Ngets! Kinakausap ka ni sir!" sagi pa sa'kin ni Jen dahilan para bigla akong mapatayo dahil sa gulat. Nakalingon din sa akin ngayon lahat ng blockmates namin. "Y-yes sir" tugon ko at napahawak ako sa gilid ko dahil pinagpapawisan na talaga ng malamig ang mga kamay ko dahil sa kaba. Napatingin naman si Sir Nathan sa listahan na hawak niya saka napatingin ulit sa akin. "You may seat here" sabi niya sabay turo doon sa armchair na nasa harapan na malapit sa pintuan, sa tapat ng teacher's table. WHAAAAT? Nanlaki yung mga mata ko dahil balak niyang mag-set ng seating arrangement ngayon alphabetically at sa sobrang malas ko, ako pa ang pinaka-una at nasa tapat ng teacher's desk Gosh! "Ms. Agcaoili? Ayaw mo?" tanong niya at hindi ko naman mabasa sa expression ng mukha niya kung natatawa ba siya o naiinis kasi nakatunganga pa din ako sa kinatatayuan ko. "Ha? Ah-ehh Gusto ko po sir" sagot ko at bigla akong napahawak sa bibig ko dahil narealize ko na parang may double meaning yung sinabi ko. nakita ko namang natawa si Jen at yung iba naming mga ka-blockmates kasi ang landi pakinggan ng sinabi kong 'Gusto ko po sir' My Goodness! P 6-9 Nakita ko namang medyo umaliwalas ang itsura ni Sir Nathan at pinigilan niya ang tawa niya dahil sa sinabi ko. Haaays! Nakakahiya ka Aleeza! Napahinga na lang ako ng malalimat napayuko saka ko kinuha yung mga gamit ko, binitbit ko na rin yung libro na Our Asymptotically Love Story na dinala ko ngayon para sana Ipadala ko kay Jen at ibalik niya kay Lily kaso ayaw ni Jen dalhin kasi maliit lang daw ang bag niya, hindi daw kasya yung libro kaya kinuha ko na lang ulit at nilagay iyon sa bag ko. binigyan ko naman si Jen ng lagot-ka-sakin- mamaya-look kasi tinatawanan pa rin niya ako sa na sinabi ko kanina kay Sir Nathan bago ako naglakad papunta sa harapan, sa bagong upuan ko. "Armando, Bryan F." anunsyo naman ni Sir Nathan, tumayo naman yung isang lalaki na mukhang gangster at ngumunguya pa ng bubble gum, Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na ang lalaking yun ang bestfriend ni Iryn na si Bryan na mahilig sa mga sexy chicks. Omg! Sa picture ko pa lang nakikita si Bryan dahil kinukwento siya sa amin noon ni Iryn, at hindi ko akalaing magiging ka-blockmate rin namin siyani Jen. Tinuro ni Sir Nathan yung upuan na katabi ko at doon umupo si Bryan. Whuut-theGusto kong kalbuhin at balatan ng buhay ngayon si Bryan dahil sa ginagawa niyang pang- frifriendzone sa tropa naming si Iryn. Kaya lang ayoko gumawa ng gulo ngayong first day of class. Tinitigan ko siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ko, hindi naman niya ako pinansin at patuloy pa rin siya sa pagnguya ng bubble gum. Hindi naman siya naka-nursing uniformngayon kaya feel ko iba ang kurso niya at alien din siya dito sa klase na to. Ano bang nangyayari? Kailangan ko na bang magpatawas para lubayan na ako ng mga malign at kamalasan ngayon? Nararamdaman kong hindi ako makakapag-focus ng maayos sa klaseng ito, dahil kay Sir Nathan at sa katabi kong asungot ngayon. Ughh! P 6-10 "Alverado, Mary ann" patuloy pa ni Sir Nathan habang abala na ngayon ang lahat sa paglipat sa mga upuan. Kainis! Bakit ba kasi pauso to si sir ng sitting arrangement. High school lang ang peg? Haays! Napatingin naman ako sa labas ng bintana na nasa kabilang dulo na dahil nasa gilid ako ng pintuan. Umuulan na ng malakas ngayon, kung pwede lang tamaan ng kidlat ang classroomna to para hindi na matuloy ang klase Ughh! "Ngets! Una na ko babawi daw si Arthur ngayon! may date kami... bye!" dire- diretsong tugon ni Jen, bago pa ko maka-react at makapagsalita ay nakatakbo na siya papasakay sa elevator. Alas- kwatro na ng hapon ngayon at kakatapos lang ng last subject namin na research. Hindi naman pumasok si Iryn at Leana dahil wala naman daw gagawin sa first day of class kaya bukas na lang sila papasok. Itetext ko na sana si Alex para sabihing sabay na kami umuwi kasi wala akong dalang payong kaso nakita kong bigla siyang nagtext. Ate nandito na ko sa bahay, sorry di kita natext kanina lowbatt na kasi ako - Alex Whuuut? Bwiset naman oh! Matapos ko siyang i-tour at samahan mag-enroll dito last last week, iiwan niya lang ako ngayon! Ughh! Napatingin na lang ako sa hallway, halos hindi naman nagmamadali ang mga estudyante ngayon umuwi dahil sobrang lakas ng ulan sa labas. wala rin akong maupuan na bench sa gilid kasi halos puno ito. Ang dami ring nagaabang sa elevator kaya mas pinili ko na lang na mag-hagdan. Napaupo ako sa pinakababang baiting ng hagdan at napatulala na lang ako sa mga estudyanteng nakatayo sa lobby at nagpapatila ng ulan. Ilang saglit pa biglang tumunog ang phone ko, nag-text ulit si Alex. P 6-11 Ate, kanina pa pala masakit ang ulo ni mama, wala ng gamot dito sa bahay, ayaw naman na niya ako palabasin kasi ang lakas ng ulan sa labas, natumba rin yung poste ng kuryente sa kanto kaya wala tayong kuryente ngayon dito, bumili ka ng gamot para kay mama pag-uwi mo ah -Alex Bigla akong napatayo nang mabasa ko yung text ni Alex. Alamkong seryoso siya kapag mahaba ang text message niya. Agad akong pumunta sa clinic namin at nagpanggap na masakit ang ulo para makahingi ng gamot, humirit pa ako ng dalawang extra na gamot kasi sinabi kong wala kaming kuryente sa bahay. buti na lang mabait si ate nurse na in-charge sa clinic. Tinali ko na ang buhok ko pa-bun at hinubad ko rin ang foot socks ko kasi lulusob ako ngayon sa ulan. Sinecure ko na rin lahat ng mga notebook ko at cellphone ko sa back-pack ko bago lumabas sa main door ng nursing building namin at lumusong sa ulan. Wala na akong pakialamkahit mabasa ako ng ulan, kailangan makauwi na ko para mainomna ni mama ang gamot na dala ko. pagdating sa gate three ng University namin nagpahinga muna ako doon sa silong nito saglit kasi hiningal ako sa pagtakbo. "Oh? Hija? Hintayin mo na tumila ang ulan" narinig kong tugon ni kuya guard, at napailing siya nang makita ang kalagayan ko na mukhang basing sisiw, nginitian ko na lang siya. "Okay lang po ako kuya, hindi naman ako mamatay sa ulan" biro ko pa pero tinawanan niya lang ako. tinap ko na yung id ko at lumabas na, pero bago ako makalabas narinig kong nagsalita pa ulit si kuya Guard. "Hindi ka nga mamamtay sa ulan pero maaari naman itong magpabago sa buhay mo" tugon niya, nginitian ko na lang siya ulit kahit pa na-weirduhan ako sa sinabi niya. nagpaalamna ako sa kaniya at huminga ng malalim saka tumakbo papunta sa waiting shed na natatanaw ko na sa di-kalayuan. Bawat hampas ng patak ng ulan ay nagdudulot ng hapdi sa balat ko, hindi ko rin maimulat ng maayos ang mga mata ko kasi papasalubong ako sa hangin at humahampas ang tubig ulan sa mukha ko. Buti na lang wala akong kasalubong at ako lang ang tumatakbo ngayon sa daan kaya hindi ako nangangamba nab aka may mabunggo ako. P 6-12 Pagdating ko sa waiting shed, agad akong napasandal sa bakal sa gilid nito, at kinuha ko ang bimpo ko na nasa loob ng bag para punasan ko ang mukha ko, ang braso ko at ang ulo ko. Hinihingal ko rin ako at nanginginig na rin ako dahil basang-basa na ngayon ang uniformko. Pero inilagay ko naman yung backpack ko sa harapan ko para hindi bumakat ang bra ko. Napaatras ako nang biglang tumalsik ang maduming tubig mula sa itaas ng LRT nang mapadaan ang tren sa taas at dahil dun dumulas ang isang laylayan ng bag ko, nahulog sa sahig ang bag ko na hindi ko pa pala nasasara kasi abala ako sa pagpunas sa sarili dahilan para matapon yung mga gamit ko sa lapag. "Bad trip!" naiinis kong tugon at napayuko na ko para damputin ang mga gamit ko pero napatigil ako nang biglang may sapatos na tumapat sa gamit ko at may kamay na tumulong sa akin para damputin ang mga notebook at ballpen ko na nagkalat na sa lapag. Napatingala ako at parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang tumambad sa harapan ko si... Sir Nathan! What the heck! Bakit nandito siyaaa?! "You're in a hurry, I think may importante kang pupuntahan para magpabasa ka sa ulan" tugon niya, at tiningnan niya ako ng diretso sa mata, hindi naman siya nakangiti at hindi rin siya nakasimangot. Parang normal lang. Napalunok na lang ako dahil hindi ko na maalis ang mga tingin ko sa kaniya, lalo na sa mga mata niya. Sabi nga nila, ang pagkakakilanlan ng tao ay nakasalalay sa mga mata nito. At ngayon hindi ko alamkung bakit parang pamilyar sa akin ang mga matang iyon. P 6-13 "Ms. Agcaoili?" tugon pa ulit ni Sir Nathan dahilan para matauhan na ako, agad ko namang kinuha sa kaniya yung mga notebook at ballpen ko na nadampot na pala niya nang hindi ko namamalayan. Dali-dali kong inilagay ang mga iyon sa bag ko at zinipper ko na ito agad. Hindi ko alamkung bakit nanginginig ang mga kamay ko ngayon, siguro dahil nilalamig lang ako... pero bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Teka! Binanggit niya ang pangalan ko? Natatandaan niya ako? At dahil dun bigla akong napatingala sa kaniya, nasa tapat ko pa rin siya ngayon at nakatingin pa rin siya sa'kin ng may pagtataka. Iniisip niya siguro kung bakit sumugod ako sa ulan kung pwede naman akong maghintay sa school at hinatayin na tumila ang ulan. "S-sir... kilala niyo ko?" tanong ko sa kaniya, napangiti naman siya ng bahagya at tinuro niya ang nakaburdang pangalan ko sa uniformko na nakapwesto sa tapat ng puso ko. Natawa na lang ako kasi nakalimutan kong required talaga sa amin na nakaburda ang last name namin sa uniformnamin. "Anyway... you can have this" narinig kong sabi pa ni Sir Nathan sabay abot sa akin ng itimna payong niya na de-folding. "Ah-W-wag na po sir, okay lang po ako... may dadaan na bus na rin maya-maya, hindi ko na po kailangan ng payong" pagtanggi ko pa, at sinubukan kong ngumiti kahit parang sasabog na ang puso ko ngayon sa kaba dahil narealize ko na kaming dalaw lang pala ni Sir Nathan ang nandito sa waiting shed. Sa waiting shed na kung saan malaya kang maghintay at umasa na may darating na sasakyan upang sunduin ka, sa waiting shed na kung saan maaari kang mag-abang at maghintay ng kahit gaano katagal, sa waiting shed na kung saan nagsisimula at nagtatapos ang byahe ng bawat pasahero. At ngayon nandito ako ngayon sa waiting shed kung saan hindi ko inaasahang makakasama ko si Sir Nathan na hindi ko alamkung bakit nakakaramdamako ng kaba at pangamba nang una ko pa lamang siyang makita. "Sige na, take this" sabi pa ni Sir Nathan at wala na akong nagawa kundi kunin na sa kamay niya ang payong niya na inaalok niya sa akin. P 6-14 "T-thank you po sir" Ngumiti naman ng bahagya si Sir Nathan at tumango, humarap na siya sa kalsada at napatingala sa kalangitan. Makulimlimang langit, malakas ang ihip ng hangin na nagdadala ng kakaibang lamig, malaki rin ang bawat patak ng ulan at animo'y tumatalon-talon ito pabalik sa tuwing tumatama sa kalupaan. Napasulyap ako kay Sir Nathan na ngayon ay nakapikit at ang dalawa niyang kamay ay nakasuksok sa bulsa niya. Parang taimtimniyang dinadama ang bawat patak ng ulan, maaliwalas rin ang kaniyang mukha na parang ang ulan ay nagdudulot ng ginhawa at saya sa kaniya. Napatingin naman ako sa kalsada na ngayon ay puro kotse lamang ang dumadaan, kanina pa kami dito at wala pa ring dumadaan na bus o kahit jeep man lang. napatingala na lang din ako sa kalangitan, at sa pagkakataong ito hindi ko alamkung bakit parang hindi mabigat ang pakiramdamko, hindi ko nararamdaman ang bigat sa puso ko at hindi rin ako nababalisa. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagawa kong ngumiti habang umuulan na dati ay hindi ko magawa. Hindi ko alamkung bakit at paano ko nagawa iyon pero masaya akong maginhawa at masaya ko ring sinasalubong ang ulan ngayon. Kaya lang bigla kaming napaatras ni Sir Nathan nang biglang may humaharurot na motorsiklo ang napadaan sa kalsada sa tapat namin at tumalsik ang maduming tubig ulan na dinaanan nito. Nagkatinginan kami ni Sir Nathan at hindi ko alamkung bakit sabay kaming natawa dahil natalsikan kami ngayong ng baha. Nagulat naman ako nang biglang mapayuko si Sir Nathan dahil may natapakan siya sa likod niya, agad niya iyong dinampot at nanlaki ang mga mata ko kasi iyon ang historical novel na ibabalik ko dapat kay Jen kanina. Gosh! hindi ko napansin na nahulog din pala yun kanina dahil sa katangahan ko. kukunin ko na sana sa kamay ni Sir Nathan yung libro kaso pinagmasdan niya ito at may bahid ng pagtataka sa itsura niya. "Our Asymptotically Love Story" sambit niya, hindi naman iyon patanong dahil mukhang binasa niya lang ang title. Napatingin siya sa akin at nagsalita siya "Sayo ba to?" P 6-15 Napatango naman ako, napatitig pa siya doon saglit bago niya iniabot iyon sa akin. Dahan-dahan ko namang kinuha iyon sa kaniya, at parang may kakaiba akong naramdaman nang muling magtama ang mga paningin namin... ~Tayo lang ang may alam Nando'n sa pagitan ng paalam at pahiram Tayo lang ang may alam Tayo lang~ ~Sige lang, sumayaw sa hinihingi ng pagkakataon Umindak sa kumpas ng kabog ng dibdib na hindi mahinahon 'Di niya mapapansin 'Di ka man tumingin Dinig ko ang bawat patak ng luha mo~ ~Pero tayo lang ang nakakaalam Nando'n sa pagitan ng paalam at pahiram Tayo lang ang may alam Tayo lang~ Sa mga oras na iyon, parang biglang bumagal ang paligid habang dahan-dahan ang pagbagsak ng ulan, animo'y mabibilang moa ng bawat patak nito, marahan din ang pag-ihip ng hangin dahilan para mahawi ang buhok ni Sir Nathan na tumatama sa kilay niya... Kasabay nito ay ang unti-unting pagtila ng ulan... At ang dahan-dahang pag-usbong ng liwanag, nanatili lang kaming nakatayo doon habang nakatitig sa isa'tisa. Alamkong nararamdaman niya rin ang kakaibang pakiramdamna hindi ko maipaliwanag. Ilang saglit pa ay naaninag ko na nagsilabasan na ang mga tao at nagpaatuloy na sa paglalakad dahil... Tumila na ang ulan. Napatigil naman ako nang marealize ko na hawak pa rin namin ni Sir Nathan pareho ang librong iyon, nagitla naman siya at napaiwas ng tingin at lumingon sa paligid na parang walang nangyari. P 6-16 "Sa wakas tumila na ang ulan" tugon niya at napangiti siya ng kaunti, napatango naman ako at sinubukan kong ngumiti sa kaniya pabalik bilang pagsang-ayon. Agad na akong napaiwas ng tingin sa kaniya at binuksan ko na yung zipper ng bag ko para ilagay doon yung libro kaso hindi koi yon nalagay ng maayos sa loob dahil sumabit ito sa notebook ko dahilan para mabuklat ito... Napatulala na lang ako nang mabasa ko ang pahina na nakatapat sa akin ngayon... Our Asymptotically Love Story... Ikalawang Kabanata... ************** Featured Song: 'Tayo lang ang may Alam' by Peryodiko Source of Kindomof Tondo: https://thebulwaganfoundation.wordpress.com/2010/09/01/the-kingdomof-tondo Sources: http://www.ancient-origins.net/history-famous-people/chief-lapu-lapu- warrior-and-herophilippines-002800 History of the Philippines Slide Share [doc] "Tayo lang ay may Alam" by Peryodiko Awww?? Namiss ko itong story nato???? #rr Kungmakikilala nyo lang yung naging ap teacher ko minsan hindi kayo magsisisi kasi kahit mahigpitsyasa grade mabait naman syang guro tapos lagi pang nakikipagbiruan P 6-17 Kabanata f(x - 5) 107K 3.6K 3K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 5] Our Asymptotically Love Story (page 11 - 28) Ikalawang Kabanata Filipinas 1688 Ingay mula sa dindikdik na bawang ang umaalingangaw sa buong kusina ng mansyon. Si Nay Delia ang nakatalaga sa pagluluto habang si Salome at ang tatlo pang babaeng tagapagsilbi na sina Piyang, Susana at Ising ang kaniyang naging mga katuwang sa pagluluto. Alas-Kuwatro pa lamang ng umaga ay nagsimula na silang maghanda ng agahan para kay Senor Fidel, Arroz caldo ang ihahain ngayon ni Nay Delia at abala ito sa pagdikdik ng bawang. Habang si Piyang at Susana naman ang nag-aasikaso sa hapag- kainan, Nilinis din nila ang buong salas, azotea at maging ang hagdan. Samantala, si Salome at Ising naman ang nakatalaga sa pag-papanitili ng apoy sa pugon habang ang malaking palayok ay nakaibabaw doon na kung saan niluluto ngayon ang arroz caldo. Si Manang Estelita naman ay naglilibot upang obserbahan kung tama ba ang ginagawa ng mga bagong tagapagsilbi. Mabait si Manang Estelita ngunit may pagka-masinop nga lang ito sa mga gawaing bahay. Ayaw na ayaw niya ang makakita ng kalat o alikabok, kung kaya't puspusan talaga sa paglilinis si Susana at Piyang araw-araw. Isang beses kada-linggo lamang maaaring umuwi ang mga tagapag-silbi sa kani- kanilang tahanan at ito ay ang araw ng Linggo. Ang silid naman na tinutuluyan ng mga tagapagslibi ay hiwalay sa mansyon, nasa likod ng hacienda malapit sa lawa ng luha nakatirik ang tatlong bahay kubo na gawa sa kawayan at pawid para sa mga tagapagsilbi. Samantala ang mga trabahador, magsasaka, hardinero at nagpapastol ng mga hayop sa hacienda Montecarlos ay nakakauwi nakakauwi gabi-gabi sa kani-kanilang tahanan at papasok sila araw-araw bago magbukang liwayway. P 7-1 "Inay, mauubos kaya ni Senor Fidel ang lahat ng inihain niyo?" biro pa ni Salome, sumabay naman si Ising sa pagtawa dahil sa sinabi niya. bukod sa aruzcaldo ay naghanda rin si Nay Delia ng dalawa pang putahe. Agad naman sinuway ni Nay Delia ang pilyang si Salome dahil baka marinig ni Manang Estelita ang sinabi nito. "Mag-ingat ka sa iyong pananalita Lumeng, nasa ibang bahay tayo at hindi tama ang pag-usapan ang ibang tao" suway pa ni Nay Delia, hindi naman iyon dinibdib ni Salome, sa halip ay pasimple pa silang tumawa ni Ising. Alas-sais na ng umaga nang matapos sila sa pagluluto, si Susana at Piyang na ang bahala sa pagsasaayos ng hapag, samantala nagtungo naman sa likod bahay si Salome at Ising upang maghugas ng mga ginamit nila sa pagluluto. "Ilang taon ka ng naninilbihan dito?" tanong ni Salome kay Ising na masinop na binabanlawan ang mga palyok habang si Salome naman ang nag-iigib ng tubig sa isang hinukay na balon sa likod ng mansyon. "Tatlong taon pa lamang akong naninilbihan dito, Dahil apat na taon pa lang naman mula nang maipatayo ni Senor Patricio ang hacienda Montecarlos" sagot ni Ising, napatango naman si Salome at napagtanto niya na kaya pala bagong-bago ang istraktura ng mansyon ay dahil apat na taon pa lang ito. "Bakit nga pala kayo nagtungo dito sa San Alfonso? Hindi ba't taga Hilaga kayo?" tanong ni Ising, napaupo naman sa gilid ng batong tapakan sa pintuan si Salome, at inalapag niya sa kaniyang gilid ang balde na gawa sa kahoy na may bigat na dalawang kilo kahit wala naman itong lamang tubig. ????Jeydice?? P 7-2 Kabanata f(x - 6) 90.1K 3.1K 1.4K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 6] "Sitting by the window Singing songs of love Wishing you were here Because the memory's not enough" -A1 (Walking in the rain) Isinara ko na ang librong hawak ko at napatanaw na ako sa bintana ng bus. Alas-sais na ng gabi ngayon, nasa Imus na kami, hindi naman makausad ang bus na sinasakyan ko dahil sa traffic, umuulan pa rin ngayon at napatitig na lang ako sa pagdaloy ng tubig ulan sa bintana. Natanaw ko ang repleksyon ko sa salamin at hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako kanina pa. hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko yung na-stranded kami ni Sir Nathan sa waiting shed kanina. Napasulyap ako sa itimna payong niya na hawak ko ngayon. Hindi naman niya kailangang ipahiramang gamit niya sa isang stranger na estudyante na tulad ko pero ginawa niya pa rin. "Saan ka ba umuuwi? Nag-aabang ako ng taxi, sabay ka na" tugon ni Sir Nathan dahilan para mapatingin ako sa kaniya, kakalagay ko pa lang nung libro sa bag ko. At nagsimula na ring maglakad ang mga tao dahil tumila na ang ulan at mahinang ambon na lamang ang bumabagsak ngayon mula sa kalangitan. Shocks! Parang ganito yung mga modus ng sindikato na napanood ko sa movie na Taken starring Liam Neeson. May poging kumausap sa anak niya tapos nakisabay sa taxi nila at nung nalaman na nung poging guy kung saang hotel tutuloy yung anak ni Liam Neeson sa movie, na-kidnap sila! Gosh! hindi kaya isang sindikato rin to si Sir Nathan? Ang weird niya kasi, bakit ang bait-bait niya? Hindi dapat ako papadala sa looks niya, baka may masama pang mangyare sa'ken"S-sa Makati po" pagsisinunggaling ko, tama! Hindi mo dapat ibibigay ang real address mo sa isang stranger. Kahit pa teacher ko siya, bago pa lang siya sa school dahilan para hindi pa maghinala ang mga tao sa kaniya... pwes! Naiiba ako, nararamdaman kong miyembro siya ng sindikato. P 8-1 Napatingin naman ako kay Sir Nathan na tumango lang habang ang mga kamay niya ay nakasuksok pa rin sa kaniyang bulsa. "Magkaiba pala tayo ng daan, isasabay na lang sana kita sa taxi" sagot niya, at napangiti siya nga kaunti, yung ngiting hindi lumalabas ang ngipin. Magsasalita na sana ako kaso nagsalita ulit siya "Ayaw kasi umandar ng kotse ko, kanina pa ako naghihintay ng taxi dito at dito na rin ako inabutan ng ulan" patuloy niya pa. Aha! Bakit nag-eexplain siya? hindi ko naman tinatanong ah! may nabasa ako na kapag very detailed ang kwento at sinasabi ng kausap mo ang mga bagay na hindi mo naman tinatanong... ibig sabihin daw gusto ka nitong paniwalain sa mga sinasabi niya. "Ahh... G-ganun po ba" iyon na lang ang nasagot ko. Gosh! bakit kinakabahan ako? dahil ba sa presence niya? o dahil feeling ko sindikato siya?! Napansin ko na tumatayo ang mga balahibo ko sa braso kaya agad kong hinimas-himas ang braso ko. "Nilalamig ka ba? Bakit kasi lumusong ka sa ulan?" nagtatakang tanong pa ni Sir Nathan pero medyo natatawa siya. pinagtatawanan niya siguro ang itsura ko ngayon. Teka nga! Ano bang itsura ko ngayon? Waahhh! At bakit ba kinakausap niya ko? feeling close ah. "W-wala lang po... trip ko lang" sagot ko, Shems! Ano bang klaseng palusot yan Aleeza! Nakita kong medyo nagtaka naman yung itsura ni Sir Nathan pero may bahid ng tawa. "Really? Ngayon lang ako naka-encounter ng taong trip lang magpabasa sa ulan" tugon niya pa at medyo natawa siya pero pinipigilan niya. Napalunok na lang ako, abnormal na ata ako, sobrang halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon... hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan, natatakot, naguguluhan at kinikilig ako na ewan ngayon. Ughh! Teka nga! Bakit ang tumagal dumating ng bus! Ilang saglit pa napa-usog naman ako papalapit sa kay Sir Nathan kasi may dalawang ale na nakisilong sa waiting shed at wagas magpapag ng payong nila dahilan para matalsikan kami ng wisik ng tubig mula sa payong, dumadami na rin ang mga taong nakisilong dito sa waiting shed. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang magdikit ang mga braso namin ni Sir Nathan, agad akong napa-usog palayo dahil sa gulat. Napansin ko namang ganun rin ang ginawa niya. Magsasalita pa sana si Sir Nathan kaso biglang may dumating na bus na byaheng Cavite at tumigil ito sa tapat namin. "S-sige po sir, mauna na po ako... Thank you po" paalam ko, pero napatigil ako kasi bigla siyang nagsalita at napaturo doon sa bus. P 8-2 "Pa-Cavite ang byahe ng bus na yan, hindi ba taga-Makati ka?" nagtataka niyang tanong. Shocks! Oo nga pala nagsinunggaling ako sa kaniya! Pano to?! "P-po? Ah- eh... uuwi ako ngayon sa bahay ng parents ko sige-po-bye" diretso kong tugon sa kaniya at agad akong kumaripas ng takbo papunta sa bus at nakipag-unahan sa iba pang mga pasahero. Hindi ko naman na nilingon si sir kasi baka mahalata niya sa mukha ko na niloloko ko siya! Gosh! Pagdating sa loob, medyo tinted yung salamin ng bus kaya hindi masyado naaaninag ang mga pasahero sa loob. Napakapit ako sa hawakan sa itaas ng bus dahil nakatayo ako ngayon sa gitna at siksikan na kaming lahat dito sa loob. Pero hindi ko na iyon pinansin pa, iginala ko ang mga mata ko sa bintana para makita si sir, nakita ko namang nakatayo pa rin siya doon at nakatingin sa bus na sinakyan ko. "Yung mga bagong sakay umusog naman po kayo sa likod oh" paulit-ulit na anunsyo nung konduktor dahilan para mapausog pa ako ng mapausog papunta sa dulo ng bus. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang magtama ang mga mata namin ni Sir Nathan, Imposible! Tinted ang bintana ng bus na sinasakyan ko! Paano niya ako makikita dito sa loob? o baka aksidente lang. Pero parang... parang... hindi. Nakatitig lang si Sir Nathan ng diretso sa mga mata ko habang ang mga kamay niya ay nakasuksok pa rin sa kaniyang bulsa, hindi ko naman alam kung bakit hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya, nagsimula nang bumuhos muli ang ulan at sunod-sunod na pumatak ang mga butil ng ulan sa bintana pero kahit ganoon ay kitang-kita ko pa rin ang mga mata niya na nakatingin pa rin sa akin ngayon. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya, pero parang pamilyar sa'kin ang pangyayaring iyon. Maging ang pagbigat ng dibdib ko ngayon ay sobrang pamilyar sa akin. Napahawak na lamang ako sa tapat ng puso ko, nagsisimula na namang umatake ang kakaibang kirot sa puso ko na hindi ko maintindihan. Naramdaman kong nagsimula nang umandar ang bus, sa huling pagkakataon ay napatanaw ulit ako kay Sir Nathan, na biglang napayuko na lang, tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papunta sa kabilang direksyon. "Dasma!" anunsyo nung konduktor, agad kong sinuksok yung libro sa bag ko at gulat na napatayo, hindi ko namalayan na pababa na pala ako, bago ako bumaba sa pinto ng bus ay binuksan ko na ang payong, malakas pa rin ang buhos ng ulan ngayon at medyo baha na sa lugar namin, abot na sa sakong ng paa ang taas ng baha at pansin kong madilimrin ang buong paligid dahil walang kuryente. Mabuti na lang dahil may kasabay akong manong na naglalakad sa unahan ko at may dala itong flashlight, sinundan ko siya para hindi ko na kailangang ilabas pa ang phone ko. habang naglalakad kami natanaw ko na ang posteng tinutukoy ni Alex na bumagsak daw dahilan para mawalan ng kuryente dito sa lugar namin. Napaliko naman sa isang kanto sa kaliwa yung manong kaya dali-dali akong naglakad pa-diretso habang P 8-3 malakas pa ang ilaw na dala niya, malapit naman na ang bahay namin, halos sampung metro na lang. Natanaw ko na rin yung jeep na pinapasada ni papa na naka-park sa tapat ng bahay namin at nakahinga na ako ng maluwag dahil nakauwi na rin siya. Meron kaming maliit na gate na hanggang balikat ko lang, napangiti naman ako kasi hindi pa nila ito nilolock. Kung kaya't nakapasok ako agad. napakatok pa ako ng limang beses bago binuksan ni Alex ang pintuan. "Ano ba yan!" reklamo ko sa kaniya kasi tinutok niya sa mata ko yung liwanag mula sa flashlight na hawak niya. "Akala ko magnanakaw" pang-asar niya pa, tinulak ko naman siya at padabog na inabot ko ang bag ko sa kaniya na basang-basa na. "ATE!" reklamo niya kasi nabasa ang t-shirt niya, inagaw ko naman sa kamay niya yung flashlight at nagmamadali akong pumunta sa kwarto nila mama at papa. Bukod kasi sa ihahatid ko na yung gamot kay mama eh natatakot ako na baka resbakan ako ni Alex haha! "Damn!" sigaw pa ni Alex at padabog niyang binato yung bag ko sa sahig. Bwahaha! Ang sarap talaga sa feeling kapag nakakaganti ka sa kalokohan ng kapatid mo Haha! Pagpasok ko sa loob ng kwarto nila mama at papa, naabutan kong nakahiga si mama sa kama habang nagbibilang ng pera si papa at nakaupo ito sa tabi ng kama. May isang rechargeable na flashlight ang nasa tabi ni papa at iyon ang nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. "Oh? Aleng andiyan ka na pala" tugon ni papa nang mapatingin siya sa akin, agad naman akong lumapit sa kaniya at nag-mano. Umupo na rin ako sa tabi ng kama nila. "Okay na po ba si mama?" "Inaatake na naman ng migraine ang mama mo, masyado ata siyang napagod sa pagtitinda kanina sa palengke, matumal ang benta ng isda ngayong tag-ulan" sagot ni papa, napatingin naman ako sa perang binibilang niya ngayon na kinita niya sa pagpapasada. Kakaunti lang din ito at puro barya. "Matumal din ang pasada kaya gumarahe na ko" patuloy pa ni papa. Malungkot ang itsura niya ngayon, sa totoo lang sobrang dinadakila ko ang trabaho ni papa bilang jeepney driver, umaraw o umulan kasi nagpapasada sila, ang buong oras nila ay ginugugol nila sa pagpapasada pero hindi ganoon kalaki ang kinikita nila kasi napakaraming jeep ang bumabyahe rin, kaya nga kapag bumabyahe ako hindi ko na ginagamit ang student discount privilege ko kasi yung mababawas sa pasahe ko ay malaking tulong na iyon sa kanila. "Kumain ka na ba anak? Nagbukas ng sardinas si Alex kanina, nandoon sa mesa" tugon pa ni papa, at tumayo na siya para ayusin ang mga barya na kinita niya. Napatingin naman ako kay mama na ngayon ay gumalaw at dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. "N-nandito ka na pala... k- karating mo lang anak?" tanong ni mama at sinubukan niyang bumangon pero pinigilan ko siya. "Ma, inumin niyo na po to" sabi ko sabay abot sa kaniya ng biogesic na nahingi ko kanina sa clinic. Napangiti naman ng bahagya si mama "S-salamat anak, buti naman may bukas pang botika ngayon" sabi pa niya, tumawa-tawa na lang ako at tumango-tango dahil sa sinabi niya. hindi ko naman masabi sa kaniya na dumiskarte lang ako para makahingi ng gamot haha! Inabot ko na sa kaniya yung isang baso ng tubig na nasa gilid ng kama nila, ininomna ni mama yung gamot at P 8-4 nahiga na muli sa kama "Salamat anak ah... mabuti na lang dahil dumating ka na agad, hindi ko na kaya pang tiisin ang sakit ng ulo ko, parang sasabog na ang utak ko kanina" tugon ni mama at ngumiti siya ng bahagya sa akin. Inayos ko na ang kumot niya at ipinatong iyon sa kaniya para makatulog na siya ng mahimbing. "Nagpapasalamat nga po ako kasi may mabuting tao na nagpahiramsa akin ng payong" "Talaga? napakabait naman ng taong iyon... dapat din pala akong magpasalamat sa kaniya" sabi pa ni mama at natawa kaming dalawa, natutuwa ako na sumisigla na ulit si mama, senyales na okay na ang pakiramdam niya. Ipinikit na ni mama ang mata niya at natulog na siya, napalingon naman ako sa bintana sa labas, umuulan pa rin. Sigurado akong nabasa ng ulan si Sir Nathan pag-uwi niya kasi pinahiramniya sa'kin ang payong niya. Naguguilty tuloy ako kasi pinagisipan ko pa siya ng masama at pinagkamalan ko pa siyang sindikato haays. Alas-dose na ng hatinggabi, hindi pa rin ako makatulog. Wala pa rin kaming kuryente ngayon at nakaupo ako sa study table namin habang pinagmamasdan ko yung kandila na nakatayo sa study table namin. Kalahating dangkal na lang ang taas ng kandila at nagkalat na rin sa mesa ang mga natunaw na wax nito. "Ate! Patayin mo na yan, di ako makatulog... ang liwanag" narinig kong reklamo ni Alex, nakahiga na siya ngayon sa kama niya sa ibaba ng doucle deck namin. Sinamaan ko naman siya ng tingin, Hindi raw makatulog? Humihilik na kaya siya diyan kanina pa! "Aswang ka kasi, takot sa apoy" banat ko pa, napakunot naman yung noo niya at nagtaklob na lang ng unan sa mukha. "Seriously? Bakit ba tinititigan mo yan? It's just a candle" reklamo niya pa kahit nakasubsob yung mukha niya sa unan rinig na rinig ko pa rin yung sinabi niya. "Hindi ka ba napapaisip na ganito pala ang feeling ng walang kuryente, I mean during the pre-colonial period at early Spanish colonial period... ganito sila" tugon ko, inalis naman ni Alex yung unan na nakataklob sa mukha niya at napatingin sa akin, kitang-kita ko na naiirita na siya. "Nababaliw ka na" sabi niya sabay napailing pa. "Para kasing familiar sa'kin ang feeling na'to, hindi ko lang maalala" sabi ko pa, at napatitig ulit ako doon sa apoy ng kandila. Napaka-pamilyar talaga nito. Nagulat ako nang biglang bumangon si Alex at bigla niyang hinipan yung kandila na nasa tapat ko. "Ayan! Patay na! tapos na!" buwelta niya pa at agad siyang humiga sa kama niya, ginamit naman niya yung ilaw ng P 8-5 cellphone niya kaya hindi siya nabunggo kung saan-saan. "Kainis ka talaga! Ugh!" reklamo ko pa pero hindi niya ako pinansin, nakakainis! Kahit kelan panira talaga tong kapatid ko! haaays! Kinabukasan, hindi ako nakatulog ng maayos kaya eto tulala ako sa first class namin, Every Monday, Wednesday at Friday lang ang schedule ng Algebra class namin ni Jen. At kapag Tuesday at Thursday naman Research I ang first subject namin. "Omg! Ang swerte niyo naman! Prof niyo si Prince Charming! Eeek" sigaw pa ni Iryn at Leana na galos ikabasag na ng eardrums namin ni Jen. Magkaklase kami ngayon, kaya eto sabog na naman kami, inutos ng prof namin na mag-meeting kaming magkakagrupo sa research para pag-usapan na namin ang mga gagawin namin pero mukhang chikahan ang nangyari sa meeting naming apat "Sana binagsak ko na lang yung Algebra class ko dati para pwede akong maki-join sa class niyo!" tili naman ni Leana. Tuwang-tuwa naman si Jen kasi inggit na inggit sila. Samantalang ako napa-iling-iling lang, sa totoo lang kinilig din naman ako kaso... parang mas lamang yung pagiging kabado ko kapag nandiyan si Sir Nathan sa paligid. "And guess what Iryn? Classmate din namin si Bryan sa Algebra class! Gosh! alammo ba magkatabi sila ni Aleeza" sumbong pa ni Jen, at nanlaki naman yung mga mata ni Iryn at Leana. "Seryoso? Si Bryan Armando? Dito na siya nag-aaral?" gulat na gulat na tanong ni Iryn at para na siya ngayong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa pagkabigla niya. "Huh? Bakit di mo alam? Diba bespren mo yun?" nagtatakang tanong ni Jen, bigla naman nag-iba yung expression ng mukha ni Iryn at napasimangot siya. lumaylay tuloy yung chubby cheeks niya na ang sarap pisilin. "FO na kami, pinag-selosan kasi ako ng ka-one night stand niyang si Samantha, sinabi ni Samantha na magiging sila na ni Bryan kapag nilayuan niya ako" malungkot niyang tugon, agad naman kaming napakumpolkumpol. Hindi naman namin personally kilala si Bryan at hindi niya rin kami kilala kasi sila lang naman ni Iryn ang magkaklase nung High School at sa ibang University ito nag-aral ng college pero ngayon nandito na rin siya sa school ni Iryn. "Anong sabi ni Bryan?" "Si Samantha daw ang pipiliin niya" P 8-6 "Huwaaat? Ang sama naman niya! Ugh!" hindi ko napigilan ang sarili ko na masabi yun, nagulat naman ako kasi napalakas pala yung pagkakasabi ko dahilan para mapatingin samin lahat ng ka- blockmates namin, maging ang prof namin sa research na si Prof. Cynthia ay napalingon din sa amin. Malapit na mag-senior citizen si Prof. Cynthia pero bata pa rin siya tingnan, mabait siya at pala-ngiti, pero pinaka-ayaw niya sa lahat ang maingay. Gosh! "Ah-eh... Pag-SAMA-SAMAhin na natin ang mga ideas natin hehe" sabi ko na lang, napilitan namang tunawa-tawa sila Jen, Iryn at Leana at makisang-ayon sa palusot ko. at dahil dun ibinalik na ng mga blockmates namin at ng prof namin ang atensyon nila sa mga ginagawa nila. Whew! Muntik na yun ah. "Pero seryoso? Bakit naman niya pinagpalit ang friendship niyo sa isang babaeng maharot?" reklamo ni Jen, napayuko na lang ulit si Iryn. "Kasi nga... mataba ako, mas gusto ni Bry ang mga sexy chicks" "Eh diba matagal na kayong mag-bestfriends? Bakit naman ngayon niya lang narealize na mataba ka?" "As bestfriends wala kaming problema sa isa't-isa, pero sa tingin ko nagbago ang lahat at nagsimula siyang umiwas sa'kin nung umamin ako sa kaniya last April na may gusto ako sa kaniya" patuloy pa ni Iryn, agad niyang pinunasan ang mga luhang namumuo sa mata niya. Nanlaki naman ang mga mata naming apat at gulat na gulat kami kasi ngayon lang namin nalaman na nag-confess na pala si Iryn kay Bryan! "Baket ka umamin agad?!" reklamo naman ni Leana. "Minsan kasi may mga bagay na hindi mo nakokontrol, lalo na ang bibig mo, hindi ko nga makontrol ang pagkain ko... pano na kaya ang nararamdaman ko kay Bryan diba" sabi pa ni Iryn. Napatango-tango naman kami. Tama siya, nakaka-relate ako sa kaniya, minsan talaga nag-tataksil ang bibig natin sa sarili natin kasi bigla-bigla na lang nitong sinasabi ang mga bagay na hindi dapat sabihin. Kakatapos pa lang ng lunch time namin, hindi pa tapos kumain sina Jen, Iryn at Leana kaya ako na lang ang mag-isang pumunta sa research office para ipasa yung mga ideas ng study na ginawa namin kanina. Pagpasok ko sa loob, nakita kong may lalaking naka-talikod at nakaharap sa isang dektop computer. May in-eencode ito at mukhang tamad na tamad. P 8-7 Napalingon naman ako sa paligid at siya lang ang tanging tao na nandoon kaya lumapit na ako sa kaniya. "Uhm... Excuse me, nasaan si Prof.Cynthia?" panimula ko, napalingon naman sa'kin yung lalaki at laking gulat ko nang marealize ko na siya si... Bryan Armando. Ang gungong na nagpaiyak sa bespren namin si Iryn! "Can't you see? Wala siya dito" pagsusungit nito at nag-encode encode na ulit doon sa desktop. Whaaat? Gusto ko siyang sakalin ngayon! ang kapal talaga ng mukha niya! Napa-ehemna lang ako at tinaasan ko siya ng kilay "Excuse me, kaya nga nagtatanong ako kung nasaan siya diba diba? Magtatanong ba ako kung nandito siya!" banat ko pa, bigla namang napakunot yung kilay niya at napatingin ulit sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa dahilan para mapaatras ako, Teka! Minamanyak niya ba ako?! Eh kung buhatin ko kaya yung monitor at keyboard at ihampas yun sa mukha niya para tigilan na niya ang pagtitig niya sa'kin! "I don't know... wait! Have we met before?" tanong niya at parang bigla siyang umamo ngayon. Aba! Sinamaan ko naman siya ng tingin, Nilalandi niya ba ako? diba 'Have we met before' ang pinakagasgas na tag line ng mga malalanding palakang manyakis na nais makabingwit ng biktima. "Nope... pero I know you, I know all your dirty jokes, I know what you did to your bestfriend" pagtataray ko pa sabay crossed arms. hindi naman talaga ako mataray, pero kapag nasa emergency state na ko, kailangan ko ng gamitin ito. "Oww... so kinalat na pala niya, I never thought na magkakaroon agad ako ng issue dito kahit pa second day ko pa lang ngayon" natatawa niyang tugon, yung tawang pang chick boy. Eww! Ngayon ko lang napansin na ngumunguya pala siya ng bubble gum, niluwa niya iyon at diretsong dinura doon sa trash can sa gilid niya. Yuck! P 8-8 "Three points" proud niyang tugon kasi na-shoot niya yung dinura niyang bubble gumdoon sa trash can. Ano bang nakita ni Iryn sa lalaking to? may pagka-abnormal naman to eh. "Diyan ka na nga! mukhang nakahithit ka ng drugs kuya" buwelta ko pa sa kaniya at akmang aalis na pero nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan yung wrist ko. Whaat- thee! "Hey! I remember you na, magkatabi tayo sa Algebra class" nakangisi niyang tugon, kulay blue na ngayon ang ngipin niya dahil sa bubble gumna nginunguya niya kanina. Ugh! Gross! "And... So?" pagtataray ko pa sabay taas ng kilay. Aba! Sinong nagsabi na porket seat mate ay dapat maging mabait sa isa't-isa. "P*ta kasi yung prof natin noh, pauso talaga, ginawa tayong high school may pa- seating arrangement pang nalalaman" tugon niya pa sabay tawa, siya lang ang tumawa sa sinabi niya. in-erapan ko na lang siya sabay talikod pero nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan ang balikat ko. What-the-heck! Agad kong inalis yung kamay niya sa balikat ko, Aba! Gugulpuhin ko na talaga to "Hey hey hey! let's introduce ourselves to each other, tutal seatmates naman tayo... right?" tugon niya pa habang nakangisi, yung ngisi na sobrang nakakaasar. "Anyway, I'mBryan Armando... second year IT Student, kaka-transfer ko lang dito kahapon and I need to do extra service dito sa school dahil wala akong good moral certificate na mapasa sa kanila kaya I'massisting now dito sa research office for a month" panimula niya, tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa habang naka-crossed arms pa din ako. Sa totoo lang may itsura naman si Bryan kaya walang duda na na-truly-madly-deeply- inlove sa kaniya si Iryn. Matangkad ito, hanggang leeg lang ako sa kaniya, maganda ang mga mata niya pansin ko na medyo dark brown ang kulay niyon, kulay brown din ang buhok niya (I wonder kung natural yun o nagpakulay lang siya ng hair), matangos ang ilong niya at manipis ang mga labi niya, maganda rin ang ngiti niya na aakalain mong commercial model ng colgate. In short gwapo naman siya pero yung mga datingan niya ay pang-womanizer type tss... "I'm22 years old na and financially stable" dagdag niya pa. mas lalo tuloy napataas yung kilay ko, Whut? Kailangan pa bang sabihin na financially stable ka kapag nagpakilala ka sa isang tao? adik talaga ang isang to. "Eh bakit second year college ka pa lang?" P 8-9 Napa-smirk naman siya, mukhang proud pa siya na tumanada na siya sa kolehiyo "CozI enjoy my life, hindi dapat puro pag-aaral ang inaatupag, mas madali tayong tatandan niyan" sagot niya pa at patawa-tawa pa siya diyan. Napa-tsk tsk naman ako, "Kung yan ang gusto mo... edi mag-enjoy ka lang hanggang sa tumanda ka na sa college" buwelta ko pa, pero tinawanan niya lang ako. feeling niya siguro uubra sa'kin ang kaharutan niyang taglay. Haays! Hindi niya talaga deserve si Iryn, ang mga lalaking ganito walang patutunguhan tss.. "I will... and no one can stop me... even you" banat niya pa sabay turo sa'kin at humalakhak siya. Napakunot naman yung kilay ko, Ano bang nangyayari? Binabantaan niya ako diba? Pero kung tumawa naman siya daig niya pa ang mga kontrabida sa pelikula. "Sinong nagsabi na papakialaman ko ang buhay mo? Aber?" banat ko pa, hindi pa rin mawala yung ngiti niya na parang nanglalandi. "No one... pero I can feel that you're interested in me" tugon niya pa at humakbang siya papalapit sa'kiin dahilan para mapaatras ako at binuksan ko na yung pinto sa research office. Nakalabas na ako ngayon pero nagulat ako kasi sumunod pa siya. Gosh! ang creepy niya! "Hey! I'mjust kidding, Ms. Agcaoili" narinig kong tugon niya at dahil dun gulat akong napalingon sa kaniya. Whuuut? Paano niya nalaman ang pangalan ko?! napatingin ako doon sa last name ko na nakaburda sa uniform ko Ugh! pinahamak na naman ako ng uniformna to. "See... you're interested in me" pang-asar niya pa sabay kindat sa'kin at bumalik na siya doon sa loob ng research office. Naiwan naman akong tulala doon at gulat na gulat sa mga pangyayari... Napahawak na lang ako sa tapat ng puso ko... Bakit parang pamilyar yung ginawa niyang pag-kindat sa akin... Napatanaw ako sa bintana sa gilid ng hallway... tumila na ang ulan at medyo maaraw na ngayon. Kanina lang akala namin ma-sususpend ang klase ngayon kasi ang lakas pa rin ng ulan pero... mukhang wala ng suspension of class na magaganap kasi sumisilip na ngayon ang liwanag ng araw. P 8-10 Ano ba tong nararamdaman ko? Kinahapunan, nagbalak manood ng sine sina Jen, Iryn at Leana para daw malibang si Iryn at maka-move on na kay Bryan. Hindi ko pa naikwento sa kanila yung nakakainis na tagpo namin ni Bryan kanina sa research office kasi sobrang busy ko kanina sa library habang nagreresearch pa rin tungkol sa pre-colonial period ng Pilipinas. Hindi naman ako sumama sa kanila kasi may importante akong pakay ngayon, gusto kong ibalik personally kay Sir Nathan yung payong niya at ibibigay ko rin yung ginawa ni mama na maruya na saging kaninang umaga, sinabi niyang ibigay ko daw iyon sa taong nagpahiramsa akin ng payong. Wala namang ideya si mama na lalaking teacher ko ang nagpahiramsa akin. Nakatayo ako ngayon sa labas ng office ng mga Professors. Pwede ko namang ipaabot kay Ma'mDel na nasa information desk pero ayokong isipin nila na crush ko si Sir Nathan at nagpapa-cute ako sa kaniya. Kaya eto nakatayo lang ako ngayon sa labas ng office, napatingin naman ako sa labas ng bintana, maaliwalas na rin ang kalangitan, mukhang hindi ko naman na kailangan pa ng payong kasi hindi naman uulan, at bukod doon ay nagdala na rin akong sariling payong para mabalik ko na ngayon kay Sir Nathan yung payong niya. "Tulala? in-love ba?" nagulat ako nang biglang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Agad akong napangiti nang makita ko si Sir Albert na nakatayo sa likod ko, "Goodafternoon po sir" bati ko sa kaniya, ngumiti naman si Sir Albert at tumango-tango. Si Sir Albert ang ay naging professor ko sa Rizal class at Kasayasayan ng Bayan, magaling siyang magturo siguro dahil matanda na siya at expert na talaga siya sa mga tinuturo niya. Medyo may katabaan si Sir Albert at kulubot na rin ang kaniyang balat, malago naman ang buhok niya na kulay gray na. "H-hindi po sir ah" pagtanggi ko pa pero natawa na lang ako kasi nakangiti lang sa'kin si Sir Albert at ineecheos niya ako. Naging close kami ni Sir Albert kasi hindi ako nakapag-pasa ng last requirement niya noon na reflection paper para sa novel na Noli Me Tangere at EL Filibusterismo kasi nagkaroon ako ng tigdas ng halos isang linggo. Binigyan na lang ako ni Sir Albert ng special assignment na kung saan ginawan ko ng collage pic ang mga bayani natin. "Mukhang may bumabagabag sayo ah? Lagi mong tatandaan na- " hindi na natapos ni Sir Albert yung kasabihan na paulit-ulit niyang binibigkas sa klase dahil inunahan ko na siya magsalita. "Ang Nakaraan ang sagot sa mga katanungan sa Kasalukuyan" pagtuloy ko at sabay kaming natawa. "Oh diba sir memorize ko pa! Oha! Oha!" pagmamalaki ko pa, natawa naman si Sir Albert at napatango-tango sa akin. Papasok na sana si Sir Albert sa loob ng office nang mapansin ko ang librong hawak- hawak niya. Omg! "Sir Albert! Wait" tugon ko dahilan para mapalingon siya. "Bakit hija?" "Yung libro po na hawak niyo, nakasulat din po ba diyan ang kasaysayan ng Kingdomof Tondo and Kingdom P 8-11 of Manila?" tanong ko, napatingin naman si Sir Albert doon sa history book na hawak niya, "Ah! eto ba? Hindi ito kumpleto eh, pero may libro akong kompleto ang pre-colonial period" tugon ni Sir Albert, natawa naman siya nang makita ako kasi kumikislap na ngayon ang mga mata ko na senyales na gusto kong makarinig ng kwento mula sa kaniya. "Osige, tara na sumunod ka" natatawa niyang tugon, napatalon na lang ako sa tuwa at sumunod sa loob ng office nila. isa-isa kong binati yung ibang mga professor na nasa table nila at abala sa pagrereview ng mga ilelesson nila. Napa-upo si Sir Albert sa isang mahabang mesa at sinenyasan niya ako na maupo doon, ito ang conference roomnila, tumungo na siya sa table niya na nasa gilid at kinuha niya yung isang makapal na history book doon. "Ano ba ang gusto mong malaman?" tanong pa ni Sir Albert, natutuwa ako kasi parang hindi na iba ang turing niya sa akin, minsan na niyang sinabi noon sa akin na para raw akong apo niya na nasa America na ngayon. "Hmm... Ano pong nangyari sa mga royal blood ng kingdomof Manila and Tondo nang matalo po sila ng mga Kastila?" tanong ko, napatango-tango naman si Sir Albert at sinuot na niya yung eyeglass niya na kulay gold. Nang matalo ng mga Kastila ang kaharian ng Manila at kaharian ng Tondo, inilipat ni Miguel Lopez de Legazpi sa Manila ang lahat ng kapangyarihan at pamahalaan na dati ay nasa Cebu, and Manila became the capital of the entire Spanish East Indies. The colony was administered through the Viceroyalty of New Spain (now Mexico) until 1821 when Mexico achieved independence from Spain. After 1821, the colony was governed directly from Spain. Ang mga dugong bughaw na lahi ng mga Rajah, Lakan at Datu na kumalaban sa mga Kastila ay pinapatay at ang iba naman ay pinatapon sa iba't-ibang panig ng Pilipinas. Samantala, ang mga dugong bughaw naman na sumapi sa mga Kastila ay nagkaroon ng mga pwesto sa Sistema ng pamahalaan noon, ang iba ay naging mga cabeza de barangay, basta't bihasa ang mga ito sa pagsasalita ng wikang Espanyol at marunong din magsulat at magbasa. "Posible po bang ma-trace ngayon ang descendents ng mga royal blood ng kingdomof Manila and Tondo?" tanong ko, natawa naman si Sir Albert sa'kin, hindi ko namalayan na sobrang inaabsorb ko ngayon ang mga information na sinasabi niya. "Malabo nang mangyari iyon... halos limang daang siglo na ang lumipas, at karamihan din sa mga descendants ng mga dugong bughaw noon ay nagpalit na ng mga pangalan, marami rin ang nagbago pa muli ng pangalan nang sumiklab ang rebolusyon ng mga Pilipino sa mananakop na Kastila, at hindi pa nagtapos doon dahil marami rin ang nagpabago pa muli ng pangalan sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at Hapon... kung kaya't napakahirap nang matunton ang salinlahi ng mga dugong bughaw sa mga kaharian noon sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila" paliwanang ni Sir Albert, napatango na lang ako. Parang ang komplikado at imposible nga ang bagay na yun. P 8-12 Magsasalita pa sana ako kaso bigla akong napatigil nang matanaw kong napadaan sa conference roomsi Sir Nathan, dire-diretso lang siya at hindi niya kami napansin. Naupo siya sa pinaka- dulong table na nasa tabi ng bintana at napasandal siya sa upuan niya, pero ilang saglit lang may kinuha siyang math book at binasa iyon. "Oh? May gusto ka pa ba itanong Hija?" tanong sa'kin ni Sir Albert. At dahil dun napatingin ako sa kaniya, hindi ko namalayan na sinundan ko pala ng tingin si Sir Nathan hanggang sa makaupo ito sa working table niya. "Ah-ehh... wala na po sir! Maraming Salamat po sa oras niyo" tugon ko, napatango- tango naman si Sir Albert at tumayo na siya. "Wala iyon Hija, parang apo na kita, at masaya akong malaman na interesado ka sa ating Kasaysayan" sagot ni Sir Albert at binuksan na niya yung pinto sa conference room. Naistatwa naman ako sa tapat ng pintuan ng conference roomnang mapatingin sa direksyon namin si Sir Nathan. "Oh! Nathan akala ko hindi ka pumasok" panimula ni Sir Albert at nagtungo na ito sa table niya na nasa tabi lang pala ng table ni Sir Nathan. Napatingin naman si Sir Nathan kay Sir Albert at napangiti ito ng bahagya sa kaniya "Nag-half day lang po ako" sagot niya at nagulat ako kasi biglang napatingin sa'kin si Sir Nathan pero saglit lang. "Dapat nagpahinga ka na lang Hijo, baka lumala pa ang sipon mo" tugon pa ni Sir Albert at naglakad na ito papalabas sa office. "Sige hija, baka mahuli ka pa sa klase mo" tugon pa ni Sir Albert at tinapik niya ang balikat ko bago siya lumabas sa pinto. May kalakihan ang office area nila, halos dalawang pinagsamang classroomang laki nito, at nakahelera ang halos 40 na table ng mga professors. Nasa gilid ang conference roommalapit sa table ni Sir Albert at Sir Nathan na nasa pinakadulo. Parang natuod naman ako sa kinatatayuan ko kasi kaming dalawa lang ngayon ni Sir Nathan dito sa left side ng office nila. Aalis na lang sana ako kaso naalala ko ang pakay ko kanina kaya ako naghihintay sa labas ng office na ito. Napahinga na lang ako ng malalimat sinulyapan ko saglit si Sir Nathan na ngayon ay nagpatuloy na sa pagbabasa sa librong hawak niya. Go Aleeza! Kaya mo to! kailangan mabalik mo na yung payong niya, at sayang naman ang nilutong maruya ni mama kapag hindi ko binigay yun sa kaniya. Alamkong alamniya kung bakit ako nandito ngayon at baka umaasa siya na ibabalik ko na yung payong niya, ayoko naman paasahin siya kaya sige na nga lalapit na ko Gossshh! Sinimulan ko ng humakbang papalapit sa kaniya at sa bawat pagtapak ko palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko, ibinaling ko na lang sa labas ng bintana ang paningin ko kasi baka mas lalo akong sumabog kapag tiningnan ko pa si Sir Nathan, napansin ko na makulimlimna ulit ang kalangitan sa labas. mukhang uulan na naman. P 8-13 "G-goodafternoon po Sir" panimula ko, napatingala naman si Sir Nathan sa'kin. "Uh- Eto na po pala yung payong niyo s-sir... T-thank you po" patuloy ko pa, ngumiti naman si Sir Nathan, yung ngiting hindi lumalabas ang ngipin. "You can have this for a while, mukhang uulan ulit" sagot niya sabay tingin sa bintana na nasa tabi niya. hindi ko mapigilang titigan ang ganda ng mga mata niya na mas lalong tumingkad ang pagka- brown nang lumingon siya sa bintana. "O-okay lang po ako sir... m-may payong naman na po akong dala" sagot ko, napatingin ulit sa'kin si Sir Nathan at napatingin din siya doon sa payong niya na inaabot ko na sa kaniya. Parang biglang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang mga daliri namin nang kunin na ni Sir Nathan yung payong niya sa kamay ko. "I'mglad that you're now prepared" tugon niya pa at napangiti siya ng bahagya, dahilan para mapatulala ako sa kaniya. Hindi ko alampero sa pagkakataong iyon, parang may kakaibang galak na naramdaman ang puso ko. bihira lang ngumiti si Sir Nathan, at kapag ngumingiti siya bihira lang lumabas ang ngipin niya kaya sobrang nakakapagpatulala talaga kapag ngumiti siya na labas ang magaganda at pantay-pantay niyang ngipin. "Ah- S-sir, pinapabigay din po pala ni mama, gusto rin po niyang magpasalamat dahil pinahiramniyo po yung payong niyo sa'kin" tugon ko, at inabot ko na rin sa kaniya yung red Tupperware na pinaglagyan ni mama ng maruya. Napatitig lang doon si Sir Nathan at napangiti rin siya ulit. "Actually, that umbrella was not mine, sa pinsan ko yan kaya nga nagalit siya sa'kin kasi kinuha ko yung payong niya" tugon ni Sir Nathan at natawa siya sa sarili niyang kwento. Sumabay naman ako sa tawa niya. "Pakisabi pala sa mama mo, Maraming Salamat" habol pa niya at ngumiti siya, yung ngiting sincere dahilan para mapansin ko na may dimples pala siya sa kaliwang pisngi. Gosh! "W-wala po yun Sir... Maraming Salamat po talaga" tugon ko pa at akmang aalis na pero nagulat ako kasi bigla siyang nagsalita ulit. "Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan, buti nandito ka... Tomorrow after class ko pa dapat sasabihin sayo ito pero dahil nandito ka na... Gusto ko malaman mo na ikaw ang napili ng Mathematics Department na representative for an incoming Academic Pasiklaban event next month" tugon ni Sir Nathan, nanlaki lang ang mga mata ko at napatulala sa kaniya, hindi ko alamkung dahil ba sa sinabi niya kaya ako napatulala ngayon sa kaniya o baka dahil hindi ko na naman mapigilang tumitig sa kaniya ngayon. "May one month pa naman para paghandaan natin ang competition" patuloy niya pa, hindi ko namalayan na napanganga na pala ako dahil sa gulat. "N-natin?" "Yup, I'll be your mentor" sagot niya, parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa nalaman ko. P 8-14 WHAAAT? MAGIGING MENTOR KO SI SIR NATHAN?! Hindi ako nakapagsalita agad, kasabay nito ay natanaw ko ang unti-unting pagbagsak ng tubig ulan mula sa makakapal na upal sa kalangitan. Hanggang makalipas lang ang limang segundo ay bumuhos na muli ang malakas na ulan. "What's your decision? Do you want to learn fromme? or not?" habol niya pa at nakatingin na siya ngayon ng diretso sa mga mata ko. Gusto ko ng hawakan ngayon ang tapat ng puso ko dahil nararamdaman ko na naman ang sobrang pagbigat nito. Bakit si Sir Nathan pa? Ang alamko hindi naman siya ang head ng Math Department, Matagal ko ng pangarap na maging representative sa isang Math competition. At baka ito na ang pagkakataong iyon... pero bakit parang pakiramdamko hindi magiging maganda ang resulta kapag pinilit ko ang pangarap na to? Magsasalita na sana ako kaso biglang dumating na si Sir Albert at binati niya ulit kami. "May nakalimutan lang ako, by the way Aleeza bakit nandito ka pa? wala ka na bang klase?" tanong pa ni Sir Albert habang abala siya sa paghalughog nung librong hinahanap niya sa dose-dosenang libro na nasa mesa niya. "W-wala na po Sir" sagot ko at napailing ako. Tumango naman si Sir Albert at nagulat ako kasi biglang nahulog yung kumpol ng libro na nasa mesa niya. Agad naman akong yumuko at tinulungang magpulot ng mga mga librong ng kasaysayan ni Sir Albert na nagkalat ngayon sa sahig, tumayo na rin si Sir Nathan at tinulungan niya rin si Sir Albert. "Hindi ko pa nauuwi sa bahay yung ibang libro, mas gusto ko kasi magbasa dito" tugon pa ni Sir Albert habang tumatawa siya ng marahan. Napangit naman kami ni Sir Nathan sa kaniya, pero parang bigla akong nabuhusan ng napakalamig na yelo nang mapansin ko ang isang libro na nasa gilid ng paa ng mesa ni Sir Albert. Napatingin naman ako kay Sir Albert at Sir Nathan na nagbiburuan na ngayon tungkol sa mga librong binabasa nila. ibinaling ko na ulit yung tingin ko doon sa libro na sobrang nagdudulot ng kaba sa akin. Hindi ko akalaing may kopya rin pala si Sir Albert ng librong ito. Dahan-dahan ko nang pinulot iyon at nang buklatin ko ito, tumambad sa harapan ko ang isang pahina nito, Our Asymptotically Love Story... (page 28 - 46) P 8-15 Ikatlong Kabanata: Pilipinas 1688 "Lumeng" tawag muli ni Fidel dahilan para mapatingin ng diretso sa kaniya si Salome... ***************** Sources: History of the Philippines during the pre-colonial period slide share. Diyan ako! Hahasa SanAgustin 1 langmedj lagpas sa overpass Shookt! Nagteteleport din yata yung book?? Kambal ba niya yung diary ng Carmela?? P 8-16 Kabanata f(x - 7) 92K 3K 2.2K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 7] Our Asymptotically Love Story ( page 28 - 46 ) Ikatlong Kabanata: Filipinas 1688 "Lumeng" tawag ni Fidel dahilan para mapatingin muli sa kaniya si Salome. "A-ano po iyon Senor?" maagap na tugon ni Salome, ginagawa niya ang lahat upang hindi mahalata ni Fidel ang kaba na pilit niyang tinatago sa kaniyang loob. "Marahil ay mahalaga ang iyong patutunguhan dahilan upang magpabasa ka sa ulan ng ganiyan" tugon niya, Natauhan muli sa Salome nang maalala na kailangan na pala ng kaniyang ama ang gamot na dala niya. "I-ipahpaumanhin niyo po Senor ngunit kailangan ko na pong tumuloy- " hindi na nagawa pang magsalita ni Salome dahil biglang may payat na matandang lalaki ang kumakaripas ng takbo papunta sa kanila. hawakhawak nito ang sumbrerong nasa ulo na gawa sa banig. "Senor Fidel! Senor Fidel! Pasensiya na ho, hindi na makakapagbiyahe pa ang aking anak dahil inaatake na naman ho siya ng hika kung kaya't ako na lamang po ang papalit muna sa kaniya ngayon" ani ng matandang lalaki. Agad namang nagbigay galang si Salome sa matanda at binati ito nang makilala niya na ito ay si Mang Berto. "Magandang hapon po Mang Berto" Gulat namang napatingin sa kaniya si Mang Berto at napatingin ito kay Senor Fidel, "S-salome... Ano ang P 9-1 iyong ginagawa rito sa labas? sa gitna ng ulan" nagtatakang tanong ni Mang Berto, balak niya muling tingnan si Fidel ngunit nangangamba siya na baka mahalata nito ang paghihinalang nabubuo sa utak niya. "N-nasugat daw po ang binti ni itay ngayon habang binabaybay nila ang ilog tangis, kung kaya't ako po paparoon sa kanila upang dalhin ang gamot na ito" nag-aalalang tugon ni Salome habang yakap-yakap ng mahigpit ang palayok na dala-dala niya, at ang coat na iniabot ni Fidel ay nakasabit sa kaliwang braso niya. Gulat namang napatingin si Fidel sa kaniya, "Mahalagang maihatid ang gamot na iyan sa iyong ama" tugon nito at bakas din sa mukha nito ang pagkabigla at pag-aalala. "Mang Berto, maaari na bang makatakbo ang kabayo?" tugon pa nito, agad namang nagtungo si Mang Berto sa kalesa na nakaparada sa likod ng puno ng Malabulak. Marahan niyang hinila ito, noong una'y pumiglas pa ang kabayo ngunit nang maglaon ay sumunod na rin ito. "Maaari na ho Senor" tugon ni Mang Berto, Humakbang naman si Fidel papalapit kay Salome "Maaari ba?" tanong nito at akmang kukunin ang palayok sa yakap-yakap ni Salome, Nagitla naman ang dalaga at napayuko ito dahil sa hiya, marahan naman niyang iniabot ang palayok kay Fidel at nag-iingat silang dalawa na hindi magdikit ang kanilang mga daliri. Dahil hindi nararapat na magdikit ang kanilang mga balat lalo na't sila'y dalaga't - binata na, at bukod doon ay may ibang tao na nasa paligid nila. Nang makuha na ni Fidel ang palayok kay Salome na naglalaman ng katas ng bayabas ay inilagay niya ito sa katapat na upuan ng kalesa. Bago pa makaangal si Salome ay nagsalita na ang binatang Kastila. "Marapat lamang na madala mo na ang gamot na ito sa iyong ama sa lalong madaling panahon" tugon ni Fidel at bumaba na ito sa kalesa nang mailagay na niya ng maayos ang palayok rito. "N-ngunit S-senor- " "Mang Berto, ihatid mo na muna si Lumeng sa kaniyang ama sa ilog tangis" patuloy pa ni Fidel, "H-hindi ho ba kayo sasama Senor?" gulat na tanong ni Mang Berto, napailing naman si Fidel. "Ang kalesang ito ay maliit lamang, makakasikip lamang ako kung sasama pa ako" sagot ni Fidel at ngumiti ito ng bahagya. "Ngunit Senor, inyo ho ang kalesang ito, hindi po namin dapat gamitin ito" patuloy pa ni Mang Berto. Napatingin naman si Fidel sa kaniya saka nito ibinaling ang kaniyang mga mata kay Salome, Napangiti naman siya nang makita na yakap-yakap na ni Salome ng mahigpit ngayon ang coat na pinahiramniya rito. "Ang mahalaga ngayon ay malapatan ng lunas ang ama ni Salome" tugon nito sabay sulyap kay Salome na ngayon ay nakatitig sa kaniya "Hindi ba't kasama ng iyong ama ang iyong nakatatandang kapatid? Hindi na tayo magkakasiya lahat sa kalesang iyab kung kaya't kayo na lamang ang tumuloy" patuloy pa ni Fidel. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome dahil sa sinabi ng binata. Paano niya nalaman na magkasama ang aking itay at kuya? Biglang naalala ni Salome na kaninang umaga lang ay nahuli niyang nakamasid si Fidel sa kanila habang nagpapahangin ito sa balkonahe sa ikalawang palapag ng mansyon. Hindi niya akalain na maaalala pa ni Fidel ang bagay na iyon. P 9-2 "Ngunit paano po kayo Senor? Delikado- " Hindi na natapos ni Mang Berto ang sasabihin pa niya dahik agad nagsalita si Fidel. "Ako'y ayos lamang... Malapit na ang hacienda mula rito" tugon ni Fidel, Napatingin naman si Mang Berto at Salome sa mansyon na natatanaw na, halos pitumpung metro na lamang ang layo ng hacienda mula sa kinatatayuan nila. Napagtanto ni Salome na hindi pa pala malayo ang kaniyang itinakbo, at napakalayo pa ng ilog tangis at aabuti pa siya ng halos isang oras bago makarating doon kung siya ay tatakbo lamang "Sige na, kayo'y humayo na" dagdag pa ni Fidel, humakbang naman si Salome papalapit sa binatang kastila ay nagbigay galang dito "M-maraming Salamat po Senor" tugon niya, sa pagkakataong iyon ang salitang kaning sinambit ay hinugot niya mula sa kaniyang puso, ang Pagpapasalamat na iyon ay punong-puno ng sinseridad. Sinseridad na naramdaman niya dahil sa kabutihang loob na pinamalas sa kanila ni Fidel, na kung iisipin ay isang purong kastila na dahilan ng kanilang paghihirap at pagkakagulo sa bayang pinagmulan nila. Tanging ngiti na puno rin ng sinseridad ang isinukli ni Fidel kay Salome. bagay na para kay Salome ay isang kayamanan. Tumango na si Mang Berto kay Fidel at inalalaya si Salome paakyat sa kalesa. Nang makasakay na sila roon ay biglang nakaramdamng ginaw si Salome dahil sa pagihip ng hangin kung kaya't ipinatong na niya sa kaniyang balikat ang coat na binigay ni Fidel. "Sa wakas tumila na ang ulan" tugon ni Fidel at napangiti ito habang nakalahad ang palad sa ere upang saluhin ang tubig ulan na ambon na lamang ngayon. Napatingin muli si Mang Berto sa kaniya, nagpaalammuli ito at sinimulan nang patakbuhin ang kabayo. Sa huling pagkakataon ay napalingon si Salome kay Fidel na ngayon ay nakatanaw sa kaniya habang ang kalesang sinasakyan niya ay papalayo ng papalayo, ilang sandali pa ay natanaw niyang tumalikod na ang binata at sinimulan na nitong maglakad patungo sa kabilang direksyon. Mabilis na pinatakbo ni Mang Berto ang kalesa, isinuot na ni Salome ang coat upang hindi ito liparin ng hangin na sumasalubong sa kanila. Niyakap niya muli ang palayok dahil masyadong maalog ang kalesa. Lumipas lang ang dalawampung minuto ay narating na nila ang ilog tangis. Namataan nila na nakasandal sa isang malaking puno ng Mahogany si tay Isko habang hinihila ni Ernesto ang maliit nilang bangka paakyat sa damuhan sa gilid ng ilog. "Itay! Itay!" sigaw ni Salome, kahit pa hindi siya sumigaw ay natanaw na sila ni tay Isko at Ernesto malayo pa lang dahil umaalingangaw sa paligid ang yapak at hiyaw ng kabayo. "Salome!" sigaw pabalik ni Ernesto at agad itong kumaripas ng takbo papasalubong sa kanila. Hanggang sa tulay ng ilog tangis lang makakarating ang kalesa dahil bako-bako na ang daan pababa sa gilid ng ilog. "Kuya! ito ang gamot para kay itay" diretsong tugon ni Salome sabay abot ng palayok na iyon kay Ernesto at agad siyang lumundag pababa sa kalesa at sumunod sa kaniyang kuya na tumatakbo na pabalik sa kinaroroonan ni tay Isko upang dalhin ang gamot. agad namang itinali ni Mang Berto ang kalesa sa gilid ng tulay na gawa sa kahoy at sumunod sa kanila. "Itay! Humanda po kayo, hihilahin ko na po kahoy" tugon ni Ernesto at bakas na bakas sa mukha nito ang P 9-3 matinding pangamba sa gagawin. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome nang masaksihan ang halos dalawang dangkal na haba ng kahoy na bumaon sa binti ng kaniyang tatay. Halos lumubo na ang balat nito sa binti at nangingitimna rin dahil sa namumuong dugo sa loob. Hindi naman sumisirit ang kaniyang dugo dahil nakabaon pa ang kahoy sa kaniyang binti. "G-gawin mo na anak" nanghihinang tugon ni tay Isko, at napasigaw ito sa sakit nang hugutin na ni Ernesto ang nakabaong kahoy sa kaniyang binti. Dahan-dahang ibinuhos ni Ernesto sa dumudugong sugat ni tay isko sa binti nito ang mainit pang katas ng bayabas. Agad hiubad ni Ernesto ang kaniyang damit pang-itaas at ibinalot niya iyon sa malaking sugat ni Mang Ernesto. "Mas makabubuti kung dalhin na natin si Isko sa inyong tahanan at doon na lamang ipagpatuloy ang panggagamot, dahil nagbabadya muli ang pagbagsak ng malakas na ulan" tugon ni Mang Berto, napatingala naman si Salome sa kalangitan at agad sumang-ayon kay Mang Berto dahil sobrang kulimlimng langit. Agad na nagtulong-tulong sa pagbuhat kay tay Isko sina Mang Berto at Ernesto. Samantala maluha-luhang binitbit naman ni Salome ang balde, pamingwit at palayok na dala-dala nila. "Isa... Dalawa... Tatlo" bilang pa ni Ernesto at sabay nilang pinuwersa ang mga braso nila upang maisakay nila paakyat sa kalesa si tay Isko. Tama nga si Fidel, maliit lang espasyo ng kalesa na hanggang tatlong tao lamang ang kakasya sa loob bukod pa sa kutsero na nasa harap. Napasigaw si tay Isko dahil naunat ang kaniyang binti, Agad namang hinigpitan ni Ernesto ang pagkakatali ng kaniyang damit sa binti ng kaniyang ama upang hindi na patuloy pang dumaloy ang dugo nito. Iniabot naman ni Ernesto ang kaniyang kamay at hinila papataas si Salome para makasakay na rin ito. Nang maayos na ang lahat, Agad pinakaripas ni Mang Berto ang pagpapatakbo sa kabayo. Bawat segundong lumilipas habang sumasalubong ang matatalimna patak ng ulan at malakas na hampas ng hangin ay parang isang malaking balakid sa kanilang paroroonan. Pagdating sa barrio Tagpi, napadungaw ang mga tao sa kani-kanilang bintana at pintuan upang silipin kung sino ang paparating, Bihira lamang sila makakita ng kalesa dahil halos lima lamang ang bilang ng kalesa dito sa San Alfonso sa panahong ito. Kung kaya't laking gulat nila nang makita na ang pamilya Aguantar ang nakasakat sa kalesang iyon na pag-mamayari ng mga Montecarlos. Agad na sinalubong si Mang Berto ng kaniyang asawa at takot na takot ito dahil noong una'y inakala nila na ninakaw nito ang kalesa mula sa hacienda. Mabuti na lamang dahil nakapag-paliwanag agad si Mang Berto habang ang iba pa nilang kababayan ay tulong-tulong na ibinaba si tay Isko sa kalesa. Agad na ipinasok si tay Isko sa kanilang tahanan at inihiha siya sa papag na malapit sa kusina na tinutulugan ni Danilo. pilit na pinapatigil ni Ernesto ang pagdurugo ng malalimna sugat ng kaniyang ama. Napayakap na lamang si Salome sa kaniyang ate Felicidad, yumakap din sa kanila ang umiiyak na si Julio habang si Danilo naman ay hindi na mapakali sa pagbabalik panaog dahil sa mga kailangang gamit na inuutos ni Ernesto. Wala ngayon si Nay Delia, naiwan ito sa hacienda Montecarlos dahil masama ang pakiramdam nito. Sinabi ni Manang Estelita na papakiusapan na lamang niya bukas kay Senor Fidel na mahiramang kalesa upang makauwi muna si Nay Delia at maalagaan ang asawa nito. Halos lahat ng kanilang ka-barrio ay nakadungaw ngayon sa kanilang mga bintana at nagsisiksikan sa P 9-4 kanilang pintuan upang mapasaksihan ang mga pangyayari. Sa huling pagkakataon ay napasigaw muli si tay Isko nang makuha na ni Ernesto ang pinakahuling maliit na kahoy na bumaon sa kaniyang laman, matapos nito ay unti-unti nang tumigil ang pagdurugo ng kaniyang sugat. Agad namang lumapit si Julio sa kaniyang tatay Isko. Nakahinga naman ng maluwag ang lahat nang mapangiti na si tay Isko, senyales na nahimaamasan at maayos na ang pakiramdamnito. Maluha-luha namang yumakap si Salome sa kaniyang itay at bunsong kapatid na magkayakap na ngayon, sumunod na yumakap na rin sa kanila sina Felicidad, Danilo at Ernesto. Doon lamang nila napagtanto ang kakaibang suot ni Salome, ang coat ni Fidel. Mabuti na lamang dahil nag-alisan na ang kanilang mga ka-barrio na naki-usyuso kanina, nagsimula na rin kasing bumuhos ng malakas muli ang ulan kung kaya't patakbong nagsibalikan na ang mga tao sa kani-kanilang tahanan. "Lumeng... Saan mo nakuha ang mamahaling kasuotang iyon?" nangangambang tanong ni Felicidad kay Salome sabay turo doon sa coat na maayos na nakatupi sa gilid ng mesa sa salas. Hindi pa iyon nalalabhan ngunit lubos na pinaka-iingat-ingatan ni Salome, kasaluluyan silang kumakain ngayon ng hapunan, at nagiisang gasera lamang ang nagbibigay liwanag sa kanilang munting tahanan. Hindi man sabihin ni Felicidad ng diretso ang nais niyang sabihin batid naman nilang lahat na nangangamba si Felicidad dahil baka ninakaw ni Salome ang coat na iyon sa hacienda. "I-ipinahiramito sa akin ni Senor Fidel kanina" nakayukong sagot ni Salome at naramdaman niya ang biglaang pag-init ng kaniyang pisngi. Nanlaki naman ang mata nilanf lahat, mabuti na lang dahil hindi nila ngayon kasalo sa hapag si tay Isko dahil nagpapahinga na ito sa kwarto. "B-bakit naman- " Hindi naman na natapos ni Danilo ang sasabihin niya dahil nagsalita na si Roselia, kasalo rin nila ngayong gabi sa hapag sina Ernesto at Roselia dahil wala si Nay Delia na gagabay sa magkakapatid na Aguantar. "Si Senor Fidel ay sadyang napakabuting Ginoo, Pantay-pantay ang trato niya sa lahat at kailanman ay hindi iba ang tingin niya sa mga Pilipino" Tugon ni Roselia, dahilan para sandaling maghari ang katahimikan sa lahat. "Madalas bumisita si Senor Fidel dito sa San Alfonso mula nang dumating siya dito sa Pilipinas, kung kaya't matagal na namin siyang kilala bilang isang matulungin at mapagmalasakit na Kastila" patuloy pa ni Roselia na naging sanhi ng mas lalong katahimikan. "Nawa'y huwag niyo sanang pagdudahan ang kabutihang pinapakita ni Senor Fidel kay Salome, naniniwala ako na walang ibang ibig sabihin anv kabutihang pinapamalas niya kay Lumeng... Hindi ba Lumeng?" tugon pa ni Roselia, Nanlaki naman ang mga mata ni Salome nang tanungin siya ni Roselia. Mas lalo pa siyang kinabahan dahil nakatingin na silang lahat sa kaniya. P 9-5 "T-tama ka po ate Roselia... S-sadyang mabait lang po si Senor Fidel sa lahat" Tugon ni Salome, Ngunit kakambal ng mga salitang binitiwan niya ay parang may kung anong kirot siyang naramdaman sa kaniyang puso. Marahil ay likas lang talaga kay Senor Fidel ang pagiging mabait... at isa lamang ako sa mga taong nais niyang tulungan. Hatinggabi na ngunit hindi pa rin makatulog si Salome kung kaya't bumangon siya sa higaan nila ni Felicidad at naupo sa maliit na mesa na nakaharap sa bintana ng kanilang silid. Sinindihan niya ang isang kandila na halos isang daliri na lamang ang laki at itinindig niya iyon sa gilid ng mesa. Binuksan din niya ng kaunti ang bintana at pinagmasdan ang pagbuhos ng ulan. Malakas ang buhos ng ulan na naghahatid din ng kakaibang lamig. Naaninag niyang nagtaklob ng kumot si Felicidad dahil pumasok ang lamig sa kanilang silid. Napangiti na lamang si Salome sa kaniyang sarili dahil hindi nagreklamo sa kaniya ang kaniyang ate Felicidad at hinayaan lang siya nito. Ibinaling na ni Salome ang kaniyang mga mata sa labas ng bintana at lumapit pa doon, inilahad niya ang kaniyang palad tulad nang ginawa ni Fidel upang saluhin ang patak ng mga ulan. Hindi maipaliwanag na saya at ligaya ang nararamdaman ngayon ni Salome habang ang sinasalo ang mga patak ng ulan sa kaniyang palad. Sa pagkakataong iyon, batid ni Salome na iyon ang unang beses na nakaramdamsiya ng pambihirang ligaya sa puso, Muli ay napatingala siya sa kalangitan habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan. Nagpapasalamat ako dahil umulan Mula ngayon ang puso ko at ang ulan ay mayroon nang ugnayan Kinabukasan, naalimpungatan sila nang marinig ang kalesang paparating at tumigil ito sa tapat ng palayan na patungo sa kanilang tahanan. Agad na napangiti si Salome nang makita na ang kaniyang inay ang lulan ng kalesang iyon, kasama si Manang Estelita at Mang Berto. May dala-dalang mga lutong ulamat prutas sina Manang Estelita, Agad naman silang tinulungan ni Danilo at batang si Julio sa pagbitbit ng mga prutas at pasalubong. Samantala, inakay at inalalayan naman ni Felicidad at Salome sina Nay Delia at Manang Estelita papunta sa kanilang tahanan. Pagdating roo'y hindi na nag-aksaya pa ng oras si Nay Delia at agad siyang nagtungo P 9-6 papunta sa kanilang silid kung nasaan nagpapahinga ngayon si Tay Isko. naabutan niyang tintulungan ni Ernesto magbihis si Tay Isko ng pang-itaas na damit. Agad na yumakap si Nay Delia at maluha-luhang nagpasalamat sa Diyos dahil maayos na ang kalagayan ng kaniyang asawa. Nasa tapat naman ng pinto nakatayo ang magkakapatid kasama si Manang Estelita upang magpasalamat sa kanila. Naikwento rin ni Tay Isko kay Nay Delia ang buong pangyayari, Ayon kay Tay Isko bigla raw lumakas ang ulan habang nasa gitna sila ng lawa ng luha, hindi naman sila makasagwan papunta sa gilid ng lawa dahil humahampas ang mga tubig sa gilid nito. Kung kaya't sinundan na lang nila ang agos sa ilog tangis hanggang sa makadaan sila sa tulay ng San Alfonso, agad silang humawak sa isang bakawan sa gilid ng ilog, nauna namang bumaba si Ernesto upang itali ang bangka upang hindi ito tangayin ng agos ngunit sa kasamaang palad nang isampa na ni Tay Isko ang kaniyang paa sa pampang bigla namang lumakas ang agos dahilan para gumewang-gewang ang bangka at natumba si Tay Isko, tumama ang kaniyang binti sa dulong bahagi ng bangka na sira na at matalim. Mabuti na lang dahil saktong napadaan si Manang Estelita kasama si Piyang, galing sila sa bayan, at tanging malalaking dahon lamang ng saging ang pinangtaklob nila sa kanilang ulo habang tinatahak ang daan papunta sa hacienda Montecarlos. Matapos ang tanghalian, naatasan si Salome, Ernesto at Danilo na magtungo sa bayan upang bumili ng gamot na leblon para sa sugat ng kanilang ama. Mabisa raw ito upang madaling maghilomang pamamaga ng sugat. Bumalik naman na sa hacienda Montecarlos si Manang Estelita dahil baka kailanganin ni Fidel ang kalesa, inihatid ni Manang Estelita na pinahintulutan ni Fidel na manatili muna si Nay Delia sa barrio Tagpi ng isang linggo upang alagaan ang asawa nito. Ngunit si Salome ay kailangan nang bumalik sa hacienda mamayang hapon bago magtakipsilim. Ang barrio Tagpi ay ang pinakamalapit na barrio sa bayan ng San Alfonso ngunit dinala ni Ernesto ang kaniyang alagang kalabaw upang may taga-hila ng kaniyang mga bibilhin sa palengke para sa tahanan nila ni Roselia. Mabuti na lamang dahil tumila na ang ulan kanina pang umaga kung kaya't hindi na sila mahihirapan pa sa kanilang paglalakbay. Maaliwalas na ang kalangitan ngunit ang lupa at daan ay basa pa rin. Bumababa sila sa kalabaw sa tuwing dadaan ito sa putikan dahil nahihirapan ang kalabaw sa paghakbang. Inabot rin ng isang oras bago nila narating ang bayan. Sinikap naman ni Salome na hindi marumihan ang kaniyang simple at walang kadating- dating na baro't saya dahil pagkatapos nila mamalengke ay diretsong ihahatid na siya ng kaniyang kuya Ernesto sa hacienda Montecarlos. Naka-pusod ang kaniyang buhok sa likod dahilan para lumitaw ang makinis at maputi niyang batok. Sa isang tingin ay mapagkakamalang anak ng mayaman si Salome ngunit ang kaniyang baro't-saya na simple lamang at walang kabuhay-buhay ay isang patunay na nabibilang siya sa mga tagapagsilbi. Agad na bumaba si Salome sa kalabaw nang marating na nila ang bayan, nakita na niya ito noong nakaraang araw ngunit ngayon niya lang napagtanto na sadyang napakaganda ng simbahan ng San Alfonso na tinatayo pa P 9-7 lamang ngayon. napakaraming trabahador na tulong-tulong sa pagtatayo ng simbahan habang sa kabilang banda naman ay matatanaw ang plaza na ginagawa rin, sa gitna nito ay may kumpulan ng mga tao na nakatayo palibot sa isang Padre na nakatuntong sa isang bato at nagpapangaral ng salita ng Diyos. Napatingin naman si Salome kay Danilo na hindi na maalis ngayon ang kaniyang tingin at tenga sa mga sermon ng prayle. "Siya si Padre Bernardo" bulong ni Danilo kay Salome sabay turo doon sa padre na nagsasalita sa gitna at may hawak-hawak na bibliya sa kaliwang kamay at sa kanang kamay naman ay rosaryo. Pinagmasdan mabuti ni Salome ang Kastilang prayle, sa tingin niya ay nasa edad limampu na ito, kulay gray na ang buhok at medyo may katabaan. Bilugan ang mga nito at napakatangos ng ilong, animo'y nakakatusok ang ilong dahil sa sobrang tangos. "Kailan ka magsisilbi sa simabahan?" "Ayon kay Padre Bernardo, maaari na raw akong magsimula sa susunod na linggo" Tango na lamang ang sinagot ni Salome kay Danilo, nang makalagpas sila sa plaza ay natanaw na nila ang palengke sa di kalayuan, maliit pa lamang ang palengke ng San Alfonso ngunit marami na ang nagtitinda rito lalo na dahil malapit lang ito sa daungan. Tahimik lamang na sumunod si Salome at Danilo sa kanilang kuya Ernesto na nangunguna sa paglalakad habang hila-hila ang kanilang kalabaw. Napatigil sila sa bilihan ng mga sangkap sa pagluluto, sunod naman silang nagtungo sa bilihan ng mga gamot, nalaman ni Salome na mura lang pala ang leblon na gamot na bibilhin nila kung kaya't iminungkahi niya sa kaniyang kuya na dalawa na ang bilhin nila para may madadala siyang gamot sa tinutuluyan nilang silid sa hacienda Montecarlos. Matapos makapamili ay uuwi na dapat sila ngunit nakilala ng isang Ale na ang pangalan ay Manang Dolores si Danilo na paminsan-minsan ay nagbubuhat ng mga sako ng paninda sa palengke upang kumita, nakiusap si Manang Dolores na buhatin ni Danilo at Ernesto ang kaniyang mga panamiling repolyo, petsay at iba pang mga gulay, ilalagay lang nila iyon sa kalesang nagaabang sa gilid ng palengke. "Kayo po pala ang mayor doma ng mansyon ng pamilya Flores" narinig ni Salome na tugon ni Ernesto kay Manang Dolores habang hinahakot nila ang mga pinamalengke nito. "Oo hijo, tatlong beses kada linggo ako kung mamalengke para sa mga Flores" nakangiti nitong saad. Nais ding tumulong ni Salome sa pagbubuhat ngunit hindi siya pinayagan ng kaniyang kuya Ernesto kung kaya't nakatunganga lang siya sa isang gilid. Abala naman sa pagkwekwentuhan si Manang Dolores at Ernesto. Kung kaya't iginala na lang ni Salome ang kaniyang paningin sa buong paligid hanggang sa mamataan niya ang isang tindahan ng mga papel, kuwaderno, talaarawan, pluma at tinta. Tatlong tindahan lang naman ang layo niyon sa kalesang kinakargahan nila Ernesto at Danilo kung kaya't walang paalamna nagtungo roon si Salome. Hindi niya mapigilang mapangit at mamangha sa ganda ng mga P 9-8 kuwaderno at talaarawan na nakabandera sa labas ng tindahan, hindi naman niya iyon magawang hawakan dahil natatakot siya na baka masira ito. Napatigil siya at mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang napakagandang itimna pluma, dinampot niya iyon at pinagmasdan ng mabuti habang dinadama ang lambot at tibay nito. Naisip niya na iregalo iyon sa kaniyang kapatid na si Danilo dahil sunog na kahoy lamang ang ginagamit nito sa pagsulat, kung minsan naman ay uling na hinuhubog niya pa pahaba. Sa susunod na tatlong linggo pa bago sumapit ang kaarawan ni Danilo ngunit nais na niyang mabili ang panulat na iyon. May sapat naman siyang pera dahil inabot na ni Manang Estelita ang unang pasweldo sa kanila sa hacienda. Napalingon siya sa kinaroroonan nila Ernesto at Danilo at abala pa rin ang mga ito sa paghahakot. Pumasok na si Salome sa loob ng tindahan upang makausap ang tindero o tindera ng nasabing tindahan, nais rin niyang tumawad upang makatipid siya. Pagpasok niya sa loob ay bumungad sa kaniya ang samo't-saring mga papel na iba-iba ang uri at kalidad. Hiwalay-hiwalay ang mga magagandang klase sa hindi gaanong magandang klase ng papel, nakalagay ang mga iyon sa mataas na aparador na may hati- hati. Napatigil siya nang mamataan ang grupo ng mga binatang kalalakihan na nagkukumpulan sa isang mesa habang nagtatawanan. Aalis na lamang siya ngunit nakita na siya ng isang binatang kastila. "Buenas dias Senorita" bati nito at agad sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha. Nanlaki lang ang mga mata ni Salome sa kanila dahil sa gulat lalo na nang lumapit ang apat na binatang kastilang iyon sa kaniya, hinubad nila ang kanilang sumbrero at itinapat iyon sa kanilang dibdib bilang pagbati. Ilalahad sana nila ang palad nila sa tapat ni Salome kaya lang biglang napaatras si Salome at lumabas sa tindahang iyon. "Espere!" (Wait!) tawag pa ng binatang kastila na naunang kumausap kay Salome. Napatigil naman si Salome at ibinalik ang plumang hawak niya at inilagay iyon sa lagayan nito kanina. Napatingin muli siya sa binatang kastila, hindi naman niya maitatanggi na napakagandang lalaki ng binatang kaharap niya. Magaganda ang mga mata nito, pinaghalong itimat brown ang kulay ng mga mata nito, matangos rin ang ilong at maninipis ang mga labi. Makisig ang pangangatawan at matangkad rin ang binata, nanliit naman si Salome sa sarili dahil hanggang leeg lamang siya nito. Maputi rin ang balat ng binata, kulay brown ang buhok nito at may magagandang ngiti. "Creo que no entiende espa�ol" (I think she can't understand Spanish) tugon pa ng isang pandak na binatang kastila na kasama nito. Nakangiti silang lahat kay Salome dahilan para siklaban siya ng matinding kaba at pagkailang dahil hindi siya sanay sa presensiya ng mga kalalakihang nasa mataas na antas. "Kung gayon... marapat lamang na ako'y magsalita sa inyong wika" tugon muli ng binatang kastila na kumakausap sa kaniya, nagulat naman si Salome dahil matatas din ito magtagalog. "Maaari ba naming malaman kung ano ang iyong pakay dito sa tindahan ng aking kaibigan?" tanong pa ng binatang kastila, napatango-tango naman ang kaniyang mga kasamahan. "N-nasaan ba ang tagapamahal ng tindahang ito?" sa wakas ay nagawa ng magsalita ni Salome, hindi rin naman niya gustong magmukhang tanga sa harapan nila. "Kasalukuyang nasa plaza ang may-ari ng tindahang ito kung kaya't kami muna ang nagbabantay rito, ito nga pala si Geronimo ang anak ng may-ari ng tindahan" P 9-9 paliwanag ng binatang kastilang iyon at inakbayan niya ang isang binatang kastila rin na pinaka-matangkad sa kanila at pinakapayat din. Nagtawanan naman sila at batid ni Salome na pinagkakatuwaan siya ng mga binatang iyon. Noong una'y nagbigay galang ang mga ito sa kaniya ngunit nang mabatid nila na ang pananamit niya ay simple lamang nagsimula na silang magmalaki. "Creo que ella no va a comprar de todos modos, ella no puede pagar nada aqui... mirarla" (I think she's not going to buy anyway, she can't af ord anything here... look at her) pakutayng tugon ng isa matabang binatang kastila at nagtawanan sila, pero biglang napatigil ito nang makita si Manang Dolores at nagtago ang talong binata sa loob. Naiwan naman si Salome sa labas at ang binatang kastilang unang kumausap sa kaniya kanina. "Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan Binibini?" patuloy pa nito sabay ngisi. Napakunot naman ang kilay ni Salome batid niya mula sa tono ng pananalita ng lalaking iyon ay hindi ito seryoso sa kaniya. Hindi na rin bago sa bayan ng San Alfonso ang mga bahay aliwan, lalo na sa tuwing gabi ay nagkalat ang mga babaeng bayaran sa palengke. Batid ni Salome na iniisip ng binatang iyon na isa siyang babaeng bayaran dahil nag-iisa lamang siya sa palengke at pagala-gala. Sinamaan niya lang ng tingin ang binatang kastilang iyon dahilan para matawa na lamang ang binata sa kaniya. "Nababasa ko sa iyong mga mata na ika'y interesado sa akin" patuloy pa nito, at binigyan ng ngiting nakakaloko si Salome. "Kung gayon... Malabo ang mga mata mo dahil hindi tama ang nababasa mo sa mga mata ko" banat ni Salome dahilan para mas lalong sumilay ang malawak na ngiti sa binata. Ngayon lamang siya nakatagpo ng isang babaeng sumagot ng pabalang sa kaniya. Bukod doon ay hindi siya makapaniwala dahil nagmula lang ito sa mababang antas ngunit nagawa siyang sagutin ng ganoon. "Ikaw ay kakaiba, batid ko na nais mo lamang itago ang pagkamangha mo sa akin upang ika'y aking habulin" panukso pa nito ngunit tinaasan lamang siya ng kilay ni Salome at napa-pamewang pa ito. "Iyong tandaan Ginoo, Hindi lahat ng nabibilang sa mababang uri ay magsusunod- sunuran sa inyo, at kailanman ay hindi ako yuyukod o luluhod sa mga katulad niyo na walang ginawa kundi hamakin kaming mga tunay na nagmamay-ari ng bansa- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil biglang dumating si Danilo at hinawakan ang braso niya para patahimikin siya. "Ate Lumeng, saan ka ba nagsususuot? Kanina ka pa hinahanap ni Kuya Ernesto" reklamo nito at nagbigay galang sa binatang kastilang kausap ni Salome, kinurot naman ni Salome sa Danilo sa tagiliran dahil binanggit nito ang pangalan niya. kung kaya't agad na siyang tumalikod sa binata dahilan para mas lalong matawa sa kaniya ang binata dahil sa inasal nito. "Patyong! Ano pang ginagawa mo riyan? Baka makita tayo ni Manang Dolores! Halika rito!" sabay-sabay na tawag ng tatlong binatang kastila na kasamahan niya na nakasilip na ngayon sa pintuan ng tindahan. "No me llames Patyong! sabes que odio eso" (Don't call me Patyong! You know I hate that) reklamo ng binatang kastilang iyon at naglakad na papasok sa tindahan. "Bien... Senor Patricio" (Fine... Senor Patricio) biro pa ng kaniyang mga kasamahan sabay tawanan. Napalingon muli si Salome sa binatang kastilang iyon bago siya makalayo at nagulat naman siya dahil P 9-10 napalingon rin ito sa kaniya sabay kindat. Dahilan para biglang pumintig ang puso niya ng biglaan dahil sa ginawa ng binata. Alas-sais na ng hapon ng makarating sila sa hacienda Montecarlos sakay ng kalabaw ni Ernesto. Bago sila tumuloy sa Hacienda ay dumaan muna sila kanina sa barrio Tagpi at ibinaba ang kanilang mga pinamalengke. Nagluto rin si Nay Delia ng espesyal na maruya at ibinalot iyon sa sariwang dahon ng saging. Ibinilin ni Nay Delia na ibigay iyon kay Senor Fidel bilang pasasalamat sa kabutihan nito sa kanilang pamilya. Dinala na rin ni Salome ang coat ni Fidel na maingat niyang nilabhan kaninang umaga. Natuyo na rin ito agad dahil sumikat na ang araw kanina. Maingat niyang binalot ang coat na iyon sa isang malambot na puting tela. At hindi niya rin mapigilang mapangiti habang hinimas-himas ang hibla ng tela nito, sinigurado niya ring sarado ang pintuan ng kanilang silid kanina bago niya inamoy-amoy ang coat na iyon. Halos mamula naman ang kaniyang mukha dahil sa kilig. "Magpakabuti ka Lumeng, wala ngayon si inay upang bantayan ka kung kaya't huwag na huwag kang gagawa ng anumang gulo na makakasira sa pangalan ng ating pamilya" bilin pa ni Ernesto, napatango naman sa kaniya si Salome. Habang bitbit ang mga dalahin nito. "Sandali nga lang, nagpahid ka ba ng asuete sa iyong labi? Bakit namumula iyan?" puna ni Ernesto kay Salome at tiningnan niya ito ng mabuti. At dahil doo'y agad napayuko si Salome, nakaramdamsiya ng hiya dahil napansin pala ng kaniyang kuya ang mapulang labi niya ngayon na palihimniyang pinahiran ng asuete kanina bago sila umalis. Ang kulerete at koleksyon ng pampagandang iyon ay pagmamay-ari ng kaniyang ate Felicidad at palihimniya ring ginamit iyon kanina dahil natatakot siya na baka tuksuhin siya ng kaniyang ate Felicidad kapag nalaman nitong nagpapaganda na siya, ayaw naman niyang aminin na dahil iyon kay Fidel. "H-hindi po kuya... kumain lamang ako ng pakwan kanina kung kaya't nagkaganito ang aking labi" palusot niya pa. napailing-iling naman si Ernesto, "Hindi naman nagdudulot ng pamumula ng labia ng pakwan" tugon pa nito sabay tawa. Mas lalong napayuko tuloy sa hiya si Salome, tinapik na lamang ni Ernesto ang kaniyang balikat at hindi na inasar pa dahil mukhang kakainin ng lupa si Salome dahil sa hiya. "Sige na... pumaroon ka na sa loob, at lagi mong tatandaan ang mga bilin ko" patuloy pa nito sabay akap kay Salome. "Maraming salamat kuya at mag-iingat ka rin" tugon naman ni Salome. Ngumiti naman ang kaniyang kuya Ernesto at tumango saka ito nagpaalamat umalis na. Pagdating sa mansyon, inilapag muna ni Salome ang kaniyang mga dala-dalahan at agad tumulong kina P 9-11 Manang Estelita sa kusina. Abala sila ngayon sa paghahanda ng hapunan, si Manang Estelita muna ang mamamahala sa pagluluto habang wala pa si Nay Delia. Habang nagluluto sila ay napakwento si Salome sa nangyari sa kaniyang ama, taimtimnamang nakinig sa kaniya sila Piyang, Susana at Ising. Nang sumapit na ang oras ng hapunan, hindi lumabas si Salome sa kusina, kinakabahan siya at pakiramdam niya ay hindi pa siya handang makita muli si Fidel. Hindi niya rin alamkung paano niya ibabalik ang coat nito at kung paaano niya sisimulan ang mga sasabihin niya. Hindi niya mawari kung bakit ganoon na lamang katindi ang kabang dinudulot sa kaniya ni Fidel. At halos mabaliw na siya kakalakad pabalik-balik sa loob ng kusina at nag-iisip kung anong gagawin, kung paano haharapin ng tama at maayos si Fidel. Alas-otso na ng gabi, at nasa kusina pa rin siya tapos na silang maghugas ng plato nila Ising at nagtungo na ang mga ito sa kanilang munting bahay-kubo sa likod ng mansyon. Hinihintay naman niya si Manang Estelita na nag-aayos pa ng mga sangkap para sa lulutuin nilang agahan para bukas. Sumilip naman si Salome sa hapag at wala na doon si Fidel na kanina pa nakatambay doon at may sinusulat sa isang papel, inakala niya kanina na kaya tumabay doon si Fidel matapos ang hapunan ay dahil inaabangan siya nitong lumabas sa kusina. Dahan-dahan naman siyang naglakad at sumilip sa salas, wala rin doon sa Fidel. Naiwan kasi ni Salome ang coat at ang maruyang pinadala ng kaniyang ina sa isang mesa sa gilid ng salas kung kaya't kanina niya pa hinihintay na umakyat na sa kwarto si Fidel para makalabas na siya sa kusina. Maingat siyang humakbang patungo sa mesang pinaglalagyan ng kaniyang mga dala- dalahan at dali-daling kinuha iyon, "Sus Maryusep!" gulat na sigaw ni Salome at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Fidel na nakatayo sa likuran niya. nakatingin ito sa kaniya at may hawak itong baso ng tubig. "M-magandang gabi po S-senor" bati ni Salome at agad siyang nagbigay galang sa binata. Napa-ehemnaman si Fidel bago ito nagsalita, mababakas rin ang pagkabigla at kaba sa kilos ng binata. "N-nandito ka na pala... A-akala ko ay bukas ka pa babalik" tugon nito at agad napaiwas ng tingin kay Salome. Hinawakan rin niya ng mahigpit ang basong hawak niya dahil napansin niyang nanginginig siya dahil sa kaba, dahil sa presensiya ni Salome. "P-pasensiya na po kung hindi ko kayo naharap kaagad k-kanina, abala po kami sa k- kusina" paliwanag pa ni Salome. Napatango naman si Fidel at pasimpleng sumulyap sa dalaga, kahit madilimay napansin niya ang mapupulang labi nito. Akmang aalis na sana si Salome ngunit nagsalita muli si Fidel "M-may importante pala akong sasabihin sa iyo, mabuti dahil nandito ka na, sumunod ka sa akin sa itaas" tugon ni Fidel at nagsimula na itong umakyat sa hagdan. P 9-12 Napapikit naman sa kaba si Salome, gusto na niyang umalis sa salas na iyon ngunit hindi siya maaaring tumanggi kay Fidel. Huminga na lang siya ng malalimat sumunod na rin paakyat. Pilit niyang pinipigilan ang pangangatog ng kaniyang binti, mas lalo siyang binabagabag dahil sila lamang ni Fidel dito sa loob ng opisina ng mansyon. May isang mesa sa gitna at may dalawang upuan sa harapan nito. Napapalibutan rin ang buong silid ng mga libro na maayos na nakalagay sa mga shelves. Sa gilid naman ng silid sa kaliwa ay may malaking bintana na kung saan natanaw ni Salome na nagsimula nang pumatak muli ang ulan. Napangiti naman siya dahil sa tuwing nakikita niya ang ulan ay naaalala niya ang hindi inaasahang tagpo nila ni Fidel kahapon sa ilalimng puno ng Malabulak. Napalingon si Salome kay Fidel nang bigla itong bumahing, agad namang humingi ng Pasensiya si Fidel dahil sa pagbahing niya. Siya ba'y sinipon? hindi kaya nagkasakit siya dahil ibinigay niya ang kasuotan niya sa akin kahapon at tinahak niya mag-isa ang daan pauwi sa hacienda. Naupo na si Fidel sa upuan nito at sineyasan niyang maupo si Salome pero naglakad lamang ang dalaga papalapit sa kaniya at inabot ang coat nito at ang maruyang nakabalot sa dahon ng saging "M-maraming Salamat po Senor... at tanggapin niyo rin po sana ang miryendang niluto po ni inay bilang pasasalamat daw po sa kabutihan niyo sa aming pamilya" tugon ni Salome, napangiti naman ng bahagya si Fidel at kinuha niya ang coat at maruya kay Salome. "Ang totoo niyan, hindi ko pagmamay-ari ang kasuotang ito, sa pinsan ko ito" tugon pa ni Fidel sabay tawa, napasulyap naman sa kaniya si Salome at hindi na mapigilan ng dalaga na mapangiti rin dahil sa ganda ng ngiti ni Fidel, maputi at pantay-pantay ang mga ngipin nito. Parang may kung anong ligaya na nararamdaman si Salome sa kaniyang puso, pala-ngiti naman si Fidel ngunit bihira lumabas ang ngipin nito kapag ngumingiti kung kaya't parang isang malaking karangalan sa tuwing nasisilayan ni Salome ang ngiti ni Fidel na labas ang ngipin nito. Akmang aalis na sana si Salome nang biglang nagsalita muli si Fidel "Oo nga pala, bago ko makalimutan... sa iyo ang kuwadernong ito hindi ba?" tugon ni Fidel sabay abot ng nag-iisang kuwaderno ni Salome. Nanlaki ang mga mata ni Salome dahil sa kaniya nga ang kuwadernong iyon, nabasa niya pa ang pangalan niya na nakasulat sa letrang baybayin sa pinakaharap ng kuwaderno. Marunong magsulat at magbasa ng baybayin si Salome ngunit hindi masyado dahil nang mamatay ang kaniyang Lolo Pablo hindi na sila naturuan pa ni Danilo magsulat at mabasa ng baybayin. "Nakuha ko iyan sa tapat ng pintuan sa likod ng kusina, noong una ay inakala kong listahan lamang iyan ng ni Manang Estelita ng mga sangkap ngunit nang binuklat ko na ay nabasa ko ang unang pangungusap na nakasulat diyan" paliwanag ni Fidel, naalala ni Salome na minememorya niya ang alpabeto sa likod ng kusina nang P 9-13 biglang dumating si Manang Estelita at ibinalita sa kaniya ang nangyari sa kaniyang tatay Isko kung kaya't nabitiwan niya ang kaniyang kuwaderno at marahil ay naiwan niya iyon sa likod ng kusina. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome dahil naalala niyang may nakasulat sa unang pahina nito, Ako si Salome at ito ang kwento nating dalawa... Iyon ang unang pangungusap na isinulat niya roon, balak niya kasing gumawa ng isang maikling kwento tungkol sa isang magkasintahan, pero iyon pa lamang ang nasisimulan niyang isulat dahil kailangan niya pang matuto ng mas malalimna kaalaman sa alpabeto. Pangarap ni Salome makapagsulat ng isang maikling kwento o alamat at naisip niyang ipangalan iyon sa sarili niya para ang lahat ng makapabasa ay maaalala siya. "Iyan ba ay iyong talaarawan? Humihingi ako ng pasensiya dahil nabasa ko ang unang pangungusap" tugon ni Fidel at parang may bahid ng lungkot sa mukha nito. Agad namang napailing si Salome, "Kuwaderno ko lamang po ito Senor, nais ko lang magsulat ng maikling kwento ngunit hindi ko masimulan dahil hindi po ako bihasa sa aplabeto" paliwanag ni Salome, napatango naman si Fidel at unti-unting napangiti habang nakatingin ng diretso kay Salome. Samantala, nakayuko naman si Salome dahil hindi niya kayang makipagtitigan kay Fidel. Nagulat siya nang biglang matapik ni Fidel ang mesa at nang mapatingin siya kay Fidel ay nakangiti na ito "Tamang-tama... sa susunod na linggo ay mag-uumpisa na ang aking klase, nais kong turuan ang mga bata magbasa at magsulat sa alpabeto, tuturuan ko rin silang magbasa at magsulat sa wikang Espanyol, dito lamang sa hacienda Montecarlos sa hardin gaganapin ang klase, ikaw ba'y may mga kapatid na nais ring matuto? Sa ngayon ay may labindalawa na akong mag-aaral" paliwanag pa ni Fidel, napangiti naman sa tuwa si Salome. "Talaga po Senor? Ang akin pong kapatid na si Danilo at Julio ay nais matuto, maaari ko po ba silang dalhin dito?" tanong ni Salome at hindi na maitago ang saya sa kaniyang mga mata. Napatango-tango at napangiti naman si Fidel. "Nagagalak akong makasama sila sa klase, dalhin mo sila rito sa susunod na linggo" nakangiting tugon ni Fidel, halos magtatatalon naman sa tuwa si Salome ngunit pinigilan lamang niya dahil hindi iyon kaaya-ayang kilos ng isang dalaga. "Maraming Salamat po talaga Senor Fidel!" tugon pa ni Salome na ngayon ay halos mapunit na ang mukha dahil sa saya dahil makakapag-aral na ng libre sina Danilo at Julio. Magpapaalamna sana si Salome kay Fidel ngunit nagsalita muli ang binata "Nais mo rin bang matuto Lumeng? Handa akong turuan ka" tugon pa ni Fidel habang nakangiti ito. ~Nag-iisang pag-ibig ang nais makamit yun ay ikaw Nag-iisang pangako na di magbabago para sayo P 9-14 San ka man sana'y maalala mo Kailan man 'sahan di mag kalayo~ ~Tanging ikaw lamang ang aking iibigin Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik~ ~Hindi malilimutan mga araw natin kay sarap balikan At lagi mong isipin walang ibang mahal kundi ikaw Malayo ka man sana'y maalala mo Kailan man pangako di mag kalayo~ Bigla namang napatulala sa kaniya si Salome, parang biglang bumagal ang paligid at tanging ang mga ngiti lamang ni Fidel ang nakikita ni Salome, kasabay nito ay ang hindi maawat na pagkabog ng kaniyang puso. Bakit ganito ang nararamdaman ko? bakit pakiramdam ko hindi lang pagbabasa at pagsusulat ang matututunan ko mula sa kaniya... Maaaring maraming bagay pa, mga bagay na ngayon pa lang ay naghahatid na sa akin ng ngiti at ligaya. ***************** Featured Song: 'Hiling' by Jay-R Siaboc "Hiling" by Jay-R Siaboc Yun yung tanong niJuanito kayCarmela nung nagsayawsila ngCari�osasa kaarawan ng gobernador henerao diba?"Maari ba?"Myghad lagi kong binabanggit yan sa mgaclassmate ko Ahm, di niya ba nahahalata na yung nangyayaresaknya parehas lang salbirong nababasa nya??? P 9-15 Kabanata f(x - 8) 75.6K 2.8K 3.3K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 8] "And if there's no tomorrow And all we have is here and now I'm happy just to have you You're all the love I need somehow" -The Corrs (Breathless) "What is a function in Algebraic equation?" tanong ni Sir Nathan, halos napayuko naman ang lahat, ito yung mga pagkakataon na hindi mo magagawang tumingin sa mata ng prof mo kasi baka tawagin ka niya. Kanina pa nag-didiscuss si Sir Nathan habang ako eto nag-dodoodle lang sa notebook ko. Hindi ko kasi magawang tumingin sa kaniya at sobrang nakakatulala kapag nagsasalita siya. sobrang tahimik din ng klase ngayon at halos lahat ng classmates ko tulala rin sa kaniya. Siguro dapat hindi pinapayagan maging teacher ang mga ganito kagwapong nilalang, Paano makakapag-focus ang estudyante? Paano maiintindihan ang lesson? Paano ako makakapag-focus? Paano ko maiintindihan yung lesson? Haaays. "Ms. Agcaoili" narinig kong tawag ni Sir dahilan para mapatigil ako sa pag-dodoodle at gulat na mapatingin sa kaniya. Nasa tapat lang ako ng table niya kaya sobrang kabado na ko ngayon. Gosh! baka nakita niya na nag-dodoodle lang ako! Naka-black polo shirt siya ngayon na ang manggas ay hanggang elbow. May hawak siyang white board marker at nakapatong ang isang kamay niya sa desk niya habang nakatingin sa akin. "What is a function?" tugon ni Sir Nathan sabay turo doon sa board. Napatayo naman ako at napalingon ako sa likod kasi nakita ko si Jen na pinagtatawanan na ako ngayon at kinuhaan pa ako ng video. Haays! Humarap na ulit ako kay Sir Nathan at finocus ko na lang yung tingin ko doon sa board. Dahil sobrang nakaka-distract talaga ang presence niya. lalo na ngayon na nasa harap lang ako ng table niya. "A function may be thought of as a rule which takes each member x of a set and assigns, or maps it to the same value y known at its image" P 10-1 "Very good" sabi pa niya at sinenyasan na niya ako maupo. Nagpatuloy na ulit sa pagdidiscuss si Sir Nathan. Umupo na ulit ako sa upuan ko at napasandal doon. Grabe! Muntik na akong atakihin sa puso kanina. Naalala ko bigla yung conversation namin ni Sir Nathan kahapon sa teacher's office. "Salamat... Salamat, siguro dapat na akong magbawas ng libro dito, magmumukha ng library ang table ko" biro pa ni Sir Albert matapos namin siyang tulungan ni Sir Nathan sa pagpulot ng mga librong nahulog sa mesa niya. Nagbiro naman si Sir Nathan na one step away lang daw pala ang library sa kaniya kapag nangolekta pa si Sir Albert ng mga libro, hindi naman nakakatawa yung sinabi niya pero natawa silang dalawa. Kaya nakitawa na lang din ako. "Oo nga pala! May klase pa ko... sige na mauna- " hindi natapos ni Sir Albert yung pagpapaalam niya kasi napatingin siya sa librong hawak ko. Our Asymptotically Love Story "Oh? Aleeza Hija, gusto mo bang hiramin yan?" tanong ni Sir Albert dahilan para marealize ko na hawak ko pala yung librong iyon. Napailing naman ako agad at inabot sa kaniya yung libro. "Hindi na po sir, may kopya din po ako sa bahay" sagot ko. Napatango-tango naman si Sir Albert at kinuha na niya yung libro sa akin, ipinatong na niya iyon sa mesa niya saka nagpaalam na ulit umalis. At dahil naiwan na naman kami ni Sir Nathan sa of ice nila nagpaalam na din ako agad sa kaniya at dalidaling lumabas sa of ice. Gosh! ayokong ma-trap na naman. Paglabas ko sa of ice natanaw ko si Sir Albert na naglalakad papunta sa elevator. Paika-ika na siya at mabagal na siya maglakad dahil sa katandaan kaya madali ko siyang naabutan. "Sir Albert Wait lang po!" habol ko pa sa kaniya, napatigil naman sa paglalakad si Sir Albert at napalingon sa akin. "Oh? Hija, Bakit? May itatanong ka pa ba tungkol sa History?" Napailing naman ako bilang sagot sa tanong niya. "Sir.... Uh... Bakit may kopya kayo ng Our Asymptotically Love Story?" nagtataka kong tanong sa kaniya, natawa naman si Sir Albert sa tanong ko. nagsimula namang dumami yung mga estudyante na nag-aabang na sa elevator. "Bakit hija? Hindi ko ba pwedeng basahin iyon?" natatawa niyang sagot at dahil dun natawa na lang din ako at napakamot sa ulo. "Eh... kasi po sir parang romantic novel po yun" "Kaya nga nagustuhan ko, Romantic novel with a touch of Historical fiction" natatawa niyang sagot, at P 10-2 napalingon siya sa elevator na hindi pa rin bumubukas. "Aleeza, ano bang iniisip mo? hindi na ba pwedeng magbasa ang senior citizen na katulad ko ng mga romantic novels?" patuloy niya pa sabay tawa. Natawa na lang din ako sa hiya, kung sabagay marami pa rin namang matatanda ang tumatangkilik sa mga pocket books na karamihan ay romance ang genre. "Sorry po sir... akala ko po kasi hindi niyo type ang mga ganung genre" Natatawa namang napailing-iling si Sir Albert, palagi ko napapansin yung ngipin niya na buo pa rin hanggang ngayon kahit matanda na siya. alagang-alaga niya siguro yun. "Actually hija, natapos ko na basahin ang novel na iyon, at hindi lang siya tungkol sa romance... marami kang malalaman at matututunan sa mga bagay-bagay dito sa mundo, iyon nga lang nakakalungkot kasi hindi nagkatuluyan ang dalawang bida sa huli" sagot ni Sir Albert dahilan para lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat. WHAAAAT? "HINDI NAGKATULUYAN SI FIDEL AT SALOME?" gulat kong tanong kay Sir Albert dahilan para mapatingin siya sa buong paligid kasi umalingangaw yung boses ko sa hallway, pagkatapos ay natawa na lang siya kasi mukhang na-spoil niya ako. Gosh! pinaka-ayoko pa naman sa lahat ay ang mga spoilers! "Hindi mo pa ba natatapos basahin iyon? Nako! Na-spoil na pala kita" tugon pa ni Sir Albert at tawa na siya ng tawa. Mukha na kasi akong binagsakan ng langit at lupa dahil nalaman ko na ang ending! My Gosh! "Sir! Bakit hindi sila nagkatuluyan?" hindi ko maitatanggi na dismayadong-dismayado ako ngayon. bukod kasi na na-spoil na sakin ni Sir Albert yung ending ng novel na iyon, mas dismayado ako kasi bakit hindi nagkatuluyan si Fidel at Salome huhu. Napailing-iling naman si Sir at halatang tuwang-tuwa siya kasi napapraning na ko ngayon. iba talaga yung feeling kapag masyado ko naatached sa isang story na naging part na ng buhay mo at feeling mo ikaw yung mga bida sa kwento tapos hindi mo nagustuhan yung ending Ugh! "Ikaw na ang bahalang tumuklas kung bakit hindi nagkatuluyan si Fidel at Salome" tugon pa ni Sir Albert at hindi pa rin siya maawat sa pagtawa. Masaya naman talaga maging spoiler lalo na kapag nakita mo yung reaksyon ng mga nasabihan mo, pero mas masakit sa damdamin kapag na-spoil na yung kwento sayo. Magsasalita pa sana ako kaso biglang bumukas na yung elevator at nagamamdaling pumasok doon sa Sir Albert. "Hanapin mo ang kasagutan kung bakit hindi sila nagkatuluyan" patuloy pa ni Sir Albert pero sa pagkakataong iyon hindi na siya nakangiti, nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko habang nakasiksik sa iba pang mga tao sa loob ng elevator, sa mga tingin niya parang sinasabi niyang 'Hanapin ko ang Tuklasin ko nga kung bakit hindi nagkatuluyan si Fidel at Salome' P 10-3 Matapos niyang sabihin iyon ay dahan-dahan ng nagsara ang pinto ng elevator at naiwan akong magisang nakatayo doon sa tapat ng elevator. Napatingin ako sa gilid ng bintana, bumubuhos na ulit ang ulan, kasabay niyon ay nakaramdaman ako ng pamilyar na kalungkutan na palagi kong nararamdaman sa tuwing umuulan. Kakambal ng kalungkutang nadarama ko ay ang paglalaro ng mga katanungan sa isipan ko... Bakit hindi sila nagkatuluyan? "Okay, Class dismissed" tugon ni Sir Nathan, umingay na muli ang buong classroomat nagsimulang magsitayuan yung mga kaklase ko. nagtatawanan sila at nagkwekwentuhan habang lumalabas ng classroom. Samantalang, inaayos ko pa lang ang gamit ko at nilalagay iyon sa bag ko. Bigla namang sumulpot si Jen sa likod ko. "Ngets! CR lang ako ah, di ko na keri eh, kita na lang tayo sa next class" sabi pa niya sabay takbo papalabas ng classroomdahilan para maiwan ako doon. Bigla akong kinabahan ng marealize ko na nakaalis na pala lahat ng mga classmates ko at si Jen ang pinakahuling lumabas ng classroom. Narinig ko ang pagliligpit ni Sir Nathan ng mga libro at white board marker niya. Nakatalikod ako sa kaniya kasi kausap ko si Jen kanina na sa likod ng pintuan dumaan. Napalunok na lang ako at kakaripas na sana ng takbo papalabas ng classroomna iyon kaso narinig kong biglang nagsalita si Sir Nathan "Ms.Agcaoili, please remain here" GOSH! BAKIT BA ANG SHUNGA MO ALEEZA?! DAPAT KASI LUMABAS KA NA KANINA PA! UGHH! AYAN NA-TRAP KA NA NAMAN TULOY! Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya at inilapag ka na ulit yung bag ko saka umupo ulit doon sa upuan ko na nasa tapat ng table niya, para akong natataeng ewan habang stiff na nakaupo. Hindi naman siya nakatingin sa'kin kasi abala pa rin siya sa pagliligpit ng gamit niya, at nang matapos na siya para akong natuod sa kinauupuan ko kasi diretso siyang tumingin sa mga mata ko. My Gosh! P 10-4 Feeling ko nasa interrogation stage ako ngayon at may krimen akong ginawa! Ganitong-ganito yung mga napapanood ko sa mga movies eh, may isang table sa gitna pagkatapos nakaupo ang suspek sa kabila nito habang ang investigator naman ay nakatayo sa kabila at may isang ilaw sa pagitan nila na gumegewang-gewang. Napatingin ako sa kisame at narealize ko na iisang ilaw na lang pala ang nakabukas at ang ilaw na iyon ay nasa tapat namin ni Sir Nathan. "Tatanungin kita ulit... gusto ko ng direct answer" tugon ni Sir Nathan, My Gosh! ito na nga yun! kapag sinabi kong 'Inosente po ako! wala akong kasalanan!' magagalit siya lalo hanggang sa sigawan niya ako at parusahan. Baka kuryentihin niya ako o kaya tanggalin ang kuko ko, baka gamitan niya rin akong latigo at baton at sampal-sampalin hanggang sa mapaamin ako! "WALA PO AKONG GUSTO SA INYO SIR!" sigaw ko habang nakapikit, Gosh! sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. "What?" iyon lang ang narinig kong tugon niya, Shocks! Dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko at laking gulat ko kasi maayos naman ang buong paligid. Bukas ang lahat ng ilaw, at normal lang na nakatayo si Sir Nathan sa kabilang side ng mesa habang hawakhawak ang mga libro niya. OH MY GOODNESS! Imagination ko lang ba yung kanina? Waaahh! "I j-just want to know kung gusto mo bang sumali sa Academic Pasiklaban in Math Catgeory?" patuloy ni Sir Nathan at mukhang nagulat din siya dahil sa sinabi kong 'Wala akong gusto sa kaniya' MY GOSH! Nakakahiya ka Aleeza! Oo nga pala hindi ko nasabi sa kaniya kahapon kung pumapayag ba ako maging representative sa contest next month kasi hinabol ko si Sir Albert sa labas ng office. Oh noes! Aleeza baka anong isipin ni Sir Nathan dahil sa sinabi mo! Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil sa kaba. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko, "Uh-pP 10-5 pag-iisipan ko po sir... at m-magpapaalampa ako sa parents ko" palusot ko na lang at dali-daling tumayo papunta sa pintuan pero napatigil ulit ako kasi nagsalita na naman siya. "It's a great opportunity, mga sikat na international authors ng math textbooks ang magiging judge sa contest, malay mo ma-discover ka nila" patuloy pa ni Sir Nathan habang nakangiti ng kaunti. Agad naman akong napaiwas ng tingin sa kaniya. My gosh! kayanin ko kaya maging mentor at makasama si Sir Nathan one-on-one? Eh kung sa klase pa nga lang namin halos mabaliw na ako. Paano pa kaya kung kaming dalawa lang? Nooo! Tumango lang ako at binuksan ko na yung pinto para makalabas na at makahinga na ng maluwag pero nagsalita na naman si Sir Nathan, Hanubayan! "Also, what do you mean kanina na... wala kang gusto sa'kin?" tanong niya at bakas sa mukha niya na natatawa siya. Huwaaat? Nanlaki naman ang mga mata ko sa kaniya, Bakit ko ba nasabi yun? ang taksil-taksil talaga ng bibig ko huhu. Kailangan mo umisip ng paraan para malusutan to! ughhh! "Uh- a-ang ibig ko pong s-sabihin ay... WALA PO AKONG ibang GUSTONG makamit kundi ang maging bahagi ng contest... SIR" palusot ko pa at sinubukan kong ngumiti kahit pilit na pilit lang kasi sobrang kinakabahan na ako ngayon. nararamdaman ko din ang taksil na pawis ko na tumutulo na ngayon sa noo ko dahil sa kaba. Bigla namang umaliwalas ang mukha ni Sir Nathan "So pumapayag ka na?" My gosh! bakit parang may ibang meaning sakin yung sinabi niya? Hanubayan! "O-opo sir" "Well, so our session will start tomorrow by 4 pm" sabi pa niya sabay ngiti, napatulala na lang ako kasi naaninag ko ulit yung ngipin niya. Bumaba na siya sa platformat nagsimula ng maglakad papapunta sa pintuan kung saan ako naistatwa ngayon. Napaatras naman ako at nakalabas na ako sa pinto, hinawakan naman niya yung door knob kasi lalabas a siya at isinara niya iyon "I'll wait for you tomorrow" sabi pa niya saka tuluyan nang naglakad papalayo. Naiwan naman akong tulala doon sa hallway habang pinagmamasdan ang likod niya na unti- unting lumalayo. Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko "Ngets! Bakit nandito ka pa? sabi ko magkita na lang tayo sa next class natin, hinintay mo pa ko! ang sweet mo naman" pambobola pa ni Jen sabay batok sa 'kin. P 10-6 Whuut? Pero dahil occupied ni Sir Nathan ang utak ko ngayon wala ako sa mood patulan ang amazonang bespren kong to. "Ngets! sapakin mo nga ko! mababaliw na ata ako! feel ko nangyari na kanina ang pinakamaling desisyon ko sa buong buhay ko!" reklamo ko pa, nagtaka naman yung itsura ni Jen, mukha na kasi akong sisa ngayon na nagtatuntrams sa gitna ng hallway. Buti na lang walang masyadong estudyante ang napapadaan dito. "HUWAAAAT? SERYOSO BA YAN?" sabay-sabay na sigaw ni Jen, Iryn at Leana, aakalain mong isang choir sila ngayon. napatango-tango na lang ako at napayuko sabay subo ng kanin at higop ng sabay ng munggo. Nandito kami ngayon sa canteen dahil lunch time na namin, kanina pa ko tulala at halos mabaliw na. Gusto kong umatras sa contest. Shemay! Bakit kasi yun ang naisip kong palusot kanina ugh! "WOW! CONGRATS NGETS! Gosh! gagawa kami ng banner for you! At mag-checheer all the way kami sa araw mismo ng contest! Teka! Kelan ba yun?" excited na tugon ni Iryn kulang na lang tumalong-talon at tumambling na siya ngayon. Mas lalo akong nalugmok nang maalala ko kung kelan gaganapin yung contest. "Sa katapusan pa naman ng July" "Matagal pa pala! Pero mas okay na yun para mapaghandaan mo talaga ang contest yes yes yes!" banat naman ni Leana at napasuntok pa siya sa hangin dahil sa saya. "Ngets! sino ba magiging mentor mo? diba parang teamup contest yun, kapag nanalo ka panalo din ang mentor mo" tugon naman ni Jen dahilan para muntik ko ng masubsob yung mukha ko sa sabaw ng munggo. Mas lalo akong nalugmok nang maalala ko na si Sir Nathan ang magiging mentor ko Gosh! Nakasanayan na kasi yearly na every end of July ginaganap ang 'Academics Pasiklaban' kompleto ang iba'tibang category, mula sa mga subject na Math, Science, English, Filipino, History at madami pang iba. Kadacourse dapat may representative at kung sinuman ang mapiling representative may naka- assign na mentor. Eh kung magpapalit na lang kaya ako ng mentor? Kaso baka ma-offend at ma-hurt si Sir Nathan, hindi magandang idea ang magpapalit ng mentor Ugh! Eh kung tumanggi na lang kaya ulit ako? Ano namang idadahilan ko? P 10-7 a. strict ang parents ko (Wow! mag-bebente anyos na ko imposible naman yun) b. tinatamad ako (Acceptable reason ba'to?) c. nerbyosa ako sa contest baka himatayin ako (Isa pa to? legit reason ba to?) d. sakitin ako (Haays baka magkatotoo Noo!) e. Hindi ko kaya (For sure i-checheer up lang ako ni Sir at pipilitin pa din haays) Mukhang wala ng atrasan to ah... "Ngets? okay ka lang ba? Bakit parang di ka masaya?" tanong pa ulit ni Jen dahilan para matauhan ako, halohalo na kasi ang tumatakbo ngayon sa isipan ko. "Huh? s-syempre masaya ako" sabi ko at binigyan ko sila ng ngiti, yung ngiting mukhang natatae lang. "Diba matagal mo ng pangarap to? This is it na! grab the chance! Sayang naman kapag pinakawalan mo, Once in a lifetime lang mangyayari sayo to" sabi pa ni Iryn, gulat naman kaming napatingin sa kaniya at napapalakpak. "Whoah... wise words coming galing kay tandang Iryn Wow" pang-asar pa ni Jen at Leana, dahilan para batukan sila ni Iryn at nagsimula silang magkagntihan ng kurot at hampasan. Napaisip naman ako sa sinabi ni Iryn... Hmm... Tama nga naman siya, matagal ko ng panagarap ang makasali sa 'Academic Pasiklaban' na yearly ginaganap sa school. At ngayon lang ako napili bilang representative baka hindi na maulit ang chance na to kapag pinakawalan ko pa. Pero kasi bakit kailangan si Sir Nathan pa ang maging mentor ko? pwede bang iba na lang? Shocks! Bakit ba ang choosy mo Aleeza! Ikaw lang naman ang nagbibigay ng malisya kay Sir Nathan eh! Tama! Tama! Tama! Student lang ang tingin niya sayo, at isa lang siyang nagmamalasakit na teacher na gustong hubugin ang math skills mo! Agree! Napatango ako at nahampas ko ng malakas ang mesa dahilan para mapatigil sila Jen, Iryn at Leana sa paghaharutan. Mukha akong determinadong isda ngayon na buo na ang loob na sumali sa contest! Idagdag pa ang graduation song sa background music ko. "Sasali na ko sa contest! At Mananalo ako!" tugon ko, tibay ng loob lang ang katapat nito at dapat bantay sarado ang puso para hindi mapana na ni kupido. Napapalakpak naman sa tuwa sila Jen, Iryn at Leana at sabay-sabay nila akong sinunggaban ng yakap dahilan para magkagulo kami sa canteen at mukha kaming shunga na nag-wrewrestlingan. P 10-8 Gabi na at nandito ako ngayon sa study table ng kwarto namin habang suot-suot ang favorite nerdy eye glasses ko. Nagsusulat ako ngayon sa mini notebook ko ng mga kailangan kong gawin para Manalo ako sa contest: 1. Kailangan may bounderies, dapat teacher-student lang ang set-up namin ni Sir Nathan hindi dapat lalagpas doon. Mas makakabuti kung hindi namin pag-uusapan ang personal na buhay ng isa't- isa. Kasi sabi nga nila, kapag nasimulan mo raw malaman ang buhay ng isang tao mas nagiging malapit kayo sa isa't-isa hanggang sa mahulog na ang damdamin niyo sa isa't-isa at maging- (Erase! Erase! Erase! Wala namang mangyayaring ganito kaya wala dapat akong ipangamba) 2. Sa school lang dapat ang session namin, at hangga't maaari dapat sa mataong lugar, mahirap na baka matukso ako at hindi ko mapigilan ang sarili ko na- (What-the-heck! Ano ba tong sinusulat ko? Gosh! Erase!) 3. Ang conversation at communication sa pagitan namin ni Sir Nathan ay dapat tungkol lang sa academics at wala ng iba, hindi dapat mapunta ang usapan sa 'May girlfriend ka na ba?' 'May nililigawan ka ba?' 'May pag-asa ba ko sayo- (My Goodness! Ang awkward ng usapang ganito, hindi naman siguro mangyayari to kaya Erase!) 4. Kahit anong mangyari dapat professional lang ang pakikisama namin sa isa't-isa. Dahil responsibility naman niya na i-guide ako at responsibilidad ko ring makinig at matuto sa kaniya... at dapat hanggang doon lang yun, walang flirty flirty na mangyayari o banatan ng pick up lines- (Shocks! Nag-pipick up line ba si Sir Nathan? Tahimik at Gentleman ang peg niya, hindi naman siguro uso sa kaniya ang galawang breezy at pick up lines Erase!) 5. MOST IMPORTANT: kung may hihingiing kapalit si Sir Nathan sakin, Hinding-hindi ko isusuko ang bataan para sa utang na loob sa kaniya! Tama! Kailangang maging matatag ako kahit anong mangyari(Wait! Mukhang wala naman sa personality ni Sir Nathan ang pagiging f*ckboy, Gosh! ako lang siguro tong praning... Okay Erase!) Napasandal na lang ako sa upuan ko at ginugulo-gulo ko ang buhok ko dahil sa inis, pinunit ko na rin yung guidelines na pinagsusulat ko dahil kahit anong gawin ko, kahit anong isipin ko mukhang hindi na ako makakatakas sa sitwasyong ito Haaays! Bahala na nga! P 10-9 Kinabukasan, naglalakad kami nila Jen, Iryn at Leana papunta sa third class namin nang matanaw ko sa dikalayuan si Bryan. Preskong-presko itong naglalakad habang nakasukok ang mga kamay niya sa kaniyang bulsa, naka- black leather jacket siya ngayon at naka-shades, lakas maka-Daniel Padilla ang peg niya. Kinakawayan at kinikinditan niya ang mga chicks na nakakasalubong niya na halos mangisay naman sa kilig dahil sa kaniya. Grabe! Ang hangin talaga! Napatigil naman si Iryn sa paglalakad nang makita niya rin si Bryan at bigla siyang lumiko sa kaliwa pababa ng hagdan. Agad naman siyang sinundan ni Leana at Jen pababa. Kumaripas din ako ng takbo at sumunod sa kanila pababa ng hagdan dahil ayokong ma-encounter ngayon ang bagyong dala ni Bryan. Buti na lang hindi niya kami napansin kasi busy siya sa pagpapakilig ng mga girls at paghahatid ng bagyo doon sa third floor. Mabuti na lang nakalikas na kaming apat agad bago tamaan ng signal number 4 na bagyong Bryan. Whew! Nandito kami ngayon sa CR, umiiyak si Iryn dahil naalala niya ang friendship at ang away nila ni Bryan. Tsk! "You know ngets, hindi mo dapat iniiyakan ang mga lalaking tulad niya, look at himhe doesn't deserve you" sermon ni Leana habang hinimas-himas ang likod ni Iryn. Gusto ko rin lumapit ngayon kay Iryn kaso binebraid ni Jen ang buhok ko. French braid style. Nalaman kasi nila na si Sir Nathan nga ang magiging mentor ko kaya eto inaayusan nila ako ng bonggangbongga para hindi naman daw ako magmukhang alalay sa tabi ni Sir. Ikwekwento ko sana sa kanila yung nakakainis na encounter ko noon kay Bryan last last day kaya lang biglang dumating yung mga mean girls na grupo ni Stacy Miranda, dire-diretso sila sa loob at sinakop ang buong salamin. Dahilan para mapausog kaming apat sa gilid. Sikat ang grupo nila Stacy, mga tourismstudents sila at pang mga beauty queens talaga ang peg nila. pero yun nga lang mga mean and bully sila. Hindi pa naman nila kami na-bubully dahil feel ko hindi naman sila interested samin. At bukod doon ay hindi naman namin sila madalas ma-encounter at wala rin kaming pakialamsa isa't-isa. Tiningnan kami ni Stacy ng masama kasi hindi pa rin kami umaalis doon sa loob ng CR. Mukhang gagawin kasi nilang salon ngayon ang CR at nakahanda na ang mga make up kits, blower, pangkulot nila na nakalapag na sa lababo. Si Stacy ang pinakamaganda sa kanila, nakakatulala ang ganda niya, sobrang puti niya at ang kinis ng balat niya at ang sexy pa. nahahawig niya rin si Coleen Garcia pero mas maganda pa siya. Agad naman kaming lumabas sa banyo kasi mukhang papatayin na kami ni Stacy sa tingin. Whew! Kami pa naman yung tipong lumalayo talaga sa gulo lalong-lalo na kung pasiklaban nga kagandahan P 10-10 sa grupo nila Stacy kasi talo talaga kami. Paglabas namin sa banyo nagulat kami kasi makakasalubong na naman namin si Bryan. Shemay! Anak ng tipaklong naman oh! Bakit ba rumuronda dito sa buong school ang Bryan na'to! Napatakbo si Iryn papaakyat sa hagdan, at agad naman kaming sumunod sa kaniya, mabuti na lang hindi kami ulit napansin ni Bryan kasi kausap niya ang grupo ng mga kalalakihang mahangin din tulad niya. Nako! Mukhang dito pala nagsisimula sa school namin ang mga bagyo haays. 5 minutes bago mag-4pmnakatayo na ako dito sa tapat ng teacher's office, kinakabahan pa akong pumasok kasi hindi pa ako ready makaharap si Sir Nathan My gosh! bakit ba kasi nangyayari sa'kin to? Inhale... Exhale... kaya mo yan Aleeza! Hindi mo naman ikamamatay kapag tiningnan o kinausap ka ni Sir Nathan, pwedeng atakahin ka lang sa puso o hindi ka makahinga ng maaayos dahil sa kaba. Grabe! Mukhang mapapadali ang buhay ko nito. Hahawakan ko na sana yung door knob kaso biglang bumukas iyon. At laking gulat ko nang tumambad sa harapan ko si Sir Nathan! Ayan na! Ayan na! Ayan na! "Oh, Akala ko hindi ka dadating... Tara na" sabi niya sabay ngiti ng bahagya, nagulat naman ako kasi lumabas siya sa pintuan at nagsimulang maglakad. Huh? akala ko ba ngayon ang first session namin? Bakit lumaba siya ng office? Bago makapagsalita ay napalingon na siya sa'kin, naistatwa lang ako ngayon sa kinatatayuan ko dahil sa pagkabigla. "We're going to get some books bago tayo magsimula" tugon niya, at parang na-glow yung malahazel nut eyes niya. Gosh! eto na nga ang sinasabi ko, nagsisimula na naman akong talaban ng alindog niya! "Ms.Agcaoili?" ulit niya pa dahilan para matauhan ako at sumunod na sa kaniya sa paglalakad. Sling bag lang ang dala ko ngayon kasi naisip ko kagabi na mukha akong elementary kapag nag-back pack ako, at sobrang nagpapasalamat ako kay Jen kasi inayusan niya ako ngayon at nagmukha akong tao. Nakasunod lang ako sa likod ni Sir Nathan, ang bilis niya maglakad kaya binilisan ko din ang paglalakad ko para makahabol sa kaniya. Ang lalaki kasi ng hakbang niya kumpara sa dalawang binti ko na parang paa ng penguin. Gusto ko sana itanong kay Sir Nathan kung saan kami pupunta kaso hindi ko siya magawang kausapin habang naglalakad kami kasi ang daming mga estudyante ang nakakasalubong namin na panay ang bati sa kaniya. Yung iba napapatili pa sa kilig at halos mangisay na sa tuwing tatango at ngingiti sa kanila si Sir Nathan pabalik. Sinasabi ko na nga ba! Kailangan talaga ipagbawal na ang mga gwapo at magandang teachers na pang super model ang peg, nawawala na sa focus sa pag-aaral ang mga estudyante haays. P 10-11 Bumaba sa hagdan si Sir Nathan at sumunod naman ako sa kaniya, napapansin kong napapalingon siya ng kaunti sa likod para tingnan kung nakasunod pa din ba ako. Nang makarating kami sa lobby, dire-diretso siya sa labas dahilan para mas binilisan ko ang lakad ko at sumabay na ako sa kaniya sa paglalakad. "Sir! Saan tayo pupunta? Diba dapat sa conference- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi dirediretso lang siya sa paglalakad at nginitian niya lang ako. What theTumigil siya sa isang kotse na naka-park sa isang gilid at binuksan ang pinto niyon. Omaygash! "Come on" sabi niya sabay senyas sa'kin na sumakay na ako sa passenger seat ng kotse. Naistatwa lang ako sa kinatatayuan ko at hindi ko namalayan na nakanganga na pala ako habang gulat na nakatingin sa kaniya. "Bilisan mo, we only have two hours left para makaabot sa discount" sabi niya at sumakay na siya sa loob. ako naman si tanga na tulala pa rin sa labas at hindi ko maabsorb agad-agad ang mga pangyayari. Gosh! hindi ko akalaing first session pa lang aabot na sa ganito. Naalaala ko bigla yung guidelines na sinusulat ko kagabi, Guideline #5 MOST IMPORTANT: kung may hihingiing kapalit si Sir Nathan sakin, Hinding-hindi ko isusuko ang bataan para sa magiging utang na loob sa kaniya! Discount? May promo ba ngayon ang mga motel? "Ms.Agcaoili, Tara na" narinig kong tugon niya pa, nakasilip na siya ngayon sa bintana ng kotse niya at mukhang nagmamadali na talaga siya. Mukhang determinado talaga siya na maabutan ang discount ngayon ah! Napaatras ako nang binuksan na niya ang makina ng kotse niya. Black Ford Ranger ang kotse niya, pangadventurous talaga. "Tara na baka abutan pa tayo ng traffic" sabi pa niya, napatulala lang ako sa kaniya at hindi ko namalayan na automatic na palang sumampa ang paa ko sa kotse niya at nakaupo na ako sa loob sa tabi niya. My Gosh! Napahinga na lang ako ng malalim, masyado pang maaga para pag-isipan ko ng masama si Sir Nathan, kung dadalhin man niya ako sa motel o sa liblib na lugar sisiguraduhin kong lalabanan ko siya, sasabunutan, pipilayan at bubugbugin. Nakita kong nag-suot na ng seat belt si Sir Nathan kaya sinuot ko na rin yung akin. Hindi ko hahayaang matulad ang eksenang ito sa mga kdrama na napapanood ko na pabebeng ilalagay ng guy yung seatbelt sa girl at magtititigan sila dahil sa sobrang lapit nila sa isa't-isa. Binuksan naman ni Sir Nathan yung radio niya at nilagay iyon sa fm. Nagsimulang tumugtog ang nakakaindak na kanta ng The Corrs na 'Beathless' At dahil sobrang nakakaindak yung music parang unti-unting napawi yung kaba ko, naaninag ko namang napapaindak din si Sir Nathan sa music at tinatango-tango niya ang ulo niya habang nag-didrive siya. siguro kung mag-isa lang siya ngayon nag-coconcert na siya dito sa loob ng kotse niya. P 10-12 Hindi ko naman maibuka ang bibig ko para magtanong sa kaniya kung saan kami pupunta at bakit kami lumabas sa school. Para kasing natuyo na yung laway ko sa lalamunan ko at wala na akong boses ngayon. Nasa main highway na kami at nanlaki yung mga mata ko nang biglang itinigil ni Sir Nathan yung kotse niya sa tabi ng isang.... MOTEL! SINASABI KO NA NGA BA! Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nakatingin sa'kin kasi may kinukuha siya sa bag niya na nasa gitna namin. Nanlaki yung mga mata ko kasi nilabas niya yung credit card niya "Just wait here" sabi niya sabay labas sa kotse. Napahawak naman ako ng mahigpit sa belt ko, Grabe! Mama! Papa! Akala ko po isang normal school day lang to! hindi ko po akalain na ngayon na mawawala ang- Teka! Natanaw kong naglakad si Sir Nathan sa gilid nung pintuan ng motel na kung saan may matandang lalaking naka-black polo ang nakatayo doon at may kausap sa phone. Nag-mano si Sir Nathan doon sa matandang lalaki at inabot niya dito ang credit card niya. at dahil dakila akong chismosa binuksan ko yung bintana sa gilid ko at dumungaw sa labas para marinig ko ang pag-uusap nila. "Sige po Pa! sabihin niyo na lang kay mama na bibisita ako sa inyo bukas" sabi ni Sir Nathan doon sa matandang lalaki na naka-black polo at nagpaalamna ito. Agad ko namang sinara yung bintana ng kotse at parang tuod na hindi makagalaw sa kinauupuan ko hanggang sa makasakay na ulit sa kotse si Sir Nathan. "Sorry... ang kulit lang talaga ni papa eh, so let's go" sabi niya, dahilan para gulat akong mapatingin sa kaniya. So bababa na kami ngayon dito sa kotse at papasok doon sa motel kung nasaan nakatayo sa labas yung papa niya? nahihibang na ba siya? Shocks! Ako ata ang nahihibang! Bakit ako papayag? Lumaban ka Aleeza! Magrereact na sana ako kaso pinaandar na ni Sir Nathan yung kotse niya at umalis na kami sa lugar na iyon. Whew! Buti naman na-gets niya na hindi dapat kami mahuli ng papa niya- NO! ANO BA YAN! BAKIT NAWAWALA KA NA SA SARILI ALEEZA! Napansin kong hindi mapakali si Sir Nathan at tingin siya ng tingin sa wrist watch niya. Mukhang kuripot talaga siya at gusto niya pa i-avail yung discount. Samantalang mukha naman akong pigurin dito sa tabi niya na halos hindi na gumagalaw at huminhinga dahil sa kaba. Ano bang unang gagawin namin- What-the-heck! Umayos ka nga Aleeza! Ilang sandali pa iniliko na ni Sir Nathan yung kotse niya papasok sa parking lot dito sa Robinsons Manila. Omg! So sa mall pala kami pupunta? May motel ba dito sa mall? "Tara na... we only have 45 minutes para makaabot sa discount" sabi niya at dali- dali niyang hinubad yung seat belt niya at lumabas na siya sa kotse. Napalunok na lang ako at lumabas na rin sa kotse. Naglakad na P 10-13 siya papasok sa mall at sumunod naman ako sa kaniya. My Gosh! naguguilty ako, bakit ang dumi-dumi ng utak ko? hindi naman si Sir Nathan yung tipo ng lalaki na mananamantala ng babae. Whew! Medyo matao sa loob ng mall, mukhang may sale sila ngayon. Nagulat ako nang biglang pumasok si Sir Nathan sa loob ng National Book Store. At tumamad sa harapan ko yung 20% discount na mga tarpaulin na nakakalat sa labas ng National Book Store. Omg! So ito pala ang discount na hinahabol ni Sir Nathan! My ghaawd Aleeza nakakahiya ka! pinag-isipan mo ng masama si Sir! Dumiretso si Sir Nathan sa section ng Math textbooks, at nanlaki yung mga mata ko dahil sa dami ng makakapal na libro ng math na heaven para sa'kin. "You can choose three, nagbigay ng allowance si Dean para sa mga representative sa contest, gusto niyang maging mainit ang laban kaya dapat daw nakapag-aral kayong lahat, at ibibigay na rin niya sa inyo ang mga librong mapipili niyo" paliwanag ni Sir Nathan, napaatras naman ako ng kaunti nang marealize ko na ang lapit ko pala sa kaniya. Paano ba naman kasi ang daming mga tao ang nakikipagsiksikan din ngayon dito. "Whoah, kahit ano po? Kahit magkano?" Natawa naman si Sir Nathan sa sinabi ko, kanina pa ako hindi nagsasalita at mukhang non-sense pa ang pinagsasabi ko. "3500 lang ang binigay na allowance ni Dean" natatawang tugon ni Sir Nathan, mukha na kasi akong desperadang palaka ngayon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti ng wagas. "Keri na rin!" Agad kong dinampot yung tatlong makakapal na math textbooks na matagal ko ng pinag- iipunan at pinapangarap. Kumuha naman si Sir Nathan ng basket para doon ko ilagay yung makakapal na libro. Grabe! Hindi ko na matago ang saya sa mukha ko, Mas bongga pa pala ang inaasahan ko sa pagsali sa contest na to. "Ang bilis mo naman makapili" biro pa ni Sir Nathan, kukunin ko na sana dapat sa kaniya yung basket kasi nakakahiya naman na siya ang magdadala niyon, "Ako na, baka hindi ka na tumangkad pag binuhat mo to" pang-asar niya pa. Whuuut? Teka! Kelan siya nagsimulang magbiro? Hindi ko namalayan na napatulala ako sa kaniya dahil sa ngiti niya, Gosh! Erase! Umiwas na lang ako ng tingin at dire-diretsong pumunta sa counter. Ang lakas na ngayon ng kabog ng dibdib ko. Nakapila na ako sa counter at naramdaman ko na sumunod na pala sa'kin si Sir Nathan at nakatayo na siya sa likod ko. kahit nasa likod ko siya amoy na amoy ko ang pabango niya. Bakit nag- eexist ang mga lalaking ganito kabango at kagwapo haays. Hindi naman na kami nag-usap ulit ni Sir Nathan hanggang sa pangatlo na kami sa pila. Biglang nanlaki yung mga mata ko nang makita yung mga books na naka-display 'New Arrival Section' na nasa tabi ng counter. Our Asymptotically Love Story... P 10-14 Isang kumpol ng kopya ng librong iyon ang naka-display doon sa New Arrival Section. Hindi ko namalayan na napahakbang na pala ako papalapit doon, may kakaiba talaga kong nararamdaman sa librong iyon. "I've already read that novel yesterday" narinig kong sabi ni Sir Nathan na nasa likod ko na pala. Napatingala ako sa kaniya at nakita kong nakatitig din siya doon sa mga librong iyon. "Na- curious ako kasi madami akong nakikitang mga estudyante na binabasa iyan, naalala ko na meron ka ding kopya niyan nung na-stranded tayo sa waiting shed, na-curious din ako kung bakit nagbabasa ng ganiyan si Sir Albert na hindi naman mahilig sa mga romantic novels kaya hiniramko sa kaniya yung kopya niya kahapon" tugon pa ni Sir Nathan. At dumampot siya ng isang kopya ng libro at binuklat iyon. "Maganda ang librong ito, pero nakakalungkot nga lang kasi hindi sila nagkatuluyan" sabi niya at bigla siyang tumingin ng diretso sa mga mata ko. "B-bakit hindi sila nagkatuluyan?" tanong ko, sa pagkakataong iyon sobrang lakas na ng kabog ng puso ko. hindi ko maipaliwanag ang biglaang pagkirot ng puso ko. Naalala ko bigla sinabi ni Sir Albert kanina na hindi nga nagkatuluyan ang dalawang bida sa kwento. "Gusto mong malaman kung bakit hindi nagkatuluyan si Fidel at Salome?" tugon ni Sir Nathan habang nakatingin pa rin ng diretso sa mga mata ko. kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot na hindi ko rin maipaliwanag. ~Sayang giliw ito ang sinapit Akin lamang napag-alaman Wala ang tindi ng poot at 'yong galit Kung wala ring mababalikan~ ~Bakit hindi kita mapigil at magawang kita'y habulin Hindi makakibo't, paa'y kapwa aking di magalaw~ ~Hanggang tingin na lamang ang akin hanggang maglaho sa abot tanaw Hidwaan natin mananatili Sayo ba'y meron katuturan Di na batid na tatalikdan ang hinagap nating sumpaan Hahantong din pala ang lahat sa kabiguan~ Kalungkutan mula sa kaniyang mga mata na kaprehong nararamdaman ko sa tuwing bumubuhosang ulan. Sa mga oras na iyon, parang bumagal ang buong paligid habang nakatingin din ako ng diretso sa mga mata ni Sir Nathan, at paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang tanong na... Bakit hindi nagkatuluyan si Fidel at Salome? P 10-15 *************** Featured Song: 'Coda' by Spongecola Note: Kapit lang mga anak base kasi sa title pa lang ng OALS ay "Asymptote" na ito. Ang main problemng story na ito ay ang alamin ni Aleng ang dahilan kung bakit naging Asymptote ang love story na ito. Hindi ba kapag may katanungan tayo sa buhay inaalamnatin kung bakit naging ganoon ang resulta ng lahat? Samahan natin si Aleng sa pagtuklas ng dahilan kung bakit naging Asimptota ang pag-iibigan ng kwentong ito. Maraming Salamat mga anak ? Source of function in algerbraic equation: https://revisionmaths.com/advanced- level-maths-revision/puremaths/algebra/functions "Coda" by Spongecola Hindi pwede! Walang inspiration dalas naman umulan diyan ?? P 10-16 Kabanata f(x - 9) 76.3K 2.8K 1.7K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 9] Our Asymptotically Love Story (page 46 - 62 ) Ikaapat na Kabanata Filipinas 1688 "Nais mo rin bang matuto Lumeng? Handa akong turuan ka" Paulit-ulit na naglalaro ang mga katagang iyon sa isipan ni Salome habang nakahiga sa papag at nakatulala sa bubong ng kubong kanilang tinutuluyan na gawa sa pawid. Hindi niya rin maalis ang mga ngiti sa kaniyang labi habang inaalala ang tagpong iyon nila ni Fidel kani-kanina lamang. Tango at walang humpay na pasasalamat ang paulit-ulit na namutawi sa labi ni Salome dahil inalok din siya ni Fidel na tuturuan siya nito magbasa at sumulat sa alpabeto, maging ang pagbabasa at pagsusulat sa wikang kastila ay ituturo rin sa kaniya. Bukod sa hindi makapaniwala at nasasabik na si Salome na matuto ay hindi niya rin maitago ang katotohanang nasasabik din siyang makasama ng madalas si Fidel. At hindi nga niya maitatanggi na nagkakagusto na siya sa binata. Napalingon siya kay Ising dahil napagalaw ito sa pagtulog habang humihilik ng malakas, si Ising ang katabi niya sa papag na may malaking banig na nakasapin. Nasa kabilang dulo naman si Susana at Piyang. Samantala sa isang maliit na kama na gawa sa kawayan naman natutulog si Manang Estelita. Napatagilid na lamang si Salome at napatingin sa maliit na uwang ng bintana sa gilid. Mahina lang ang pagpatak ng ulan na animo'y nagdudulot ng magandang pakiramdamkay Salome. Ipinikit na niya ang kaniyang mga mata ng may ngiti sa kaniyang labi. P 11-1 Kinabukasan, maagang ginising ni Manang Estelita ang mga tagapasilbi upang makapaghanda na sila ng agahan. Si Salome ang naatasan na magtungo sa kulungan ng mga manok upang kumuha ng mga sariwang itlog. Dahil likas ang pagiging pilya kay Salome naisip niyang habulin ang mga manok at maglaro, tuwang-tuwa siya nang magsitakbuhan ang mga manok dahil sa presensiya niya. Nagsusunggaban at nagliliparan ang mga ito dahilan para mapahalakhak sa tuwa si Salome ngunit bigla siyang napatigil nang biglang may nagsalita sa kaniyang likuran. "Maari bang magtanong? nasaan ang mga guardia personal ng haciendang ito? hindi kami makapasok dahil nakasara ang daan" tanong ng isang lalaki na may edad na, may katabaan din ito at mababakas agad ang dugong kastila nito. Nakilala ni Salome ang matandang lalaki na iyon na naka-damit pang prayle. si Padre Bernardo. May kasamang isang napaka-puti at napakagandang binbining Kastila si Padre Bernardo, nakaharang ang hawak nitong abaniko sa kaniyang mukha kung kaya't hindi masyado maaninag ni Salome ang itsura ng binibini ngunit sigurado siyang nagtataglay ito ng kagandahan. "Sandali lang ho, tatawagin ko po ang- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil nagsalita na si Padre Bernardo at bakas ng pagkairita sat ono ng boses nito. "Hindi na kailangan, ikaw na mismo ang magbukas ng daan para sa amin, naglalaro ka lang naman riyan" puna ni Padre Bernardo dahilan para mapayuko si Salome. Ramdamniya na hinahamak siya ng kaniyang kausap. Mga pinagpatong-patong na bato lamang ang bakod ng hacienda at hanggang ilong lamang ni Salome ang taas ng bakod. nakasakay naman sa kalesa si Padre Bernardo at ang dalagang kasama niya kung kaya't mas mataas sila sa bakod. tumango na lang si Salome at dali-daling tumakbo papunta sa gate ng hacienda, wala nga roon ang dalawang guardia civil na nagbabantay, mabuti na lang dahil hindi ito nakasara. Binuksan na ni Salome ang gate at napayuko siya nang pumasok na ang kalesang sinasakyan ng mga bisita. ngunit napatigil ang kalesa sa tapat ni Salome dahil iniutos ito ng binibining kasama ni Padre Bernardo. ibinaba nito ang abanikong nakatakip sa kaniyang mukha, napatulala na lamang si Salome sa kagandahang taglay ng binibini. Ngunit hindi ito nakangiti sa kaniya, sa halip ay tinaasan pa nito ang kilay niya. "Cual es tu nombre?" (what is your name?) hindi naman alamni Salome ang kaniyang sasabihin dahil hindi siya nakakaintindi ng wikang Kastila. "Florencia... Mi sobrina, No pierdas el tiempo hablando con Indiyos" (Florencia... My niece, Don't waste P 11-2 our time talking with Indiyos) "La vimos jugando, creo que Patricio debe ser consciente de que trabajadores no eran responasbles!" (We saw her playing around, I think Patricio must be aware that his workers were not responsible!) "Que esperas? Indiyos son perezosos e irresponasables" (What do you expect? Indiyos are lazy and irresponsible) Magsasalita pa sana muli ang kastilang dalaga ngunit inutusan na ni Padre Bernardo ang kutsero na patakbuhin na ang kabayo. Naiwan namang blanko si Salome sa kinatatayuan niya, Kahit hindi niya naintindihan ang pag-uusap ni Padre Bernardo at ng kastilang binibini na kasama nito batid niyang hindi maganda ang mga sinabi nila dahil sa ekspersyon ng mga mukha nila at kung paano nila tingnan ng masama si Salome. Isinara na lamang niya muli ang gate at nagtungo na sa kulungan ng mga manok upang manguha ng mga itlog. Pagdating sa kusina, Hindi na magkamayaw si Manang Estelita dahil hindi pa rin sila tapos sa pagluluto ng paella na para sa agahan. Hindi rin nila akalain na magkakaroon ng biglaang bisita, kung kaya't mas lalo silang nagmadali sa pag-luluto. "Bumaba na ba si Senor Fidel?" tanong ni Manang Estelita kay Ising na kakarating lang din sa kusina. habang si Susana at Piyang naman ay hindi na magmayaw sa paghahalo ng putahe at pagpapanatili ng apoy sa pugon. "Hindi pa ho Manang, mukhang tulog pa ho si Senor Fidel natatakot po ako na- " "Ising, nakakahiya kay Padre Bernardo at sa pamangkin niyang si Senorita Florencia, katukin mo muli si Senor Fidel sa kaniyang silid" utos ni Manang Estelita at nasindak sila dahil napalakas ang tono ni Manang Estelita dulot na rin ng pagod at alalahanin sa kanilang niluluto na hindi pa rin tapos hanggang ngayon. "Dalhan mo ng maiinomsi Padre at ang pamangkin niya" utos pa ni Manang, magtutungo na sana si Salome sa lagayan ng mga baso ngunit biglang nanguna rin doon si Ising "Lumeng, Ako na ang bahala rito, ikaw na lang ang umakyat sa silid ni Senor Fidel" pakiusap ni Ising kay Salome, mahina lamang ang bulungan nila dahil baka marinig sila ni Manang Estelita. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome dahil sa panukala ni Ising. "Ha? ngunit ikaw ang inutusan ni Manang na umakyat sa- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil napalingon siya sa gilid kung saan naaninag niya si Florencia na nakatingin ng masama sa kanila. P 11-3 Bakit ba ang sama ng tingin sa akin ng babaeng iyon? ang sarap tusukin ng kaniyang mga mata. "Ano Lumeng? Ako na lang ang maghahatid ng inumin kay padre Bernardo at sa pamangkin niya" patuloy pa ni Ising. Napatango na lamang si Salome, mas makabubuti kung hindi na lang siya ang maghahatid ng inumin sa mga bisita dahil baka hindi siya makapagpigil sa inaasta ni Florencia sa kaniya. "Oh siya, ako na ang tutungo kay Senor Fidel" tugon ni Salome dahilan para mapayakap si Ising sa kaniya dahil sa tuwa, agad naman silang sinaway ni Manang Estelita dahil sa ingay nila. Napahinga na lamang ng malalimsi Salome bago lumabas sa kusina, isinuksok rin niya ang nakalawit na hibla ng kaniyang buhok sa gilid ng kaniyang tenga. Pinagpagan rin niya ang kaniyang baro't saya saka humakbang na papalabas sa kusina. Nagbigay galang naman siya kina Padre Bernardo at Florencia na ngayon ay nasa salas habang kinililatis ang mga mamahaling kagamitan sa loob ng mansyon na nagmula pa sa iba'tibang panig mg Europa. Dumiretso na si Salome paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon ngunit kahit siya ay nakatalikod na nararamdaman pa rin niya ang masamang tingin ni Florencia sa kaniya. Napakatok siya ng tatlong beses sa silid ni Fidel at hindi niya maitatanggi na sobrang lakas na ng kabog ng kaniyang dibdib dahil makikita at makakaharap na naman niya ang binata. "S-senor Fidel" tawag niya ngunit hindi ito tumugon. kumatok pa siya muli ng ilang beses sa pinto "Senor Fidel... K-kayo po ay mayroong panauhin ngayon" tugon pa ni Salome sabay katok muli sa pinto. Ngunit wala pa ring tugon mula kay Fidel kung kaya't idinikit niya ang kaniyang kaliwang tenga sa pinto upang pakinggan ang loob ng silid. Bakit tahimik lang ang loob ng silid? Bakit wala akong marinig? o di kaya kanina pa gising si Senor Fidel at namamasyal na siya ngayon sa hardin? inilayo na ni Salome ang kaniyang ulo sa pinto at akmang kakatok muli, sa pagkakataong ito nilakasan niya ang pagkatok ngunit nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at huli na ang lahat dahil ang kaniyang kamao ay tumama sa dibdib ni Senor Fidel na papalabas na sana sa pintuan. Nanlaki rin ang mga mata ni Fidel dahil sa gulat at napatingin ito sa kamay ni Salome na nakapatong na sa kaniyang dibdib. Nang matauhan ay agad inialis ni Salome ang kaniyang kamay na nasa dibdib ni Fidel at napaatras na lamang siya sabay yuko "M-magandang umaga ho Senor, M-may panauhin po kayong naghihinatay sa ibaba" kinakabahang tugon ni Salome at napahawak na lamang siya ng mahigpit sa kaniyanv P 11-4 kamay, nararamdaman pa rin niya ang init mula sa dibdib ni Fidel. "G-ganoon ba... Sige Maraming Salamat" sagot ni Fidel sabay hawak sa kaniyang dibdib, nararamdaman naman niya ang malambot na kamay ng dalaga. Isinuot na lamang niya ang kaniyang sumbrero at isinara ang pinto. Ngunit bago siya bumaba ng hagdan ay napalingon muli siya kay Salome na naistatwa na sa gilid. "Oo nga pala... bukas mo na lamang dalhin ang iyong mga kapatid na nais maging bahagi ng aking klase, paumanhin dahil may importanteng lakad ako mamayang hapon" saad ni Fidel, napatango na lamang si Salome at lumipas pa ang limang segundo bago tuluyang bumaba ng hagdan si Fidel. Nang makaalis na ang binata agad napasandal si Salome sa dingding at napahawak sa kaniyang puso, animo'y nabunutan siya ng malaking tinik sa lalamunan at ngayon ay nakahinga na siya ng maluwag. Senor... paano mo nagagawang pakabugin ng ganito ang aking puso? Sa mansyon na rin nag-agahan sina Padre Bernardo at Florencia. Nasa hapag silang tatlo at abala sa pagkwekwentuhan si Padre Bernardo at Fidel, Hindi naman maintindihan ng mga tagapagsilbi kung ano ang kanilang pinag-uusapan dahil wikang kastila ang kanilang gamit. Nakasilip lang sa gilid ng pinto sa kusina si Salome at Ising habang pinagmamasdan sila. Hindi mapigilan ni Salome na humanga lalo kay Fidel dahil sa galing nito sa pagsasalita lalo na sa pagbigkas ng wikang Kastila. Samantala, mahinhin at palagi lang nakayuko si Florencia habang kumakain sila. Paminsan-minsan ay kinakausap siya ni Fidel ngunit madalas lamang ito magtakip ng abaniko sa mukha habang nagsasalita. Anong mayroon dito sa babaeng ito? Bakit kanina halos masunog na ako dahil sa matalim niyang tingin sa akin ngunit ngayon parang isang anghel at pangiti-ngiti pa sa harap ni Fidel... ni Senor Fidel! "Lumeng, Hindi ako nagtitiwala sa babaeng iyan, Pagmasdan mo ang kaniyang kilos, Nagbibigay motibo siya kay Senor Fidel... bagaman nakatakda na siyang ikasal kay Senor Patricio" bulong ni Ising dahilan para gulat na mapatingin sa kaniya si Salome. Tatlong taon nang naninilbihan si Ising sa hacienda Montecarlos kung P 11-5 kaya't marami itong nalalaman. "Talaga? kung gayon... bakit ganiyan na lamang siya kung makatingin kay Fidel" reklamo pa ni Salome, kulang na lang ay sumugod siya roon at ipalamon kay Florencia ang hawak nitong abaniko. "Lumeng! Bakit Fidel lang ang iyong tawag kay Senor Fidel?" puna ni Ising sabay ngisi nito. Napaiwas naman ng tingin si Salome sa kaniya at napapasigaw na lamang ito sa kaniyang utak kung bakit hindi niya tinawag na Senor si Fidel. Paano ba naman kasi nasanay na ang kaniyang utak na tawaging 'Mahal kong Fidel' ang binatang kastilang iyon. "Sinasabi ko na nga ba... ikaw ay may pagtingin kay Senor Fidel" pang-asar pa ni Ising dahilan para mas lalong mamula sa hiya si Salome. Hindi niya akalain na ganoon kahalata sa kilos at itsura niya ang paghanga kay Fidel. "Wala akong pagtingin kay- " "Magsitigil kayong dalawa... Walang sinuman ang maaaring humanga sa mga Ginoong Montecarlos, lalo na kay Senor Fidel" suway ni Manang Estelita na kanina pa pala nasa likuran ni Salome at Ising habang nakasilip ito sa gilid ng pintuan. Agad namang napatindig ng diretso si Salome at Ising, napayuko sila at humingi ng paumanhin. "Magsibalik na kayo sa inyong mga trabaho" patuloy pa ni Manang Estelita, agad namang kumaripas ng takbo papalabas sa likod ng mansyon si Salome at Ising. Napailing na lang si Manang Estelita, nakukutuban niyang may hindi magandang mangyayari kung sakaling magkapalagayan ng loob si Salome at Senor Fidel. Hindi naman nagtagal ay umalis na rin si Padre Bernardo at Florencia, naaninag pa ni Salome na tiningan siya ni Florencia ng masama bago ito sumakay sa kalesa. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang sama ng tingin sa kaniya ni Florencia. P 11-6 Matapos naman ang tanghalian, Nagulat si Salome nang ibinalita sa kaniya ni Manang Estelita na nasa labas ng hacienda si Felicidad. Ipinaalamni Felicidad si Salome kay Manang Estelita upang may makasama ito sa paghatid ng mga buto ng bulaklak na binili ng pamilya Flores sa kanilang kuya Ernesto. Magaling kasi magpatubo ng bulaklak si Ernesto. Pinayagan naman ni Manang Estelita si Salome na makalabas sa hacienda dahil wala namang problema kay Fidel kahit umuwi muna sa tahanan ang mga tagapagsilbi sa oras ng siyesta. Ngunit kailangan bumalik ni Salome bago mag alas-kwatro ng hapon. "Masayang-masaya ka ata ngayon ate, Anong mayroon?" puna ni Salome sa kaniyang ate Felicidad na wagas makangiti ngayon habang nakahawak ito sa kaniyang braso at naglalakad sila papunta sa hacienda Flores. bitbit nila ang dalawang bayong na naglalaman ng mga buto ng bulaklak. Maaliwalas ang kalangitan ngayon at tuyo na rin ang kalsadang lupa kung kaya't mas maginhawa maglakad dahil wala ng mga putik sa daan. napangiti lang lalo si Felicidad dahil sa tanong ni Salome, animo'y lumilipad siya ngayon sa ere dahil sa saya "Ate Fe, ikaw ba ay umiibig?" patuksong tanong pa ni Salome dahilan para mamula ang pisngi ni Felicidad. Napatango ito at napahawak ng mahigpit sa braso ni Salome dahil sa tuwa. "Oo Lumeng! Ako'y umiibig nga" Pag-amin nito sabay bitaw sa braso ni Salome at nagpaikot-ikot sa daan. Wala namang ibang taong naglalakad ngayon kung kaya't malaya si Felicidad na magpaikot-ikot doon dahil sa matinding galak na kaniyang nararamdaman. "At sino naman ang maswerteng binata na bumihag ng puso mong pihikan?" panukso pa ni Salome, natatawa na lamang siya dahil ngayon na lang niya muling nakita na ganoon kasaya ang kaniyang ate Felicidad. Magmula kasi nang lisanin nila ang Tondo, naging malungkutin at sakitin na si Felicidad kung kaya't masayang-masaya si Salome dahil nakakangiti na muli ngayon ang kaniyang ate. "Makikita natin siya ngayon" Tugon ni Felicidad, nanlaki naman ang mga mata ni Salome. "Talaga? nasa hacienda Flores ang binatang bumihag sa iyong puso?" tanong pa ni Salome at hindi na rin niya maitago ang saya sa kaniyang labi. Ang kaniyang ate Felicidad kasi ang sinasabi ng kanilang ina na si Nay Delia na mag-aahon sa kanila sa kahirapan sa oras na makasal ito sa mayamang binata. Ang kagandahang taglay ni Felicidad ay maipapantay sa mga senorita na nagtataglay ng dugong Espanyol. "Oo Lumeng kung kaya't tayo'y magmadali na upang masumpungan natin siya" nakangiting tugon ni Felicidad sabay kapit sa braso ni Salome at mabilis silang naglakad habang nagtatawanan. Nang malapit na sila sa hacienda Flores, hindi mapigilan ni Salome na mamangha sa ganda ng mansyon ng mga Flores dahil napapaligiran ito ng samo't saring mga bulaklak. "Dito nakatira ang binatang iyong iniibig P 11-7 ate?" "Hindi ako sigurado ngunit pang-apat na beses ko na siyang nakikita rito, madalas siyang tumambay sa azotea at magpalipas ng oras doon" tugon ni Felicidad at biglang namula ang pisngi nito habang inaalala ang binatang bumihag sa kaniyang puso. "Nagkakilala na kayo ng binatang iyon?" "Oo Lumeng... Kahapon nang ihatid ko ang mga buto ng bulaklak na pinadala sa akin ni Kuya Ernesto... Nilapitan ako ng binatang iyon at tinanong ang aking pangalan, batid ko na siya'y interesado sa akin at tinanong niya pa kung maaari raw ba akong ligawan" kinikilig na tugon ni Felicidad. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome dahil sa sinabi ng kaniyang ate. "Ano? Bakit ang bilis naman? Kakakilala niyo lamang ay balak ka na niyang ligawan agad? Paano kung may asawa na siya? Paano kung may nakatakda palang ikasal sa kaniya? Paano kung- " hindi na natapos ni Salome ang sermon niya dahil biglang bumukas na ang gate ng hacienda Flores, Hindi niya namalayan na nasa tapat na pala sila ng hacienda dahil abala sila sa pagkwekwentuhan. Tumango naman ang dalawang guardia personal sa kanila, kilala na nito si Felicidad kung kaya't hindi na sila tinanong pa at agad na pinapasok sa hacienda "Bakit pa kailangang patagalin kung pareho niyo namang gusto ang isa't-isa? Bakit kailangan pang idaan sa mga nakaw na tingin kung maaari mo namang sabihin ng diretso sa kaniya na gusto mo siya? Bakit pa kailangang pahabain ang prusisyon kung sa simbahan din naman ang tuloy" wika pa ni Felicidad, napailingiling na lang si Salome dahil nagawa pa nitong gumamit ng kasabihan. "Mukhang tinamaan ka talaga sa kaniya ate" tugon pa ni Salome at napailing-iling pa rin ito. dahil hindi siya sang-ayon sa pananaw nito sa pag-ibig. Ilang saglit pa biglang hinawakan ni Felicidad ng mahigpit ang braso ni Salome "Lumeng! Hayan na siya, patungo na siya sa azotea" kinikilig na tugon ni Felicidad sabay turo sa isang matangkad na binatang kastila na nakatayo sa azotea. nakatagilid ito sa kanila habang tinatanaw ang ganda at lawak ng hardin ng hacienda Flores. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome dahil sa gulat nang makilala niya kung sino ang lalaking tinutukoy ng kaniyang ate Felicidad... Hindi ako Nagkakamali! Siya ang hambog na kastilang pinagkamalan akong babaeng bayaran! "Tinatawag siyang Patyong ng kaniyang mga kaibigan ngunit sinabi niya sa akin na Patricio ang kaniyang ngalan... Hindi ko nga lang nalaman kung ano ang kaniyang apelyido dahil sumingit sa aming usapan si Manang Dolores at pinauwi na ako" tugon pa ni Felicidad habang nakatitig kay Patricio. Naistatwa lamang si Salome sa kanilang kinatatayuan, Hindi siya makapaniwala na ang lalaking hambog na P 11-8 iyon ang napupusuan ng kaniyang ate Felicidad. Akmang palingon n asana si Patricio sa kinaroroonan nila nang biglang napatakbo si Salome sa likod ng isang puno upang magtago. Nagtaka naman si Felicidad at akmang susunod sana kay Salome ngunit dumating na si Manang Dolores at dali-daling kinuha ang mga bayong kay Felicidad at inabot ang bayad dito "Hija, sa susunod ang iyong kuya Ernesto o si Danilo na lamang ang papuntahin niyo rito" pagsusungit ni Manang Dolores, napayuko naman si Felicidad at sinulyapan muli si Patricio na ngayon ay hindi sila nakita dahil pumasok na muli ito sa mansyon. Sinarhan na ni Manang Dolores ng pintuan si Felicidad at hindi naman mapigilan ni Salome na maawa sa kaniyang ate habang nakatago pa rin sa likod ng isang puno at nakasilip doon. Hindi niya rin mapigilang mainis dahil sa pangyayari. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng lalaki dito sa mundo sa isang hambog na binata pa nahulog ang ate ko?! Walang imik na naglalakad pauwi si Salome at Felicidad. Bakas sa mukha ni Felicidad na labis nitong ikinalungkot dahil hindi niya nakausap si Patricio. Hindi naman magawang ikwento ni Salome na isang hambog at masama ang pag-uugali ni Patricio dahil ayaw na niyang madagdagan pa ang kalungkutan ng kaniyang ate ngayon. Mas mabuti siguro kung sa susunod na araw ko na lang ikwekwento kay ate na nakadaupang palad ko na rin ang binatang iyon. Nag-presenta si Salome na huwag na siyang ihatid ng kaniyang ate Felicidad pabalik sa hacienda dahil malapit na lamang ito, at isa pa magkaiba ang direksyon ng daan papunta sa barrio Tagpi at sa hacienda Montecarlos. Nagpaalamna sila sa isa't-isa at pinasabi rin niya na magtungo si Danilo at Julio bukas sa hacienda Montecarlos dahil makakasama sila sa klase ni Senor Fidel. Tango lamang ang isinagot ni Felicidad kung kaya't niyakap siya ni Salome. "Mag-iingat ka Lumeng, pasensiya na kung wala na akong gana magkwento ngayon" paliwanag pa ni Felicidad, hinimas-himas naman ni Salome ang likod ng kaniyang ate habang yakapyakap niya ito. "Ayos lamang iyon ate, sa Linggo ay makakauwi muli ako sa ating tahanan" P 11-9 Habang naglalakad pauwi si Salome hindi niya mapigilang mapaisip ng malalim. Kailangan niyang pigilan ang nabubuong pag-ibig ng kaniyang ate Felicidad sa mayabang na Patricio na iyon. Ngunit kailangan niyang magdahan-dahan dahil baka hindi niya nais na masaktan ang kaniyang ate. Napatigil lang sa paglalakad si Salome nang marinig niya ang paparating na kalesa, Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makilala si Mang Berto na siyang kutsero ng kalesang iyon. Ibig sabihin maaaring lulan niyon si Senor Fidel! Dahil sa pagkabigla patakbong nagtungo si Salome sa likod ng isang puno upang magtago sana ngunit huli na ang lahat dahil nakita na siya ni Fidel. Agad pinatigil ni Fidel ang kalesa sa tapat ng punong pinagtataguan ni Salome "Lumeng... Lumabas ka na riyan, Wala ng saysay ang iyong pagtatago dahil nasumpungan na kita" saad ni Fidel at pareho silang natawa ni Mang Berto. Napapikit na lang sa inis si Salome dahil nahuli siya. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng lugar dito sa San Alfonso dito pa ulit masasalubong si Senor Fidel? "Sige ka... Hindi kami aalis dito kahit abutin kami ng gabi hangga't hindi ka lumalabas diyan" pang-asar pa ni Fidel dahilan para mapahinga na lang ng malalimsi Salome at humakbang na papalabas sa likod ng puno na kaniyang pinagtataguan. Napatulala naman siya dahil nakatawa ngayon si Fidel, animo'y sumingkit ang mga mata nito at kitang-kita niya ang ganda ng mga ngipin nito. "Natakot ata si Salome na abutin siya ng gabi sa likod ng punong iyan" kantyaw pa ni Mang Berto at nagtawanan muli sila ni Fidel. Gusto sanang magalit ni Salome dahil pinagtatawanan siya ng mga ito ngunit makita niya lang ang pagtawa ni Fidel ay nagsimula na namang matunaw ang kaniyang puso. "Bueno, Umangkas ka na rito Lumeng" tugon pa ni Fidel nang mahismasan na ito sa pagtawa. Yumukod siya at iniabot ang palad kay Salome upang hilahin ito paakyat sa kalesa. Nagulat naman si Salome at napatitig sa palad ng binata na nasa tapat niya. Nang dahil sa ginawa ni Fidel parang sasabog na ngayon ang puso ni Salome dahil sa kaba. "Halika na" ulit pa ni Fidel dahilan para mapatingala sa kaniya si Salome at mapatingin ito ng diretso sa kaniyang mga mata. Sa pagkakataong iyon, dahan-dahang umihip ang hangin dahilan para magsilaglagan ang mga dahon ng puno ng Malabulak na kulay violet. Muli ay naramdaman na naman ni Salome ang walang humpay na pagtibok ng kaniyang puso sa binatang nakatingin rin ngayon ng diretso sa kaniyang mga mata. "Lumeng, umakyat ka na" napatigil lamang sila sa pagtitigan nang biglang magsalita si Mang Berto, at dahil doo'y humawak na si Salome sa nakalahad na palad ni Fidel at hinila siya paakyat sa kalesa. "Tayo na, baka abutin pa tayo ng gabi" patuloy pa ni Mang Berto at sinimulan na niyang patakbuhin ang kabayo. P 11-10 Napakapit naman si Salome sa gilid ng kalesa at napausog sa gilid. Napausog rin si Fidel sa kabilang dulo upang siguraduhin na may espasyo pa sa pagitan nilang dalawa. Nang marating nila ang kabisera ng San Alfonso, dumiretso ang kalesang sinasakyan nila sa palengke at tumigil rito. "Senor, masyado pong maraming tao ngayon, makipot ang daan kung kaya't hindi po makakapasok ang kalesa" tugon ni Mang Berto. Napatango na lamang si Fidel at inayos ang kaniyang sumbrero sa kaniyang ulo. "Ayos lang Mang Berto, maglalakad na lamang kami, Hintayin mo na lang kami rito" tugon ni Fidel, nagulat naman si Mang Berto at napatingin sa kanilang dalawa ni Salome. "Ngunit Senor kayong dalawa lamang po ni Lumeng? Baka po kung anong isipin ng mga tao kapag nakitang wala kayong ibang kasama" mungkahi ni Mang Berto, napagtanto naman ito ni Fidel at nahiya siya bigla. Nawala sa kaniyang isipan na siya'y binata at si Salome ay dalaga, Hindi kaaya- ayang tingnan sa panahon nila na makitang silang dalawa lamang ang magkasama. "G-gayon po ba? Sumama na rin po kayo Mang Berto" saad ni Fidel at bumaba na siya sa kalesa. Ilalahad niya sana ang kaniyang palad upang alalayan si Salome makababa sa kalesa ngunit nakalundag na ito dahil sa kaba. Itinali naman ni Mang Berto ang kalesa sa gilid ng isang tindahan at ibinilin ito sa tindera doon na kakilala niya. Nagsimula na silang maglakad, nauuna si Fidel habang nasa likod naman niya si Salome at nasa hulihan naman si Mang Berto. Napapatingin ang mga tao kay Fidel at bumabati rito, lalo na ang mga ina na may mga anak na kasama ang kanilang mga dalagang anak. Panay ang sulyap ng mga dalaga sa kaniya at pagtakip ng kanilang mga abaniko sa kanilang mukha. Hindi naman mapigilan ni Salome na mailang dahil sa kaniyang mga nakikita lalo na sa mga kababaihan na nagnanakaw ng tingin kay Fidel. Nais niya sanang kausapin at tanungin si Fidel kung bakit siya isinama nito at kung anong gagawin nila sa palengke ngunit inuunahan siya ng kaba. Hindi rin siya makatyempo na magtanong kay Fidel dahil panay ang pagbati sa kaniya ng mga kababaihan. Magalang naman na binabati ni Fidel pabalik ang mga binibini. Nagulat si Salome nang biglang tumigil sa paglalakad si Fidel at pumasok ito sa tindahan, nanlaki ang mga mata ni Salome nang mapagtanto niya na ang tindahang iyon ay ang tindahan ng mga kuwaderno, talaaarwan at pluma na tinigilan niya kahapon. "Buenas tardes Senor Fidel, Puedo Ayudarlo?" (Goodafternoon Senor Fidel, May I help you?) magiliw na tanong ng isang kastilang negosyante na wala ng buhok sa ulo. Magiliw rin siyang binati ni Fidel na animo'y matalik silang magkaibigan. "Buenas tardes Don Antonio Flores, voy a abrir mi clase manana y necesito papel y tinta" (Goodafternoon Don Antonio Flores, I am going to open my class tomorrow and I need some P 11-11 paper and ink) "Todos lo tenemos aqui, venimos adentro" (We all have it here, come inside) Pumasok na sila sa loob, naiwan naman si Salome sa labas habang tinititigan ang itimna plumang nais niyang bilhin para kay Danilo. Ngunit hindi niya iyon nabili kahapon dahil sa pagkainis niya sa mga binatang kastilang nakasalamuha niya, at mukhang hindi niya rin mabibili iyon ngayon dahil wala siyang dalang pera, biglaan lamang siyang sinama dito sa palengke at hindi siya nakapagdala ng pera. Dinampot muli ni Salome ang plumang iyon at pinagmasdan ito ng mabuti. Balang araw ay mapapasaakin ka rin. Napasulyap siya sa loob ng tindahan at nakita niyang papalabas na si Fidel at Don Antonio Flores, kinuha naman ni Mang Berto ang mga kuwaderno, pluma at tinta na pinamili ni Fidel. Ibinalik na ni Salome ang plumang iyon sa lagayan nito at tumulong sa pagbubuhat ng mga pinamili. Nagpaalamna si Fidel kay Don Antonio at umalis na sila. Habang naglalakad sila pabalik sa pinaradahan ng kalesa biglang napatigil sa paglalakad si Fidel at kinuha niya kay Salome ang bitbit nitong bayong na naglalaman ng mga kuwaderno "A-ako na ho Senor, nnakakahiya naman ho kung kayo pa ang magdadala ng mga ito" tugon ni Salome ngunit nakuha na ni Fidel ang kaniyang mga dalahan. "Ako na lang, baka hindi ka na tumangkad niyan" biro pa ni Fidel sabay tawa, kahit saglit lamang ang pagtawa nito nagdulot naman ito ng matinding pagpintig sa puso ni Salome, hindi na namalayan ni Salome na napatitig siya sa napakagandang ngiti at pagtawa ni Fidel. Nang matauhan siya ay bigla lamang siyang naglakad ng diretso dahil naramdaman niyang nag-iinit na ngayon ang kaniyang pisngi at baka mapansin ni Fidel ang pamumula nito. Nauna naman sa paglalakad si Mang Berto dahil bitbit nito ang napakaraming bayong na naglalaman ng mga samo't-saring mga kagamitan sa pag-aaral na pinamili ni Fidel. Hindi naman makalakad ng mabilis si Salome dahil napakadaming tao at mabagal ang used ng paglalakad mga tao na nasa unahan nila. hindi naman mapakali si Salome at animo'y mahihimatay na siya dahil sa kaba nang maramdaman niyang nasa likod lamang niya si Fidel, naamoy niya ang mabangong halimuyak ng binata at hindi niya mapigilang madala sa bango nito. "May nais sana akong itanong sa iyo" narinig niyang tugon ni Fidel, nalamayan na lang niya na awtomatikong napalingon na siya sa binata "A-ano po iyon Senor?" tanong niya nang hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito. Mabagal pa din ang used ng kanilang paglalakad. P 11-12 "Ikaw ay bihasa sa baybayin hindi ba?" tanong ni Fidel, napatango naman si Salome. "Napakaganda ng inyong paraan sa pagsusulat, humanga ako sa ganda ng bawat detalye ng mga letra ng baybayin, paumanhin dahil nakita ko iyong nakasulat sa harapang bahagi ng iyong kuwaderno" patuloy pa ni Fidel. Naalala ni Salome na isinulat nga niya sa unang bahagi ng kaniyang kuwaderno ang kaniyang pangalan sa paraang baybayin. (Salome) "Ako'y nagtataka kung bakit nais mong matuto magsulat at magbasa sa wikang alpabeto gayong magaling ka sa baybayin" tanong ni Fidel, napangiti naman ng kaunti si Salome. At sumabay na siya sa paglalakad ng binata. "Ang totoo pong dahilan kung bakit nais ko pong matuto magsulat at magbasa ng alpabeto ay upang maisalin ko po rito ang kwentong nais kong gawin, ang kulturang baybayin po ng aming mga ninuno ay unti-unti ng namamatay at sa panahon ngayon alpabeto na ang tinatangkilik ng mga tao kung kaya't nais ko pong isulat rin sa alpabeto ang aking gagawing akda" sagot ni Salome. Napatango at napangiti rin ng bahagya si Fidel. Hindi na nila ngayon napapansin ang madaming tao sa paligid dahil tanging silang dalawa lamang ang nagkakaunawaan at nagkakaintindihan sa lugar na iyon. "Kung gayon... Ano ang nais mong maging wakas ng iyong kwento?" tanong pa muli ni Fidel. Napaisip naman si Salome. "Bakit wakas po agad ang kailangan kong isipin?" nagtatakang tanong ni Salome dahilan para matawa si Fidel at lumabas na naman ang napakagandang mga ngipin nito. "Sa oras na ikaw ay gagawa ng isang nobela o maikling kwento, mahalagang unahin mong isipin ang magiging wakas nito" sagot ni Fidel dahil para lalong magtaka si Salome. Matalino si Fidel at batid ni Salome na hindi siya tuturuan ng mali nito. "Dahil sa oras na napagdesisyunan mo na kung anong magiging kahihinatnan ng iyong kwento, madali mo na lang maisusulat ang daloy nito... Kung masaya ang magiging wakas ng iyong kwento masaya rin ang daloy ng bawat kabanata nito ngunit kung malungkot ang magiging wakas ng iyong kwento, dalawa lang ang maaaring mangyari, Una, malungkot ang daloy ng kwento, at Pangalawa, maaari namang malungkot nga ang wakas ngunit pareho namang masaya ang dalawang karakter nito" paliwanag ni Fidel, napatango-tango naman si Salome. Mahalagang impormasyon ang kaniyang nalaman at natutuwa siya dahil ibinahagi iyon sa kaniya ni Fidel. "Kung gayon... Ano ang magiging kahihinatnan sa dulo ng iyong gagawing istorya?" tanong pa ni Fidel, napangiti naman si Salome sa kaniya. "Nais ko pong maging masaya ang wakas ng aking akda" tugon nito, napangiti naman si Fidel. Mas lalong sumikip ang daan dahil dumami ang mga taong namamalengke ngayong hapon dahil malapit ng magtakipsilim. "Alammo bang hindi lahat ng istorya ay nagtatapos sa iyong kagustuhan? na kahit anong pilit ay malungkot pa rin ang kalalabasan" wika ni Fidel at tumigil ito sa paglalakad. Nagpatuloy naman sa paglalakad si Salome "A-ano pong ibig sabihin niyo Senor?" ngunit namalayan niya na hindi na niya kasabay si Fidel sa paglalakad ay napatigil din siya at napalingon sa likod kung saan nakatayo lang doon sa Fidel habang hawak-hawak ang P 11-13 bayong na bitbit niya. Nawala na ang ngiti sa labi ni Fidel habang nakatingin lang ng diretso sa mga mata ni Salome, mga isang dipa ang layo nila ngayon sa isa't-isa. Nakatingin lang ng diretso si Fidel sa mga mata ni Salome at hindi naman maintindihan ni Salome kung bakit may bahid ng kalungkutan sa mga mata ni Fidel habang nakatingin din siya ng diretso sa mga mata nito. ~Libo-libo na ang nasabi Parang wala namang narinig 'Di ba di ba usapan natin Unti-unting susubukan natin~ ~Kay tagal na, ganito na lamang ba Pano ba't ako'y nasasaktan na~ ~'Di ko alam san ka nanggagaling At bakit ba tayo paulit-ulit Sabihin mo nga, sabihin mo nga Ano nga ba tayo? Ano nga ba tayo? 'Di ko alam ba't ganyan ka sa'kin At bakit hindi mo naman maamin Sabihin mo nga, sabihin mo nga Ano nga ba tayo? Ano nga ba tayo?~ Nakatayo lamang sila doon, sa gitna ng palengke kung saan patuloy na naglalakad sa iba't-ibang direksyon ang mga tao. Biglang bumagal ang paligid, nagsimula namang umilaw ang mga gasera na nakasabit sa itaas na bahagi ng mga tindahan. Palubog na rin ang araw at nagsimula nang balutin ng dilimang buong paligid. "Gusto mo bang malaman kung bakit hindi lahat ng istorya ay nagtatapos ng masaya?" tanong pa muli ni Fidel. At sa pagkakataong iyon parang may kung anong kirot na naramdaman si Salome sa kaniyang puso. Hindi niya maintindihan kung bakit ang mga tingin ni Fidel ay nagdudulot ng matinding kalungkutan sa kaniya... Bakit hindi maaaring maging masaya ang wakas ng kwento nating dalawa? P 11-14 ***************** Featured Song: 'Ano nga ba tayo?' by Jona Lubos kong pinasasalamatan si Binibining dahil siya ang nagsalit sa Baybayin ng mga pangalan ni Salome, Fidel, Aleeza, Nathan at Danilo. Mabuhay ka kapatid! Marami pa kaming ibabahagi sa inyo tungkol sa pagsulat ng Baybayin kung kaya't kapit lang mga bes! Ating tutuklasin ang sinaunang paraan ng pagsusulat ng ating mga ninuno. Ang pagsalin ng mga pangalan sa Baybayin ay hindi official, bukas kami ni Binibining JoanaJoaquin sa mga komento at koreksyon para sa tamang pagsulat ng Baybayin. Muli, Maraming salamat sa inyong lahat! votes and comments are highly appreciated hihi <3 "Ano nga ba tayo?" by Jona Hahaha karamihan ng army'sakala bts nakasulatmygosh??????ako rin eh hahaha Kaiyaq huhuhu ilys1892 P 11-15 Kabanata f(x - 10) 67.2K 2.6K 2K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 10] "Night after night I hear myself say Why don't this feeling just fade away There's no one like you, You speak to my heart, It's such a a shame we're worlds apart" -Westlife (If I let you go) "Gusto mo bang malaman kung bakit hindi nagkatuluyan si Fidel at Salome?" tugon ni Sir Nathan habang nakatingin pa rin ng diretso sa mga mata ko. kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot na hindi ko rin maipaliwanag. Kalungkutan na kaparehong nararamdaman ko sa tuwing bumubuhos ang ulan. "Hindi ko rin alam" patuloy pa ni Sir Nathan sabay ngiti. Yung ngiting nang-aasar. What the- Grabe! Alam niyo yung feeling na ang intense na ng pakiramdammo kasi malalaman mo na ang sagot sa tanong na bumabagabag sayo pero yung kausap mo ang lakas ng trip dahil pinakaba ka lang. Ughh! "Sabihin niyo na sir! Ganun din naman eh malalaman ko din naman" reklamo ko pa pero tinawanan lang ako ni Sir Nathan. Abaaa! ang saya niya ah! "I was just kidding, Hindi ko pa nababasa to, narinig ko lang yung pag-uusap niyo ni Sir Albert sa tapat ng elevator kahapon, your reaction was so epic when Sir Albert spoiled the story" tawa pa ni Sir Nathan, So nakita niya pala yung reaksyon ko na windang na windang nang inispoil sakin ni Sir Albert yung kwento. Teka! Bakit niya kami sinundan sa labas? Magrereact pa sana ako kaso kami na pala ang next sa counter, inilapag na ni Sir Nathan yung basket at binayaran iyon. "Oh? Agcaoili, bakit nakasimangot ka na diyan?" narinig kong bulong pa ni Sir Nathan at nandun pa rin yung ngiti niya na nakakasar. Tuwang-tuwa siya ngayon kasi mukhang naisahan niya ko. "Kasi naman sir feeling close ka" bulong ko para sa sarili ko pero hindi ko akalaing narinig niya pala, kasi mas lalong lumaki yung ngiti niya. Waaahh! Ang hina ng pagkakasabi ko nun ah! Magsasalita na sana siya kaso biglang nagsalita yung cashier "Hi sir! I'mJulie nga pala" panimula nung cashier na wagas makangiti ngayon kay Sir Nathan at may pa-pungay-pungay pa ng mata na nalalaman, lagyan ko ng toothpick yan eh! inilahad niya pa ang palad niya, ngumiti naman si Sir Nathan at nakipag-shake hands din doon sa malanding tahong na babaeng yun. "Nathan" tipid na sagot ni Sir at ngumiti siya yung ngiting hindi labas ang ngipin. P 12-1 Samantalang ako natauod lang doon sa gilid nila sa tabi ng mga giftwrappers, mukha na tuloy akong giftwrap. "Anyway, can i get your number?" habol pa nung cashier, maganda naman si ate crabs, maputi siya at maliit lang din. in-erapan ko na lang sila at napalingon sa likod ko, nagulat ako nang makita ko yung new edition ng calligraphy pen na matagal ko ng pinapangarap bilhin para kay Alex at para sa'kin. tig-isa kami, mahilig kasi kami sa calligraphy at perfect ang pen na yun pang-regalo ko sa nalalapit na birthday ni Alex. Kahit naman palagi kami nagbabangayan mahal na mahal ko pa din ang little brother kong yun. Nagulat ako at napalingon kay Sir Nathan kasi bigla niyang hinawakan yung wrist ko. "Actually, nagmamadali na kasi kami eh... Sige bye" paalamni Sir Nathan sabay dampot nung paper bag na mabagal na binalot nung echeoserang cashier na yun at hinila na niya ako. Whoahhh! Pero bago pa kami makalayo biglang nagsalita ulit yung cashier na mukhang tahong. "O-okay... Bye! Nathan.. Anyway, Ang cute niyong magkapatid" puri pa nung cashier at nakangiti din yung isa pang cashier na katabi niya at bakas sa mukha nila na na-kyukyutan sila samin Whuuuut? Anong Sabe niya?! napalingon naman ako bigla dun sa palakang cashier na yun at mag-aala lion king sana ako at susunggaban ko siya kaso ngumiti lang si Sir Nathan at tumango. "Thanks" sagot niya, Mag-rereact pa sana ako kaso nakalabas na kami sa bookstore. What the heck! Bakit kami pinagkamalang magkapatid?! Ughh! Napalingon naman ako sa mga glass window ng mga store habang hawak-hawak pa din ni Sir Nathan ang wrist ko, nakita ko ang reflection naming dalawa sa salamin. Oh My Goodness! Mukha akong kabute! Dahil sa pagiging praning ko kanina hindi na ko nakapag-ayos pa. At eto ang gulo- gulo ng buhok ko na brinaid ni Jen. At hindi rin maayos ang uniformko. Mukha akong dugyot na elementary na nagpapabili ng cotton candy sa parents pagkatapos ng klase. Habang si Sir Nathan naman ay fresh na fresh all the way, at ngayong magkatabi kami mukha akong spoiled na kinder na dinala ng kuya niya sa mall! Waaahh! Napatigil naman sa paglalakad si Sir Nathan at naramdaman kong binitawan na niya ang wrist ko. "Magkamukha pala tayo" natatawa niyang tugon. Tss, for sure ang saya saya niya kasi ako ang mukhang muchacha at dehado pag pinagtabi kaming dalawa. Ugh. Sabi nga nila, para lumabas ang iyong kagandahan at kagwapuhan tumabi ka sa panget para mag-shine ka. at eto mukhang effective pala, di naman ako aware na ako yung magiging dehado saming dalawa. "Let's eat, nagugutomna ko" sabi pa niya, Whaaat? Wala akong dalang extrang pera! Mag-rereact na sana ako kaso natangay na niya ako. My gosh! ang taksil din ng mga paa ko, bakit sumunod agad dito kay Sir Nathan. P 12-2 "Don't worry, may natira pa sa allowance na binigay ni Dean, pang-kain na lang natin yun" sabi pa niya habang nakatayo kami dito sa counter para pumili ng oorderin. Nasa isang caf� kami, dalawang cappuccino ang inorder ni Sir Nathan at tig-isa din kami ng slice ng blueberry cake. Nakaupo na kami ngayon sa isang table na may 2 seats lang. nasa tabi din kami ng bintana kung saan kitangkita ang view sa baba, nasa second floor kami ngayon. Papalubog na ang araw at nagsisimula nang dumilim ang kalangitan. "Akala ko ba sir nagugutomka, eh bakit dito tayo kumain" reklamo ko, ang liit lang kasi nung slice ng cake, hanggang lalamunan ko lang ata aabot yun. at isa pa tong kape, baka hindi na naman ako makatulog mamayang gabi. Habang tumatagal din hindi ko alamkung bakit nagiging komportable na ko kay Sir Nathan, magaan kasi siya kasama, yun nga lang may times talaga na nagloloko ang puso ko kapag ngumingiti siya. isa pa tong puso ko taksil din. Wala na ba akong kakampi sa mga organs ko? Ngumiti lang si Sir sabay inomsa cappuccino niya. My Goodness! ganito yung mga nakikita ko sa mga movies, may maiiwang mark ng cappuccino sa nguso ng bida tapos pupunasan iyon ng ka-date niya o kaya hahalikan. Anong gagawin ko? pupunasan ko ba yung nguso ni Sir? O hahalikan? Saan ko ba napanood yungNagulat ako kasi pinunasan naman agad ni Sir yung naiwang cappuccino sa nguso niya bago siya nagsalita. Whew! Buti na lang hindi siguro nanonood ng mga cheesy movies to si Sir kaya hindi siya napapraning tulad ko. "If I told you, baka isipin mong feeling close na naman ako" tawa pa niya. Haays, narinig nga pala niya yung bulong ko sa sarili ko kanina. Bakit ba kasi kinakausap ko sarili ko ayan napahamak tuloy ako. Ininomko na lang yung cappuccino ko at agad kong pinunasan yung nguso ko kasi baka halikan niya ko charr! "When I think of it, you're right... kaya siguro medyo naiilang ka pa sa'kin, hindi naman tayo magkakilala and lately niyo lang ako naging professor" patuloy niya pa at chill na chill siyang nakaupo sa upuan niya, samantalang ako eh mukhang tokneneng na hindi gumagalaw sa upuan. "Let me share some details of myself- " "I know you sir, 27 years old ka na, may lahi kang Spanish, kaka-aapply mo lang bilang prof sa school, and you're single and ready to mingle" P 12-3 Bigla akong napatakip sa bibig ko dahil sa huling sinabi ko.... Omg! Aleeza saan mo napulot ang 'MingleMingle' na yan! Gosh! lumalabag ako ngayon sa mga guidelines na ginawa ko... #1. Kailangan may bounderies, dapat teacher-student lang ang set-up namin ni Sir Nathan hindi dapat lalagpas doon. Mas makakabuti kung hindi namin pag-uusapan ang personal na buhay ng isa't-isa. #2. Sa school lang dapat ang session namin, at hangga't maaari dapat sa mataong lugar. My goodness! Aleeza pinapahamak mo na ang sarili mo! hindi ka marunong sumunod sa sariling guidelines na ginawa mo! "How did you know that?" natatawang tanong ni Sir at bakas sa mukha niya na amaze na amaze siya. Omg! Isa pa tong dila ko napakataksil! Putulin ko na kaya to! Napaiwas naman ako ng tingin kay Sir Nathan, hindi ko naman masabi sa kaniya na ginawan na siya ni Iryn at Leana ng facebook page, at nilagay pa nila akong isa sa mga admin doon. Nasa 200 likes na yung page na kakagawa pa lang nila Iryn at Leana noong isang araw. "Uh- sir wala lang po, narinig ko lang sa mga classmates ko na deads na deads sa inyo" tama yan! wag kang magpahalata Aleeza na malapit ka na din ma-deads sa kaniya. Natawa naman si Sir at napailing-iling. Mukhang sanay na sanay na siya na maraming nagkaka-crush at nagfafan girl sa kaniya. Artistahin kasi talaga ang peg niya. "You're right, I'm27, my mother is pure-blooded Spanish and my father is a Filipino, I have an elder brother and a younger sister, my uncle recommended me na magturo sa school niyo... and also, yes I'msingle but I'mnot ready to mingle" halakhak niya pa lalo na yung huling sinabi niya na... 'I'msingle but I'mnot ready to mingle' Napatango-tango na lang ako at pinilit kong makitawa kahit nagmukha akong natatae na ewan sa pagtawa. Nakakahiya bakit pati status niya sinabi ko pa! Kinabukasan, magsisimula na ang first real tutorial session namin ni Sir Nathan mamayang 4 pmsa conference roomsa office nila. at syempre dahil OA sa pagka-excite ang lola niyo nag-aadvance study na ako ng bonggang-bongga, 6 ampa lang ng umaga nandito na ko sa school para basahin yung math textbooks na binili namin ni Sir kahapon. Mamayang 8 ampa ang class ko at ganito ako ka-advance sa oras haha! P 12-4 Mag-isa pa lang ako sa classroomat research I ang first subject namin dahil Thursday ngayon. busy ako ngayon sa pag-sosolve ng Rational Expressions in Algebra nang makaramdamako ng uhaw. Hindi na ako nakadala pa ng bottled water kaninang umaga kasi nagmamadali ako makapasok ng maaga ngayon. Isinara ko na muna yung mga libro at lumabas ng classroom. Tahimik ang buong hallway, wala pang mga maiingay na estudyante. Nasa third floor ako ngayon at nasa lobby pa nakapwesto yung vendo machine. Naghagdan na lang ako pababa kasi ayokong mag-isa sa elevator baka ma-stock pa ko dun at lumabas si Shomba. At dahil nerbyosa at praning ako napatakbo din ako pababa ng hagdan. Medyo madilimpa kasi ngayon dahil hindi pa sumisikat ng bongga ang araw. Pagdating ko sa lobby natanaw ko si Manong guard na nasa labas ng main door, nakatalikod siya at may sinusulat sa log book. Kaming dalawa pa lang ang tao dito, Whew! Buti na lang kahit papaano may tao na rin dito. Naglakad na ako papunta sa Vendo machine na nasa gilid ng pabilog na bench dito sa lobby. Kaso napatigil ako kasi bigla kong naalala na hindi ko pala nadala yung coin purse ko! My Gosh! ang shunga ko talaga! Bad trip! Babalik na naman ako paakyat sa third floor at kakabahan na naman ng bongga kasi ang dilim-dilim pa doon. Eh kung mangutang kaya muna ako ng sampung piso kay manong guard? Paglingon ko kay Manong guard wala na siya doon. Anu ba yan! "Heyy, ikaw na naman ang una kong nakita, lagi na lang tayo pinagtatagpo ng tadhana... I think we're meant to be" narinig kong may nagsalita mula sa gilid ko at napanganga na lang ako sa gulat kasi nasa tabi ko na pala ang mayabang at pa-cool na si... Bryan Armando! Nakangisi siya sa'kin ngayon at ginagamitan niya ko ng bulok niyang pick up lines. Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa, mala-Enrique Gil naman ngayon ang porma niya. messy style din ang brown hair niya habang nakasabit sa isang balikat niya yung bag pack niya. "Tsk tsk... Malala ka na talaga" banat ko sabay crossed arms at napailing-iling pa. akala ko sa movies lanng nag-eexist ang mga mahahanging lalaking ganito. "Malalang magmahal" patuloy niya sabay smirk. Nag-insert na siya ng coin doon sa vendo at kinuha na niya yung soda niya. "At sa sobrang malala magmahal nagagawang pagsabay-sabayin ang mga kawawang babae" buwelta ka pa, pero tinawanan niya lang ako. Aba! Enjoy na enjoy ah. "Pag ikaw na-inlove sa'kin hu u ka" banat niya pa sabay tawa. Ang yabang talaga! Binuksan na niya yung soda in can at nagawa pang inumin iyon sa harapan ko. Mukha tuloy akong nanonood ng commercial ngayon na kung saan feel na feel niya yung pag-tungga doon sa soda drink. Okay siya na model, samantalang ako naman yung nanonood sa TV na walang pambili ng soda na iniinom niya. Naubos niya yung soda sa isang laklakan lang, niyupi niya iyon gamit ang isang kamay niya at shinoot sa basurahan na nasa tabi ng vendo machine. "Three points!" sabi pa niya at proud na proud siya. siguro frustrated basketball player ang lalaking to kaya hanggang basurahan na lang ang basketball ring niya. P 12-5 Ngumisi pa siya sa'kin at akmang aalis na pero napatigil siya at napalingon ulit sa'kin. "Oh? Don't be shy, bumili ka na, aalis na ako para hindi ka na kabahan dahil sa presence ko" sabi niya sabay smirk. Ang K-A-PA-L talaga! In-erapan ko na lang siya at tinalikuran ko na siya para magtungo na lang ulit paakyat sa hagdan kaso napatigil ako kasi bigla siyang nagsalita "Hey wait! Ms.Agcaoili" tawag niya pa. umalingangaw sa buong lobby yung boses niya dahil kaming dalawa pa lang ang tao dito. Nilingon ko na lang siya with matching taas kilay. Nako! Babanat na naman siguro siya ng pickup lines. Ngumisi lang siya sa'kin at nagulat ako kasi bigla siyang may hinagis na barya at ang shunga ko naman kasi awtomatikong sinalo ko iyon. "I know you're in trouble before you say so" hirit niya pa habang nakangiti ng todo sabay kindat ulit sa'kin, tumalikod na siya at naglakad na papalayo. Naiwan naman akong tulala doon habang nakanganga with matching tulo laway dahil sa pagkabigla sa mga pangyayari. Omg! So nahalata niya pala na nangangailangan ako ng pera kanina. Napatingin naman ako doon sa inihagis niyang barya sa'kin, 10 peso coin. Ewan ko pero parang biglang pumintig saglit ang puso ko. Gosh! mukhang magkakautang na loob ako nito sa yabang na yun! "Iryn ngets... okay lang yan, wag mo na lang intindihin si Bryan" narinig kong tugon ni Jen, hinihimas-himas niya ngayon ang likod ni Iryn. Habang si Leana naman ay niyayakap siya. kakarating ko lang ngayon sa canteen kung nasaan sila, tumambay kasi muna ako sa library kanina para mag-review para sa quiz namin mamaya. Inilapag ko na yung gamit ko sa bakanteng upuan sa tapat nila "Anong nangyari?" napatingin naman silang lahat sa'kin. gusto kong yumakap din kay Iryn ngayon kasi namamaga na ang mga mata niya kakaiyak. "Sinubukan niya kasing batiin si Bryan kanina nung nakasalubong namin siya sa hallway pero dineadma lang siya" sumbong ni Leana at dahil dun parang umakyat lahat ng dugo ko sa utak ko. WHAT THE"ANO? ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA NG MAYABANG NA LALAKING YUN! ANG SARAP GILITAN NG LEEG NIYA" nagulat naman ako kasi bigla akong hinila ni Jen paupo, napanganga na lang ako kasi hindi ko namalayan na nadala pala ako sa emosyon ko kaya hindi ko namalayan na napalakas pala yung boses ko dahilan para mapalingon sa'kin yung iba pang mga estudyante dito sa canteen. P 12-6 Nag-peace sign na lang kami at nag-kumpulan na ulit. "Over naman ang reaction mo Aleeza, may pinanghuhugutan ka ba?" reklamo sa'kin ni Leana. Napahinga na lang ako ng malalim, hindi ko pa pala nakwekwento sa kanila ang kayabangan ni Bryan. "Mga Ngets listen to me... Alamniyo bang- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang sumulpot yung kaklase naming si Angela. "Aleeza! Andito ka lang pala, pinapatawag ka ni Sir Albert sa library" tugon niya at hinihingal siya. mukhang nagtatakbo siya at kanina pa ko hinahanap. "Bakit daw?" "Ewan ko basta pumunta ka na raw doon" sabi ni Angela sabay talikod na, nako! Yan ang mahirap kapag kilala ka ng prof mo eh, mauutusan ka. Nagpaalaamnaman na muna ako kina Jen, Iryn at Leana at iniwan ko na rin muna ang mga gamit ko sa kanila at tumungo na sa library. Pagdating ko doon, natanaw ko na agad si Sir Albert na abalang-abala sa pagbabasa ng libro sa pinakadulong table, ang dami ring mga libro na magkakapatong sa mesa niya. "Hi! Tatang" panimula ko, napangiti at natawa naman si Sir Albert. Minsan ko lang kasi siya tawaging tatang lalo na kapag masaya ako. "Oh anak, maupo ka" sabi niya, excited naman akong umupo sa katapat na upuan niya. tinatawag niya rin akong anak lalo na kapag nag-fefeeling daddy siya. "Bakit niyo po pala ako pinatawag- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang inilapag ni Sir Albert yung librong binabasa niya sa tapat ko. Omg! Isa yung aklat tungkol sa Baybayin! "Binabasa mo yung nobelang Our Asymtotically Love Story hindi ba? Si Salome ay marunong magBaybayin" panimula ni Sir Albert, napatango-tango naman ako at napangiti ng todo. Grabe! Sobrang naamaze talaga ako sa Baybayin. Napaka-detailed at ang ganda ng contruction ng mga letra ng Baybayin. "Wow! Sir kwentuhan niyo naman po ako tungkol sa History ng Baybayin" pakiusap ko, napangiti naman si Sir Albert dahil alamkong gusto rin naman niya ang mabahagi ang mga nalalaman niya. P 12-7 isang paraan ng pagsulat na ginagamit bago pa dumating ang mga Kastila. Ang salitang baybayin ay nangangahulugang "to spell" o pagbaybay. Ang iba pa nga ay nagkakamali sa pagtawag nito at sinasabing ito ay "Alibata" pero mali iyon dahil "Baybayin" ang tawag talaga dito. Ang baybayin ay isang mabisang paraan ng mga ninuno ng pagsusulat 'di lamang upang makipagusap sa isa't isa kundi makita rin nila ang kanilang mga paniniwala sa pamamagitan ng pagbaybay sa mga salita. Ang Baybayin ay may labing-pitong simbolo. ? Gumamit ng iba't-ibang sulatan ang ating mga ninuno noong unang panahon, kabilang na dito ay ang dahon ng saging, balat ng puno at iba pa. Ang mga panulat naman nila ay ang mga matutulis na mga bato at pinatulis na kawayan. Ayon kay Miguel Lopez de Legazpi, ang mga Bisaya ay nagsusulat ng katulad sa ating ninunong Malay kung saan nila ito unang natutunan. Pinalitan ng mga Kastila ang baybayin ng dumating sila at ipinakilala ang alpabeto. Ngunit unti-unting nawala ang paggamit ng baybayin noong 16th century kahit tinangka ito ng iilang paring Kastila na gamitin sa panrelihiyong panunulat. Ang mga Pilipino noong 17th century at 18th century ay pumipirma pa rin gamit ang Baybayin kahit na karamihan na sa mga dokumento ay nakasulat sa paraang gusto ng mga Kastila. Pinapaniwalaang kaya nawala ang paggamit ng Baybayin ay dahil na rin sa kumplikadong paraan ng pagsulat nito. Sinasabing mas madali ang paraan ng pagsulat na ipinakilala ng mga Kastila sapagkat mas naayon ito sa pagbabago ng panahon at may mga iba na ring mga salitang hindi na kayang ibaybay pa ng Baybayin dahil na rin sa kulang ang pantig nito. Hindi nakikilala ang kaibahan ng e at i, o at u, maging ng d at r; at higit sa lahat walang paraan upang matanggal ang mga patinig sa bawat letra sapagkat ang Baybayin ay nasa anyo ng papantig kaya ang mga katinig ay hindi pwedeng ipagsama at ang mga huling papantig ng mga katinig ay hindi maaaring isulat. Kung wala ang mga katitikan na ito, ang salitang Espanyol ay magkakaroon ng ibang kahulugan at maaari ring mawala. Para na rin sa sariling kapakanan ng mga Pilipino kung kaya't pinili nilang itigil na ang pagsulat gamit ang Baybayin. Mas pinili nila ang alpabeto sapagkat mas madali ito aralin at matutunan at nagiging paraan din ito upang makasabay sila sa pag-unlad ng mga mamamayang Kastila na sumakop sa bansa. "Pero ayaw po turuan ng mga Kastila noon ang mga Pilipino na matuto ng wika nila?" nagtataka kong tanong, naalala ko bigla si Fidel, isa siyang mabait na kastila kasi gusto niyang turuan ang mga Pilipino. Ayaw turuan ng mga Kastila sa Pilipinas ang mga indio dahil alam nilang matatalino ang mga ito at kapag tinuruan ng wikang Espanyol ay maiintindihan ang ginagawang panloloko sa kanila. Pilipinas lang ang dating kolonya ng Espanya na di natutong magsalita ng Espanyol maliban sa mga intelektwal na nasa alta sociedad at gitnang uri/middle class. P 12-8 Napatulala lang ako habang naglalakad pabalik sa canteen, Grabe! Hindi ko maintindihan kung bakit apektadong-apketado ako sa panahon ng mga Kastila. Siguro ganito talaga ang lakas ng impact sa'kin ng History. "Oh? Baka mahulog ka" nagitla ako nang biglang narinig ko ang pamilyar na boses sa likuran ko. paglingon ko nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa harapan ko si... Sir Nathan. Ngumiti siya sa'kin at pababa na din siya ng hagdan, may mga hawak siyang libro. "See you later" dagdag pa niya at nauna na siyang bumaba sa hagdan. Samantalang, naistatwa naman ako sa kinatatayuan ko at amoy na amoy ko pa rin yung pabango ni Sir Nathan kahit lumagpas na siya sa'kin. My goodness! "I believe in you, memorize mo naman na lahat ng mathematical formula, right?" tugon ni Sir Nathan, nandito kami ngayon sa conference room. Buong akala ko ay hindi ako pagtataksilan ng puso ko at magiging kalmado lang ito ngayon pero nagkamali ako kasi sobrang lakas na ng kabog nito. Gosh! dukutin ko na rin kaya itong puso ko at itapon sa bintana sa labas Ugh! Napailing naman ako "H-hindi po lahat sir" magkatabi kami ngayon at ang dami ring mga math textbooks na dinala si Sir at nakakalat ang mga iyon sa mahabang mesa ng conference room. Ang liwanag dito sa loob ng conference roomat sorbrang nakaka-stress kasi puting-puti ang pintura ng bawat sulok ng dingding. May malaking projector screen din sa harapan. at nasa kaliwa namin ang malalaking bintana na gawa sa makapal na glass at wala itong kurtina. Napasandal naman si Sir sa upuan niya at may kinuha siyang isang makapal na textbook. "How about the three rules of horizontal asymptote?" Napangiti naman ako "The three rules that horizontal asymptotes follow is based on the degree of the numerator, n, and the degree of the denominator, m. If n < m, the horizontal asymptote is y = 0. If n = m, the horizontal asymptote is y = a/b. If n > m, there is no horizontal asymptote" sagot ko, napangiti naman si Sir at napatango-tango siya habang pinapa-ikot-ikot niya sa daliri niya yung ballpen na hawak niya. "Very good... Hmm... Another question, how to find a horizontal asymptote?" tanong pa ni sir at parang sinusubukan niya ko. at dahil nag-advance study ng bongga ang lola niyo kanina game na game ako haha! P 12-9 Kinuha ko naman yung notebook ko at gumawa ako ng illustration ng sasabihin ko "To find horizontal asymptotes: First, if the degree of the denominator is bigger than the degree of the numerator, the horizontal asymptote is the x-axis (y = 0). Second, if the degree of the numerator is bigger than the denominator, there is no horizontal asymptote. And Third, If the degrees of the numerator and denominator are the same, the horizontal asymptote equals the leading coefficient of the numerator divided by the leading coefficient of the denominator" sagot ko, mas lalo namang napalaki yung ngiti ni Sir. "Very Good... Okay so now find the horizontal asymptote of the following" sabi niya sabay sulat ng dalawang equation doon sa notebook ko. ? tumango naman ako at nagsimulang mag-solve. Suot ko din ngayon yung black nerdy eye glasses ko na lucky charmko kapag nag-sosolve ng math problems. Hindi naman ako makapag-concentrate kasi nakatingin din si Sir sa sinusulatan kong notebook. Gosh! mas lalo pa kong napapraning kasi tic tok lang ng wall clock dito sa conference roomang umaalingawngaw sa buong kwarto. Naaninag kong napangiti si Sir at napasandal, nahalata niya sigurong nanginginig yung kamay ko kasi nakakailang talaga kapag may nagmamatyag sa ginagawa mo lalo na kapag nag-sosolve ka. kinuha ni sir yung phone niya at nagpaka-busy na lang siya sa pagkalikot doon. Napahinga naman ako ng malalim. Whew! Buti naman na-gets niya na hindi ako makapag-focus dahil sa ginagawa niyang pagtitig diyan. Pero bigla akong napatigil sa pagsosolve at napatingin sa kaniya kasi nag-play siya ng music sa phone niya. "It will help you to think properly and relax" sabi niya habang nakangiti, inilapag na niya yung phone niya sa table. Napatingin naman ako sa phone niya sabay tingin ulit sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na favorite niya rin pala ang Canon in D by Johann Pachelbel. Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kaniya habang nagpa-play sa paligid ang nakaka-relax na instrumental music na Canon in D. Matagal ko ng gustong-gusto ang music na iyon, mula nang marinig ko siya na tinugtog sa piano ng isang lalaki noon sa isang mall sa Alabang na kung saan may piano sa gitna at pwedeng tumugtog kahit sino, 8 years old pa lang ako noon pero sobrang tumatak ang pangyayaring iyon sa buhay ko. At mula nang araw na iyon sa tuwing nalulungkot ako nang walang dahilan lalo na kapag umuulan palagi kong pinapakinggan ang Canon in D, dahil sa tuwing naririnig ko ang musikang iyon parang napapawi ang kalungkutan ko na hindi ko mapaliwanag. P 12-10 Napalingon ako sa kaliwa kung nasaan ang bintana, makulimlimang kalangitan at biglang pumatak ang ulan hanggang sa tuluyan na itong bumuhos ng dahan-dahan. "Is there a problem?" narinig kong tanong ni Sir Nathan at dahil dun bigla akong natauhan at napatingin ulit sa kaniya. "W-wala po sir" sabi ko na lang at ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa pagsosolve nung math problem. Ilang saglit pa, natapos ko na isolve yung binigay niyang equation, inabot ko na yung notebook ko sa kaniya at tiningnan niya iyon ng mabuti. Napatango-tango naman siya habang chine-chek iyon. "You're really good. I think we should move on to the next level, which is the difficult stage" sabi pa ni sir, para naman akong ewan na napaisip pa ng three seconds dahil doon sa sinabi niyang 'We should move on to the next level' My Goodness! Kung ano-ano na namang kabaliwan ang pumapasok sa utak ko! Magsasalita pa sana si Sir Nathan kaso biglang nag-ring yung phone niya, nanlaki naman yung mga mata ko kasi kakaibang number yung naka-register na number doon sa phone niya. as in pang- ibang bansa na number. "Just a moment" sabi niya sa'kin at tumayo siya sabay answer nung call. "Oh? �S�, Honey?" (Oh? Yes honey?) Whaaat? Anong sabi niya? Honey daw? "Est�s bien? De todos modos, te llamar� m�s tarde cuando llegue a casa" (Are you alright? Anyway, I'll call you later when I get home) Ano daw? Honey lang yung naintindihan ko sa pinagsasabi niya. Gosh! hindi ko alamkung maamaze ba ko kay Sir Nathan kasi ang galing niyang mag-Spanish o maloloka ako kasi binaggit siyang Honey! Ibinulsa naman na ni Sir yung phone niya at bumalik na ulit siya sa upuan niya, sa tabi ko. "Okay... saan na nga pala tayo?" patuloy pa ni Sir Nathan, hindi ko naman namalayan na dismayadong nakatingin na pala ako sa kaniya ngayon. ito kasi ang kahinaan ko, hindi ko kayang itago ang expression ng mukha ko lalo na kapag disappointed ako at pag nalulungkot. "Why? Bakit ganiyang itsura mo?" nagtatakang tanong ni Sir pero may halong tawa sa labi niya. at dahil dun napaiwas ako ng tingin sa kaniya at napatingin na lang ulit sa notebook ko. "W-wala po sir" Napasandal naman si sir sa upuan niya at napa-crossed arms habang nakangiting inoobserbahan ako. "Really? Parang may gusto kang itanong sa'kin" pang-asar niya pa dahilan para mapatingin ako sa kaniya. P 12-11 May pagka-maloko rin pala to si Sir. Kinuha ko na lang ulit yung notebook ko at nagkunwaring nagsusulat doon "Uh-S-sino po si Honey?" kinakabahan kong tanong, hindi kasi ako mapapanatag hangga't hindi ko nalalaman kung sino ba yung Honey na yun, o kaya baka naman mali lang ang pagkarinig ko. Tumawa naman si Sir saglit at kinuha niya ulit yung phone niya "She's my sister" narinig kong sabi niya sabay pakita sa'kin nung picture ng isang gorgeous na girl na sa tingin ko ay seventeen years old na. nanlaki yung mga mata ko ang ganda ng kapatid niya, hawig ni Marian Rivera na pinabatang version. "Her name is Honey, like a honey bee" patuloy niya ni Sir habang nakangiti pa rin. Pinatugtog na niya ulit yung Canon in D. napatango-tango naman ako dahil sa sobrang mangha. Wow! ang ganda pala talaga ng lahi nila. "Edi Sir nasa Spain siya?" Tumango naman si Sir bilang sagot sa tanong ko, at sa pagkakataong iyon napansin ko na biglang nawala yung ngiti sa labi niya at nagbuklat na lang ulit siya ng isang libro. Bakit biglang nagbago yung expression ng mukha niya nung nabanggit ko yung Spain? At dahil makulit na echeoserang chismosa ang lola niyo hindi ko mapigilang magtanong pa ulit kay Sir Nathan. Pero syempre gusto kong hind imaging awkward ang pagtatanong ko at ang pagsagot niya "Uhm... Sir, ibig sabihin nakarating na kayo sa Spain? Wow, pangarap ko rin makapunta doon, balak ko po kasi pagkagraduate ko mag-totour ako around the world" sabi ko pa sabay tinaas ko pa ang dalawang kamay ko para iemphasize ang 'Around the world' Napangiti naman si Sir at tumango pero bigla siyang napalingon sa bintana na nasa tabi namin. Dumadaloy na ngayon ang tubig ulan sa glass window ng conference room. Sobrang lakas buhos ng ulan parang nakikisabay ito sa biglaang paghari ng kalungkutan sa paligid namin. "I was born there, doon na rin ako lumaki, but when my parents separated sumunod ako kay dad pabalik dito sa Manila, I was thirteen that time and up until now hindi na ako bumalik doon" sagot niya habang pinagmamasdan ang bintana na patuloy na dinadaluyan ng malamig na ulan. "B-bakit hindi na po kayo bumalik sa Spain?" tanong ko, hindi ko alampero sa pagkakataong iyon nagsimulang bumigat na naman ang dibdib ko. Napatingin naman si Sir Nathan ng diretso sa mga mata ko "Because of a promise" P 12-12 ~Minsan 'di ko maiwasang isipin ka Lalo na sa t'wing nag-iisa Ano na kayang balita sayo Naiisip mo rin kaya ako~ ~At hihiling sa mga bituin Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin Hihiling kahit dumilim Ang aking daan na tatahakin Patungo sa iyo~ Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo, habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya at ganoon rin siya sa'kin... kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan, ng pagihip ng malakas na hangin sa labas, ng malamig na temperatura dito sa loob ng conference room, at ng tuloy-tuloy na pagalingawngaw ng musikang Canon in D sa paligid. Hindi ko alampero biglang nagdulot ng kirot sa puso ko ang sagot ni Sir Nathan sa katanungan ko... Because of a Promise ******************** Featured Song: 'Hiling' by Silent Sanctuary Source of baybayin: https://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/01/22/pagaaral- ng-baybayin https://teksbok.blogspot.com/2013/01/kasaysayan-ng-alpabeto.html The evolution of Philippine Alpabhet by Elyka Marisse Agan, Project Development Analyst https://www.slideshare.net/lykamarizzobeldeayala/term-14486274 Source of Asymptote: http://study.com/academy/lesson/horizontal-asymptotes- definition-rules-quiz.html "Hiling" by Silent Sanctuary WHAHAHAHAHAHCarmela 2.0 hahaha mas malala?????? P 12-13 Kabanata f(x - 11) 70.5K 2.5K 1.7K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 11] Our Asymptotically Love Story (page 62 - 80) Ika-Limang Kabanata Filipinas 1688 "Gusto mo bang malaman kung bakit hindi lahat ng istorya ay nagtatapos ng masaya?"tanong pa muli ni Fidel. At sa pagkakataong iyon parang may kung anong kirot nanaramdaman si Salome sa kaniyang puso. Hindi niya maintindihan kung bakit angmga tingin ni Fidel ay nagdudulot ng matinding kalungkutan sa kaniyang puso. Bakit may kalungkutan akong nababasa sa iyong mga mata... Fidel? Magsasalita pa sana si Fidel ngunit biglang pumatak ang ulan. Napatingala sa kalangitan si Salome at agad sumilay ang mga ngiti sa kaniyang labi. "Senor Fidel! Tayo'y sumilong sandali" sigaw ni Mang Berto, agad niyang inihagis ang mga pinamiling kuwaderno, talaarawan at pluma sa kalesa at patakbo siyang nagtungo kina Fidel at Salome na nakatayo pa rin sa gitna ng palengke habang ang mga tao ay nagtatakbuhan na upang maghanap ng kani-kaniyang masisilungan. "Kayo po'y magkakasakit dahil sa ginagawa niyo" paalala pa ni Mang Berto at agad niyang hinawakan sa braso si Fidel at hinila na rin niya si Salome na hindi nila maintindihan kung bakit nakangiti ito upang pinagmamasdan at dinadama ang pagpatak ng ulan. Sa isang panciteria sila nakisilong, mabuti na lamang dahil nakarating na sila doon bago tuluyang lumakas ang ulan. Kani-kaniyang pagpag ang mga taong nabasa ng ulan sa kanilang mga kasuotan.Maging sina Fidel, Salome at Mang Berto ay nagpapagpag na rin. "Senor Fidel? Kayo ho pala iyan, maupo ho kayo" tugon ng isang ale na nasa edad kuwarenta, singkit ito at medyo may katabaan. "Maraming Salamat po Aling Teodora" tugon ni Fidel at nagbigay galang ito sa ale at naupo na. "Maupo ka na rin Hija" anyaya pa ni Aling Teodora kay Salome habang nakangiti ito. Ngumiti naman si Salome at naupo P 13-1 na sa katapat na upuan ni Fidel, napapagitnaan sila ng isabg mesa na gawa sa matibay na puno ng narra. "Mang Berto kayo po pala iyan, maupo na rin ho muna kayo" patuloy pa ni Aling Teodora, ngumiti at tumango naman si Mang Berto at naupo na sa tabi ni Salome. Habang nasa tapat naman nila nakaupo si Fidel. "Mabuti naman ho ay nagawi kayo rito sa aming kainan Senor Fidel, may nais ho ba kayong kainin? Nalulugod ho akong paglutuan kayo" nakangiting wika ni Aling Teodora, napangiti naman si Fidel at inilapag na niya ang kaniyang sumbrero sa mesa. Hindi mapigilan ni Salome na mapatitig sa buhok ni Fidel na medyo basa na ngayon, mas lalong tumingkad ang kulay brown na buhok nito. "Maraming Salamat na po Aling Teodora, kami po ay magpapalipas lamang ng ulan dito kung maaari lamang" wika ni Fidel, napangiti naman si Aling Teodora at tumango-tango ito. "Wala hong problema Senor Fidel, maaari ho kayong manatili rito hanggang anong oras at hanggang kailan niyo naisin" magiliw na sagot ni Aling Teodora at bigla niya naibaling ang tingin niya kay Salome at ibinalik niya ang tingin niya kay Fidel. "Mawalang galang na po Senor, ngayon ko lamang nakita rito ang binibining inyong kasama ngayon, Siya po ba'y kapatid niyo?" tanong ni Aling Teodora dahilan para mapangiti si Fidel at nagitla naman si Salome sa kaniyang narinig dahil kanina pa siya nakatitig sa buhok ni Fidel. "Nagkakamali po kay Aling Teodora, siya po si Salome- " hindi na natapos ni Fidel ang kaniyang sasabihin dahil nagsalita na si Salome. "Ang ngalan ko po'y Salome, Ako po ay isa sa mga tagapagsilbi sa haciebda Montecarlos, Mag-dadalawang linggo pa lang ho kami rito, ang pamilya po namin ay kasama rin nila Mang Berto na dumayo po dito sa San Alfonso upang manirahan, gaya po nila Mang Berto kami po ay nagmula sa hilaga, sa Tondo" sagot ni Salome, hindi naman mawala ang ngiti sa labi ni Aling Teodora habang nagsasalita si Salome, lalo na ng malaman niya na nagmula rin ito sa hilaga at nagsisilbi sa mga Montecarlos. "Nako, pasensiya na Hija, sa ganda mong taglay napagkamalan ko pa kayong magkapatid ni Senor Fidel" natatawang tugon ni Aling Teodora at humingi rin siya ng paumanhin kay Fidel, wala naman iyong problema kay Fidel sa katanuyan nga ay natawa pa siya. "Kung gayon, marahil ay magkakilala na rin kayo ng aking anak na si Ising" "Talaga ho? kayo ang inay ni Ising? Nagagalak po akong makilala kayo" gulat na tugon ni Salome at nababakas din sa kaniyang mukha ang saya. "Oo Hija, si Ising ang aking bunsong anak, at tatlong taon na mula nang tanggapin siya ni Senor Fidel at Senor Patricio sa hacienda Montecarlos" tugon pa ni Aling Teodora at nagpasalamat muli kay Senor Fidel, ngiti naman ang isinagot ni Fidel. Nagpatuloy pa ang usapan at naupo na rin si Aling Teodora sa mesa nila. "Salome Hija, magkababayan pala tayo, Ako ay nagmula rin sa hilaga sa kalakhan ng Maynila, ngunit nang makilala ko ang aking asawa na taga-rito sa San Alfonso ay nanirahan na rin ako rito... Sandali lamang hija, ikaw ba ay may lahi ring intsik tulad ko?" mas lalong lumaki ang ngiti ni Aling Teodora habang pinagmamasdan ang dalagang si Salome. "O-opo, ang akin pong inay ay may lahing intsik" P 13-2 "Nakakatuwa naman, nais kong makilala ang iyong ina upang magkaroon ako ng kakwentuhan ukol sa bagaybagay sa ating kultura" tugon pa ni Aling Teodora, magsasalita pa sana siya ngunit naalala niyang nasa harapan din pala nila si Fidel na isang kastila. Bagaman matagal na niyang kilala si Fidel na isang mabuting Kastila, kailangan niya pa ring mag-ingat sa mga salitang bibitiwan niya. Nais kasi niyang banggitin kay Salome ang mga kasiraan na sinasabi ng mga Kastila tungkol sa kanilang mga intsik, dahil ang mga intsik ay may ibang kultura at pinaniniwalaang diyos kung kaya't sila ay ibinilng sa pinakamababang uri ng estado ng pamumuhay, mas mababa pa sa mga indio o purong pilipino. naputol naman ang kanilang usapan ng napansin nilang mas lalong lumakas ang ulan, nasa tabi ng bintana sila nakapwesto ngunit wala namang hangin kung kaya't hindi sila natatalsikan ng tubig ulan. "Nako! Senor Fidel kailangan ko pong isilong ang kabayo sa mas maayos na lugar, baka may masama pong mangyari kay Carisa" nag-aalalang tugon ni Mang Berto at agad na itong napatayo sabay suot sa kaniyang sumbrero na gawa sa banig. "Ngunit malakas pa ang ulan Mang Berto baka maglasakit po kayo- " hindi na natapos ni Fidel ang sasabihib niya dahil dali-dali ng lumabas sa panciteria si Mang Berto. "Ayos lang ho ako Senor, mas nagaalala ho ako sa kalagayan ni Carisa" sagot ni Mang Berto habang tinatahak na nito ang daan papalabas at lumusob na ito sa ulan. Wala naman ng nagawa si Fidel dahil nakatakbo na papalabas si Mang Berto "S-sino po si Carisa? Senor" nagtatakang tanong ni Salome, napatingin naman sa kaniya si Fidel at natawa ito dahil mukhang gulong-gulo si Salome sa ngalan ng babae na tinutukoy ni Mang Berto at Fidel. "Carisa ang ngalan ng kabayo" natatawang sagot ni Fidel, magkahalong saya naman at kilig ang naramdaman ni Salomr dahil nasilayan na naman muli niya ang tawa ni Fidel na labas ang mga ngipin nito, mas lalo pa siyang namangha dahil may dimple pala ang binata sa kaliwang pisngi. natawa rin si Aling Teodora dahil may sariling pangalan pala ang kabayo ng mga Montecarlos "Sino naman po ang nagpangalan sa inyong kabayo? kay gandang babae pa ang napiling pangalan" "Si Patricio ang nagpangalan sa kabayo, Hindi ko rin mawari kung bakit pinapangalanan niya ang mga alagang hayop sa hacienda, Sinabi rin niya noon sa akin na pagbalik niya galing Maynila ay bibili siya ng lima pang kabayo... siguradong may kani-kaniyang pangalan na ang mga kabayong iyon bago pa makarating dito sa San Alfonso" tugon pa ni Fidel, animo'y tuwang-tuwa siya sa kalokohan ng kaniyang pinsan. "Kailan ba ang dating ni Senor Patricio rito? tatlong buwan na siya sa Maynila hindi po ba Senor" wika pa ni Aling Teodora. "Kamakailan lang nitong Linggo nagpadala si Patricio sa akin ng sulat mula sa Maynila, baka raw abutin pa siya hanggang Agosto sa Maynila dahil hinihintay niya ang pagdating ng barkong Galleon mula Acapulco at makapamili ng mga bagong buto ng iba't-ibang uri ng prutas na kayang mabuhay dito sa tropikal na klima ng Pilipinas" sagot ni Fidel, napatango naman si Aling Teodora samantalang taimtimnaman na nakikinig sa kanila si Salome. Hindi niya akalain na ang kaniyang amo ay kabilang sa mayayamang negosyante na nakikipagkalakalan sa galleon trade. Makikibalita pa sana si Aling Teodora ngunit tinawag na siya ng kaniyang asawa dahil nagsimula ng magpaluto ng makakain ang mga taong nakisilong din sa kanilang kainan. "Sandali lang, ako'y papanhik lamang sa kusina, Dadalhan ko na rin kayo ng kapeng bigas upang mainitan ang inyong mga sikmura" tugon ni P 13-3 Aling Teodora at umalis na ito. Naiwan nang mag-isa si Fidel at Salome sa mesa kung kaya't agad nakaramdamang dalawa ng pagkailang sa isa't-isa. Isinuot na lang muli ni Fidel ang kaniyang sumbrero upang paglaruan ito at mawasan ang tensyon sa pagitan nila. Kung kaya't si Fidel na ang naunang bumasag sa katahimikan nilang dalawa "N-nasabihan mo na ba ang iyong mga kapatid na nais sumali sa aking klase?" gulat namang napatingin sa kaniya si Salome at napayuko rin ito bigla dahil nakatingin pala si Fidel sa kaniya "O-opo Senor, ang akin pong kapatid na si Danilo at Julio ang nais pong lumahok sa inyong klase" "Hindi na ako makapaghintay na makilala sila" tugon ni Fidel at hindi na iyon nasundan pa muli dahil hindi na niya alamang susunod niya pang sasabihin. kung kaya't binalot naman sila ng katahimikan. "Senor- " "Lumeng- " pareho silang nagitla sa hindi sinasadyang pagkakasabay ng kanilang sasabihin sa isa't-isa. "S-sige ikaw na ang mauna, Ano ang iyong sasabihin?" tugon ni Fidel sabay hubad muli sa sumrerong suot niya at ipinatong ulit iyon sa mesa. "Uhh- K-kayo na po ang mauna Senor, hindi naman po mahalaga ang aking sasabihin" sagot ni Salome at hindi na siya mapakali sa kaniyang kinuupuan, paulit-ulit din niyang hinahawi ang hibla ng buhok na tumatama sa kaniyang mata dahil maka-ilang ulit itong nahuhulog sa pagkakatali sa kaniyang buhok dahil magalaw siya at hindi mapalagay dulot na rin ng matinding kaba na nararamdaman niya dahil sa presensiya ni Fidel. "Marapat lamang na mauna magsalita ang babae hindi ba? Binibini" sagot ni Fidel dahilan para biglang lumakas ang kabog ng puso ni Salome. Magsasalita na sana siya ngunit biglang dumating si Aling Teodora dala ang dalawang tasa ng kapeng bigas. "Ang kapeng ito ay gawa sa magandang klase ng bigas na sinunog ng mainamat pinakuluan" wika ni Aling Teodora habang inalalapag ang dalawang tasa ng kape sa mesa. Napangiti naman si Salome habang nakapikit na inamoy ang napakabangong amoy ng kapeng bigas. Naalala niya bigla na ginagawa rin ito noon ng kaniyang lolo Pablo at palihimsilang pinapainomng kape ni Danilo kahit pa mga bata pa sila, gustong-gusto kasi ni Salome at Danilo ang matapang na lasa ng kape. Matapos amuyin ang kape agad na itong tinikman ni Salome. Animo'y para siyang bata na nasasabik sa paboritong pagkain, hindi naman mapigilan ni Fidel na mapangiti habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Salome. "Napakasarap po nito Aling Teodora, Maraming Salamat po" tugon ni Salome lalong lumawak naman ang ngiti ni Aling Teodora. "Nawa'y mapadalas ang pagbisita mo rito hija, ipaghahain kita ng kapeng bigas" magiliw na tugon ni Aling Teodora. Ininomnaman na ni Fidel ang kape at napatango rin siya dahil sa sarap nito. "Sige na maiwan ko na muli kayo" paalamni Aling Trinidad at nagtungo na muli ito sa kusina. Napayuko naman si Salome at binagalan niya ang pag-inomsa kaniyang kape upang magpanggap na abala. "Ano nga pala ang iyong sasabihin? Binibini" patuloy ni Fidel, bigla namang nasamid si Salome. P 13-4 "Ayos ka lang ba? Binibini" ulit pa ni Fidel, tatayo na sana siya upang kumuha ng tubig para kay Salome ngunit agad namang nahimasmasan na si Salome sa pagkakasamid. "A-ayos na po ako Senor, Huwag na po kayong mag-abala" sagot ni Salome habanv hawak-hawak ang kaniyang lalamunan. Hindi na rin niya magawang tumingin pa kay Fidel dahil sa hiya. Lalo pa't nasamid siya sa harapan nito. "May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" tanong pa ni Fidel, animo'y mahihimatay naman si Salome dahil sa pagkakatitig ni Fidel sa kaniya. Napailing naman si Salome habang nakatitig lang sa tasa na nasa harapan niya. "Hindi ka naman masasamid ng ganiyan kung wala akong nasabing hindi mo nagustuhan" patuloy pa ni Fidel. Napahinga na lamang ng malalimsi Salome at nilakasan niya ang kaniyang loob upang tumingin kay Fidel. "H-hindi po ako nararapat na tawagin niyong Binibini... Senor" pag-amin ni Salome, napangiti naman si Fidel at sumandal sa kaniyang upuan. Sumulyap naman saglit si Salome kay Fidel pero agad rin siyang napaiwas ng tingin. Senor! tama na, sasabog na ang puso ko dahil sa ginagawa mo. "Lahat naman ng dalaga ay nararapat lamang na tawaging Binibini, tinawag na rin naman kitang Binibini noong una tayong magkita" sagot ni Fidel habang nakangiti pa rin ito. Mas lalong napayuko sa hiya si Salome nang maalala niya na tinawag nga siyang Binibini ni Fidel noong una silang makarating sa hacienda Montecarlos at pinakilala sila ni Manang Estelita kay Fidel. "Batid ko na naiilang ka sa akin dahil hindi mo pa ako ganoon kakilala, bago pa lamang kayo rito sa San Alfonso at kakapasok mo pa lamang sa hacienda kung kaya't naiintindihan ko na hindi ka pa komportable sa akin" patuloy pa ni Fidel. Napatango naman si Salome bilang sagot. Ininommuli ni Fidel ang kaniyang kape at napatingin ito sa gilid, sa bintana na nasa tabi nila. Umuulan pa rin ng malakas sa labas. "Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang ilang detalye ng buhay ko- " "Alamko na po Senor, Dalawampu't-pitong taong gulang na kayo, Kayo po ay Kastila na naparito sa Pilipinas kasama ang inyong pinsan na may-ari ng hacienda, at kayo rin po ay binata pa na naghahanap ng mapapangasawa" tuloy ni Salome at agad siyang napahawak sa kaniyang bibig dahil sa huling sinabi niya. Baka kung anong isipin ni Senor Fidel sa huling sinabi ko na naghahanap siya ng mapapangasawa! Magkahalong gulat at tawa ang reaksyon ni Fidel dahil sa sinabi ni Salome. Nilaklak na lang ni Salome ang kape hanggang sa huling patak nito dahil labis na siyang kinakabahan. "P-paano mo naman nalaman ang mga bagay na iyon tungkol sa akin?" nagtatakang tanong ni Fidel pero nababakas sa mukha nito na natatawa na siya. Hindi naman masabi ni Salome na si Ising at Piyang ang nagkwento sa kaniya ng lahat tungkol kay Senor Fidel. "H-hula ko lang po Senor" Mas lalong napangiti si Fidel dahil sa palusot ni Salome "Kung gayon... siguro nahulaan mo na rin na ang aking ina ay purong Kastila samantalang ang aking ama ay may dugong Pilipino, At Tama rin ang hula mo na ako'y binata pa na nagbabakasakali na makahanap ng mapapangasawa" natatawang tugon ni Fidel, halos mangamatis naman sa pula ang kulay ng pisngi ni Salome. P 13-5 "Biro lang" bawi ni Fidel upang hindi na lalong mailang si Salome. "Kalimutan mo na iyon... Tingnan mo tumitila na ang ulan" habol pa ni Fidel, dahan-dahan namang napalingon si Salome sa bintana. Palihim namang napangiti si Fidel habang tinitingnan ang dalaga dahil unti-unti nang umaliwalas muli ang mukha nito. Kinabukasan, bago sumikat ang araw ay nagtungo na sa palengke si Manang Estelita, Salome at Piyang. Habang naiwan naman sa mansyon si Susana at Ising upang asikasuhin ang mga panggatong para sa pugon. Inihatid ni Mang Berto gamit ang kalesa sila Manang Estelita dahil tuwing Miyerkules namamalengke ang mayor doma. "Ano po bang putahe ang ihahain natin mamayang tanghalian?" tanong ni Piyang kay Manang Estelita, kasalukuyan silang nasa bagsakan ng isda sa palengke. Nakasunod naman sa kanila sa likuran si Salome. Si Piyang ay payat at matangkad, mahaba rin ang buhok nito na hanggang balakang. Morena ang kulay ng balat ni Piyang ngunit ang kaniyang mga mata ay may pagkasingkit. "Sinabawang isdang tulingan hija" sagot ni Manang Estelita habang abala sa pagpili ng sariwang isdang tulingan. Tumulong naman sa pagpili ng isda si Piyang at Salome. Ngunit habang nasa kalagitnaan sila ng pagpili sa mga isda biglang napatigil si Manang Estelita at napatingin sa bayong na hawak niya. "Sus maryusep! Nakalimutan kong bumili ng luya... Lumeng! Bumalik ka sa tindahan ng mga luya sa unahan, bumili ka ng tatlong kilong luya" utos ni Manang Estelita kay Salome, agad namang tumango si Salome at sumunod sa utos. Dali-dali siyang bumalik sa unahang bahagi ng palengke kung saan nakapwesto ang mga tindahan ng gulay. Medyo malayo ito kung kaya't binilisan ni Salome ang paglalakad. mabuti na lamang dahil kakaunti pa lang ang namamalengke bago magbukang liwayway. Pagdating ni Salome sa tindahan ng luya, wala doon ang tindera nito. Ang tindahan ay punong-puno ng iba'tibang kalidad ng luya, may magandang klase at may mumurahin lamang, ang iba ay galing pa sa ibang bansa at ang iba naman ay napatuyo na rin at dinikdik ng mabuti upang gawing salabat. Napatigil din siya ng maalala niya na nakalimutan pala siyang bigyan ni Manang Estelita ng pera, pilak na pambili ng luya, at naainis din siya sa sarili niya dahil nakalimutan din niyang humingi ng pambili. Napapadyak na lang siya sa inis dahil babalik na naman siya sa bagsakan ng isda at nasa kabilang dulo pa iyon ng palengke. Bigla naman siyang nanghinaan ng loob nang maalala niya ang layo ng nilakad niya papunta sa tindahan ng gulay. "Magandag umaga, ano ang iyong hanap Hija?" tanong ng tindera na medyo may katandaan na. maputi na ang buhok nito at kulubot na rin ang balat. Naisip ni Salome na makiusap na lang sa tindera at sasabihin niyang para iyon sa hacienda Montecarlos para pautangin siya, saka na lamang niya babayaran sa susunod na Miyerkules. Magsasalita na sana si Salome nang biglang sumingit ang isang binatang kastila na posturangpostura. "Magandang umaga Aling Diday, kukunin ko na po ang salabat na pinareserba ko noong nakaraang linggo" panimula ng binata habang nakangiti kay Aling Diday. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome sa gulat nang makilala niya kung sino ang binatang kastilang nasa tabi niya. "Kahapon ko pa inaasahan ang pagdating mo Senor Patricio, Sandali lamang kukunin ko lang sa loo bang salabat" tugon ni Aling Diday. Dahan-dahan namang iniangat ni Salome ang bayong kapantay sa kaniyang P 13-6 mukha at humakbang na rin siya paatras upang pasimpleng umalis na sa lugar na iyon nang hindi napapansin ni Patricio ngunit huli na ang lahat dahil biglang napalingon sa kaniya si Patricio, agad sumilay ang malaking ngiti sa labi ng binata. "Palagi na lang tayong pinagtatagpo ng tadhana... hindi kaya tayo ay para sa isa't- isa Binibini?" tugon ni Patricio. Napatigil naman sa paglalakad si Salome at inis niyang nilingon ang binata. Naalala niya bigla na nagawa nitong utuin ang kaniyang ate Felicidad. Ang lalaking ito! Dapat matuto siya ng leksiyon! "Paumanhin Ginoo ngunit sa tingin ko ay kailangan mo ng magpatingin sa manggagamot dahil malala na ang sayad ng iyong utak" banat ni Salome habang nakapamewang pa, mahabang halakhak naman ang naging reaksyon ni Patrcio sa kaniya. "Nagkakamali ka Binibini ngunit hindi utak ang malala sa akin... kundi ang puso ko ang tunay na malala kung magmahal" buwelta ni Patricio at napahawak pa ito sa kaniyang tiyan dahil sa kakatawa. Nais sanang sigawan ni Salome ang binatang kausap niya ngunit biglang dumating na si Aling Diday at iniabot na kay Patricio ang maliit na sako ng salabat at isang mainit ng tasa ng salabat "Tanggapin niyo po ito Senor Patricio, nagpakulo po ako ng salabat upang mainitan ang sikmura niyo" tugon ni Aling Diday. Agad namang nagpasalamat si Patricio at ininomna niya ang mainit na salabat na binigay ng matanda. Ininomna ito ni Patricio sa harapan ni Salome, at nang matapos siya ay ibinalik na niya ang tasa kay ALing Diday. Napangiti siya kay Salome, hinubad niya ang kaniyang sumbrero at itinapat ito sa kaniyang dibdib bilang pagbigay galang sa dalaga. Napakunot lamang ang noo ni Salome at napailing-iling sa kahambugang inaasta ng binata. Tumalikod na siya at babalik na lang sa bagsakan ng isda nang biglang magsalita si Patricio mula sa likuran niya. "Sandali... Lumeng!" tawag nito dahilan para gulat na mapalingon si Salome sa binata na ngayon ay binigyan siya ng ngiting nakakaloko. May inihagis itong maliit na bagay sa kaniya na agad naman niyang sinalo "Batid ko na kailangan mo iyan kahit di mo pa sabihin" wika ni Patricio sabay kindat kay Salome at tuluyan na itong naglakad papalayo. Naistatwa naman si Salome sa kinatatayuan niya habang tinatanaw si Patricio na naglalakad papalayo, sinilip niya ang bagay na inihagis nito sa kaniya at laking gulat niya nang makita ang isang piraso ng pilak ang nasa palad niya. "Hija, may bibilhin ka ba?" tanong ni Aling Diday, napatingin naman si Salome sa matanda at bumili na siya ng tatlong kilo ng luya na pinapabili sa kaniya ni Manang Estelita gamit ang pambayad na binigay sa kaniya ni Patricio. "Narito na sila!" sigaw ni Ising, agad namang napatakbo papalabas si Salome at sinalubong sina Danilo at Julio na papasok na sa gate ng Hacienda Montecarlos. Kasabay nila ang pagdating din ng sampu pang mga mag-aaral na pawang kalalakihan na nasa edad pito hanggang labing-apat. Naka-suot sila ng puting pangP 13-7 itaas at may dala-dala silang kani-kaniyang kuwaderno. "Maraming Salamat Kuya" tugon ni Salome nang makalapit na siya sa kanila. kasama rin si Ernesto na siyang naghatid kay Danilo at Julio. May dala rin itong pinakuluang saba ng saging. "Pinapaabot din pala ni inay ang miryendang ito bilang pasasalamat kay Senor Fidel sa kaniyang kabutihan" tugon ni Ernesto sabay abot ng miryenda kay Salome na nakabalot sa dahon ng saging. Agad namang nagpasalamat si Salome at yumakap sa kaniyang kuya Ernesto, tatlong oras din ang itatagal ng klase kung kaya't babalikan na lamang ni Ernesto si Danilo at Julio para ihatid pauwi. "Mga bata tara na!" magiliw na tugon ni Salome at hinawakan niya sa magkabilang kamay si Danilo at Julio habang nakasunod naman sa kanila ang iba pang mga mag-aaral. Alas-nuwebe pa lamang ng umaga kung kaya't hindi pa ganoon kataas ang sikat ng araw. sa malawak ng lupain ng hacienda sa tabi ng lawa ng luha gaganapin ang klase dahil presko ang klima doon dahil sa lawa. Malayo pa lang ay natanaw na nila si Fidel na inaayos ang kumpol ng mga kuwaderno at pluma sa ibaba ng pisara na pinagawa niya kay Mang Berto. Isang malaki at mahaba ang parisukat na pisara na nakadikit sa isang malaking puno. Napatulala naman si Salome habang papalapit sila ng papalapit kay Fidel dahil napakaganda ng tindig at bihis nito. May hawak rin itong mahabang baston. "Bumati kayo mga bata" hikayat ni Salome sa mga bata nang makalapit na sila kay Fidel. Napangiti naman ang mga bata at sabay-sabay na hinubad ang kanilang mga sumbrero at itinapat iyon sa kanilang dibdib at bumati kay Fidel. "Magandang umaga po Senor Fidel" sabay-sabay nilang bati nang may mga ngiti sa kanilang labi. Hindi naman mapigilan ni Salome na pagkagigil sa kaniyang kapatid na si Julio kung kaya't pasimple niyang kinurot ang pisngi nito. "Magandang umaga rin mga bata... handa na ba kayo sa unang araw ng ating klase?" panimula ni Fidel at bakas din sa kaniyang mukha ang saya na nararamdaman niya dahil matutulungan niya ang mga bata magkaroon ng bagong kaalaman. "Opo Senor" sabay-sabay nilang sagot. Agad namang ginabayan ni Salome ang mga bata na maupo na sa damuhan, magkatulong naman sila ni Fidel sa pag-aabot ng mga bagong kuwaderno at pluma sa kanila. binigyan din sila ng tig-iisang tinta. Labis naman ang saya ng mga bata dahil sa mga bagong gamit sa pagaaral na binigay sa kanila ni Fidel. "Ako nga pala Si Maestro Fidel Montecarlos" pakilala ni Fidel at isinulat niya ang pangalan niya sa pisara. Napaupo naman si Salome sa pinakalikod sa gilid at manghang-mangha siya habang tinititigan ang pangalan ni Fidel na nakasulat sa pisara. Sinubukan niyang basahin iyon sa kaniyang isipan ng dahan-dahan, kahit papaano ay may kakaunti naman na siyang nalalaman sa alpabeto. "Sa wikang Kastila... Mi Nombre es Fidel Montecarlos" (My name is Fidel Montecarlos) Bakas sa mga mukha ng mga bata na nasasabik silang matuto. Maging si Salome ay nakikinig din ng mabuti P 13-8 habang nakaupo sa gilid. hindi nga lang niya dala ang kaniyang kuwaderno kung kaya't minemorya na lang niya ang mga naunang itinuro ni Fidel. Nag-umpisa sila sa pagkakabisado muna ng bawat letra ng alpabeto. Makalipas ang tatlong oras, alas-dose na ng tanghali. Dumating sina Manang Estelita kasama sila Ising, Piyang at Susana bitbit ang kanin at ulamna niluto nila para sa tanghalian. Naglatag sila sa damuhan ng dalawang malalaking dahon ng saging at doon nila nilagay ang mga pagkain. Tuwang- tuwa naman ang mga bata at nag-unahan sila umupo sa tabi ni Maestro Fidel. Nagulat naman si Salome nang lumapit si Julio kay Fidel at kumandong ito sa binata. Agad siyang tumakbo papalapit sa kanila at akmang kukunin sana si Julio dahil nakakahiya na magpapakandong pa ito sa kanilang amo pero binuhat ni Fidel si Julio at iniayos ito ng upo sa kaniyang binti. "Hayaan mo na nagagalak akong malapit na agada ng loob nila sa akin" tugon ni Fidel habang kalong-kalong si Julio na animo'y anak niya ito. "Maupo ka na rin at saluhan mo kaming kumain" wika pa ni Fidel at sinenyasan niya si Salome na maupo sa kaniyang tabi. Napalunok na lamang si Salome dahil sa pagkabigla. Inayos na lamang niya ang kaniyang saya at naupo na sa tabi ni Fidel. Malinis naman ang damuhan kung kaya't hindi na kailangan pang pagpagan. "Tayo'y manalangin na" wika ni Manang Estelita at ang lahat ay tumahimik na. si Manang Estelita ang nanguna sa pagdadasal, habang nakapikit ang lahat at taimtimna sumusunod sa kaniyang pagdadasal. "Amen" "Maraming Salamat po sa pagkain" sabay-sabay na wika ng mga bata at nagsimula na silang kumain. inasikaso na muna ni Salome ang mga bata sa pagkain, habang si Manang Estelita, Ising at Piyang ay bumalik muna sa mansyon upang kumuha ng tubig at ng panghimagas nila. "Hindi ka ba kakain? Ako na muna ang bahala sa kanila" bulong ni Fidel kay Salome dahilan para mabigla si Salome dahil nagdikit ang balikat nilang dalawa. "A-ayos lang po ako Senor, mauna na po kayong kumain" tugon ni Salome at napausog siya ng kaunti dahil halos makuryente na ang buo niyang katawan sa tuwing magdidikit ang katawan nila ni Fidel. "J-julio halika rito sa akin para makakain na si Senor" patuloy pa ni Salome at akmang bubuhatin na niya si Julio na nasa kandungan pa rin ni Fidel pero biglang hinawakan ni Fidel si Julio dahilan para aksidenteng mahawakan ni Fidel ang kamay ni Salome na nasa tagiliran ni Julio dahil bubuhatin na niya ito. "A-ayos lang din ako, huwag mo akong alalahanin... at isa pa ang makita kong ganito kasaya ang lahat ay isang kabusugan na sa akin" tugon pa ni Fidel, agad namang inalis ni Salome ang kamay niya na hawak ni Fidel dahil sa pagkabigla at napayuko na lamang siya dahil nag-iinit na ang kaniyang mga pisngi. "Bukod doon ay hindi mo man lang sa akin nasabi na may kapatid ka na ubod ng bait at talino" patuloy pa ni Fidel at ginulo-gulo niya ang buhok ni Julio na kalong-kalong niya. nakiliti naman si Julio dahil sa ginawa ni Fidel at nagtawanan sila. Hindi naman mapigilan ni Salome na mapangiti habang pinagmamasdan ang lalaking kaniyang hinahangaan at P 13-9 ang pinakamamahal niyang bunsong kapatid na nagkakatuwaan at nagkakasundo ngayon. Mas lalo mo akong pinapa-ibig dahil sa ginagawa mo Fidel... "Ate Lumeng!" natauhan lang siya nang bigla siyang tapikin sa balikat ni Danilo na noo'y nakaupo pala sa tapat nila "Kanina pa kita tinatawag ate" reklamo pa ni Danilo sabay tingin kay Fidel at ibinalik niya ulit ang tingin sa kaniyang ate Salome. Bigla namang kinabahan si Salome dahil nararamdaman niyang may kakaibang iniisip si Danilo "A-ano ba iyon Danilo?" tanong ni Salome, napailing-iling naman si Danilo at bigla itong ngumiti na nakaasar. "Wala... asikasuhin mo na lang ate ang pagtitig mo- " hindi na natapos ni Danilo ang sasabihin niya dahil biglang dinampot ni Salome ang kumpol ng kanin at agad na sinubo iyon sa bunganga ni Danilo. "Danilo hindi namin akalain na nagpapasubo ka pa gayong ang laki-laki mo na" biro pa ng isa niyang kaklase dahilan para magtawanan ang lahat. sinamaan na lang ni Danilo ng tingin ang kaniyang ate Salome dahil sa ginawa nito. Sinenyasan naman ni Salome si Danilo na manahimik ito. Kailangan kong mag-ingat... mukhang nakakahalata na si Danilo Matapos ang tanghalian ay tumulong ang mga bata sa pagliligpit ng mga gamit sa kanilang klase, tumulong din sila sa paghuhugas ng mga pinagkainan at sa pagtatapon ng basura bago sila nagpaalamkay Maestro Fidel. "Aasahan kong mabibigkas niyo na sa akin ang pagkakasunod ng letra ng alpabeto bukas mga bata" bilin ni Fidel. Sabay-sabay namang napatango ang mga bata at nagbigay galang kay Fidel bago sila nag-unahan sa pagtakbo papalabas sa hacienda kung saan nag-aabang ang kanilang mga magulang upang sunduin sila. Napakaway naman si Salome sa kaniyang kuya Ernesto na noo'y buhat-buhat na si Julio at hawak na rin si Danilo bago ito umalis. Nang makaalis na ang lahat, dinampot na ni Salome ang iilang kuwaderno na sobra na nakalagay sa gilid ng puno, "Senor saan kop o ilalalgay ito?" tanong niya kay Fidel na noo'y naupo na muli sa damuhan at nagsimulang magbasa ng libro. Mukhang mananatili pa rito si Fidel upang magbasa-basa ng aklat. "Hayaan mo lang muna iyan, kumuha ka ng isang kuwaderno at maupo ka rito sa tabi ko" wika ni Fidel habang nakatuon ang pansin niya sa librong binabasa niya. nagulat naman si Salome at biglang kumabog ng malakas ang puso niya, iniisip pa lang niya na makakatabi niya muli si Fidel ay halos himatayin na siya dahil sa kaba. Nagitla si Salome at aksidente niyang nabitawan ang mga kuwadernong hawak niya nang biglang lumingon sa kaniya si Fidel "Halika na rito... tuturuan din kita upang matulungan kita sa istoryang nais mong isulat" patuloy pa ni Fidel sabay ngiti kay Salome dahilan para mas lalong magwala ang puso ng dalaga. Nang bumalik sa ulirat ay agad na dinampot ni Salome ang nabitawan niyang mga kuwaderno at inilagay iyon P 13-10 sa gilid ng puno, kumuha siya ng isa at dali-daling naupo sa tabi ni Fidel ngunit sinigurado niya na may isang dipa ang layo nila sa isa't-isa. Napatingin muli sa kaniya si Fidel at natawa na lamang ito dahil ang layo ni Salome sa kaniya "Paano kita matuturuan ng maayos kung ganiyan ka kalayo sa akin?" natatawang usisa ng binata. Tumawa na lang din si Salome kahit pilit upang hindi siya mapahiya sa harapan ng binata. Tumayo siya at naupo na malapit kay Fidel, ngunit sinigurado niya pa rin na may dalawang dangkal na layo sila sa isa't- isa. Kinuha ni Fidel ang kuwaderno na hawak ni Salome at nagsimula siyang magsulat doon. Nasa kabilang gilid ni Fidel nakalagay ang kaniyang pluma at ang tinta nito. "Isusulat ko ngayon dito ang sunod-sunod na letra ng alpabeto" wika ni Fidel habang sinusulat ang a, b, c, d, e... sa kuwaderno. "Batid kong nakakabasa ka na rin ng alpabeto hindi ba?" patuloy pa ni Fidel sabay tingin sa dalaga. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome dahil nahuli siya ni Fidel na tinititigan niya ang mukha nito. Ayaw palagpasin ni Salome ang pagkakataon na matitigan ng ganoon kalapit ang mukha ni Fidel. "AHH! O-opo Senor" sagot ni Salome at bigla siyang napatingin sa kuwadernong sinusulatan ni Fidel. "Pamilyar sa akin ang mga letrang iyan.. at iyon rin po... maging ang letrang ito" patuloy pa ni Salome habang tinuturo ang mga letra na naisulat na ni Fidel sa kuwaderno. Nais niyang ibahin ang usapan lituhin si Fidel at hindi na nito maaalala na nahuli niyang nakakatitig sa kaniya si Salome. Napangiti na lamang si Fidel at nagsulat na muli sa kuwaderno. "Bukod sa pagbabasa at pagsusulat... nais mo rin bang matuto magbilang?" tanong pa ni Fidel, napatango naman si Salome nang hindi tumitingin sa binata dahil hindi na niya magawang harapin ito sa sobrang kahihiyan. "O-opo Senor hanggang milyon lamang ang kaya kong bilangin" sagot ni Salome, napangiti naman si Fidel at isinara na niya ang kuwaderno at hinarap si Salome. "Kung gayon ikaw pala ay magaling sa matematika" tugon ni Fidel. Nagtataka namang napatingin sa kaniya si Salome. "Pagbibilang lang po ang kaya ko at simpleng aritmetik" sagot ni Salome. Mas lalong namangha sa kaniya si Fidel. "Kung kaya mo magbilang hanggang sampu kaya mo ring magbilang hanggang milyon... ang numero ay hindi natatapos, ang numero ay walang katapusan at paulit-ulit na nangyayari" paliwanag ni Fidel, napatingin naman sa kaniya si Salome at pilit na iniintindi ang nais ipabatid ni Fidel. "Kung mapapansin mo, ang numero ay paulit-ulit lamang ang ikot nito, mag-uumpisa ka sa 0 at magtatapos sa numero na may 0 din sa huli, ang sampu, dalawampu, tatlumpu, isang daan, isang libo hanggang sa isang milyon ay nagtatapos sa 0 at maguumpisa muli sa bilang na 1,2,3,4,5,6,7,8,9 at magtatapos muli sa 0" paliwanag ni Fidel, napangiti naman si Salome nang maunawaan niya ang sinasabi ng binata. "Tama nga... paulit-ulit lang" sambit ni Salome, at hindi na niya maikubli ang saya na nararamdaman niya dahil sa panibagong kaalaman na kaniyang natutunan kay Fidel. ~Kay sarap ng may minamahal Ang daigdig ay may kulay at buhay At kahit na may pagkukulang ka Isang halik mo lang limot ko na~ P 13-11 ~Sa tuwina'y naaalala ka Sa pangarap laging kasama ka Ikaw ang ala-ala sa 'king pag-iisa Wala nang iibigin pang iba~ "Ang numero ay parang isang masaklap na katotohanan na paulit-ulit na nangyayari at... hindi maaaring magbago" patuloy pa ni Fidel habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Sa pagkakataong iyon, biglang umihip ng marahan ang hangin, habang ang mga dahon sa ilalimng puno na kanilang kinauupuan ay unti-unting humahalik sa lupa. Ang kwento ba nating dalawa ay katulad ng numero na paulit-ulit na nangyayari at hindi maaaring magbago? ****************** Featured Song: 'Naaalala ka' by Shamrock "Naalala ka" by Shamrock medyo may pinagkaiba kay nathan hahaha Hahahhaaleeeeng P 13-12 Kabanata f(x - 12) 73.8K 2.9K 3.3K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 12] "Maybe it's intuition But some things you just don't question Like in your eyes, I see my future in an instant" -Savage Garden (I knew I loved you) "Time's up!" "Huwaaat? Wait lang sir di pa ko tapos!" reklamo ko pa habang nagmamadaling tinatapos ang solution ko para makuha ko ang final answer sa equation na binigay ni Sir Nathan. "Your time is over" habol pa ni Sir habang nakangiti ng nakakaloko sabay kuha sa tatlong piraso ng yellow pad kung saan ko sinosolve ang solution back to back. "Pero matatapos ko na po... waaaait!" habol ko pa sabay agaw sa kaniya nung papel, isa ito sa mga kahinaan ko. kapag nasimulan ko ng i-solve ang isang math problemkahit anong mangyari hinding-hindi ko iyon tatantanan hangga't hindi ko nakukuha ang tamang sagot. "It's over" sabi pa ni Sir Nathan sabay agaw ulit nung papel ko, at parang nang- aasar siya kasi hindi ko natapos yung solution. Ugh! Itinaas niya pa yung papel para hindi ko maagaw sa kaniya. Nakakainis talaga! Napasabunot na lang ako sa sarili ko at napasandal sa upuan ko. My gosh! hindi ako mapakali! Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko natatapos yung solution ko! Inilapag na ni Sir Nathan yung phone niya sa mesa na naka-timer at pinag-aralan mabuti yung solution na ginawa ko. gusto kong hablutin sa kaniya yung papel at magtatatakbo papalayo na parang snatcher maitakas ko lang yung papel. "You're almost there" sabi pa niya habang pinag-aaralan mabuti yung solution ko at may binilugan pa siyang mga numbers doon. "But you didn't find the answer" patuloy niya pa sabay turo doon sa pinakadulo ng solution ko kung saan hahanapin ko na lang ang square root ng 117 ay hindi ko pa nagawa kasi 2 minutes lang ang binigay na time ni Sir Nathan para ma-solve ko ang tatlong math problems na binigay niya. "Akin na sir tatapusin ko" reklamo ko pa, naiirita na ko. pinaka-ayoko kasi talaga sa lahat yung nabibitin ako P 14-1 at hindi ko nahahanap yung final answer sa mga equations na sino-solve ko. nagulat naman ako kasi napangiti lang si Sir Nathan at tinawanan ako. Kaazar! Halos mabaliw na ko dito at nangangati na ko tapusin yung equation na yun! tapos tinatawanan lang niya ako. "You didn't make it in two minutes" asar niya pa. Nakakaloko talaga to. napakamot na lang ako sa ulo dahil sa matinding pagka-irita. Feel ko forever ako huhuntingin ng equation na yun kasi hindi ko siya na-solve! "Sir! Okay Okay, pero please let me solve it" pagmamakaawa ko pa sa kaniya. Hindi ako marunong magpacute o mag-puppy eyes kasi nagmumukha lang akong desperadang butiki at ayokong mawalan ng gana si Sir Nathan sa kinakain niya ngayong La Sagna kapag nakita niya ang pag-aanyong butiki ko. Nandito kami ngayon sa Greenwich, at halos dalawang linggo na ang lumipas mula noong nagsimula ang pagmementor sa akin ni Sir Nathan para sa nalalapit na competition. Araw-araw niya akong tinuturuan, every 4pmpagkatapos ng klase ko at vacant time niya, may last class pa kasi siya ng 6 pm. Masasabi kong mas naging comfortable na ako kay Sir Nathan, nauna siyang nagkwento ng mga bagay-bagay tungkol sa kaniya. Nalaman ko na mahilig pala siya sa cheese at kahit anong pagkain basta may cheese kakainin niya. Last week habang nasa conference roomkami... "First love ko talaga ang cheese" pagmamalaki pa ni Sir Nathan at mukhang inlababo talaga sa cheese cake na kinakain niya, inalok pa nga niya ako pero isa lang ang tinidor na dala niya. Ano yun? share kami sa isang tinidor? Swerte naman niya charr haha! "Kaya pala ang cheesy niyo eh" bulong ko pa sa sarili ko pero biglang humalakhak si Sir, yung parang tawa ni Hagrid sa Harry Potter. Na-creepyhan tuloy ako kasi tumawa siya na parang higante. "I heard that... hindi ako nagpipick-up line pero dahil hinahamon mo ako, pagbibigyan kita" tawa pa ni Sir at kitang-kita ko ngayon sa bibig niya yung piraso ng cheese cake na kakasubo lang niya. Bigla naman akong napahawak ng mahigpit sa pencil na hawak ko dahil bigla akong nakaramdam ng kaba! My Goodness! Mag-pipick up line si Sir! , pansamantala kong nakalimutan na nag-sosolve ako ngayon ng isang equation tungkol sa Trigonometry. "Cheese cake ka ba?" banat ni Sir habang nakangiti ng todo sa'kin ngayon. Whuut? Hanggang sa pick up line kadamay pa rin ang cheese? magsasalita pa sana ako kaso napansin kong nilunok na ni Sir yung piraso ng cheese cake na nasa bunganga niya kanina, nakita ko pang dumaloy iyon sa lalamunan niya at napadaan sa adam's apple niya. Gosh! ang Hot tingnan! "Agcaoili? Sabihin mo... Bakit" patuloy niya pa at dahil dun natauhan ako. My Gosh! Oo nga pala magpipick up line si Sir, kainis! Masyado kasi akong na-distract sa adam's apple niya. "B-bakit?" P 14-2 "Kasi ikaw ang First Love ko..." banat niya pa sabay ngiti. At ako naman ay parang tinamaan ng kanyon ni Kupido na naistatwa lang sa kanauupuan ko at gulat na napatulala sa kaniya. MY GOODNESS! "Ang corny ng pick up line ko... J-just forget it, mag-aral ka na lang diyan" sabi pa niya at parang bigla siyang na-ilang, natawa na lang ako kasi siya naman nag-volunteer mag-pickupline diyan tapos ngayon nang marealize niya na ang baduy ng sinabi niya bigla siyang mahihiya tss... Nalaman ko din na sa isang condo sa Quezon City siya nakatira na kasalukuyan niyang hinuhulog-hulugan ngayon. nagtuturo din sa ibang University si Sir Nathan pero sa school namin siya nag-fufull time. Kaya ko nalaman iyon kasi binanggit niya iyon sa akin kahapon. "Saturday bukas, hindi tayo pwede sa conference room" tugon ni Sir, habang chinecheck ang 1 - 20 na math problems na pina-assignment niya sa'kin noong isang araw. Nasa classroom kami ngayon at nagpapa-seat work si Sir Nathan, lumapit naman ako sa table niya at pinasa ko yung assignment ko para ma-check na niya ng maaga. Medyo maingay ang klase kasi group seatwork ang pinagawa niya. ka-grupo ko naman si Jen at may nahikayat pa siyang isang barangay para mabahaginan ng sagot ko. Hindi na naman pumasok si Bryan, kaya wala akong katabi. Kaya etong si Jen ay feel na feel tumabi sa akin at para siyang nangangampanya ngayon sa ingay niya. "Sa condo ko na lang" sabi ni Sir at ibinalik na niya sa akin yung assignment ko. Nanlaki naman yung mga mata ko dahil sa gulat. Huwaaaat? Ano daw? Sa condo pala nakatira si Sir! Magsasalita pa sana ako kaso nagdagsaan na yung mga kaklase ko na nakinabang sa sagot ko, sunodsunod silang tumayo at ipinasa kay Sir Nathan yung mga papel nila. parang kakatapos lang ng eleksyon at ipapasa na nila yung balota nila. Habang ito naman si Jen ay nakangisi na parang kandidato sa eleksyon na nanuhol. Ilang saglit pa dinimiss na ni Sir ang klase, agad namang naglabasan ang mga kaklase ko at nag-CR muna si Jen. Naiwan ulit kami ni Sir Nathan sa classroom, nililigpit na niya ang mga gamit niya samantalang parang tuod pa din akong tulala na nakatayo doon sa tapat ng desk niya. "Oo nga pala, we can't meet later may seminar akong pupuntahan... See you tomorrow, I'll email you my address" diretsong tugon ni Sir at lumabas na siya ng classroom. Bigla naman akong napabagsak sa P 14-3 upuan ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala na... MAKAKAPUNTA AKO SA CONDO NIYA BUKAS! Itanong ko ba sa kaniya kung magdadala ako ng foods? chos! Alamko na din ang phone number ni Sir Nathan dahil may nagtext sa akin kagabi na unknown number... 11 pm na at hindi pa din ako makatulog nakahiga lang ako sa kama habang tulala sa kisame at pinagammasdan ang mga glow in the darks na moon at stars na dinikit ko doon, ang daming gumugulo ngayon sa isipan ko hindi ko kasi alam kung anong mangyayari bukas? Pinunit ko na din yung guidelines na ginawa ko kasi todo todo ako makalabag sa mga sinulat ko doon. Kanina pa pagkatapos ng hapunan inaantay kong dumating yung email ni Sir pero... wala. Paasa talaga eh. Kaya humiga na ako sa kama. Ilang sandali pa biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa ilalim ng unan ko, kinuha ko iyon at may nakita akong isang text message: Agcaoili, sa Greenwich na lang ang session natin tomorrow, 4pm Waaaaahhh! At dahil sa gulat nabitawan ko yung phone ko at diretso itong bumagsak sa mukha ko. Ouch! Napahawak na lang ako sa ilong ko dahil sapul na sapul ng phone ko ang ilong ko. agad akong nagpaikot-ikot sa kama dahil sa sakit. Grabe! Ang shunga! Shunga! Ko talaga! Nagulat at napatigil naman ako nang biglang sinipa-sipa ni Alex yung higaan ko. nasa taas kasi ako ng double deck namin at nasa ibaba naman siya. "Panget! Magpatulog ka naman oh!" reklamo niya pa, at dahil sa inis ko kinuha ko yung unan ko at binato ko yun sa mukha niya sa ibaba. Sapul! "Anak ng- Bwiset!" reklamo niya pa sabay yakap doon sa unan ko dahil mukhang hindi na niya iyon ibabalik sa akin. Bababa sana ako para kunin yun sa kaniya kaso natakot ako kasi baka ma-ambush niya ko. humiga na lang ulit ako sa kama dahil sa inis, wala na tuloy akong unan. Kaazar talaga! Nag-vibrate ulit yung phone ko at sa pagkakataong ito, napatagilid ako ng higa para hindi tumama sa P 14-4 mukha ko yung phone ko kung sakaling mabitawan ko iyon. Anyway, it's Sir Nathan I got your number from Sir Albert Sabi ko na nga ba! Oo nga pala, alam ni Sir Albert yung number ko kasi siya yung tumulong sa akin noon na magpasa ng mga requirements nung nagka-tigdas ako. Napatulala na lang ulit ako sa mga glow in the darks stars and moon ko na nakadikit sa kisame. Haays sayang akala ko pa naman makakapunta na ko sa bahay ni Sir Nathan. "Okay... Okay... you may solve it" sabi pa ni Sir Nathan at ibinalik na niya sa'kin yung papel ko. napansin niya sigurong nasa peligro ang buhay niya kapag hindi niya sa'kin binalik yung papel ko. napangiti na lang ako at agad kong hinablot sa kaniya yung papel para ituloy yung solutions ko. Oh yes! Madadaan naman pala sa pamatay ng tingin to si Sir eh. Haha! Natapos na rin ni Sir kainin yung La Sagna niya samantalang hindi ko pa rin nagagalaw yung pagkain ko. medyo matao ngayon dito sa Greenwich kaya hindi ko ma-gets kung bakit dito pa kami mag-tututorial session. Ahh! Siguro kasi nag-cacrave siya ngayon sa cheese kaya gusto niya ng La Sagna. "Yes! Tapos na!" excited kong sabi sabay abot sa kaniya nung papel ko na may final answer na. The Square root of 117 is 10.8166538 Kinuha naman iyon ni Sir at napatango-tango siya. bigla tuloy akong nahiya naalala ko kasi na nabeast mode ako kanina, hindi ko kasi mapigilang hindi mairita lalo na kapag hindi ko nahahanap yung sagot sa sinosolve ko. "At least you find the answer" nakangiting tugon ni Sir Nathan. Kinuha ko naman na yung spaghetti at one piece chicken na inorder ko at nagsimula na akong kumain. "Ewan ko po ba Sir, nawawala po ako sa sarili kapag hindi ko nahahanap yung final answer sa lahat ng math problemna sinosolve ko" paliwanag ko sa kaniya. Napasandal naman si Sir sa upuan niya at napatingin siya sa akin. At dahil dun hindi ko tuloy magawang lunukin yung mahabang hibla ng spaghetti na nasa bunganga ko na. "Normal lang naman sa tao na madismaya kapag hindi niya nahanap ang kasagutan sa mga katanungan niya sa buhay" tugon ni Sir Nathan at dahil dun napatingin ako sa kaniya. Whoah? Tama ba narinig ko? nag-straight tagalog si Sir! P 14-5 Bigla namang nagtaka yung itsura ni Sir at naweweirduhan siyang napatingin sa akin. "What's with that look?" Agad ko namang nilunok yung spaghetti, hindi ko na nga nanguya ng mabuti at parang hinigop ko lang kasi kinakausap niya ako. "Kasi sir ngayon lang kita narinig na nag-tagalog ng diretso at infairness medyo malalimpa ah... nakakaamaze, nakakadagdag pogi points yan" pang-asar ko pa dahilan para matawa lang si Sir at napailing-iling siya. "I think I should speak in tagalog more often" sabi pa niya at parang na-flatter siya. Aba! Di ko akaling nafaflatter din pala to si sir. Napangiti na lang ako, nakakadagdag pogi points naman talaga kapag malalim magtaglog ang isang lalaki. Kyaahh! "How about the Sin, Cos, Tan of Trigonometry?" tanong ni Sir Nathan, nandito naman kami ngayon sa bakanteng classroom. Ginagamit kasi ngayon yung conference roomdahil nagpa-meeting si Dean. "To better understand when to use the forms Sin-Cos-Tan you can use SOH CAH TOA: SOH:Sin is used when given the opposite and the hypotenuse CAH:Cos is used when given the adjacent and the hypotenuse TOA:Tan is used when given the opposite and adjacent" sagot ko, napatango-tango naman si Sir. Mukhang kumbinsido na siya. Samantalang mukha naman akong echeoserang palaka na tuwang-tuwa kasi palaging tama ang sagot ko sa mga tanong ni Sir. "Did you know that... Math is a SIN that can COS a TAN of problem" banat pa ni Sir at siya mismo ang natawa sa sarili niyang joke. Teka! Wait! Nag-jojoke na naman siya oh. At humuhugot pa. sa fb lang din naman niya kinuha joke na yan eh. Napa-taas naman yung kilay ko, First love ko ang math at mukhang ineecheos niya ito. "I disagree sir, Math is not a SIN but... yeah it can COS a TAN of problems" sagot ko at dahil dun tumawa si Sir, nakita ko na naman yung tawa niya na labas ang ngipin. Kyaaahh! P 14-6 "Physics is more complicated" habol ko pa, si Sir Nathan naman ngayon yung biglang na-challenge. Nalaman ko kasi na Physics pala ang totoong major niya, at minor lang niya ang Mathematics. "Really? How about the Law of Attraction in Physics?" hamon pa sa'kin ni Sir Nathan. Napaisip naman ako, favorite law yun ni Alex bukod sa law of gravity at motion. "According to Albert Einstein, everything is energy and that's all there is to it. Match the frequency of the reality you want and cannot help but get that reality. It can be no other way. This is not philosophy, this is physics" sagot ko, napatango-tango naman si Sir Nathan habang naglalakad-lakad sa platform. Kinuha niya yung whiteboard marker niya at nagsulat siya sa board. "Quantumphysics shows us that the world is not the hard and unchangeable thing it may appear to be. Instead, it is a very fluid place continuously built up using our individual and collective thoughts" paliwanag ni Sir at nag-drawing siya ng malaking bilog sa board. "Everything you see in our physical world started as an idea, an idea that grew as it was shared and expressed, until it grew enough into a physical object through a number of steps" patuloy niya pa at nilagyan niya ng maliliit nabilog yung loob nung malaking bilog na drinawing niya hanggang sa mapuno iyon. "You literally become what you think about most... Your life becomes what you have imagined and believed in most" dagdag pa ni Sir Nathan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Tapos may sinulat ulit siya sa board... at sa pagkakataong iyon parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko habang isa-isa kong binasa yung sinulat niya. Karma The Law of Attraction Quantum Physics The Golden Rule P 14-7 Prayer Are All part of the same concept: We Create Our Reality! And what is that reality Sir? Nandito kami ngayon sa conference room, two weeks na lang bago sumapit ang Academic Pasiklaban. Sa totoo lang, naeexcite ako na ewan, kinakabahan din ako kasi masyadong mataas ang expectation ng math department at natatakot ako na baka mabigo ko sila. Paano kung matalo ako? anong mukhang ihaharap ko sa math department? Sa mga kaklase ko? sa pamilya ko? kay Sir Nathan"Agcaoili" natauhan lang ako nang marinig kong magsalita si Sir Nathan, Grabe! Nakalimutan kong nasa tapat ko lang pala siya ngayon at may tinuturo siya sa'king short cut sa pagkuha ng solutions. Masyado kasi naoccupy ng stress ang brain ko. "A-ano po yun sir?" "I said, Using the given point, what is the equation of this straight line in Point-Slope Form?" tanong ni Sir sabay turo sa'kin nung graph na hawak niya. "Okay Sir hehe" "Is there something bothering you?" tanong niya pa na ikina-gitla ko. Gosh! "P-po? W-wala naman sir" tanggi ko pa at ibinalik ko na yung tingin ko doon sa notebook ko. napatingkayad P 14-8 naman si Sir at sinilip ang mukha ko dahilan para mapaatras ako at mapasandal sa upuan ko. napalunok na lang ako dahil sa kaba. Gosh! parang napanood ko na'to. pasimpleng lalapit yung guy para tingnan mabuti yung reaksyon ng mukha ng girl tapos mapapatras yung girl hanggang sa ma-corner siya sa dulo ng dingding, ipapatong nung guy yung kamay niya doon sa pader para makulong sa bisig niya yung girl. Tapos sasabihin nung guy na 'Tingnan mo ko ng diretso sa mata' syempre mabibigla yung girl at magpapabebe, mapapaiwas ng tingin yung girl pero biglang hahawakan nung guy yung chin nito at pilit na papatinginin ng diretso sa mata niya. 'Ang iyong mga mata ay kasingganda ng bituin sa langit' sasabihin nung guy, at mapapatulala sila sa isa'tisa hanggang sa maglapit ang kanilang mga labi"What are you doing?... Agcaoili" "Ang mga titig mo naman ay tulad ng sikat ng araw na nakakasilaw" "What...do...you... m-mean?" narinig kong tugon pa ni Sir at bigla akong napabagsak sa kinauupuan ko dahil narealize ko na... NAKANGUSO PALA AKO SA TAPAT NI SIR! KYAAAAH! "AY PUSANG PALAKA!" "Are you alright?" tanong niya pa at napatayo siya para tulungan akong tumayo. Agad naman akong tumayo at naupo ulit sa upuan ko, inayos ko rin ang sarili ko at hindi na ako ngayon makatingin ng diretso sa mga mata niya. Halaaa! Nakakainis! Nawala na naman ako sa sarili ko! My Gosh! baka kung anong isipin ni Sir! Baka isipin niya na hahalikan ko siya! "Anyway, bakit ka nakapikit at nakanguso kanina?" nagtatakang tanong ni Sir at medyo natatawa siya. AYAN NA! ALEEZA TAKBO NA! P 14-9 "Hala! Mali yung formula ko! wait lang sir... kukunin ko lang yung lists ng formula na- " "The point slope formof a linear equation is written as (y-y1)=m(x-x1)" sagot ni Sir. Omg! "Bumalik ka na ulit sa upuan mo... and please answer my question" sambit pa ni Sir habang iniikot-ikot niya yung ballpen sa kamay niya. para siyang prosecutor ngayon at pilit na pinapaamin ako sa pagkakasala ko. "Ayy! Mapurol na yung lapis ko, wait lang sir kukunin ko lang yung sharpener- " "Here" sabi ni Sir sabay abot sa'kin nung sharpener na nakalagay sa pencil holder na dala niya. "Maupo ka na and- " "Hala! mali pala yung notebook na nadala ko, naiwan ko sa locker yung math notebook ko, wait lang sir kukunin- " "It's okay, pwede mo namang kopyahin yung formula pagdating mo sa bahay" sabi pa ni Sir habang nakatingin pa din ng diretso sa'kin at mas lalo akong naiirita sa ginagawa niyang pagpapaikot nung ballpen niya sa kamay niya. "Uhmm... na-CCR na ko sir, wait lang talaga!" palusot ko pa at dali-dali na akong tumakbo papalabas ng conference room. Narinig ko pang tinawag ni Sir ang pangalan ko pero hindi ko na iyon pinansin at nagtatakbo ako papalabas sa teacher's office. My Gosh! Kumaripas pa ko ng takbo papunta sa CR at nagkulong sa pinakadulong cubicle. Napasandal na lang ako sa pinto at napahawak sa puso ko. Gosh! nakakahiya talaga! nahuli ako ni sir! Anong sasabihin ko? nababaliw na ko! P 14-10 Kinuha ko na yung phone ko sa bulsa, buti na lang palaging nasa bulsa ko yung phone ko. agad kong tinext sila Alex na sabay kaming umuwi kahit pa mamayang 6 pmpa ang uwi niya. hindi ko kasi kayang harapin ngayon si Sir Nathan. Buti na lang nilagay ko sa locker ko yung bag ko kaya yung notebook at math textbooks lang yung dala ko kanina sa conference room. Ten minutes na lang naman bago mag 5 pm, matatapos na din ang session namin ni Sir Nathan. Napahinga na lang ako ng malalimat nilakasan ko ang loob ko at tinext siya. Sir I need to go home, hinihintay na po ako ng kapatid ko, sige po bye. Napapadyak ako sa kaba nang pinindot ko na yung send button. Napaupo na lang ako sa cubicle at napapanic doon. Ilang saglit pa biglang nag-vibrate na yung phone ko. Gosh! NAG-REPLY NA SI SIR NATHAN! Okay, ingat sa pag-uwi :) Napatulala lang ako ng mga 10 seconds doon sa message ni sir. Baka ako lang tong napapraning? Hindi naman siguro naisip ni Sir na ikikiss ko siya kanina? Whew! Grabe! Syempre naman Aleeza pollution free ang utak ni Sir Nathan noh, di tulad mo na polluted na. Ibinulsa ko na yung phone ko at lumabas na sa cubicle, nagtungo ako sa tapat ng salamin at naghilamos ng muhka para pakalmahin ko ang sarili ko. sabi nga nila kapag kinakabahan ka nakakatulong yung paghilamos sa mukha para mabawasan ang kaba mo. Ilang saglit pa biglang dumating yung grupo nila Stacy Miranda, at mukhang sasakupin na naman nila yung CR. Tinaasan ako ng kilay ni Stacy kasi hindi pa din ako umaalis doon sa tapat ng salamin. Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at lumabas na doon sa CR. Ugh! Dukutin ko eyeballs niya diyan eh. Dumiretso na ako sa locker at kinuha ko na yung bag ko, para akong kriminal na napapraning kasi baka bigang sumulpot si Sir Nathan at makasalubong ko siya. buti na lang nasa first floor ang locker ko kaya madali akong makakalabas sa building namin. Pagkalabas ko doon, dire-diretso akong naglakad sa labas, buti na lang hindi umuulan ngayon kaya mas madali akong nakarating sa gate 3. Habang naglalakad ako nag-vibrate ulit ang phone ko, nagtext si Alex. P 14-11 6 pm pa ang uwian ko, wala ka ng pamasahe noh? Tsk tsk. Narating ko na yung waiting shed at naupo na ako doon. Nakakainis hanggang sa text talaga tinatarayan ako nito. Oo wala na kong pamasahe kaya hihintayin kita dito sa waiting shed sa labas ng gate 3 Okay na yun, bukod sa nakatakas na ako kay Sir Nathan mukhang makakalibre pa akong ng pamasahe ngayon haha! Naupo na ako sa mahabang diretsong bakal na upuan sa waiting shed, may iilang mga estudyante na naghihintay ng masasakyan. Napatakip na lang ako sa ilong ko kasi ang usok ng paligid dahil sa mga usok ng sasakyan na dumadaan. Medyo naiinip na din ako kasi wala akong kausap, kanina pa umuwi sila Iryn at Leana dahil inaatupag nila ngayon yung facebook fanpage na ginawa nila para kay Sir Nathan at ako ang main source nila kasi palagi ko nakakasama si Sir. Samantalang, sinundo naman ni Arthur si Jen kanina dahil mukhang nag-LQ na naman sila. Pinagmamasdan ko lang ang mga taong dumaraan sa tapat ko, maging ang mga nakatambay at nagtatawanan ay pinagmamasdan ko rin. Ang mga sasakyang dumaraan, ang mga nagtitinda ng fishball, kwek-kwek, banana que at marami pang iba, ang dumadagungdong na pagdaan ng LRT sa itaas ay hindi rin nakaligtas sa paningin ko. Naaalala ko bigla yung introduction line noon ni John Lloyd Cruzsa My Amnesia Girl na movie nila ni Toni Gonzaga, "Sabi sa census, mahigit 11 milyon na tao sa Metro Manila. Sa dami ng tao na 'yun, paano mo kaya malalaman kung sino sa kanila ang para sa'yo? Paano kung nakasalubong mo na siya, kaya lang hindi mo pinansin. Dumaan na pala sa harap mo, nang yumuko ka para magsintas ng sapatos mo. Nakatabi mo na pala, kaya lang lumingon ka para tingnan ang traf ic light. Baka andoon na siya, humarang lang 'yung pedicab. Sa dinami-dami ng tao, may masusuwerte na nakahanap na, may mga naghahanap pa, may iba sumuko na. Pero ang pinakamasaklap sa lahat, 'yung nasa iyo na, pinakawalan mo pa. Pero paano nga kaya kung isang beses lang dumadating ang para sa'yo? Palalampasin mo pa? Kahit nasa harap mo na?" Sa dinami-dami ng tao sa mundo, hindi mo aakalain na isang araw ay makakadaupang palad mo ang taong nakatadhana pala para sayo, parang isang line sa graph na pagtatagpuin kayo sa di niyo inaasahang pagkakataon"AYY ANAK NG TOKNENENG!" napasigaw ako sa gulat kasi biglang may bumisina ng malakas sa tapat P 14-12 ko. nanlaki ang mga mata ko nang makita si... Bryan Armando! Ang gunggong na bisugo na pinaglihi sa kayabangan! "Wanna ride?" sabi niya, habang nakasuot ng mamahaling sunglass, napalingon naman ako sa kaliwa't kanan ko baka hindi naman ako yung kinakausap niya. pero lahat ng estudyante ngayon na nakatayo sa gilid ng waiting shed ay nakatingin sa akin. Halaaa! "I'mtalking to you! Bottled water girl" sabi niya sabay tanggal nung shades niya at kumindat pa sa'kin. Eww! Nakasakay siya sa isang mamahaling red sports car na natatanggal yung bubong, hindi ko matandaan kung anong brand ng kotse yun. "Come on!" sabi pa niya sabay tapik doon sa passenger seat na nasa tabi niya. Napatayo na lang ako at naglakad papalayo, nagpanggap na lang ako na hindi ko siya kilala at kunwaring may katext. "After all I've done for you... this is what I've got?" reklamo niya pa, yung tipong ang hangin hangin lang. Napapatingin sa akin ngayon yung mga ka-schoolmates ko, hindi pa rin kasi maawat si Bryan sa pagdadakdak "Hey! how about my ten peso coin?" narinig kong reklamo niya pa. at dahil dun nagpantig tuloy yung tenga ko. Whuuut? ANO? DINADAMDAM NIYA YUNG SAMPUNG PISO NIYA? ABA NAMAN! Naramdaman kong parang umakyat yung dugo ko sa ulo ko at dahil sa inis nilingon ko na siya with matching napa-pamewang pa "Hoy! Kung ang hinihimutok ng bunbunan mo ay ang sampung piso mo... Heto na! lunukin mo yan nang bumara sa apdo mo na nuknukan ng itim!" sigaw ko pa sa kaniya sabay kuha ng ten peso coin sa purse ko at inihagis ko sa kaniya. P 14-13 Nasalo naman niya iyon "W-what do you mean by... hinihimutok ng bunbunan at apdo na nuknukan?" nagtataka niyang tanong per may halong pagkabilib at tawa. Nakita ko namang natawa din yung mga taong nakarinig ng sinabi ko. "Ewan ko sayo" banat ko pa kay Bryan at dali-dali na akong umalis doon. Nakakainis, mukhang pag-uusapan ako nito sa school dahil sa pinagagawa ng yabang na yun. ang sarap hugutin ng buhok niya na parang mais at ilublob siya sa kumukulong tubig! Ughh! Kinagabihan, nagreklamo si Alex kay mama kasi naubos yung pera niya kasi siya ang nagbayad ng pamasahe namin kanina pag-uwi at nagpabili pa ko sa kaniya ng miryenda na mais pagbaba namin sa bus kanina. Kaya ngayon sinisingil na ko ni Alex pero di ko siya babayaran bwaahahha! "Totoy hayaan mo na, minsan mo lang naman ilibre ang ate mo" sermon ni mama at binelatan ko naman siya. nasa hapag kami ngayon at kaming tatlo lang ang naghahapunan kasi wala pa si papa nagpapasada pa siya. "Wala na kasi siyang pang-date kay Lily eh" pang-asar ko pa, sinamaan naman ako ng tingin ni Alex. Pero tinawanan ko lang siya. "May bibilhin akong importante" depensa pa ni Alex pero natawa lang din si mama. Iwas kasi sa babae to si Alex minsan nga naiisip namin na baka pusong babae din siya eh. "Rosas at tsokolate para kay Lily" banat ko pa, babatuhin sana ako ni Alex ng kutsara pero nasumbong ko na agad siya kay mama kaya ayun siya ang napukpok ng kutsara na hawak ni mama Hahaha! Kinabukasan, nakaharap ako ngayon sa salamin dito sa banyo namin habang kinakausap ko ang sarili ko. Kaya mo yan Aleeza! Siguradong nakalimutan naman na ni Sir Nathan yung nangyari kahapon. Tama! Isang edukado at maginoo si Sir Nathan, wala siyang panahon para magpaka- cheesy at galawang breezy na usong-uso na ngayon sa mga kalalakihang millenials. Kahit nga pick-up- line eh sablay na sablay si Sir Nathan... pero aaminin kong kinilig pa din ako sa pick-up-line niya noong isang araw. Kaya Aleeza harapin mo siya ng buong tapat at dapat normal lang ang kilos mo, neutral lang kumbaga na P 14-14 parang walang nangyari. Agree? Agree! Pagdating sa school, namataan ko agad sila Iryn, Leana at Jen na nakatambay sa pabilog na bench sa lobby. Nagtatawanan sila at may pinapanood sila sa phone ni Jen. "Hey wassup mga ngets" bati ko, agad naman nila akong hinila at muntikan pa kong masubsob sa phone na hawak ni Jen. "Ngets tingnan mo to! naging confession page na yung facebook page na ginawa namin! Ang dami pa lang inlababo kay Sir Nathan!" kinikilig na tugon ni Leana sabay hampas pa sa amin. Iniscroll ni Jen pababa yung mga posts doon sa facebook page, Grabe! Nag-uumapaw sa puso ang nakikita kong mga posts. Ang sakit sa mata! "Gumawa na kaya tayo ng mga notebook, mugs, ballpen at unan na may mukha ni Sir Nathan noh? Siguradong mabenta yun!" sabi pa ni Jen, binatukan naman namin siya, mukha talagang pera to si Jen. "Magandang idea yan!" pag-sangayon ni Iryn at Leana dahilan para gulat akong mapatingin sa kanila. Whuuuut? "Seryoso ba kayo? Siguradong magagalit si Sir Nathan" reklamo ko pa pero nagkatinginan silang tatlo at binigyan ako ng ngiting nakaka-echeos. "Hindi naman siya magagalit kasi ipapaalammo naman sa kaniya" sagot ni Iryn at mukha na silang minions ngayon na todo makangiti. Anooo? "Ayoko! Hindi pwede! Hindi yun papayag!" saad ko sabay crossed arms with matching iling-iling pa pero nagulat kami kasi biglang may nagsalita sa likod namin. "Sinong di papapayag?" tanong ni Sir Nathan na nakatayo na pala sa likod namin. Omg! Mukhang kakadating lang niya at nakatayo siya ngayon sa tapat ng vendo machine. At dahil sa gulat sabay-sabay kaming napatayong apat at bumati sa kaniya "G- goodmorning sir" bati namin, tumango naman si Sir at kinuha na niya yung coffee in can sa ilalimng vendo habang ang isang kamay niya ay nakasuksok sa bulsa niya at nakasabit naman yung laptop bag niya sa kanang balikat niya. "Wow! sir ang aga aga ang blooming niyo na" pambobla pa ni Leana at dahil dun natawa na lang si Sir. Tuwang-tuwa naman si Iryn at Jen at kung ano-ano ding mga compliments ang pinagsasabi nila kay Sir Nathan. P 14-15 "Ang ganda ng porma niyo sir ah!" "Ang bango niyo sir amoy downy" "Ang shiney ng shoes niyo sir wow!" Napatingin tuloy kami sa sapatos ni Sir, at mukhang natameme si Jen kasi naka- rubber shoes naman si Sir. "Asan yung shine sa rubber shoes Jen?" bulong ni Leana kay Jen, mukha kasi silang shunga na todo makabola kay Sir Nathan pero biglang naging fail dahil sa sinabi ni Jen. "Kayo talaga... mag-aral na lang kayo ng mabuti at huwag niyo muna atupagin ang mga manliligaw niyo na nais masungkit ang inyong mga puso" sabi ni Sir Nathan at dahil dun gulat akong napatingin sa kaniya. Omaygash! Nagtagalog ulit siya ng dire-diretso! Maging sila Jen, Iryn at Leana ay nagulat din dahil sa pagpapaka-balagtas ni Sir Nathan, "Wow Sir ang astig niyo pala magtagalog" sabay-sabay na tugon ni Jen, Iryn at Leana at bakas na bakas sa mukha nila na amaze na amaze sila. Nagulat naman ako kasi biglang napangiti si Sir at tumingin siya sa'kin "Someone told me na nakakadagdag pogi points daw ang magsalita ng purong tagalog" natatawang tugon ni Sir Nathan. Parang mga tuta naman na sabay-sabay napatango sila Jen, Iryn at Leana may after shocks pa rin sila. "Anyway, I need to go, mag-aral kayong mabuti" bilin pa ni Sir, napatango pa siya sa'kin bago tuluyang umalis. My Goodness! Yung puso ko abnormal na naman. "Ngets! pano tong assignment? Pa-help naman kami" pangungulit sa'kin ni Jen, Iryn at Leana. Nandito kami ngayon sa canteen. Tulala lang ako sa labas ng bintana kasi nagsisimula na namang pumatak ang ulan. Habang P 14-16 itong tatlong sisiw na kasama ko eh kanina pa reklamo ng reklamo sa pina-assignment sa amin ni Sir Nathan. "Nasa locker yung assignment ko, kopyahin niyo na lang" sabi ko sabay abot sa kanila nung susi. Para naman silang nanalo sa lotto at nag-agawan pa sa pagkuha nung susi at nag-unahan pa papalabas sa canteen para kunin yung assignment ko sa locker. Naiwan naman ako doon habang nakatitig pa din sa labas ng bintana, bakit kaya umuulan na naman ngayon? hindi ko na naman mapigilang malungkot nang walang dahilan. "Siya ba?" narinig kong may kumpulan ng mga palaka na nagchichismisan sa katabing table namin. Napalingon ako at nagulat ako nang makita na ang grupo pa nila Stacy Miranda ang nandoon at nakatingin silang lahat ng masama ngayon sa akin. Bigla namang tumayo si Stacy at sumunod sa kaniya yung dalawa niyang alapures habang naiwan naman yung iba doon sa table nila. "I see... itsura pa lang may pagkamalandi na ang babaeng to" mataray na tugon ni Stacy habang naka-crossed arms pa. napatulala naman ako sa kanila lalo na kay Stacy grabe! Parang living goddess talaga siya. Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. Sinong malandi? Ako? Magrereact na sana ako kaso nagulat ako kasi pinalibutan nila akong tatlo habang naka-crossed arms pa sila with matching taas kilay sa akin. "Leave... My... Boyfriend... Alone..." tugon ni Stacy at natameme lang ako dahil sa sinabi niya. Whuut? Sino bang latest boyfriend ni Stacy ngayon? nangongolekta din kasi ng lalaki ang isang to eh. "S-sinong boyfriend?" "What the? Seriously? Huli ka ba sa balita or talagang Eng Eng ka lang?" buwelta pa sa'kin ni Stacy. At napatango-tango naman yung dalawang ipis na kasama niya. tapakan ko sila diyan eh. Napakunot na lang yung noo ko, wala naman kasi kaming pakialamsa buhay ng mga ipis na'to kaya hindi sila nassasali sa chikahan ng tropa namin. "Duhh si Bryan Armando... Btich" habol pa ni Stacy dahilan para muntikan ng lumuwa yung mga mata ko dahil sa gulat. "Stay away fromhim... or else..." banta niya pa sa'kin sabay senyas na gigilitan yung leeg ko. hindi ko alam pero bigla na lang akong natawa dahil sa pinagsasabi nila, mukhang threaten na threaten sila diyan. "Seryoso? Pinatulan mo si Bryan? I mean... Stacy bakit ka nagpaloko sa bakulaw na yun?" natatawa kong tugon. hindi ko naman mapigilan ang tawa ko. like Omg! "Tama nga sila, may pagka-weirdo at baliw ka" kutya pa ni Stacy sa'kin, magrereact pa sana ako kaso tinalikuran na niya ako with matching flipped hair pa, tumama pa yung buhok niya sa mukha ko. Ouch! "Come on girls! There's no need to worry, she's just a rug compare to us" banat pa ni Stacy habang nakatingin sa'kin at nagtawanan sila ng tropa niyang mga mukhang ipis din. Ano daw? Mukha akong basahan?! Ilampaso ko sila diyan eh! P 14-17 "Okay class dismissed" announce nung prof namin sa last subject. dali-dali namang nagpaalamsi Iryn, Leana at Jen dahil may kani-kaniya silang lakad. Samantalang ako ay didiretso naman sa conference roomdahil oras na ng tutorial session namin ni Sir Nathan. My Gosh! kinakabahan ako. Paano kung naaalala pa din niya yung kahihiyang nangyari kahapon? Paano kung bigla niyang tanungin ulit sa'kin kung bakit unconsciously akong nakapikit at nakanguso sa kaniya kahapon? Ugh! Haaays wala na! wala na akong dignidad! Naglalakad na ako papunta sa professor's office nang biglang mag-vibrate yung phone ko. muntikan ko pang mabitawan yung mga librong hawak ko kasi si Sir Nathan yung nag-text. Omg! I'm here in the library- Sir Nathan And so?... Ano naman? Anong paki ko kung nasa library siya? Omg! Diba ganito yung mga ginagawa ng mga mag-jowa, palagi iniinformang isa't-isa kung nasaang sulok na sila ng Pilipinas. Napangiti naman ako, itetext ko sana kay Sir Nathan na 'I'mhere naman sa conference room, waiting for you hihi' kaso nagkamali ako ng pindot at hindi ko nabura yung nauna kong tinype na 'And So?' Waaahh! Napasigaw ako sa panic kasi 'And So?' yung nasend ko kay Sir Nathan HALAAAAAA! Hindi ko naman na maka-cancel kasi nagsend na agad. Nooo! Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa library, kailangang makapunta ako doon bago mabasa ni Sir Nathan yung message ko. My Gosh! Tinahak ko kaagad pababa ng hagdan at wala na akong pakialamkahit nagmukha na akong shunga kakatakbo, pagdating ko sa library, napatigil pa ako sa pintuan kasi ang daming tao doon, naalala kong mahilig si Sir Nathan maupo sa pinakadulo sa tabi ng bintana. Napansin ko kasi na sa tuwing tutorial session namin kahit saang lugar palaging sa dulo nauupo si Sir Nathan. P 14-18 Napatingin naman ako sa dulo at hindi nga ako nagkakamali kasi nakita ko siya doon. May binabasa siyang libro habang ang phone niya ay nasa mesa niya. Gosh! nabasa na kaya niya? Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan ni Sir at hindi ko pa sinasadyang mabagsak ng medyo malakas yung mga librong dala ko sa mesa niya. gulat naman siyang napatingin sa akin. "Ang bilis mo naman" nakangiti niyang tugon. napatingin naman ako sa phone niya at nagulat ako kasi kakapasok pa lang ng text ko, whew! Mukhang natraffic yung message ko ah. Napatingin si Sir Nathan sa phone niya na tumunog, "Nauna ka pa sa reply mo" natatawa niyang tugon at akmang bubuksan na niya yung message pero agad ko siyang pinigilan at kinuha ko yung phone niya. binura ko agad yung message na 'And So?' at binalik iyon sa kaniya. Whew! Grabe! "B-bakit mo- " "Wala yun sir, tara aral na tayo" sabi ko sabay upo doon sa katapat na upuan. Tiningnan naman ni Sir yung phone niya "Binura mo yung text mo?" nagtataka niyang tanong. Gosh! nakita nga pala niya na may nareceive siyang message sa akin. "Ahh... k-kasi nawrong send po ako sir, nasend ko sa inyo yung chismisan namin nila Jen" palusot ko na lang. medyo nagtaka naman si Sir pero tumango na lang siya. whew! Napangiti lang si Sir at sinimulan na niya akong turuan ulit. Mas naintindihan ko naman ngayon yung tinuturo niya kasi madaming tao sa paligid, at hindi na ako masyadong naiilang sa kaniya. "Sir what is your favorite law in physics?" tanong ko sa kaniya, inabot kami ng 7 pmngayon, isang linggo na lang kasi bago ang competition kaya dapat mas mag-aral pa ako ng mabuti. naglalakad na kami ngayon sa hallway papalabas sa gate 3. Napatingin naman sa akin si Sir at napangiti, kaming dalawa lang ngayon ang naglalakad sa mahabang hallway, bukas naman ang ilaw sa buong helera ng hallway kaya maliwanag ang paligid kahit gabi na. tanging ang ingay lang din ng patak ng ulan ang umaalingangaw sa paligid. Open area ang hallway na dinadaanan namin kaya ramdamna ramdamnamin ang lamig ng ihip ng hangin na dulot ng ulan sa labas. "Law of Motion" sagot ni Sir Nathan habang dahan-dahan kaming naglalakad. Hindi ko rin alamkung bakit ang bagal namin maglakad ngayon. P 14-19 "Alin po doon sa tatlo ang favorite law niyo?" sagot ko, naalala ko bigla si Isaac Newton. "All of them" sagot ni Sir sabay ngiti dahilan para mapangiti din ako. "The first law of motion, An object at rest will remain at rest unless acted on by an unbalanced force" saad ko, napangiti naman si Sir. "Parang buhay lang din yan, tahimik ang mundo mo, payapa ang isipan mo, walang gumugulo sa iyo pero sa di inaasahang pagkakataon ay biglang ay darating sa buhay mo... darating ang pag- ibig na gugulo sa payapa mong mundo" tugon ni Sir, natawa naman ako, ang astig talaga nito ni Sir Haha! "Bakit anong nakakatawa?" nagtataka niyang tanong pero kahit siya mismo ay natatawa din. "Ang lakas niyo humugot sir eh, at wagas pa kayo makatagalog, dinamay mo pa yung nananahimik na first law of motion" banat ko pa, tumawa lang si Sir, hindi ko naman mapigilan ang ngiti sa labi ko dahil nakita ko na naman yung ngiti niyang labas ngipin. "The second law of motion, states that acceleration is produced when a force acts on a mass. The greater the mass of the object being accelerated the greater the amount of force needed to accelerate the object" tugon ko pa. napatango naman si Sir Nathan at napangiti ulit ng todo, oh! Mukhang huhugot na naman siya oh! "Kapag ang isang tao ay mas matimbang para sayo... pahahalagahan mo siya ng sobra" sabi pa ni Sir, at natawa na naman ako. "Tsk, pang-martyr lang ang line na yan eh..." reklamo ko pa, ngumiti lang naman si Sir Nathan at napayuko. Bakit parang may pinagdadaanan siya? martyr din ba to si Sir? At dahil medyo naging awkward ang paligid, nagsalita ulit ako "And Lastly, The third law of motion states that, For every action there is an equal and opposite reaction" tugon ko sabay ngiti sa kaniya pero nagulat ako P 14-20 kasi bigla siyang napatigil sa paglalakad at napatingin sa ulan na bumubuhos na ngayon ng malakas sa gilid namin. "May mga bagay sa mundo na kahit anong gawin mo, kahit anong pilit mo... lalayo at lalayo pa rin siya sayo" tugon ni Sir Nathan at bigla siyang tumingin ng diretso sa mga mata ko. hindi ko naman nagawa pang tumawa, hindi ko alamkung tama bang tumawa ako kung ang kausap ko ngayon ay may bahid ng kalungkutan sa kaniyang mga mata. "Naiintindihan mo ba Aleeza?" tanong niya pa, dahilan para matigilan ako. First time niyang tawagin ako sa pangalan ko mismo. "P-po? Ang alin po dun sir?" "Lahat" "H-hindi ko po kayo maintindihan" tugon ko at sa pagkakataong iyon hindi ko alamkung bakit bigla na namang tumibok ng mabilis ang puso ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. napatigil na kami sa paglalakad at nakatayo kami ngayon sa gitna ng hallway na kung saan kaming dalawa lang ang tao rito habang ang ulan ay patuloy na bumubuhos sa gilid namin. ~Nadarama ko pa Ang iyong mga halik na hindi ko mabura Sa isip at diwa Tila naririto ka pa~ ~Naririnig mo ba Mga patak ng aking luha Mananatili nang sugatan Ang damdamin sinta~ ~Sa bawat araw Bawat tibok ng puso Ikaw ang nasa isip ko~ ~Ala-ala mo sa akin ay gumugulo Bakit 'di na lang bawiin Ang hapdi sa aking puso Pipilitin ko limutin ang pag-ibig mo Kung panaginip lang ito sana'y Gisingin ang aking puso~ P 14-21 "May isang bagay ka pang hindi maiintindihan..." sabi pa niya at humarap siya sa akin habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko. "Oro para que nos encontremos en una situaci�n diferente, Donde no hay nadie que pueda detenernos...De enamorarse" tugon ni Sir Nathan at sa pagkakataong iyon, hindi ko alamkung bakit parang pamilyar sa akin ang mga katagang iyon, ang mga salitang binitiwan niya sa wikang Espanyol ay parang nagdudulot ng matinding kalungkutan sa akin. Sadyang may mga bagay talaga sa mundo na hindi natin maintindihan... tulad na lamang ng sinabi ni Sir Nathan sa wikang Espanyol. At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko ngayon, hindi man maintindihan ng utak ko ang sinabi niya ngunit bakit parang ang puso ko ay nagawang maintindihan ang bawat salitang binitiwan niya. ************** Featured Song: 'Gisingin ang puso' by Liezel Garcia Don't forget to vote and comment hihi :) Thank you so much! <3 Source of math hugot SIN-COS-TAN: https://web.facebook.com/HUGOTinhinyero/posts/1355484887824377?_rdc=1&_rdr Source of SOH-CAH-TOA: https://www.khanacademy.org/questions/when-i-should- usecos/kafb_4807470 Source of Law of attraction andQuantumphysics: http://johnassaraf.com/law-of- attraction/why-youshould-be-aware-of-quantum-physics-2 Source of law of motion hugot: http://captainwhogoat.tumblr.com/post/105835951730/newtons-law-ofmotion P 14-22 "Gisingin ang Puso" by Liezel Garcia "I pray that we willfind ourselves in a differentsituation, wherethereis nobody to stop us ... to fallin love."And this is what he means. Aww, i cri???? Your first loveisn't thefirst person you give your heart to; it's thefirst one who breaks it. Dijokelang???? P 14-23 Kabanata f(x - 13) 81.5K 2.6K 3K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 13] Our Asymptotically Love Story (page 80 - 103) Ika-Animna Kabanata Filipinas 1688 "Kadalasan ang ating nararamdaman ay nailalabas sa lasa ng pagkain" panimula ni Manang Estelita habang marahan pinapakuluan ang karne ng baka sa malaking palayok. "Ano po ba ang ihahain natin ngayong tanghalian Manang?" tanong ni Ising habang abala sila ni Salome sa paghihiwa ng mga patatas, carrots, red bell pepper, green bell pepper, sibuyas at bawang. Binawasan naman ni Manang Estelita ang panggatong sa pugon upang hinaan ang apoy. "Kaldereta" nakangiting sagot ni Manang Estelita at umaawit-awit pa ito. "Kaldereta ho ulit? Hindi po ba kakahain lang natin ng kaldereta noong isang linggo?" tanong pa muli ni Ising. Napatango naman si Salome dahil kasama pa siya noong mamalengke ng karne ng baka sa palengke. "Ang ating Senor Fidel ay mahilig sa mga pagkaing ma-sarsa" tugon pa ni Manang Estelita sabay kuha ng panapin sa kamay at buong pwersa niyang binuhat ang malaking palayok paalis sa pugon, tutulungan sana siya ni Ising at Salome ngunit naibaba na niya ito agad. "Manang kami na ho" "Malakas pa ako, kaya ko ito... atupagin niyo na lang ang ginagawa niyo riyan" saad pa ni Manang Estelita, napailing-iling na lang ang dalawang dalaga dahil ginigiit na naman ni Manang Estelita na siya'y malakas pa sa kabila ng iniinda nitong rayuma gabi-gabi. Si Salome ang madalas na taga-hilot ng tuhod ni Manang Estelita dahil sanay ito sa paghihilot na itnuro sa kanila ng kaniyang ina na si Nay Delia. Sa susunod na linggo pa makakabalik sa trabaho si Nay Delia dahil hinihintay pa nitong gumaling ng tuluyan ang sugat na tinamo ni Tay Isko sa binti. P 15-1 "Manang kung patuloy kayong magpapasaway... si Ising na ho ang maghihilot ng inyong tuhod" panakot pa ni Salome kay Manang Estelita at natawa naman sila. Napangiti na lang si Manang Estelita at naupo na siya sa isang bangkito sa gilid upang magpahinga. "Sige na, Sige na ako'y mauupo na rito at gagabayan ko na lamang kayo sa pagluluto, natatakot ako na baka mabali ang buto ko kung sakaling si Ising ang maghihilot nito" biro pa ni Manang Estelita sabay halakhak nila ni Salome, animo'y pinagkakaisahan ang kawawang si Ising. "Biro lang Isabela" habol pa ni Salome dahil napabusangot ang mukha ni Ising lalo nang tawagin niya ito sa totoong pangalan nito. "Lumeng, ilagay mo na ang panibagong palayok at ilagay mo na ang mga rekados at karne, dahan-dahan lang ang paghalo at pagbuhos ng sarsa" bilin pa ni Manang Estelita agad namang sinunod ni Salome ang utos ng matanda at halos mapunit naman ang mga mukha nila ni Ising dahil sa sobrang ngiti habang inaamoy ang mabangong halimuyak ng kaldereta. "Ganyan nga... marahan lang ang paghalo, hindi dapat mabilis at hindi rin malamya" patuloy pa ni Manang Estelita habang hinahalo ni Salome ang mga rekados. Ilang sandali pa dumating si Susana at Piyang sa kusina, si Susana ay dalawampu't tatlong taong gulang na kung kaya't siya ang pinakamatanda sa kanilang apat nila Salome, Ising at Piyang. Bilugan ang mga mata nito at pa-hugis puso ang mukha. Kayumanggi rin ang balat at manipis lamang ang mahabang buhok nito. Si Susana ang pinaka-mailap sa kanila, hindi ito gaano nagsasalita kumpara sa kadaldalan ni Salome at Ising, paminsan naman ay sumasali si Piyang ngunit madalas itong kasama ni Manang Estelita. "Manang, ipinaabot po ni Mang Berto na mula sa palengke, dumating na raw po ang pina-reserbang keso ni Senor Fidel mula sa Maynila" tugon ni Susana habang magka-tulong nilang buhat-buhat ni Piyang ang isang kahon ng keso. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome at Ising at agad inusisa ang kahong inilapag ni Susana at Piyang sa tambakan ng rekados sa kusina. "Ang keso bang iyan ay mula pa sa Europa?" tanong ni Salome at hindi na maitago sa kaniyang mga mata ang pagkamangha. "Oo Lumeng, dala-dala ito ng barkong Galleon na kamakailan lang ay dumaong na sa Maynila" sagot ni Piyang, agad namang umalis si Susana at bumalik na sa paglilinis ng bahay. "Kung gayon, siguradong napakalaki talaga ng impluwensiya ni Senor Fidel dahil ipinadala pa rito sa San Alfonso ang pinareserba niyang keso" wika ni Salome habang hinihipo-hipo ang malaking kahon na gawa sa tabla. "Oo naman, kilala ang pangalang Montecarlos lalo na sa Maynila dahil kay Senor Fidel, Samantala dito naman sa San Alfonso tanyag si Senor Patricio" nakangiting saad ni Piyang at mukhang ginanahan pa ito magsalita dahil mag-uumpisa na naman ang pagkwekwento niya. hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na sadyang mahilig sa tsismis si Piyang. "Senor Patricio? Hindi ba't siya ang pinsan ni Senor Fidel?" tanong ni Salome, mag- iisang buwan na rin kasi siyang naninilbihan sa hacienda ngunit hindi pa rin niya nakikilala ang sinasabi nilang Senor Patricio. "Oo, si Senor Patricio rin ang siyang may ari ng hacienda Montecarlos, kasalukuyang nasa Maynila pa si Senor Patricio bihira lang kasi iyon magawi dito sa San Alfonso lalo na nang lumawig ang kaniyang negosyo at koneksyon sa Ka-Maynilaan" paliwanag pa ni Piyang, napatango-tango na lang si Salome, sisilipin pa sana niya ang kesong nasa loob ng kahon ngunit biglang nagsalita si Manang Estelita na noo'y nakaupo pa rin sa bangkito sa gilid. P 15-2 "Lumeng, ang iyong niluluto" paalala nito dahilan para biglang maging alerto si Salome at dali-daling kinuha ang sandok at hinalo muli ang kalderetang nasa palayok. "Hindi dapat iniiwan ang niluluto kahit pa gaano ito katagal, dapat ay matuto kang maghintay hanggang sa maluto na ito ng tuluyan" bilin pa ni Manang Estelita, napatango sabay ngiti na lamang si Salome. Habang si Ising ang siyang patuloy na umuusisa doon sa kahon ng keso. "Manang Estelita, kakasya pa ho ba ang limang bariles ng alak sa tambakan?" tanong ni Mang Berto na noo'y kakasulpot lamang sa kusina habang pasan-pasan sa balikat ang isang malaking bariles ng alak. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome. "Maluwag pa naman ata ang imbakan, tingnan mo na lamang Mang Berto" sagot ni Manang Estelita at napatango naman si Mang Berto. "Ang alak po bang iyan ay mula rin sa Europa?" tanong pa ni Salome at muntikan na niyang maiwan ang niluluto niya upang usisain din ang bariles na dala ni Mang Berto ngunit agad siyang tinawag ni Manang Estelita. "Oo Hija, kay Senor Patricio ang lahat ng ito na binili niya pa sa bagsakan ng mga produkto at kalakal sa daungan ng Maynila" sagot ni Mang Berto at naglakad na ito pababa sa tambakan, "Sandali lang po Manang!" paalampa ni Salome upang sundan si Mang Berto na noo'y binuksan ang isang lagusan sa sahig at may hagdan ito pababa. "Lumeng ano ang sinabi ko ukol sa pagluluto?" tawag pa muli ni Manang Estelita kung kaya't natigilan si Salome at bumalik na lang sa kusina "Hindi dapat iniiwan ang pagluluto" sagot ni Salome at napabusangot ito ng mukha, nananabik kasi siya makita ang imbakan na nasa ilalimng mansyon. "Ngumiti ka na hija baka maging mapakla ang iyong niluluto... Ano muli ang sinabi ko kanina ukol din sa pagluluto?" hirit pa ni Manang Estelita. Napahinga naman ng malalimsi Salome at sinubukang ngumiti kahit medyo labag pa ito sa kalooban niya. "Ang ating nararamdaman ay nailalabas sa lasa ng putaheng ating niluluto" sagot ni Salome, napangiti naman si Manang Estelita at dahil doo'y napangiti na si Salome. Hindi niya magawang matiis ang matanda. "Ikaw talagang bata ka, huwag kang masyadong mausisa dahil kung minsan ang pagiging mausisa ay nakakasama" paalala pa ng matanda. Nagtataka namang napatingin sa kaniya si Salome habang si Piyang at Ising ay nagtungo sa lawa ng luha kung saan ginaganap ngayon ang klase ni Fidel. "Kadalasan naman po ang pagiging mausisa ay nakakatulong upang makatuklas tayo ng mga bagay" saad naman ni Salome, natawa naman si Manang Estelita dahil kahit kailan ay hindi talaga nagpapatalo si Salome sa paglalabas ng kaniyang mga opinyon at paniniwala. "Tama ka hija ngunit may mga bagay na hindi na dapat tinutuklas pa... dahil sa oras na malaman mo ay baka sisihin mo ang iyong sarili kung bakit inalammo pa" paliwanag pa ni Manang Estelita, napangiti naman si Salome at napailing naman ang matanda dahil mukhang hindi pa rin titigil sa pangangatwiran ang dalaga. "Hindi po mangyayari iyon Manang... lahat po ng tutuklasin ko at aalamin ko sa mundong ito ay hindi ko pagsisihan kailanman" tugon pa ni Salome dahilan para sumuko na lang sa pakikipag- paliwanagan si Manang Estelita at tumawa na lang dahil sa likas na kakulitan ng dalaga. "Tulad na lang po Manang ng mga Kastila, hindi po ba pagtuklas ang kanilang pakay sa paglalayag pasilangan at hindi nila sinasadyang matuklasan ang Pilipinas" wika pa ni Salome habang nakatingin sa P 15-3 hinahalong kaldereta. Tumango-tango naman si Manang Estelita, "Tama ka Hija, kung sabagay mas marami namang magandang naidudulot ang pagtuklas sa bagay bagay... tanging mga sangkap sa pagluluto (spices) lamang ang kanilang pakay ngunit mas malaki pa roon ang natuklasan nila, sa hindi inaasahang pagkakataon ay natuklasan nila ang napakaganda nating bansa" dagdag pa ni Manang Estelita. Napangiti naman si Salome sabay lapit kay Manang Estelita upang ipatikimang lasa ng ulamna niluluto niya. "Masarap..." tugon ni Manang Estelita, napangiti naman si Salome kahit pa mukhang napilitan lang si Manang Estelita na sabihin iyon upang hindi sumama ang kaniyang loob. "Manang kasi hindi talaga ako bihasa magluto, si inay at ate Felicidad lang ang magaling sa pagluluto sa amin" reklamo pa ni Salome pero tinawanan lang siya ng matanda. "Kaya nga sinasanay kita eh, lahat naman ng bagay ay natutunan Hija" saad pa ng matanda dahilan para matawa na lang silang dalawa. Ilang sandali pa nagmamadaling dumating si Ising at Piyang, "Manang! Ipinagutos po ni Senor Fidel na buksan ang kahon ng keso, at kunin namin ang kalahati dahil nais pong ipatikimito ni Senor Fidel sa mga bata" paalamni Ising, tumango naman si Manang Estelita. Hindi naman mapigilan ni Salome na usisain ang kahon nang buksan nila iyon, hiniwa ni Piyang sa apat na hati ang hugis bilog na keso na halos kasing laki ng unan. "Hindi pa ako nakakatikimnito" saad ni Piyang, tumango-tango naman si Salome "Ako rin, hindi pa ako nakakatikimng keso" tugon ni Salome, gulat namang napatingin si Ising sa kanilang dalawa. "Hayaan niyo sa oras na magawi kayo sa aming panciteria sa palengke ay patitikimko sa inyo ang keso na pinaka-tago-tago ni inay" pilyang tugon ni Ising at nagtawanan silang tatlo. "Hawakan mo muna Lumeng" wika pa ni Piyang sabay abot kay Salome ng plato na naglalaman ng keso na kasing-laki ng kamao. Kinuha naman iyon ni Salome dahil magkatulong na bubuhatin ni Piyang at Ising ang mabigat na takip ng kahon na gawa sa tabla. Ngunit malakas na naibagsak ni Piyang at Ising ang pantakip sa kahon dahilan para mapaatras si Salome at aksidenteng matabig ng plato na hawak niya ang kalderetang nasa palayok na nasa likuran nila, kung kaya't nahulog ang keso sa loob ng palayok at unti-unti itong nalusaw sa init ng kaldereta. "Sus Maryusep! Paano na?" gulat na sigaw ni Salome at pilit na sinasalba ang natutunaw na keso sa kaldereta ngunit sa halip na makuha niya iyon ng buo humalo pa ito ng tuluyan sa ulam. "Nako! Lumeng mag-iiba ang lasa ng kalderetang iyan!" gulat na tugon ni Ising at Piyang napalingon naman sila kay Manang Estelita na hindi napansin ang nangyari dahil nagtungo na ito papalabas sa pintuan sa likod ng kusina. "Magluluto na lang ulit ako ng bago" kinakabahang tugon ni Salome sabay hawak sa palayok, napasigaw siya dahil nakalimutan niyang mainit pa nga pala iyon at dahil doo'y napaso ang kaniyang daliri. "Wala ng karne ng baka Lumeng" saad ni Ising at siya na ang kumuha sa palayok gamit ang sapin sa kamay. "At isa pa malapit na magsimula ang tanghalian" wika naman ni Piyang, hindi naman sumuko si Salome at agad siyang naghiwa ng mga rekados. "Maisasalba pa natin ang karne ngunit ang sarsa- " hindi na natapos P 15-4 ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil narinig nila ang hiyawan ng mga bata mula sa salas. "Narito sila?" tanong ni Ising sabay takbo papapunta sa salas. Sumunod naman si Salome ngunit sumulip lamang siya sa pintuan. Nakita niya ang mga batang mag-aaral ni Fidel na tuwang- tuwa nang makapasok sa mansyon. naka-pila rin sila ng maayos habang nakasunod kay Fidel, "Pakihanda ang hapag dito kami magsasalo-salo sa tanghalian" tugon ni Fidel kay Susana na noo'y napatigil din sa paglilinis. Agad nagtungo si Susana sa hapag at inayos ang mga plato, baso at kubyertos. Nasa sampung bata rin ang kasama ni Fidel, buti na lang dahil mahaba at malaki ang mesa sa hapag. "Ni�os, s�gueme" (Children, follow me) tugon pa ni Fidel, sabay-sabay namang tumayo ng tuwid ang mga bata habang maayos itong nakapila mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamatangkad. Hindi naman mapigilan ni Salome na mapangiti ng makita ang bunsong kapatid niyang si Julio na pusturangpustura at disiplinadong nasa unahan ng pila dahil ito ang pinakabata. Napangiti rin siya nang makita si Danilo na nasa hulihan naman ng pila. Sinitsitan niya pa ito ngunit seryoso itong nakasunod sa pila. Lagot ka sa'kin mamaya Danilo. Hindi naman magkanda-ugaga si Susana, Piyang at Ising sa pag-hahanda ng hapag. Maayos ng nakaupo ngayon ang mga bata sa hapag, habang si Fidel ay nasa pinaka-dulo sa gitna. Hindi rin mapigilan ni Salome na mapangiti habang nakatitig kay Fidel na ngayon ay tuwang-tuwa na kausap ang kaniyang mga estudyante. Nasa tabi ni Fidel si Julio, at inaasikaso niya pa ito na parang anak niya. Bakit maging sa pamilya ko ay napakabait mo Fidel... Nagsimula na silang magdasal, habang nakatayo sa gilid sila Piyang, Ising at Susana. Naihain na rin nila ang kanin, ulam, prutas at panghimagas. "Tayo'y kumain na" tugon ni Fidel at masayang silang nagkainan. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome dahil sa gulat nang mapagtanto niya na ang putaheng nakahain sa mesa na sinasandok na ngayon ni Fidel ay ang kalderetang niluluto niya kanina na aksidenteng nalagyan ng keso. Napalingon siya doon sa pugon at laking gulat niya na wala na nga roon ang palayok na pinag-lutuan niya. "SANDALI! SENOR!" sigaw ni Salome habang kumakaripas ng takbo papunta kay Fidel na ngayon ay isusubo na ang ulam, pero huli na ang lahat dahil naisubo na ito ni Fidel. "Salome!" suway ni Susana dahil biglang hinawakan ni Salome ang kamay ni Fidel na kung saan ay hawakhawak niya ang kutsara. Nagulat naman si Salome at bigla niyang binitiwan ang kamay ni Fidel, maging si Fidel ay nagulat din dahil sa paghawak sa kaniya ng dalaga kung kaya't nabitawan niya ang kutsarang hawak niya. Bumagsak sa sahig ang kutsara at umalingangaw ang matinis na tunog ng metal nito. "Lumeng! Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Manang Estelita na noo'y kakarating lang sa hapag kainan. Napahawak naman sa bibig si Salome dahil sa gulat, habang ang lahat ay nakatingin sa kanilang dalawa ni Fidel. Ang mga P 15-5 bata naman ay inosenteng nakatingin din sa kanila. Naistatwa naman si Fidel dahil sa matinding pagkabigla, hindi niya inaasahan na magagawang hawakan ng ganoon ni Salome ang kaniyang kamay. Sa kadahilanang nais sanang pigilan ni Salome na maisubo ni Fidel ang ulam. "Patay! Sino ang nagdala ng kaldereta dito sa hapag?" gulat na tanong ni Ising sabay tingin kay Piyang. Gulat namang napatingin si Piyang sa kalderetang nasa hapag at napailing- iling ito. Ngayon lang din nila napagtanto na naroon na sa hapag ang kalderetang niluto ni Salome dahil masyado silang nawindang sa pagmamadaling maayos ang hapag kanina. "Ako ang nagdala... bakit ba?" wika ni Susana, napahawak na lang sa noo si Ising at Piyang. "May problema ba? Kaldereta naman ang putahe natin ngayon" singit naman ni Manang Estelita at naglakad siya papalapit kina Salome at Fidel na parehong naistatwa na. "K-kasi nalagyan po ng keso... a-ang kalderetang- " "Kaya po pala masarap!" anunsyo ng isang batang magana kumain dahilan para mapatingin ang lahat sa kaniya, natauhan naman na si Fidel at nagawa na niyang manguya ang kalderetang naisubo niya. Umaliwalas ang kaniyang itsura at napatango-tango habang nginunguya ang pagkain "Mas masarap nga ang kalderetang nakahain ngayon" pag-sangayon ni Fidel dahilan para mapangiti si Manang Estelita. "Si Salome ang nagluto niyan" tugon pa ni Manang Estelita dahilan para mas lalong mawindang si Salome dahil napatingin ulit ang lahat sa kaniya ngunit sa pagkakataong iyon ay nakangiti na sila. "T-talaga? Nnapakasarap ng iyong niluto... Lumeng" saad ni Fidel at agad itong napaiwas ng tingin dahil sa hiya, hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang paghawak ng dalaga sa kaniyang kamay kanina. "S-salamat po Senor" sagot ni Salome at yumukod na ito bilang pagbibigay galang, akmang aalis na si Salome nang biglang magsalita muli si Fidel "M-mula ngayon aasahan kong matitikman ko muli ang kalderetang ito" habol pa ng binata. Napalingon naman si Salome sa kaniya at nahihiyang napatango sa binata. "A-ano ang gusto mong itawag sa iyong bersyon ng kaldereta?" tanong pa ni Fidel, habang ang lahat ng mata ay nasa kanilang dalawa ni Salome. Nagitla naman si Salome at napatingin kay Ising, Piyang at Manang Estelita pero bakas sa mga mukha nito na kinikilig sila sa tagpo ng dalawa. "K-kayo po ang bahala Senor Fidel" saad ni Salome. Napaisip naman si Fidel. "Kung gayon... ipapangalan ko na lang sa iyo, kaldereta ala Salome" wika ni Fidel sabay ngiti. Napangiti naman si Salome ngunit hindi nito magawang makatingin ng diretso sa mata ng binata kung kaya't madalas ang tingin niya sa sahig o kaya kina Piyang at Ising. "M-maraming Salamat po Senor... ngunit masyado pong mataas ang pribileheyong ibinibigay niyo sa akin, sa katunayan po aksidente lamang po ang pagkakahalo ng keso sa kaldereta kanina, kasama ko rin po sila sa pagluluto kanina" wika ni Salome sabay turo kina Manang Estelita at sa mga kasamahan niyang tagapagsilbi. Napatango-tango naman si Fidel, "kung gayon... Ano ang nais mong itawag sa putaheng ito Lumeng?" tanong pa muli ni Fidel, para namang may kung anong kuryenteng dumadaloy sa katawan ni Salome sa tuwing naririnig niyang binibigkas ni Fidel ang pangalan niya. P 15-6 "K-kayo pa rin po ang bahala Senor" "Sige kung gayon, tatawagin na lang natin itong Kaldereta ala Montecarlos" wika ni Fidel at nagpatuloy na sila sa pagkain. Halos maglulundag naman ang puso ni Salome dahil sa sobrang saya habang tinatahak ang daan patungo sa kusina. Ikaw ang bahala Fidel... Magmula ngayon ikaw na ang bahala sa puso ko... "Nakabisado mo na ba ang alpabeto?" tanong ni Fidel sabay upo sa damuhan, naging ganito ang palagi nilang gawi. Pagkatapos ng klase si Salome naman ang tuturuan niya, halos isang linggo na rin ang lumipas mula nang magsimula ang pagtuturo ni Fidel sa dalaga. Mahinahong naupo naman si Salome sa tabi ni Fidel, nakaharap sila ngayon sa lawa ng luha. "O-opo Senor" sagot ni Salome, mabuti na lamang dahil ang mga mata ni Fidel ay nakagawi sa lawa kung kaya't hindi napansin ng binata ang pamumula ng pisngi ng dalagang kakaupo lamang sa tabi niya. "Mag-uumpisa naman tayo ngayon sa pagbabasa ng patinig at katinig, mahalagang maging pamilyar ka sa mga letra hanggang sa mabuo ang salita mula rito" panimula ni Fidel at napatigil ito ng makita ang kuwaderno ni Salome na kung saan nakasulat ang pangalan nito sa letrang baybayin. "B-bakit po Senor?" nagtatakang tanong ni Salome dahil tinititigan mabuti ni Fidel ang nakaguhit na baybayin sa kuwadernong hawak niya. "Maaari mo rin ba akong turuan mag-baybay?" tanong ni Fidel kay Salome dahilan para gulat na mapatingin sa kaniya ang dalaga. "T-talaga po Senor? Interesado po kayong matuto mag-baybay?" Napangiti naman ang binata dahilan para mapangiti na rin si Salome dahil naaninag na naman niya ang magagandang ngipin nito. "Bago ako magtungo dito sa Pilipinas, interesadong- interesado na ako sa bansang ito, noong nasa Espanya pa ako marami akong naririnig tungkol sa bansang ito at hindi nga ako nagkamali dahil sadyang napakaganda nga ng bansang Pilipinas, lalo na ang makulay ninyong kultura" wika ni Fidel habang nakatanaw sa lawa ng luha na ngayon ay kumikinang-kinang dahil sa tama ng sinag ng araw. Napayuko naman si Salome nang maalala niya ang kwento sa kanila noon ni Lolo Pablo na napakaganda nga ng bansang Pilipinas lalo na noong ang namumuno pa sa kanilang bayan ay sina Rajah Soliman, Rajah Matanda at Lakandula. Sina Rajah Soliman, Rajah Matanda at Lakandula ang namumuno noon sa Maynila at Tondo nang dumating P 15-7 ang mga Kastila at sakupin ito. Nang sumanib si Lakandula sa mga kastila at maging Kristiyano, bininyagan siya sa pangalang Carlos Lakandula na hinango sa hari ng Espanya na si Haring Charles I. Si Lakandula rin ay tumulong sa pagpapatayo ng mga kastila ng gusali at simbahan sa Maynila. Hindi man iyon naabutan ni Salome ngunit ang kaniyang Lolo Pablo ay isa sa mga lumaban sa mga kastila ngunit tumakas din ito dahil pinagpapatay ang mga dugong bughaw na katulad nila. Kahit pa si Lakandula na hari ng Tondo ay sumanib sa mga Kastila, ang iba pang mga kamag-anakan ng dugong bughaw ay hindi umayon, isa na rito si Lolo Pablo na kamag-anakan ng lahi ni Lakandula, malayong pinsan rin ito ni Agustin de Legaspi na tagapag-mana ni Lakandula. Si Lolo Pablo ay tiyo nila... Dionisio Capulong - datu ng Candawe/Candaba, Pampanga Magat Salamat - na namuno sa Tondo kasama si Agustin de Legaspi matapos mamatay ni Lakandula ngunit nahatulan sila ng kamatayan nang mag-alsa sila laban sa Espanya noong 1588 (na mas kilala bilang Revolt of Lakans; 1588) Phelipe Salonga - datu ng Pulu/Valenzuela Martin Lakandula - na umanib sa samahan ng mga paring Augustinian bilang lay brother noong 1590. Luis Taclocmao/Salugmoc - na namatay rin noong 1603 nang magrebelde ang mga intsik. "Lumeng?" tawag pa muli ni Fidel dahilan para matauhan si Salome. Kanina pa siya tinatawag ni Fidel subalit dahil sa lalimng kaniyang iniisip pansamantala siyang nawala sa sarili. "May bumabagabag ba sa iyo?" tanong pa ni Fidel at inilapit nito ang kaniyang mukha upang usisain mabuti ang mukha ng dalaga. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome at naisandig niya ang kaniyang kamay sa likuran upang hindi siya matumba dahil sa pagkaatras. "W-wala po Senor..." sagot ni Salome ngunit nakatitig pa rin sa kaniya ang binata kung kaya't bigla siyang napatayo dahil sa kaba. Dugdugdugdugdugdug! "Ah-Senor nakalimutan ko pong dalhin ang aking pluma kukunin ko- " "Narito ang pluma mo" sagot ni Fidel sabay dampot sa plumang nasa gitna nila. "Ah! Tama! Ang akin po palang tinutukoy ay ang tinta na hindi ko nadala, kukunin ko lang- " P 15-8 "Mayroon akong tinta dito, ito na lang muna ang gamitin mo" sagot pa ni Fidel sabay abot ng bote ng tinta na nasa tabi niya. "Nako! Senor! Nakalimutan ko po palang pakainin si ChingChing, sandali lang po- " "Sino si C-ching-ching?" nagtatakang tanong ni Fidel na may halong ngiti sa kaniyang labi, hindi niya mapigilang mapangiti lalo na sa mga pinagsasabi at kilos ni Salome ngayon sa harapan niya. "Ang paborito ko pong manok na nasa likod ng inyong bakuran" diretsong tugon ni Salome dahilan para biglang matawa si Fidel, hinubad pa nito ang kaniyang sumbrero habang tumatawa. "Pinangalanan mo na rin ang mga manok dito sa hacienda? Mukhang magkakasundo kayo ni Patricio niyan" saad pa ni Fidel at hindi pa rin siya maawat sa pagtawa. "Chingching... napakagandang pangalan" habol pa ni Fidel sabay tingin sa lawa. Isang pagkakataon na iyon upang makatakas doon si Salome, hindi na kasi maaawat ang malakas napagkabog ng kaniyang puso lalo na nang titigan siya ni Fidel ng malapitan kanina. Animo'y nilamon na siya ng napakagandang mata nito. "Maupo ka na rito... Lumeng" wika pa ni Fidel sabay tingin sa kaniya at sumenyas ito na maupo na siya ulit sa kinauupuan niya kanina. Umihip naman ang marahan na hangin kung kaya't ang buhok ni Fidel ay animo'y sumasayaw. Napalunok na lamang si Salome dahil sa kaba lalo na dahil napakalinaw ng kagwapuhan ng binata na nasa harapan niya. naistatwa lamang siya doon habang nakatitig din sa mga mata ni Fidel. At dahil nagwawala na ang kaniyang puso napatakbo siya papalayo. "Senor! Magtutungo lang ako sa palikuran! Babalik ho ako" sigaw ni Salome habang kumakaripas ng takbo papalayo. Ito ang kauna-unahang beses na nakakaramdamsiya ng ganito sa isang ginoo kung kaya't naninibago siya sa nararamdaman. Wala pa siyang karanasang umibig di tulad ng kaniyang ate Felicidad. Natawa na lamang si Fidel at napailing-iling habang ang ngiti ay hindi na mapawi sa kaniyang labi "Hihintayin kita... Lumeng" wika ni Fidel sa sarili habang pinagmamasdan si Lumeng na tumatakbo papalayo. "Hihintayin kita" P 15-9 "Senor Fidel, pinapasabi po pala ni Lumeng na hindi na siya makakabalik ngayon dahil isinama po siya ni Manang Estelita sa bayan, inatake po muli si Manang ng rayuma at dinala po siya ngayon ni Lumeng sa manghihilot sa bayan" panimula ni Piyang nang marating niya ang lilimng puno kung saan nakaupo doon si Fidel at naghihintay kay Salome habang tinatanaw ang lawa ng luha. Higit isang oras din siya naghintay doon ngunit nito lang nasabi ni Piyang dahil inasikaso niya pa ang mga naiwang gawain ni Manang Estelita kanina. Tumango na lamang si Fidel "Gayon ba? Sige papanhik na ako sa loob, Salamat Piyang" sagot ni Fidel ngunit nanatili lang itong nakatingin sa lawa. Nagtataka namang umalis doon si Piyang dahil mukhang malalimang iniisip ng Senor. "Ito ang langis ng alovera, ilagay lang ito sa masakit na bahagi ng katawan at paulit-ulit na haplusin upang mabawasan ang pagsumpong ng rayuma ni Manang" bilin ng matandang babaeng manggagamot. Inay Laya ang tawag sa kaniya ng lahat. ang kaniyang tahanan ay malapit sa bayan at dinaragsa rin ito ng mga taong nais magpahilot lalo na ng mga mahihirap na hindi kayang sumangguni sa doktor. pag talaga mgafidel kakaibaang kamandagWahahahhah???? P 15-10 Kabanata f(x - 14) 59.6K 2.3K 1.8K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 14] "I can't breathe When my heart is broke in two There's no beat Without you" -Westlife (I don't wanna fight no more) Seriously Ngets? ipagpapalit mo ang gala natin diyan sa sir nathan mo? "Anong Sir Nathan? Para to sa tutorial session noh, Wag ka ngang ano diyan" reklamo ko pa habang sinusuot ang sneakers ko at eto si Jen hanggang sa phone hindi pa din ako tinatantanan. "Si Arthur na lang yayain mo mag-sine, gagawin niyo lang naman akong third wheel eh" habol ko pa at inilapag ko na yung phone sa study table namin ni Alex dito sa kwarto at ni-loud speaker ko na lang yung phone ko para hindi ko na kailangan pang itapat sa tenga ko. Wala na kami! as in W-A-L-A na... "Pupusta ako ng isang libo magkakabilikan din kayo... mamaya, tsaka si Iryn at Leana na lang ang yayain mo" pang-asar ko pa at inayos ko na ang buhok ko at itinali ito pagilid. nakasuot ako ngayon ng jumper dress with white shirt sa loob. pinartneran ko din ng sneakers na kulay white. It's all over na! ayoko na pagod na kong intindihin at patawarin siya ng paulit- ulit... Teka nga! bakit napunta sa'kin ang usapan? ikaw talaga palagi mo na lang iniiba ang usapan pag napupunta sayo... tinext ko na si Iryn at Leana, busy daw sila eh "Ewan ko sayo panget, aalis na ko, di ako makakareply hanggang hapon" sabi ko pa sabay kuha nung salamin sa gilid at naglagay ako ng kaunting pulbos at lip tint. Hindi ako marunong mag- make up at kapag nilagyan ako ng make-up nagmumukha lang akong clown kaya hanggang polbo at lip tint na lang ako. Ito lang ang kaagapay ko para magmukhang tao. Hanggang hapon? Ang tagal niyo namang magkasama ni Sir Nathan! Iba na yan ah! Hoy ngets baka kung anong- Wag mong isuko ang Bataan! P 16-1 "Adik ka talaga! Tigilan mo na nga ako" reklamo ko pa pero hindi ko mapigilan ang tawa ko kasi nakakainis talaga to si Jen dinudumihan ang utak ko! Hay nako! Saan ba kayo pupunta? "Sa Bataan- Ayy Este! basta secret, baka sundan mo pa kami" pang-asar ko pa sa kaniya, narinig ko namang napasigaw siya sa inis sa kabilang linya haha! tumayo na ako at kinuha ko na rin yung sling bag ko. "Bye na, aalis na ko" Hoy ngets kilala kita wag kang bibigay diyan kay Sir Nathan ah! "Opo Opo Nay" tugon ko sabay end nung call. Kahit kelan dinaig pa talaga ni Jen si mama sa kakasermon sa'kin. Inilagay ko na sa bag ko yung phone ko at humarap muli sa salamin. Ayan mukha na akong... tao. Lumabas na ako sa kwarto, naabutan ko namang nakaupo si Alex sa sofa na parang hari habang nanonood ng NBA at kumakain pa ng popcorn. nagtungo na ako sa kusina para mag-paalamkay mama. naabutan ko namang naglilinis siya ng ref. "Ma alis na ko" paalamko sabay halik sa pisngi niya. "Saan nga ulit ang lakad mo anak?" nagtataka niyang tanong at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. "Sa school ma, last session na namin ngayon para sa competition sa wednesday" paliwanag ko pa, pinaalamko naman na ito kay mama last week pa pero nakalimutan na pala niya. "Ahh... Yun bang kay Sir Ethan- " "Nathan po Ma, Sir Nathan" ulit ko, napangiti naman si mama yung parang nang- eecheos. Teka! bakit ganiyang makatingin at makangiti si mama? nagulat naman ako nang biglang nilapag ni Alex yung mangkok ng popcorn sa mesa dito sa kusina. nagtalsikan pa yung mga popcorn dahil sa lakas ng pagkakalapag niya nung mangkok. "Sa school ba talaga ate? Sunday kaya ngayon" banat pa ni Alex at mukha siyang tsonggo na lawyer na pinagdududahan ang sinasabi ko. "Nag-paalamsi Sir Nathan kay Dean kung pwede gamitin yung conference roomduhh" buwelta ko pa, nagpatuloy naman na sa paglilinis ng ref si mama. habang nguya naman ng nguyasi tsonggo. "Eh Bakit ganiyang ang bihis mo? daig mo pa ang makikipag-date sa Luneta eh" pang- asar pa ni Alex sabay bato sa'kin nung popcorn na hawak niya, tumama iyon sa noo ko. Shemay talaga tong batang to! P 16-2 "Makikipag-date ka lang eh! Bulok na yang palusot na yan ate!" pang-asar niya pa at sunod-sunod niya akong pinagbabato ng popcorn. Napasigaw naman ako sa inis at akmang hahabulin siya para isuksok sa ilong niya yung mga sinayang niyang popcorn pero agad na kaming sinuway ni mama. At ayun si loko nakatakbo papasok sa kwarto at ni-lock na niya yung pinto. Lagot talaga sa'kin ang totoy na'to! "Aleng... hayaan mo na si totoy, paminsan lang yan magsaya ng ganiyan kaya pagbigyan mo na" bilin pa ni mama, napahinga na lang ako ng malalim, palibhasa nerd kasi tong si Alex at masyadong grade conscious kaya ayan kinatakutan ng mga kaklase, pero patok na patok naman siya sa mga girls yun nga lang pa-snob ang peg ni mokong feeling gwapitong apo ng CEO sa mga koreanovela. "Sige po Ma alis na ko" baka matiris ko pa na parang kuto yang kapatid ko. "Mag-iingat ka anak, at umuwi ka na bago magdilim" paalala pa ni mama, napatango naman ako at dirediretsong lumabas na sa bahay. Naglakad ako sa street namin with confidence itaas ang kamay Rexona! Hindi ko din maintindihan kung bakit ang ganda-ganda ng sikat ng araw ngayon, ang aliwalas ng kapaligiran at sobrang sarap sa balat ng sinag ng araw. Nakakatuwa rin tingnan ang mga batang musmos na naglalaro ng tumbang preso sa makitid naming kalye, Parang ang fresh din ng air kahit pa kakadaan lang sa gilid ko ng isang tricycle na wagas makabuga ng itimna usok. Ang saya-saya rin maglakad kahit pa yung kapitbahay naming Ale ay wagas makawalis sa harapan ng bahay nila dahilan para magtalsikan yung mga alikabok sa kalsada at mga napigtal na damo "Oh! Aleeza pasabi pala sa mama mo yung utang niyong sardinas at dalawang kilo ng bigas noong lunes hindi niyo pa din nababayaran!" reklamo ni Aling Cynthia na naka-daster at nakapang-kulot ang buhok. nakadungaw siya ngayon sa sari-sari store niya habang ang mga tambay ay nagiinuman sa tapat ng tindahan niya. "Sure Aling Cynthia" swabe kong sagot at nag-okay sign pa ko sa kaniya, bakas naman sa mukha niya ang pagtataka dahil sa inasta ko. Nakasanayan na kasi ni Aling Cynthia ipagsigawan ang mga may utang sa tindahan niya kapag napapadaan ang mga ito sa tapat ng tindahan niya. Madalas na din niya akong nabibiktima pero palaging tango lang noon ang sagot ko, ewan ko ba kung bakit ngayon hindi ako affected sa sinabi niya. Siguro kasi ang ganda-ganda talaga ng gising ko ngayon, feeling ko ako yung bidang commercial model sa tide na confident na confident at wagas makangiti na naka-suot ng puting-puti na damit habang naglalakad sa magulong kalye. Pagdating ko sa labasan, fresh na fresh akong tumawid sa highway, pinasalamatan ko pa ang mga tumigil na sasakyan para makatawid kami. What a bright and wonderful morning... Cool na cool din akong sumakay sa bus at kahit nakatayo ako sa gitna ng bus kasi punuan na, Ewan ko kung bakit hindi ako nakaramdamng pagkairita. Pagdating sa school, naabutan ko si Manong guard na naglalaro sa phone niya. "Hija, walang pasok ngayon ah" bungad ni Manong guard habang tinatapik- tapik ang phone niya. magsasalita na sana ako kaso nagsalita ulit si Manong guard "Ikaw ba yung babae ni Sir Abrantes?--- Ayy P 16-3 Ang ibig kong sabihin ay babaeng estudyante" pag-correct ni Manong Guard tapos tumawa-tawa siya, yung akward na tawa. Tumawa na lang din ako ng awkward tulad ng ginagawa niya. Binuksan na niya yung gate at pinapasok ako habang pareho kaming tumatawa in awkward way. "S-sige po Manong... bye!" paalamko pa sabay tawa ulit. tumawa lang din siya at puro tawa lang kami hanggang makalayo ako, at mukha kaming mga palakang nag-paplastikan kakatawa. dumaan muna ako sa vendo at bumili ng maiinomna tubig. sumakit yung lalamunan dahil sa pahabaan at palakasan namin ng tawa kanina ni Manong Guard. Nang maka-inomna ako umakyat na ako sa third floor. nandoon kasi yung conference roomsa loob ng professor's office. Pagdating ko doon, nakabukas yung pinto pero walang tao. Shems! parang napanood ko na to ah! Papasok yung inosenteng biktima doon sa roomna walang katao-tao tapos magtataka siya at paulit na sasabihin ang linya na "Hello! Yohoo! May tao ba diyan?" mga tatlong beses niya yun sasabihin pero walang sasagot at mag-eecho lang yung boses niya sa loob ng room. Matatakot ang bida at lalabas na lang ng pinto pero kusa itong magsasara at hindi na mabubuksan pa. Syempre mawiwindang ang bida at kakabugin niya paulit-ulit ang pinto habang nagpapanic na siya at tumagaktak na rin ang pawis niya. Pero ilang sandi lang biglang matatahimik ang bida dahil may maririnig siyanv yapak mula sa likuran niya, maaaninag din niya ang kumikinang na patalimna hawak ng taong nasa likod niya. dahan-dahan siyang mapapalingon at bubungad sa harapan niya ang isang malaking lalaking naka-suot ng creepy na maskara at nay hawak na dalawang mahahabang patalim. "Katapusan mo na!" isisgaw ng killer sabay taas ng patalimat mapapasigaw ang bida ng"AAAAHHHHHHH!" "Agcaoili? Are you alright?" "SHEMAY! LUMAYO KA SAKEN!" "What? hey! si Sir Nathan to" narinig kong sabi nung killer na naka-maskara. "Ano bang ginagawa mo diyan? hindi mo ba na-receive ang text ko?" ulit pa ni Sir Nathan at napadilat ako nang bigla kong maramdaman na hinawakan niya yung balikat ko. Kyaahh! "Sa football field na lang tayo mag-rereview, nakalimutan ni Dean mag-issue ng letter of permission kahapon para magamit sana natin ang conference roomngayon" paliwanag pa ni Sir. Napalingon- lingon naman ako sa paligid. ngayon ko lang narealize na nandito pa pala ako sa labas ng pintuan ng professor's office kasi nakaP 16-4 lock ito at hindi kami makakapasok. Gosh! Nilamon na naman ako ng mga movies na napapanood ko haays. "Anyway, buti na lang umakyat ako dito to check if you're here, tama nga ang gut feelings ko" tawa pa ni Sir Nathan at isuksok niya ulit yung mga kamay niya sa bulsa niya. Napatulala naman ako sa kaniya at in-xray ko siya mula ulo hanggang paa... at pabalik, mula paa hanggang ulo. My Gosh! napalunok na lang ako, mala-TomCruise ang porma ni Sir Nathan ngayon. Napatingin naman ako sa suot ko, mukha kaming bibida sa action movie. "What's with that look?" takang tanong ni Sir Nathan dahilan para matauhan ako at matigil sa pagpapantasya na naman. "Whoah! Tara na sir! ano pang tinatayo-tayo niyo diyan? double time... doublr time lumalakad ang oras" palusot ko at nauna na akong naglakad. Hanubayan Aleeza hanggang sa last day of tutorial niyo sabaw na sabaw ka pa din! "What is the exact value of a pi?" tanong ni Sir, Geometry ang last topic na irereview sakin ni sir, nandito na kami ngayon nakaupo sa limang baitang ng malawak na hagdan na nakapalibot sa football field, ang hagdan na inuupuan namin ay upuan din para sa mga audience ng football. Malawak ang football field, madalas dito ginaganap ang mga kompetisyon ng iba't- ibang Universities. Open field ito at napapalibutan ng maayos at magagandang damo. walang naglalaro ngayon kasi linggo at tanging kami lang ni Sir Nathan dito. may iilang mga taga-linis din ang nagwawalis sa gilid at may dalawang manong na naggugupit ng damo "3.14159" "Very good... How about this, What is the area, in square inches, of the base of the pyramid?" tanong ni Sir sabay pakita ng isang pyramid shape drawing sa akin at may sukat ito sa bawat angle. Napaisip naman ako, teka! Ano nga ulit yun? "My brother also think that way...." Narinig kong tugon ni Sir Nathan dahilan para matauhan ako. Hindi ko namalayan na kinakagat ko na pala yung dulo ng lapis na hawak ko. Hala! Agad kong nilagay si gitna ng notebook ko yung lapis na kanina lang eh nginunguya ko. Gosh! Aleeza nakakahiya ka! talagang pinandigan mo na ang pagiging kinder mo. "Gusto mo pa?" biro pa ni Sir Nathan sabay abot sa'kin nung lapis niya at bigla siyang tumawa. Whuut? Loko din talaga to si Sir. P 16-5 "I'll get some snacks and drinks, just stay here" sabi ni Sir at tumayo na siya. Magpapabebe pa sana ako at sasabihin na 'Wag na sir, di pa ko gutom' kaso ayun nakaalis na siya. Napatingin naman ako doon sa lapis na nginangata ko kanina, Kainis! Akala siguro ni Sir nagugutomna ko haays. Pero sabagay 4 pmnaman na ng hapon. Kanina pa kami ni Sir nag-rereview. Dito na rin kami kumain kanina, nagpa-deliver na lang si Sir ng fast food. Mga 6 hours na kami dito pero hindi ko man lang namalayan kasi sobrang bilis ng oras kapag kasama ko siya. Napatingala ako sa kalangitan, makulimlimito, nagbabadya na malapit ng bumagsak ang ulan. Ilang sandali pa dumating na si Sir Nathan may dala siyang dalawang sandwich at dalawang mainit na kape na nakalagay sa disposable na paper cup. "Let's take a break muna" sabi niya sabay abot sa'kin nung isang sandwich at isang kape. At umupo na siya ulit sa tabi ko. "Wow! egg sandwich paborito ko to" excited kong sabi, hindi ko kasi mapigilang ma-excite lalo na kapag egg sandwich ang pinag-uusapan. Kahit pa araw-araw iyon ihain sa'kin ni mama sa almusal hindi ako magsasawa, tubuan man ako ng balahibo at maging sisiw hindi pa rin ako magsasawa. Napangiti naman si Sir Nathan "My sister also loves egg sandwich" saad ni Sir sabay kagat ng malaki doon sa sandwich niya. Ang manly lang tingnan kyaah! "Namimiss niyo na mga kapatid niyo noh sir, sabi raw nila kapag lagi mong naalala at binabanggit ang isang tao namimiss mo ito" tugon ko sabay kagat din ng malaki doon sa sandwich ko, Ang manly ko na rin tingnan. "Is that true? What if I just remember themall of a sudden" sagot ni Sir Nathan sabay tingin sa akin. Agad ko namang pinunasan ang bibig ko kasi baka may nakalawit na itlog o kung anong piraso ng pagkain. "Kaya nga Sir, we can't control our mind nor our hearts, you can condition yourself not to think so much of that particular person... but you can't say na hindi siya sasagi sa isipan mo" paliwanag ko pa. mukhang hindi naman kumbinsido si Sir at kumagat ulit siya sa sandwich niya. "Magagawa mong pilitin na wag siya isipin pero kahit anong mangyari, kahit anong gawin mo, patuloy niya pa rin guguluhin ang isipan mo" patuloy ko pa. napatingin naman sa'kin si Sir Nathan na parang na-gets niya kung anong ibig kong sabihin. "Maybe you're right, I just missed them. David is four year older than me, he's a lawyer, he married a filipina OFW in Spain. Dito sila kinasal sa Pilipinas four years ago. While our sister Honey, she's still studying in college, fine arts ang course niya... it's been fourteen years since I last saw my mother and my sister, si David naman ay pabalik-balik lang dito sa Pilipinas along with his wife and their baby boy" kwento pa ni Sir Nathan habang nakatanaw sa malawak na football field. Mahirap siguro ang dinadanas ni Sir... mahirap ang mag-isa. "Bakit Sir hindi kayo umuuwi sa inyo? Sabagay ang layo ng Spain at ang mahal ng plane ticket pero keri niyo naman na sir, may trabaho na kayo oh, try niyo din mag-model model para mas lalong lumaki ang kita niyo" banat ko pa pero tinawanan lang ako ni Sir, naubos na niya yung sandwich na kinakain niya at ang kape na hawak niya. P 16-6 "I don't know... maybe I was destined to be here... alone" saad niya pa at napatulala siya sa kawalan. Napalunok naman ako, may mali ba kong nasabi? Bakit parang affected much ako sa kalungkutan nito ni Sir. Kahit pala nakatapos ka na at ang dami mon a ring achievements kung malayo ka naman sa family mo parang may kulang pa rin. "Don't worry Sir, kapag nanalo ako sa competition sa Wednesday, tapos kapag plane ticket ang prize bibigay ko sayo" pag-checheer up ko pa sa kaniya, hindi naman ako nabigo kasi napangiti siya. kahit pa napakaimposible na ganun kalaki ang prize gusto kong tulungan si Sir... at kahit pa hindi ko alamang buong istorya kung bakit hindi siya umuuwi sa kanila. Gusto kong itanong pero parang wala na ako sa lugar alamin pa ang buong detalye ng buhay niya. isa lang naman akong hamak na estudyante niya. "Do you think it will rain?" tanong pa ni Sir at napatingala siya sa kalangitan, nilagok ko naman na yung kape ko at itinabi na din sa gilid yung balat ng sandwich at kape. "100% uulan yan sir" sagot ko, at pinagpagan ko na rin yung kamay ko. "How sure?" tanong pa ni Sir at mukhang ineecheos niya ako. at least kahit papaano nawala na yung sad face niya kanina. "Hmm... kasi hindi ako nakadala ng payong" sagot ko sabay ngiti. Natawa naman si Sir habang binibigyan ako ng weird look. "Ganun naman lagi Sir eh, palaging umuulan kapag hindi ako nakadala ng payong, tapos kapag may dala naman ako ang ganda-ganda ng panahon" banat ko pa at napailing-iling lang si Sir habang tumatawa. "So you mean... nakasalalay sayo kung uulan o hindi?" echeos pa ni Sir, Natawa na lang din ako, may kaecheosan din pala tong taglay si Sir eh. "Ewan ko po Sir pero palagi nangyayari yun, lagi ako naiistranded kapag wala akong dalang payong, naalala niyo noon sir nung na-stranded tayo sa waiting shed, wala kasi akong dalang payong that time" "So fromnow on kapag umuulan iisipin ko na wala kang dalang payong" biro pa ni Sir at naaninag ko na naman ang magaganda niyang ngipin kasi tumatawa siya ngayon. natawa na lang din ako ng dahilan, ewan ko ba kahit ang babaw lang ng pinag-uusapan namin ang dali-dali ko na ring mahawa sa pagtawa niya. Ilang saglit pa biglang pumatak ang ulan hanggang sa unti-unti itong lumakas. Hindi naman kami nababasa kasi may bubong naman dito sa kinauupuan namin. Nagulat ako nang biglang tumayo si Sir Nathan at inilahad niya yung palad niya para saluhin ang tubig ulan. "Siguro kaya palaging umuulan sa tuwing wala kang dalang payong ay dahil may darating palagi na tutulong para sayo... para samahan ka sa ulan... para sagipin ka" tugon ni Sir Nathan habang nakatalikod siya sa akin. Hindi ko alampero sa pagkakataong iyon, parang may gusto siyang iparating na hindi ko maintindihan. Minsan na-weweriduhan na ko dito kay Sir lalo na kapag nagtatagalog siya ng diretso. Bigla kong naalala yung nastranded kami sa waiting shed, sinamahan niya ako doon... tinulungan niya ako, ibinigay niya yung payong niya sa akin. "Alammo ba kung bakit umuulan?" tanong pa ulit ni Sir sabay lingon P 16-7 sa akin. Hindi ko naman alamkung bakit tumayo ako at naglakad papunta sa tabi niya, inilahad ko din ang palad ko at sinalo ang tubig ulan. "Wate Cycle Process" sagot ko, napangiti naman si Sir. "Through Evaporation, water leaves the Earth's surface and enters the atmosphere as a gas. In Condensation is the process by which water vapor is changed back into liquid water, While in Precipitation, where water that falls fromthe atmosphere in the formof rain, sleet, snow, hail, or freezing rain" sagot ko. napatango-tango naman si Sir Nathan at napansin kong mas lalong lumaki yung ngiti niya. "You're right, Ang buhay natin ay parang Water Cycle, paulit-ulit lang ang nangyayari, patuloy na maiipon ang ulan sa ulap at babagsak muli ito sa lupa, ganoon ang proseso... paulit-ulit at walang katapusan" tugon pa ni Sir Nathan sabay tingin ng diretso sa mga mata ko. Sa pagkakataong iyon, parang nadudurog ang puso ko na hindi ko maintindihan. Katulad ng lungkot na nararamdaman ko sa tuwing umuulan. "Miss patingin nga kami nito, tsaka yun na rin... ayy! Mukha maganda yun patingin na rin nung dalawang blue pen sa dulo" demand ni Jen, nandito kami ngayon sa mall, Monday na at kakatapos lang ng klase namin. Kasabay ko na rin siya umuwi ngayon kasi tapos na ang tutorial session namin ni Sir Nathan. Sinabi kasi ni dean na bawal na mag-mentor sa Monday at tuseday, resting days na daw yun para sa laban sa Wednesday. "Okay po ma'm" sagot nung sales lady, nandito kami ngayon sa isang bookstore, bumili kasi ako ng calligraphy pen na pang-regalo para kay Alex kasi mag-bibirthday na siya sa Sunday. At ngayon pumipili naman kami ng elegant at magandang ballpen para kay Sir Nathan, gusto ko kasi siya regaluhan bilang pasasalamat sa pagtulong niya sa akin. Kahit ba obligasyon niya yun kasi mentor ko siya, nakita ko namang todo effort din si Sir sa pagtuturo sa akin. "Wow! ngets itong 400 pesos na lang ang bilhin mo! ang ganda!" excited na tugon ni Jen habang kumikinang yung mata niya doon sa color dark blue na ballpen na sobrang ganda nga. "Bagay na bagay to kay Sir Nathan" dagdag pa niya. hindi ko naman mapigilang mapangiti, bagay nga to kay Sir Nathan, pansin ko kasi na mahilig siya sa blue. "Pa-engrave mo na!" habol pa ni Jen, binigyan ko naman siya ng friend-ako-bibili- diba-look. "Okay... okay sabi ko nga" patuloy niya pa at hindi pa rin siya maawat sa pagusisa nung iba pang ballpen. "Ma'amtwelve characters lang po ang sakop ng libreng engrave namin, kapag sobra po sa twelve characters magbabayad po kayo ng additional fee per letter" sabi pa niya. binilang naman namin ni Jen yung letters sa pangalan ni Sir Nathan Abrantes. P 16-8 "Hala! 14 characters yung name niya!" reklamo ni Jen, sinabi naman nung sales lady na dagdag 25 pesos daw per letter. "Ang mahal ngets, Nate na lang palagay natin" sabi pa ni Jen. Napaisip naman ako, Nate? Close ba kami ni Sir? Ang gara naman kung Nate ang ilalagay ko dun, feeling girlfriend lang. Biglang may pumasok na idea sa isip ko. "Miss marunong ba kayo mag-baybayin?" tanong ko doon sa sales lady at napangiti naman siya sa'kin. habang si Jen naman ay gulat na napatingin sa'kin at napanganga pa. "Ngets, seryoso ka ba diyan? Tattoo shop ba to? mukha bang tattoo artist si ate?" bulong niya sa'kin pero mukhang narinig naman ni ate saleslady kasi tinawanan niya ulit kami. Magrereact sana ako sa sinabi ni Jen kaso biglang nagsalita si ate na saleslady "Yes ma'amdahil papalapit na din po ang month of August may special treat mo kami, we do offer baybayin engrave" sabi niya at dahil dun biglang nanlaki ang mga mata ko. Omg! "Talaga! wow! magkano naman po?" "Same price lang po pero first name lang ang pwede ilagay" sabi niya sabay ngiti at dahil sa sobrang excited ko sinulat ko kaagad yung name ni Sir. Okay lang kahit first name lang ni Sir mas astig at cool pa rin kapag nakasulat in Baybayin form. Kinuha na nung saleslady yung ballpen at nagsimula na siyang mag-engrave, nanonood lang kami doon ni Jen at kulang na lang mag-fan girl kami kay ate saleslady kasi ang galing-galing niya. ilang saglit pa, biglang may lumapit na magandang girl at nakinood sa ginagawa ni ate salelady. ? (Neytan) Medyo na-intimidate kami ni Jen sa kaniya kasi sobrang ganda niya, ang tangkad niya at ang puti-puti. Ang kinis din ng balat niya at ang haba ng brown hair niya. akala pa nga namin artista kasi hawig niya si Carla Abellana. "You're a great artist" puri niya kay ate saleslady at napangiti naman si ate saleslady dahil pinuri siya nung maganda at mestisang girl na parang model. Nakasuot ito ng pink short dress at nakakatulala talaga ang ganda niya. Napalingon naman siya sa amin ni Jen at nginitian niya rin kami, yung genuine na smile at umalis na siya. "Ngets, nag-eexist talaga si Venus, ewan ko lang kung bakit nandito siya sa Pinas, hinahanap niya siguro yung anak niyang si Cupid" bulong pa sa'kin ni Jen. Napatango-tango naman ako. adik din kasi to si Jen sa Greek Mythology. "Gosh! kung hinahanap niya si Cupid, siguradong naggagala lang yun dito baka mapana pa tayo! Uwi na tayo" reklamo pa ni Jen at binatukan ko naman siya kasi kung ano-ano na namang iniisip niya. P 16-9 Academic Pasiklaban 2014: Math Category Napalunok na lang ako habang nakaupo ngayn dito sa bandang kaliwa ng auditorium. Dito gaganapin ang competition at halos 25 kaming representative ng iba't-ibang courses ang maglalaban-laban. Malaki ang auditoriumng school, para na rin itong theater arts roompero naitatabi ang upuan sa gilid. "There will be three levels in this category, the easy stage, the average stage and the difficult stage" paliwanag nung host na kanina pa nagdadaldal doon sa gitna ng stage, kaming mga contestants ay nasa baba ng stage at nakahelera ang armchair na inuupuan namin. Nasa kaliwa ako pang-apat sa helera. Madami ring mga estudyante ang nanonood na nakapalibot sa gilid namin, hindi rin pwede mag-ingay kasi baka hindi makapag-concentrate sa pag-iisip ang mga contestants. May mga hawak lang kaming blank bond paper at isang pencil para doon mag-solve, multiple choice ang contest kung saan may apat na answers kaming pagpipilian at isusulat naman iyon sa tig-iisa naming white board at white board marker. "Okay! Let's begin... Factor the algebraic expression (x - 1)2 - (y - 2)2 " Agad ko namang sinulat ang sagot at nang matapos ang 20 seconds timer, sabay-sabay na naming itinaas ang mga white board namin. "Number four, correct" announce nung host at narinig ko namang napasigaw sa tuwa si Jen, Iryn, at Leana na naroon sa gilid ko at may dala-dala pang banner na nakasulat ang 'Go Aleeza!' Nasaway pa sila ng guard kasi medyo maingay sila at muntikan pang i-confiscate yung banner na hawak nila. napalingon naman ako sa likod at nakita ko si Sir Nathan na nakatingin sa akin. Ang lahat kasi ng mentor ng mga estudyante ay nakatayo sa pinaka-likuran, malapit sa nag-eenter ng points sa projector screen. Sa bawat stage ay may tig-10 questions. 1 points ang dagdag kada question sa Easy Stage kapag nasagot mo ng tama, 3 points naman sa Average stage at 5 points naman sa Difficult stage. May malaking projector screen sa gitna at doon nakalagay kung ilang points na ang nakukuha ng mga contestants. Sa totoo lang sobrang kinakabahan ako lalo na kasi naka-display pa sa lahat kung ilang points na ang nakukuha ng bawat isa. Hindi naman nakalagay yung pangalan ng mga contestants pero ako ay pang number four. Natapos na ang Easy stage at mas lalo akong kinabahan kasi Avergae stage na, mas complicated na math problems at mas mahahabang solutions. Halos na-perfect naming lahat ng contestants ang Easy stage pero sa Average stage doon na magsisimulang magkatalo-talo. Nagkaroon ako ng dalawang mali sa Average stage, nalagasan tuloy ako ng 6 points. "And last but not the least... ang pinaka-inaabangan ng lahat, The Final round" anunsyo nung host at sinimulan na niyang basahin ang first question sa difficult stage. Mas nakakakaba sa Difficult stage kasi wala ng pagpipilian, bale isosolve mo talaga ang equation at ilalagay sa white board ang final answer. P 16-10 "Number four... Correct" Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa saya, nabawi ko na yung 6 points na nalagas sa akin kanina sa Average stage. Napatingin naman ako kina Jen, Iryn at Leana na ngayon ay mukhang kabado at magkakahawak kamay pa. sumulyap ako ulit kay Sir Nathan sa likod at nakita kong nag-thumbs up siya sa'kin at dahil dun bigla tuloy nag-over flow ang inspiration ko kyaahh! "Wait! Mukhang dalawa na lang ang naglalaban sa First place ah!" anunsyo nung host bago niya sabihin ang last question sa difficult stage. "Number Four and Number Sixteen" sabi pa nung host at biglang napatingin sa akin yung mga kalaban ko. napalingon din ako sa likod at nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko na ang tinutukoy na number Sixteen ay si Carl Sanches, ang ninuno ng mga nerd at talagang pinag-lihi sa numbers. Di ko napansin na kasali pala siya ngayon, second year college pa lang siya pero grabe siya mang-lampaso ng mga math prof dahil sa sobrang galing niya. Napalunok na lang ako nung bigla siyang tumingin sa'kin, poker face lang siyang nakatingin sa'kin at mukhang hindi siya nakakaramdamng kaba, sisiw lang to sa kaniya. Medyo chubby at pandak si Carl at mukha pa siyang elementary pero grabe ang brains niya, baka mauna pa siyang maka-graduate sa akin. "Number Four and Number Sixteen both got 83 points" anunsyo pa nung host at mas lalong nakaka-tense ang mga pangyayari dahil sa sigaw niya at excited na excited siya. "Okay Now! The Real battle begin!" habol pa nung host, halos mahimatay naman ako dahil sa kaba. Hindi ako sanay na halos lahat ngayon ay nakatutok sa akin at sa kalaban kong si Carl para sa First place. "Find the domain of the this following Asymptote" ? Hindi ako sure sa sagot ko, napalingon ako kay Jen, Iryn at Leana at mukhang mahihimatay na rin sila sa sobrang kaba. Napalingon ulit ako kay Sir Nathan, bigla siyang tumango sa akin at sumenyas na 'Kaya mo yan' "Time's up" anunsyo nung host at sabay-sabay na namin itinaas yung mga sagot namin. "Unahin na natin ang dalawang nag-aagawan sa First Place..." sabi nung host at gulat naman akong napatingin sa kaniya. Bakit ang echeos talaga ng host na'to. My Ghawd! Naglakad pa siya papalapit sa akin dahilan para mas lalo akong kabahan, tiningnan niyang mabuti yung aswer ko doon sa white board "Number Four... Correct" nakahinga naman ako ng maluwag. Kapag tama din si Carl mukhang magkakaroon kami ng Tie breaker. Gosh! Naglakad naman papalapit yung host kay Carl "Number Sixteen... Correct me if I say it's... Wrong" sabi nung host at bigla siyang napasigaw. "Congratulations Number Four!" masiglang sigaw nung host at para akong P 16-11 nanalo sa lotto. Naistatwa lang ako sa kinauupuan ko dahil hindi pa nag-sisink in sa utak ko na... Ako ang nanalo! Pagkatapos ma-check ang sagot ng lahat, pinatawag na kaming lahat sa entablado. "Second Place, Carl Sanches fromBS IT department, First Place... Aleeza Mae Agcaoili fromBS Nursing Department" announce pa nung host at sinabit na nila sa'kin yung gold medal at inabot ang cash prize na 5 thousand. Nanlalamig pa din ang kamay ko at hindi ako makapaniwala na natalo ko si Carl. Nagkatinginan kami at binati niya din ako. May mga sumasabog-sabog na confetti pa sa itaas ng entablado at pinicturan kaming lahat. Napatingin ako kina Jen, Iryn at Leana at kanina pa sila sumisigaw at tumatalon-talon sa tawa agad din silang tumako papaunta sa akin nang makababa ako sa stage, "CONGRATS NGETS! WE'RE SO PROUD OF YOU!" sabay-sabay nilang sigaw at bigla akong sinunggaban ng yakap. Halos maluha-luha naman akong yumakap sa kanila at nagtatalon-talon kami sa tuwa. Daig ko pa nanalo sa Miss Universe. Ilang saglit pa, habang hindi pa rin maawat sa pagsisisigaw sa tuwa sila Jen, Iryn at Leana. Natanaw ko naman si Sir na nakatayo pa rin doon sa likod habang pumapalakpak at nakatingin ng diretso sa amin, nakangiti siya ngayon sa akin dahilan para biglang kumabog ng malakas ang puso ko, parang bigla ring bumagal at nag-mute ang paligid at tanging siya lang ang nakikita ko. Habang dahan- dahang naglalaglagan ang makukulay na confetti sa ere at siya lang mismo at ang magagandang ngiti niya ang nakikita ko. Dugdugdugdug! "Cheers!" sabay-sabay naming pinag-tama ang mga yakult namin. Nandito lang kami sa canteen at nagmimiryenda. Hindi muna kami nag-celebrate ngayon kasi invited din naman sila sa Sunday sa birthday ni Alex at nung tinext ko si mama kanina at binalita ko sa kaniya na nanalo ako nag- reply si mama na isasabay na din ang celebration ng pagkapanalo ko sa contest sa birthday ni Alex sa Sunday kaya mas bobonggahan ang handaan. "Nakita niyo ba si Sir Nathan kanina? Bigla kasi siyang nawala eh, hindi ko pa tuloy siya napapasalamatan" tanong ko sa kanila, binigyan naman nila ako ng ngiting nakaka-echeos habang binubuksan nila yung panibagong pack ng yakult. Para tuloy kaming nag-iinuman at naka-ilang case- ash este pack na ng yakult. Feel ko magtatae kami mamaya haha! "Nako Aleeza, kaya pala natalo mo si Carl dahil sa sobrang pagka-inspired mo ah" pang-asar pa ni Iryn, sabay laklak doon sa yakult. "Hindi kaya- " P 16-12 "Ibigay mo na yung regalo mong ballpen kay Sir Nathan at sabihin mo na din ang magic word na... Mahal kita Sir" pang-asar naman ni Jen sabay tawa ng wagas, ginaya pa ni Jen ang boses ko at nag-ala Sir Nathan naman si Iryn, habang si Leana naman ay hindi na matigil sa kakatawa at kakahampas sa braso ko. "W-walang ganiyan! Wag nga kayong ano- " "Don't us Aly! Kilala ka namin, nauutal ka at napapraning ka kapag kinakabahan ka at may tinatago! May paballpen-ballpen ka pang nalalaman diyan ah!" pang-asar naman ni Leana at mukha na sila ngayong lasengga na wagas makaasar sa akin. "Hay nako! Matapos ko kayong ilibre ng yakult! Akin na nga yan! akin na! akin na!" reklamo ko pa sa kanila at kinukuha ko yung yakult sa kamay nila pero bigla nila akong niyakap. "Joke! Joke! Joke!" palusot pa nila at para na sila ngayong mga baby bears na todo makayakap sa akin. Ilang sandali pa biglang humiwalay si Jen sa pagsiksik sa akin at may tinuro siya sa counter ng canteen. "Mga ngets! saging na lakatan yun diba?" turo ni Jen doon sa isang kumpol ng saging na nasa counter, napatangotango naman yung dalawa at bigla silang napatingin sa akin "Aly Ngets! libre mo din kami ng saging!" demand pa nila at para na silang mga sisiw ngayon na hindi matigil sa kakangawa. Natatawa na lang ako kasi yakult at saging lang ang gusto nilang ipalibre sa akin. Tumayo na ako at binili iyon, nag-agawan naman sila sa saging kahit pa ang dami naman niyon. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat kasi nakaubos sila ng tig-tatalong saging, "Grabe! Nagutomtalaga kami kanina Ngets, nakaka-gutom pala mag-cheer" sabi ni Leana habang nakasandal na sila ngayon sa mga upuan nila at mukhang hindi na sila makakilos dahil sa matinding kabusugan. Itong mga unggoy na to talaga. May isang saging na lang na natira sa mesa, nagkakahiyaan pa siguro sila kung sino ang kakain niyon, Bakit kaya ganun? Kapag isang pagkain na lang ang natitira nagkakahiyaan pa ang mga tao haha! Kinuha naman ni Jen yung nag-iisang saging ng lakatan "Ngets ikaw na ang kumain niyan, busog na kami" tugon niya pa sabay abot sa'kin nung saging. "Busog na ko, bibigay ko na lang to kay Alex para masakatuparan na niya ang pagiging tsonggo niya" sagot sabay lagay nung saging sa sling bag ko. pagkasara ko ng bag ko nagulat ako nang biglang napasigaw si Iryn "Aly! Si Sir Nathan oh!" sabi niya sabay turo doon sa labas ng canteen kung saan napadaan si Sir Nathan, dala-dala na niya ang laptop bag niya at mukhang pauwi na siya. "Bilisan natin tara!" Agad akong napatayo at napatakbo papalabas ng canteen, dali-daling sumunod naman sa'kin silang tatlo. Pagdating sa labas, napaliko na si Sir Nathan sa hallway. "Sir Nathan Wait!" sigaw ko pa at bigla siyang napatigil sa paglalakad at napalingon sa amin. Napatingin din sa amin yung ibang estudyante na papauwi na rin. "Oh? Agcaoili" sabi ni Sir Nathan at napangiti siya. Napahinto naman ako sa tapat niya at napahawak sa dibdib ko dahil hiningal ako kasi medyo mahaba yung tinakbo namin kanina papalabas ng canteen, idagdag mo pa yung mga estudyanteng papasok ng canteen na nakasalubong namin sa pinto. P 16-13 "Hi Sir!" sunod-sunod na bati nila Jen, Iryn at Leana na nasa likod ko na, hinihingal din sila. Siguro kailangan ng makatikimng exercise ang katawan namin. "Why? Anyway, Congratulations Agcaoili, You won" nakangiting bati ni Sir, hindi ko naman mapigilang mahawa sa ngiti niya. napalingon ako sa tatlong sisiw na nasa likod ko at mukhang natulala din sila nang makita ang ngiti ni Sir Nathan na labas ngipin. Maging ang mga estudyante na napapadaan sa hallway ay napatigil din upang saksihan ang ngiti ni Sir Nathan. "Ah! Sir Marami pong Salamat sa tulong niyo, dahil sayo Sir kaya nanalo ako" sagot ko at bigla naman akong tiningnan ng nakakaecheos nila Jen, Iryn at Leana. "AHH- I mean dahil sa tulong niyo Sir kaya nanalo ako" patuloy ko pa. Gosh! baka kung anong isipin nila doon sa sinabi kong 'Dahil sayo Sir kaya nanalo ako' Napangiti naman si Sir Nathan at napatango "I just guided you, nasa sayo pa rin ang lahat ng effort" sabi ni Sir habang nakangiti pa rin. At dahil dun napatulala tuloy ako sa kaniya, para kasing may kakaiba sa ngiti ni Sir, ganitong-ganito yung ngiti niya kanina nung pumapalakpak siya sa likuran nung natapos na yung contest at nanalo ako. Natauhan lang ako nung biglang hinila ni Jen yung sling bag ko "Sir Nathan may ibibigay po pala sa inyo si Aleeza" excited niyang sabi, at dahil dun nilakihan ko siya ng mata at binigyan ko siya ng bes-bakit-mo-koinunahan-look. nag-peace sign naman siya sa'kin at tumawa-tawa. "Really? What is it?" tanong ni Sir Nathan at hindi pa rin napapawi ang mga ngiti niya, bakas din sa mukha niya na interesado siya sa ibibigay ko. "Bilang pasasalamat daw sa pagtulong niyo sa kaniya Sir" sabi naman ni Iryn. "Pinag-ipunan pa po ni Aleeza yan para sa inyo" dagdag naman ni Leana. Hindi naman ako magkana-ugaga sa pagbukas ng sling bag ko, pinapangunahan na kasi ako ng tatlong biik na'to. "W-wait lang sir hehe" sabi ko habang pilit na binubuksan yung zeeper ng bag ko, matigas kasi ang zeeper nito kaya todo effort pa para mabuksan. "Akin na nga" sabi ni Jen sabay hawak sa bag ko para mahila ko yung zeeper. Mga 20 seconds pa kaming tatlo nagpapanic doon sa gitna ng hallway sa harap ni Sir Nathan habang hirap na hirap sa pagbukas nung bag. Napasulyap naman ako kay Sir at mukhang natatawa na siya sa sitwasyon namin. "Sir Nathan! Pinapatawag ka ni Dean" tawag nung isang prof na nasa kabilang dulo ng hallway. Napalingon naman si Sir Nathan doon sa prof na tumawag sa kaniya. "Okay Sir pupunta ako" sagot niya sabay tingin ulit sa amin. Na-prepressure na ako. bakit ba ayaw makisama ng bag na'to! "Agcaoili I just- " hindi na natapos ni Sir Nathan yung sasabihin niya kasi nabuksan na yung epal na zeeper ng bag ko. "Sir Nathan! Thank you po" sabi ko sabay dukot nung ballpen sa bag ko at inabot ko sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na hindi pala yung ballpen yung naiabot ko sa kaniya kundi yung... SAGING! "T-thanks..." sabi ni Sir sabay kuha nung saging ng lakatan sa kamay ko. napatulala naman sa gulat sila Jen, Iryn at Leana. "Sige na, mauuna na ako, pinapatawag ako ni Dean... Thanks again Agcaoili and Congratulations" patuloy pa ni Sir at naglakad na siya papalayo. P 16-14 Naiwan naman kaming apat doon na nakanganga. "Aleeza! Ano kayang iniisip ngayon ni Sir Nathan dahil saging ang binigay mo sa kaniya" tulalang tugon ni Jen, tinatanaw pa rin namin si Sir na naglalakad papalayo. "Baka akalain ni Sir na concern ka lang sa health niya dahil kailangan niya ng potassiumsa katawan" -Iryn. "Baka akalain ni Sir na iniisip mong tsonggo siya" � Leana. "Oh kaya... baka isipin ni Sir na- " sabi ni Jen at hindi na niya natuloy yung sasabihin niya kasi sabaysabay kaming napatingin sa kaniya at gets namin ang gusto niyang sabihin tungkol sa saging, GOSH! ERASE! ERASE! ERASE! 6 pmna, Umuwi na sila Jen, Iryn at Leana. Nagpaiwan lang ako dito sa school at hinihintay kong lumabas si Sir Nathan sa office ni Dean. Gusto kong magpasalamat personally sa kaniya at mag- explain tungkol dun sa saging kanina, kainis! Nakakahiya talaga. Bukod doon ibibigay ko rin yung ballpen sa kaniya, habang nakaupo ako doon sa bench sa labas, nagulat ako kasi lumabas na yung secretary ni dean at pinatay na yung ilaw "Oh? Si Dean ba hinihintay mo? kanina pa siya umuwi" sabi nung secretary niya, napatango na lang ako at umalis na siya. Napahinga na lang ako ng malalim. Ibig sabihin nakauwi na rin si Sir Nathan kanina pa. sumakay na sa elevator yung secretary at hindi na ako nakahabol pa. walang na ring tao sa hallway dito sa third floor kaya bumaba na naghagdan na lang ako. Napatanaw pa ako sa bintana sa gilid ng hallway at kanina pa pala bumubuhos ang ulan. Shems! Wala akong payong. Maliit na sling bag lang kasi ang dala ko ngayon kasi excuse ako sa lahat ng klase ko dahil sa competition. Para na akong lantang gulay na ang bigat bigat ng paa habang humahakbang pababa sa hagdan pero bigla akong napatigil nang may narinig akong nag-uusap sa baba ng hagdan sa second floor. Mukhang may lovers na naman na nagtatago sa sulok-sulok para mag-landian. Mga kabataan talaga ngayon. Babalik na lang sana ako paakyat ng hagdan kaso napatigil ako kasi narinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki. "Cassandra please..." Napadungaw ako sa baba ng hagdan at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko kung sino yung nagsalita... P 16-15 Si Sir Nathan. At may kausap siyang Babae. Teka! Siya yung babaeng mala-diyosa sa ganda na nakita namin ni Jen sa bookstore ng isang mall sa Cavite nung Monday habang nagpapa-engrave kami ng ballpen. Hinawakan nung babae yung kamay ni Sir at bigla niyang niyakap si Sir Nathan. "I'msorry, please I love you" tugon pa nung babae habang yakap-yakap ng mahigpit si Sir. Napahawak naman ako sa tapat ng dibdib ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit parang unti-unting nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan sila. ~Parang gulong Ako'y pinaikot ikot mo lang Di maintindihan Kung bakit damdamin ko'y pinaglaruan Nagtitimpi, nagmamaktol, 'Di na alam ang gagawin ko~ ~Nababaliw na ako sa iyo Ako'y litung lito Naloloka, nahihibang Sa kaiisip sa'yo~ Humihikbi yung babae at hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap kay Sir Nathan. Ilang saglit pa, parang tumigil ang mundo ko nang dahan-dahang niyakap ni Sir Nathan yung babae pabalik. Napasandal na lang ako sa likod ng pader sa hagdan at napatingin sa malaking bintana sa tapat ko, kasabay ng pagbuhos ng ulan sa labas, ramdamna ramdamko ang hindi mapaliwanag na kirot ng puso ko. Shems! May Girlfriend pala si Sir! P 16-16 ******************** Featured Song: 'Baliw' by Kiss Jane Baybayin written by Binibining JoanaJoaquin :) "Baliw" by Kiss Jane Hahahahahaha gago mo jenHahahahahahahahaha P 16-17 Kabanata f(x - 15) 62K 2.2K 1.2K byUndeniablyGorgeous [kabanata 15] Our Asymptotically Love Story (page 103 - 119) Ika-Pitong Kabanata Filipinas 1688 Isang napakagandang umaga ang sumalubong kay Salome, agad sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi nang makita ang papasikat na araw sa labas ng bintana. Sunod-sunod rin ang pagtilaok ng manok na bumabasag sa katahimikan ng kapaligiran. Naupo na sa papag si Salome at nag-unat ng katawan. Napalingon pa siya sa kaniyang kanan kung saan mahimbing na natutulog pa si Felicidad. Linggo ngayon, ang araw ng pahinga ng mga tagapagsilbi at trabahador ng Hacienda Montecarlos. Sinundo si Salome ng kaniyang kuya Ernesto sa hacienda Montecarlos noong gabi ng sabado kung kaya't nakasabay niya muli kagabi sa hapunan ang kaniyang pamilya. Marami siyang ibinihagi sa kanila lalong-lalo na ang kabutihan ni Fidel. Halos sa bawat salitang binibitiwan niya ay puro papuri kay Fidel dahilan para mas lalo silang humanga at matuwa sa Kastilang binata. Bumangon na si Salome at masigla niyang binuksan ang bintana upang pumasok ang sariwang hangin ng umaga. Lumabas na siya sa kwarto at nag-hilamos bago nagtungo sa kusina. Napalingon siya sa gilid na papag at namataan niyang mahimbing na natutulog pa doon si Danilo habang yakap- yakap ang isang kuwaderno. At dahil likas na mausisa si Salome dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa natutulog na si Danilo at kinuha ang kuwaderno nito na kasalukuyang yakap-yakap ng binatilyo. Binuksan niya ang kuwaderno dahil nais niyang makasilip sa mga itinuro ni Fidel sa kanila. Ngunit nabigla siya at napangiti na abot hanggang tenga dahil iba ang mga nakatala sa kuwaderno. Mga iginuhit ng larawan ng isang dalagitang babae. Napahagikgik sa tawa si Salome dahil mukhang ang masungit niyang kapatid na si Danilo ay humahanga na sa isang dilag. P 17-1 "ATE? ANONG- ? AKIN NA IYAN!" napatalon sa gulat si Salome dahil nagising pala si Danilo dahil sa mahina niyang tawa. Agad na inagaw ni Danilo ang kaniyang kuwaderno sa kamay ni Salome at kunot noong hinarap ang ate. "Makakarating ito kay inay at itay! Bakit mo pinakialaman ang gamit ko?!" inis na sigaw ni Danilo dahilan para mas lalong matawa si Salome. Padabog na isinuksok ni Danilo ang kaniyang kuwaderno sa mataas na bahagi ng kanilang bahay upang hindi iyon maabot ni Salome. Sa pagitan ng dulo ng kawayan at pawid niya sapilitang isinuksok ang kaniyang kuwaderno. "Tinago mo pa... nakita ko naman na" halakhak pa ni Salome dahilan para mas lalong mainis ang binatilyong si Danilo napakamot na lang ito sa inis at dire-diretsong nagtungo sa palikuran. Padabog din niyang sinara ang pinto ng palikuran at muntikan pang magimba ang pinto dahil gawa lamang ito sa pinagdugtong-dugtong na kawayan. "Huwag kang mag-alala, Hindi ko sasabihin kay Ising na humahanga ka sa kaniya!" pang-asar pa ni Salome at biglang napasigaw si Danilo sa palikuran dahil sa sobrang inis, agad na binuksan ni Danilo ang pinto at may bitbit na siyang balde ng tubig, balak niyang buhusan ng tubig ang kaniyang ate Salome upang makaganti, nagulat naman si Salome at kumaripas ng takbo papalabas ng bahay na parang palaka habang tumatawa ng malakas at patuloy pa rin niyang inaasar si Danilo. "Hindi mo ako mahahabol bleh... Isusumbong kita kay Ising!" kantyaw pa ni Salome habang kumakaripas ng takbo sa palayan, sinubukan pa siyang habulin ni Danilo bitbit ang isang balde ng tubig ngunit napahinto rin ito sa kalagitnaan ng palayan dahil sa bigat ng balde. "Paano na iyan? Paano papayag ang mga magulang ni Ising na ligawan mo siya kung sa isang balde ng tubig ay hapong-hapo ka na" kantyaw pa ni Salome kay Danilo habang nakapamewang pa ito at may pa-iling-iling pang nalalaman. Mas lalong nainis si Danilo dahil sa pangangatyaw at patawa-tawa ng kaniyang ate, akmang hahabulin na sana niya ulit ito ngunit bigla silang napatigil nang sinuway sila ni Ernesto na kakababa lamang sa kalabaw nito. "Lumeng! Totoy! Magsitigil nga kayo riyan! Ki-aga-aga nag-iingay kayo, nakakahiya sa mga kapitbahay" suway ni Ernesto habang tinatali sa kanilang bakuran ang kaniyang kalabaw. Napalingon naman si Salome sa paligid. Napakalayo pa ng bahay nila Mang Kiko na kapitbahay nila, mga isang daang metro pa ang layo sa kanilang bahay kubo. Sa kabila naman ay ang bahay nila Mang Berto na nasa isang daang metro rin ang layo. P 17-2 "Kuya Nestong! Ang layo-layo naman ng mga kapitbahay natin" banat ni Salome habang nakangiti ng nakakaloko, ang kuya Ernesto naman niya ngayon ang kinakantyawan niya. "Aba't ikaw bata ka... halika nga rito! Danilo turuan natin ng leksyon ang Lumeng na ito!" lokong tugon ni Ernesto sabay habol kay Salome, hindi naman siya nabigo dahil madali niyang nahuli si Salome at pina-ulanan ito ng kiliti sa tagiliran. "Kuya! Baka magising ang mga kapitbahay gaya ng sabi mo" nagawa pang mang-asar ni Salome kahit pa hindi na niya mapigilang lalong mapahalakhak dahil hindi siya tinitigilan ng kiliti ng kaniyng kuya. Sumali na rin si Danilo at sinimulan din siyang kilitiin hanggang sa mapabagsak sila sa palayan na ngayon ay maputik dahil inaararo pa lang. "Ito ang nababagay sa pilyang tulad mo" tawa pa ni Ernesto, maging si Danilo ay tuwang-tuwa dahil nakaganti na rin siya sa kaniyang ate Salome. Naroon lang silang tatlo sa gitna ng palayan habang nagtatawanan at naggagantihan ng kiliti sa isa't-isa. Animo'y para lang silang mga paslit na bata na naglalaro sa putikan at masayang nagtatawanan. "Sus Ginoo, Magsitigil na kayo... kay hirap labhan ng mga damit na iyan" narinig nilang suway ni Felicidad na nakatayo sa likod nila at nakapamewang pa. napatingin naman sila sa mga damit nilang nabahiran na ng putik dahil sa paghaharutan nila. "May karapatan akong magreklamo dahil ako ang naglalaba- " hindi na natapos ni Felicidad ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagkatinginan sina Salome, Danilo at Ernesto at sabay-sabay sumilay sa kanilang mga labi ang nakakalokong ngiti. "Mukhang may isa pa tayong dapat turuan ng leksyon ah" tugon pa ni Ernesto at sabay-sabay silang tatlong tumayo habang nakangiti ng nakaloloko kay Felicidad. "A-anong- Teka! Huwag niyo akong isali riyan sa mga kalokohan- Inay! Itay!" sigaw pa ni Felicidad at sinubukan niyang tumakbo papalayo ngunit agad siyang nahila nila Ernesto at Salome sa putikan. "Inaaaay! Itaaay!" sigaw pa ni Felicidad pero sa kalaunan ay napahalakhak na lang siya dahil sinabuyan siya ng putik ng kaniyang mga kapatid. At dahil doo'y gumanti rin siya at nagpahiran sila ng putik. "Lagot kayo sa akin! Kuya Nestong! Lumeng! At Totoy!" sigaw ni Felicidad habang nakangiti ng nakakaloko, kumuha siya ng napakalaking kumpol ng putik at agad sinaboy sa mukha ng tatlo dahilan para mabalot ang mga mukha nila ng putik. "Ikaw talaga Fe hinawaan ka na ba ng kapilyahan nito ni Lumeng!" tawa pa ni Ernesto sabay hila kay Felicidad, Lumeng at Danilo at napabagsak silang apat sa putikan. Nagsimula na naman ang rambulan sa kanila, ngunit napatigil sila nang makita si Julio na nakatanaw sa kanila sa tapat ng pinto at kinukusot ang mata. Mukhang nagising ang batang si Julio dahil sa ingay ng kaniyang mga nakatatandang kapatid. P 17-3 "Liyong! Halika rito dali!" tawag ni Felicidad kay Julio, nagtataka namang napatingin sa kanila si Julio ngunit napangiti rin ito dahil sa itsura ng kaniyang mga kuya at ate na ngayon ay balot na balot na ng putik ang buong katawan at mukha, at tanging mga ngipin at mata na lang nila ang maputi. Agad na kumaripas ng takbo si Julio papunta sa kaniyang mga kapatid, lalong-lalo na sa kaniyang ate Felicidad dahil ito ang pinakamalapit sa kaniya. "Nangangain kami ng batang makulit!" pananakot pa ni Danilo sabay sunggab kay Julio na ngayon ay nakayakap na kay Felicidad, dali-dali namang binuhat ni Ernesto si Julio at marahan nilang sinabuyan ng putik si Julio. Agad namang niyakap ni Salome ng napakahigpit si Julio at pinaulanan ito ng halik sa pisngi dahilan para mapahalakhak ang bata ng malakas dahil nabalot na ng putik ang kaniyang pisngi. Ang limang magkakapatid ay hindi na naawat sa pagtatawanan habang naggagantihan at nagbabatuhan ng putik sa isa't-isa. Binuhat pa ni Ernesto si Julio at pinasan sa kaniyang leeg upang itakas sa nanggigigil na si Salome dahil tadtad na tadtad na ng halik sa pisngi si Julio. Si Felicidad naman at Danilo ay naghihilahan ng paa upang hindi maabutan si Ernesto na tuwang-tuwa at kinakatyawan na sila dahil nakatakbo na ito papalayo habang bitbit ang batang si Julio na hindi na rin maawat sa pagtawa. "Kuya Nestong! Bumalik ka rito! Madaya ka!" "Habulin niyo ako!" "Aba't Nariyan na kami!" "Takbooo dali!" Mula sa di-kalayuan sa tapat ng kubo ay magkaakbay na tinatanaw ni Tay Isko at Nay Delia ang kanilang mga anak na naglalaro at nagkakasiyahan na ngayon sa putikan. Natawa sila lalo nang makitang nadapa si Salome at sumubsob ang mukha nito sa putikan, babangon na sana si Salome ngunit dinaganan siya nina Felicidad at Danilo. Habang paikot-ikot naman si Ernesto at Julio sa kanila at kinakantyawan ang mga kapatid. "Hanggang ngayon mga batang paslit pa rin ang tingin ko sa kanila" nakangiting tugon ni Tay Isko kay Nay Delia habang nakaakbay siya sa asawa at pinagmamasdan nila ang kanilang mga anak. "Kay bilis nga ng panahon... ang panganay nating si Ernesto ay may asawa na, si Felicidad naman ay dinadagsa na ng mga nais umakyat ng ligaw, si Salome naman ay unti-unti ng natutupad ang pangarap na P 17-4 matuto magbasa at magsulat, si Danilo naman ay mukhang umiibig na, Tanging si Julio na lamang ang inosente sa kanila" nakangiting sagot ni Nay Delia, ang saya na natutunghayan niya ngayon sa kaniyang mga anak ay nakapagdudulot ng kaligayahan sa kaniyang puso, ngunit ilang saglit lang unti-unting naglaho ang ngiti sa kaniyang labi nang maalala niya ang isang bagay na madalas bumabagabag sa kaniya. "Mahal... Sa tingin mo ligtas na tayo dito sa San Alfonso?" tanong ni Nay Delia kay Tay Isko sabay tingin ng diretso sa asawa. Ang kaniyang mga tingin ay may bakas ng pangamba. Sandaling napatigil si Tay Isko dahil sa tanong ng asawa ngunit pinili niyang ngumiti rito upang itago ang takot sa kaniyang kalooban. "Huwag mo ng alalahanin iyon mahal... nakasisiguro akong ligtas na tayo dito sa San Alfonso" sagot ni Tay Isko at hinimas-himas niya ang balikat ng asawa upang pakalmahin ito. Napa-buntong hininga na lamag si Nay Delia. "Hindi ko mapigilang mag-alala... lalo na ngayong napapansin kong dumaragsa na rin ang intsik dito sa San Alfonso upang lumayo sa Norte" pangamba ni Nay Delia, hindi naman agad nakapagsalita si Tay Isko, batid niya ang panganib na nakasunod sa kanila dahil ang kaniyang asawa na si Delia ay purong intsik, kung kaya't ang kanilang mga anak ay nagtataglay din ng dugong intsik. "Sisiguraduhin kong hindi mangyayari sa atin ang sinapit ng iyong lolo at lola... Ang mga intsik dito sa San Alfonso ay hindi maaano ng mga Kastila" tugon pa ni Tay Isko at pilit na pinapagaan ang loob ng asawa. Ang tinutukoy ni tay Isko ay ang pagpatay sa mga kamag-anak at magulang ni Nay Delia noong 1603 nang magrebelde ang mga intsik dahil sa pagpapahirap na ginagawa sa kanila ng mga Kastila. Nang dahil sa galing ng mga Instik at ang patuloy na pagdating nila sa Pilipinas naghinala ang mga Kastila na balak nilang sakupin ang Pilipinas dahil na rin sa nangyaring pag-atake noon ng piratang si Limahong sa Maynila noong 1574. Ang mga intsik ay kilala sa galing sa pagnenegosyo, sa larangang industriya, sining, pagbabangko at marami pang iba. Ang mga bagay na ito ay ang kinatatakutan ng mga Kastilang nasa Pilipinas lalo na ang patuloy na pagdami ng mga intsik sa bansa. Kung kaya't mataas na buwis ang ipinapataw ng mga Kastila sa mga negosyanteng Intsik. At noong 1581, si Gobernador-Heneral Gonzalo Ronquillo de Penalosa ay nagtayo ng lugar sa Maynila kung saan doon lamang maaaring manirahan ang mga Intsik, ang lugar na iyon ay tinawag na 'Parian' Pinaniwalaang madaming ginto sa Maynila kung kaya't ang isang opisyal na Tsino na Mandarin ay bumisita sa Pilipinas noong Mayo 23, 1603. Ang hakbang na ito ay nakapag-alarma sa mga Kastila na balak ngang sakupin ng mga Intsik ang Pilipinas. kasabay rin niyon ang pagiging masigla ng ekonomiya sa Parian. Nang dahil dito'y naging mapangahas at brutal ang trato ng mga Kastila sa mga Intsik, pinapahirapan sila, P 17-5 niyuyurakan at tinuturing na sila ang pinakamababang antas ng tao sa Pilipinas. Dahil sa pang-aabuso ng mga Kastila sa mga Intsik dito sa Pilipinas nagdulot iyon ng rebelyon, at noong Oktubre 3, 1603 nagsimula ang pag-aalsa ng mga Intsik sa mga Kastila. Inatake nila ang Tondo at Quiapo. Samantalang ang mga Kastila naman ay humingi ng tulong sa mga Pilipino at mga Hapon na ninirahan sa Pilipinas upang puksain ang mga rebelde. Ang mga rebeldeng intsik ay nagapi at umurong papuntang Laguna hanggang sa marating nila ang San Pablo, Laguna. Lumaban sila hanggang sa huli ngunit napatay sila ng mga Kastila sa pamumuno ni Cristobal de Axqueta Menchaca, napatay ang halos 23,000 na mga intsik noong taong 1603. Ang lolo at lola ni Nay Delia ay naninirahan noon sa Tondo at isa sila sa mga napatay ng mga Kastila. Mabuti na lamang dahil nakatakas ang mga magulang ni Nay Delia papuntang Bulakan. At nang humupa ang tensyon ay muli itong bumalik sa Tondo. Pagkatapos ng tanghalian ay sama-samang nagtungo ang mag-anak sa bayan ng San Alfonso upang dumalo sa misa, hindi pa rin tapos ang pagpapatayo sa simbahan ng San Alfonso kung kaya't sa labas lamang dinaraos ang misa. May maliit na entablado sa ginta at naroon si Padre Rogelio na nagdaraos ng misa habang ang mga tao ay nakapalibot sa kaniya. Ang mga nasa kapangyarihan tulad ng Gobernadorcillo na si Don Filimon Alfonso at ang kaniyang dalawang batang anak ay nasa unahan, ang pamilya naman ni Don Antonio Flores at ang mga anak nito ay nasa tabi nila. Ang tatlong cabeza de barangay ay nasa likuran nila at nakatatanggap din ng espesyal na trato. Ang mga indio naman ay nasa likuran at nakatayo. "Bakit hindi po sumama si Inay?" bulong ni Salome sa kaniyang tatay Isko na katabi niyang nakatayo sa likuran. Nasa tabi rin nila si Felicidad habang hawak-hawak nito ang kamay ni Julio. Nasa likuran naman nila ang mag-asawang si Ernesto at Roselia. Samantalang, si Danilo naman ay nagsisilbing sakristan at alalay sa simbahan. "Kilala mo naman ang iyong inay, siya'y tapat sa kaniyang kinagisnang relihiyon" pabulong na sagot ni Tay Isko at nginitian niya ang kaniyang anak na si Salome at sinenyasan na huwag ng magtanong muli dahil nagsasalita ang pari sa harapan. Napatango na lang muli si Salome at ibinaling ang tingin kay Padre Rogelio na isang purong kastilang nagmimisa ngayon sa magkahalong wikang kastila at tagalog. Hindi naman na nagsalita si Salome dahil batid niyang tapat nga sa relihiyong Buddhismo ang kaniyang inay. Napalingon na lamang siya sa gilid nila kung saan tinatayo pa rin ang simbahan ng San Alfonso. Naalala niya bigla ang simbahan ng San Agustin sa Maynila. Kada linggo ay nagsisimba sila doon, iyon ang simbahang kinagisnan niya. P 17-6 Nang matapos ang misa ay nagpaalammuna sandali si Tay Isko dahil nais niyang makausap ang cabeza de barangay ng kanilang barrio na si Mang Lito, napaupo na lamang sa gilid ng batuhan sa plaza sila Salome, umupo na rin si Felicidad sa tabi niya at kinalong si Julio. Habang si Ernesto at Roselia ay nagtungo na sa palengke. "Julio! Halika rito!" sigaw ni Felicidad nang biglang tumakbo papalayo si Julio dahil nakakita ito ng mga batang naglalaro sa gitna ng plaza. Agad na hinabol ni Felicidad ang kapatid dahilan para maiwan sa batuhan si Salome. Ngunit biglang may napakagandang dilag na tumigil sa tapat niya, nakasuot ito ng damit pang-Europa at may hawak na napakalaking abaniko. "Hanggang dito ba naman ay binabandera mo ang sarili mo" pakutyang tugon ni Florencia habang nakatingin ng masama kay Salome. May dalawang alalay ito na nakasunod sa kaniya. Hindi na lang siya pinansin ni Salome, tumayo na ito at akmang aalis na lang sa lugar na iyon para sundan sila Felicidad at Julio ngunit biglang hinawakan ni Florencia ng mahigpit ang braso niya upang pigilan siya umalis. "A-ray!" reklamo ni Salome at inalis niya ang pagkakahawak sa kaniya ni Florencia. "Alamko na ang ngalan mo... Ikaw si Salome hindi ba? Ang bagong tagapagsilbi sa hacienda Montecarlos, hinding-hindi ko makakalimutan ang itsura mo" banat ni Florencia, napakunot naman ang noo ni Salome at napatingin sa dalawang alalay ng kastilang dalaga na nakayuko at nagpapanggap na walang naririnig. "Ano bang problema mo? wala naman akong ginagawang masama sa iyo" diretsong tugon ni Salome pero pakutyang tawa lang ang sinagot ni Florencia sa kaniya habang winawasiwas pa nito ang mamahaling abaniko. Nang matigil na sa pagtawa si Florencia bigla siyang humakbang papalapit kay Salome, animo'y nais niyang takutin ang dalaga "Ayoko sayo... Ayoko sa itsura mo... umalis ka na sa hacienda Montecarlos" sindak nito ngunit hindi lang siya inimik ni Salome. "Ano bang pakialammo?" banat ni Salome at tinaasan niya ng kilay si Florencia, dahilan para mamula ito sa galit. "INDIO- " hindi na natapos ni Florencia ang panghahamak sana niya kay Salome dahil biglang dumating si Felicidad at pumagitna sa kanila. P 17-7 "Kung wala ka rin namang mabuting sasabihin umalis ka na lang... kakatapos lamang ng misa ngunit hindi mo isinapuso ang sinabi ng pari" seryosong buwelta ni Felicidad kay Florencia. Nagitla naman si Florencia dahil sa inasta ni Felicidad. Samantala bigla namang napangiti ang dalawang alalay nito dahil mukhang nahanap na ni Florencia ang katapat niya. "Hindi man kita kilala... hindi ko man alamkung gaano kalakas ang kapangyarihan ng pamilya niyo ngunit hindi ako makakapayag na hamak-hamakin mo ang kapatid ko!" buwelta pa ni Felicidad sabay hawak kay Salome. "Nang dahil sa inaasta mo pinapatunayan mo lang na natatakot ka dahil sa gandang taglay ng aking kapatid... Senyorita maganda ka naman ngunit hindi sapat ang pisikal na ganda upang matawag kang maganda sa kabuuan" banat pa ni Felicidad sabay hila kay Salome at Julio papalayo kay Florencia na nanggagalaiti na ngayon sa galit. Nang makalayo na sila ay biglang napahawak si Salome sa braso ni Felicidad "Ate! Hindi ko akalaing ang tapang-tapang mo pala" tuwang-tuwang tugon ni Salome at umakap pa sa kaniyang ate. Bigla namang natawa si Felicidad habang hawak-hawak naman sa kabilang kamay si Julio. "Kapag hindi ka naninilbihan kaninuman mas malaya ka dahil magagawa mong kalabanin sila nang walang pangamba" sagot ni Felicidad nang may ngiti sa labi. Napatango-tango naman si Salome dahil naiintindihan niya ang nais ipabatid sa kaniya ng kaniyang ate. Dahil wala namang amo o pinaglilingkuran si Felicidad hindi ito nangangamba na masibak sa trabaho o kung ano man. "Iyon ang tinatawag na kalayaan" patuloy pa ni Felicidad sabay akap din kay Salome. Batid ni Salome na nais magtayo ni Felicidad ng isang negosyo sa oras na makaipon na sila. Dahil hindi angkop kay Felicidad ang mabibigat na trabaho dahil may kahinaan ang katawan nito kung kaya't ang sariling negosyo ang kanilang pakay. Naglibot pa sila sa palengke saglit, nahuhuli sa paglalakad si Salome dahil tuwang- tuwa siyang nagmamasid sa isang pintor na gumuguhit ng isang obra ng tanawin ng lawa ng luha. "Napakaganda talaga" nagulat siya nang biglang may ginoong nagsalita mula sa gilid niya. at laking gulat niya ng makilala kung sino iyon. "Ito ang pangatlong beses na nakita kita rito... sinasabi ko na nga ba na dito lang kita makikita" patuloy pa ni Patricio habang nakangiti ng nakakaloko kay Salome. Napaatras naman si Salome dahil humakbang pa ang binata papalapit sa kaniya. P 17-8 "Kilala na kita! At alamko ang iyong mga gawain, isa kang hambog, matapobre at bastos na ginoo!" sigaw ni Salome dahilan para mapalingon sa kanila ang ilan sa mga taong napapadaan. "Binabalaan din kita! Huwag na huwag mong guguluhin ang buhay ng ate ko!" habol pa niya pero mas lalo lang sumilay ang ngiti ni Patricio, aliw na aliw siya sa tapang ni Salome. "A-ano bang kailangan mo? L-lumayo ka nga sa akin!" iritableng reklamo pa ni Salome dahil patuloy pa rin si Patricio sa paghakbang papalapit sa kaniya habang nakangiti pa rin ito ng nakakaloko "Isa lang naman ang kailangan ko sa iyo... at alammo na iyon" saad pa ng binata sabay tingin sa dalaga mula ulo hanggang paa dahilan para biglang siklaban ng takot si Salome. "Tuwing magtatakipsilimat bago magbukang liwayway ay nakikita kita rito sa palengke, alamko na kung anong uri ng trabaho ang iyong pinagkukunan ng salapi... bakit tila hindi mo batid kung ano ang gusto ko?" pabulong na tugon ng kastilang binata habang nakangiti ng nakakaloko kay Salome at kinindatan pa ang dalaga. Naalala ni Salome na pinaghinalaan siya noon ni Patricio na isang babaeng bayaran, at ngayon ay mukhang ganoon pa rin ang hinala niya sa kaniya. "Hindi pa ba sapat ang isang pilak na binigay ko noon sa iyo? Kulang pa ba iyon? Handa akong magdagdag ng ilang pilak" patuloy pa ni Patricio, napapikit na lamang sa inis si Salome at agad niyang kinuha sa kaniyang bulsa ang isang pilak na sinahod niya sa dalawang araw na paninilbihan sa hacienda Montecarlos. "Kainin mo iyang pilak mo at sana matunaw iyan sa halang mong bituka!" inis na sigaw ni Salome sabay bato kay Patricio ng nag-iisang pilak na hawak niya. nagulat si Patricio at natawa na lamang habang pinagmamasdang galit na galit na naglalakad si Salome papalayo sa kaniya. "Oh? Lumeng, tila kakasagupa mo lang sa gyera" pang-asar ni Ernesto kay Salome at natawa rin sila Roselia at Felicidad dahil parang bulkan na ang mukha ni Salome na malapit ng sumabog sa galit. Narito pa rin sila sa palengke at nasa tapat sila ngayon ng tindahan ng mga kuwaderno, talaarawan at pluma. Hindi na lang pinansin ni Salome ang kantyaw ng kaniyang kuya at tumingin-tingin na lang sa mga tinda kahit pa naiinis pa rin siya dahil sa tagpo nila ni Patricio kanina. "Pare-pareho ba tayo ng ireregalo kay Danilo?" tawa pa ni Ernesto dahil maging si Felicidad at Roselia ay kuwaderno rin ang binili para kay Danilo. P 17-9 Napatigil naman si Salome nang makita ang itimna pluma na matagal na niyang nais bilhin para kay Danilo ngunit wala na siyang pera dahil ibinato niya iyon sa pagmumukha ni Patricio kanina. Napansin naman ni Felicidad na walang pera si Salome kung kaya't binili na niya ang plumang iyon at inabot kay Salome "Siguradong magtatampo si Danilo kapag wala kang regalong naibigay sa kaniya" saad ni Felicidad sabay ngiti sa kapatid. Parang bigla namang napawi ang pagkainis ni Salome at napalitan iyon ng saya dahil balak siyang pautangin ng kaniyang ate "Salamat Ate! Babayaran ko na lang ito sa susunod na Linggo" tuwang-tuwang tugon ni Salome at yumakap pa kay Felicidad. "Ikaw talaga kung saan-saan mo ginagastos ang iyong salapi" tawa pa ni Felicidad, hindi naman masabi ni Salome na nakaharap niya si Patricio kanina dahil sumagi lang ang hambog na binatang iyon sa utak niya ay kumukulo na ang dugo niya. Napatingin pa muli si Salome sa nag-iisang pluma na natitira sa tindahang iyon, nais din sana niyang bilhin iyon para kay Fidel, sobra pa ang isang pilak na dala niya kanina para mabili ang dalawang plumang iyon kaso wala na siyang pera. Tinakbuhan ko na lang sana ang bastos na Patriciong iyon kanina, wala na tuloy akong salapi ngayon. Biglang napatingin si Salome sa kaniyang ate Felicidad at naglambing ulit dito "Ate... maaari pa ba akong umutang muli sayo" pakiusap niya at kumapit pa sa braso ng kaniyang ate, natawa na lamang si Felicidad dahil sa inaasta ng kapatid. "Ano na naman ba ang iyong nais bilhin?" nakatawang tanong ni Felicidad dahilan para mapatalon sa tuwa si Salome dahil mukhang papautangin na naman siya ng kaniyang ate. "Iyon sana- " napatigil si Salome habang nakaturo doon sa pluma at hindi na rin niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang may isang napakagandang dalaga na dumating at dinampot ang plumang iyon. "Buenas tardes Senorita Eleanor, �Cu�ndo llegaste? �Est�s con tu t�o? �C�mo estaba?" (Goodafternoon Senyorita Eleanor, When did you arrive? Are you with your uncle? How was him?) bati ng may-ari ng tindahan na si Don Antonio Flores sa magandang binibini na bagong dating. Matangkad ito at mestisangmestisa. Magaganda ang pungay ng mata, matangos ang ilong at may manipis na labi. Maganda rin ang kurba ng katawan nito at mas lalong nakadagdag sa kaganadahan nito ang mahaba niyang buhok na kulay brown na nakatirintas tulad ng mga buhok ng babae sa Europa. "Buenas tardes Don Antonio Flores, Mi t�o todav�a no est� de humor para salir, est� con Don Filim�n discutiendo un mont�n de asuntos pol�ticos" (Goodafternoon Don Antonio Flores, My uncle is still not in the mood to go outside, he's with Don Filimon discussing a lot of political matters) nakangiting sagot ni Eleanor, habang hawak-hawak ang plumang nais sanang bilhin ni Salome. Napalingon ang kastilang dalaga sa P 17-10 kaniya at ngumiti ito sa kaniya. Makikiusap sana ni Salome sa Kastilang dalaga na kung maari ay siya na lamang ang bibili ng plumang iyon kaso binayaran na ito agad ng kastilang dalaga na si Eleanor agad. Inimbitahan pa si Eleanor ni Don Antonio na pumasok sa loob ng tindahan upang mag- miryenda. Napatulala na lamang si Salome at Felicidad. "Ayos lang iyan Lumeng, siguradong sa susunod na linggo ay may panibagong paninda ulit dito" saad ni Felicidad kay Salome sabay hawak sa braso nito. Napatango na lamang si Salome, ngunit baka pa rin sa kaniyang itsura ang matinding pagkadismaya dahil nais sana niyang bilhin iyon kay Fidel sa lalong madaling panahon. Kung hindi talaga umeksena ang Patricio na iyon! Nabili ko sana kanina pa ang pluma! Araw ng Lunes, maaaga pa lang ay gising na si Salome dahil ihahatid na siya ng kaniyang kuya Ernesto sa hacienda Montecarlos, kasama na rin nila si Nay Delia dahil magaling na si Tay Isko at makakabalik na siya muli sa trabaho. Natatawa na lamang ng palihimsi Ernesto dahil napapansin niyang nag-aayos na si Salome at nagiging maingat na rin ito sa pagsasalita. Nang makarating sila sa hacienda ay nais na naman niya sanang punahin ang mapulang labi ni Salome dahil nagpahid na naman ito ng asuete, ngunit hinayaan na lamang ni Ernesto dahil mas natutuwa siyang marunong ng mag-ayos sa sarili ang kapatid. Alas-diyes na ng umaga nang mag-datingan ang mga estudyante ni Fidel. Katulad ng dating gawi ay naroon sila sa gilid ng lawa ng luha sa ilalimng malaking puno ng Narra. Nagpapakulo ng mainit na tubig si Salome habang nakangiting tinatanaw sa bintana ng kusina si Fidel na masiglang nagtuturo. Medyo may kalayuan ang mansyon sa lawa ngunit maaaninag mo pa rin ang mga tao roon. Si Nay Delia, Ising at Piyang naman ay abala na sa pagluluto, Samangtalang si Susana at Manang Estelita naman ay naglilinis ng bahay. Habang hinihintay ni Salome na kumulo ang tubig, nagtungo muna siya sa likod ng mansyon upang bisitahin ang mga manok roon, lalong-lalo na ang pinakabaporito niya sa lahat na si ChingChing. "Ikaw ba'y nakatulog ng maayos kagabi ChingChing?" magiliw na tanong ni Salome at kinalong niya sa kaniyang binti ang manok. Si ChingChing ay maliit lamang ngunit malusog ito, isang inahing manok si ChingChing, napakaganda rin at makintab ang balahibo nito. P 17-11 "Ako'y hindi, dahil hindi mawala sa isipan ko ang mga ngiti ni Senor Fidel" bulong pa ni Salome sa kaniyang manok habang hinimas-himas ito. "Ang mga ngiti niya ang bumubuo talaga ng araw ko" saad pa ni Salome at dahil sa kilig ay nayakap niya si ChingChing at nanggigil dito, hindi naman nagpumiglas si ChingChing ngunit nagsimula na itong pumutak ng pumutak dahil mukhang nasasakal na sa panggigil ni Salome. "Ah! Pasenisya na kaibigan hindi ko mapigilan" tawa pa ni Salome at hinimas-himas na muli ang kaibigang manok upang pakalmahin ito. Ilang saglit pa habang hinimas-himas ang alaga, napatigil siya nang biglang may ideyang pumasok sa kaniyang isipan. Tinitigan niyang mabuti ang mga balahibo ni ChingChing. Tama! Maaari akong gumawa ng isang pluma mula sa balahibo ni ChingChing! Napangiti si Salome dahil sa ideya niya ngunit naawa naman siya kay ChingChing dahil siguradong masasaktan ito kung huhugot siya ng isang balahibo mula sa alaga. "Patawarin mo ako ChingChing! Pero hindi ba't suportado mo naman ako kahit anong mangyari? Pahingi lang ng isang balahibo... isa lang naman" hirit pa ni Salome habang dahan-dahang hinihimas ang alagang manok. "Mabilis lang naman ito at sandali lang..." pag-amo pa ni Salome sa manok, walang kamalay-malay si ChingChing na pinagkaka-interesan ngayon ni Salome ang balahibo niya. Nang mahawakan ni Salome ang dulong balahibo ay agad niya itong binunot dahilan para mabigla ang manok at lumipad-lipad ito habang di na maawat sa kakaputak. Napangiti si Salome ng todo dahil mahaba at magandang klase ang balahibong nabunot niya mula kay ChingChing, agad niyang hinabol ang manok at niyakap ito. "Salamat Kaibigan! Dadamihan ko ang pagkain mo mamaya, wag ka lang maingay sa ibang kaibigan mo" tuwang-tuwang bulong pa ni Salome sa alagang manok habang pilit na pinapakalma ito. Ang ibang mga manok naman ay nagtatakbo na dahil ang kapwa manok nila na si ChingChing ay nagpupuputak. "Natapos mo ba ang mga takdang aralin na binigay ko sa iyo?" tanong ni Fidel kay Salome, magkatabi sila ngayong nakaupo sa ilalimng puno ng narra habang nakaharap sa lawa ng luha. Kasalukuyang nagsusulat si Salome sa kaniyang kuwaderno, paulit-ulit niyang ginagaya ang mga letra ng alpabeto at naka-limang pahina na siya. "Opo Senor, tinapos ko po kagabi" tugon ni Salome habang pasimpleng nakangiti kay Fidel. Palihimna napangiti rin ang binata at lumingon pa sa kaliwa upang itago ang mga ngiti niya. sandali silang napatahimik, abala naman si Salome sa pagsusulat samantalang hindi naman mapalagay si Fidel dahil sa katahimikang P 17-12 naghahari sa pagitan nila. napaismid pa ito bago magsalita. "H-habang nagsusulat ka riyan, hayaan mong magkwento ako" pagbasag ni Fidel sa katahimikan, patuloy pa ring nagsulat si Salome dahil mas lalo siyang kinakabahan kung titingin siya sa mata ng binata. "S-sige po Senor, ako po'y makikinig" Napangiti naman si Fidel at napatanaw sa napakagandang lawa ng luha. Nakakaakit ang tubig nito na kulay asul. "Narinig mo na ba ang alamat ng lawa ng luha at ilog tangis?" tanong ng binata, napatigil naman si Salome sa pagsusulat at napaisip. Mag-dadalawang buwan pa lamang sila sa San Alfonso kung kaya't may mga lugar at kwento na hindi pa niya nalalaman. Napailing naman si Salome bilang sagot sa tanong ni Fidel at agad siyang bumalik sa pagsusulat dahil hindi niya kinayang makipagtitigan sa binata. Iginawi naman ni Fidel ang tingin niya sa lawa dahil hindi niya rin kayang makipagtitigan sa dalagang nasa tabi niya ngayon. "Noon ay may isang binibini na labis na umibig sa isang ginoo ngunit namatay ang kaniyang sinisinta nang sumabak ito sa digmaan, labis niyang dinamdamang nangyari at dito sa kanilang tagpuan ay umiyak siya ng umiyak hanggang sa umagos ang kaniyang luha na sa tuyong ilog na ngayon ay tinawag ng Ilog Tangis, at sa patuloy na pag-agos ng kaniyang luha ay umabot ito sa dulong bahagi ng isla kung saan naipon ang luha niya at tinawag iyong Lawa ng Luha" paliwanag ni Fidel, hindi namalayan ni Salome na napatigil na pala siya sa pagsusulat at nakatanaw na rin sa lawa ng luha. Hindi niya akalaing may napakalungkot palang kwento ang napakagandang tanawin ng lawa ng luha. "Bakit halos lahat ng magagandang bagay sa mundo ay may kaakibat na malungkot na kwento mula sa likod nito?" tanong ni Salome habang nakatulala pa rin sa lawa. Napahinga naman ng malalimsi Fidel. "Dahil kadalasan ang magagandang bagay ay may kakambal na trahedya" sagot ni Fidel dahilan para mapatingin sa kaniya si Salome ng may pagtataka. Patuloy lang na nakatanaw sa lawa si Fidel ngunit baka sa mukha nito ang kalungkutan. "Tulad ng pag-ibig... magandang bagay nga ito ngunit hindi mawawala ang lungkot at pighati rito" patuloy pa ni Fidel, mas lalo namang naguluhan si Salome dahil sa sinasabi ng binata. Napatigil naman siya nang biglang lumingon si Fidel sa kaniya. "Mauunawaan mo ang lahat ng sinasabi ko Lumeng sa oras na maranasan mo na ang umibig" saad pa ni Fidel, P 17-13 napalunok na lamang sa kaba si Salome dahil batid niyang unti-unti ng nahuhulog ang loob niya sa binata, aminado siyang humahanga na siya kay Fidel ngunit hindi pa siya sigurado kung pag- ibig na nga ba iyon. Humahanga lang ba ako sa iyo Fidel? o higit pa roon? Nang hapon din iyong, marahan na nilinis at pinunasan ni Salome ang balahibo na kinuha niya mula kay ChingChing upang mawala ang dumi nito at kumintab lalo. Medyo may kaliitan lamang ang haba nito di tulad ng mga plumang nabibili sa merkado dahil ang mga balahibong iyon ay mula sa magagandang klase ng ibon tulad ng Gansa (goose) at Pabo (turkey). Pinutol na ni Salome ang dulong bahagi ng balahibo sa anggulong 45 degrees upang magkaroon ito ng talas sa dulo. Nang matapos na ay itinago na niya ito sa kaniyang mga gamit. Kinabukasan, maaga muling nagising si Salome at naligo, sinuklay niya ng maigi ang kaniyang mahabang buhok upang matuyo ito agad bago niya itinali. Nagising na rin sila Manang Estelita at nay Delia at naghahanda na sila ngayon ng agahan. Binisita muna ni Salome ang kaniyang alagang manok na si ChingChing upang ibigay ang ipinangako niyang dagdag pagkain dito. "Magandang umaga!" bati ni Salome sa lahat ng trabahador na nagsisidatingan sa hacienda upang magtrabaho. Binigyan niya pa sila ng mainit na kape at magiliw na nakipagkwentuhan. "Sadyang napakaganda ng araw ho ngayon noh" sambit pa ni Salome habang nakikipagkwentuhan sa mga matatandang hardinero. "Sandya yatang maganda lang ang gising mo Lumeng" tawa pa nila. Natawa na lang din si Salome dahil hindi rin naman niya maitatanggi na napakaganda ng gising niya. kahit pa makulimlimang kalangitan at nagbabadya na uulan maya-maya. Matapos ang halos kalahating oras ng pakikipagkwentuhan sa mga hardinero ay bumalik na muli sa mansyon si Salome, alas-Siyete na ng umaga. "Lumeng! Ihatid mo ito sa taas kay Senor Fidel" utos ni Nay Delia kay Salome sabay abot ng isang mainit na tasa ng kapeng barako. "Masusunod po Inay" magiliw na sagot ni Salome dahilan para mabalot ng pagtataka sina Manang Estelita, Ising at Piyang sa kilos ng dalaga. Lumabas na ng kusina si Salome at inayos niya pa ang kaniyang sarili bago umakyat sa hagdan, hindi na rin mawala ang ngiti niya sa kaniyang labi dahil makikita niya muli si Fidel at P 17-14 bukod doon ay dala na rin niya ang plumang nais niyang ibigay sa binata. Ngunit napatigil siya sa sa pag-akyat sa hagdan nang may marinig siyang boses ng babae. Agad na sumilip si Salome sa likod ng hawakan ng hagdan at laking gulat niya nang makitang biglang niyakap si Fidel ng isang napakagandang mestisang binibini. "Eleanor pakiusap..." ~Tulala lang sa 'king kuwarto At nagmumuni-muni Ang tanong sa 'king sarili Sa'n ako nagkamali?~ ~Bakit sa iyo pa nagkagusto? Parang bula ika'y naglaho~ ~Porque contigo yo ya eskuhi? Ahora mi corazon ta supri Bien simple lang iyo ta pidi Era cinti tu el cosa yo ya cinti~ Dumaloy ang luha mula sa mata ni Eleanor habang yakap-yakap ng mahigpit si Fidel, animo'y ayaw niyang pakawalan ang binata. "Lo siento... por favor... te amo" (I'm sorry... please... I love you) wika pa ni Eleanor at hindi na ito maawat sa pag-iyak. Napahawak na lamang si Salome sa kaniyang bibig dahil sa gulat. Muntikan niya pang mabitawan ang mainit na kapeng hawak niya. Ilang sandali pa, unti-unting nadurog ang puso ni Salome nang makita niyang niyakap na rin ni Fidel pabalik si Eleanor. Tama ka nga Fidel, Ang pag-ibig ay may kakambal na pighati at lungkot. At ngayon naiintindihan ko na iyon dahil... Ako'y umiibig na sa iyo. ***************** P 17-15 Featured Song: 'PorQue' by Madlita A/N: Ang Chinese massacre na nangyari noon sa Laguna noong 1603 ay totoo po, ito po yung link kung nais niyo pang maunawaaan at pag-aralan ng mabuti hihi. Maraming Salamat ?? Source of Chinese Massacre: http://www.laguna.gov.ph/content/remembering-chinese- massacres-laguna1603-and-1639 "Por Que" by Maldita ILYS????? Di ba bawalmag asawaang pati? P 17-16 Kabanata f(x - 16) 68.7K 2.3K 2.4K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 16] "Let me ask time has passed Do you feel this could last If you dont, why then stay Take your wings, fly away" -A1 (One Last Song) "Aleng! Gising na... Hindi ka na naman ba papasok?" naalimpungatan ako nang tapik- tapikin ni mama ang binti ko. "Masama pa rin ba ang pakiramdammo?" tanong pa ni mama habang patuloy pa rin akong ginigising. Ang bigat ng ulo ko, dalawang araw na akong hindi nakatulog ng maayos. Friday na ngayon at wala pa rin akong balak pumasok. "Ngayon ang laban ng kapatid mo diba? Di mo ba siya papanoorin?" tanong pa ni mama, napamulat naman ako ng mata pero nakatalikod pa din ako kay mama. Oo nga pala, ngayon ang Academic Pasiklaban in Physics Category at si Alex naman ang representative ng course nila. Napatingin ako sa orasan, malapit na mag-8 am. Ang alamko 8 amang umpisa ng contest nila Alex, hindi na rin ako aabot. "Mukhang masama pa ang pakiramdammo, magtitimpla ako ng salabat" sabi pa ni mama at lumabas na siya sa kwarto namin. Napalingon ako sa bintana, umuulan ngayon... kaya siguro ang bigat bigat na naman ng dibdib ko. Ang pagkakaiba nga lang alamko ngayon kung bakit ako nagkakaganito. Hindi pa rin mawala sa isipan ko yung nasaksihan kong pag-uusap ni Sir Nathan at nung girlfriend niya... "Cassandra please..." Hinawakan nung babae yung kamay ni Sir at bigla niyang niyakap si Sir Nathan. "I'm sorry, please I love you" tugon pa nung babae habang yakap-yakap ng mahigpit si Sir. Humihikbi yung babae at hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap kay Sir Nathan. Hanggang sa niyakap na rin siya ni Sir Nathan pabalik... "I love you Nate" sabi pa nung babae pero hindi naman sumagot si Sir Nathan. Ilang sandali pa, Sisilip sana ulit ako kaso naaninag kong papaakyat na silang dalawa kaya dali-dali akong tumakbo pabalik sa taas hanggang fourth floor at doon sumakay na lang ako sa elevator pababa. P 18-1 Napabangon na lang ako sa inis... Teka nga! Ano bang pakialamko sa kanila? bakit ba ko naaapektuhan? Ugh! Nasobrahan lang siguro ako ng kaaral ng math para sa contest kaya nagkakaganito na ko. okay lang naman siguro na magpahinga ako matapos ang halos isang buwan na pagrereview kasama si... Sir Nathan. What the heck! Naalala ko na naman siya! Erase! Erase! Erase! Napasabunot na lang ako sa sarili ko at nagtaklob ulit ng unan sa mukha. Hindi ako pumasok kahapon at hindi rin ako pumasok ngayon, nakokonsyensya na ko kasi nagsinunggaling pa ko kay mama at papa na masama ang pakiramdamko. Pero totoo naman, ang kirot-kirot na naman ng puso ko. siguro kasi umuulan ngayon kaya nararamdaman ko na naman to. Bumangon na ulit ako at bumaba na sa higaan ko. sa bawat paghakbang ko ay ramdamna ramdamko ang bigat ng katawan ko. baka nagkatotoo na nga na may sakit ako dahil sa pagsisinunggaling ko. paglabas ko sa kwarto naabutan kong nasa mesa na sa hapag si mama at sinasalin na niya yung mainit na salabat sa tasa. "Inumin mo na ito anak habang mainit pa..." sabi pa ni mama at inalalayan niya pa ako maupo. Hindi ko naman mainomagad yung salabat kasi nakakapaso ang init nito. Hindi ko naman namalayan na kanina pa pala ako tinititigan ni mama "Mabigat na naman ba ang dibdib mo?" tanong ni mama, napatango naman ako. mukhang hindi ko naman na kailangan pang magpanggap na may sakit kasi totoo namang ang sakit ng dibdib ko. Bigla namang hinimas-himas ni mama ang ulo ko "Hayaan mo anak pag naka-ipon na tayo, ipapa-check up ulit natin yan" sabi pa ni mama at ngumiti siya ng bahagya sa akin. Pagkatapos ko mag-almusal, bumalik na ulit ako sa kwarto pero sa higaan ni Alex na ako humiga kasi wala na akong gana umakyat pa sa higaan ko. chineck ko na ang phone ko at bumungad na naman sa akin ang sandamak-mak na texts mula kay Jen, Iryn at Leana. Kahapon pa nila ako tinatadtad ng text, nireplayan ko naman sila kaso hindi pa rin sila maawat sa pangungulit sa akin. Shemay! Bigla akong napabangon nang makita kong may naligaw na text sa inbox ko. Nag-text si Sir Nathan! Kalma lang Aleeza! Kalma lang! whooo! P 18-2 Huminga muna ako ng malalimbago ko binuksan ang message niya. All classes in Metro Manila are suspended today. PAG-ASA declared Signal #3 in Metro Manila, Cavite ang Laguna. Keep safe everyone. Inis na nilapag ko na lang yung phone ko sa gilid ng higaan. Alamniyo yung feeling na sobrang kinabahan ka dahil nagtext siya pero forwarded advisory lang pala. Napataklob na lang ulit ako ng unan, itutulog ko na lang to baka paggising ko mawala na tong weird na nararamdaman ko. Lumipas na ang dalawang oras hindi pa rin ako makatulog, kung kelan naman kailangan ko ng tulog ayaw naman ako dalawin ng antok. May sumpa rin siguro tong higaan ni Alex. At dahil hindi pa rin ako makatulog bumangon na ako sa kama at naupo na lang sa study table namin. Sinara ko na rin muna yung kurtina ng bintana kasi mas lalong bumibigat ang pakiramdamko dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa labas. Napalingon naman ako sa mga bookshelves at agad napukaw ng atensyon ko yung nobelang 'Our Asymptotically Love Story' kinuha ko na lang iyon at naisip kong ituloy na lang ang pagbabasa niyon kaso bigla akong nagulat nang biglang bumukas ang pintuan sa kwarto ko. "Ngets!" sigaw ni Jen at dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako. "Sabi ko na nga ba! Tinamaan ka lang ng katamaran kaya di ka pumasok kahapon tsaka ngayon eh!" reklamo niya pa at nagawa pang hampasin yung braso ko. Ouch. "Hindi ka rin pumasok? Bakit- " "Kainis nga eh, kaka-suspend lang ng klase kanina kung kelan naman nakapasok na ko sa school haays... tsaka bakit ba hindi ka pumasok kahapon? Pag di ka papasok sabihan mo naman ako para dadamayan kita" tawa niya pa habang nilalapag yung gamit niya sa kwarto namin at nagpapagpag din siya kasi nabasa ng ulan ang sapatos niya. "Oh... Jenina heto magpunas ka Hija" sabi ni mama sabay abot ng tuwalya kay Jen, napangiti naman si Jen at niloko-loko pa si mama, feel at home na rin kasi si Jen dito sa bahay kaya dire- diretso lang siyang nakapasok dito sa kwarto. "Salamat po mama Cath..." lambing pa ni Jen at pinunasan na niya ang sarili niya. ngumiti naman si mama at naiwan niyang bukas ang pinto, at nakita kong nasa salas na si Alex at nagpupunas din siya ng tuwalya. "Kasabay mo si Alex papunta dito?" tanong ko, tumango naman si Jen at nilugay na niya yung buhok niya. "Don't worry ngets hindi ko siya inaway ah, kahit pa gustong-gusto ko na siya tanungin kanina kung bakit niya tinurn down ang kapatid ko" tugon pa ni Jen. Sabagay kahit ano namang mangyari, kahit pa hindi kayo masyado magkasundo ng kapatid mo kapag may kaaway naman ito join force pa din kayo. P 18-3 "Buti natagalan mo ang kasungitan ng kapatid ko" saad ko pa habang inaayos ang mga nakakalat na libro sa ibabang bahagi ng study table. "Hindi naman niya ako sinungitan... di nga lang siya nagsasalita, siguro frustrated siya ngayon kasi hindi natuloy ang competition kanina" wika pa ni Jen dahilan para mapalingon ako kay Alex, ang bagal ng kilos niya at madalas lang siyang nakayuko habang pinupunasan niya ang buhok niyang nabasa ng ulan. Mukhang malungkot din ang kapatid ko ngayon ah. "Ngets! Nasayo pala to?" narinig kong tugon ni Jen sabay kuha doon sa librong 'Our Asymptotically Love Story' "Ito yung binigay ng hibang kong kapatid sa masungit mong kapatid noh" sabi pa niya. Oo nga pala, si Lily ang nagbigay ng librong iyan kay Alex. "Kainis... alammo ba pinakialaman ko lang to sa kwarto ni Lily kasi wala akong magawa noong bakasyon, bagong bili niya to nakabalot pa nga ng plastic eh tapos binuksan ko at binasa... kaso nagalit siya kasi ibibigay daw niya yun kay Alex, hanggang kabanata 6 lang tuloy yung nabasa ko haays" sabi pa ni Jen habang binubuklat-buklat yung libro. Hindi ko pala siya matatanong tungkol sa ending nung kwento kasi mukhang hindi niya pala natapos basahin. "Kukuha lang ako ng makakain" sabi ko sabay punta sa kusina. Naabutan ko namang nandun si mama at naghahanda na rin ng tanghalian. Tuwang-tuwa pa siya kasi nandito ulit si Jen sa bahay. kumuha na ako ng naka-stock na chips at nagtimpla ng juice. Pagbalik ko sa kwarto naabutan kong parang reyna si Jen na nakadapa sa sahig namin at pinapakialaman na niya yung laptop namin ni Alex. "Ngets, download ka pa ng mga tv show interviews ng Westlife dali!" sabi pa niya habang kinakalikot na yung mga files sa laptop. Inilapag ko naman sa gilid niya yung chips at juice. Napalingon ako sa salas, nakaupo lang doon si Alex habang nanonood ng TV at hindi pa nagpapalit ng damit kaya tumayo na ako at pinuntahan siya "Sunget, magpalit ka na ng damit magkakasakit ka niyan" paalala ko pa sa kaniya pero tumango lang siya sa akin. Napalingon naman ako sa TV at naweirduhan ako kasi nanonood siya ngayon ng cheesy na morning teleserye. "Okay ka lang ba?" nagtataka kong tanong sa kaniya kasi di ko maimagine na ang masungit kong kapatid ay nanonood ng cheesy romatic teleserye. Weird. Humarang ako sa tapat ng TV sabay pamewang pa. "Alexander Michael Agcaoili Jr. magpalit ka na ng damit" sermon ko pa sa kaniya, ginaya ko pa yung boses at gestures ni mama kapag napupuno na siya samin. "T-tabi diyan... Panget!" reklamo niya pa at pilit na pinapaalis ako. nagtaka naman ako kasi parang may kakaiba sa kilos niya, kilala ko tong kapatid ko eh, pag kabado siya trying hard yung pagiging masungit niya, yung tipong nauutal at nag-gagalit-galitan. Umalis muna ako doon sandali at bumalik sa kusina, at pa-simpleng sumilip mula doon. May kakaiba talaga sa kilos ng tsonggo na to eh, mahuli nga. Ilang sandali pa, napansin kong nakatulala lang siya doon sa TV, mukha siyang nanonood pero may malalim siyang iniisip. Nanlaki ang mga mata ko ng mahuli kong dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon ng kwarto namin kung nasaan ngayon si Jen. At napangiti siya ng konti sabay sandal ulit sa sofa. Omg! May gusto ang kapatid ko sa bestfriend ko? Halaaa! P 18-4 Lumabas na ako doon sa kusina at hindi ko inalis ang mga mata ko kay Alex hanggang sa makarating ako sa kwarto. huling-huli ko na siya, dinedeadma niya ako ngayon pero mukhang kinakabahan siya kasi naaamoy ko na ang tinatago niyang kalandian. Sinilip ko si Jen doon sa kwarto at tawa siya ng tawa sa pinapanood niya sa laptop namin. Napalingon ako kay Alex. Aha! Kaya pala hindi makapagpalit ng damit ang mokong na to kasi di siya makapasok sa kwarto dahil nandun si Jen. Pumasok na ako sa loob ng kwarto at ako ng kumuha ng damit niya, "Ngets panoorin mo to dali! Si Markus Feehily ang pogi niya talaga!" kinikilig na tugon ni Jen at napapahampas pa siya sa sahig dahil sa tuwa, Si Markus Feehily ang crush na crush ni Jen na member ng Westlife. Wala ako sa mood mag-fan girl ngayon kaya napailing-iling na lang ako sa kaniya. Lumabas na ako sa kwarto pero hindi ko sinara yung pinto para makanaw ng tingin tong si Alex kay Jen. Binato ko na sa mukha niya yung tuyong damit niya, nagulat naman siya. "Ayan na, magpalit ka na, don't worry di ko sasabihin kay Jen na crush mo siya" pang-asar ko pa sa kaniya dahilan para mas lalong lumaki ang mga mata niya dahil sa gulat. "W-WHAT- ?" hindi na niya natapos yung pag- aalboroto niya kasi dalidali akong tumakbo pabalik sa kwarto at sinara yun, pero di pa ko makontento kaya binuksan ko ulit yung pinto at binelatan siya sabay sara ulit kasi pinulot na niya yung tsinelas niya at akmang ibabato iyon sa akin. Sunday na, umaga pa lang abala na kami sa bahay lalo na sa kusina. Mamayang hapon na kasi ang birthday celebration ni Alex dito sa bahay. dumating na din sila tita Rita at tita Meg na pinsan ni mama para tumulong sa amin sa pagluluto. Samantala pumunta naman si papa sa barangay hall para manghiramng mga silya at tolda kasi itatayo namin iyon sa labas ng bahay. magsisipuntahan din kasi ang lahat ng kamag-anak ni mama at papa. Nararamdaman kong magsisimula na namang ma-echeos ang buhay ko maya-maya, at mag-tetrend na naman ang bansag nila sa akin na 'Aleng' Sinabay na din kasi ngayon yung celebration ng pagka-panalo ko sa math contest noong Miyerkules. Haays! Naalala ko naman na nakita kong may kasamang babae si Sir Nathan sa hagdan nung Wednesday, ang sakit sa dibdib. "Oh? Aleng... ako na diyan, mahapdi na mata mo noh?" narinig kong tugon ni tita Meg sabay tabi sa'kin. naghihiwa kasi ako ngayon ng sibuyas at sobrang hapdi nga sa mata, napatingin ulit ako doon sa hinihiwa kong sibuyas Aba! Kamukha ni Sir Nathan tong sibuyas na to ah! pareho lang sila ng sibuyas ang hilig magpaiyak! "Tulungan mo na lang mama mo sa pagkudkod ng carrots doon" sabi pa ni Tita Meg sabay ngiti sa akin, siya na rin ang nagpatuloy sa paghiwa ng sandamak-mak na sibuyas para sa spaghetti. Napatango na lang ako sa kaniya, mabait si tita Meg, maliit lang din siya at payat hawig niya rin si mama, nakapangasawa siya ng Canadian na nireto sa kaniya noon ni tito Ace. Lumapit na ako kay mama at tinulungan ko siyang magkudkod ng carrots para sa lumpiang shanghai, pero nakaka-dalawang carrots pa lang ako bigla na akong sinita ni mama "Aleng, ayusin mo yan, wag masyadong durog" sita ni mama sabay kuha nung pang-kudkod sa akin. Nagulat naman ako kasi di ko namalayan na naP 18-5 murder ko na pala yung carrots dahil sa sobrang diin ko sa pagkudkod nito. Napatulala na lang ako doon sa mga nadurog na carrots, Teka! Ganito yung buhok ni Sir Nathan pag messy look siya ah! dapat lang durugin to Ughhh! "Ako na nga lang dito, tulungan mo na lang ang tita Rita mo sa paggawa ng fruit salad" sabi pa ni mama, gusto ko pa sana supalpalin yung carrots kaso mukhang mabeabeast mode na si mama kasi hindi maayos yung gawa ko kaya tumango na lang ako at lumapit na kay tita Rita na nasa dulo ng mesa at abala sa pagbukas ng malaking delata ng preserved fruits. "Tara dito Aleng... maghahalo tayo ng prutas" excited na sabi ni tita Rita, si tita Rita ang pinakamatanda sa kanilang magpipinsan, 50 years old na siya pero kahit ganoon sobrang lively at ang energetic niya, parang siya ang babaeng version ni Mr. Pure Energy Gary V. at nag-eenervon araw-araw. Inilagay na ni tita Rita yung laman ng malaking delata ng fruit salad sa malaking mangkok habang hinalo-halo ko naman iyon Kumakanta-kanta pa siya at may paindak-indak pang nalalaman. Binuksan na rin niya ang gatas, all purpose cr�me at kondensada at isa-isang binuhos iyon sa mangkok na puno ng iba't-ibang prutas. Buti si Tita Rita stress free, sana ganiyan din ako pag fifty years old na'ko. hindi pa rin siya maawat sa pagkanta ng 'Build me up Buttercup' by the Foundations. Kahit nakakaindak yung kanta niya parang ayaw pa rin maki-up beat ng katawan ko. Sabi nila kapag malungkot ka raw kumain ka ng matamis para mag-increase ang sugar level mo at magiging Hyperactive ka. nakita kong may natira pang kalahating lata ng kondensada, napalingon naman ako kay tita Rita na ngayon ay abala sa pagbubukas ng isa pang delata ng fruit salad. Napatingin ulit ako doon sa kondensada, siguro mababa lang ang sugar level ko kaya lugmok na lugmok ako ng ganito at nanghihina ako. Dali-dali akong kumuha ng kutsara at pinapak ko yung kondensada ng mabilisan habang nakatalikod pa si tita Rita, pagharap niya agad kong ibinuhos yung natirang kondensada doon sa mangkok "Sayang naman tita, lagay na rin natin tong natira" sabi ko pa, napangiti naman si tita Rita, as in yung ngiting tagumpay. "Napakapraktikal at ang sipag talaga ng pamangkin ko!" puri niya pa sa'kin at pinanggigilan pa ko. siguro kaya hyper lagi si tita Rita kasi lumalaklak din siya ng kondensada. Ibinuhos na ulit ni tita yung another batch ng fruits at todo pwersa na ako sa paghalo. Inutos din niya na buksan ko na yung isang kilo ng asukal at ilagay ang kalahati doon sa fruit salad. Pero ilang sandali pa bigla akong napatigil at nagulat nang mapasigaw si tita Rita "Sus Maryusep Aleng! Ang asukal!" tili ni tita dahilan para matauhan ako. Hala! naibuhos ko lahat yung isang kilo ng asukal doon sa malaking mangkok ng fruit salad. "Nako! Magdadagdag na lang ako ng isa pang delata ng prutas para mabawasan ang tamis niyan, siguradong magkaka-diabetes lahat ng kakain niyan" tawa pa ni Tita Rita, buti na lang hindi niya ako pinagalitan. "Tulungan mo na lang ang papa mo mag-ayos ng mga silya sa labas, ako na lang dito" sabi pa ni tita Rita, napatango na lang ako. mukhang tinataboy na rin niya ako sa kusina gaya ni mama at tita Meg kanina. Ano bang nangyayare saken? Lumabas na ako ng bahay at naabutan kong kinakabit na nila papa at Alex yung tolda sa labas, tumutulong din sa kanila yung mga tambay na lasenggero na kapitbahay namin at nagkwekwentuhan sila tungkol sa lotto, politika, at palakihan ng sweldo. P 18-6 Naupo na muna ako sa silya, maganda na ang sikat ng araw ngayon. Kahapon pa tumigil ang ulan pero parang nawawala pa rin ako sa sarili hanggang ngayon, at ang bigat-bigat pa rin ng katawan ko. Pumasok na lang ulit ako sa loob ng bahay at nahiga sa kama, siguro kulang lang talaga ako sa tulog. "Panget! Gising na! andiyan na sila!" narinig kong tugon ni Alex habang niyuyogyog ang balikat ko. inis naman akong napabangon dahil ginising niya ako. "Kanina ka pa hinahanap nila tita Aireen at ng mga pinsan natin" patuloy pa ni Alex habang naglalagay ng gel sa buhok, pilit niyang pinapataas yung buhok niya para magmukhang cool na rock star pero mukha naman siyang preso sa bilibid. Kinusot-kusot ko na lang ang mata ko, ang bigat pa rin ng ulo ko. nakakainis talaga to si Alex kahit kelan! "Bilisan mo kanina pa kami kumakain, nahiwa na nga rin yung cake na dala ni tita Aireen eh" dagdag pa ni Alex at pa-cool siyang lumabas sa kwarto, mukha naman siyang tuko. Napatingin ako sa orasan, 6 pmna pala. Medyo madilimna rin dahil palubog na ang araw. bumaba na ako sa higaan at naligo muna saka nagbihis at nag-ayos. Pink shirt at shorts lang sinuot ko, hindi ko na rin tinali ang buhok ko dahil wala ako sa mood. Napansin na rin iyon dati nila Jen na kapag nakatali ang buhok ko masaya ako pero kapag nakalugay ako wala talaga ako sa mood. Paglabas ko ng kwarto bumungad sa'kin yung limang batang pinsan ko na naglalaro sa salas. Agad silang tumakbo papunta sa'kin at humalik sa pisngi ko. parang biglang nawala yung stress ko dahil sa reaction nila nang makita ako, nag-aagawan pa sila sa pagyakap sa'kin "Wait! Wait! Baka matumba- Ayan" natatawa na lang ako kasi natumba kaming anim. Sinunggaban kasi nila ako ng yakap eh ang lulusog nilang bata kaya heto para akong nasapol ng bola ng bowling. "Shawn, Reeze, Aya, Mitch at Peng... wag niyong daganan ang ate Aleng niyo! Kayong mga makukulit na bata kayo kumain na kayo, tara sa kusina bubuksan ko na ang ice cream" tugon ni tita Meg, agad namang napatalon sa tuwa yung mga batang pinsan ko at nag-unahan sila sa pagsunod kay tita Meg sa kusina dahil sa ice cream. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila, sana bata na lang din ako na kapag narinig ko ang salitang 'Ice Cream' ay biglang makakalimutan ko ang problema ko, parang wala lang nangyari... masaya na ulit. "Aleng anak! Gising ka na pala! Halika na dito sa labas" tawag sa'kin ni mama na nakatayo sa pintuan, may dala siyang mga plato, naka-OOTD din si mama ngayon, para siyang Donya dahil sa daming kumikislap na glitters sa blouse niya. nakakulot din ang buhok niya at naka-make up pa siya. Tumayo na ako mula sa pagkakatumba sa sahig dahil na-knock out ako ng mga batang pinsan ko kanina. "Oh? Bakit naka-pambahay ka lang? magpalit ka at maglagay ka rin ng make up" utos pa sa'kin ni mama pero napailing lang ako at lumambing sa kaniya para hindi na niya ako pilitin pa. "Ikaw talagang bata ka, sige na nga tara na" sabi ni mama sabay hila na sa akin palabas ng bahay. Maingay sa labas at ang daming tao, ang dami ring mga pagkain sa bawat mesa, mga pitong mesa ata ang nandito sa labas at ang dami naming bisita. Karamihan ay mga kapitbahay namin at kamag-anak na dumayo pa dito sa amin. Apat na malalaking tolda ang nahiramni papa sa barangay at nasakop na rin namin ang isang lane ng kalsada P 18-7 dito sa street namin dahil sa handaan dito sa bahay. Madami ring mga motor at jeep na naka-park sa helera ng street namin, karamihan ay pagmamay-ari ng mga kaibigan ni papa at mga kamag-anak namin. Si tita Aireen naman ay may dalang van, sinama rin niya lahat ng bata kong pinsan. May videoke din na nirentahan si papa at eto ang bida sa selebrasyon na'to. kasalukuyang bumibirit ng 'My Way' yung lasing na kaibigan ni papa na si Mang Jun, kasamahang jeepney driver niya rin si Mang Jun. Napatakip na lang ang karamihan sa mga tenga nila dahil sa birit ni Mang Jun na lumihis sa tono ng kanta, umiyak pa yung baby ng kaptibahay namin na kalong-kalong ng nanay niya. hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa nakikita ko, kahit pa sintunado sa pagkanta si Mang Jun todo cheer naman sa kaniya yung tropa nila ni papa. At pinalaklak pa siya ng alak, may nag-request pa ng 'More! More!' at eto naman si Mang Jun eh pinagbigyan sila kaya kumanta pa siya ulit, 'Too much love will kill you by Journey' naman yung kinanta niya, at hindi na maawat yung baby sa pag-iyak ngayon dahil sa boses ni Mang Jun. Kung nandito lang sila Jen, Iryn at Leana mukhang may makakalaban na si Mang Jun sa biritan sa videoke. Kaya lang hindi sila nakapunta kasi may kani-kaniya silang lakad ngayong araw. "Aleng! ang paborito kong pamangkin! Ang laki-laki mo na!" bati sa'kin ni tita Aireen na agad akong niyakap, si tita Aireen ang pinaka naging matagumpay sa lahat ng kamag-anak ni mama kasi nakapagtapos siya sa college at naging lawyer. Maganda si tita Aireen, kung iisipin para ko siyang ate kasi magkahawig kaming dalawa, iyon nga lang matangkad siya at sobrang sexy. Malapit na siya mag-40 years old pero wala pa rin siyang asawa. "Kamusta na? balita ko nanalo ka raw sa math contest! Nako ang galing-galing talaga ng pamangkin ko" patuloy pa ni tita Aireen at pinaggigilan niya rin ako. hinila na niya ako sa table nila, kasama niya ngayon ang iba ko pang mga tita at pinsan na teenagers na hindi ko ganun ka-close. Nagsimula ng magkwento si Tita Aireen, puro advise sa magiging trabaho ko pagka-graduate ko ang sinasabi niya sa'kin, mag-aral daw akong mabuti para pagka-graduate ko dadalhin ako ni tito Ace sa Canada, maging ang love life ko ay ineecheos niya rin. "Wag ka munang mag-boboyfriend Aleng, panggulo lang yan sa pag-aaral, Oo nga maiinspire ka pero pag nag-away kayo maapektuhan naman ang studies mo" bilin pa ni Tita Aireen habang kinakain yung fruit salad na ginawa namin ni tita Rita kanina. "Ang tamis" komento niya dun sa fruit salad at nangisay pa siya saglit sabay inomng tubig dahil sa sobrang tamis nung fruit salad. Napalunok na lang ako sa kaba, mukhang pati yung fruit salad eh nasabotahe ko. "Umamin ka nga Aleng may nanliligaw na ba sayo?" echeos pa ni tita Aireen, napailing naman ako agad. "Wala po tita, walang nangangahas" sagot ko, tumawa naman si tita sabay kain ulit. Inaya niya pa ako kumain pero tumanggi ako kasi wala talaga akong gana. Sinabi ko na lang na kumain na ko kanina kahit hindi pa. "Siguro naman may crush ka sa school niyo...Ayieee" pang-eecheos pa ni tita, hindi naman ako agad nakasagot. Kung sana nga crush lang eh... pero mukhang higit pa roon. "Hay Nako pamangkin ko, hindi naman masama magka-crush pero make sure na hindi iyon aabot sa love" bilin pa ni tita Aireen dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kaniya at tumango- tango na lang. "Uhh- tita, may kukunin lang po ako sa kusina wait lang po" paalamko sa kaniya, tumango naman siya at inecheos pa ko bago ako nakaalis doon sa pwesto nila. pero napatigil ako sa gitna nang bigla akong tinawag ni papa "Aleng anak halika rito!" tawag pa ni papa at kumakaway-kaway pa siya habang napapalibutan ng tropa niya. lumapit P 18-8 na ako sa kanila at naamoy ko agad yung tapang ng alak na iniinomnila. "Mga pare! Ipinagmamalaki ko nga pala ang panganay ko, nanalo siya sa contest- Ano nga ulit yung sinalihan mong contest anak?" tugon pa ni papa, natawa na lang ako kasi mukhang lasing na siya at sobrang hyper na rin niya ngayon. nakaka-hyper din pala ang alak, masubukan nga... Ayy hindi pwede masisigawan ako ni papa. "Math contest po papa" sagot ko at humalakhak naman siya "Oo yun nga yun! Mga pare nanalo sa math contest ang anak ko!" pagmamalaki pa ni papa, natuwa naman ang mga ka-kumpare niya at nag-cheers pa sila habang binabati ako. nakakatuwa lang tingnan sila papa at ang tropa niya, ang alamko mula pa noong mga binata sila ay tropa-tropa na sila, sabay-sabay din nila pinasok ang hanapbuhay na pagpapasada ng jeep at hanggang ngayon magkakasama pa rin sila. Matapos ang halos kalahating oras nagpaalamna ako sa kanila, hindi pa rin maawat si papa sa pagmamalaki dahil sa achievements namin ni Alex at walang ding katapusang yung pag-thothrowback nila ng mga memories nila ng mga kaibigan niya. Pumasok na ako sa loob ng bahay, pero hinarang ako ni tita Meg na nasa kusina habang bitbit ang tatlong gallon ng ice cream"Aleng tulungan mo ako, ilagay mo tong mga ice creamsa mga mesa labas... at eto rin yung mga baso" nagmamadaling tugon ni tita Meg sabay pasa sa'kin nung tatlong gallon ng ice creamat tatlong balot ng plastic cups. Dahan-dahan akong lumabas sa bahay habang bitbit ang mga iyon, hindi ko rin masyado makita ang daan kasi ang dami kong dala-dala. Pagdating sa labas inilapag ko na muna lahat ng iyon sa mesa nila tita Aireen na nasa bungad lang pinto. "Ice creamnaman! Pila-pila na mga bata" tawag ni tita Aireen, agad namang nagtakbuhan yung mga bata papalapit sa amin at nag-uunahan sila pumila. Binuksan ko na yung balot ng plastic cups kaso bigla akong napatigil nang bigla kong marinig na sumigaw si Alex. "MA! PA! ANDITO NA SI SIR!" Sinong SirNapanganga na lang ako sa gulat at nabitawan ko pa yung mga plastic cups na hawak ko nang makita ko kung sino yung tinutukoy ni Alex na dumating... Si Sir Nathan! P 18-9 SHEMS! ANONG GINAGAWA NIYA DITO? "Wag niyo na pulutin yan madumi na yan" narinig kong suway ni tita Aireen doon sa mga batang pumulot nung plastic cups na nabitawan ko at ngayon ay nagkalat na sa lupa. "Goodevening po Ma'm... Sir" bati ni Sir Nathan kay mama at nag-mano pa siya, tumayo naman si papa at nakipag-shake hands kay Sir. Si Alex naman ay nasa tabi nila at todo asikaso kay Sir, habang ako... eto tulala at hindi pa rin makapaniwala na nandito siya ngayon! Shemay! Baka nananaginip lang ako! Pero bigla akong napatulala nang magtama ang mga mata namin ni Sir Nathan, bigla siyang ngumiti na parang nahihiya at tumango sa akin. Parang biglang tumigil saglit ang pag-ikot ng mundo ko, at hindi ko rin namalayan na napatulala na pala ako sa kaniya, hindi siya naka-formal polo attire ngayon. naka-green chekered shirt lang siya at gray pants, messy din ang brown hair niya at mukha lang siyang college student. Grabe! Hindi ko akalaing makikita ko si Sir sa ibang anyo, palagi kasing polo ang suot niya at ngayon lang siya nag-casual. "Nako! Kay gwapong binata naman pala ng Ser Ethan niyo" puri pa ni mama at pinanggigilan din niya si Sir Nathan na namumula na sa hiya ngayon. "Ma! Sir Nathan po... Sir Nathan Abrantes" pag-correct ni Alex kay mama napahalakhak naman si mama at hinila na si Sir Nathan paupo sa isang table na malapit kina papa. Shems! Anong gagawin ko? lalapit ba ako sa kanila? Wait! Di pa ko ready! "ALENG! HALIKA RITO ANDITO TITSER MO!" sigaw ni mama na parang nasa kabilang bundok ako, napatigil tuloy sa pagkanta si Mang Jun sa karaoke dahil sa sigaw ni mama, at ngayon lahat na ng tao dito ay nakatingin sa akin, tanging ang background music na lang ng videoke ang umaalingangaw sa paligid. "O-opo M-ma" halos pabulong kong sagot na medyo nahihiya dahil ang ingay ingay ni mama. Buti na lang nagpatuloy na ulit sa pagkanta si Mang Jun at bumalik na ulit sa normal ang lahat habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan ang mga bisita. Ang puso ko na lang siguro ang hindi normal sa mg oras na'to. Naglakad na ako papalapit sa kanila at hindi ko magawang makatingin ng diretso kay Sir Nathan na nakaupo na ngayon sa isang mesa, si Alex, mama at tita Meg ay hindi na magkanda-ugaga sa paglalagay ng pagkain sa mesa ni Sir, "H-hi Sir" bati ko sa kaniya, napangiti naman siya. "Kamusta na? hindi ka pumasok nung Friday" tanong niya, magsasalita na sana ako kaso biglang sumingit si mama habang dala-dala ang fruit salad at inilapag iyon sa mesa ni Sir! Hala! "Ser Nathan Maraming Maraming Salamat talaga sa paggabay sa anak ko, Nakwento nga sa'kin ni Aleng na napakagaling niyo raw magturo" sabi pa ni mama sabay akbay sa'kin, napangiti naman si Sir Nathan yung P 18-10 tipong nahihiyang ngiti dahil siya ang nasa spotlight ngayon. Maging ang mga bata kong pinsan ay lumapit sa kaniya at tinititigan siya, yung iba naman naming mga kapitbahay na malalandutay ay nagbulong-bulungan na at kinikilig pa. "Bukod doon napakagwapo niyo rin po pala Ser Nathan... siguradong maswerte ang magiging girlpren niyo, may girlpren na ba kayo Ser? Nako kung wala pa, madami akong irereto sa inyo" echeos pa ni mama, natawa naman si Sir Nathan at parang naistatwa na lang ako sa kinatatayuan ko sa tapat niya dahil nakita ko na naman ang ngiti niyang labas ngipin. Nagumpisa naman si mama magbanggit ng mga pangalan, puro mga dalagang anak ng mga kumare niya ang binabanggit niya. muntik na ngang masama si tita Aireen kaso masyado ng matanda si tita Aireen para kay Sir Nathan. "Salamat po Mrs.Agcaoili pero may nagmamay-ari na po ng puso ko" tawa pa ni Sir Nathan na mas ikinatuwa rin ni mama, kinagulat naman ni Alex at ikinataas naman ng kilay ko. Shems! "Tita Cath na lang ang itawag mo sa'kin hijo, masyadong pormal ang Mrs.Agcaoili" tawa pa ni mama at naupo na siya sa tabi ni Sir Nathan, nagkwentuhan naman sila sa bagay-bagay at kung ano-ano pang mga binida ni mama tungkol sa akin at kay Alex. Naupo na rin ako sa tabi ni mama, samantalang si Alex naman ay nasa tabi ni Sir Nathan, lumapit na rin sila tita Aireen at ang iba pa naming mga kamag-anak at buong pagmamalaki ni mama na pinakilala sa kanila si Sir Nathan, mukha tuloy anak din ni mama si Sir kasi proud na proud siyang ipakilala ito sa mga kamag-anak at kapit-bahay namin. "Mga kumare si Sir Nathan nga pala, titser nila Aleng at totoy" masiglang tugon ni mama, "MA!" sabay naming reklamo ni Alex kasi tinawag kami ni mama na Aleng at Totoy sa harapan ni Sir Nathan pero hindi kami pinansin ni mama kasi busy pa siya sa mga kumare niya, mainit namang sinalubong si Sir ng mga kamaganak at kapitbahay namin at tuwang-tuwa rin ang lahat na makilala siya. napatingin naman ako kay Sir na mukhang nag-eenjoy din na makilala ang lahat at makipag-kwentuhan sa kanila. Naalala ko bigla yung sitwasyon niya sa pamilya niya, malayo ang lahat sa kaniya at mag-isa lang siya dito sa Pilipinas. samantalang ako eto napapalibutan ng mga mapagmahal na mga kamag-anak at kapit-bahay kahit pa hindi kami kasing yaman niya. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan ko si Sir, kitang- kita ko ang saya sa mata niya dahil welcome na welcome siya dito sa amin. Yung close family ties ng mga magkakamag-anak at kapitbahay ay hinding-hindi talaga matutumbasan ng pera. Kaya nga kahit hindi ganun kalaki ang kinikita ni mama at papa nag-ipon talaga sila para lang mapaghandaan ang birthday ni Alex at ang celebration ng pagkapanalo ko dahil sa mga okasyong ganito lang nakakapag-tipon tipon kaming magkakamag-anak. "Ate Panget" tawag sa'kin ni Alex dahilan para matauhan ako, nakataas na yung kilay niya ngayon sa'kin sabay tingin kay Sir at tingin ulit sa'kin. "Don't worry hindi ko rin sasabihin kay sir Nathan na crush mo siya" banat pa ni Alex sabay tawa, yung tawang nang-aasar. Shems! Nahuli niya ako! Buti na lang busy si Sir Nathan habang kumakain at kausap sila mama, tita Meg at tita Rita kaya hindi niya narinig yung sinabi ni Alex. Kainis! Mukhang na-karma ako neto ah. "Talaga? ano bang paboritong pagkain hijo?" tanong ni mama kay Sir Nathan, ngumiti naman si Sir P 18-11 "Kaldereta po tita... lalo na poi tong luto niyo" sagot niya at mas tuwang-tuwa na ngayon sila mama at ang mga tita ko dahil puring-puri ang mga niluto nila. "Nako maraming salamat hijo, hayaan mo ipagluluto kita ng kaldereta at ipapaabot ko na lang kay Aleng" sabi pa ni mama, bakas na bakas sa mukha niya na tuwang-tuwa siya kay Sir, magaling din naman kasi makisama si Sir at mukhang mabenta talaga siya sa mga matatanda. Nagulat naman ako na yung fruit salad na ngayon yung kakainin ni Sir! Halaaa! "Si Aleeza ang katulong kong gumawa niyan" pagmamalaki ni tita Rita kay Sir Nathan. napangiti naman si sir sabay subo doon sa fruit salad, nahuli kong napakunot yung kilay niya at nahirapan din siya lunukin yung fruit salad dahil sa sobrang tamis. "I-it's good" sabi na lang ni sir sabay inomng tubig. Sabi na nga ba eh! Nagpatuloy pa sila sa pagkwekwentuhan habang kumakain na lang ako ng ice creamat pinapanood ko sila papa at ang tropa niya na nagtatawanan ng malakas. Kinakabahan ako baka yayain ni papa uminomsi Sir Nathan haays. "Buti na lang hijo napagtiyagaan mong turuan ang anak kong si Aleng, medyo tamad kasi yan mag-aral palibhasa marunong na raw siya sa math, nito nga lang nakaraan nagdadahilan na hindi papasok eh" chika pa ni mama kay Sir Nathan dahilan para matawa si Sir at mapatingin sa akin. Omaygash! Anong nangyayare? Baka nakakalimutan na ni mama na ako ang anak niya! "Talaga po? Sa klase naman ay masipag siya at madalas nag-rerecite, hindi rin po siya nag-absent sa lecture sessions namin at palagi pa siyang maaga dumating" sagot naman ni Sir sabay tingin ulit sa'kin. napalunok na lang ako dahil sa kaba kasi sabay-sabay napangiti ng nakaka-echeos sila mama, tita Meg, tita Rita at tita Aireen sa akin, idagdag mo pa ang nakakakabang pangiti-ngiti rin ni Alex at may patango-tango pang nalalaman, Okay so laglagan na this! Grabe! Pinagkakanulo ako ng mga kamag-anak ko huhu. "Sabi na nga ba eh! Ikaw talaga Aleng ah! may pa-sikre-sikreto ka pang nalalaman diyan" pang-asar pa ni tita Aireen at binigyan niya ako ng aha-alam-na-namin-ang-secret-mo-look. napailing- iling na lang ako at winawagayway ko pa ang kamay ko para itanggi ang mga iniisip nila. Mas lalo pa akong kinabahan kasi si Sir nakatingin na sa akin ngayon at nakangiti siya, yung ngiting nahihiya. "Ahh- N-nagkakamali po kayo... W-wala po akong cru- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita na si tita Aireen. "Okay lang naman yan Aleng, mas matutuwa nga kami eh, kaya lang bakit mo pa kailangan isekreto?" echeos pa ni tita Aireen at silang lahat ay nakangiting nang-eecheos na sa akin. Gosh! kailangan ko bang ipagsigawan sa buong mundo na crush ko si Sir Nathan? Required ba yun? "A-ano kasi... W-wala naman talaga akong cru- " "Wag kang mag-alala anak isesekreto lang natin to sa papa mo, mag-aral ka lang ng mabuti at maging dean lister para masurpresa siya, ikaw talaga akala pa man din namin hindi ka na nag- aayos sa pag-aaral" sabi pa ni mama sabay akap sa'kin. napatulala na lang ako sa kanila, Whuuut? So ang iniisip pala nila ay sinesekreto ko ang pag-aaral ko ng mabuti para isurprise sila pag naging dean's lister ako? Whew! Yun lang pala yun, akala ko pa naman alamna nila na crush ko si sir- Ay shems! P 18-12 Nagpatuloy ulit ang usapan buti na lang nalihis na yung topic at hindi na ako ang pinag-uusapan at ineecheos nila. nalaman ko na kaya pala invited ngayon dito si Sir Nathan kasi inimbitahan siya ni Alex dahil si Sir Nathan din pala ang mentor niya. Gosh! Oo nga pala Physics talaga ang major ni Sir Nathan at si Alex ang representative sa Physics Category. 10 pmna nagpaalamna sila tita Aireen kasama ang mga bata kong pinsan dahil may pasok pa bukas. Maging ang iba naming mga kamag-anak ay umuwi na rin. Sila tita Meg at tita Rita ay dito muna matutulog sa amin, bukas na lang daw sila babyahe pauwi sa Ternate, Cavite. Sila papa na lang, ang tropa niya at ang iba pa naming mga kapitbahay ang nandito ngayon. ilang saglit pa nagpaalamna rin si Sir Nathan, "Tita, mauuna na po ako, maraming salamat po sa pag- imbita niyo" nakangiting tugon ni Sir sabay mano ulit sa kamay ni mama na ikinagalak ni mama kasi bihira na lang daw ngayon ang nag-mamano. "Sige hijo mag-iingat ka sa pag-uwi, at sana makapasyal ka ulit dito sa amin... Ah! sa birthday ni Aleng sa December 13 maghahanda ulit kami, sana makadaan ka dito" magiliw na sagot ni mama habang tinatapiktapik ang balikat ni Sir. Bigla namang napatingin sa akin si Sir sabay ngiti ulit "Opo tita, pupunta pa ako sa December 13" sagot niya. ang tanong makakapunta pa kaya siya? mukhang magiging busy na siya sa girlfriend niya. "May dala ka bang sasakyan hijo? Saan ka nagparada?" "Sa tabi po ng basketball court ko pinark ang kotse" sagot ni Sir, hala! ang layo pa nun ah. napatingin naman si mama kina papa at mukhang lasing na lasing na ang mga ito, hindi na nila masasamahan si Sir Nathan. Hinanap din ni mama si Alex pero nagpunta ito sa barangay hall kasi inutusan siya ni papa kanina na magdala doon ng pagkain bilang pasasalamat. "Aleng, ikaw na lang ang maghatid kay Ser Nathan sa basketbolan, baka maligaw pa si Ser" utos sa'kin ni mama dahilan para gulat akong mapatingin sa kaniya, "Sige hijo, maraming salamat at pagpalain ka nawa ng Diyos" paalampa ni mama kay Sir Nathan, magrereact pa sana ako kaso tinawag na si mama nung isa niyang kumare sa palengke na nagpapaalamna din. Shemay! Anong gagawin ko? Nanatili lang kaming nakatayo doon ni Sir Nathan sa labas ng tolda, habang yung kamay niya ay nakasuksok sa bulsa niya. "Ahh- Sir tara na po" sabi ko na lang at nag-umpisa na akong maglakad pero bigla siyang nagsalita. "I think its better if you change your clothes" sabi niya, napatingin naman ako sa damit ko. naka-pink shirt lang naman ako at shorts, anong problema dun? "Tara na sir, gagabihin na kayo oh" sabi ko pa sabay lakad ulit pero hindi pa rin siya umalis doon sa kinatatayuan niya. "Tama ka gabi na at mas delikado kung ganiyan ang suot mo" lecture niya pa. Ah! so nagrereklamo pala siya kasi naka-short ako ngayon. hindi naman masyadong maikli yung short ko ah, yung tama lang. P 18-13 Tiningnan ko lang si Sir at mukhang hindi talaga siya aalis doon hangga't hindi ako nagpapalit, haays! Ang conservative naman nito ni Sir. "Sige na po, magpapalit na po" sabi ko na lang at dire-diretso na akong pumasok sa bahay at nagpalit ng pants. May pagka-conservative side din pala si Sir, ang dami ko pa palang hindi nalalaman sa kaniya. Paglabas ko ng bahay nanlaki ang mga mata ko nang madatnan kong pinapatungga nila papa si Sir Nathan ng alak. Waaaahhh! "PA!" sigaw ko pa at agad akong napatakbo sa kanila pero huli na ang lahat kasi nainomna ni Sir yung isang shot ng alak. Halaaa! "Yun oh! Isa pa hijo!" kantyaw pa nila papa at ng tropa niya, napahawak naman ako sa braso ni Sir, namumula na ngayon yung mukha niya, naka-ilang shot na ba siya? "Pang-lima na to! pagbigyan mo na kami toy!" kantyaw pa ni Mang Jun sabay tagay ulit doon sa maliit na baso at inabot kay Sir Nathan. Shems! Naka-apat na shot na pala si Sir! Napatingin naman ako kay Sir at mukhang ayaw na niya pero nahihiya siyang tumanggi sa kanila. akmang kukunin na niya yung baso pero agad ko silang pinigilan. "Pa! Mang Jun! mag-didrive pa po si Sir pauwi" reklamo ko napatahimik naman sila at napakurap-kurap pa sa'kin, parang nag-tatravel pa lang ngayon yung sinabi ko sa utak nila dahil sa matinding kalasingan. "Ganun ba? *hik* Sige na ligtas ka na hijo! Pero sa susunod *hik* aasahan naming makakainuman ka namin dito ha!" tugon pa ni papa habang winawasiwas yung alak at papungay-pungay na ang mata niya. "O-opo Mr.Agcaoili" sagot ni Sir at napatango siya. nagsimula na namang mag-ingay at magtunggaan sila papa at yung tropa niya kaya hinila ko na agad si Sir papalayo sa kanila. Grabe! Nag-iiba talaga si papa pag nalalasing. "Sir naman bakit po kayo pumayag?" reklamo ko kay Sir habang hila-hila ko siya at naglalakad kami ng mabilis papalayo sa bahay. "Ang alin? na babalik ako sa inyo?" tanong niya dahilan para mapatigil ako at marealize ko na hawak-hawak ko pa rin pala ang braso niya habang hinihila siya. agad akong napabitaw sa knaiya at lumayo pa ko ng kaunti, nakangiti siya ngayon sa akin, yung ngiting nanloloko. May amats na ba to si Sir? Ang bilis naman. "A-ang ibig kong sabihin sir... bakit ka uminom?" reklamo ko ulit pero tinawanan lang ako ni sir at napansin kong binagalan niya ang paglalakad niya, nahihilo na ba siya? "Hindi ako makatanggi sa papa mo and besides... gusto ko rin sila makakwentuhan" nakangiting sagot ni Sir, napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya at sinabayan ko na lang din ang mabagal niyang lakad. Para kaming naglalakad sa prusisyon nito. P 18-14 Wala ng katao-tao sa labas halos naki-party kasi ang lahat ng kapitbahay namin kanina sa bahay kaya ngayon busog na busog na sila at nasa loob na ng mga bahay nila. "You know what... ang saya ng pamilya niyo" sabi pa niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya, kanina pa siya nakangiti mula ng dumating siya sa bahay. "You're so lucky... as always" dagdag niya pa habang nakangiti pa rin sabay tingin ulit sa akin. A-anong? Napatigil siya sa paglalakad dahilan para mapatigil na rin ako "You're intelligent, you have a lot of friends, you have a wonderful family and... you have the looks to make any man fall in love" tugon niya, hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa dahil sa huling sinabi niya, bukod pala sa conservative to si sir may pagkabolero at echeosero pa. "What's funny?" "W-wala po sir, lasing lang talaga kayo... tara na po" sabi ko na lang at nagsimula ng maglakad pero nakakatatlong hakbang pa lang ako narinig kong nagsalita ulit siya, "Hindi ako lasing... Aleng" sabi pa niya dahilan para bigla akong mapalingon sa kaniya. WHUUT? Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya habang tumatawa na ngayon, Aba't sinasabi ko na nga ba! Akala ko pa naman hindi niya napapansin kanina na tinatawag ako ng buong bayan na 'Aleng' Ughh. Lasing na talaga si Sir! Pano na to? Humakbang na ako pabalik sa kaniya at hinila ko na ulit siya, baka abutin na kami ng umaga dito sa kalsada dahil sa kaecheosan ni Sir. Pero nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan yung kamay ko na nasa braso niya, "Anyway... You can call me Natong, Nice to meet you Aleng" ngiti pa ni Sir at inayos niya ang kamay namin na magkahawak na parang nag-shashake hands. Napatulala lang ako sa kaniya dahil sa ginagawa niya, pero ilang saglit lang napangiti na rin ako kasi mukha kaming shunga doon sa kalsada habang nagshashake hands. Idagdag pa ang mabahong mga palayaw namin. "N-natong ang nickname niyo sir?" Tumango-tango naman si Sir at naningkit ang kaniyang mga mata dahil sa ngiti niya "Ang baho noh, pero mas mabaho yung sayo Aleng" pang-asar pa ni Sir, natapos na yung pagshashake hands namin at nagsimula na siyang maglakad, samantalang ako eh naiwan lang doon na tulala at nakatitig sa kamay ko. My Gosh! first time kong mahawakan ang kamay ni Sir! Dugdugdugdug! "You're the first person to know my old nickname" tugon pa ni sir habang patuloy pa ring naglalakad at nakatalikod sa akin. Ibig sabihin, sa akin niya lang sinabi ang nickname niya? Sabi nga nila, kapag last name mo ang tawag sayo ng isang tao, hindi kayo close. Kapag buong first name mo naman, hindi pa kayo ganoon ka-close, kapag may bansag na siya sayo o pinaikli ang pangalan mo, close na kayo, pero ang tawagin ka ng isang tao sa palayaw mo na kinagisnan mo mula pagkabata... close na close na kayo. P 18-15 So ibig sabihin... kampante na si sir sa'kin kasi sinabi niya sa'kin ang palayaw niya? "Come on Aleng... gagabihin na tayo" tawag pa ni sir dahilan para matauhan ako at humabol na sa kaniya, medyo nakakalayo na rin siya sa paglalakad. pero hindi pa man ako nakakaabot sa kaniya bigla ng pumatak ang ulan, Hala! Napatingala si sir sa kalangitan, "Sir umuulan!" tawag ko sa kaniya pero hindi siya gumalaw doon, Shemay! Lasing na nga talaga to si sir! Dali-dali ko siyang hinila at sumilong kami sa isang waiting shed dito sa tabi ng basketball court ng barangay namin. Natanaw ko na yung kotse ni sir na nasa dulo naka-park sa tabi ng entrance ng basketball court. "Alamko na kung bakit umulan ngayon... wala kang dalang payong" sabi pa ni sir habang nakatulala pa rin sa ulan. Ang weird pala ni sir malasing, ano ng gagawin ko? hindi ko rin nadala yung phone ko. teka nga! bakit niya sineryoso yung joke kong yun haays. "Sir, okay lang po ba kayo? Nahihilo na po ba kayo?" tanong ko pa sa kaniya at lumapit ako ng konti para singhutin siya, nagulat naman ako kasi saktong napalingon siya sa'kin at nahuli niya akong sinisinghot ko siya. Omaygashh! "Sabi ko nga di ka amoy alak sir hehe" Napaatras na lang ulit ako at nagpalingon-lingon sa paligid, grabe! Bakit ang init dito? Walang ibang tao na naglalakad sa street namin, sarado na rin ang basketball court, tanging kaming dalawa lang ni sir dito sa waiting shed ng barangay namin na medyo sira na, punong-puno na rin ng vandalismat graffiti ang mga bakal at pader ng waiting shed at ang daming basura ng chichirya sa gilid. Mukhang hindi naman napansin ni sir na sininghot ko siya kasi binalik na niya ulit yung tingin niya doon sa ulan. "Hindi ako lasing, I'll prove it" sabi pa ni sir sabay lahad ulit ng palad niya sa ulan upang saluhin ito. Okay... so... pano na? "Narinig mo na ba ang Alamat ng Ulan?" patuloy pa ni sir habang nakatitig pa rin sa ulan na medyo malakas na ang pagbuhos ngayon. dahilan para medyo mapaatras ako kasi tumatalsik yung putik sa kalsada. Napaisip naman ako, "Ah-Opo sir, sabi nila kaya raw umuulan dahil may isang diwata ang matagal na naghintay sa muling pagbabalik ng kaniyang minamahal ngunit nabigo siya... nabigo siya sa pag-ibig" panimula ko, hindi ko namalayan na napatitig na rin pala ako sa ulan na patuloy na bumubuhos pa rin hanggang ngayon. P 18-16 "Ang sabi ng diwata sa mortal na lalaking kasintahan niya bago ito umalis... 'Kapag hindi ka bumalik, iiyak ako at siguradong mababasa ka ng luha ko" patuloy ko pa, matagal ko ng narinig ang alamat na ito, hindi ko matandaan kung kelan o saan pero sa tuwing umuulan naalala ko ang masaklap na kwentong iyon. Napalingon naman ako kay Sir Nathan at nagulat ako kasi kanina pa pala siya nakatingin sa'kin. "Alammo ba kung bakit hindi bumalik ang kasintahan ng diwata?" tanong pa ni sir habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. sandali akong hindi nakapagsalita, hindi ko alamkung anong sasabihin ko. Bigla namang napangiti si sir, "See? Alammo ang Alamat ng Ulan, alammo rin na nabigo sa pag-ibig ang diwata at ang sinabi niya sa binatang iyon bago sila magkahiwalay... pero hindi mo alamang dahilan kung bakit hindi na bumalik ang kasintahan niya, hindi mo alamang buong kwento" tugon pa ni sir at dahil dun napatulala lang ako sa kaniya at napatango-tango na lang. Oo nga noh, bakit hindi ko naisip yun dati? Bakit hindi ko inalamyung dahilan kung bakit hindi bumalik ang kasintahan ng diwata? Bakit ang panig lang nung diwata ang pinahalagahan ko? Napalingon naman ako kay sir, mukhang alamniya ata ang buong kwento. Mahilig din pala si sir sa mga alamat eh. "Bakit po hindi na bumalik yung kasintahan ng diwata?" tanong ko sa kaniya, sandali namang hindi umimik si sir, akala ko hindi niya narinig yung sinabi ko kaya sasabihin ko sana ulit kaso nagsalita na siya habang nakatitig na sa ulan. Noong unang panahon, may isang dyosa na nakatira sa kalangitan, Dyosa Clariza ang kanyang pangalan. Madalas itong bumaba sa lupa upang masilayan ang kagandahan ng karagatan, hilig niya ang maupo sa malaking bato sa gilid ng dagat. Isangaraw, nasilayan siya ng isang makisig at matipunong manlalayag, napansin siya nitong kumakanta habang hawak-hawak ang buhok niya. Agad naman siyang nilapitan nito at magalang na nagpakilala. "Magandang araw sa iyo, magandang dilag, ako nga pala si Jac, maaari ko din bang malaman ang iyong pangalan?". Napatitig ang dyosa sa kanya at sumagot na may halong takot ang tono ng boses "ah, ehh .. Clariza ang pangalan ko" "Ikinalulugod kong makilala ka" sagot naman ni Jac habang ngumingiti. Hindi nagtagal ay mas nagkakilala pa silang dalawa, nalaman ni Jac na dyosa si Clariza ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi sila magkamabutihan. Naging magaan ang loob nila sa isa't isa at naging matalik na magkaibigan. Sabay nilang pinagmamasdan ang alon ng dagat, madalas na naglalaro ng mga buhangin, naghahabulan at kung minsan sa gabi ay sabay nilang pinagmamasdan ang buwan at mga nagniningning na bituin. Araw-araw nila itong ginagawa at bakas ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Dahil sa dalas ng kanilang pagkikita, hindi nila namalayang nahulog na sila sa isa't isa at hindi naglaon ay nagmahalan ng buong tapat.Dumating ang araw na kinakailangan nang umalis ng manlalayag upang magtrabaho ngunit nangako ito na babalik siya pagkatapos ng isang taon sa lugar kung saan sila unang nagkita at madalas na magtagpo. Bago pa man makaalis si Jac ay niyakap siya ng Dyosa ng mahigpit sabay sabing "kapag P 18-17 hindi ka bumalik, iiyak ako at sigurado akong mababasa ka ng luha ko" Maraming taon na ang nagdaan ngunit ang dyosa ay hindi na muling binalikan ng kanyang sinisintang manlalayag. Labis-labis ang kanyang pag-aalala kaya naisipan niya itong hanapin. Datapwa't sa kanyang paghahanap ay nakita niyang may kasamang ibang babae si Jac, sabay silang nagsisimba at namamasyal sa plaza. Nalaman niyang umiibig ang kanyang sinisinta sa kapwa niya tao. Hindi maikakaila na labis na nasaktan si Dyosa Clariza sa kanyang mga nakita sapagkat si Jac ay minahal at pinagkatiwalaan talaga niya, ngunit sa kabila ng sakit na kanyang nadarama ay nangibabaw parin ang tunay na pagmamahal sa sinisinta kaya naman hindi na niya ito ginambala pa at hinayaan nalang na sumaya sa piling ng iba. Sa kanyang pagpaparaya, bumalik siya sa kalangitan at doon inilabas lahat ng sama ng loob, lungkot at pighati na nararamdaman. Nagdulot ito ng paglabas ng napakaraming luha sa kanyang mga magagandang mata, naipon sa ulap at naging tubig. Hindi naglaon ay bumagsak ito sa lupa, at sa pagbagsak ng tubig mula sa ulap ay nabasa ngang tunay si Jac dahil dito naalala niya ang huling tugon sa kanya ni Dyosa Clariza na dati niyang sinisinta "kapag hindi ka bumalik, iiyak ako at sigurado akong mababasa ka ng luha ko". Mula noon ay tinawag niya itong ULAN na ang ibig sabihin ay "Luhang nagmula sa ULAP" "Ngayon alammo na ang tunay na kwento sa likod ng alamat, ang kasintahan ng diwata ay may nahanap ng ibang babaeng magpapaligaya sa kaniya" sagot ni sir Nathan sabay tingin ng diretso sa mga mata ko. hindi ko alampero sa pagkakataong iyon naramdaman ko na naman ang kakaibang kirot sa puso na hindi ko maunawaan. Bakit? Bakit nagawang iwan, paghintayin ng matagal at ipagpalit ng lalaking iyon ang diwatang labis na nagmamahal sa kaniya? Napatingala na lang ako sa kalangitan, kahit pa hindi ko masyado makita ang pagbagsak ng ulan mula sa ulap dahil gabi na, hindi ko pa rin mapigilang malungkot at maawa sa sinapit ng diwatang iyon. Bakit kailangang maging ganoon ang katapusan ng kwento nila? Kinabukasan, pagkatapos ng klase, hindi pa kami umuwi at tumambay muna kami nila Jen, Iryn at Leana sa library dahil nag-aaral sila ngayon ng todo para sa long quiz namin bukas. Pero wala akong gana mag-aral, nakatulala lang ako ngayon sa labas ng bintana ng library. Bakit kaya umuulan na naman ngayon? may dala naman akong payong ah. P 18-18 Ilang saglit pa, nakita kong pumasok si Sir Albert sa library at may dala-dala siyang madaming libro ng history, nagpaalamna ako sa kanila at sumunod kay Sir Albert na ngayon ay kakaupo pa lang sa isang table sa gitna. "Tatang!" tawag ko ulit sa kaniya, napatingala naman si Sir Albert at napangiti, "Oh anak, nakukutuban ko na nais mo na namang magpakwento" tawa pa ni Sir, napangiti na lang ako at naupo na sa tapat ng table niya. "Bakit ba sir pag nakikita niyo ko lagi niyo na lang sinasabi na magpapakwento ako" biro ko pa, natawa naman si sir at isinuot na niya ang salamin niya sa mata. "Kilala na kita Hija, sa tingin mo pa lang alamkong may nais ka na namang malaman" natatawang sagot ni sir habang binubuklat na niya yung makakapal na aklat niya sa kasaysayan. "Hindi ba kayo sir napapagod? Hindi kayo nagsasawa magbasa ng ganiyang kadaming detalye?" tanong ko pa, napatingin naman sa akin si sir sabay iling-iling at tinawanan na naman ako. "Ikaw talaga hija, masyado kang mausisa... ang isang bagay na gustong-gusto mo gawin ay hindi mo kapapaguran at pagsasawaan kailanman" sagot pa ni Sir Albert, napatango-tango naman ako. ang dami talagang wise words nito ni sir. "Halimbawa na lamang ng pagkahilig mo sa math" patuloy pa ni sir, Oo nga noh. "Ano bang gusto mong malaman?" tanong pa ni sir, napangiti na lang ako. "Sino po si Limahong? Nabanggit po kasi siya sa nobelang binabasa ko, pero hindi ko po siya kilala" tugon ko, napangiti naman ng malawak si Sir Albert at sinimulan na niyang buklatin ang pahina ng kaniyang libro. (Limahong) Si Limahong ay isang piratang intsik na nagtangkang sakupin ang hilagang bahagi ng Pilipinas laban sa mga Kastila noong 1574. Mula pa pagkabata ay namulat na si Limahong sa mga gawaing krimen katulad ng pagnanakaw. Nakilala niya si Tial-lao na isang matandang pirata sa China, nang mamatay si Tial-lao si Limahong ang naging bagong pinuno ng halos 2,000 pirata. Ang madalas nilang pag- atake sa timog bahagi ng China ay naging dahilan ng pagnanais ng mga nasa mataas na katungkulan sa China na siya'y mahuli. Kung kaya't naglakbay ang pangkat nila Limahong palayo, nakuha rin niya ang mga barko ng pirating si Vin To Quiam hanggang sa ituring ng pinakamakapangyarihang hari si Limahong sa karagatan ng timog bahagi ng China. Noong 1573, nakarating ang pangkat ni Limahong kasama ang 3,000 mga pirata sa isla ng Luzon, at doon nagtayo sila ng kaharian at nakipagdigmaan sa mga Kastila, ngunit ang kanilang panig ay humihina ang pwersa laban sa mga Kastila sa pamumuno ni Juan de Salcedo, kung kaya't umurong sila Limahong papunta sa Ilocos Sur. Noong 1574, napagtanto nila Limahong na hindi ganoon kalakas ang depensa ng Maynila kahit pa napakaraming Kastila roon. Kung kaya't inatake nila ang Maynila pero hindi sila nagtagumpay, ngunit napatay naman nila si Martin de Goiti, ang isa sa mga kauna-unahang pinuno ng hukbo na kasama ni Miguel Lopez de Legaspi na dumating sa Pilipinas. marami ring mga Pilipino ang namatay sa pamumuno naman ni Rajah Lakandula laban sa pangkat nila Limahong. (image of Limahong fort based on oral accounts;according to some sources it was built with bamboo and P 18-19 other kind of wood; inside the fort there was a pagoda too) Umatras sila Limahong patungo sa Pangasinan kung saan itinayo niya roon ang sariling kaharian. Ang mga mamamayan ng Pangasinan ay naging bihag habang patuloy pa rin ang digmaan sa pagitan nila Limahong at ng hukbong kastila na pinamumunuan ni Juan de Salcedo, ang digmaan ay tumagal ng halos pitong buwan. Natalo ang pangkat nila Limahong kung kaya't tumakas na ito at naglaho, pinapaniwalaang nagtungo si Limahong sa Taiwan. Ayon kay Restituto Basa (author of Footnores on Pangasinan History and the story of Dagupan) si Limahong ay kinasal kay Prinsesa Kabontatala na siyang tumulong sa kanila sa paghuhukay ng daan upang makatakas. Ang "Limahong Channel" ay pinaniniwalaang hinukay ng anim na buwan na ayon sa planong pagtakas kung sakaling hindi sila magtagumpay sa pagsakop sa Maynila. Napatulala na lang ako ng matapos magkwento si Sir Albert. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang ang pangamba noon ng mga Kastila sa presensiya ng mga intsik sa Pilipinas, lalo na ang patuloy na pagdami ng lahi nila kung kaya't ang bawat galaw noon ng mga intsik ay minamanmanan nila dahil baka maulit muli ang nangyaring digmaan na pinasimulan ni Limahong. 6 pmna, nakaupo lang ako sa labas ng building namin, ang lakas ng ulan ngayon, hindi na ako nagtangkang sumugod sa ulan kahit pa may dala akong payong kasi siguradong masisira ang payong ko sa lakas ng hangin at ulan. Nakauwi na rin kanina pa sila Jen, Iryn at Leana, mahigit isang oras pa kasi kami nagkwentuhan ni Sir Albert at hindi ko namalayan yung oras, kaya eto inabutan tuloy ako ng lakas ng ulan. Nakatitig lang ako sa labas ng glass door at glass window na main entrance ng building namin. Ilang saglit pa nagulat ako nang biglang may tumigil na pamilyar na puting kotse sa tapat ng building namin. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang bumaba doon si Sir Nathan habang naka-payong, "Halika na" tawag niya sa'kin, nagmamadali siya kaya agad akong napatayo at sinalubong siya doon sa main entrance ng building. "Sabi ko na nga ba wala kang payong" biro niya pa at agad niyang hinawakan yung wrist ko, pinayungan na niya ako at hinila na papasok doon sa kotse niya, pero nagulat ako kasi sa backseat niya ako pinaupo. "Hi!" bati sa'kin ng isang napakagandang babae na nakaupo ngayon sa passenger seat ng kotse ni sir, Teka! Siya yung babaeng kayakap ni sir hagdan! Sinara naman na ni sir yung pinto ng kotse niya at umikot na siya sa harap sabay sakay sa unahan ng kotse at inilagay yung basang payong sa bakanteng upuan na nasa tabi ko dito sa back seat. "By the way, I'm Cassandra Rivera" patuloy pa nung babae sabay lahad ng palad niya sa'kin para makipag-shake hands, napatitig naman ako sa kamay niya, hindi ako makapagsalita sobrang nabigla ako sa mga pangyayari. P 18-20 "She's always like that, matutulala ng ilang segundo" narinig kong biro pa ni sir Nathan at nakalingon na silang dalawa sa'kin ngayon. ako ba yung tinutukoy niyang natutulala? "Ah-Hi! N-nice to meet you Cassandra... I'mA-aleeza Mae Agcaoili" sagot ko nang matauhan ako at inabot ko na rin yung kamay ko sa kaniya para makipag-shake hands. "Buti na lang nakita ka ni Nate, nakwento ka nga niya sa'kin... you're so charming" ngiti pa sa'kin ni Cassandra, napatango na lang ako at sinubukan kong ngumiti, pinaandar naman na ni Sir Nathan ang kotse. Kaya pala dito sa back seat ako dinala ni sir kasi kasama niya pala ngayon ang girlfriend niya. "Nakwento rin sa'kin ni Nate na nanalo ka raw sa math contest, and he's your mentor" tugon pa ni Cassandra at bakas sa mukha niya na tuwang-tuwa siyang makilala ako. sa totoo lang ramdamko na sincere ang mga sinasabi niya, yung tipong walang halong pambobola at kaplastikan. At ang ganda-ganda pa niya, nakalugay ngayon ang mahaba niyang buhok na kulot- kulot. Naka-red dress din siya, napatingin naman ako kay Sir Nathan na nag-didrive habang may kausap sa phone. Naka-red polo rin si Sir Nathan ngayon, mukhang may date sila. "Sana napanood ko ang competition, favorite ko rin ang math subject, I think magkakasundo tayo" patuloy pa ni Cassandra, napalingon naman sa'min si Sir Nathan at mukhang masaya siya kasi nagkakilala at nagkwekwentuhan na kami ngayon ng girlfriend niya. Kinuwentuhan pa ako ni Cassandra at tinanong kung taga-saan ako, kung anong course ko at kinamusta rin niya ang studies ko. nalaman ko na taga-Bacoor Cavite si Cassandra at ihahatid siya ngayon ni Sir Nathan, kaya mukhang isasabay na nila ako. ilang saglit pa binaba na ni sir ang phone niya at nagsalita na siya "Is it okay kung dadaan muna tayo sa MOA ngayon? may dadaanan lang ako" tanong ni sir. Agad namang napalingon sa kaniya si Cassandra at napangiti, humawak pa ito sa kamay niya "Of course, take your time babe" sagot ni Cassandra habang nakangiti ng matamis kay Sir Nathan, napangiti lang din si sir sa kaniya. Hindi ko alamkung nababasa ba nila ngayon ang reaksyon ko, o baka habang tumatagal kaya ko ng itago ang totoong nararamdaman ko. parang unti-unting nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan ang palitan ng ngitian nilang dalawa. Napasandal na lang ako sa upuan at ibinaling ko na lang ang tingin ko sa bintana ng kotse, patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan, napatitig na lang ako sa walang humpay na pagdaloy ng tubig sa bintana ng kotse. Umiiyak pa rin siguro ang diwata hanggang ngayon... at sa tingin ko naiintindihan ko na ang nararamdaman niya. Ilang saglit pa, hindi ko namalayan na nasa MOA na pala kami, agad itinigil ni Sir Nathan ang kotse niya sa tabi ng hypermarket at may tinawagan siya sa phone. "Nandito na ko sa tapat ng hypermarket, lumabas ka na diyan" tugon ni Sir sa kausap niya doon sa kabilang linya. "Okay... Okay" Binaba na ni sir yung phone niya at napalingon siya sa amin. "Sorry, ang kulit kasi ng pinsan ko, naawa P 18-21 naman ako" biro pa ni Sir Nathan at silang dalawa lang ni Cassandra ang natawa. Ilang saglit pa nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto ng backseat kung saan ako nakaupo at tumambad sa harapan ko ang pamilyar na mukha na pinaka-ayokong makita sa balat ng lupa... "Thanks Kuya!" pa-cool na sabi ni Bryan habang hawak niya ang leather jacket niya na nakataklob ngayon sa ulo niya, nagulat naman siya ng mapatingin siya sa akin "Oh... may kasama pala kayo- Hey! I know you!" sabi pa niya at bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. "Do you know each other?" nagtatakang tanong ni Sir Nathan, napa-smirk naman si Bryan. "Of course kuya... I will never forget her" lokong sagot pa ni Bryan at pumasok na siya sa kotse, dahilan para mapausog ako papalayo, sinara na niya yung pinto sabay tingin ulit sa'kin, hindi pa rin mawala yung ngiti niyang nakakainis. "Long time no see... Ms.Agcaoili" hirit niya pa habang nakangiti ng nakakaloko sabay kindat sa'kin dahilan para mapanganga na lang ako sa gulat at mapangiti naman si Cassandra, samantalang hindi ko naman mabasa ang reaksyon ni Sir Nathan na walang reaksyong nakatingin sa amin ngayon. OMAYGOODNESS! MAG-PINSAN PALA SI SIR NATHAN AT ANG MOKONG NA BRYAN NA TO! ********************** Source of Alamat ng Ulan: http://azirsimrot.blogspot.com/ Alamat ng Ulan Akda ni: Riza R. Tormis Isinaayos sa tulong ni: Christian Mercado Source of Limahong: http://www.watawat.net/limahong_the_pirate_and_his_kingdom.html Babe? Aba putanginalangNAALALAKO NANAMAN YUNG'BATAKAB' ?? P 18-22 Kabanata f(x - 17) 62.2K 2.3K 1.7K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 17] Our Asymptotically Love Story (page 119 - 141) Ika-Walong Kabanata Filipinas 1688 "Eleanor pakiusap..." Dumaloy ang luha mula sa mata ni Eleanor habang yakap-yakap ng mahigpit si Fidel, animo'y ayaw niyang pakawalan ang binata. "Lo siento... por favor.... te amo" (I'm sorry... please... I love you) wika pa ni Eleanor at hindi na ito maawat sa pag-iyak. Napahawak na lamang si Salome sa kaniyang bibig dahil sa gulat. Muntikan niya pang mabitawan ang mainit na kapeng hawak niya. Ilang sandali pa, unti-unting nadurog ang puso ni Salome nang makita niyang niyakap na rin ni Fidel pabalik si Eleanor. Tuluyan na ngang nabitiwan ni Salome ang hawak niyang tasa ng kape, nagulat si Fidel at Eleanor nang marinig nila ang ingay ng nabasag na tasa sa sahig, maging si Salome ay gulat na napayuko at dali-daling pinulot ang mga piraso ng nabasag na mamahaling tasa na gawa pa sa procelana mula Tsina. Nako! Nako! Nako! Hindi na mapakali si Salome habang maiging pinupunasan ang nagkalat na kape sa hagdan, mas lalo pang nakadagdag sa kaniyang tensyon ang papalapit na sina Fidel at Eleanor. "Lumeng..." tawag pa ni Fidel at akmang tutulungan patayo si Salome ngunit naunang lumapit si Eleanor sa kaniya sabay hawak sa magkabilang balikat nito. "Baka masugatan ang iyong daliri... hayaan mo na iyan" nag-aalalang tugon ni P 19-1 Eleanor kay Salome sabay ngiti ng bahagya. "P-pero- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil maluha-luha na siya, hindi niya batid kung dahil ba sa nabasag na mamahaling tasa ang dahilan ng kaniyang pag-luha o dahil sa nakita niyang tagpo ni Fidel at Eleanor na magkayakap. "Sasamahan na kita sa iyong silid..." tugon pa ni Eleanor at inalalayan na niya patayo si Salome. Nakayuko lamang si Salome at hindi niya magawang tingnan si Eleanor at lalong-lalo na si Fidel. Nagulat siya nang biglang lumapit si Fidel sa kaniya at hinawakan ang kamay niya para kunin ang isang piraso ng nabasag na porcelanang tasa na hawak pa rin niya. "Nakasusugat ang dulo nito, huwag mong hahayaang masugat ka nang dahil lang sa bagay na ito" paalala ni Fidel kay Salome sabay kuha ng piraso ng tasang iyon. Napatango na lamang si Salome kay Fidel nang hindi tumitingin sa mga mata nito, hinawakan naman muli ni Eleanor ang balikat ni Salome "Marahil ay pagod ka na munting binibini..." nakangiting tugon ni Eleanor kay Salome habang hinihimas- himas ang balikat nito. Napalingon naman si Salome sa napakagandang kastilang binibini na nakangiti sa kaniya, maamo ang itsura nito at talagang nakakahalina ang gandang taglay ng dalaga. Naalala ni Salome na ang babaeng iyon ay ang babaeng bumili ng pluma sa palengke na bibilhin niya sana para kay Fidel noong isang araw. hindi niya nabili iyon para kay Fidel dahil naunahan siya, at ngayon mukhang hindi na rin niya mabibigay ang plumang ginawa niya na kinuha niya pa sa balahibo ni ChingChing dahil mukhang naunahan na rin siya ng babaeng nasa tabi niya ngayon. "Lumeng! Ano ba iyan? May narinig akong nabasag" tawag ni Manang Estelita at nakasunod na sa kaniya sina Ising, Piyang at Susana. Napatigil sila sa ibaba ng hagdan at bumati kay Fidel at Eleanor. "Magandang gabi po Senor Fidel at Senorita Eleanor" sabay-sabay nilang bati bago nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan upang lapitan si Salome, nagulat sila nang makita ang nagkalat na bubog at kape sa hagdan. "Sus Maryusep! Ang tasang regalo ni Gobernador Filimon Alfonso kay Senor Patricio noong nakaraang taon" gulat na tugon ni Manang Estelita at agad namang nilinis ni Ising at Piyang ang basag na tasa at kape. "P-patawad po" paghingi muli ng tawad ni Salome ngunit binigyan lamang siya ni Fidel ng ngiti "Ayos lamang Lumeng, Huwag mo ng intindihin iyon, ako na ang bahala magpaliwanag sa aking pinsan" sagot ni Fidel, hinihintay niyang tumingin sa kaniya si Salome ngunit nanatili lang itong nakayuko. "Mabuti pa't magpahinga ka na Lumeng, mukhang maputla ka ah" tugon naman ni Manang Estelita at hinawakan niya ang braso ni Salome. "Nais ko po sanang ihatid siya sa kaniyang silid" nakangiting tugon ni Eleanor dahilan para mapangiti si Manang Estelita. "Huwag na po kayong mag-abala Senorita Eleanor, kami na po ang bahala kay Lumeng" saad pa ni Manang Estelita at inalalayan na niya si Salome pababa ng hagdan. Nakayuko pa rin ang dalaga at tulalang tinatahak ang hagdan pababa. Nakasunod naman na rin sa kanila ang iba pang mga tagapagsilbi. Sa huling pagkakataon ay umaasa si Fidel na lilingunin siya ni Salome ngunit hindi lumingon ang dalaga hanggang sa tuluyan na itong makaaalis. P 19-2 "Lumeng... Bakit gising ka pa? Masama ba ang iyong pakiramdam? Nais mo bang dalhin ka namin sa manggagamot? Kay Inay Laya?" nag-aalalang tanong ni Manang Estelita kay Salome at hinipo nito ang noo ng dalaga. Mag-mamadaling araw na nang magising si Manang Estelita at naabutan niyang nakadungaw lang sa bintana si Salome habang pinapanood ang mahinang pagbagsak ng ulan. Napailing na lamang si Salome habang nakatingin pa rin sa labas. "Manang... nais ko sanang umuwi muna sa aming tahanan, maaari po ba?" pakiusap ni Salome sa matanda, napatitig muna si Manang Estelita sa kaniya bago ito muling nagsalita. "Maaari naman... kung sasabihin mo sa akin ang dahilan" wika pa ni Manang Estelita dahilan para mapatingin sa kaniya si Salome. Hindi man sabihin ng dalaga kung ano ang tinatago nito sa kaniyang damdamin, sa kalungkutan pa lang na namamayani sa mukha nito at sa kilos nito ay batid na ni Manang Estelita kung ano ang pinagdadaanan ngayon ni Salome. Hindi naman nakapagsalita si Salome at ibinaling na lang niya muli ang tingin niya sa labas ng bintana "Kalimutan niyo na lang po Manang, dalawang araw na lang naman po bago mag-linggo, makakauwi na muli ako sa amin" tugon pa ni Salome, hinawakan naman ni Manang Estelita ang magkabilang balikat niya upang iharap si Salome sa kaniya. "Hindi ko na tatanungin pa ang dahilan kung bakit gusto mong umuwi muna sa inyo, hihintayin kong dumating ang araw na sabihin mo iyon ng kusa sa akin... sige na mag-ayos ka na at umuwi muna sa inyo pagbukang liwayway, sasabihin ko na lang kay Senor Fidel na masama ang iyong pakiramdam" nakangiting tugon ni Manang Estelita dahilan para mapangiti si Salome at mapayakap sa matanda. "Maraming Salamat po talaga Manang!" akap pa ni Salome ngunit sinuway siya ni Manang Estelita dahil baka magising sila Ising, Piyang at Susana dahil sa ingay nila. si Nay Delia naman ay pinayagan na arawaraw na makauwi sa kanilang tahanan tulad ng ibang mga trabahador sa hacienda. Kung kaya't maya-maya pa makakarating si Nay Delia, hatid sundo rin ito ni Ernesto. Bago pa sumikat ang araw ay nakaalis na si Salome, ligtas naman na maglakbay pauwi dahil marami na rin siyang makakasalubong na mga trabahador na papasok na sa hacienda Montecarlos. Naglagay na lamang siya ng balabal habang naglalakad upang hindi na maharang pa ng iba niyang mga kakilalang manggagawa. Nais niyang mapag-isa muna kahit sandali. Nang marating niya ang barrio Tagpi, naabutan niyang naggagayak na si Nay Delia papasok sa hacienda, Samantala si Felicidad naman ay abala sa pagluluto ng almusal. "Lumeng? Oh! Biyernes pa lamang ngayon P 19-3 ah" takang tanong ni Nay Delia ngunit sinalubong din niya ng yakap ang anak na balisang-balisa na ngayon. agad namang iniwan ni Felicidad ang niluluto niya at nagtungo kay Salome na nasa tapat pa lang ng pintuan ng bahay nila. "May nangyari ba sa hacienda?" patuloy pa ni Nay Delia habang hawak hawak ang magkabilang mukha ng anak. Napailing na lamang si Salome bilang sagot sa kaniyang tanong. "M- masama lamang po ang p-pakiramdamko, pinayagan po ako ni Manang Estelita na magpahinga ng d-dalawang araw" Nagkatinginan naman si Nay Delia at Felicidad, alamnilang bihira lang kung tamaan ng sakit si Salome dahil malakas ang resistensiya nito, kung kaya't sa tuwing nagkakasakit si Salome ay natatagalan bago gumaling. "Halika na, magpahinga ka na muna sa kwarto, ihahatid ko na lamang sayo ang almusal" tugon naman ni Felicidad sabay himas sa ulo ng kapatid at inalalayan na niya ito papasok sa kanilang silid. Nagpaalamnaman na si Nay Delia at humalik pa sa noo ni Salome bago ito umalis patungo sa hacienda Montcarlos. Kasalukuyang nasa kabilang barrio si Tay Isko at nakikigapas sila ng palay nila Ernesto at Mang Pedro dahil panahon na ng anihan. Ang kanilang katabing palayan kasi sa kanilang tahanan ay napabayaan ng pamilya Flores na siyang nakakasakop sa barrio Tagpi kung kaya't hindi ito nakasabay sa anihan dahil inaaararo pa lamang ngayon. Si Tay Isko ay nakapasok din bilang magsasaka at karpintero sa hacienda Flores. Si Ernesto naman ay naninilbihan sa pamilya Alfonso bilang pastol ng mga baka at kambing. Marami ring hanapbuhay si Ernesto tulad ng pagtatanimng mga bulaklak na palaging binibili ni Don Antonio Flores. Samantala, wala rin ngayon sa kanilang tahanan si Danilo dahil kada umaga bago magbukang liwayway ay nagtutungo na ito sa bayan upang tulungan sila Padre Bernardo at Padre Rogelio sa ginaganap na misa arawaraw tuwing umaga upang lalo pang mahikayat at maipalaganap ang Kristiyanismo sa buong San Alfonso. May iilang mga liblib na lugar pa kasi lalo na sa gitna ng masukal na kagubatan sa dulo ng San Alfonso na hindi pa nararating ng mga misyonaryong pari, karamihan sa mga naninirahan sa mga liblib na lugar na iyon ay mga katutubo na ayaw umanib at tumangkilik sa kahariang Espanya at sa pinapakilala nitong relihiyon. Habang si Julio naman ay naglalaro na ngayon sa labas kasama ang mga kapwa bata. Mamayang alas-diyes ng umaga ay dadaanan siya ni Danilo dahil sabay silang papasok sa klase ni Maestro Fidel. "Kumain ka na muna Lumeng" tugon ni Felicidad at may bitbit itong mangkok na gawa sa pinakinis na bao ng niyog. Nakalagay doon ang niluto niyang almusal na sinaing na saging ng sabat at kamoteng- kahoy. "Maraming Salamat ate Fe" tugon ni Salome at bumangon siya sa kama upang kumain, naupo naman si Felicidad sa kama at tinitigan siyang mabuti. "Marahil ay masasarap ang pagkain niyo roon sa hacienda noh? Nais ko rin sana manilbihan upang kahit papaano ay makatulong ako sa ating pamilya dahil may kalakihan ang tributong hinihingi ni Mang Lito" wika ni Felicidad dahilan para matigilan si Salome sa pagkain at mapatingin sa kaniyang ate. Si Mang Lito ang cabeza de barangay ng kanilang barrio, siya rin ang nangangasiwa ng pangongolekta ng mga tributo mula sa mga mamamayan ng barrio Tagpi, Ang Tributo ay isang sistemang pagbubuwis na siyang pangunahing pinagkukunan ng pondo o salapi ng mga Espanyol sa panahon ng pananakop nila sa Filipinas. Ipinatupad ang sistemang ito batay sa Recopilacion de leyes de los Reynos de las Indias ng ang Hari ng Espanya ay naglabas ng malaking halaga para sa kanyang paglalayag sa Pilipinas at bilang ganti, marapat na bayaran ito ng mga Filipino sa pamamagitan ng tributo. Lahat ng mamamayan ay obligadong magbayad ng kaukulang halaga sa pamahalaan upang maituring na lehitimong sakop ng Hari ng Espanya, maliban na lamang sa mga gobernadorcillo, cabeza at ang kanilang P 19-4 mga delegado, mga kalalakihang kabilang sa sandatahan, mga may sakit at baldado, mga walang sapat na ani sa taon at mga mamamayang edad animnapu pataas. May dalawang uri ng tributo - pagbabayad ng salapi, at pagbabayad ng pananim, kalakal o tanim. Sakaling tumanggi ang isa na magbayad ng tributo, ituturing siyang bandido at kalaban ng kolonya. "Ang lahat ng kinikita ni kuya Ernesto sa pagtatanimng bulaklak ay napupunta lamang sa pagbabayad ng tributo, si itay naman ay naghahanap pa ng karagdagang trabaho sa bayan upang makapagbayad ng tributo, narinig ko kagabi na pinagtatalunan ni itay at inay ang panibagong trabahong nais pasukin ni itay" patuloy pa ni Felicidad, bakas sa kaniyang mukha ang matinding pangamba at pag-aalala. "A-anong bagong trabahong nais pasukin ni itay?" ang kaninang kabalisaan na nararamdaman ni Salome ay napalitan na ngayon ng pangamba. "Nais niyang sumama sa paglalayag sa barkong Galyon (Galleon) sa Maynila" sagot ni Felicidad dahilan para matigilan si Salome at hindi nakapagsalita ng ilang segundo dahil sa gulat. "Batid kong nag-aalala ka rin sa nais tahakin ni itay, hindi biro ang maging tauhan ng barko sa paglalayag dahil marami na ring pagkakataon na lumubog ang barko na ginagamit sa Galyon at kung minsan naman ay naaagaw ng mga pirata ngunit mukhang determinado si itay na makapasok doon dahil malaki ang kikitain mula roon" saad pa ni Felicidad. Pareho silang hindi nakaimik ni Salome ng ilang minuto, nangangamba sa mga desisyunan ng kanilang magulang. Kailanman ay hindi pa sila nagkakahiwalay na magkakapamilya kung kaya't ang balitang iyon ay labis na naghahatid ng pangamba sa kanila. "Kung ako ang masusunod nais ko ng makasal sa mayamang binatang anak ni Don Antonio Flores ngunit ipinagbawal na ni Manang Dolores na ako ay magpunta roon" malungkot na wika ni Felicidad, napatingin naman sa kaniya si Salome at napaisip pa ito ng mabuti. Sigurado akong magiging miserable ang buhay ni ate Fe sa hambog at bastos na Patriciong iyon! "Ate Fe... huwag na lang ang binatang anak ni Don Antonio Flores" tugon ni Salome sabay hawak sa kamay ng kaniyang ate upang makumbinse ito. "Marami pa naman diyang iba, si Aling Teodora na may ari ng panciteria sa bayan ay maraming kilalang parokyanong mayayaman" patuloy pa ni Salome, mula kasi pagkabata ay nahubog na sa kanilang isipan na malaki ang posibilidad na makaasawa ng mayaman si Felicidad dahil sa taglay nitong pambihirang kagandahan. Ngumiti naman si Felicidad ngunit bakas pa rin sa kaniyang itsura ang kalungkutan "Nais ko rin sanang pagibig ang magiging dahilan ng pagpapakasal ko at kay Patricio ko nakikita iyon" sagot ni Felicidad, napailingiling naman si Salome. "May pagka-matapobre ang kaniyang ama, marami akong naririnig na usap-usapan tungkol kay Don Antonio Flores, gahaman daw ito sa salapi at ang lahat ng kinikita nito sa negosyo ay iniimbak lamang sa kanilang tahanan at hirap din itong magpakawala ng pera ni isang kusing" paliwanag pa ni Salome, natawa naman sandali si Felicidad dahil seryosong-seryoso si Salome habang nagkwekwento at may pagalaw-galaw pa ito ng kamay habang pinapaliwanag ang pagiging gahaman ni Don Antonio Flores. P 19-5 "Sige na kumain ka na riyan baka ikaw ay mabulunan pa sa mga pinagsasabi mo" tawa pa ni Felicidad at muli na itong bumalik sa kusina para maghanda na ng tanghalian. Si Salome naman ay naiwan doon sa loob ng silid, tulala sa kaniyang pagkain habang ang isipan ay patuloy na ginugulo ng mga panibagong suliranin na kaniyang nalaman. Mas lalo pa atang nadagdagan ang problema ko ng umuwi ako rito. Kinahapunan, nagulat si Salome nang biglang sumulpot si Ising sa kanilang tahanan, "Lumeng!" tawag ni Ising sabay akap sa kaibigan, may dala-dala rin itong isang balot ng bagong lutong tikoy. "Galing kami ni Manang sa palengke at dumaan kami sa aming panciteria, pinadala sa akin ito ni inay nang malaman niya na masama ang pakiramdammo" paliwanag pa ni Ising at tuwa-tuwa niyang inilapag sa mesa ang dalang tikoy at mga prutas. Si Manang Estelita naman ay naiwan pa sa labas ng bahay habang kausap si Felicidad. Kakarating lang din nila Danilo at Julio, nagitla naman si Danilo nang makita si Ising sa kanilang hapag kung kaya't dali-dali itong umikot sa likod ng bahay at nagtago muna sa imbakan ng mga kahoy. "Ano bang nangyari sa iyo Lumeng? Bakit bigla ka na lang nawala kaninang umaga, nag-alala tuloy sa iyo si Senor Fidel" patuloy pa ni Ising, agad namang lumapit sa kanila si Julio habang nakangiti ito, pitong taon na si Julio ngunit hindi pa rin ito nagsasalita. Pinatingnan na siya noon sa doktor at sa lahat ng klase ng mga manggagamot ngunit iisa lamang ang sinasabi nila, maikli raw ang dila ng bata kung kaya't hirap itong bumigkas ng mga salita. Noon naman ay sinusubukan ni Julio na magsalita kahit pa pag-ungol lang ang nalilikha ng bibig niya, ngunit hindi katagalan tinukso siya noon ng kaniyang mga kalaro noong nasa Maynila pa sila kung kaya't mula noon hindi na siya nagsalita pa, ngiti, walang tunog na pagtawa, simangot, kunot ng noo at pag palakpak lamang ang naging paraan niya upang ipakita ang kaniyang emosyon. "Oh? Julio halika rito may dala akong tikoy" tawag ni Ising kay Julio na agad yumakap sa kaniya, tuwangtuwa naman si Ising at pinaggigilan pa ang matambok na pisngi ng bata. Samantala si Salome naman ay napatulala na lang dahil sa sinabi ni Ising kanina na nag-alala raw sa kaniya si Senor Fidel. "Makakapasok ka na ba bukas Lumeng?" tanong pa muli ni Ising habang nilalaro si Julio. Natauhan naman si Salome at tumikimna lang ng tikoy upang mapawi ang gumugulo sa kaniyang isipan. "H- hindi ko pa sigurado" "Siguradong mag-aalala na naman niyan si Senor Fidel" habol pa ni Ising habang sinusubuan si Julio. Napalunok naman si Salome sa kaba at tinitigan niya mabuti si Ising, mukhang nagsasabi naman ng totoo si Ising. Bakit naman mag-aalala sa akin si Senor Fidel? Sino ba naman ako para isipin pa niya... P 19-6 "Ngunit baka hindi na muli pang magtanong si Senor Fidel bukas kung nasaan ka dahil palagi namang naroon si Senorita Eleanor sa mansyon, kanina nga tinulungan niya kami sa paghahain ng tanghalian para sa mga estudyante ni Senor Fidel, ang bait pala talaga ni Senorita Eleanor" tugon ni Ising, hindi naman alamni Salome kung ano ang dapat na maging reaksyon niya sa sinabi ng kaibigan. Ngunit kahit ganoon, aminado rin naman siya na unang kita pa lang niya kay Eleanor ay mabait talaga ito. Mabait siya, maganda, mayaman, edukada, nagmula sa kilalang pamilya. Ano ba namang laban ko sa kaniya? Araw ng Linggo, umaga pa lang matapos magsimba ng mag-anak sa bayan ay naging abala na silang lahat sa paghahanda ng mga pagkain para sa gaganaping salo-salo mamayang gabi sa kanilang tahanan dahil kaaarawan na ni Danilo. Inimbitahan din nila ang kanilang mga ka-barrio lalong-lalo na ang pamilya nila Mang Berto, Mang Pedro at Mang Kiko na kasama pa nila mula Tondo. Si Salome at Nay Delia ay gumagawa ngayon ng noodles, pinaghalo-halo nila ang harina, mantika, asin at itlog hanggang sa ihulima nila ito pahaba at putol-putulin upang maging noodles. Nais na ni Nay Delia na ipagpatuloy pa rin ang tradisyong intsik sa pagdidiwang ng kaarawan ni Danilo, isa sa pinakamahalagang pagkain na inaalay sa kaarawan ng mga intsik ay ang noodles, sagisag ito ng mahabang buhay. Si Felicidad naman ay abala sa paggawa ng paboritong panghimagas sa pagkaing intsik na tinatawag na 'TangYuan' ito ay gawa sa bigas na dinurog hanggang sa hugising pabilog at lagyan ng iba't-ibang palaman sa loob tulad ng maitimna linga (black sesame), mung bean, abitsuwela (red bean) at gabi o taro. Ang TangYuan naman ay sumasagisag sa muling pagbubuklod o pagsasama-sama ng pamilya. Si Ernesto naman ay abala sa paglalaga ng itlog sa malaking palayok. At matapos ito malaga ay mahalagang kulayan ito ng pula dahil ang pulang itlog ay sagisag ng swerte. Samantala, si Tay Isko naman at ang kaniyang mga kaibigan ay abala sa pagaayos ng mga mesa sa labas ng kanilang bahay. nag-ipon na rin sila ng maraming pangsiga para mamayang gabi. "??? ?" (San Ya Fai Lo) Happy Birthday Sabay-sabay na bati ni Nay Delia, Salome at Felicidad kay Danilo nang pumasok ito sa loob ng kanilang tahanan upang magbihis ng mas maayos na damit. Nabigla siya dahil halos lahat na pala ng kapitbahay nila at kaibigan ay nasa loob na ng kanilang bahay at hinihintay lang siyang pumasok, nilibang laman siya nila Tay P 19-7 Isko at Ernesto sa labas ng bahay kanina at pinakuha pa ng mga siga upang maisagawa nila ang kanilang surpresa para kay Danilo. Nagulat si Danilo at napangiti sa hiya dahil sa di inaasahang surpresa. Kinantahan na rin siya ng Maligayang bati habang nagpapalakpakan at sumasabay sa indak ang mga bisita. Agad napayakap si Danilo sa kaniyang ina at ama, hindi naman nakapagpigil ang magkakapatid na sina Salome, Felicidad, Ernesto at Julio na makisali sa yakapan nila. nauwi tuloy sa tawanan na may halong iyakan ang nangyari dahil naluha pa si Danilo. Ilang sandali pa nagsimula na ang kainan, inilabas na nila sa mahabang mesa sa labas ang lahat ng pagkain, ang mga kanin, isda at karne ng manok na inihaw ay nakalagay na sa mahabang dahon ng saging. Habang ang 'Misua Noodles' naman na niluto ni Nay Delia ay nakalagay sa malaking palayok, halos lahat ng bisita ay nakapila na roon upang matikman iyon. Bihira lamang sila makatikimng ganoong klaseng pagkain dahil madalas saging at kamote lamang ang kanilang kinakain mula almusal hanggang hapunan. Nabalot ng tawanan, kwentuhan at kanitayawan ang selebrasyon ng kaarawan ni Danilo. Ang malaking siga ng apoy sa pinakagitna nila ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid sa labas ng tahanan ng pamilya Aguantar. Naroon din ang ilang mga kaibigang binatilyo ni Ernesto sa palengke at ngayon ay inuusisa nila kung sino ang dalawang kapatid ni Danilo. "Si ate Fe ay naka-reserba na" tugon ni Danilo sa mga binatang kasama niya, karamihan sa mga ito ay nasa edad dalawampu na. "Ang tinutukoy ko ay ang babaeng iyon" wika ni Felipe sabay turo kay Salome na ngayon ay nag-aasikasong magsalin ng Misua sa mga nakapilang bisita. Pinaulanan naman ng kantyaw ng iba pang mga binata si Felipe, "Si ate Salome ba ang tinutukoy mo? nako! Wala pang nobyo ang ate kong iyan ngunit may pagka-masungit iyan si Ate Lumeng sa mga kalalakihan" tawa pa ni Danilo, nakaupo sila ngayong magkakaibigan paikot sa siga. Si Felipe ang pinaka-magandang lalaki sa kanila, matikas ang pangangatawan nito dahil sa pagbubuhat ng mga banyera ng isda sa palengke mula pa pagkabata. Si Paterno naman ang pinaka-maingay at puno ng kalokohan, ngunit may nobya na ito at nakatakda na silang ikasal sa susunod na buwan. Samantala si Danilo naman ang pinakabata sa kanilang magkakaibigan, hindi pa rin niya nasasabi sa kanila na humahanga siya kay Ising na anak ni Aling Teodora na kaibigan ni Salome. "Maaari ba akong umakyat ng ligaw sa iyong ate Salome?" tanong ni Felipe kay Danilo, bakas sa mukha nito na nahihiya at kinakabahan. Dahilan para kantyawan na naman siya ni Paterno. "Aba'y bakit ako ang tinatanong mo ukol diyan? Si ate Salome ang tanungin mo" tawa pa ni Danilo at nagtawanan sila ni Paterno dahil napalunok lamang sa kaba si Felipe habang tinatanaw si Salome. "Nangangamba ka na sungitan ka ni ate Salome noh? Aba'y dapat ka nga mangamba dahil sadyang palaban talaga ang ate kong iyan" pang-asar pa ni Danilo kay Felipe, mas lalo nilang kinatuwa ang itsura ng binata dahil mukhang kinakabahan na ito. "Lapitan mo na baka ikaw ay maunahan pa ng iba- " hindi na natapos ni Paterno ang sasabihin niya dahil biglang may kalesang dumating sa tapat ng tahanan ng pamilya Aguantar. Napalingon ang lahat sa magarang kalesang iyon at nabigla sila ng bumaba mula roon si Senor Fidel Montecarlos. P 19-8 "MAESTRO! MAESTRO!" tawag ni Danilo at agad itong napatayo sabay takbo papunta kay Fidel at sinalubong ito. Maging si Julio ay kumaripas din ng takbo at yumakap pa kay Fidel na kinatuwa naman ng binata. Kinarga ni Fidel si Julio at inakbayan naman si Danilo. "Maraming Salamat at nakarating kayo rito Maestro" nakangiting tugon ni Danilo, labis ang saya na nararamdaman niya dahil pinaunlakan ng kaniyang guro ang imbitasyon niya. "Maligayang kaarawan sa iyo Nilong" bati pa ni Fidel kay Danilo at inabot na rin niya ang regalo niya kay Danilo na sumbrero na gawa sa makapal na leather. Tuwang-tuwa namang isinuot iyon ni Danilo "Maraming Maraming Salamat po talaga Maestro!" ulit pa muli ni Danilo at masayang niya ipinakita iyon sa kaniyang mga kaibigan. Agad namang sumalubong si Nay Delia at Tay Isko kay Fidel, "Magandang gabi ho Senor Fidel" bati nila at nagbigay galang sa kastilang binata. Nagbigay galang din si Fidel sa pamamagitan ng paghuhubad ng kaniyang sumbrero at paglagay niyon sa kaniyang dibdib. "Magandang gabi rin ho at maraming salamat dahil inimbitahan niyo ako rito" nakangiting tugon ni Fidel at pasimple niyang inilibot ang kaniyang paningin upang hanapin si Salome ngunit agad nakapagtago si Salome sa likod ni Mang Berto na masiglang kumakain ng Misua. "Halika Senor, marami po kaming inihandang pagkain" aya pa ni Nay Delia, halos lahat namang ng bisita ay magiliw ding bumati kay Senor Fidel. Ang iba ay hindi pa makapaniwala at manghang- mangha dahil kasama nila ngayong makakasalo sa kainan ang isa sa pinaka-maimpluwensiyang tao sa San Alfonso. "Dito po kayo maupo Senor Fidel" magiliw na wika ni Nay Delia habang nilalabas nila Tay Isko ang pinakamaganda nilang bangko. Pinunas-punasan pa iyon ni Danilo ng mabuti bagay na pinatigil ni Fidel dahil nais niyang maupo kasama nila sa palibot ng siga. "Nako! Senor Fidel masyado po mausok diyan" paalala ni Nay Delia ngunit naupo pa rin si Fidel katabi nila Danilo, Felipe, Paterno at ng iba pang mga ordinaryong mamamayan. "Ako po'y mas nasisiyahan na maupo rito Aling Delia, huwag niyo na po akong alalahanin" nakangiting wika ni Fidel at inilibot niya muli ang kaniyang pangingin upang masumpungan si Salome ngunit kanina pa nakatakbo papasok sa loob ng bahay si Salome. Halos lahat namang tao ay nakatingin na ngayon kay Fidel, sinimulan naman silang kausapin ni Fidel upang hindi mahiya ang mga ito sa kaniya. Hindi nagtagal ay nag-umpisa ng magkwento sila Mang Pedro at Mang Kiko, mga bagay tungkol sa kabuhayan at kaunlaran ng San Alfonso ang pinag-uusapan nila. samantalang hindi naman maawat si Nay Delia at Felicidad sa pagpapabalik-balik sa loob ng bahay upang abutan ng pagkain si Fidel. "Heto ho Senor, kumain na po kayo" tugon ni Felicidad kay Fidel, napatango naman ang binata at tiningnan siyang mabuti "Ikaw ba ang nakatatandang kapatid ni Lumeng?" tanong ni Fidel kay Felicidad, napatango naman ang dalaga at biglang nahiya dahil sa presensiya ni Fidel. "N-nasaan pala si Lumeng?" patuloy pa ni Fidel, halos kalahating oras na siya naroon at kanina pa atat na atat malaman kung nasaan si Salome. "Ho? Ah! nasa loob po siya ng bahay, pinapatulog na po niya si Julio" sagot naman ni Felicidad at nagbigay galang ito bago umalis. Dahil sa sinabing iyon ni Fidel napalingon sa kaniya si Felipe at Paterno. Hindi naman napansin ni Fidel na tinititigan na siyang mabuti ng dalawang binatang iyon dahil abala siya sa pakikipagkwentuhan sa iba pang bisita. Lalong-lalo na kina Mang Berto, Mang Pedro, Mang Kiko at Tay Isko na nag- iinuman na ngayon, P 19-9 Lambanog ang kanilang pinagsasaluhan. "Magkakilala ba ang ate Salome mo at ang hilaw na kastilang ito?" bulong ni Felipe kay Danilo sabay turo kay Fidel na masayang nakikipagkwentuhan sa mga ordinaryong tao. "Oo... nagsisilbi rin sa hacienda Montecarlos si Ate Salome at tinuturuan din siya ni Maestro Fidel" sagot ni Danilo habang nakatitig pa rin sa mamahaling sumbrerong regalo sa kaniya ni Fidel. Nagkatinginan naman si Felipe at Paterno "Mukhang naunahan ka na nga Peng" kantyaw ni Patern kay Felipe sabay sagi sa tagiliran nito. "Wala namang relasyon si ate Salome at Senor Fidel... huwag niyo ngang gagawan ng tsismis ang ate ko" suway ni Danilo sa dalawang kaibigan dahilan para matigil sa pangangantyaw si Paterno. "May kasintahan na si Senor Fidel... si Senorita Eleanor" patuloy pa ni Danilo dahilan para gulat na mapatingin sa kaniya si Felipe at Paterno. "Si Senorita Eleanor? Ang pamangkin ni Gobernador Filimon Alfonso?" ulit pa ni Felipe at unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. "Ang dalawang maimpluwensiyang pangalan sa San Alfonso ay magsasanib pwersa, nako! Siguradong uunlad agad ang bayang ito" wika pa ni Paterno, maging siya ay nasiyahan sa balitang may relasyon ang isang Montecarlos at Alfonso. "At mukhang may pag-asa na rin ako" habol naman ni Felipe habang nakangiti ito sabay tingin sa bintana ng tahanan nila Salome sa pag-asang muling masusulyapan ang dalaga. Alas-otso na ng gabi ng magsimulang mag-uwian ang mga tao. halos lahat ay maaga pa ang pasok sa trabaho bukas kung kaya't kailangan na nilang makapagpahinga. Hindi naman na lumabas ng bahay si Salome mula ng dumating si Fidel, naroon lang siya sa papag ni Danilo na malapit sa kusina habang pinapatulog si Julio. "Ang batang makulit Siya ay pilyo at paslit Ngiti ang sa amin ay hatid At ang ngalan niya ay Juliong Paslit" Paulit-ulit na kinakanta iyon ni Salome sa kaniyang kapatid, ngunit ssa pagkakataong iyon ay mas mabagal at nakakantok ang tono ng kaniyang awit upang mahimbing na makatulog si Julio. "Ang batang makulit... Siya ay pilyo at paslit...Ngiti ang sa amin ay hatid... At ang ngalan niya ay- " P 19-10 "Lumeng na makulit" patulog ni Fidel na nakadungaw na ngayon sa gilid ng pintuan dahilan para mabigla si Salome at mapahampas sa pisngi ni Julio dahil sa matinding pagkagulat. Muntikan pang magising ang natutulog na si Julio pero agad na hinimas-himas ni Salome ang buhok nito para makatulog ulit. "Napakaganda ng iyong awitin... maging ang iyong tinig" saad pa ni Fidel habang nakangiti sa dalaga. Agad namang napaiwas si Salome ng tingin sa kaniya at hindi na siya mapakali kung anong gagawin. Ano ba Senor Fidel! Bakit ka sumusulpot sa buhay ko ng bigla-bigla at walang pasabi! Kung kaya't patuloy na lang niyang hinimas-himas ang ulo ni Julio at nagkunwaring abala pa rin sa pagpapatulog sa kapatid "Mukhang mahimbing na makakatulog ngayon si Julio dahil sa iyong awitin" wika pa ni Fidel, napatango na lamang si Salome sa kaniya ng hindi tumitingin sa binata. Napaisip pa ng sasabihin si Fidel at napalingon sa labas ng bahay, nakita niyang abala pa doon ang pamilya ni Salome at ang ilang kaibigan ni Tay Isko na kasalo nito sa inuman. Tiningnan muli ni Fidel si Salome ngunit halatang walang balak itong kausapin siya, at iyon ang labis na pinagtataka niya. iginala na lang niya ang kaniyang mata sa loob ng bahay nila Salome "Napakaganda rin ng inyong tahanan, naikwento sa akin noon ni Danilo na tulong-tulong lamang kayo sa pagtatayo ng inyong tahanan, masasabi kong ang bawat haligi nito ay puno ng masasayang alaala niyo habang binubuo niyo pa ito" patuloy pa ni Fidel sabay tingin ulit kay Salome at umaasang kausapin na siya nito pero tumango lamang si Salome sa kaniya habang pianpatulog pa rin si Julio. Humakbang na papasok sa loob ng bahay si Fidel dahilan para mas lalong kabahan si Salome, silang dalawa lamang ni Fidel ang nasa loob ng bahay, bukod kay Julio na bata pa at natutulog na ngayon. Nakalimutan ata ni Senor Fidel na hindi nararapat na maiwan ang isang dalaga at isang binata sa loob ng tahanan ng walang ibang kasamang nakatatanda. Ipapaalala ko ba sa kaniya? Ngunit ayoko pa siyang makausap... Ano ang aking gagawin? Napapadiin na sa paghagod si Salome sa ulo ni Julio dahilan para medyo maalimpungatan ang bata, napangiti na lamang ng palihimsi Fidel dahil sa kinikilos ni Salome "Sa palagay ko ay tulog na si Julio" saad niya pa. Natigilan naman si Salome, mas lalo siyang nabalot ng kaba dahil ramdamniyang nakatingin sa kaniya ngayon si Fidel at hindi na niya alamang gagawin niya kung kaya't dahan-dahan na niyang binitiwan si Julio at kinumutan ito saka tumayo na para lumabas na sa bahay ngunit tinawag siya ni Fidel pero hindi niya iyon pinansin nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad sa papalabas pero napatigil at nagulat siya nang bigla siyang unahan ni Fidel maglakad sa tapat ng pinto para haranagan siya at pigilang makalabas. P 19-11 "Bakit ka umalis noong umaga ng Biyernes?" diretsong tanong ni Fidel habang nakatitig kay Salome, napaatras naman si Salome at napalunok na lang dahil sa kaba, hindi na rin mapakali ang mga mata niya na kung saan-saan na tumatama ang tingin ngayon makaiwas lang sa mata ni Fidel. "M-masama po kasi ang pakiramdamko S-senor" sagot ni Salome sabay yuko. Napahinga naman ng malalim si Fidel habang nakatitig pa rin sa dalaga. "Bakit hindi mo pinaalamsa akin? Umalis ka na lamang ng hindi nagsasabi" wika pa ni Fidel, hindi man magawang tingnan ngayon ni Salome si Fidel batid niyang seryoso ang binatang kausap niya. "P-patawad po Senor ngunit maaga pa po nang ako ay umalis, a-ayoko na po kayong maabala" sagot pa ni Salome, "Kahit kailan ay hindi ka naging abala sa akin dahil- " hindi na natapos ni Fidel ang kaniyang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto at pumasok si Danilo. "Senor Fidel narito pa po pala kayo, kanina ko pa po kayo hinahanap, si kuya Ernesto na lang daw po ang magkukutsero sa inyo dahil lasing na po si Mang Berto" saad ni Danilo, napatango naman sa kaniya si Fidel. Pero napatigil saglit si Danilo at nagtatakang napatingin kay Salome sabay tingin kay Senor Fidel at ibinalik niya muli ang tingin kay Salome. Bigla namang sumilay ang ngiti kay Danilo dahilan para biglang manlaki ang mata ni Salome at kabahan naman si Fidel "T-tayo na..." tugon na lang ni Fidel at humakbang na siya papalabas sa bahay, samantalang naiwan naman doon si Salome habang nakangiti pa rin ng nakakaloko si Danilo "Huwag kang mag-alala ate Lumeng, hindi ko sasabihin ang tagpo niyo ni Senor Fidel" tawa pa ni Danilo at agad itong kumaripas ng takbo papalabas dahil akmang sasabunutan siya ni Salome. "Nilong!" habol pa ni Salome kay Danilo na kumakaripas na ngayon ng takbo papaikot sa siga, bigla namang napatigil si Danilo nang makitang naroon pa rin sina Felipe at Paterno. Naabutan na ni Salome si Danilo ata agad piningot ang tenga nito "Ikaw talaga! kahit kelan ka Nilong ka" reklamo pa ni Salome habang pinipingot ang tenga ng kapatid. Napapasigaw naman sa sakit si Danilo, Ngunit bigla ring napatigil si Salome nang mapagtanto niyang nakatingin sa kaniya ngayon ang dalawang binatang kasama ni Danilo na hindi niya kilala. Nagitla si Felipe nang magtama ang mga mata nila ni Salome ata agad itong nagbigay galang sa dalaga, mabilis na hinubad ni Felipe ang kaniyang sumbrero na gawa sa banig at itinapat iyon sa kaniyang dibdib "M-magandang gabi binibining Salome" bati ni Felipe kay Salome ngunit bigla siyang natigilan dahil sa maling sinabi. "K-kilala mo ako? paano mo nalaman ang ngalan ko?" nagtatakang tanong ni Salome, hindi naman na makatingin sa kaniya si Felipe na namumula na sa hiya ngayon at pilit na sinasagi si Paterno upang uhmingi ng tulong pero maging si Paterno ay natulala na lamang kay Salome. "Mga kaibigan ko sila... naitanong nila kung sino ang mga kapatid ko kanina" tugon ni Danilo habang pilit na kumakawala pa rin sa pag-pingot sa kaniya ng kaniyang ate, binitiwan naman na ni Salome sa Danilo at bumati na rin sa dalawang binata na kaibigan ng kaniyang kapatid "Magandang gabi rin sa inyo mga Ginoo" bati ni Salome sabay yukod. P 19-12 Tiningnan naman ni Salome ng mabuti ang dalawang kaibigan ni Danilo. "Kung gayon, kayo'y ka-edaran lamang ni Danilo? Bakit ang pandak mo Nilong" kantyaw ni Salome sa kapatid na kinaasar naman nito. Natawa naman si Felipe at Paterno dahil sa kantyawan ng dalawang magkapatid. "K-kami'y mas nakatatanda kay Danilo, si Paterno ay dalawampu't dalawang taong gulang na at ikakasal na rin siya sa susunod na buwan... habang ako naman ay dalawampung taong gulang pa lamang" paliwanag ni Felipe sabay ngiti kay Salome. Ang kaninang kaba ay napalitan na ngayon ng labis na galak sa kaniyang puso. "At malapit na rin siyang ikasal" sabat naman ni Paterno na mukhang nawala na rin ang kaba sa presenisya ng magandang dalagang kausap nila. agad namang itinanggi iyon ni Felipe at sinagi pa si Paterno "Binibini... huwag kang maniwala sa kaibigang ito, ako'y binata pa" tugon ni Felipe, na mukhang kabado dahil baka maniwala si Salome sa sinabi ni Paterno. "Ang ibig kong sabihin ay... malapit ng ikasal itong si Felipe dahil natagpuan na niya ngayon ang babaeng pakakasalan niya" pang-asar pa ni Paterno sa kaibigan sabay akbay rito. "Mabuti kung ganoon" nakangiting wika ni Salome ngunit nagsalita na naman si Paterno. "Nais mo bang malaman kung sino ang babaeng nais maging kabiyak ng aking kaibigan?" tawa pa nito sabay akbay kay Felipe dahilan mas lalong kabahan si Felipe habang nakatitig kay Salome. "Sino? Kilala ko ba ang babaeng iyon? Imbitahan niyo na lamang ako sa kasal" tawa naman ni Salome dahilan para mas lalong mapahalakhak ang pilyong si Paterno, maging si Danilo ay tuwang-tuwa rin sa itsura ngayon ni Felipe na tumatagaktak na ang pawis dahil sa kaba. "Ang babaeng nais ligawan ng aking kaibigang ito na si Felipe ay ika- " hindi na natuloy ni Paterno ang sasabihin dahil biglang sumigaw si Nay Delia mula sa pintuan ng bahay. "Lumeng! Nilong Halikayo!" tawag ni Nay Delia, nagpaalamnaman na si Salome sa dalawang binata at umalis na roon. Hinabol naman ni Felipe si Paterno papalayo dahil sa ginawa nitong paglalaglag sa kaniya sa harapan ni Salome. Nang makalapit si Nay Delia ay agad niyang inutusan si Danilo na buhatin ang mesa at itabi na iyon, patayin na rin ang siga dahil umuwi na rin ang lahat ng bisita. Tanging sila tay Isko, Mang Berto, Mang Kiko, Mang Pedro at... Senor Fidel na lang ang nakukumpulan doon sa isang mesa sa labas. Nagulat si Salome nang makita na naroon pa si Fidel at nakatingin ito sa kaniya kahit pa nagtatawanan sila Tay Isko at ang mga kaibigan nito. "Ikaw Lumeng tawagin mo na si Senor Fidel at sabihing hinihintay na siya roon ni Ernesto sa kalsada" utos pa ni Nay Delia, magrereklamo pa sana si Salome kaso pumasok na sa loob ng bahay si Nay Delia at tinulungan na nito si Felicidad na maghugas ng mga pinagkainan. Napalingon na lang ulit si Salome kay Fidel na ngayon ay tumutungga na rin ng lambanog. Agad nanlaki ang mga mata niya at patakbong pumunta sa mesa nila tay Isko at inagaw niya kay Fidel ang lambanog na iniinom nito. "S-senor... magagalit po si Manang kapag umuwi po kayong lasing na lasing" paalala pa ni Salome, si P 19-13 Manang Estelita na kasi ang parang tumayong magulang ni Fidel dito sa San Alfonso. Lahat ng sinasabi ni Manang ay sinusunod ng binata na parang ina niya ito, kahit pa si Manang Estelita ay isang mayor doma lamang. Hindi naman magawang hawakan ni Salome ang braso o ang balikat ni Fidel dahil hindi iyon kaaya-aya lalo na sa isang dalagang tulad niya. kung kaya't tinawag niya si Ernesto at pinaalalayan si Fidel. Hindi naman na nakapagpaalampa ng maayos si Fidel dahil tinamaan na agad siya ng tapang ng lambanog. Pagewang-gewang itong lumakad sa gitna ng palayan habang inaalalayan ni Ernesto at nakasunod naman sa likod nila si Salome. Nang marating nila ang kalesa, hindi naman nahirapan si Ernesto dahil nakaya pa ni Fidel na umakyat mag-isa sa kalesa. "Sandali! naiwan ko ang gasera, madilimna ngayon sa daan" tugon pa ni Ernesto, "Ako na ang kukuha- " "Ako na, hindi moa lamkung saan ko nilagay iyong pinakamaliwanag na gasera natin, bantayan mo na lang muna dito si Senor Fidel" sambit pa ni Ernesto at dali-dali itong tumakbo pabalik sa bahay. naistatwa naman si Salome sa kaniyang kinatatayuan habang pasimpleng sinulyapan si Fidel na nakasakay na sa kalesa ngayon, habang siya naman ay nasa baba. "S-senor? Ayos lang po ba kayo?" panimula niya ngunit wala siyang narinig na sagot, "Senor Fidel? Nahihilo na po ba kayo?" ulit pa niya ngunit hindi pa rin sumasagot si Fidel. Tumingala siya upang makita si Fidel dahil medyo mataas ang kalesa, naaaninag niyang nakayuko ang binata habang nakapikit ang mga mata nito. "Huwag po kayong mag-alala maingat naman pong magpatakbo ng kabayo si kuya- " hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang iminulat ni Fidel ang mga mata nito sabay tingin sa kaniya. "M-matagal mo na bang kakilala ang mga binatang iyon?" tanong ni Fidel sabay iwas ng tingin kay Salome. Nagtaka naman si Salome dahil mukhang normal na at hindi na lasing si Fidel. "P-po? Sino pong mga binata?" taking tanong ni Salome at napaisip pa siya. "Wala" sagot na lang ni Fidel sabay sandal sa upuan. Ilang saglit pa bigla namang pumatak ang ulan, dahilan para bigla siyang mapatingin kay Salome na naaambunan na ngayon dahil nakatayo lang ito sa kalsada sa gilid ng kalesa. "Halika rito, mababasa ka ng ulan" tawag ni Fidel kay Salome sabay lahad ng palad sa dalaga. Napatulala naman si Salome sa mga kamay ni Fidel, "Lumeng... umuulan na" tawag pa ni Fidel sa natulalang si Salome kung kaya't kusa na niyang kinuha ang kamay nito at hinila papasok sa kalesa. Gulat namang napatitig sa kaniya si Salome dahil sa mapangahas na ginawa ni Fidel na paghawak sa kaniyang kamay. Nakaupo na siya ngayon sa tabi ng binata kung kaya't agad siyang napausog paatras dahil sa kaba. "P-pasensiya na... hinawakan ko lang bigla ang iyong kamay upang hindi ka mabasa ng u-ulan" paliwanag ni Fidel sabay iwas ng tingin kay Salome. "A-ayos lang po Senor" nahihiyang sagot ni Salome at hindi niya batid kung bakit ikinasaya niya ang mapanahas na paghawak ni Fidel sa kaniyang kamay. P 19-14 Kapusukan man kung ituring ngunit bakit naghahatid ito ng kuryente at ngiti sa akin. "Siya nga pala... nagagalak ako dahil nakilala ko ang buong pamilya mo, napakasaya ng inyong pamilya... napakaswerte mo Lumeng dahil buo at masaya ang pamilya niyo" patuloy pa ni Fidel habang nakatingin sa tumutulong tubig ulan mula sa bubungan ng kalesa. Ilang saglit pa, naghari muli ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tanging ang buhos lang ng ulan ang naririnig nila. napatanaw naman si Salome sa kanilang tahanan at nakita niyang kakapasok pa lang ng kaniyang itay sa bahay nila, wala na rin ang malaking siga ng apoy sa labas kanina dahil napatay na ito ng ulan. Habang ang loob naman ng bahay nila ay may maliwanag pa rin dahil gising pa ang lahat bukod kay Julio. "Lumeng..." tawag muli ni Fidel sa kaniya dahilan para bigla siyang mapalingon sa binatang katabi niya ngayon sa loob ng kalesa. Nagulat naman siya ng biglang hinubad ni Fidel ang sumbrero nito at itinapat iyon sa dibdib nito. "Ako nga pala si Delong" nakangiting tugon ni Fidel, napatulala naman si Salome sa kaniya at halo-halo na ngayon ang tumatakbo sa isipan niya. Delong? Delong ang palayaw ni Senor Fidel? "Maaari mo akong tawaging Delong kahit kailanman mo naisin" ngiti pa ni Fidel at nagbigay galang kay Salome, animo'y ito pa lang ang unang pagpapakilala nila sa isa't-isa. Hindi na napigilan ni Salome ang matawa dahil sa kalokohan ni Fidel. "Kung iyan po ang nais niyo Ginoong Delong... Ako nga po pala si Lumeng" tawa pa ni Salome at yumuko siya upang magbigay galang sa binatang kausap. Maging si Fidel ay natawa na lang din sa kalokohan nilang dalawa. Sa kalagitnaan ng gabi, habang nakasilong sa loob ng kalesa at patuloy ang pagbagsak ng ulan mula sa madilimna kalangitan, naroon si Fidel at Salome sa kalaigtnaan ng madilimat malungkot na kapaligiran ngunit pareho nilang hindi alintana ang kalungkutang hatid ng paligid dahil silang dalawa ngayon ay masayang nagtatawanan at nakangiti sa isa't-isa. "Mag-iingat ka Lumeng, sigurado ka bang kaya mo na magtungo sa hacienda mag-isa?" tanong ni Ernesto sa P 19-15 kapatid habang nakatayo sila sa labas ng bahay. alas-sais na ng umaga, patungo na si Salome sa hacienda Montecarlos, hindi naman makakapasok ngayon si Nay Delia dahil masakit ang braso nito kakaluto kahapon. "Opo kuya ako pa" magiliw na sagot ni Salome, tinapik naman ni Ernesto ang kaniyang ulo na ikinareklamo niya dahil masisira ang ayos ng buhok niya na palihimniya pang pinaghandaan kanina para makita ni Fidel ang ganda ng ayos ng buhok niya. "Ikaw talaga Lumeng, sige na" tawa pa ni Ernesto, nagpaalamnaman na sa kaniya si Salome at nagsimula na itong maglakad papunta sa hacienda Montecarlos. Hindi siya mahahatid ngayon ni Ernesto dahil kinailangan niya nang magtungo sa hacienda Alfonso para sa pamimigay ng sweldo tuwing araw ng katapusan ng buwan. Masayang naglakad si Salome sa tahimik na daan patungo sa pinakadulong barrio sa San Alfonso kung saan naroon ang hacienda Montecarlos. Napahawak pa siya sa kaniyang buhok na maingat niyang sinuklay at inayos ang pagkakapusod nito sa likod. napatigil siya sa tubig ulan na nabuo sa lubak na bahagi ng daan, nakita niya roon ang repleksyon ng mukha niya. napangiti na lang siya habang pinagmamasdan ang sarili. Naglagay din kasi siya ng kolerete sa mukha at pinapula niya muli ang kaniyang labi gamit ang asuete. Maging ang baro't-saya niya ay pinakaingat-ingatan niyang suotin kanina upang hindi ito magusot. Ilang saglit pa, hindi pa tapos si Salome sa paghanga sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang repleksyon niya sa salamin nang biglang bumuhos ang ulan. Ang malas naman! Agad napatakbo si Salome sa ilalimng isang malaking puno ng Malabulak at sumilong doon. Inis din siyang napatingin sa dulong bahagi ng kaniyang saya dahil naputikan na ito agad dahil sa ulan. Akala ko pa naman kakampi kita ulan, pero bakit ngayon hinayaan mo akong madumihan ng ganito, paano pa ako haharap niyan kay FidelNapatigil si Salome nang marinig niya at matanaw ang kumakaripas na kalesa sa di-kalayuan. Ilang saglit pa bigla iyon tumigil sa harapan niya. "Lumeng! Halika... sumabay ka na" tawag ni Fidel sa kaniya, sabay lahad muli ng palad nito, pero sa pagkakataong iyon hindi siya nakaramdamng kilig bagkus ay sakit, dahil kasama ngayon ni Fidel si Eleanor na nakaupo sa tabi nito. "Lumeng, tara na! ang lakas na ng ulan" tawag naman ni Mang Berto na siyang kutsero ng kalesa. "Lumeng" ulit naman ni Fidel, wala na siyang nagawa kundi kumapit na sa binata at sumakay na rin sa kalesa. Tatlo silang magkakatabi ngayon sa upuan ng kalesa, si Eleanor ang nas gitna at siyang nakadikit na ngayon sa bisig ni Fidel dahil masikip ang loob ng kalesa para sa kanilang tatlo. "Tara na po Mang Berto" nakangiting saad ni Eleanor, habang namumula ang pisngi nito dahil magkadikit sila ni Fidel. Samantalang hindi naman mapigilan ni Salome na mapatitig sa kanilang dalawa. Ilang saglit pa, lumingin na sa kaniya si Eleanor "Ako nga pala si Eleanor Alfonso, pamangkin ako ni Don P 19-16 Filimon Alfonso" pakilala ng napakagandang kastilang binibining iyon. Tumango lamang si Salome "Ssalome Aguantar" pakilala naman ni Salome napangiti naman sa kaniya si Eleanor at kumapit pa sa braso niya. "Napakaganda ng iyong pangalan, magaan na agada ng loob ko sa iyo, sa tingin ko ay magkakasundo tayo" magiliw na wika pa ni Eleanor habang nakakapit sa braso ni Salome, napangiti naman si Fidel dahil mukhang nakakapagpalagayan na ng loob si Eleanor at Salome. "A-ako rin" iyon na lang ang naisagot ni Salome, at sa pagkakataong iyon batid niyang mabuting tao at masiyahin talaga si Eleanor, katangian ng isang babae na makakapagpasaya sa kahit sinumang kausap nito. Sa buong byahe ay kinuwentuhan siya ng kinuwentuhan ni Eleanor, nalaman niyang noong isang linggo pa lang ito nakarating dito sa San Alfonso at pansamantala siyang nakikita sa kaniyang tiyuhin na si Don Filimon Alfonso. Marami pang kinuwento si Eleanor tungkol sa mga pangarap nito at sa ganda ng bansang Pilipinas. nalaman din niyang purong kastila talaga si Eleanor ngunit sa Maynila na ito lumaki nang ma-destino ang kaniyang ama sa Pilipinas bilang isa sa mga heneral. Pagdating sa hacienda Montecarlos ay unti-unti ng tumigil ang ulan hanggang sa ambon na lamang ito. Nauna nang bumaba sa kalesa si Fidel at inalalayan ang dalawang dalaga. Ayaw na sanang humawak ni Salome sa kamay ni Fidel ngunit baka kung anong isipin nila Eleanor at Mang Berto kung tatanggihan niya ang nakaabang na kamay ng binata para alalayan siyang makababa sa kalesa. Pagbaba ni Salome ay agad siyang bumitaw sa pagkakahawak ni Fidel bagay na pinagtaka ni Fidel kung kaya't tiningnan niya ng matagal si Salome. Nauna naman ng pumasok si Eleanor sa mansyon habang kausap si Mang Berto. "B-bakit Lumeng? Anong proble- " tanong ni Fidel sa nakayukong si Salome pero hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang may maingay na nagsalita mula sa tapat ng pintuan ng mansyon. "Buenos d�as! �Volv�!" (Good Morning! I'm back!) masigla nitong sigaw na umalingangaw pa ang boses sa buong hacienda dahil sa lakas. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome at hindi niya namalayan na napanganga siya nang mabatid kung sino ang lalaking nakatayo ngayon sa tapat ng pintuan ng mansyon. Si Patricio. P 19-17 "Patricio! �Cu�ndo llegaste?" (Patricio! When did you arrive?) masayang bati ni Fidel sabay akap kay Patricio, "Bueno, yo solo ... �Espera! �Te conozco!" (Well, I just- Wait! I know you!) saad pa ni Patricio sabay turo kay Salome. Nagtataka namang napalingon si Fidel at Eleanor kay Salome na ngayon ay nakanganga pa rin dahil sa gulat habang nakatitig kay Patricio. "C�mo sabes entre s�?" (Do you know each other?) nagtatakang tanong pa ni Fidel ngunit dire-diretso lang na naglakad pababa sa hagdan si Patricio at sinalubong si Salome at bumati sa dalaga "Ito ang ikaapat na pagkikita natin... gaya ng sinabi ko sa iyo, pagtatagpuin at pagtatagpuin talaga tayo ng tadhana" ngisi pa ni Patricio sa gulat na gulat na si Salome. At ang mas ikinagulat pa ng lahat nang biglang kunin ni Patricio ang kamay ni Salome sabay halik rito. "Nagagalak akong muling makita ka... Lumeng" ngisi pa ni Patricio sabay kindat kay Salome na ikinagulat ni Salome, na ikinangiti ni Eleanor at ikinaseryoso ng mukha ni Fidel. Halos mahimatay naman sa gulat at kaba si Salome at hindi pa rin makapaniwala na... ANG HAMBOG AT BASTOS NA PATRICIONG ITO ANG SIYA PALANG SENOR PATRICIO MONTECARLOS NA NAGMAMAY-ARI NG HACIENDA!... AT PINSAN NI SENOR FIDEL! ************************ Source of Tributo: http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Tributo DelongLumeng - 1688 NatongAleng - 2014 Luko P 19-18 Kabanata f(x - 18) 52.2K 2K 1K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 18] "Some say love it is a hunger An endless aching need I say love it is a flower And you it's only seed" -Westlife (Rose) "Do you know each other?" nagtatakang tanong ni Sir Nathan, napa-smirk naman si Bryan. "Of course kuya... I will never forget her" lokong sagot pa ni Bryan at pumasok na siya sa kotse, dahilan para mapausog ako papalayo, sinara na niya yung pinto sabay tingin ulit sa'kin, hindi pa rin mawala yung ngiti niyang nakakainis. "Long time no see... Ms.Agcaoili" hirit niya pa habang nakangiti ng nakakaloko sabay kindat sa'kin dahilan para mapanganga na lang ako sa gulat at mapangiti naman si Cassandra, samantalang hindi ko naman mabasa si Sir Nathan, wala siyang reaksyon habang nakatingin sa amin. "I never expected to see you here" ngisi pa ni Bryan at naramdaman kong umusog pa siya ng konti papalapit sa'kin dahilan para mapausog ako paatras. Teka! Shemay! "Bryan" suway ni Sir Nathan at napansin kong medyo cold ang tono ng pananalita niya. tumawa lang si Bryan at sabay niya pang tinaas ang kamay niya, tipong parang sumusurrender. "Fine... Fine... I'mjust trying to know her... better" tawa pa ni Bryan at umusog na siya papalayo sa akin. Habang ako eh nakasiksik pa din doon sa dulo ng gilid ng kotse at sobrang kinabahan ako dahil sa mga kalokohan ng bakulaw na Bryan na to. "Teenagers nowadays" tawa naman ni Cassandra at napailing-iling pa siya habang nakatingin sa aming dalawa ni Bryan. "Hayaan mo na sila, mga kabataan talaga" patuloy pa ni Cassandra habang nakangiti, hinawakan niya pa ang balikat ni Sir Nathan na mukhang hindi natuwa sa kalokohan ni Bryan kanina. Nagulat naman ako nang makita kong nakatingin ng seryoso sa'kin si Sir Nathan doon sa front mirror ng kotse, agad akong umiwas ng tingin at kinuha ko na lang yung phone ko at nagkunwaring busy. Pinaandar na ni Sir Nathan ang kotse at mas lalo akong kinakabahan kasi sa tuwing titingin ako doon sa front mirror ng kotse, titingin din si Sir Nathan Ugh! My Gosh! baka iniisip ni Sir na isa ako sa mga chicks ng babaerong pinsan niya! Agad kong tinext sila Jen, Iryn at Leana pero ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin sila nag-rereply kaya nag-kunwari na lang akong nagtetext pero naglaro na lang ako ng flappy bird. Habang ang mokong na si Bryan P 20-1 na nasa tabi ko naman ay kanina pa nagdadadaldal sa phone niya "Yes! Babe! I'll be there tomorrow night" narinig naming tugon ni Bryan doon sa kausap niya sa phone at ang landi-landi ng boses niya, napalingon naman si Cassandra sa kaniya at natawa na lang. samantalang si Sir Nathan naman ay mukhang hindi natutuwa sa mga pinagagagawa ni Bryan. Habang ako naman ay nagpaplano na sa isip ko kung paano ko ba matutulak palabas sa kotse to si Bryan. Gustong-gusto ko na siya sipain o kaya hablutin yung phone niya at itapon sa labas ng kotse kasi nakakairita yung pa-husky voice niya at kalandiang taglay habang kausap ang pangapat na chicks na tinawagan niya ngayon. Sa loob ng fifteen minutes na byahe natawagan na niya ang apat niyang babae. "Bae, I'mnot available tomorrow, sa Wednesday na lang tayo magkita" "Love, I think we should move our date on Thursday" "Sweety, are you available on Friday? I have a lot of school works and stuffs to do lately" "Oh? May naka-schedule na ba sa weekends mo?" biro naman ni Cassandra na natatawa na lang sa pinagagagawa ni Bryan. Habang eto naman si mokong ay confident pang napasandal sa upuan na parang CEO ng kompanya habang nakangisi pa rin. "Ate Cass, you know I don't go out during weekends, it's my me day" tawa pa ni Bryan, mukhang magkakilala at magkasundo rin sila ni Cassandra. Sabagay, friendly at approachable naman talaga si Cassandra at iyon ang first impression ko sa kaniya. "However, if Ms.Agcaoili ask me to spare some of my time for her, I'mwilling to give up my weekend me day" tawa pa ni Bryan sabay lingon sa'kin at kinindatan ulit ako. hindi ko alamkung maiirita ba ko na maiilang na masusuka na mandidiri na maloloka na makakasapak ng tao dahil sa pinagsasabi ng tsonggo na to. "How did you know each other?" sabat ni Sir Nathan dahilan para mapatingin kami sa kaniya, diretso lang ang tingin niya sa high way habang nagdidrive pero bakas sa tono ng boses niya na seryoso siya. Hala! nakakainis naman kasi to si Bryan di na siya nahiya lumandi at iparanig sa amin ang conversations nila ng mga girlfriends niya. Pinaikot-ikot naman ni Bryan ang phone niya at cool na cool pang inextend yung kamay niya doon sa sandalan ng kotse, buti na lang medyo malaki yung kotse ni Sir Nathan at nakasiksik na ako ngayon sa pinakagilid kaya malayo ako sa Bryan na to. "We're in the same class, sa Algebra remember kuya?" sagot naman ni Bryan, nandito na kami ngayon sa toll gate ng cavitex express way at medyo traffic kasi rush hour na rin ngayon kaya napalingon na si Sir Nathan sa kaniya. "And why aren't you attending my class?" seryosong tanong ni Sir Nathan kay Bryan. Hinawakan naman ni Cassandra ang kamay ni Sir kasi seryoso na ang itsura ni sir. Gosh! nakakatakot pala maging seryoso ang itsura ni Sir Nathan! "Nate... please" suway ni Cassandra kay Sir Nathan pero hindi siya pinansin nito, nakatingin pa rin si Sir kay Bryan na nakangisi pa rin hanggang ngayon. ramdamna ramdamko ang tensyon sa pagitan nila. naalala ko P 20-2 bigla noong first day of class at inarrange ni Sir ang seats namin in alphabetical order nung tinawag niya yung pangalan ni Bryan, walang imik at ang rebellious ng kilos ni Bryan nang umupo ito sa tabi ko. Hindi mo mahahalata na magkamag-anak pala silang dalawa kasi hindi naman sila nagpansinan noong panahong iyon. At halos dalawang buwan ng hindi pumapasok si Bryan sa klase ni Sir Nathan, at kung pumasok man siya mag-aattendance lang siya tapos tatakas na sa klase. "I just want to" diretsong sagot naman ni Bryan kay Sir Nathan pero sa pagkakataong ito hindi na siya nakangisi o nakangiti. Napatingin ako kay Sir sabay tingin kay Bryan sabay balik ulit ng tingin kay Sir. Gosh! Bakit parang may tension sa pagitan nilang dalawa? Mukhang hindi pala sila magkasundo, pero bakit? Anong nangyari? "Ate panget! Patayin mo na yung ilaw" narinig kong reklamo ni Alex sabay taklob ng unan sa mukha. Maghahatinggabi na, nakaupo pa rin ako dito sa study table namin habang abala ako sa investigation na ginagawa ko. iniistalk ko ngayon ang fb profile page ni Sir Nathan, friends na kami sa fb last month pa, inaadd ko siya. syempre naman imposibleng teacher ang mag-add mismo sa student kaya nilakasan ko na ang loob ko nung inadd ko siya noon. Hinuhukay ko lahat ng past posts ni Sir Nathan, yung iba last two years pa. Pero puro shared link at mga philosophical quotes at wise words lang ang pinag-shashare niya. kapag may nagcomment naman sa post niya nililike niya lang yung comment at hindi nirereplayan. Tiningnan ko rin lahat ng photos at albumniya sa fb, kaunti lang ang pictures at puro groupie na pictures na tinag lang siya. sa profile pic naman niya naka-private kaya walang likes o comment, dinownload ko pa nga yung profile pic niya kasi ang pogi pogi niya doon habang nakatayo sa dulo ng Maria Kristina Water falls. Ang adventurous din pala ni Sir. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitingnan ko ang profile niya, Naimagine ko tuloy bigla na mamamasyal kaming dalawa sa mga tourist spot dito sa Pilipinas. "Ayaw talaga magpatulog eh" inis na reklamo ni Alex at padabog siyang tumayo saka pinatay na yung ilaw. Kaya ayun ang dilim-dilimna sa kwarto at nasisilaw na ako ngayon sa liwanag ng laptop screen. "Busy kasi ako duhh" banat ko kay Alex pero binato niya lang ako ng unan. Shems! Kaya ayun binato ko rin sa kaniya ng malakas yung unan. Hindi naman na siya gumanti at natulog na lang. Binalik ko na lang ulit yung atensyon ko doon sa mala-CSI na pag-iimbestiga ko sa buhay ni Sir Nathan. Kaso napakunot ang noo ko dahil walang nakalagay na information about sa kaniya. Hindi rin niya nilagay yung birthday niya. tanging Madrid, Spain lang ang nakalagay doon. P 20-3 Iniscroll down ko pa hanggang sa makarating ako sa ' About me' section . Naglagay siya doon ng quote, Just Enough Remembering, Just Enough Forgetting. - Paul Ricoeur. Hindi ko alampero napatitig lang ako ng matagal doon sa nilagay niyang quote. Parang may kakaiba na naman akong naramdaman na hindi ko maintindihan. Rinig na rinig ko pa rin ngayon ang pagbuhos ng ulan sa labas. Ano ang bagay na kailangang alalahanin pero kailangan ding kalimutan? "Ngets! pakopya ng assignment!" bungad sa'kin ni Jen pagdating niya dito sa classroom. Tuesday ngayon kaya research I ang first subject namin. Gulat naman akong napatingin kay Jen. "May assignment ba?" tanong ko na ikinagulat din niya. "Ngets! Meron diba! Sinend ko sayo nung Friday!" reklamo ni Jen at pareho na kami ngayong kabado kasi wala kaming assignment! Wala pa sila Leana at Iryn, at ten minutes na lang mag- uumpisa na ang first class namin. Hala! "I-shotgun na nga lang natin" sabi pa ni Jen sabay kuha ng yellow pad at kung ano- ano na lang ang pinagsusulat niya doon. Nanghingi na lang din ako ng yellow pad sa kaniya at hinulaan ko na lang din yung 1 to 10 na research question na diagnostic quizsa amin. Pagkatapos namin manghula sakto namang dumating na ang prof namin sa research. At may pina-seat work siya sa amin. Pero hindi ko alamkung bakit hindi ako makapag-concentrate ng maaayos. Hindi naman na umuulan ngayon sa labas. medyo makulimlimnga lang ang langit pero parang hindi naman uulan. Napatulala na lang ako doon sa seatwork namin, hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung nabasa kong quote ni Sir, at bukod doon naaalala ko pa din yung paghatid ni Sir Nathan kay Cassandra sa bahay nito kagabi... "I just want to" diretsong sagot naman ni Bryan kay Sir Nathan pero sa pagkakataong ito hindi na siya nakangisi o nakangiti. Magsasalita pa sana si sir kaso siya na ang next sa toll gate kaya pinaandar na lang niya ang kotse at hindi na ulit nagsalita pa sa buong byahe. Sinusubukan namang mag-open ni Cassandra ng interesting na topic kaso mukhang wala ng gana magsalita pa si Sir at Bryan. Samantalang ako eh nagbusybusyhan sa paglalaro ng flappy bird pero ang buong atensyon ko at ang tenga ko ay nakatutok sa kanila. P 20-4 Si Bryan naman ay nanahimik din at nagsalpak na lang ng earphones sa tenga. Pero ilang saglit pa hindi pa rin sumuko si Cassandra na pagaanin ang tensyon sa loob ng kotse. Lumingon siya kay Bryan at ngumiti dito "Bry, where's your car nga pala? And what are you doing sa MOA?" nakangiting tanong ni Cassandra, tinanggal naman ni Bryan yung isang earphones niya sabay tingin kay Cassandra. "I was with my girlfriend, we watched a movie then we decided to go home but my car isn't working, iniwan ko na lang muna sa parking lot at tinawagan ko na rin si Mr. Cruz to get my car and fixed it" sagot ni Bryan, napatango naman si Cassandra habang nakangiti pa rin para mabawasan ang bad vibes aura ni Bryan. "Buti na lang pala on the way kami" saad pa ni Cassandra, binalik naman na ni Bryan ang earphones niya sa tenga niya at nakinig na lang ng music. Sa byahe, si Cassandra lang ang nagsasalita sa amin, marami siyang kinukwento at nakakatulong talaga yun para mawala ang awkwardness dahil sa seryosong sagutan ni Sir Nathan at Bryan kanina. "Dito na lang ako" sabi ni Bryan nang mapadaan kami sa SM Bacoor, ihahatid muna kasi ni Sir Nathan si Cassandra at liliko sa kanan papunta sa Mabolo, "Ihahatid ko na kayo" sabi ni Sir Nathan pero nagpumilit pa rin si Bryan na bumaba. Kaya wala ng nagawa si Sir kundi itigil yung kotse sa tapat ng SM Bacoor, umaambon na lang naman na ngayon kaya wala ng problema. "Thanks for the ride" cold na tugon ni Bryan sabay bukas ng pinto, nagpaalam na siya kay Cassandra at tumango pa sa akin. Teka! Kung ihahatid muna ni Sir Nathan si Cassandra tapos ako naman ang ihahatid niya sa Dasma mamaya, ibig sabihin magkakaroon kami ng alone time ni Sir na kaming dalawa lang! At dahil sa panic bago pa paandarin ulit ni Sir yung kotse nagsalita na ako "Sir dito na lang din po ako bababa" tugon ko, sana hindi nila mapansin ang kaba sa boses ko. "Ihahatid na rin kita" sabi pa ni sir, pero napailing na lang ako. "D-dito na lang po ako sir, may bibilhin din ako sa sm eh" palusot ko pa, nakatingin na rin sa akin ngayon si Cassandra. Obvious na ba ako? "Bukas ka na lang dumaan sa sm gabi na" sabi pa ni sir pero di siya nakalingon sa'kin, at sa front mirror niya lang ako kinakausap. "Eh... importante po kasi tsaka ang layo pa ng Dasma" sagot ko naman. Tiningnan naman ako ni sir ng seryoso dahilan para mas lalo akong kabahan. Shems! Baka atakihin ako sa puso at hindi makahinga kapag kaming dalawa na lang ni sir mamaya dito sa loob ng kotse! Mas gugustuhin kong tumalon na lang sa bintana! Pero biglang ngumiti naman si Cassandra "It's okay Aleeza, let Nate drive home mas mabuti ng safe kang makauwi sa inyo" sabi pa ni Cassandra habang nakangiti sa akin. "And malapit lang naman ang Dasma from here diba Nate, nung hinatid mo ko last Sunday sabi mo aattend ka sa birthday ng isang student mo" ngiti pa ni Cassandra. Ahh so kaya pala dumaan na rin siya sa bahay namin kasi saktong ihahatid din pala niya si Cassandra. akala ko pa naman kusa talaga siyang buumyahe mula Quezon City hanggang Dasmarinas Cavite para makapunta sa amin nung birthday ni Alex nung sunday. paandarin na sana ulit ni Sir Nathan yung kotse kaso pinigilan ko siya. "Ayy nagtext din po pala si mama P 20-5 nandito daw siya sa sm, hinihintay niya ko... sigepobye" palusot ko pa at hindi ko na hinintay pa na magsalita si Sir Nathan kasi binuksan ko na yung pinto ng kotse at dali-daling lumabas doon. "T-thank you po" paalam ko pa sa kanila at sinarado ko na yung pinto ng kotse. Agad naman akong sumilong sa main entrance ng sm kasi umaambon pa ngayon. Napalingon ako sa kotse ni sir at mukhang wala pa siyang balak paandarin yun. Shemay! Gusto niya sigurong makita na pumasok ako doon sa loob ng mall haays. At dahil kailangan kong panindigan ang kasinunggalingan ko naglakad na ako papasok sa mall at hindi ko na sila nilingon pa. Tama lang ang ginawa mo Aleeza, Hindi ka na dapat pang umepal sa love story nila. Pagpasok ko sa loob ng mall, natanaw ko si Bryan na may kausap sa phone at dire- diretsong naglalakad papunta sa kabilang exit, doon din ako papunta kaya binagalan ko ang lakad ko kasi baka makita niya ako. paglabas niya sa exit, agad siyang nagpara ng taxi at sumakay doon. Taga-saan ba ang mokong na yun? Naghintay na lang ako ng jeep at buti naman may nasakyan ako agad. "Ngets! wala ka bang balak ipasa yang seatwork?" narinig kong tanong ni Jen dahilan para matauhan ako kaya kinuha na rin niya yung yellow pad ko at pinasa iyon. Ano bang nagyayari sa akin? "Gutomlang yan ngets, tara kain tayo" sabi niya sabay hila sa'akin kanina pa pala pwedeng lumabas pag natapos na ang seatwork. Nagpaalamna kami sa prof namin at dumiretso na sa canteen. Nagtext din sila Iryn at Leana na hindi sila papasok kasi bumaha raw sa kanila kagabi, sabagay ang lakas talaga ng ulan kagabi. buti na lang hindi bahain sa lugar namin. Kumain na kami ni Jen sa canteen nasa pinakadulong table kami, tahimik lang ako at ganoon din siya dahilan para magtaka ako kasi bakit ang tahimik ngayon ni Jen na pinaglihi rin sa enervon. "Ngets? May problema ka ba?" tanong ko sa kaniya, napahinga naman siya ng malalimhabang nakatitig lang sa pagkain niya. "Wala na talaga kami ni Arthur, nakahanap na siya ng iba" sagot ni Jen, hindi ko naman alamkung sesermonan ko ba siya o papagalitan pero naisip ko wag na lang, malungkot siya ngayon at hindi tama na mas isisi ko pa sa kaniya yung problema niya. sumandal na lang ako sa balikat niya at niyakap siya. "Mag-bespren nga talaga tayo... parehong sawi" biro ko pa, napangiti naman si Jen. "Kanino ka naman sawi?" taka niya dahilan para mapaupo na ako ng diretso. Gosh! hindi pa pala niya alamna may something ano akong nararamdaman kay Sir Nathan. "Huh? ang ibig kong sabihin ay zero love life din ako ngayon" sabi ko na lang at sinubukan kong tumawa. Napatango na lang si Jen mukhang wala siya sa mood echeosin ako ngayon. pinagpatuloy na namin ang pagkain namin nang bigla kaming mapatingin sa entrance door ng canteen dahil may grupo ng kalalakihan na P 20-6 naka-jersey at ang ingat-ingay. Yung tipong nakakairita kasi halatang nagpapapansin lang. "Pag nakikita ko sila naaalala ko si Arthur" naiinis na tugon ni Jen sabay tusok ng matalimniyang hawak na tinidor doon sa fried chicken. "Tama ka! mga mayayabang na feeling pogi at walang ginawa kundi mangolekta ng babae" pag-sangayon ko naman at sinaksak ko rin ng tinidor yung fried chicken na kinakain ko. mas lalo akong nainis nang makita ko doon si Bryan na nakikipag-high five pa sa mga kasamhan niyang manggogoyo. Habang ang mga girls naman ay hindi na magkamayaw sa kilig habang tinitingnan sila. Ang ingay nila sa canteen, parang sila ang hari at batas dito. Nagpapasahan pa ng bola si Bryan at yung isa tatlo pang f*ckboy. Sana masapol sa mukha ang mga mokong na to ng bola. Binilisan na lang namin ni Jen kumain at lumabas na sa maingay na canteen dahil pagdating nila. napayuko na lang ako nang mapadaan kami sa table nila kasi malapit lang sila sa entrance door ng canteen, "Babe!" narinig kong tawag ni Bryan dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at mapalunok sa kaba. Napatigil din si Jen at napalingon sa akin. "I miss you" habol pa ni Bryan, dahan- dahan akong napalingon sa kaniya sa likod at laking gulat ko kasi naglalakad na siya ngayon papalapit sa akin. "T-teka- " hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi nilagpasan ako ni Bryan at dire-diretsong humalik sa pisngi ni Stacy Miranda na nakatayo sa entrance door ng canteen. Whew! Nakahinga na ako ng maluwag nang marealize ko na hindi naman pala ako yung tinawag ni Bryan na Babe. Grabe! Muntik na ako doon ah. "Ngets? bakit ka tumigil sa paglalakad? may bibilhin ka pa ba dito?" nagtatakang tanong ni Jen. Ahh kaya pala tumigil din siya sa paglalakad at napalingon sa akin kasi akala niya may bibilhin pa ako dito sa canteen. "Tara na nga" sabi ko na lang at hinila ko na siya papalabas sa canteen, hindi naman kami napansin ni Bryan kasi busy siya makipaglandian kay Stacy doon sa pintuan. Mahuli sana kayo ng prof at masuspend dahil ang PDA niyo ha ha! Kinagabihan, pagkatapos ko maghugas ng pinggan tumabi muna ako kay mama at papa na nanonood ngayon ng teleserye sa salas, habang si Alex naman ay busy sa pag-aaral dahil bukas na ang contest nila para sa Physics category Kinuha ko na lang yung phone ko at naupo na parang reyna doon sa sofa. Nag-online na ako sa fb at laking gulat ko nang makita ang isang friend request galing kay... Bryan. Aba! Aba! Aba! Mukhang hindi titigil ang mokong na to hangga't hindi nauubos ang lahat ng babae sa buong mundo ah. at dahil sa inis dinecline ko yung friend request niya. mas lalo pang nakakainis yung profile pic niya, naka-topless siya habang enjoy na enjoy ang sunset sa Boracay. P 20-7 Nag-messenger na lang ako at muntikan ko pang mabitawan yung phone ko nang makita ang isang 1 message request doon. Galing na naman kay Bryan. Hindi ko inaccept ang friend request niya at naka-private ako kaya nasa message request ang chat niya. binuksan ko na iyon... Hi Aleeza ?? (2 minutes ago) In-allow ko yung pmniya pero sineen ko lang siya. wala sigurong magawa ang bakulaw na to kaya ako ang balak niyang pagtripan ngayon. Seen? ?? (15 seconds ago) Shems! 'Active Now' pala siya ngayon! sineen ko na lang ulit yung pmniya at nag- offline na. Whew! Gabinggabi na nanggugulo pa siya ng may buhay ng may buhay. Ugh! Kinabukasan, wala kaming Algebra class kasi nasa theater hall si Sir Nathan dahil siya ang mentor ni Alex sa Academic Pasiklaban in Physics Category. Nanonood naman kami ni Jen ng contest ni Alex at natatawa pa ako kasi natuod lang kanina si Alex nang i-goodluck siya ni Jen bago magsimula ang contest. Nandito na rin sila Iryn at Leana, hindi sila pumasok sa klase nila para makinood lang din. Nagsisimula na ang contest, nasa easy level pa lang. seryosong-seryoso naman si Alex habang nag-sosolve doon ng mga physics equation. "Ang Chinito pala talaga ng kapatid mo Aly, ang gwapo niya sa malayuan" tawa pa ni Iryn nandito kasi kami ngayon nakaupo sa pang-upper box na pwesto ng seats. "Pag malapitan na panget na yang kapatid ko" tawa ko naman habang iniinomko ang zesto apple juice na dinala nila Iryn at Leana kanina. "Gwapo talaga yan si Alex kaya nga nabighani ang kapatid ko diyan eh" sabat naman ni Jen, mukhang hindi pa pala niya nasesense na may crush ang kapatid ko sa kaniya. "Magkamukha nga kayo Aly eh, parang si Alex ang lalaking version mo" tawa naman ni Leana. Tiningnan ko naman siya ng masama, "So pag malayuan lang ako maganda? Pag malapitan na panget na?" reklamo ko pero tinawanan lang nila ako at hinampas pa sa braso. "Ikaw nagsabi niyan ehhh" Kinurot ko naman si Leana pero nakaiwas siya at nasagi si Iryn kaya gumanti ito at nakiganti na rin si Leana, sumabay pa si Jen at mukha na kaming ngayong apat na nagrurumbolan dito sa audience seats ng theater hall habang nagtatawanan. Ilang saglit pa sinuway kami nung isang babaeng mentor teacher na nasa likod at nagulat ako nang makitang napalingon din sa amin si Sir Nathan na naroon din. Shems! Napaayos na lang kami ng upo pero pinipigilan pa din ni Jen, Iryn at Leana ang tawa nila. samantalang ako eh P 20-8 napatitig na lang kay Alex kasi nakikita ko sa peripheral view ko na nakatingin pa rin sa amin si Sir Nathan. My Gosh! Nagpa-busy na lang ako kunware na iniintindi ang bawat questions sa contest nila Alex habang ubos iniinom ko yung juice. Natetense pa rin ako kasi naaaninag ko pa ring nakatingin si Sir Nathan sa amin. Whew Aleeza! Baka naingayan lang si Sir Nathan sa inyo kanina kaya ayan tinitingnan kayo para tumahimik kayo. Agree? Agree! Ilang saglit pa nagulat ako nang biglang magsalita si Leana "Ohmyy! Yung katabing girl ni Sir Nathan nakita kong kasama rin niya iyon kahapon dito sa school" turo pa ni Leana doon sa napakagandang babaeng nakayello dress na nakatayo sa kanan ni Sir Nathan... si Cassandra. Anong ginagawa niya dito? "Balita ko college sweethearts daw si Sir at ang babaeng yan... ano nga ulit pangalan niya? Cassey? Cassie?" tugon pa ni Iryn habang nag-iisip mabuti. "Cassandra kasi" pag-correct naman ni Leana. "Oo yun nga Cassandra Rivera, college sweethearts sila noon ni sir at hanggang ngayon sila pa rin ata" patuloy pa ni Leana at mukhang kinikilig sila. Bigla kong naalala noon na sinabi ni Sir Nathan na single siya, nagsinunggaling lang pala siya. sabagay, baka gusto lang noon ni Sir maging pribado ang buhay niya... lalo na ang buhay pag-ibig niya. "Tingnan mo ang ganda ng ngiti ni Cassandra, at mukhang may sparks sila ni Sir Nathan" usisa pa ni Iryn at kinuha niya pa yung phone niya para picturan sila. "Huy! Wag mong ipopost yan baka masuspend ka" suway ni Jen kay Iryn pero ngumisi-ngisi lang ito. "Syempre hindi ko ito ipopost, gusto ko lang ng remembrance at proof na may prinsesa na si prince Nathan" tawa pa ni Iryn. Mukha namang masaya silang tatlo na may love life na si Sir kahit pa crush na crush nila si Sir. Eh bakit ako... hindi masaya? Nakakainis naman! Kinagabihan, bumili ng cake at lechon manok si papa dahil icecelebrate naming apat ang pagkapanalo ni Alex sa contest. Nakuha niya ang first place at hindi ko na naabutan yung awarding kasi umalis na ako dahil sa inis ko kay Sir Nathan. Sana sinabi na lang niya noon na hindi siya single... bakit kailangan niya pang magsinunggaling? Teka nga! bakit ba ang demanding ko? wala naman akong koneksyon sa kaniya. Ugh! Naloloka na ko! Pagkatapos namin kumain, ako na ang nag-volunteer maghugas ng plato, nag-map pa ako ng sahig, naglinis ng salas, nagwalis, nagpunas ng clutter, nagkuskos ng mga kaldero at kawali, naglinis ng ref, naglinis ng kubeta. "Oh? Aleng bakit ba ngayon ka naglilinis ng bahay? mag-hahating gabi na" puna sa'kin ni mama, kakatapos P 20-9 lang nila manood ni papa ng teleserye at ngayon ay matutulog na sila. Kasalukuyan naman akong nagkuskos ng inidoro. "Wala lang ma, trip ko lang maglinis ngayon" sabi ko na lang habang kinukuskos yung inidoro. Sabi nga nila, maglinis ka daw ng bahay lalo na kapag naiinis ka para doon mo maibuhos lahat ng inis mo. "Matulog ka na, may pasok ba bukas" sabi pa ni mama at umalis na siya. napatitig na lang ako doon sa inidoro namin na puting-puti na ngayon at kumikintab dahil sa sobrang linis. Sawi man ako sa pag-ibig at least kayang-kaya ko magpakintab ng inidoro. Kinabukasan, maaga ako pumasok pero hindi ako pumasok sa Algebra class, hindi ko alamkung bakit dinala na lang ako ng paa ko papunta dito sa football field. Halos isang oras pa ako tumambay doon habang tinatanaw sa malayo ang varsity ng football ng school namin. Maaliwalas ang kalangitan habang masiglang naglalaro ang team, nakaupo ako ngayon sa pahagdan na upuan ng audience sa palibot ng football field. Pero nagulat ako nang biglang may malaking bag ang bumagsak sa tabi ko. paglingon ko sa gilid tumambad sa harapan ko si Bryan. "Sineen mo ako tapos ngayon nandito ka para hanapin ako" nakangising tugon ni Bryan at umupo siya sa tabi ko. agad naman akong napausog papalayo sa kaniya. Naka-foorball uniformdin siya katulad nung mga naglalaro na teamdoon sa football field. Mukhang bagong ligo lang siya kasi basang- basa pa ang buhok niya. Shocks! Oo nga pala! Sineen ko lang siya noong isang gabi nung chinat niya ko! "Bry!" tawag sa kaniya nung isa niyang ka-teampero kumaway lang siya at sumenyas na sandali lang. magsasalita pa sana siya kaso biglang may dalawang magandang chicks na ka- schoolmate namin ang napadaan sa harap namin, "Hi Bry!" bati nila sabay flip ng hair, napangiti naman si Bryan sa kanila, yung ngiting flirt "Hi girls! See you tonight" "Are you going ba sa party ni Jake?" kikay na tanong nung isang matangkad na girl. "Of course, I'll be there" ngisi pa ni Bryan. Kinilig naman yung dalawang babae at nagpaalamna. "What?" natatawa niyang tanong sa'kin kasi binigyan ko siya ng ang-hangin-hangin- mo-talaga-look. "Wala... I just can't believe na may mga katulad mong nag-eexist sa mundo" banat ko pa at akmang aalis na lang pero nagulat ako kasi hinawakan niya yung bag ko para pigilan ako. Hinila ko naman yung bag ko pero ayaw niya bitawan at tinatawanan pa rin niya ako. Ano bang problema ng mokong na to? "I can't also believe na may nag-eexist na conservative na tulad mo" banat naman niya, nakakainis talaga! "Hindi ako ganun ka-conservative... hindi lang ako tulad mo na manggogoyo" P 20-10 "Whoa. What's mang-goyo-goyo?" tawa niya pa, sinubukan ko pang hilahin yung bag ko pero ayaw niya pa rin bitawan. "Manggogoyo kase!" "And what's the meaning of that?" ngisi niya pa at mukhang nag-eenjoy siya ngayon makipag-agawan sa akin ng bag ko. Ughhh! "Basta! Akin na nga!" inis kong tugon at hinila ko ng mas malakas yung bag ko dahilan para mabitawan na niya, hindi pa rin siya maawat sa pagtawa. Bwiset talaga! napatingin naman na siya sa oras at mas lalo pang ngumiti ng nakakaloko "Algebra class natin ngayon ah, what are you doing here?" tanong pa ni Bryan habang nakangisi pa rin sa akin. Napakunot na lang ang noo ko sa kaniya. Habang pinapagpagan ko ang bag ko. "Eh bakit ikaw may pa-football football ka pang nalalaman" banat ko naman sa kaniya. Halos tatlong beses nga lang siya pumasok noon sa klase ni Sir Nathan eh. Mas lalo namang napakunot yung kilay ko kasi tinawanan lang ako ng mokong na to. "I've already drop that stupid subject" sagot ni Bryan habang nakangisi pa rin, para namang nagpintig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Tinawag niyang stupid ang Algebra! Gera na to! "Ikaw talagaa- " "Hey! Hey! Chill... I'mjust kidding" tawa pa ni Bryan at napahalakhak pa siya sabay kinuha niya ang bag niya at dali-daling tumakbo papunta sa football field at tinatakasan ako. kanina pa ko nanggigil na sabunutan siya! Ughh! "See you around My Lady!" pang-asar pa niya habang tumatakbo papalayo sa akin ng nakangisi pa rin at kumakaway pa. nakakainis talaga silang mag-pinsan! Lunch time na, pinuntahan ko si Alex sa building nila para ihatid ang perang baon niya kasi sa akin binigay iyon ni papa kaninang umaga bago siya magsimulang magpasada. Nakalimutan ko namang iabot iyon kay Alex kasi maaga akong umalis ng bahay kanina. Napasilip naman ako sa pa-rectangle na salamin sa pintuan ng classroomnila. wala ng estudyante doon, aalis P 20-11 na lang sana ako kaso nagulat ako nang bigla kong makita si Sir Nathan na nakaupo doon sa desk sa gitna. Huli na para makapagtago ako kasi nakita na niya ako, tatakbo na lang sana ako papalayo kaso bigla siyang tumayo at dumungaw doon sa pinto. "Agcaoili" tawag niya dahilan para mapatigil ako sa pagtakas. Napalunok na lang din ako sa kabab ago ako lumingon sa kaniya kasi sobrang lakas na ngayon ng kabog ng dibdib ko. "Y-yes sir?" sinubukan kong ngumiti para hindi niya mahalata na balak ko sana siyang takbuhan kanina. "Follow me" tipid na sagot ni Sir Nathan at binuksan niya ng malaki yung pinto, napahinga na lang ako ng malalimsaka naglakad papasok sa classroomna iyon. Shemay! Bakit naman kung kelan iniiwisan mo ang isang tao matatrap at matatrap ka pa rin kahit anong mangyari haays. Sinara na ni Sir Nathan yung pinto at hinarap ako. nakatayo lang kami doon sa likod ng pinto ng classroom. Ginala ko na lang yung mata ko sa paligid, ang awkward talaga! "Whoa. Sir ang sipag niyo naman" sabi ko na lang at naglakad ako papunta doon sa desk niya kung saan nagcocompute siya ng grades. Naramdaman kong naglakad siya papalapit sa'kin kaya umikot ako sa kabilang side nung desk at nagkunwaring tumingin-tingin ng mga libro doon. "Buti pa kayo sir may time magbasa-basa, ang galing niyo talaga mag-manage ng time" patuloy ko pa, ramdamko na ngayon ang butil ng pawis na tutulo na sa noo ko dahil sa kaba. Whew! Naglakad si sir paikot doon sa mesa kaya umikot din ako "Ayy Sir kailangan ko na pala umalis, mayklasepako" mabilis kong tugon at akmang aalis na pero nagulat ako kasi biglang humarang si Sir Nathan sa dadaanan ko. Gosh! Nakatingin na siya ngayon ng seryoso sa'kin "Nandito ka lang pala, bakit hindi ka pumasok sa klase ko kaninang umaga?" seryosong tanong ni Sir dahilan para mapalunok na lang ako at umurong yung patulong pawis sa noo ko dahil sa sobrang kaba. "Ahh- kakapasok ko lang sir, na-late kasi ako ng g-gising hehe" sinubukan ko pang tumawa-tawa kahit medyo awkward na talaga, mas lalo namang naging awkward kasi hindi naman tumawa si Sir, seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin. "Bakit ka na-late ng gising?" tanong niya pa. Shems! Bakit ang dami niyang tanong? Hindi ko naman pwedeng sabihin na maaga naman akong pumasok kanina kaso ayoko lang siyang makita kaya hindi ako pumasok sa klase niya. Haays. "Uhh- masama lang po pakiramdamko" tama! Sakit-sakitan ang effective na palusot dito. "Sige po sir aalis na ko" habol ko pa pero humarang pa rin siya sa dadaanan ko. Shemaay! Ano baaa! "Sir may klase pa- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nagulat ako sa ginawa niya. P 20-12 Bigla niyang hinipo ang noo ko. "Alagaan mo ang sarili mo... nag-aalala ako sayo Aleng" diretso niyang tugon habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. sandali namang tumigil ang pagikot ng mundo ko habang gulat na nakatingin sa kaniya. Dugdugdugdug. Nang matauhan ako ay bigla akong napahakbang paatras dahilan para matauhan din si Sir at ibinaba na niya ang kamay niyang nakahawak sa noo ko kanina. "Uh- sige po" paalamko na lang ulit at dali-dali na akong lumabas doon sa classroom. Tumakbo pa ako pababa sa hagdan at nang makalayo na ako napasandal ako sa pader at napahawak sa tapat ng puso ko. Kung nag-aalala ka sa'kin Sir... wag mo na sana pang guluhin ang puso't isipan ko. Kinahapunan, bumaba ako sa canteen para bumili ng miryenda, tinatamad kasing bumaba sila Jen dahil nanonood sila ngayon ng movie sa laptop na dala ni Iryn. Kaya ako na lang ang bumili ng snacks namin habang nag-momovie marathon, wala kasi kaming prof ngayon sa last subject at tinatamad pa kami umuwi. Habang namimili ako ng chichirya nagulat ako nang biglang may magsalita sa gilid ko "Junk foods aren't good to your health" tugon ni Sir Nathan habang nakasuksok yung kamay niya sa bulsa niya at nakatitig doon sa mga chichirya. Sheeems! "Oo nga noh" sabi ko na lang sabay ngiti ng pilit at akmang aalis na pero nagsalita ulit si Sir "Hinahanap ka ni Alex kahapon sa awarding" habol pa niya, napalingon naman ako sa kaniya at nakita kong nakatingin na siya ng diretso sa akin. Itatanong pa siguro niya sa'kin to kanina nang ma-corner niya ko sa classroompero buti na lang nakatakas na ako. "Ahh- k-kasi- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang dumating si Cassandra at may daladala siyang dalawang starbucks coffee. "Babe..." ngiti niya kay Sir Nathan sabay abot nung isang coffee, napatingin na rin sa akin si Cassandra at ngumiti rin siya sa'kin "Hi! Aleeza... you look wonderful today" magiliw niyang bati, napatingin naman ako sa glass window ng canteen. Anong wonderful sa'kin? mukha nga akong palaboy ngayon eh. "By the way, kumain ka na ba? Come on join us" patuloy pa ni Cassandra at humawak na siya sa braso ko para hilahin ako sa table nila ni Sir na nasa dulo. Shems No! Buti na lang saktong papasok si Sir Albert sa canteen kaya agad ko siyang tinawag bago pa ako mahila ni Cassandra. "Sir Albert! Kanina ko pa kayo hinahanap!" tawag ko kay Sir Albert na napatingin sa amin. May hawak siyang tungkod bilang suporta sa paglalakad. "Uhm... sige po mauna na ko, next time na lang" diretso kong sabi sabay bitaw sa pagkakahawak ni Cassandra at tumakbo ako papunta kay Sir Albert. "Okay... see you around Aleeza" ngiti pa ni Cassandra at naupo na sila ni Sir Nathan doon sa pinakadulong table. P 20-13 Nagtataka namang nakatingin sa akin si Sir Albert nang makalapit ako sa kaniya, nakatayo siya ngayon sa counter ng canteen at bumibili ng banana que. "Bakit hija?" "Ahh�wala lang sir, hi!" sagot ko na lang, magpapaalamna rin sana ako kay Sir Albert para makaalis sa lugar na iyon kaso nakita kong nakatingin sa akin si Sir Nathan, gosh! sinabi ko nga pala sa kanila ni Cassandra na kanina ko pa hinahanap si Sir Albert tapos ang weird kapag umalis ako agad. Ugh! Kailangan ko na naman panindigan ang kasinunggalingang ito. "May nais ka na namang malaman anak?" nakangiting tanong ni Sir Albert, napatango na lang ako. okay so mukhang ma-tatrap muna ako dito sa canteen saglit. Gusto ko na makaalis dito. Napatingin naman ako kay Sir Albert na mukhang naghihintay ng sagot ko, haays "Opo tatang" sagot ko na lang, "Tara dito kwekwentuhan kita" ngiti pa ni Sir Albert at naglakad siya papunta sa isang table at naupo doon. Umupo naman na ako sa tapat niya at ang malas lang kasi natatanaw ko ngayon sila Sir Nathan at Cassandra na nag-uusap. Tumatawa pa si Cassandra at hinahampas ang braso ni sir. "Ano bang gusto mo malaman hija?" tanong ni Sir Albert sabay kagat doon sa banana que, binilhan niya rin ako ng isang banana que, tinanggihan ko naman iyon kaso mas nakakahiya kapag tinanggihan ang grasya. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Sir Nathan at Cassandra na nasa pinakadulong table. At nasa likod nila ang malaking bintana. Napansin kong nagsimula ng pumatak ang ulan ngayon, mukhang uulan na naman kailangan kong makauwi ng maaga mamaya baka mastranded ulit ako sa ulan. "Aleeza?" tanong pa ulit ni Sir Albert dahilan para matauhan ako. Oo nga pala tinatanong niya ako kung anong gusto kong malaman... Ah! "Sir totoo po ba ang mga alamat?" tanong ko sa kaniya, napangiti naman si Sir sa tanong ko. "Hindi pa ba napapaliwanag iyan sa inyo noong elementary?" taking tanong ni Sir. Napailing naman ako, hindi ko lang siguro matandaan kasi baka hindi ako nakikinig noon sa teacher. "Osige makinig kang mabuti..." panimula ni Sir Albert at nagsimula na siyang magkwento... Ang alamat (legend /folklore) sa wikang Ingles ay isang kwentong maaaring kathang- isip lamang o may bahid ng katutohanang tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan. Karaniwan nang nakapaloob sa isang alamat ang kagitingan o kabayanihan ng ating mga ninuno. Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito. Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. "Posible po kayang totoo ang alamat?" tanong ko pa kay Sir, napangiti at napailing naman si Sir Albert. "Gaya nga ng sabi ko hija, ito'y kathang isip lamang... ngunit kahit ganoon hindi ko masasabi walang katotohanan ang ilan sa mga ito" paliwanag pa ni Sir Albert, napaisip pa tuloy ako ng mabuti. P 20-14 "Karamihan sa alamat ay hindi alamkung sino ang may akda nito, pero alamnaman nating lahat ng kwento ay may kaakibat na katotohanang bahagi ng buhay ng isang may akda, paano ka makakagawa ng kwento kung wala kang karanasan mismo dito?" patuloy pa ni Sir na mas lalong gumulo sa isip ko. "Eh bakit nakakasulat ng mga kwentong patayan at digmaan ang mga kilalang manunulat kung wala naman po silang karanasang pumatay o makidigma" pilosopo kong tanong dahilan para matawa na lang si Sir Albert. "Hija, sa panahon ngayon marami ng mga istorya at palabas na may patayan at digmaan, hindi ba naaapektuhan ka sa mga eksenang ganoon? Kung kaya't lahat tayo ay may kakayahang magsulat ng mga ganoong bagay kahit pa hindi natin naranasan ang mamatayan o sumoong sa gyera" paliwanag pa ni Sir. Napatango-tango na lang ako, sabagay may point naman talaga si sir. "Pero may iisang bagay na mahihirapan kang isulat kung hindi mo pa ito nararanasan..." patuloy pa ni Sir at napatingin ako sa kaniya sabay kagat sa banana que. "Anow pow yown swer?" natawa na lang ako kasi napalaki yung subo ko doon sa banana que. Natawa rin si Sir Albert kasi mukhang mabubulunan na ako pero nakaya ko pa naman, ilang saglit pa nalunok ko na ulit yung pagkain "Sorry sir, nagutomlang" Napailing-iling naman si Sir Albert habang natatawa pa rin at tumayo na siya "Wait Sir, di niyo pa po nasasabi kung ano yung isang bagay na tinutukoy niyo na hindi maisusulat ng isang tao kapag hindi niya pa ito nararanasan" habol ko pa, napalingon naman sa'akin si Sir Albert. "Pag-ibig hija... hindi makagagawa ang sinuman noon ng alamat na patungkol sa pag- ibig kung hindi naranasan ng taong iyon ang umibig" paliwanag ni Sir Albert at tuluyan na siyang umalis. Naiwan naman akong nakatayo doon sa daanan ng canteen at sa huling pagkakataon ay napalingon ako kay Sir Nathan na nakatingin sa mga mata ni Cassandra ngayon habang nagtatawanan at nagngingitian silang dalawa. Nagwakas man sa kalungkutan ang Alamat ng Ulan... ngunit kahit papaano nabuo ang alamat na iyon dahil sa pag-ibig. Hindi man nagkatuluyan ang diwata at ang binatang iyon. Sa huli, ang pag-ibig pa rin ng diwata para sa binata ang nanaig nang magpaubaya ito at hinayaan ang mahal niya na maging masaya na sa piling ng iba. Sa piling mismo ng babaeng mas nararapat sa kaniya. **************** Featured Song: P 20-15 'Alangan' by Zsaris Source of Alamat History: https://www.scribd.com/doc/231557907/Ano-Ang-Alamat "Alangan" by Zsaris hayaanmo sila, sigesige maglibangwag kangmagpakahibang dapatay itawalang ?????? Malayo nga dadaan pa kayo ng rosario cavite?? P 20-16 Kabanata f(x - 19) 50.7K 2.4K 1.4K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 19] Our Asymptotically Love Story (page 141 - 156 ) Ika-Siyamna Kabanata Filipinas 1688 "Nagagalak akong muling makita ka... Lumeng" ngisi pa ni Patricio sabay kindat kay Salome na ikinagulat ni Salome, na ikinangiti ni Eleanor at ikinaseryoso ng mukha ni Fidel. Agad inalis ni Salome ang kamay niyang hawak-hawak pa rin ni Patricio dahilan para mas lalo pang ngumisi si Patricio dahil sa gulat na gulat na itsura ni Salome. Por Dios, Bakit? Bakit ang lalaking ito pa ang siyang may-ari ng hacienda! Naalala ni Salome ang mga pinagsasabi niya noon kay Patricio nang maka-ilang ulit silang nagkatagpo sa palengke. "Paumanhin Ginoo ngunit sa tingin ko ay kailangan mo ng magpatingin sa manggagamot dahil malala na ang sayad ng iyong utak" "Kilala na kita! At alam ko ang iyong mga gawain, isa kang hambog, matapobre at bastos na ginoo!" P 21-1 "Kainin mo iyang pilak mo at sana matunaw iyan sa halang mong bituka!" "Iyong tandaan Ginoo, Hindi lahat ng nabibilang sa mababang uri ay magsusunod- sunuran sa inyo, at kailanman ay hindi ako yuyukod o luluhod sa mga katulad niyo na walang ginawa kundi hamakin kaming mga tunay na nagmamay-ari ng bansa- " Napalunok na lamang si Salome sa lahat ng naalala niyang sinabi niya kay Patricio noong wala pa siyang ideya na ang lalaking nakakaengkwentro niya sa palengke ay si Senor Patricio Montecarlos pala! Siguradong matatanggal ako nito sa trabaho! "Oh? Anong pang hinihintay niyo? Tara na sa hapag masamang pinaghihintay ang pagkain" tawag pa ni Manang Estelita na nakatayo na sa tapat ng pinto, "Opo Manang" nakangiting tugon ni Patricio at dali-dali siyang nagtungo kay Manang upang sabayan ito sa paglakad at nagkwentuhan pa sila. "Tara na, ipagpatuloy na lang natin ang usapan sa hapag" aya pa ni Eleanor at sumunod na ito sa loob, inaya na rin niya si Mang Berto na mag-almusal na dahil maaga pa silang umalis kanina papuntang bayan upang magsimba. Nakangiti namang tinanggap ni Mang Berto ang paanyaya ni Eleanor na sumabay na siya sa almusal. Samantala, naiwan pa ring tulala si Salome na nakatayo sa gilid ng kalesa habang pilit na pinapakalma ang sarili. Mas lalo pa siyang kinabahan nang alalahanin niya ang mga walang pakundangang salitang binato niya noon sa harap mismo ni Patricio. "Lumeng... Tayo na sa loob" tawag pa ni Fidel dahilan para matauhan si Salome at dire-diretso nang naglakad papasok sa loob ng mansyon habang ang ekspresyon ng mukha niya ay hindi na ngayon maipaliwanag dahil sa kaba. Hindi na rin mapakali ang mga daliri niyang papintik- pintik na ngayon. Sumunod naman sa kaniya si Fidel habang maigi siyang pinagmamasdan hanggang sa dumirertso ang dalaga paliko sa kusina. "Senor Fidel, maupo na ho kayo, ako na po ang kukuha ng kailangan niyo sa kusina..." tugon ni Susana habang inilalapag ang mga prutas sa hapag. Hindi namalayan ni Fidel na hanggang sa kusina ay muntikan na niyang sundan si Salome, kung kaya't ang lahat ay nakatingin na sa kaniya ngayon at nagtataka kung anong gagawin niya sa kusina. "K-kuhaan mo na lang ako ng keso Susana, Salamat" wika ni Fidel at naglakad na papunta sa kaniyang silya. Nakaupo sila ni Patricio sa magkabilang dulo ng hapag, habang si Eleanor naman ay nasa tabi ni Fidel, si Manang Estelita at Mang Berto ay inanyayahan din ni Eleanor na maupo kasama nila sa hapag. Inanyayahan P 21-2 din ni Eleanor ang mga tagapagsilbi na sina Ising, Piyang at Susana na na nakatayo sa gilid nila ngunit tumanggi ang mga dalaga dahil sa hiya. "Nasaan nga pala si Salome?" tanong pa ni Eleanor, nais din sana niyang imbitahan sa hapag si Salome ngunit nawawala ito. "Marahil ay nagpakain na po si Salome ng mga manok Senorita Eleanor" sagot ni Susana, ipapatawag pa sana ni Eleanor si Salome ngunit sinabi ni Manang Estelita na hindi dapat pinaghihintay ang pagkain kung kaya't nagdasal na sila at nagsimulan ng kumain. "Kailan ka pa dumating Senor Patricio? Bakit hindi mo man lang kami sinabihan" panimula ni Eleanor, napapunas naman sa bibig si Patricio gamit ang puting tela na nasa hita niya bago siya nagsalita "Ikaw rin naman Binibining Eleanor sinurpresa mo rin naman ang lahat sa iyong pagdating dito sa San Alfonso" nakangiting tugon ni Patricio, sanay na ang lahat ng nakakakilala sa kaniya na sadyang may pagka-pilyo ang binatang ito. "Paano mo nalaman na kamakailan lang dumating dito si Eleanor?" nagtatakang tanong ni Fidel sa pinsan. Napangisi naman si Patricio isang senyales na may ginawa na naman itong kalokohan na hindi ikatutuwa ng nakatatanda niyang pinsan na si Fidel. Limang taon lamang ang tanda ni Fidel kay Patricio ngunit nang dumating si Patricio mula sa Espanya noong nakaraang apat na taon ay nakitira muna siya kay Fidel sa Maynila. Ilang buwan lamang ang lumipas ay nakilala niya si Don Filimon Alfonso na noo'y alcalde mayor ng San Alfonso na inimbitahan ng gobernador-heneral sa Maynila. Si Patricio ay may dalang napakaraming salapi mula Espanya na minana niya sa kaniyang ama. at ito ang ginamit niyang puhunan upang makabili ng mga lupain sa San Alfonso. Si Don Filimon Alfonso ay kilala ring encomiendero, ang kaniyang lolo na si Tay Silong ang nagbungkal at naggapas ng mga lupain sa San Alfonso at ang sinasabing unang nanirahan dito hanggang sa madiskubre nila Padre Bernardo at Padre Rogelio ang lalawigan ng San Alfonso noong 1630 Hinikayat ng dalawang paring Pransiskano si Tay Silong na magpabinyag sa Katolisismo, si Tay Silong ay naniniwala sa mga anito, diwata at mga engkanto at si Inay Laya na isang babaylan ang nangunguna noon sa mga ritwal at dasal para sa mga bathala. Ngunit nang mahikayat ng nga kastilang pari si Tay Silong nagbago na ang lahat. Nagpasimula at nagtayo ang mga paring kastila ng isang nayon sa San Alfonso katuwang si heneral Amadeo Alonzo. Pinatupad nila ang 'reduccion' kung saan tinipon nila ang mga katutubo at mamamayan ng San Alfonso sa isang bagong lugar na pinili ng mga misyonero na may kaayusang kolonyal at nakasentro sa simbahan, plaza at munisipyo. At ang sentro ng lahat ng komersiyo at panlipunang aktibidad ay naka- sentro na ngayon sa Pueblo. Makalipas lang ang animna taon hindi na nagustuhan ni Tay Alfonso Silong ang pagpapasailalimsa mga Kastila, maging ang babaylan na si Inay Laya ay siniraan at tinawag na mangkukulam. Ang mga ritwal at aktibidad ispiritwal na ginagawa ni Inay Laya ay tinuturing na gawain ng demonyo. Si Tay Silong at Inay Laya ay malapit na magkaibigan, kung kaya't nang patigilin si Inay Laya sa pagiging babaylan at ipatapon noon sa isang isla ay labis na kinagalit ni Tay Silong at ng mga mamamayan ng San Alfonso, nagbalak sila mag-aklas noon laban sa Espanya ngunit ang anak ni Tay Silong na si Tino Alfonso ay tapat at panig sa mga Kastila kung kaya't ibinunyag niya ang pagaaklas na gagawin ng kaniyang ama. Hindi naman nag-aksaya pa ng oras ang hukbo nila Heneral Amadeo Alonzo at agad pinadakip sina Tay Silong at ang animnapung P 21-3 kalalakihan na kasamahan nito. sila ay pinugutan ng ulo bilang tanda at panakot sa mga iba pang mamamayan ng San Alfonso na nagbabalak mag-rebelde. Dahil sa nangyaring iyon, ginantimpalaan si Tino Alfonso, tumulong din siya sa mga kastila at naging encomiendero, nagpalawak siya ng nga lupain at nasasakupan, hinikayat niya rin ang ibang mga mamamayan na magpabinyag sa Kristiyanismo. Naging matagumpay ang misyon ni Tino Alfonso at labis siyang kinasiyahan ng mga Kastila, kung kaya't siya ang ginawang alcalde mayor ng San Alfonso, bagay na pinakainaasamniya kaya ang mismong tatay niya ay pinagtaksilan at pinagkanulo niya. Ipinakasal din kay Tino Alfonso ang kastilang dalagang anak ni Heneral Amadeo Alonz na si Analita Alonzo na di kalaunan ay naging si Donya Analita Alfonso. Nagkaroon sila ng dalawang anak, ang panganay ay si Filimon Alfonso at ang pangalawa ay si Martino Alfonso na kasalukuyang heneral ng hukbo sa Maynila at siyang ama ni Senorita Eleanor Alfonso. Noong 1662 ay namatay si Tino Alfonso sa sakit na tuberculosis. At ang humalili sa kaniya bilang bagong gobernador ng San Alfonso ay ang panganay niyang anak na si Don Filimon Alfonso. Sa Panahon ni Don Filimon Alfonso tuluyan na ngang napasailalimang mga pilipino sa mga Kastila. Naging malakas din ang komersiyo at ekonomiya sa San Alfonso, si Don Filimon din katuwang si Padre Bernardo at Padre Rogelio ang nagpasimula ng sistemang hacienda sa San Alfonso. Ang sistemang hacienda ay ang pagkakaroon ng pribadong pag-aari ng malalawak na lupain ang mga prinicipales, sila na ngayon ay magiging mga elite. Isa sa mga naunang haciendero o nag-may ari ng hacienda ay si Don Antonio Flores na siyang nakabili ng karamihan sa lupain ng barrio Tagpi, Si Don Filimon Alfonso rin ay bumili ng mga lupain at siya rin ang nagpatayo ng Hacienda Alfonso. Nakilala ni Don Filimon ang mayamang binatang Kastila na si Patricio Montecarlos na kakarating lang noon sa Maynila nang isama ito ni Fidel Montecarlos sa isang pagtitipon kasama ang mga kilalang heneral, opisyal at ang gobernador-heneral. Si Don Filimon Alfonso ang naghikayat na bumili ng malawak na lupain si Patricio sa San Alfonso at gawin itong hacienda Montecarlos. "Senor Patricio, ikaw ay may nililihimsa amin" usisa pa ni Eleanor, mas lalo namang napangiti si Patricio dahil mukhang nahuli na siya. "Sige na Sige na, Ako'y aamin na, Mag-dadalawang buwan na ako dito sa San Alfonso" tawa pa ni Patricio na ikinagulat nilang lahat lalo na ni Fidel at Manang Estelita. "Ngunit ayon sa sulat na pinadala mo noong isang linggo ay nasa Maynila ka pa" saad ni Fidel, bakas sa mukha nito na naguguluhan siya sa pangyayari. Tawa lamang ang sinagot ni Patricio, animo'y kinatutuwa niya pa ang pagkagulat ng lahat sa sinabi niya. "Ako'y nagsinunggaling lamang... Ayoko pang ipabatid sa inyo na nandito na ako sa San Alfonso noong Hunyo pa lang" ngisi pa ni Patricio, napailing-iling naman si Fidel. Bakas sa mukha niya na hindi na siya natutuwa sa mga pangyayari. "Ngunit bakit mo naman kailangang ilihimna narito ka na pala sa San Alfonso ng halos dalawang buwan na" tanong pa ni Eleanor, pilit namang tumawa pa si Patricio habang iniikot-ikot niya sa kaniyang kamay ang tinidor na hawak niya. "Balak ko pa sanang magtago ng matagal ngunit nakita ako ni Manang Estelita kaninang umaga sa tulay ng ilog tangis" sagot ni Patricio, napailing-iling naman si Manang Estelita sa kaniya. P 21-4 "Anong ginagawa mo sa ilog tangis?" patuloy na tanong pa ni Eleanor. hinawakan naman ni Manang Estelita ang kamay ni Eleanor. "Senorita, papunta kami ni Piyang sa palengke nang mapadaan kami sa ilog tangis, nakasalubong namin sila ni Senor Geronimo Flores doon" si Manang na ang sumagot sa tanong ni Eleanor. habang si Patricio ay ngingiti-ngiti pa rin ng nakakaloko. "Saan ka tumuloy ng halos dalawang buwan Senor Patricio?" tanong pa muli ni Eleanor. hindi na nila ginagalaw ngayon ang kanilang pagkain dahil nakatuon ang pansin nila ngayon kay Patricio, maging si Fidel ay seryosong inoobserbahan ang kaniyang pinsan. "Pinatuloy ako ni Don Antonio Flores, pinakiusap ako ni amigo Geronimo sa kaniyang ama" sagot ni Patricio. Sandali namang tumahimik ang paligid. Wala ng maitanong pa si Eleanor. si Geronimo Flores ang nag-iisang anak ni Don Antonio Flores na matalik na kaibigan ni Patricio. Ngunit nabasag muli ang katahimikan ng magsalita si Fidel "Ano ang iyong dahilan Patricio kung bakit kinailangan mong magsinunggaling sa sulat na pinadala mo sa amin at magtago ng dalawang buwan?" seryosong tanong ni Fidel, napakamot naman sa ulo si Patricio at hinubad na rin niya ang kaniyang sumbrero at inilagay iyon sa mesa. Iginagalang ni Patricio ang kaniyang pinsan na mas nakatatanda sa kaniya, si Fidel rin ang nag-iisang kamaganak niya rito sa Pilipinas. Napahinga na lang ng malalimsi Patricio "Ako'y tutol sa pagpapakasal sa pamangkin ni Padre Bernardo na si Senorita Florencia de Guzman" wika ni Patricio habang nakayuko ito, nawala na rin ang ngiti nitong nakakaloko kanina. Sandaling natigilan ang lahat, walang nangahas na magsalita sa kanila, Maging si Fidel ay hindi rin batid kung anong nararapat na sabibin. Samantala, sa pinakasulok na parte ng silid- kainan, naroon si Salome na kanina pa nakasilip sa pinto ng kusina at nakikinig sa kanilang usapan. Maging si Salome ay nagulat rin sa mga inamin ni Patricio, napahawak na lang siya sa kaniyang bibig nang mapagtanto niya na... Si Senorita Florencia ay nakatakdang ikasal kay Senor Patricio! Kaya pala nagpunta sila noon dito ng kaniyang tiyo na si Padre Bernardo, hindi pala si Fidel ang pinuntahan niya kundi si Patricio. At si Senor Patricio ay nakitira lang pala noon sa mansyon ng mga Flores kaya inakala namin ni Ate Felicidad na siya ang anak ni Don Antonio Flores! "Pag-uusapan natin ng mabuti iyan Patricio, sa ngayon kumain na muna tayo" seryosong tugon ni Fidel at tahimik silang kumain sa hapag. Hindi naman na nagsalita o nagtanong si Eleanor dahil mukhang nagkaroon na ng tensyon sa pagitan ni Fidel at Patricio. P 21-5 Alas-diyes ng umaga nagsidatingan na ang mga estudyante ni Fidel. Kasalukuyan silang nagkaklase sa gilid ng lawa ng luha, Naroon din si Eleanor na tumutulong kay Fidel sa pag-aasikaso sa mga bata. "Napakabait talaga ni Senorita Eleanor noh? Napakaganda ng kaniyang panloob at panlabas na anyo, napakawerte talaga ni Senor Fidel sa kaniya" Tugon pa ni Piyang habang naghuhugas sila ni Salome ng mga palayok. Sila Ising, Susana at Manang Estelita naman ay abala na sa kusina para sa tanghalian. Napayuko na lamang si Salome habang kinuskos maigi ang palayok, hindi niya maintindihan kung bakit parang tinatapakan at nawawasak ang puso niya ngayon. "Ang pagkakaalamko, si Senorita Eleanor at Senor Fidel ay magkababata mula pa sa Espanya" patuloy pa ni Piyang, likas talagang tsismosa at maraming nalalaman si Piyang na naririnig niya mula sa mga kaibigan niya sa bayan. "Ang sabi rin nila, nang dumating si Senor Fidel dito sa Pilipinas noong binatilyo pa ito, ang ama ni Senorita Eleanor na si Heneral Martino Alfonso ang nagpatuloy kay Fidel, kakilala raw kasi ni Heneral Martino ang kastilang ina ni Senor Fidel" patuloy pa ni Piyang habang tinatanaw sila Fidel at Eleanor kasama ang mga bata sa di-kalayuan. "At doon nagsimula ang pag-iibigan nilang dalawa" dagdag pa ni Piyang bakas sa mukha niya na kinikilig siya sa kwento ni Fidel at Eleanor. Sinubukan namang ngumiti ni Salome, ngunit sa kaloob-looban niya ay durog na durog na ngayon ang kaniyang puso. "Kaya nga noong isang gabi nang dumating dito si Senorita Eleanor at hinahanap si Senor Fidel nakilala ko na agad na siya ang tinutukoy ng mga kaibigan ko sa palengke na bagong dating na kastilang binibini na kasintahan ni Senor Fidel sa Maynila" wika pa ni Piyang na mas lalong ikinadurog ng puso ni Salome. Ngunit kahit ganoon ay pinilit pa rin niyang ngumiti na lang dahil kahit anong mangyari wala naman na siyang magagawa pa. Hindi pa man nagsisimula ang laban... talo na siya. "Ate, maari bang makahingi ng tubig?" tanong ni Danilo kay Salome habang nakadungaw ito sa bintana ng kusina, kakatapos lamang ng klase at nagkakainan na ngayon sila Fidel, Eleanor at ang mga bata sa ilalimng puno sa gilid ng lawa ng luha. Kumuha na lang si Salome ng tubig mula sa pinakuluang tubig kanina na lumamig na ngayon at inilagay iyon sa baso sabay abot kay Danilo sa bintana. Nahuli niyang lumingon-lingon muna sa paligid si Danilo bago ininomang tubig. "Kasama ni Manang Estelita si Ising sa hardin" saad ni Salome, nasamid naman si Danilo habang umiinomng tubig dahil sa sinabi ng kaniyang ate. "A-anong ang iyong pinagsasabi ate?" maang- maangan pa ni Danilo. Tiningnan naman siya ng seryoso ni Salome, walang gana makipag-asaran o makipag- biruan ngayon si Salome dahil kanina pa siya nalulugmok habang pinagmaamsdan ang tawanan at kwentuhan ni Fidel at P 21-6 Eleanor. "Wala, ang sabi ko huwag ka ng umibig... ikaw ay masasaktan lang" wika pa ni Salome habang pinupunasan ang mga pinggan. Nagtataka namang inilapag ni Danilo ang baso sa makapal na kahoy ng bintana. "Anong umiibig? Ako'y hindi umiibig- " hindi na nagawa pang tapusin ni Danilo ang kaniyang sasabihin dahil biglang dumating si Manang Estelita at Ising habang bitbit ang kumpol ng mga rosas. Bago pa makarating sa pinto sina Manang Estelita at Ising ay agad nang kumaripas ng takbo si Danilo pabalik sa kinaroroonan ng iba pa niyang mga kamag-aral. "Lumeng... anong nangyari sa kapatid mong si Danilo?" nagtatakang tanong ni Manang Estelita habang nakatingin sila ni Ising kay Danilo na muntikan pang madapa dahil sa bilis ng kaniyang pagtakbo. Nadapa si Danilo bago pa makarating sa puno dahilan para tawanan siya ng kaniyang mga kamag-aral, si Manang Estelita at Ising ay nagtatawanan na rin, maging si Fidel at Eleanor ay tawang-tawa rin sa kaniya. Inalalayan naman ni Eleanor si Danilo na tumayo at pinagpagan din ang damit nitong nadumihan na. Tingnan mo Danilo literal na masasaktan ka nga kapag umibig ka. Kinagabihan, kaldereta ang niluto ni Manang Estelita at Salome. Nilagyan din nila ito ng keso gaya ng paboritong luto ni Fidel. Si Susana at Piyang ay naatasan na tanggalin ang mga tinik ng rosas na pinitas nila Manang Estelita at Ising kanina sa hardin, nais kasi ni Eleanor na lagyan ng mga sariwang bulaklak ang loob ng mansyon. Kung kaya't si Ising at Salome ngayon ang nag-ayos ng hapag-kainan. Alas-siyete na ng gabi nang magtungo si Fidel, Eleanor at Patricio sa hapag. Inimbitahan muli ni Eleanor ang mga kasambahay na samahan sila sa pagkain ngunit tumanggi ang mga ito. Si Patricio naman ay kanina pa tingin ng tingin habang nakangisi kay Salome. Habang si Salome ay nakayuko lang ngayon at naiirita na sa pinaggagawa niya. Matapos magdasal ay nagsimula na silang kumain, nakatayo naman sa gilid si Ising, Salome at Manang Estelita. "Napakasarap ng kalderetang ito Manang" wika ni Patricio at naglagay siya ng napakaraming ulam sa kaniyang pinggan. "Sang-ayon ako, napakasarap nga nito, Manang" puri rin ni Eleanor. Napangiti naman si Manang dahil sarap na sarap ngayon ang mga amo sa kanilang niluto. "Ang totoo ho niyan, si Lumeng ang naka-imbento ng espesyal na bersyon ng kalderetang iyan, Senor at Senorita" nakangiting tugon ni Manang sabay tingin kay Fidel at Salome, naalala niya noong unang beses natikman iyon ni Fidel at labis din itong natuwa at pinuri si Salome. "Talaga ho? Napakagaling mo naman magluto Salome" bati ni Eleanor, napangiti naman si Salome at nagpasalamat sa Senorita. Napatingin naman si Patricio kay Salome sabay ngiti na naman ng nakakaloko. P 21-7 "Anong tawag niyo sa espesyal na putaheng ito?" tanong pa ni Eleanor kay Salome, napatingin naman si Salome kay Manang, sabay tingin kay Ising, sabay tingin kay Fidel. Hindi niya alamkung dapat ba niyang sabihin kung anong itiniwag noon ni Fidel sa bersyon ng kalderetang iyon. "Kaldereta ala Montecarlos" tugon ni Fidel, siya na ang sumagot sa tanong ni Eleanor para kay Salome. Napatango at napangiti naman si Eleanor, habang si Patricio naman ay mas lalong lumawak ang ngiti, pinunasan niya ang kaniyang bibig at uminommuna ng wine "Kaldereta ala Montecarlos..." sabat ni Patricio habang pinapaikot-ikot ang baso ng wine na hawak niya "Magiging Montecarlos ka rin Lumeng" ngisi pa ni Patricio kay Salome sabay kindat sa dalaga, gulat namang napatulala si Salome sa kaniya, maging si Manang Estelita at Ising ay nagulat rin sa sinabi niya. Napangiti naman si Eleanor dahil sa pagtitig ni Patricio kay Salome, habang si Fidel naman ay seryosong napasandal sa upuan at napatikhimpa habang nakatingin sa kanila. "E-ehem! Patricio maaari bang ang iyong kapilyuhan ay ipagpaliban mo muna dahil tayo'y nasa harap ng pagkain" suway ni Fidel kay Patricio na ngingiti-ngiti pa rin ng nakakalok. "Por supuesto hermano" (Of Course brother) tawa na lang ni Patricio sabay uminommuli ng wine. Habang si Salome naman ay halos maihi na sa kaba habang nakatayo pa rin doon sa gilid nila. Ano bang saltik sa utak meron ang Patriciong ito? Nang gabi ring iyon, matapos mahugasan ng mga kasambahay ang mga pinagkainan, iniligpit na rin nila ang ilang gamit sa kusina. Naiwan saglit si Salome sa kusina dahil nagtungo sa palikuran si Ising habang sila Manang Estelita, Piyang at Susana ay kanina pa nauna sa kanilang maliit na barong- barong sa likod ng mansyon. Nagulat si Salome nang biglang may puting piraso ng papel ang naiwan sa ilalimng pintuan ng kusina na nakasara na ngayon. agad niya dinampt iyon at binasa. Magandang Gabi Lumeng -P P? sinong P? Naaninag ni Salome na may anino sa likod ng pinto at nang sumilip siya sa maliit na butas ng hawakan ng P 21-8 pinto, nakita niya roon si Patricio na nakatayo at may sinusulat pa sa isang piraso ng papel. Napaatras siya sa gulat lalo nan ang biglang sinuksok muli ni Patricio ang papel sa ilalimng pinto. Nagdadalawang isip naman si Salome kung babasahin niya ba iyon, pero nangibabaw pa rin ang matindi niyang kuryusidad sa kung anong nakasulat doon kaya dinampot niya ang isa pang papel na iniwan ni Patricio at binasa iyon. Ikaw ba'y matutulog na? -P Medyo natagalan pa bago niya nabasa ng tuluyan ang nakasulat doon. At dahil sa kaba agad niyang binulsa ang papel na iyon, pinatay na niya ang gasera sa kusina at dali-daling tumakbo papalabas sa isang pinto sa likod ng kusina at nagtungo sa kanilang barong-barong. Napasilip naman sa pinto si Patricio at umalis na lamang siya dahil mukhang wala ng tao roon. Kinabukasan, oras ng siyesta. Pagkatapos ng klase ni Fidel ay nagtago na agad si Salome dahil narinig niyang hinahanap siya nito para turuan. Nagtungo si Salome sa kulungan ng mga manok at doon kinuha niya at hinimas-himas ang paborito niyang alaga. "ChingChing... Sa tingin mo mawawalan na ako ng trabaho?" Napaputak-putak naman ng dalawang beses si ChingChing. "Oo? Sa tingin mo ay sisibakin na ako ni Senor Patricio?" nag-aalalang tanong ni Salome at iniharap niya sa mukha niya si ChingChing para tingnan siya nito sa mata. "ChingChing naman... magsabi ka ng totoo, sa tingin mo talaga mawawalan na ako ng trabaho dito sa hacienda?" napaputak muli si ChingChing ng dalawang beses at mas malakas pa. Inilapag na ni Salome ang alagang manok at inabutan ito ng pagkain "Kung gayon... siguro tama lang na umalis na ako rito sa hacienda, hindi ko kayang makita si Senor Fidel at Senorita Eleanor na kada segundo ay magkasama" wika pa ni Salome, napaputak naman ng napaputak si ChingChing, animo'y sinesermonan siya nito. "Oo na... naiintindihan ko, makikinig na ako sayo... tama ka dapat na akong umalis dito, pero hindi ko kaya na iwan- " hindi na natapos ni Salome ang usapan nila ni ChingChing dahil biglang may narinig siyang humahakbang mula sa likuran niya. Bago pa man makalingon si Salome ay napasigaw na siya sa gulat dahil biglang nanggulat si Patricio na P 21-9 animo'y aswang. Nagsiliparan tuloy ang mga manok at nagpuputakan na ngayon dahil sa panggugulat ni Patricio at sa napakalakas na tili ni Salome. "Ikaw pala'y magugulatin!" tawa pa ni Patricio at mukhang mahihimatay na ito sa kakatawa habang nakahawak sa sikumura niya. napahawak naman si Salome sa puso niya dahil ang lakas pa rin ng pintig nito dahil nagulat talaga siya sa ginawang pananakot ni Patricio. At dahil sa inis lalayasan na lang sana ni Salome si Patricio ngunit bigla itong humarang sa daraanan niya. "Sandali lamang... kailangan mo pang pakalmahin ang mga manok" puna ni Patricio sabay turo sa mga manok na hindi pa rin maawat sa pagliliparan at pagtatakbuhan ngayon. "Ikaw ang may kasalanan- Opo Senor masusunod" inis na tugon ni Salome at agad niyang pinakalma ang mga manok, tawang-tawa naman si Patricio habang pinagmamasdan siya. Kung mauutusan ko lang ang mga manok na ito na sugurin ang nakakainis na lalaking iyan kanina ko pa ginawa! Nang mapakalma na ni Salome ang mga manok, naglakad na siya papalabas doon pero hinarangan muli siya ni Patricio. "Hindi ko akalain na dito ka pala naninilbihan sa aking hacienda, sadyang napakaliit talaga ng mundo" saad pa ni Patricio habang nakangisi pa rin sa dalaga. At napakaliit na rin ng natitirang pasensiya ko sayo Senor Patricio "Alammo bang napakatalas ng aking memorya, hinding-hindi ako nakakalimot kahit na kailan lalong-lalo na ang mga salitang binibitiwan sa akin" patuloy pa ni Patricio. Napayuko naman si Salome dahil sa kaba. Mukhang naaalala pa rin niya lahat ng masasamang bagay na sinabi ko sa kaniya noon, Paano na? "Ngunit mapagpatawad din naman akong tao, lalo na kapag humihingi ng tawad sa akin ang taong iyon" wika pa ni Patricio habang nakangisi pa rin kay Salome. Anong gagawin ko? hihingi ba ako ng tawad? Pero diba gusto ko ng makaalis dito... kaso paano naman sina inay at itay, kailangan namin ng salapi ngayon. P 21-10 "May isang bagay pa pala, Ako'y mainipin na tao, hindi ko kayang maghintay ng matagal lalo na sa paghingi lamang tawad" dagdag pa ni Patricio at mukhang aliw na aliw ito sa kalokohang ginagawa. Napapikit na lang sa inis si Salome at napahinga ng malalim, "P-patawad po Senor Patricio" tugon ni Salome, napahakbang naman si Patricio papalapit sa kaniya dahilan para mapahakbang siya paatras. "Iyon lang?" "B-binabawi ko na po ang lahat ng sinabi ko noon sa iyo" "Ang alin doon?" "B-binabawi ko na po ang sinabi ko sa inyo na kayo'y hambog" "At?" "B-bastos" "Hmm... Marami pa akong natatandaan" wika pa ni Patricio na tuwang-tuwa ngayon sa paghingi ng paumanhin ni Salome. "P-patawad din po dahil sa pagsusungit ko sa inyo" "At?" "A-ang pagtawag ko pa sa inyo na may sayad sa utak" "Ano pa Lumeng?" tawa pa ni Patricio ngunit pinipigilan na lamang niya ang tawa niya. P 21-11 "M-matapobre" "Marami pa talaga akong naaalala Lumeng" pang-asar pa ni Patricio sabay tawa pa pero natigilan sila nang biglang may magsalita mula sa likuran nila. "Patricio... tumigil ka na" suway ni Fidel kay Patricio. Dahilan para mapaatras lalo si Salome sa gulat. Natapakan niya pa ang isang manok kung kaya't nagputakan na naman ang mga ito. "Ikaw ay pinapatawad ko na... Pakalmahin mo na muli ang mga manok Lumeng" nakangiting tugon ni Patricio at umalis na siya habang hindi pa rin mawala sa labi niya ang ngiting niyang nakakaloko talaga. Mas lalo namang nataranta si Salome nang maglakad si Fidel papalapit sa kaniya "Lumeng... kanina pa kita hinahanap, magsimula na tayo sa pag-aaral" tugon ni Fidel. Hindi na ngayon mapakali si Salome at nagpanggap na lamang na abala pa sa pag-aasikaso sa mga manok. "M-may gagawin pa ho ako Senor sa ibang araw na lang ho" sagot ni Salome nang hindi tumitingin sa binata. Sandali namang napatahimik si Fidel habang pinagmamasdan si Salome. Pero ilang saglit lang ay nagsalita siya muli "Paano kayo nagkakilala ni Patricio?" usisa pa ni Fidel at tumabi siya kay Salome, tinulungan niya rin ito sa paghahagis ng pagkain sa mga manok. Senor Fidel! Anong ginagawa mo?! At dahil sa kaba, sa sobrang lapit nila sa isa't-isa na halos magdikit na ang kanilang mga balikat agad napatayo si Salome at lumipat ng pwesto sa kabilang dulo ng kulungan ng mga manok, napatingin naman sa kaniya si Fidel at tumayo na rin ito "Lumeng... hindi mo pa sinasagot ang tanong ko" tugon pa ni Fidel at naglakad muli ito papalapit kay Salome at tumabi sa kaniya. "Ahh! Sa tindahan po ni Don Antonio Flores ko nakilala si Senor Patricio" sagot ni Salome at lumipat na naman siya ng pwesto. Napansin ni Fidel na nilalayuan siya ni Salome kung kaya't nanatili na lang siya sa pwesto niya. P 21-12 "Matagal na kayong magkakilala?" usisa pang muli ni Fidel, napatango naman si Salome. "O-opo Senor, inakala pa po namin noon ni ate Felicidad na siya ang anak ni Don Antonio Flores" sagot ni Salome nang hindi tumitingin kay Fidel. Sinusubuan na ngayon ni Salome si ChingChing. "Siya ba si ChingChing?" nakangiting tanong ni Fidel, napatango naman si Salome. Nagulat siya nang biglang lumapit muli sa kaniya si Fidel at hinimas-himas na rin nito si ChingChing. "May nakarating sa aking balita na ikaw ay dumadayo sa kuwadra ng mga kalalakihang kabayo, huwag kang magpapaligaw at basta-basta magpapadala sa mga mabubulaklak nilang salita, ha?" paalala pa ni Fidel kay ChingChing habang nakangiti dito at hinihimas-himas ito ng marahan, napaputak naman ang manok ng madaming beses. "Mukhang ayaw niyang makinig sa iyo Senor" tugon ni Salome at bigla siyang natawa bagay na mas ikinatuwa ni Fidel dahil kinausap na siya ni Salome. Pero biglang natauhan si Salome at napayuko ulit. Nakalimutan kong naiinis nga pala ako sa kaniya... masyado lang akong nadala sa mga ngiti niya! "Ahh- Senor may tatapusin pa po ako sa kusina, maiwan ko na po kayo" biglang paalamni Salome dahilan para ilapag agad ni Fidel si ChingChing sa lupa at agad siyang napatayo upang habulin si Salome na naglalakad na ngayon papalayo. "Sandali Lumeng" tawag pa ni Fidel at mabilis siyang naglakad upang maabutan si Salome, wala naman nang nagawa si Salome dahil naabutan na nga siya ni Fidel, nasa tapat na sila ng balon ngayon. "Hindi mo pa pala nasasabi sa akin ang dahilan kung bakit ka umuwi sa inyo noong nakaraang biyernes at sabado" tanong ni Fidel, napaiwas naman ng tingin si Salome. "Ah- M-masama lang ho ang pakiramdamko Senor at bukod doon ay nangungulila rin po ako sa pamilya ko" palusot na lang ni Salome, tinitigan naman siya ng mabuti ni Fidel at hinihintay na tumingin sa kaniya si Salome ngunit nakayuko lang ito. Ilang saglit pa nagulat si Salome nang biglang humakbang papalapit sa kaniya si Fidel at hinipo nito ang noo niya. "Alagaan mo ang sarili mo... Ako'y nag-aalala sa iyo Lumeng" wika pa ni Fidel dahilan para mapatingin P 21-13 ng diretso si Salome sa kaniyang mga mata. "Bukod doon, Huwag kang aalis ng hindi nagpapaalam" patuloy pa ni Fidel habang nakatingin din ng diretso sa mga mata ni Salome. Nanatili lang silang dalawa sa tapat ng lumang balon, habang ang ang kalangitan ay unti-unting kumukulimlimdahil sa makapal na ulap. Marahan ding umihip ang hangin dahilan para mapatangay ang ilang mga tuyong dahon sa lupa. Hindi pa rin inialis ni Fidel ang kamay niya sa noo ni Salome, at sa pagkakataong iyon binitiwan ni Fidel ang huling limang salita na mas lalong nagpagulo sa utak at damdamin ni Salome "At ayokong marinig ang salitang paalam mula sa iyo... Lumeng" *************** History Book Source: "Kasaysayang Bayan" Sampung Aralin sa Kasaysayang Pilipino ng (National Historical Commission of the Philippines, 2012) A/N: Nabanggit din sa Kabanata 23 ng I Love you since 1892 ang History ng San Alfonso hihi. By the way mga bes Fictional lamang ang San Alfonso. Vote and comment :)) Delong~ Jellyace?? P 21-14 Kabanata f(x - 20) 51.9K 2.7K 1.3K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 20] "And when she knows what She wants from her time And when she wakes up And makes up her mind" -Westlife (Uptown Girl) "Kalahating kilo nga ng bangus 'Mare, pakihiwa na rin" "Gawin mo ng isang kilo 'Mare" "Ito talaga sige na nga isang kilo na" tawa pa ng matandang babaeng suki ni mama, nagulat naman ako nang biglang tapikin ni mama ang braso ko. "Aleng, Ano bang ginagawa mo? ayusin mo ang paghiwa" sita sa'kin ni mama at maging ako ay nagulat din kasi natadtad ko masyado ang bangus na inabot niya sa'kin kanina para hiwain. Nandito kami ngayon sa tindahan namin sa palengke, ako ang tagahiwa at tagakaliskis ng mga isda habang si mama naman ang nagtatawag ng mga mamimili. "Anak mo 'Mare?" tanong pa nung matandang babae kay mama, napangiti naman si mama. "Oo 'Mare panganay ko, kolehiyo na yan, graduating na sa Marso" pagmamalaki pa ni mama, napangiti naman sa akin yung matandang babae na suki niya. mukhang may kaya yung matandang babae kasi ang sosyal pa ng damit habang namamalengke. Hindi pa puti ang buhok niya pero kulubot na ang balat niya pero hindi naman masyado halata kasi sobrang puti niya. "Kay gandang dalaga" sabi pa nung matandang babae habang nakatitig sa'kin. ngumiti na lang ako at tumango sa kaniya. Ito yung mga sitwasyong awkward talaga. nagkwentuhan pa saglit si mama at yung matandang babae na suki niya tungkol sa kamahalan ng pwesto dito sa palengke at ilang saglit pa nagpaalamna rin ito. "Pag naka-graduate ka na anak, bibili tayo ng mas malaking pwesto dito sa palengke" ngiti pa sa'kin ni mama at inemphasize niya pa yung laki ng palengke na tinutukoy niya, natawa na lang tuloy ako. Minsan lang maging ganito ka-hyper si mama kaya masaya akong makita iyon. Ilang sandali pa dumating na si Alex habang buhat-buhat ang isang banyera pa ng isda. Inilapag na niya iyon sa ilalimng mesa at isa-isang nilagay ang isda doon. Nagtaka naman kami ni mama kasi may kasama siyang isa pang binata na halos kasing edad ko lang, may inilapag din itong banyera ng isda sa tapat namin. "Salamat Bro" tugon ni Alex doon sa binatang kasama niya. "Ma, si Oscar nga pala bagong katiwala ni Aling Cynthia" pakilala ni Alex sa amin dun sa lalaking kasama niya. P 22-1 Inabot naman ni Oscar ang kamay niya kay mama para mag-mano "Magandang umaga ho" at sunod naman siyang napatingin sa akin nagulat ako kasi sandali siyang napatigil. Uhm... Okay... so... ano na? Kaya ako na lang ang nag-abot ng kamay ko para makipag-shakehands sa kaniya "Hi Oscar" bati ko, sinagi naman siya ni Alex kasi nangangalay na yung kamay ko. "Ate Aleeza ko nga pala" tugon pa ni Alex sabay sagi ulit kay Oscar dahilan para matauhan na ito at makipag-shake hands na sa'kin. Ngumiti lang si Oscar pero agad din itong umiwas ng tingin. "Buti naman may kaibigan ka na Totoy" pangasar ko pa kay Alex at tinawanan namin siya ni mama. "Wag mo nga akong tawaging totoy" reklamo pa ni Alex at hinubad niya ang tshirt niya na basa na sa pawis dahilan para kiligin yung ibang inday na nandito sa palengke. "Totoy magdamit ka nga, hindi na makapag-focus yung mga tao dito oh" pang-asar ko pa, napalingon naman si Alex sa paligid at mukhang nagets niya na pinagnanasaan na siya ngayon kaya agad niyang sinuot ulit yung damit niya. "Uuwi na nga ko" inis na tugon ni Alex at nagmano siya kay mama at inerapan naman niya ako saka sila nagpaalamnung lalaking kasama niya na si Oscar. Ang sungit talaga ng kapatid kong to' Ugh. Tanghaling tapat na hindi pa rin nauubos ang paninda naming isda. Nakaupo na ako ngayon sa gilid at nagreview na lang ng mga notes ko kasi prelimexams na namin next week. Ilang saglit pa may isang boses ng babae na naririnig naming nagtatatalak mula sa di-kalayuan. "Magsi-bayad nga kayo, ilang buwan na yang pakiusap niyo na may sakit ang anak niyo, di pa ba yan namamatay" sigaw ni Aling Cynthia doon sa katapat naming mag-asawa na nagtitinda din ng isda. Si Aling Cynthia ng masungit na ale na may ari ng malaking sari-sari store malapit sa bahay namin at siyang kilalang nagpapautang ng 5'6. Napalingon ako kay mama na mukhang balisa na ngayon, alamniyang kami na ang sunod na puputakan ni Aling Cynthia pagkatapos niya pahiyain yung mag-asawang tindero at tindera. "Ang sakit niyo naman magsalita! Wala kayong karapatan na sabihang mamamatay ang anak namin" galit na sagot nung lalaki na si Mang Ping at akmang susugudin si Aling Cynthia kaso pinigilan siya ng kaniyang asawa. "Eh sa ang tagal tagal niyo magbayad ng utang niyo, mamamatay na lang ang anak inyo lubog pa rin kayo sa utang" buwelta pa ni Aling Cynthia at mukhang naghahamok din ng suntukan kay Mang Ping, kung kaya't nagkagulo sa palengke, maraming umawat sa kanila para hindi matuloy ang suntukan. Dumating din ang dalawang barangay tanod at inawat silang dalawa. Bigla namang lumapit si Oscar at hinila na papalayo doon ang amo niyang si Aling Cynthia na beastmode na beastmode na ngayon habang dinuduro-duro si Mang Ping at ang asawa nito. "Kakasuhan ko kayo! Mga walang utang na loob! kayo na nga pinautang may gana pa kayong sagutin ako!" galit nag alit na sigaw ni Aling Cynthia at bigla kaming nagulat ni mama nang mapatingin siya sa amin. P 22-2 "Isa pa kayo! Hoy Catherine ang laki-laki na rin ng utang niyo sa'kin! tapos may pa-bertday bertday partey pa kayong nalalaman kamakailan! Ang lakas din ng loob niyo! Sana binayaran niyo muna utang niyo!" sigaw pa ni Aling Cynthia hanggang sa maisakay na ito nila Oscar at ng asawa ni Aling Cynthia sa kotse nito. Napahawak na lang ako sa braso ni mama kasi halos lahat ng tao ay sa amin naman nakaatingin ngayon. Napatingin ako kay mama na ngayon ay nagkaliskis na lang isda at hindi na lang pinansin pa ang mga talak ni Aling Cynthia. "Magsibalik na kayo sa gawain niyo! Tama na ang away" anunsyo nung isang barangay tanod at pinahayo-hayo niya ang mga taong nakiusyoso sa eksenang ginawa ni Aling Cynthia. Napahinga na lang ako ng malalim. Sinabi ko na rin kasi noon kina mama at papa na hindi na kailangan pang maghanda sa birthday ni Alex at bayaran na lang ang utang namin kay Aling Cynthia kaso nangibabaw pa din ang ugaling pinoy na kahit makapangutang basta may maihanda sa mga bisita. Kinagabihan, mag-hahatinggabi na habang nagrereview ako sa kwarto saka pa lang dumating si papa galing sa pagpapasada ng jeep. Sasalubungin ko sana si papa kaso mukhang matamlay siya habang tinatapik ni mama ang balikat niya. napasilip na lang ako sa pinto ng kwarto, tulog naman na si Alex. "Mahal bakit? May problema ba?" tanong ni mama habang inaasikaso si papa kumain ng hapunan. Sandali namang hindi nakaimik si papa, uminommuna siya ng isang basong tubig bago nagsalita "Naalala mong isinangla natin ang prangkisa ng jeep noong isang taon, ang laki na ng interes mukhang hindi na natin matutubos pa ang jeep" panimula ni papa, nagulat si mama sa narinig niya, maging ako ay nagulat din at napahawak sa bibig ko dahil sa sinabi ni papa. Hindi na namin matutubos ang jeep na tanging hanapbuhay ni papa? Siguradong magagalit si tito Ace! Naalala kong isinangla ang prangkisa ng jeep noong nakaraang taon para sa pagpapagamot ng nabaling binti noon ni Alex, mahilig kasi maglaro ng basketball si Alex at kasama siya sa varsity ng school nila noong high school pa siya kaso naaksidente siya sa isang game nila, na-dislocate ang joints niya at nasira may nasirang tissue at muscles sa tuhod niya kaya kailangang operahan. Kaya siguro mas lalong lumala ang pagsusungit ni Alex dahil hindi na siya pwedeng maglaro ng basketball kahit kailan. Kalahating milyon din ang kinailangan para sa pagpapa-opera, hindi naman kayang magpahiramni tito Ace ng ganoong kalaking pera nang biglaan kaya sila mama at papa na ang gumawa ng paraan. Sinangla nila ang prangkisa ng jeep. Kailan ko na talaga maka-graduate at makahanap ng trabaho para matapos na ang lahat ng problema namin. P 22-3 Kinabukasan, alas-otso pa lang ng umaga nagsimba kami ni mama at Alex sa simbahan ng Cathedral of Our Lady of the Pillar o mas kilala bilang Imus Cathedral. Naabutan namin ang simula ng misa pero dahil puno na ang simbahan sa loob nakatayo na lang kami sa gilid habang nakikinig ng misa. Pagkatapos ng misa nagpaalammuna ako kay mama na magsisindi ako ng kandila sa bahagi ng sindihan ng kandila sa gilid ng simbahan. Marami ring tao doon, bumili ako ng isang kandila at nagtungo na doon. naalala ko tuwing birthday, mahal na araw, pasko at bagong taon lang ako nagsisindi ng kandila dito para magdasal at humingi ng gabay mula sa Panginoon. Nang matapos ko ng sindihan ang kandila at manalangin, nagulat ako nang biglang may nagsalita mula sa tabi ko "So Aleeza, what are you praying for?" nakangiting tanong sa'kin ni... Cassandra. Sandali naman akong napatulala sa kaniya, ang ganda niya naka-white dress siya at sobrang blooming pa. agad naman akong napalingon-lingon sa paligid, Shems! Baka nandito rin si Sir Nathan kasama niya! Waaahh! "Why?" nagtataka niyang tanong sa'kin at napalingon-lingon din siya sa paligid. "Sinong hinahanap mo?" tanong niya pa. Agad ko namang inayos ang sarili ko at hinarap siya "Ah- H- hinahanap ko lang sila mama, nasaan na kaya sila?" palusot ko pa at nagkuwnaring lumingon-lingon ulit sa paligid. Napangiti naman si Cassandra habang at sinindihan na niya ang kandilang hawak niya mula sa apoy ng kandila ko. "Sabi nila, kung kanino mo raw kinuha ang apoy mula sa kandilang hawak mo then your lives will be connected" panimula pa ni Cassandra, napatingin naman ako sa kandila niya na may apoy na ngayon at kinuha niya yung apoy mula sa kandila ko. "In simple words, every people in this world are connected to each other, kaya totoo ang phrase na 'It's a small world', kahit gaano pa kalaki at kalawak ang mundo may mga tao talagang kahit anong gawin mo, kahit saan ka magpunta ay magiging konektado pa rin sa buhay mo" patuloy pa ni Cassandra, nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Bagay na bagay nga talaga sila ni Sir Nathan ang dami nilang nalalaman at hugot sa buhay, habang ako eh puro kalokohan laman ng utak ko. "Have you ever met or found your special someone Aleeza?" tanong pa sa'kin ni Cassandra sabay ngiti. Napaisip naman ako sandali dahil sa tanong niya, si Sir Nathan na ba ang special someone ko? "You think for a couple of second, it means you have" dagdag pa ni Cassandra sabay ngiti na naman ng matamis. Gusto ko man mainis sa kaniya pero parang hindi ko naman magawa, mabait at totoong busilak talaga ang kalooban ni Cassandra. "I hope that guy deserves your love, because every woman deserves a happy ending" ngiti pa ni Cassandra at bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "A broken heart, a tragic fate, those tears and pain... are the consequences of a forbidden love" patuloy niya pa at sa pagkakataong iyon hindi ko maunawaan kung bakit parang may kalungkutan akong naramdaman sa puso ko. hindi ko na rin maintindihan kung bakit niya sinasabi sa akin ito, itatanong ko na sana sa kaniya kaya lang bigla siyang tumawa ng mahina, "I'msorry, masyado lang ako nadala sa mga ttragic novels na binabasa ko lately" tawa pa ni Cassandra at binitawan na niya ang kamay ko "Anyway, I know that you're taking good care with your heart naman, No lovelife no worries" biro pa ni P 22-4 Cassandra at bigla niyang hinawakan ang braso ko "Nagsisimba ka rin pala dito" tugon niya pa at naglakad na kami papalabas doon sa sindihan ng mga kandila. Maaliwalas ang kalangitan ngayon, at napakarami ring tao ang nagpapasukan na sa simbahan para sa susunod na misa. "Oo... dito kami palagi nagsisimba nila mama" sagot ko, ngayon ko lang narealize na siya lang pala ang nagdadaldal kanina. "Me too, kahit taga-Bacoor pa ako, pumupunta pa ako dito sa Imus para magsimba" nakangiti niyang sagot, ang tangkad niya at naka-high heels pa siya. nagmukha tuloy akong nakababatang kapatid niya. "Ikaw lang? si Sir- Nathan?" tanong ko sabay lunok ng laway ko na namumuo na sa lalamunan ko. para kasing sasabog yung puso ko banggitin ko lang yung pangalan ni Sir. Haays. Napangiti naman si Cassandra at napatigil sa tapat ng isang matandang babae na nanlilimos sa gilid ng simbahan, inabutan niya ito ng pera. Bukod sa ang ganda-ganda na niya, ang bait- bait pa, matulungin pa siya. "Nasa Quezon City si Nate, busy daw siya ngayon kaya di niya ako masasamahan dito" sagot ni Cassandra at nagpaalamna siya doon sa matandang babae. "P-palagi ngang busy yun si sir" sabi ko na lang at nagpatuloy na rin sa paglalakad habang nakakapit pa din si Cassandra sa braso ko. nasaan na ba sila mama? "Yeah you're right, when we first met nga eh sobrang busy din niya" tawa pa ni Cassandra at namumula na ngayon yung pisngi niya habang inaalala ang unang pagkikita nila ni Sir Nathan. Ngumiti na lang din ako, ayoko ng itanong pa kung anong nangyari nung una silang magkita, masasaktan lang ako. "I was in my second year of college that time when he's older brother David got married, ang ate ko ang wedding organizer ng kasal ng kuya ni Nate, summer naman kaya tumutulong ako kay ate sa work niya, I'm always with her kahit saan sila magpunta ng clients niya, then one day it was the day of shooting the pre-nup video, may part doon na magbibigay ng sweet and inspiring messages ang family members ng ikakasal and that was the day I first saw the brother of the groom... si Nathan" panimula ni Cassandra. Napalingon na lang ako sa kaniya, nandito na kami ngayon nakatayo malapit sa sakayan ng jeep, gusto ko na sanang pumara at sumakay ng jeep para makaalis na doon kaso parang may kung anong nag-uudyok sa akin na pakinggan ko ang kwento ni Cassandra. "Actually, na-love at first sight talaga ako sa kaniya, he's so handsome and a gentleman, I was the one who took the video message, I think I'mgonna fall frommy chair when he started to talk ang give his long message for his brother, naalala ko pa nga yung sinabi niyang 'Never let your wife cry because one of the man's failure in life is when he make his lover cry" patuloy pa ni Cassandra. Naalala ko bigla yung umiyak siya noon habang yakap-yakap si Sir Nathan sa hagdan, gusto ko tuloy sabihin na nag-fail na pala si Sir Nathan kasi pinaiyak niya si Cassandra tss... "To make the long story short, nagkakilala kami, and pareho pala kami ng University na pinapasukan kaya mas naging madalas ang pagkikita namin until I confessed to my feelings to him" tugon pa ni Cassandra dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "I-ikaw ang nag-confess kay sir?" tanong ko na ikinatawa naman ni Cassandra. "Looks absurd right, pero yes ako ang naunang nag-confess sa kaniya, it was the day of his birthday when I told himthat I have a gift for him... it's my confession" kinikilig na tugon ni Cassandra, napatulala lang ako sa P 22-5 kaniya. Hindi ko akalaing malakas rin pala ang loob ni Cassandra nagawa niyang i- voice out ang feelings niya sa isang lalaki. "And I ask himif he's going to accept my gift... and he said 'Yes it's a wonderful gift after all" patuloy pa ni Cassandra habang nakangiti na ng todo. After the confession naging sila na. Teka! Naalala ko na nag-sorry siya noon kay Sir Nathan... at lately lang naman siya muling sumulpot sa buhay ni Sir, ibig sabihin nag-break sila dati? Pero bakit? Itatanong ko na sana kay Cassandra kaso biglang dumating si Mama at Alex at may dala-dala silang mga kakanin. "Andito ka lang pala Aleng, kanina ka pa namin hinahanap tara na" tawag ni mama, pinakilala ko naman sa kanila si Cassandra at maging si mama ay nabighani sa kagadahan niya. kakilala naman na ni Alex si Cassandra kasi palagi daw kasama si Cassandra sa lecture sessions nila ni Sir Nathan para sa physics contest last week. Isinakay naman kami ni Cassandra sa kotse niya at hinatid kami sa bahay. "Salamat Hija, pagpalain ka nawa ng Diyos" paalamni mama kay Cassandra habang nakangiti ng todo at kumakaway sa kaniya. "Walang anuman po Mrs.Agcaoili" ngiti naman ni Cassandra. Nakababa na kami ngayon sa kotse niya. "Tita Cath na lang ang itawag mo sa akin Hija" tugon pa ni mama, nagpaalamna muli si Cassandra sa amin saka niya pinaandar ang kotse niya at tuluyan nang umalis. "Napakabait at napakagandang dalaga, gusto ko maging katulad siya anak kapag nakatapos ka na at naging maganda na buhay mo" tugon pa sa'kin ni mama. "Oo nga pala, paano niyo pala siya nakilala ni Alex? Teacher din siya sa school niyo?" tanong ni mama, puro kasi kabataan ni mama ang dinadaldal niya kay Cassandra kanina nung nasa kotse kami. "Girlfriend siya ni Sir Nathan ma" sagot ni Alex at diretso na itong pumasok sa bahay. napatango-tango naman si mama, "Siya pala ang tinutukoy ni Ser Nathan na nag-mamayari ng puso niya, kay swerte naman niya kay Cassandra" saad pa ni mama at pumasok na rin siya sa loob ng bahay. naiwan naman akong nakatayo mag-isa doon sa labas. Ang swerte nga nila sa isa't-isa... match made in heaven talaga, kaya ang mga katulad ko ay hindi na dapat sirain pa ang magandang kapalaran at pag-iibigan nilang dalawa. Kinagabihan, habang nakahiga ako sa kama at nagrereview, biglang may nag-message sa akin sa messenger at laking gulat ko nang makita kung sino ang nanggagambala ngayon sa mapayapa kong gabi. Gising ka pa? Online ka pa oh ?? (15 seconds ago) Shemay! Wala talaga sigurong balak mag-aral ang mokong na to kaya gusto niyang mangdamay pa ng ibang tao para makasama niyang bumagsak. Sineen ko na lang yung message ni Bryan. P 22-6 If you're now sleeping, I'm on the way to visit you in your dream ?? (10 seconds ago) Ughhh! At dahil sa inis napabangon ako sa kama at madiin akong nagtype sa keyboard ng phone ko. Ayokong mabangungot! Tigilan mo na nga ako! (sent) But I'm the man of your dreams, right? ?? (10 seconds ago) Man of your dreams mo mukha mo! (sent) Agad kong pinindot yung block button, at blinock ko na ang impaktong lalaking yun! haays. Kainis! Mukhang nawala tuloy lahat ng nireview ko dahil sa panggugulo niya ughhh! "Since our prelimexamwill be on Wednesday, I expected you all to be present... wag ng absent ng absent" paalala ni Sir Nathan sa klase sabay tingin sa'kin, ako ba pinariggan niya? Teka nga! bakit ang sigla-sigla niya ngayon? kanina pa siya nakangiti habang nagtuturo at nakikipagbiruan pa sa ibang mga kaklase ko. "Let's solve it!" engganyo niya pa sa mga estudyante at nagpa-activity pa siya. Nakakainis lang kasi lahat kami dapat kasali eh hindi nga ako mahilig sa mga ganitong activity. Ang game na inintroduce niya ay 'X and Y' Bubuo kaming lahat ng malaking circle at magpapasahan ng whiteboard marker, may tatlong equations na sinulat si sir Nathan sa board kakanta kami ng 'X and Y' habang pinapasa-pasa ang marker at kung kanino tumigil ang kanta at saktong kung sino ang may hawak ng whiteboard marker siya ang magsosolve ng equation doon sa board. Kapag hindi niya na-solve sasayaw sa platform. My Gosh! sobrang nakakainis talaga! Hindi pa naman ako dancer at para akong kawayan na gumegewang-gewang pag sumasayaw Ughh! "Okaaay! Let's start" masiglang tugon ni Sir Nathan habang nakangiti ng todo. Isa pa to si Sir nakakainis bakit ang saya-saya niya? haays! P 22-7 X and Y X and Y Come and solve the X and Y Where the final answer could only be Found from X and Y Pagtigil ng kanta muntikan nang mapunta kay Jen yung marker buti na lang naibato niya doon sa katabi niya na nataranta kaya sinalo naman, kaya ayun siya ang magsosolve ng equation sa board. "Go Angela!" cheer pa ng lahat, 1 minute lang kasi ang binigay ni Sir na time para masolve ang equation halatang gusto niya talaga kaming pasayawin lahat sa platformUghhh! "Time's up! You better take the punishment Angela" tawa pa ni Sir Nathan at nag- cheer naman ang lahat na sumayaw na si Angela, malakas naman ang loob ni Angela at hindi siya mahiyain kaya ayun si ateng nag-hiphop moves na. Mas lalong lumakas ang hiyawan at inasar pa nila si Sir Nathan na makipag-show down ng hip-hop moves, at syempre dahil naasar ako kay Sir isa ako sa pinakamalakas na nangantyaw na sumayaw din siya! Ha! Akala niya kami lang ang mapapahiya dito ahh! "No, No, I don't dance" pagtanggi pa ni Sir pero nag-join force na kaming lahat na tuksuhin siyang sumayaw, feel ko mag-rerebolusyon na kami ngayon at sasabaksa gera dahil sa lakas ng sigaw namin. "Get a whole pad, we're going to have a quiz" tawa ni Sir Nathan at naglakad siya papunta sa table niya at kinuha niya yung libro niya. Halaaaa! "Joke lang sir! Tara na laro na lang tayo! Di ka na namin papasayawin" tawa pa ni Jen at agad namang sumang-ayon ang lahat sa kaniya, ngiting tagumpay naman ngayon si Sir Nathan kasi mukhang nanalo pa rin siya. Kainis! Bakit panakot lagi ng teacher ang quiz, sabagay nakakatakot naman talaga. Kaya ayun balik na naman sa laro, X and Y X and Y Come and solve the X and Y Where the final answer could only Found from X and Y P 22-8 "Waaaaait!" sigaw ko sabay hagis sa katabi ko nung marker pero di niya sinalo. Halaaaa! "Aleeza! Aleeza! Aleeza!" sigaw nilang lahat, kainis! Kainis! Kainis! "Solve it Agcaoili" narinig kong tawa pa ni Sir sabay turo sa board, ang hihirap talaga ng equations ni sinulat doon ni Sir sa board, ang daya talaga! "GO NGETS! MAG-READY KA NA SA DANCE PEFROMANCE MO!" pang-asar pa ni Jen habang tumatalon-talong pa sa tuwa. Napatingin naman ako sa mga kaklase ko na mukhang enjoy na enjoy ang mga pangyayari, lahat sila umaasang hindi ko masagutan yung equation para makita nila ang kawayan dance moves ko. Ughh! "Time starts now!" saad ni Sir. "Hala! Wait" sigaw ko pa sabay dampot nung marker sa sahig at dali-dali akong tumakbo papapunta sa board at sinolve iyon. "50 seconds" asar pa ni Sir Nathan, shemay! Paano ba to? wait di ako makapag-concentrate! "Sisiw lang yan sa math wizard champion natin whooo!" asar pa nung loko-lokong kaklase ko, na ikinahiyaw din naman din ng iba. "40 seconds" narinig kong tugon pa ni Sir at naglakad pa siya paakyat sa platformpara tingnan ang pagsosolve ko. Kainis! Bakit kailangan niya pang lumapit?! Di ko na alamang gagawin ko, wala pa ako sa kalahati sa solutions na ginagawa ko, isabay mo ba ang hiyawan ng mga kaklase ko, at ang nakakabang mangyayari sa'kin pag di ko natapos ang pag-solve nito, idagdag pa ang nakakainis na presensiya ni Sir Nathan na nasa tabi ko na at tinitingnan niyang mabuti ang siosolve ko Waaaahh! "30 seconds" Shems! Mas lalo akong napreressure kapag nag-cocountdown haays! "20 seconds" P 22-9 Waaahh! Nakuha ko na ang product value ng x, The product of 116 reciprocally and be simplified together with its denominator to get the final answer... "10 seconds" 116 is divisible by 4 along with its numerator 72 "5... 4... 3... 2... so the final answer is 29/18. "Time's up!" Agad kong binilugan yung final answer ko. whew! Grabe! "Ang galing natapos mo ngets!" sigaw pa ni Jen. "But we're not yet sure if her answer is correct" tugon naman ni Sir Nathan at humakbang pa siya papalapit doon sa board kaya bumaba na ako sa platform. Sandali niyang pinag-aralan iyon at tiningnan mabuti. "Where did you get the x value?" tanong ni Sir sabay lingon sa'kin at binilugan niya pa ng red mark yung solutions ko. Shemay! Mali ba? Agad naman akong umakyat ulit doon sa platformat tinuro ko sa kaniya yung solution ko, napatango naman si Sir Nathan. Pero may binilugan na naman siya sa kabilang solutions ko "How about the y value?" tanong niya pa, sabay turo doon sa y. P 22-10 Napakunot naman yung noo ko "Sir ang sabi po sa question is find the x value only, wala namang sinabi na hanapin din yung y value" sagot ko, sabay turo doon sa question. "How could you find x if you didn't find y did it come up with that answer?" tugon pa ni Sir habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. napaiwas naman ako ng tingin at tiningnan ko na lang yung solutions ko. "I just use the canceling and simplifying method sir" sagot ko, napatango-tango naman si Sir "So you use the shortcut method?" tanong niya pa. tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. "Shortcuts aren't applicable in every equation, there are times that you will be misdirected and get the wrong answers" wika pa ni sir, napalingon naman ako sa mga kaklase ko na napatahimik na rin. "Eh sir pareho lang naman ng kakalabasang sagot yun eh" banat ko naman, napailing- iling naman si Sir, naalala ko bigla na ganito kami magtalo every tutorial session namin bago ang contest. "Yes, you will still get the final answer but not the whole and exact solution why you end up with that answer, kasi pinili mo ang shortcut hindi mo nalaman ang buong dahilan kung bakit naging ganoon ang sagot mo" patuloy pa ni sir sabay turo sa solution ko na maikli lang. "You must face the long journey of writing down the solutions and formulas to find the final answer rather than simplify it or use the shortcut method" patuloy pa ni Sir habang binibulugan yung bawat numbers sa maikling solution ko. "When you take the shortcut, you may still find x but you will never get the answer of y" dagdag pa ni Sir Nathan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. hindi ko rin maintindihan kung ano bang gusto niyang ipaunawa sa akin, para kasing may mas malalimpang dahilan. "Whoo! Sasayaw si Aleeza!" kantayaw pa nung loko-loko naming classmate at nagsimula na naman silang maghiyawan. At dahil dun napangiti na si Sir Nathan at nilagyan niya ng check mark ang solution ko. "It's almost correct, you get the right answer but the solution you use is incomplete... so you dance" nakangiting tugon ni Sir Nathan at bumaba na siya doon sa platform. WHAAAAAT? SHEMAAAAY NAMAN OH! "Sasayaw na yan! Sasayaw na yan! Sasayaw na yan!" pang-asar pa sa'kin ng mga kaklase ko at nagunguna pa si Jen. Ughh! At dahil wala na akong takas, sumayaw na ako, nag-robot robot dance na lang ako at wala na akong pake kung mapangitan sila sa performance ko, eh pinilit nila akong sumayaw eh magtiis sila diyan. P 22-11 "Ngets! chill lang!" awat sa'kin nila Jen, Iryn at Leana nandito kami ngayon sa canteen at nilalaklak ko ang yakult. Naka-apat na yakult na ako. "Magtatae ka niyan sige ka!" banta pa ni Iryn pero lumalklak din naman siya ng yakult at mas madami na nga siyang nainomsa'kin. "Nakakainis kasi si Sir, ughh! Hindi talaga ako sumasayaw eh" reklamo ko pa, kanina pa ko naiinis kasi sa buong buhay ko first time kong sumayaw ng ganon sa harap ng madaming tao haays. At mas nakakahiya pa kasi nakita rin ni Sir kung paano ako sumayaw huhu. "Okay lang yan ngets! makakalimutan din nila yan" saad naman ni Leana, sabay kampay ng yakult na hawak niya at nag-cheers kaming apat. "Anyway, may fresh and juicy update ako sa inyo" patuloy pa niya at dahil dun nagkumpulan na kami. "Remember Cassandra? Yung magandang girlfriend ni Sir Nathan" panimula niya, napatigil naman ako, bakit tungkol na naman kay Sir Nathan haays. Di pa ako lulubayan ng mga balita tungkol sa kaniya? Paano na ako makakapag-move on neto! "Nag-break pala sila noon after graduation nila sa college, then lately lang sila nagkabalikan ulit, I think last last week lang" patuloy pa ni Leana, interesadong-interesado naman sa tsismis yung mukha ni Jen at Iryn. "Bakit naman sila nag-break?" tanong ni Jen, napaisip naman ako. Oo nga! nag-sorry noon si Cassandra kay Sir Nathan at aksidente kong narinig yun! "I don't know, yun din ang gusto kong malaman" sagot naman ni Leana. At napailing- iling siya sabay laklak ng yakult. "Saan mo naman nalaman ang chika na yan?" tanong ni Iryn. "Bestfriends ang ate ko at si Cassandra, kagabi ko nga lang nalaman eh" sabi pa ni Leana. Whoah! So kaibigin ng ate ni Leana si Cassandra! Grabe! Ang It's really a small world talaga. "Pero bakit kaya nag-break noon si Cassandra at Sir Nathan? Tanong po sa ate mo Leana" pilit pa ni Jen at Iryn. Napasandal naman ako sa upuan ko. Bakit nga ba nag-break si Cassandra at Sir Nathan noon? Ano ang dahilan? Tumambay na muna ako sa football field kinahapunan, hinihintay ko pa si Alex sabay kami uuwi ngayon, tinext ko siya kanina. Walang naglalaro ngayon sa football field kasi mukhang may klase lahat, at yung iba ay nagsiuwian na. P 22-12 "Looks like someone wants to see me" narinig kong tugon ni Bryan sabay na nakatayo sa likuran ko, nakablack leather jacket siya ngayon at nag-fefeeling action star eh mukha naman siyang holdaper sa kanto. "Napapadalas ka dito ah, fromnow on it would be our meeting place" ngisi niya pa sabay turo ng football field. Shemay! Teritoryo at lungga niya pala to, hindi na dapat ako tumatambay dito. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at akmang aalis na pero bigla na naman niyang hinarangan ang daadaanan ko, bagay siguro siya magtraffic aid kasi napapahinto niya yung mga dadaan. "You know what, I'mamvery curious last night, all of a sudden I can no longer message you" ngisi niya pa sabay pakita sa'kin nung chatbox namin na hindi na niya ko pwedeng ma-message kasi blinock ko na siya. "Alammo naman pala ang sagot bakit tinatanong mo pa?" reklamo ko, wala ako sa mood ngayon, isa pang nakakainis na nilalang yung pinsan niya kanina na pinasayaw ako sa klase at kung ano-anong pinagsasabi ughh! Magkadugo nga talaga sila! "Right, alammo naman din ang sagot why I'minto you... bakit tinatanong mo pa?" ngisi niya pa sabay kindat at may papungay-pungay pa ng mata, tusukin ko yang mata niya eh. Napaatras naman ako kasi naamoy ko na ang kalandian niya. "Bakit ang landi mo?" reklamo ko ulit, nakakainis na kasi ang isang salagubang na to! "Bakit ang pakipot mo?" banat naman niya at ginaya niya rin ang pag-crossed arms ko. Aba! "Hindi ako pakipot!" -ako "Hindi ako malandi!" -siya "Malandi ka kaya! Tingnan mo nilalandi mo ako!" buwelta ko pa sabay duro-duro sa kaniya, nakadiri talaga ang f*ckboy na to! "Ikaw naman pakipot! Tingnan mo nagpapakipot ka pa rin sa'kin!" ngisi niya pa. napapikit na lang ako sa inis. Ugh! Walang patutunguhan ang usapan naming to. in-erapan ko na lang siya at bumaba na lang ako sa football field at doon na lang ako dadaan kaso napatigil ako nang magsalita siya. "Kung malandi talaga ako... dapat pinatulan ko din ang bestfriend ko, right?" tugon niya dahilan para mapalingon ako sa kaniya, bestfriend niya? si Iryn ba ang tinutukoy niya? "Looks like you're interested on what I'mgoing to say huh" pang-asar niya pa at bumaba na rin siya sa football field at naglakad papalapit sa'kin. "Kilala ko kayong mga girls, kapag nagkwento ang kaibigan niyo P 22-13 papaniwalaan niyo agad kahit pa hindi niyo naman naririnig ang side nung guy" nakangising tugon pa ni Bryan, napakunot naman ang noo ko. so, social norms and behavior expert na siya ngayon? "And I assume na lahat ng kinuwento sayo ni Iryn are bias" sabi pa niya at nagsimula siyang maglakad doon sa football field. Hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko at balak kong tumakbo na lang papalayo sa kaniya kaso nacucurious ako sa ikwekwento niya. "She's your friend, right? And I'malso her friend... her bestfriend... before" panimula niya pa habang naglalakad-lakad paikot-ikot doon sa football field. Ayaw niya siguro masayang ang oras niya kaya nagpaparactice na rin siya ngayon. "We become friends since elementary until last year... but everything change when she confessed her feelings to me" tugon niya, napataas naman yung kilay ko kasi hindi na siya nakangisi ngayon. "Diba dapat nga matuwa ka kasi may nabihag ka na namang girl" pang-asar ko pa sa kaniya dahilan para ngumisi na naman siya. "Ganyan talaga ang tingin mo sa'kin ah?" tawa niya pa at nagsimula na siyang magpractice ng mga footworks niya dito sa football field. "I won't blame you, hindi ko nga rin maintindihan kung bakit habulin ako ng mga girls, I'mso tired of resisting kaya pinagbibigyan ko na lang sila" sagot niya pa at ang swabe-swabe pa ng dating. Ang kapal talaga! Hindi ko alamkung maiinis o matatawa na lang ba ako sa kayabangan at kahibangang taglay ng mokong na to eh "See? Hindi ka na rin maka-resist sa charms ko, you're already laughing" pang- asar niya pa sa'kin sabay turo, bigla naman akong natauhan kasi hindi ko namalayan na natawa pala ako sa pinagsasabi niya. "Hindi ah" sagot ko na lang at balik neutral mode ako. napailing-iling naman siya habang nagtatakbo pa din doon sa football field. "Pakipot ka talaga" banat niya pa, Ughh! "Anyway, I prove to you na I don't take all girls for granted, especially my bestfriend Iryn, since high school I'maware that she has feelings for me but I choose not to ask her kasi ayokong masira ang friendship namin, everytime na magkasama kami hinihiling ko na hindi siya magtapat sa'kin dahil hindi ko alamang isasagot ko, I do love her but as a sister a baby sister... kaya maling ma-fall siya sa'kin kasi kaibigan at kapatid lang talaga ang tingin ko sa kaniya... it's not true na kaya hindi ko na siya pinansin kasi mataba siya or what, kung sa physical appearance lang ako titingin bakit naging magkaibigan pa kami since elementary hanggang college diba? bakit tumagal ng ganoon ang friendship namin kung panlabas na anyo lang tinitingnan ko" paliwanag niya pa. napatahimik naman ako at napaisip ng mabuti, sabagay may point din naman siya, mataba na si Iryn since elementary pero kinaibigan pa din siya ni Bryan. "Eh bakit kasi hindi mo ipaliwanag sa kaniya para maayos na ang friendship niyo?" tanong ko pa, napailingP 22-14 iling naman siya. "It wouldn't work that way, I think mas mabuti ng ganito, kung mababalik man ang friendship namin alamkong patuloy lang siyang aasa sa'kin at ayokong paasahin siya habambuhay, mas okay na hindi na lang kami magpansinan para maka-move on na siya sa feelings niya sa'kin at makahanap ng iba na mas nararapat sa kaniya, after all, papasalamatan din niya ako in the end, I know na hindi ang tulad ko ang nararapat sa mabait kong bestfriend na yun" sagot niya, napatango-tango naman ako, may tinatago din pa lang butil ng knowledge ang mokong na to. "Now you know? Bilib ka na sa'kin noh?" pang-asar niya pa. napa-whatever look naman ako. "Di ko lang ine-expect na may laman din pala yang utak mo kahit papaano, akala ko puro kalandian at kayabangan lang laman niyan eh" banat ko pa, pero sa pagkakataong iyon natawa na lang din ako. "Sabi nga nila, don't judge the cover... of the page... of the book... Ano nga ulit yun?" tanong niya pa at napatigil siya habang iniisip yung quote na yun. hindi ko alampero natawa na lang ako, mukha kasi siyang shunga. "Don't judge the book by its cover kase" tugon ko at napa-suntok naman siya sa hangin "Yes! Yun nga! inunahan mo lang ako, naisip ko na yun eh" tawa niya pa at nagsimula na naman siyang magtatakbo doon sa football field. Medyo madilimnan ang nagpaalamako kay Bryan na uuwi na ako, "Hey! hahatid na kita" ngiti niya pa, teka! Mukhang bumalik na naman yung nakakalokong ngiti niya. "Don't worry, hindi kita lalandiin... sa ngayon" tawa niya pa na ikinataas ng kilay ko, "Wag na lang, kaya ko namang umuwi mag-isa" sabi ko na lang at akmang naglakad na papalayo pero humabol pa din siya. napadaan na kami sa parking lot malapit sa gate 3. "Bakit kayong mga girls palagi niyong sinasabi na kaya niyong mag-isa kahit hindi naman talaga" pang-asar niya pa, at napatigil ako sa paglalakad sabay lingon sa kaniya. Sinusubok niya ata ang mga kakayahan ng mga kababaihan ah! "Kapag sinabi naming kaya namin, kayang-kaya talaga namin! Patunay na ang mga working moms, single moms, career woman at mga babaeng nakakayang bumangon sa kabila ng mabigat na problemang kinaharap nila" paliwanag ko sabay pamewang pa pero tinawanan lang ako ni loko. "Nose bleed... bilib na rin ako sa inyong mga girls, ang lalimniyo pa magtagalog" tawa niya pa, napa-flipped hair naman ako. mukhang naitaas ko ang bandera ng mga kababaihan Yes! "I'll drive you home diba sa Cavite ka rin nakatira" patuloy niya pa habang naglalakad kami sa parking lot. Napataas naman yung kilay ko sa kaniya, Paano niya nalaman- Ah! Oo nga pala kasabay namin siya noon nila Sir Nathan at Cassandra pa-Cavite. P 22-15 "I live in Makati but my lola is in Cavite" sabi pa niya, hindi ko naman tinatanong kung saan siya nakatira diyan. Tumango na lang ako. "So, ano? Tara na?" aya pa ni Bryan habang nakangisi ng todo, sa totoo lang medyo nacecreepyhan ako sa kaniya, agad kong kinuha yung phone ko at tinext si Jen. 6:30 pm August 05, 2014 sa parking lot ng school natin. Kasama ko si Bryan Armando ngayon second year IT student na nakatira sa Makati City, he's wearing black leather jacket at black pants. Pag di pa ako nag-reply within 2 hours tumawag ka na ng pulis. Nagulat naman ako nang biglang magsalita at tumawa si Bryan. Ayy shems! Hindi ko namalayan na sumilip pala siya ngayon sa tinatype kong text waaahh! "You really think na may gagawin akong masama sayo ah" tawa niya pa, at bigla siyang tumigil doon sa red sports car niya. hindi naman ako makatingin ng diretso sa kaniya kasi nahihiya ako na nabasa niya pala yung text ko kay Jen, ganito kasi kami kapag sasakay ng taxi o sa stanger palagi naming tinetext sa isa't-isa ang info at pagkakakilanlan ng taxi driver o nung stranger. "Look, may CCTV oh" tawa pa ni Bryan sabay turo doon sa CCTV camera na nasa taas ng parking lot, "I'll be in forever in jail if something bad happened to you, nakita na tayo ng CCTV" tugon niya pa habang tumatawa pa din. Napahinga na lang ako ng malalim. Shemay ang lakas talaga mang-asar ng isang to. Binuksan na niya yung pinto ng kotse niya "Come on" aya niya pa, tatanggi na lang sana ulit ako kaso biglang pumatak ang ulan, umaambon na ngayon. "Tayo na!" tawa pa ni Bryan at akmang hihilahin ako papasok sa kotse niya pero napatigil kami nang biglang may bumusina mula sa likuran... Si Sir Nathan! Waaahh! "Aleeza sumabay ka na sa amin" tawag niya, Shocks! Tinawag na naman niya ako sa first name ko! biglang bumaba si Sir Nathan at may dala na siyang payong at naglakad papalapit sa'min ni Bryan. "Tayo na" tugon pa ni Sir sabay hawak sa wrist ko, pero napatigil ako nang makitang dumungaw sa passenger seat ng kotse ni Sir Nathan si Cassandra "Come on Aleeza, sabay ka na sa amin" tawag pa ni Cassandra habang nakangiti. Napalingon naman ako kay Bryan, nakangisi pa rin siya sabay bukas ulit ng pintuan ng kotse niya sa passenger seat. Napatingin naman ako kay Sir Nathan na seryosong nakatingin sa'kin habang hawak pa rin ang P 22-16 wrist ko at pinapayungan ako ngayon. sa huling pagkakataon ay napatingin ako sa direksyon ni Cassandra at sa kotse ni Sir Nathan. Kung sasama ako kay Sir Nathan magiging third wheel na naman ako sa kanila ni Cassandra at siguradong sa back seat ako uupo. Pero kung sasama ako kay Bryan magiging panatag ang byahe ko habang nakaupo sa passenger seat ng kotse niya at walang kwentong pag-iibigan na masisira dahil sa'kin. Anong pipiliin ko? Ang back seat na second priority? o ang passenger seat na first priority? ********************** A/N: yung 'XandY' song imbento ko lang yun haha. Wala kasi akong maisip na math jingle. By the way sana nasiyahan kayo sa chapter na to... vote at comment naman diyan oh hihi! ?? Thank youuu <3 Hindi naman forbidden loveang JuanEla, hintay lang tayo??Inay~! @UndeniablyGorgeous tagacavite ka po? P 22-17 Kabanata f(x - 21) 59K 2.3K 2.4K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 21] Our Asymptotically Love Story (page 156 - 176) Ika-Sampung Kabanata Filipinas 1688 "At ayoko rin marinig ang salitang Paalammuna sa iyo... Lumeng" tugon ni Fidel habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome, Napatitig lang din ng diretso si Salome sa mata ni Fidel habang pilit na inuuwa ang mga salitang binitiwan nito. Sandaling tumigil ang oras sa pagitan nilang dalawa habang nakatitig sa mata ng isa't-isa. At sa mga oras na iyon, sa bawat segundong pumatapatak hindi pa rin inaalis ni Fidel ang kamay niya sa noo ni Salome. Hanggang sa matauhan na lang si Salome at kusang mapahakbang paatras papalayo sa binata. Maging si Fidel ay natauhan na rin sa kaniyang mapangahas na paghawak sa dalaga kung kaya't agad niyang ibinaba ang kaniyang kamay ay itinago ito sa kaniyang likuran. "P-paumanhin sa aking inasal, N-nais ko lamang suriin ang iyong temperatura" tugon pa ni Fidel at nagpalingon-lingon ito sa paligid upang iwasan ang nagtatakang mata ni Salome na nakatingin sa kaniya. "Mukhang maayos naman na ang iyong pakiramdam, magsabi ka lang kung kailangan mo ng gamot" wika pa ni Fidel at pasimple itong sumulyap kay Salome na nakayuko na ngayon at bakas sa mukha nito na siya'y nabigla talaga sa mga pangyayari. "A-ako'y papanhik na sa loob" paalampa ni Fidel at dali-dali itong pumasok sa loob ng mansyon. habang si Salome naman ay nakatanaw sa kaniya habang nakatalikod itong naglalakad papalayo, napahawak din siya sa kaniyang noo, ramdamniya pa rin ang palad ni Fidel na dumampi sa kaniyang noo kani- kanina lang. Bakit Senor Fidel? Bakit kailangan mo akong lituhin ng ganito? Lingid sa kanilang kaalaman, nakatanaw si Eleanor mula sa bintana ng ikalawang bahagi ng mansyon. P 23-1 natunghayan niya ang tagpo ni Fidel at Salome. Kinabukasan, maaga pa lang ay pinatawag ni Manang Estelita ang mga tagapag-silbi dahil may gagawin silang importanteng bagay. Nakapalibot sila ngayon sa malaking mesa sa gitna ng kusina na kung saan nakalatag doon ang iba't-ibang sangkap na langis, pampabango at marami pang iba. "Ito ay mga sangkap pa mula sa Europa" panimula ni Manang Estelita sabay hawak sa labander at lemon. Sa kaniyang likuran ay may palayok na nasa apuyan na ngayon. "Ano ba ang gagawin natin ngayon Manang?" tanong ni Ising. Napangiti naman si Manang dahil hindi na mapakali ngayon si Ising, Salome at Piyang sa kakausisa sa mga sangkap. "Tayo'y gagawa ng sabon" sagot ni Manang Esetelita sabay kuha ng taba ng baboy at isinalang ito sa palayok upang makuha ang langis mula sa taba nito. Nilagyan pa ni Manang Estelita ng kaunting tubig at asin. Matapos ang proseso ng pagkuha ng langis isinalang nila ito sa isang palayok habang sinasala ang langis sa isang puting tela. Matapos ito palamigin ay inihalo na rin ito sa iba pang mga sangkap gamit ang Leeching Barrel upang mabuo ang lye water solution. Sunod namang pinainit ni Manang Estelita sa palayok ang langis ng olive at niyog. Matapos ito ay pinag-halo-halo na ang lahat ng dahan-dahan sa isang malaking palayok, inilagay na rin nila ang katas ng lemon na pinili ni Ising at Salome dahil sa nakakaakit na amoy nito. "Ngayon ko pa lang po nakita ang hulmahan na iyan Manang at mukhang mamahalin pa" magiliw na wika ni Salome at Ising ng ilabas ni Manang Estelita at ilagay sa mesa ang malaking pa- kuwadraro na hulmahan ng sabon na gawa sa kahoy. "Pasalubong ito ni Senorita Eleanor sa akin, Nabalitaan daw niya kasi kay Fidel na mahilig akong gumawa ng sabon" nakangiting sagot ni Manang habang hinihimas ang bagong-bagong hulmahan. "Nasaan nga po pala si Senorita Eleanor?" tanong ni Ising habang aliw na aliw pa rin silang lahat sa paghalo ng marahan sa mga sangkap. "Kanina ay nasa itaas lamang si Senorita Eleanor at nagbabasa ng libro" sagot naman ni Piyang. Tulong-tulong naman nilang binuhat ang malaking palayok at isalin ang laman nito sa hulmahan. "Umuwi na kanina si Senorita Eleanor, masama raw ang kaniyang pakiramdampinahatid siya ni Senor Fidel kay Mang Berto sa hacienda Alfonso" sagot ni Susana sabay tingin kay Salome. Nagtaka naman si Salome kung bakit nakatingin sa kaniya si Susana kahit pa hindi naman siya ang nagtanong kung nasaan si Eleanor. "Kay ganda! Maaari po ba nating lagyan ito ng palamuti?" tuwang-tuwang tanong ni Ising habang nakatutok ng maigi sa sabon na nasa hulmahan na ngayon. "Kailangan pa nating hintaying tumigas ito bago natin maaaring P 23-2 sulatan" wika ni Manang Estelita, labis ang saya na nararamdaman niya habang pinagmamasdan ang mga dalagang tuwang-tuwa ngayon sa kanilang bagong natuklasan. "Mga hija palagi niyong tatandaan na ang buhay ay katulad ng mga sabong iyan, marami kang kailangang pagdaanan at haraping proseso bago mo makamit ang magandang resulta mula sa bagay na pinaghirapan mo" patuloy pa ni Manang Estelita sabay turo sa sabon na natapos na nila gawin at itinabi na nila upang hayaang tumigas ng kusa. "Kayo'y mga bata pa, marami pa kayong haharapin sa mundong ito... at sa bawat desisyon na gagawin niyo palagi niyong piliin ang tama" saad pa ni Manang Estelita at isa-isa niyang tiningan ang mga dalaga habang nakikinig ito sa mga pangaral niya, ngunit napatigil siya nang ibaling niya ang paningin niya kay Salome, sandali niyang tinitigan ang dalaga sabay wika, "Dahil sa huli ang tamang desisyon pa rin ang siyang nararapat" Araw ng linggo, matapos magsimba sa bayan ay nagtungo ang mag-anak na Aguantar sa palengke at dumaan sa panciteria ni Aling Teodora. Si Nay Delia naman ay kanina pa nasa panciteria habang magiliw na kakwentuhan si Aling Teodora na kapwa niya may lahing intsik. Kanina pa sila nag- uusap patungkol sa kanilang mga nakagawiang kultura, tradisyon at relihiyon. Si Salome, Felicidad, Ising at Julio naman ay nasa kabilang mesa habang pumapapak sila ng keso. Kalongkalong ni Felicidad ang batang si Julio at tuwang-tuwa ito makatikimng keso. Si Danilo naman ay hindi makapasok sa panciteria dahil naroon si Ising kung kaya't naggagala na lang ito sa palengke. Habang sit ay Isko ay kasama sila Mang Berto, Mang Kiko at Mang Pedro na nagkukumpulan sa labas ng panciteria kasama ang cabeza de barangay ng barrio Tagpi na si Mang Lito. "Kahit anong gawin natin ay mainit pa rin ang mga mata ng kastila sa mga intsik" saad ni Mang Lito, napahimas naman sa noo si Tay Isko, kamakailan lang kasi ay napabalitang may dalawang intsik na nagtitinda ng mga alahas ang pinagmalupitan ng mga kastila at kinuha pa ang mga paninda nito. "Ayaw ng mga kastila na maulit muli ang ginawang pag-atake nila Limahong kahit pa imposible ng mangyari muli iyon" wika pa ng cabeza de barangay. Napailing-iling naman ang mga kausap nito. "Posible pang mangyari iyon, ang pagatake sa Tondo at Quiapo ng mga intsik na naghimagsik sa mga Kastila noong 1603 lang at ang mapangahas na kautusang inilabas ni Gobernador-Heneral Corcuera na sapilitang pagtrabahuin ang mga intsik sa Calamba noong Nobyembre 19, 1639 ang nagpasimula na naman ng ikalawang rebolusyon ng mga intsik, hindi ba't napatay ng mga rebelde ang alcalde mayor ng Laguna na si Don Marcos Zapata. Maging ang mga paring kastila ay napatay rin nila, sinunog din nila ang mga gusali at simbahan ng Santa Maria at simbahan ng Cavinti" paaalala ni Mang Pedro at mas napatigil sa pag- uusap ng may mapadaang apat na guardia civil sa gilid nila na romoronda sa palengke. P 23-3 Nang makalagpas ang mga guardia civil ay muli silang nagkumpulan. "Hindi ba't halos tatlong buwan din sila nakipaglaban sa mga kastila habang nagtatago sa kabundukan ng Laguna?" tanong pa ni Mang Kiko, natapatango naman silang lahat. "Tama ka Kiko, lumaban sila ngunit natalo rin, ang ilan sa kanila ay sumuko kay Gobernador-Heneral Corcuera sa Pagsanjan ngunit halos 20,000 naman sa panig ng mga rebelde ay napatay rin" wika ni Mang Berto. Sandali silang napatahimik, pare-parehong nalulungkot sa pag-alaala ng nangyaring kagimbal-gimbal na masaker. At ngayon nagsisimula na rin silang mangamba dahil dumarami na ang populasyon ng mga intsik sa San Alfonso. Isang senyales na muling mangangamba na naman ang pamahalaang Kastila. Kahit anong gawin ni Tay Isko ayaw man niyang isipan ang mga posibleng masamang mangyari sa kanilang pamilya sa oras na magkaroon na naman ng tensyon sa pagitan ng dalawang lahi, ang pamilya pa rin ni Tay Isko ay maiipit dahil ang asawa niyang si Nay Delia ay intsik at kung kaya't ang kanilang limang anak na sina Ernesto, Felicidad, Salome, Danilo at Julio ay siguradong madadamay. "Napakasarap naman ng kesong ito Ising" puri pa ni Felicidad at kanina pa sila nagkwekwentuhan, ngayon pa lang nagkakilala si Felicidad at Ising at naging malapit na agad sila sa isa't-isa lalo nan ang binulong ni Salome sa kaniyang ate Felicidad na si Ising ang babaeng napupusuan ng kapatid nilang torpe na si Danilo. At mukhang palagay na rin ang loob ni Felicidad kay Ising. "Magkamukha pala kayo ate Felicidad ni Salome... para kayong kambal" puri naman ni Ising kay Felicidad na ikinasaya nito "Talaga? ibig sabihin mukha pa akong bata" biro pa ni Felicidad at nagtawanan sila. "dalawang taon lang naman ang tanda mo sa akin ate Fe" reklamo pa ni Salome pero tinawanan lang siya ni Isng at Felicidad at inasar pa nila na mukha ng matanda si Salome kung kaya't agad silang kiniliti ni Salome. Habang si Julio naman ay nagpakarga na kay Nay Delia dahil inaantok na ito, magkausap naman sa kabilang mesa si Nay Delia at Aling Teodora at patuloy pa rin sila sa masaya nilang pagkwekwentuhan. "Napaka-pilya mo talaga Lumeng!" tawa pa ni Felicidad habang pilit na umiiwas sa kiliti ni Salome, pinagtulungan naman nila ni Ising na kilitiin si Salome ngunit sadyang magaling talaga sa kilitiin itong si Salome kaya natatalo sila. Ilang saglit pa napatigil sila nang biglang may napatikhimmula sa labas ng bintana ng panciteria. "M-magandang hapon sa inyo mga Binibini" bati ni Felipe, hinubad nito ang kaniyang sumbrero at itinapat iyon sa kaniyang dibdib upang magbigay galang sa mga dalagang nasa harapan. Malinis ang kasuotan ngayon ni Felipe, puting damit pang-itaas na ang manggas ay hanggang siko, bagong-bago rin ang salakot na suot nito at mukhang nag-ahit na rin ng tumutubong bigote "K-kamusta ka na Binibining Ssalom- " hindi na natapos ni Felipe ang kaniyang sasabihin dahil biglang dumating si Paterno na kumakaripas ng takbo habang hila-hila si Danilo. "Buenas dias mga Binibini" ngiting tagumpay na bati ni Paterno at nagbigay galang siya sa mga binibini, samantalang si Danilo naman ay naistatwa na lang sa kinatatayuan habang nakayuko ng todo, nagbigay galang din siya sa mga dalaga ngunit para siyang kuba kung makayuko ng todo. "Danilo...umayos ka nga" tawa pa ni Felicidad, agad namang sinagi ni Paterno si Danilo dahilan para mapatayo na ito ng diretso. P 23-4 Bigla namang sumilay ang malaking ngiti mula kay Felicidad at Salome "Siya nga pala Ising, si Danilo nga pala ang binata naming kapatid" tugon pa ni Salome sabay hila nilang dalawa ni Felicidad kay Ising papalabas sa panciteria para dalhin kay Danilo na tatakbo n asana pero agad siyang hinarang ni Paterno. Habang si Felipe naman ngayon ang naistatwa sa kinatatayuan habang pinagmamasdan si Salome na papalapit sa kanila. "Nagagalak akong makilala ka Ginoong Danilo" bati ni Ising kay Danilo na hindi na ngayon mapakali at mukhang anumang oras ay hihimatayin na sa kaba "Pare, ayos lang iyan nagagamot din naman ang pagkatorpe, hindi ba Felipe?" tugon pa ni Paterno sabay akbay kay Danilo at Felipe na parehong muntikan ng maihi sa kaba habang kaharap ang dalawang binibini na nagpapatigil sa pagtibok ng puso nila. "Tayo'y kompleto ngayon... sa tingin ko ay maganda ang mamasyal at maglibot-libot tayo sa plaza San Alfonso" magiliw na wika ni Felicidad na sinang-ayunan naman ni Paterno. Pareho namang napangiti si Salome at Ising dahil mamamasyal sila sa plaza, agad namang pumasok sa loob ng panciteria si Felicidad upang magpaalamkay Nay Delia at Aling Teodora. Nakita naman ni Salome ang kaniyang ama na si Tay Isko sa gilid ng panciteria habang kausap pa rin nito ang mga kaibigan, agad siyang naglakad papunta sa kaniyang itay ngunit napatigil siya nang mapagtanto na sumunod pala sa kaniya si Felipe, "Bakit Ginoong Felipe?" tanong ni Salome sa noo'y kabadong-kabadong si Felipe. "Batid kung ikaw ay magugulat sa aking sasabihin lalong-lalo na dahil kamakailan lang tayo nagkakilala ngunit sa tingin ko ay kailangan ko ng sabihin sa iyo ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kayang itago pa ito..." panimula ni Felipe at hindi na ito mapakali sa pag-padyak ng paa dahil sa kaba, sa kabilang banda naman ay napatingin sa kanila si Tay Isko at nagtataka ito kung bakit may kausap na binata ang anak niyang si Salome, agad napatigil ang pag-uusap nila Tay Isko at nila Mang Berto dahil naglakad si Tay Isko papunta sa kinaroroonan ni Salome at ng binatang kausap nito. "Ano ba iyon Ginoo?" tanong pa ni Salome habang nakatingin kay Felipe na pinagpapawisan na rin ngayon dahil sa kaba. "K-kung iyong mamarapatin... n-nais ko sanang- " hindi na natapos ni Felipe ang kaniyang sasabihin nang biglang may magsalita mula sa likuran nila. "Ang pangliligaw ay hindi isinasagawa sa gitna ng palengke" seryosong wika ni Fidel na nakatayo likuran nila. napatulala naman si Salome sa kaniya, maging si Felipe ay nagulat din ngunit may halong inis dahil sa pagdating ni Fidel. Napatigil naman si Tay Isko sa paglalakad at bumalik na lang sa kaniyang mga kasamahan dahil kasama naman na ni Salome si Senor Fidel. "M-magandang hapon po Senor Fidel..." bati ni Salome kay Fidel at nagbigay galang siya "N-nagkakamali ho kayo, hindi po nanliligaw sa akin si Ginoong Felipe" paglilinaw ni Salome, napayuko naman si Felipe, nagsisisi kung bakit hindi niya pa dineretso kanina ang nais niyang sabihin habang hindi pa umeeksena si Senor Fidel. P 23-5 "Ano ang iyong ngalan?" seryosong tanong ni Fidel kay Felipe na ikinagitla ng binata "A-ako ho si Felipe Almanor, kaibigan po ako ni Danilo" sagot ni Felipe, ngunit di kalaunan ay nagawa rin niyang tingnan ng diretso sa mata si Fidel at hindi papatalo dito kahit pa isang makapangyarihang tao ang katapat niya. "Iyong pakatatandaan na si Salome ay labis na pinapahalagahan ng kaniyang mga magulang hindi basta basta" hindi natapos ni Fidel ang kaniyang sasabihin dahil nagsalita agad si Felipe. "Akin pong nauunawaan Senor sa katanuyan ho- "hindi na natuloy ni Felipe ang kaniyang sasabihin nang makitang nakatingin sa kaniya si Tay Isko, batid niyang strikto si tay Isko pagdating sa usaping panliligaw sa kaniyang dalawang dalagang anak. Napatingin naman si Salome kung saan nakatingin ngayon si Felipe na napalunok na lang sa kaba, seryosong nakamasid sa kanila ang tatay niya, maging siya tuloy ay kinabahan din. Magsasalita na sana si Fidel kaya lang biglang dumating si Eleanor at may dala-dala itong mga magagandang baro't-saya. "Nakapamili na ako Fidel, tara na" aya pa ni Eleanor sa kaniya, napangiti naman si Eleanor ng makita si Salome at yumakap pa sa dalaga, sandali itong nagkwento ukol sa mga pinamili nila ngunit kinailangan na rin nilang umalis dahil hinahanap na sila ni gobernador Filimon Alfonso. Sa huling pagkakataon ay tinanaw ni Salome mula sa di-kalayuan ang pag-alalay ni Fidel kay Eleanor paakyat sa magarbong kalesa ng gobernador at kasama rin nila doon si gobernador Filimon Alfonso. Napasulyap naman si Felipe kay Salome na nakatulala sa papaalis na kalesa. Kinabukasan, araw ng Lunes nang hapon ding iyon ay nagtungo sila sa ilog tangis upang maglaba ng mga malalaking sapin sa mesa, sapin sa kama at naglalakihang kurtina. Maaliwalas ang kalangitan habang ang malinaw na ilog tangis ay marahang umaagos. Si Manang Estelita at Susana ang naglalagay ng mga natapos ng labhan sa kalesa upang maisampay na sa hacienda. Nakatatlong balik na si Mang Berto sa paghahakot ng mga nalabhan. Habang si Salome, Ising at Piyang naman ang naglalaba. Magkatabing naglalaba si Salome at Ising habang pasimple nilang winiwisikan ng tubig si Piyang na nakaupo sa malaking bato sa gitna ng ilog habang abala sa pagkuskos ng mga labahan. Natatawa na lang ang dalawang magkaibigan dahil hindi napapansin ni Piyang na siya'y nababasa na dahil nakatuon ang buong atensyon nito sa nilalabhang kobre kama. "Oo nga pala Lumeng, nasabi na ba sa iyo ni Piyang?" pagiba ni Ising ng usapan, sumuko na ito sa pangungulit kay Piyang dahil tutok na tutok talaga ito sa paglalabada. Samantala si Salome naman ay hindi pa rin sumuko at winisikan pa si Piyang ngunit hindi pa rin ito lumingon. "Ang alin?" takang tanong ni Salome, pinigilan naman ni Ising si Salome na balak na namang wisikan ng tubig si Piyang. "Hindi mo ba napapansin nitong mga huling araw na balisa si Piyang?" tanong ni Ising kay Salome, napaisip naman ng mabuti ang dalaga. "Bakit? May problema bang pinagdadaanan ngayon si Piyang?" tanong ni Salome at sabay silang napalingon ni Ising kay Piyang na seryosong naglalaba pa rin. "Ikakasal na si Piyang sa katapusan ng Agosto" bulong ni Ising na ikinagulat ni Salome. P 23-6 "Paanong- ? Wala naman siyang nasabi sa akin" nagtatakang saad ni Salome, nabigla siya sa balitang narinig mula kay Ising. "Batid kong ayaw niyang sabihin sa atin dahil nahihiya siya at tutol siya sa kasal" bulong pa ni Ising na mas lalong lumapit kay Salome para walang ibang makarinig sa usapan nila. hindi kasi ganoon kalakas ang ingay mula sa umaagos na ilog at tahimik din ang buong paligid. "Kahapon ko lang nalaman mula kay Inay na ikasasal na raw si Piyang sa anak ni Manang Dolores na mangingisda at tagabuhat ng banyera sa palengke" bulong pa ni Ising, napatango- tango naman si Salome habang nakikinig sa kaniya ng mabuti. "Sino ang maswerteng ginoo? Bakit tutol si Piyang sa kasal? At bakit naman ikahihiya niya ang pagpapakasal?" tanong pa ni Salome, napahinga naman ng malalimsi Ising dahil sa sunod-sunod na tanong ni Salome. "Ang sabi ni inay, usap-usapan daw sa bayan ang biglaang pagkakatakda ng kasal ng pamilya ni Piyang at ng pamilya ni... Paterno ba iyon? Tama! Si Paterno na nasa panciteria kahapon, siya ang mapapangasawa ni Piyang... matagal ng pinagkasundo si Piyang at Paterno dahil magkaibigan talaga ang kanilang mga pamilya ngunit itong si Piyang matagal ko ng kilala iyan, matagal na siyang may gusto kay Senor Patricio" paliwanag pa ni Ising, napatulala naman si Salome sa kaniyang narinig. Naalala niyang isa sa kaibigan ni Danilo na dinala niya noon sa kanilang bahay ay nagngangalang Paterno, naalala pa ni Salome na sinabi ni Paterno na malapit na itong ikasal. Ibig sabihin si Piyang pala ang siyang papakasalan ni Paterno! Natigilan din siya nang marinig ang tungkol sa pagkakagusto ni Piyang kay Patricio. "Sa tingin ko ay magiging maligaya naman si Piyang kay Paterno dahil mabait naman ito" saad ni Salome ngunit napailing-iling naman si Ising "Oo mabait nga si Paterno ngunit may isa pang problema, buntis si Piyang at hindi si Paterno ang ama" tugon pa ni Ising na mas lalong ikinagulat ni Salome. Muntikan niya pang mabitawan ang nilalabhan niyang sapin sa mesa at tangayin ito ng agos ng ilog pero buti na lang agad itong nakuha ni Ising. "Paano mo nalaman na buntis si Piyang at hindi si Paterno ang ama ng batang dinadala niya?" "Nabasa ko ang sulat ni Piyang noong isang gabi, labis na akong naghihinala sa mga kilos niya at sa madalas niyang pagkahilo kung kaya't pinakialaman ko ang mga gamit niya, may isang sulat siyang ginawa na hindi niya pa natatapos ngunit nakasulat na siya ng halos kalahati, ayon doon sa sulat... Ako'y nadadalang tao at ikaw ang ama Senor. Naalala mo noong nakaraang gabi na tayo'y nagsama, sinabi mo sa akin na ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa kahit pa batid kong marami ka ng pinagsabihan niyon, at kahit pa nakatakda na akong ikasal sa anak ni Manang Dolores handa akong sumuway sa aking mga magulang para sayo Senor, matagal na kitang mahal alam mo iyon, at kahit pa alam kong hindi mo ako mahal bubuhayin ko ang anak natin "Sigurado ka ba riyan Ising?" gulat na tanong ni Salome sabay tingin kay Piyang na hindi pa rin sila P 23-7 pinapansin ngayon. "Ibig sabihin posibleng si Senor Patricio ang ama ng pinagbubuntis ni Piyang?" patuloy pa ni Salome at napahawak na lamang siya sa kaniyang bibig dahil sa gulat. "Malaki ang posibilidad dahil matagal nan gang may lihimna pagtingin si Piyang kay Senor Patricio noon pa man bago ka pa dumating dito sa San Alfonso" wika pa ni Ising at nagpatuloy na ito sa paglalaba. Napatulala lamang si Salome dahil sa kaniyang mga nalaman. Sinasabi ko na nga ba! Sadyang disgrasya at kamalasan talaga ang hatid ni Patriciong iyan! Magtatakipsilimna nang matapos sila sa paglalaba, ang lahat ng kanilang nalabhan ay naisakay na sa kalesa, si Manang Estelita, Mang Berto at Susana lang ang nakasakay sa kalesa dahil hindi na sila kasya. "Uh- Susana maaari bang si Piyang na lang ang sumakay sa kalesa? Mukhang maputla kasi siya" pakiusap ni Salome kay Susana na nakasakay na sa kalesa, tinaasan naman siya nito ng kilay. Habang gulat namang napatingin sa kaniya si Piyang. "At bakit ko naman gagawin iyon?" reklamo ni Susana, nagkatinginan naman si Salome at Ising. Hindi nila pwedeng sabihin na buntis si Piyang at maging si Piyang ay hindi pa handang malaman na may nakakaalamna ng sikreto niya. "K-kasi... kaibigan mo siya, tingnan mo namumutla na si Piyang marahil ay sa kakalaba kanina" patuloy pa ni Salome at sinubukan niyang ngumiti, napatingin naman si Susana kay Piyang at ilang saglit pa bumaba na ito sa kalesa "Baka sabihan ako ng iba diyan na walang puso... sige na Piyang ikaw na ang sumakay sa kalesa" saad pa ni Susana, tatanggi pa sana si Piyang pero hinila na siya ni Salome at Ising at inalalayan paakyat sa kalesa. "Mag-iingat kayo mga hija, bilisan niyo ang paglakad" bilin pa ni Manang Estelita, hindi na kasi sila mababalikan pa ng kalesa dahil gagamitin iyon ni Senor Patricio papunta sa bayan mamayang gabi. Nagsimula ng maglakad ang tatlo, nauna ng maglakad si Susana at mukhang wala itong balak sumabay sa dalawa. Habang si Salome at Ising naman ay magkasabay na naglalakad sa likuran habang magkakapit ang kanilang mga braso. "Kahit kailan talaga ang sungit nito ni Susana" bulong pa ni Ising kay Salome sabay tawa. "Kahit paano naman nagpaubaya siya para kay Piyang" bulong naman ni Salome at sabay silang nagtawanan ng marahan dahilan para mapalingon sa kanila si Susana at umikot pa ang mga mata nito. Ilang sandali pa, natatanaw na nila ang hacienda Montecarlos mula sa di-kalayuan, masayang nagkwekwentuhan si Salome at Ising patungkol sa mga bagay-bagay nang biglang narinig nilang may paparating na kalesa, mas magarbo at mas malaki ito dahil dalawang kabayo na ang nagpapatakbo. "Iyan ang kalesa ni Gobernador Filimon Alfonso" bulong ni Ising kay Salome at napatigil sila sa paglalakad at gumilid sa daan. P 23-8 Nang mapadaan ang kalesa sa kanilang harapan ay sabay-sabay silang napayukong tatlo, hindi naman mapigilan ni Salome na mapasulyap ng mabilisan sa kalesa upang makita ng mas malapitan ang pinakamakapangyarihan at pinaka-may mataas na posisyon sa buong San Alfonso. Matangkad na ginoo si Don Filimon at nasa edad 40 na ito. Maputi ang balat at bakas na bakas ang ganda ng hubog ng pangangatawan. Maging sa pananamit ay kitang-kita rin ang karangyaan. Balbas sarado ito at may bigote pa. Nasa tabi ni Don Filimon Alfonso ang dalawang batang lalaki na anak nito na nasa edad pito at sampu lamang. At sa katapat nila nakaupo naman si Senorita Eleanor habang nilalaro ang mga pamangkin nito, mabilis lamang nakalagpas ang kalesa dahil sa matulin nitong takbo. Napatakip naman sa ilong sina Salome, Ising at Susana dahil sa nagsiliparan na alikabok sa daan mula sa matulin na kalesa. Ilang saglit pa ay natanaw nilang tumigil ang kalesa sa tapat ng hacienda Montecarlos at bumaba mula roon si Senorita Eleanor at nagpaalamsa kaniyang tiyo at pamangkin. "Mukhang sa hacienda muli maghahapunan si Senorita Eleanor" wika ni Susana sabay tingin kay Salome, hindi naman maunawaan ni Salome kung bakit sa tuwing babanggitin nito ang pangalan ni Senorita Eleanor ay titingin sa kaniya si Susana. "Dapat tayong maghanda ng napakasarap na pagkain para sa hapunan" masayang wika ni Ising sabay hila sa kanilang dalawa patakbo sa hacienda Montecarlos. Si Ising kasi ang pinakatagahanga ni Senorita Eleanor. Ngunit agad bumitaw si Susana at pinagpagan niya pa ang sarili niya, "Umayos nga kayong dalawa" suway niya pa kay Salome at Ising na napatigil na rin sa pagtakbo. Si Susana ang pinakamatanda sa kanila kung kaya't dapat silang sumunod dito. "Lalong-lalo na mamayang gabi, huwag kayong gagawa ng mga bagay na ikaiilang ni Senorita Eleanor, mabait si Senorita at alamkong alamniyo iyon ngunit kahit pa siya ay makipagkaibigan sa atin kailangan pa rin nating tandaan na siya'y nakatataas sa atin, igalang natin siya" paalala pa ni Susana, nagkatinginan naman si Salome at Ising at napatango na lang sa kaniya. "Bukod doon, alamnaman nating nakatakdang ikasal noon si Senor Fidel at Senorita Eleanor" wika pa ni Susana dahilan para gulat na mapatingin sa kaniya si Salome at Ising. "Hindi niyo alam? Wala kayong ideya na noon pa man ay magkasintahan na sina Senor Fidel at Senorita Eleanor?" tanong pa ni Susana habang nakatingin ng mabuti kay Salome upang hulihin ang ekspresyon ng mukha nito. "Ang ina ni Senor Fidel na si Donya Victoria ay kaibigang matalik ng ama ni Senorita Eleanor na si Heneral Martino Alfonso, noon pa man ay pinagkasundo na silang dalawa, naalala ko pa nga na ikakasal na sana sila noong labimpitung taong gulang pa lamang sila ngunit hindi natuloy ang kasal" patuloy pa ni Susana, sa kanilang lahat si Susana na ang pinakamatagal sa hacienda Montecarlos at dati na rin itong nanilbihan sa hacienda Alfonso kung saan bumibisita-bisita noon si Senorita Eleanor. "Ngunit bakit hindi natuloy ang kasal ni Senor Fidel at Senorita Eleanor?" nagtatakang tanong ni Ising, kahit pa si Ising ang nagtanong nakatingin pa rin si Susana kay Salome, pilit na inoobserbahan reaksyon nito. "Hindi ko alam... ngunit mukhang sa ngayon ay muling matutuloy ang kasal" ngisi pa ni Susana habang nakatingin kay Salome. "Maganda iyan! Aabangan ko talaga ang pag-iisang dibdib nila!" masayang wika ni Ising at napatalon pa ito sa tuwa habang si Salome naman ay pilit na ngumiti upang itago ang pagkadurog ng kaniyang puso dahil sa kaniyang mga nalaman. P 23-9 Ano kayang dahilan kung bakit hindi natuloy noon ang kasal nila? Ngunit wala rin namang saysay kung malaman ko pa dahil sa ngayon mukhang sigurado ng matutuloy ang naudlot na pag-iisang dibdib nilang dalawa... at wala na akong magagawa roon. Kinagabihan, habang nagsasalok ng tubig si Salome sa balon sa likod ng mansyon napaupo siya saglit sa gilid ng balon at napatitig doon, maliwanag naman ang buwan kung kaya't kahit isang gasera lang ang dala niya ay nagbibigay pa rin ito ng liwanag sa paligid. Napaupo na muna si Salome sa gilid ng balon, kumuha pa siya ng maliit na bato sa gilid at inihulog iyon doon. Anumang oras... Anumang araw dapat maging handa na ako sa paparating na balita tungkol sa kasal nilang dalawa. Siguro mas makabubuti talaga kung aalis na ako dito sa hacienda Dumampot ulit siya ng bato at napatitig doon. Parang ako ang batong ito... napakadaling mahulog at ngayon hindi ko na rin alam kung paano makaahon mula sa pagkakahulog sa balong ito. Inihulog na ni Salome ang pangatlong bato na hawak niya ng mas malakas, kung kaya't nakalikha ito ng ingay sa loob ng balon. Muli ay dumampot pa siya ng bato at akmang ihuhulog na iyon sa balon nang mapatigil siya nang biglang may nagsalita mula sa likuran niya "Napakahina mo naman" pang-asar pa ni Patricio habang nakangisi kay Salome, dumapot pa ito ng mas malaking bato at buong pwersang inihagis iyon sa balon. Anong ginagawa niya rito? Napaka-malas naman oh! P 23-10 Tumayo na lang si Salome sabay bitbit sa gasera balak niyang umalis na lang doon ngunit biglang hinarangan ni Patricio ang daraanan niya. "Sandali lang, kailangan ko ng gaserang iyan" ngisi pa ni Patricio dahilan para mas lalong kumunot ang noo ni Salome sa kaniya. "Nakarating ka rito Senor ng walang dalang ilaw, sa tingin ko ay makakabalik ka rin sa mansyon kahit walang ilaw- Opo Senor masusunod" pagsusungit ni Salome ngunit natauhan din siya na hindi niya dapat sagutin ng ganoon si Patricio dahil ito ang nagpapaswledo sa kanila, kung kaya't inabot na lang niya kay Patricio ang gasera. "Ganyan nga... masunurin ka rin naman pala Lumeng" tawa pa ni Patricio sabay hakbang papalapit sa kaniya dahilan para biglang kabahan si Salome. A-anong gagawin niya? Napatayo naman si Salome dahil sa kaba hanggang sa mapasandal na siya sa isang puno na malapit doon sa balon at patuloy pa rin si Patricio sa paghakbang papalapit sa kaniya, bigla niyang naalala na nabuntis ni Patricio si Piyang at mukhang siya naman ang balak isunod nito lalo na ngayon na silang dalawa lang dito sa paligid ng balon sa labas at medyo malayo pa ang mansyon WALA NA AKONG PAKIALAM KAHIT MATANGGAL PA AKO SA TRABAHO AT MAMATAY SA GUTOM! HINDING-HINDI AKO PAPATOL SA BASTOS NA LALAKING ITO! Akmang susuntukin na sana ni Salome si Patricio sa mukha ngunit agad itong nakailag sabay hawak sa kaniyang kamay at tumawa pa ng malakas. "Titingnan ko lang sana mabuti ang iyong mukha dahil mukhang umiiyak ka... Ano bang iniisip mo Lumeng?" tawa pa ni Patricio at binitiwan na rin niya ang pagkakahawak sa kamao ni Salome. Napaupo pa siya sa lupa habang humagalpak sa pagtawa. Agad namang inayos ni Salome ang kaniyang sarili at pinagpagan ang kaniyang baro't saya na nadumihan, "Wala ka ba talagang respeto sa babae Patricio!" inis na sigaw ni Salome dahilan para mapatigil si Patricio sa pagtawa at gulat na mapatingin kay Salome. "Oo! Patricio na ang itatawag ko sa iyo mula ngayon dahil wala na akong pakialamkung sibakin mo ako sa trabaho! Mas mabuti na iyon para makalayo na ako sa inyo!" sigaw pa ni Salome, ang lahat ng inis, lungkot at galit na dati niya pa dinadamdamay sumabog na ngayon. Napatayo naman si Patricio habang pinapagpagan ang kaniyang sarili, pero nagtaka si Salome nang biglang sumilay na naman ang nakakalokong ngiti mula kay Patricio "Gusto ko iyan, Patricio na lang ang itawag mo sa akin, kay gandang pakinggan mula sa iyong labi" pang-asar pa ni Patricio, mas lalo namang kumulo ang dugo ni Salome dahil kay Patricio na hindi sineseryoso ang sinasabi niya at ginagawa pang biro. "Ako'y labis na napupuno na sa iyo Patricio! Hindi dahil mayaman ka magagawa mo na ang lahat ng bagay! Tigilan mo na ako! tumigil ka na diyan sa mga kalokohan mo! maging disenteng lalaki ka naman! Panagutan P 23-11 mo si Piyang!" sigaw ni Salome, nanlaki naman ang mga mata ni Patricio dahil sa sinabi ni Salome. Samanatala, wala naman ng pakialamsi Salome kung may makarinig pa sa pag-aalboroto niya. "Si Piyang? Si Piyang na kasambahay ko din dito sa hacienda ba ang tinutukoy mo? Ano namang ginawa ko kay Piyang?" nagtatakang tanong ni Patricio at napaisip pa ito ng matagal. Napasabunot naman si Salome sa kaniyang sarili dahil sa inis. Nais sana niyang mapag-isa dito sa balon upang harapin ang problema niya ng mapayapa at makapag-isip-isip pero sinira iyon ni Patricio. Patuloy na ginugulo ni Patricio ang buhay niya. "Nabuntis mo si Piyang! Panagutan mo siya!" sigaw pa ni Salome na mas lalong ikinagulat ni Patricio at ilang segundo pa ay bigla itong natawa "Seryoso ka ba riyan? Nabuntis ko si Piyang? Saan mo naman nakuha ang balitang iyan? Walang namamagitan sa amin ni Piyang" tawa pa ni Patricio, at nagsimula na naman itong tumawa na animo'y walang hanggan. "Huwag mo ng ipagkaila! Maging responsableng ama ka naman Patr- !" buwelta pa ni Salome ngunit hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang may magsalita mula sa gilid nila. "Lumeng! Tumigil ka na" awat ni Piyang at patakbong lumapit sa kanila at lumuhod sa harapan ni Senor Patricio. "P-patawad po Senor... hindi po alamni Salome ang buong kwento kung kaya't huwag po kayong magalit sa kaniya at patawad din po kung inilihimko po sa inyo ang pagbubungis ko" pagsumamo pa ni Piyang, agad naman siyang pinatayo ni Salome ngunit ayaw nitong tumayo mula sa pagkakaluhod at pagmamakaawa. "Piyang! Huwag kang luluhod sa harapan ng iresponsableng lalaking iyan!" sigaw pa ni Salome, gustonggusto na niya sugurin ngayon si Patricio at sabunutan. Napailing-iling naman si Patricio "Ilang buwan ka na bang buntis Piyang?" tanong nito ng walang bakas ng ngiti o pangaasar. Napahagulgol naman si Piyang, ilang sandali pa ay dumating na rin sina Manang Estelita, Ising, Susana. "Ano bang nangyayari rito? May narinig kaming nagsisigawan... Lumeng ikaw ba ang sumisigaw kanina?" nag-aalalang tanong ni Manang Estelita at nagulat sila nang makitang nakaluhod si Piyang sa tapat ni Senor Patricio. "Sus Maryusep anong nangyayari?" wika pa ni Manang at agad inalalayan si Piyang na tumayo ngunit ayaw pa rin nitong tumayo. Agad namang tumakbo si Susana pabalik sa mansyon at tinawag si Fidel at Eleanor. Ilang saglit pa ay dumating na ang dalawa. Nagulat naman si Fidel sa natunghayang tagpo, agad siyang napatingin kay Salome na naluluha na ngayon sa galit. "P-patawa po Senor Patricio... ako po'y uuwi na lang sa amin" tugon pa ni Piyang habang humahagulgol sa pag-iyak. Hindi na naman nakatiis si Salome kung kaya't sumabat na naman siya, wala na rin siyang pakialam kahit pa naroon na rin sa harapan nila si Fidel at Eleanor. "Piyang huwag mong hahayaang lapastanganin lamang ng Patriciong iyan ang iyong puri!" sigaw pa ni Salome na ikinangisi lalo ni Patricio, at ikinagulat ng lahat ng nakarinig ng walang pakundangang sinabi ni Salome sa harap ni Patricio habang dinuduro-duro pa ito. "Ano? Patricio!" gulat na tugon ni Fidel, maging si Eleanor ay napahawak din sa bibig dahil sa gulat. P 23-12 Napatigil naman si Piyang sa pag-iyak at napalingon kay Salome. "Lumeng! Ano ba? Bakit kanina mo pa pinagpipilitan na panagutan ako ni Senor Patricio? Hindi siya ang nakabuntis sa akin!" wika ni Piyang na mas ikinatigil ng mundo ni Salome dahil sa gulat. ANO? BAKIT NGAYON MO LANG SINABI PIYANG! "K-kung gayon... sino ang nakabuntis sa iyo?" sabat ni Ising, napatingin naman ang lahat ngayon kay Senor Fidel. Nagulat naman si Fidel dahil nakatingin na ang lahat ngayon sa kaniya, maging si Patricio ay napailingiling pa habang nakangisi pa rin. "S-senor Fidel ikaw ho ba?" gulat na tanong ni Manang Estelita na ikinagulat ng lahat, maging si Fidel ay halos mahimatay na rin sa gulat dahil siya na ngayon ang pinagbibintangan. "H-hindi ako- " hindi na natapos pa ni Fidel ang kaniyang sasabihin dahil nagsalita na si Piyang. "S-si Senor Geronimo Flores po" sagot ni Piyang, na ikinatahimik ng lahat maliban kay Patricio na nakangisi pa rin ng nakakaloko kay Salome. Sa pagkakataong iyon, napalunok na lang sa kaba si Salome habang nakatingin kay Patricio na nakangisi pa rin sa kaniya ng nakakaloko. Habang si Fidel naman ay seryosong nakatingin sa kanilang dalawa. Kinabukasan, maagang bumangon si Salome, hindi rin siya nakatulog ng maayos dahil sa nagyari kagabi. mabuti na lang dahil sinabi na lang ni Manang na ipagpabukas na ang pag-aayos ng problema ni Piyang. Dalidali namang kumapit si Salome kay Ising, Piyang at Manag para hindi na siya maharang pa ni Patricio dahil hindi niya pa ito kayang harapain dahil sa hiya. Nakakahiya ka talaga Lumeng! Dapat sigurong mag-alsa batulan na ako, mukhang papalayasin na ako dito ni Senor Patricio... Kinuha na ni Salome ang kaniyang mga damit ngunit napatigil siya nang utusan siya ni Manang Estelita na P 23-13 manguha ng mga sariwang bulaklak sa hardin, nais daw kasi ni Eleanor na umaga pa lang ay sariwa na agad ang loob ng mansyon dahil sa mga bulaklak na ilalagay nila doon. Mamaya na nga lang ako mag-iimpake... Alas-sais na ng umaga, abala na sa paghahanda ng almusal ang mga tagapagsilbi, nasa salas naman si Senor Fidel, Senorita Eleanor at Manang Estelita habang nagkwekwentuhan ang mga ito. Wala naman si Senor Patricio dahil may pinuntahan ito sa bayan kasama si Don Filimon Alfonso kung kaya't nakahinga ng maluwag si Salome dahil hindi niya makakaharap ngayong araw si Patricio, ngunit nasa mansyon mulis si Eleanor at kasama na naman nito si Fidel kung kaya't hindi na naman niya mapigilan ang kakaibang lungkot na nararamdaman. "Masyado pong tahimik si Fidel noong mga bata pa kami, sa sobrang tahimik nga po niya hindi siya sumasagot sa tanong ng kaniyang ina kapag hinahanap nito ang mga babasahing libro" tawa pa ni Eleanor habang tinutukso-tukso si Fidel na ngayon ay tumatawa na rin habang binabalikan ang mga alaala nila. "Ikaw naman ay napaka-iyakin, hindi ka lang nakauwi agad sa inyo umiyak ka na agad" tukso naman ni Fidel kay Eleanor at maingay silang nagtatawanan sa salas, si Manag Estelita naman ay tuwang-tuwa habang pinagmamasdan silang dalawa, animo'y nagsilbi siyang hukomsa pagkakantyawan ni Fidel at Eleanor. "Ikaw kaya ang iyakin sa atin, naalala ko pa nga na sinuway ka lang ng iyong ina sa pagkain umiyak ka na" banat pa ni Eleanor dahilan para magitla si Fidel dahil binunyag iyon ni Eleanor. "Hindi ako umiyak, inaantok lang ako noong panahong iyon, hindi tulad mo tinulugan mo ang misa noon ng iyong ninong sa simbahan" asar pa ni Fidel kay Eleanor na ikinagulat din ni Eleanor dahil binunyag ni Fidel ang nakakahiyang bagay na iyon na nangyari pa sa Espanya. Habang sa kabilang banda, sa loob ng madilimat magulong kusina naroon si Salome na naghihiwa ng sibuyas. Parang unti-unting nadudurog ang kaniyang puso habang naririnig ang tawanan at asaran ni Fidel at Eleanor sa isa'-isa. Hindi man niya ito nakikita batid niyang napakasaya ngayon ni Fidel habang inaalala ang masasayang alaala nila ni Eleanor mula pagkabata. "Oh? Lumeng, bilisan mo ang paghiwa ng sibuyas talagang hahapdi ang mata mo niyan" sita ni Nay Delia sabay kuha ng kutsliyo at sibuyas sa kamay ng anak at siya na ang naghiwa niyon. "Maghugas ka na muna ng iyong kamay baka maipunas mo pa iyan sa mata mo" bilin pa ni Nay Delia agad namang sumunod si Salome at naggtungo na sa balon upang sumalok ng tubig, nang makasalok na siya ng isang balde ng tubig ay agad siyang naupo sa gilid at naghugas ng kamay, inilublob na rin niya ang kaniyang mukha sa balde upang maghilamos ng mukha. Napatulala lamang siya sa balde ng tubig at ilang saglit pa ay muling pumatak ang kaniyang luha kung kaya't P 23-14 naghilamos muli siya ng mukha, paulit-ulit lang siyang naghilamos hanggang sa mapagod na siya at ang kaniyang mata sa pagluha. Matapos ang almusal ay inutusan ni Manang Estelita si Salome na mamitas ng bulaklak sa hardin. Kinuha na ni Salome ang bilao at isang matalimna balisong at nagtungo na sa hardin, kumpara sa hacienda Flores hindi pa ganoon kalago ang mga bulaklak sa hardin ng hacienda Montecarlos ngunit maganda pa rin naman ang hardin sa hacienda. Mas nakadadag pa sa ganda ng hardin sa hacienda Montecarlos ang limang baitang na na gawa sa marmol ang nasa sentro ng hardin. Hindi pa ito tapos gawin ngunit doon na nilagay sa pinakagitna ang mga bulaklak ng puting rosas. Medyo matataas ang taas ng bawat baitang at dahil maliit lamang si Salome napapakapit pa siya sab wat baitang para makaakyat. Nang marating niya ang ikalimang baitang ay napaupo muna siya saglit. Nang makapagpahinga sandali ay tumayo na si Salome at nagsimulang mamitas ng mga sariwang rosas gamit ang maliit na balisong na hawak niya. ilang sandali pa ay nagulat siya nang maramdaman niyang may humahakbang papaakyat din doon sa mga baitang na iyon. "Magandang Umaga Lumeng!" nakangiting bungad ni Patricio sabay hubad ng sumbrero at itinapat iyon sa kaniyang dibdib. Napapikit naman sa inis si Salome lalo nan ang makita ang disenteng-disenteng porma ni Patricio. Nais na lang niyang talikuran si Patricio ngunit kabastusan iyon kung kaya't nilunok na lang niya ang laway niya "magandangumagadinposenor" sagot niya sabay balik ulit sa kaniyang gawain. Sumilay na naman ang nakakalokong ngiti mula kay Patricio. "Tama ba ang rinig ko? Tinawag mo akong Senor Patricio?... Hindi ba't sinabi kong Patricio na lamang ang itawag mo sa akin" loko pa ni Patricio at tumabi na siya kay Salome na ikinagulat naman ng dalaga kaya umusog siya papalayo. Naamoy din niya ang mabangong pabango ng binata. Hindi na lang sumagot si Salome bagkus ay nagpatuloy lang sa pamimitas ng rosas "Ikaw ba ay nakatulog kagabi Lumeng?" ngiti pa ni Patricio sabay lapit ulit sa kaniya kung kaya't umusog na naman siya papalayo. Tumango lang si Salome, lapit naman ng lapit si Patricio habang siya naman ay layo ng layo hanggang sa naikot na nila ang palibot ng hardin sa itaas. Lumayo ka nga sa akin Patricio! Napatigil sila sa pag-ikot doon sa itaas ng hardin ng mapatigil si Salome dahil nakita niyang magkasamang lumabas sa mansyon si Fidel at Eleanor habang nakahawak si Eleanor sa bisig ni Fidel at nagtatawanan sila. Pinagpatuloy na lang ni Salome ang pamimitas ng rosas at sa pagkakataong iyon ay mas napadiin ang P 23-15 kaniyang paghila sa mga bulaklak bagay na pinagtaka ni Patricio pero natawa na lang siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Salome. "Kawawa naman ang mga rosas, mukhang maging sa kanila ay wala kang awa" biro pa ni Patricio ngunit siya lang ang tumawa kung kaya't napatahimik ulit siya. hindi niya maunawaan kung bakit hindi siya sinasagot ng pabalang ngayon ni Salome bagay na hindi normal para sa kaniya. Napasulyap muli si Salome kay Fidel at Eleanor na naglalakad na papalapit sa kanila habang nakangiti sa isa't-isa. Napayuko na lang si Salome nang makita ang paborito niyang ngiti ni Fidel na labas ang ngipin, ngunit sa mga oras na iyon ay kay Eleanor niya binibigay ang matamis na ngiting iyon. Napatiitg na lang si Salome sa mga bulaklak, parang bigla siyang nawalan ng lakas, kung kanina lang ay naiinis siya ngunit ngayon ay nakaramdamsiya ng panghihina... Panghihina na nararamdaman lamang ng isang tao sa tuwing nawawalan ng pag-asa dahil sa pagkatalo. "Sariwa pa sa akin ang lahat ng mga mararahas na salitang binitiwan mo sa akin kagabi" muling pang-asar ni Patricio habang pilit na inaasar pa si Salome ngunit hindi siya iniimik nito. Kung kaya't napatikhimna lang siya at inayos niya ang kaniyang tindig, batid niyang hindi na umeepekto ang pangaasar niya kay Salome kung kaya't nais niyang ipakita dito ang pagiging makapangyarihan niyang tao. ginaya niya pa ang tindig ni gobernadora Filimon Alfonso. "Hindi ka ba natatakot na ika'y mawalan ng trabaho? Sa tingin ko kasi ay sapat ng dahilan ang pag-aakusa mo sa akin kagabi upang- " hindi na natapos ni Patricio ang kaniyang pagiging seryoso kuno dahil napatigil na si Salome sa pamimitas ng bulaklak. "Ayos lang po sa akin Senor kung ako'y papalayasin niyo na" wika ni Salome nang hindi tumitingin sa kaniya, napatahimik naman si Patricio at nagtatakang napasulyap sa dalaga, batid niyang may mali ngayon kay Salome. Magsasalita pa sana si Patricio ngunit biglang narinig nilang nagsalita si Fidel mula sa ibaba kung kaya't agad silang napalingon na dalawa. "Naghanda ng kakanin si Manang Estelita, kumain daw tayong lahat" tugon ni Fidel habang seryosong nakatingin sa kanila. nagbigay galang naman sa kanila si Eleanor at kumaway pa kay Salome habang nakangiti ito ng matamis. P 23-16 "Susunod kami" saad ni Patricio, ngunit hindi pa rin umalis doon si Fidel habang nakatingin kay Salome na hindi man lang tumingin sa kaniya at nagpatuloy ito sa pamimitas ng bulaklak. "Lumeng..." tawag pa ni Fidel ngunit biglang kumapit ng mas mahigpit si Eleanor sa kaniyang bisig. "Tara na mahal ko" tugon pa ni Eleanor kay Fidel habang nakangiti ito ng matamis sa binata, napatigil naman si Salome nang marinig na tinawag ni Eleanor kay Fidel. Maging si Fidel ay nagulat sa sinabi ni Eleanor ngunit ngumiti na lang din siya sa dalaga bilang tugon, bagay na natunghayan ni Salome. Sandali namang tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Salome habang nakatingin sa kanilang dalawa, hinila na ni Eleanor si Fidel at sumama naman ito sa kaniya, sa huling pagkakataon ay umasa si Salome na muling lilingon sa kaniya si Fidel ngunit... hindi iyon nangyari, hindi lumingon si Fidel dahil abala ito suklian ang ngiti ni Eleanor sa kaniya habang naglalakad sila papalayo. Magmula ngayon malinaw na sa akin na ang ngiting iyon ni Senor Fidel ay hindi talaga orihinal na sakin, dahil ang totoo si Eleanor talaga ang orihinal at siyang nag-mamayari ng puso niya noon pa man. Nagulat naman si Salome nang biglang humakbang si Patricio paharap sa kaniya at hinarangan siya para hindi na niya makita pa si Fidel at Eleanor na naglalakad papalayo. Gulat namang napatingin si Salome sa mukha ni Patricio na ang lapit sa kaniya, hahakbang na sana siya paatras pero biglang hinawakan ni Patricio ang balikat niya para pigilan siya, "A-ano pong- " hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang ngumiti si Patricio, isang ngiti na kailanman ay hindi niya pa nakita dito. Isang ngiting totoo na walang halong pang-aasar o pangloloko. Ngayon lamang nakita ni Salome na ngumiti ng totoo si Patricio, ang ngiti nito ay biglang nagpagaan sa kalooban niya, ilang sandali pa mas ikinagulat niya ang sunod na ginawa ng binata habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya "Mula ngayon... wala ng luhang papatak mula sa iyo" wika ni Patricio sabay punas gamit ang kamay niya sa luhang dumadaloy sa pisngi ni Salome na hindi niya namalayang pumatak kanina habang pinagmamasdan si Fidel at Eleanor. Muli ay napatingin si Salome ng diretso sa mga mata ni Patricio, nakangiti pa rin ito sa kaniya at muli itong nagbitaw ng limang salita na unti- unting nagpagaan sa mabigat na kalooban niya. "Hindi ka na luluha pa" P 23-17 ********************* Featured Song: 'Pakisabi na lang' by Aiza Seguerra A/N: Ang secondChinese rebellion, which began inCalamba onNovember 19, 1639 ay totoo po, kasunod ito ng 1603 Chinese massacre in Laguna na nagsimula din dahil sa pag-aalsa ng mga intsik sa mga kastila dito sa Pilipinas. Source of soap process during the 17th century: http://www.pennsburymanor.org/its- made-of-whatmaking-17th-century-soap/ ?????????????????? HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA???????????????? P 23-18 Kabanata f(x - 22) 47.7K 2K 991 byUndeniablyGorgeous [Kabanata 22] "Today I heard them play the song again An old familiar strain from way back when Every note and every line It's always been a favorite song of mine" -Lea Salonga (I Remember the boy) "IF I COULD... THEN I WOULD!... I'LL GO WHEREVER YOU WILL GO... WAY UP HIGH OR DOWN LOW I'LL GO WHEREVER YOU WILL GO- Uh Sorry, Masyado lang akong nadala sa kanta hehe" tawa pa ni Bryan at hininaan niya yung volume ng radio niya dito sa kotse niya na naka- tune in sa fm. Kanina pa siya kumakanta at nag-hehead bang pa habang ako naman ay nakaupo dito sa passenger seat sa tabi niya at nakatanaw lang sa bintana habang pinagmamasdan ang patuloy na pagbuhos ng ulan sa labas. Napatitig na lang ako sa bawat patak ng ulan na tumatama sa salamin ng bintana, hindi ko alamkung bakit nakokonsiyensya ako na hindi ko tinanggap ang alok ni Sir Nathan na sumabay na ako sa kanila ni Cassandra kanina... "Tayo na!" tawa pa ni Bryan habang nasa gitna kami ng parking lot ng school, akmang hihilahin na niya ako papasok sa kotse niya pero napatigil kami nang biglang may bumusina mula sa likuran, si Sir Nathan. "Aleeza sumabay ka na sa'min" tawag ni Sir Nathan at bigla siyang bumaba sa kotse sabay bukas ng payong at mabilis siyang naglakad papalapit sa amin ni Bryan. "Tayo na" tugon pa ni Sir sabay hawak sa wrist ko, pero napatigil ako nang makitang dumungaw sa passenger seat ng kotse ni Sir Nathan si Cassandra "Come on Aleeza, sabay ka na sa'min" tawag pa ni Cassandra habang nakangiti. Napalingon naman ako kay Bryan, nakangisi pa rin siya sabay bukas ulit ng pintuan ng kotse niya sa passenger seat. Napatingin naman ako kay Sir Nathan na hawak pa rin ang wrist ko at pinapayungan ako ngayon. Napalingon din ako sa direksyon ni Cassandra. "Uhm excuse me, Aleeza? What? Nababasa na ko ng ulan... look" sabat pa ni Bryan habang nakangiti pa din ng nakakaloko at naglakad siya papalapit sa'min ni Sir Nathan para makisilong sa payong. Tatlo na tuloy kaming nakasilong doon sa iisang payong. "On the way naman kami pa-Cavi- " hindi na natapos ni Sir Nathan yung sasabihin niya kasi biglang may bumusinang kotse sa likod, nakaharang kasi yung kotse ni Sir sa gitna. P 24-1 "Wait a minute, itatabi ko lang- " paalam pa ni Sir Nathan pero napailing ako. hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon. "W-wag na po sir, sasabay na lang ako kay Bryan" sagot ko dahilan para mapatigil siya at mapatingin sa akin at kay Bryan na nakangisi pa rin. "Out of the way si Bryan, papunta rin naman kami- " "Sa bahay ni Lola ako matutulog ngayon kuya" sabat ulit ni Bryan, sa Cavite pala nakatira ang lola niya sabi niya kanina. Hindi naman nakapagsalita agad si Sir, tuluyan nang bumuhos ng malakas ang ulan at kasabay pa niyon ang walang awat na pagbusina nung kotse na nakasunod sa kotse ni Sir. "Hey! what's going on? I'm in a hurry!" sigaw pa nung lalaking balbas sarado at mukhang maton na kanina pa bumubusina. Humingi naman si Sir ng pasensiya doon sa beastmode na lalaki. "Kuya peram kami ng payong" sabi pa ni Bryan sabay hawak doon sa payong at hinila niya kami papunta sa kotse niya, wala naman na akong nagawa nung binuksan na ni Bryan yung pinto ng kotse niya at sumakay na rin siya. si Sir Nathan na ang nagsara ng pintuan na nasa gilid ko habang nakatayo siya doon sa gilid at hawak-hawak ang payong. Tumango naman ako kay Sir at nagpaalam na, hindi naman na niya ako maririnig kasi nasa loob na ako ng kotse, "Here we go" ngisi pa ni Bryan at pinaandar na niya ang kotse niya, sa pagkakataong iyon hindi ko alam kung bakit parang mali ang ginawa... maling iniwan ko siya doon na nakatayo mag-isa habang bumubuhos ang ulan. "IF I COULD TURN BACK TIME... I'LL GO WHEREVER YOU WILL GO!... IF I COULD MAKE YOU MINE... I'LL GO WHEREVER YOU WILL GO" kanta pa niya at feel na feel talaga niya yung lyrics ng 'Wherever you will go' by The Calling. kahit pa boses ipis na naghihingalo na siya bigay todo pa rin siya sa pagkanta. hindi ko alampero natatawa ako sa itsura niya, para kasing ang trying hard niya bumirit kulang na lang mabasag lahat ng salamin at mababasagin dito sa loob ng kotse niya. "Look... tumatawa ka na" tawa niya pa sabay turo sa'kin. binitawan niya pa yung manubela ng kotse niya dahilan para magpanic ako. "Hoy! Umayos ka! ayoko pang mamatay" reklamo ko pa pero tinawanan niya lang ako at pinagewang-gewang niya pa yung kotse. Shemay! Talagang pinagsisisihan ko na sumabay ako sa kaniya! Ughh... Nasa coastal express way na kami ngayon at sobrang bibilis ng sasakyan kasi walang traffic at maulan. "You're not going to die... not now" tawa niya pa sabay hawak ulit sa manubela. Napahawak naman ako sa puso ko, ninenerbyos na ko kasi pinapaharurot talaga niya ang sports car niya. Ang yabang talaga. "Shems! Ayusin mo nga pag-didrive mo... at sino ka para sabihin kung kelan ako mamatay? Ughh ka talaga!" reklamo ko pa habang nakakapit na sa upuan at sa lahat ng makakapitan kasi ang bilis bilis niya talaga magdrive. Sabi ko na nga ba! Hindi ko na dapat siya kinausap para hindi siya natrigger ng ganyan haays. Ang labo talaga ng lalaking to, inaaway ko na siya pero tinatawanan niya lang ako. Nakakainis talaga! "You P 24-2 won't die in a car crash... perhaps you'll die because of a broken heart ha ha" tawa niya pa dahilan para gulat akong mapalingon sa kaniya. Shocks! Alamnaman ba niya na may gusto ako kay Sir Nathan? Dahan-dahan nang bumagal yung pagpapatakbo niya sa kotse kasi papalapit na kami sa toll gate, sakto namang nag-play na yung sunod na kanta sa radio. 'Ang pag-ibig kong ito' by moonstar 88. ~Umiiyak ang aking pusong nagdurusa Ngunit ayokong may makakita Kahit anong sakit ang aking naranasan 'Yan ay ayokong kanyang malaman~ "Boom! Ayos ka lang di ka ba tinamaan?" tawa niya pa na ikinakunot naman ng noo ko. "Adik ka ba?" banat ko naman sa kaniya, pero napailing-iling lang siya. kanina ko pa gusto punitin yung ngiti niyang sobrang nakakainis na talaga. "Ang galing mo pa lang umilag, hindi ka natamaan sa kanta... How to be you po?" asar niya pa sa'kin. Shemay talaga oh! "How to be a f*ckboy like you po?" buwelta ko naman na mas lalong ikinangisi niya. "How to be a great denier like you po?" buwelta naman niya sa'kin, dahilan para mapatahimik ako at kabahan. Shems! Masyado ba akong obvious? Inabot naman na niya yung bayad sa toll gate at pinaharurot na ulit yung sasakyan. Napakamit na naman ako ng mahigpit sa upuan. My Goodness! Ayoko pa mamatay! Nilipat ulit ni Bryan yung fmstation at biglang nag-play yung kanta ni Roselle Nava na ' Bakit nga ba mahal kita' "BAKIT NGA BA MAHAL KITA? KAHIT NA DI PINAPANSIN ANG DAMDAMIN KO, DI MO MAN AKO MAHAL ITO PA RIN AKO NAGMAMAHAL NG TAPAT SAYO- " kanta niya pa at napapikit- pikit pa habang bumibirit at pilit inaachieve yung taas ng boses ng singer. Napatakip na lang ako sa tenga, mamamatay pa ata akong bingi nito. "Mga martyr sa pag-ibig lang ang nakaka-relate dito... and I know someone na nagpapaka-martyr ngayon Haha" tawa niya pa sabay tingin sa'kin. Ughh! Nahalata na nga niya! Shems! "She's now asking herself at this moment... Bakit nga ba mahal kita" tawa niya pa sabay tingin ulit sa'kin. pilit ko namang pinakalma ang sarili ko, kapag kasi nagrereklamo ako sa kaniya mas lalo siyang natutuwa ang nagP 24-3 aasar pa. In-erapan ko na lang siya at binaling ko na lang yung atensyon ko sa bintana ng kotse, kung mamamatay ako ngayon sana naman maging makabuluhan, hindi yung kasama ko pa ang asungot na'to. Ilang sandali pa napatigil na siya sa pagkanta at pang-aasar sa'kin. Tumahimik na lang din siya, siguro nagets niya na wala na akong ganang patulan ang mga kalokohan niya. nakalagpas na kami sa express way kaya bumagal na ngayon ang pagdidrive niya at ilang sandali pa nag-ring ang phone niya, may tumatawag sa kaniya. "Hey babe" tugon niya sa kabilang linya at ayun nagsimula na naman ang nakaririnding kalandiang taglay ng mokong na'to. ~Bakit nga ba mahal kita Kahit na may mahal ka mang iba Ba't baliw na baliw ako sa 'yo Hanggang kailan ako magtitiis O, bakit nga ba mahal kita~ Napatulala na lang ako doon sa sa bintana ng kotse habang umuulan, kasabay niyon ang patuloy din na pagtunog ng kanta. Bakit nga ba? Bakit nga ba nararamdaman ko ang mga bagay na ito sayo Sir Nathan? Sa kanto lang ng street namin ako binaba ni Bryan kasi hindi na kakasya pa yung kotse niya kasi nakaparada na doon ang jeep na minamaneho ni papa at may ilang motor at tricycle din ang nakaharang sa daan. "S-salamat ah" "What? I can't here you" pang-asar pa ni Bryan at nilapit niya pa yung tenga niya sa'kin. "Sabikothankyou" "What? I can't understand" tawa niya pa. ughh! napahinga na lang ako ng malalim. "Ang sabi ko Thank you!" ayan na-beastmode na ko. nakaka-beast mode naman talag ang lalaking to! "Ohh... You're welcome, may utang ka na sa'kin" ngisi niya pa. nanlaki naman yung mga mata ko. Gosh! ito ba yung style niya? gagawa ng kabutihan tapos may kabayaran na ano... P 24-4 "Ikaw talaga ang dumi dumi ng utak mo! what I mean is you owe me..." tawa niya pa. aba! Ako pa sinabihan ng green minded na to! Inerapan ko na lang siya at lumabas ako doon sa kotse, "Ingat sila sayo" sabi ko sabay sara nung pinto, napasaludo naman siya sabay kindat at cool na cool na pinaharurot paalis yung kotse niya. Pareho talaga siya ng pinsan niya, ang labo nilang dalawa haays. "Sir wag na po tayo mag-quiz... magpahinga na lang kayo" sabay-sabay na pakiusap ng mga kaklase ko at halos lumuhod na sila sa harapan ni Sir Nathan para magmakaawa na ipagpaliban muna ang long quiz ngayon. napailing-iling naman si Sir Nathan habang nakaupo sa desk niya at nagbabasa ng textbook, magsasalita na sana siya kaso bigla siyang bumahing at napaubo pa. Hala! May sakit si Sir? "Look, Sir! You need to rest na po... Sa Friday na lang yung quiz pleaseeee" pakiusap pa nung mga kaklase ko at ang ingay na ng klase ngayon, lahat nagmamakaawa na at sinasabihan pa si Sir na magpahinga na lang baka daw lumala ang sipon at ubo niya kapag nag-quiz pa kami kahit pa gusto lang nilang makaligtas sa quiz. Hinagod naman ni Sir ang lalamunan niya at tumayo na siya, ngayon lang ako tumingin sa kaniya kasi kanina pa ako nakayuko at nagkunwaring nagbabasa ng libro, naiilang kasi ako sa kaniya lalo na dahil sa nangyari kagabi kaya ayokong magkatinginan kami, hindi ko alamkung anong gagawin ko. "Open your book on page 113, 116, 119 and 121" sabi pa ni Sir at sinulat din niya sa board yung mga pages. Napaubo pa siya ulit at napahagod sa lalamunan niya bago naupo muli sa desk niya. Maputla ang buong mukha niya habang ang mata at ilong naman niya ay namumula. May sakit nga siya. Tiningnan ko pa siya mabuti habang abala sa pagbabasa ng libro, nagreklamo pa yung mga kaklase ko pero wala na silang nagawa kasi desidido talaga si Sir magpa-quiz ngayon. tumahimik naman na ang buong klase, tanging mahihinang bulungan ng 'Anong sagot' at 'Pano to isolve' ang umaalingangaw sa buong room. Binuksan ko naman na yung book ko, nagsimula na akong mag-solve pero nasa number one pa lang ako hindi na ako makapag-concentrate. Bakit nagkasakit si Sir? Naulanan ba siya kagabi? hindi na kasi siya dapat lumabas pa doon sa kotse niya, ayan sinipon at inubo tuloy siya. Kasalanan ko ba kung bakit siya nagkasakit ngayon? Anong gagawin ko? tatanungin ko ba siya kung okay lang pakiramdamniya? bibigyan ko ba siya ng gamot? pero baka kung anong isipin niya kapag masyado akong nag-alala sa kaniya. P 24-5 Teka nga! Bakit ko ba iniisip to? haaays! Baka bumagsak pa ako sa quiz. Nagsimula na akong mag-solve ulit pero napatigil na naman ako kasi naririnig ko ang pagsinghot ni Sir dahil sa nakabarang sipon sa ilong niya. Shemay! Bakit kasi pumasok pa siya kung may sakit siya? Pero paano kung lumala yung sakit niya? naalala ko wala nga pala siyang kasama sa tinitirhan niya. Nagulat ako nang biglang iniangat ni Sir ang ulo niya at mapatingin sa'kin, Shocks! Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya Waaahh! Bigla tuloy akong napayuko at nag-solve solve kunware, babagsak talaga ako nito sa quizeh hindi ko pa din natatapos yung number one. Bakit ba kasi nagpaquiz pa siya ngayon kung kelan naman may sakit siya, Ayan! Di tuloy ako makapag-focus haays. At bakit ba nag-aalala ako? Nako! Aleeza naman hayaan mo na si Sir, malaki naman na siya kaya na niya ang sarili niya. hindi naman siya mamamatay dahil sa ubo't sipon... pero bakit kasi hindi na lang siya magpahinga?! Nakakainis naman oh! Lumipas pa ang isang oras, hindi ko natapos lahat ng pinasagutan niya kasi time na. nagsitayuan na ang mga kaklase ko at pinasa na nila yung mga papel nila, tumayo na din ako at pinasa ko yung papel ko talikod at kinuha ko na yung bag ko, kumakaway na sa'kin si Jen sa likod, papalabas na siya sa isang pinto sa likod, lalabas na din sana ako sa classroomkaso bigla kong narinig na tinawag ni Sir ang pangalan ko. "Agcaoili..." Napatigil ako doon sa tapat ng pintuan habang ang mga kaklase ko naman ay patuloy pa ding naglalabasan kaya gumilid na ako. "B-bakit po Sir?" Shems! Nakaupo pa rin si Sir sa desk niya habang hawak-hawak yung mga papel na pinasa namin, may kinuha siyang isang papel doon "Tapusin mo 'to" tugon ni Sir sabay pakita sa'kin nung papel ko na halos kalahati lang ang nasagutan ko. "Eh Sir okay lang po... time naman na" sagot ko pero sandaling hindi kumibo si Sir habang nakatingin lang sa'kin. mas lalo ko tuloy nakita ang mukha niya na ang putla-putla ngayon. Kailangan niya na talagang magpacheck up. "It's okay, ipasa mo na lang sa'kin mamayang uwian" tugon niya sabay abot sa'kin nung papel. Napatingin P 24-6 naman ako doon sa papel, Haays! Kung tatapusin ko yun at ipapasa pa sa kaniya mamayang uwian ibig sabihin makikita ko na naman siya mamaya at sigurado akong kasama na naman niya si Cassandra. Napailing na lang ako at sinubukan kong ngumiti "Wag na po Sir, magiging unfair din sa mga kaklase ko kung pwede pa pala ako magpasa hanggang mamaya" sagot ko na lang, hindi naman agad nakapagsalita si Sir at inilapag na rin niya yung papel ko sa mesa niya. "I thought, pinaka-ayaw mo sa lahat kapag hindi mo nahahanap ang sagot sa math equations na sinosolve mo?" tanong ni Sir habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, kitang-kita ko rin ngayon ang pamumula ng mata niya at maluha-luha pa dahil sa sipon. "D-depende Sir, may mga math equations kasi na unang tingin mo pa lang alammong hindi mo na kaya pang isolve ito, kaya wag na lang... masasayang lang ang oras at pagod" sagot ko, hindi ko naman masabi sa kaniya na parang katulad din iyan ng nararamdaman ko sa tuwing kasama niya si Cassandra, Sa Unang tingin pa lang alamkong masasayang lang ang oras at pagod ko. Napabuntong hininga naman si Sir at tumayo na siya at inayos na rin niya ang mga gamit niya. "If you don't try you'll never know... you will never find the answer" sagot niya at tuluyan na siyang lumabas sa classroom. Ano daw? "Ang sarap naman ng La Sagna nila" wika ni Iryn habang sarap na sarap sa kinakain niyang La Sagna na tinitinda dito sa canteen. Lunch time na, tapos naman na ako kumain at nagrerview na lang habang itong tatlong kaibigan ko ay kain pa rin ng kain. "Ang dami kasing cheese kaya ang sarap sarap talaga" sabi naman ni Leana habang nag-Lala Sagna fiest silang tatlo. Napatigil naman ako sa pagrereview at napatingin sa kinakain nila. Shemay! Bakit ba nagtinda ngayon ng La Sagna ang canteen na to? "Oh? Aly, Bakit ang sama ng tingin mo sa pagkain namin? Gusto mo rin noh" tawa pa ni Jen at niyakap nilang tatlo yung mga pagkain nila. natauhan naman ako, kainis bakit ba kasi may cheese pa ang La Sagna. "Ayoko ng cheese, Ayoko ng La Sagna lalo na kapag nakalagay sa Tupperware, Ayoko ng cheesecake, Ayoko ng egg sandwich, Ayoko ng kape galing sa vendo, Ayoko ng saging, Ayoko ng payong lalo na kapag kulay itim, Ayokong tumambay sa waiting shed sa labas ng school, Ayoko ng hallway at parking lot ng school na'to, Ayoko ng Physics, Ayoko ng Algebra- "napatigil ako nang marealize ko na nagtataka na silang tatlo na nakatingin sa akin ngayon. Shems! Ano bang nangyayare saken?! P 24-7 "Huh? Anong pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ni Jen, nahulog pa yung piraso ng La Sagna na nasa kutsara niya. "At Bakit may egg sandwich, kape at saging? Nagugutomka ba?" tanong naman ni Iryn sabay abot sa'kin nung pagkain niya. "Oh ayan share tayo" tawa niya pa. "Eh anong kinalaman ng payong, waiting shed, hallway at parking lot ng school natin sa pagkagutommo ha?, Aly" tanong naman ni Leana at bakas sa mukha niya na naweweirduhan siya sa'kin. Sinubukan ko namang tumawa-tawa "Ano ba kayo... may sinabi ba kong ganun? Wala kaya, gutomlang yan mga ngets" sabi ko na lang at inengganyo ko silang kumain at magchikahan na lang ulit. Pero mukhang hindi pa rin sila kumbinsido. "Sabi mo pa nga ayaw mo rin ng Physics at Algebra... eh halos ikamatay mo nga ang pagkahumaling sa math eh" banat pa ni Jen at binigyan niya ako ng i-smell-something-fishy-look. "Huh? Ah-eh kase naiistress lang ako ngayon prelimexamna natin sa Wednesday ang dami-dami pa nating rereviewhin whew" palusot ko pa at ikinalat ko na din sa mesa lahat ng notes ko. "Wala naman tayong Physics ah?" taka pa ni Jen dahilan para mapalunok na lang ako sa kaba. Ang tindi talaga makaamoy ng sikreto to si Jen. "Ahh-K-kasi diba busy ngayon si Alex... Oo tama! Dahil sa sobrang kabusyhan ng kapatid ko sa filipino play nila ako na ngayon ang gumagawa ng projects niya sa Physics" palusot ko pa, napatango-tango naman na silang tatlo pero mukhang hindi pa ganoon kakumbinsido si Jen. Nakahinga naman na ako ng maluwag, buti na lang busy talaga ngayon si Alex para sa Filipino I project nila na theater play na 'Dead Stars' by Paz Marquez Benitez para sa selebrasyon ng Buwan ng Wika sa susunod na Linggo. Si Alex kasi ang gaganap bilang Alfredo Salazar. Kakatapos lang ng last subject namin, at nandito ako ngayon sa labas ng office ng mga professors. hawakhawak ko ang isang plastic na naglalaman ng tatlong saging ng lakatan. Gusto ko sanang ibigay to kay Sir Nathan ng personal kaso hindi ko siya kayang harapin kaya pinaabot ko na lang sa staff na nandoon sa information desk at sinabing project iyon ni Alex kay Sir. P 24-8 Pero nagulat ako kasi biglang pumasok sa office si Sir at may hawak-hawak siyang mga libro, mukhang kakagaling lang niya sa class niya. "Oh andito na pala si Sir Nathan" tugon nung staff tapos binalik sa'kin yung plastic. Halaaa! "Why Aleeza?" tanong ni Sir na mas ikinagulat ko kasi tinawag na naman niya ako sa pangalan ko. napatingin siya doon sa plastic na hawak ko. "What's that?" tanong niya pa, itatago ko na lang sana yung plastic kaso nakita na niya. "Ah-eh k-kasi sir may pinadala pong pagkain si mama para daw po sa inyo, n- nakalimutan ko lang ibigay kanina hehe" palusot ko pa sabay abot sa kaniya nung plastic. Ngumiti naman si Sir kahit pa ang putla-putla na niya. "Pakisabi kay tita, Thank you" tugon ni Sir at sinilip niya yung laman nung plastic. Hala! baka kung ano na namang isipin niya sa saging. "Ahh-Sir! Sabi kasi nila, nakakatulong daw ang saging para sa may sakit. Dagdag energy lalo na sa potassium para makontrol ang body temperature mula sa sweating at vomiting. Ang vitamib B na maganda rin para sa nervous systemat blood pressure" paliwanag ko pa. napangiti naman si Sir at napatango-tango. Whew! Sulit pala ang pagreresearch ko kanina kung ano bang prutas na pwede kong ibigay kay Sir na available lang dito sa canteen. "Oo nga pala, hinatid ka naman ng maayos ni Bryan kagabi?" tanong niya, napalingon naman ako doon sa staff sa gilid may kausap ito sa telepono at mukhang hindi naman niya kami iniintindi. "Ahh- Opo...Sir" pagsisinunggaling ko na lang. kahit pa muntikan na akong atakihin sa puso dahil sa sobrang bilis mag-drive ng pinsan niya. "Thanks... Aleng" ngiti pa ni Sir at naglakad na siya papasok sa loob ng office. Naistatwa naman ako doon sa kinatatayuan ko. Tama ba ang rinig ko? tinawag niya ko sa palayaw ko? Waaahh! "Ayan! Buti na lang mala-VIP tayo" tuwang-tuwang tugon ni Jen sabay labas ng video camera niya. nakaupo kami ngayon sa third row sa harapan dito sa loob ng theater hall. Nabigyan kami ng priviledge kasi kapatid ko si Alex na bibida sa acting. Bukod sa matalino, masungit at adik sa science ang kapatid ko, magaling din siya umarte. August 24 na ngayon, celebration na ng Buwan ng Wika namin. Kakatapos lang din ng prelim exams kaya chill chill na ulit ang lahat. Nagsimula na ring magsipasukan ang mga students na gustong makapanood din ng theater play na hinanda ng batch nila Alex. Libre lang naman ito kasi project ito nila Alex sa Filipino I kaya madami talaga ang pumunta. Nakahanda na ang props sa stage, American colonial period ang theme ng kwento. Sa isang P 24-9 magandang probinsya dito sa Pilipinas ang setting. Medyo malamig na din dito sa loob ng theater hall buti na lang nakapagdala ako ng jacket. At medyo madilim na din tanging ang mga ilaw na nakatutok lang sa stage ang ilaw dito sa loob kaya binubuksan ng mga students ang flashlight nila sa phone para makaupo sa mga upuan. "Nagdala ako ng popcorn!" tawa pa ni Iryn sabay abot sa amin ng popcormmagkakatabi kami ngayong apat. Habang nasa harapan naman namin ang mga dean, department heads, professors at staffs. Kanina ko pa hinahanap si Sir Nathan doon sa seats ng mga professors pero wala siya. "Naeexcite na ko! favorite ko pa naman ang story na gagawin nilang play!" excited na tugon ni Leana habang ngumunguya ng popcorn. Medyo napalakas pa yung boses niya kaya napalingon yung isang mataray na babaeng prof sa amin at pinandilatan kami ng mata. "Sorry po ma'm" "Ikaw kasi excited much" suway naman ni Jen kay Leana sabay kurot dito. "Di ko lang kasi mapigilan ang excitement ko noh, ang ganda ganda kaya ng kwento ng Dead Stars!" habol pa ni Leana na kumikislap pa ang mata nang binaggit niya yung salitang 'Dead Stars' "Ano bang kwento nun? Bakit parang ngayon ko lang naman narinig" reklamo naman ni Iryn, sinamaan naman siya ng tingin ni Leana sabay agaw nung popcorn. "Tragic pero Inspiring Love story and Dead Stars" sagot ni Leana sabay upo ng maayos "Isang kwentong pag-ibig sa pagitan ni Senor Alfredo Salazar na nakatakdang ikasal sa matagal na niyang kasintahan na si Esparanza pero bigla niyang nakilala ang dalagang si Julia Salas..." paliwanag ni Leana. Nagkatinginan naman kaming tatlo. "Okay so... love triangle pala ang peg nila, maiinlove si guy doon sa new girl tapos hindi matutuloy ang kasal ganern?" usisa pa ni Jen, napailing-iling naman si Leana. "Nope... mas maganda pa doon" ngiti pa ni Leana. "Edi alamna namin ang ending... ang cliche" saad pa ni Iryn sabay inomng softdrink. "Panoorin at intindihin niyo muna kasi bago kayo mag-judge, sa isang story mahalaga na basahin at intindihin mabuti, para kasing journey yan na madaming pwedeng mangyari... at hindi mo maiintindihan lahat ng yun kung hindi mo uunawain ng mabuti" pangaral pa sa'min ni Leana, nag-aalala professor na rin siya ngayon. "Mahalaga ang bawat detalye sa kwento, ang bawat salita, ang bawat letra at ang bawat emosyon na naroon doon" patuloy pa ni Leana, napatango-tango na lang kami. Sabagay may point nga naman siya, ang isang story ay parang isang mahabang paglalakbay, maraming bagay kang madadaanan na hindi mo inaasahan katulad ng mga pangyayari na magpapabago sa tatahakin mong landas. Minsan kailangan mong pumili sa dalawang daan; kaliwa ba? o kanan? Minsan kapag napagod ka naman gugustuhin mo na lang bumalik pero mag-aalangan ka pa din na baka may magandang kapalaran ka sa direkyong iyong pupuntahan. At sa huli, anumang mangyari sa oras na marating mo na ang dulo kakaibang galak pa rin ang mararamdaman mo dahil nagawa mong tapusin iyon. "Ayan! Magsisimula na!" wika ni Jen sabay on sa video camera niya. napatahimik naman ang lahat at nagsimula na ang palabas... P 24-10 Ang Dead Stars ay isinulat ni Paz Marquez Benitez na inilimbag noong 1925. Ito ay tinuturing na kaunaunahang maikling kwento ng Pilipino na isinulat sa English. Ang istorya ay umiikot sa bidang si Alfredo Salzar na isang binata abogado at ang dalawang babae na si Esperanza na apat na taong na niyang kasintahan at siyang nakatakdang pakasalan at si Julia Salas na dalagang hipag ng kakilala niyang hukom. Ang relasyon ni Alfredo at Esperanza ay napakaganda noong simula ngunit sa paglipas ng panahon untiunting nanlamig si Alfredo sa kaniya, hanggang sa isang araw nakilala ni Alfredo ang dalagang si Julia nang bumisita siya sa kaibigan niyang hukom, palagi na siyang pumupunta doon kasama ang kaniyang ama na siyang may kailangan sa hukom kung kaya't madalas silang nakakapagkwentuhan ni Julia. Noong umpisa ay hindi niya pa batid ang nararamdaman para kay Julia, nalilito rin siya dahil malapit na ang kasal nila ni Esperanza. Hanggang sa isang araw habang namamasyal sila sa tabing baybay ng dagat sinabi ni Julia na aalis na siya at babalik sa kanila. "Bakit sinasabi mong ito na ang huli?" "Ako'y uuwi na sa amin" "Kailan?" "Bukas, nakatanggap ako ng liham mula kay ama at ina kahapon, nais nilang makasama ako sa Mahal na Araw" Hinintay ni Julia na magsalita si Alfredo ngunit nanatili itong tahimik. Hindi alam ang gagawin. "Kaya ito na ang huli" patuloy pa ni Julia. Napatanaw na lang si Julia sa napakagandang tanawin ng dagat habang papapulog ang araw. "Napakalayo ng aming tahanan mula rito, para akong nasa ibang buhay sa lugar na ito" wika pa ni Julia. "Alam ko, ang lugar na ito nga ay napakaganda ngunit kakaiba, tulad ng mga lumang bagay na hindi ko kayang bitawan" "Mga lumang bagay?" "Mga lumang bagay, mga pagkakamali, mga hadlang... mga dating bagay na patuloy kong dala-dala" P 24-11 tugon ni Alfredo at humakbang siya papalapit kay Julia. Hinawakan ni Alfredo ng mahigpit ang kamay ni Julia, umiwas ng tingin si Julia ngunit narinig ni Alfredo ang mahinang tugon nito "Paalam" Hindi inaasahang makikita muli ni Alfredo si Julia sa simbahan ng Araw ng Huwebes Santo. "Ginoong Salzar... Nais kong ipahatid ang aking pagbati sa inyong nalalapit na kasal" wika ni Julia, nanatili namang tahimik si Alfredo. "Ang Kasal ba ay naghahatid ng interes sa iyo?" tanong ni Alfredo matapos ang ilang segundong pananahimik. "Kung ang ikakasal ay aking kaibigan" "Ikaw ba'y pupunta kung iimbitahan kita?" "Kailan ba gaganapin ang kasal?" "Sa... Mayo" "Sabi nila, ang Mayo raw ay buwan ng kaligayahan" wika pa ni Julia. "Ikaw ba ay pupunta?" "Bakit hindi?" "Kung ako'y iimbitahan mo" "Ika'y iniimbitahan ko" "Kung gayon... Ako'y asahan mo" Ikinasal nga si Alfredo kay Esperanza, samantala umuwi na si Julia sa kaniyang bayan. Makalipas ang walong taon, naatasan si Alfredo na magtungo sa isang bayan malapit kina Julia para sa kaniyang trabaho. Sa pagkakataong iyon, nilakasan na rin niya ang kaniyang loob upang muling bisitahin si Julia, sa kaniyang paglalakbay iniisip niya kung ano kaya ang naging buhay nila kung si Julia ang napangasawa niya, napag-alaman din niyang hindi pa nag-aasawa si Julia. Pero wala na silang magagawa ang nakalipas ay nakalipas na, hindi na ito muling maibabalik pa. P 24-12 Nang muli silang magkita, sa labas ng tahanan nila Julia sa kalagitnaan ng gabi, sa ilalim ng buwan at kumikinang na mga bituin. Napansin ni Alfredo na hindi ganoon nagbago ang itsura ni Julia, marami silang bagay na napag-usapan at napagkwentuhan sa halos walong taong hindi pagkikita. Si Julia ay katulad pa rin ng dati, masiyahin at magaan kasama ngunit mayroong nagbago... Habang pinagmamasdan ni Alfredo si Julia at nang muli niyang hawakan ang kamay ng dalaga hinahanap niya ang dating pagtibok ng kaniyang puso ngunit sa pagkakataong iyon... wala na. Wala na siyang nararamdaman para sa babaeng minsang nagpatibok ng puso niya at nagpagulo ng buhay niya. Napatingala na lamang si Alfredo sa milyong-milyong bituin na patuloy na kumikinang sa kalangitan. Malinaw na sa kaniya na katulad ng mga bituin matagal niyang inakala ang patuloy na pagkinang ng pag-ibig niya para kay Julia ngunit ang ibang bituin na ating nakikita sa kalangitan ay patay na pala. Ang pag-ibig ni Alfredo para kay Julia ay wala na. Ang huling eksena ay nakatingala si Alex bilang si Alfredo sa mga props na bituin sa stage habang hawakhawak ang kamay ni Lily na gumanap bilang Julia, dahan-dahang binitiwan ni Alex (Alredo) ang kamay ni Lily (Julia) isang pahiwatig na tuluyan na silang magpapaalamsa isa't-isa at kasabay niyon, biglang tumunog ang piano sa background music... Canon in D by Johann Pachelbel. Napalingon ako sa gilid kung saan nakapwesto ang piano at ang ibang musical intruments at nagulat ako nang makita kung sino ang tumutugtog ngayon sa piano... Si Sir Nathan. Sa pagkakataong iyon, hindi ko alamkung bakit sobrang lakas ng kabog ng puso ko na parang nawawasak na hindi ko maintindihan. Napahawak na lang ako sa tapat ng puso ko habang nakatitig kay Sir Nathan, nang matapos siyang tumugtog sa piano parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang bigla siyang tumingin sa direksyon ko... diretso sa mga mata ko. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan biglang may pamilyar na alaalang pumasok sa isipan ko... P 24-13 "Aleng... halika nga baka mawala ka" sermon sa'kin ni mama sabay hawak sa kamay ko, nasa isang mall kami ngayon dito sa Alabang. Kakatapos lang namin magsimba at kumain sa isang fast food resto. Eight years old pa lang ako at si Alex naman ay five years old. Karga-karga ni papa si Alex habang nakasunod naman kami ni mama sa kanila. May sale na mga laruan sa gitna at agad kaming nagtungo doon, "Oh pili na kayo" tugon pa ni papa habang pinipilian ng robot at mga kotse-kotsehan si Alex habang si mama naman ay dumampot ng mga manika para sa'kin. Napatigil ako nang biglang may narinig akong tugtog ng piano mula sa likod namin. May malaking grand piano sa gitna ng mall at may iilang tao ang nakapalibot doon para panoorin ang pagtugtog ng Canon in D sa piano ng isang binatilyo na sixteen years old. Hindi ko alam kung bakit napatitig lang ako doon sa binatilyong tumutogtog ng piano, naka-black suit siya at nakapikit habang dinadama ang bawat nota. Nang matapos siya sa pagtugtog ay agad siyang pinalakpakan ng mga tao, pero laking gulat ko nang bigla siyang mapatingin sa direksyon namin... at magtama ang mga mata namin. "Oh? Aly? Okay ka lang?" nagtatakang tanong ni Jen sabay hawak sa braso ko, dahilan para matauhan ako. nandito pa rin kami sa theater hall at kakasara pa lang ng kurtina sa stage habang nagpapalakpakan pa rin ang mga tao. Sa huling pagkakataon ay napatingin ako kay Sir Nathan na nakaupo sa piano at nakatingin pa rin sa akin ngayon. Imposible! Paano nangyari iyon? Paanong biglang naging malinaw ang itsura ng lalaking iyon na nakita ko sa mall 11 years ago. Hindi ako makapaniwala na... Ang binatilyong tumugtog noon ng piano na naging dahilan ng pagkahumaling ko sa Canon in D ay si Sir Nathan! **************** A/N: I suggest na pakinggan niyo mga bes ang Canon in D by Johann Pachelbel para mafeel niyo yung eksena ? btw I'll post here yung youtube piano cover ng Canon in D. Enjoy~ And Also, ipopost ko din sa 'Undeniably Gorgeous' RandomThoughts and Everything underthe sun' yung whole story ng Dead Stars written by Paz Marquez Benitez, one of our Philippine Classic Short P 24-14 stories since 1925. That classic short story is the best ? (Canon in D by Johann Pachelbel, piano version only) paino cover by Ryan Jones; credit to youtube.com ???? HAHAHAHAHAHA P 24-15 Kabanata f(x - 23) 49.3K 2.5K 1K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 23] Our Asymptotically Love Story (page 176 - 191) Ika-Labing Isang Kabanata Filipinas 1688 "Mula ngayon... wala ng luhang papatak mula sa iyo" wika ni Patricio sabay punas sa luhang dumadaloy sa pisngi ni Salome na hindi niya namalayang pumatak kanina habang pinagmamasdan si Fidel at Eleanor. "Hindi ka na luluha pa" Muli ay napatingin si Salome ng diretso sa mga mata ni Patricio, "Hindi ko akalaing mababaw pala ang iyong luha, parang isang sugat lang iniiyakan mo na" biglang bungisngis ni Patricio sabay turo sa kamay ni Salome na may sugat mula sa mga tinik ng rosas. Napapikit na lang sa inis si Salome dahil kinakantyawan siya ngayon ni Patricio na siya'y iyakin habang kumakaripas ito ng takbo. Napapadyak na lang sa inis si Salome, Kahit kailan talaga palagi mo na lang sinisira ang araw ko Senor Patricio! Nang makapitas na siya ng mga bulaklak, dumiretso na siya sa loob ng mansyon at inilapag sa mesa ng salas ang mga rosas. naupo na rin doon si Ising at tinulungan siyang tanggalin ang mga tinik nito bago ilagay sa isang plorera na gawa sa porcelana. "Siya nga pala Lumeng, ikakasal na si Piyang at Paterno sa susunod na linggo iniimbitahan nila tayo" wika ni Ising, napatingin naman si Salome sa kaniya. "Pakakasalan ni Paterno si Piyang kahit pa hindi siya ang ama ng dinadala nito?" nagtatakang tanong ni P 25-1 Salome, napatango naman si Ising habang maingat na tinatanggal ang mga tinik sa rosas. "Oo raw, handa raw tanggapin ni Paterno si Piyang kahit anong mangyari... Sadyang nakakabilib ang pagibig ni Paterno para kay Piyang" ngiti ni Ising habang pinagmamasdan mabuti ang mga bulaklak. "Nawa'y makatagpo rin ako ng isang ginoong katulad ni Paterno na handang tanggapin ang lahat para sa minamahal" patuloy pa ni Ising, ang mga huling salitang binitiwan ni Ising ay sandaling tumatak sa isipan ni Salome. Si Senor Fidel kaya? Handa kaya niyang tanggapin ang lahat para sa kaniyang minamahal? "Kailan ko kaya mahahanap ang lalaking para sa akin?" wika pa ni Ising habang nakangiti sa kawalan. Bigla namang naisip ni Salome ang kaniyang kapatid na si Danilo na may lihimna paghanga kay Ising. Ang pag-ibig para kay Ising ay romantiko at mukhang sasablay si Danilo. "Ikaw Lumeng? Naranasan mo na ba ang umibig?" ngiti pa ni Ising dahilan para matigilan si Salome, napatitig na lamang siya sa rosas na hawak niya. "Hindi ko alam... hindi ako sigurado" sagot ni Salome, nagtataka namang napatingin sa kaniya ang kaibigan. "Sabi nila, walang tama at eksaktong sagot sa tanong kung bakit mahal mo ang isang tao dahil maraming bagay ang bumubuo sa pag-ibig... hindi ka mag-aalala kung hindi mahalaga sa iyo ang taong iyon, hindi ka masasaktan kung hindi ka apektado sa ginagawa ng taong iyon at higit sa lahat hindi ka iiyak kung hindi mo mahal ang taong iyon" wika ni Ising maging siya ay mukhang may malalimna pinaghuhugutan din. "Dahil ang pag-ibig ay mahirap ipaliwanag, mahirap itanggi, mahirap itago, mahirap takasan at mahirap panindigan at ipaglaban" patuloy pa ni Ising, sandali silang natigilan ni Salome dahil sa hindi pangkaraniwan ang kanilang pinag-uusapan. Ngayon lamang sila nakapag-usap ng ganito kaseryoso, biglang nabasag ang katahimikan nang pareho silang natawa sa isa't-isa. "Ikaw ang nagsimula nito Ising" tawa pa ni Salome sabay hagis ng tangkay kay Ising, gumanti naman si Ising at hinagisan din siya ng tangkay ng bulaklak "Ikaw kasi Lumeng dinaig mo pa ang mga gumaganap sa tanghalan at parada" tawa naman ni Ising at nagbatuhan sila ng mga kalat. Napatigil lamang sila nang biglang dumating si Florencia na dire-diretso lang pumasok sa mansyon kasama ang dalawang alalay nito na nakasunod sa kaniya "Mga Iresponsable! Tama nga si Tiyo mga tamad at iresponsable kayong mga Indio!" sermon ni Florencia, agad namang napatayo si Salome at Ising at sabay na napayuko sa tapat ni Florencia. Napakagarbo ng kasuotan ng Senorita, kulay berde na damit pang Europa ang suot nito habang hawak-hawak P 25-2 ang malaking abaniko. Tinernohan pa ng malaking sumbrero na kulay berde at may balahibo ng peacock. Ang kaniyang porma ay katulad ng mga kababaihan sa Inglatera. "TU!" (YOU!) sigaw ni Florencia sabay turo kay Salome "Ven Aca!" (Come here!) tawag niya pa kay Salome at sumenyas ito na lumapit sa kaniya, nagkatinginan naman si Salome at Ising na parehong kinakabahan na ngayon sa gagawin ni Florencia, wala naman nang nagawa si Salome kundi humakbang na lang papalapit sa Senorita. Nang makalapit na si Salome kay Florencia ay agad na itiniklop ng Senorita ang kaniyang malaking abaniko sabay hampas sa kaliwang balikat ni Salome. "Hindi ka nadadaan sa isang utos ano? Hindi ba't pinagsabihan na kita na umalis ka na rito sa hacienda Montecarlos!" sigaw pa ni Florencia, napayuko na lamang si Salome gusto man niyang patulan si Florencia ngunit inaalala niya ang mangyayari sa kaniyang pamilya sa oras na lumaban siya kay Florencia na pamangkin ni Padre Bernardo na siyang kura at isa sa pinakamakapangyarihang tao dito sa San Alfonso, kapantay ni Gobernador Filimon Alfonso. Hindi pa nakontento si Florencia at agad niyang hinampas muli ang kaniyang abaniko sa kabilang balikat ni Salome. "Kailangan pa sigurong parusahan ka upang ikaw ay magtanda- " hindi na natapos ni Florencia ang kaniyang sasabihin dahil biglang may nagsalita mula sa itaas ng hagdan. "Senorita Florencia itigil mo na iyan" seryosong suway ni Fidel, natigilan naman si Florencia at agad napaatras. Nakasunod naman kay Fidel si Eleanor. Agad nagbigay galang si Florencia kay Fidel at Eleanor "Buenos d�as Se�or Fidel y Senorita Eleanor" (Ggoodmoring Senor Fidel and Senorita Eleanor) bati ni Florencia at bakas sa kaniyang boses ang kaba lalo na nang makita si Eleanor na pamangkin ng Gobernador. "Senorita Florencia Ano ang iyong ginagawa rito?" tanong ni Eleanor, bigla namang ngumiti si Florencia sinusubukan niyang pagtakpan ang kabang nararamdaman, sa huli ay naisip niyang hindi siya dapat kabahan dahil makapangyarihan din naman ang kaniyang tiyo. "Nais ko sanang bisitahin si Patricio" ngiti pa ni Florencia ngunit seryoso lang ding nakatingin sa kaniya si Eleanor. "Nasa hacienda Flores ngayon si Senor Patricio" wika pa ni Eleanor. "Kung gayon... hihintayin ko na lamang siya rito" tugon pa ni Florencia at agad siyang naupo sa salas. Inutusan niya munang pagpagan iyon ng kaniyang mga alalay bago siya naupo. Agad namang lumapit si Ising kay Salome at hinila na ito sa gilid. "Senorita Florencia ako mismo ang tumanggap kay Salome dito sa hacienda at ako lang din ang maaaring magdesisyon sa pananatili niya rito" seryosong wika ni Fidel pero ngiti lang din ang isinukli ni Florencia sabay kampay ullit sa pamaypay nito. P 25-3 "Ganoon ba? naalala ko lang na si Senor Patricio ang nagmamay-ari ng hacienda" ngiti pa ni Florencia na may halong pananakot. Magsasalita pa sana si Fidel ngunit biglang may dumating na kalesa at nakita nilang bumaba mula roon si Patricio kasama si Geronimo Flores. Nagtatawanan ang dalawang magkaibigan. Natigilan si Patrico nang makita si Florencia na agad tumayo at nagbigay galang sa kaniya, iniabot pa nito ang kaniyang kamay upang halikan ng binata. "F-florencia... Qu� est�s haciendo aqu�?" (F-florencia What are you doing here?) gulat na tanong ni Patricio ngunit iginiit muli ni Florencia na halikan nito ang kaniyang kamay kung kaya't wala na siyang nagawa kundi halikan iyon. "Susunod si Tiyo mamaya upang mapag-usapan na natin ang paghahanda sa ating kasal" ngiti pa ni Florencia dahilan para magulat ang lahat ng nakarinig lalong-lalo na si Patricio na halos himatayin sa bigla. Habang ang kaibigan naman niyang si Geronimo na babaero rin ay tumawa-tawa pa. Nagmamadaling naghanda ng masarap na tanghalian si Nay Delia katuwang ang mga tagapasilbi habang si Manang Estelita naman ang nag-aasikaso sa mga panauhin. Naroon na rin si Padre Bernardo sa hapag-kainan at ibinibida na nito ang nalalapit na pagtatapos ng pagtatayo sa simbahan ng San Alfonso. "Nais kong ang aking pamangkin na si Florencia at ikaw Senor Patricio ang unang ikakasal sa simabahan ng San Alfonso... sa aking tantiya ay sa susunod na taon sa buwan ng Mayo matatapos ang simabahan" ngiti pa ni Padre Bernardo habang nilalasap ang mamahaling alak na inilabas ni Patricio kanina. "Buwan pa lang ng Agosto ngayon... hindi ba't masyado pang matagal upang pag-usapan natin ang bagay na iyan" tugon ni Patricio habang nakangiti rin ito. Nasa kabilang dulo naman si Fidel at Eleanor na parehong hindi nakikisali sa mga ngitian nilang mapagkunwari. Habang si Geronimo Flores naman ay patuloy na pinipigilan ang tawa dahil ang kaniyang kaibigan na si Patricio ay nakikipaglaro ngayon sa kapalaran. "Pitong buwan na lang naman... ikaw Senor nais mo bang mapaaga ang kasal? Maaari nating pagtrabahuin ng buong araw at gabi ang mga indio upang mabilis na matapos ang simbahan" ngiti pa ni Padre Bernardo, napangiti rin si Florencia animo'y kinilig siya dahil mukhang mapapaaga ang kanilang kasal. Tumawa lang si Patricio, isang tawang puno ng sarkastiko. "Maaaring mapaaga... maaaring mapatagal ng mapatagal ng mapatagal" wika pa ni Patricio habang pinapaikot-ikot nito ang alak na nasa kaniyang baso. Bigla namang humalakhak si Padre Bernardo "Sadyang mapagbiro ka talaga Senor Patricio iyan ang gustonggusto ko sa katangian mo" tawa pa ni Padre Bernardo ngunit napailing lang si Patricio. "Madalas nga akong magbiro ngunit may mga pagkakataon na ang biro ko ay totoo" wika pa ni Patricio, untiunti namang nawala ang ngiti ni Padre Bernardo maging si Florencia ay natigilan din dahil sa sinabi ni P 25-4 Patricio. Napaismid pa si Padre Bernardo bago muling nagsalita "Baka nakakalimutan mo Senor Patricio... ang lupang tinitirikan ng iyong hacienda ay pagmamay-ari ko" ngiti muli ni Padre Bernardo, si Patricio naman ngayon ang natigilan. Batid niyang ang lupang nabili niya ay pagmamay-ari ni Padre Bernardo noon nang minsan itong naging encomiendero, regalo ang lupang iyon ng gobernador-heneral kay Padre Bernardo na ibinenta niya noon kay Filimon Alfonso ngunit dahil isang encomiendero rin si Filimon Alfonso hindi na niya kailangan pa ng marami pang lupa kung kaya't inirekomenda niya si Patricio na siyang bibili ng lupa. Bagama't nabili na ni Patricio ang lupa mas makapangyarihan pa rin sa kaniya si Padre Bernardo na may malaking koneksyon at pinagkakatiwalaan talaga ng gobernador-heneral. Bago pa man bilhin ni Patricio ang mga lupain hindi naman niya inakala na nais ring iugnay ni Padre Bernardo ang pamangkin nitong si Florencia sa kaniya. "Hinding-hindi ko makakalimutan Amigo" tugon ni Patricio sabay ngiti na lang, ikinampay na rin niya ang baso ng alak na hawak niya at nag-salo-salo na sila. Habang kumakain sila muling nagsalita na naman si Padre Bernardo "Senor Geronimo Flores ano itong usapusapan na naririnig ko na ikaw raw ay nakadisgrasya ng isang indio na alipin dito sa hacienda Montecarlos" napatigil naman si Geronimo ngunit napangiti rin ito ng di-kalaunan. Ang lahat na ngayon ay nakatingin sa kaniya, maging si Patricio ay napatahimik din naalala niyang si Piyang ang tinutukoy ng kura. "Pawang paninira lamang ang nais ng nagpasimula ng tsismis na iyon, malamang gusto lamang ng atensyon at makakuha ng pera mula sa aming pamilya" wika ni Geronimo Flores na hindi nagustuhan ni Fidel, matagal ng naninilbihan si Piyang sa hacienda Montecarlos at ang lahat ng manggagawa sa hacienda ay kaniyang pinapahalagahan. "Senor Geronimo... kadalasan ang mga tsimis ay may kalahating katotohanan" seryosong tugon ni Fidel. Napalunok naman si Geronimo ngunit hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita ni Fidel, at kahit ganoon ngumiti na lang siya "Ganoon ba Senor Fidel? Ibig sabihin kung kalahati nito ay totoo... kalahati rin naman nito ay maaaring kasinunggalingan" banat ni Geronimo. Lihimnamang napangiti si Padre Bernardo at Florencia dahil sa palitan ng sagot ni Fidel at Geronimo. Nakikinita na niya ang simula ng lamat sa relasyon ng pamilya Flores at pamilya Montecarlos dahil sa pagtatanggol ni Fidel sa isang indio. Sa kabilang banda naman ay lihimna nakikinig si Salome at Ising sa likod ng pinto ng kusina. "Kailangan mapuksa ang kumakalat na tsismis kay Piyang at Senor Geronimo dahil malalagay sa panganib ang pamilya nila" bulong ni Ising kay Salome, kinakabahan na ngayon silang dalawa. "Anong ibig mong sabihin?" "Kung patuloy na kakalat ang tsismis na nabuntis ni Senor Geronimo Flores si Piyang at napatunayan nga ito siguradong hindi papayag si Don Antonio Flores na mabuhay ang bata, ang isang bata na may lahing indio" wika pa ni Ising dahilan para mas lalong kabahan at mangamba si Salome. "Ang hindi ko lang maintindihan bakit mabilis na kumalat ang tsismis? Imposible namang isa sa atin ang nagkalat niyon? At wala namang pinagsabihan na iba si Piyang bukod sa atin at kay Paterno" patuloy pa ni P 25-5 Ising, biglang napaisip ng malalimsi Salome naalala niyang inamin ni Piyang na si Geronimo ang ama ng bata noong isang gabi sa harapan lamang ni Senor Patricio, Senor Fidel, Senorita Eleanor, Manang Estelita, Ising at... Susana. Biglang napatigil si Salome nang sumagi sa kaniyang isipan ang pangalan ni Susana, sakto namang biglang dumating sa kusina si Susana dala-dala ang mga pinagkainan. Nagkatinginan silang dalawa ngunit sinamaan lang siya ng tingin ni Susana at nagpatuloy na ito sa trabaho. Posible kayang si Susana ang nagkalat ng balita? Ngunit bakit naman niya gagawin iyon? Anong mapapala niya? Nag-iisa ngayon si Salome sa gilid ng lawa ng luha, oras ng siyesta kung kaya't karamihan ay nagpapahinga. Nagtungo siya sa lawa ng luha upang makapag-isip isip. Napakaraming bagay ngayon ang gumugulo sa isipan niya, maging ang problema ng kaniyang mga kaibigan ay nagiging problema na rin niya. Nakakita siya ng maliit na bato at inihagis niya iyon sa lawa. "Ang hilig mo pagdiskitahan ang mga inosenteng bato" biglang wika ni Patricio na naglalakad patungo sa kaniya. Napalingon naman si Salome at napabuntong-hininga. Narito na naman ang nakakainis na lalaking ito! "Paano kung aksindente mong mabato ang sarili mo? paniguradong iiyak ka na naman" tawa pa ni Patricio at umupo ito sa tabi niya, agad naman siyang umusog papalayo sa pangambang kung anong gawin ng binata sa kaniya. "Iniisip mo bang katulad ako ng aking kaibigan na si Geronimo?" ngisi pa ni Patricio, napakunot naman ang noo ni Salome at hindi na lang niya pinansin ang binata. "Sabi nila, kung ano ang ugali ng mga kaibigan mo ay siyang ugali mo rin" patuloy pa ni Patricio, nakatulala na sila ngayon sa lawa ng luha. "Nakuha mo Senor..." tugon ni Salome na mas ikinangisi pa ni Patricio. "Hindi ba't Patricio na ang nais kong itawag mo sa akin... at bukod doon naniniwala ka rin pala sa kasabihang iyon... kung gayon naiintindihan ko na katulad mo rin ang iyong kaibigan na si Piyang, parehong nais maging posible ang imposible... parehong umaasa sa maling tao" tugon pa ni Patricio dahilan para mapalingon sa kaniya si Salome. P 25-6 Alam na kaya ni Senor Patricio ang lihim kong pagtingin sa kaniyang pinsan? "Ahh! Kaya pala hilig mo ang magpalipas ng oras dito sa lawa ng luha dahil kaibigan mo rin ang babaeng nasa alamat nito" ngisi ulit ni Patricio sabay kuha ng bato at inihagis iyon sa lawa. Naalala ni Salome ang alamat ng lawa ng luha at ilog tangis na kinuwento sa kaniya noon ni Fidel, umiyak ng umiyak ang babae hanggang sa mapuno ang lawa at ilog ng luha niya dahil sa lalaking minamahal nito. "Ang pag-ibig ay hindi dapat sineseryoso... dahil masasaktan ka lang, ituring mo lang na isang larong sugal ang pag-ibig nang hindi ka tumataya ng pera para kahit matalo ka man hindi ka pa rin nawalan" patuloy pa ni Patricio sabay hagis ng sunod-sunod na bato sa lawa. "Siguro kailangan nating batuhin ng maraming bato ang lawa ng luha para magising na sa katotohanan ang babaeng iyon noh?" tawa pa ni Patricio sabay abot ng bato kay Salome, sa pagkakaong iyon nakita ni Salome na may pait at lungkot na tinatago si Patricio sa mga mata nito. "Bakit ganiyan ang pananaw mo sa pag-ibig Senor?" biglang tanong ni Salome dahilan para biglang mapatigil si Patricio. "Bakit kailangan paglaruan lang ang damdamin ng iba?" patuloy pa ni Salome. Ibinaba naman na ni Patricio ang batong hawak niya at saka ibinaling nito ang kaniyang paningin sa napakagandang lawa. "Napakahabang kwento... at hindi ka maniniwala kapag nalaman mo" sagot ni Patricio sabay ngiti ulit ng nakakaloko. Magsasalita pa sana si Salome ngunit kinulit siya ni Patricio na batuhin nila ng bato ang lawa para raw matauhan na ang babae sa alamat na nagpakabulag sa pag-ibig. Araw ng linggo, ginanap ang simpleng kasal ni Paterno at Piyang sa gilid mismo ng simabahan ng San Alfonso dahil hindi pa ito tapos gawin. Si Padre Rogelio ang nanguna sa seremonya. Maraming tao ang dumalo karamihan ay mga ordinaryong mamamayan na kaibigan ng mga magulang ni Paterno at Piyang. Masayang-masaya si Paterno habang kitang-kita naman na napipilitan lang si Piyang. Medyo maumbok na rin ang tiyan nito na naging pangunahing paksa ng mga tsismosang nakikiusyoso sa kasal. Nang matapos ang kasal dumiretso na ang lahat sa kainan na dinaos sa bahay nila Piyang sa barrio linga na malapit sa hacienda Alfonso. Ang kasal ay pinaghandaan at pinaggastusan talaga kahit pa naisangla ng mga magulang ni Paterno ang ilan sa mga alaga nilang kalabaw at baka. Napakaraming pagkaing inihanda na nakalatag sa mahabang mesa sa labas. ang mga bisita naman ay tuwang-tuwa habang nagkakainan at nagkwekwentuhan. Si Salome at Ising ay nakasuot din ng puting baro't saya na mas maganda at mas malinis kumpara sa simpleng damit na suot nila araw-araw. maayos din ang buhok nila na nakapusod ng buo lalong-lalo na ang buhok ni Salome dahil may maliliit na kulot pa ito na diretso sa kaniyang patilya. P 25-7 "Salamat at nakarating kayo sa aming kasal" pasasalamat ni Paterno at nagbigay galang siya kay Salome at Ising, ang lahat ng panauhin ay binabati niya at pinasasalamatan. "Parang kailan lang pabiro kong sinabi sa iyo na pumunta ka sa aking kasal at ngayon nagkatotoo nga dahil kaibigan mo pala si Piyang" ngiti pa ni Paterno, napangiti naman si Salome. "Napakaliit talaga ng mundo, hindi ko rin akalain na ang babaeng tinutukoy mo ay matagal ko na palang kilala" ngiti pa ni Salome at nagtawanan sila. "Siya nga pala nasaan si Piyang?" tanong ni Ising bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Paterno ngunit pinilit niya pa ring ngumiti "Ah! masyadong napagod sa seremonya kanina ang aking asawa kung kaya't nagpapahinga na siya ngayon" sagot ni Paterno, hindi naman maialis ni Salome ang tingin niya kay Paterno lalo na't batid niyang nasasaktan ang binata dahil hindi naman niya anak ang pinagbubuntis ng asawa niya. Nais sanang makausap ni Salome si Paterno upang malaman ang saloobin nito ngunit biglang dumating si Felipe na nakagayak din at posturong-postura. Agad niyang binati ang dalawang binibini at namula sa hiya nang batiin at ngitian din siya pabalik ni Salome. Habang si Danilo naman ay nakabuntot lang sa kaniyang kuya Ernesto at Ate Felicidad at kunwaring inaalagan si Julio para hindi siya tawagin nila Paterno at Salome na lumapit kay Ising. "Mukhang may susunod na ikakasal na ah" biglang kantyaw ni Paterno sabay tabig sa likod ng kaibigan ngunit bigla silang napatigil nang biglang may magsalita mula sa likuran nila. "Inihahatid ko ang aking pagbati sa matagumpay niyong kasal Ginoong Paterno" sabat ni Fidel sabay abot ng kamay kay Paterno. Sandali namang napatigil si Paterno dahil hindi niya akalaing makakamayan at kakausapin siya ng isang elitistang katulad ni Fidel Montecarlos. Agad napayuko ng tatlong ulit si Paterno at labis-labis ang kaniyang pasasalamat sa pagdating ni Fidel. May iniabot pang regalo ang kastilang binata na isang mamahaling kumot mula pa sa Tsina. "Napakabuti niyo ho talaga Senor Fidel, napakswerte po ng aking asawa na maging tagapagsilbi ninyo" wika pa ni Paterno, tinapik naman ni Fidel ang balikat ng bagong kasal. "Alagaan mong mabuti ang iyong asawa, ngayong kayo'y pinag-isa na harapin niyo ang lahat ng problema ng magkasama" bilin pa ni Fidel na nagpaluha kay Paterno dahil sa labis na saya. Ngumiti naman si Fidel sabay tingin kay Salome na agad umiwas ng tingin at nagpaalamna kukuha lamang ng tubig na maiinom. Bakit ba hanggang dito ay makikita ko pa rin si Senor Fidel? Linggo na nga lang ang araw na hindi ko siya makikita ngunit sadyang napakakulit talaga ng tadhana Nagsalin na ng tubig sa baso si Salome at dire-diretso niyang ininomiyon ng isang lagukan lang. muntik pa siyang masamid nang maramdaman niyang nasa likod na niya si Fidel dahil naaamoy na niya ang pabango nito. "Lumeng..." panimula ni Fidel, nakatayo silang dalawa ngayon sa mahabang mesa kung saan nakalatag ang lahat ng pagkain. Habang ang ibang panauhin ay kani-kaniyang nagsasaya at nagkwekwentuhan sa bawat gilid. ang ilang maliliit na batang paslit ay nagtatakbuhan pa. P 25-8 "Nabigla ba kita? Paumnhin" patuloy pa ni Fidel dahil tuluyan nan gang nasamid si Salome. Tatapikin niya sana ang likod ng dalaga ngunit naalala niyang hindi niya maaaring gawin iyon lalong-lalo na dahil isang kapusukan ang paghawak sa isang dalaga. "H-hindi naman po Senor" wika ni Salome sabay lapag ng basong hawak niya, akmang aalis na sana siya roon ngunit nagsalita muli si Fidel. "Bakit hindi ka na dumadalo sa ating lektura? Ayaw mo na bang matuto magbasa at magsulat?" habol ni Fidel, hindi naman agad nakapagsalita si Salome at ibinaling na lang niya ang kaniyng paningin sa mga pagkain sa mesa. "Lumeng?" "M-masyado lang pong maraming bagay ang bumabagabag sa aking isipan nitong mga huling araw at bukod po roon nakakahiya po kina Manang Estelita at sa iba ko pong mga kasamahan kung hindi ko po nagagampanan ng maayos ang aking trabaho" sagot ni Salome nang hindi tumitingin sa mata ni Fidel. "Maraming bagay ang bumabagabag sa iyong isipan? Katulad ng ano?" tanong pa ni Fidel animo'y hindi niya titigilan si Salome hangga't hindi nalalaman ang mga sagot dito. Katulad ng nararamdaman ko sa inyo Senor Fidel... alam kong mali ngunit hindi ko rin kayang pigilan... "Basta ho Senor maraming bagay" wika na lang ni Salome, aalis na sana ulit siya ngunit biglang humarang na naman sa kaniya si Fidel dahilan para mas lalo siyang kabahan dahil nasa gitna sila ng napakaraming tao, baka kung anong isipin ng mga ibang nakakakita sa kanila. "Tungkol ba sa pangungulit sa iyo ni Patricio?" diretsong tugon ni Fidel habang nakatitig kay Salome dahilan para matigilan ang dalaga. "Ano bang mayroon sa inyo ni Patricio?" habol pa ni Fidel sa bakas ng pananalita nito animo'y nobyo na naninibugho. Lingid sa kanilang kaalaman nakita rin sila ni Fidel na magkasama sa lawa ng luha habang naghahagis ng mga bato roon noong isang araw. "A-ano pong sinasabi niyo Senor?" gulat at litong-lito na tanong ni Salome. P 25-9 "Wala... kalimutan mo na lamang ang aking sinabi" wika ni Fidel sabay iwas ng tingin sa dalaga at umalis na ito. Hindi na kita maintindihan Senor Fidel... Kinagabihan, hindi makatulog ng maayos si Salome lalo na dahil sa mga huling sinabi at ikinilos ni Fidel sa handaan sa bahay nila Piyang kanina. Matapos siyang kausapin ni Fidel ay bigla na itong nagpaalampauwi at umalis na. Anong bang nangyayari? Bakit ganito ang nararamdaman ko? "Lumeng hindi ka rin ba makatulog?" tanong ni Felicidad sa kapatid dahil galaw ng galaw si Salome sa higaan nila. napakadilimng buong paligid dahil nakapatay na ang gasera at wala ring buwan ngayon. "Minsan darating ka sa punto ng buhay mo na kung saan hihilingin mo na sana hindi mo na lang nalaman dahil mas mabuti ng paniwalaan ang kasinunggalingan kaysa sa katotohanan na mas masakit palang tanggapin" panimula ni Felicidad, napayakap naman si Salome sa kaniyang ate. "Anong ibig mong sabihin ate Fe?" "Hinihiling ko na sana hindi ko na inalampa ang katotohanan at hamabuhay ko na lang pinaniwalaan ang kasinunggalingan" sagot ni Felicidad sabay yakap din sa kapatid. Mas lalo namang naguluhan si Salome sa sinasabi ng kaniyang ate. "Ano ba ang iyong tinutukoy ate Fe?" P 25-10 Sandali namang hindi umimik si Felicidad ngunit rinig na rinig ni Salome ang pagbuntong-hininga nito "Ang katotohanan kung bakit tayo umalis sa Tondo" diretsong sagot ni Felicidad na nagdulot ng hindi maipaliwanag na kaba kay Salome. "Hindi ba kaya tayo umalis roon ay dahil sa away ni Tiyo Fernando at itay?" tanong ni Salome ngunit panibagong pagbuntong-hininga lang muli ang narinig niya mula kay Felicidad. "May mas malalimpang kwento Lumeng... at nitong isang araw ko lang din nalaman" wika pa ni Felicidad, at niyakap ng mahigpit ang kapatid. "Narinig ko kahapon habang nagkwekwentuhan si itay at sila Mang Berto sa labas ng bahay, nangangamba sila dahil mukhang dumarami na ang intsik dito sa San Alfonso..." patuloy ni Felicidad. Hindi naman nakakontra si Salome dahil batid niyang dumarami na nga ang populasyon ng mga intsik sa kanilang lugar at nitong huling linggo lang ay may napagdeskitahan ulit na mga tinderong intsik sa palengke. "Kung gayon... aalis na tayo rito sa San Alfonso?" tanong ni Salome kasabay niyon ay naramdaman niya ang kakaibang bigat sa dibdib dahil ayaw niyang lisanin ang San Alfonso lalong-lalo na ang hacienda Montecarlos. "Hindi ko alamLumeng... ngunit batid kong hindi lang matatapos sa pag-alis dito sa San Alfonso ang lahat" wika pa ni Felicidad, sandali itong napabuntong-hininga bago muling nagsalita "Dahil sa oras na malaman nila na tayo'y nagtataglay ng dugong bughaw... hindi ko na alamkung anong mangyayari sa atin" Sa pagkakataong iyon, biglang pinagharian ng matinding takot at pangamba si Salome nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang nakatatandang kapatid. Wala ng umimik sa kanilang dalawa, parehong binalot ng takot sa mga posibleng mangyari sa kanilang pamilya kung hindi sila mag-iingat. Kinabukasan, maagang hinatid ni Ernesto si Nay Delia at Salome sa hacienda Montecarlos. Marami pa itong pinadalang mga saging ng lakatan na ikinatuwa ni Manang Estelita na sumalubong sa kanila. Nang umaga ring iyon, pinakain na muna ni Salome ang mga alagang manok lalong-lalo na si ChingChing na binuhat niya pa at pinatuka sa kaniyang palad. "Mabuti ka pa ChingChing ikaw ay magana kumain... wala ka sigurong pinoproblema ngayon" wika pa ni Salome habang hinihimas at pinapakain ang paboritong alaga. Pumutak-putak naman si ChingChing habang ganadong-ganado sa pagkain. "Pansin ko nga na ikaw ay lumulusog din... hinay-hinay lang baka maging agaw pansin ang iyong kalusugan at ikaw na ang isunod na gawing litson sa handaan" biro pa ni Salome pero biglang napatigil sa pagkain si ChingChing at nagpupumiglas ito sabay lundag sa lupa. "Ako'y nagbibiro lang kaibigan" tawa pa ni Salome ngunit animo'y naalarma si ChingChing at nagtatakabo sa P 25-11 loob ng malawak na kulungan, dali-dali itong lumabas sa nakabukas na harang na nakalimutan isara ni Salome kanina nang pumasok siya, "ChingChing!" sigaw ni Salome sabay habol sa tumatakbong manok papalayo. Sadyang napakabilis at ang liksi-liksi tumakbo ni ChingChing habang kinakampay- kampay pa nito kaniyang pakpak dahilan para mahirapan si Salome sa paghabol sa kaniya. Narating na nila ang kwadra ng mga kabayo ngunit hindi pa rin tumigil si ChingChing sa pagtakbo hanggang sa mapadaan sila sa sapa na puno ng mga gansa at pato ngunit hindi pa rin nagpaawat sa pagtakbo si ChingChing. "Sandali! Saan ka ba pupunta? Ako'y nagbibiro lang hindi ka namin iluluto" tawa pa ni Salome kahit pa hinihingal na siya sa paghabol sa alaga. "Ching! Huwaaag!" sigaw pa ni Salome dahil biglang lumusot si ChingChing sa isang maliit na lagusan sa bakod na gawa sa bato ng hacienda. "Pasaway na manok!" inis na tugon ni Salome at agad siyang sumampa sa bakod, mabuti na lang dahil walang ibang bantay o tao mula doon kaya hindi na siya nagalinlangan na sumapa pa roon. Nang makababa na siya sa bakod na hindi naman ganoon kataas tumambad sa kaniya ang kakaibang Paraiso na natatago roon. Naglalakihang puno ng Narra ang nakahelera sa gilid ng kalsada na gawa sa lupa, at sa di kalayuan ay nakaabang ang isang malaking lupain na puno ng mga bulaklak na rosas na may iba't-ibang kulay. "Ching!" tawag pa ni Salome sa kaibigang manok na patuloy pa ring kumakaripas ng takbo papunta sa lupain ng mga rosas. Ang malawak na lupain na natatanaw ni Salome ay tinatawag na lupain ng mga rosas, walang nagmamay-ari nito at bukas ito sa lahat. Sa pinakagitnang bahagi ng lupain ng mga rosas ay may nakatirik na maliit na silungang kubo na gawa sa pawid at tanging apat na haligi lang ang nakatayo roon, wala itong pader kung kaya't kitang-kita ang dalawang mahabang upuan na magkatapat sa loob. napangiti naman si Salome sabay takbo ng mabilis papunta rin doon "Ikaw talaga! gusto mo lang palang gumala" tawa pa ni Salome ngunit bigla siyang napatigil nang makita ang isang pamilyar na lalaki na nakasilong sa kubo at nakatalikod sa kanila. May hawak itong biyolin (violin) at nagpapatugtog ng musika mula sa instrumenting iyon. Naistatwa lamang si Salome sa kaniyang kinatatayuan sa gitna ng mga bulaklak ng rosas habang nakatanaw kay Fidel na nakapikit habang dinadama ang musika mula sa pinapatugtog na biyolin. Tila bumagal ang pagtakbo ng oras sa pagitan nila habang pinagmaamsdan ni Salome si Fidel mula sa di-kalayuan. Kasabay niyon ay ang pag-ihip ng marahan at napakasariwang hangin na nagdulot ng kaginhawaan sa pakiramdamni Salome lalong-lalo na ang musika na nililikha ni Fidel. Maaliwalas din ang kapaligiran, kulay asul ang kalangitan habang ang mga nakatanimna rosas sa paligid ay nagsasayawan. P 25-12 Naramdaman muli ni Salome ang kakaibang pagtibok ng kaniyang puso na minsan na rin niyang naramdaman nang una niyang makita si Fidel at sa pagkakataong iyon ay mas lalo pang tumindi ito. Ilang sandali pa ay nagulat si Salome nang biglang may maramdaman siyang naglalakad mula sa likuran niya. bago pa man siya makalingon ay narinig na niyang nagsalita ito "Napakaganda ng musikang tinutogtog ng aking pinsan ano?" wika ni Patricio habang nakatingin din kay Fidel. Napaatras naman si Salome nang tumabi na sa kaniya si Patricio. "A-anong ginagawa mo rito?" tanong ni Salome pero hindi ito pinansin ni Patricio, "Ang pamagat ng musikang tinutugtog niya ay Kanon Und Gigue In D-Dur o mas kilala bilang Canon na nilikha ni Senor Johann Pachelbel na taga-Alemanya (Germany)" wika pa ni Patricio, napatingin naman si Salome kay Fidel habang patuloy pa rin itong tumutugtog ng biyolin. Animo'y hindi pa niya napapansin na naroon sila at pinapanood siya. "Mahiwaga ang musikang iyan... ang sabi nila, ang Canon ay nakapagdudulot ng magkahalong saya at lungkot na sabay mong mararamdaman katulad na lamang ng pag-ibig" tugon pa ni Patricio sabay tingin kay Salome. "Pag-ibig na puno ng saya at kalungkutan na sa di-kalaunan ay magwawakas din katulad ng musika na may hangganan" patuloy pa ni Patricio habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome, kasabay nito ay ang pag-ihip muli ng malamig na hangin. "A-ano pong ibig niyong sabihin Senor?" nagtatakang tanong ni Salome na ikinaseryoso muli ng itsura ni Patricio, isang seryosong mukha na may hatid na awa para kay Salome. "Bago pa man mag-umpisa tumugtog ang musika mas makabubuti kung lumayo ka na at huwag mo nang tapusin pang pakinggan ito dahil sa huli masasaktan ka lang" wika pa ni Patricio habang nakatingin pa rin ng malalimsa mga mata ni Salome. "Masasaktan ka lang Lumeng kung ipagpapatuloy mo iyan" dagdag pa ni Patricio. At sa pagkakataong iyon parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Salome at kasabay niyon ay parang biglang may kung anong kirot na muli siyang naramdaman sa kaniyang puso. Bakit hindi ako maaaring mahulog kay Senor Fidel? P 25-13 ******************** A/N: Ang Lupain ng Rosas sa San Alfonso ay isa sa mga setting din sa I Love you since 1892 kung naalala niyo pa haha. Also, The violin, viola, and cello were first made in the early 16th century, in Italy. While piano was made fromItaly around 1709. And originally Canon in D by Johann Pachelbel was written for three violins with a bass accompaniment and a gigue around 1680. Hope you enjoy this chapter ?? Vote and comments are highly appreciated ? ???? huhu.???????? P 25-14 Kabanata f(x - 24) 52.3K 2.1K 1.5K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 24] "And all my love We're holding on forever Reaching for the love that seems so far" -Westlife (My Love) "Magaling! Magaling!" narinig naming sigaw ni Sir Albert sa lahat ng estudyante na kasama sa play, tuwangtuwa sila dahil naging matagumpay ang theater play nila. nasa labas kami ngayon ng backstage at hinihintay namin lumabas mula doon sila Alex. Pagkatapos ng play... pagkatapos tumugtog ni Sir Nathan sa piano, hinila na ako nila Jen papunta dito sa backstage para magpalibre daw kaming lahat kay Alex. Kanina pa sila nagtatawanan at nag-iingay pero hindi ko alamkung bakit hindi ko magawang makipagsabayan sa kanila, ayaw pa rin mawala sa isipan ko yung mukha ni Sir Nathan sa mall 11 years ago. Sabi nila, kapag may bagay daw na nagtrigger sa subconscious mo na related sa memories mo maalala mo iyon... pero bakit parang ang weird, matagal ko nang naaalala ang pangyayaring iyon pero bakit ngayon lang naging malinaw sa'kin kung sino ang binatilyong tumutugtog noon ng piano sa mall? "Aly? Ayos ka lang ba? bakit di ka kumikibo?" tanong ni Iryn sabay akbay sa'kin habang ngumunguya pa rin siya ng popcorn. "Naamaze yan sa kapatid niya ang galing galing kasi ni Alex nasapawan siya sa pag-arte" pang-asar pa ni Jen habang pinapanood nila ni Leana yung nirecord niyang video ng play. Bukas naman yung pintuan sa backstage kaya lang hindi kami pumasok sa loob kasi nandoon lahat ng mga actors at actresses, ang dami ring mga props at costume na nakakalat sa loob baka makasira pa kami ng gamit nila. Baka masyado lang akong naamaze sa piano skills ni Sir Nathan kanina kaya inakala ko na siya rin yung tumugtog ng piano sa mall noon. Eh kung tanungin ko kaya siya? parang ang weird naman, masyado nang matagal iyon 11 years na ang lumipas. "Hoy ngets?" Natauhan ako kasi may pinapakita pala silang video sa'kin "Natutulala ka na naman... hay nako! Gutomlang yan, panoorin mo to dali" excited na sabi ni Jen sabay pakita sa'kin nung video camera niya habang nagkukumpulan na kaming apat sa gilid ng pintuan ng backstage. "Ang ganda naman ng camera mo HD na HD" pang-asar pa ni Leana kay Jen kasi ang labo-labo ng pag-zoomni Jen kay Sir Nathan habang nagpipiano P 26-1 ito. "Bulok na nga to eh pero papalitan daw ni daddy pagdating niya" tawa na lang ni Jen at kilig na kilig sila habang zinozoompa lalo yung mukha ni Sir Nathan. Kelan pa natutuo mag-piano si Sir? Ang dami pa pala talagang bagay na hindi ko alamtungkol sa kaniya. Ilang sandali pa, naglabasan na yung mga kasamahan ni Alex habang bitbit nila ang mga gamit nila, yung iba naka-make up pa habang yung iba naman ay nagtulong-tulong na sa pagliligpit ng gamit nila. "Congraaats Alex!" bati ni Jen kay Alex sabay takbo papalapit sa kaniya at pinakita yung nirecord niyang video. Bakas naman sa mukha ni Alex na nagulat siya dahil sa biglang pagbati at paglapit sa kaniya ni Jen. "T-thanks" "Tingnan mo oh! Eto yung pinaka-favorite kung part niyo ni Lily" sabi pa ni Jen habang nakangiti ng todo sabay pakita nung video na magkahawak kamay si Alex at ang kapatid niyang si Lily. Tumango na lang si Alex, mas lalo naman siyang nawindang nung lumapit na rin sa kaniya sila Iryn at Leana at nagpapicture pa. "Ngets Aly! Picturan mo kami dali" utos pa nila sa'kin sabay abot nung camera nila. "Wow ha! Ako pa ginawa niyong photographer" wala na lang akong nagawa kinuha ko na yung camera ni Jen at pinicturan sila. Tumabi na silang lahat kay Alex, nakadikit ng todo si Jen kay Alex at sa kabila naman niya nakayakap si Iryn at Leana. Finocus ko na yung camera, at nag-focus iyon sa mukha ni Alex at Jen na parehong nakangiti at magkatabi ngayon "One... Two... Three- " Pag-click ko ng camera hindi ko napansin na naka-on pala yung flash kaya biglang nangibabaw yung nakakasilaw na liwanag ng flash, maging ako ay napapikit din dahil sa biglaang liwanag na nag-reflect sa likod ng glass door ng backstage. Hindi ko alampero parang biglang bumagal ang pagikot ng paligid ko, at parang biglang pumintig ang ulo ko, Muntikan ko ng mabitawan yung camera ni Jen dahil napahawak ako sa noo ko. May kung anong pangyayari akong nakita na hindi ko maintindihan... Isang madalim na gabi, may napakalaking puno sa tabi ng ilog, may isang babaeng naka-pusod ang buong buhok sa likod, mahaba ang kaniyang saya na sumasayad na hanggang sa lupa, naupo siya sa isang batuhan at inilapag niya ang gasera doon, sinindihan niya ito, napatakip siya sa kaniyang mata dahil sa nakasisilaw na liwanag ng gasera. Ilang sandali pa, tumayo na siya, binitbit niya muli ang P 26-2 gasera at nagsimula nang maglakad sa masukal na gubat sa tabing ilog. Hanggang sa mapatigil ang babaeng iyon nang makita ang anino ng isang babae at isang lalaki na magkahawak kamay, nakatayo silang dalawa sa dulo ng ilog habang umaagos ito ng malakas. "Nilong! Isabela! Anong ibig sabihin nito?!" "P-patawad ate!" "Sandali- ! Huwaaag!" Naramdaman ko na lang na tumama ang tuhod ko at naikabig ko ang kamay ko sa sahig "Aleeza!" narinig kong tawag pa nila Alex, Jen, Iryn at Leana, nanlabo na rin ang paningin ko pero nakita ko pa silang tumakbo papalapit sa akin bago tuluyang dumilimang lahat. Naalimpungatan ako nang may maamoy akong fried chicken, "Mukhang gutomlang yan Ate" narinig kong sabi ni Lily na nasa tabi ko habang binubuksan yung balot ng fried chicken at inilagay niya iyon sa paper plate. Teka! Anong ginagawa ni Lily dito? Nasaan ang ate niya? "N-nasaan ako?" Ang bigat ng ulo ko at sobrang tuyo ng lalamunan ko, maging ang dibdib ko ay sobrang bigat din. Sinubukan kong tumayo pero pinigilan ako ni Lily. "Nandito ka sa clinic ate Aleeza, lumabas sila ate kasama sila ate Iryn at Leana para sa excuse letter mo" sabi pa niya sabay abot sa'kin nung fried chicken with rice. Napalingon ako sa paligid, nasa clinic nga kami, medyo matapang ang amoy ng alcohol at sobrang lamig din ng aircon. Inalalayan naman ako ni Lily na maupo para makakain. "Ano bang nangyari sayo ate Aleeza? ang sabi ng doktor kulang ka raw sa tulog at pagkain" panimula ni Lily at umupo na siya sa tabi ng kama na hinihigaan ko. hindi naman kami ganoon kaclose ni Lily, alamkong nahihiya siya sa akin kasi patay na patay talaga siya noon sa kapatid kong si Alex lalo na noong high school sila. Maganda si Lily, mas maganda pa nga siya kay Jen at magkasing edad lang din sila ni Alex kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya magustuhan ni Alex. Maputi, straight ang buhok, matangos ang ilong at mahaba ang pilik mata ni Lily, payat siya at matangkad. "Ano bang nangyare?" tanong ko ulit, ang huli kong natatandaan pinicturan ko sila Alex at ang mga kaibigan ko, tapos biglang may flash at biglang... P 26-3 "Wait! Buhay pa ba ako?" gulat kong tanong dahilan para biglang magtaka yung itsura ni Lily. "Oo naman ate Aleeza" "Kasi nung nahilo ako bigla akong may nakitang kakaiba, may babaeng naglalakad sa tabing ilog- Teka! parang ako yung babae doon, parang ako yung naglalakad at may bitbit na gasera ba yun? yung ilawan noong sinaunang panahon... ang dilimdilimng buong paligid parang naglalakad ako papunta sa kabilang buhay" saad ko na ikinatulala ni Lily, nakatingin lang siya sa'kin. napahawak naman ako sa braso ko, bigla akong kinilabutan. "Tapos may nakita akong isang babae at isang lalaki na magkahawak kamay sa tabing ilog" patuloy ko pa, nanatili namang nakatingin lang si Lily sa akin ngayon. ilang sandali pa nagsalita na siya, "Tapos? Anong nangyare ate Aleeza?" napaisip naman ako ng matagal pero parang biglang naging blurred at Malabo ang lahat. "Basta may sinabi ako sa kanila pagkatapos may sinabi yung lalaki sa akin kaso di ko na maalala" sabi ko pa, Nagmistulang isang panaginip na sobrang malabong pangyayari ang lahat. "Anong nangyare sa kanilang dalawa?" tanong pa ni Lily, pinilit ko namang alalahanin yung sumunod na nangyari... pero di ko na talaga maalala. "Hindi ko alam, biglang dumilimna lang lahat" sagot ko, napatahimik naman kami ni Lily ng ilang segundo. Pero bigla na siyang tumayo, at inabot na niya sa akin yung isang basong tubig. "Nasaan nga pala si Alex?" tanong ko, sabay inomng tubig. "Tinatawagan niya na sila para masundo kayo ate, hindi kasi kayo pauuwiin ng mga administrator sa school hangga't walang parents na susundo sayo" sagot ni Lily at inayos na niya yung mga pinaglagyan ng pagkain na nakapatong sa gilid ng maliit na mesa. Nanatili lang akong tulala doon, pinipilit kong alalahanin yung kakaibang pangyayari sa tabi ng ilog, para kasing totoong nandoon ako. "Ate... may gusto si Alex kay ate Jen diba?" biglang tanong ni Lily na ikinagulat ko. hala! alamna niya. "Wag kang mag-alala, matagal ko ng alamiyon, matagal ko ng alamna si ate Jen talaga ang gusto ni Alex, si ate Jen talaga ang sinsilip niya sa bintana ng bahay namin kapag napapadaan siya sakay ng bisikleta, at si ate Jen talaga ang ang dahilan kaya hindi niya ako magawang magustuhan" patuloy pa ni Lily habang inaayos yung mga gamit doon sa mesa at hindi siya nakatingin sa akin. "Lily..." "Okay lang... tanggap ko naman na ate, wala naman akong galit kay Alex o kay ate Jen dapat nga maging masaya na ako para sa kanila, tanggap ko na sa isang istorya ako ang karakter na hindi magagawang mahalin ng bida dahil hindi naman ako ang bida sa kwento" tugon pa ni Lily, mahilig siyang magbasa ng mga libro at siya talaga ang book collector sa family nila. "Alamko na ngayon ang pakiramdamni Salome..." patuloy niya pa, bigla akong napatingin sa kaniya. Oo nga pala! Siya ang nagbigay ng librong iyon kay Alex. Gusto pa nga iyon itapon ni Alex pero pinigilan ko siya kasi babasahin ko pa. P 26-4 "Oo nga pala Lily, bakit mo pala niregaluhan ng libro si Alex? hindi naman siya mahilig sa romantic novel, puro science fiction at fantasy ang binabasa niya" tugon ko, bigla namang napatigil si Lily sa ginagawa niya. at hindi siya kumibo ng ilang segundo, bagsak na bagsak kasi ang buhok niya at may mahaba pa siyang bangs kaya natatakpan ang mata niya, hindi ko tuloy masyado makita ngayon ang itsura niya. "Lily?" Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin "Dahil ang librong iyon ay isang... babala" sagot niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, sa pagkakataong iyon bigla akong nakaramdamng kakaibang takot na hindi ko maipaliwanag. Sa tono ng pananalita niya parang may nais siyang iparating na hindi ko maintindihan. "Isang babala upang hindi na muling mangyari ang nakaraan..." patuloy niya pa. Napatingin ako sa gilid ng bintana ng clinic, umuulan pala ngayon. 3 pmpa lang pero madilimna ang paligid dahil sa kapal ng ulap at sa malakas na buhos ng ulan. Ano ang tinutukoyniyang nakaraan na hindi na dapat muling mangyari? Ilang saglit pa dumating na si Jen kaya nagpaalamna si Lily, tatawagin ko pa sana siya kaso dire-diretso na siyang lumabas sa clinic. "Anong nangyari kay Lily?" tanong ko kay Jen pero bigla naman siyang nagtaka "Ha? Bakit anong meron sa kapatid ko?" tanong niya, napailing na lang ako. ayoko na muna isipin iyon mas lalo lang gumugulo ngayon ang isipan ko. maya-maya pa pumasok na rin sa clinic si Alex, "Ate, andiyan na sila papa" tawag niya sa'kin, kasama rin niya sila Iryn at Leana na binilhan pa ko ng mga pagkain. "Ayan ngets Aly kumain ka ng madami, lagot ka kay doc" sabi pa nila, natawa naman yung lalaking doctor dito sa clinic, nasa edad 40s pa lang siguro siya. "Take care of your health Ms. Agcaoili, matulog ka ng sapat at kumain ng tama" paalala pa nung doctor, at tinapik pa ang ulo ko. "Thank you, doc," Inalalayan naman na nila ako tumayo kahit pa kayang-kaya ko naman tumayo, pinipilit pa nilang buhatin ako ni Alex at ito namang kapatid ko ay pakitang gilas kay Jen. "Wag niyo na akong buhatin, kaya ko naman" tugon ko pa, siguradong pagtitinginan kami ng mga tao sa hallway kapag buhat buhat ako, at ang daming nakaalalay sa akin, ayoko ng ganun. Dahan-dahan lang kaming naglakad papalabas sa clinic, normal naman na ang pakiramdamko iyon nga lang medyo mabigat pa rin ang ulo ko, pagdating naman sa lobby, natanaw ko na agad sa labas ng building ang jeep na pinapasada ni papa, nakatayo rin sa entrance door si mama habang kausap si... P 26-5 Sir Nathan! Hala! "Ma!" tawag ni Alex dahilan para mapalingon sa amin si mama at si Sir Nathan. Waaait! Talaga naman tong kapatid ko tinawag agad sila haays. Dali-daling naglakad papalapit sa'kin si mama at hinawakan niya agad ang noo ko, ang leeg ko ang balikat ko at ang braso ko. "Aleng! Bakit ba hindi ka nagkakakain?" reklamo sa'kin ni mama. Kumakain naman ako palagi iyon nga lang hindi masyado, "At bakit ka ba nagpupuyat? Ano bang pinagpupuyatan mo?" patuloy niya pa. hindi naman ako nagpupuyat, sadyang hindi lang talaga ako makatulog nitong mga huling linggo dahil kay Sir Nathan at Cassandra haays. At syempre hindi ko sasabihin iyon dahil nasa likod lang ni mama si Sir Nathan na nakatingin ng diretso sa akin ngayon. "Hi sir" bati nila Jen, Iryn, Leana kay Sir Nathan at tumango lang ito sa kanila sabay balik ulit ng tingin sa'kin, hindi ko naman siya magawang tingnan kaya nakatingin lang ako kay mama na nagdadakdak pa rin ngayon. "Tara na, nag-aalala na rin papa mo" patuloy pa ni mama sabay bukas ng payong, napalingon pa siya kay Sir Nathan "Sige Hijo, mauna na kami Maraming Salamat ah" sabi ni mama sabay tapik sa balikat ni Sir, ngumiti lang at tumango si Sir sabay tingin ulit sa'kin. Bakit nagpapasalamat si mama kay Sir? "Bye ngets, ingat kayo lalo ka na magpagaling ka ah" paalampa nila Jen, Iryn at Leana at naiwan na sila doon sa lobby, si Alex naman ang nagdala ng bag ko. sumakay na kami sa jeep, nasa unahan kami ni mama sa tabi ni papa habang si Alex naman ang nasa likod ng jeep. Umuulan pa rin ng malakas kaya binaba ni Alex yung plastic na trapal sa dalawang mahabang bintana ng jeep para hindi pumasok ang tubig, may pintuan din sa passenger seat ng jeep na pinapasada ni papa kaya hindi rin kami mababasa ni mama sa ulan. Sa huling pagkakataon, nilingon ko pa silang lahat, kumakaway pa rin sila Jen, Iryn at Leana sa amin habang nasa tabi naman nila si Sir Nathan na nakatingin lang ng diretso sa akin. Sa totoo lang, hindi ko malaman kung bakit ganoon siya makatingin, hindi naman siya galit at hindi naman seryoso ang tingin niya, parang may kakaiba akong nararamdaman dahil sa tingin niya. at bakit hindi man niya ako kinausap? Hindi rin siya nagsalita kanina. Anong nangyayari? "Buti na lang, tinawagan agad ako ni Sir Nathan kaya napuntahan ka agad namin dito anak" wika ni papa habang nagmamaneho ng jeep, medyo traffic ngayon kasi maulan. At ang dami ring pumapara sa amin kahit pa P 26-6 wala namang sign board na nakalagay sa jeep. Napalingon naman ako kay papa, "Pa, paano po nalaman ni Sir ang number niyo?" "Kay Totoy" sagot ni papa sabay tingin kay Alex na napatingin sa amin at tinanggal ang earphones sa tenga. "Wala kasi akong load at tatakbo na ko papunta sa canteen para magpaload per sabi ni Sir siya na ang tatawag kaya binigay ko number nila mama at papa" sagot ni Alex, Oo ng apala nandoon din sa theater room si Sir kanina, tiningnan ko lang ng mabuti si Alex ngayon ko lang din napansin na naka-gel pa rin pala ang buhok niya na inayos kanina sa play nila. "Si Sir Nathan na rin ang gumawa ng excuse letter para madali kang makalabas ng school" dagdag pa ni Alex, na ipinagtaka ko. "Akala ko ba sila Jen, Iryn at Leana ang gumawa ng excuse letter?" tanong ko pero napailing lang si Alex. "Dapat, pero si Sir na ang gumawa para mas madaling maaaprove, kaya namili na lang sila ng pagkain para sayo" tugon pa ni Alex. Hindi naman ako nakapagsalita agad, mukhang kailangan kong magpasalamat kay Sir. Tsk, paano na ko makakapag-move on nito haays. Kinabukasan, hindi na muna ako pinapasok nila mama kaya naiwan lang ako sa bahay mag-isa, nagtitinda sa palengke si mama at nagpapasada naman ng jeep si papa habang si Alex naman ay nasa school. Umuulan pa rin hanggang ngayon, buti na lang din nandito lang ako sa bahay, nakaupo ako ngayon sa sofa habang nanonood ng tv, at dahil walang magandang palabas, pinatay ko na lang yung tv. kinuha rin muna ni mama yung phone ko para hindi daw ako magbabad sa phone habang wala sila, magpahinga lang daw ako. Kaya eto bored na bored na ako dito sa loob ng bahay. bumalik na lang ako sa loob ng kwarto at naupo sa study table namin, kukunin ko na sana yung Algebra textbook na nakalagay sa bookshelf namin nang biglang maagaw ng atensyon ko yung librong binigay ni Lily kay Alex, 'Our Asymptotically Love Story' Napatigil ako sandali, sa simula pa lang una ko pa lang makita at mahawakan ang librong iyon noon may kakaiba na talaga akong nararamdaman. Dahan-dahan kong kinuha ang librong iyon at pinagmasdan muli ang book cover nito, isang graph na kung saan may dalawang lines na maglalapit na ngunit hindi nagdugtong. Naalala ko bigla yung sinabi sa akin kahapon ni Lily, "Dahil ang librong iyon ay isang... babala, Isang babala upang hindi na muling mangyari ang nakaraan..." - Lily Anong babala mayroon ang librong ito? At sino ang taong binibigyan ng babala nito? P 26-7 Napatingin ako doon sa author ng libro, a novel by f(x � 1) Sino ba si f(x � 1)? Bakit parang hindi naman siya pinag-uusapan? Sikat na author ba to? Agad kong tiningnan yung likod ng libro at wala naman doong nakalagay na picture ng author o ang background profile nito, ang weird. Naupo na lang ako sa study table habang pinagmamasdan ko pa rin mabuti yung libro, siguradong marami na ang nakabasa nito at nakita ko na rin ang madaming kopya nito sa isang bookstore noon, agad kong binuksan yung laptop at sinearch ko ang librong iyon. Our Asymptotically Love story is a Philippine novel written by f(x � 1). It was published last May 2013 under Perspectives publishing inc. This novel is purely written in Filipino and is believed that the author himself want it to be written in that said language. So last year pa pala na-publish ang librong ito, iniscroll down ko pa ang article na binabasa ko pero iyon lang ang nakasulat at wala ng iba. Naghanap pa ako ng iba pang mga blog at articles pero puro ganoon lang din ang lumalabas. kaya sinearch ko na rin kung sino si f (x � 1), puro nakalink sa social media account ang pangalang iyon. Who is f (x � 1)? The real f(x � 1?) The story behind the author of Our Asymptotically Love Story Agad kong clinick yung last article, pero wala na namang kwentang blog ang nabasa ko. madami rin palang nacucurious kung sino ang author ng librong iyon, pero bakit ni isang trace na maglilink sa kaniya ay wala akong mahanap. Napasandal na lang ako sa upuan dahil sa inis, Bakit pakiramdamko napakahiwaga at nababalot ng misteryo ang librong ito? Muli, napatingin ako sa bintana sa tapat ng study table namin. Patuloy pa ring bumubuhos ang lakas ng ulan sa labas. P 26-8 Katulad ng kakaibang lungkot at kirot sa dibdib na nararamdaman ko sa tuwing umuulan. "Ate, are you sure okay ka na? I need to go" tanong ni Alex habang pacool na nakasabit ang bag niya sa balikat niya. sabay kaming pumasok ngayon dahil bilin talaga iyon ni mama para raw may kasama ako. 6 am pa lang nandito na kami sa school, maaga kasi ang first class ni Alex ngayon at mukhang nagmamadali na rin siya. "Sige na, mauna ka na" sabi ko, agad siyang tumango at nagtungo na sa building nila. pumasok naman na ako sa building namin, si manong guard pa lang ang nandoon at wala pang ibang tao. naupo muna ako sa lobby at tinext ko sila Jen na pumasok sila ng maaga pero sa tingin ko tulog pa ang mga iyon. Tumayo na lang ako at naglakad-lakad muna sa hallway, napakatahimik ng buong paligid halos ako pa lang kasi ang tao dito, pero bukas naman na lahat ng ilaw. Napatigil ako nang mapatapat ako sa malaking bulletin board sa bandang kaliwa ko, doon nilalagay ang lahat ng announcement at incoming events ng department of nursing. Parang biglang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko nang makita ko ang isang post na nakadikit sa pinakagilid ng bulletin board. Isa itong tula, "Unending Love" By Rabindranath Tagore I seem to have loved you in numberless forms, numberless times... In life after life, in age after age, forever. My spellbound heart has made and remade the necklace of songs, That you take as a gift, wear round your neck in your many forms, In life after life, in age after age, forever. Whenever I hear old chronicles of love, it's age old pain, It's ancient tale of being apart or together. P 26-9 As I stare on and on into the past, in the end you emerge, Clad in the light of a pole-star, piercing the darkness of time. You become an image of what is remembered forever. You and I have floated here on the stream that brings from the fount. At the heart of time, love of one for another. We have played along side millions of lovers, Shared in the same shy sweetness of meeting, the distressful tears of farewell, Old love but in shapes that renew and renew forever. Today it is heaped at your feet, it has found its end in you The love of all man's days both past and forever: Universal joy, universal sorrow, universal life. The memories of all loves merging with this one love of ours - And the songs of every poet past and forever." Nagulat ako nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko, "A beautiful poemabout Reincarnation" tugon ni Bryan, agad akong napalingon sa kaniya. "A-anong ginagawa mo dito?" reklamo ko, Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya kanina pa. Ngumisi lang siya sabay turo sa suot niya, "Training" sagot niya sabay hawi sa buhok niyang ang gulo-gulo pa. iniisip niya sigurong shunga ako kasi obvious naman na naka-suot siya ngayon ng football jersey nila. "Anyway, how are you? Nabalitaan ko na nahimatay ka raw" tanong niya habang nakatingin ng diretso sa'kin, bakit parang may kakaiba sa tingin niya? bakit pareho sila tumingin ni Sir Nathan? Teka nga, ibig sabihin kumalat na rin dito sa school na nahimatay ako, haays nakakahiya. "Ahh- Okay na ko, napagod lang ako that time kakatapos lang din kasi ng exams" sagot ko na lang, tumango naman siya. "Don't force yourself, everything will come on the right time" sagot niya sabay tingin doon sa poemna nakapost sa bulletin board. "And I hope that, this time, love goes the other way around" patuloy niya pa, napakunot naman yung noo ko. P 26-10 may sakit siguro ang lalaking to ngayon kaya nagwiwise words ng ganiyan. "Anong pinagsasabi mo?" tanong ko pa, bigla naman siyang ngumisi at natawa sa sarili niya. "Nothing, Okay see you soon babe" ngisi niya pa sabay talikod at kumaway-kaway pa sa'kin. Whuut? Ang kapal talaga ng mukha ng mokong na'to ever. "Yes! Wala si Sir! Mag-attendance na lang daw" sigaw ng mga class representative namin, kakagaling lang niya sa faculty roomkasi 30 minutes na ang lumipas hindi pa rin dumadating si Sir Nathan. Agad namang naghiyawan at napatalon pa yung iba sa tuwa dahil walang klase ngayon, nagkumupulan na sila agad para magsulat ng attendance sa isang yellow pad at naglabasan na sa classroom. Bakit absent si Sir? May nangyari bang masama sa kaniya? "Ngets! tara na! canteen na tayo" tawag ni Jen sa'kin at tuwang-tuwa siya. agad niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako patayo. "Wait magaattendance pa ko" "Okay na nasulat na kita sa attendance, pinirmahan ko na rin haha!" tawa pa ni Jen sabay hila na sa'kin papalabas sa classroom, loko din talaga tong kaibigan ko. "May klase pa sila Iryn at Leana kaya mauna na tayo sa canteen, di pa ko nag- brebreakfast eh" patuloy pa ni Jen habang hila-hila ako. hinahayaan ko na lang na hilahin niya ako kung saan, parang lutang na lutang ang utak ko ngayon. Bakit ba kasi absent si Sir kung kelan naman ang aga ko pumasok ngayon haays. Pinaghandaan ko pa ng bongga kagabi kung paano ako magpapasalamat sa kaniya tapos ngayon wala naman pala siya. "Ngets? okay ka lang ba? Oyy! Baka mahimatay ka na naman diyan, magsabi ka pag masama na pakiramdam mo" tugon pa ni Jen at naupo na kami sa pinakadulong table dito sa canteen. "Wala si Sir Nathan dito, walang magbubuhat sayo sa clinic" patuloy pa ni Jen dahilan para manlaki yung mga mata ko sa gulat. "ANO? SIYA ANG NAGDALA SA'KIN SA CLINIC?" shems! Bakit pala hindi ko natanong sa kanila kahapon kung sino ang nagdala sa'kin sa clinic. My Goodness! "Yep, Teka nga ang OA naman ng reaction mo ah" reklamo ni Jen at napaaray siya kasi hawak ko na pala ang braso niya dahil sa pagkagulat ko kanina. Binitiwan ko na siya at pinakalma ko ang sarili ko, hindi niya dapat mahalata na apektado ako ngayon. "Ano bang nangyari doon sa backstage?" tanong ko ulit, sinusubukan kong maging normal ang boses ko kahit pa sobrang sumasabog na ngayon ang puso ko dahil sa nalaman ko. P 26-11 Kaya pala ganoon na lang katodo magpasalamat si mama kay Sir Nathan. "Nagulat kaming lahat nung bigla kang bumagsak sa sahig, then dumating si Sir Nathan at agad ka niyang binuhat at dinala sa clinic, sumunod naman kami sa inyo, Grabe sobrang nakakaba talaga akala namin nabagok na yung ulo mo, sobrang nag-alala nga rin si Sir sayo eh" patuloy pa ni Jen sabay ngisi dahil sa huling sinabi niya na 'sobrang nag-alala nga rin si Sir sayo eh' "Oyy wag kang malisyoso dyan!" "Hindi naman ah, alamnaman naming close kayo ni Sir pero ang OA rin niya mag-alala ah, parang yung OA na reaction mo kanina" tawa pa ni Jen sabay hampas sa braso ko. Shocks! Nahahalata na ba niya? Buti na lang naisipan na niyang bumili ng pagkain kaya tumayo na siya at nagtungo na sa counter samanatlang naiwan naman ako doon sa table, napalingon na lang ulit ako sa bintana dito sa canteen. Umuulan pa rin hanggang ngayon, Kamusta na kaya si Sir? mukhang kailangan ko talaga siyang pasalamatan, at hindi pa ako ready... mukhang kailangan ko na namang magpratice mamaya sa harapan ng salamin ng sasabihin ko sa kaniya. Haays Kinagabihan, hindi ako makatulog ng maayos. kanina pa ko binabagabag ng katanungan na kung bakit absent si Sir? may sakit kaya siya? At dahil hindi na ako mapakali, kinuha ko na yung phone ko at tinext si Sir, Sir, Thank you nga po pala sa pagdala niyo sa clinic sa akin nung Monday... Wait! Dapat personal akong magpasalamat sa kaniya, ang panget naman kung sa text ko sasabihin. Sayang naman yung prinactice ko kanina sa harapan ng salamin namin sa banyo ng halos isang oras. Agad kong binura yung nauna kong tinype na message, Hi Sir! ?? Bakit hindi po kayo pumasok kanina? ?? ?? ?? Eww! Bakit parang ang cheesy, ang sakit sa mata ng smiley faces. At parang ang saya ko pa kasi hindi siya pumasok kanina. Agad kong binura yung mga smileys. P 26-12 Teka nga! Baka maweirduhan si Sir sa'kin kung bakit ko tinatanong kung bakit siya absent? Hindi naman niya kailangan mag-explain sa'kin, hindi naman ako ang boss niya, o ang girlfriend niya. Binura ko na ulit yung message na tinype ko, mga ilang minuto rin akong napatitig doon sa blank message text box. Goodevening Sir... papasok po ba kayo bukas? Shems! Aleeza, feeling boss ka, ikaw ba nagpapasweldo kay Sir. At dahil sa inis napasabunot na lang ako sa buhok ko, wala na kong maisip na sasabihin kay Sir. tinabi ko na lang yung phone ko at nagtaklob na ng kumot. Haays itutulog ko na nga lang 'to. Kinabukasan, research ang first class namin, Thursday ngayon kaya wala kaming Algebra. Kanina pa ako nakatitig sa pa-seatwork ng prof namin sa amin. Pumasok na kaya si Sir ngayon? puntahan ko kaya siya sa Faculty room? Eh ano namang sasabihin ko? Bigla ko tuloy naimagine yung mangyayari pag punta ko mamaya sa faculty room... "Ma'am andiyan po ba si Sir Nathan?" "Yes nandito siya, why?" "May sasabihin lang po ako sa kaniya" Then, tatawagin ng staf doon sa information desk si Sir at lalabas naman si Sir. "What is it Aleeza?" "Thank you nga po pala Sir" P 26-13 "Its okay" "Thank you po sir ah" "No problem" "Thank you talaga sir" "Its okay Aleeza" SHEMS! WALA KONG MAISIP NA MATINONG SASABIHIN SA KANIYA! Haays! Ayoko na! hindi na lang ako pupunta mamaya sa faculty roomugh! Natigilan ako sa pag-iimagine ko nang biglang mapatili si Iryn at Leana habang hawak-hawak nila yung phone nila. "Mga Ngets! look oh! Naka-1k likes na ang fb page na ginawa natin para kay Sir Nathan!" tuwang-tuwang tugon ni Iryn at kilig na kilig sila. "Nag-viral din yung video niya habang nagpiapiano sa play nila Alex kahit pa ang labo-labo ng camera ni Jen" tawa pa ni Leana at nag-asaran na sila ni Jen. Napatingin naman ako sa fb page ni Sir Nathan sa phone ni Iryn, ang daming na namang mga posts doon. "Mas dumami ang fans ni Sir dahil sobrang nakakainlove siya nung play habang nagpiapiano eeek" tili pa ni Iryn na agad naming sinuway kasi napatingin sa'min yung prof namin. "Ang galing talaga ni Sir, He's always full of surprises" tugon pa ni Leana na kilig na kilig din. Tama nga sila, palagi talaga akong nasusupresa ni Sir lalo na sa mga nalalaman ko tungkol sa kaniya. Kinahapunan, nauna nang umuwi sila Jen habang naiwan naman ako dito sa school, nakaupo ako sa isang bench malapit sa classroomnila Alex dahil hinihintay ko siya, sabay daw kami dapat umuwi ngayon sabi ni mama. 5 pmna, mamaya pang 6 pmang dismissal nila. P 26-14 Nabwiset na ko sa kakalaro ng flappy bird kanina pa habang naghihintay ako na dahilan kaya nalowbat na ang phone ko. tumayo na lang ako at naglakad-lakad sa hallway nila, wala na ring katao- tao sa hallway dahil nagsiuwian na ang iba lalo na dahil hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng ulan hanggang ngayon. mukhang maraming kalasada at lugar ang lubog na sa baha sa mga oras na ito. Napatigil ako nang bigla kong marinig na may tumutogtog ng piano sa di-kalayuan, Physics Department to ah bakit may tumutogtog ng piano? Sinundan ko na lang yung direksyon kung saan nanggagaling yung tunog, Napalingon ako sa kaliwang hallway na wala ring katao-tao ngayon. may hagdan pababa doon, This way to Theater room Ahh! Oo nga pala, nasa baba ng building nila Alex ang Theater room, ang lawak kasi ng school na'to at ang daming pasikot-sikot. Babalik na lang sana ako sa bench kung saan ako nakaupo kanina kaya lang biglang nag-iba yung tugtog ng piano... Ilang minuto rin akong nanatiling nakatayo doon sa hallway habang pinapakinggan ang musika ng Canon in D. hindi ko alampero parang may kung anong bagay na naguudyok sa akin na bumaba doon sa hagdan at sumulip sa theater room. Napatingin ako sa gilid ng bintana, mas lalong lumakas ang buhos ng ulan pero hindi ako nakakaramdamng lungkot o pagkirot sa puso dahil sa naririnig kong tunog ng piano, kakaiba talaga ang ginhawahang nararamdaman ko kapag naririnig ko ang Canon in D. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at nang makarating ako sa tapat ng malaking two doors ng theater roomnapansin kong nakauwang ang isang pinto nito kaya pala ang lakas ng tunog ng piano. Sa pagkakataong iyon hindi ko alamkung bakit napatigil ako sa paglalakad, parang may naguudyok sa akin na umalis na sa lugar na iyon, pero hindi ko maintindihan kung bakit may mas malakas na pwersa na tumutulak sa akin na pumasok doon at alamin kung anong mayroon sa likod ng napakaling pinto ng theater room. Napahinga na lang ako ng malalim, nilakasan ko na ang loob ko at humakbang na papasok sa loob. Sumalubong agad sa'kin ang malamig na aircon at mas malakas din ang tunog piano sa loob. napatigil ako nang makita ko kung sino ang tumutogtog ng piano na nakapwesto sa gitna ng entablado. Si Sir Nathan. P 26-15 Parang biglang nabalot ng kakaibang lamig ang buong katawan ko, napahawak rin ako sa tapat ng puso ko dahil sobrang lakas na ng kabog nito, hindi ko rin maintindihan kung bakit nanlalamig ang mga kamay ko at ang kirot-kirot ng puso ko. Parang isang malakas na bagyo na biglang humupa ang lahat ng mabibigat na nararamdaman ko nang matapos ni Sir Nathan ang pagtugtog doon sa piano, at nang pindutin niya ang huling nota bigla siyang napatingin sa akin, kasabay niyon ay biglang bumagal ang paligid at may kakaibang alaala na pumasok muli sa isipan ko... May isang babaeng nakaupo sa tapat ng isang lumang piano at nakayuko doon, nakalugay ang kaniyang mahabang buhok na hanggang baywang at ang haba-haba rin ng kaniyang kasuotan. ilang sandali pa biglang dumating ang isang lalaking maginoo na naka-suot ng itim na sumbrero. Natatakpan ng malaking sumbrero ang mukha ng lalaki, habang ang babae naman ay nakayuko lamang. Humakbang ang lalaking iyon papalapit sa babaeng animo'y humihikbi, May inilabas itong papel mula sa kaniyang bulsa at inibaot sa babae, "Ginawa ko ang tulang ito para sa iyo" wika ng lalaki ngunit hindi siya pinansin ng babae. "Batid kong alam mo na ang lahat, hanggang dito na lang siguro tayo, hindi tamang ipagpatuloy natin ito" tugon pa ng lalaki ngunit nanatili lang nakayuko ang babae hanggang sa tuluyan nang pumatak ang mga luha niya at diretso itong tumama sa tipahan ng piano."Pinamagatan ko ang tulang ito... Mi viejo amor mi viejo coraz�n " (My Old love, My Old Heart) "Cada gota de lluvia muestra nuestro amor por el otro, El viento sopla que trajo la diversa sensaci�n de un amargo dulce amor que hemos experimentado, Espera mi amor que no se perder�, Tu amor es lo �nico que esperaba" "Ano bang ang nais mong ipabatid? Bakit hindi mo na lang diretsuhin?" galit na tugon ng babae, bakas sa tono ng kaniyang pananalita ang galit, lungkot, at sama ng loob. sandali namang hindi nakapagsalita ang lalaki, habang nanatili pa ring nakayuko ang babae at hindi siya nililingon. Napahinga ng malalim ang lalaki at naupo siya sa tabi ng babaeng iyon, Ilang sandali pa bigla niyang P 26-16 hinawakan ang kamay nito at itinapat niya ang kaniyang labi malapit sa tenga ng babae at may ibinulong dito "Lo Siento Te amo... Esmeralda" (I'm sorry, I love you... Esmeralda) ********************* Featured Song: 'Hindi ko kayang iwan ka' by SherynRegis A/N: This is it! Naalala niyo pa ba si Manang Esmeralda na naging tagapagsilbi ni Carmela sa I Love you since 1892, Tama kayo! Siya ang Esmeralda na tinutukoy dito, matanda na siya sa I Love you since 1892 pero dito, 19 years old pa lang si Esmeralda, ang pangyayaring iyon ay nangyari sa taong 1846 kung saan dalaga pa lang si Esmeralda. Ano ang connection ni Aleeza kay Esmeralda fromthe year 1846?... Abangan! By the way, ito nga pala ang English at Tagalog translation ng Spanish poemna Mi viejo amor, Mi viejo coraz�n (My Old Love, My Old Heart) originally written by Undeniably Gorgeous "My Old Love, My OldHeart" Every rain drops witness our love for each other The wind blows that brought the diverse feeling of a bitter sweet love we've experienced Look forward to my love that will not be missed Thy love is the only thing I hoped for "Ang Aking Lumang Pag-ibig, Ang Aking Lumang Puso" Saksi ang bawat patak ng ulan sa ating pagmamahalan Ang ihip ng hangin ay naghahatid ng magkahalong pait at tamis na ating naranasan Asahan mong ang pag-sinta ko sa iyo'y di mapaparam Tanging ang pag-ibig mo lamang ang aking inaasam P.S si pareng Google Translate lang ang bff ko sa pagtranslate nito sa Spanish kaya sa mga spanish language major diyan, I will be glad if there's a correction hihi :) and Also, pinili ko ang medyo old style ng english poemkaya medyo magulo din haha! Thank you so much and God Bless you all always <3 P 26-17 "Hindi ko kayang iwan ka" by Sheryn Regis Source of Unending Love poemby Rabindranath Tagore: https://www.goodreads.com/quotes/tag/reincarnation Sino yung lalaki??? Halaaa.?? P 26-18 Kabanata f(x - 25) 46.5K 2K 1.7K byUndeniablyGorgeous A/N: Kung naaalala niyo pa, ang pamilya Valenciano na tinutukoy dito ay ang pamilya ni hukomHilario Valenciano sa I Love you since 1892. Si HukomValenciano ang punong hukomng San Alfonso na nagpataw ng bitay (Garrote) kay Heneral Sergio Alfonso at Kapitan Corpuzsa I Love you since 1892. Si hukom Hilario Valenciano rin ang nagpatapon kina Juanito sa Bohol. Ang kabanatang ito ay ang kwento ng nakaraan ng pamilya Valenciano at ni Esmeralda. ********************* [Kabanata 25] Filipinas 1841 Sa karatig bayan ng San Alfonso naninirahan ang pamilya Tenerio, pagkatawid lamang sa lawa ng luha nakatirik ang kanilang maliit na bahay kubo. Ang ama ng tahanan na si Mang Gilberto ay isang magsasaka sa hacienda Montecarlos na pinapamunuan ni Don Santiago Montecarlos na ama ni Senorito Alejandro Montecarlos. Habang ang asawa naman ni Mang Gilberto ay si Aling Juana na siya ring tumutulong sa pagsasaka sa hacienda. Mayroon silang tatlong anak, si Esmeralda ang panganay, ang sumunod naman ay si Bartolome at ang huli ay si Puloc. Si Esmeralda ay labing siyamna taong gulang lamang nang magsimula siyang manilbihan sa pamilya Valenciano. Isa sa mga principales na kabilang sa mayayamang angkan sa bayan ng San Alfonso. Ang angkan ng pamilya Valenciano ay kilala sa larangan ng abogasya, halos lahat ng kalalakihan sa kanilang pamilya ay nakapagtapos ng Abogasya sa Unibersidad de Santo Tomas at sa San Juan de Letran. Si Esmeralda ay kilala sa galing nito sa pagluluto, kung kaya't siya ang palaging nagluluto ng iba't-ibang putahe para sa pamilya Valenciano. Sa halos apat na buwan na paninilbihan niya sa pamilya Valenciano hindi niya maitanggi na siya ay humahanga sa pamangkin ni Don Rodrigo Valenciano na si Senor Rolando Valenciano. Si Senor Rolando Valenciano ay isang maginoong binata na mahilig magbasa ng mga libro tungkol sa politika, medisina at matematika. Kilala rin si Senor Rolando sa galing nito sa musika lalo na sa pagtugtog ng piyano. Bukod sa isang maginoo, marami ring mga kababaihan ang humahanga kay Senor Rolando lalo na't isa itong Peninsulares, kastilang pinanganak sa Espanya na ninirahan sa Pilipinas. matangkad, maputi ang balat, kulay tsokolateng mata, matangos na ilong at manipis ang labi. Ilan lamang iyan sa mga katangiang pisikal ni Senor Rolando na labis na hinahangaan ng mga dalaga sa bayan ng San Alfonso. Samantala, ang anak naman ni Don Rodrigo Valenciano na si Senor Hilario Valenciano ay isang sikat at magaling na abogado. Marami itong napapanalong kaso lalong-lalo na ang mga kasong hawak ng kasalukuyang Gobernador ng bayan na si Don Anastacio Alfonso na siyang ama ni Senorito Mariano Alfonso. Si Senorito Mariano Alfonso ay pitong taong gulang pa lamang ngunit siya ay nakatakda nang ikasal sa batang mestiza na si Senorita Juanita pagtutong nila sa wastong edad. P 27-1 Malapit sina Senor Rolando Valenciano at Senor Hilario Valenciano sa dalawang batang Senorito na si Mariano Alfonso at Alejandro Montecarlos. Iniidolo ni Senorito Mariano at Senorito Alejandro ang dalawang binatang Valenciano na nakapagtapos na sa pag-aaral at may maganda nang kinabukasan. Kung minsan pa ay palaging pinapaalalahanan at binibiro ni Senor Rolando ang dalawang Senorito na huwag gagayahin si Senor Hilario dahil babaero ito, marami na itong napa-ibig at napaiyak na binibini. Si Senor Rolando rin ang maestro o unang guro ni Senorito Mariano Alfonso. Siya ang nagturo ng pagbabasa at pagsusulat sa batang tagapagmana ng posisyon bilang Gobernador sa tamang panahon. Naging estudyante rin ni Senor Rolando si Senorito Alejandro Montecarlos na walong taong gulang pa lang ngunit para na itong matanda kung mag-isip at mangatwiran. Si Senorito Alejandro ay isang insulares (Kastilang ipinanganak na rito sa Pilipinas). Sa pagsalin-salin ng lahi nagtataglay ng dugong Kastila ang pamilya Monetcarlos na siya ring kilala bilang pinakamayamang pamilya sa buong lalawigan ng San Alfonso. Makapangyarihan din ang pamilya Montecarlos dahil marami itong koneksyon sa politika lalong-lalo na sa pamahalaang Kastila nan aka-base sa Maynila. Katulad ni Senorito Mariano ang kapalaran at buhay pag-ibig din ni Senorito Alejandro ay napagdesisyunan na. Siya naman ay nakatakda nang ikasan sa anak ng isang mayamang angkan mula pa sa Laguna, ang batang mestiza na si Senorita Soledad Dela Cruz. Payapa, tahimik, maunlad at masigla ang bayan ng San Alfonso. Lalong-lalo na dahil sa lakas ng pagsasamahan ng mayayamang pamilya sa buong bayan. Nangunguna na ang Pamilya Alfonso na siyang namumuno sa bayan ng halos dalawang daang taon. Sumunod ang pamilya Montecarlos na pinakamayaman sa lahat, sumunod naman ang pamilya Flores na bagama't hindi masyadong aktibo sa bayan ng San Alfonso dahil nanirahan na sila sa Maynila ngunit ang kanilang impulwensiya lalong-lalo na sa larangan ng pakikidigma at hukbo ay hindi matatawaran, pinaniniwalaan na ang bagong silang na sanggol sa pamilya Flores na si Senorito Vicente Flores ang siyang magtataas muli sa pangalan ng kanilang pamilya. Sumunod naman ang pamilya Valenciano na siyang kilala bilang pamilya ng mga abogado at manananggol. Katuwang nila ang pamilya Fernandez na kilala ring pamilya ng mga abogado na kilala naman sa Maynila. Habang ang pamilya Valdez naman ay kilalang malapit na kaibigan, mga guro, pilosopo at tagapagpayo ng pamilya Alfonso at Montecarlos. Si Senor Rolando Valenciano ay isang tahimik at maprinsipyong tao. Bagama't isa siyang purong Kastila, kailanman ay hindi niya tinuring na iba o mas mababa ang mga Pilipin. Madalas niyang tulungan ang mga Indio lalong-lalo na ang mga naaapi ng mga guardia civil. Ang katangian niyang iyon ang labis na hinahanggan ni Esmeralda, matagal na siyang may lihimna pagtingin sa binatang kastila. Bagama't si Esmeralda ay kabilang sa mababang uri ng antas ng pamumuhay, tinuturing man siya at ang pamilya niya na Indio at mga alipin ng Kastila para kay Senor Rolando ay isa siyang espesyal na Binibini. Maganda si Esmeralda, maliit lamang siya ngunit agaw pansin ang ganda ng kaniyang mukha, maputi at makinis ang kaniyang balat dahil may lahi siyang Intsik. Ang kaniyang ina na si Aling Juana ay isang intsik. Maging siya ay hindi nakaligtas sa panunuyo ni Senor Hilario Valenciano na siyang magiliw sa mga babae, ngunit batid ng ni Senor Hilario na ang napupusuan ni Esmeralda ay ang pinsan niya na si Senor Rolando. Naging malapit si Esmeralda at Senor Rolando nang minsang umulan ng malakas sa bayan, kakagaling lamang ni Senor Rolando sa munisipyo habang si Esmeralda naman ay papauwi na sana mula sa palengke dahil kailangan niyang dalhin ang halamang gamot na binili niya para sa kapatid niyang si Puloc na inaapoy na ng lagnat. P 27-2 Naabutan sila ng malakas na ulan, pinatigil muna ni Senor Rolando ang kaniyang kalesa at sumilong sa labas ng pintuan sa simbahan ng San Alfonso, nagkataon namang iyon lang din ang tanging masisilungan ni Esmeralda kung kaya't sumilong din muna siya roon. Nakasarado ang simbahan kung kaya't nasa labas lamang sila ng pinto. Huli na nang mapagtanto ni Esmeralda na ang ginoong nasa tabi niya ay si Senor Rolando na siyang hinahangaan niya. "Marahil ay may importante kang patutunguhan upang magpabasa ka sa ulan ng ganiyan" wika ng binata ng magtama ang tingin nilang dalawa. Hindi naman agad nakapagsalita si Esmeralda, halos sumabog na ang kaniyang puso dahil hindi niya inaasahang kausap na niya ngayon ng harap-harapan ang Ginoong pinapangarap at tinatanaw lang niya noon sa di-kalayuan. "Hindi ba't ikaw ay isa sa mga kasambahay ni Tiyo Rodrigo?" patuloy ni Senor Rolando. Tumango naman si Esmeralda bilang tugon sa tanong ng binata. Sandali silang napatahimik, muling sinulyapan ni Esmeralda si Senor Rolando na isang dipa lang ang layo mula sa kaniya, mariin niyang pinagmasdan ang kakisigan at kagwapuhan ng binatang Kastila na kasalukuyang pinagmamasdan ang buhos ng ulan. Ilang sandali pa'y inilahad ni Senor Rolando ang kaniyang palad sa tapat ng ulan upang saluhin ito "Sa tingin mo... Bakit kaya umuulan ngayon?" tanong pa muli ni Senor Rolando habang nakatitig pa rin ito sa sa pagbuhos ng ulan. Napalingon na rin si Esmeralda sa malakas na buhos ng ulan, "Hindi ko alamSenor... marahil ay umiiyak muli ang diwata ngayon" sagot ni Esmeralda na dahilan ng biglaang pagngiti ni Senor Rolando. Napasulyap ang binata sa kaniya "Iyong nabasa na rin pala ang Alamat ng Ulan" wika ni Senor Rolando habang nakangiti ito, bihira lamang siya makakilala ng taong nagbabasa ng ganoong klaseng literatura lalong-lalo na sa isang Pilipina. "Hindi ho, hindi ho ako marunong magbasa... ikinuwento lang ho sa akin iyon ni inay" sagot ni Esmeralda. Sandali namang napatahimik si Senor Rolando, binabagabag ng konsyensiya dahil tanging mga mayayaman at Kastila lamang ang maaaring mag-aral. "Ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil umuulan ngayon..." Saksi ang ulan sa puso kong nag-uumapaw na sa saya ngayon. Ang bulong ni Esmeralda sa kaniyang sarili, nang magtama ang paningin nilang dalawa hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman... pakiramdamna kung saan parang nagkakilala na sila noon pa man. Hindi nagtagal halos araw-araw at gabi-gabing nagkwekwentuhan si Senor Rolando at Esmeralda, Naging malapit din ang loob ni Senor Rolando sa mga magulang at kapatid ni Esmeralda lalong-lalo na kay Bartolome na siyang tinuturuan din niyang magbasa at magsulat, naging malapit din ang loob ni Senor Rolando kay Puloc na bunsong kapatid nila Esmeralda na hindi nakakapagsalita. Madalas ding dalawin ni Senor Rolando sa kusina si Esmeralda na siyang kasambahay at tagapag-luto ng pamilya Valenciano. Sa kanilang madalas na pagkwekwentuhan nalaman ni Senor Rolando na mahilig sa matematika si Esmeralda. Isang gabi alas-dose na ng hatinggabi, habang umuulan ng malakas sa labas nasa kusina lamang si Esmeralda at nagsusulat sa kaniyang kuwaderno, tanging ang isang kandila lamang na paupos na ang nagsisilbing P 27-3 liwanag sa buong kusina. Nakaupo siya sa tapat ng mesa at taimtimna nagbibilang gamit ang Sistema ng aritmatika (Arithmetic). Ilang saglit pa, nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto sa kusina at pumasok ang isang lalaki, "S-senor Rolando" gulat na wika ni Esmeralda na muntikan pang mahulog sa upuan dahil sa matinding pagkabigla. Napangiti naman si Senor Rolando, "Paumanhin kung nabigla kita, Ako lamang ay naghahanap ng maaaring kainin sapagkat ako'y nagugutomna" tugon ni Senor Rolando, agad namang tumayo so Esmeralda at dali-dali niyang sinindihan ang pugon upang initin ang natirang ulamna niluto niya kaninang hapunan. "Sandali lamang ho Senor, iinitin ko lang ho ang natirang kaldereta kanina" wika ni Esmeralda habang abala sa paglalagay ng gatong sa pugon. Kahit nakatalikod siya sa binata ramdamna ramdampa rin niya ang paghakbang nito papalapit sa mesang inuupuan niya kanina. "Malalimna ang gabi, bakit ikaw ay gising pa? Ano ba ang iyong pinagkakaabalahan?" tanong ni Senor Rolando sabay tingin sa kuwaderno ni Esmeralda na naiwan niyang bukas. Napangiti siya nang makita ang numerong nakasulat sa kuwaderno ng dalaga. "Ikaw pala ay mahilig rin sa matematika" wika pa ni Senor Rolando na ikinapula ng pisngi ni Esmeralda. Nais sana niyang bawiin sa kamay ng binata ang kaniyang kuwaderno ngunit mas nahihiya siyang lumapit sa kaniya. "Para sa akin ho ay mas madali intindihin ang mga numero kaysa sa mga letra sa alpabeto" wika ni Esmeralda na ikinangiti muli ni Senor Rolando. Ang bawat salitang binibitiwan ng dalaga ay nagpapangiti sa kaniya sa di niya malamang dahilan. Kinuha na ni Senor Rolando ang kuwaderno at inilipat ang mga pahina nito, mas lalo siyang napapangiti sa mga numerong nakasulat doon. May napansin din siyang isang salita na nakasulat doon sa wikang Kastila "Nais mo rin bang matuto ng wikang Kastila? Handa akong turuan ka" tanong pa ni Senor Rolando at naupo na ito sa katapat na upuan sa mesa. Habang si Esmeralda naman ay nakatayo sa tapat ng pugon habang hinahalo ang kaldereta sa palayok ngunit napatigil siya nang marinig ang alok ng binata. Agad siyang napalingon kay Senor Rolando nang may malaking ngiti sa labi. "Talaga ho Senor?" gulat na may halong galak na wika ni Esmeralda. Tumango-tango naman si Senor Rolando habang nakangiti rin ito ng todo. Muntikan nang maihagis ni Esmeralda sa kisame ang sandok na hawak niya dahil sa sobrang tuwa. "Maraming Salamat ho Senor!" habol pa ni Esmeralda na hindi pa rin makapaniwala na matututo na siyang magbasa at magsulat. "Walang anuman... basta para sa iyo Esmeng" tugon ni Senor Rolando na ikinagulat ni Esmeralda, lumulukso na ngayon ang puso niya dahil tinawag siya ni Senor Rolando sa kaniyang palayaw. "Mula ngayon Esmeng na rin ang itatawag ko sa iyo... Ako naman si Landong" ngiti pa ni Senor Rolando sabay lahad ng palad niya kay Esmeralda, napatitig naman si Esmeralda sa kamay ng binata at sa pagkakataong iyon parang awtomatikong sumilay muli ang ngiti sa kaniyang labi. Iniabot na niya ang kaniyang kamay sa kamay ni Senor Rolando na marahan naman nitong hinalikan. Lumipas ang ilang buwan mas lalong naging malapit sa isa't-isa si Esmeralda at Senor Rolando, lalong-lalo nan ang malaman ni Senor Rolando na mahilig din pala sa musika si Esmeralda at nais nitong matuto P 27-4 tumugtog ng piyano. Halos araw-araw tinuturuan ni Senor Rolando si Esmeralda tumgtog ng piyano, umaraw man o umulan patuloy lang sila sa pag-eensayo hanggang sa natuto na rin si Esmeralda. Ang paborito nilang tugtugin na magkasama ay ang Canon in D na nilika ni Johann Pachelbel na tagaAlemanya. "Sa tuwing naririnig ko ang musikang ito ikaw ang naalala ko... habambuhay kitang maalala iyan lamang ang tanging maipapangako ko sa iyo" biglang wika ni Senor Rolando nang matapos nilang tugtugin ni Esmeralda ang musikang iyon. Napalingon naman sa kaniya si Esmeralda ng may pagtataka sa mukha dahil hindi niya masyadong narinig ang sinabi ng binata "Ano ho ulit iyon Senor?" tanong ni Esmeralda, bigla namang napailing si Senor Rolando. "Wala... kalimutan mo na ang aking sinabi" wika ng binata, bakas sa mukha niya ang kalungkutan at pagaalilangan. Nakaupo silang dalawa ngayon sa isang pahalang na upuan sa tapat ng piyano, habang umuulan sa labas at pumapasok ang malamig na hangin mula sa bintana sa bandang likuran nila. Sandali silang nanahimik ng ilang minuto habang ang malakas na buhos ng ulan lang ang umaalingangaw sa buong tahanan. Napayuko na lang si Esmeralda, matagal na rin niyang alamna nakatakda nang ikasal si Senor Rolando sa isang kastilang dalaga mula sa Maynila. Ilang sandali pa ay iniangat ni Senor Rolando ang kaniyang daliri at muling tumugtog sa piyano. Mas mabagal, mas malalimat mas malungkot na musika na animo'y nagpapahayag ng kanilang nararamdamn ngayon. "Oro para que nos encontremos en una situaci�n diferente, Donde no hay nadie que pueda detenernos...De enamorarse" (I pray that we find ourselves in a dif erent situation, Where there is no one who can stop us ... From falling in love) wika ni Senor Rolando. Hindi naman nakaimik si Esmeralda, kahit pa hindi niya nauunawaan ang sinabi ng binata batid niyang nagpapaalamna ito sa kaniya. Biglang napatigil sa pagtugtog ng piyano si Senor Rolando, tumayo siya at lumabas sa kwarto. habang si Esmeralda naman ay nanatiling nakayuko lang doon at nakatitig sa tapat ng piyano, napakabigat na ngayon ng kaniyang dibdib at unti-unti nang pumatak ang luha mula sa kaniyang mga mata na matagal na panahon na niyang pinigilan. Ilang sandali pa ay muling bumukas ang pinto, naglakad papalapit sa kaniya si Senor Rolando may dinukot itong puting papel sa kaniyang bulsa at iniabot kay Esmeralda. "Ginawa ko ang tulang ito para sa iyo" wika ng binata ngunit hindi siya pinansin ni Esmeralda, sa pagkakataong iyon tuluyan nang bumuhos ang luha ni Esmeralda na pumapatak na rin sa tipahan ng piyano. "Batid kong alammo na ang lahat, hanggang dito na lang siguro tayo, hindi tamang ipagpatuloy natin ito" tugon pa ni Senor Rolando at agad niyang hinawi ang luhang namumuo sa kaniyang mga mata. "G-gaya ng pangako ko sa iyo, hinding-hindi ka mawawala sa isipan ko... habambuhay kang tatak sa puso ko" patuloy pa ni Senor Rolando at dahan-dahan niyang binuklat ang papel na hawak niya kahit pa nanginginig ang mga kamay niya. "Pinamagatan ko ang tulang ito na... Mi viejo amor mi viejo coraz�n" (My Old love, My Old Heart) "H-hayaan mong basahin koi to para sa iyo sa huling pagkakataon..." wika pa ni Senor Rolando, sinusubukan niyang huwag ipakita kay Esmeralda na siya'y nasasaktan at lumuluha ngayon ngunit hindi na niya kaya pang pigilan ang sakit na nararamdaman niya. "Cada gota de lluvia muestra nuestro amor por el otro, El viento sopla que trajo la diversa sensaci�n de un amargo dulce amor que hemos experimentado, P 27-5 Espera mi amor que no se perder�, Tu amor es lo �nico que esperaba" (Saksi ang bawat patak ng ulan sa ating pagmamahalan, Ang ihip ng hangin ay naghahatid ng magkahalong pait at tamis na ating naranasan, Asahan mong ang pag-sinta ko sa iyo'y di mapaparam, Tanging ang pag-ibig mo lamang ang aking inaasam) "Sinuestro destino era como un n�mero que parece suceder una y otra vez, Si la lluvia nos hace sentir sombr�os y desesperados, Aunque hay muchas cosas que se convertir�n en un obst�culo, En otra vida, te encontrar� y te har� saber el amor que tuve por ti- " (Kung ang kapalaran natin ay tulad ng numero na paulit-ulit, Maging ang buhos ng ulan na lamig at lungkot sa atin ay hatid Kahit pa maraming bagay at pangyayari na maging balakid Sa susunod na buhay, ikaw ay hahanapin ko at ang pag-ibig ko sa iyo'y ipababatid) "Ano bang ang nais mong ipabatid? Bakit hindi mo na lang diretsuhin?" galit na tugon ni Esmeralda, bakas sa tono ng kaniyang pananalita ang galit, lungkot, at sama ng loob. sandali namang hindi nakapagsalita si Senor Rolando. Napahinga ng malalimsi Senor Rolando at naupo siya sa tabi ni Esmeralda sa tapat ng piyano, Batid nilang dalawa na ito na ang huling pagkakataon na makakapag-usap sila dahil sa darating na Lunes ay sa hacienda Montecarlos na maninilbihan si Esmeralda, siya ay magiging tagapag-alaga ni Senorito Alejandro Montecarlos. Ilang sandali pa dahan-dahang hinawakan ni Senor Rolando ang kamay ni Esmeralda. dahan-dahan din siyang lumapit kay Esmeralda hanggang sa maitapat niya ang kaniyang labi sa tenga ng dalaga sabay wika "Lo Siento Te amo... Esmeralda" (I'm sorry, I love you... Esmeralda) " Y seguir� diciendo eso ... Hasta que nos encontremos otra vez" (And I will still say that... Until we meet again) P 27-6 Aleeza... ****************** Featured Song: 'Hinahanap pa rin' by Morissette A/N: Sa mga hindi pa nakakabasa ng I Love you since 1892 mas maiintindihan niyo kung babasahin niyo muna ang I Love you since 1892 dahil connected talaga ang story na ito sa I Love you since 1892. Iyon lang hehe. Maraming Salamat and God Bless you all <3 "Hinahanap pa rin" by Morissette Grabetagos sa puso!!!?????? Nakakaiyak???????????? P 27-7 Kabanata f(x - 26) 41.5K 1.9K 1.8K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 26] "And, when I hold you in my arms I promise you You're gonna feel a love that's beautiful and new This time I'll love you even better Than I ever did before And you'll be in my heart forever more" - Natalie Cole (Starting Over Again) "Aleeza..." Naalimpungatan ako nang biglang may mag-flash na liwanag sa mata ko. Sandali kong naimulat ang mga mata ko pero hindi ko kinaya ang nakasisilaw na liwanag. "Patayin mo nga ang ilaw totoy! Natutulog ang ate mo" "Sorry ma, may hinahanap lang kasi ako, di ko makita" "Bukas ng umaga mo na lang hanapin yan, pagpahingahin mo muna ang ate mo" Napahawak na lang ako sa noo ko, sobrang bigat ng ulo ko at parang tumitibok pa ito. Ang bigat-bigat din ng pakiramdamko magkaka-trangkaso ata ako. Iminulat ko na ulit ang mga mata ko at tumambad sa harapan ko ang mga glow in the darks na star na nakadikit sa kisame. Nasa bahay na pala ako. Teka! P 28-1 Nasa bahay na ako? Napalingon ako sa gilid at nakita kong hinahalughog ni Alex yung bookshelves namin, ang dami ng kalat sa buong kwarto at yung mga libro ay nakasalampang na rin sa sahig. "Toy! Hindi ka ba makikinig sa'kin?" reklamo ni mama dahilan para mapa-kamot na lang sa ulo si Alex. "Ano bang hinahanap mo? hindi ba pwedeng ipagpabukas yan?" sermon pa ni mama. Wala namang nagawa si Alex kundi sumunod na lang kay mama, binalik na niya sa shelves lahat ng librong kinalat niya, pinatay na niya ang ilaw at lumabas na sa kwarto. Napatingin ako sa wall clock namin, 10 pmna ng gabi. Anong nangyari? Bakit parang lalagnatin ako? at bakit nandito na ko sa bahay? ang huli kong natatandaan hinihintay ko si Alex sa labas ng roomnila pagkatapos... May narinig akong tunog mula sa piano at sinundan ko iyon hanggang sa makarating ako sa theater hall, at doon nakita ko si Sir Nathan na mag-isang tumutugtog sa piano sa gitna ng entablado. Pagkatapos... Anong nangyare? Bakit nandito na ko sa bahay? Halos kalahating oras din akong nakatulala doon at pilit na inaalala ang nangyari pero di ko talaga maalala kaya bumangon na ako kahit pa ang sakit-sakit ng likod ko, bumaba na ako sa double deck at dahan-dahang naglakad papalabas sa kwarto. kahit pa parang nalulula ang pakiramdamko pinilit ko pa rin makalabas doon. Pagbukas ko ng pinto, napapikit ulit ako dahil sa nakasisilaw na liwanag ng ilaw mula sa salas. Naabutan kong nanood ng TV si mama habang si Alex naman ay nagbabasa ng libro sa tabi niya. "Oh? Aleng! gising ka na pala, halika mag-hapunan ka na" tawag ni mama nang mapalingon siya sa'kin. Agad siyang tumayo at nagtungo sa kusina para sandukan ako ng kanin at ulam. "Sandali lang, iinitin ko lang ang sinigang na bangus" sabi pa ni mama sabay bukas ng kalan. Naupo na ako sa hapag at pinagmamasdan ko siya. kanina medyo Malabo ang paningin ko pero unti-unti ng lumilinaw ngayon. "Maayos na ba ang pakiramdammo anak? Ito na yung gamot na hiningi mo sa akin kanina pagdating niyo" patuloy pa ni mama sabay abot sa'kin ng gamot. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. "Po? Humingi ako ng gamot?" Teka! Wala akong maalala na humingi ako ng gamot kay mama! Ni hindi ko nga rin maalala kung paano ako nakauwi ng bahay? "Lumabas pa ang kapatid mo para bilhan ka ng gamot kanina bago ka matulog, may sinat ka pa rin ba?" sabi pa ni mama sabay hipo sa noo ko. Agad akong napalingon kay Alex na seryosong nagbabasa pa rin ngayon ng sicence fiction na libro. P 28-2 Pumasok ulit si mama sa kusina para magsandok ng kanin, agad naman akong tumayo at naglakad papunta kay Alex na abala pa rin ngayon sa pagbabasa. Umupo na ako sa tabi niya, "Hoy totoy, anong sinasabi ni mama na nagpabili raw ako ng gamot?" tanong ko sa kaniya pero di niya ako inimik, at dahil sa inis kinuha ko yung librong binabasa niya. "Ate!" "Sagutin mo muna yung tanong ko, Humingi daw ako ng gamot kay mama kanina? At paano ako nakauwi dito sa bahay? di ko maalala" ulit ka pa, inirapan naman ako ni Alex. "Ayos ka lang ba ate? Syempre nagcommute tayo kaya nakarating tayo dito sa bahay, pagdating pa nga natin dito di mo pa nga nalalapag yung gamit mo kanina humingi ka na ng gamot kay mama" sagot ni Alex sabay agaw sakin nung librong binabasa niya. Napatulala naman ako ng ilang segundo sa sinabi niya at kasabay niyon biglang naalala ko na ang nangyari... Naglalaro ako ng flappy bird habang hinihintay matapos ang klase nila Alex, nakaupo ako sa isang mahabang bench na nasa tapat ng room nila. Wala ng katao-tao sa hallway at ako lang mag-isa doon. ilang saglit pa nalowbat na ang phone ko kaya tinago ko na iyon sa bag, tiningnan ko ang relos ko, isang oras pa ang hihintayin ko bago matapos ang klase nila Alex. Sumandal na lang ako sa bench at pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako... at nagising na lang ako nang tapikin ni Alex ang balikat ko tapos na ang klase nila at naglalabasan na rin ang ilang mga kaklase niya. Tumayo na ako at naglakad na kami ni Alex papalabas sa building nila, sumakay kami ng bus pauwi at sa buong byahe natulog lang din ako. Pagbaba namin sa bus nakasalubong pa namin si Aling Cynthia at pinaalala na naman niya ang mga utang namin sa kaniya. Hindi na lang namin siya pinansin ni Alex, hindi naman pumapatol si Alex sa mga ganoong tao at wala rin ako sa mood kasi ang sama ng pakiramdam ko. Pagdating sa bahay pinagbuksan kami ni mama ng pinto "Ma, may gamot ba diyan? Lalagnatin ata ako" tugon ko, hinipo naman ni mama ang noo ko "Mukhang may sinat ka anak, sige na magpahinga ka muna hahatid ko ang gamot mamaya" sabi ni mama sabay kuha ng mga gamit ko. Dumiretso na ako sa kwarto at nagpalit ng pambahay saka natulog. P 28-3 Teka! Natulog ako? Hindi ako natulog! "Toy! Hindi ako natulog!" tugon ko pa, hindi naman ako inimik ni Alex. Aagawin ko sana ulit sa kaniya yung libro niya pero iniwas na niya agad sabay lingon sa'kin "Anong hindi natulog?" nagtataka niyang tanong. Napapikit naman ako sa inis. "Kanina habang hinihintay kita hindi ako natulog, naglakad-lakad lang ako sa hallway tapos may narinig akong tumutugtog ng piano sa theater hall kaya bumaba ako doon pagkatapos nakita ko si Sir Nathan doon... tapos... tapos... hindi ko na maalala" tugon ko pa, nakatitig lang si Alex sa'kin sabay balik ulit ng tingin niya sa libro pagkatapos ko magsalita. "Toy! Makinig ka" ulit ko pa, pero hindi ulit ako inimik ni Alex, nakakainis talaga. "Wala si Sir Nathan kanina, hindi siya pumasok kaya yung substitute prof ang pumasok kanina sa'min sa physics" tugon ni Alex na dahilan para mapatulala ako. Oo nga pala, si Sir Nathan ang last subject nila Alex. Pero paano nangyari yun? Sigurado akong nakita ko siya sa theater hall! "Nababaliw ka na" tugon pa ni Alex, inirapan ko naman siya at napasandal na lang sa sofa. Teka! Nanaginip lang ba ako? Panaginip lang ba iyon? Pero bakit parang malinaw naman lahat? sigurado akong totoong nakita ko si Sir Nathan sa theater room... Pero bakit hindi ko na maalala yung mga sumunod na nangyare? Ang sakit sa ulo! Kinabukasan, maaga akong bumangon dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos. Naabutan kong nagwawalis sa labas ng bahay si mama. Alas-singko pa lang ng umaga. "Aleng, naghain na ko ng almusal nandoon sa mesa, maayos na ba ang pakiramdammo?" tanong ni mama nang makita niya akong lumabas ng bahay, tumango naman ako. Kahit papaano mas maginhawa naman na ang pakiramdamko kumpara kagabi. Nakatayo lang ako ngayon sa tapat ng maliit na gate namin. "Ma, asan si papa?" nilingon ko ang buong P 28-4 kahabaan ng kalye namin pero wala doon ang jeep na pinapasada niya. "Hindi umuwi ang papa mo kagabi, magdamag siyang nagpasada, baka mamayang tanghali uuwi na iyon" sagot ni mama habang patuloy pa rin siya sa pagwawalis ng mga tuyong dahon, alikabok at mga supot ng chichirya na nagkalat sa kalsada. Napansin kong tuyong-tuyo ang kalsada... Teka! imposibleng matuyo ng ganoon ang kalsada eh kakaulan lang kahapon. "Ma, umulan kahapon diba?" Nagtataka namang napatingin sa'kin si mama at napatigil pa siya sa pagwawalis. "Hindi, Bakit? Aleng" Ano? Naalala kong umulan kahapon nakita ko pa nga yung pagpatak ng ulan sa bintana sa school bago ako bumaba sa theater room. "Pero- " "Aleng, pumasok ka na sa loob baka mahamugan ka pa, mabinat ka pa niyan" utos ni mama. Wala naman na akong nagawa kundi pumasok na sa loob ng bahay. Ano bang nangyayare? Nauna na akong pumasok kay Alex sa school, tulog mantika kasi at ayaw pang bumangon. Pagdating ko sa classroom, nandoon na ang iilang mga classmates ko. Nandoon na rin si Jen habang tutok na tutok sa phone niya, at nasa tabi niya sila Iryn at Leana na todo rin makatutok sa mga phone nila. Nilapag ko na ang bag ko sa unahan at nagtungo sa kanila. "Mga ngets! teka! Iryn, Leana wala naman kayong Algebra class ah" tanong ko, napalingon naman silang tatlo ng sabay-sabay sa'kin. kami lang ni Jen ang may Algebra class. "Dito muna kami, mamaya na kami babalik sa classroomnamin" sagot ni Iryn habang busy pa din sa pagkalikot sa phone niya. Naupo naman na ako sa tabi nila at tiningnan ko kung anong pinagkakaabalahan nila. Tinitingnan nila ngayon ang fb page na ginawa nila para kay Sir Nathan. "Ngets Aly, narinig mo na ba ang chismis?" panimula ni Leana at bakas sa mukha niya na para siyang binagsakan ng langit at lupa. Maging sila Jen at Iryn ay ganoon din. "Ang alin?" P 28-5 "Nag-resign na raw si Sir Nathan" tugon ni Leana na dahilan ng biglaang pagtigil ng pagikot ng mundo ko dahil sa gulat. Ha? "ANO? BAKET? SERYOSO BA YAN?" gulat kong tanong, hindi ako makapaniwala. Bakit mag- reresign si Sir? Bakit aalis siya? Bakit di man lang siya nagpaalam?! "Chill lang ngets! chismis pa lang naman, ilang araw na kasing hindi napasok si Sir then may nakarinig na isang estudyante na nagpasa ng resignation formsi Sir kay Dean" sagot ni Iryn. Hindi naman ako nakaimik ng ilang segundo, kahit pa sabihing chismis lang yun posibleng totoo rin. Magsasalita na sana ako kaso biglang bumukas ang pinto at may pumasok na isang babae na naka-dress, nasa 40s na rin ang edad niya, medyo may katabaan siya at nakasuot din siya ng malaking salamin sa mata. "Okay class, please be seated..." panimula niya, agad namang lumabas si Iryn at Leana sa classroomnamin. Bumalik naman na ako sa upuan ko sa harapan. "I amProfessor Maricar Belmonte, and I will be your professor in Algebra fromnow on" ANO?! Napatulala lang ako kay Ma'am Maricar dahil sa gulat, Ibig sabihin nag-resign na nga ng tuluyan si Sir Nathan! Pero bakit? Hindi pwede! "Ma'amnasaan na po si Sir Nathan Abrantes?" tanong nung isa kong classmate, inayos naman ni Ma'am Maricar ang salamin niya, mukhang hindi niya gaanong makita ang itsura ng kaklase ko. "I have no idea, pero nasa faculty roompa ang mga gamit niya" sagot ni Ma'am Maricar sabay kuha ng whiteboard marker. "Okay so open your book on page 121" Anong nangyare kay Sir? Bakit nag-resign siya? P 28-6 "Seryoso? Wala na dito si Sir Nathan?" "Oo, nag-resign na raw" "Haays, wala na tayong poging prof! ayoko na pumasok" "Sira! Mag-drop ka na lang, inuuna kasi landi oh" Napalingon ako sa dalawang estudyante na nag-chichismisan dito sa tabi ko, nakatayo ako ngayon sa tapat ng locker ko at nasa kaliwa ko naman sila. Sinara na nila yung locker nila at umalis na. Bigla namang tumunog ng malakas ang bell at nagsimulang umingay ang hallway at maglabasan ang mga estudyante sa kani-kanilang klase. Samantalang ako ay nakatayo lang doon sa tapat ng locker at umaasang mapapadaan si Sir Nathan sa hallway katulad ng dati. Ganitong oras, ganitong oras dadaan na siya dapat dito... pero wala na. Isasara ko na dapat yung locker ko pero may napansin akong kahon na nakasuksok doon sa gilid. kinuha koi yon at naalala kong iyon ang ballpen na pinalagyan ko ng pangalan ni Sir Nathan sa letrang Baybayin. Hindi ko ng apala naibigay ito noon sa kaniya, at mukhang hindi ko na maibibigay pa ngayon. "Hey!" Nagulat ako nang biglang may humampas sa locker sabay hawi ng buhok. "Goodmoring Babe" ngisi ni Bryan sabay kindat pa sa'kin. nasa likod naman niya ang dalawang chicks na super model ang dating. "Bry, come on let's eat na" aya nung isang chicks na ang ganda ng pagkakakulot ng buhok, parang aattend ng prom. Lumingon naman si Bryan sa kanila sabay kindat din. "Just wait babes" ngiti niya sa kanila sabay tingin naman ng masama sa'kin nung dalawang babae. "Have you heard? Wala na si Nathan" tugon pa ni Bryan, di ko na lang siya pinansin, kinuha ko na yung ballpen at sinara ko na yung locker. Aalis na lang sana ako kaso biglang lumapit pa lalo si Bryan sabay bulong sa tenga ko "Mas mabuti ng ganito, Itapon mo na lang iyan at kalimutan mo na" tugon niya sabay tingin sa ballpen na hawak ko. "Masasaktan ka lang kung ipagpapatuloy mo iyan" patuloy niya pa. hindi naman ako nakapagsalita agad, Anong sinasabi niya? "Understood?" biglang ngisi ulit ni Bryan sabay akbay doon sa dalawang chicks niya at umalis na sila. Naiwan naman ako doon sa gitna ng hallway habang nakatingin sa kanila. P 28-7 Anong dapat kalimutan at hindi ipagpatuloy para hindi ako masaktan? Bago mag-lunch dumaan muna ako sa Faculty roomat pinaabot ko sa staff doon sa front desk yung ballpen para kay Sir Nathan, naroon pa naman daw yung mga gamit niya kaya pinasuyo ko na lang na isama rin yung regalo kong ballpen sa kaniya. Kahit papaano nabigay ko pa rin yung regalo ko sa kaniya kahit aalis na siya. Dumiretso na ako sa canteen, nakita ko agad sila Jen, Iryn at Leana na nagkukumpulan doon sa pinakadulong table. Tanaw na tanaw din sa bintana sa likuran nila ang makulimlimna langit na nagbabadya na uulan na naman maya-maya. "Nood tayo ng sine later" aya ni Leana, pagkaupo ko sa table nila. "Dali na para naman maka-move on na tayo kay Sir Nathan" tugon naman ni Iryn na lugmok na lugmok habang tinitingnan ang facebook page ni Sir na ginawa nila na puro broken hearts ang stickers ngayon. "Ano bang papanoorin natin?" tanong ni Jen habang nakatingin sa listahan ng mga movies dito sa sinehan. Nakabili naman na ng popcorn at drinks sila Iryn at Leana na kinakain na nila ngayon. "Ito na lang! Maganda to!" wika ni Iryn sabay turo doon sa isang movie poster na ang title ay 'Starting Over Again' Starring Toni Gonzaga and Piolo Pascual. "Napanood ko na yan! Diba pinalabas na yan sa sine last February?" tugon ni Leana, napatingin naman kaming lahat sa kaniya "Ipapalabas nga ulit kasi madaming nag-request oh" sagot naman ni Jen sabay turo doon sa movie poster. "Ano bang kwento niyan?" tanong ko naman sa kanila, hindi ko pa napapanood ang movie na'to. bigla namang napa-pamewang si Leana "I DESERVE AN EXPLANATION! I DESERVE AN ACCEPTABLE REASON!" sumbat ni Leana habang feel na feel niya ang pag-dadrama. "Charr pwede na ba pamalit kay Papa P?" tawa niya pa tapos si Iryn naman ang biglang umeksena. "Do we still have a second chance? Naniniwala ka rin ba na our love story deserves a better ending?" pag-drama naman ni Iryn na sinabayan pa ng pagkanta ni Jen ng Starting over again. P 28-8 ~And now we're starting over again It's not the easiest thing to do I'm feeling inside again Cause everytime I look at you I know we're starting over again This time we'll love all the pain away Welcome home my lover and friend We are starting over, over again~ "Teka! Teka nga! napanood niyo na pala, Bakit papanoorin pa ulit natin?" reklamo ko naman kasi hindi ako maka-relate sa pinaggagawa nila kasi hindi ko pa napapanood ang movie. "Ang ganda kasi, kapag maganda ang movie at kwento kahit ulit-ulitin mo hindi ka magsasawa" sagot ni Leana at nagpasaboy pa siya ng popcorn pero agad naman nilang pinulot kasi napatingin sa amin yug guard. Dali-dali na kaming pumila sa counter at bumili ng ticket saka dumiretso na sa loob ng sinehan. Hindi pa rin matigil ang pagkanta nila ng Staring over again. Madami na ring tao sa loob ng sinehan at puro lovers pa na naglalandian. Naupo na kami sa pinakadulong seat, nag-agawan pa si Leana at Jen sa tabi nung isang poging guy na may kasamang girlfriend, agad namang nakipag-palit ng seat yung girl at binakuran na niya ang boyfriend niya. "Mag-brebreak din naman sila tss" bulong ni Jen dahilan para matawa kami, ang bitter pa rin talaga niya kay Arthur. "Oo nga akala mo naman may poreber sila, Nako parang si Ginny at Marco lang yan, sa huli, hindi pa rin magkakatuluyan tss" pag-sangayon naman ni Leana. "Whuut? Hindi sila magkakatuluyan? Ang spoiler niyo talaga" reklamo ko, Grabe! Hindi pa nga nag-uumpisa yung movie alamko na agad yung ending haays. "Oo ngets! hindi sila magkakatuluyan..." paliwanag ni Iryn. Na ikinasimangot ko lalo, bakit hindi sila pwedeng magkatuluyan? "Bakit hindi?" P 28-9 "Kasi teacher si Sir Marco tapos student niya si Ginny" sagot ni Leana, bigla namang napatingin sa'kin ng seryoso si Jen. Hala! "Kasi malayo ang age gap nila" "Kasi may iba na si Sir Marco" "Kasi hindi talaga sila ang nakatadhana para sa isa't-isa, na kahit anong pilit nila hindi pa rin pwede talaga" Magsasalita pa sana ako kaso nagsimula na ang palabas... Nagsimula ang kwento sa isang unibersidad kung saan nagtuturo ang propesor na si Marco (Piolo Pascual). Naging girlfriend niya ang kanyang estudyanteng si Ginny (Tony Gonzaga). Noong una masaya pa ang kanilang relasyon hanggang sa iwanan ni Ginny si Marco para mag-aral sa ibang bansa. Hindi nagpaalam o nagpaliwanag man lang si Ginny kay Marco kung bakit siya umalis. Apat na taon makalipas ang kanilang hiwalayan, bumalik si Ginny sa Pilipinas para gawin ang isang proyekto: ang gumawa ng disenyo para sa restaurant ng ngayo'y chef na si Marco. Habang ginagawa ni Ginny ang trabaho nya, unti-unti niyang napapagtanto na gusto niyang balikan si Marco. Pero ang malaki niyang problema, may girlfriend na itong bago, si Patty (Iza Calzado). Ginawa ni Ginny ang lahat ng paraang maisip nya para mapasakanya ulit ang pagtingin ni Marco. Pero sa huli, hindi pa rin sila nagkabalikan. Nagpakasal si Marco at Patty habang si Ginny naman ay nakahanap ng panibagong mamahalin. Hindi man sila nagkabalikan muli ni Marco pero nagkaroon naman sila ng Closure, Isang Closure kung saan pareho na nilang mapapalaya ang isa't-isa sa sakit ng nakaraan. They both Started over again with their new separate lives. "Oh? Aly uunahan ka na ng langaw diyan sa pagkain mo oh" tugon ni Jen dahilan para matauhan ako, hindi ko namalayan na nakatulala lang pala ako sa pagkain ako. nandito kami ngayon sa food court dahil nagutomna naman si Iryn kaya nilibre niya kami ng pizza. P 28-10 "Mukhang affected siya sa Staring Over Again oh" pang-asar pa nila Leana at Iryn sakin. Naalala ko na naman bigla yung eksena kung saan sinisigaw ni Ginny sa buong campus yung 'I LOVE YOU SIR MARCO' Bakit ba kase teacher-student relationship ang pinanood namin? Haays! Magsasalita na sana ako kaso biglang may sumingit na tatlong babae na naka-suot ng blue dress at magkakaterno pa sila. "Aleeza Mae Agcaoili right?" panimula ni Stacy habang naka- pamewang na nakatayo sa harapan namin. Ganoon rin ang mga alagad niya na nasa likuran niya. Nagkatinginan naman sila Jen, Iryn at Leana. "I saw you with my boyfriend last week sa Football field, would you please stop flirting with him" reklamo ni Stacy, napakunot naman yung kilay ko. Yung boyfriend niya kaya yung malandi diyan. "Sino sa mga boyfriend mo?" singit ni Jen dahilan para biglang umusok yung ilong ni Stacy. "Bryan, Bryan Armando" sabat naman nung isang alagad niya na wala ng kilay. "I amwarning you Agcaoili! You'll be in trouble" hirit pa ni Stacy sabay flipped ng hair at nilayasan na kami, sumunod naman sa kaniya ang mga alagad niya at naupo na sila sa isang table malayo sa amin. "Anong pinagsasabi ng bruhang babaeng yun?" tanong ni Jen sa'kin. napakibit balikat naman ako, "Ewan ko sa kaniya, feeling niya inaagaw ko sa kaniya ang boyfriend niyang ipis" sagot ko pero biglang napatingin si Jen at Leana kay Iryn na biglang nanahimik ngayon. Hala! Oo nga pala! May gusto si Iryn sa ex-bestfriend niyang si Bryan! "Magkakilala pala kayo ni Bryan, Aleeza" tugon ni Iryn sabay tingin ng diretso sa'kin, ngumiti siya ng kaunti pero may bakas ng lungkot ang mga mata niya. "Ahh! Kase ikwekwento ko sa inyo dapat kaso nakakalimutan ko" sagot ko, nagkatinginan naman si Jen at Leana sabay tingin ulit sa'kin at kay Iryn. "Ah! kailangan ko na palang umuwi ng bahay, sige una na ko" biglang sabi ni Iryn at tumayo na siya. "Wait, sama ako" tugon ni Leana at agad niyang sinundan si Iryn na mabilis na naglakad papalayo. Napatulala naman ako at hindi nakapagsalita agad. Ilang saglit pa biglang hinawakan ni Jen ang braso ko, "Ngets, alammo namang hindi pa rin nakaka-move on si Iryn kay Bryan hanggang ngayon" wika ni Jen, napapikit na lang ako sa inis. Nang dahil sa mokong na yun, mukhang nagtatampo sa'kin si Iryn, idagdag mo pa ang praning niyang girlfriend na si Stacy Ughh! P 28-11 Kinabukasan, maaga akong pumasok. Maaga rin kasi pumapasok si Iryn at tinext ko siya kanina na maghihintay ako sa labas ng classroomnila para makausap siya. sumilip ako sa classroomnila at kaunti pa lang ang estudyante doon. Nakita kong paparating na si Bryan habang may kausap na dalawang chicks na mukhang mga amerikana. Nakakainis talaga siya, mukhang hindi na ako papansinin ni Iryn tapos makakalbo pa ko ni Stacy nang dahil sa kaniya Ugh! Napadaan naman sila sa'kin nang hindi ako napapansin, lalong-lalo na si Bryan na busy sa pakikipag-landian doon sa mga kasama niyang chicks. Napaupo na lang ako doon sa bench, kailangan ko ng makausap si Iryn, kailangan ma-explain ko sa kaniya na wala akong gusto sa tsonggo niyang bestfriend. Sakto namang napadaan si Sir Albert, agad akong tumayo at binati siya "Oh, Aleeza ikaw pala, kanina ko pa hinahanap ang kapatid mo" wika ni Sir Albert sabay punas sa salamin niya. "Bakit po Sir?" "Ahh, ibibigay ko na ang script sa susunod na play na gagawin namin" tugon ni Sir Albert, at sinuot na niya muli yung salamin niya sa mata. "Sa February pa naman ito pero mas mabuting masimulan na namin ang practice ng maaga... Oo nga pala, pakibigay na lang nito kay Alex, hindi na kaya ng tuhod ko maglakad pa papunta sa building nila" tawa pa ni Sir Albert sabay abot sa'kin nung makapal na folder. Kinuha ko naman iyon at binasa ang title ng gagawin nilang play 'Our Asymptotically Love Story' Gulat akong napatingin kay Sir Albert "S-sir, ito po ba yung..." "Oo, iyan nga ang nobelang binabasa mo" ngiti ni Sir Albert. "Ang kwento ng pag- iibigan ng dalawang taong hindi maaaring magkatuluyan" patuloy pa ni Sir Albert habang nakatingin ng diretso sa akin. Ang kwento ni Fidel at Salome... Nakatitig lang ako doon sa script habang naglalakad papunta sa building nila Alex para iabot sa kaniya yung folder na iyon. nagsimula na ring pumatak ang ulan habang naglalakad ako ngayon dito sa hallway sa labas. P 28-12 Napatingin rin ako sa ibang mga estudyanteng nakakasalubong ko, nagtatawanan sila, nagkwekwentuhan, nagkakasiyahan, animo'y walang mga problemang iniinda. Masaya naman ako, lalo na dahil sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko. Pero bakit may mga bagay na hindi ko maipaliwanag? Mga panaginip, alaala, at pangyayari na hindi ko maintindihan. Pagdating ko sa classroomnila Alex, napatingin muli ako sa script na hawak ko, 'Our Asymptotically Love Story'. katulad na lang ng istoryang ito na hindi ko rin maipalawanag kung bakit apektadong-apektado ako. Sumilip na ako sa pa-rectangle na salamin sa classroomnila, at natanaw ko agad si Alex na nagbabasa ng libro sa pinakadulong upuan sa likod. Kakatok na sana ako kaso biglang napatigil ako nang marinig ko muli ang tunog ng piano na umaalingangaw mula sa di-kalayuan. Napalingon ako sa mahabang hallway, walang katao-tao ngayon at ako lang ang nandoon. Sa pinakadulo naman ay may malaking bintana na kung saan tanaw na tanaw ko ngayon ang malakas na pagbuhos ng ulan. Parang isang gayuma ang hatid sa akin ng musikang iyon, nagsimula na akong humakbang papunta sa dulo ng hallway at pababa ng hagdan papunta sa theater hall sa ibaba. Habang papalit ako, mas lalong nagiging malinaw sa akin ang musika ng Canon in D. Naabutan kong naka-uwang ang isang pinto ng theater hall. Teka! Parang ito ang nangyari sa panaginip ko ah? Nang makarating ako sa malaking two-way door ng theater hall, biglang tumigil ang musika. At dahil dun, agad kong binuksan ang pinto at pumasok doon, parang isang nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa theater hall. Malamig din ang buong paligid, at tanging ang ilaw lang sa stage ang bukas, natanaw ko ang isang malaki at lumang grand piano na nakapwesto doon sa pinakagitna ng entablado. Pero walang tao roon. Napalingon ako sa paligid, walang katao-tao doon. Parang biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko, Sino ang tumutugtog sa piano kanina? Hindi kaya isa na namang panaginip ito? Nag-iilusyon na naman ba ako? Pero bakit ganoon? Ganitong-ganito ang nangyari sa panaginip ko kung saan nakita ko si Sir Nathan na tumutugtog ng piano mag-isa dito sa theater hall. P 28-13 Aalis na lang sana ako kaso nang mabaling ang mata ko doon sa itimna piano sa gitna ng entablado parang may kung anong nag-uudyok sa akin na lumapit doon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsimula na akong humakbang papunta sa entablado. Sa bawat hakbang na tinatahak ko ay parang may kung anong lamig na bumabalot sa akin na hindi ko maintindihan. Hindi ko rin maialis ang mga mata ko doon sa piano. Pagtapak ko sa hagdan paakyat sa entablado, mas naging malinaw sa akin ang kalumaan ng piano na iyon. Pero kahit luma na, makintab pa rin ang tipahan nito. Napansin ko rin ang isang manipis na piano notes na nakalagay doon sa taas ng tipahan 'Kanon Und Gigue In D-Dur' ang title ng piano note piece na iyon. Naupo na ako sa tapat ng piano na iyon at pinagmasdan ito ng mabuti. Bakit parang may kakaibang pakiramdamna hatid din sa akin ang bagay na ito? Itinaas ko na ang daliri ko upang pumindot sana doon sa piano pero napatigil ako nang biglang may pamilyar na boses na nagsalita mula sa likuran ko. "Aleeza..." Agad akong napalingon sa likod at hindi nga ako nagkamali, nakatayo si Sir Nathan sa dulo ng entablado. Naka-white polo shirt siya at itimna pants. Nakatayo siya doon habang nakasuksok ang kamay niya sa kaniyang bulsa at nakatingin ng diretso sa'kin. Bigla akong napatayo dahil sa gulat, "S-sir! nandito pa po pala kayo" "Alammo na pala" tugon niya at nagsimula siyang humakbang papalapit sa piano. "A- ang alin po Sir? Na nag-resign na po kayo?" P 28-14 Ngumiti lang si Sir ng kaunti at hinipo niya ang piano habang naglalakad pa-ikot doon. "Iyon ba? matagal ko na dapat ginawa iyon- Ah! hindi, sa umpisa pa lang hindi na dapat ako pumunta dito" sagot ni Sir at bigla siyang naupo sa pa-rectangle na upuan sa tapat ng piano. Habang nakatayo naman ako doon sa gilid ng piano. Medyo magulo ang buhok niya, pero bagay na bagay naman sa kaniya lalo na ang kaunting hibla na tumatama sa mata niya. "Pero mukhang hindi na ako matutuloy" patuloy niya pa, sabay tingin ulit sa'kin. "B-bakit hindi na kayo matutuloy Sir?" tanong ko pero, bigla namang ngumiti si Sir at may dinukot siya sa bulsa niya. "Dahil hindi ko pa napapasalamatan ang nagbigay nito" sagot niya sabay wagayway nung ballpen na regalo ko sa kaniya. Waahh! Nakita na niya! Aagawin ko sana kaso bigla niyang iniwas sa'kin yung ballpen, "Oh? Bakit babawiin mo? ang ganda pa naman ng pangalan ko dito" tawa pa ni Sir sabay tingin doon sa nakaukit na pangalan niya in Baybayin. "Nakakabasa kayo ng baybayin Sir?" gulat kong tanong, bigla namang napangiti ulit si Sir yung labas ngipin. Tumango naman si Sir bilang sagot sa tanong ko. "Wow, hindi ko po akalain na nakakabasa kayo ng Baybayin... Paano kayo natuto Sir?" tanong ko pa, sa totoo lang parang biglang gumaan ang pakiramdamko lalo na ngayong ngumingiti ulit si Sir. "Someone taught me" sagot niya at napatingin siya doon sa hawak kong script na ibibigay ko dapat kay Alex kanina. "Wow Sir, bihira lang ang mga taong marunong magbasa at magsulat ng Baybayin sa panahon ngayon" tugon ko pa, pero napatigil ako at napatingin din sa hawak kong script na tinititigan ngayon ni Sir Nathan. "Ahh, Script po ito sa susunod na play na gagawin nila Alex, directed by Sir Albert" paliwanag ko, sabay pakita sa kaniya ng folder na hawak ko kung saan nakalagay sa front page ang title. "Our Asymptotically Love Story" tugon niya sabay tingin ng diretso sa'kin. "Gagawin nilang play ang kwentong iyan?" tanong niya, biglang nawala ang ngiti sa mukha niya. P 28-15 "Opo Sir, gagawin nilang play ang kwento ni Fidel at Salome" sagot ko, maging ako ay napatitig na rin doon sa script na iyon. Parang may kung anong kalungkutan na bumabalot sa paligid namin na hindi ko maipaliwanag. Napatingin naman ako kay Sir na nakatingin din sa akin ngayon, bigla siyang sumenyas na maupo ako sa tabi niya doon sa tapat ng piano. Dugdugdugdug Parang biglang pumintig ang puso ko, pero pilit ko na lang na pinakalma ang sarili ko at naupo na doon sa tabi niya sa tapat ng piano habang yakap-yakap ko yung script ng 'Our Asymptotically Love Story' "Sa tingin ko may isang musikang babagay sa kwentong iyan" panimula ni Sir Nathan, at nagsimula siyang tumugtog doon sa piano. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil ang paborito kong Canon in D ang tinutugtog niya ngayon. Nakatingin siya sa tipahan ng piano at kung minsan ay titingin siya sa akin at ngingiti habang tinutugtog niya ang musikang iyon. hindi ko rin maitindihan kung bakit ayaw mawala ng ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko siya, parang may kuryenteng dumadaloy ngayon sa likod ko na parang kinikiliti ako. Ang gaan ng buong paligid, ang gaan sa pakiramdam. Animo'y isang masayang alaala na paulit-ulit mong hihilingin na mangyari. Pero napatigil ako nang maalala kong si Sir Nathan ang binatilyong nakita ko noon na tumutugtog ng piano sa mall. Nang pindutin ni Sir Nathan ang huling nota sa tipahan ng piano, sandali siyang natahimik habang nakatitig lang doon sa tipahan ng piano. "Sir, pwede po bang magtanong?" Lumingon naman si Sir sa akin, napansin kong nawala na rin yung ngiti niya. "Tumugtog po ba kayo noon sa isang mall sa Alabang... 11 years ago?" tanong ko, bigla namang napaiwas ng tingin si Sir at kinuha niya yung piano notes na nakalagay doon sa itaas ng tipahan ng piano. "Medyo weird nga Sir eh, para po kasing nakita ko kayo sa- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang iniangat ni Sir ang ulo niya at lumingon ulit siya sa'kin. P 28-16 "Alammo ba ang ibig sabihin ng Canon in D na nilikha ni Johann Pachelbel?" tanong niya, napatingin naman ako doon sa piano notes ng Canon in D na hawak na niya. 'Kanon Und Gigue In D-Dur' iyon pala ang German title ng Canon in D. Napailing naman ako bilang sagot sa tanong ni Sir, paborito ko ang musikang iyon pero hindi ko alamang ibig sabihin. "Ang Kanon in D ay isang musika na ang ibig sabihin ay paulit-ulit" tugon ni Sir Nathan sabay tingin ng diretso sa mga mata ko. "Paulit-ulit at Walang Katapusan" patuloy pa ni Sir at muli niyang sinimulan pindutin sa tipahan ng piano ang unang nota, kasabay niyon ay may narinig akong pamilyar na boses mula sa aking isipan... "Lumeng... Ano ang iyong ginagawa rito?" ****************** Featured Song: 'Di ko kayang Limutin' by Liezel Garcia A/N: Canon in D is a piece of music that means Imitation and Repetition. The song begins with an 8-note bass line, with more instruments joining in every four bars as the bass repeats. Nais ko rin pasalamatan si Binibining ShimmeringShimmer sa kaniyang cute na cute na fan art ng 'Our Asymptotically Love Story' Thank youuu so much! Sobrang napasaya mo ko <3 "Di ko kayang Limutin" by Liezel Garcia Source of Staring Over Again Summary: http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Starting_Over_Again Hanubayan feeling ko ako tinatawag pag "Bry"ang tawagKayBryan eh... Nickname ko Kasi yun tapos name pa ng kapatid ko "Bryan"like P 28-17 WTF? SKL ?? HAHAHA P 28-18 Kabanata f(x - 27) 53.7K 2.1K 1.4K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 27] Our Asymptotically Love Story (page 191 - 208) Ika-Labindalawang Kabanata Filipinas 1688 "Bago pa man mag-umpisa tumugtog ang musika mas makabubuti kung lalayo ka na, huwag mo nang tapusin pang pakinggan ito dahil sa huli masasaktan ka lang" wika ni Patricio habang nakatingin ng malalimsa mga mata ni Salome. "Masasaktan ka lang Lumeng kung ipagpapatuloy mo iyan" dagdag pa niya, Hindi naman nagawang makapagsalita ni Salome, Binalot siya ng mga tanong at pagtataka sa babala na binitawan ni Patricio. "Hindi ko mabatid ang iyong nais sabih- " Hindi na nagawa pang tapusin ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil biglang tumigil ang musika mula sa biyolin, Nakita na sila ni Fidel. "Lumeng, Ano ang iyong ginagawa rito?" sabat ni Fidel at dahan-dahan niyang inilapag sa upuan ang biyolin na hawak niya. Muli ay napatingin siya kay Salome at Patricio na parehong nakatayo sa daanan ng Lupain ng mga Rosas. Agad napayuko si Salome, ngayon lamang niya nabatid na hindi dapat siya lumabas ng hacienda nang walang pahintulot mula sa kaniyang mga amo. "Isinama ko siya rito" biglang sabat ni Patricio sabay ngiti ng nakakaloko. Hindi naman agad nakapagsalita si Fidel, wala namang problema sa kaniya kung gustuhin ni Salome lumabas sa hacienda. Ang hindi niya lang ikinatuwa ay makitang magkasama si Salome at Patricio. Idagdag pa ang kaakibat na kahulugan ng pagpunta nila sa Lupain ng Rosas. Kasabihan sa buong bayan na kapag isinama ng isang binata ang isang dalaga sa Lupain ng mga Rosas ay nangangahulugan ito sa pagtatapat ng kanilang damdamin. "N-nagkakamali ho kayo Senor, Ang totoo ho niyan- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang paliwanag kay Fidel dahil biglang dumating si Eleanor habang may bitbit itong isang dosenang mga rosas. "Narito pala kayo... Tamang-tama nagbilin ako kay Manang Estelita kanina na magdala rito ng almusal" nakangiting wika ni Eleanor lalong-lalo na nang makita niyang magkasama si Salome at Patricio. "Sandali lamang... Senor Patricio, Maaari mo bang ipaliwanag sa amin kung bakit narito kayo ni Salome?" ngiti pa ni Eleanor, halatang tinutukso niya ang dalawa. Tinutukoy nito ang kasabihan sa Lupain ng mga Rosas. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Salome at namula rin siya sa hiya. Hindi siya sanay na tinutukso sa isang binata. Samantalang tatawa-tawa naman si Patricio animo'y kampyansa palagi sa sarili. "Ito ba ang iyong paraan Senor Patricio upang ipabatid kay Salome ang iyong damdamin?" panukso pa ni Eleanor na mas P 29-1 lalong ikinagulat ni Salome, na ikinahalakhak ni Patricio at ikinasama lalo ng tingin ni Fidel. "Ako'y nagbibiro lamang" tawa pa ni Eleanor dahil sa gulat na gulat na reaksyon ni Salome. Kailanman ay hindi niya pa naranasan na tuksuhin sa isang binata kung kaya't ganoon na lamang ang reaksyon niya. Sandali rin siyang kinabahan dahil kung sakaling may matandang tradisyonal na nakakita sa kanila ay siguradong kasal na ang sunod na magaganap. "Narinig mo Lumeng? Nagbibiro lamang si Eleanor" ulit pa ni Patricio sabay tawa dahil sa nawindang na reaksyon ni Salome kanina. Sinamaan naman ng tingin ni Salome si Patricio at magsasalita na sana siya ngunit biglang sumulpot muli si ChingChing at tinuka-tuka nito ang sapatos ni Fidel. "Ching!" gulintang na sigaw ni Salome at dali-daling dinampot si ChingChing ngunit naunahan siya ni Fidel. "Ikaw pala ay namamasyal din" wika ni Fidel habang buhat-buhat ang manok, sumilay ang kakaibang ngiti sa kaniya habang pinagmamasdan ang manok. "Ngayon alamko na" dagdag pa niya sabya tingin kay Salome nang nakangiti na ikipagtaka naman ng dalaga. Batid na ni Fidel na kaya narito si Salome dahil hinabol nito ang pasaway na manok na si ChingChing "Tamang-tama! Nais ko sanang karne ng manok ang ating maging tanghalian mamaya" sabat pa ni Patricio sabay tingin ng malalimkay ChingChing na agad namang hinarangan ni Salome. Kinuha na niya sa kamay ni Fidel ang kaibigang manok at sinamaan muli ng tingin si Patricio. Maging si ChingChing ay nawindang dahil sa lalimng tingin sa kaniya ni Patricio, animo'y nanganganib ang kaniyang buhay. Sakto namang dumating na si Manang Estelita kasama sina Nay Delia, Ising at Susana. Daladala nila ang isang malaking bayong na naglalaman ng mga pagkaing inihanda nila para sa almusal. "Oh? Lumeng narito ka pala... Kanina pa kita hinahanap sa kulungan ng mga manok" wika ni Manang Estelita habang inilalapag nila ang mga dalang pagkain. Kaldereta ala Montecarlos ang inihain ni Manang Estelita na binagayan naman ng tinapay at kapeng Barako. Agad namang tumabi sa gilid si Salome habang buhat-buhat si ChingChing. Nais sana niyang tumulong sa paghahain ng hapag ngunit kailangan niyang ibaba ang alagang manok at siguradong magtatatakbo na naman ito papalayo. Si Ising naman ay pasimpleng ngumingiti-ngiti at tinutukso sa senyas at tingin si Salome kay Fidel lalo na dahil naabutan nila kanina nang kunin ni Salome sa kamay ni Senor Fidel ang manok. Habang si Susana naman ay tahimik lamang at kung paminsan ay tinatapunan ng tingin si Salome upang obserbahan. Madalas din siyang nasa tabi ni Senorita Eleanor upang tugunin ang mga utos nito. Samantalang, si Nay Delia naman ay tahimik lang din, bakas sa kaniyang mukha na hindi niya ikinatutuwang makita si Salome kasama ang dalawang Kastilang binata. "Napakarami ng inyong inihandang pagkain, mabuti pang sumalo na rin kayo sa amin" anyaya ni Fidel na agad namang sinang-ayunan ni Eleanor. Tumango rin si Patricio bilang pagsang-ayon lalo na kay Manang Estelita dahil tinuturing nila siyang ina. "Nako, Huwag na ho mamaya na lang ho kami kakain" sagot ni Nay Delia, tumango-tango naman ang mga dalagang tagapagsilbi. "Pagbigyan na natin ang mga Senor at Senorita, Halika na Delia, Lumeng, Ising at Susana" nakangiting tugon ni Manang Estelita, sanay naman siyang makasabay kumain ang mga amo at hindi rin siya tinuturing na iba ng mga ito. At mas lalo siyang nagagalak dahil maging ang mga kasambahay ay pinapakitaan nila ng kabutihan. P 29-2 Wala naman nang nagawa sina Nay Delia, Salome, Ising at Susana kundi ang sumabay sa almusal ng kanilang mga amo. May isang mesa na gawa sa matibay at makinis na kahoy ang nakapwesto sa sinisilungang kubo sa gitna ng Lupain ng mga Rosas. Naupo na silang lahat, agad namang umusog papalapit si Eleanor sa tabi ni Fidel at palihimsiyang napangiti dahil makakatabi na naman niya ng malapitan ang binata. Habang si Patricio naman ay tatabi sana kay Salome ngunit naupo na si Manang Estelita sa tabi nito. Lilipat na lang sana si Patricio sa kabilang gilid ni Salome ngunit biglang umusog si Fidel papalapit kay Salome pero maging siya ay napatigil din dahil biglang pumagitna si Nay Delia at naupo sa gitna nila. "Ano bang nangyayari? Maupo na kayong lahat ng maayos" sita ni Manang Estelita dahil gumulo ang pagkakaayos ng upuan dahil sa pagtayo ni Patricio at Fidel, kasabay naman niyon ang pagupo na rin nila Ising at Piyang sa tabi ni Manang Estelita. "Aabutin ko lang ho ang tinapay" palusot ni Fidel. "Kukunin ko lang ho ang ulam" palusot naman ni Patricio. "Mamaya na iyan mga Hijo, tayo'y magdasal muna bago kumain" paalala ni Manang Estelia, batid niyang nagsisinunggaling lamang ang dalawang Senor sa kaniya. Wala naman nang nagawa si Fidel at Patricio kundi bumalik na lang sa kani-kanilang mga upuan kanina na malayo kay Salome. Habang si Salome naman ay walang kamalay-malay dahil abala siya sa pagtatali ng manipis na lubid sa isang paa ni ChingChing na kadugtong sa paa ng mesa upang hindi na ito makatakas pa muli. "Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo... Amen" panimula ni Manang Estelita. Siya ang nanguna sa pagdarasal. Pinasalamatan niya ang Panginoon sa biyayang pagkain at sa lahat ng biyayang kanilang natatanggap. Nang matapos silang magdasal ay nagsimula na silang kumain ng almusal. Napakaganda ng sikat ng araw, lalong-lalo na dahil napakaaliwalas ng kalangitan. Ang mga bulaklak ng rosas ay dahan-dahang sumasayaw sa buong paligid dahil sa pag-ihip ng marahan at malamig na hangin. Napakabango rin ng samyo sa buong kapaligiran dahil sa halimuyak ng mga rosas. "Sa darating na Linggo gaganapin ang piyesta ng Nuestra Senora del Santisimo Rosario de La Naval" wika ni Eleanor ng may ngiti sa labi. Kada taon sa tuwing sasapit ang piyesta ng patron ng simbahan ng Santo Domingo sa Intramuros ay palaging naroon si Eleanor dahil aktibong debutante ang kaniyang ama na si Heneral Martino Alfonso. "Nais ko sanang imbitahan kayong sumama, Senor Fidel at Senor Patricio siguradong malaking karangalan ang makadalo kayo sa pistang iyon para sa mga mamamayan ng Maynila" patuloy pa ni Eleanor. Napalingon si Salome kay Eleanor nang marinig niya ang salitang 'Maynila'. Agad namang tumango si Fidel bilang pagsang-ayon na ikinatuwa lalo ni Eleanor dahil madali niyang napapayag si Fidel. Habang si Patricio naman ay patuloy lang sa pagkain. "Senor Patricio?" tanong muli ni Eleanor, napaisip naman ng mabuti si Patrcio. "Saan ba tayo tutuloy sa Maynila?" tanong ni Patricio habang iniikot-ikot ang kutsarang hawak niya. "Sa aking tiyo sa Balintawak (na ngayon ay sakop na ng Quezon City) muna tayo tutungo dahil kasama sila sa mangunguna sa piyesta" sagot ni Eleanor. P 29-3 "Maririkit ba ang mga kababaihan sa Balintawak?" wika nito sabay ngisi, napailing- iling naman ang mga kababaihan dahil sa kapilyuhan ni Patricio. Nagawa pang kurutin ni Manang Estelita ang binata dahil sa biro nito. "Napaka-pusok mo talagang bata ka" suway ni Manang Estelita kay Patricio na ikinatawa naman ng binata. "Hindi na bale' narito naman na sa bayan ng San Alfonso ang binibining pakakasalan ko" ngisi pa ni Patricio sabay tingin at kindat kay Salome dahilan para mapatingin kay Salome ang lahat. "Ano ang iyong masasabi Salom- " Hindi na natapos ni Patricio ang kaniyang sasabihin dahil biglang sumingit si Fidel na umubo-ubo pa. "Naalala ko muli nang una kong beses na natikman ang Kalderetang ito na luto ni Lumeng... sadyang napakasarap" tugon ni Fidel, palihimnaman na napangiti sa hiya si Salome nang sabihin iyon ni Fidel sabay tingin sa kaniya. "Tamang-tama! Ang kalderetang Iyan ang magiging pangunahing putahe sa aming kasal" sabat naman ni Patricio sabay tingin ulit kay Salome. Nagtataka naman sina Ising, Susana at Eleanor kung si Senorita Florencia ba ang tinutukoy ni Patricio. Samantala, Hindi naman nagpatalo si Fidel at muli na naman siyang sumabat sa usapan. "Ito rin ang paboritong putahe ni Julio at Danilo" habol pa ni Fidel, mas lalong tumaas ang kaniyang kampyansa dahil malapit siya sa dalawang nakababatang kapatid ni Salome. "Sinong Julio at Danilo?" tanong ni Patricio. Na mas lalong ikinataas ng kampyansa ni Fidel dahil hindi pala kilala ni Patricio ang mga kapatid ni Salome. "Si Julio at Danilo ay mga mag-aaral ko, mga kapatid ni Salome, anak ni Nay Delia" tugon ni Fidel, tumango naman si Nay Delia at ngumiti ng kaunti. Nararamdaman niya na may kung anong pasiklaban na nagaganap ngayon sa dalawang binatang Kastila. Maging si Eleanor ay nakakahalata na rin, madalas niyang titigan si Fidel na animo'y hindi siya tinitingnan pabalik. Magsasalita pa sana si Patricio ngunit pinutol na ni Eleanor ang usapan. "Nakabili ng bagong limang kalesa si Tiyo Filimon, Maaari kong ipakiusap na hiramin iyon para makasama kayo sa pista ng Birheng Maria ng La Naval sa Maynila Manang Estelita, Ising, Susana, Nay Delia at... Lumeng" wika ni Eleanor, napatingin pa siya kay Salome nang banggitin niya ang pangalan nito. "Huwag na ho Senorita Eleanor... nakakahiya naman ho, dito na lang ho kami sa San Alfonso marami pa po kaming tatapusing trabaho" tugon ni Nay Delia, hindi niya rin gustong pasamahin si Salome sa piyestang iyon lalong-lalo na dahil kasama ang dalawang binatang kastilang Montecarlos. "Limang oras lang naman ang itatagal ng paglalakbay sa kalupaan habang isang araw at kalahati naman ang byahe sa karagatan, sa oras na dumaong tayo sa Batangas, apat na kabayo ang hihila sa kalesang bagong bili ni Tiyo, at bukod doon sa mabilis na alternatibong daan tayo dadaan" patuloy pa ni Eleanor. Nagkatiningnan muli ang mga sebidora at sa huli, wala nang nagawa ang mga tagapagsilbi kundi ang pumayag na lang sa kagustuhan ni Eleanor dahil masyado itong mapilit. At bukod doon ay nasasabik din silang makadalo sa pista ng Birheng Maria ng La Naval sa simbahan ng Santo Domingo sa Intramuros. Idagdag pa ang pagkasabik dahil mararating nila ang bayan ng Balintawak na unang beses pa lang nila mapupuntahan. P 29-4 Kinahapunan, halos tahimik ang buong hacienda Montecarlos. Magtatakip-silimna at ang mga magsasaka, hardinero at taga-alaga ng hayop sa hacienda ay nagsiuwian na. Samantala, kakagising lamang ni Salome mula sa pagsisiyesta. Hindi niya namalayan na inabot na siya ng takipsilimdahil sa matinding pagod mula sa pagkuskus ng malalaking palayok at bariles kaninang tanghali. Agad siyang bumangon at naghilamos ng mukha bago lumabas sa kanilang tinutuluyang maliit na kubo sa likod ng mansyon. dali-dali siyang nagtungo sa kusina ng mansyon at naabutan niyang madilimna doon, hindi pa nasisindihan ang gasera. Nasaan sila? Bakit hindi pa binubuksan ang gasera? Agad kinuha ni Salome ang gasera na nakapatong sa gilid ng pugon at sinindihan iyon. Napansin din niyang nakapatay ang pugon at walang kalaman-laman na ulamang palayok na nakapatong roon. Bakit hindi pa sila nagluluto para sa hapunan? Agad nagtungo si Salome sa hapag-kainan, at maging doon ay wala ring liwanag. Sinindihan na niya ang gasera na nakapatong sa gitna ng mesa, nagpalinga-linga siya sa paligid at nagtatakang hindi masumpungan ang ilan sa mga kasama. Nagtungo siya sa salas at doon ay naabutan niyang may isang nakasinding gasera. May tao naman pala. "Nay? Manang Estelita? Ising? Susana?" halos tatlong ulit na tawag ni Salome habang naglalakad palibot sa salas ngunit wala siyang narinig na tugon. Sumilip rin siya sa labas ng pinto ng hacienda ngunit agad niya rin itong sinara dahil napakadilimat tahimik sa labas. tanging ang huni ng uwak ang umaalingangaw sa labas. Umakyat na siya sa ikalawang palapag ng mansyon, may mga nakasinding gasera naman sa bawat gilid kung kaya't maliwanag na ang paligid. "Nay? Manang Estelita? Ising? Susana" tawag niya muli ngunit wala pa ring sumasagot. Bababa na lang sana siya ng hagdan ngunit bigla niyang napansin ang isang pintuan sa pinakadulo ng mansyon na nakabukas. Bihira lamang buksan ang pintuan na iyon, at hindi niya rin alamkung anong mayroon doon. Nang minsan niyang itanong iyon kay Manang Estelita sinabi lang nito na huwag na niyang alamin pa dahil mga Montecarlos lamang ang maaaring makapasok doon. Nagpalingon-lingon siya sa paligid at muling tinawag ang pangalan nila Manang Estelita, Nay Delia, Ising at Susana ngunit wala pa rin siyang narinig na tugon. At dahil matindi ang naisin ni Salome na malaman kung ano ang nasa likod ng misteryosong pintuang iyon dahan-dahan siyang naglalakad papalapit doon. sumulip muna siya sa nakauwang na pinto at itinapat sa loob ang gaserang hawak upang magbigay liwanag. Isang makipot na hagdan pababa ang bumungad sa kaniya. Mahaba ito at animo'y walang katapusan. At dahil P 29-5 mas nangingbabaw ang kuryosidad niya sa kung anong mayroon doon, hindi na siya nagdalawang isip na pasukin ang pintuang iyon at tahakin ang hagdan pababa. Nang makarating siya sa pinakadulong baitang, nagulat siya nang matuklasan na may iilang gaserang nakabukas doon na nagsisilbing liwanag sa buong silid. Nanlaki ang mga mata ni Salome nang bumungad sa kaniya ang napakalaking silid ng aklatan ng hacienda Montecarlos. Muntikan niya pang mabitawan ang gaserang hawak niya dahil sa napakaganda at napaka-elegante ng lugar. Gawa sa makapal na magaspang na bato ang bawat dingding, gawa naman sa mamahalin at makintab na muwebles ang sahig. Ang buong paligid ay napapalibutan ng libo-libong bilang ng mga libro na nakalagay sa lagayang halos umabot na sa kisame ng silid-aklatan. Napapalibutan din ang buong silid ng mga mamahaling obra ng mga iskulptura at painting. "Gising ka na pala" biglang wika ng isang pamilyar na boses mula sa likod ng mga aklat. Nagulat si Salome sa narinig lalo nan ang makita ang anino ng isang lalaki na nasa likod ng mga libro. Sa pagkakataong iyon, hindi siya nakaramdamng takot dahil mukhang mapapagalitan siya dahil sa pagpasok doon ng walang pahintulot, sa halip, ay nakaramdamsiya ng takot dahil hindi pa siya handang makaharap muli ang lalaking nagbibigay ng kakaibang pagtibok sa puso niya. "P-paumanhin po sa pagpasok ko po rito ng walang pahintulot Senor... p-puntahan ko na po sila Ising" wika ni Salome at akmang aalis na ngunit biglang nagsalita muli si Fidel. "Wala sila rito" tugon ni Fidel at ibinalik na niya ang librong hawak niya sa lagayan nito saka humakbang papalabas doon sa lagayan ng mga libro. "Nagtungo sa bayan si Manang Estelita kasama ang iyong inay at si Susana upang mamalengke, isasama ka sana nila ngunit mahimbing raw ang tulog mo" patuloy ni Fidel, hindi nito suot ang itimna coat na palagi niyang suot. Kung kaya't ang puting panloob lang nito na ang manggas ay abot hanggang pulso ang kaniyang suot pangitaas. Kitang-kita ngayon ang ganda ng hubog ng kaniyang pangangatawan. Hindi naman mapigilan ni Salome na mapatitig sa kagwapuhan at kakisigan ngayon ni Senor Fidel. Bumabakat ang tikas ng katawan nito dahil sa nipis ng puting pangitaas na suot. "S- sige po, p-pupuntahan ko na lamang si Ising" tugon ni Salome at biglang iwas ng tingin sa nakakaakit na binata. "Binilin ni Manang Estelita kay Ising na magtungo sa hacienda Alfonso kanina upang kunin ang mga binhi ng halamang gamot na itatanimdaw niya sa bakuran niyo" tugon ni Fidel sabay kuha sa kaniyang itimna coat at isinuot ito. Nakaramdamdin siya ng kaunting hiya at pagkailang dahil sa ginagawang pagtitig ni Salome sa kaniyang katawan. "S-si Senor Patricio ho? Baka naghahanap na po siya ng makakain" wika ni Salome at agad niyang hinawi ang mallit na butil ng patak ng pawis na dumadaloy na sa kaniyang noo. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ang init ng pakiramdamniya ngayon. "Nasa bayan din si Patricio, inaasikaso ang mga negosyo kasama si Padre Bernardo" tugon ni Fidel. Naramdaman ni Salome ang biglaang paglakas ng kabog ng kaniyang puso nang mapagtanto niya na silang dalawa lamang ni Fidel ang tao sa mansyon. "Tayong dalawa lang ang naiwan dito" patuloy pa ni Fidel na mas lalong ikinainit ng pisngi ni Salome. P 29-6 Kailangan niya pa bang sabihin na kaming dalawa lang ang naririto?! Ang puso ko! Napalunok na lamang si Salome sa kaba at pilit na itinatago ang kabang nararamdaman. Hindi niya rin magawang tumingin sa binata. "S-sige po, b-babalik na lang po ako sa kusina- " akmang aalis na dapat siya ngunit biglang tinawag ni Fidel ang pangalan niya, ang palayaw niya. ang palayaw niya na kung saan sa tuwing babanggitin ni Fidel ay nagsisimulang lumukso ang puso niya. "Lumeng..." wika ng binata at nagsimula itong humakbang papalapit sa kaniya. "A-ano po iyon? S-senor" may kaunting nginig sa boses ni Salome ngunit sinusubakan niyang magpakatatag. Magkahalong saya, galak, kaba at takot ang nararamdaman niya ngayon. Lalong-lalo na dahil sa direktang mga tingin ni Fidel sa kaniya. "Hindi ba't pangarap mong makagawa ng kwento at mailimbag ito?" tanong ni Fidel, napangiti naman si Salome nang kaunti dahil naaalala pa rin ni Fidel ang bagay na iyon na sinabi niya dati. "Maaari kang magtungo rito upang makapagbasa ng mga aklat na makakatulong sa iyo" tugon ni Fidel. Inilibot naman ni Salome ang kaniyang mata sa libo-libong mga aklat na naroon. "Walang kwentong naiiba sa isang kwento, Kung iyong mapapansin... Halos magkakaugnay ang lahat, dahil sumisimbolo ito sa mga nararanasan at nais iparating ng mga manunulat. Ang buhay ng tao bagama't magkakaiba at hindi pare-pareho ngunit kadalasan ang pinagdadaanan ng isa ay halintulad rin sa pinagdaanan at pagdadaanan ng isa" paliwanang ni Fidel na ikipinagtaka ni Salome. "Ano po ang ibig niyong sabihin Senor?" Ngumiti naman ng kaunti si Fidel at nagsimulang maglakad "Sumunod ka sa akin... Lumeng" Nagsimulang maglakad si Fidel papunta sa pinakadulong lagayan ng mga libro. At agad namang sumunod sa kaniya si Salome "Ang ibig kong sabihin... Ano ba ang isusulat mong kwento?" tanong ni Fidel sabay lingon kay Salome. Palihimsiyang napangiti nang matunghayan kung gaano kalaki ang ngiti ni Salome habang pinagmamasdan ang nagagandahan at samo't-saring libro sa buong paligid. "Nais ko po sanang isulat ang buhay ko" sagot ni Salome, agad namang umiwas ng tingin si Fidel sa pangamba na mahuli siya ni Salome na nakatitig sa kaniya. "Ang iyong buhay? Ang iyong mga naranasan?" tanong ni Fidel at nagsimula na itong maglakad muli. Tumango-tango naman si Salome habang nakasunod sa kaniya, abala ngayon ang dalaga sa pagkamangha sa mga librong nakikita niya. "Kasama rin ba doon ang iyong buhay pag-ibig?" pasimpleng tanong ni Fidel na biglang nagpatigil sa kanilang dalawa. "A-ang ibig kong sabihin... kwentong pag-ibig ang madalas na sinusulat sa mga nobela" bawi ni Fidel, at muli siyang sumulyap sa dalaga. "Iyo bang isusulat ang iyong buhay pag-ibig?" tanong muli ni Fidel, umaasang makakarinig ng sagot na nais niyang marinig mula kay Salome. Napaisip naman ang dalaga "Batid ko pong wala ring patutunguhan kung isusulat ko ang aking buhay pagibig... wala ng saysay, wala ng kabuluhan" tugon ni Salome. Sandali naman silang napatahimik. Maging si Fidel ay hindi rin alamkung ano pa ang sasabihin. "Lahat ng bagay may kabuluhan..." wika ni Fidel, "Nagkakatalo lamang sa kung paano mo tatanggapin ang bagay na iyon" patuloy pa ni Fidel at tumigil ito sa isang helera ng mga libro. "Naalala mo ba ang sinabi ko sa iyo noon na... Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay nagtatapos ng masaya" tugon pa niya sabay kuha ng isang makapal na libro na medyo may kalumaan na. "Ang istoryang ito ay tungkol P 29-7 sa dalawang taong nagmamahalan na parehong hadlang ang kanilang mga pamilya dahil magkaaway ang mga ito" paliwanag ni Fidel sabay abot kay Salome ng librong iyon. Dahan-dahan namang binasa ni Salome ang pamagat na nakasulat sa harapan ng libro. 'Romeo and Juliet' "Isinulat iyan ni Senor WilliamShakespeare na isang Ingles" paliwanag ni Fidel, napatingin naman sa kaniya si Salome. "Nakakaintindi rin po kayo ng wikang Ingles Senor?" tanong ni Salome na may bahid ng pagkamangha sa kaniyang mga mata. Napangiti naman si Fidel "May mga kaibigang Ingles ang aking ina, sa aming bahay sa Espanya madalas tumutuloy noon ang kaniyang mga kaibigan na mula pa sa Inglatera, kung kaya't tinuruan din ako noon ni ina magsalita ng wikang Ingles" tugon ni Fidel, hindi naman mapigilan ni Salome na mas lalong humanga sa talinong taglay ni Fidel. Hindi birong matuto ng iba't-ibang lenggwahe kung kaya't bilib na bilib na siya ngayon sa binata. "Ano po ang pinakapaborito niyong linya sa kwentong ito?" tanong ni Salome, dahan- dahan din niyang binuksan ang libro ngunit hindi niya maintindihan at mabasa ang mga nakasulat doon. "These violent delights have violent ends, and in their triump die, like fire and powder which as they kiss consume" sagot ni Fidel habang nakatitig sa mga mata ni Salome. Hindi naman maintindihan ni Salome kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon sa wikang Ingles. "Ang linyang iyon ay mula sa Ikalawang yugto ng kwento, sa ika-animna eksena" (Act 2, Scene 6) tugon ni Fidel. "Na ang ibig sabihin ay... Ang mga marahas na kasiyahan ay may marahas na dulo, at sa katagumpayan ay mamamatay tulad ng apoy at pulbos sa oras na mahalikan ang mga ito" "Ang padalos-dalos na pag-ibig... ang magpadala sa kapangyarihan ng pag-ibig ng hindi pinagiisipan ay maaaring magsanhi ng masasalimuot na pangyayari sa darating na panahon" patuloy pa ni Fidel habang nakatingin sa mga mata ni Salome. Hatinggabi ng Sabado, nagsipaggayak na ang lahat papunta sa daungan ng San Alfonso at mula doon ay sumakay sila sa barkong babyahe patungo sa Batangas. Halos isang araw at kalahati nga ang itinagal ng byahe. Matapos ang mahabang byahe sa karagatan ay tinahak naman nila ang byahe sa kalupaan sakay ng matutukin na kalesang hiniramni Eleanor sa kaniyang Tiyo Filimon. Dalawang kalesa ang nahiramni Eleanor sa kaniyang tiyo Filimon. Tig-apat na kabayo bawat kalesa dahil malaki ang mga ito. Si Mang Berto ang kutsero ng kalesang sasakyan nina Senor Fidel, Senor Patricio, Senorita Eleanor at Manang Estelita. Samantalang, Si Tay Isko naman ang kutsero ng kalesang sasakyan ng kaniyang asawa na si Nay Delia, Salome, Ising at Susana. Hindi na nakasama pa si Felicidad at Danilo dahil walang magbabantay kay Julio. Matulin nga ang naging takbo ng mga kabayo may dalawang kalesa rin na naglalaman ng walong guardia civil ang pinasama ni Don Filimon para sa kapakanan ng kaniyang pamangkin na si Eleanor, maging sa dalawang binatang Montecarlos. P 29-8 Sarado ang buong kalesa, mula pa ito sa Inglatera na pinasadya ni Don Filimon Alfonso. Kung paminsan ay sumisilip si Salome sa bintana kahit pa wala naman siyang makita dahil napakadilimng paligid. Habang si Ising, Susana at ang kaniyang ina na si Nay Delia naman ay taimtimna natutulog habang nakaupo kahit pa maalog ang kalesa dahil sa bilis ng byahe. Alas-Siyete na ng umaga ng marating nila ang bayan ng Balintawak. Abala na ang mga tao sa isang barrio kung saan nakatayo ang bahay ng alcalde mayor na tiyo ni Eleanor. Karamihan sa mga tao sa barriong iyon ay naggagayak na papunta sa Intrmuros mamaya pagkatapos ng tanghalian. masiglang-masigla na ang kapaligiran dahil sa nagagandahan at makukulay na mga banderitas na nakasabit sa bawat kabahayan. Ang mga mamamayan ay nakagayak na rin ng kanilang nagagandahang baro't saya at barong tagalog. Nangingibabaw ang kagandahan ng mga kababaihan dahil sa mga palamuti sa kanilang mga buhok at makukulay na kasuotan. Maging ang mga kalalakihan ay hindi rin papatalo sa linis ng kanilang mga barong at sumbrero at nagkikintabang mga sapatos. "Narito na sila!" hiyaw ng isang matandang babae na medyo may katabaan, kilala siya bilang si Hermana Osang. Siya ang punong tagapangasiwa ngayon ng pista ng Nuestra Senora del Santisimo Rosario de La Naval. Inalalayan ng apat na kalalakihan si Senorita Eleanor sa pagbaba sa kalesa. Maging si Fidel at Patricio Montecarlos ay tinitingala rin ng karamihan. Napagkamalan din na isa sa mga principales si Salome dahil sa kaniyang ganda at kaputiang taglay. Sa panahong ito, ang mga tao ay bumabase sa kulay ng balat. Ang mga mestiza at mapuputi ay kinikilala na mayayaman habang ang mga kayumanggi naman ang balat ay kinikilala bilang indio. "Nagagalak akong muling makita ka Senorita Eleanor... napakaganda mo pa rin tulad ng dati" bati ni Hermana Osang sabay beso sa Senorita. "Nananabik din akong makita ka Inay Osang, Siya nga pala kasama ko ang magpinsan na Montecarlos" tugon ni Eleanor at pinakilala niya si Fidel at Patricio sa kanilang lahat. Agad namang bumati ang dalawang binata na ikinasaya ng mga dalagang naroon. "Maligayang pagdating sa aming bayan! Nako, Maraming Salamat dahil nakarating ho kayo rito mga Ginoo... siguradong matutuwa si Heneral Martino na makita kayo, ang balita ko ho ay kasama niya pa ang ilan sa mga matataas na opisyal ng Gobyerno upang makisaya sa aming piyesta" tuwang-tuwang tugon ni Hermana Osang at agad niyang inanyayahan na pumasok ang mga mayayamang bisita sa malaking bahay na pagmamay-ari ng alcalde mayor na si Don Romulo Suarez. Pinakilala rin ni Eleanor sina Salome, Ising, Nay Delia at Susana kay Hermana Osang ngunit nang malaman nito na kasambahay lang pala sila hindi na niya ito pinansin pa. Pagdating sa loob ng bahay ng alcalde mayor, mababakas agad ang karangyaan ni Don Romulo. Ang bahay nito ay gawa sa matitibay na tabla at capiz na may malalimna pundasyon. Mga malalaking bahay na ang disenyo ay natutulad sa Maynila at Laguna. "Buenas Dias hija!" masiglang bati ni Don Romulo sabay akap kay Eleanor. Malapit din si Eleanor kay Don Romulo dahil kaibigan ito ng kaniyang ama. "Senor Patricio? Senor Fidel?" gulat na tugon ni Don Romulo at bigla itong humalakhak ng napakalakas at yumakap sa dalawang binata. Maging si Fidel at Patricio ay tuwang-tuwa rin na makita si Don Romulo na isang Kastila na kababayan nila sa Madrid. P 29-9 Matangkad, meztisong-meztiso, napakatangos na ilong at kulay brown na buhok at mata ang mga katangiang pisikal ni Don Romulo. Palagi rin itong may hawak na tabako na kada-sampung segundo ay hinihithit. Matagal ng alcalde mayor si Don Romulo, dati siyang opisyal ng hukbong sandatahan ng Intramuros ngunit nag-retiro na siya dahil sa katandaan. Nasa edad animnapu na siya ngayon ngunit malakas at makisig pa rin kung tingnan. "C�mo est�s? Ha sido un tiempo, nunca tuve la oportunidad de visitarte en San Alfonso" (How are you? It's been a while, I never had a chance to visit you in San Alfonso) panimula ni Don Romulo at inanyayahan niyang maupo ang mga bisita. Habang sina Manang Estelita, Nay Delia, Salome, Ising at Susana naman ay naiwan sa gilid ng salas at pinapakilala ni Eleanor sa ilang mga kababaihang naroon. Sa tuwing nalalaman ng mga babaeng kabilang sa mayayamang pamilya o principales na mga tagapagsilbi lamang ang mga kasama ni Eleanor ay tinataasan lang nila ito ng kilay at nilalayuan na. "Estamos bien ... Actualmente estamos desarrollando la ciudad" (We're fine... We're currently developing the town) sagot ni Patricio. "Realmente? He o�do que has estado trabajando bien con el padre Bernardo, es un hombre impredecible" (Really? I heard you've been working well with Father Bernardo, he's an unpredictable man) tawa pa ni Don Romulo. Kasalukyan sila ngayong nasa hapag at nagkakainan. Nakahanda na rin ang mga pagkain sa mesa, ang pinaka-pangunahing bida sa hapag ay ang malutong na letsong baboy. Kabilang din ang samo'tsaring mga panghimagas tulad ng leche flan, ube halaya at minatamis na saging. Napatingin naman si Fidel sa kinaroroonan nila Salome, batid niyang hindi ito komportable lalo na dahil puro mga principales at mayayamang tao ang nasa loob ng tahanan ni Don Romulo. "De todos modos, el General Martino Alfonso y sus colegas tambi�n llegar�n hoy, ser�a genial tener tratos con ellos" (Anyway, General Martino Alfonso and his collegues will also arrive today, It would be great to have deals with them) saad ni Don Romulo dahilan para makisabat si Fidel sa usapan nila ni Patricio. "Qu� quieres decir con t�o?" (What do you mean Uncle?) tanong ni Fidel kay Don Romulo. Nakasanayan naman na ni Don Romulo na hindi nakikialamsi Fidel sa usapang pulitika. Tahimik lang ito at walang interes sa pagpapayaman o pagkakaroon ng kapangyarihan. "He o�do que los chinos est�n ahora migrando a San Alfonso, don Filim�n Alfonso me envi� una carta el mes pasado que la creciente poblaci�n de chinos en su ciudad podr�a ser una amenaza" (I've heard that the Chinese folks are now migrating to San Alfonso, Don Filimon Alfonso sent me a letter last month that the increasing population of Chinese people in your town could be a threat) sagot ni Don Romulo sabay kampay ng baso. Hindi naman nakapagsalita si Fidel, narinig na rin niya ang balitang iyon ngunit inakala niyang hindi naman iyon seseryosohin ng Gobernador. Biglang nakaramdamng kaba si Fidel dahil sa narinig, tahimik at payapa lang ang San Alfonso. Ang huling digmaan at kaguluhan na nangyari doon ay noong nag-aklas si Tay Alfonso Silong ang ninuno ng mga Alfonso laban sa mga Kastila nang minsan nitong gustong ibalik ang tradisyon na pamumuhay sa bayan. "Aparte de eso ... he o�do que el general Martino Alfonso junto con sus colegas ahora est�n buscando a los descendientes restantes de los Royalties del Reino de Tondo" (Aside from that... I've heard that General Martino Alfonso together with his collegues are now searching for the remaining descendants of the Royalties from the Kingdom of Tondo) tugon pa ni Don Romulo sabay lagok sa alak na hawak niya. P 29-10 Napatulala na lang sa gulat si Fidel at hindi na niya magawang makapagsalita. Animo'y biglang nabuhusan ng malamig na tubig ang kaniyang buong katawan dahil sa gulat sa mga balitang narinig mula kay Don Romulo. Ilang sandali pa, Muli siyang lumingon sa kinaroroonan nila Salome. Batid niyang may lahing instik si Salome at ang buong pamilya nito. At bukod doon ay minsan niyang narinig na nagtataglay ng dugong bughaw si Salome nang magkwento ito kay Ising noon habang nakatambay ang dalawa sa labas ng kusina sa hacienda Montecarlos. Agad napatayo si Fidel nang makitang lumabas sa pintuan si Salome kasama ang isang batang babae na umiiyak. "Por favor Disculpame" (Please excuse me) paalamni Fidel kay Don Romulo at Patricio na patuloy na nagkakasiyahan at nagkwekwentuhan tungkol sa politika. Hindi siya agad nakalabas ng maayos dahil may iilang binibini na bumabati sa kaniya at kailangan niya itong batiin pabalik bilang paggalang. Nang makalabas na siya sa tahanan ni Don Romulo, naabutan niyang nakaupo sa lupa si Salome kasama ang apat na mga batang babae at naglalaro sila ng tagu-taguan. Napatigil saglit si Fidel sa tapat ng pinto at pinagmasdan ang ginagawa nila, si Salome ang naging taya kung kaya't humarap na siya sa tapat ng isang malaking puno sa gilid at nagsimulang magbilang. Hindi naman mapigilan ni Fidel na mapangiti habang pinagmamasdan si Salome, sadyang napaka- inosente at masayahin ang dalaga. "Uno... Dos... Tres... Kuwatro... Singko... Sais... Siyete... Otso... Nuebe- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang pagbibilang dahil biglang pumatak ang ulan. Agad namang nagsitakbuhan ang mga batang nilalaro niya papasok sa bahay ni Don Romulo. Hala! Hindi maaaring umulan ngayon! Agad naupo si Salome sa lupa at kumuha ng isang bato sa gilid, gumuhit siya ng isang larawan ng araw. "Lumeng!" tawag ni Fidel sa kaniya at dali-dali itong tumakbo papalapit kay Salome, unti-unti na kasing lumalakas ang patak ng ulan ngunit hindi pa rin umaalis doon si Salome. Agad niyang hinubad ang kaniyang itimna coat at ipinatong sa ulo ni Salome. "Ano pa ang iyong ginagawa riyan? Nagbabadya na ang ulan" tugon ni Fidel at akmang hihilahin na patayo si Salome ngunit napatigil siya nang makita ang larawan ng araw na ginuhit ni Salome sa lupa. "Diyes... Onse... Dose... Trese... Katorse... Kinse... Dise-sais... Dise-siyete... Dise-otso... Dise-nuebeAyan!" ngiti ni Salome nang biglang tumigil ang patak ng ulan. Unti-unti ring nahawi ang makulimlimna ulap at muling umaliwalas ang kalangitan. "Sabi ko na nga ba! Epektibo pa rin ito" masayang tugon ni Salome sabay tingin kay Fidel na nakatayo ngayon sa gilid niya at nagtataka sa mga pangyayari. Ilang sandali pa, nagsibalikan na rin ang lahat ng tao sa labas at nagsimula na ulit ang kasiyahan at sayawan sa gitna ng kalsada. May grupo ng kalalakihan na tumutugtog gamit ang mga instrumenting pang-musika na gawa sa kawayan, mga tambol at pluta. Tumutogtog sila ng nakakaindak na musika dahilan para mapasayaw ang karamihan sa mga tao. Nagtataka namang napuo si Fidel sa lupa, sa tabi ni Salome. Natawa naman si Salome dahil sa itsura ngayon ni Fidel na hawak-hawak pa rin ang kaniyang itimna coat sa ibabaw ng ulo ni Salome para hindi ito P 29-11 maambunan kanina. "Isang sikretong lang ito Senor... Ang sabi ng lolo Pablo ko, kapag nagbabadya raw ang ulan at ayokong matuloy ito, gumuhit lang daw ako ng larawan ng araw sa lupa upang hindi matuloy ang pagbagsak ng ulan" paliwanag ni Salome nang may ngiti sa labi dahil hindi nga natuloy ang ulan kanina. "Siguradong malulungkot ang lahat kapag biglang umulan sa araw mismo ng piyesta" patuloy pa ni Salome habang nakatitig sa larawan ng araw na kaniyang ginuhit sa lupa. Napangiti naman si Fidel at dumampot din siya ng isang maliit na bato sa gilid at balak guhitan din ang gawa ni Salome. "Sandali Senor- " nais sanang pigilan ni Salome si Senor Fidel ngunit huli na ang lahat dahil ginuhitan ng binata ng masayang mukha ang larawan ng araw na ginuhit niya. "Ano iyan? Hindi naman nakangiti ang haring araw" reklamo ni Salome at akmang buburahin ang ginuhit ni Fidel ngunit pinigilan siya nito. Aksidenteng nahawakan ni Fidel ang kamay ni Salome. "Hindi nga nakangiti ang haring araw ngunit... ang liwanag at sinag naman nito ay naghahatid ng ngiti sa iyo" tugon ni Fidel habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Bigla namang kumabog ng malakas ang dibdib ni Salome lalo pa't hawak-hawak pa rin ni Fidel ang kamay niya para pigilan siyang burahin ang masayang mukha (Smiley face) sa larawan ng haring araw. "At sa bawat araw na daraan, ang iyong ngiti ang ibig kong masilayan... Lumeng" patuloy ni Fidel habang nakangiti sa dalaga. Halos walang kurap namang nakatingin si Salome sa mga mata ni Fidel, maging ang pagkabog ng kaniyang puso ay hindi na niya ngayon magawang makontrol. "A-ano pong ibig niyong sabihin- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin kay Fidel dahil biglang may humaharurot na kalesa ang paparating dahilan para mapatigil ang sayawan at kasiyahan sa gitna ng kalsada at magsitabi ang lahat sa gilid. "LAYAS! LUMAYAS KAYO SA DAAN!" sigaw ng isang guardia civil na nakasakay sa kabayong nauuna sa kalesa. "Don Romulo! �Aqu� est�n!" (Don Romulo! Here they are!) sigaw ng isang binatliyo dahilan para agad lumabas si Don Romulo sa kaniyang tahanan at agad sinalubong ang kalesang kakahinto lamang sa tapat ng bahay niya. nagsiliparan ang alikabok sa lupa dahil sa pagkaripas ng kalesa kanina dahilan para mapatakip sa ilong at bibig ang mga ordinaryong mamamayan na walang habas na sinigawang tumabi kanina. "�Dar una buena acogida! Amigos! General Martino Alfonso" (Welcome back! Amigos! General Martino Alfonso) tuwang-tuwang salubong ni Don Romulo sa dalawang kalalakihan na lulan ng malaki at magarbong kalesang iyon. Sumaludo si Don Romulo sa isang matangkad na lalaki na nasa edad 40 na si Heneral Martino Alfonso, ang ama ni Senorita Eleanor Alfonso at kapatid ni Gobernador Filimon Alfonso. Malaki at matikas ang pangangatawan nito, at kitang-kita ang dugong kastilang dumadaloy sa dugo nito. May mahabang balbas at bigote at ilang peklat sa gilid ng mata na sumisimbolo sa mga digmaan at gyera na kinaharap niya. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Salome at napatayo pa siya sa gulat nang makilala ang isa pang lalaking kasama ni Heneral Martino Alfonso... Si Fernando Aguantar. P 29-12 Ang cabeza de barangay ng Tondo. Ang nakatatandang kapatid ng kaniyang tatay Francisco (Tay Isko). Batid ni Salome na ang kaniyang Tiyo Fernando ay kakampi ng mga Kastila, galit rin ito sa kaniyang inay Delia na may lahing Intsik. Batid din ni Salome na handa silang ipagkanulo ng kaniyang tiyo Fernando sa mga Kastila na nais lupigin at ubusin ang natitirang kamag-anakan ng mga dugong bughaw mula sa Kaharian ng Tondo. Sa pagkakatong iyon, Biglang nabalot ng matinding takot at kaba si Salome dahil narito na ngayon ang kaniyang Tiyo Fernando na naging dahilan nang paglisan nila sa Tondo. ************************* A/N: Ang pintuan na may hagdan pababa patungo sa Silid-aklatan ng mansyon sa hacienda Montecarlos ay ang library na napasukan din ni Carmela sa " I Love you since 1892" nang isama siya doon ng kaniyang Lola Carmina para ipakita ang mahiwagang painting ni Carmelita Montecarlos. Abangan... Magsisimula na ang Laban! Shit iba naata yungmangyayariHindi ko batid naang ninuno nila Carmelitaay isangma P 29-13 Kabanata f(x - 28) 50.2K 1.9K 1.5K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 28] "So take a look at me now 'Cause there's just an empty space And there's nothing left here to remind me Just the memory of your face" -Westlife (Against All Odds) "Ano? Sasama ba kayo? Dala ni Aireen ang van, maki-piyesta tayo sa Quezon City" aya ni tita Meg habang sarap na sarap siya sa malutong na turon na may langka na niluto ni mama para sa miryenda. Nasa salas sila ngayon habang naghuhugas ako ng mga kaldero na ginamit kaninang tanghalian at si Alex naman ay nag-iigib ng tubig dahil mahina ang daloy ng tubig sa gripo ngayon baka abutin pa kami ng sampung taon makapuno lang ng isang timba. "Sa Linggo na ba? Papaubusin ko pa ang isang banyera ng isda sa Linggo" sagot ni mama habang abala naman siya sa pagtutupi ng mga damit namin. Magkaharap sila ni tita Meg sa salas ngayon, Sinadya talaga kami ni Tita Meg para pilitin na sumama sa fiesta ng La Naval sa Quezon City. Sabi ni Tita Meg kanina tuwing ikalawang linggo ng October daw ipinagdiriwang ang Fiesta ng Our Lady of the Most Holy Rosary of La Naval de Manila. "Baka masobrahan na kayo niyan sa pagtatrabaho, magpahinga naman kayong mag-asawa, sakto piyesta sa pupuntahan natin makikisaya tayo doon at magsisimba na rin, baka kaya minamalas- malas kayo ngayon sa kwarta dahil hindi na ata kayo nagsisimba" sermon ni Tita Meg, napangiti naman si mama, aminado naman siyang totoo ang mga sinabi ni Tita Meg lalong-lalo na ang pagtatrabaho nila ni papa buong araw at inaabot na rin sila ng hatinggabi. Bukod doon halos tatlong linggo na rin kami hindi nakakapagsimba. "Wag niyo masyadong problemahin ang pera, Tatanda lang lalo ang itsura niyo kakaisip niyan" biro pa ni tita Meg sabay pakita ng finger nails niya na bagong manicure lang. "Ayan inuuna mo na naman ang luho mo, alamba yan ng asawa mong kano?" biro naman ni mama. Tumawa lang si Tita Meg sabay kain ulit ng turon. Sa totoo lang nagmukhang bata siya dahil sa kakapa-facial, spa, salon, manicure at pedicure. "Oo naman, kaya yang panganay mo paasawahin mo ng mayaman para gumaan na ang buhay niyo" tawa pa ni Tita Meg. Tumawa lang din si mama mukhang nagbibiro lang naman si Tita Meg pero mukhang may laman ang biro niya. "Ano na? Sasama na ba kayo sa Fiesta ng La Naval bukas? Dadaanan namin kayo dito" ulit pa ni Tita Meg at hindi niya tinantanan si mama hanggang sa mapa-Oo na lang ito dahil sa kakulitan niya at mukhang walang balak umalis si tita Meg hangga't hindi niya napapapayag si mama. P 30-1 "Oo na! Oo na! Ipapaubaya ko na lang sa kumare ko sa palengke ang isang banyera na binayaran ko na kanina para sa Linggo" tugon ni mama dahilan para magtatatalon sa tuwa si Tita Meg na akala mo nanalo sa lotto. "Psst, Panget, San daw tayo pupunta bukas?" biglang bulong sakin ni Alex na nasa gilid ko na pala at mukhang nakikichismis din sa usapan nila Tita Meg at mama. "Sa La Naval daw... Di ko nga alamyun eh" sagot ko, napaisip naman ng malalimsi Alex. "Alammo yung La Naval?" tanong ko sa kaniya, napatango naman siya sabay buhat ulit ng timba na puno ng tubig. "Oo parang narinig ko na...panget" sagot niya sabay bukas ng pintuan sa likod ng kusina. "Saan yu- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla na niya akong tinalikuran at dire-diretsong lumabas sa likod ng kusina. Aba talaga naman tong batang to oh! Binalik ko na lang yung atensyon ko sa samo't-saring mga kaldero at kawali na hinhugasan ko. Sa pagkakataong iyon, hindi ko alamkung bakit parang pamilyar sa'kin ang La Naval pero parang ngayon ko lang naman narinig. "Osige na! Aalis na ako, baka abutan pa ako ng ulan" paalamni Tita Meg at agad siyang bumeso kay mama. Lumapit din siya sa'kin at bumeso rin, "Sumama ka Aleng ah! May ipapakilala ako sayo doon" pabulong na echoes ni Tita Meg sabay kindat sa'kin, halatang ayaw niya iparinig kay mama. Mag-rereact pa sana ako kaso dire-diretso na siyang lumabas ng pinto. Mukhang ibubugaw ako ng sarili kong tita ah. Haays. Kinabukasan, maaga akong pumasok sumabay ako kay Alex kasi may practice sila sa play ng 6 ambago magsimula ang klase nila. 5:30 ampa lang nandito na kami sa theatre room, kompleto na rin silang lahat, maging si Sir Albert na magiging direktor ng bagong play na gagawin nila ay nandito na rin. Nakaupo silang lahat pabilog sa gitna ng stage habang si Sir Albert ay nagsasalita sa pinakagitna. "Heto na ang mga script niyo, pag-aralan niyong Mabuti yan, magsisimula na tayo ng practice sa susunod na Linggo, sa ngayon mga props lang muna ang gagawin natin" anunsyo ni Sir Albert habang hawak ang isang tungkod na gamit niya sa paglalakad. Nakaupo ako ngayon sa isang row ng seats ditto sa theatre roomna medyo malayo sa stage. Nag-rereview ako ngayon ng notes ko para sa quiz namin mamaya. "Our Asymptotically Love Story... iyan ang pamagat ng gagawin nating play sa Pebrero" narinig kong tugon ni Sir Albert dahilan para mapatingin ako sa kinaroroonan nila. Nagsimula naming buklatin nila Alex ang script na pinamahagi ni Sir Albert. "Alexander Agcaoili... ikaw ang gaganap bilang Fidel Montecarlos" patulot ni Sir Albert napangiti naman na parang kinikilig na kabute yung mga babaeng kasama niya sa play at todo todo kung pumalakpak. Tumayo naman si Alex at nag-bow sa kanila. "Liliana "Lily" Rodriguez... ikaw naman ang gaganap bilang Salome Aguantar" wika ni Sir Albert, nagpalakpakan at naghiyawan naman yung mga lalaking kasama nila sa teatro. Tss... Malaki siguro talaga ang P 30-2 saltik ng kapatid kong si Totoy, sobrang ganda ni Lily para iturn-down niya tsk tsk! "Ang ibang mga gaganap ay iaanunsyo ko bukas, sa ngayon gusto ko munang basahin niyo ang istorya at intindihin itong mabuti... Espesyal sa akin ang nobelang iyan kaya sana pahalagahan niyo rin" tugon pa ni Sir Albert. Napatango-tango naman ang mga estudyante niya. Sa tuwing nagsasalita si Sir Albert parang nagaalab talaga ang pagiging makabayan niya. "Bakit po special sa inyo ang story na'to Sir?" tanong ng isang babae na katabi ni Lily. Ngumiti lang si Sir Albert "Malalaman niyo rin sa oras na umpisahan at matapos natin ang dulang ito" sagot ni Sir Albert dahilan para mapasimangot naman yung mga estudyante niya kasi binibitin sila ni Sir. "Oh siya! Buksan niyo ang pahina sa unang kabanata" tawa pa ni Sir Albert habang hindi pa rin maaawat yung mga estudyante niya sa pangungulit sa kaniya pero wala na rin naman silang nagawa kasi tinatawanan lang sila ni Sir. "Katulad ng biglaang pagbuhos ng ulan nang hindi inaasahan... Ang pagdating ng aking unang pag-ibig" wika ni Lily habang binabasa ang huling linya ng script, nakatingin siya ng diretso sa mga mata ni Alex pero hindi siya tinitingnan pabalik ni Alex, nakatingin lang siya sa script. Nakaupo pa rin silang lahat paikot habang naglilibot naman sa likod nila si Sir Albert. Pinabasa niya lang muna kay Lily at Alex ang mga lines nila sa Unang kabanata. Gusto kong sabunutan ngayon yung kapatid ko kasi parang ang rude ng ginagawa niya kay Lily. "Mahusay Lily! Damang-dama mo ang bawat salita" tuwang-tuwang tugon ni Sir Albert habang pumapalakpak. "Ngayon... gusto kong malaman kung ano ang pagkakaintindi niyo sa linyang iyon?" tanong pa ni Sir Albert sa mga estudyante niya. Sandal naming napatahimik ang lahat, nagkakatinginan pa yung iba at nagtuturuan kung sino ang sasagot. "Walang gustong sumagot?" usisa pa ni Sir Albert habang naglalakad paikot sa mga estudyante niyang nakaupo pabilog. Napatuloy pa rin ang pagtuturuan ng magkakaibigan pero napatigil ang lahat ng biglang magtaas ng kamay si Alex. Whoa! Biglang naging alerto ang tenga ko. Ano kayang isasagot ng Totoy na'to? "Osige Alex" tugon ni Sir sabay senyas kay Alex na tumayo. Inayos naman ni Alex ang damit niya saka tumayo sa gitna. "Katulad ng biglaang pagbuhos ng ulan na hindi natin inaasahan ay ang biglaang pagdating din ng pag-ibig na hindi natin napaghandaan... halimbawa na lang ang mga senyales na magpapakita na uulan, kapag makulimlim ang langit, kapag biglang umihip ang malakas na hangin at kapag makapal ang ulap ibig sabihin nagbabadya na bumuhos ang ulan pero kahit ganoon, kahit nakikita na natin ang mga senyales binabalewala pa rin natin kaya sa oras na bumagsak na ang ulan... wala na tayong magagawa... huli na ang lahat... huli na para bawiin P 30-3 ang pag-ibig na sa simula pa lang ay hindi na dapat pang inumpisahan" seryosong sagot ni Alex dahilan para mapatulala at mapatahimik ang lahat. Maging ako na nasa malayo na nakarinig ng sinabi niya ay napanganga at napatulala rin. "Sa tingin mo ba pag-iwas ang solusyon? Sa tingin mo kaya mong iwasan ang buhos ng ulan?" biglang sabat ni Lily dahilan para mapalingon ang lahat sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin ngayon kay Alex, napalunok na lang ako. Grabe! Bakit parang may tensyon sa pagitan nilang dalawa? "Mas mabuti ng umiwas kaysa umasa" sagot ni Alex. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya sabay balik ng tingin kay Lily na seryosong nakatingin din sa kaniya. Anong nangyayare? "Mas mabuti ng umasa kaysa magsisi sa huli" banat naman ni Lily na mas lalong nagpalala ng awkward atmosphere sa loob ng theatre room. Hala! "Walang dapat pagsisihan" � Alex "Walang dapat iwasan" � Lily "Sa huli, mas makabubuting umiwas na lang kaysa maulit muli ang nakaraan at pareho lang kayong masaktan" tugon ni Alex habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Lily. Sandali naming napatulala si Lily at hindi na siya nakapagsalita pa, napaiwas na lang siya ng tingin kay Alex. Waait! Anong meron sa kanila? Magsasalita pa sana si Alex kaso biglang nagpalakpakan yung mga kasamahan nila sa teatro. May mga humiyaw pa at winagayway ang mga script na hawak nila. "Grabeee! Kayo na! Ang galing!" "Damang-dama ni Alex yung mga lines! Best actor na yan!" "Oh! Naluha pa si Lily, relate na relate sa script oh!" Halos mabingi na ako dito sa loob ng theatre roomdahil sa ingay nilang lahat. Hindi naman na umimik pa si Alex at Lily kahit pa patuloy silang inaasar at pinupuri ng mga kasamahan nila. "Wait, eto ba yung part na yun? Kabanata 40?" "Oo, galing sa Kabanata 40 ang lines na sinabi nila kanina" "Grabe! Tumindig balahibo ko- Teka! Bakit parang wala naman sa script yung huling sinabi ni Alex?" "Ang alin?" "Yung sinabi niya kanina na... Sa huli, mas makabubuting umiwas na lang kaysa maulit muli ang nakaraan at pareho lang kayong masaktan... wala naman dito sa script yun eh" tugon nung dalawang babaeng kasama sa teatro na nag-uusisa na ngayon sa script na hawak nila. Medyo malapit sila sa'kin kaya naririnig ko ang pag-uusap nila. "Oo nga... wala dito yung line na yun" pag-sangayon naman nung isa. Makikiusyoso sana ako sa kanila kaso Nakita kong biglang nag-walk out si Alex. Agad niyang kinuha yung bag niya at dire- diretsong lumabas sa P 30-4 theatre room. Napatahimik naman ang lahat dahil sa ginawa niya. Susundan ko na sana si Alex kaso nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko para pigilan ako. "Hayaan mo na muna ang kapatid mo, kakausapin ko na lang siya mamaya... baka napipiltan lang siyang gumanap bilang bida" tugon ni Sir Albert. Bigla naming nag-announce yung president ng theatre club nila na tumayo na silang lahat at mag-ayos na ng gamit dahil 7 amna. May mga klase na ang iba. "Pagpasensiyahan niyo na po Sir ang kapatid kong yun ah, topakin kasi, mag- memenopause na ata" tumawa naman si Sir sa sinabi ko at dahan-dahan siyang umupo sa isang seat na malapit sa kaniya. Sumenyas naman siya na maupo ako sa tabi niya. Nakaharap kami ngayon sa stage ng theatre room. "Bakit naririto ka?" biglang tanong ni Sir Albert habang nakatingin sa stage at pinagmamasdan ang mga estudyante niyang abala sa pagliligpit ng mga gamit at kalat nila. "Sumabay po kasi ako kay Alex kanina, ang aga ko nagising kaya- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Sir Albert. "Ang ibig kong sabihin... bakit naririto ka sa mundong ito? Sa mga oras na ito? Sa panahong ito?" sunodsunod na tanong ni Sir habang nakatingin pa rin sa stage. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Mukhang ginagamitan na naman ako ng mga matatalinhagang salita ni Sir ah. Napa-iling naman ako bilang sagot sa tanong niya. Hindi ko alamisasagot ko, hindi ko siya maintindihan. Bigla naming napangiti si Sir Albert, kitang-kita ko ngayon ang mga wrinkles niya na kahit senyales iyon ng katandaan niya, nagmumukha pa rin siyang bata. "Lahat ng bagay sa mundong ito 'nak ay may dahilan...at may dahilan kung bakit ka naririto ngayon" tugon pa ni Sir. Napaisip naman ako ng mabuti dahil sa sinabi niya. Anong dahilan ang tinutukoy niya? "Hoy ngets! Anong iniisip mo dyan? Tulala ka na naman" reklamo ni Jen matapos niya akong hampasin sa braso ng malakas. Ouch! "Nagawa mo na ba yung assignment sa Algebra?" patuloy pa ni Jen. Nakiupo muna ako ngayon sa likuran kung saan nakaupo si Jen, 5 minutes pa naman bago dumating ang bagong prof naming sa Algebra. "Anong assignment? Wala namang binigay na assign si Ma'amBelmonte ah" reklamo ko pero biglang lang ngumiti ng todo si Jen, yung ngiting creepy. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" reklamo ko pa pero mas lalo siyang nag-ala joker sa ngiti. "Di mo pa alam? Di ka ba nagbabasa ng group chat sa fb? Haay nako!" reklamo ni Jen sabay pamewang pa sa'kin. Nakunot naman yung kilay ko, sabagay di nga ako nag-online mula pa noong isang araw. "Bakit anong meron?" tanong ko pa pero nginitian lang ako ng todo ni Jen. "May good news ngets" ngisi niya pa dahilan para mas lalo akong maweirduhan sa kaniya. P 30-5 "Ano ba kase yu- " hindi ko na natapos yung reklamo ko kasi biglang bumukas yung pinto ng classroomat nagsigawan sa tuwa yung mga kaklase ko. "Goodmorning class!" bati ni Sir Nathan habang nakangiti ng todo dahilan para maglupasay sa tuwa ang lahat. Waaaahhh! Bakit nandito si Sir? Teka! Hindi ba nag-resign na siya? Nananaginip lang ba ako? "Sir Nathan! Welcome back!" sigawan ng mga kaklase ko habang tumatalon-talon sa tuwa. May mga chocolate pang dala yung mga babaeng kaklase ko. "Ano? Nagulat ka noh? Di ka kasi nagbabasa ng group chat, kagabi pa usap-usapan na hindi na raw tinuloy ni Sir Nathan ang pag-resign niya" tugon ni Jen habang nakikitalon din sa tuwa. Kaya pala nakapaghanda ng mga chocolates yung mga kaklase ko kasi kagabi pa nila alamna babalik si Sir. Napatingin ulit ako kay Sir na nakatayo ngayon sa gitna ng platformhabang nakangiting tinatanggap ang mga regalo ng mga kaklase ko. Sa totoo lang, hindi ko rin mapigilang mapangiti, nababaliw na ata ako. Shems! Pano pala ako makaka-move on neto? "Okay class... tama na yan, mag-lelesson pa tayo" biro pa ni Sir dahilan para magwala yung mga kaklase ko. "Sir! Wag na muna tayo mag-lesson! Magkwento na lang kayo... Bakit nag-resign kayo?" usisa nung isa kong kaklase habang ang ingay-ingay pa rin ng buong klase. Tumawa lang si Sir at inalapag na niya sa mesa niya yung mga chocolates na binigay sa kaniya. "Kalimutan niyo na, hindi na ako aalis" ngiti pa ni Sir, bigla namang kumapit si Jen sa braso ko. Mukhang kinilig din siya sa ngiti ni Sir Nathan. Hindi naman ako masyado natingin kay Sir kasi... ah! Basta ewan! "Eh bakit kayo bumalik Sir?" usisa pa nila, parang nasa hot seat ngayon si Sir at ewan ko din kung bakit parang mas naprepressure ako sa kaniya. Nagulat naman ako nang biglang mapatingin si Sir sa'kin at ngumiti siya "May isa kasi sa inyo na mukhang mamimiss ako kaya hindi na ako aalis" ngiti pa ni Sir. Nanlaki naman ang mga mata ko at napanganga dahil sa sinabi niya habang ang mga kaklase ko naman ay biglang nagsigawan ulit. Whuuut? Ako ba ang tinutukoy niya? Ang K-A-P-A-L ah! Tumatawa na ngayon si Sir at kahit medyo naiirita ako kasi mukhang ako talaga yung tinutukoy niya, hindi ko pa rin maitatanggi na kahit papaano mas masaya ako na bumalik siya. P 30-6 "Absent si Iryn? Bakit?" tanong ko. Naglalakad kami ngayon ni Jen at Leana sa hallway papuntang locker. Saktong kakatapos lang din ng lahat ng klase ngayon kaya maraming estudyante ang nagkalat sa buong paligid lalo na sa hallway. "Ewan ko, pupuntahan ko nga siya mamaya sa bahay nila, hindi rin siya nag-online mula kahapon" sagot ni Leana. Habang abala sa cellphone niya. "Mukhang di pa rin siya nakaka-move on kay Bryan eh" patuloy pa ni Leana Nagkatinginan naman kami ni Jen, nararamdaman kong alamdin niya ang dahilan. Speaking of Bryan... napalingon kami sa likod dahil sa ingay at tawanan na naririnig namin na umaalingangaw sa hallway. Napapatabi ang lahat sa gilid dahil dadaan ngayon ang varsity ng football team ng school na kung saan si Bryan ang bida sa kanilang lahat. Kinindatan niya pa yung grupo ng mga hot chicks na kumakaway sa kanila. Tsk. Babaero talaga. Napatahimik naman yung mga hot chicks nang biglang sumulpot si Stacy kasama ang mga alagad niyang ipis. Agad pumulupot si Stacy sa braso ni Bryan dahilan para mapa-Whoaah ang ibang mga lalaking kasama nila sa team. Nagkalat na talaga mga hokage at breezy sa panahon ngayon haays. Nagulat ako nang biglang mapatingin si Stacy sa'kin at tinaasan pa ako ng kilay. Habang si Bryan naman ay abala sa pagpapa-impress sa mga ka-tropa niya. "Buti na lang wala si Iryn ngayon kung hindi baka mas lalo siyang malugmok dahil sa pinaggagawa ng dreamboy niya tss" tugon ni Leana at napa- iling-iling pa siya. Malakas din ang kutob ko na mukhang nagtatampo si Iryn sa'kin ngayon. October 12, 2014. Sunday na, maaga kaming ginising ni mama para magbihis at mag- ayos dahil pupunta raw kami sa fiesta ng La Naval sa Quezon City ngayon. Hindi makakasama si papa dahil magpapasada pa siya ng jeep sayang daw ang kikitain niya ngayong araw kaya ako, si mama at si Alex lang ang sasama kina Tita Meg, Tita Rita at Tita Aireen sa Quezon City. Ilang sandali pa dumating na si Tita Aireen dala ang van niya. Isinama rin nila ang mga bata naming pinsan na ubod ng kulit at naghabulan pa sa loob ng bahay. Habang hinahanda naming ang almusal bago bumyahe. "Kaninong bahay ba tayo makiki-piyesta?" tanong ni mama. Bihis na bihis din siya ngayon, naka-red dress siya na sobrang haba lagpas tuhod. Pinilit din niya ako mag-dress kahit pa ayaw ko mag-bestida. Pero sa huli wala na akong nagawa kasi paulit-ulit na sinasabi ni mama na dapat daw maayos ang pananamit at sasama rin daw kami sa prusisyon kaya dapat presentable. "Sa kaklase ko nung high school, tubong Quezon siya at dati pa kami nakikipyesta sa kanila" sagot ni Tita P 30-7 Meg. Si tita Rita naman ay abala sa pagsaway sa mga bata kong pinsan na ang kukulit at naghaharutan. "Okay lang ba na isama mo kaming lahat? Baka nakakahiya naman" tugon ni mama, natawa naman kami ni Alex kasi bihis na bihis nga si mama mukhang excited siya. "Ano ka ba, pag piyesta wala ng hiya-hiya kahit pa buong barangay ang kasama mo, piyestang pinoy eh" sagot ni Tita Meg. Napatango- tango naman si Tita Rita na abala ngayon sa pag-braid ng buhok ko. Naka-white dress ako ngayon na hanggang tuhod. Habang si Alex naman ay pinasuot ni mama ng putinng polo, natatawa pa nga kami kanina kasi mukhang barong pa ang gusting ipasuot ni mama kay Alex kanina buti na lang sinabi ni Tita Aireen na magmumukhang politiko si Alex kapag nag-barong siya. Pagkatapos naming mag-almusal, bumyahe na kami papuntang Quezon City. Si Tita Aireen ang nag-didrive, halos dalawang oras din ang byahe namin wala naman masyadong traffic kasi Sunday ngayon pero sa bandang Quezon City malapit sa Santo Domingo Church ay sobrang traffic na ngayon. "Mamayang 4 pmpa mag-uumpisa ang prusisyon pero tuloy-tuloy pa din ang Besa Manto ngayong umaga hanggang mamayang Tanghali" tugon ni Tita Aireen habang nagmamaneho. Halos 30 minutes na kami natraffic dito sa isang kalye ng D. Tuazon. "Anong Besa Manto?" tanong ni Alex, naka-earphones siya pero mukhang alerto pa rin siya sa usapan nila mama at mga tita namin. "Ang Besa Manto ay salitang kastila na ang ibig sabihin ay Kiss the robe" sagot ni Tita Meg. Napasilip naman ako sa labas ng bintana na kung saan kitang-kita ko ang mahabang pila ng mga deboto ng Birheng Maria ng La Naval sa labas ng simabahan ng Santo Domingo. Isang kaugaliang Pilipino na dinala ng mga Kastila, ang pagkilala sa mga Santo at pagdiriwang ng piyesta nito. "Didiretso muna tayo sa kaibigan ko, mamayang hapon sasama tayo sa prusisyon" excited na tugon ni Tita Aireen na sinang-ayunan naman ng lahat. Hindi naman ito ang first time kong makasama sa prusisyon ng fiesta. Naalala ko noong 13 years old ako dumalo kami sa fiesta ng Pe�afrancia sa Naga City. Ang daming mga tao sa labas ng simahan ng Santo Domingo, karamihan ay mga nakaputi. Madami ring mga tindahan ang bukas, may mga nagititnda ng mga laruan, kandila, rosaryo at mga pagkain sa buong helera ng kalsada. May mga pulis din na nakakalat sa buong paligid para masiguro ang seguridad. Mabagal ang used ng mga sasakyan pero kahit ganoon hindi ko mapapansin ang takbo ng oras dahil sa ganda ng mga nakikita ko. May makukulay na banderitas na nakasabit sa bawat dulo ng poste at sa simbahan. Rinig na rinig din namin ang tunog ng kampana ng simbahan at ang masasayang tawanan at kamustahan ng mga tao sa paligid. Mag-aalas-dose na nang makarating kami sa bahay ng kaibigang tinutukoy ni Tita Meg, nanlaki ang mga mata ko pagbaba ng van nang Makita ko na ancestral house ang bahay ng kaklase ni Tita Meg, hindi ko rin maintindihan kung bakit parang biglang nag-iba ang pakiramdamko "Baka may multo diyan" biglang biro ni Tita Aireen, nagtakbuhan naman yung mga bata naming pinsan papasok sa lumang bahay na iyon. "Megan!" biglang sigaw ng isang babaeng nasa edad 40s na matangkad at maputi. "Lea!" sigaw naman ni Tita Meg, para silang mga teenager na tuwang-tuwang Makita ang isa't-isa. Mestiza at mukhang may lahing kastila ang kaibigan ni Tita Meg na si Lea. Matangkad, maputi, matangos ang ilong at kulay brown ang mata at buhok. "Buti naman nakarating kayo! Tara pasok kayo! Kanina pa naming kayo hinihintay! Naghanda ako ng madaming pagkain" excited na tugon ni Lea, sinalubong din kami ng ilang mga kamag-anak nila na karamihan ay matatanda na at ang iba naman ay mga batang paslit pa na agad namang naaksundo ng mga pinsan naming bata. P 30-8 Kami lang ni Alex ang teenager kaya ang awkward talaga. "Halika kayo! Kumain na tayo" aya pa ni Lea habang abala na ang lahat sa paghahanda ng mga pinggan at mga kutsara at tinidor. Nakahelera na rin sa mesa ang lahat ng pagkain. Naramdaman ko bigla ang pagkulo ng sikumra ko lalo na nung makita ko yung malutong na lechong baboy na nasa pinakagitna ng mesa. Inilapag na muna naming ang mga bag naming sa salas. Medyo may pagka-modern na ang structure ng loob ng bahay nila pero nababakas pa rin ang Spanish era atmosphere nito. Lalo na ang labas ng bahay, ang bintana, ang sahig na gawa pa rin sa tabla at ang second floor na mukhang makaluma pa rin ang style. "Aleng! Halika na kumain na tayo" narinig kong aya ni mama sabay abot ng isang pinggan dahilan para matauhan ako, mula nang pumasok kami dito sa bahay na'to, parang may kakaiba akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko maiwasang mapatingin sa second floor ng bahay. "Kumain lang kayo ng kumain ah! Para may energy mamaya sa prusisyon mahaba-haba rin ang lakaran" tugon pa ni Lea habang magkaakbay sila ni Tita Meg at wala ng katapusan ang pagchichikahan nila. Sumandok lang ako ng kanin, menudo, lechon at leche flan. Nang matapos akong kumuha ng pagkain tumabi na ako kay Alex sa salas na kumakain na rin ngayon. "Wag kayong malikot! Baka makabasag kayo dito! Sus Maryusep!" suway ni Tita Rita sa mga bata kong pinsan na naghahabulan sa loob ng bahay, ang dami pa namang mga rebulto na gawa sa marmol at mga mamahaling vase na naka-display sa bawat sulok ng bahay. Bigla kaming natawa ni Alex kasi kukurutin dapat ni Tita Rita yung mga bata pero tinakubuhan siya nito kaya ayun parang nakisali na rin siya sa habulan. "Bumalik kayo rito! Jusmiyo!" Sunod-sunod din ang pagdating ng iba't-ibang bisita nila Lea, tumulong na rin sila mama sa pag-aasikaso sa kanila. Ilang sandali pa, medyo dumami na ang mga tao sa loob ng bahay kaya sa hagdan na papunta sa second floor ng bahay kami naupo ni Alex. Napatingin ako kay Alex na abala ngayon sa cellphone niya. "Hoy totoy, bakit ng apala nag-walk out ka sa theatre roomnung Friday?" tanong ko sa kaniya pero di naman niya ako inimik. Ang sungit talaga. "May something bas a inyo ni Lily? Akala ko ba- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang tumayo. "Wala yun panget" sagot niya sabay baba ng hagdan. Aba talaga naman oh! Nakita kong dumiretso siya sa labas ng bahay, kahit kelan talaga sumpungin ang kapatid kong to haays. Naiwan na lang akong mag-isa doon sa hagdan habang abala ang lahat sa ibaba at pinagmamasdan ko sila. Karamihan sa mga bagong dating na bisita ay mukhang mayayaman. May isang konsehal at mga kagawad pa ng barangay nila ang imbitado. Tumayo na ako at bababa na lang sana kaso bigla akong napatigil nang may marinig akong tumutugtog na piano mula sa second floor ng bahay. Napalingon ako sa ibaba at mukhang hindi naman nila napapansin ang tunog ng piano. Napalingon ulit ako sa second floor, sa pagkakataong iyon hindi ko alamkung bakit parang may umuudyok sa akin na umakyat papunta doon. Namalayan ko na lang na humahakbang na ako paakyat sa hagdan. Halos walang katao- tao sa second floor ng bahay. Medyo madilimdin pero dahil nakabukas ang lahat ng bintana pasok na pasok ang liwanag ng araw. P 30-9 Ang bawat dingding ng kwarto ay gawa pa rin sa kahoy, maging ang sahig ay gawa rin sa tabla at ang mga bintana ay maka-luma pa ang disenyo. Ilang sandali pa, narating ko na ang dulo ng mga kwarto, may apat na kwarto ang bahay at mukhang hindi pa na-rerenovate ang ikalawang bahagi ng palapag dahil halos gawa pa rin sa matitibay na kahoy at tabla ang lahat. Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob at binuksan ang pinto. Pero bago ko tuluyang mabuksan ang pinto biglang tumigil ang tunog ng piano, nanlaki ang mga mata ko nang makita kong wala namang tao sa loob ng silid na iyon. May isang itimna lumang grand piano ang nakapwesto sa gitna ng silid na iyon. May ilang lumang paintings ng mga bulaklak at isang red carpet ang nasa loob. May isang malaking bintana din ang nakapwesto sa gilid ng piano. Nagulat ako nang biglang may magsalita sa likod ko at dali-daling pumasok sa silid na iyon. "Sus Maryusep! kang bata ka! Bakit mo pinakialaman yan!" gulat na suway ni Tita Rita sa pinsan kong bata na si Peng, agad kinurot at piningot ni Tita Rita ang tenga ni Peng na nagtatago na ngayon sa likod ng isang malaking aparador. Whew! Si Peng pala ang tumugtog sa piano kanina, magaling tumugtog sa piano si Peng bagay na palaging pinagmamalaki ni Tita Rita. "Ilang beses ko ng sinabi na wag kayong mangialamng mga gamit dito! Nako! Uuwi na tayo" panakot pa ni Tita Rita kay Peng na ngingiti-ngiti lang. pasaway din talaga ang batang to "Aleeza hinahanap ka ng tita Meg mo sa baba" tugon sa'kin ni tita Rita. Sakto namang umakyat si Lea. "Pasensiya na ah, makulit talaga ang pamangkin kong to" tugon ni tita Rita kay Lea, hindi naman anak ni tita Rita si Peng pero siya na ang nagpalaki ditto kaya parang anak na rin ang turing niya sa kaniya. Ngumiti naman si Lea "Ayos lang po iyon, matagal-tagal na rin bago muling napatugtog ang piano namin" nakangiting sagot ni Lea, humingi ulit ng paumanhin si Tita Rita at agad na isinama na si Peng pababa ng hagdan. Isasara ko na sana ang pinto kaya lang biglang nagsalita si Lea, "Aleeza, right?" tugon niya, napatingin naman ako sa kaniya at sandaling napatulala, parang hindi naman kami pinakilala ni Tita Meg isa-isa kanina sa kaniya kasi busy sila magdaldalan at magkamustahan. "Narinig kong tinawag ka ng tita Rita mo" patuloy pa ni Lea, ahh! Oo nga pala kakabanggit lang ni tita Rita ng pangalan ko. "Gusto mo bang makita ang loob?" tanong pa ni Lea, at naglakad na siya papalapit sa'kin at binuksan ang silid na iyon. "Bihira lang din namin linisin ang kwartong ito kasi sa kabilang bahay talaga kami nakatira" paliwanag niya sabay turo sa bintana ng isang bahay na bagong-bago, mas malaki at gawa sa bato na nasa kabila lang pala. "Sino pong nakatira dito?" tanong ko, ngumiti naman si Lea at napatigil siya sa tapat ng bintana habang nasa kabilang dulo naman ako ng bintana. Kitang-kita ko ang hubog ng tangos ng ilong niya. May lahi siguro talaga silang kastila. "Wala, matagal ng walang nakatira dito... bumibisita lang ang pamangkin ng asawa ko isang beses kada buwan dito para icheck ang bahay" sagot ni Lea habang nakatanaw sa labas ng bintana. P 30-10 "Bakit hindi niyo na lang po ibenta kung wala rin namang titira dito?" tanong ko dahilan para matawa naman si Lea. Siguradong mahal ang bahay na'to. "O kaya gawin niyong museumpara naman po makilala" dagdag ko pa pero tinawanan lang din ako ni Lea. Wait, bakit parang may kamukha siya? "Hindi na ako ang may ari nito, binili na ito ng pamangkin ng asawa ko pero ako pa rin daw ang care taker" sagot ni Lea at naglakad siya papalapit sa piano at hinipo ito. "Ang pagkakaalamko, 1800s nang itayo ang bahay na ito at hindi talaga dito sa Quezon nakatayo ang original na structure nito" paliwanag pa niya. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya at sa kinikilos niya. Para kasing dinadama niya ang lahat ng bagay sa loob ng kwartong to. "Paanong hindi dito nakatayo ang original na bahay?" tanong ko, napangiti lang ulit si Lea. "Sabi ng lolo ko, sa San Alfonso raw talaga nakatayo ang bahay na ito pero matapos ang World War II, isa-isa nilang kinalas ang bahay at dinala dito sa Quezon para itayo muli" sagot niya, Napatango-tango naman ako. Ahh! Bale nirelocate lang nila ang bahay pero ang haligi at ang mga kagamitan ay original pa rin. "Bakit naman po ni-relocate pa ang bahay?" tanong ko pa, naupo naman si Lea sa tapat ng piano habang ako naman ay nakatayo pa rin sa tabi ng bintana "Ang sabi ng lolo ko, hindi raw naging maganda ang kasaysayan ng bahay na ito sa San Alfonso kaya napag-desisyunan nilang ilipat na lang, para mawala daw ang malas lalo na dahil hindi rin nagging maganda ang reputasyon ng pamilya nila bago mangyari ang rebolusyon ng mga Pilipino sa mga Kastila" sagot ni Lea, napaisip naman ako ng mabuti, marami sigurong natatagong kasaysayan ang bahay na ito. "Kahit nga inilipat na ang bahay na ito dito sa Quezon, pakiramdamko habambuhay pa rin naming dadalhin ang konsyensya sa kasalanang nagawa ng aming mga ninuno dahil dala-dala pa rin namin ang pangalan nila" patuloy pa ni Lea at nagsimula siyang tumugtog doon sa piano. Isang malungkot na musika na parang nagpapabalik sa mga pighati ng nakaraan. "Halos isang daang siglo na rin ang tanda ng piano na ito na nagging saksi rin ng lahat ng masalimuot na sinapit ng pamilya ng aming mga ninuno matapos magpakasama ang ama nila" tugon pa ni Lea habang tumutugtog pa din siya sa piano. Hindi ko alamkung bakit hindi ko na maialis ngayon ang mga mata sa lumang piano na iyon. Lalo na ang tunog nito, parang pamilyar na hindi ko maintindihan. "Ang lolo ng aking lolo ay naging masama at malupit noong taong 1892, nasilaw siya sa salapi at kapangyarihan pero sa huli namatay din siya at ang kaniyang mga anak at kaapu- apuhan ang nagbayad sa mga kasalanan niya. Ayon sa aking lolo, kinailangan nilang tumakas noon para hindi sila matugis ng mga rebelde at mga rebolusyonaryo, ang pamilya ng aking ninuno ay purong mga kastila at may katungkulan sa gobyerno" paliwanag pa ni Lea habang patuloy pa rin siya sa pagtugtog sa piano. "A-ano pong ginawa ng ninuno niyo para sapitin nila ang trahedyang iyon?" tanong ko, hindi ko rin maintindihan kung bakit kinukwento sa akin ni Lea ang history ng pamilya nila. Napatigil naman ako nang bigla siyang tumigil sa pagtugtog sa piano at diretsong tumingin sa mga mata ko ng seryoso. "Ang pamilya ng aking mga ninuno ay kilala sa larangan ng abogasya... ang pamilya Valenciano" tugon ni Lea, Kasabay niyon ay ang biglaang pagihip ng malamig na hangin mula sa bintana dahilan para mas lalong bumigat ang pakiramdamko. Magsasalita pa sana si Lea kaso biglang may narinig kaming sigaw sa ibaba "LEA! NANDITO NA ANG P 30-11 PAMANGKIN MO!" sigaw ng isang manang sa baba dahilan para mapadungaw ako sa bintana. Teka! Bakit parang pamilyar yung kotse na tumigil sa harapan ng bahay. "Tara na Hija... Oras na" tawag ni Lea at tumayo na siya. Napadungaw ulit ako sa bintana at nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat nang makilala ko kung sino yung bumaba doon sa kotse... Si Sir Nathan! Nakasuot siya ng blue polo at black jeans. ANONG GINAGAWA NIYA DITO? Sa pagkakataong iyon, parang biglang bumigat ang ulo ko at nakaramdamako ng hilo. Ipinikit ko muna saglit ang mga mata ko ngunit nang muli akong dumilat Nakita kong nakatingin na rin sa akin ngayon si Sir Nathan mula sa ibaba ng bahay... Pero wala na ang kotse niya sa likuran niya, wala na rin ang ibang mga tao sa paligid, wala na rin ang maaliwalas na kalangitan, sa halip, isa ng kalesa ang nasa likuran niya habang may iilang mga kababaihan at kalalakihan ang naka-baro't saya at barong na naglalakad sa gitna ng kalsada. Iba na rin ang suot niyang damit, magkaternong itim na coat at pantalon at nakasuot din siya ng sombrero. "Esmeralda!" tawag niya sabay ngiti sa akin. ********************** Featured Song: 'Haplos' by Shamrock A/N: Pasensiya na sa mabagal na update. At dahil suspended ang klase ngayon sisimulan ko na itype ang sunod na kabanata hihi. Maraming Salamat sa paghihintay kapit lang mga bes... This is it! Oo nga pala, gumawa na akong twitter account hihi @Undeniably_Gorg ang name ko doon. Magpopost ako doon ng mga update at mga trivias about sa ating History hihi. Gumawa na rin pala akong fb page para sa I Love you since 1892. "I Love You since 1892 � Historical Fiction" ang name sa fb, ito yung link mga bes hihi. <3 https://web.facebook.com/BinibiningMia/ "Haplos" by Shamrock Oi:> Ahmmay past ba kayo? Hihi?? P 30-12 P 30-13 Kabanata f(x - 30) 54.5K 1.9K 1.2K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 30] PAALALA: Basahin mabuti dahil ang Kabanatang ito ay naglalaman ng mga Makasaysayang Labanan ng mga Datu, Rajah at mga Maharlika laban sa mga mananakop na mga Kastila noong 1500s. ******************** Our Asymptotically Love Story (page 208 - 227 ) Ika-Labingapat na Kabanata Filipinas 1688 "�Dar una buena acogida! Amigos General Martino Alfonso" (Welcome back! Amigos! General Martino Alfonso) tuwang-tuwang salubong ni Don Romulo sa dalawang kalalakihan na lulan ng malaki at magarbong kalesang kakarating lamang, halos nasira ang kasiyahan sa buong kahabaan ng daan dahil sa sigaw at walang habas na pagpapatakbo ng kutsero at mga guardia civil na nakapalibot sa kalesa. Sumaludo si Don Romulo sa isang matangkad na lalaki na nasa edad 40 na si Heneral Martino Alfonso, ang ama ni Senorita Eleanor Alfonso at nakababatang kapatid ni Gobernador Filimon Alfonso. Malaki at matikas ang pangangatawan ni Heneral Martino Alfonso, at kitang-kita ang dugong kastilang dumadaloy sa dugo nito. May mahabang balbas at bigote at ilang peklat sa gilid ng mata na sumisimbolo sa mga digmaan at gyera na kinaharap niya. "�Hace mucho tiempo que es mi amigo!" (It's been a long time my friend!) sarkastikong tawa ni Heneral Martino sabay saludo sa alcalde mayor ng Balintawak na si Don Romulo. Nakayuko naman bilang paggalang ang iilang mga tauhan, guadia personal, serbidora at mga bisita sa pagdating ng kanilang pinakamahalagang panauhin. Si Heneral Martino Alfonso ay ang kasalukuyang kanang kamay ng Gobernador-Heneral ng Pilipinas, si Heneral Martino Alfonso rin ang Punong-Heneral ng Hukbong Kastila at Pilipino na nakabase sa Fort Santiago. Sa Intramuros, Maynila. Walang imik at nababalot naman ng takot at pagtataka ang iilang mamamayan ng Balintawak dahil sa dami ng mga guardia civil na kasama ng Heneral. Maging si Don Romulo ay nabalot rin ng pagtataka at mariin na pinagmasdan ang halos isang daang guardia civil na nasa likuran ng kalesa ni Heneral Martino Alfonso. Pasimpleng lumapit si Don Romulo sa tainga ni Heneral Martino at bumulong ito "Si no te importa mi amigo, �por qu� ..." (If you don't mind my friend, why did you- )" hindi na natapos ni Don Romulo ang tanong niya kay Heneral Martino dahil biglang humalakhak ng malakas ang makisig na Heneral sabay tapik sa balikat niya. P 32-1 "�Recuerdas lo que te dije el mes pasado? El Gobernador General nos orden� encontrar los descendientes restantes de Rajah Soliman y Lakandula" (Do you remember what I have told you last month? The Governor-General ordered us to find the remaining descendants of Rajah Soliman and Lakandula) tugon ni Heneral Martino kay Don Romulo na naging dahilan nang paglaki ng mga mata nito dahil sa gulat. "�En serio?" (Are you serious?) gulat na tugon ni Don Romulo na sinuklian naman ng tango at ngisi ni Heneral Martino. "Estoy muy dedicado a esta misi�n, si me ayudan les aseguro que nuestro nombre ser� escrito en Historia, traeremos �xito y gloria a nuestro amado pa�s! �Viva Espana!" (I am very much dedicated to this mission, if you help me I'll assure you that our name will be written in History, we will bring success and glory to our beloved country! Viva Espanya!) seryosong tugon ni Heneral Martino na may halong ngiting tagumpay sa labi. Napaisip naman ng mabuti si Don Romulo ngunit di-kalaunan ay napangiti na rin siya at sumang-ayon, lalonglalo na sa ideyang magiging tanyag ang kanilang pangalan at kikilalanin ng Kaharian sa Espanya. Patuloy pa rin ang pagtataka ng mga tao, lalong-lalo na ang mga Pilipino dahil sa tawanan at sa pinaguusapan ng kanilang alcalde mayor at ang kararating pa lang na Heneral mula Maynila. Umakbay muli si Heneral Martino kay Don Romulo, kasabay niyon ang paghatid ng isang baso ng alak sa kaniya ng isang dalagitang serbidora na agad niyang tiningnan ng may pagnanasa. Ngunit naputol din ang malagkit niyang tingin sa dalagitang Pilipina dahil bumaba na sa kalesa ang isa pang Ginoo na kaniyang kasama. "Y nuestra misi�n se llevar� a cabo con la ayuda de mi querido amigo, me gustar�a que conocieras a mi amigo, �l es la cabeza de barangay en Tondo ... Fernando Aguantar" (And our mission will be accomplish with the help of my beloved friend, I would like you to meet my friend, He is the cabeza de barangay in Tondo... Fernando Aguantar) patuloy pa ni Heneral Martino habang nakaakbay kay Don Romulo, kasabay naman niyon ang pagbaba ng isang matangkad, matipuno at seryosong-seryosong Ginoo na si Fernando Aguantar. Suot ang kaniyang mamahaling puting damit pang Europeo at sumbrerong puti, taas noo siyang humarap at nagbigay galang sa alcalde mayor ng Kalilayan na si Don Romulo. "Buenos d�as Don Romulo, es un placer conocerte" (Goodmorning Don Romulo, It's nice to meet you) bati ni Fernando sabay abot ng kaniyang palad upang makipag-kamay kay Don Romulo. Sandali namang natigilan si Don Romulo at gulat na nakatitig kay Fernando Aguantar, pinadaanan niya pa ito ng titig mula ulo hanggang paa, animo'y hindi siya makapaniwala na ang taong nasa harap niya ngayon ay kamag-anak ng mga Rajah, Datu at Maharlika na nakalaban nila noon. "La familia Aguantar ..." (The Aguantar family...) tulalang wika ni Don Romulo sa sarili. Muli niyang naalala ang labanang kinaharap niya noong 1643 sa Malolos, Bulakan. Nang mag-aklas si Pedro Ladia na isang Moro-Borneo na sinasabing kamag-anak at tagapagmana ng trono ni Rahaj Soliman at Rajah Matanda ng Maynila. Pedro Ladia Walong taon matapos agawin ng mga Kastila ang Maynila mula kay Rajah Soliman at Rajah Matanda, pinasok ng mga Espa�ol noong 1580 ang munting nayon ng Li Han at pinalitan ng ito ng pangalan na 'Malolos'.Sinakop ng mga Kastila ang mahigit 4,000 mamamayan ng Li Han (Malolos na ngayon). Sa mga sumunod na taon, marami at madalas ang aklasan ng mga tao laban sa pagsakop ng mga Espa�ol sa paliP 32-2 paligid ng magiging lalawigan ng Bulacan subalit tahimik at nanatiling masunurin ang mga taga-Malolos hanggang noong 1643. Naligalig ang mga taga-Malolos sa pag-aaklas ng isang taga-Borneo, si Pedro Ladia, na itiwalag ng mga tao ang mga Espa�ol. Ipinagmalaki ni Ladia na ka-angkan at tagapagmana siya ni Rajah Matanda ang huling Rajah ng Maynila. Masugid at lihimna hinikayat ni Ladia ang mga tao, sinabayan ng pag-inomng alak at pananalangin sa mga anito at mga dating diwata ng mga katutubo. Dumami ang mga nakinig kay Ladia at nagsimula siyang kumilos at tawagin ang sarili ng 'Hari ng mga Tagalog' Natunugan ng isang pari sa Malolos na si Padre Cristobal Enriquez na isang prayleng Augustinian ang tungkol sa pag-aaklas at pag-aangkin ni Pedro Ladia sa Malolos. Maging ang ilang Pilipinong kaanib ng mga Kastila ay nagsumbong sa kumpisalan ng simbahan tungkol sa mga pakana ni Ladia. Katulong ang mga Espa�ol at mga katutubong guardia civil sa nayon, lihimniyang ipinadakip si Ladia. Dinala nila sa Maynila at doon hinatulan ng kamatayan at binitay si Pedro Ladia noong 1643. "Es un placer conocerte tambi�n ... Fernando Aguantar" (It's nice to m-meet you too... Fernando Aguantar) kinakabahang tugon ni Don Romulo at inabot na rin niya ang kaniyang palad upang makipag-kamay kay Fernando. Bagama't nagawa na niyang makipag-kamay sa isang dugong bughaw na tulad ni Fernando ay naroon pa rin ang kaniyang pangamba na muling makasagupa ang mga iba pang kamag- anak nila Rajah Soliman at Lakandula na nakatakas noong lupigin ang Kaharian ng Maynila at Kaharian ng Tondo. Sa kabilang dako naman, sa gilid ng malaking bahay ni Don Romulo ay dahan-dahang napatayo si Salome dahil sa gulat, nabitiwan niya ang maliit na batong hawak na ginamit niya pangguhit sa haring araw sa lupa. "Lumeng? Anong problema?" tanong ni Fidel na nasa tabi niya at agad ring napatayo. "Lumeng?" tawag muli ng binata ngunit hindi pa rin siya kinikibo ng dalaga dahil hindi nito maialis ang kaniyang mga mata sa Ginoong kasama ni Heneral Martino na kausap na ngayon ni Don Romulo... Si Fernando Aguantar. Ang cabeza de barangay ng Tondo. Ang nakatatandang kapatid ng kaniyang tatay Francisco (Tay Isko). Batid ni Salome na ang kaniyang Tiyo Fernando ay kakampi ng mga Kastila, galit rin ito sa kaniyang inay Delia na may lahing Intsik. At alamniyang handa silang ipagkanulo ng kaniyang tiyo Fernando sa mga Kastila na nais lupigin at ubusin ang natitirang kamag-anakan ng mga dugong bughaw mula sa Kaharian ng Tondo. Hindi maaari... Narito na si Tiyo Fernando! P 32-3 Tandang-tanda pa ni Salome ang naging huling pag-uusap ng kaniyang tatay at ng kaniyang Tiyo Fernando noong gabing bago sila nag-impake at lumisan sa kanilang tahanan sa Tondo... Marso 1688 sa Tondo "Isa kang Taksil! Hambog! At Ganid sa Kapangyarihan at Kayamanan Fernando!" paratang ni Tay Isko habang nagsisisigaw sa labas ng bahay ni Fernando. Malalimna ang gabi at halos tahimik na ang buong kabahayan sa Tondo ngunit naalimpungatan ang lahat nang marinig ang pagwawala at sigaw ni Francisco (Tay Isko) sa labas ng bahay ng kaniyang kapatid na si Fernando. Kinakalabog ng malakas ni Tay Isko ang malaking pintuan ng tahanan ni Fernando, at makailang ulit niya pa itong pingasisipa. Nasa kaniyang likuran naman sina Mang Berto at Mang Kiko upang awatin si Tay Isko na nakainomng alak at may hawak na tabak. Agad kinuha ni Mang Berto ang matalimna tabak na hawak ni Tay Isko at inilayo ito sa kaniya. "Isko! Sus Maryusep!" tawag ni Nay Delia na noo'y nakapang-tulog na ngunit dali- dali pa ring sumunod sa kaniyang asawa nang marinig ang sigaw nito. Halos sampung bahay lang naman ang layo ng tahanan nila sa tahanan ni Fernando. Ilang sandali pa ay sumunod na rin sina Felicidad at Salome. Samantalang, naiwan naman sa kanilang tahanan si Danilo upang bantayan ang batang si Julio na noo'y umiiyak na sa takot. "Itay! Tama na po iyan!" awat pa ni Felicidad ngunit hindi pa rin natinag si Tay Isko sa pagkalabog sa pintuan ni Fernando kahit pa hawakhawak na siya nina Mang Berto at Mang Kiko ay hindi pa rin nila nakayanan at pagmamaktol at lakas ni Tay Isko. Ang ilan sa kanilang kapitbahay ay nakadungaw na sa kani-kanilang mga bintana at may hawak na mga gasera upang makiusyoso sa kaguluhang nangyayari sa labas ng bahay ng kanilang cabeza de barangay. "Itay! Tumigil na po kayo!" awat din ni Salome sabay yakap sa kaniyang ama na naging dahilan ng unti-unti nitong panghihina. "Hayop ka! Fernando! Handa mo kaming ipagkanulo sa mga kastila dahil lang diyan sa ambisyon mo!" sigaw pa ni Tay Isko na ngayon ay humahagulgol na sa pag-iyak. Yumakap na rin sa kaniya si Nay Delia at Felicidad upang awatin siya. "Papatayin kita! Hindi kita kapatid! At hindi kita igagalang! Isinusumpa ko iyan sa libingan ng ating mga magulang!" sigaw pa ni Tay Isko at akmang sisipain ulit ang pintuan ngunit agad siyang napigilan ng mga taong nakisusyoso na rin. Ilang sandali pa, bumukas na rin ang pintuan sa tahanan ni Fernando, tumambad sa kanilang harapan ang Kastilang asawa nito na si Dona Ignacia Aguantar, na kilalang matapobre at napakataas ang tingin sa sarili. Hawak nito ang mamahaling abaniko na mula pa sa Europa na ikinakampay sa kaniyang mukha. "�Qu� verguenza! Todo lo que podr�a hacer es actuar como un cerdo salvaje perdido en la naturaleza! �Y sabes qu� les pas� a esos cerdos? Morir�n al final" (Shame on you! All you could do is to act like a wild pig lost in the wild! And you know what happened to those pigs? They will die in the end) sarkastikong tugon ni Dona Ignacia Aguantar sabay halakhak. Ang inasal ng matapobreng Donya ang mas lalong nagpaalab sa galit na nararamdaman ni Tay Isko, maging si Nay Delia ay hindi na rin nakapagtimpi pa dahil sa sinabi ng Dona. P 32-4 Akmang susugod na rin si Nay Delia upang sabunutan at sampalin si Dona Ignacia ngunit agad siyang napigilan at naawat nila Felicidad at Salome. Tanging si Tay Isko at Nay Delia lamang ang nakakaintindi ng kaunti ng wikang kastila. "Ang kapal ng- " Hindi na natapos pa ni Nay Delia ang kaniyang sasabihin dahil biglang napatigil ang lahat ng sumigaw si Fernando na nasa tapat na rin ng pintuan. "EL SILENCIO! (SILENCE!) galit na sigaw ni Fernando na nagpatahimik at nagpatigil sa lahat. sumiklab ang matinding takot nang makita nila ang hawak nitong mahabang baril. "Tumigil na kayo! At kung hindi kayo titigil ako na mismo ang papatay sa inyo!" banta pa ni Fernando sabay tutok ng baril kay Tay Isko. Ramdamna ramdamang tensyon sa paligid, ang ilang mga taong nakikisusyoso ay nagsitakbuhan na papalayo at nagsipasok na sa kani-kanilang mga tahanan. Naiwan naman ang pamilya Aguantar at ang ilang kalalakihan na nakaagapay sa likuran nila Tay Isko at Nay Delia. "Kung iyan ang nais mo... Isinusumpa ko rin sa libingan ng ating mga magulang na ako ang papatay sayo... Francisco!" muling banta ni Fernando habang nakatutok pa rin ang baril na hawak niya sa kaniyang kapatid. Ilang segundo rin ang lumipas na walang kumibo ni isa sa kanila. Nanginginig na rin ang mga kamay ni Salome dahil sa takot habang hawak-hawak ang laylayan ng damit ng kaniyang inay. "Bakit? Bakit mo kami ipagkakanulo sa mga Kastila? Baka nakakalimutan mo dumadaloy rin sa dugo mo ang dugong bughaw! Hindi ka naiiba sa akin at sa mga anak ko!" palabang sagot ni Tay Isko, maging ang presensiya ng baril na nakatutok sa kaniya ngayon ay hindi niya alintana. "Narinig ko ang pag-uusap niyo ng asawa mo, balak mong ipagkanulo kami sa mga Kastila upang maitaas ang iyong posisyon!... Ang pagiging cabeza de barangay mo pa nga lang ay isa nang kahihiyan at kasuklam-suklam na titulo na siguradong ikasasama ng loob ng ating mga ninuno na nakipag-laban at walang-awang pinatay ng mga Kastila!" sigaw ni Tay Isko habang dinuduro-duro ang pagmumukha ni Fernando na nanlilisik na ang mga mata ngayon sa galit... Ang tinutukoy ni Tay Isko ay ang naging pag-aaklas ng mga Rajah, Datu at mga Maharlika laban sa mga Kastila noong 1587 - 1588. Halos isang daang taon na rin ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa lahat ang alaala ng malagimna sinapit ng mga tinaguriang mga Rajah, Datu at Maharlika. Ang pag-aaklas na ito ay kilala bilang 'Tondo Conspiracy of 1587 - 1588' o mas kilala rin bilang ' Conspiracy of the Maharlikas' Sa pagitan ng taong 1587 hanggang 1588, nagkaisa ang mga kilalang Datu at mga Rajah na mag-aklas laban sa mga Kastila. Ito ay ang panahon kung kailan nakuha na ng mga Kastila ang Maynila at Tondo. Ngunit ang presensiya ng mga Datu at Rajah at ng kanilang mga kamag-anakan na may dugong bughaw ay nagkalat pa rin sa iba't-ibang dako ng Pilipinas. Ang pag-aaklas ay binuo ng mga kilala at makakapangyarihang mga DaTu at Rajah mula sa iba't-ibang panig ng Pilipinas. Pinangunahan ito ni Agustin de Legazpi (pamangkin ni Lakandula) at ang pinsan nitong si Martin Pangan na siyang gobernadorcillo ng Tondo. Katuwang rin nila ang ilan sa mga kilalang datu na sina... P 32-5 1. Magat Salamat - anak ni Lakandula 2. Juan Banal, Pitonggatan, Luis Amanicaloa - mga Datu ng Tondo 3. Esteban Taes - Datu ng Bulakan 4. Pedro Balinguit - Datu ng Pandacan 5. Felipe Salonga - Datu ng Polo (Valenzuela) 6. Geronimo Basi at Gabriel Tuambacar - kapatid ni Agustin Legaspi (pamangkin din ni Lakandula) 7. Dionisio Capolo (Kapulong) - Datu ng Candaba (Pampanga) 8. Juan Basi - Datu ng Taguig 9. Felipe Salalila - Datu ng Misil 10. Felipe Amarlangagui - Datu ng Carangalan 11. Omaghicon - Datu ng Navotas eskrimadores: " Maharlika - The ancient native Warrior class The Japanese have samurai Nagsimula ang kanilang plano nang humingi ng tulong si Agustin Legazpi kay Juan Gayo na isang Hapon (Japanese) na kapitan ng Barkong pandigma. Si Juan Gayo ang maghahatid sa kanila ng mga baril, armas at mga karagdagang hukbo sa gagawing pagaaklas laban sa mga Kastila. Ang kapalit ng pagtulong ni J uan Gayo at ng mga hukbo nito ay ibibigay ng mga Datu at Rajah ang kalahati ng kanilang kinikita sa mga Tributo o buwis. Sumang-ayon din ang lahat na si Agustin de Legazpi ang kikilalaning 'Hari ng Filipinas' Bukod sa mga Hapon ay nakahanda ring tumulong ang mga taga-Borneo, Laguna at Batangas. Ang plano ay nailahad ng maayos: Magsisimula ang pag-aaklas sa oras na dumating na ang mga barkong pandigma ng mga taga-Borneo sa look (Bay) ng Maynila. Lulusubin nila ang Maynila na kung saan naka- base ang karamihan ng mga Espanyol at doon magsisimula ang digmaan. Sa kalagitnaan ng byahe nina Magat Salamat (anak ni Lakandula) at ng ilan sa kaniyang mga kasamahan ay tumigil sila sa bayan ng Calamianes (isla sa Palawan) upang kumbinsihin na makiisa sa kanila ang Datu ng Calamianes na si Sumaclob. Sumang-ayon si Sumaclob sa gagawing pag-aaklas at nangakong magbibigay ng 2,000 karagdagang hukbo para sa mangyayaring digmaan. Ngunit nang malaman ito ni Antonio Surabao na isang mamayan ng Calamianes ay agad niyang isinumbong ang plano ng mga Datu, Rajah at mga Maharlika laban sa mga Kastila. Ibinalita niya kay Kapitan Pedro Sarmiento na isang Kastilang encomiendero ng Calamianes ang nasabing balak na pag- aaklas ng mga dugong bughaw. Agad na nagtungo sa Maynila si Kapitan Pedro Sarmiento noong Oktobre 26, 1588 at ibinalita kay Gobernador-Heneral Santiago de Vera ang malawakang pag-aaklas na gagawin ng mga Maharlika. Hindi na nagdalawang-isip si Gobernador-Heneral Santiago de Vera at agad na pinadakip ang lahat ng P 32-6 taong sangkot sa nasabing plano. Ang lahat ng mga Datu, Rajah at mga Maharlika na kaanib sa plano ay inimbestigahan at brutal na pinarusahan upang umamin. Noong 1588, Binitay sina Agustin de Legazpi at Martin Pangan. Pinugutan din sila ng ulo at isinabit iyon sa labas upang magsilbing panakot at babala sa sinumang mga nais na mag-aklas laban sa mga Kastila. Kinuha rin ang lahat ng kanilang ari-arian. Ang iba sa mga Datu, Rajah at mga Maharlika na kaanib sa planong pag-aaklas sa mga Kastila na sina Pedro Balinguit, Pitonggatan, Felipe Salonga, Calao and Agustin Manuguit ay ipinatapon sa Mexico. Ang Mexico ay ang tinaguriang (New Spain) na siyang namamahala at sumusuporta sa Pamahalaang Kastila na naka-base sa Pilipinas. Tulala, Takot, at Pangamba ang naghahari ngayon sa puso ni Salome habang tinatanaw ang kaniyang Tiyo Fernando mula sa malayo. Sa pagkakataong iyon, sinundan ni Fidel kung saan nakatingin si Salome, muli niyang ibinaling ang tingin niya sa dalaga at unti-unti nang nagiging malinaw din sa kaniya ang takot na nababasa niya sa mga mata ni Salome. Dahan-dahang humakbang si Fidel sa tapat ni Salome upang harangan ang direkyon ni Fernando Aguantar. "Hindi mo kailangan pagmasdan muli ang takot... hindi mo kailangang harapin muli ang lungkot... Hindi mo kailangang alalahanin muli ang pangamba dahil... Maaari mo namang ipikit ang iyong mga mata dahil narito lang ako sa tabi mo, at hindi ko hahayaang muling maulit ang madilimna nakaraan na iyong naranasan" tugon ni Fidel sabay hawak sa kamay ni Salome. Dahilan para gulat na mapatingin sa kaniya si Salome, dahandahan namang gumuhit ang ngiti sa labi ni Fidel na animo'y nagpawala sa lahat ng takot at pangamba na nararamdaman ni Salome. Sa ilalimng puno ng Malabulak, sa gitna ng kahabaan ng kalye ng Balintawak at sa gitna ng ginuhit na larawan ng haring araw na nakangiti (smiley face) ay naroon si Fidel at Salome na parehong nakangiti sa isa't-isa. "Ano? Bakit? Kararating lang natin dito, mahaba-haba rin ang ating naging paglalakbay... nakapanghihinayang naman kung kayo'y uuwi na" malungkot na tugon ni Eleanor nang magpaalamsi Tay Isko at Nay Delia na babalik na sila sa San Alfonso. Kasalukuyang nagkakasiyahan ang mga tao sa loob ng tahanan ni Don Romulo habang hinihintay ang paglalakbay nila mamaya papunta sa Intramuros Maynila, upang salubungin ang imahen ng Birheng Maria ng La Naval sa Simbahan ng Santo Domingo. "Kailangan na po naming magbalik sa San Alfonso, nag-aalala po ako sa kalagayan ng aming bunso na si Julio" pakiusap ni Nay Delia, silang tatlo ay nasa azotea ng bahay ni Don Romulo. "Hindi ba't naiwan naman ang dalawa niyong anak doon upang alagaan ang inyong bunso?" usisa pa ni Eleanor na halatang nagdududa sa katwiran ng mag-asawang Aguantar. Nagkatinginan naman si Tay Isko at Nay Delia, parehong nababalot ng takot dahil nakita nila si Fernando na bumaba ng kalesa kanina kasama ni Heneral Martino. Mabuti na lamang dahil nakapagtago agad sila sa P 32-7 kusina ng bahay ni Don Romulo. Ang isa pa nilang pangamba ngayon ay kung nasaan si Salome... Tiyak na makikilala ni Fernando si Salome sa oras na magkasalubong sila dito sa loob ng bahay ni Don Romulo. "Hindi po kakayanin ng aming anak na si Felicidad ang pangalagaan mag-isa si Julio, Sakitin at mahina rin po ang pangangatawan ng aming dalaga" muling tugon ni Nay Delia, sa kaniyang kaloob- looban ay nagdadasal na siya na huwag nang maging matanong at mausisa pa si Senorita Eleanor at payagan na lang silang umalis hangga't hindi pa sila nakikita ni Fernando na hanggang ngayon ay abala sa pakikisalo sa hapag-kainan kasama sina Don Romulo, Heneral Martino Alfonso at Patricio Montecarlos. Tiningnan naman ng mabuti ni Eleanor ang mag-asawang Aguantar, at sa huli ay napahinga na lang siya ng malalim. "Sige, maaari na kayong umuwi, nanghihinayang nga lang ako dahil nais kong makasama kayo sa prusisyon ng imahen ng Birheng Maria ng La Naval mamayang gabi... Ah! maiiwan naman si Lumeng hindi ba? hayaan niyong makasama namin siya mamayang gabi sa prusisyon" wika pa ni Eleanor, muli namang nagkatinginan si Tay Isko at Nay Delia at sabay pa silang napailing. "Bakit hindi maaaring maiwan si Lumeng?" muling pagtatakang tanong ni Eleanor, habang tumatagal ay mas lalo na siyang nagdududa. "D-dahil- " hindi na natapos pa ni Nay Delia ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Fidel na noo'y kakarating lang, nakasunod naman sa kaniyang likuran si Salome. "Mukhang masama rin ang pakiramdamni Lumeng, hayaan na lang natin siyang sumama sa kaniyang mga magulang pabalik ng San Alfonso, siguradong hindi rin siya makakasama mamayang gabi sa prusisyon" sabat ni Fidel sabay tingin at tango kay Tay Isko at Nay Delia, nakahinga naman ng maluwag ang mag-asawa dahil sa pagsagip sa kanila ni Fidel. Napatingin naman si Eleanor kay Salome na noo'y nasa likuran ni Fidel. Agad niyang inusisa ito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Saan ka nanggaling Lumeng? Kanina ka pa hinahanap nina Manang Estelita, Ising at Susana" usisa pa ni Eleanor, agad namang napatingin si Salome kay Fidel na noo'y nakaramdamdin ng pagdududa mula kay Eleanor. "N-nakipaglaro lang ho ako sa mga bata sa labas... Senorita" sagot ni Salome sabay turo sa mga batang babae na naglalaro ng taguan sa labas. mukhang hindi naman kumbinsido si Eleanor at ibinaling naman niya ang tingin niya kay Fidel. "Saan ka naman nanggaling Ginoo? Kanina pa kita hinahanap, nais kang makita at makausap muli ni ama" wika ni Eleanor sabay hawak sa braso ni Fidel. Animo'y binabakuran at tinatali na niya ang binata sa kaniya. "Nagpahangin lang ako sa labas... masyadong magulo at maingay sa loob" tugon ni Fidel, agad namang napangiti si Eleanor at muling kumapit sa braso ng binata. "Halika na, nasasabik na si ama na muling makita ka" ngiti pa ni Eleanor sabay hila kay Fidel papasok sa loob. kumaway na rin siya at nagpaalamkay Tay Isko, Nay Delia at Salome. Maging si Fidel ay napalingon sa kanila at sumenyas kay Tay Isko na gamitin na lamang ang kalesa ng Montecarlos pauwi. Muli siyang tumingin kay Salome at sumenyas rin na ngumiti ito, agad namang sumilay ang ngiti kay Salome dahil sa ginawa ng binata. P 32-8 Si Tay Isko ang nagpatakbo sa kalesa, habang tahimik naman na nagmamasid si Salome sa paligid, habang tahimik lang din si Nay Delia sa tabi niya. ilang sandali pa, napalingon si Salome sa kaniyang inay nang hawakan nito ang kaniyang kamay. "Lumeng... marahil ay alammo na siguro ang dahilan kung bakit tayo umalis sa ating tahanan noon sa Tondo" panimula ni Nay Delia habang nakatingin sa tanawin sa labas. maging si Tay Isko ay nakiramdamdin at nakikinig sa kanilang usapan. "Inakala naming maitatago namin ng inyong itay ang totoong dahilan kung bakit tayo nanirahan sa San Alfonso, ngunit naisip ko na hindi tamang ilihimpa sa inyo ang problemang kinakaharap ng ating pamilya... Batid kong nakita mo rin ang iyong Tiyo Fernando kanina sa tahanan ng alcalde mayor ng Balintawak, at mukhang kumikilos na sila ngayon" patuloy pa ni Nay Delia. Ang huling sinabi nito ay mas lalong nagpakaba kay Salome. Kumikilos na sila ngayon... "A-ano na pong gagawin natin inay?" tanong ni Salome, napatingin siya sa kaniyang itay na noo'y mas lalong pinabilis ang pagpapatakbo sa kabayo upang makarating agad sila sa daungan sa Batangas. "Hindi ko alam anak... pero sa ngayon mas mabuti kung hindi na muna natin gagamitin ang ating Apelyido, Tayo'y maswerte dahil walang nakakaalamsa San Alfonso ng ating Apelyido" tugon ni Nay Delia. Bigla namang napatahimik si Salome, naalala niyang nabanggit niya kay Fidel ang kaniyang Apelyido nang minsang tinuturuan niya itong magsulat sa letrang Baybayin. Nabasa rin ni Fidel ang kaniyang pangalan sa letrang Baybayin na nakasulat sa kaniyang kuwaderno noon, 'Salome Aguantar' "Hindi dapat tayo magtiwala kaninuman... sa mundong ito, ang iyong kaibigan, maging ang iyong kapatid o kahit pa ang iyong iniibig ay hindi mo dapat pagkatiwalaan... Ang tiwala ay hindi dapat binibigay nang madalian at kung kani-kanino lang..." wika pa ni Nay Delia sabay tingin ng diretso kay Salome, nais niyang ipaunawa rito na huwag magtiwala kahit kanino. Gabi na nang makarating sila sa daungan ng Batangas at makasakay ng barko papunta sa San Alfonso, halos isang araw ang naging byahe. Magtatakapisilmna rin nang makarating sila sa daungan ng San Alfonso, agad na tumambad sa kanila ang masiglang pamilihan at kabisera, patuloy pa rin ang paggawa sa daungan at pagpapatayo sa Simbahan ng San Alfonso. Ang plaza San Alfonso naman ay punong-puno ng mga taong nagaabang sa gaganaping misa ni Padre Bernardo. Pagdating nila sa Barrio Tagpi, naabutan nilang nagsasaing si Roselia, ang asawa ni Ernesto. Habang nagiigib naman ng tubig sa sapa si Ernesto at nagsisibak naman ng kahoy panggatong si Danilo. Samantala, nasa loob naman ng bahay si Felicidad habang inaayos ang hapag-kainan. "Inay! Itay! Lumeng!" salubong ni Felicidad ngunit agad itong napakabig sa mesa nang makaramdamng hilo at napahawak rin siya sa tapat ng kaniyang dibdib. "Fe!" sigaw ni Nay Delia at Salome sabay hawak kay Felicidad na muntikan pang matumba. P 32-9 "Inaabuso mo na naman siguro ang sarili mo, ilang beses na kitang pinaalalahanan na magpahinga na lang at hayaang na lang sina Danilo na siyang kumilos dito sa bahay" sermon ni Nay Delia kay Felicidad habang inaalalayan itong mahiga sa kama. "Delia... huwag mo nang pagalitan pa si Fe... baka hanggang sa pagtulog ay mapanaginipan niya ang nakakunot mong noo" biro pa ni Tay Isko sa kaniyang asawa. Napangiti naman si Felicidad sa kaniyang ama dahil ito ang palaging nagliligtas sa kanila sa oras na sinesermonan na sila ng kanilang nanay. Maging si Salome ay napangiti rin dahil madalas din siyang iligtas ng kaniyang tatay kapag pinapagalitan siya ni Nay Delia. "Sinasabi ko lang naman na- " "Ssshh... inaantok na ang bunso nating si Julio, baka maging siya ay dalawin ng sermon mo sa panaginip" tawa muli ni Tay Isko dahilan para magsitawanan ang lahat. napakunot naman ang kilay ni Nay Delia na animo'y naiinis pero bakas sa kaniyang mukha na kinikilig din siya sa paglalambing na ginagawa ng asawa. Para silang mga dalaga't-binata na nagbibiruan at naghaharutan. "Tama na iyan... baka maiinggit si Lumeng at Fe sa tamis ng pag-ibig niyo" biro naman ni Ernesto habang nakayakap sa kaniyang asawa na si Roselia. Sabay namang napakunot ang noo ni Salome at Felicidad. "Teka nga, si Danilo naman ay wala rin namang kasintahan ah" banat ni Salome pero biglang ngumisi lang si Ernesto sabay akbay sa kapatid. "Anong wala? Maraming mga kababaihan ang naghahabol sa kapatid nating ito, kita mo ang pagbubulungan at pagpapansin sa kaniya ng ilang mga dalaga sa palengke? Sadyang habulin ng babae itong si Nilong!" tawa pa ni Ernesto habang ginugulo ang buhok ni Danilo na kanina pa pumapalag sa akbay niya. "Tumigil na nga kayong apat... basta si Fe muna ang mauunang ikasal sa inyong dalawa, kung sino ang nakatatanda ay siyang unang ikakasal bago ang mga nakababata" bilin pa ni Nay Delia na noo'y namumula sa akap sa kaniya ng kaniyang asawa. "Paano ba iyan? Mukhang matagal pa ang hihintayin ni Maestro Fidel kay Ate Lumeng!" tawa ni Danilo turo kay Salome na biglang namula sa hiya. "Hoy! Nilong tumigil ka nga diyan! Mukhang hindi naman ikaw hihintayin ni Ising" banat naman ni Salome at akmang hahabulin si Danilo pero agad silang inawat ng kanilang kuya Ernesto at inakbayan pareho. "Hindi ba't nagpaparamdamdin sa iyo si Senor Patricio... Lumeng? Madalas kong marinig na pinag-uusapan ka ni Senor Patricio at Senor Geronimo Flores sa tuwing naghahatid ako ng mga binhi ng mga bulaklak sa hacienda Flores" pang-asar pa ni Ernesto kay Lumeng, kumawala naman si Lumeng sa pagkakaakbay ng kaniyang kuya sa kaniya ngunit sadyang malakas ito at pilit siyang pinapaamin. Napatigil lamang sila nang biglang bumulong si Roselia, "Ernesto tama na iyan..." bulong nito sabay tingin kay Felicidad na hindi na maipinta ang itsura ngayon. "M-matutulog na ako" biglang tugon ni Felicidad sabay sara ng pinto sa kaniyang silid. Napatahimik naman ang lahat lalong-lalo na sina Ernesto, Salome at Danilo. Nakalimutan nilang humahanga nga pala si Felicidad kay Senor Patricio. "Kahit kailan ay napakadaldal mo talaga kuya Nestong!" banat pa ni Salome kay Ernesto sabay hila sa patilya nito at dali-dali siyang tumakbo papasok sa kwarto ni Tay Isko at Nay Delia. "Hala ka kuya Nestong! Magpaliwanag ka kay Ate Fe!" banat naman ni Danilo sabay takbo papalabas ng bahay. napakamot naman ng P 32-10 ulo si Ernesto habang tinatawanan siya ni Roselia. "Lintik na pag-ibig oh" tawa na lang ni Ernesto sabay akbay sa kaniyang asawa at sabay silang nagtungo sa kanilang bahay kubo na limampung metro lang naman ang layo mula sa tahanan nila Salome. Kinabukasan, naalimpungatan si Salome nang marinig ang ilang pagbagsak ng sako mula sa kanilang kusina. Nakatulog pala siya sa papag sa gilid ng higaan ng kaniyang itay at inay kagabi. Hindi na rin niya nagawa pang kumatok sa kwarto nila ni Felicidad kagabi dahil hindi niya alamang sasabihin patungkol kay Patricio na umaaligid din sa kaniya. Batid niyang may pagsinta si Felicidad kay Patricio at kahit pa wala naman siyang nararamdaman para sa binata, hindi niya pa rin gusto ang ideyang mapunta ang kaniyang ate sa hambog at babaerong lalaki na tulad ni Patricio. "Nilong? Ano iyan?" tanong ni Salome nang makalabas na siya sa kwarto, tumambad sa kaniyang harapan ang apat na sako ng trigo na nakalagpak sa sahig. Pinapagpagan naman ni Danilo ang kaniyang kamay at balikat na puno na ng alikabok. "Saan mo nakuha iyan?" tanong muli ni Salome sabay lapit sa apat na sako ng trigo. Hindi na nila aalalahanin ang kanilang pagkain sa loob ng tatlong buwan. "Ibinigay na sa akin ito ni Padre Bernardo, sobra-sobra ang natatanggap na handog ng mga mamamayan para sa Simbahan" sagot ni Danilo sabay kuha ng sinaing na saba ng saging sa palayok at iyon ang kanilang almusal. Napangiti naman si Salome, kahit pala papaano ay may kabutihang taglay din si Padre Bernardo kahit pa palagi niya akong pinaparinggan at ng kaniyang pamangkin na si Senorita Florencia. Nagtungo na rin si Salome sa pugon at sumandok ng sinaing na saba saka naupo sa mesa sa tapat ni Danilo. Sabay silang kumain ng almusal. Ilang sandali pa, lumabas na rin si Felicidad sa kanilang silid. Wala pa rin itong imik kahit pa sabay siyang binati ni Danilo at Salome. Dire-diretso lang nagtungo sa palikuran si Felicidad. At makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ito at bumalik sa kwarto. nang isasara na niya ang pinto ng kaniyang kwarto ay saktong may kumatok ng tatlong ulit sa kanilang pintuan sa salas. Tatayo na sana si Salome ngunit biglang nagsalita si Felicidad "Ako na ang magbubukas" wika nito sabay tungo sa salas at binuksan ang pinto, "Magandang Umaga Binibi- " hindi na natapos ni Patricio ang kaniyang pagbati dahil biglang sinara ni Felicidad ang pinto dahil sa gulat. "Sino iyon ate Fe?" nagtatakang tanong ni Salome sabay subo ng sinaing na saging. Napasandal naman si Felicidad sa pinto habang nakahawak sa kaniyang puso. "Bakit ganiyan ang reaksyon mo ate Fe?" tanong muli ni Salome sabay tayo sa upuan at akmang magtutungo na sa salas ngunit bigla naman silang nakarinig ng katok mula sa pinto na nasa likod ng kusina. Agad naglakad papunta sa kusina si Salome, "Lumeng! Sandali! huwag mong bubuksan- " halos pabulong na sigaw ni Felicidad pero huli na ang lahat dahil nahawakan na ni Salome ang pinto sa likod ng kusina. P 32-11 "Sino ba iyan? Kay aga-aga- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin na may halong pagkairita sa kaniyang boses dahil tumambad sa harapan niya si Fidel na nakangiti habang nakatapat ang sumbrero nito sa kaniyang dibdib. "Magandang Umaga... Binibini" ngiti ni Fidel, pero biglang naisara ni Salome ang pinto dahil sa kaba. Agad siyang napasandal sa pinto sabay hawak sa kaniyang puso. Nagkatinginan sila ngayon ni Felicidad na kabadong-kabado rin dahil nasa labas lang din si Patricio. "Ano ba kayong dalawa? Magagalit si itay at inay kapag naabutan nilang hindi niyo pinagbubuksan ng pinto sina Senor Fidel at Senor Patricio" reklamo ni Danilo sabay hila kay Felicidad paalis sa tapat ng pinto, at pinabuksan si Senor Patricio. "Magandang Umaga po Senor Patricio, tuloy po kayo sa aming munting tahanan" bati ni Danilo sabay takbo naman papunta sa pinto sa kanilang kusina at sinagi si Salome upang pagbuksan ng pinto si Senor Fidel. "Magandang Umaga po Maestro!" masiglang bati ni Danilo sabay akap kay Fidel, halos isang linggo na rin siyang hindi nakakapasok sa klase ni Fidel dahil abala siya sa pagiging sacristan sa Simbahan. "Oh! Nilong! Mabuti na lang narito ka, mukhang hindi kami pagbubuksan ni Lumeng" tawa pa ni Fidel sabay ngiti at tingin ng matagal kay Salome. Maging siya mismo ay naninibago na sa kaniyang sarili dahil mula nang makilala niya si Salome ay natuto na siyang magbiro at tumawa. "Siya nga pala, may dala-dala kaming mga prutas at kakanin mula sa Balintawak sayang nga lang dahil hindi kayo nakasama, ang aga rin umuwi nila Lumeng" sabat naman ni Patricio sabay lapag ng ilang suman at prutas sa mesa. "M-maraming Salamat po mga Ginoo... ngunit ano po ang inyong sadya rito?" tanong ni Salome. Nagtungo naman sa kusina si Felicidad upang hatiran ng sinaing na saba ng saging ang dalawang panauhin. "Nabalitaan ko kasi na masama raw ang pakiramdammo Lumeng kaya umuwi na kayo nila Mang Isko at Manang Delia noong isang araw" sagot ni Patricio habang nakangisi kay Salome. Inayos-ayos pa nito ang kaniyang buhok sabay suot muli ng sumbrero. Napatingin naman si Salome kay Fidel, mukhang hindi pala sinabi ni Fidel kay Patricio na nagdahilan lang sila na masama ang pakiramdamni Salome para pumayag si Eleanor na umuwi sila. "Ikaw naman Maestro? Ano po ang inyong sadya dito?" usisa naman ni Danilo kay Fidel sabay ngisi rito. Natawa naman si Fidel dahil sa pang-aasar na ginagawa ni Danilo sa kanila ngayon. "Dinadalaw ko si Lumeng" diretsong sagot ni Fidel, muntikan pang mabulunan si Salome dahil sa hindi inaasahang sagot na iyon mula sa binata. Napaismid naman si Patricio sabay tingin kay Fidel at Salome. Nararamdaman niyang may kakaiba sa palitan ng tingin ng dalawa. Biglang lumingon si Patricio kay Fidel at seryoso itong nakatingin sa kaniya "Baka nakakalimutan mo na- " hindi na natapos pa ni Patricio ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Salome upang ibahin ang usapan. "Ah! siya nga pala... Senor Patricio, nais ko pong ipakilala sa iyo ang aking ate Felicidad" tugon ni Salome sabay tawag kay Felicidad na gulat na gulat dahil sa biglaang pagbanggit ni Salome sa kaniyang pangalan. Tumango naman si Patricio at inilahad ang kaniyang sumbrero sa tapat ng kaniyang dibdib bilang pagbati "Nagagalak akong makilala ka Binibini" tugon ni Patricio habang seryoso lang ang mukha nito. Wala sa kaniyang itsura ang sinabi niyang 'Nagagalak' siya. "A-ako rin Ginoo... n-nagagalak din akong makilala ka" sagot ni Felicidad sabay yuko upang magbigay P 32-12 galang. Muli niyang tinitigan si Patricio ngunit hindi na ito muling tumingin sa kaniya. Agad namang humawak si Salome sa braso ng kaniyang ate Fe. "Ang pagkakaalamko ay magkasing-edad lang kayo Senor Patricio at Ate Fe... ang sabi sa kalendaryong Lunar maswerte at nakatadhana ang mga taong pinanganak sa magkaparehong taon" ngiti pa ni Salome, hindi naman mapigilan ni Fidel at Danilo sa pinaggagawa at pinagsasabi ni Salome para lang paglapitin si Patricio at ang kaniyang ate. Napangiti naman si Felicidad pero wala pa ring imik si Patricio, "Ang sabi pa sa kalendaryong Lunar ay" hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Patricio. "Hindi ako naniniwala sa Kalendaryong Lunar" seryosong sagot nito sabay diretsong naglakad papalabas ng pinto. Naiwan naman silang tulala at gulat na gulat sa inasta ni Patricio, lalong-lalo na si Felicidad. "Paumanhin mga Binibini... ako na ang bahala sa aking pinsan" paalamni Fidel sabay tingin ng matagal kay Salome bago sumunod kay Patricio na dire-diretsong sumakay na sa kalesa. Napailing- iling naman si Salome habang pinagmamasdan ang galit na mukha ni Patricio. "Tsk Tsk... tingnan mo ate Fe, sadyang nakakainis talaga ang Montecarlos na iyan" tugon ni Salome, bigla namang inalis ni Felicidad ang braso niya na hawak-hawak ni Salome. "Walang taong natutuwa na inaasar siya mismo sa iba ng taong gusto niya" diretsong sagot ni Felicidad at muli itong nagkulong sa kwarto. "Lintik na pag-ibig nga naman oh" banat pa ni Danilo at ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain ng almusal. Bakit nagkaganito? Paano na? Kinahapunan, nagtungo sa bayan sa Plaza San Alfonso sina Salome, Tay Isko, Ernesto at Roselia upang magsimba. Naiwan naman sa bahay si Felicidad at Julio. Nagdahilan lang si Felicidad na masama ang kaniyang pakiramdamkahit pa alamnaman nilang lahat na labis itong nasaktan dahil sa inasal ni Patricio kaninang umaga. Nasa labas sila ngayon, sa tabi ng ginagawang Simbahan ng San Alfonso. Si Padre Bernardo ang nangunguna sa misa, nakatayo siya sa isang maliit na entablado na gawa sa kahoy habang binabasa ang Banal na Bibliya na tanging mga Prayle lamang ang maaaring magbasa nito. Masigla at naglalakad paikot si Padre Bernardo habang binabasa ang isang berso mula sa Bibliya. Ayon sa 1 Corinto 13:4 - 7: Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pagibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas. "Iyan ang kahulugan ng Pag-ibig" biglang tugon ni Fidel malapit sa tainga ni Salome dahilan para mapaatras si Salome dahil sa gulat at mapalingon sa kaniyang likuran. "Nagulat na naman ba kita Binibini" muling ngiti ni Fidel kay Salome habang ang kaniyang kamay ay nasa kaniyang likuran. Ilang segundong natulala si Salome sa kagwapuhan at kakisigan ni Fidel na ngayon ay mukhang maamong bata na nakangiti sa kaniya. Matangkad si Fidel at hanggang balikat lamang siya nito kung kaya't yumuko pa si Fidel upang bumulong sa P 32-13 kaniyang likuran. "S-senor Fidel, n-narito po pala kayo" iyon na lamang ang naisagot ni Salome, hindi na rin siya makapag-isip ng maayos dahil sa lakas ng kabog ng kaniyang puso, lalo na't napakalapit lang ng binata sa kaniya, amoy na amoy niya ang mabangong amoy rosas na pabango nito na mula pa sa Ehipto. Napalingon si Salome sa kaniyang itay, kuya Ernesto at ate Roselia na nasa harapan lang nila at taimtimna nakikinig sa pangaral ni Padre Bernardo. "Iyan ang paborito kong berso sa Bibliya" patuloy pa ni Fidel habang nakikinig sa misa. Napatingin na lang din si Salome sa harapan, at pilit na inintindi ang bersong iyon ngunit hindi siya mapakali dahil sa presensiya ni Fidel na nasa likuran lamang niya, idagdag pa ang nakakaakit na bango ng binata na hindi niya mapigilang amuyin. "Kung iisipin, sadyang napaka-perpekto ng pag-ibig, at ang mga perpektong bagay ay mahirap makamit..." wika pa ni Fidel may bahid ng katotohanan ang kaniyang sinabi kung kaya't napalingon si Salome sa kaniya. "Sa pag-iibig nagsisimula ang lahat Lumeng... pag-ibig sa Diyos, pag-ibig sa buhay, pag-ibig sa pamilya, pag-ibig sa bayan, pag-ibig sa kaibigan at pag-ibig sa iisang tao..." tugon pa ni Fidel habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. "Ngunit hindi lahat nagtatapos sa pag-ibig dahil kung minsan... hindi man makamtan ang pag-ibig, mahalaga pa rin makamtan ang kapayapaan sa puso" wika pa ni Fidel sabay turo sa kaniyang puso. Halos wala nang kurap na nakalingon sa kaniya si Salome. Ilang sandali pa, nagsimulang pumatak ang ulan. Napatingin ang lahat sa kalangitan, mataas naman ang sikat ng araw ngunit patuloy ang pagpatak ng ulan. "At ang ibig sabihin ng iyong pangalan 'Salome' ay.... Kapayapaan" tugon pa ni Fidel, kasabay niyon ang pagihip ng marahan na hangin sa kanilang paligid. Nagsimula maghanap ng masisilungan ang mga tao, maging si Padre Bernardo ay bumaba na rin sa entablado dahil sa biglaang pagpatak ng ulan. Taliwas sa kanilang lahat, nanatili lang na nakatayo sa gitna si Fidel at Salome, animo'y pareho nilang hindi alintana ang patuloy na pagpatak ng ulan. "At kahit anong mangyari... hindi man ito magtapos sa pag-ibig... umaasa akong mahahanap mo ang kapayapaan sa puso mo Lumeng..." patuloy ni Fidel, sabay ngiti ng marahan kay Salome. Ang kapayapaan ay kakambal ng Pag-ibig... ngunit kadalasan ang Pag-ibig ang nagiging sanhi ng kaguluhan. Paano ko makakamtan ang Kapayapaan kung sa simula pa lang ng kabanata ng ating kwento ay nakasulat na ang lungkot na kaakibat nito? Magsasalita na sana si Salome ngunit napatigil ang lahat nang biglang sumigaw ang isang Kastilang guardia civil "�LADR�N!" (THIEF!) sigaw nito sabay paputok ng tatlong beses dahilan para mapasigaw ang lahat ng tao at magsitakbuhan. Ang ilan ay nakabanggan pa at natapakan ang isa't-isa. Agad namang pumaligid ang mga guardia civil paikot sa plaza San Alfonso at prinotektahan ang mga principales na na malapit sa entablado. Agad hinawakan ni Fidel ang kamay ni Salome, "Umalis na tayo rito!" sigaw ng binata, napatingin naman si Salome sa kaniyang itay, kuya Ernesto at Ate Roselia na agad din siyang hinila papalayo. Muling napalingon si Salome sa kinaroroonan ng guardia civil na nagpaputok ng baril. Parang biglang huminto ang pag-ikot ng paligid ni Salome, animo'y nabuhusan siya ng napakalamig na tubig na naging dahilan upang hindi na siya makagalaw ngayon sa kaniyang kinatatayuan nang makitang P 32-14 nagkalaybang dugo at nakahandusay na sa lupa si... Danilo. ********************* A/N: Ang Pag-aaklas ni Pedro Ladia noong 1643 at ang Tondo Conspiracy na kilala rin bilang "Maharlika Conspiracy of 1587 -1588" ay nakatala rin sa ating Kasaysayan. Narito po ang ilan sa mga link upang mas lalo niyong maunawaan ang mga rebolusyon na pinangunahan ng ilang mga Datu, Rajah at Maharlika noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Source of 1643 Pedro Ladia Revolt: http://www.elaput.org/ladia.htm The Philippine Islands, 1493-1898, by Emma Helen Blair and James A. Robertson, Manila, 1903-1909, Bank of the Philippine Islands, commemorative CD re-issue, 1998 Source of Tondi Conspiracy 1587 - 1588: https://www.slideshare.net/ilovejuliuspatrick/tondo-conspiracy https://prezi.com/cvbtcy-wk8do/the-tondo-conspiracy-1587-88/ https://sites.google.com/site/truelakandula/urbandictionaryonlakandula WTPAKENINGSHITUy atleast"NAGSERYOSO"siya???? P 32-15 Kabanata f(x - 31) 39.7K 1.8K 1.3K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 31] Our Asymptotically Love Story (page 227 - 243) Ika-LabingLimang Kabanata Filipinas 1688 "LADRON! (THIEF!) malakas na sigaw ng isang guardia civil na nagpasiklab ng takot sa mga taong nakikinig ng misa. Kasunod nito ay umalingawngaw sa paligid ang tatlong magkakasunod na putok ng baril dahilan para mapasigaw ang lahat ng tao at magsitakbuhan. Ang ilan ay nagkabanggan pa at natapakan ang isa't-isa. Agad namang pumaligid ang mga guardia civil paikot sa plaza San Alfonso at prinotektahan ang mga principales na malapit sa entablado. Agad hinawakan ni Fidel ang kamay ni Salome, "Umalis na tayo rito!" sigaw ng binata, napatingin naman si Salome sa kaniyang itay, kuya Ernesto at Ate Roselia na agad din siyang hinila papalayo. Muling napalingon si Salome sa kinaroroonan ng guardia civil na nagpaputok ng baril. Parang biglang huminto ang pag-ikot ng kaniyang paligid, animo'y nabuhusan siya ng napakalamig na tubig na naging dahilan upang hindi na siya makagalaw ngayon sa kaniyang kinatatayuan nang makitang nagkalat ang dugo at nakahandusay na sa lupa si... Danilo. "NILONG! HINDI!" sigaw ni Salome sabay piglas sa pagkakahawak ni Fidel at dali-dali siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Danilo ngunit napatigil siya nang bigla siyang niyakap ni Fidel pabalik upang pigilan dahil kasalukuyang pinaghahabol ng mga guardia civil ang dalawa pang binatilyo na kumakaripas ng takbo papunta sa kagubatan. "DANILO! ANAK!" sigaw ni Tay Isko at siyang tumakbo papunta kay Danilo na nakahandusay pa rin sa lupa ngunit maging siya ay nakatikimng lupit mula sa mga bantay. "MIERDA!" (SHIT!) sigaw ng isang guardia civil sabay hampas sa likod ni Tay Isko dahilan para mapasubsob din ito sa lupa. "�BAJATE! �MATAR� A ESTE LADR�N!" (GET OFF! I WILL KILL THIS THIEF!) buwelta pa nito sabay hampas at sipa sa likod ni Tay Isko. kasalukuyang kinakapkapan ngayon ng P 33-1 iba pang mga guardia civil ang walang malay na katawan ni Danilo habang patuloy na dumadanak ang dugo mula sa tiyan, labi at binti ng binatilyo. Kasabay niyon ay agad nilang hinila papalayo si Tay Isko at siyang ginulpi naman ng tatlo pang guardia. "�De tal palo tal astilla! Los Indios son realmente dolor en el culo!" (Like father, Like son! Indios are really pain in the ass!) buwelta pa ng mga ito habang patuloy na tinatadyakan at hinahampas si Tay Isko gamit ang kanilang mahahabang mga baril. "ITAAAY!" "TAMAAA NA! PAKIUSAP!" "MGA H*YOP!" galit na sigaw ni Ernesto sabay tulak sa mga guardia at yakap sa ama. Inako niya ang hampas at sipa ng tatlong guardia civil sa kaniyang ama. "TAMA NA!" pagmamakaawa pa ni Roselia pero sinagi lang siya ng malupit na Kastilang guardia. Hindi naman sila makalapit kay Danilo dahil patuloy pa rin itong kinakapkapan ng ilang mga guardia. "�PERS�GUELOS!" (CHASE THEM!) sigaw pa ni Padre Bernardo sabay turo sa dalawa pang binatilyo na halos magkandarapa na sa pagtahak sa masukal na kagubatan na nasa likod ng ginagawang Simbahan. "DETENER!" (STOP!)" biglang sigaw ni Fidel dahilan para mapatigil ang mga guardia, gulat namang napalingon sa kaniya sina Padre Bernardo, Gobernador Filimon Alfonso, Don Antonio Flores at Senorita Eleanor. Maging si Salome na hawak-hawak niya ay napatigil sa pag-iyak at gulat ding napalingon sa kaniya. "Necesitas pruebas para probar que es un ladr�n. Un juicio debe ser hecho antes del castigo" (You need evidence to prove that he is a thief. A trial must be done before punishment) buwelta ni Fidel habang seryosong nakatingin sa mga kapwa Kastilang nasa posisyon ng Gobyerno. "Y matar a un ni�o inocente s�lo demostrar� lo sucio del sistema de Justicia aqu�" ( And killing an innocent child will only prove how dirty the system of Justice here) patuloy pa ni Fidel sabay tingin kay Gobernador Filimon Alfonso na napatikhim pa at napaiwas ng tingin sabay inayos ang kaniyang sumbrero. Napahinga ito ng malalimsaka umakyat sa maliit na entablado na tinatayuan kanina ni Padre Bernardo. Nakatutok ang lahat ng mamayan ng San Alfonso sa kaniyang sasabihin, mga buntong- hininga at mahihinang hikbi lamang ang naririnig na ingay sa paligid. Ang naging pag-aresto at hakbang ng pagpataw ng parusa ng mga guardia sa binatilyong si Danilo at ang ama at kapatid nito na si Tay Isko at Ernesto ay labis na nagdulot ng matinding takot sa lahat ng mamamayan ng San Alfonso. "�Por lo tanto, declaro detenerlos! Y haremos un juicio ma�ana antes del crep�sculo" (I therefore declare to arrest them! And we will conduct a trial tomorrow before twilight) seryosong tugon ni Gobernador Filimon Alfonso habang nakatingin din ng diretso kay Fidel. Animo'y may pasibol na hidwaan at hindi P 33-2 pagkakaunawaan sa kanilang dalawa. Bumaba na ang Gobernador sa entablado at dire-diretso itong sumakay sa kalesa, pinigilan pa siya ni Senorita Eleanor ngunit pinilit din niyang sumakay ang pamangkin. Nabalot naman ng pagtataka at takot si Eleanor habang tinatanaw si Fidel. Batid niyang ang ginawang pagtatanggol ni Fidel sa mga Indio at pagkuwestiyon sa pangyayari kanina ay nakapagdulot ng matinding kahihiyan sa kaniyang tiyo na siyang Gobernador ng bayan. Nang gabi ring iyon ay hindi na nag-aksaya pa ng oras sina Salome, Nay Delia, Felicidad at Roselia. Halos tatlong oras na silang nakatayo sa labas ng himpilan ng mga guardia civil kung saan nakakulong sina Tay Isko, Ernesto at Danilo. Bagama't mabigat ay hindi alintana ni Salome ang dala-dala niyang malaking palayok na naglalaman ng halamang gamot para sa sugat na tinamo ng kaniyang itay at dalawang kapatid. Halos wala ng katao-tao na naglalakad sa kalsada dahil sa nangyaring kaguluhan kanina sa plaza San Alfonso. Tanging mga ingay na lamang mula sa kuliglig at mga yapak ng mga nagroronda na mga guardia civil ang umaalingangaw sa buong paligid. "Por favor d�janos entrar" (Please let us in) pakiusap ni Nay Delia bigla namang natawa ang dalawang bantay na guardia sa labas nang magsalita si Nay Delia sa wikang Kastila. "Un indio que habla nuestro idioma" (An Indio speaking our language) tawa nila habang minamaliit ang mga kababaihan kanina pa nakikiusap na madalaw ang mga bihag. Ilang sandali pa ay biglang napatigil sa pagtatawanan at pangungutya ang dalawang guardia civil nang huminto ang isang kalesa sa kanilang tapat. Agad silang yumukod at nagbigay galang nang bumama si Senorita Eleanor Alfonso sa kalesang iyon. "No es correcto dejar que las mujeres esperen aqu� afuera, �es esto lo que un hombre debe actuar?" (It is not right to let the women wait here outside, is this what a man should act?) seryosong tugon ni Eleanor, kasunod namang bumaba sa kalesa ang dalawang batang lalaki na kaniyang pamangkin na anak ni Gobernador Filimon Alfonso. "Y no es correcto burlarse de nosotros ... mujeres" (And it is not right to make fun with us... women) saad pa ni Senorita Eleanor dahilan para manginig sa kaba ang dalawang guardia civil. Hawak niya sa kaniyang magkabilang kamay ang dalawang pamangkin na idadaan niya sana sa pamilihan bago sila umuwi. Napalingon si Senorita Eleanor sa kinatatayuan nila Salome, nakaramdamng awa ang dalaga dahil sa kalunos-lunos na sinapit ng pamilya ni Salome. "D�jales entrar" (Let them in) utos ni Eleanor sa dalawang guardia civil na nagkatinginan pa dahil sa gulat. "Pero el Gobernador nos orden� ----" (But the Governor ordered us- ) P 33-3 "Dije que los dejara entrar" (I said let them in) muling utos ni Eleanor, napakibit balikat na lang ang dalawang guardia saka binuksan ang pinto. Agad hinawakan ni Salome ang kamay ni Eleanor upang magpasalamat ngunit umiwas ang Senorita. "Es lo menos que pude hacer ..." (It is the least I could do...) wika ni Eleanor sabay tingin kay Salome at sa pamilya nito. Nagtataka namang napatingin sa kanila ang dalawang batang Alfonso bago ito pinasakay muli ni Eleanor sa kalesa. "M-maraming Salamat po Senorita Eleanor" muling wika ni Salome ngunit isang tingin lamang ang isinukli sa kaniya ng Senorita. Amoy ng tabako ang sumalubong sa kanila nang makapasok sila sa himpilan ng mga guardia civil. madilim ang buong paligid, tanging mga ilaw lamang mula sa maliliit na sulo ang nagbibigay liwanag sa loob ng istruktura na gawa sa makapal na bato. Pahaba at makipot ang daan, may sampung selda na nakahelera sa bawat gilid ng pasilyo. Ilang sandali pa, ay natanaw na nila ang dalawang selda sa pinakadulo. Naunang tumakbo si Roselia at agad itong napabagsak sa sahig nang makita ang kalunos-lunos na kalagayan ng kaniyang asawa na si Ernesto. "Nestong!" wika ni Roselia habang dahan-dahan na inaabot ang kamay ni Ernesto sa pagitan ng rehas. Sa katabing selda ay naroon naman si Danilo na hinang-hina habang nakahandusay sa sahig. Nakapulupot na sa tiyan at binti nito ang damit ni Tay Isko na hinati sa dalawa upang pigilan ang pagdanak ng dugo. Habang bakas na bakas naman sa katawan ni Tay Isko ang mga sugat, galos at pasa na tinamo niya nang bugbugin siya kanina sa plaza. "Itaay! Nilong!" Naalimpungatan si Tay Isko habang nakasandal ito sa malamig na pader na gawa sa bato, napatong naman ang ulo ni Danilo sa kaniyang binti. "P-paano kayo- " "Ssshh... sa ngayon Mahal, kailangan munang magamot ang inyong mga sugat" tugon ni Nay Delia na kahit nanginginig ay nagawa pa rin niyang ngumiti upang itago ang takot at sakit na nararamdaman. "Baka mahuli kayo ng mga guardia..." wika pa ni Tay Isko, agad namang isinawsaw ni Nay Delia at Salome ang piraso ng tela sa halamang gamot na dala nila at dahan-dahan itong ipinahid sa katawan ni Tay Isko. Si Salome naman ang nag-angat sa ulo ni Danilo na kinakapos na ng hininga. Mabuti na lang dahil malalaki ang pagitan ng rehas kung kaya't hindi sila nahihirapan na maabot ang isa't-isa. Agad nilinis ni Salome ang mga nabuong dugo sa tiyan at binti ni Danilo bago niya ito binuhusan ng katas ng bayabas. Napasigaw naman sa sakit si Danilo ngunit agad hinagkan ni Felicidad ang ulo ng kapatid. Mabilis na itinali ni Salome ang piraso ng tela sa sugat ni Danilo upang hindi na dumanak muli ang dugo. Hindi naman niya mapigilang maluha habang ginagamot ang kapatid dahil namumutla na ito at hinang-hina na rin. Ang paraang iyon ay natutunan niya pa mula sa kaniyang inay, at dahil wala na sa sarili si Nay Delia, siya na mismo ang nagpataw ng paunang lunas kay Danilo. Ilang sandali pa, ay natapos na rin si Roselia sa paglilinis ng mga galos at sugat na natamo ni Ernesto. P 33-4 Habang si Nay Delia naman ay maingat na ipinapahid ang gamot sa sugat ni Tay Isko. Nabasag ang katahimikan sa pagitan nilang lahat nang magsalita si Tay Isko. "Natutuwa akong makita na hanggang dito ay magkakasama at nagtutulungan pa rin tayo" wika ni Tay Isko dahilan para mapatigil sila sa kani-kanilang mga gawain. "Nasaan nga pala si Julio?" "Iniwan po muna namin siya Itay sa tahanan nila Aling Teodora at Ising" sagot ni Felicidad, napatango lang si Tay Isko at hinawakan ang kamay ni Felicidad. "Ikaw... ang una naming prinsesa, nang isilang ka ng iyong ina hindi matatawaran ang saya sa amin dahil matagal nang pangarap ng iyong ina na magkaroon ng babaeng anak, Naalala ko pa na halos araw-araw at gabi-gabi nagdarasal sa harap ng imahe ni Buddha ang iyong ina noong ipinagbubuntis ka niya" panimula ni Tay Isko sabay hawak sa mukha ni Felicidad. "Hindi naman kami nabigo dahil biniyayaan kami ng napakagandang dilag... na masunurin at maalalahanin" patuloy pa ni Tay Isko, kasabay niyon ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Felicidad at agad siyang yumakap sa kaniyang tatay. Hindi man siya ganoon kalapit sa kaniyang itay dahil palaging ang kaniyang inay ang kasama niya ngunit kahit ganoon ay ramdampa rin niya ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang ama. Napatingin naman si Tay Isko kay Danilo na nakahiga pa rin sa kaniyang binti. Muli niyang hinimas-himas ang ulo nito. "Ang pinaka-pilyo kong anak na binatilyo... Danilo. Alammo bang sa tuwing nakikita kita ay napapangiti ako, lalo na sa tuwing ibabalita mo sa akin ang iyong karanasan sa mga pinapasukan mong mga trabaho, noon pa man ay natutuwa na ako dahil marunong ka ng magbanat ng buto sa murang edad, at naniniwala ako na hindi mo magagawang magnakaw... hindi ba anak?" Tahimik lang silang lahat na nakikinig ngayon sa sinasabi ni Tay Isko, animo'y bawat salitang binibitiwan nito ay nagpapabalik sa mga alaala ng pamilya nila noong masaya at payapa pa silang namumuhay sa Tondo. "Ano po ba ang tinutukoy nilang ninakaw ni Danilo?" tanong ni Felicidad, napahinga naman ng malalimsi Tay Isko bago muling nagsalita "Tinangka raw ipuslit ni Danilo, Paterno at Felipe ang limang baso na gawa sa tanso na gamit ng Simbahan" "Imposible! Hindi iyon magagawa ni Danilo... at hindi rin iyon gagawin ni Felipe at ni Paterno... Hindi ba't asawa na ni Paterno si Piyang? Imposibleng gagawa ng ganoon si Paterno dahil malalagay sa panganib ang kaniyang pamilya" wika ni Felicidad na sinang-ayunan naman ni Roselia. Hindi naman nakapagsalita si Salome, naalaala niya bigla ang pamilyar na itsura ng dalawang lalaki na kumakaripas din ng takbo papalayo nang magkagulo sa plaza. Nahahawig ang dalawang lalaking iyon na tinutugis ng mga guardia kay Paterno at Felipe. "Nahuli ba ang dalawang binata na hinahabol din ng mga guardia kanina?" tanong naman ni Roselia, napailing naman si Tay Isko bilang sagot. "Kung gayon, paano nasabing si Paterno at Felipe ay kasama ni Danilo? Paano nasabing nagnakaw sila?" habol pa ni Roselia. Pare-pareho na silang nag-iisip ng malalim ngayon. "Matapos ang gulo kanina sa plaza, ipinatawag at pinapila ang lahat ng kalalakihan sa San Alfonso at napagalaman na tanging si Paterno at Felipe ang nawawala sa lahat ng listahan. Ang listahang ginamit ay ang listahan ng mga pangalan ng mga kalalakihan na kasapi sa polo y servicios, tiningnan din nila ang listahan ng lahat ng mamamayan na nagbabayad ng Tributo... tanging si Paterno at Felipe lamang ang nawawala sa buong bayan kanina" sagot ni Ernesto. Maliit pa lamang ang bilang ng populasyon sa bayan ng San Alfonso kung kaya't halos magkakakilala ang mga tao. P 33-5 Naalala bigla ni Salome noong isang araw na nakita niyang may bitbit na apat na sakong trigo si Danilo. Ibinigay na sa akin ito ni Padre Bernardo, sobra-sobra ang natatanggap na handog ng mga mamamayan para sa Simbahan - Danilo "Itay! Nasabi po sa akin ni Danilo na ibinigay raw sa kaniya ni Padre Bernardo ang apat na sako ng trigo na nasa ating tahanan" sabat ni Salome, hindi magawang makapagsalita ni Danilo dahil sobrang nanghihina pa ito. "Maaaring pakana ito ng prayleng iyon... ngunit bakit? Bakit niya ipapahamak si Danilo?" tugon ni Ernesto. Wala namang nakaimik sa kanilang lahat, pare-parehong hinahanap ang kasagutan sa kanilang mga katanungan. "Ipaglalaban natin iyan sa hukuman bukas!" patuloy pa ni Ernesto, bagama't nanghihina na, hindi pa rin napapawi ang galit na kaniyang nararamdaman. "Sa tingin niyo ba ay may pag-asa tayo sa hukuman? Na ang magsisilbing hukomay isang Kastila rin?" tugon ni Nay Delia, isang malakas na sampal ng realidad ang tumama sa kanilang lahat. Sandali silang natahimik, ang Sistema ng hustisya para sa kanilang mga Indio ay tulad ng pagsuong sa butas ng karayom. "Ngunit kakampi natin ang bayan, batid ng lahat na hinding-hindi magagawa ni Danilo, Paterno at Felipe ang magnakaw!" wika pa ni Ernesto, magsasalita pa sana siya ngunit nagsalita na ang kaniyang ama. "Ikaw Ernesto ang pinaka-matanda sa iyong mga kapatid, kung kaya't ikaw rin ang pinaka- nararapat na umunawa sa lahat... sa mundong ito walang pagkakapantay-pantay, ang mga maliliit ay patuloy na tatapakan ng mga malalaki, ang mahihirap ay patuloy na pahihirapan ng mga malalakas, ang mga mababa ay patuloy na ibababa ng mga nasa itaas" pangaral ni Tay Isko, kahit mahirap ay pilit niyang inabot ang balikat ni Ernesto na nasa kabilang selda. "Upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay... kailangang lumaban ang mga maliliit upang hindi na tapaktapakan pa, kailangang umahon sa kahirapan ang mahihirap upang sila naman ang maging malakas... at upang makamtamiyon... kailangang umakyat patungo sa itaas ang mga aba nang sa gayon ay magapi ang mga nasa itaas ng kapangyarihan" bagama't nanghihina ay nagawang palakasin ni Tay Isko ang loob ng kaniyang pamilya. "Mahal... anuman ang iyong nais ipabatid, patuloy ko pa rin inaalala ang buhay na pangako mo sa ating pamilya nang magtungo tayo sa bayang ito" wika ni Nay Delia sabay hawak ng mahigpit sa kamay ng kaniyang asawa. Ang mga salita nito ay nagpapalakas nga sa kanilang mga kalooban, nagpapalakas sa puntong nag-uudyok sa digmaan. Tila isang pana na tumama sa puso ni Tay Isko ang mga salitang binitiwan ng kaniyang asawa. Ang pangakong kaniyang binitiwan nang lisanin nila ang bayang kinalakihan, ang bayan ng Tondo. Mahal... huwag kang mangamba, Isang buhay na payapa at masaya ang ating haharapin sa bayan ng San Alfonso. Ating masasaksihan ang paglaki ng ating mga anak hanggang sa magkaroon sila ng kanikaniyang pamilya. Masasaksihan natin ang paglaki ng ating mga inapo at ang unti-unting pagbabago ng mundo. P 33-6 Hindi na nakapagsalita pa si Tay Isko, tahimik na pagtangis at yakap na lamang sa kaniyang asawa ang kaniyang nagawa. Ang pangako na malabo nang mangyari ay mababaon na lamang sa alaala ng bawat isa. Agad napayakap ang magkakapatid sa kanilang ina at ama. Inaalala ang mga sandali na hawak kamay nilang kinakaharap ang lahat ng problema. Sa huling pagkakataon ay muling iniangat ni Tay Isko ang kaniyang ulo, at ang tumatangis na si Salome ang kaniyang unang nakita. "Lumeng... sa tuwing binibigkas ko ang iyong pangalan ay nagkakaroon ako ng Kapayapaan. Naalala ko noong panahong ipinagbubuntis ka pa ng iyong ina, inakala naming isa kang lalaki dahil ikaw daw ay malikot sa sinapupunan ng iyong ina" ngiti ni Tay Isko habang pinapahid ang luha ni Salome. Sa kanilang limang magkakapatid si Salome ang pinakamalapit at pinakamalambing sa kaniyang tatay. Palagi siyang katuwang nito sa pangingisda, pagsasaka, pag-aararo, paghuhulma ng palayok, pagkakarpintero, pagpapanday at paggawa ng mga armas noong bata pa siya. "H-hindi ko pa pala nasasabi sa iyo anak na ako mismo ang pumili ng iyong pangalan... Salome" muling wika ni Tay Isko habang nakangiti ito, bagama't patuloy rin ang pagtulo ng mga luha sa kaniyang mga mata, nais pa rin niyang pagaanin ang loob ng kaniyang paboritong anak. "Kapayapaan ang dala mo sa aming lahat... at naniniwala akong sa buhay na ito mahahanap mo rin ang Kapayapaan anak" tugon ni Tay Isko sabay yakap kay Salome. Yumakap na rin si Nay Delia, Felicidad, Roselia at Ernesto sa kanila. Sa pagkakataong iyon, hindi man nila sabihin, hindi man nila isipin, batid nila na ang panganib na paparating sa kanilang pamilya ay malapit na nilang kaharapin. "Nay... kumain na po kayo" pakiusap ni Salome sabay abot ng mangkok ng lugaw kay Nay Delia na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagtangis. Mag-hahatinggabi na ngunit ni isa sa kanila ay hindi pa rin natutulog. Sa kabilang kwarto naman ay inaaliw ni Felicidad ang batang si Julio na walang kamalay-malay na nasa bingit na ng kamatayan ang kaniyang itay, kuya Ernesto at kuya Danilo. Kinukuwentuhan na lang ni Felicidad ng mga alamat si Julio habang pinapatulog ito. Samantala, nasa salas naman si Roselia at patuloy na nanalangin hawak-hawak ang kaniyang rosaryo. Magaapat na oras na siyang hindi tumitigil sa pananalangin habang patuloy ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. Labis siyang nag-aalala sa kalagayan ng kaniyang asawa na si Ernesto. "Kung nakinig lamang sana ako sa mga banta, kung hindi ko sana binalewala ang mga senyales na aking nakikita, kung hindi sana ako umasa na mamumuhay tayo rito ng payapa... hindi sana natin sinapit ang lahat ng ito" tugon ni Nay Delia habang nakatulala sa tapat ng bintana, kasabay niyon ay ang walang awat na pagpatak ng kaniyang luha. P 33-7 Ngayon na lamang muli nakita ni Salome na umiyak ang kaniyang Inay, at masakit para sa kaniya ang makitang nagkakaganoon ang kaniyang nanay. "S-siguradong malulungkot po si itay kapag hindi po kayo kumain" saad ni Salome sabay abot muli ng mangkok ng lugaw sa kaniyang inay pero hindi pa rin nito pinansin ang pagkain. "Wala ng mas lulungkot pa sa katotohanang ikaw ay maiiwang mag-isa..." muling tugon ni Nay Delia habang nakatulala sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang unti-unting pagpatak ng ulan na nagpalala sa kalungkutang kanilang nararamdaman. "Inay, huwag niyong sabihin iyan" tugon ni Salome ngunit nanatili lang tulala ang kaniyang inay sa tapat ng bintana. "Tulad ng malamig na ihip ng hangin sa gabi, Tulad ng napakadilimna paligid sa ilalimng kabilugan ng buwan at Tulad ng walang humpay na pagpatak ng ulan... Ang kalungkutang nararanasan ng puso ng taong naghahanda na sa katapusan" muling saad ni Nay Delia na animo'y wala sa sarili. Dahan-dahan namang napatingin si Salome sa labas ng bintana, maging siya ay nakaramdamng kakaibang kalungkutan habang pinagmamasdan ang patuloy na pagpatak ng ulan. Wala na ngang mas lulungkot pa sa kalungkutang hatid ng bawat patak ng ulan... Makalipas ang dalawang oras, naalimpungatan si Salome nang makarinig siya nang kaluskos mula sa labas ng kanilang bahay. hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya kanina sa papag ng kuwarto sa tabi ng kaniyang inay. Paupos na rin ang liwanag mula sa kandila na nasa tabi niya, at napangiti siya ng kaunti dahil sa wakas ay nakatulog din pala ang kaniyang ina. Napatingin siya sa mangkok ng lugaw sa gilid nito at napahinga na lang ng malalimdahil hindi ito ginalaw ng kaniyang inay. Ilang sandali pa, nakarinig muli siya ng kaluskos mula sa labas kung kaya't dali-dali siyang bumangon upang isara ang binata ngunit nagulat siya nang biglang may kamay na humarang sa kanilang bintana upang hindi ito maisara. Muntikan na siyang mapasigaw dahil sa gulat ngunit biglang tinakpan ng taong iyon ang kaniyang bibig, at agad siyang hinila papalapit sa bintana sabay hawak sa kaniyang baywang upang hindi siya makagalaw. "Ako ito..." bulong nito, nanlaki naman ang mga mata ni Salome nang makilala ang boses at ngiti ng taong iyon. Senor Fidel? A-anong ginagawa niya rito? "Sumunod ka sa akin, hihintayin kita sa labas ng inyong tahanan" bulong pa ni Fidel at dahan-dahan na niyang binitiwan si Salome. Ilan segundo ring natulala ang dalaga dahil sa naging tagpo nila. napahawak siya sa P 33-8 tapat ng kaniyang puso dahil sa lakas ng pagkabog nito. Napahawak rin siya sa kaniyang labi at baywang na kung saan ramdamna ramdampa rin niya ang mainit na haplos ng binata. Natauhan lamang siya nang muling sumulip si Fidel sa kanilang bintana, "Lumeng?" muling tawag nito. Nakabalot ng itimna panaklob sa mukha ang binata at may suot din itong itimna sumbrero. Ang kaniyang kasuotan ay nababalot din ng itim. "O-opo Senor" sagot ni Salome sabay hakbang ng dahan-dahan palabas sa silid ng kaniyang inay. Nang makalabas na siya sa kwarto, naabutan niyang nakatulog na rin ang kaniyang ate Roselia sa salas habang yakap-yakap nito ang rosaryo, natuyo na rin ang kaniyang luha at pawis na naghalo. Sumilip din muna si Salome sa silid ng kaniyang ate Fe at nakita niyang tulog na rin ito habang yakap-yakap si Julio. Pinatay na muna niya ang mga naiwang sindi ng kandila, saka binitbit ang gasera na nasa ibabaw ng kanilang hapag. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa pinto sa likod ng kanilang kusina, at nang buksan niya ang pinto agad sumalubong sa kaniya ang malamig na hangin na hatid ng ulan, maging ang talamsik ng tubig ulan ay sumaboy rin sa kaniyang mukha at katawan. Mabuti na lamang dahil nasa gilid lamang ng pinto si Fidel at agad ibinalot ng binata ang isang makapal na talukbong na kulay itimsa kaniya. Agad siyang inalalayan nito papalabas sa pinto habang hawak-hawak ang kaniyang balikat. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay wala ng nagawa pa si Salome kundi sumunod kay Fidel kung saan man siya nito dadalhin. Tinahak nila ang daan gamit lamang liwanag mula sa gaserang dala ni Salome, nakaakbay sa kaniya ang binata habang magkasalo sila sa malaking kulay itimna talukbong upang panangga sa ulan. Ilang sandali pa ay narating na nila ang isang malaking puno na nasa likod lamang ng maliit na barong-barong ng pamilya Aguantar. Medyo may kalayuan ito sa kanilang tahanan kung kaya't hindi na nila kailangan pang mag-usap ng pabulong. Nabalot na rin ng putik ang yapak at dulo ng saya ni Salome dahil sa maputik na daan na kanilang tinahak. Mabuti na lamang dahil hindi siya gaano nabasa dahil sa makapal na talukbong na ibinalot sa kaniya ni Fidel. "Sshh... huwag kang maingay Carisa" suway ni Fidel sa itimna kabayong nakatali sa malaking puno na kanilang sinisilungan na ngayon. Nanlaki ang mga mata ni Salome nang makita ang tatlo pang kabayo sa likuran nila. tanging ang kabayo lamang ni Fidel na si 'Carisa' ang walang nakasabit na kalesa. Habang ang tatlo pang kabayo ay punong-puno ng kagamitan. "M-mang Berto?" gulat na tugon ni Salome nang makilala ang isang lalaki na abala sa pagtatali ng mga kagamitan sa isang kalesa. "Mang Kiko?" muling tugon ni Salome nang makita ang isa pang lalaki na naghahakot ng gamit. Hindi narinig ni Mang Berto at Mang Kiko ang pagtawag sa kanila ni Salome dahil abala ang mga ito sa pagbabalik-panaog sa kani-kanilang mga tahanan. Nagtatakang napalingon si Salome sa paligid, ang limang pamilya na kasama nilang nagtungo rito sa bayan ng San Alfonso ay nag-iimpake na ngayon. P 33-9 "Ito ang plano Lumeng... lilisanin niyo ngayong gabi ang lugar na ito" narinig niyang tugon ni Fidel mula sa kaniyang likuran. Agad siyang napalingon sa binata, ramdamniya ang lungkot sa tono ng pananalita nito. "N-ngunit... paano si itay? Si kuya Ernesto? Si Nilong?" pag-aalala ni Salome, kasabay naman niyon ang pagtakbo ni Mang Berto papunta sa tahanan nila Salome upang gisingin at hikayatin na mag-impake na ang buong pamilya Aguantar. "Nasa sampung guardia lamang ang bantay sa himipilan ng mga guardia civil, naroon na sina Mang Pedro at ang ilang kalalakihan na kasama ng inyong pamilya at bago sumikat ang araw itatakas nila ang iyong itay at mga kapatid" sagot ni Fidel sabay hakbang papalapit kay Salome. Napatigil si Salome nang marinig ang huling sinabi ni Fidel 'Itatakas nila ang iyong itay at mga kapatid' "Ngunit-Hindi, Delikado ang gagawin nila- " "Wala nang ibang paraan... hindi tayo makakaasa sa pantay na hustisya ng hukuman para sa inyo" sagot ni Fidel, ang mga salita niyang iyon ang mas lalong nagpalinaw kay Salome na nasa magkaibang katayuan nga sila ni Fidel. Isa siyang hamak na Indio na may dugong Intsik. At ang lalaking nasa harapan naman niya ay isang Kastila... isang mayaman, kilala at tinitingalang Kastila. "Sa dulo ng lawa ng luha nakaabang ang tatlong bangka na inyong gagamitin upang makatawid sa kabilang isla, batid ni Patricio ang planong ito, kasalukuyan siyang nag-aabang ngayon sa labas ng himpilan ng mga guardia civil kung sakaling magkagulo ay agad nilang patatahimikin ang tensyon" saad pa ni Fidel, nanlaki naman ang mga mata ni Salome sa gulat. Si Senor Patricio? "Kung handa ka na Lumeng ay maaari ka nang sumakay sa kalesang iyon" turo ni Fidel sa kalesang nasa likuran nila. kasunod nito ay ang paglabas sa kanilang maliit na bahay kubo nila Nay Delia at Roselia na magkakapit-bisig, habang si pasan-pasan naman ni Felicidad si Julio sa kaniyang likuran. Hindi na ganoon kalakas ang patak ng ulan, tanging ambon na lamang. Ngunit nahihirapan sila sa paghakbang dahil maputik ang daan. Muling pinagmasdan ni Salome ang paligid, isa-isa nang sumasakay sa kalesa ang ilan sa pamilya nila Mang Berto, Mang Kiko at Mang Pedro. Ang isang kalesa na nasa likuran naman nila ay bakante pa ngunit patuloy na kinakargahan ng gamit. Tulongtulong ang mga kababaihan at kabataan sa pagbubuhat ng mga gamit ng pamilya Aguantar sa kalesa. Napatigil si Nay Delia, Roselia at Felicidad nang makita si Fidel at Salome na nakasilong sa isang puno. P 33-10 Tanging tango lamang ang naipamalas ni Nay Delia kay Fidel bilang pasasalamat sa ginawa nitong pagtulong sa kanila. hinubad naman ni Fidel ang kaniyang sumbrero at itinapat ito sa kaniyang dibdib bilang senyales ng pagtugon sa pasasalamat ni Nay Delia. "Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay..." muling wika ni Fidel, bakas sa kaniyang boses ang kalungkutan na dala nito, animo'y nagpapaalam. Napalingon naman si Salome kay Fidel, hindi niya maunawaan kung bakit naging ganito kabilis ang mga pangyayari. Parang kailan lang ay naranasan niya ang kakaibang saya habang lihimna humahanga sa binata. Ang pagtulong at kabutihang ipinamalas nito sa kaniya at sa kaniyang pamilya ay hindi matatawaran. Magmula sa pagtanggap nito sa kanilang pamilya na maging tagapagsilbi sa hacienda Montecarlos. Hanggang sa alukin siya nitong matuto magbasa at magsulat sa wikang alpabeto. Maging ang pagtulong nito sa mga kabataan na matuto lalong-lalo na kay Danilo at Julio. Ang masayang mga karanasan niya habang naninilbihan sa hacienda Montecarlos, ang mga tawanan at biruan nila nina Manang Estelita, Ising at Piyang habang nagluluto sa kusina. Maging ang araw-araw na pagpapakain sa mga manok at pag-iigib ng tubig mula sa balon ay isang masayang karanasan din para kay Salome. Ang araw-araw na palihimniyang pagaabang sa labas ng silid ni Senor Fidel upang masulyapan ang binata sa umaga. Ang mga araw na tanging silang dalawa lamang ni Fidel sa ilalimng puno ng Narra sa tapat ng lawa ng luha habang tinuturuan siya nito magbasa at magsulat at kung minsan naman ay siya ang nagtuturo sa binata kung paano magsulat at magbasa sa paraang Baybayin. Ang mga gabi kung saan palagi siyang nagpapahuli sa kusina upang abangan ang pag- akyat ni Senor Fidel sa silid nito sa itaas. Ang mga gabi kung saan mas madalas niyang masulyapan ang binata dahil madilimang paligid kung kaya't walang nakakahuli sa kaniyang ginagawang pagtitig at lihimna pagngiti. Ang mga gabi kung saan madalas siyang dumungaw sa bintana ng kanilang tinutuluyan sa likod ng mansyon ng Montecarlos upang pagmasdan ang liwanag ng buwan at mga bituin at upang hinatayin din na mawala ang liwanag mula sa bintana ng silid ni Senor Fidel. Ang mga nagdaang buwan, linggo, araw, gabi, oras, minuto at segundo kapiling ang mga mahahalagang tao na tumatak sa kaniyang pananatili sa bayan ng San Alfonso ay hindi niya akalaing... magwawakas na ngayon. Ang mga pangyayari ay kasingbilis ng pagsikat at paglubog ng araw. hindi mo namamalayan hangga't hindi mo pinapakiramdaman. "May nais pala akong ibigay sa iyo... Lumeng" tugon ni Fidel sabay dukot sa kaniyang bulsa ng isang bagay, kinuha niya ang kamay ni Salome at inilagay ang bagay na iyon sa palad ng dalaga. Halos walang kurap na P 33-11 napatingin si Salome sa purselas (bracelet) na rosaryo na gawa sa kahoy na nasa kaniyang palad na ngayon. "Ang sampung bato (beads) sa purselas na iyan ay katumbas ng sampung dasal... Naalala mo noong tinanong mo sa akin ang kahulugan ng numero? Naalala mo rin ba ang aking sagot sa iyong katanungan?" tanong ni Fidel, dahan-dahan namang ibinalik ni Salome ang kaniyang paningin sa binatang kaharap. Napatango naman si Salome "Ang numero ay paulit-ulit at walang katapusan" sagot ni Salome, napangiti naman ng kaunti si Fidel sabay tango sa dalaga. Kasunod niyon ay itinaas ni Fidel sa ere ang kaniyang sampung daliri "Ang numero ay maaari mo ring bilangin sa pamamagitan ng sampung daliri sa iyong mga kamay..." patuloy nito habang nilalaro ang kaniyang sampung mga daliri dahilan para matawa si Salome. "Ang purselas na iyan ay nabili ko sa pista ng Birheng Maria ng La Naval... nais mo bang malaman ang kahulugan niyan?" tugon pa ni Fidel, napatango naman si Salome bilang sagot. Animo'y pareho nilang nakalimutan ang panganib na nagbabadya. "Bawat bato sa purselas na iyan ay nangangahulugan ng 'Isang dekada'... ang bilang ng bato sa purselas na iyan ay 'Sampu'... kung kaya't sa kabuuan ang purselas na iyan ay nangangahulugan ng 'Isang Siglo'..." seryosong tugon ni Fidel habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Magsasalita pa sana si Salome ngunit agad na siyang tinawag nina Mang Berto "Ipagpaumanhin niyo po Senor ngunit nakahanda na po kami" tugon ni Mang Berto na patakbong sumakay sa kalesa dahil sa patuloy na pagpatak ng ulan. Isang tango ang pinakawalan ni Fidel, isang senyas na nagpapahiwatig na maaari nang umalis si Salome. Labag man sa kalooban ng dalaga, wala na siyang nagawa kundi ang humakbang patungo sa kalesa, agad siyang inalalayan nina Mang Berto pasakay sa kalesa. Nang makasakay na si Salome, iwinagayway nina Mang Berto, Mang Kiko at ang ilang mga kalalakihan ang kanilang mga sumbrero bilang pagsaludo at pamamaalamkay Senor Fidel. Samantala, ang mga kababaihan naman ay kumakaway bilang pasasalamat sa Kastilang tumulong sa kanila. Tanging si Salome lamang ang hindi umiimik at nanatiling nakatingin ng diretso kay Fidel habang dahandahang kumakaripas ang kalesang sinasakyan nila. Muling tiningnan ni Salome ang kaniyang palad kung saan hawak-hawak niya ang purselas na binigay ng binata. Parang may kung anong kirot siyang naramdaman sa kaniyang puso. Hindi niya inaasahang ito na ang magiging huli nilang pagkikita. ~Ilang ulit nang nasaktan Ang pusong ito sa iyo Subalit di ko magawang P 33-12 Tuluyang umiwas sa 'yo~ ~Ngunit bakit tuwing ika'y nakikita Ay Naalaala ating nakaraan Di ko kayang iwanan ka bakit ba kahit na akoy nasasaktan oh~ ~Di ko kayang mag-isa kung wala ka Kay hirap isipin, ika'y hindi na sa 'kin Kasalanan ko ba kung iba kung ika'y mahal pa Kahit sarili'y pilitin Di ka pa kayang limutin, mahal~ Sa huling pagkakataon ay muling tinanaw ni Salome si Fidel. Nakatayo lamang ang binata sa ilalimng puno kasabay niyon ang patuloy na pagpatak ng ulan habang unti-unting nagiging malabo ang paligid dahil sa hamog na dala ng gabi, ngunit bago tuluyang maglaho ang paningin nila sa isa't- isa... nabasa ni Salome ang huling sinabi ni Fidel mula sa labi nito... "Te esperare por siglos... Lumeng" Sir Nathan?! ********************** Featured Song: 'Di ko kayang Limutin' Liezel Garcia A/N: Maraming Salamat marikitdreams sa iyong napakagandang obra! Grabe! Nabuhay ulit ang Baybayin feels ko <3 "Di ko kayang Limutin" by Liezel Garcia P 33-13 Kabanata f(x - 32) 42.5K 1.9K 1.5K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 32] ~I'm lookin' back on things I've done I never wanna play the same old part I'll keep you in the dark Now let me show you the shape of my heart~ -Backstreet boys (Shape of my heart) "Maraming Salamat Senor Fidel! Hanggang sa muli..." wika ng babaeng nasa tabi ko, napalingon ako sa kaniya pero malabo ang kaniyang mukha. "Tayo'y magdasal para sa paglalakbay na ito" patuloy pa ng babaeng iyon sabay hawak sa kamay ko. Nagulat ako nang biglang hawakan ang kabilang kamay ko ng isa pang babae na nasa kaliwa ko naman. "Ano ito?" tugon niya sabay kuha ng isang bagay na nasa palad ko. "Isang purselas na rosaryo? Sinong nagbigay sa iyo nito?" usisa niya pa pero hindi ko alam kung bakit bigla kong kinuha sa kaniya ang purselas at muling ikinubli iyon sa aking kamay. Tiningnan ko muli siya ng mabuti pero hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil sobrang dilim ng paligid. Madilim ang gabi at natatakpan ng makapal na ulap ang kabilugan ng buwan. Kasabay niyon ang patuloy na pagpatak ng ulan mula sa kalangitan. Napalingon ako sa likod at nakita ko ang isang lalaki na naka-suot ng purong itim at itim na sumbrero. Nakatayo siya sa ilalim ng malaking puno habang nakatingin sa amin. Unti-unting kaming lumalayo sa kaniya, hindi ko rin masyadong maaninag ang mukha niya dahil nababalot ng makapal na hamog ang paligid... "Saan mo nakuha ang purselas na rosaryong iyan?" narinig kong tanong ng babaeng katabi ko sabay hawak muli sa kamay ko para kunin ang purselas na iyon. "Bakit mo tinanggap?!" seryoso niyang tugon sabay hawak sa magkabilang balikat ko. hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot, parang pamilyar ang boses niya. Napalingon ulit ako sa direksyon ng lalaking nakatayo sa ilalim ng puno, Unti- unting naglaho ang P 34-1 makapal na hamog sa paligid hanggang sa makita ko ang mukha ng lalaking iyon... Sir Nathan?! "ATE! ATE! GISING!" Nagising ako nang maramdaman ko parang umaalog ang paligid. Nang imulat ko ang mga mata ko agad tumambad sa harapan ko si Alex. Ngayon ko lang nakitang nag-aalala ang itsura niya. "Binabangungot ka" patuloy niya pa sabay baba na sa double deck namin. Parang ang bigat ng pakiramdamko at ang sakit ng ulo ko, nagulat ako kasi may luhang dumadaloy sa psingi ko. Bakit ako umiiyak? Napatingin naman ako kay Alex at mukhang hindi naman niya napansin ang mga luha sa pisngi ko na hindi ko maintindihan kung saan nanggaling iyon, pinunasan ko na agad ang luha ko gamit ang kumot ko. Dahan-dahan akong napaupo sa kama at napatingin sa orasan. 12 midnight na, dalawang oras pa lang pala ako nakakatulog. Napatingin din ako sa rosary bracelet na gawa sa kahoy na suot ko ngayon, ganitong- ganito yung nasa panaginip ko. binigay to sa'kin ni Sir Nathan kanina bago kami umalis sa Quezon City at sumakay sa van pauwi dito sa bahay. "Buti na lang di pa ko natutulog" sabi pa ni Alex sabay higa ulit sa kama niya at nagbasa ng mga science fiction novels. Kaya pala ang sama ng pakiramdamko, binangungot pala ako. Napahawak na lang ako sa ulo ko, para kasing pumipintig ito. Maging ang puso ko parang biglang sumikip na hindi ko maintindihan. Ang aga ko kasi natulog kanina sobrang napagod ako sa pagpunta namin sa fiesta ng Birheng Maria ng La Naval sa Quezon City kanina. Napahiga na lang ulit ako sa kama at napatitig sa kisame. Habang tinitinigan ko ang kisame madaming bagay ang naglalaro sa aking isipan. Bakit napanaginipan ko si Sir Nathan? Bakit naging bangungot ang panaginip kong iyon? P 34-2 Bigla kong naalala yung hapon na nastranded kami ni Sir Nathan sa waiting shed sa labas ng school. Sumakay ako sa bus at naiwan siya doon sa waiting shed, at noong nasa loob na ako ng bus nagtataka ako kasi nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko kahit pa tinted ang salamin ng bus. Sa mga oras na iyon, Nakatitig lang si Sir Nathan ng diretso sa mga mata ko habang ang mga kamay niya ay nakasuksok pa rin sa kaniyang bulsa, hindi ko naman alam kung bakit hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya, nagsimula nang bumuhos muli ang ulan at sunod-sunod na pumatak ang mga butil ng ulan sa bintana ng bus. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya, pero parang pamilyar sa'kin ang pangyayaring iyon. nagsimula ng umandar ang bus papalayo at kasabay niyon ang biglaang pagsikip ng puso ko nagsisimula na namang umatake ang kakaibang kirot sa puso ko na hindi ko maintindihan. Bakit napanaginipan ko ang pangyayaring iyon? month of June pa ata kami nastranded ni Sir Nathan sa waiting shed. Ilang sandali pa, nagulat ako nang marinig ko ang pasigaw na boses ni mama sa labas ng kwarto. "Ano? Hindi na ba tayo gagawa ng paraan? Hahayaan na lang ba natin na malubog tayo sa utang?" "Masyado nang malaki ang naitulong sa'tin ni Ace, Nakakahiya na umutang ulit sa kaniya!" pasigaw na sagot naman ni papa at dahil dun napabangon agad ako sa kama. Nag-aaway sila. "Kapatid mo naman siya, walang masama humingi ng tulong! Lunukin mo muna 'yang pride mo" buwelta naman ni mama. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko, hindi naman sila nag-aaway ng ganito katindi, yung tipong nagsisigawan na. Napalingon ako sa pinto ng kwarto namin na nakasara ngayon. gusto ko sanang sumilip sa salas kung saan nag-aaway na sila. Bababa na sana ako sa kama nang biglang mapatigil ako kasi biglang nagsalita si Alex. "Ate sa tingin mo kung nasa ibang sitwasyon tayo, malulubog pa rin kayo tayo sa utang?" nagtataka naman akong napadungaw sa kaniya sa ilalimng kama ko. "Anong ibang sitwasyong sinasabi mo diyan?" tanong ko pero nakaharang pa din yung librong binabasa niya sa mukha niya. "Ang ibig kong sabihin... sa buhay natin sa nakaraan... past life ba kamo" sagot niya, Seryoso ba siya? Past life? Totoo ba yun? P 34-3 "Hoy alex nag-aadik ka ba? Kelan pa naniwala ang science nerd sa paranormal?" banat ko at akmang aagawin na yung librong hawak niya na humaharang sa mukha niya pero agad na niya itong isinara sabay tingin sa'kin. "Hindi ako naniniwala... pero hindi ko rin naman sinasabing imposible iyon" tugon niya sabay taklob na ng kumot. Sandali naman akong natigilan, Ano bang pinagsasabi nitong kapatid ko? Bumaba na ako sa kama at balak ko ng lumabas doon sa kwarto para tumigil na sila mama at papa sa pagaaway pero natigilan ako nang marinig kong nagsalita ulit si Alex. "Hayaan mo na lang sila Ate... wala na rin namang magbabago" sabi niya habang nakatakalob pa rin yung kumot sa mukha niya. Napahinga na lang ako ng malalimsaka naupo na lang sa study table namin. Napatingin ako sa bintana, umuulan pala ngayon. Palagi na lang umuulan, ano bang nangyayare? Napatingin ako sa gilid kung saan nakalagay ang bookshelf namin, napansin kong wala doon yung"Alex, nasaan yung historical novel na binigay sa'yo ni Lily?" tanong ko at inisa-isa ko yung libro doon sa bookshelf pero hindi ko iyon makita yung 'Our Asymptotically Love Story' "Alex?" tawag ko pa sa kaniya, agad naman niyang inalis yung kumot na nakataklob sa mukha niya at naiiritang tumingin sa'kin. "Tinapon ko na" pagsusungit niya sabay taklob ulit ng kumot. ANOO? "BAKIT MO TINAPON?" gulat kong tanong at naglakad papunta sa kaniya sabay hila ng kumot niya. "Hindi ko pa tapos basahin 'yon!" reklamo ko pa, napakamot naman siya sa inis. "Akin naman yun kaya ako bahala kung anong gusto kong gawin sa librong 'yon" sagot niya sabay taklob naman ng unan sa mukha. Ughh! kahit kelan talaga tong kapatid kong 'to ang sarap tirisin! Napapadyak na lang ako sa inis at padabog na umakyat sa kama ko. ayoko pa kasi sana matulog dahil baka mabungungot na naman ako. sabi nila kapag nanaginip ka daw ng masama wag ka daw muna matutulog agad para hindi matuloy ang masamang panaginip na iyon. Ilang sandali pa, dahil hindi na ako makatulog. Kinuha ko na lang yung phone ko at nag-online sa fb. Naisipan kong i-stalk ang fb ni Sir Nathan. Sabi nila, kaya daw napapanaginipan natin ang isang tao kasi ang taong iyon ang huling inisip natin bago tayo matulog. Tiningnan ko ang recent posts niya, at bigla akong naaptigil nang makita ang isang post niya 2 hours ago. Whoah? So ibig sabihin kaka-post lang nito ni Sir bago kami umalis sa Quezon City kanina. P 34-4 Las pesadillas son secretos enterrados en una vida que una vez tuviste. Agad kong pinindot yung 'See Translation' sa ibaba. Nightmares are secrets buried in a life you once have. Parang biglang sandaling tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang mabasa ko ang post na iyon. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nakaramdamng kakaiba sa mga salitang iyon. napatingin ulit ako sa labas ng bintana, mas lalong lumakas ang buhos ng ulan kumpara kanina. Bigla kong naalala kanina habang nag-aagaw dilimna ang kalangitan at kasama kami sa pursisyon ng Birheng Maria ng La Naval de Manila... "Dahil ang ibig sabihin ng pangalan mo ay... Kasiyahan" tugon ni Sir Nathan, napatingin naman ako sa haring araw nan aka-smiley face na drinawing niya sa lupa. Umambon kanina pero hindi natuloy ang ulan kaya nagpatuloy na muli sa paglalakad ang mga taong kasama sa purisisyon. "Aleeza... Kasiyahan na kabaliktaran ng Kalungkutan..." patuloy pa ni Sir Nathan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Paano niya nalaman na ang pangalan ko ay salitang Hindu na ang ibig sabihin ay Happiness. Ibang klase rin talaga ang talino nito ni Sir Nathan. Magsasalita pa sana ako kaso biglang narinig namin ang boses ni tita Meg "Aleeza! Sir Nathan! Akala namin nawala na kayo" tawag ni tita habang kinakaway-kaway ang kamay niya. Medyo malayo na sila sa amin pero natatanaw pa rin namin sila. "Come on" tugon ni Sir habang nakangiti at nagpatuloy na siya sa paglalakad. kahit ang ngiti niya ang hiwaga ng dating sa akin pero hindi ko mapigilang mapangiti rin kasi nakakahawa talaga yung ngiti niya. According to 1 Corinthians 4: 7 -13 Love is Patient. Love is Kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes and always perseveres. "And that's what Love means..." bulong sa'kin ni Sir Nathan, nandito kami ngayon sa loob ng Santo Domingo Cathedral habang nakikinig ng Homily. Kasalukuyang nagsasalita ngayon ang pari sa harapan, nasa bandang gitna kami nakaupo. Katabi ko si Alex sa kanan at nasa kaliwa ko naman si Sir Nathan. P 34-5 Medyo madami ang dumalo sa misa huling misa ngayon para sa fiesta kaya sobrang sikip sa loob. at kanina pa ako hindi gumagalaw sa pagkakaupo ko, paano ba naman kasi magkadikit na magkadikit talaga kami ni Sir Nathan. Baka marinig niya yung tibok ng puso ko! Tatabi dapat ako kina Mama kanina pagpasok namin dito sa simbahan kaso gusto nila tabi-tabi silang mga mothers. Kaya kaming tatlo nila Alex, ako at Sir Nathan ang napunta sa dulo ng upuan. At eto namang si Alex eh inunahan ako sa tabi ni Tita Meg kaya ayan si Sir Nathan tuloy ang katabi ko huhu, pero okay lang medyo... (medyo lang ha!) gusto ko rin naman katabi si Sir Eeek! "A-ahh... yun pala yun" iyon na lang din ang nasabi ko sa kaniya, Shems! Para na akong tuod na di makagalaw. Pinagpapawisan na rin ako dahil sa kaba. Ilang sandali pa biglang tumugtog ang orchestra at kumanta na ang choir. Nagsitayuan naman na ang mga tao. Gosh! tapos na pala yung homily ni father. Nauna nang tumayo si Sir Nathan, samantalang para naman akong manikin na dahan- dahang tumayo. Shems! Ang bango niya talaga! Nagulat naman ako nang mahuli kong nakatingin ng masama sa'kin si Alex. Hala! nahuli niya akong pasimpleng inaamoy si Sir! "Ano?" pagtataray ko sa kaniya yung tipong nanghahamok ng away. Napailing-iling naman si Alex "Baka maubos si Sir kakasinghot mo diyan" buwelta niya dahilan para mapalingon sa'min si Sir Nathan at sila tita Meg, Tita Aireen, Tita Rita, Mama, at Mrs.Lea. pati yung mga taong nasa harapan namin ay napalingon din. Shemay! Ang ingay talaga nito ni Alex! ang sarap plantsahin ng bibig eh! "Ahh- nagugutomlang daw si Alex... mauubos daw po niya mamaya lahat ng handa sa bahay nila Sir Nathan hehe" palusot ko na lang, aangal pa sana si Alex kaya agad ko siyang kinurot sa tagiliran. "Diba.. Diba Alex ang totoy namin" paglambing ko pa sa kaniya. Napatagilid naman si Alex, at tumango-tango na lang sa kanila "Oo n-nga... nagugutomna ko" sagot niya, binitiwan ko naman na siya. napangiti naman sila Tita, Mama at Mrs.Lea. "Don't worry madami pang handa sa bahay, wag muna kayong aalis hangga't di pa kayo nag-hahapunan ah" bilin pa ni Mrs.Lea. napatango naman kaming lahat, tuwang-tuwa naman si Tita Meg na bff niya. Ilang sandali pa, biglang 'Ama-Namin' na. inilahad na ni Sir Nathan yung palad niya sa tapat ko, Dugdugdugdugdug. Ano ba'to? natural lang naman na mag-hawak-hawak ng kamay pag 'Ama-Namin' na! bakit ba binibigyan ko ng malisya? My Gosh! Aleeza umayos ka! "Huy ate" bulong ni Alex sabay hawak sa kamay ko, napalingon ulit ako sa kaliwa ko kung nasaan si Sir Nathan, naka-abang pa rin yung kamay niya. My Goodness! Lumingon na lang ako sa harapan sa altar ng Simbahan saka humawak sa kamay ni Sir Nathan. Gosh! sobrang lakas na ng kabog ng puso ko, at pinagapapawisan na ako sa kaba. Parang lumulukso na ang puso ko at konti na lang sasabog na. shems! Ang lambot ng kamay ni Sir, medyo malaki yung kamay niya kumpara sa kamay ko pero parang protektadong-protektado ako sa hawak niya. P 34-6 Nagkakasala ata ako, Nako! Sorry po Lord. Sadyang di ko talaga mapigilan ang puso ko, pero thank you po kasi ka-holding hands ko ngayon si Sir Nathan! Kyaahh! "Ate tapos na... bitaw na" natauhan ako nang marinig ko ulit ang reklamo ni Alex, My Gosh! hindi ko namalayan na tapos na pala ang 'Ama-Namin' at kaming tatlo na lang ang magkakahawak-kamay kasi hindi ko pa binibitawan ang kamay nilang dalawa. Waaahh! Agad ko ng binitiwan ang kamay nila at nagpanggap na normal lang naman ang mga pangyayari habang nakatutok pa rin ang mata ko sa altar ng Simbahan. Focus Aleeza! Focus! "Peace be with you..." My Gosh! Peace be with you na! Agad akong lumingon kay Alex at kina Tita, Mama at Mrs. Lea para mag-beso sa kanila kaso busy sila magbeso-beso sa isa't-isa. Naramdaman ko namang nasa likuran ko lang si Sir Nathan. Act normal lang Aleeza! Mahahalata ka niyan eh! "La pazsea con vosotros... Aleng" narining kong tugon ni Sir, sandali akong di nakaimik, nakatalikod ako sa kaniya ngayon pero parang natutunaw na agad ako sa tingin niya. dahan-dahan naman akong napalingon sa kaniya, "I said, Peace be with you... Aleng" ngiti pa ni Sir sabay abot ng kamay niya. Dugdugdugdugdug. Baka pwedeng lamunin na lang ako ng lupa ngayon kasi natutunaw na ko sa ngiti ni Sir! Pagkatapos ng misa, naglakad na lang kami pabalik sa ancestral house nila Mrs.Lea. hinubad ko na yung puting belo na suot ko kasi mukha akong di-makabasag pinggan ngayon. Punong-puno pa rin ng tao ang labas ng Simbahan ng Santo Domingo, maging ang bawat kalye ay punongpuno pa rin ng tao at mga sasakyan na hindi na makausad pa. sa bawat gilid may mga tindahan ng kakanin, souvenirs, imahe ng Santo at mga kandila. Sandali muna kaming tumingin-tingin sa mga tinda. Bumili pa sila Tita Meg ng mga prutas at iba't-ibang hugis ng kandila na sobrang ganda. Na-enjoy ko rin amoy-amuyin yung mababangong kandila na naka-display sa isang stall. Nanlaki yung mga mata ko nang maamoy ko ang isang kandila na pamilyar ang amoy. Kulay pula, medyo P 34-7 malaki at ang kinis ng kandilang hawak ko. "Ang kandilang iyan ay bihira lamang..." narinig kong tugon ng isang matandang babae na payat, maliit at puting-puti na ang buhok. Bigla siyang sumulpot sa likod ng mga kandila na paninda niya, medyo nakayukod na siya habang nakatayo dahil na rin sa katandaan. "Mahirap gawin ang kandilang iyan sapagkat kailangang pinong-pino ang pagkakadurog ng pampabango na hinahalo riyan" patuloy niya pa, napatitig naman ako sa kandilang hawak ko. Sabagay mukha ngang mamahalin to' gusto ko sana bilhin kaso wala akong pera. Nginitian ko na lang yung matandang babae saka inilapag ko na yung kandila sa kinalalagyan nito kanina, napalingon ako sa likod ko, at nakita kong nasa kabilang tindahan na tumitingin- tingin sila Tita. "Sige po Salamat" paalamko sa kaniya pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Mula sa matinik na bulaklak ng rosas ang sangkap na ginamit sa kandilang iyan" tugon niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. hindi ko alamkung bakit bigla akong kinabahan. Parang may kakaibang aura siyang dala na naghahatid ng kilabot sa'kin. "Alammo ba Hija, kung paano ginagawa ang kandila?" saad niya pa, sinubukan ko namang alisin yung kamay ko sa pagkakahawak niya at nginitian siya. sa totoo lang ang creepy ni Lola. "Ah-eh aalis na po ak- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla niyang hinawakan ng mas mahigpit ang kamay ko. "Kapag natunaw ang kandila... ang bahagi nito ay tinutunaw lamang at muling mabubuo bilang panibagong kandila" tugon niya, Alamko naman iyon, yung wax ng kandila ay tinutunaw lang ulit, huhubugin at magiging kandila ito muli. "B-baka hinahanap na po ako nil- " "Sa madaling salita, ang kapalaran niyo ay tulad ng Kandila... paulit-ulit lamang at walang katapusan! " seryoso niyang tugon dahilan para pumiglas na talaga ako sa pagkakahawak niya. nakakatakot ang titig niya, parang may kung anong madilimna pwersa mula sa kaniyang mga mata. Napatingin naman ako ngayon sa kamay ko na namumula na dahil sa higpit ng hawak niya. Grabe! Ang lakas naman niya. hindi na ako nagpaalampa, tumalikod na ako agad at umalis doon sa tindahan niya. sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad ng mabilis papalayo sa tindahan ng matandang iyon. Bakit pakiramdamko... kailangan kong layuan ang matandang babaeng iyon? "Est�s bien?" (Are you alright?) natauhan ako nang narinig kong nagsalita si Sir Nathan. Nagtataka naman akong napalingon sa kaniya, Anong sinasabi niya? P 34-8 Nagalalakad na kami ngayon sa isang kalye papunta sa ancestral house nila. "I said, Ayos ka lang ba?" ngiti pa niya. hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako kanina pa, mula kasi nung nakausap ko yung matandang babae kanina sa labas ng simbahan eh hindi na siya mawala sa isipan ko, lalong-lalo na yung mga sinabi niya. Ang kapalaran niyo ay tulad ng Kandila... paulit-ulit lamang at walang katapusan! "Aleng? est�s pensando en m�?" (Are you thinking of me?) ngiti pa ni Sir Nathan. Mukhang kaninang umaga pa talaga good vibes ito si Sir ah. "Don't Spanish me sir, I'mpanic" sagot ko pero kahit ako natawa dahil sa sinabi ko, mukha akong trying hard na palaka na nag-eenglish. Bigla namang lumaki yung ngiti ni Sir. "Me gusta cuando sonries" (I like it when you smile) ngiti pa niya, binigyan ko naman siya ng yung-totoo-anong-sinasabi-mo-sir-look. pero tinawanan niya lang ako. "Olv�dalo, ser� dif�cil si entiendes lo que estoy diciendo" (Forget it, It'll be awkward if you understand what I'm saying) tawa pa niya. gusto ko sanang mainis kaso narinig ko na naman yung tawa niya at naaninag ko rin yung ngipin niya kaya awtomatikong napangiti na lang din ako. Magsasalita pa sana ako kaso biglang sumigaw si Mrs.Lea "BRYAN!" excited niyang sigaw dahilan para mapatingin kaming lahat sa kaniya. Dali-daling tumakbo si Mrs.Lea papunta kay.... Bryan! What-the-heck! "Long time no see... Tita!" pa-cool at swabeng-swabeng tugon ni Bryan sabay yakap sa tita niya. naka-black leather jacket with matching orange shirt sa loob na may slogan ng 'Brotherhood'. Nakapang-f*ck boy haircut din siya with matching black sunglass. Teka nga, bakit naka-sunglass siya eh gabi na? kairita. Nasa tapat na kami ngayon ng ancestral house nila... na pag-mamayari pala ng mokong na VIP na'to. May tatlong girls na naka-maikling shorts ang nasa likod niya habang nakasandal sa sports car niyang bulok. Mukhang kalandian niya ang mga iyon kanina. Tss Isa-isang pinakilala ni Mrs.Lea kay Bryan sina Tita Meg, Tita Rita, Tita Aireen, Mama at Alex. gusto ko na sanang tumakbo papalayo bago pa ako makita ng Bryan na'to kaso mukhang huli na ang lahat kasi bigla siyang napangisi nang magtama ang mga mata namin. "Hey... it's nice to see you here... Ms.Agcaoili" ngisi niya sabay kindat pa. My gaaawd! Di na siya nahiya kina Mama at sa mga tita ko. napalingon naman silang lahat sa'min. Shemay! Baka isipin nilang pumapatol ako sa unggoy na'to! P 34-9 "Ah... schoolmates po kami" paliwanag ko sa kanila kahit wala namang nagtatanong, mas mabuti ng maagap kaysa kung ano-ano pa isipin nila diba. Magsasalita pa sana si Bryan kaso biglang sumingit si Sir Nathan sa usapan. "Sayang hindi mo naabutan ang prusisyon kanina" sabat ni Sir Nathan, bigla namang nawala yung ngisi ni Bryan kanina at napatingin kay Sir Nathan sabay tingin sa'kin. hindi niya ata napansin si Sir kanina kasi ang dilimdito sa labas. "Better late than never" sagot ni Bryan kay Sir Nathan, hindi na siya nakangiti ngayon. Shems! Anong meron? Bakit parang hindi sila natutuwa makita ang isa't-isa? "Anyway, pasok na tayo! Nakahanda na ang mesa" pagbasag ni Mrs.Lea sa katahimikan. Dali-dali akong humawak sa braso ni mama baka kasi mahuli na naman ako sa paglalakad at makatabi ko na naman si Sir Nathan o kung mamalasin naman itong Bryan na'to pa ang makatabi ko. Pagpasok sa loob mas humanga ako sa ganda ng bahay. may lumang chandelier pala ang nakasabit sa kisame ng bahay at ramdamna ramdamtalaga ang mala-19th century feels. Ang pagkakaalala ko sabi ni Mrs.Lea kanina nang magkausap kami sa second floor ng bahay na'to, 1800s pa raw ng ginawa ang ancestral house na ito ng pamilya Valenciano. Kami na lang ang bisita nila kaya hindi na katulad kanina na sobrang daming tao sa salas at kusina. Pero kahit kami na lang ang bisita sobrang dami pa rin ng pagkain na nakahain sa mesa. Whoah! Isa-isa nang naupo sila tita at agad akong sumingit sa gitna ni Mama at Tita Aireen, syempre naninigurado na ko baka mamaya niyan makatabi ko na naman si Sir Nathan tapos kapag nagdasal kami bago kumain baka kailangan maghawak-hawak ng kamay edi nagkasala na naman ako kasi imbes na mag- focus ako sa prayer eh ang presence ni Sir ang inaatupag ko haays. Naupo naman si Sir Nathan sa tapat ko, Gosh! habang nasa tabi naman niya si Mrs.Lea at nasa tabi kabila niya si Alex. nasa tabi naman ni Mrs.Lea si Bryan na kanina pa dinadaldal si Tita Meg. Pagkatapos namin magdasal nagsimula na kaming kumain. may letson manok, adobo, afritada, pancit bihon, palabok, chapsuey, inihaw na isda, ginataang alimango at hipon, leche flan, ube halaya, saba con yelo at... Kaldereta na kakaiba. Napatitig ako doon sa Kaldereta na may kakaibang sangkap. "Tikman mo 'yan Hija, masarap 'yan" ngiti ni Mrs.Lea sabay sandok ng Kaldereta at inilagay sa plato ko. "Paborito 'yan ni Nathan at Bryan" patuloy pa ni Mrs.Lea habang nakangiti ng todo. tinikman ko na yung Kaldereta at napatigil ako nang marealize na may halong cheese iyon. Magsasalita na sana ako kaso biglang nagsalita si Mrs.Lea habang nakangiti pa rin ng todo "Masarap diba? specialty iyan ng isang pamilya" Napatango naman ako, sa totoo lang masarap talaga, Kaldereta na may cheese. naalala ko bigla na favorite nga pala ni Sir Nathan ang cheese... Teka! Nasabi niya rin sa'kin noon kung ano yung paborito niyang ulam eh, Ano nga ulit iyon? "Bakit naman gabi ka na dumating Bryan? Sana inagahan mo para naabutan mo ang prusisyon" panimula ni P 34-10 Mrs.Lea. napatingin naman kaming lahat kay Bryan na abala sa pagkain niya. "May lakad pa ko kaninang umaga tita eh, pero syempre pupunta pa rin ako ngayon dito" ngiti niya sabay subo ng tinapay. "Ang besides, I didn't expect na makikita ko dito si Aleeza" ngiti pa ulit ni bryan sabay tingin sa'kin. Hala! "At masaya rin po akong makilala kayo Tita Meg, Tita Rita, Tita Aireen, Bro Alex and Mama" ngisi pa niya at nagmano pa kay Mama. Whaaaat? Napangiti naman ang mga tita ko at pinilit niya pang mag-fist bump sila ni Alex kahit pa mukhang irritable din si Alex sa kaniya. Teka nga! bakit niya tinawag na Mama ang mama ko! "Tita Catherine ang pangalan ni Tita" pag-correct ni Sir Nathan kay Bryan na nakangisi pa rin. "I know, diba Mama Cath" sagot ni Bryan, ngumiti lang naman si mama. Shems! What's happening? "Tigilan mo na nga 'yang kalokohan mo Bry, mukhang wala ka namang planong magpakasal" tawa pa ni Mrs.Lea, Tama! Tama! Siguradong kawawa lang ang mapapangasawa nitong lalaking to dahil napakababaero talaga. "I will get married" ngiti ni Bryan, siya na ngayon ang naging tampulan ng kantyaw nila Mrs.Lea at ng mga tita ko. "At sino naman ang mamalasin na babaeng iyon?" tawa pa ni Mrs.Lea habang tatawa- tawa lang din si Bryan. "She's just right here... " sagot niya sabay tingin sa'kin dahilan para bigla akong mabilaukan. Papatayin ata ako ng mokong na'to dahil sa pinagsasabi niya! Agad akong inabutan ni mama ng tubig. mukhang hindi naman na-gets nila Mrs.Lea at ng mga tita ko yung sinabi ni Bryan kasi tumawa-tawa pa sila. "How's your studies anyway?" biglang sabay ni Sir Nathan sabay tingin ng diretso kay Bryan. Hala! Ngayon ko na lang ulit siyang nakitang mag-seryoso ng ganiyan. Napatahimik naman sila Mrs.Lea at ang mga tita ko. "Better than before" sagot ni Bryan, maging siya ay hindi na nakangiti ngayon. "How about in my class? you- " hindi na natapos ni Sir Nathan yung sasabihin niya kasi biglang binitiwan ni Bryan yung kutsara at tinidor na hawak niya na lumikha ng tunog ng kalansing nang tumama ito sa plato na mababasagin. "What's the point? You always- " hindi na rin natapos ni Bryan yung sasabihin niya kasi bigla silang sinuway ng tita nila. P 34-11 "Nathan... Bryan" suway ni Mrs.Lea dahilan para mapatahimik na lang silang dalawa. Nagkatinginan naman kami nila Tita, uhmawkward. Ilang sandali pa, tumayo na si Bryan "Please excuse me" paalamniya sa'min at naglakad na siya paakyat sa second floor ng bahay nila. "I'msorry" biglang saad din ni Sir Nathan at tumayo na rin siya, nagpaalamdin siya sa'min at nagtungo sa labas ng bahay. "Pasensiya na, may konting tampuhan lang talaga ang dalawang pamangkin ko" paghingi ng paumanhin ni Mrs.Lea, sumigla naman ulit ang usapan kasi nagkwento na si Tita Meg ng karanasan niya noong bago pa sila ikasal ng Amerikano niyang boyfriend. Napuno ulit ng ingay ang hapag dahil sa tawanan nila. kaming dalawa lang ni Alex ang medyo OP sa kanila. "Mag-iingat kayo sa byahe pauwi ah, kaya mo pa ba Aireen mag-drive? Mukhang pagod ka na" tugon ni Mrs.Lea naglalakad na kami ngayon papalabas sa bahay nila. 9 pmna ng gabi at kailangan na naming umuwi kasi may pasok pa bukas. "Oo naman, sana lang hindi traffic kasi aantukin ako" biro pa ni Tita Aireen, nauna naman ng sumakay sa van yung mga bata kong pamangkin na inaantok na rin. "Bye tita Lea, Thank you po sa masarap na handa" paalam ko kay Mrs.Lea, ngumiti naman siya sa'kin at niyakap ako. "You're welcome Hija, welcome na welcome ka rin anytime pag gusto mong dumalaw dito sa'min, basta katok ka lang doon sa bahay namin ah" sabi pa niya sabya turo doon sa katabing bahay na modern na modern na. Oo nga pala, walang nakatira dito sa ancestral house nila. ginagamit lang nila ito pag may okasyon at madaming bisita. Sasakay n asana ako sa van nang biglang may magsalita mula sa likuran ko, "Mag- iingat kayo sa byahe..." narinig kong tugon ni Sir Nathan, akala ko umalis na siya kanina? Napalingon ako sa kaniya. "A-andito pa pala kayo sir" Ngumiti lang si Sir, at nagulat ako nang bigla siyang humakbang papalapit sa'kin. Halaa! Wait! Teka! Teka! Napahakbang naman ako paatras hanggang sa napatigil na lang ako kasi tumama na yung likod ko sa gilid ng P 34-12 van ni Tita Aireen. Dugdugdugdugdug. "May ibibigay pala ako sayo... Aleng" sabi niya sabay dukot sa bulsa. Nanlaki naman yung mga mata ko nang bigla niyang kunin ang kamay ko at inilagay doon yung bagay na hawak niya. "Nabili ko 'yan kanina sa labas ng simabahan, wala pa pala akong regalo sayo nang manalo ka sa math contest" tugon niya at binitawan na niya yung kamay ko. Napatulala naman ako doon sa rosary bracelet na binigay niya na nasa kamay ko na ngayon. "Ang sampung beads sa bracelet na 'yan ay katumbas ng sampung dasal" panimula niya, napatingin naman ako doon sa sampung beads na gawa sa kahoy at may maliit na crucifix sa gitna na gawa rin sa kahoy. "Bawat beads sa bracelet na 'yan ay nangangahulugan sa 'Isang Dekada'... ang bilang ng beads sa bracelet na 'yan ay 'Sampu'... kung kaya't sa kabuuan ang bracelet na 'yan ay nangangahulugan ng 'Isang Siglo'" paliwanag niya. hindi ko naman mapigilang mamangha sa bagay na iyon, Wow! bawat beads pala ay may katumbas na bilang ng panahon. "M-maraming Salamat po Sir sa regalo niyo" tugon ko saka tumingin ulit sa kaniya, natigilan naman ako sandali kasi nakatitig na siya ngayon ng diretso sa mga mata ko. hindi ko alamkung bakit parang pamilyar ang mga tingin niyang iyon. Maging ang pagtibok ng puso ko ay pamilyar din. Ilang saglit pa, napatigil lang kami nang biglang pumatak ang ulan. "Ayayay! uulan na! text text na lang Lea!" paalamni Tita Meg at dali-dali na silang tumakbo papasok sa van. Napatingala naman ako sa kalangitan, bakit parang pamilyar ang pangyayaring ito? "Sige na... sumakay ka na" tugon pa ni Sir saka humakbang na siya paatras. Hindi ko alamkung bakit hindi ko magawang isampa yung paa ko papasok sa van, "Aleng! mababasa ka ng ulan!" tawag ni mama sabay hila sa'kin papasok pero napatigil ako nang mapalingon ako sa bintana ng second floor ng ancestral house nila. Bigla akong nakaramdamng hilo, tila bumagal ang takbo ng paligid. Napatingin ulit ako sa second floor ng bahay nila. Nagulat ako nang biglang nagbago muli ang paligid... Patuloy na bumubuhos ang ulan, tumatalamsik ang putik sa lupa sa tuwing tumama ang tubig ulan sa kalupaan. Wala na ang mga taong naglalakad sa kalsada, wala na rin ang ilang mga sasakyan na nasa tabi ng bawat bahay. Wala na rin ang van ni tita Aireen sa tabi ko, kundi isa na itong kalesa. "Esmeralda!" narinig kong tawag ng isang dalagita na malabo ang mukha at dali-dali siyang tumakb papalapit sa akin, hindi niya alintana P 34-13 ang lakas ng buhos ng ulan. "Baka sakaling makarating ang pamilya niyo sa Maynila... ito ang tirahan ni Senor Rolando" hinihingal na tugon ng dalagitang iyon na hindi ko maaninag ang mukha, bigla niyang kinuha ang kamay ko at inilagay ang isang liham sa palad ko. "Isang liham mula kay Senor Rolando, nakasaad diyan kung saan siya nakatira ngayon, kung nais mo pa siyang maabutan...puntahan mo na siya bago mahuli ang lahat!" wika pa niya at sapilitan akong pinasakay sa kalesa. "Puntahan mo siya Esmeng! Huwag mo ng intindihin si Senor Hilario... ako na ang bahala" sambit niya pa at narinig kong sinabi niya sa kutsero na dalhin ako sa daungan. agad na pinatakbo ng kutsero ang kabayo, napalingon ako muli sa babaeng nag-abot sa akin ng sulat at nagpasakay sa akin sa kalesa. Nakatayo lang siya doon sa gitna ng ulanan at tulalang napatingala sa ikalawang- palapag ng isang tahanan. "S-senor Hilario..." gulat na wika ng babaeng iyon at bigla siyang napaluhod sa lupa. "Ppatawarin niyo po ako Senor Hilario" pagmamakaawa ng babae habang nakatapat doon sa bintana basang-basa na siya sa ulan. Agad naman akong napatingin sa ikalawang-palapag ng bahay at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaking nakadungaw sa tapat ng bintana, may hawak siyang isang pulang kandila sa kaniyang kaliwang kamay. Nakatingin siya sa akin ngayon... hindi ko maintindihan kung bakit biglang nakaramdam ako ng magkahalong takot, awa, at lungkot habang nakatingin din sa kaniya. "�C�mo pudiste hacerme esto ... Esmeralda ?!" (How could you do this to me... Esmeralda?!) sigaw ng lalaking nakatayo sa tapat ng bintana. Parang biglang tumigil ang mundo ko nang biglang naging malinaw sa akin ang mukha ng lalaking iyon... Si Bryan ******************** P 34-14 A/N: Maraming Salamat marikitdreams sa panibagong obra <3 Grabe! Saktong-sakto sa kwento ni Esmeralda at Senor Rolando ngayon <3 Tanginang reincarnation yan kauraaaaat?? Math your facesir! STAAAAANNNNNNAAAAP! LETCHEEEEE?? P 34-15 Kabanata f(x - 33) 49.8K 1.8K 820 byUndeniablyGorgeous [Kabanata 33] PAALALA: Ang Kabanatang ito ay naglalaman ng mahalagang pangyayari sa ating Kasaysayan noong 1841. Basahin mabuti at intindihin ang bawat tagpo. Narito rin ang ilan sa mga tauhan sa I Love you since 1892, Kung naalala niyo pa si Mang Raul na tatay ni Theresita at Eduardo. At si Aling Trinidad, ang nanay ni Cristeta. Ang pamilya ni Aling Trinidad ay malapit kay Juanito Alfonso at ang pamilya nila ay walang awang pinatay at ibinintang kay Don Mariano Alfonso sa I Love you since 1892. ***************** Filipinas 1841 Oktubre 17, 1841 Malakas na ulan ang sumalubong kay Esmeralda nang siya ay makalabas mula sa maliit na butas sa bintana ng kusina sa likod ng manyon ng pamilya Valenciano. Bitbit ang isang maliit na tampipi ay payuko siyang gumapang sa likod ng bahay hanggang sa makarating siya sa harapan ng mismong mansyon. Malalimna ang gabi kung kaya't tahimik na ang palagid, tanging buhos ng ulan lamang ang maririnig sa buong kahabaan ng kalye. Napapapikit na lamang si Esmeralda dahil sa lakas ng hampas ng ulan na tumatama sa kaniyang mukha habang yakap-yakap ang kaniyang tampipi. Mabuti na lamang dahil nakasuot din siya ng malaking talukbong na nakabalot sa kaniyang buong katawan kung kaya't hindi siya gaano nababasa ng ulan. Animo'y bigla siyang nabuhayan ng pag-asa nang makita ang isang luma at sira-sirang kalesa na nakaabang sa tapat ng tahanan ng pamilya Valenciano. "Raul! Maraming Salamat" tugon ni Esmeralda nang makalapit siya sa kalesa, agad niyang inihagis sa loob ang tampipi na kaniyang dala-dala. Napalingon naman sa kaniya ang binatang kutsero ng kalesang iyon. "Bilisan mo Esmeng, itinakas ko lamang ito kay Don Santiago Montecarlos" wika ni Raul sabay suot ng malaking salakot sa kaniyang ulo upang hindi siya makilala nang sinuman. Inilahad na ni Raul ang kaniyang palad upang tulungan si Esmeralda makaakyat sa kalesa ngunit napatigil sila nang marinig nila ang boses ng isang dalagitang kasambahay ng pamilya Valenciano, si Trinidad. "Esmeralda!" tawag ni Trinidad habang kumakaripas ng takbo papalapit kay Esmeralda, hindi nito alintana ang malakas na buhos na ulan. "Trining! Paano mo- ?" hindi na natapos pa ni Esmeralda ang kaniyang sasabihin dahil agad kinuha ni Trinidad ang kaniyang kamay at inilagay ang isang lihamsa kaniyang palad. "Baka sakaling mapadpad ang pamilya niyo sa Maynila... ito ang tirahan ni Senor Rolando" wika ni Trinidad, gulat namang napatingin si Esmeralda sa sulat na iyon. "Isang lihammula kay Senor Rolando, nakasaad diyan kung saan siya nakatira ngayon, kung nais mo pa siyang maabutan...puntahan mo na siya bago mahuli ang lahat!" seryosong tugon ni Trinidad at sapilitang pinasakay si Esmeralda sa kalesa. P 35-1 "Nagawa mo nang tumakas kay Senor Hilario! Bakit nag-aalinlangan ka pa ring umalis?!" buwelta pa ni Trinidad. Hindi naman agad nakapagsalita si Esmeralda, sandali siyang napatitig sa mga mata ng kaibigan. Matalik niyang kaibigan si Trinidad at kahit pa hindi niya sinabi rito ang plano niyang pagtakas ngayong gabi, batid niyang hindi naman ito galit sa kaniya. "M-maraming Salamat Trining..." iyon na lamang ang mga salitang pinakawalan ni Esmeralda at hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. Ang pagtakas na ginawa niya ngayon ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa kaniyang dalawang kaibigan na si Trinidad at Raul. "Wala iyon... basta para sa iyo Esmeng..." tugon ni Trinidad, at kahit pa basang- basa na ito sa ulan nakita pa rin ni Esmeralda ang namuuong luha sa mga mata ng kaniyang kaibigan. Magsasalita pa sana si Esmeralda ngunit bigla silang nakarinig ng kalabog mula sa loob ng mansyon ng pamilya Valenciano. "Puntahan mo siya Esmeng! Huwag mo ng intindihin si Senor Hilario... ako na ang bahala" nagmamadaling tugon ni Trinidad saka lumapit kay Raul, "Dalhin mo siya sa daungan... naghihintay roon ang pamilya ni Esmeng" tugon ni Trinidad, agad namang napatango ng ulo si Raul at pinatakbo na niya ang kabayo. "Paalamkaibigan! Mag-iingat kayo... at ipagdarasal ko na maabutan mo si Senor Rolando!" wika ni Trinidad habang kumakaway kina Esmeralda at Raul na unti-unting lumalayo. Ngunit nagulat si Trinidad nang makita si Senor Hilario na nakadungaw sa bintana. Animo'y biglang nanghina ang kaniyang tuhod at napabagsak na lamang siya sa lupa. "S-senor Hilario..." gulat na wika ni Trinidad at agad siyang napalauhod sa lupa "P-patawarin niyo po ako Senor Hilario" pagsusumamo niya, kasabay ng pagpatak ng ulan ang patuloy ring pagdaloy ng kaniyang mga luha dahil sa takot. Gulat namang napatingin si Esmeralda sa ikalawang-palapag ng tahanan ng pamilya Valenciano. Animo'y binagsakan siya ng langit at lupa nang malaman na nahuli siya ni Senor Hilario Valenciano na tumatakas. Namumula ang mga mata nito at kitang-kita ang labis na galit habang tinatanaw si Esmeralda papalayo, may hawak itong pulang kandila sa kaliwang kamay. Ang pulang kandilang iyon ay ginawa pa mismo ni Esmeralda noong nakaraang linggo bilang regalo sa kaniya. "�C�mo pudiste hacerme esto ... Esmeralda ?!" (How could you do this to me... Esmeralda?!) sigaw ni Senor Hilario at malakas na inihagis ang pulang kandilang iyon sa labas ng bintana dahil sa galit. Nagkalat ang pira-piraso ng kandila sa lupa habang patuloy na nilalamon ng buhos ng ulan. Ang malakas na sigaw ni Senor Hilario ay nagdulot ng labis na takot kay Raul at Esmeralda kung kaya't agad pinatakbo ng mabilis ni Raul ang kabayo. Napakapit na lamang si Esmeralda sa gilid ng kalesa habang tinatanaw ang galit na galit na mukha ni Senor Hilario. Dali-daling bumaba si Hilario at agad hinila ang buhok ni Trinidad na nakaluhod sa gitna ng kalsada. May hawak itong mahabang baril na ipuputok sana sa ulo ni Trinidad ngunit napatigil siya nang maglabasan ang kaniyang mga guardia personal. " (FOLLOW THEM!) utos ni Hilario sa kaniyang mga guardia personal na nasa dalwampu rin ang bilang. Agad nilang kinuha ang kanilang mga kabayo, maging si Senor Hilario ay sumakay na rin sa kabayo bitbit ang kani-kanilang mga baril ay agad nilang hinabol ang kalesang sinasakyan ni Esmeralda. P 35-2 "FUEGO!" (FIRE!) sigaw ni Hilario, hindi naman nag-atubili na magpaputok ng baril ang mga guardia personal upang pigilan ang kumakaripas na kalesa papalayo. "Yumuko ka!" sigaw ni Raul kay Esmeralda sabay hawak sa ulo nito at sabay silang yumuko upang hindi sila tamaan ng bala na sunod-sunod na pinapakawalan ng mga kalaban. "P*nyeta! Hindi ka ba titigilan ng kastilang iyan!" reklamo ni Raul kay Esmeralda, napalingon naman si Esmeralda sa likuran at unti-unti na ngang nakakalapit sa kanila ang mga kastila. Agad iniliko ni Raul ang kalesa papunta sa kagubatan sa gilid ng 'ilog Tangis'. Inakala niyang hindi na sila susundan doon ng mga kalaban ngunit nagkamali siya dahil hindi titigil si Hilario hangga't hindi sila naabutan. "FUEGO!" (FIRE!) muling utos ni Hilario sa mga alagad niya, sabay-sabay naman itong nagpaputok ng baril hanggang sa tamaan ang kaliwang paa ng kabayo sa kalesang sinasakyan nina Raul at Esmeralda. "HINDI!" napasigaw na lamang silang dalawa nang biglang matumba ang kabayo at tumagilid ang kalesang sinasakyan nila. nagkapira-piraso ang kalesa habang patuloy na humihiyaw ang kabayo dahil sa sakit. Nahulog si Esmeralda at Raul sa 'ilog tangis'. "�ENCU�NTRALOS!" (FIND THEM!) muling utos ni Hilario sa mga tauhan, agad namang bumaba sa kani-kanilang mga kabayo ang mga guardia personal at maingat na naglibot sa paligid. Napakadilimng paligid, tanging mga apoy sa sulo na kanilang bitbit ang nagbibigay liwanag sa buong kagubatan. Sa kabilang dako ng ilog ay agad nakaahon si Raul, mabilis siyang nagkubli sa kumpol ng mga Liryo (Water Lily) na nagkalat sa gilid ng ilog. nagpalinga-linga si Raul sa buong paligid, bigla siyang nakaramdamng takot nang hindi makita si Esmeralda. Muli niyang tinanaw ang mga guardia personal na nasa gilid ng ilog, patuloy pa rin ito sa paghahanap sa kanila. dali-dali siyang lumangoy sa ilalimng ilog, halos kalahating segundo rin siya naghanap sa ilalim, mabuti na lamang dahil may napadaan na isang guardia personal na may dalang sulo kung kaya't nakita niya mula sa di-kalayuan si Esmeralda habang pilit na kumakawala sa mga Liryong (Water Lily) na pumulupot sa kaniya. Agad siyang lumangot papunta sa kinaroroonan ni Esmeralda at tinulungan itong tanggaling ang pagkakabuhol-buhol ng halaman sa katawan ng kaibigan. Ilang sandali pa ay nakawala na rin si Esmeralda at agad siyang hinila ni Raul upang makaahon na sila. "Se�or Hilario ... se han ido" (Senor Hilario... they're gone) wika ng isang guardia personal, halos ilang minuto na rin kasi silang nagpalibot-libot sa ilog ngunit hindi nila mamataan ang dalawang indio. "SALIR DE MI VISTA! BASTARDO!" (GET OUT OF MY SIGHT! BASTARD!) sigaw ni Hilario sabay hampas ng kaniyang mahabang baril sa mukha ng guardia personal na iyon dahilan para mapatumba ito sa lupa at dumugo ang ilong. "�LOS MATAR� TODO SI USTED NO PUEDE ENCONTRARLOS!" (I WILL KILL YOU ALL IF YOU'RE NOT ABLE TO FIND THEM!) sigaw ni Senor Hilario na umalingangaw sa buong kagubatan, nagpaputok pa siya ng baril sa ere dahilan para mabulabog ang mga hayop sa buong kagubatan. Nang makaahon na si Esmeralda at Raul ay agad silang gumapang sa gilid ng matatas na punong-kahoy sa buong paligid. Nang makalayo na sila ay dali-dali silang tumakbo papalayo. Mabuti na lamang dahil kabisado ni Raul ang lahat ng pasikot-sikot sa kagubatan kung kaya't madali silang nakarating sa daungan P 35-3 nang hindi dumadaan sa plaza San Alfonso at sa palengke. Maraming mga guardia civil ang nakabantay roon at siguradong paghihinalaan sila dahil nababalot na ng putik ang kanilang mga katawan. Medyo humina na ang bagsak ng ulan at tanging ambon na lamang. "Paano ang kalesa ni Don Santiago Montecarlos?" nag-aalalang tanong ni Esmeralda kay Raul habang tinatahak nila ang daan papalabas sa kagubatan. "Hindi na bale, luma at patapon naman na ang kalesang kinuha ko sa hacienda nila kung kaya't hindi na iyon mapapansin pa ni Don Santiago" sagot ni Raul, nagulat si Esmeralda nang makitang bitbit din ni Raula ng kaniyang tampipi. "Maraming Salamat! Akala ko ay tuluyan nang lumubog iyan sa ilog kanina" wika ni Esmeralda sabay kuha ng kaniyang bagahe. "Hindi ba't sa susunod na linggo ay sa pamilya Montecarlos ka na maninilbihan?" tanong ni Raul, hindi naman agad nakapagsalita si Esmeralda. "Ang balita ko ay ikaw raw ang magiging tagapag-alaga ng nag-iisang anak ni Don Santiago na si Senorito Alejandro Montecarlos" tanong pa muli ni Raul sa kaibigan sabay tingin rito. Napahinga naman ng malalimsi Esmeralda. "May mas importante pang bagay ang dapat kong pagtuunan ng pansin" sagot ni Esmeralda, medyo bumagal na ang kanilang takbo dulot na rin ng pagod. Kanina pa sila tumatakbo, mabuti na lamang dahil mukhang hindi na sila nasundan ng grupo ni Senor Hilario. "Importanteng bagay? Ang alin? Ang pagiging kasapi ng iyong pamilya sa 'Cofradia de San Jose'? o ang biglaang paglisan ni Senor Rolando Valenciano?" usisa pa ni Raul dahilan para mapatigil si Esmeralda sa pagtakbo at mapatingin ng diretso sa mata ng kaibigang si Raul. "Esmeng... matagal ng usap-usapan ang pagiging kasapi ng inyong pamilya sa samahang itinatag ni Senor Hermano Puli... hindi rin lingid sa aming kaalalaman na nagkakaroon na ng pagtatalo ang mga prayle sa Tayabas (Quezon Province)" wika pa ni Raul, napaiwas naman ng tingin si Esmeralda. Labing siyamna taong gulang pa lamang siya ngunit puro na problema at pasakit ang kinakaharap ng kanilang pamilya. "Ngunit mas naniniwala ako na kaya ka tumakas kay Senor Hilario ay dahil nais mong sundan si Senor Rolando sa Maynila" patuloy pa ni Raul sabay abot ng lihamkay Esmeralda. Ang lihamna iyon ay ang liham na inabot sa kaniya ni Trinidad kanina. Agad kinapa ni Esmeralda ang kaniyang bulsa at nagulat siya dahil wala nga roon ang lihamna inabot ni Trinidad sa kaniya na kung saan nakalagay doon ang direksyon ng tirahan ni Senor Rolando sa Maynila. "Paano mo nakuha iyan?" gulat na tanong ni Esmeralda sabay kuha sa lihamna iyon sa kamay ni Raul. Bigla namang napangiti si Raul, isang ngiti na mababakas ang lungkot at pagkasawi. "Nakuha ko iyan kanina noong sinabi ko sa iyo na yumuko ka habang hinahabol tayo ng mga tauhan ni Senor Hilario..." panimula ni Raul sabay iwas ng tingin kay Esmeralada. "Napag-isip-isip ko na mas makabubuti kung hindi ko na ibabalik sa iyo ang lihamna iyan upang hindi kay magkita ni Senor Rolando sa Maynila... ngunit batid ko na kapag hindi mo siya nakita sa huling pagkakataon ay labis mong ikalulungkot ito kung kaya't napagdesisyunan ko na ibalik sa iyo... hindi tamang maging hadlang pa ako sa pag-iibigan ninyo" paliwanag ni Raul, ang tono ng kaniyang boses ay may halong kalungkutan. P 35-4 Hindi man niya sabihin, hindi man niya aminin. Matagal ng alamni Esmeralda na may lihimna pagtingin sa kaniya ang kaibigang si Raul. Naalala niya bigla ang kanilang unang pagkikita, si Raul ay matalik na kaibigan ng kaniyang kapatid na binatilyo na si Bartolome. Bagama't nararamdaman ni Raul na hindi magagawang suklian ni Esmeralda ang kaniyang pagmamahal, masaya na rin itong kahit papaano ay magkaibigan silang dalawa. Nagulat si Raul nang hawakan ni Esmeralda ang kaniyang kamay "Maraming Salamat sa lahat ng tulong mo, hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng ito, magmula sa naging magkaibigan tayo hanggang sa mga oras na ito ay habambuhay kong tatanawin na utang na loob sa iyo ang pagtulong mo sa akin ngayon" tugon ni Esmeralda, napatingin naman si Raul sa kamay nilang magkahawak ngayon. alamniyang sa mga oras na iyon ay hanggang doon na lang talaga sila, hanggang magkaibigan na lang talaga... at hindi na hihigit pa roon. Naalala bigla ni Raul ang sulat na natanggap niya kahapon mula kay Esmeralda, humihingi ito ng tulong na makatakas sa tahanan ni Senor Hilario. Magmula nang umalis si Senor Rolando sa hacienda Valenciano papunta sa Maynila noong nakaraang buwan ay hindi na nakalabas pa ng mansyon si Esmeralda. Ikinulong na siya roon. "Wala iyon... basta para sa iyo... Esmeng" tugon ni Raul sabay ngiti, sa pagkakataong iyon tanggap na niya sa kaniyang sarili na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin sa kaniya ni Esmeralda. Sinuklian naman siya ng dalaga ng isang matamis na ngiti, mga ngiti na nagpapalambot sa puso ng sinumang nakakakita niyon. "Sige na Esmeng... baka maiwan ka ng bangka, hinihintay ka na rin ng iyong ama at ina, paki-kamusta na lang din ako kay Bartolome at Puloc" ngiti pa ni Raul at siya na mismo ang naunang bumitaw sa pagkakahawak ni Esmeralda sa kaniyang kamay. Si Bartolome at Puloc ay ang dalawang lalaking nakababatang kapatid ni Esmeralda. Binatilyo na si Bartolome at ubod ito ng sungit. Habang pitong taong gulang pa lamang si Puloc at hindi ito nakakapagsalita. Nagsimula nang humakbang patungo sa isang maliit na bangka sa pinakadulo ng daungan, napalingon pa siya muli kay Raul at kumaway sa kaniya. Ilang saglit pa ay tumalikod na si Raul at naglakad na pabalik sa hacienda Montecarlos kung saan siya naninilbihan. Agad natanaw ni Esmeralda si Puloc habang pinapatulog ito ng kaniyang ina na si Aling Juana. May lahing intsik ang kaniyang ina kung kaya't namana nila ang puti ng balat at katamtamang pagkasingkit ng mata. "Esmeng!" tawag ng kaniyang ama na si Mang Gilberto, agad itong bumaba sa bangka at niyakap ang kaniyang anak. "Itay!" "Ate Esmeng!" tawag naman ni Bartolome na siyang nag-aayos ng talukbong sa kanilang bangka upang hindi sila makita ng mga kastila. "Esmeralda anak!" wika naman ni Aling Juana at agad din siyang bumaba sa bangka at yumakap sa anak. "Salamat sa Diyos at nakatakas ka..." patuloy pa ni Aling Juana, at dali-dali nilang inalalayan si Esmeralda pasakay sa bangka. "Bilisan na natin, tumigil na ang buhos ng ulan at humupa na ang malakas na alon sa dagat, makakapag-layag na tayo" wika naman ni Mang Gilberto at agad niyang inutusan si Bartolome na P 35-5 tanggalin na ang tali ng bangka upang makaalis na sila. "Naniniwala ako na may panibagong buhay tayong haharapin sa Tayabas (Quezon Province)" ang huling wika ni Mang Gilberto sabay ngiti sa kaniyang pamilya. Isa-isa niyang tiningnan ang kaniyang mga anak na si Esmeralda, Bartolome at Puloc saka niya ibinaling ang tingin niya sa kaniyang asawa na si Aling Juana "Magiging ligtas tayo sa samahan ni Senor Hermano Puli" patuloy niya sabay ngiti at nagsimula na siyang magsagwan. Tatlong araw lulan ng maliit na bangka ang tinagal bago sila nakarating sa probinsya ng Tayabas (Quezon Province). Alas-sais pa lamang ng umaga ngunit masigla na ang mga mamamayan ng Tayabas (Quezon Province). Ang ilan sa mga mangingisda ay may kani-kaniya ng buhat-buhat na mga banyera na naglalaman ng samo'tsaring mga uri ng isda. Ang ilang sa kanila ay pinag-aagawan na ng mga mamimili na nag- aabang sa dalampasigan. Karamihan sa mga nag-aabang sa dalampasigan ay mga kasambahay ng mga mayayamang pamilya. habang ang mga principales naman o ang mayayamang pamilya ay nasa loob ng kanilang mga magagarbong kalesa habang pinapaypayan ng kanilang mga tagapagsilbi. Nakatanaw lang sila mula sa kalsada dahil ayaw na ayaw nila ang amoy ng malansang isda kahit pa sila rin naman ang kakain niyon. Ilang saglit pa, nagtatakang napatingin ang mga tao sa paparating na bangka nila Mang Gilberto. Nang dumaong na sa dalapmasigan ang bangka nila Mang Gilberto ay dali-daling nag- usisa ang mga tao, inakala nilang naglalaman din ng banye-banyerang mga isda ang bangkang iyon. laking gulat nila nang makita na isang pamilya na hinang-hina na ang lulan ng bangka. "Sus Maryusep! Saan kayo nanggaling?" tanong ng isang ale at napakrus pa ito. Naalimpungatan naman si Esmeralda at laking gulat niya nang makita na pinapalibutan na sila ng mga tao. "Itay! Inay! Bartolome! Puloc! Gising!" isa-isa niyang ginising ang kaniyang mga magulang at mga kapatid. Maging ang mga ito ay nagulat dahil sa dami ng tao na umuusisa sa kanilang bangka. "Hindi ba kayo nakakaintindi ng wikang tagalog?" tanong muli ng ale, dahan-dahan namang napatayo Mang Gilberto. "M-magandang umaga po... ito na po ba ang probinsya ng Tayabas? (Quezon Province)" lakas loob na tanong ni Mang Gilberto, itinapat niya pa ang kaniyang dibdib ang gutay-gutay na sumbrero na gawa sa banig. "Oo... Ito nga ang probinsya ng Tayabas (Quezon Province)" sagot ng ale, bigla namang sumilay ang malaking ngiti sa labi ng pamilya Tenerio. "Kung gayon... maaari po ba naming malaman kung nasaan ang himpilan ng Cofradia de San Jose?" tanong ni P 35-6 Mang Gilberto, bigla namang nagkatinginan ang mga tao, magkahalong tuwa at pagdududa ang namayani sa mga reaksyon nila. "Ikaw ba ay kasapi ng samahang itinatag ni Senor Hermano Puli?" usisa pa ng matandang ale, napatingin naman si Mang Gilberto sa kaniyang pamilya bago tumango bilang sagot. "Hindi na nakapagtataka dahil malawak na ang sakop ng ating samahan... Halika, sumama kayo sa amin... kung papalarin ay baka maabutan niyo si Ginoong Puli" wika ng matandang ale, agad naman silang tinulungan ng mga mamamayan ng Tayabas (Quezon Province). Magmula sa paghahakot ng kanilang gamit hanggang sa pag-aayos ng kanilang bangka na may kaunting butas na. Habang naglalakad sila patungo sa lugar na pagdadalhan sa kanila ng matandang ale ay nagsimulang magtanong ang mga mamamayan sa kanila. karamihan sa mga tanong ay kung paano nila nalaman ang tungkol sa Cofradia de San Jose at ang tungkol kay Hermano Puli. Si Apolinario dela Cruz o mas kilala bilang "Hermano Puli/Pule" ay ipinanganak noong Hulyo 22, 1814 sa bayan ng Lucban na sakop ng Probinsya ng Tayabas (Quezon Province). Noong 1829, ay napagdesisyunan niyang maging isang pari at ninais niyang maging kabilang sa samahan ng mga paring Dominikano sa Maynila. Sa kalagitnaan ng mga panahong iyon ay mahigpit na ipinagbabawal na maging pari ang isang Indio (purong Pilipino). kung kaya't nagtrabaho na lang siya bilang 'lay brother' sa Ospital ng San Juan De Dios na nasa Intramuros, Maynila. Sa panahong iyon ay nag-aaral na rin siya patungkol sa Bibliya at sa mga kasulutang pang-relihiyon. Noong 1832, itinatag ni Apolinario Dela Cruz"Hermano Puli" ang 'Cofradia de San Jose' isang samahan na pang-relihiyon na para lamang sa mga Indio o Pilipino. Layunin ng samahan na maipalaganap ang mga mabubuting gawain na naayon sa Kristiyanismo. Sa kabuuan ang samahang itinatag ni Hermano Puli ay para sa mga Pilipino na nais sumamba at manampalataya sa Diyos ng walang Diskriminasyon mula sa mga Kastila. Sa tuwing may nais na sumama sa kanilang samahan na isang Espanyol o Mestizo ay kailangan pa ng pahintulot mula kay Hermano Puli. Hindi naglaon ay niyakap at tinangkilik ng mga Pilipino ang samahan hanggang sa dumami ang bilang ng kanilang mga kasapi. Umabot ito sa 4,500 hanggang 5,000 miyembro. Ang kanilang samahan ay lumawak din at nagkaroon ng mga himpilan mula sa Bundok Banahaw hanggang sa Tayabas (Quezon Province), Laguna at Batangas. Tuwing ika-19 kada buwan ay nagkakaroon sila ng malawakang pagpupulong na kung saan pinaparangalan nila ang pista ni San Jose. Nagaambag din ang bawat miyembro ng isang real (one real) para sa mga gastusin ng samahan. "Magandang Umaga... nariyan ba si Ginoong Puli?" tanong ng matandang ale nang makarating sila sa isang P 35-7 tahanan na gawa sa tabla at medyo may kalakihan. Isa-isa ring naglabasan at dumungaw sa kani-kanilang mga bintana ang mga mamamayan ng Tayabas (Quezon Province) na nasa loob ng kanilang tahanan. Isang nayon na napapalibutan ng dalawang dosenang bahay kubo ang makikita sa buong paligid. Ibang-iba sa bayan ng San Alfonso na kinalakihan ni Esmeralda at ng kaniyang pamilya. karamihan kasi sa mga tirahan sa San Alfonso ay mga mansyon at hacienda dahil puro mayayaman at Kastila ang nakatira roon. At isang panibagong mundo para kay Esmeralda ang probinsya ng Tayabas (Quezon Province). Para sa kaniya ay mas maganda, payapa at payak mamuhay dito sa Tayabas (Quezon Province). May iilang mga manok at mga baboy ang nasa ilalimng mga bahay. naalala niya bigla ang alagang manok sa hacienda Valenciano. "Kasalukuyang nasa sakahan sina Senor Hermano Puli kasama ang ilan sa ating mga kasamahan, nagaani na sila ng mga palay at mais kung sakaling lumusob ang mga Kastila ay may maiimbak na mga pagkain at gamot tayo" wika ng isang Ginoo na may karangyaan ang kasuotan. Nakaupo ito sa salas habang pinapagpagan ang kaniyang mamahaling sumbrero. "Bakit niyo pala hinahanap ang aking amigo, Aling Indang?" tanong ng ginoo na sa tingin ni Esmeralda ay nasa edad dalawampu pataas lamang. Sa tindig at pustora pa lang ng ginoong iyon ay malalaman na isa itong mestizo. "Hinahanap siya ng pamilyang ito... Ano nga ulit ang ngalan niyo?" tanong ni Aling Indang sabay lingon sa pamilya Tenerio. Agad namang nagbigay galang si Mang Berto "Ako po si Gilberto Tenerio at ito ang aking asawa na si Juana Tenerio... ang amin naman pong tatlong anak ay si Esmeralda, Bartolome at Puloc Tenerio" pakilala ni Mang Gilberto sabay tapat ng kaniyang sumbrero sa kaniyang dibdib. Ganoon din ang ginawa ng binatilyong si Bartolome at batang si Puloc habang yumuko naman si Aling Juana at Esmeralda bilang paggalang. "Saan naman kayo nanggaling? At paano niyo nalaman ang aming samahan?" usisa pa ng meztisong ginoo na kanilang kausap. "Noong ikalawang linggo ng Oktubre ay nakadalo po kami sa pista ng Birheng Maria ng La Naval sa Maynila, a noong pauwi na po kami ay sa daungan po ng Batangas kami dumaan... nalaman po namin ang inyong samahan doon mula sa inyong himpilan sa Batangas" mahinahong sagot ni Mang Gilberto, nabawasan naman ang pagdududa sa mukha ng mestizong ginoong kanilang kausap. "Naniniwala po ako na nagsasabi sila ng totoo Senor Domingo Roxas" sabat ni Aling Indang, napatangotango naman ang ilan sa mga kasapi ng samahan. "Kung gayon, tumuloy muna kayo rito sa aming himpilan... ako ng apala si Domingo Roxas" ngiti ng mestizong ginoo sabay abot ng palad kay Mang Gilberto. Isa-isa rin niyang binati at nginitian ang pamilya Tenerio. Tulong-tulong ang mga kalalakihan ng Tayabas (Quezon Province) sa pagtatayo ng maliit na bahay kubo para sa pamilya Tenerio. Matapos lamang ang dalawang araw ay yari na ang kanilang bahay. sinalubong din sila ng mga masasayang ngiti mula sa mga mamamayan ng Tayabas (Quezon Province). Animo'y ramdamna ramdamnila ang mainit na pagtanggap ng mga tao. Sa sumunod na dalawang gabi ring iyon ay nagkaroon ng pagpupulong ang lahat sa loob ng bahay ni Hermano Puli, nakatayo ang binatang si Hermano Puli sa gitna, siya ay dalawampu't pitong taong gulang pa lamang P 35-8 ngunit kitang-kita na ang kaniyang kakisigan at katapangan. Nag-aalab ang kaniyang pagmamahal sa bayan at sa Diyos. Ang diskriminasyon ay kaniyang mariing tinututulan. "Humingi na tayo ng pahintulot at nagpaliwanag sa Real Audencia ngunit sinasabi pa rin nilang ang samahang ito ay isang rebelyon!" panimula ni Hermano Puli, ang kaniyang boses ay punong-puno ng katapangan. (Ang Real Audencia ay ang Supreme Court noong panahon ng Kastila). "At nito lamang Enero ay nagpadala ako ng lihamat petisyon sa punong Obispo ng 'Nueva Ciceres' inilahad natin na malinis ang layunin at hangarin ng ating samahan. Ang nais lamang natin ay magkaroon ng samahan na kung saan sama-sama tayong nananalangin sa Poong Maykapal nang hindi nakakaranas ng diskriminasyon mula sa mga Kastila!... ngunit ano ang kanilang ginawa? Hindi nila pinansin ang ating lihamat petisyon!" patuloy pa ni Hermano Puli sa bawat salitang kaniyang binibitawan ay nakapagdudulot ng tapang at pag-asa sa mga miyembro ng samahan. "Patuloy nilang sinasabi na ang ating samahan ay may layuning politikal! Patuloy silang nag-bubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa ating mga paliwanag! Paano ka malilinawan kung hindi mo imumulat ang iyong mga mata? Paano mo mauunawaan at maiintindihan kung hindi mo bubuksan ang iyong mga tainga? Paano nila maririnig ang ating boses at panawagan kung hindi nila bubuksan ang kanilang isipan?!" muling buwelta ni Hermano Puli, kasabay niyon ay agad niyang itinaas ang pulang bandila na simbolo ng kanilang samahan. "Hindi tayo tatahimik lamang! Ating ipaglalaban ang ating katuwiran, kaisipan, kahalagahan at pagmamahal sa ating mga nasimulang prinsipyo at layunin! Malayo-layo na ang narating ng ating samahan! Marami-rami na ang umaasa sa pagbabago na ating pinapangarap, Ang hinihingi lang naman natin ay pantay na pagkilala sa ating samahan na ang layunin ay huwag sanang magkaroon ng diskirimansyon sa pagitan ng mga Kastila at nating mga Pilipino... hangad lamang natin ay makapagsilbi tayo sa simbahan ng malaya" tugon pa ni Hermano Puli at muli niyang itinaas ang pulang bandila. Kasabay niyon ay sabay- sabay naghiyawan ang mga tao. "Kalayaan! Kabanalan! At Pantay na Karapatan!" sigaw ng mga tao habang isnusuntok sa hangin ang kanilang mga kamao. Maging mga kababaihan at kabataan ay itinataas din nila ang kanilang mga kamao. Hindi pa man natatapos ang nag-aalab na hiyawan ng mga tao ay biglang nagtungo sa gitna ang isang matandang lalaki. "Iminumungkahi ko na kilalanin natin si Senor Hermano Puli bilang... HARI NG MGA TAGALOG!" sigaw ng matandang lalaki sabay hawak sa kamay ni Hermano Puli at itinaas ito sa ere. Kasabay niyon ay biglang nagtayuan ang mga tao at sabay-sabay na naghiyawan "SUMASANG-AYON KAMI! SI HERMANO PULI ANG ATING HARI!" halos sigaw ng lahat, ramdamna ramdamsa kanilang mga sigawan ang nag-aalab nilang mga damdamin para sa bayan at para sa layuning kanilang ipinaglalaban. "MABUHAY! ANG HARI NG MGA TAGALOG!" "MABUHAY!" "MABUHAY ANG HARI NG MGA TAGALOG!" "MABUHAY!" Sa kabilang dako, sa dulo ng pintuan ay naroon si Mang Gilberto, Aling Juana, Bartolome habang humihiyaw P 35-9 at punong-puno rin ng pag-asa na makakalaya ang mga Pilipino sa mga mananakop na Espanyol. Samantalang, nasa likuran naman nila si Esmeralda habang buhat-buhat ang batang si Puloc. Tahimik lamang silang dalawa habang pinagmamasdan ang mga taong galit na galit at nagsisigawan. Sa kalagitnaan ng gabi, sa ilalimng kabilugan ng buwan. Sa loob ng kanilang himpilan ay naroon ang bawat Pilipinong nagnanais ng kalayaan at pagbabago. Naghahari sa kanilang mga puso ang pagnanasa sa kaginhawaan na sa pangarap at panaginip lamang nila nakikita. Sabay-sabay nilang itinataas ang kanilang mga kamay habang iwinawagayway ni Hermano Puli ang pulang bandila sa kanilang harapan. ang gabing iyon ay punong-puno ng pag-asa... pag-asa na kahit papaano ay sandaling namayani sa kanilang mga puso't-isipan kahit pa ito ay hindi naging pangmatagalan. Oktubre 23, 1841 "Esmeng! Anong ginagawa mo rito? Hindi ka dapat sumunod sa amin!" sermon ni Mang Gilberto sa kaniyang dalagang anak na si Esmeralda. Hindi nila namalayan na nakasunod sa kanila si Esmeralda sa Barrio Isabang sa paanan ng bundok Banahaw na kung saan kanilang kakaharapin ang mga sundalong Kastila na ipinadala ni Gobernador-Heneral Marcelino de Oraa Lecumberri. "Itay! Umuwi na tayo!" pagpupumilit ni Esmeralda sabay hawak ng mahigpit sa kamay ng kaniyang tatay. Tuluyan nang bumuhos ang kaniyang luha, batid niyang nasa bingit ngayon ng kamatayan ang buhay ng kaniyang itay at kapatid na si Bartolome. "Lalaban tayo para sa bayan, sa Diyos at sa ating kalayaan" wika ni Mang Gilberto, nanginginig man ang kaniyang kamay ay nagawa niyang punasan ang luha ng kaniyang anak. "Pero paano kung may masamang mangyari sa inyo- " "Walang masamang mangyayari sa amin... magtiwala ka anak, mananalo tayo sa labang ito" tugon ni Mang Gilberto sabay yakap ng mahigpit sa kaniyang anak. Sa pagkakataong iyon parang bigla siyang pinanghinaan ng loob, ramdamniya ang paglambot ng kaniyang tuhod. Batid niyang maaaring iyon na ang maging huli nilang pagkikita. "I-ikaw na ang bahala sa iyong ina... at k-kapatid... p-palagi niyong tatandaan na mahal na mahal namin kayo..." pilit nilalabanan ni Mang Gilberto ang kaniyang mga luha ngunit hindi na niya ito mapigilan pa. hindi maitatanggi na sa kabila ng tapang na kaya niyang ibuwis ang buhay niya para sa bayan ay naroon din ang takot na maiiwan niya ang kaniyang pamilya. "At kung kayo ni Senor Rolando ang magkakatuluyan... panatag akong aalagan niya ang iyong puso anak" patuloy pa ni Mang Gilberto sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Esmeralda. Hindi naman agad nakapagsalita si Esmeralda, hindi niya akalain na alamng kaniyang itay ang tungkol sa kanila ni Senor Rolando. Napatingin si Mang Gilberto sa rosaryo na purselas na gawa sa kahoy na suot ni Esmeralda sa kaniyang kaliwang kamay. "Sabihin mo kay Senor Rolando na ibinibigay ko ang pahintulot sa inyo" muling ngiti ni P 35-10 Mang Gilberto sabay yakap muli ng mahigpit sa anak. Hindi naman malaman ni Esmeralda kung matutuwa ba siya, malulungkot o matatakot dahil halo-halo na ang emosyong kaniyang nararamdaman. Magsasalita pa sana si Esmeralda ngunit nagitla sila nang biglang tumunog ang sunod-sunod na tambol hanggang sa umalingawngaw ang boses ng isang lalaki na nakatayo mula sa mataas na bahagi ng bundok Banahaw. "NARITO NA ANG MGA KASTILA!" sigaw nito na nagdulot ng kilabot sa lahat. agad hinila ni Mang Gilberto si Esmeralda papasok sa isang maliit na yungib sa loob ng bundok. "Dito ka lang anak! Huwag na huwag kang lalabas!" bilin ni Mang Gilberto hindi na nito naikubli pa ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata nang iwan ang anak sa loob ng yungib at nagtungo na siya sa labas upang kaharapin ang laban. "HUMANDA NA TAYO!" sigaw ng kanilang pinuno na si Hermano Puli, at agad pumwesto sa harap. Dalidali namang humelera ang halos apat na libong (4,000) bilang ng mga Pilipino. May hawak silang mga panangga na gawa sa makakapal na kahoy at tabla, ang ilan ay may hawak na matatalimna mga tabak, itak, kutsilyo, at mga pana. Nakapwesto rin sa kanilang harapan ang matutulis na kawayan na kanilang pinatalas upang maging depensa sa unahan. Naroon din ang pinagpatong-patong na kopra ng niyog upang maging depensa rin sa mga bala at baril ng mga Kastila. Suot ang kanilang mga salakot ay nakakubli sila sa pinagpatong-patong na mga kopra at mga damo. Mariin silang nagmamasid sa paparating na hukbo ng mga Kastila na nasa tatlong daan ang bilang (300). Sa pamumuno nng alcalde mayor ng Tayabas (Quezon Province) na si Joaquin Ortega ay buong tapang na nagmamartsa ang mga Kastila bitbit ang kanilang mahahabang baril na may mga kustilyo pa sa dulo. Pusturang-pustura at kompleto rin sa uniporme ang mga sundalong Kastila habang ang mga matataas na opisyal at heneral sa kanila ay nakasakay pa sa naglalakihang mga kabayo. Sa gitna ng hukbo ng mga Kastila ay nakataas at iwinawayway ang bandila ng Espana. Sa kabilang dako, sa panig ng mga Pilipino ay tahimik lamang silang nakaabang. Bawat minuto, segundo na lumilipas ay parang isang tinik sa lalamunan na ang hirap lunukin. Maging ang kanilang paghinga at kabog ng dibdib ay bumibilis din. Kahit pa nanginginig sa takot ay hindi pa rin sila umaalis sa kanilang pwesto, taimtimna hinihintay ang pagdating ng tamang oras ng pagsalakay. Ang oras na magdidikta sa kanilang buhay at kamatayan. "EN EL NOMBRE DE NUESTRO AMADO PAIS LA MADRE ESPA�A Y SU HIJO FILIPINAS, JUNTOS EN HONOR DEL TRIBUNAL SUPREMO M�S ALTO Y DEL GOBIERNO ESPA�OL EN ESTA ISLA, LE COMENZAMOS A RENOVAR ... PONER SU ARMAS, CURVA SU RODILLA Y ACEPTE SU DEFEAT ... SI USTED INSISTE, LA TRAICI�N Y LA REBELI�N SER�N PENALIZADAS A LA MUERTE" (IN THE NAME OF OUR BELOVED COUNTRY THE MOTHER SPAIN AND HER CHILD FILIPINAS, TOGETHER IN HONOR OF THE HIGHEST SUPREME COURT AND THE SPANISH GOVERNMENT IN THIS ISLAND, WE COMMAND YOU TO SURRENDER... PUT DOWN YOUR WEAPONS, BEND YOUR KNEE AND ACCEPT YOUR DEFEAT... IF YOU INSIST, TREASON AND REBELLION WILL BE PENALIZED TO DEATH) anunsyo ng isang sundalo habang binabasa ang isang kasulatan mula sa P 35-11 Gobernador-Heneral. Nang marinig ni Esmeralda ang mga salitang iyon, hindi man niya naintindihan ngunit naghatid pa rin ito ng kilabot sa kaniya. Agad siyang lumabas sa pinagtataguang yungib at dali-daling sumilip sa labas. Sandaling naghari ang katahimikan... tanging mga buntong hininga at takot mula sa magkabilang panig ang nanaig. Ilang sandali pa, biglang itinaas ng panig ng mga Pilipino ang kanilang pulang bandila. "SUGOD!" sigaw ng kanilang pinuno at sabay-sabay naglabasan ang lahat sa kani- kanilang pinagtataguan. Nakabibinging sigaw ang bumalot sa buong paligid hanggang sa pumewsto na rin ang mga sundalong Kastila at dali-daling nagpaputok ng baril. Ang ilan sa kanila ay agad nagkasagupaaan at nakalapit sa pwesto ng mga Pilipino. " (FIRE!) sigaw ng heneral ng mga Kastila hanggang sa ilabas na rin nito ang kaniyang espada at nakipagsagupaan sa mga Pilipino. Ang sagupaan ay animo'y bagyo sa paligid, nagliparan ang mga alikabok dulot ng mga sipaan, suntukan, saksakan at barilan na nagaganap. Ang ilan ay pagulong-gulong na sa lupa habang pilit na sinasakal ang isa'tisa. Sa pagkakataong iyon, ang yungib na kinukublian ni Esmeralda ay hindi na rin ligtas, agad siyang naitulak ng isang kastilang sundalo na pilit na umiiwas sa hampas ng tabak ng isang indio. Agad nakuha ng kastilang sundalo ang maliit na balisong na nasa kaniyang sapatos at inihagis sa Indio. Tumama ito sa leeg ng binatang indio na agad nitong ikinamatay, dali-dali namang kinuha ng kastilang sundalong iyon ang kaniyang balisong at namataan ang isa pang indio na nakatalikod at nakikipalaban. Nanlaki ang mga mata ni Esmeralda nang makita ang gagawing pagsaksak ng kastilang iyon sa kaniyang tatay kung kaya't bago pa man maibato ng kastilang sundalo ang kaniyang balisong ay agad siyang napigilan ni Esmeralda. "MIERDA!" (SHIT!) buwelta nito at malakas na hinampas si Esmeralda dahilan para matumba ito sa lupa at tumama ang kaniyang ulo sa makapal na bato ng yungib. Biglang bumagal ang paligid, animo'y wala na rin siyang marinig. Sinubukang igalaw ni Esmeralda ang kaniyang katawan ngunit hindi niya magawa, naramdaman na lang niya ang mainit na dugo na dumadaloy mula sa lupang kaniyang hinihigaan. Animo'y nabuhusan siya ng malamig na tubig nang mapagtanto niya na ang dugong iyon ay mula sa kaniyang ulo na nagdurugo na ngayon. nakahandusay lamang siya roon sa gitna ng labanan habang unti-unting namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. Muli siyang napatingin sa kaniyang kaliwang kamay kung saan naroon ang rosaryong purselas na bigay sa kaniya ni Senor Rolando. Ngunit napigtal na ang kaniyang purselas... maging ito ay durog-durog na habang nakakalat ang bawat piraso ng bato (beads) sa kalupaan habang ang mga ito ay naliligo na rin sa sarili niya mismong dugo. Napatingin siya sa araw sa kalangitan na unti-unting natatakpan ng makapal na ulap. Hindi na niya kaya pa ang mga nangyayari, hindi na niya kaya pang huminga para sa sarili. Dahan-dahan na niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at nang dilimna lang ang kaniyang nakita... biglang pumasok sa kaniyang isipan ang P 35-12 kakaibang alaala... "Te esperare por siglos... Lumeng" (I will wait for you for Centuries... Lumeng) tugon ng isang lalaki na nakatayo mula sa ilalimng malaking puno habang patuloy na bumubuhos ang ulan. Napangiti na lamang si Esmeralda nang makilala ang lalaking iyon na hindi naman bahagi ng kaniyang alaala... Ngayon alam ko na kung bakit pamilyar ka sa akin Senor Rolando... ****************** A/N: Ang kabayanihan na ipinamalas ni Hermano Puli at ng kaniyang mga kasama ay nakatala sa Kasaysayan ng Pilipinas. Abangan ang susunod na Kabanata sa istoryang ito na magsasalarawan din sa kanilang Kagitingan. Si Domingo Roxas na kasapi rin ng Cofradia de San Jose ay ninuno ng pamilya Ayala na may ari ng Ayala Corpration ngayon. Maraming Salamaaat shimmeringshimmer sa iyong Cute na Cute na obra para kay Salome <3 Ang cutieee talagaaa <3 Source of Hermano Pule: http://www.watawat.net/hermano_pule_and_the_cofraria_de_san_jose.html Naaalala ko na naman silaJuanito?? Syasifelipe?? P 35-13 Kabanata f(x - 34) 45.3K 1.9K 1.5K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 34] Our Asymptotically Love Story (page 243 - 266) Ika-Labing Animna Kabanata Filipinas 1688 Bawat patak ng ulan na tumatama sa kalupaan ay parang isang nakabibinging ingay para kay Salome. Maging ang bawat hakbang ng kabayong kanilang sinasakyan ay parang dagundong ng puso niyang hindi na maawat sa pagkabog ngayon. Sa huling pagkakataon ay muling tinanaw ni Salome si Fidel. Nakatayo lamang ang binata sa ilalimng malaking puno kasabay niyon ang patuloy na pagpatak ng ulan habang unti-unting nagiging malabo ang paligid dahil sa hamog na dala ng gabi, ngunit bago tuluyang maglaho ang paningin nila sa isa't-isa... nabasa ni Salome ang huling sinabi ni Fidel mula sa labi nito... "Te esperare por siglos... Lumeng" (I will wait for you for Centuries... Lumeng) Hindi man niya narinig ang boses ni Fidel, Hindi niya man niya maintindihan ang sinabi nito... Hindi niya mabatid kung bakit ang mga salitang iyon ay nagdulot ng kakaibang kirot sa puso niya. Napahawak na lamang siya sa kaniyang puso, magkahalong pagkirot at pamamanghid ang kaniyang nararamdaman. Napalingon muli si Nay Delia sa likod "Maraming Salamat Senor Fidel! Hanggang sa muli..." tugon ni Nay Delia at muli siyang kumaway kay Fidel, medyo malayo na sila sa kinaroroonan ni Fidel ngunit nakatayo pa rin doon ang binata. Animo'y tinatanaw sila hanggang sa tuluyang maglaho sa karimlan. Napalingon na lang si Salome sa kaniyang inay, hindi na niya magawa pang pagmasdan si Senor Fidel, ipinikit na niya ang kaniyang mga mata habang nakahawak pa rin sa tapat ng kaniyang puso. Batid niyang habambuhay siyang hahabulin ng alaalang iyon. "Tayo'y magdasal para sa paglalakbay na ito" patuloy pa ni Nay Delia sabay hawak sa kamay ni Salome at nasa kabila naman niya ang bunsong anak na si Julio. Ilalabas sana ni Felicidad ang kaniyang rosaryo ngunit naalala niyang iba ang relihiyon ng kanilang ina. Kung kaya't hinawakan na lang ni Felicidad ang kamay ng katabing si Salome pero biglang iminulat ni Felicidad ang kaniyang mga mata at napatingin sa bagay na nasa kamay ni Salome. "Ano ito?" nagtatakang tanong ni Felicidad sabay kuha ng bagay na iyon na hawak ni Salome. "Isang purselas na rosaryo? Sinong nagbigay sa iyo nito?" usisa niya pa sabay kuha ng purselas pero agad itong inagaw ni Salome at ikinubli iyon sa kaniyang kamay. P 36-1 "Saan mo nakuha ang purselas na rosaryong iyan?" patuloy pa ni Felicidad, napatigil naman si Nay Delia at Julio sa pagdarasal. Muling hinawakan ni Felicidad ang kamay ni Salome para kunin ang purselas na iyon. "Bakit mo tinanggap?!" seryoso niyang tugon sabay hawak sa magkabilang balikat ni Salome at tiningnan ito ng diretso sa mata. Sa pagkakataong iyon, biglang nakaramdamng takot at kaba si Salome dahil mukhang hindi ikinatuwa ng ate niya ang ideyang pagtanggap sa regalo ni Senor Fidel. "Fe!... Lumeng!... Ano ba iyan? Nasa kalagitnaan tayo ng pagdarasal- " hindi na natapos ni Nay Delia ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Felicidad. "Inay... tumanggap si Lumeng ng isang bagay na hindi dapat" sagot ni Felicidad, gulat namang napatingin sa kaniya si Salome at hinawakan niya ng mas mahigpit ang purselas na iyon. "Anong ibig mong sabihin Ate Fe?" naguguluhang tanong ni Salome, kitang-kita sa mga mata ni Felicidad ang labis na pag-aalala. "Tumigil na kayong dalawa... mahaba pa ang ating magiging paglalakbay kung kaya't magpahinga na kayo" suway ni Nay Delia, magsasalita pa sana si Felicidad kaso sinuway ulit siya ng kaniyang ina. "At hindi dapat tayo lumikha ng ingay o kakaibang kilos na makapagdudulot ng pagdududa sa mga guardia civil sa bayan" bilin pa ni Nay Delia sabay akap kay Julio para makatulog na ito. "Kapag tinanong tayo ng mga guardia ay isa lamang ang isasagot natin... Tayo ay pamilya ng mangangalakal mula sa Bulakan, at ngayong gabi ang ating byahe pabalik sa Bulakan" paalala pa ni Nay Delia, nakasunod din sa kanila ang dalawa pang kalesa lulan ang pamilya nila Mang Berto, Mang Isko, Mang Islao at Mang Pedro. Napatango na lang si Felicidad at Salome. Isang oras pa bago nila marating ang bayan at siguradong mas maraming mga guardia civil ang naglipana roon. Iikot sila mula sa bayan dahil kung sa mas malapit na daan sila dadaan ay madadaanan nila ang hacienda Alfonso na kung saan naninirahan si Gobernador Filimon Alfonso, siguradong mas maraming mga guardia doon at paghihinalaan ang kanilang pakay sa lawa kung kaya't dadaan sila paikot sa bayan para marating nila ang kabilang dulo ng lawa ng luha. Kailangan nilang kumilos ng normal upang hindi sila paghinalaan. Inabot rin ni Nay Delia ang dalawang balabal kay Salome at Felicidad upang ipangtakip nila sa kanilang mukha. "Baka sakaling makita tayo ng dalawang guardia na bantay na nagpapasok sa atin sa kulungan kagabi sa utos ni Senorita Eleanor... baka mamukhaan tayo ng dalawang guardia na iyon" patuloy pa ni Nay Delia, maging siya ay nagsuot na rin ng balalabal. Inabutan din niya ng balabal ang manugang na si Roselia na tulala at wala na sa sarili habang tahimik lamang na nakaupo sa pinakadulo ng kalesang sinasakyan nila. Ilang sandali pa, ipinikit na ni Nay Delia ang kaniyang mga mata habang hinawi-hawi ang buhok ni Julio upang makatulog ito ng mahimbing. Ipinikit na rin ni Felicidad ang kaniyang mga mata ngunit bigla siyang nagising nang hawakan ni Salome ang kaniyang braso. "Ate Fe... Anong ibig mong sabihin na hindi ko dapat tinanggap ang bagay na ito?" bulong ni Salome sa kaniyang ate, hindi naman agad nakapagsalita si Felicidad at muling napatingin sa rosaryong purselas na suot na ni Salome sa kaniyang kaliwang kamay. "Kalimutan mo na lamang Lumeng... Hindi naman siguro mangyayari iyon" sagot ni Felicidad at napasandal na sa kaniyang upuan pero hindi pa rin siya tinantanan ni Salome. "Ang Alin? Anong mangyayari?" usisa pa ni Salome, bigla namang napangiti si Felicidad, isang ngiti na nagagawa niya sa tuwing kinukulit siya ng kapatid na si Salome. P 36-2 "Hindi ko alamLumeng..." sagot ni Felicidad at napatingin siya sa ulan na patuloy na bumubuhos. "Hindi ko sigurado...pero naniniwala ako na hindi naman iyon totoo" patuloy pa ni Felicidad, napatingin na lang si Salome sa buhos ng ulan. At nang muli siyang lumingon sa kaniyang ate Fe ay natutulog na ito kaya hindi na siya nag-atubiling kulitin pa ito. "A d�nde vas? �Qui�n eres t�?" (Where are you going? Who are you?) panimula ng isang guardia civil, nagsimula namang maglakad paikot ang tatlong guardia civil sa palibot ng tatlong kalesa upang tingnan ang mga gamit na naroon at mga taong lulan ng tatlong kalesang iyon. "Buena noches- " (Good evening- ) hindi natapos ni Nay Delia ang sasabihin niya dahil biglang tumawa ang limang guardia civil na nakabantay sa bukana ng daungan. "�Est�pido! Indios no puede distinguir la diferencia entre ma�ana y tarde ... ya es amanecer ( Stupid! Indios cannot distinguish the dif erence between morning and evening... it's already dawn) tawa pa ng isang guardia civil na humihithit ng tabako kung kaya't hindi na makahinga ng maayos si Felicidad. Agad namang tinapik ni Nay Delia ang balikat ni Mang Berto na siyang kutsero ng kalesang sinasakyan nila. Sasalubungin na sana ni Mang Pedro ng suntok ang guardia civil na iyon, buti na lamang dahil napigilan siya ni Nay Delia. Mabuti na lang din dahil abala sa pagtatawanan ang mga guardia civil kung kaya't hindi nila napansin ang palabang itsura ni Mang Berto. "Lo siento ... Buenos d�as Se�or, estamos en nuestro camino de regreso a nuestra ciudad natal, en Bulakan" (I'm sorry... Good Morning Sir, we are on our way back to our hometown, in Bulakan) muling wika ni Nay Delia, patuloy pa rin sa pagtatawanan ang mga guardia at kung ano-ano pa ang mga pinagsasabnito na puro pangungutya, mabuti na lamang dahil si Nay Delia lang ang nakakaintindi sa pinagsasabi nila. Ilang saglit pa muli silang hinarap ng mga guardia civil at inilahad ang palad nila sa harapan ni Nay Delia "Una tonelada de plata har�" (A ton of silver will do) ngisi ng guardia sabay tawanan muli. Nagkatinginan naman sila Nay Delia, Mang Berto at Mang Isko. batid nilang maaaring gawan sila ng kwento ng mga guardia upang maharang sila sa San Alfonso at hindi na makaalis doon kung hindi sila magbibigay ng suhol. Napahinga na lang ng malalimsi Mang Isko na siyang kutsero ng pangalawang kalesa. Inilabas niya ang sampung piraso ng pilak na nasa kaniyang bulsa. Agad namang sumilay ang ngiti sa mga gahamang guardia at dali-daling nag-agawan sa mga pilak. " (Go ahead...) wika ng isa sa kanila sabay hampas ng malakas sa likuran ng kalesa ni Mang Kiko dahilan para magising ang mga batang anak nito. "D�melo!" (Give it me!) "Es mio!" (It's Mine!) Muli nang pinatakbo ni Mang Berto na kutsero ng unang kalesa, Mang Isko na kutsero ng pangalawang kalesa at Mang Islao na kutsero ng huling kalesa. Napalingon naman si Salome sa limang guardia civil na nagP 36-3 aagawan sa mga pilak, para silang mga gutomna aso na minsan lang makatikimng karne. Tahimik ang buong paligid, mas malamig ang hamog na humahampas sa kanila. Lalong- lalo na dahil malapit na sila sa lawa ng luha kung saan umiihip na ang malakas na hangin. Agad natanaw ni Salome ang bangkang tinutukoy ni Fidel na sasakyan nila patawid sa kabilang isla. At sa oras na makalabas na sila sa San Alfonso hindi na alamni Salome kung saan sila tutungo. "Dahan-dahan lamang ang pagbaba ng mga kagamitan, hangga't maaari ay huwag tayong lumikha ng ingay" paalala ni Nay Delia at siya mismo ang naunang bumaba sa kalesa. Sumunod naman sa kaniya ang iba. "Anong oras itatakas nila Pedro sina Isko, Ernesto at Danilo?" tanong ni Mang Berto, nang marinig iyon ni Salome ay bigla siyang siniklaban ng takot. Batid niyang delikado ang gagawin nilang iyon. Napatingin si Nay Delia sa madilimna kalangitan, Madaling araw na at ilang oras na lang ay sisikat na ang araw. "Bago magliwanag ay narito na sila... dapat" sagot ni Nay Delia habang nakatingala sa kalangitan. Kasabay niyon ang pagihip ng malamig na hangin. Wala ni isa sa kanila ang nagsalita o kumibo, pareparehong natahimik sa katotohanang ilang oras na lang ang natitira nilang pag-asa. Tulong-tulong nilang ibinaba ang mga malalaking baul, bayong, banyera at mga tampipi mula sa kalesa. Naunang naglakad si Salome patungo sa bangka na nakaabang sa bungad ng lawa, naalala niya bigla ang alamat ng lawa ng luha na ikinuwento sa kaniya noon ni Fidel. Sa pagkakataong iyon, pinagmasdan niya ang buong tanawin sa lawa, hindi niya mapigilang malungkot dahil sa hatid nitong kalungkutan. Ngayon naiintindihan ko na ang hatid na lungkot na dala ng lawang ito... "Lumeng... ikaw ba ay ayos lang?" tanong ni Mang Berto dahilan para matauhan si Salome, hindi niya namalayan na kanina pa pala siya nakatitig sa lawa ng luha habang buhat-buhat ang dalawang bayong. "O-opo Mang Berto" sagot ni Salome, sinubukan niyang ngumiti pero hindi niya magawa, sa pag-alalang nasa panganib ngayon ang buhay ng kaniyang itay at dalawang kapatid. Napahinga naman ng malalimsi Mang Berto, maging siya ay napatitig na lang din sa lawa ng luha na kumikinang ngayong gabi dahil sa liwanag ng buwan. "Pagmasdan mo ang buwan Hija... Sadyang napakaganda kung iyong titingnan... ngunit inaabot ito ng halos tatlumpung araw bago muling mabuo ang Kabilugan ng buwan..." panimula ni Mang Berto, dahilan para mapatitig na rin si Salome sa buwan. "Sa buhay na ito... Maswerte na kung matunghayan mo ang bawat kabilugan ng buwan sa loob ng isang taon, Maswerte na kung ikaw ay makakakain sa loob ng tatlumpung-araw, Maswerte na rin na maituturing kung makakauwi ka ng buhay at malakas matapos ang ilang buwang paninilbihan sa polo" wika ni Mang Berto, Naalala ni Salome na noong nakaraang taon ay dalawang buwan na nakaratay sa kama si Mang Berto na kapitbahay nila sa Tondo dahil nabagsakan ito ng adobe noong itinatayo nila ang mga pader sa Intramuros. Kasama rin sa polo y servicios ang kaniyang tay Isko at kuya Ernesto noon, nagmumula pa sa Guadalupe ang mga batong adobe na kanilang ibinabyahe papunta sa Maynila na magsisilbing mga matitibay na pader sa palibot ng intramuros bilang depensa sa mga nais lumusob doon. Ang Intramuros ay ang pangunahing naging sentro ng pamahalaan ng mga Kastila, nakatayo sa loob ng Intramuros ang halos pitong malalaking simabahan, ang palacio de Gobernador-Heneral na siyang tirahan at himpilan ng Gobernador-Heneral. Nasa loob rin ng Intramuros nakatira ang iilan sa mga mayayamang P 36-4 pamilya na karamihan ay mga Kastila. "May nakapagsabi rin sa akin noon na ang buhay ay naayon lang din sa Kapalaran... kung ikaw ay nakatakda nang mamatay sa araw ngayon, bukas o sa susunod na araw... kahit anong mangyari ay iyon na ang iyong magiging kapalaran" patuloy pa ni Mang Berto dahilan para mapatingin sa kaniya si Salome. Bakas sa mukha ni Mang Berto ang labis na kalungkutan at kawalan ng pag-asa. "Kung minsan... naiisip ko na lang, ganito pa rin ba ang buhay na kakaharapin ko sa susunod na buhay?... kung ang kapalaran ko sa susunod na buhay ay ganito pa rin, isang alipin, dukha, labis na inaabuso ng mga walang pusong nilalang... kung matutunghayan ko pa rin ang pagkamatay ng ilan sa aking mga anak dahil sa gutom, ang pagkakaroon nila ng sakit at ganito pa rin na wala akong magawa dahil wala akong pambayad sa doktor... Kung ganito pa rin na kailangan kong kumayod buong araw at buong gabi magkaroon lang ng ipapakain sa aking pamilya na hindi rin naman sapat sa buong maghapon... Hinihiling ko na wag na lang sana... hindi na lang sana ako mabuhay pa sa susunod na buhay" tugon ni Mang Berto, agad nitong hinawi ang namumuong luha sa kaniyang mga mata. May katandaan na rin si Mang Berto, kung tutuusin ay dapat nagpapahinga na ito dahil matanda na pero patuloy pa ring kumakayod para sa pamilya. "Kaya laking pasalamat ko na makilala ang iyong itay... sa lahat ng oras palagi siyang nariyan para sa akin at sa aking pamilya. handa siyang tumulong kahit pa ang bigas na dala niya ay isasaing na ng inyong pamilya pero binibigay niya pa rin sa amin, Hindi matatawaran ang kabutihan at kadakilaan ng iyong itay, kung hindi dahil sa kaniya malamang matagal na akong sumuko sa buhay na ito" patuloy pa ni Mang Berto, dahan-dahan namang tinapik ni Salome ang balikat ni Mang Berto. Ang pagkakaalamniya ay matagal ng matalik na magkaibigan ang kaniyang ama at si Mang Berto, mula nang isilang siya ay kilala na niya si Mang Berto na naging kasangga rin ng pamilya nila sa hirap at ginhawa. "Kung iisipin... kung hindi tayo nasakop ng mga Kastila... malamang isa kayo sa naghahari ngayon sa Kaharian ng Tondo" tugon ni Mang Berto at unti-unting sumilay ang ngiti mula sa kaniyang labi dahilan para mapangiti rin si Salome. "At sa tuwing naiisip ko iyon... ang makitang nasa magandang kalagayan at nasa mataas na katungkulan ang pamilya niyo ay labis na naghahatid din ng saya sa akin, ikinagagalak kong mapagsilbihan ang inyong pamilya... Kamahalan" wika pa ni Mang Berto at nagbigay galang siya kay Salome dahilan para matawa na lang si Salome sa kaniya. Parang pangalawang tatay na rin ang turing ni Salome kay Mang Berto. "Siguradong matatawa rin po si itay dahil sa ginagawa niyong pagbibigay galang na ganiyan... hindi niyo naman po kailangan gawin iyan Mang Berto, matagal na pong natapos ang paghahari ng aming mga ninuno" tugon ni Salome, napailing-iling naman si Mang Berto. "Hindi pa natatapos ang paghahari ng mga tunay na nagmamay-ari ng bayang ito... Narito pa kayo, narito pa ang ilan sa mga dugong bughaw na nagkalat sa bawat lupalop ng ating bayan- " hindi na natapos ni Mang Berto ang kaniyang sasabihin dahil bigla nilang narinig ang sigaw ni Felicidad. "TULONG! NARITO SI FELIPE!" sigaw ni Felicidad dahilan para mapalingon ang lahat sa kinaroroonan nila. nakasandal si Felipe sa isang malaking puno habang hawak-hawak ang kaniyang balikat na patuloy ang pagdanak ng dugo. P 36-5 "Lumeng... dalhin mo sa akin ang lagayan ng mga gamot" utos ni Nay Delia kay Salome. Agad namang kumaripas ng takbo si Salome papunta sa kanilang kalesa, ramdamniya ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib habang hinahanap mula sa kanilang mga kagamitan ang maliit na baul na lalagyan ng mga kustilyong metal, at ilan sa mga gamit sa panggagamot ng kaniyang ina. Nang makuha ni Salome ang baul ay agad siyang kumaripas ng takbo papunta sa kinaroroonan nila. Nakapalibot na ang ilan sa mga pamilyang kasama nila, ang iba ay nagdadasal habang ang iba naman ay patuloy pa rin sa paghahakot ng gamit mula sa kalesa papunta sa mga bangka na nasa lawa. Dahan-dahang pinunit ni Nay Delia ang bahagi ng damit ni Felipe na nasa kaniyang balikat, nanlaki ang mata ng lahat nang makita ang isang bala na nakabaon sa balikat ng binata na naghihingalo na sakit. Agad hinawakan ni Nay Delia ang mukha ni Felipe at pinaharap sa kaniya "Felipe! Hijo, Makinig ka... tiisin mo lamang ang sakit... kailangan nating alisin ang bala sa iyong balikat dahil ikamamatay mo kung hindi natin tatanggalin ito" tugon ni Nay Delia, napatango naman si Felipe kahit na namimilipit na ito sa sakit, basangbasa na rin sa pawis ang kaniyang mukha at leeg, habang punong-puno naman ng mga putik at galos ang kaniyang buong katawan. Agad kinuha ni Felicidad ang isang pirasong tela at ipinakagat iyon sa bibig ni Felipe upang hind imaging malakas ang pagsigaw nito. Nagdala naman ng karagdagang gasera ang ilang kababaihan upang maging mas maliwanag sa gagawing operasyon ni Nay Delia sa binatang si Felipe. "Humanda ka na Hijo" "S-sandali lang ho" biglang tugon ni Felipe dahilan para mapatigil ang lahat, hinang-hina man ay nagawang kunin ni Felipe ang isang piraso ng papel na bulsa niya. gusot-gusot na ito at namantsahan na rin ng dugo mula sa kaniya. "H-hindi po totoong nagnakaw kami nila Danilo at Paterno sa Simbahan..." panimula ni Felipe, agad siyang inabutan ni Salome ng isang basong tubig na kinuha niya pa sa dala-dala nilang bariles. "N-nagsinunggaling po si Padre Bernardo... S-sa pangunguna rin po ni Gobernador Filimon Alfonso" patuloy pa ni Felipe, nakatutok silang lahat sa sasabihin ng binata. Ang bawat salita na bibitawan nito ay nagdudulot ng matinding kaba sa kanila. "Ano? Ano namang pakialamni Gobernador Filimon sa inyong tatlo?" nagtatakang tanong ni Nay Delia, napatingin naman siya sa piraso ng papel na inabot sa kaniya ni Felipe. "Nakuha po ni Danilo ang lihamna iyan sa mga gamit ni Padre Bernardo sa kaniyang himpilan sa likod ng ginagawang simbahan ng San Alfonso dahil inutusan niya po si Danilo na maglinis doon noong araw na iyon, pero sumunod po kami kay Danilo nang hindi nalalaman ni Padre Bernardo dahil gusto namin siyang tulungan sa paglilinis para makapunta kami sa handaan kina Ising noong isang gabi pero nahuli po kami ng isa sa mga sakristan ni Padre Bernardo at agad niya po kaming sinumbong kahit pa nasa kalagitnaan ng pagmimisa noon ang prayle, pinagbintangan niya po kaming mga magnanakaw para tugisin ng mga guardia" paliwanag ni Felipe, dahan-dahan namang kinuha ni Nay Delia ang piraso ng papel na inaabot sa kaniya ng binata. "Hindi po kami ni Paterno ang pakay nila... Kundi si Danilo at ang pamilya niyo" tugon ni Felipe, ang kaniyang huling salitang binitiwan ay nagpatigil sa mundo ng mga taong nakarinig niyon, lalong-lalo na sa pamilya Aguantar. P 36-6 Dahan-dahang binuklat ni Nay Delia ang lihamna iyon na gusot-gusot na at nababalot ng dugo. Bawat segundo na lumilipas ay nagpapasikip lalo sa kanilang mga hininga. Oktubre 17, 1688 Padre Bernardo, Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Hindi ba't may sakristan sa inyong parokya ang nagngangalang Danilo Aguantar? Dalhin mo siya sa akin. Sa darating na Lunes ay inaasahan kong makakarating na rito ang aking kapatid na si Martino Alfonso, nasabi niya sa akin ang misyong iniatas sa kaniya ng Gobernador-Heneral katuwang ang isang cabeza de barangay ng Tondo na nagngangalang Fernando Aguantar. Hinahanap nila ngayon ang pamilya ng kapatid ni Fernando na si Francisco Aguantar. Nalibot na nila ang mga bayan sa Norte at ngayon ay patungo na sila rito sa Timog upang hanapin ang pamilya ni Francisco Aguantar. Kamakailan lang ay nabanggit sa akin ng aking pamangkin na si Eleanor na may nabasa siyang Danilo Aguantar sa isang kuwaderno mula sa klase ni Fidel Montecarlos. Malaki ang posibilidad na ang Danilo Aguantar na iyon ay siya ring Danilo Aguantar na isa sa iyong mga sakristan. Naniniwala rin ako na narito ang buong pamilya Aguantar dahil ibinigay rin sa akin ng aking pamangkin na si Eleanor ang isang kuwaderno na pagmamay-ari naman ng isang dalaga na naninilbihan din sa hacienda Montecarlos. Nakatala naman sa kuwadernong iyon ang pangalang, Salome Aguantar. Ipinaguutos ko na ibihag mo si Danilo sa Linggo, mas mabuti kung walang ibang makakaalam ng pagbihag mo sa kaniya, darating si Martino kasama si Fernando Aguantar na siyang makakatukoy kung ang binatilyong iyon ba ay si Danilo Aguantar na kaniyang pamangkin. At kapag napatunayan na sila nga ang hinahanap nila, tiyak na mapapangaralan tayo ng Gobernador-Heneral. Sa inyo na ni Fernando Aguntar ang pabuya habang sa amin naman ni Martino ang Karangalan at Kapangyarihan. Nakasulat ang lihamna iyon sa wikang kastila ngunit isinalin na ni Nay Delia sa wikang tagalong nang basahin niya ito sa harapan ng lahat ng kasama. "P-paano nabasa ni Danilo ang mga nakasulat dito sa wikang kastila?" nagtatakang tanong ni Felicidad kay Felipe. "M-marunong na pong magbasa at magsulat sa wikang kastila si... Danilo dahil kay Senor Fidel" sagot ni Felipe, at nang banggitin niya ang pangalan ni Fidel ay napatingin siya kay Salome. Hindi naman agad nakapasalita si Nay Delia, animo'y nabuhusan siya ng napakalamig na tubig dahilan para biglaang manghina ang buo niyang katawan at mapakabig sa puno. Mabuti na lamang dahil naalalayan agad siya ni Salome. "Inaay..." Agad inagaw ni Mang Berto ang sulat na iyon sa kamay ni Nay Delia. "Hindi maaari! Nasisiraan na ng ulo si Fernando para ipagkanulo ang pamilya ng kaniyang kapatid!" tugon ni Mang Berto bakas na bakas sa kaniyang mukha ang labis na galit at pagkapoot. "Matagal na kaming isinumpa ni Fernando... at hindi siya titigil hangga't hindi kami naituturo sa mga Kastila" P 36-7 wika ni Nay Delia habang tulala sa kawalan. Agad siyang inabutan ni Salome ng tubig ngunit hindi niya iyon ininom. "Lunes na ngayon... maaaring paparating na sina Heneral Martino at Fernand Aguantar" wika ni Mang Islao. Bagama't may pagkapayat ito ay kitang-kita pa rin ang lakas at liksi. "Hindi ba't ngayong umaga rin lilitisin sa korte si Danilo?" tugon naman ni Mang Kiko, ang pinakamatangkad sa kanilang lahat. "Nasaan na sila? Hindi ba't itatakas nila Mang Pedro sila? Bakit wala pa rin sila hanggang ngayon?" sunodsunod na tanong ng mga kasamahan nila. mapa-babae, lalaki, bata at matanda ay nangangamba sa mga pangyayari. Halos nasa tatlumpu rin silang lahat na tatakas sa bayan ng San Alfonso bago sumikat ang araw. "Baka mas hinigpitan nila ang pagbabantay ngayon sa himpilan ng mga guardia civil" "Baka nahuli na sila Mang Pedro at ang ilan sa mga anak at pamangkin ko" wika ng asawa ni Mang Kiko na si Aling Lucia. Mayroon siyang sampung anak at halos lalaki ang lahat. Pito sa kanila ay kasama ni Mang Pedro ngayon para itakas sila Tay Isko, Ernesto at Danilo mula sa pagkakabilanggo. "Huwag nga kayong magsalita ng ganiyan... makakarating sila rito" suway sa kanila ni Felicidad. At siya rin ang nagpakalma sa mga kababaihan na napuno na ng haka-haka. Napatingin naman si Salome sa kaniyang nanay na tulala at wala ng kibo. Nang dahil sa lihamna iyon biglang pinanghinaan ng loob ang kaniyang inay. Napatingin din si Salome kay Felipe na namimilipit pa rin sa sakit habang nakasandal sa puno. Batid niyang hindi na magagawa pang gamutin ng kaniyang inay si Felipe dahil magulo na ang isip nito. Kung kaya't siya na ang kumuha ng mga kagamitan sa panggagamot at pumalit sa pwesto ng kaniyang inay. "Lumeng... Anong gagawin mo- " gulat na tugon ni Felicidad at hindi na niya nagawa pang pigilan si Salome dahil mabilis nitong hinawakan ang balikat ni Felipe nang walang pag-aalinlangan. Maging si Felipe ay nagulat din pero huli na ang lahat dahil mabilis pa sa kidlat na kinuha ni Salome ang bala sa balikat ni Felipe gamit ang kutsilyong metal. Agad napasigaw ang binata dahil sa sakit pero mabilis na nalinis ni Salome ang sugat at nailagay ang leblon na binili pa niya noon sa pamilihan. Matapos iyon ay dahan-dahan niyang binalot ng malinis na tela ang sugat sa balikat ni Felipe. "M-maraming Salamat Lumeng" nahihiyang tugon ng binata, tumango naman si Salome bilang tugon. Ilang sandali pa biglang tumayo si Mang Berto "Malaki ang hinala ko na wala ng pagdinig sa korte na mangyayari... sinabi lang nila iyon dahil umalma si Senor Fidel, at malakas ang kutob ko na isasakatuparan pa rin nila ang kanilang plano" wika ni Mang Berto at agad siyang nagtungo sa likod ng kalesa sabay kuha ng kaniyang matalimna tabak. "Mang Berto! Delikado ang gagawin mo- " "Hindi ako mananahimik dito... kailangan nila ng tulong- " hindi na natapos ni Mang Berto ang kaniyang sasabihin dahil maging si Mang Kiko at Mang Islao ay kinuha rin ang armas nila. "Sasama kami sa iyo... hindi natin iiwan si Isko" seryosong tugon ni Mang Islao sabay hawak ng mahgpit sa P 36-8 kaniyang tabak. "Kasangga niyo rin ako" wika naman ni Mang Kiko at inilahad niya rin ang kaniyang tabak. Silang apat ay matagal ng magkakaibigan. Marami nang pagsubok na kinaharap. At nang umalis ang pamilya Aguantar sa bayan ng Tondo ay sumama rin sila. Ang kanilang pagkakaibigan ay sinubok na ng panahon, naging matatag sa lahat ng problema na nagdaan. "Mga Ginoo... hindi niyo na kailangang- " hindi na natapos ni Nay Delia ang kaniyang sasabihin dahil bigla nilang narinig ang paparating na hukbo sakay ng mga kabayo mula sa di-kalayuan. Hindi ganoon kalayo ang kabisera ng San Alfonso sa kanila kung kaya't rinig nila ang dagundong ng mga kabayo at hakbang ng mga sundalong nagmamartsa. Sa pagkakataong iyon, animo'y nabalot ng kadilimat kilabot ang lahat. tanging palitan na lamang ng tingin ang nagawa nila dahil batid nilang... narito na sina Heneral Martino at Fernando Aguantar sa bayan ng San Alfonso. "Los indios son como perros, los alimentamos, les damos refugio, los educamos pero miramos! Esto es lo que tenemos ... nos atacan por detr�s, ladran mientras esperan la oportunidad de agarrar y morder nuestras gargantas!" (Indios are like dogs, we feed them, we give them shelter, we educate them but look! this is what we've got... they attack us from behind, they bark while waiting for the opportunity to grab and bite our throats!) pahayag ni Padre Bernardo na agad sinang-ayunan ng mga mayayamang pamilya na mga matapobre. Karamihan sa kanila ay nakapangasawa lang ng Kastila pero kung makaasta ay napakataas na ng tingin sa mga sarili. "�Vamos a darles la oportunidad de cortarnos la garganta y robar todo lo que tenemos? �No! No les daremos ninguna oportunidad! Si un perro es demasiado ruidoso y tonto ... merece morir" ( Are we going to give them a chance to cut our throats and steal everything we have? No! we will not give them any chance! If a dog is too loud and foolish... it deserve to die) wika pa ng prayle na ikinapalakpak naman ng mga nasa panig niya. Habang nagsasalita si Padre Bernardo sa gitna ng entablado sa plaza San Alfonso patuloy ang pagdating ng mga hukbong Kastila na kasama ni Heneral Martino Alfonso. Halos nasa isang daan ang bilang ng mga guardia, karamihan ay nagmamartsa habang ang mga nasa unahan ay nakasakay sa mga kabayo. Ilang sandali pa ay tumayo na si Gobernador Filimon Alfonso na nakaupo sa pinaka- komportableng upuan sa harapan ng entablado. Agad niyang sinalubong ng ngiti at yakap ang kaniyang nakababatang kapatid na si Heneral Martino. Maging si Eleanor ay tuwang-tuwang yumakap at nagmamo sa kaniyang ama. "Mucho tiempo sin ver hermano! ... Tengo una sorpresa para ti" (Long time no see brother!... I have a surprise for you) ngiti ni Gobernador Filimon sabay tingin sa ginoong kasama ni Heneral Martino. Agad P 36-9 namang inakbayan ni Heneral Martino ang ginoong kasama "Yo tambi�n tengo una sorpresa para mi hermano ... Este es mi amigo Fernando Aguantar" (I have a surprise for you too my brother... This is my friend Fernando Aguantar) ngisi ni Martino sa kaniyang kuya. Napangiti naman si Gobernador Filimon at inilahad niya ang kaniyang kamay sa isang Indio. Isang indio na dugong bughaw pero mas piniling kumampi sa mga kalaban. "Es un honor para m� conocerlo Gobernador Filimon Alfonso" (It is my honor to meet you Governor Filimon Alfonso) bati ni Fernando Aguantar, sa unang kita ay mababakas agad ang kakisigan at kagandahang lalaki nito. "Fue un placer conocerte Fernando ... Creo que Don Fernando Aguantar te queda mejor" (It was nice to meet you Fernando- I think Don Fernando Aguantar suits you better) pambobola pa ni Gobernador Filimon Alfonso at nagtawanan silang tatlo. "De todos modos, esta es mi hija Eleanor Alfonso" ( Anyway, this is my daughter Eleanor Alfonso) pakilala ni Martino sa kaniyang anak. Agad namang nagbigay galang si Fernando Aguantar kay Eleanor. Hindi naman agad nakapagsalita si Eleanor nang matitigang mabuti si Fernando dahil kamukhang- kamukha ito ng ama ni Salome na si Francisco na minsang dumadalaw sa hacienda Montecarlos. Sa pagkakataong iyon, siguradongsigurado na si Eleanor na ang pamilyang hinahanap ng kaniyang ama ay ang pamilya ni Salome. Hindi naman na nag-aksaya pa ng panahon si Gobernado Filimon Alfonso at isa-isang pinakilala sina Padre Bernardo at ang iba pang mga opisyal ng San Alfonso. Maging ang mga mayayaman at kilalang pamilya ay isa-isa niya ring pinakilala sa lahat. "Espera, �d�nde est�n Patricio y Fidel Montecarlos?" (Wait, where is Patricio and Fidel Montecarlos?) biglang tanong ni Gobernador Filimon at nagpalingon-lingon sa paligid. Inilibot na rin ni Eleanor ang kaniyang mga mata, umaasang makikita si Fidel sa paligid pero nabigo siya. "�D�nde est� Fidel? Siempre me falta cada vez que estoy aqu�" (Where is Fidel? He's always missing everytime I'm here) biro pa ni Heneral Martino sa kaniyang anak. Ngumiti na lamang si Eleanor batid niyang kahit pabirong sinabi iyon ng kaniyang ama ay may pagkutya at dismayado rin ito dahil parang ilag sa kaniya si Fidel. Nagtatawanan at nag-uusap ang mga principales sa wikang Kastila na hindi gaano maintindihan ng iilang mga Pilipino na naroon sa sulok ng plaza. Ilang sandali pa, dumating na ang dalawang guardia civil at agad sumaludo kay Gobernador Filimon. Sa kabilang dako, mula sa di-kalayuan dumating ang grupo ni Mang Berto, Mang Islao at Mang Kiko kasama sina Nay Delia, Salome at Felicidad. Kasama rin nila ang labing-lima pang mga kalalakihan. Kasalukuyang silang nakakubli sa likod ng mga matataas na talahib sa gilid ng ginagawang Simbahan ng San Alfonso. Nababalot ng kaba, takot at pag-aalala ngayon silang lahat habang pinagmamasdan mula sa malayo ang nagkakasiyahang mga opisyal na Kastila. Ang pagdating ng hukbo ni Heneral Martino ay nagdulot ng P 36-10 pangamba sa mga kalalakihang nais sanang magligtas kina Tay Isko, Ernesto at Danilo. "Se�or, todo est� listo" (Sir, Everything is ready) tugon ng dumating na guardia civil. tumango naman si Gobernador Filimon at muling hinarap ang taong bayan. "Traerlos aqu�" (Bring them here) utos ni Gobernador Filimon. Agad namang sumunod ang mga guardia civil at ilang sandali pa ay hinila na nila papabalas sa kalesa ang tatlong bilanggo. Sariwa pa rin ang mga galos, sugat, at mga pasa sa katawan nina Tay Isko, Ernesto at Danilo. Nakagapos ang kanilang mga kamay habang pilit na hinihila at tinutulak ng mga guardia sa gitna ng plaza. Nagsimula namang mapaatras ang mga tao lalong-lalo na ang mga mayayamang matapobre. Hindi rin sila nakaligtas sa mga mura, sumpa at pangungutya mula sa mga mapangibabaw na mga principales. Hindi na napigilan ni Salome ang kaniyang sarili lalong-lalo na nang makita ang kalagayan ng kaniyang itay, kuya Ernesto at kapatid na si Danilo. Sugat-sugat na rin ang kanilang paa at gutay- gutay na rin ang kanilang damit. Isang senyales na nakatikimsila ng bugbog bago dalhin sa plaza. Ang kalunos-lunos na itsura ng kaniyang itay at mga kapatid ay labis na nagpadurog sa puso niya. lalong-lalo na ang kalagayan ni Danilo na kinakaladkad ng mga guardia dahil hindi na nito kaya pang maglakad dulot ng tama ng bala sa binti at sikmura. "Nasaan sina Pedro at ang iba?" nag-aalalang tugon ni Mang Berto habang hawak-hawak ng mahigpit ang kaniyang tabak. Nakaramdamsila ng karagdagang pangamba sa katotohanang hindi nagawang maitakas ng grupo nila Mang Pedro sina Francisco, Ernesto at Danilo. "Al descubrir que aparte del robo, esta familia ha sido condenada a muerte desde la localidad de Tondo ubicada en la parte norte de Las Islas Filipinas" (Upon discovering that aside from robbery, this family have been convicted to death from the town of Tondo located in the Northern part of Las Islas Filipinas) panimula ni Gobernador Filimon, habang naglalakad paikot sa entablado hawak ang kaniyang tabako na iniwawasiwas pa sa ere. "Aparte de eso, esta ma�ana algunas personas trataron de dejar escapar a esta gente ... y estoy orgulloso de decir que nuestra fuerza militar defendi� valientemente su posici�n" (Aside from that, earlier this morning some people tried to let this people escape... and I'm proud to say that our military force bravely defended their stand) patuloy pa ng Gobernador, ikinatuwa naman iyon ng kanilang mga kapanalig. Kasabay niyon ay agad sumenyas si Gobernador Filimon sa mga guardia, agad naman silang nagtungo sa ikalawang kalesa at hinila papalabas ang limang kalalakihan. Nanlaki ang mga mata nila Mang Berto nang makitang nabihag din ang kanilang kaibigang si Mang Pedro at ang mga kasamahan nito na siyang magtatakas P 36-11 sana kina Isko, Ernesto at Danilo. "Lo que hicieron fue considerado como una rebeli�n contra nuestro Gobierno!" (What they did was considered as a revolt against our Government!) sigaw ni Gobernador Filimon ang pagtaas ng tono ng boses nito ay nagpasindak sa mga Pilipinong naroon lalong-lalo na sa panig nila Salome na nagkukubli sa talahiban. "�Y cu�l es el castigo corporal para eso?" (And what is the corporal punishment for that?) tanong ng Gobernador sa taong-bayan. Mga taong karamihan ay mga kapanalig nila. "MUERTE!" (DEATH!) sigaw nilang lahat. dahilan para mapangiti na lamang ang mga opsiyal na responsable sa lahat. "Sumugod na tayo!" giit ni Mang Berto ngunit agad siyang hinila pabalik nina Mang Islao at Mang Kiko. "Labing-walo lang tayo kumpara sa halos isang daang hukbo na kasama ni Martino!" wika ni Mang Islao. Napabagsak na lamang sa sahig si Mang Berto sa katotohanang hindi nga nila magagawang iligtas ngayon ang mga kaibigan dahil labing-walo lamang sila (18) at ang bilang ng kalaban ay halos isang daan (100). "Como lo que me han dicho ayer, dej� que estas personas fueran sometidas a un juicio en la corte ... pero mira, planean escapar, �qu� significa? Cuando te escapas significa que eres culpable" ( As what I've been told you yesterday, I let these people undergo a trial in court... but look, they plan to escape, what does it mean? When you run away it means that you're guilty) buwelta pa ng Gobernador, nagsimula namang dumampot ng bato ang mga tao at pinagbabato sina Tay Isko, Ernesto, Danilo, Mang Pedro at ang lima pang mga kalalakihan na kasama nila. nakadapa sila ngayon sa lupa habang pilit na tinitiis ang sakit ng mga batong tumatama sa kanilang ulo at katawan. "Huwaag- " sigaw ni Salome pero agad natakpan ni Mang Kiko ang kaniyang bibig at muli silang nagkubli sa mga talahiban. Napalingon ang isang guardia civil na malapit sa kanila. tiningnan nitong mabuti ang matataas na talahib sa gilid. mabuti na lamang dahil biglang nagsalita ulit si Gobernador Filimon kung kaya't nawala ang atensyon ng guardia civil na iyon sa talahiban. Lintek kangEleanor ka!?? nakakaawa huhu P 36-12 Kabanata f( x - 35) 55.3K 2.2K 2.5K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 35] Our Asymptotically Love Story (Page 266 - 292) Ika-Labing Pitong Kabanata Filipinas 1688 "BAKIT? ERNESTO! BAKIT MO AKO INIWAN?" sigaw ni Roselia habang pilit na naglulupasay sa lupa, hawak-hawak siya ng ilang mga kababaihan upang patahanin sa pagtangis. Gulo-gulo na ang kaniyang buhok, maputla na rin ang kaniyang mukha at tuyot na rin ang kaniyang labi. Pilit siyang pinapakalma ng ilang mga kababaihan na kasama nilang tumakas ngunit hindi na siya maawat ngayon sa pag-iyak habang sinusunog ang bangkay ng kaniyang asawa. "ISKOOOO!" "ITAAAAAY!" Maging si Nay Delia at Felicidad ay naglulupasay na rin sa lupa. Mapuputla na rin ang kanilang mga mukha at animo'y wala ng luhang mailabas pa dahil sa sobrang paghihinagpis at pagdurusa sa pagkawala ni Tay Isko, ang ama ng kanilang tahanan. Makulimlimang kalangitan habang patuloy ang pagpatak ng marahan na ulan. Bagama't umaambon hindi naman nito naapula ang apoy na sumusunog ngayon sa bangkay ni Tay Isko at Ernesto. Napagdesisyunan ng pamilya na sunugin na lamang ang katawan ni Tay Isko at Ernesto upang madala nila ito, bukod doon ay iginiit din ni Nay Delia na sunugin ang bangkay ng kaniyang asawa at panganay na anak alinsunod sa tradiyon ng mga Intsik. Ang bawat usok na kumakawala sa ere ay nagdudulot ng matinding bigat sa kanilang mga puso. Papalubog na rin ang araw, mag-iisang oras na nang marating nila ang lalawigan ng Aklan matapos nilang makatawid sa kabilang isla ng Iloilo. P 37-1 At sa lupain ng Kalibo, Aklan na nila nagpagpasiyahan na sunugin ang mga bangkay ni Ernesto at Tay Isko. Maging ang dalawa pang kalalakihan na nasawi na anak ni Mang Pedro. Habang si Danilo naman ay nakaratay sa isang higaan na gawa sa kawayan na hila-hila ng kalabaw.Tahimik lamang siyang humihikbi habang pinagmamasdan ang unti-unting pagtupok ng katawan ng kaniyang ama at kuya. Samantalang, nakatayo naman sa tabi ni Felicidad si Salome habang tulala at wala sa sariling tinatanaw ang paglamon ng apoy sa wala ng buhay na katawan ng kaniyang pinakamamahal na ama at kuya. Maputlangmaputla at nagdurugo na rin ang labi ni Salome dahil sa matinding pagkatuyo nito, Hindi na rin niya alintana ang padaloy ng dugo mula sa sugat sa kaniyang noo na natamo niya nang maipit sa tulakan at bungguan sa plaza San Alfonso kaninang umaga lamang. Hindi na napigilan pa ni Salome ang pagpatak ng kaniyang mga luha habang. Parang unti-unting dinudurog ang kaniyang puso habang sumisiklab ang apoy sa dalampasigan ng dagat na kanilang dinaungan. Ibinalot lamang sa banig at inalayan nila ng dasal at bulaklak ang mga yumao bago ito pasiklaban ng apoy. Sa pagkakataong iyon, batid nilang kailangan na rin nilang makarating sa malayong lugar, malayo sa bangungot na naranasan nila sa Timog. Tulala na lamang si Salome habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang mga mata. Kasabay niyon ang sunod-sunod na pagsariwa niya sa mga magagandang alaala niya kapiling ang kaniyang kuya Ernesto. Halika rito Lumeng! Napaka-pilya mo talaga! Kuya Nestong! Ano baaa! Sandali lamang... bakit mapula ang iyong labi? Ikaw ba ay naglagay ng kolerete Lumeng? Ang aming Lumeng ay mukhang umiibig na sa isang ginoo ah... Napahawak na lamang si Salome sa kaniyang puso habang inaalala ang mga pangangatyaw sa kaniya ng kaniyang kuya Ernesto. Bagama't hindi gaanong malambing ang kaniyang kuya at kahit pa palagi siya nitong inaasar, ramdamna ramdampa rin niya ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanila ng kaniyang kuya Ernesto. Palagi itong nasa kanilang bahay at naghahatid ng mga prutas at mga putaheng iniluto ni Roselia. Palagi rin silang inihahatid ni Ernesto sa hacienda Montecarlos tuwing alas-kuwatro ng madaling araw. Palagi rin silang sinusundo nito sa tuwing sasapit ang hapon ng Sabado sa hacienda Montecarlos. Todo suporta rin ang kaniyang kuya Ernesto sa kanila sa lahat ng bagay at ang pinaka-paborito nitong gawin ay ang asarin si Salome sa tuwing nagsisimba sila sa bayan at namimili sa palengke kada Linggo. P 37-2 "ISKOOO! BAKIT? BAKIT HINDI MO TINUPAD ANG IYONG PANGAKO? BAKIT MO KAMI INIWAN?! PAANO NA KAMI NG IYONG MGA ANAK?!" hagulgol ni Nay Delia habang nakahandusay na sa putikan at pilit na naglulupasay sa lupa. Pilit naman siyang hinihila pabalik ng mga kasamahan, ramdamna ramdamdin nila ang paghihinagpis ng isang babae na ngayon ay biyuda na. Ang tagpong iyon ang mas lalong nagpadurog sa puso ni Salome, Namamanhid na rin ang kaniyang katawan sa katotohanang hindi na nila alamang saysay ng kanilang buhay dahil wala na ang kanilang itay. Ang kanilang itay na siyang nakakaaalamng lahat ng kanilang gagawin at desisyon, ang kanilang itay na siyang laging sandalan at takbuhan nila sa tuwing may problema sila. Ang kanilang itay na palaging nakangiti at kailanman ay hindi sila pinagalitan. Ang kanilang itay na kumakayod buong araw at gabi para lang may maipakain sa kanilang mag-anak, ang kanilang itay na kilalang palabiro at may prinsipyo sa buhay. Ang kanilang itay na handang ibuwis ang buhay para sa kapakanan ng kaniyang pamilya. Biglang naalala ni Salome ang pag-uusap nila noon ng kaniyang itay sa kanilang tahanan sa Tondo noong limang taong gulang pa lamang siya... "Ganito ang tamang pagpapanday anak... Teka! Mali iyan, Ikaw talaga Lumeng palagi mo na lang pinagkakatuwaan ang mga bagay-bagay" tawa ni Tay Isko at ginulo-gulo ang buhok ni Salome na noo'y paslit pa lamang. Nasa loob sila ng pinagtatrabahuan ng kaniyang itay na isang pagawaan ng mga espada, kutsilyo at armas. Hindi na mapigilan ni Tay Isko ang pagtawa dahil ginawang lapis ni Salome ang isang piraso ng maliit na bakal. Gumuhit si Salome ng isang larawan ng haring araw sa lupa. "Aba... patingin nga ako ng iyong obra anak" usisa pa ni Tay Isko habang nakangiti ng todo dahil sa pinaggagawa ng kaniyang anak. "Iyan ba ay haring araw... ang sabi nila, kapag nagbabadiya ang ulan gumuhit ka lamang ng haring araw sa lupa upang hindi matuloy ang pag-ulan" patuloy pa ni Tay Isko, at napatingin ito sa kalangitan, "Hindi naman po ata uulan itay" wika ni Salome dahil maaliwalas naman ang langit. Napangiti naman si Tay Isko dahil sadyang makatwiran talaga ang kaniyang anak na si Lumeng. "Hindi sa ngayon... malay natin sa susunod na araw ay biglang umulan, Hindi sa lahat ng oras nakasisiguro tayong palaging maganda ang sikat ng araw" paliwanag ni Tay Isko, napatango-tango naman si Salome at ngumiti pa siya kung kaya't kitang-kita ang bungi sa kaniyang dalawang ngipin sa harap. Muli namang hinimas ni Tay Isko ang ulo ni Salome "Alammo ba na ang Haring araw ay simbolo ng pagiging isang pinuno na nagbibigay liwanag sa buong nasasakupan" tugon ni Tay Isko, natawa na lang ulit siya nang ngumiti ang paslit na si Salome dahil bungi ito. "Ang sabi po ni Lolo Pablo magiging hari raw po kayo itay" ngiti ni Salome, napangiti naman si Tay Isko at naupo sa isang bangkito. Binuhat niya si Salome at kinandong saka itinuro ang napakalawak na lupain na kanilang natatanaw sa di-kalayuan. Nasa ikalawang palapag sila ng pagawaan ng mga armas kung kaya't kitang-kita nila ang lawak ng lupain ng Bagumbayan. Natatanaw rin nila ang malaki at masiglang ilog ng Pasig. Habang sa kabilang banda naman ay natatanaw nila ang itinatayong malalaking pader ng Intramuros. P 37-3 "Ako pa rin naman ang mahal na hari ng ating pamilya, at ang iyong inay ang aking mahal na reyna... ang kuya Ernesto mo at Ate Felicidad ang iyong mga nakakatatandang kapatid na prinsipe at prinsesa habang ang iyong kapatid na si Danilo ang sanggol na prinsipe at syempre ikaw ang pinaka-magandang prinsesa... Lumeng" ngiti pa ni Tay Isko, tuwang-tuwa naman si Salome at napahagikhik pa. "Eh, nasaan na po ang ating Kaharian itay? Gusto ko ng malaking palasyo" wika pa ni Salome at inikot niya pa ang kaniyang kamay para ipakita kung gaano kalaki ang tinutukoy niyang palasyo dahilan para matawa na lang si Tay Isko. "Nakikita mo ba iyon anak? Diyan tayo magtatayo ng ating palasyo... diyan mismo sa bakanteng lupain na iyan... pagkatapos araw-araw tayong lalangoy sa ilog Pasig at mamimitas ng mga pinya sa kabilang lupain" wika pa ni Tay Isko sabay turo ng isang napakagandang malawak na bakanteng lupain malapit sa labas ng ginagawang istruktura ng Intramuros. Mas lalo pang ikinatuwa ni Salome ang ideyang araw-araw silang kakain ng pinya na siyang pinakapaborito niyang prutas. "Eh, bakit hindi na lang po tayo doon sa loob ng palasyong iyon manirahan?" nagtatakang tanong ni Salome sabay turo sa malaking pader ng Intramuros na nakakalula sa taas at tibay. Napailing naman si Tay Isko. "Hindi iyan ang ating palasyo anak, pagmamay-ari iyan ng mga dayuhan... huwag na huwag kang papasok diyan... dito lang tayo sa labas dahil ang buong lupaing ito ay ang ating Kaharian, mas malawak at mas maganda pa ang ating Kaharian kumpara doon" sagot ni Tay Isko sabay turo sa malawak na lupain ng Pilipinas. Wala namang kamalay-malay si Salome na ang tinutukoy ng kaniyang itay ang Kaharian ng Tondo at Maynila. Ang dalawang Kaharian na tuluyan nang nabaon sa limot sa paglipas ng panahon. "May mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa rin po bang nakatira sa palasyong iyon itay?" tanong ni Salome habang nakatitig ng mabuti sa Intramuros. Natawa naman ang kaniyang itay dahil paniwalang-paniwala si Salome na isa iyong palasyo kahit ang totoo ay ang Intramuros ay isang depensa at siyang sentro ng Gobyerno ng mga mananakop na Kastila. "Oo anak, may hari, reyna, prinsipe at prinsesa rin na naninirahan sa palasyong iyan..." sagot ni Tay Isko, Maging siya ay napatulala na lang din sa ganda ng itinatayong Intramuros. Naalala niya na minsan na rin siyang naging bahagi ng pagtatatayo niyon noong isang taon. "Maaari ko po ba silang maging kaibigan?" tanong ni Salome, sandali naman siyang tinitigan ng kaniyang itay. Sa isip-isip nito ay wala pang kaalam-alamang kaniyang anak sa totoong kalagayan ng kanilang lipunan. "Oo naman anak... maaari mo rin silang maging kaibigan, may mga mabubuting dayuhan din naman na nakatira sa palasyong iyan, ngunit kahit anong mangyari huwag na huwag mong ibibigay ang tiwala mo sa kanila... huwag na huwag kang mahuhulog sa mga katulad nila" tugon ni Tay Isko habang nakatitig sa mga mata ng kaniyang anak, nais niyang niyang maunawaan ni Salome ang ibig niyang sabihin sa mga huling salitang kaniyang binitiwan. Batid niyang hindi malabong mangyari na maugnay ang kaniyang anak sa mga Kastila sa darating na panahon dahil maging ang kaniyang kapatid na si Fernando ay nakapangasawa ng isang babaeng Kastila. "Ang isang prinsesang tulad mo anak ay hindi maaaring umibig sa isang prinsipeng naninirahan sa palasyong iyon" muling wika ni Tay Isko sabay tingin sa Intramuros na siyang pangunahing tirahan at sentro ng mga dayuhang Kastila. P 37-4 Napangiti naman si Salome at tumango ng tatlong beses sa kaniyang itay bilang sagot. Sa mga oras na iyon ay inakala niyang kinuwkentuhan lamang siya ng kaniyang itay ng mga kwentong pambata, wala pa siyang kamuwang-muwang na ang kwentong iyon tungkol sa Palasyo, Kaharian, Hari, Prinsesa at Prinsipe ay isa palang malaking katotohanan... isang katotohanan na siya ring magpapahamak sa kanilang pamilya. Hindi ko akalain na ang lahat ng ikinuwento mo sa akin noon itay ay hindi pala isang kwento-kwento lamang. Katulad ng Haring araw na siyang nagbibigay liwanag sa buong lupain na nasasakupan... ikaw ang aming Hari na patuloy na magbibigay ng liwanag. Natapos man ang pagsikat ng araw hindi ibig sabihin nito ay natapos na rin ang laban... At sa muling pagsikat ng araw Lalaban kami itay! Pangako iyan! Ang mga salitang iyon ang pilit na nagpalakas sa loob ni Salome, unti-unti siyang nakaramdamng kakaibang init na dumadaloy sa kaniyang dugo, animo'y naghahatid ito ng lakas sa kaniyang pisikal na katawan at emosyon. Sunod-sunod na bumalik sa kaniyang alaala ang lahat ng sakit, paghihirap at paghihinagpis na naranasan nila sa kamay ng mga kalaban. Maging ang pagtakas nila kaninang umaga sa San Alfonso ay naging isang bangungot na batid nilang kailanman ay hindi na nila matatakasan... Animo'y namanhid ang buong katawan ni Salome at bigla na lang siyang napabagsak sa lupa nang makitang wala ng buhay ang kaniyang itay at kuya na nakahandusay sa lupa at naliligo na rin mismo sa kanilang mga sariling dugo. Habang sumisigaw at humahagulgol naman si Nay Delia at Felicidad at pilit na ginigising si Tay Isko at Ernesto. Samantalang pilit naman silang hinihila nila Mang Berto, Mang Isko, Mang Islao at Mang Pedro papalayo sa nagkakagulong mga tao sa plaza San Alfonso. "LUMENG!" gulat na sigaw ni Felicidad dahilan para matauhan si Salome at mapalingon siya sa kaniyang likuran. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatutok na ang baril ni Fernando sa ulo niya, kakalabitin na ni Fernando ang gatilyo ng ng rebolber na hawak nito ngunit bago pa man mangyari iyon ay biglang may matalimna palaso na mabilis at diretsong tumama sa likuran ni Fernando na tumagos sa kaniyang sikmura dahil sa husay ng pumana nito. Asintadong-asintado ang sikmura ng taksil na si Fernando na agad napaluhod at gulat na gulat na napatingin sa palasong nakabaon sa kaniyang likod na tumagos pa hanggang sa kaniyang sikmura. Napatingin din si Fernando kay Salome na nasa tapat niya lang, nanlilisik ang mga mata nito ngunit hindi na niya nagawa pang magsalita dahil agad siyang bumagsak sa lupa. P 37-5 Laking gulat ni Salome nang makita ang pagbagsak sa lupa ng kaniyang tiyo Fernando sa mismong harapan niya. Nanginginig siyang napatingin sa likod ng kaniyang tiyo at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang lalaking naka-suot ng salakot na siyang pumana sa kaniyang tiyo. Hawak pa rin ng lalaking iyon na nakasuot ng salakot ang pana na nakatutok sa wala ng buhay na si Fernando. Diretsong napatingin si Salome sa mga mata ng lalaking iyon na nakatakip ang mukha upang itago ang pagkakakilanlan nito. Nakasuot din ito ng salakot upang hindi makita ang buhok at ulo, nakasuot din ito ng isang maduming damit na isinusuot na karaniwang sinusuot ng mga magsasakang Indio. Nakatago man ang buong pagkatao ng lalaking iyon ngunit ang mga mata nito ay hindi magagawang magkubli kay Salome. Ssenor Fidel. Sa pagkakataong iyon, sandaling bumagal ang takbo ng paligid habang ang lahat ay nagkakagulo na, nagtatakbuhan, nagsisigawan, nagmamakaawa sa takot, nagpapaputok ang mga guardia civil ng kanilang mga baril sa iba't-ibang direksyon dahil sa kaliwa't-kanan na pagtama ng mga palaso (arrow) sa kanilang mga kasamahan. At sa bandang gitna ng kaguluhan ay naroon ang dalawang taong pilit na pinaglalapit ng tadhana. Kasabay ng pagbuhos ng ulan, habang nakatitig silang dalawa sa mata ng bawat isa. Batid nilang kahit anong mangyari, kahit anong oras at kahit saang lugar makikilala at makikilala nila ang isa't-isa. "Nakahanda na ang agahan, Tayo'y kumain na muna" wika ni Felicidad, baka sa tono ng kaniyang boses na wala siyang gana. Maging ang lahat ay wala ring gana at imik. Alas-singko pa lang ng umaga ngunit gising na silang lahat. wala rin ni isa sa kanila ang nakatulog ng maayos, bukod sa batang si Julio na walang kamalaymalay sa mga nangyayari. Lumipas na ang apat na araw mula nang mangyari ang madugong trahedya sa kanilang pamilya. at ngayon ay nasa lupain na sila ng La Pampanga. Kahapon lamang ng tanghali sila nakarating sa lalawigan ng La Pampanga. Bitbit ang mga naisalbang gamit at ang dalawang palayok na naglalaman ng abo ni Tay Isko at Ernesto. "Nagsaing ako ng saba at kamote" patuloy pa ni Felicidad habang inihahain sa mesa ang bagong luto na saba ng saging at kamote. Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto ng bahay kubong kanilang tinutuluyan at pumasok si Ingkong Lui, ang tiyo ni Nay Delia. Si Ingkong Lui na lamang ang nag- iisang kamag-anak ni Nay Delia matapos mapatay ang buong pamilya niya noong nag-alsa ang mga Intsik sa Laguna noong taong 1643 na kilala rin bilang 'Chinese massacre'. "Mawawala ang swerte kapag hindi niyo ginalaw ang pagkaing nakahain sa hapag" tugon ni Ingkong Lui habang ibinababa ang mga kagamitan niya sa pagsasaka. Matanda na si Ingkong Lui, nasa edad pitumpu na ito (70) ngunit malakas pa rin at nagagawa pang magsaka buong araw. P 37-6 Singkit na singkit ang mga mata nito at maputi rin ang balat, medyo nakakalbo na rin ang kaniyang buhok ngunit mahaba pa rin ang kaniyang balbas na katulad ng mga ermitanyo. Kulubot na rin ang kaniyang balat at payat rin ang kaniyang pangangatawan ngunit kahit ganoon ay maliksi pa rin siya kumilos at hindi nakikitain ng senyales ng katandaan. Tumayo na si Nay Delia na kanina pa nakatulala sa bintana habang hinihimas ang ulo ni Julio. Kinandong na ni Nay Delia si Julio at sinubuan ng pagkain. Tumayo na rin si Salome na kanina pa nakayakap sa palayok na pinaglalagyan ng mga abo ng kaniyang itay at kuya Ernesto. "Kailangan niyong kumain upang manumbalik ang inyong lakas..." patuloy pa ni Ingkong Lui sabay tingin kay Danilo na nakahirata pa rin sa kama dahil hindi nito maigalaw ang kaniyang buong katawan. "Lalo ka na Nilong, kailangan mong magpagaling" dagdag pa nito sabay abot ng tsaa kay Danilo. Matatag na rin magtagalog si Ingkong Lui dahil halos limampung taon na siyang naninirahan sa Pilipinas ngunit naroon pa rin ang tono ng kaniyang pagsasalita. Napatingin naman si Ingkong Lui kay Salome na yakap-yakap pa rin ang palayok. "Lumeng Hija... hindi ka makakausad hangga't hindi mo binibitawan iyan" tugon pa ni Ingkong Lui sabay turo sa dalawang palayok na hawak ni Salome na siyang huling alaala ng kaniyang itay at kuya. Hindi naman agad nakapagsalita si Salome, batid niyang may mas malalimpang tinutukoy ang kaniyang tiyo sa mga huling salitang sinabi nito sa kaniya. Dahan-dahan na niyang inilapag sa isang gilid sa tabi ng higaan ni Danilo ang dalawang palayok na iyon. "At kayo, hindi rin kayo makakausad hangga't hindi niyo binibitawan ang mabibigat na bagay na iyan sa puso niyo" wika pa ni Ingkong Lui sabay upo sa mesa at nagsimula na itong kumain. Ni isa sa kanila ay walang nangahas na magsalita. May pagka-prangka at seryoso magsalita si Ingkong Lui at isa rin ito sa mga tumutol noon na maikasal ang kaniyang pamangkin na si Delia kay Francisco na isang indio na may dugong maharlika. Kung kaya't nilunok na lang ni Nay Delia ang lahat ng kaniyang natitirang (pride) at sa huling pagkakataon ay lumapit sa nag-iisang kamag-anak niya sa Pilipinas, si Ingkong Lui. Mag-isa na lang din sa buhay si Ingkong Lui, namatay ang asawa nito sa sakit na puso habang ang kanilang nag-iisang anak na lalaki naman ay nalunod sa karagatan noong binatilyo pa lamang ito. At sa loob ng ilang dekada na nagdaan mag-isang hinarap ni Ingkong Lui ang buhay sa maliit na nayon ng Bucanan, Pampanga. Inabutan na ni Salome ng pagkain si Danilo at sinubuan ito. Tahimik lang silang lahat. mula nang dumating sila sa Pampanga noong Huwebes ay hindi pa sila nag-uusap-usap. Pare-parehong dala ang mabibigat na alaala sa kanilang mga puso't-isipan. Nasa kabilang kubo naman pansamantalang tumuloy ang pamilya nila Mang Berto, Mang Islao, Mang Pedro at Mang Kiko. Nasa gitna ng palayan nakatayo ang bahay ni Ingkong Lui habang nasa likod nito namamayagpag ang napakalaking bundok ng Arayat (Mount Arayat). "Ang sugat mula sa trahedya sa paglipas ng panahon ay unti-unti ring maghihilom... ngunit ang peklat na makukuha rito ay habambuhay nang mananatili" wika pa ni Ingkong Lui sabay tayo, at uminomng tubig. "Kung minsan ang paraan upang maghilomang peklat... ay takpan ito ng panibagong sugat" saad ni Ingkong Lui sabay kuha sa kaniyang balisong na pinaikot-ikot niya pa sa kaniyang kamay saka mabilis na naisuksuk iyon sa kaniyang bulsa. P 37-7 "Ipagpapatuloy ko na ang pagsasaka malapit nang matapos ang tag-ulan baka hindi makayanan ng mga binhi ang init ng araw sa darating na tag-araw" wika pa ni Ingkong Lui at naglakad na ito papalabas sa kaniyang kubo. Napatingin naman si Salome sa kaniyang inay at mga kapatid. Ang kalungkutan na nararamdaman ng bawat isa ay namamayani sa buong bahay. ramdamna ramdamang malungkot na awra sa paligid. Ilang sandali pa, tumayo na si Nay Delia at inilapag si Julio sa tabi ni Danilo. Lumabas naman si Felicidad upang hugasan ang kanilang mga pinagkainan. Samantalang pinagmamasdan naman ni Salome ang ginagawa ng kaniyang inay. Sumasandok si Nay Delia ng pagkain at inilalagay ito sa apat na maliliit na mangkok saka isinilid sa bayong. "Lumeng, ikaw na muna ang bahala kay Nilong at Julio" bilin ni Nay Delia saka binitbit ang bayong pero napatigil siya sa bandang pintuan nang tumayo si Salome at sundan siya. "Nay, saan po kayo pupunta? Sasama ako" giit ni Salome. Magsasalita na sana si Nay Delia ngunit biglang pumasok si Felicidad dala-dala ang mga nahugasang pinagkainan. "Sige na po nay, isama niyo na po si Lumeng... ako na po ang bahala dito" wika ni Felicidad saka inasikaso palitan ng damit si Danilo. "Mas mabuting may kasama kayo sa inyong lakad" patuloy pa ni Felicidad, tumango na lang si Nay Delia saka humawak sa braso ni Salome at lumabas na sila. Agad silang sinalubong ng maaliwalas na sinag ng araw sa labas. ngunit kahit ganoon kaganda ang sikat ng araw ay hindi pa rin ito nakakatulong upang mawala ang kalungkutan na nadarama nila. nagsimula na silang maglakad sa gitna ng palayan habang nakahawak si Nay Delia sa braso ni Salome at si Salome na rin ang nagbitbit ng bayong na puno ng pagkain. Natanaw naman sila ni Ingkong Lui na siyang nag-aararo na ng sakahan gamit ang kaniyang nag-iisang kalabaw. Bagama't nagalit siya noon sa kaniyang pamangkin na si Delia nang sumuway ito sa utos ng kanilang pamilya na huwag sumama kay Francisco ngunit nang makita niya ang kalunos-lunos na sinapit ng pamilya ng kaniyang pamangkin nang kumatok ito sa kaniyang pintuan apat na araw na ang nakararaan ay biglang humupa ang kaniyang galit at tampo sa nag-iisang kamag-anak at kadugo. "Inay, saan po tayo pupunta?" tanong muli ni Salome, dahan-dahan lamang ang kanilang paglalakad dahil mahina na si Nay Delia. Ilang araw na itong hindi nakakakain at nakakatulog ng maayos. "Sa bahagi ng bundok na iyon anak" sagot ni Nay Delia sabay turo sa bundok Arayat na napakalapit lang sa kanila. "Anong pong gagawin natin- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita ang kaniyang inay. "Iyong malalaman sa oras na tayo'y makarating doon" sagot ng kaniyang inay. Parang may kung anong kirot na naramdaman si Salome sa kaniyang puso dahil sa sagot ng kaniyang inay, hindi na ito tulad ng dati na sasawayin siya at sasabihang tumahimik at mas gusto niyang ganoon ang kaniyang inay kaysa ngayon na halos wala nang gana mabuhay. P 37-8 Matapos ang halos dalawang oras na pagakyat sa bundok ng Arayat ay narating na nila ang gitnang bahagi nito na kung saan may nakatayong malaking puno ng Mahogani (Mahogany). Bumitaw na ni si Nay Delia sa pagkakakapit kay Salome at naupo siya sa tabi ng puno sakay isa-isang inilabas ang apat na mangkok na laman ng bayong. Nagsimula namang humakbang si Salome papalapit sa kaniyang inay at pinagmasdan mabuti ang ginagawa nito. Ilang sandali pa inilagay ni Nay Delia ang apat na mangkok na naglalaman ng sinaing na saging ng saba at kamote sa gilid ng mga bato at lumuhod siya sa tapat. Kasabay niyon ay kinuha niya ang apat na insenso sa kaniyang bulsa at sinindihan ito gamit ang apoy na nakuha niya nang pagkiskisin niya ang dalawang magaspang na bato. Sa pagkakataong iyon, napagtanto ni Salome na ang mga pagkaing dinala ng kaniyang inay ay alay sa kaniyang itay at kuya na yumao na. isinasagawa rin ni Nay Delia ang pagdarasal na siya ring tradisyon ng mga intsik. Sandaling ipinikit ni Salome ang kaniyang mga mata at doon ay naramdaman niya ang malamig na hangin na yumayakap sa kaniya. Naamoy rin niya ang mga malalagong puno sa paligid. At nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay doon niya lang nakita ang napakagandang tanawin mula sa ibaba ng bundok. Napakalawak na halos kulay berde na sakahan mula sa ibaba ang kaniyang natatanaw, at sa di-kalayuan ay naroon ang pueblo kung saan nakatayo ang Simbahan, palengke, plaza, at ang ilang malalaking mansyon ng mga Kastila. Natatanaw din niya ang mga ilog sa na patuloy na umaagos sa buong paligid. Animo'y ang kulay berde at asul ay tumitingkad sa kaniyang mga mata. Naalala niya bigla na ganitong-ganito ang tanawin na ipinakita sa kaniya ng kaniyang itay noong limang taong gulang pa lamang siya, noong kinuwentuhan siya nito tungkol sa mga palasyo at kaharian. "Minsan ang ating pinapangarap na buhay ay nagiging kabaliktaran nang dahil sa biglaang pagbaliktad ng kapalaran" biglang wika ni Nay Delia dahilan para matauhan si Salome at mapalingon sa kaniyang inay na nakaluhod pa rin habang hawak-hawak ang insenso sa kaniyang kamay. Nakadilat na rin ito at nakatitig sa napakagandang tanawin sa ibaba ng bundok. "Ang inakala mong magiging maganda at payapang buhay ay mauuuwi sa trahedya nang hindi mo inaasahan..." patuloy pa ni Nay Delia habang nakatulala pa rin ito sa kawalan. Hindi naman nakapagsalita si Salome, hindi niya alamang kaniyang sasabihin. "Hindi lahat ng pangarap ay natutupad... Hindi lahat ng trahedya ay nakakalimutan at hindi lahat ng pangako ay naisasakatuparan" wika pa ni Nay Delia at dahan-dahan itong tumayo, napakabig pa siya sa katabing puno at mabuti na lamang dahil mabilis siyang nahawakan ni Salome upang maalalayan. "At higit sa lahat... hindi lahat ng alaala ay nabubura" muling wika ni Nay Delia sabay lingon kay Salome. Sa pagkakataong iyon, hindi maintindihan ni Salome kung bakit parang may malalimna pakahulugan ang nais ipabatid sa kaniyang ng kaniyang inay. P 37-9 Ilang sandali pa, hinawakan ni Nay Delia ang kamay ni Salome at pinagmasdan ang guhit sa palad nito. "Ang sabi nila, ang kapalaran ng isang tao ay nakaukit na sa kaniyang kamay bago pa man ito isilang" tugon ni Nay Delia at pinagmasdan niya mabuti ang mga guhit sa palad ni Salome. "Katulad ito ng mga bituin na nakaguhit sa langit... ang paniniwala ng Astronomiya" patuloy pa ni Nay Delia, nagtataka namang napatingin si Salome sa kaniyang palad, bigla niyang naalala na sinabi rin sa kaniya iyon ng isang matandang babaylan ng San Alfonso na si Inay Laya. "Ang kapalaran daw ng isang tao ay nakatakda na at sa oras na malihis ito, mabago o maligaw ng landas ang kaniyang kaluluwa, diwa, puso at isipan ay muling isisilang sa susunod na panahon" paliwanag pa ni Nay Delia at binitawan na niya ang palad ni Salome saka naupo muli sa tabi ng puno at pinagmasdan ang buong paligid. Inilagay na rin niya ang mga insesong hawak sa tabi ng mga mangkok ng pagkain na alay para sa mga patay. "Ang mga paghihirap, sakit at hinagpis na naranasan ng isang tao, ang kawalan ng kaniyang pagiging kontento sa mundo na kilala sa ating lenggwahe na 'Dukhha' ay magiging dahilan upang maranasan ng taong iyon ang 'Samsara' o ang paulit-ulit na pagsilang sa iba't-ibang panahon hangga't hindi natatagpuan ng taong iyon ang kapayapaan sa kaniyang puso... hangga't hindi niya nahahanap ang kaniyang sarili at hindi siya nakokontento sa kaniyang buhay ay hindi niya mararating ang 'Nirvana'..." tugon ni Nay Delia at muli siyang lumingon kay Salome, napatitig siya saglit sa rosaryong purselas na suot ng kaniyang dalagang anak. "At alammo ba ang pinakamasaklap sa lahat... hangga't hindi natututo sa pagkakamali, hangga't hindi natatanggap ng taong iyon ang mga naging trahedya sa kaniyang buhay... paulit-ulit siyang isisilang sa mundong ito sa magkakaibang panahon at hindi matatapos iyon hangga't hindi siya nagkakaroon ng Kapayapaan at Kasiyahan na daan patungo sa 'Nirvana'" patuloy ni Nay Delia habang nakatitig sa mga mata ni Salome, kasabay niyon ang pag-ihip ng marahan na hangin na nagpalaglag sa mga patay na dahoon sa puno ng Mahogany na kanilang kinatatayuan. "A-ano pong ibig niyong sabihin inay?" nagtatakang tanong ni Salome, ang bawat salita at aral na ipinaliwanag sa kaniya ng kaniyang inay ay parang isang mabigat na katotohanang lalong nagpapadurog sa kaniyang puso at naghahatid sa kaniya ng kilabot. "Ngunit hindi lahat ng tao ay walang ideya sa paulit-ulit na pagsilang na ito, dahil may mga taong mas gugustuhing paulit-ulit na isilang sa mundo... at ito ay ang 'Bhava-tanha' na ang ibig sabihin ay ang pagkauhaw sa muling pagkabuhay (rebirth) sa magkakaibang panahon" tugon pa ni Nay Delia, ilang sandali pa ay tumayo na siya at naglakad papalapit kay Salome saka hinawakan muli ang mga kamay ng anak. "Marahil ay naguguluhan ka sa mga sinasabi ko sayo ngayon anak... ngunit gusto ko lang na malaman mo na sa mundong ito maraming bagay ang hindi natin inaasahang mangyari... at sa buhay na ito gusto kong ngayon pa lang ay hanapin mo na agad ang Kapayapaan at Kasiyahan sa iyong puso upang hindi ka na muling isilang pa sa susunod na pagkakataon" seryosong tugon ni Nay Delia, ilang segundo pa ang lumipas na nakatitig lang siya sa mga mata ng anak. Batid niyang posibleng hindi matagpuan ni Salome ang Kapayapaan sa buhay na ito dahil sa sunod-sunod na pasakit na nangyari sa kanilang pamilya. at bukod doon, hindi rin niya maiwasang mangamba sa pagiging malapit nito sa isang binatang Kastila na maaaring maging dahilan ng pagbaliktad ng kanilang kapalaran. P 37-10 Mag-tatanghali na nang marating na nila ang paanan ng bundok Arayat. Muling kumapit si Nay Delia sa braso ng anak at dahan-dahan ulit silang naglakad sa gitna ng palayan papunta sa maliit na barong-barong ni Ingkong Lui. Tulala naman si Salome habang naglalakad sila, pilit siyang binabagabag ng mga sinabi ng kaniyang inay kanina habang nasa itaas sila ng bundok. napansin naman ni Nay Delia ang malalimna iniisip ng anak. "Narinig mo na ba ang alamat ng Bundok Arayat... Lumeng?" tanong nito dahilan para matauhan si Salome at mapatingin siya sa kaniyang inay. "Noong unang panahon, may isang diwata na nagngangalang Maria Sinukuan, siya ay nakatira sa kagubatan ng bundok Arayat, sinasabing nakakahalina ang taglay na kagandahan ni Mariang Sinukuan at bukod doon ay may busilak din siyang kalooban. Madalas siyang tumutungo sa lupa upang bigyan ng mga prutas at pagkain ang mga mahihirap. Inilalagay niya iyon sa tapat ng pintuan ng mga kabahayan at nagpapasalamat sila sa Maykapal sa biyayang kanilang natatanggap tuwing umaga. Mayaman sa mga prutas at mga hayop ang tirahan ng diwatang si Maria Sinukuan, at ilag ang mga tao na magtungo noon sa bundok Arayat dahil itnuturing nila itong sagradong tirahan ng diwata... ngunit sa paglipas ng panahon ay naging sakimat mapang-abuso na ang mga tao hanggang sa nagtungo ang ilang mga kalalakihan sa gubat, nagpaalamnaman sila kay Maria Sinukuan at sinabihan sila ng diwata na kumuha lang ng mga prutas at hayop na sasapat sa kanila ngunit nang makaalis na ang diwata ay umiral pa rin ang pagiging gahaman nila, namitas sila ng mga prutas at nanghuli ng mga hayop na sobra-sobra pa sa kailangan nila. At nang tinatahak na nila ang daan papalabas sa bundok naramdaman nila na parang bumibigat ang kanilang mga dala-dalahin at doon ay napagtanto nila na biglang naging bato ang mga prutas na kanilang pinitas. Ang katotohanan ay nagalit sa kanila ang diwata dahil sa pagiging ganid at paglapastangan nila sa mga likas na yaman" kwento ni Nay Delia medyo malapit na sila sa tahanan ni Ingkong Lui, ilang sandali pa ay biglang napatigil sa paglalakad si Nay Delia dahilan para mapalingon sa kaniya si Salome. "Bakit po inay? Pagod na ho ba kayo?" tanong ni Salome ngunit nagtaka siya kung bakit nakalingon ang kaniyang inay sa bundok Arayat. "Inay?" Napahinga naman ng malalimsi Nay Delia saka muling hinarap ang anak "Nakakalungkot lang isipin na ang ating bansa ay katulad ni Mariang Sinukuan, tayo ay sinamantala, inabuso, at naging gahaman ang mga mananakop sa mga likas na yaman at pagmamay-ari ng ating bansa... Katulad ni Mariang Sinukuan darating din sa punto na mauubos din ang ating pasensiya at magiging sukdulan din ang ating galit dahil sa mga ganid at gahaman na tao" tugon ni Nay Delia at nagulat si Salome dahil biglang may dinukot ang kaniyang inay sa bulsa nito at iniabot sa kaniya ang isang matalimna pang-ipit sa buhok. May disensyo itong dragon na kulay pula sa kabilang dulo. Gawa sa matibay na metal ang pang-ipit sa buhok na iyon ngunit ang dulo nito ay napakatalimna maaaring makapatay. "Ibinigay pa sa akin ng aking inay ang pang-ipit na iyan noong bata pa ako, ang sabi niya ito raw ay simbolo ng pinaghalong Kagandahan at Kamatayan..." paliwanag ni Nay Delia sabay kuha sa kamay ni Salome at inilagay doon ang pang-ipit sa buhok na iyon. halos walang kurap na nakatitig si Salome sa pang-ipit sa buhok na iyon, napakaganda nito at nakikita rin niya ang repleksyon ng kaniyang mga mata dahil sa kintab ng P 37-11 metal na iyon. "Sa likod ng Kagandahang taglay ng pang-ipit na iyan na isinsilid sa buhok ng mga kababaihan ay kakambal nito ang nakamamatay na talimna tatagos sa kalamnan ng sinumang tatamaan" tugon pa ni Nay Delia sabay diretkang hagis nito sa kawayan na hawak ni Ingkong Lui na gamit nito sa pagaararo. Nanlaki ang mga mata ni Salome nang makita ang kakayahan ng kaniyang inay, asintadong-asintado ang tama ng matalimna pang-ipit sa kawayang hawak ni Ingkong Lui. Agad namang kinuha ni Ingkong Lui ang patalim na pang-ipit at mabilis na inihagis patungo sa direksyon ni Nay Delia, alerto namang nakaiwas si Nay Delia at paikot niyang sinipa ang patalimdahilan para tumusok ito sa lupa. Gulat na gulat si Salome nang masaksihan ang mabilis at maliksing galaw ng kaniyang inay at ni Ingkong Lui, animo'y nagkaroon ng sandaling pasiklaban sa pagitan ng dalawa. Diretso namang naitapak muli ni Nay Delia ang kaniyang mga paa sa lupa matapos sipain sa ere ang patalimna pang-ipit. "Mabuti na lang at hindi mo pa rin nakakalimutan ang mga itinuro ko sayo Delia" puri ni Ingkong Luis aka dinampot ang patalimna pang-ipit at inabot ito sa kaniyang pamangkin. "Matagal man akong hindi nakapagensayo ngunit hindi ko makakalimutan ang mga itinuro mo Ingkong" sagot ni Nay Delia sakay nagbigay galang sa kaniyang maestro. "Ang patalimng Kagandahan at Kamatayan... hindi ko akalaing itinatago mo pa rin ito Delia, alaala ito ng iyong yumaong ina" tugon pa ni Ingkong Lui at pinagmasdan mabuti ang patalimna pang-ipit, ang ipit na iyon ay pagmamay-ari ng kaniyang kapatid na babae na nanay ni Delia. Inabot na ni Ingkong Lui ang patalimna ipit kay Nay Delia ngunit umiling ito "Si Salome na ang mag-yari niyan ngayon Ingkong" sagot ni Nay Delia dahilan para gulat na mapatingin si Ingkong Lui kay Salome. Samantalang, kanina pa gulat na gulat si Salome at gulong-gulo sa mga pangyayari. "P-paanong... I-inay? Ingkong Lui? Paano kayo natutong mag..." hindi na natapos ni Salome ang sasabihin dahil inunahan siya ni Ingkong Lui. " Kung Fu... ang paraan na iyong magiging depensa laban sa kalaban" sagot ni Ingkong Lui sabay abot sa kaniya ng patalimna pang-ipit. "Isa itong lihimna hanggang kay Delia lamang naituro at naipasa ng ating angkan dahil sa nangyaring trahedya noong 1643" sagot ni Ingkong Lui sabay hawak sa balikat ni Salome. "Batid kong may pagnanais kang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng iyong itay at kuya Ernesto... hindi ko sinasabing tuturuan kita lumaban upang maghiganti lamang... nais kong maunawaan mo Lumeng na ikaw, ang iyong mga kapatid at ang iyong ina ay nasa panganib pa ngayon dahil dumadaloy pa rin sa inyong dugo ang pagiging Maharlika na siyang nais tapusin ng mga kalaban" paliwanag ni Ingkong Lui habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Napalingon naman siya sa kaniyang inay na ngayon ay nakatitig din sa kaniya. P 37-12 Hindi maitanggi ni Salome na sumagi na rin sa kaniyang isip ang maghiganti lalong- lalo na noong masaksihan niya ang pagkamatay ng kaniyang itay at kuya sa kaniyang harapan. naalala niya bigla ang sumpang binitiwan niya sa kaniyang isipan noong sinusunog nila ang bangkay ng kaniyang itay at kuya Ernesto. Pagbabayaran nila ang lahat... sisiguraduhin kong mabibigyang hustisya ang pagkamatay niyo Itay at kuya! Iyon ang mga salitang naghari sa kaniyang puso nang maramdaman niya ang galit at poot dahil sa karumaldumal na sinapit ng kaniyang pamilya. Ngunit napayuko na lamang siya nang mga oras na iyon nang niya maalala niya ang huling sinabi ng kaniyang itay sa kaniya. Lumeng... Naniniwala akong sa buhay na ito mahahanap mo rin ang Kapayapaan anak... Paano ko mahahanap ang Kapayapaan kung ang daan patungo rito ay kaguluhan at paghihiganti? Pero, kung ang tanging paraan upang mahanap ko ang Katahimikan at Katarungan para sa aking pamilya ay naniniwala ako na ito ang magiging sandata ko. Napatitig na lamang si Salome sa pang-ipit na patalimna inaabot sa kaniya ni Ingkong Lui, dahan-dahan niyang kinuha iyon sa kamay ng kilalang magaling sa larangan ng Kung Fu. Si Ingkong Lui ay isa sa mga tinuturuan ng mga monghe sa kabundukan sa Timog Tsina bago pa ito nagtungo sa Pilipinas upang sundan ang kaniyang pamilya at mga kapatid na nanirahan na rin sa Pilipinas. Biglang hinawakan ni Nay Delia ang balikat ng anak at iniharap niya ito sa kaniya "Naalala mo ang sinabi ko sa iyo kanina anak? Hangad ko na mahanap mo ang Kapayapaan sa buhay na ito... at naniniwala ako na mahahanap mo lamang ang Kapayapaang iyan sa puso mo at sa desisyong nais mong gawin...kahit ano man ang iyong maging desisyon asahan mong nandito lang kami palagi para sa iyo" wika ni Nay Delia saka inakap ang anak. Sa pagkakataong iyon, napapikit na lamang ng mata si Salome at dinama ang yakap ng ina at ang pag-unawa nito sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya at sa naglalaban na ideya sa kaniyang isipan. Sunod-sunod niyang naalala ang mga salita at bilin ng kaniyang itay, kuya Ernesto at inay... P 37-13 Kahit anong mangyari huwag na huwag mong ibibigay ang tiwala mo sa mga Kastila... Katulad ni Mariang Sinukuan darating ang panahon na mauubos din ang ating pasensiya sa mga taong ganid at gahaman. Hindi lahat ng trahedya ay nakakalimutan... dahil ang Katarungan ay patuloy na uusig abutin man ito ng walang hanggan. Sa pagkakataong iyon, hinawakan ni Salome ng mahigpit ang pang-ipit na patalimna may disenyo ng pulang dragon. Buo na ang desisyon niya... handa na ang puso at isipan niya... batid niyang ang paghanap ng Katarungan sa karumal-dumal na pagkamatay ng kaniyang itay at kuya, maging ang paghihirap na dinaranas ng kaniyang pamilya ay siyang daan upang mahanap niya ang Kapayapaan sa buhay na ito. Handa na ako! Umulan man o umaraw, maaliwalas man ang kalangitan o makulimlim, mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito ay tuloy-tuloy ang pageensayo ni Salome habang tinuturuan siya ni Ingkong Luis sa abot ng makakaya nito. Sa itaas ng bundok Arayat, sa gitnang bahagi nito kung saan natatanaw ang buong kalupaan sa ibaba ay naroon si Salome na determinadong-determinado matuto. Naituro na sa kaniya ni Ingkong Lui ang tamang paghawak ng balisong at ng patalimna pang-ipit na pagmamay-ari na niya. maging ang asintadong pagbato nito diretso sa kalaban ay natutunan na rin niya. Ang maliksing galaw at pag-ilag sa mga suntok, sipa, tadyak at hampas ay mabilis niyang natutunan mula kay Ingkong Lui. Ang mabilis na paggalaw na parang isang matulin na unggoy at ahas, ang magaan na paglipad at pag-ikot sa ere na tulad ng ibon, at ang malakas na suntok, sipa at hampas na tulad ng mabangis na tigre ay madaling naisaulo ni Salome. Sa loob ng halos limapung araw, lumipas na rin ang buong buwan ng Nobyembre at hindi nahirapan si Ingkong Luis a pagtuturo at pagsasanay kay Salome. Bilib na bilib siya sa bilis nitong matuto at sa lakas na ipinapamalas ng dalaga. P 37-14 Maging si Danilo ay kaniya na ring sinasanay, bagama't iika-ika na sa paglalakad si Danilo ngunit ang galing nito sa pag-iwas at ang mabilis na galaw ay hindi matatawaran. "Lumapit ka sa akin ate Lumeng" kantyaw pa ni Danilo, kasalukuyan silang nagduduelo at pinapanood sila ni Ingkong Lui. "Halika dito Nilong" banat naman ni Salome sabay sunggab sa kapatid na madali namang nakaiwas. Pero agad nakaikot si Salome at pinadaanan ng sipa sa mukha si Danilo na hindi naman niya natamaan dahil nakaiwas ito pailalimsaka mabilis na tinalisod ang kaniyang ate pero agad nakakabig si Salome sa lupa sabay kabig ng paa niya sa ere na ikinagulat ni Danilo dahil sa bilis. Agad dinukot ni Danilo ang kaniyang balisong at akmang ihahagis iyon kay Salome ngunit kasingbilis ng kidlat na nasipa ni Salome paitaas ang balisong. Sabay silang napatingin ni Danilo sa itaas at nag-unahan sa pagkuha ng balisong na nasa ere, agad sinipa ni Danilo ang talampakan ni Salome dahilan para mapaatras si Salome. Abot kamay na ni Danilo ang balisong sa ere ngunit dali-daling hinugot ni Salome ang pang-ipit na patalimna nakasuksok sa kaniyang buhok at diretso itong inihagis sa ere para tamaan ang balisong at mag-iba ng direksyon. Dismayado namang napabagsak si Danilo sa lupa nang hindi man lang nahawakan ang balisong at ang mas lalo niya pang ikinadismaya ang katotohanang mabilis na nasunggaban ng kaniyang ate pabalik ang pang-ipit na patalimnito sabay tutok sa leeg niya. "Huli ka" tawa ni Salome, napasuntok naman si Danilo sa lupa dahil sa pagkatalo pero natawa na lang din siya dahil natalo siya ng isang babae. Hindi naman masusukilan ang ngiti sa labi ni Ingkong Lui habang pinagmamasdan ang dalawang magkapatid na Aguantar. Mahigit isang buwan din ang kanilang naging pag-eensayo at natutuwa siyang malaman na napakagaling na ngayon ni Salome at Danilo. "Naaalala kong ganiyan rin ang iyong ngiti Ingkong nang maglaban kami ni Ate Lita sa harapan mo" tugon ni Nay Delia na nasa gilid na pala. Napalingon naman sa kaniya si Ingkong Lui at hindi pa rin mawala ang saya sa mukha nito. "Nakikita ko kayo ni Lita kay Salome at Danilo ngayon... ganiyan na ganiyan rin kayong dalawa palaging nagduduelo... at sa huli magtatawanan matapos ang laban" ngiti pa ni Ingkong Lui sabay kuha sa tsaa na daladala ni Nay Delia. "Kamusta na kaya si Ate Lita? Halos ilang dekada na akong walang balita sa kaniya" saad ni Nay Delia, bigla namang napawi ang ngiti ni Ingkong Lui. Paborito niya sa lahat ang pamangking si Lita. "Marahil ay payapa siyang nabubuhay ngayon kasama ang kaniyang asawa sa Tsina... Ikaw ba Delia? Hindi ba sumagi sa iyong isipan na bumalik na lamang sa ating bansa?" tanong ni Ingkong Lui sabay lingon sa pamangkin. Napaisip naman ng malalimsi Nay Delia at napabuntong-hininga. "Hindi ko alamIngkong ngunit mayroon na akong takot ngayon sa paninirahan sa mga bagong lugar, naroon ang takot at pangamba na baka tulad ng pagtira namin sa San Alfonso ay mauwi sa trahedya ang lahat" sagot ni Nay Delia, bagama't mahigit isang buwan na rin ang nakalipas mula ng mamatay ang kaniyang asawa at panganay na anak ay nababakas pa rin sa tono ng pananalita nito ang pangungulila. Hindi naman na nakapagsalita si Ingkong Lui, batid niyang wala rin naman na siyang magandang maipapayo. Ngunit sa pagkakataong iyon habang pinagmamasdan ang dalawang apo-sa-pamangkin na si Salome at Danilo ay nakikita niya ang pag-asa. P 37-15 "Binibini! Ginoo! Halikayo pumili lang kayo ng ibig niyo rito sa mga alahas na ito" aya ng isang tindera, pinagkakaguluhan naman na ngayon ang mga paninda niya. karamihan ay mga babaeng ambisyosa ang naroon at nagpapasiklaban sa mga alahas na suot. Sandali namang sumulyap sa mga panindang alahas si Salome, kasalukuyan siyang naglilibot-libot sa palengke upang hanapin si Danilo, sinabi kasi sa kaniya ni Danilo na magkita sila sa daungan dahil ililibre siya nito. Suot ang kaniyang lumang baro't-saya at medyo pudpod na sandalyas ay tanging ang purselas na suot lamang niya at ang pang-ipit na patalimna may diesnyong pulang dragon ang bago sa kaniyang mga kasuotan. "Ikaw ba ay bibili? Mukha namang wala kang pambili Hija... tumabi ka na lamang dito dahil nakakaharang ka sa aking paninda" pagtataboy sa kaniya ng tindera. At ang ilang mga dalaga naman ay nandidiring pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Malinis naman ang kaniyang kasuotan iyon nga lang luma na ito at kupas nang tinganan. At wala rin siiyang suot na mga mamahaling alahas na siyang mag-aangat sa kaniyang kagandahan. Umalis na lang doon si Salome, nakaramdamsiya ng kaunting inis dahil sa asal ng tinderang iyon. katulad lamang niya ay isa rin itong Indio ngunit kung makaasta sa sarili ay akala mo na kung sino. Nagpatuloy na lang si Salome sa paglalakad-lakad sa gitna ng palengke. Ilang sandali pa, nang medyo makalayo na siya ay biglang napatigil ang lahat nang sumigaw ang tinderang iyon ng mga alahas. "MAGNANAKAW! TULONG! PIGILAN NIYO SIYA!" sigaw ng tindera na halos maglupasay na gitna ng palengke. Natangay ng magnanakaw ang lima sa kaniyang mga alahas at dali-dali itong tumatakbo patungo sa kinatatayuan ni Salome. Napatigil din sa paglalakad ang mga tao at nagsitabi sa gilid dahil sa takot na madamay sila sa kaguluhan. Tanging si Salome lamang ang nanatiling nakatayo sa gitna ng palengke kung saan papasalubong na sa kaniya ang binaliyong magnanakaw na kumakaripas ng takbo. "PIGILAN MO SIYA!" pakiusap ng matapobreng tinderang iyon kay Salome pero hinayaan lang ni Salome na dumaan ito sa harapan niya. "PAKIUSAP! PIGILAN MO SIYA!" sigaw muli ng tindera, nakikiusap ang mga mata nito kay Salome dahil tanging si Salome lamang ang pinakamalapit sa magnanakaw na iyon na kakaraan lamang sa harapan niya. Napatingin naman si Salome sa matapobreng tindera "Pasensiya na nakakaharang ako sa iyong paninda kanina" wika ni Salome sabay ngiti, saka mabilis niyang hinugot ang pang-ipit na patalimsa buhok na nakasuksok sa kaniyang buhok at dali-dali niyang inihagis iyon diretso sa binti ng binatliyong magnanakaw na tumatakbo papalayo dahilan para mapasigaw ito sa sakit at madapa sa lupa. Nasindak ang lahat sa pangyayaring iyon, lalong-lalo na ang matapobreng tindera ng mga alahas. Lumapit naman si Salome sa binatilyong magnanakaw saka hinugot niya ang kaniyang pang-ipit sa buhok na nakatusok sa binti nito. P 37-16 "Minsan na ring napagbintangang magnanakaw ang aking kapatid... ngunit ang pagkakaiba lamang ay totoong ginawa mo ang magnakaw kung kaya't dapat mong pagbayaran iyan" tugon ni Salome sa binatilyo at dinaanan niya ito saka naglakad papalayo. Pilit namang inaabot ng binatilyo ang mga alahas na kaniyang ninakaw na nagakalat na sa lupa pero agad siyang pinatayo ng mga mamamayan at dinala sa kanilang cabeza de barangay. Nakarating na siya sa dulong bahagi ng palengke "Sariwang-sariwang mga prutas! Sa halagang isang pilak lamang!" napalingon si Salome sa tawag ng isang matandang lalaki na nagtitinda ng prutas na pinya. Agad siyang napahawak sa kaniyang sikmura at natakamsa asimat sarap ng paborito niyang pinya. "Halika hija, tikman mo ang pinya na ito... ubod ito ng tamis" aya pa ng tindero, napahinga na lang ng malalim si Salome at napailing dahil wala naman siyang pera pambili. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad at nagtungo sa pinakamalapit na ilog sa tabi ng palengke. Doon ay hinugasan niya ang kaniyang pang-ipit sa buhok na nabahiran ng dugo. Napa- upo siya saglit sa gilid ng isang bato at pinagmasdan mabuti ang pang-ipit na iyon na bigay sa kaniya ng kaniyang inay. Paulit-ulit na sumasagi sa kaniyang isipan ang pangalan ng pang-ipit na iyon... 'Kagandahan at Kamatayan' Ilang sandali pa, nabaling ang kaniyang paningin sa rosaryong purselas na bigay sa kaniya ni Senor Fidel. "Mahigit isang buwan na rin kitang hindi nakikita Senor Fidel... kamusta ka na? Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa tulong na ginawa mo noong nasa bingit kami ng kamatayan" wika ni Salome habang pinagmamasdang mabuti ang purselas na nakasuot sa kaniyang kaliwang kamay. "Walang anuman Binibini" nagulat si Salome nang marinig ang isang pamilyar na boses ng lalaki mula sa kaniyang likuran. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita kung sino ang taong iyon... Si Senor Fidel. Nakangiti ito sa kaniya habang hawak-hawak ang isang malaking pinya na nahiwa na. "Bakit ang hirap mo P 37-17 hanapin? Mahigit isang buwan din akong naghanap sa iyo" patuloy pa ni Senor Fidel sabay iwas ng tingin dahil nakatitig talaga sa kaniya si Salome dahilan para mailang siya. "H-hindi ka ba masaya na makita ako? hindi ba't kinakumusta mo ako? H-heto na ako" wika pa ni Fidel sabay pasimpleng sulyap sa dalaga ngunit tulala pa rin ito sa kaniya. "M-may dumi ba sa aking mukha?" nagtataka niyang tanong dahilan para matauhan na si Salome. Agad napatalikod si Salome at kinurot-kurot niya ang kaniyang sarili. Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip? Baka isa na naman ito sa aking panaginip?! "Lumeng?" muling wika ni Fidel dahilan para magulat si Salome at mapaatras dahil nasa gilid na pala niya si Fidel at nakatitig ang binatang Kastila sa kaniyang mukha. "P-paumanhin po Senor" saad ni Salome sabay usog ng kaunti papalayo sa binata. Naupo naman si Fidel sa gilid ng bato at pareho na silang nakaharap ngayon sa ilog. "A-anong ginagawa niyo rito Senor?" panimula ni Salome, panaka-naka siyang susulyap sa binata pero agad siyang iiwas ng tingin at ibabaling sa ilog ang mata. "Hinahanap ka" diretsong sagot ni Fidel dahilan para biglang tumigil ang pagtibok ng puso ni Salome at ngayon ay nanlalamig na rin ang kaniyang kamay. "Mabuti na lang dahil nagpadala sa akin ng lihamsi Danilo noong nakaraang Linggo... at nalaman ko na narito pala kayo sa Pampanga" saad ni Fidel, maging siya ay napaismid pa dahil natutuyot ang laway niya sa kaba. Panaka-naka rin ang sulyap niya sa dalagang katabi pero babawiin din ang tingin kapag si Salome naman ang pasimpleng sumulyap sa kaniya. Naalala ni Salome na malapit na malapit nga pala si Danilo kay Senor Fidel at iniidolo niya pa ito. "Bakit hindi ka man lang nagpadala ng lihamsa akin... Lumeng?" tanong ni Fidel dahilan para mapalingon sa kaniya si Salome. Magtatakipsilimna at nababalot na ng kulay asul at orange ang kalangitan. "A-abala lang ho ako sa maraming bagay Senor" sagot ni Salome at napayuko na lamang siya. ilang beses din niyang tinangkang magsulat para kay Fidel ngunit inuunahan siya ng takot. Hangga't maaari ay nais na lang sana niyang kalimutan si Fidel dahil batid niyang imposibleng magkita sila muli. "Katulad ng ano?" usisa ni Fidel sabay tingin sa kaniya. Nawala na rin ang ngiti nito kanina-kanina lang. napaiwas naman ng tingin si Salome at muling napatitig sa ilog. napayuko na lamang siya at hindi na nakapagsalita pa, batid niyang nahihirapan siyang magsinunggaling sa harapan ni Senor Fidel. Ipinusod na lang muli ni Salome ang kaniyng buhok at itinutsok doon ang pang-ipit na patalim. "Sa loob ng mahigit isang buwan... hindi ko akalaing marami na ang nagbago sayo Lumeng" patuloy pa ni Fidel, may lungkot at panghihinayang sa tono ng pananalita nito dahilan para makaramdamsi Salome ng kaba. P 37-18 "Nakita ko ang ginawa mo kanina sa isang binatilyo sa palengke..." dagdag pa ni Fidel, at sa mga oras na iyon gulat na napatingin si Salome sa kaniya. Hindi maaari... alam na niya... "Batid kong galit, poot at hinanakit ang nag-udyok sa iyo upang tahakin ang landas na iyan... ngunit naniniwala ako na ikaw pa rin si Salome... ikaw pa rin ang Lumeng na nakilala ko sa San Alfonso na ang nais lang sa buhay ay matutong magbasa at magsulat, pakainin at kausapin si ChingChing araw-araw at naghahatid ng saya at ngiti sa lahat" tugon ni Fidel, napayuko naman si Salome. Wala na siyang mukhang maiharap sa binata lalong-lalo pa dahil pinapaalala nito ang dating siya. "Hindi ko rin akalain na makikilala mo ako nang araw na iyon, kahit pa ikinubli namin ni Patricio at Geronimo ang aming pagkatao suot ang mga salakot at damit ng mga magsasaka sa hacienda upang iligtas kayo sa kamay nila Gobernador Filimon at Heneral Martino... hindi ko akalaing makikilala mo ako" saad ni Fidel, naalala nila ang tagpong iyon kung saan sandali silang nagkatitigan ni Salome bago matapos niyang panain sa sikmura si Fernando. Agad hinila ni Mang Berto si Salome papalayo upang makatakas na sila, binuhat siya ni Mang Berto papunta sa talahiban na patungo sa lawa ng luha at sumakay silang lahat sa bangka patawid sa kabilang isla. Samantalang dali-dali namang tumakbo si Fidel paakyat sa ibabaw ng mga bubong ng mga kabahayan sa gitna ng plaza at naglaho siya sa kagubatan. Doon ay nagpapalit na rin ng damit si Patricio at Geronimo sa kanilang nakagawiang bihis na mga mamahaling kasuotan mula sa Europa upang hindi sila paghinalaan nila Gobernador Filimon dahil nawawala sila sa kaguluhan. "Ang paghawak ng patalimat armas ay mahirap... sa tuwing naaalala ko kung ilang buhay ang kinitil ko noong araw na iyon ay hindi na ako makatulog at makakain ng maayos. Walang kapayapaan sa paggamit ng dahas Lumeng... kundi isa itong lason na patuloy na papatay sa dating ikaw" tugon ni Fidel, parang isang malakas na sampal sa realidad ang humampas kay Salome dahil sa mga tinuran ng binata. Tumayo na lang si Salome at akmang aalis na pero agad hinawakan ni Fidel ang kamay niya para pigilan siya. "Hayaan mong ako ang magdala ng katarungan para sa iyong pamilya Lumeng... hayaan mong ako ang gumamit ng dahas upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng iyong itay at kapatid" giit ni Fidel habang seryosong nakatingin sa mga mata ni Salome. Sinubukan namang alisin ni Salome ang pagkakahawak ng binata sa kaniyang kamay ngunit parang nanghihina siya... parang awtomatikong sumusuko siya dahil sa hawak at presensiya ni Senor Fidel na nasa harapan niya. P 37-19 Tuluyan nang lumubog ang araw kung kaya't madilimna sa bahagi ng ilog na nasa tabi ng palengke at kagubatan na kung saan sila naroroon. Ngunit kahit ganoon ay malinaw na malinaw pa rin kay Salome ang mukha ni Senor Fidel na malapit lamang sa kaniya. "B-bakit mo ginagawa ito? H-hindi mo naman kailangang pakialaman ang buhay ko" giit ni Salome, hindi naman agad nakapagsalita si Fidel. Ilang sandali pa, nakita niya ang isang maliit na liwanag na rumrepleka sa malinaw na tubig ng ilog. Biglang sumilay ang ngiti kay Fidel na pinagtaka naman ni Salome, ilang saglit pa ay unti-unting dumarami ang liwanag na rumerepleka sa tubig ng ilog hanggang sa mapatingala na lamang si Fidel sa kalangitan "Ngayon pala ang taunang pista ng inyong tradisyon" wika ni Fidel habang nakangiting nakatingala sa kalangitan. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ni Salome. "Anong- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil nanlaki ang mga mata niya nang makita ang libo-libong mga Lantern na nagliliwanag sa buong kalangitan. Bigla niyang napagtanto na kaya siguro siya sinabihan ni Danilo na magtungo sa daungan ay upang masaksihan nila ang pagpapakawala ng mga Lantern sa ere. Ang kaninang puno ng galit, poot, lungkot, hinagpis at pagkalito ng kaniyang puso ay biglang napalitan ng kakaibang saya habang pinagmamasdan ang nagagandahang mga Lantern na nagliliwanag sa madilimna kalangitan. "Alammo ba ang ibig sabihin ng pagpakawala ng parol na ito sa kalangitan?" tanong ni Fidel, napatingin naman si Salome sa kamay niyang hawak-hawak pa rin ng binata hanggang ngayon. "P- para matupad ang iyong hiling" sagot ni Salome, ramdamniya ang pagdaloy ng kuryente sa kaniyang buong katawan dahil maghawak sila ng kamay ngayon ni Senor Fidel. "At bukod sa katuparan ng kahilingan, ang pagpapakawala raw ng parol sa kalangitan ay nangangahulugang pinapalaya mo na ang lahat ng problema, galit, poot at panghihinagpis na nanahan sa iyong puso" tugon ni Fidel sabay tingin ng diretso sa mga mata niya. "Nais kong pakawalan mo ang lahat ng galit, poot, lungkot at hinanakit na namumutawi sa iyong puso... Lumeng" wika pa ni Fidel sabay hakbang papalapit kay Salome. Nanlaki naman ang mata ni Salome at nang humakbang siya paatras ay agad siyang hinila ni Fidel papalapit sa kaniya, dahilan upang mapahawak siya sa dibdib ng binata. Ilang sandali pa, nagulat si Salome nang biglang kunin ni Fidel sa kaniyang likuran ang isang Lantern na inilagay niya pala sa likod ng batong inuupuan nila kanina at hindi niya iyon napansin. May sindi na ito at hindi niya rin napansin kanina dahil nakakubli ito sa ilalimng bato. P 37-20 "Hinihiling ko na pakawalan mo ang lahat ng galit na mayroon ngayon sa puso mo at hayaan mong ako ang maghatid ng Kapayapaan sa iyong puso... Lumeng" patuloy pa ni Fidel saka pinakawalan niya sa ere ang Lantern na hawak niya. ~Di kita malimutan Sa mga gabing nagdaan Ikaw ang pangarap Nais kong makamtan Sa buhay ko ay Ikaw ang kahulugan~ ~Pag-Ibig ko'y Walang kamatayan Ako'y umaasang Muli kang mahagkan~ Tinanaw nila ang napakagandang Lantern na iyon na patuloy na umaangat at kumakawala sa kalangitan habang humahalo sa iba pang mga kahilingang naroon. Muling napasulyap si Fidel kay Salome at napangiti na lamang siya nang muli niyang masaksihan ang matamis na ngiti ng dalaga habang nakatingala sa kalangitan at pinagmamasdan ang libo-libong mga Lantern. Matagal na rin niyang hindi nasaksihan ang ngiti ni Salome at iyon ay labis na ikinagagalak niya. ~Ikaw at ako'y Sinulat sa mga bituin At ang langit Sa gabi ang sumasalamin~ ~Mayroong lungkot at pananabik Kung wala ka'y kulang ang mga Bituin~ ~Aasa ako, (aasa ako) Babalik(babalik) Ang ligaya, Aking mithi(sa kin mata)~ P 37-21 ~Hanggang sa muling(Hanggang) Pagkikita(pagkikita) Sasabihin mahal kita~ ~Ikaw pa rin ang hanap ng Pusong ligaw Ikaw ang patutunguhan at Pupuntahan, Pag ibig mo ang hanap ng Pusong ligaw Mula noon, bukas at Kailanman~ Ilang sandali pa, muling napalingon si Salome kay Fidel nang bigla nitong hawakan ulit ang kaniyang mga kamay. "Hindi ko pa pala nasasagot ang iyong tanong kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito para sa iyo" wika pa ng binata habang nakatitig sa mata ng dalagang matagal na niyang sinisinta. "Te amo Salom� ... y seguir� diciendo eso hasta que nos encontremos de nuevo" (I love you Salome... and will still say that until we meet again) tugon ni Fidel, dahan-dahan niyang hinawakan si baywang si Salome at unti-unti niyang inalapit ang kaniyang mukha sa dalaga. Puno man ng kaba, mas nangingibabaw pa rin ang pananabik at kakaibang saya sa puso ni Salome habang dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at mainit na sinalubong ang pagdampi ng labi ng lalaking matagal na niyang pinapangarap. Kasabay niyon ang pag-ihip ng malamig at marahan na hangin na dumadampi sa kanilang balat. Ang liwanag ng gabi na mas lalong pinasigla ng dalawang pusong nagmamahalan. Sa pagsalubong ng halik ay dahan-dahang hinugot ni Salome ang pang-ipit na patalimna nakatusok sa kaniyang buhok at inilagay iyon sa kamay ni Fidel. Isinusuko ko na sa iyo ang lahat... mahal ko. ******************* Featured Song: P 37-22 'Pusong Ligaw' by Jericho Rosales A/N: Hindi ko mapigilang kiligin habang pinapakinggan ko ang 'Pusong Ligaw' by Jericho Rosales. Tagos sa heart yung line na 'Mula noon... bukas... at kailanman' 'Pusong Ligaw' by Jericho Rosales UIMGEEAAAAAAA?? Wahhhhh P 37-23 Kabanata f(x - 36) 57.9K 2.3K 3.1K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 36] "These dreams go on when I close my eyes Every second of the night I live another life These dreams that sleep when it's cold outside Every moment I'm awake the further I'm away" -Heart (These Dreams) Naalimpungatan ako nang marinig ko ang tunog ng alarmng phone ko. Agad kong kinapa iyon sa ilalimng unan ko at pinatay. Sobrang bigat ng ulo ko, Ano bang nangyayari sa'kin? Napatulala pa ako ng ilang saglit habang nakatitig sa kisame, nanaginip ata ako pero parang na-shuffle na ang lahat ng nangyari sa panaginip ko at ngayon hindi ko na maalala. Pero may nag-iisang bagay akong naalala... parang may mga liwanag sa madilimna kalangitan ang lumilipad sa ere pagkatapos biglang hinawakan ng isang lalaki ang kamay ko pero ang labo ng mukha niya, hindi ko na maalala ang itsura niya, pero may mga salita siyang binitiwan na hindi ko naintindihan. Te amo Salom� ... y seguir� diciendo eso hasta que nos encontremos otra vez Parang pangalawang beses ko na narinig ang mga salitang iyon, noong nakaraang buwan napanaginipan ko rin ang salitang iyon habang nakaupo ako sa piano. Hindi ko alamkung bakit nandoon ako. Te amo Esmeralda ... y seguir� diciendo eso hasta que nos encontremos otra vez Gusto ko sanang isearch sa google kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon pero hindi ko alamkung anong lenggwahe at kung paano isulat. Wala na rin akong maalala sa mga sumunod pang nangyari sa mga panaginip ko. "Aleng, Gising na Late ka na" narinig kong tugon ni mama dahilan para bigla akong mapabangon. Naabutan kong inaayos niya ang higaan ni Alex. Hala! nakaalis na si Alex! "Kanina ka pa ginigising ng kapatid mo, akala niya di ka na raw papasok" patuloy pa ni mama at napatingin ako sa orasan. Shems! 10 amna! P 38-1 Late na ko sa first two subjects ko, Late na ko sa Algebra class! "Hindi ba ngayon ang huling klase niyo bago mag-sembreak?" saad pa ni mama, napatulala naman ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, last day of classes na ngayon. Kakatapos lang ng Finals namin last week ibig sabihin ngayon ang huling araw ng klase namin sa Algebra. Pero wala na, hindi ko na naabutan ang huling klase ni Sir Nathan. Late na ko. hindi ko alampero parang bigla akong nakaramdamng lungkot at panghihinayang. Bakit kasi na-late ako ng gising? Tapos ang sakit pa ng ulo ko ngayon. Napahiga na lang ulit ako sa kama. Di bale na, pupuntahan ko na lang si Sir sa faculty room... Teka! Anong gagawin ko doon? Ano ka ba edi sisilipin siya... Aminin. Napatango-tango na lang ako sa sarili ko, Oo nga magandang ideya 'yan. "Papasok ka ba Aleng?" tanong ni mama dahilan para maputol ang conversation namin ng 'Konsensiya' ko. "Ah, Opo maliligo na ko" Sana matyempuhan ko si Sir Nathan sa school haays. "Hoy ngets bakit ngayon ka lang? nakalimutan mo ata na 7 amang first class natin" sermon sa'kin ni Jen, kakarating ko lang pero sermon agad ang inabot ko sa kaniya. Nasa canteen kami ngayon at medyo maingay na kaya humalo na lang yung palengkera niyang boses sa ingay dito sa canteen. "Na-late ako ng gising tapos di pa ko ginising ni Alex" sagot ko, bigla namang napaiwas ng tingin si Jen nung sinabi ko yung pangalan ng kapatid ko. "Kelan nga ulit yung release ng final grades natin?" pag-iiba ni Jen ng usapan sabay tingin kay Leana na abala sa pagkain. "Sa sembreak pa bago tayo maka- enroll sa second sem" sagot ni Leana, napatingin naman ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Leana. Wala si Iryn. "Nasaan si Iryn?" tanong ko, bigla namang nagkatinginan si Jen at Leana. "Hindi rin ata pumasok, wala naman daw gagawin ngayon kasi last day of class na" sagot ni Leana, alamkong nagtatampo pa rin sa'kin ngayon si Iryn dahil hindi ko agad nasabi sa kaniya na magkakilala pala kami ni Bryan. "Sabagay, wala naman talagang gagawin ngayong last day na" pag-sangayon ko na lang, tatayo na sana ako para bumili ng pagkain pero napatigil ako nang magsalita ulit si Leana. "Eh bakit pumasok ka pa ngayong hapon kung wala namang gagawin dito sa school?" pang-eecheos niya sabay ngisi, Hala! shems! "Tsk, Tsk. kilala ka namin Aleeza alamnaming may iba ka pang motibo kaya pumasok ka ngayon" ngisi naman ni Jen sabay taas ng kilay sa'kin. napalunok naman ako sa kaba, alamna ba nila? bakit ang daming nakakahalata? "Gawain din namin 'yan, ano ka ba! pumapasok din ako para sa baon" tawa pa ni Leana at sabay silang humalakhak ni Jen na parang relate na relate sa isa't-isa. Natameme naman ako sa tawanan nila, Whew! Akala ko naman alamna nilang may something ako kay Sir Nathan. "Tss, Bahala nga kayo diyan" tugon ko saka tumayo na at dumiretso sa counter. Gusto ko ng pinya ngayon, P 38-2 buti na lang may tindang pineapple slice dito sa canteen. Nakapila na ako doon nang bigla kong marinig na may nagsalita sa likuran ko. "Oh, Hija baka matunaw ang pinya sa kakatitig mo diyan" tugon ni Sir Albert agad naman akong napangiti nang makita siya. Para ko na talaga siyang pangalawang papa. Napansin ko na naka- jacket siya at mukhang may pupuntahan sila kasi ang laki ng back pack niya kahit pa may hawak siyang tungkod bilang suporta sa paglalakad niya. "Oo nga pala, may tour kami ngayon sa Intramuros gusto mong sumama 'nak?" tanong niya habang nakangiti. "Kayo-kayo po sa theater arts org?" tanong ko, napatango naman si Sir Albert. "Oo, halos isang bus din kami, mamayang 3 pmpa naman kami aalis hanggang 7 pmiyon, baka gusto mong sumama kasama naman ang kapatid mo kaya pwedeng-pwede kang sumama" aya pa ni Sir. napaisip naman ako kaya nga ako pumasok ngayon dito sa school ay para makita si Sir Nathan dahil last day na ngayon at siguradong di ko siya makikita sa sembreak. 2 weeks din yun haays. "Salamat na lang po Sir pero may klase pa po ako eh, sasama po ako next time" sagot ko, napatango naman si Sir Albert. "Osige, sayang nga lang sana makasama ka upang muling mabalikan ang alaala ng nakaraan" tugon niya pa, hindi ko alampero bigla akong nakaramdamng kakaiba dahil sa sinabi niya. "Ang alaala ng nakaraan... Ang alaala ng Kasaysayan" patuloy pa ni Sir Albert at ilang sandali pa ay ngumiti na lang siya. "Sige na Hija, mauna na ako" paalamniya saktong nasa counter na kami at nakabili na rin ng pagkain. Naglakad na papalayo si Sir Albert at naiwan akong tulala doon sa counter. 'Muling Balikan ang alaala ng nakaraan?' Weird. 2:00 pmna, nasa classroomna ang prof namin sa last subject. Wala naman kaming ginagawa ngayon kasi last day na at nagdadaldal lang yung prof namin tungkol sa buhay niya. ilang sandali pa, napalingon ako sa gilid ng pinto at nakita kong nakatayo sa labas si Alex at tinatawag ako. Tss... itong kapatid kong 'to ginigising ko siya pag ma-lalate na siya tapos ako hinayaan niya lang ako matulog kanina Ugh. Hindi ko tuloy nakita si Sir Nathan sa Algebra class! Tumayo na ako saka naglakad papalabas ng room. Naka-jacket din siya katulad nung kay Sir Albert at mukhang excited siya sa tour. "Ate, sama ka sa'min" bungad niya, tinaasan ko naman siya ng kilay. Yung pagkakasabi niya kasi parang utos ng hari ang datingan. So ako ang alipin? "Ayoko, tingnan mo may klase ako oh" pagtataray ko sa kaniya, ang sama talaga ng loob ko dahil hindi man lang ako nakaattend ng klase ni Sir Nathan kaninang umaga dahil hindi ako ginising ng asungot kong kapatid na'to. "Wala naman kayong ginagawa eh, tsaka excuse ka naman sabi ni Sir Albert" saad niya pa, kung titingnan P 38-3 kaming dalawa mukhang siya pa ang kuya ko dahil sa talas ng bibig nito pagkatapos mas matangkad at mas mature pa siya tingnan kaysa sa'kin. "Bakit ba pinipilit niyo ko? may gagawin pa ko mamaya" reklamo ko pa, napapatingin din sa amin ang ilang estudyante na napapadaan, mukha kasi kaming magkapatid na nag-aaway sa baon na iniwan ng nanay namin sa ibabaw ng ref pagkatapos kinuha ng isa sa'min. "May pupuntahan din kami nila- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Alex. "Kasama si Sir Nathan" tugon niya. hindi naman ako nakapagsalita agad. Shems! Seryoso nga? kasama si Sir Nathan? "Sabi ko na nga ba eh, may gusto ka talaga kay Sir tsk tsk" pang-asar pa ni Alex at bigla siyang ngumisi. Once in a bluemoon lang ngumisi at mang-asar ang kapatid kong 'to kaya alamkong ngayon siya sinusumpong ng sakit niya sa utak. "Tsk halata namang may gusto ka kay Sir Nathan eh, sumama ka na ate sure daw na sasama si Sir Nathan kapag sasama ka daw" patuloy pa ni Alex, hindi ko alampero parang biglang uminit yung pisngi ko at kumabog yung puso ko dahil sa balita niya. Teka nga, baka pinagloloko lang ako ng totoy na'to. "Wag ka nga mag-imbento diyan" tinarayan ko na lang siya at akmang papasok na ulit sa classroompero napatigil ako nang magsalita ulit siya. "Oo nga ate, sinabi niya sa'kin kanina di ka nga raw pumasok sa klase niya... Lagot ka kay Sir kapag di ka rin sumama ngayon, ang tagal niya naghintay" dagdag pa ni Alex dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Ang tagal niya naghintay? Bakit? Anong- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla nagsalita ulit si Alex. "Wala. Basta punta ka na lang sa parking lot sa likod mamayang 2:30 ate, sa bus ng school tayo sasakay papuntang Intramuros" paalamni Alex saka tumakbo na siya papalayo. Pansin ko na hindi na ganoon ka-tatag ang pagtakbo niya dahil nasemento na ang tuhod niya last last year nang maaksidente siya dahil sa paglalaro ng Basketball. Naiwan naman akong tulala doon sa hallway. Bakit parang pakiramdamko may ibang ibig sabihin ang mga pinagsasabi nila? "Aleeza! Hija" tawag sa'kin ni Sir Albert nang makita niya akong naglalakad papalapit sa kanila. Halos lahat ng kasama sa theater arts club ay sasama ngayon sa tour at mukhang ako lang ang saling-pusa sa kanila, partida naka-uniformpa ako all-white habang sila naman ay naka-jacket at ang iba ay parang mamasyal talaga. Mukha tuloy akong nag-cutting classes. Napatingin naman sa'kin lahat ng mga kasamhang actor at aktres nila Alex, bigla tuloy akong nakaramdamng hiya kasi parang desperado akong sumama sa tour na exclusive para sa kanila. Pero wala na akong pakialam mas mahalagang makita ko ngayon si Sir Nathan. #AngHarot "Buti naman nakasama ka Hija, saktong-sakto paalis na tayo" tugon pa ni Sir Albert at isa-isa nang sumakay P 38-4 ang lahat ng kasama sa tour. "Talagang naka-nursing uniformka 'nak?" tawa pa ni Sir Albert, natawa na lang din ako kasi mukha akong higad na naka-suot ng puting-puti. Magsasalita na sana ako kaso bigla may sumingit sa usapan namin "Ate Aleeza papahiramko muna sayo yung extra kong damit, don't worry di ko pa nasusuot to' dinala ko lang in case na umulan at mabasa ako" saad ni Lily na nasa likod pala namin, dali-dali niyang hinalungkat sa bag niya yung damit niya. "Ah wag na, okay lang ak- " hindi ko na natapos pa yung sasabihin ko kasi nakuha na niya yung damit niya at agad inabot sa'kin. "Sige na ate Aleeza magpalit ka na" tugon ni Lily sabay ngiti, sa pagkakataong iyon hindi ko alampero parang ngayon ko lang natitigan ng mas mabuti ang itsura niya. Parang pamilyar ang mga ngiti niyang iyon sa akin. Sakto namang dumating si Alex, aasarin niya dapat ako kasi sasama naman pala ako sa kanila kaso nakita niyang nasa likod namin si Lily kaya dire-diretso na lang siyang umakyat sa bus. "Sige na Hija, magpalit ka na para naman hindi ka mapagkamalang nursing aid na kasama namin... mamaya pa naman tayo aalis wala pa ang iba at patapos na ang klase ni Sir Nathan" tugon ni Sir Albert, na-feel ko na parang inaasar niya rin ako kay Sir Nathan kaya agad akong umiwas ng tingin at kinuha ko na yung damit ni Lily na inaabot niya sa'kin. "Thanks Lily, lalabhan ko na lang to tsaka hahatid ko sa bahay niyo" tugon ko, napangiti naman si Lily saka umakyat na rin sa bus. Nagtungo na ako sa pinakamalapit na CR saka nagpalit ng damit. Shocks! Napatulala ako nang makita kung ano yung damit na pinahiramni Lily. Isang plain white shirt at mahabang skirt na kulay baby pink. What-theBakit palda? At bakit ang haba lagpas tuhod, mukha akong nasa sinaunang panahon! Wala na akong nagawa kundi isuot iyon, baka magtampo pa si Lily, badtrip nga si Alex sa kaniya tapos dadagdagan ko pa haays. Paglabas ko ng cubicle, tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin dito sa CR. Naka-bun pa rin ang buhok ko dahil kailangan naka-bun palagi ang nursing students sa school namin. Pero at least masasabi ko na kahit papaano ay bumagay naman sa akin ang plain white shirt at palda. Kulang na lang belo sa ulo mukha na akong nasa sinaunang panahon. Pagdating ko sa parking lot, madami pa ring nagsisidatingan na mga sasama sa tour. Kung kanina mukha akong nursing aid ngayon naman mukha akong madre. Huminga na lang ako ng malalimat umakyat na rin ako sa bus kaso napatigil ako sa gitna nang makita ko si... Sir Nathan. P 38-5 Nakatayo siya sa kabilang dulo at mukhang naghahanap ng mauupuan, nagulat ako kasi napatigil din siya nang makita ako. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Shems! Dugdugdugdugdug. Ano ba yan! "Miss di ka ba uupo?" natauhan ako nang marinig kong nagsalita ang isang lalaki sa likod ko, mga kasamahan ni Alex sa teatro. Na-traffic na sila ngayon dahil na-stuck na ko sa gitna ng daanan dito sa loob ng bus. "Ha? ah eh Sorry" sambit ko na lang, mabuti na lang nakita ko agad si Alex na nakaupo sa bandang kaliwa ng bus sa tabi ng bintana, dali-dali akong naupo sa tabi niya. kung hindi ako uupo sa tabi ni Alex mukhang magkakatabi kami ni Sir Nathan at hindi ko kaya iyon! baka sumabog ang puso ko at mabaliw na ko ng tuluyan! Napalingon naman sa'kin si Alex at mukhang bad trip na siya ngayon. Nakita kong napatingin siya sa medyo harapan kung saan kanina pa nakatingin si Lily sa kaniya. Nag-suot na lang ng earphones si Alex at inis na nagtaklob ng mukha. Bakit parang may something sa kanilang dalawa? Ilang sandali pa, nagsimula nang umandar ang bus. Malapit-lapit lang naman ang Intramuros dito sa school kaya siguro wala pang isang oras ang byahe. Nagtataka lang ako kung bakit sa Intramuros sila mag-totour eh ang lapit lang nito, madami pang mga Historical sites na bihira lang talaga puntahan. Itatanong ko sana kay Sir Albert na medyo malapit lang sa amin sa unahan kaya lang katabi niya pala si Sir Nathan kaya hindi ko na lang siya tinawag. Ang ingay din sa loob ng bus dahil nag- aasaran at natatawanan ang mga miyembro ng teatro. Si Lily ang inaasar nila ngayon sa isang manliligaw nito na taga-ibang University. Napalingon naman ako kay Alex na mukhang mas lalong na-bad trip. Akala ko ba ayaw niya kay Lily? Eh bakit parang affected siya? Kinalabit ko si Alex at napalingon naman siya sa'kin pero hindi niya pa rin tinatanggal yung earphones niya. "Umamin ka nga totoy, may gusto ka ba kay Lily?" diretso kong tanong sa kaniya, hindi naman siya agad nakapagsalita at inirapan na lang ako. alamkong narinig niya ang sinabi ko kahit pa naka-earphones siya. "Eh bakit parang may gusto ka rin kay Jen? Sino ba talaga sa kanila? tsk, wala sa lahi natin ang namamangka sa dalawang ilog ah" sermon ko pa sa kaniya. Bigla naman niyang tinanggal yung earphones niya. "Minsan nahuhulog tayo sa maling tao, at ang pagkakamaling iyon ang maglalagay sa atin sa kapahamakan... pero kahit ganoon hindi pa rin nakikinig ang puso natin at paulit-ulit na nangyayari ang pagkakamali" sagot niya, napanganga naman ako dahil sa sinabi niya. ang lalimdin pala magtagalog ng kapatid kong 'to. "Anong pinagsasabi mo? tinatanong ko lang naman kung- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsigawan sa loob ng bus. Inaasar ngayon yung isang babae na miyembro ng teatro kay Sir Nathan. "Ayieee! Khate si Sir Nathan oh!" Bigla namang lumingon si Sir Nathan sa likod dahilan para magsigawan na silang lahat. "Hi daw Sir sabe ni Khate!" P 38-6 Nagwawala na sa kilig yung mga babae sa likod at todo-Whoaah naman yung mga lalaki. Tumango lang si Sir sa kanila at ngumiti dahilan para muntikan nang mabasag ang lahat ng salamin ng bus na sinasakyan namin dahil sa lakas ng sigawan nila. Tiningnan ko naman ng mabuti si Sir Nathan aba talaga naman oh tsk tsk... Bakit niya binibigyan ng ngiti ang mga babaeng yun? ugh! Katulad ni Alex nabadtrip na rin ako kaya nag-salpak na lang ako ng earphones sa tenga at nagpatutog ng pang-rave na music para di ko na sila marinig. Nakakanis! Nagtaklob na lang din ako ng panyo sa mukha para hindi ko na makita ang kaharutan ng mga palakang yun. Shemay talaga! Ilang saglit pa naramdaman kong may kumakalabit sa balikat ko. "Nandito na tayo" sabi ni Alex at mukhang naiinip na siya kasi nakaharang pa ako sa dadaanan niya. "Wait lang kase" reklamo ko, pareho kaming bad trip ngayon at hindi ko siya uurungan kapag ininis niya ko. Hindi pa rin matigil ang pagtatawanan nung mga babae nakatayo na sila sa aisle ng bus at nung napadaan sila kay seat ni Sir Nathan nag-hi pa sila at nagpa-picture. #Bwiset "Wag ka na mainggit ate, mag-selfie din kayo ni Sir mamaya" narinig kong pang-asar pa ni Alex, mukhang di na siya bad trip #AnotherBwiset "Anong pinagsasabi mo? Sumama ako dito para makapasyal sa Intramuros" sagot ko sa kaniya, napailingiling naman siya. "Akala ko ba may gagawin ka mamaya kaya di makakasama? Eh bakit nandito ka?" bwelta pa ni Alex, medyo napalakas yung boses niya dahilan para mapalingon sa'min yung ibang mga ka-member nila na pababa na rin ng bus. Mukha kaming magkapatid na nag-aaway sa pwesto ng upuan sa bus. "Mas mahalagang makapasyal-pasyal naman ako ngayon, minsan lang 'to noh" sagot ko sabay taas ng kilay pero biglang ngumisi lang si Alex. Shems! Hirap talaga makalusot sa mga matatalino. Kainis! "Sus! Nalaman mo lang na kasama si Sir Nathan ngayon eh kaya sumama ka na rin" pang-asar niya pa, magsasalita na sana ako kaso nagulat ako nang biglang tumayo na si Sir Nathan at nakatingin siya sa'min Waaahh! "Kaya ako sumama kasi pinilit din ako ni Sir Albert" sagot ko kay Alex pero binigyan niya lang ako ng nakakadudang tingin. Tumayo na rin si Sir Albert, alamkong naririnig nila ang pag- uusap namin ni Alex kasi medyo nasa harapan lang namin ang seat nila at ang sarap din sabunutan nitong kapatid ko dahil ang lakaslakas ng volume ng boses niya. #BwisetTalaga "Akala ko may klase ka pa Aleeza kaya di ka makakasama, mabuti na lang pala pinuntahan ka ni Alex" sabat ni Sir Albert sabay tawa. Abaaaaa! Nangangamoy sabwatan! "Sabi ko sayo Sir Albert eh, siguradong sasama si ate marinig lang niya ang pangalan ni Sir Nathan!" tawa pa ni Alex sabay nag-apir pa sila ni Sir Albert, nasa harapan naman si Sir Nathan at nakita kong bigla siyang P 38-7 napangiti. WHAT-THE-HECK! Yung tiping ngiti na parang 'hey-I-got-you!' Napapikit na lang ako sa inis. Shems! Bakit ba nilalagalag nila ako? kailangan kong umisip ng paraan. Nakakahiya... Dali-dali akong tumayo at inayos ang palda ko, Bwiset bakit kasi palda pa ang pinahiramsa'kin ni Lily. "Ayy Hala! tara na nauna na sila!" pagsesegway ko ng usapan saka-dire-diretsong bumaba sa bus. Dinaanan ko lang si Sir Albert at Sir Nathan na parang kidlat sa bilis. Kabang-kaba na ko, obvious ba talaga ang pagkahumaling ko kay Sir? nakakainis naman! Pagbaba ko sa bus saktong pumatak ang ulan. Napatingala ako sa kalangitan medyo makulimlimang langit at medyo mahangin. Nagliliparan ang mga dahon at kalat sa paligid. Nagulat ako nang biglang may payong na tumapat sa ulo ko. paglingon ko sa likod parang biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo ko nang makita si Sir Nathan na nakangiti at nakatingin ng diretso sa mga mata ko habang hawak-hawak ang payong niya na nakatapat na rin sa ulo ko. Nakatayo pa siya sa pintuan ng bus habang ako naman ay nasa ibaba na sa labas ng bus. "Sabi ko na nga ba, wala kang dalang payong ngayon kaya uulan na naman" tugon niya habang nakangiti pa rin. Kasabay niyon ang paghawi ng marahan na hangin sa buhok niya at sa kwelyo ng puting polo niya. Hanggang ngayon naaalala niya pa rin ang biro na sinabi ko sa kaniya noon... Hindi ko namalayan na ilang segundo akong nanatiling nakatayo roon at nakatitig sa kaniya. Nararamdaman ko na naman ang pagbigat ng puso ko at ang pamilyar na pagtibok nito... Ilang sandali pa natauhan na lang ako nang biglang magsalita si Alex na nasa likod ni Sir Nathan "Ate, please wag kang humarang diyan sa labas, di kami makababa oh" reklamo niya, nakatingin na silang lahat ngayon sa'kin pati si Sir Albert na nasa likod ni Alex at yung iba pang student na natraffic na rin sa loob ng bus. Halaaa! Dali-dali akong umusog sa gilid kaya nakababa na si Sir Nathan, hawak niya pa rin yung itimna payong at pinapayungan niya pa rin ako. "Let's go" aya niya, napalunok na lang ako sa kaba. Bwiset na taksil na pusong 'to bakit ka nagkakaganito? "S-sige po" iyon na lang ang nasabi ko at nagsimula na kaming maglakad kasunod noong mga student an nauna nang nakababa kanina. Halos lahat ay nakapayong na dahil medyo malakas na ang ambon. Hindi naman ako makatingin kay Sir na katabi ko lang ngayon maglakad dahil sobrang lakas na ng kabog ng puso ko. Ang bango niya pa amoy rosas na nakakahalina at ang aliwalas din ng itsura niya. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit dito sa Intramuros ang tour ngayon ng mga miyembro ng teatro?" bigla niyang tanong naglalakad na P 38-8 kami ngayon papasok sa Intramuros. Medyo madami rin ang mga estudyante na naglalakad sa gilid habang nakapayong. Ang ilan namang mga pedicab at sasakyan ay mabagal lang ang takbo dahil masikip lang ang mga daanan. "B-bakit nga Sir?" Shems! Bakit ako nauutal? Relax lang Aleeza. Inhale... exhale... "Dahil ang makaysayang lugar na ito ay bahagi ng kwento na kanilang gagawing dula sa Pebrero" sagot ni Sir Nathan dahilan para bigla akong mapalingon sa kaniya. Ang kwentong tinutukoy niya ba ay ang... "Our Asymptotically Love Story" patuloy pa ni Sir sabay tingin sa'kin. hindi naman agad ako nakapagsalita, ang kwentong iyon... ang librong iyon... matagal na akong may nararamdaman na kakaiba sa nobelang iyon. "Hindi mo pa ata tapos basahin ang kwento ni Fidel at Salome" saad pa ni Sir Nathan, mabagal lang ang paglalakad namin habang nakasunod sa iba. Medyo masikip din kasi ang daan at ang dami naming mga kasalubong na estudyante. Napatingin naman ako kay Sir Nathan "Paano niyo nalaman na hindi ko pa po tapos basahin yun Sir?" tanong ko, umiwas naman ng tingin si Sir at diretsong tumingin sa daanan. "Nababasa ko sa mga mata mo at sa reaksyon mo na hindi mo pa alamang kinahinatnan ng pag-iibigan nilang dalawa" sagot niya, sabagay kung alamna ng isang tao ang ending mababasa agad iyon sa reaksyon niya. Pero hanggang Kabanata 9 pa lang ang nababasa ko sa nobelang iyon dahil tinapon ni Alex yung libro. "Ikaw ba Sir, natapos mo na basahin?" tanong ko sa kaniya, lumiko kami sa isang gilid padaan sa isang malaking puno. "Matagal na..." sagot niya at bigla siyang napatigil sa paglalakad. "Nandito na tayo..." dagdag pa niya, itinaas niya ng kaunti ang payong at tumingala sa itaas. Kasabay niyon ang biglang pagtunog ng kampana ng isang malaki at lumang Simbahan na nasa tapat namin. "Ang Simbahan ng San Agustin o mas kilala noong unang panahon bilang 'Iglesia y Convento de San Pablo'" tugon pa ni Sir Nathan habang nakatingala at pinagmamasdan ng mabuti ang Simbahang nasa tapat namin. Hindi ko alampero sa pagkakataong iyon parang may kakaiba rin akong nararamdaman habang pinagmamasdan ang simbahan ng San Agustin. Naramdaman ko rin ang pagbigat ng puso ko habang tumutunog ang kampana ng Simbahan. Natauhan lang ako nang marinig naming nagsalita si Sir Albert sa unahan. "Papasok tayo sa loob ng Simbahan, huwag kayong maingay at magbigay galang sa mga nagdarasal sa loob" bilin ni Sir, nakabukas naman ang pinto ng Simbahan kaya kitang-kita ko na agad ang malaking chandelier na nasa pinakagitnang kisame. Isinara na ni Sir Nathan ang payong niya nang makapasok na kami sa loob. May mga babaeng naka-belo na nagdarasal sa harapan ng Simbahan at ang ilan naman ay nasa gilid. kakaunti lang ang tao dahil wala namang misa ngayon. Napatulala ako sa ganda ng altar ng Simbahan at sa mga detalyadong mga obra na nakaukit sa bawat kisame, dingding at haligi nito. Nababalot ng kulay ginto ang buong paligid at kumikinang ang mga upuan at sahig. P 38-9 "Ang Simbahang ito ay tinuturing na isa sa pinaka-matandang Simbahan dito sa Pilipinas. Naitatag ang simbahang ito noong 1571 nang masakop na ng tuluyan ng mga Espanyol ang Pilipinas matapos makuha ang Kaharian ng Maynila at Kaharian ng Tondo mula kay Rajah Soliman at Lakandula" panimula ni Sir Albert, naglalakad siya sa pinakaunahan habang nakasunod kami sa kaniya at nakikinig sa mga impormasyong sinasabi niya. "Madami nang natunghayan na mga makasaysayang pangyayari ang Simbahang ito sa paglipas ng panahon. At alamniyo ba na maging ang Simbahang ito ay dumaan sa madaming digmaan at mahahalagang pangyayari sa ating Kasaysayan" patuloy pa ni Sir Albert. Hindi ko naman mapigilang mamangha sa buong palibot ng Simbahan. Lalo na ang mga nakaukit na mga obra sa bawat sulok nito. "Noong 1574 nang lumusob ang pirating Intsik na si Limahong sa Maynila at sinunog ang buong bayan, nadamay din ang Simbahang ito. Ngunit itinayo ito muli. Pagdating ng taong 1583 ay muling nasunog ang Simbahan dahil gawa lamang ito noon sa kahoy madaling natupok ng apoy ang Simbahan kung kaya't noong 1586 napagdesiyunan na ng mga paring Agustinian na gumamit ng adobeng bato sa pagpapatayo muli ng Simbahang ito. Si Juan Macias ang naitalaga sa pagtatayo ng Simbahan na gawa na sa matibay na bato. At noong 1607 natapos na ang pagpapatayo sa Simbahan. Alamniyo ba na hindi natinag ang Simbahang ito noong magkaroon ng malakas na lindol sa Pilipinas mula 16th century hanggang 17th Century." "Ang Simbahan ng San Agustin ay naging himpilan din nang idaos ang pagpupulong ng pagsuko ng mga Kastila sa Pilipinas sa mga Amerikano noong 1898. At noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II) naging himpilan at kulungan din ito ng mga Hapones. Maraming mga pari at sibilyan ang ikinulong nila sa loob habang lumilipad sa ere ang mga pandigmang eroplano ng mga Amerikano. Upang tuluyang mapuksa ang mga Hapones kinailangang pasabugin ang mga istruktura sa loob ng Intramuros at isa na rin doon ang Simbahan ng San Agustin na nakatayo pa rin dito hanggang ngayon" tugon ni Sir Albert. Halos lahat ng mga estudyante na miyembro ng teatro ay manghang-mangha sa nalaman nilang kasaysayan ng Simbahan ng San Agustin. Maging ako ay sobrang namangha rin. At kaakibat niyon ang kakaibang pagbigat ng puso ko na hindi ko maintindihan. Ilang sandali pa bigla akong kinalabit ni Sir Nathan "May ipapakita ako sayo" sabi niya sabay hawak sa wrist ko pero binitiwan niya rin iyon agad nang sumunod na ako sa kaniya. Dugdugdugdugdug. Lumiko kami sa isang gilid dito sa loob ng simbahan. Nanlaki ang mga mata ko sa nagagandahang mga rebulto ng Santo at kakaibang mga obra na detalyadong nakaukit sa bawat dingding. Biglang tumigil si Sir Nathan sa isang gilid sabay turo sa kulay itimna lapida na nasa dingding nito. Wait! Lapida? "Dito rin nakahimlay ang labi ni Miguel Lopez de Legazpi, ang Kastilang matagumapay na nakipagdigma at sumakop sa Pilipinas, siya rin ang unang Gobernador-Heneral ng Pilipinas sa ilalimng Kaharian ng Espanya" panimula ni Sir Nathan. Napatitig naman ako ng mabuti sa lapidang iyon. hindi ako makapaniwala na may mga nakalibing dito sa Simbahan. "Noong unang panahon kapag mayaman ka, kilala at marami kang pera maari kang ilibing sa loob ng Simbahan" patuloy pa ni Sir Nathan. Nabasa niya siguro sa reaksyon ko na hindi ako makapaniwalang may mga lapida at puntod dito sa loob ng Simbahan. P 38-10 "Narito rin ang puntod nila Juan de Salcedo at Martin de Goiti... ang mga Kastilang katuwang ni Miguel Lopez de Legazpi at siyang nagpabagsak sa Kaharian ng Maynila at Kaharian ng Tondo na hawak noon ni Rajah Soliman at Lakandula" patuloy pa ni Sir Nathan. Napaupo naman ako habang tinititigan ang mga puntod na iyon. parang sumisikip din ang puso ko, bakit ako nagkakaganito? "Nang dahil sa kanila tuluyang nawasak at nasira ang Kaharian ng Tondo at Maynila, nang dahil din sa kanila ang salinlahi ng mga miyembro ng dugong bughaw na mula sa mga naghaharing Rajah at Datu noon ay untiunting naglaho... sa paglipas ng panahon nagpatuloy ang iba't-ibang pag-aalsa ng mga Pilipino labas sa mga Kastila. Ang ilan ay ipinaglalaban ang mga pantay na karapatan at lupain, ang ilan naman ang relihiyon at paniniwala at ang ilan naman ay ang paghihiganti at pagbawi sa karapatang sila dapat ang mamuno at maghari sa bansang Pilipinas" tugon pa ni Sir. hindi ko pa rin maialis ang titig ko sa mga puntod na iyon. ilang sandali pa, naramdaman kong humakbang papalapit si Sir Nathan sa'kin at naupo din siya sa tabi ko. Nakaupo kami ngayon sa sahig habang nasa palibot namin ang iba't-ibang puntod na narito. "Pero hindi naman lahat puro kalungkutan ang nakakabit sa lugar na ito... mayroong isang dalaga ang minsang nangarap na makasal sa Simbahang ito, ang sabi niya mula raw pagkabata niya ay pangarap na talaga niyang maikasal sa Simbahan ng San Agustin" kwento pa ni Sir habang nakatingin ng diretso sa altar ng Simbahan. Nasa likuran kami ngayon at medyo malayo sa altar pero kitang-kita pa rin ang kumikinang na bahagi nito na kulay ginto. Idagdag pa ang nagagandahang mga chandelier na nakasabit sa itaas na bahagi ng simbahan. Tinignan ko naman ng mabuti si Sir Nathan, nakangiti siya pero parang may kakaiba akong nababasa sa mga mata niya, parang pinaghalong saya at lungkot na mahirap ipaliwanag. "Sana naman natupad ang pangarap niyang makasal sa Simbahang ito" tugon ko sabay ngiti. Totoo nga ang sabi nila na ang sarap sa pakiramdam na makarinig ng mga kwento kung saan natutupad ng isang tao ang mga pangarap niya, kahit pa hindi mo kilala ang taong iyon pero dama mo rin ang saya na nararamdaman niya. "Oo... natupad nga ang pangarap niyang maikasal dito sa Simbahang ito" sagot ni Sir Nathan habang nakatingin ng diretso sa altar ng Simbahan. Hindi ko alampero sa pagkakataong iyon parang may kakaibang bigat akong nararamdaman habang tinitingnan siya. Napalingon ako sa labas ng Simbahan at narealize ko na umuulan na naman. "Bangus! Tipalia! Isda kayo diyan! Sariwang-sariwa!" sigaw ni mama habang pilit na inaalok ang mga dumadaan. Nandito kami ngayon sa pwesto namin sa palengke. Sembreak na kaya tumutulong ulit kami ni P 38-11 Alex sa pagtitinda. Ilang saglit pa napaupo na lang si mama, tanghaling tapat ngayon kaya wala na masyadong bumibili sa palengke. "Anong oras na naman kaya uuwi ang papa niyo..." sambit ni mama habang naghuhgas na ng kamay. "Oh siya, kumain muna tayo" dagdag pa niya sabay abot ng baon naming kanin at ulam. Dumating na rin si Alex at naupo sa tabi namin. "Ma, bakit ba laging ginagabi ng uwi si papa? Minsan nagigising ako sa umaga hindi pa rin siya dumadating. Dalawang beses ko na lang siya nakita ngayong linggo" tanong ko, hindi naman agad nakaimik si mama. Nagpatuloy pa rin siya sa pagsandok ng ulamat kanin. "Busy lang papa niyo, masyadong sineseryoso ang trabaho" sagot ni mama pero hindi siya makatingin sa'ming dalawa ni Alex. itatanong ko pa sana kung bakit parang napapadalas ang away nila pero nagkwento na si mama tungkol sa pagpunta ni Tita Meg sa ibang bansa sa susunod na taon. Hapon na nang makarating kami sa bahay, agad kong kinuha ang mga sinampay at tinupi iyon. Itinabi ko na rin ang damit na pinahiramsa'kin ni Lily at inilagay sa paper bag. Halos magdadalawang linggo na rin mula nung pinahiramniya iyon sa'kin kaso di ko pa nababalik. Lumabas na ako sa kwarto dala ang paper bag, pero napatigil ako nang biglang magsalita si Alex na nakaupo sa salas at nanonood ng TV. "San ka pupunta?" usisa niya, sabay tingin sa paper bag na dala ako. mukha ba akong nagpupuslit ng droga? Daig pa nito ang security kung makaimbistega eh. "Kina Lily ibabalik ko lang itong damit niya" sagot ko, bigla naman siyang napaiwas ng tingin sabay lingon ulit sa tabi. Tsk, nagtanong siya, sinagot ko naman tapos ang ending sinungitan pa ko Hay nako! Pagbukas ko ng pinto nagulat ako nang biglang tumayo si Alex at dire-diretsong kinuha yung paper bag sa kamay ko at nauna pa sa'kin lumabas ng pinto. "Ako na ang magdadala nito sa kanila" diretso niyang sagot sabay kuha ng bike niya. "Sandali, ang alamko wala naman si Jen ngayon dito sa Cavite sumama siya sa tita niya sa Laguna" sabi ko pa, habang inaalis naman niya ang kandado sa bike niya. nasa Laguna ngayon si Jen habang ineenjoy ng todo ang sembreak namin. Hindi naman kumibo si Alex patuloy pa rin siya sa pagtanggal ng kandado sa bike niya, isinabit na niya sa harapan yung paper bag at umangkas sa bike. "Pakisabi kay mama hindi ako magpapagabi" saad niya nang hindi lumilingon sa'kin at umalis na siya sakay ng kaniyang bisikleta. Malakas ang kutob kong may gusto si Alex kay Lily... P 38-12 Isasara ko na sana yung gate kaso biglang may bumisina. Agad akong napangiti nang makita ko ang jeep na pinapasada ni papa. Dali-dali akong lumabas at sinalubong siya habang pinaparada niya sa harapan ng bahay namin ang jeep. "Pa!" tawag ko sa kaniya sabay mano. Nakangiti naman niya akong sinalubong sabay halik sa noo ko. "May pasalubong ako sayo aming munting prinsesa" ngiti pa ni papa sabay abot sa'kin ng isang supot ng pineapple slices. "Pa naman di na ko baby... munting prinsesa? Pang-bata lang yun eh" tawa ko pa sabay kuha ng pasalubong niya. grabe! Ang sarap talaga ng pinya. Tumawa naman si papa at ginulo-gulo pa ang buhok ko "Tama ka nga, malaki na aming munting prinsesa" pang-asar pa ni papa at ineemphasize niya pa ang word na 'Munting Prinsesa' na ikinukunot ng noo ko dahil ang corny pakinggan. Natawa na ulit si papa at inakbayan niya ako sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Agad ko siyang sinandukan ng kanin at ulam. Mukhang hindi pa nagtatanghalian si papa kasi tuloy-tuloy ang pagkain niya, naupo na ako sa tapat na upuan sa mesa. "Sinong nagluto nito? Ang sarap ah" papuri ni papa, napangiti naman ako ng malaki. "Ang galing talaga magluto ng aming munting prinsesa" ngiti pa ni papa at akmang guguluhin dapat ulit ang buhok ko pero napaiwas agad ako sabay tawa kasi nakailag ako. hilig kasi ni papa guluhin ang buhok ko pag natutuwa siya, naalala ko nung bata ako lagi ko siyang tinatakbuhan kapag guguluhin na niya ang buhok ko kaya naghahabulan kami sa loob ng bahay tapos sasawayin kami ni mama kasi baka masagi namin ang mga gamit sa loob. Biglang nasamid si papa kaya agad akong tumayo para kumuha ng tubig peroo napatigil ako nang bigla siyang magsalita at hawakan ang kamay ko. "Aleng anak... nagpapasalamat ako dahil ikaw ang anak ko, tandaan mo iyan" sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, nakangiti rin siya pero nababasa ko na parang may lungkot sa kaniyang mga mata. "Pa... ano bang pinagsasabi mo?" nagtataka kong tanong bigla naman siyang natawa at naubo ulit. "S-sige na kuhaan mo ako ng tubig" tawa niya sabay ubo kaya dali-dali akong nagtungo sa kusina para kuhaan siya ng tubig. "I'M HERE!" sigaw ni Jen sabay wagayway ng kamay niya at dali-dali kaming sinunggaban ng yakap. P 38-13 Tinutulak namin siya papalayo pero para siyang pugita sa tindi ng kapit sa'min. "Ano ba Jen di ka pa ata naliligo!" reklamo ni Leana habang pilit kumakawala sa yakap ni Jen. "Di ako makahinga!" reklamo naman ni Iryn pero mas lalong lumabitin sa yakap si Jen. "Ngets! bitaw" reklamo ko naman pero natatawa na lang ako kasi mukha kaming shunga na hindi makawala sa group hug ni Jen. Ang tinde! "Second Semna ngayon at malapit na tayong grumaduate sa March! Kaya sinusulit ko lang ang lahat" sagot niya Jen at sa wakas bumitaw na rin siya sa pagyakap sa'min ng sobrang higpit. May lahi ata siyang anaconda eh. "5 months pa... malay mo di ka maka-graduate" banat ni Leana kay Jen na ikinataas ng kilay nito. Ang ingay na rin sa buong roomkasi halos 2 weeks din ang bakasyon kaya ngayon na lang ulit kami nagkita-kita. Agad naman nag-asaran si Jen at Leana dahilan para matawa na lang kami ni Iryn sa kanila. Napatingin ako kay Iryn, at napatingin din naman siya sa'kin. "Iryn- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang ngumiti. "Kalimutan mo na yun Aly, move on na ko kay Bryan" tugon niya habang nakangiti, napangiti na lang din ako at agad ko siyang niyakap. "Akala ko di mo na ko papansinin eh" tugon ko natawa naman siya sabay yakap sa'kin. "Ano ka ba, lalaki lang yun at hindi masisira ng isang lalaki ang friendship natin... okay?" tawa niya, napatango-tango naman ako. pero napatigil kami kasi biglang napa-pamewang si Jen sa harapan namin. "Anong kataksilan 'to? bakit kayo lang magkayakap?" reklamo niya sabay sunggab ulit ng yakap sa'min dahilan para mapasigaw kami na parang ipis na naghihingalo dahil sa higpit ng yakap niya. ang brutal talaga ng mga kaibigan ko. Uwian na, hindi na muna ako sumabay sa kanila at sinabi kong sasabay ako sa kapatid ko pauwi. nandito ako ngayon sa building nila Alex sa labas ng classroomnila. malapit ng matapos ang klase niya at bukod doon ay umaasa akong mapapadaan si Sir Nathan dito sa hallway dahil professor pa rin siya nila Alex. Nakaupo ako ngayon sa isang bench sa tapat ng classroomnila habang pinagmamasdan ko ang schedule ng classes ko. hindi ko mapigilang mapangiti habang tinititigan kong mabuti yung subject ko na 'Foreign Language: Spanish' Babanatan ko ng Spanish words si Sir Nathan pag natuto na 'ko siguradong mawiwindang siya haha! "Ay Pusang palaka!" nagulat ako nang biglang may kumuha sa kamay ko ng schedule na hawak ko. "May Spanish class ka pala" tugon ni Sir Nathan sabay ngiti, hindi ko alampero napatulala na lang ako sa kaniya. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko habang nakasabit sa balikat niya ang laptop bag niya. Naka-purple polo siya ngayon at sobrang angas niyang tingnan. Medyo magulo-gulo ang brown niyang buhok pero bagay na bagay naman sa kaniya lalo na sa mata niyang kulay brown din. "Deber�a tener cuidado con mis palabras porque me entender�s pronto" (I should be careful with my words because you'll understand me soon) tugon ni Sir sabay ngiti, yung ngiting labas ang ngipin niya at medyo sumingkit ang mata niya. waaahh! P 38-14 Teka anong sabi niya? Napausog naman ako ng kaunti papalayo nang umupo siya sa tabi ko. inilapag niya sa gitna namin yung bag niya. "Gusto mo naman matuto?" usisa pa ni Sir, hindi naman ako makatingin sa kaniya kasi nakangiti pa rin siya. ibinaling ko na lang yung tingin ko sa bulleting board na nasa tapat namin. Naalala ko bigla ang mga kakaibang panaginip ko nitong mga nakaraan na nagdadala ng kakaibang pakiramdamsa'kin sa tuwing nagigising ako. "Para rin po maintindihan ko ang mga salitang naririnig ko sa panaginip ko" sagot ko sa kaniya, napasandal naman si Sir sa sandalan ng upuan. Hindi naman siya umimik kaya lumingon ako sa kaniya, nakatitig lang siya sa sahig. "Sir?" tanong ko dahilan para matauhan siya at mapalingon sa'kin. "Ah, anong mga panaginip?" tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. napaisip naman ako ng mabuti okay lang naman siguro na i- share ko kay Sir Nathan ang mga weird dreams ko dahil medyo close naman na kami. "Palagi po akong nanaginip ng mga kakaiba... parang nasa ibang panahon, marami rin akong taong nakikita sa panaginip ko pero malabo ang mga mukha nila at kadalasan paggising ko hindi ko na rin sila maalala kahit anong pilit ko. Pero may nag-iisang tao na palaging napapanaginipan ko... sa tuwing napapanaginipan ko siya nakakaramdamako ng magkahalong saya at lungkot na hindi ko maintindihan parang sa tuwing bumubuhos ang ulan kumikirot ang puso ko ng biglaan" paliwanag ko hindi ko namalayan na napatulala na rin pala ako sa sahig habang kinukwento ko iyon. "At sa mga panaginip kong iyon... palagi akong nakakarinig ng mga salitang hindi ko maintindihan, parang Spanish ata ang lenggwahe pero hindi ako sigurado" patuloy ko pa, ilang saglit pa inabot ni Sir yung schedule ko na kinuha niya sa'kin kanina. "Ngayon naniniwala akong maiintindihan mo na..." tugon niya sabay ngiti, yung ngiting parang sinasabi niya na naiintindihan niya ako. hindi ko alampero sa pagkakataong iyon napangiti na lang din ako pabalik, katulad ng halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa mga panaginip ko... Bakit parang ganito rin ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya? "Get his pulse rate and blood pressure" utos sa'kin ni Dr. Ramirez, siya ang supervisor namin ni Jen dito sa Hospital dito sa Manila kung saan kami nagiinternship. December 12 na ngayon bukas na ang birthday ko ang sabi ni mama maghahanda daw kami sa bahay katulad ng birthday celebration noon kay Alex. naka-isang buwan na rin kami sa OJT pero palagi pa rin kami sinusungitan ng supervisor namin. May itsura naman si Dr. Miguel Ramirez nasa edad 30 pa lang siya at single dad daw sabi ni Jen kasi nagabroad daw yung girlfriend nito tapos hindi na bumalik. Ang lakas talaga maka-stalk ni Jen haays. Matangkad si Dr. Ramirez, maputi, matipuno at matalino. Iyon nga lang medyo masungit at metikuloso. P 38-15 Agad ko namang kinuha yung blood pressure at pulse rate ng matandang lalaking pasyente na nandito sa ward. Kasalukuyang naglilibot si Dr. Ramirezat minomonitor ang mga patients. Cardiologist and Surgeon siya kaya karamihan sa patients na hawak niya ay may mga problema sa puso. "Kamusta naman ang breathing niyo Ma'am? Hindi naman kayo hinihingal?" tanong pa ni Dr Ramirezsa katabing patient, si Jen naman ang inutusan niyang mag-monitor at magrecord ng blood pressure at pulse rate ng matandang babae na pasyente. Napatigil naman si Dr. Ramirez nang biglang mag- ring ang phone niya. agad siyang napatingin sa'min ni Jen at sinenyasan kami. "By 5 minutes meet me at the lobby" tugon niya, napatango naman kami ni Jen at nagmamadaling nirecord at ininterview sandali ang mga pasyente. Alamnaming mapapagalitan na naman kami ni Dr. Ramirez kapag babagal-bagal kami. Nauna na siyang lumabas. Kitang-kita ko na na-prepressure na rin si Jen kasi hindi pa siya tapos sa pagrerecord ng diastolic and systolic blood pressure total ng pasyenteng hawak niya. kasunod nito ang pagkuha ng pulse rate. Pagkatapos namin marecord ang lahat nagmamadali kaming lumabas at naghagdan na lang pababa sa main floor kahit pa nasa fifth floor pa kami dahil sigruadong mapapagalitan kami ni Dr. Ramirez kapag hindi kami nakarating sa lobby within 5 minutes. Pagdating namin sa lobby, wala pa doon si Dr. Ramirez. Napaupo na lang kami ni Jen sa sofa sa gitna dahil hingal na hingal na kami. "Ang lakas talaga ng trip niya... kundi lang siya gwapo sasabunutan ko na siya" inis na tugon ni Jen at napasuntok pa siya sa sandalan ng sofa. "Ang lakas ng ulan sa labas, itutulak ko siya diyan pag napuno ako" reklamo pa ni Jen. Napalingon naman ako sa main entrance ng hospital, 8 pmna at ang lakas nga ng buhos ng ulan sa labas. Mamayang 10 pmpa ang out namin ni Jen. Ilang saglit pa, biglang nagring ang phone ko. tumatawag si Alex. Tumayo na ako at naglakad papaunta sa isang gilid kung saan mas tahimil bago ko sinagot ang tawag niya. "Bakit?" Ate... "Ano? Bakit parang ang ingay diyan?" tanong ko sa kaniya, medyo maingay at parang magulo sa kabilang linya. S-sinugod sa hospital si papa!... b-binaril siya... Parang biglang gumuho ang paligid ko nang marinig ko ang sinabi ni Alex, biglang nanlamig ang buong P 38-16 katawan ko at nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. "Aly!" narinig kong tawag ni Jen pero ang bagal ng takbo ng lahat. Nahihilo ako, nanghihina, nanginginig, natatakot. "Ngets!" hawak pa sa'kin ni Jen at tinapik-tapik ang mukha ko pero hindi ko maramdaman, namamanhid na ata ako. kinuha niya yung cellphone ko at siya na ang kumausap kay Alex. nakita kong maging siya ay nagulat at natakot nang malaman niya ang nangyari kay papa. "A-ako na mag-papaalamkay Dr. Ramirez dito ka lang" tugon ni Jen at dali-dali niyang hinanap si Dr. Ramirezsaka kinuha ang bag namin. Ayon kay Alex sa isang hospital sa Makati isinugod si papa dahil nasa Makati daw noon si papa nang barilin siya ng riding in tandemna hindi pa rin nakikilala hanggang ngayon. hindi ko na alamang gagawin ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko na rin mapigilan ang panginginig ng kamay ko. paulit-ulit namang hinahagod ni Jen ang likod ko para pakalmahin ako. nag-taxi na kami papunta sa hospital na pinagdalhan kay papa at sa bawat pagtakbo ng segundo hindi na ako makahinga dahil sa takot. Pagdating namin sa hospital, dali-dali kaming pumunta sa Emergency room. Napatigil kami sa gitna nang marinig namin ang sigaw ni mama. "Hindi! Hindi! Hindi!" Parang biglang gumuho ang mundo ko nang makita siyang naglulupasay sa sahig habang hawak-hawak ni Alex sa magkabilang balikat. Sa tapat nila naroon ang ilang mga doktor at nurse na nagkakagulo at pilit na dinidiinan ang dibdib ni papa na nakahiga sa kama habang naliligo sa sarili niyang dugo. "Breathe!" sigaw nung doktor habang pilit na binubuhay si papa. Sa pagkakataong iyon, gulong-gulo na ang isip ko. hindi na ako makahinga ng tuluyan parang may nakabara sa puso ko na hindi ko maintindihan. Nangingingig na ang buo kong katawan. Hindi na rin maawat ang pagbasak ng mga luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Aleng anak... nagpapasalamat ako dahil ikaw ang anak ko, tandaan mo iyan... Napabagsak na lang ako sa sahig. Agad naman akong inalalayan ni Jen pero maging siya ay umiiyak na rin ngayon. namamanhid na ang buong katawan ko habang patuloy na umaagos ang luha ko. ang sakit, ang sakitsakit. Tuluyan nang nawalan ng malay si mama nang tumigil na ang doktor sa pagdiin sa dibdib ni papa at nakayukong tumingin sa kaniya. "I'msorry... Time of death 9:53 pm" P 38-17 Parang bigla akong nabagsakan ng langit at lupa habang patuloy na nahuhulog sa walang hanggang dilim. Hindi ko matanggap at Ayokong paniwalaan na... Wala na si papa. "May pasalubong ako sayo aming munting prinsesa" "Pa naman di na ko baby... munting prinsesa? Pang-bata lang yun eh" "Tama ka nga, malaki na aming munting prinsesa" Napatitig na lang ako sa buong pinya na nasa loob ng ref namin, wala pa itong kabawas-bawas. Sa tuwing umuuwi si papa palagi siyang may dalang pinya para sa'kin at ngayon ito na ang kahuli-hulihan niyang pasalubong... dahil wala na siya. Naramdaman ko na lang ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko habang tintitigan ang huling pasalubong ni papa sa'kin. Ni hindi ko man lang siya napasalamatan dahil kahit anong mangyari kahit wala siyang kita sa pagpapasada ng jeep sinisiguro pa rin niya na mabibilhan niya ako ng pasalubong. Kahit hindi namin sabihin, kahit hindi namin hilingin palagi niya pa ring binibigay ang mga bagay na magpapasaya sa amin. At mas nasasaktan ako dahil hindi ko man lang nasabi sa kaniya sa huling pagkakataon kung gaano ko siya pinagmamalaki bilang ama, ni hindi ko rin nasabi sa kaniya na mahal na mahal ko siya, na ikinatutuwa ko kapag tinatawag niya akong munting prinsesa. Pero ngayon wala na... walang-wala na. Umaga na ngayon, inaayos namin ang bahay dahil bukas daw ay ihahatid na ang katawan ni papa dito pagkatapos dalhin sa punerarya. Napalingon ako sa gilid at nakita kong nakasubsob lang sa sofa si Alex habang humihikbi. Kanina pa siyang madaling araw umiiyak ng ganoon. Napalingon naman ako sa kwarto nila mama at papa. Kanina pa nakakulong doon si mama, kumuha na ako ng isang basong tubig saka naglakad papasok sa kwarto nila. Pero bago ako makapasok sa kwarto napatigil ako nang makita ko ang manika na nakapatong sa ibabaw ng cabinet sa labas. biglang sumikip ang dibdib ko, P 38-18 naalala ko na ang manikang iyon ang unang regalo na binili sa akin noon ni papa noong 5 years old pa lang ako... "Ayan... para sayo anak, isang manikang prinsesa na nakatira sa palasyo. Tuwang- tuwa ang mahal na hari at mahal na reyna dahil matatas ang marka ng munting prinsesa sa Matematika" ngiti ni papa habang pinapalakad-lakad ang manika na regalo niya sa'kin. "Di naman siya prinsesa eh papa, si Bubbles 'to ng powerpuff girls" reklamo ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako at ginulo-gulo ang buhok ko. "Prinsesa 'yan... siya si Prinsesa Alengleng" tawa pa ni papa at pinalipad-lipad pa ang manikang si Bubbles. "Ang pangit naman ng pangalan niya" reklamo ko ulit pero mas lalo lang lumakas ang tawa ni papa at binuhat ako. "Katulad mo anak kaya niya ring lumipad" sabi pa ni papa tapos binuhat niya ako pataas at pinalipadlipad sa ere, sinasaway naman kami ni mama dahil baka raw mauntog ako sa kisame pero hinabol siya ni papa habang buhat ako. "Si Mojojojo" tawa ko sabay turo kay mama dahilan para matawa ng malakas si papa. "Sugurin ang kalaban hiyaaaah!" sigaw ni papa habang buhat-buhat ako sa ere at hinabol namin si mama paikot sa bahay. napatakbo naman si mama at nakikipag-pantentero sa'min, sa mga pagkakataong iyon puro tawanan, saya at ligaya lang ang naghahari sa aming tahanan. Natauhan na lang ako nang biglang bumukas ng kaunti ang pinto, napasilip ako sa loob ng kwarto at naabutan kong nakaupo si mama sa kama habang nakatanaw sa bintana. Parang nakikisimpatya rin sa amin ang panahon dahil umuulan ngayon. sa tabi ni mama naroon nakalagay ang barong tagalog ni papa. "P-parang kailan lang ikakasal kami suot niya ang barong na iyan na pinag-ipunan niya pa... at ngayon isusuot niya muli ang barong na iyan sa huling pagkakataon" tugon ni mama at bigla siyang napatakip sa mukha sabay yakap sa barong tagalog ni papa na nasa tabi niya. Agad ko namang inilapag sa gilid na mesa ang baso ng tubig na dala ko at niyakap si mama. Hindi ko na rin napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. ang bigat-bigat ng pakiramdamko. "I-ilang linggo na akong nananaginip ng masama... i-ilang linggo ko ng napapanaginipan at nakukutuban na may mangyayaring hindi ko inaasahan..." patuloy pa ni mama dahilan para mapabitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at mapatingin ng diretso sa mga mata niya. "A-ano pong ibig niyong s-sabihin? Ma" hindi ko rin mapigilan ang panginginig ng boses ko, durog na durog na ang puso ko. "N-narinig mo na ba ang panaginip ng 'Karma'?" tanong ni mama sabay tingin ng diretso sa'kin. namumula at namamaga na rin ngayon ang mga mata niya. napailing naman ako bilang sagot sa tanong niya. ang dilimdito sa loob ng kwarto nila, naamoy ko pa rin ang amoy ni papa habang patuloy ang pagbuhos ng ulan sa labas na P 38-19 naghahatid ng lamig sa mga puso namin. "A-ang sabi ng lolo ko, ang panaginip ng 'Karma' ay alaala ng iyong buhay sa nakaraan, nagpapakita ang panaginip na ito sa mga taong hindi nakahanap ng kapayapaan at kasiyahan sa kanilang nakaraang buhay..." panimula ni mama at ibinaling niya ang tingin niya sa labas ng bintana kung saan napakakulimlimna ngayon ng kalangitan. "Ang panaginip ng 'Karma' (Karmic Dreams) ay resulta ng paulit-ulit na muling pagkabuhay sa mundong ito, sa katuruang Buddhismo ang taong hindi nakahanap ng kaluwalhatian, kapayapaan, kaayusan at kasiyahan sa kaniyang buhay at mas pinahalagahan ang mga bagay na pansamantala lamang sa mundo o mas kilala bilang 'Dukhha'... ang pagiging hindi kontento sa buhay na ito ay magiging resulta ng 'Samsara' na ang ibig sabihin ay ang paulit-ulit na pagkabuhay hanggang sa makamit ng taong iyon ang 'Nirvana' o ang kapayapaan at kasiyahan" patuloy ni mama sa pagkakataong iyon hindi ko alamkung bakit mas lalong bumigat ang pakiramdamko at sumikip ang dibdib ko. napahawak na lang ako ng mahigpit sa kamay ni mama pero nanatili pa rin siyang tulala sa kawalan. "Ang mga paliwanag na iyan na sinabi noon ng aking lolo ay napanaginipan ko ring sinasabi ko sa isang dalaga sa aking panaginip ngunit naging malabo na ang mga sumunod na pangyayari" dagdag pa ni mama at hinimas-himas niya ang kamay ko. "Pero may nag-iisang bagay akong naalalang sinabi ko sa kaniya na labis kong pinangamba dahil alamkong malaki ang posibilidad na ang dalagang iyon ay tuluyang makulong sa ideya ng 'Bhava-tanha'..." wika ni mama at dahan-dahan siyang lumingon sa'kin at diretsong tumingin sa mga mata ko. "A-ano pong ang 'Bhava-tanha'?" nagtataka kong tanong, parang may nakabara na ngayon sa lalamunan ko dahil hindi ko na magawa pang makapagsalita ng maayos. hinawakan naman ni mama ng mas mahigpit ang kamay ko habang nakatitig ng mabuti sa mga mata ko. "Ang 'Bhava-tanha' ay ang pagkauhaw sa paulit-ulit na pagkabuhay sa mundong ito sa iba't-ibang panahon" diretsong sagot ni mama dahilan para bigla akong makaramdamng kakaibang kaba. Kakaibang takot at kakaibang pangamba na tulad ng nararamdaman ko sa mga panaginip na patuloy na bumabagabag sa akin. "Mamayang hatinggabi pa po namin mahahatid sa punerarya ang katawan ng inyong asawa" sagot ng isang pulis. Nandito kami ngayon sa isang hospital dito sa Makati kung saan binawian ng buhay si papa. Kailangan pa kasing ipa-autopsy ang katawan niya para sa imbestigasyon na gagawin nila. P 38-20 Napatango na lang si mama at inalalayan namin siya maupo sa isang upuan sa gilid ng hospital. agad naman kumuha si Alex ng tubig at pinainomsi mama. May OJT dapat ako ngayon kaso nagpaalamako na hindi muna ako makakapasok ng isang linggo. Ilang sandali pa, lumapit ulit yung dalawang pulis na kausap ni mama kanina "Mrs. Agcaoili, gusto po muna namin kayong makausap para sa mga detalyeng nalalaman niyo na kaugnay sa nangyari sa inyong asawa" tugon nung isang pulis, tumango naman si mama at nagtungo sila sa isang upuan at mesa na nasa cafeteria. Naiwan naman kami ni Alex doon sa lobby habang pinagmamasdan sila. "May hinala na ako kung sino ang nagpapatay kay papa" narinig kong tugon ni Alex dahilan para bigla akong mapalingon sa kaniya. Maluha-luha ang mata niya at namumula na rin siya sa galit. "Malakas ang kutob ko na sila Aling Cynthia ang nasa likod nito" patuloy pa ni Alex, agad ko siyang hinarap. "Paano mo naman nasabi? Bakit naman nila- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Alex. "Hindi ba baon na baon na tayo sa utang sa kanila, ilang beses na rin sila sumugod sa palengke at sa labas ng bahay natin para singilin tayo sa utang" tugon ni Alex, gulat naman akong napatitig sa kaniya. Sobrang lakas na ngayon ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Posibleng totoo nga ang hinala niya. "P-pero bakit si papa? Bakit naman kailangan ipapatay- " "Sa tingin ko may mas malalimpang dahilan kung bakit hindi nakakauwi gabi-gabi si papa, pero malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman ang lahat ng ito sa pera" buwelta pa ni Alex, sa pagkakataong iyon hindi na ako nakapagsalita pa. hindi ko alamang sasabihin ko, nararamdaman ko ang patuloy na paglamon sa'kin ng galit at kadiliman na hindi ko na mapigilan. Nagpaalammuna ako kay Alex na magpapahangin ako sa labas, hindi ko na kayang manatili pa sa loob dahil naalala ko pa ang nangyaring trahedya kagabi. napadungaw na lang ako sa isang bintana dito sa taas ng hospital habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa ibaba. Ang iba ay naglalakad ng mabilis habang tinatakpan ang kanilang ulo para hindi mabasa ng ulan. Ang iba naman ay dahan-dahan lang naglalakad hawak ang kanilang payong. Habang ang iba naman ay nakikipag-agawan ng taxi. Umaambon lang naman pero takot na takot silang mabasa ng tubig ulan. Hindi ko mapigilang mainggit sa kanila dahil ang tanging problema lang nila ngayon ay kung paano makakatakas sa ulan... habang ako tuluyan nang nalubog at hindi ko na alamkung ako'y makakaahon pa. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa bintana ng salamin na repleksyon ng isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa likod ko. "Nakikiramay ako sa nangyari sa papa mo... kakatext lang sa akin ni Alex kanina" panimula ni Sir Nathan at humakbang siya papalapit sa'kin. nanatili naman akong nakayuko, ayokong makita niya ang mga luhang namumuo sa mata ko. P 38-21 "Hindi ko itatanong kung kamusta ka na dahil alamko naman ang sagot... hindi ko pipiliting sabihin mo sa akin ang nararamdaman mo ngayon dahil nakikita ko naman ito sa iyong mga mata... pero may isa lang akong gustong hilingin..." tugon ni Sir Nathan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. naka-suot siya ng kulay blue na polo tulad ng unang beses ko siyang nakita. "Hinihiling ko na sana maalala mo na birthday mo ngayon... Happy Birthday Aleng" patuloy niya at ngumiti siya ng kaunti, napaiwas naman ako ng tingin kay Sir at agad pinunasan ang luha ko. hindi ko alampero sa mga sandaling iyon parang nabawasan ang bigat ng pakiramdamko lalong-lalo na nang batiin niya ako. Bakit pinaalala niya pa na birthday ko ngayon? bakit kailangan pang bumalik ang mga alaalang gusto ko muna kalimutan kahit ngayon lang. "Hindi mo ba itatanong kung saan tayo pupunta?" narinig kong tanong niya, nakasakay kami ngayon sa kotse niya. kinumusta niya kanina si mama at nagkausap sila sandali, pinaalamniya rin ako saglit at sinabing ihahatid na lang daw niya ako diretso sa bahay namin mamaya. Napailing naman ako bilang sagot habang nakatulala sa daan. Tumigil na ang pag- ambon ngayon. at ang daming sasakyan sa paligid dahil December na, malapit na ang pasko kaya kaliwa't- kanan ang mga Christmas party at ang pagbili ng mga regalo. Ilang saglit pa, itinigil na niya ang kotse sa isang parking lot. "Nandito na tayo..." sabi niya, tinanggal ko naman na ang seatbelt ko at bumaba na sa kotse niya. wala ako sa mood magsalita, pero kahit ganoon untiunti namang gumagaan ang pakiramdamko dahil kasama ko siya. Napatigil ako nang makita kong ang daming tao sa paligid. Ang tataas ng building kahit saan ako lumingon. Nakatayo kami ngayon sa isang malaking pabilog na daanan na kung saan ang daming tao ang nakatambay doon. Hindi ako pamilyar sa Makati kaya hindi ko alamkung nasaan kami. "Nasaan tayo?" tanong ko sa kaniya, nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang wrist ko at nauna siyang maglakad. "Sasabihin ko dapat sayo kanina eh kaso umiling ka naman" sagot niya, hindi ko alampero napangiti ako ng kaunti dahil sa pinagsasabi niya. Hinayaan ko na lang na dalhin niya ako kung saan, patuloy kaming sumiksik sa mga tao na nasa paligid. Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming tao sa lugar na ito. Parang may mag-coconcert pero wala naman akong makitang stage sa harap. "Excuse me" paulit-ulit na pakiusap ni Sir sa mga taong sinisingitan namin hanggang sa makarating na kami sa pinakaharap. Binitiwan na niya ang wrist ko saka tumingin sa relos niya. "10 minutes pa" tugon niya sabay lingon sa'kin. Inilibot ko naman ang mata ko sa paligid, naglalakihang mga puno lang naman sa gitna ng isang mall ang P 38-22 nakikita ko. "Anong meron dito?" tanong ko pa ulit, pero siya naman ang umiling. "S�lo espera y mira..." (Just wait and see...) sagot niya. napaisip ako sandali habang inaalala ang mga lesson namin sa Spanish class na nagsimula na last month. "Naintindihan ko ang sinabi mo Sir... ang sabi mo 'Just wait and see'" pagmamalaki ko sa kaniya, bigla naman siyang napangiti. "Masaya akong makitang nakakangiti ka na ngayon..." tugon niya sabay tingin ng diretso sa mga puno. Ang dilimng buong paligid pero ang sarap pa rin ng hangin dito. May mga bata na nagtatakbuhan sa paligid at habang ang mga magulang naman nila ay pinipicturan sila. "Sa loob ng bente-kwatro oras hindi ko inakala na biglang magbabago ka... Aleng" patuloy niya dahilan para muli akong mapalingon sa kaniya. Hindi naman ako nakapagsalita, kanina habang nasa kotse kami maraming bagay siyang kinuwkento sa'kin pero hindi ko siya iniimik. "Natatakot ako na mula sa gabing ito patuloy na maghari sa puso mo ang galit, poot, lungkot at hinanakit dahil sa nangyari sa inyong pamilya..." tugon niya, sa pagkakataong iyon bigla akong napatigil at napalingon sa kaniya. "Gusto kong mahanap mo ang Kapayapaan at Kasiyahan sa buhay na ito... Aleng. Hayaan mong ako ang maghanap ng hustisya sa nangyari sa iyong ama" dagdag niya pa. hindi ko alampero hindi na maawat ngayon ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan siya at pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Kasabay niyon ay bigla akong nakaramdamng hilo at may kakaibang alaala ang pumasok sa isipan ko na minsan ko nang nakita sa panaginip ko... "Hayaan mong ako ang magdala ng katarungan para sa iyong pamilya Lumeng... hayaan mong ako ang gumamit ng dahas upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng iyong itay at kapatid" tugon ng isang lalaki na nakatayo sa tabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, hindi ko maaaninag ang mukha niya dahil ang labo nito at parang ang bagal ng pagtakbo ng oras. "Aleeza?" natauhan ako nang marinig kong tawagin ni Sir Nathan ang pangalan ko, naramdaman kong hinawakan niya ako sa likod para hindi ako matumba. Gulat akong napatitig sa mukha niya na ang lapit na ngayon sa'kin. Ilang segundo kong tinitigan ng mabuti ang mukha niya, magmula sa mga mata niyang kulay brown, sa matangos niyang ilong, sa manipis niyang labi, hanggang sa makinis niyang balat. Bakit parang pamilyar talaga ang mukhang iyon sa akin... "Are you alright?" tanong niya pa, agad naman akong napaatras kaya bumitaw na rin siya sa pagkakahawak sa likod ko. napahawak na lang ako sa puso ko at napapikit... bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni mama P 38-23 kanina na posibleng ang mga kakaibang panaginip na nangyayari sa kaniya na nangyayari rin sa akin ay may kinalaman sa nakaraang buhay. Nang imulat ko ang mga mata ko at dahan-dahang tumingin kay Sir Nathan... Posible kayang... "Sir, Do you believe in second chances? past life? reincarnation?" diretso kong tanong sa kaniya, halos wala akong kurap na nakatingin ng diretso sa mga mata niya. bigla naman siyang napalingon sa'kin. "Do you want to know the truth?... Some people get closer and closer but they are not meant to be together" sagot niya, hindi ko alampero parang nababasa ko sa mga mata niya na may tinatago siya. "But why?" tanong ko pa, pero bigla niyang binaling ang tingin niya sa mga puno na nasa harapan at paligid namin. "Because Their Love Story is just like an Asymptote, a line that continually approaches a given curve but does not meet at any finite distance" sagot niya, kasabay niyon ay ang biglang pag- ilaw ng buong paligid. Napapikit ako dahil sa biglaang liwanag na lumamon sa aming lahat. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang iba't-ibang kulay yellow, pink, green, blue, violet, red at marami pang iba na kumikislap sa buong kapaligiran. Nagliliwanag ang buong puno kasabay niyon ang pagtugtog ng isang nakakaindak na Christmas song. "Welcome to Ayala Triangle Christmas lights Festival" tugon ni Sir habang nakangiti ng todo, kumikislap din ang mga mata niya dahil sa samo't-saring ilaw na nakapalibot sa amin. Nagsimula namang maghiyawan ang mga tao at magtakbuhan papalibot sa mga puno at kumuha ng mga litrato. Samantalang naiwan naman kami ni Sir Nathan sa gitna habang pinagmamasdan ang ganda ng paligid. Sa totoo lang, sandali kong nakalimutan ang lahat ng problema ko habang pinagmamasdan ang mga Christmas lights na kumikinang-kinang sa mga puno. "Ang sabi nila, kapag malungkot ka sa darating na pasko pumunta ka lang sa lugar na ito at pagmasdan ang palabas na ito para kahit papaano ay makalimutan mo ang lungkot na nararamdaman mo" narinig kong tugon ni Sir, ilang sandali pa nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Naalala mo ba ang sinabi ko sayo noon kung ano ang ibig sabihin ng pangalan mo?" tugon niya, sabay lingon P 38-24 sa akin. hindi naman ako makagalaw at parang umaabot na yung tibok ng puso ko sa lalamunan ko dahil hawak-hawak niya ngayon ang kamay ko. "Ang ibig sabigin ng 'Aleeza' ay Kasiyahan... at sa buhay na ito hinihiling ko na matagpuan mo ang Kasiyahan sa puso mo" patuloy niya pa. bigla siyang humakbang papalapit sa'kin dahilan para gulat akong mapatingin sa kaniya. ~Minsan oo, minsan hindi Minsan tama, minsan mali Umaabante, umaatras Kilos mong namimintas Kung tunay nga ang pag-ibig mo Kaya mo bang isigaw Iparating sa mundo~ ~Tumingin sa'king mata Magtapat ng nadarama 'Di gusto ika'y mawala Dahil handa akong ibigin ka Kung maging tayo Sa'yo lang ang puso ko~ Gusto ko sanang alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi ko maintindihan kung bakit ayaw sumunod ng katawan ko sa sinasabi ng utak ko. "Sa isang mathematical graph, hindi maaaring magdugtong ang linya ng Asymptote... pero sa pagkakataong ito, sa buhay na ito naniniwala akong magtatagpo na ang dalawang linya na pilit pinaglalayo ng tadhana" tugon niya pa, habang dahan-dahang humahakbang papalapit sa akin. Gustuhin ko mang humakbang paatras pero hindi ko magawa. "At kung itatanong mo kung bakit ko sinasabi ang mga salitang ito... gusto kong malaman mo na..." habol pa ni Sir sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko. dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha dahilan para manigas na ako sa kaba. Naramdaman kong pumulupot yung isa niyang kamay sa likod ko at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. "Incluso en esta vida mi coraz�n te elige ... te amo Aleeza, y me temo que este ser� el �ltimo cap�tulo de Nuestra historia de amor asint�ticamente" (Even in this life my heart chooses you... I love you Aleeza, and I'm afraid that this will be the last chapter of Our Asymptotically Love Story) ***************** P 38-25 Featured Song: 'Sayo' by Silent Sanctuary A/N: Few more chapter to go... till the end. Abangan! btw pakinggan niyo yung song na 'Sayo' by Silent Sanctuary bagay na bagay sa ending ng chapter na ito <3 P.S every year may annual Christmas Light Show ang Ayala Triangle sa Makati, Balita ko the best ang gagawin nilang Christmas Lights Show ngayong December 2017 ? kaya Tara na! "Sayo" by Silent Sanctuary Nakakaiyak Hhahahahaja di ko kaya yung ching ching hahhahaha P 38-26 Kabanata f(x - 37) 62.1K 2.3K 3.2K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 37] ~Desperado, oh, you ain't gettin' no younger Your pain and your hunger, its drivin' you home Oooh freedom, oh freedom, that's just some people talkin' Your prison is walking through this world all alone~ -Jil Johnson (Desperado) "Death is not the end... perhaps, it is the beginning of a new journey waiting ahead" Hindi na matigil si mama sa pag-iyak habang yakap-yakap ni Tita Meg. Nasa likod naman niya sina Tita Aireen at Tita Rita. Mahihinang paghikbi ang naumumukod tangi sa buong kapiligiran at tanging ang boses lamang ng pari ang nangingibabaw habang dahan-dahang ibinababa sa malalimna hukay ang kabaong ni papa. Sobrang bigat ng pakiramdamko habang pinagmamasdan sa huling sandali ang katawan ni papa. Hindi ko matanggap na sa isang iglap biglang naging ganito ang inakala kong normal na buhay na meron kami. Manhid na manhid na ang buong katawan ko at hindi na rin maawat ang pagbagsak ng mga luha ko. Napatingala ako sa itaas, makulimlimang kalangitan habang patuloy na bumabagsak ng dahan-dahan ang tubig ulan. Mas lalo akong nasasaktan sa katotohanang... Wala na si papa. Wala na talaga siya. "His loving memory will forever be cherished" patuloy pa ng pari at isinara na niya ang bibliya na hawak niya. Madami rin ang nakiramay at sumama sa huling hantungan ni papa dito sa sementeryo. Karamihan sa mga nakiramay ay ang mga matagal na niyang kaibigan at kasama sa pagpapasada ng jeep. Naalala ko bigla noong huli ko silang nakita, birthday ni Alex at naghanda kami sa bahay masayang-masaya silang lahat habang nagbibiruan at nag-aagawan ng microphone ng videoke. Pero ngayon ang lahat ng saya at tawanan noong gabing iyon ay napalitan na ng lungkot at pagdadalamhati. Ilang sandali pa, naramdaman kong biglang may humawak sa kamay ko. Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Sir Nathan, "Lo siento" (I'm sorry) tugon niya habang nakatingin ng diretso sa kabaong ni papa na nasa ilalimna ng hukay. Sa pagkakataong iyon, hindi ko alamkung bakit mas lalong bumigat ang dibdib ko dahil P 39-1 sa sinabi niya. Nababasa ko rin sa mga mata niya ang labis na kalungkutan. Naka-puting polo siya ngayon kapareho ng suot ni Alex. Tinapik-tapik naman niya sa balikat si Alex na hindi na rin maawat sa pag-iyak. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganito si Alex at mas lalo akong nasasaktan na makita siyang ganoon. Napatingin ako sa kamay ko na hawak pa rin ni Sir Nathan, bakit parang pamilyar ang hawak niya? pamilyar ang lambot at init ng kamay niya. ilang sandali pa, napatigil ako nang bigla niyang itinapat sa akin ang isang puting panyo na hawak niya. "Katulad ng pagtigil ng buhos ng ulan... matatapos din ang paghihirap at kalungkutan na iyong nararamdaman... magwawakas din ang lahat, Aleng" patuloy niya pa, napatitig na lang ako sa panyo na hawak niya. At kasabay ng pagbitiw niya sa mga huling salitang iyon ay siyang pagtigil ng buhos ng ulan. Halos dalawang linggo na ang lumipas mula nang mailibing si papa, tuluyan nang napabayaan ni mama ang tindahan sa palengke kaya pinaalis na kami doon at iba na ang umupa. Tumawag naman si Tito Ace at nagpadala ng pera para makatulong sa mga gastusin sa bahay dahil wala na si papa, at wala ring trabaho si mama. Si tita Aireen muna ang nagbibigay ng baon sa amin ni Alex, halos isang linggo rin akong hindi nakakapasok sa OJT kaya ngayon naghahabol na ako. Mabuti na lang dahil binigyan din ako ng mga special quizzes at seatworks ng mga professor ko. "Ngets, eto oh egg sandwich kain ka muna" narinig kong tugon ni Jen sabay abot sa'kin ng isang sanwhich na dala niya at isang juice. "Hindi ka pa kumakain ng dinner, hanggang 10 pmpa man din tayo dito" patuloy niya pa. Nakaupo kami ngayon sa reception area dito sa hospital kung saan kami nag- duduty. "Okay lang ako" sagot ko na lang at napasandal sa upuan. Tiningan ko rin ang phone ko, at tinext si Alex kung kumain na ba si mama. "Nagpaalamna rin ako sa masungit nating supervisor, pumayag naman siya na hindi tayo mag-duty sa New Year" tugon pa ni Jen sabay upo sa tabi ko. Hindi pa masyado busy ngayon dito sa hospital, sa Wednesday New year na kaya siguradong magiging abala dito. "Oo nga pala, sabi ni Lily pwede naman daw magpahinga muna si Alex sa theater, mas mabuti kung wag na muna siya sumali dahil sa nangyari sa pamilya niyo, hindi raw kasi nakakafocus ng maayos si Alex sa mga practice nila, siya pa man din ang bida sa Our Asymptotically Love Story" patuloy pa ni Jen, bigla akong napatigil at napalingon sa kaniya nang marinig ko ang librong iyon na sobrang nagdadala ng kakaibang pakiramdamsa akin. "Jen... Ano bang nangyari sa kwento ni Fidel at Salome? Bakit hindi sila nagkatuluyan?" tanong ko, hindi ko alamkung bakit biglang nagdulot ng matinding kaba ang puso ko nang banggitin ko lang ang pangalan ni Fidel at Salome. Napaisip naman ng malalimsi Jen "Hindi ko alam... hindi ko naman natapos basahin iyon kasi nagdadamot si P 39-2 Lily, ayaw niya ipahiramyung libro" sagot ni Jen habang abala sa pag-scroll ng newsfeed sa fb niya. "Look! Aly, tingnan mo ang ganda ng Christmas light show sa Ayala Triangle! Punta tayo" aya ni Jen sabay pakita sa'kin ng mga picture ng kaibigan niya na nasa Ayala Triangle. Hindi agad ako nakapagsalita, naalala ko bigla yung gabing dinala ako ni Sir Nathan sa Ayala Triangle kung saan nasaksihan ko ang libo-libong nagkikislapang mga liwanag ng Christmas Lights... "Ang sabi nila, kapag malungkot ka sa darating na pasko pumunta ka lang sa lugar na ito at pagmasdan ang palabas na ito para kahit papaano ay makalimutan mo ang lungkot na nararamdaman mo" narinig kong tugon ni Sir, ilang sandali pa nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Naalala mo ba ang sinabi ko sayo noon kung ano ang ibig sabihin ng pangalan mo?" tugon niya, sabay lingon sa akin. hindi naman ako makagalaw at parang umaabot na yung tibok ng puso ko sa lalamunan ko dahil hawak-hawak niya ngayon ang kamay ko. "Ang ibig sabigin ng 'Aleeza' ay Kasiyahan... at sa buhay na ito hinihiling ko na matagpuan mo ang Kasiyahan sa puso mo" patuloy niya pa. Bigla siyang humakbang papalapit sa'kin dahilan para gulat akong mapatingin sa kaniya. Gusto ko sanang alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi ko maintindihan kung bakit ayaw sumunod ng katawan ko sa sinasabi ng utak ko. "Sa isang mathematical graph, hindi maaaring magdugtong ang linya ng Asymptote... pero sa pagkakataong ito, sa buhay na ito naniniwala akong magtatagpo na ang dalawang linya na pilit pinaglalayo ng tadhana" tugon niya pa, habang dahandahang humahakbang papalapit sa akin. Gustuhin ko mang humakbang paatras pero hindi ko magawa. "At kung itatanong mo kung bakit ko sinasabi ang mga salitang ito... gusto kong malaman mo na..." habol pa ni Sir sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko. dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha dahilan para manigas na ako sa kaba. Naramdaman kong pumulupot yung isa niyang kamay sa likod ko at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. " Incluso en esta vida mi coraz�n te elige ... te amo Aleeza, y me temo que este ser� el �ltimo cap�tulo de Nuestra historia de amor asint�ticamente" (Even in this life my heart chooses you... I love you Aleeza, and I'm afraid that this will be the last chapter of Our Asymptotically Love Story) Sa pagkakataong iyon, hindi ko alam kung bakit parang pamilyar ang yakap niya, maging ang boses, hininga, init at tibok ng puso niya ay parang naramdaman ko na dati pa. "S-sir?" tugon ko, pero hindi pa rin siya kumawala sa pagkakayakap sa'kin. Sa gitna ng nagtataasang mga puno kung saan nakasabit ang mga nagliliwanag at nagkikislapang mga ilaw, kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin, habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit, masasabi kong natagpuan ko na ang kapayapaan sa puso ko. P 39-3 "Aly, balita ko nagpunta kayo ni Sir Nathan dito sa Ayala Triangle nung birthday mo" narinig kong tugon ni Jen sabay sagi sa'kin dahilan para bigla akong matauhan at mapalingon sa kaniya. "P-paano mo nalaman?" gulat kong tanong pero nginitian lang ako ni Jen. "Nagpasama kasi sa'kin si Bryan, di niya alamkung saang hospital dinala ang papa mo kaya ayun sinamahan ko siya, then pagdating namin sa hospital wala ka doon, si Alex lang ang nandoon habang kausap ng mga pulis ang mama mo, Sakto namang pauwi na rin sila Alex at ang mama mo kaya sinabay na rin sila ni Bryan pauwi, pagdating namin sa bahay niyo hinatid na muna ni Bryan si Alex at ang mama mo, nagreklamo pa nga ako kasi hindi pa kami umaalis doon sa tapat ng street niyo, sabi niya hihintayin ka raw niya makauwi kaya diba tinext kita kung nasaan ka na tapos nagreply ka sabi mo pauwi ka na" panimula ni Jen, nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa mga sinasabi niya. Paano nalaman ni Bryan ang tungkol kay papa? At bakit naman niya ako hihintayin? Hindi naman kami close ah. "Isang oras ka rin namin hinintay doon sa loob ng kotse niya, ang boring nga eh kasi kinakausap ko si Bryan pero hindi niya ako pinapansin, akala ko ba chickboy 'yon? Feel ko tuloy hindi niya ako type kaya dineadma niya lang ako kainis talaga!" patuloy pa ni Jen, napaisip naman ako ng malalim. Halos ilang linggo ko na rin hindi nakikita si Bryan at ngayong second semlumipat na raw siya ng ibang school sabi ni Iryn. "Then ayun, may puting kotse na tumigil sa tapat ng bahay niyo, familiar nga sa'kin yung car na 'yon at tama nga ako kasi kay Sir Nathan nga 'yon! Huli kayo! Bakit kayong dalawa lang ang magkasama? Saan kayo pumunta?" pang-asar pa ni Jen, bigla tuloy nag-init ang mukha ko. "Tapos naalala ko sinabi ni Alex noong naabutan namin sila ng mama mo sa Hospital na nasa Ayala Triangle ka raw, pero hindi namin alamna may kasama ka pala at si Sir Nathan pa ah! Nako siguradong magwawala at makakalbo ka ng mga member ng fans club ni Sir Nathan sa school pag nalaman nila na nag-dadate kayo!" tawa pa ni Jen dahilan para mapakunot ang noo ko at mangamba ng konti sa buhay ko. Nakalimutan kong sikat nga pala si Sir Nathan sa school. "At syempre hindi lang 'yon, baka mawalan din si Sir Nathan ng trabaho kapag nalaman ng school admins na may ka-date siyang estudyante niya" habol pa ni Jen at biglang napawi ang ngiti ko at napatingin sa kaniya. Bigla tuloy akong napaisip ng malalim, wala naman kaming relasyon ni Sir Nathan, niyakap niya lang ako at may sinabi siya sa'kin pero hindi ko masyado narinig kasi ang lakas ng tugtog noong gabing iyon at ang iingay ng mga tao sa paligid, bukod doon hindi ko rin masyado naintindihan kasi sa wikang Espanyol niya sinabi. Gabi-gabi rin pumupunta si Sir Nathan sa burol ni papa, tumutulong din siya sa pag- aasikaso sa mga nakikiramay at nakikipagwkentuhan sa kanila. Tinanong din ako ni mama isang beses kung bakit laging nasa bahay si Sir Nathan, buti na lang si Alex ang sumagot at sinabi niyang wala kasing kamag-anak si Sir Nathan dito sa Pilipinas bukod sa pinsan niyang si Bryan na hindi naman niya ka-close at ang tita nila na si Ms.Lea na taga-Quezon City na na-meet namin noong Fiesta ng Birheng Maria ng La Naval. At noong ililibing na si papa nandoon din si Sir Nathan, hindi ko rin maintindihan kung bakit hinawakan niya ang kamay ko at kung bakit siya nag-sorry. P 39-4 "Ngets? okay ka lang? kanina pa kita kinakausap" natauhan ako dahil naramdaman kong sinagi ulit ako ni Jen. Nawala na naman ako sa sarili dahil sa pag-iisip ng kung ano -ano ang bagay. "Yung totoo, may relasyon ba kayo ni Sir Nathan ha? Aleeza Mae Agcaoili" bwelta pa ni Jen, at binuo niya pa ang pangalan ko kaya alam kong seryoso na siya. Hindi naman ako nakapagsalita agad, hindi ko rin naman alamang sasabihin ko at mas lalong hindi ko maintihan kung anong mayroon sa amin ni Sir Nathan, palagi siyang nassa bahay lalo na noong burol ni papa, kaya nga hindi ko masyado naramdaman ang lungkot dahil nandoon si Sir Nathan, alamko rin na maging si mama at Alex ay hindi masyado nakaramdamng lungkot at pangungulila dahil palagi kaming kinakausap ni Sir at parang nagkaroon din ng reunion sa mga side ng kamag-anak ni papa at ni mama dahil halos lahat ay nakiramay. At noong last Wednesday, Christmas eve kasama rin namin si Sir Nathan. Nagdala siya ng mga pagkain at sama-sama kaming nag-Noche Buena. Natawa nga kami ni mama kasi parang may fiesta sa bahay sa dami ng pagkain na dala niya, at may maliit na litsong baboy pa, eh aapat lang naman kaming magsasalo-salo kaya ayun pinamigay din namin sa kapit-bahay yung ibang natirang pagkain. Naalala ko bigla ang gabing iyon kung saan inabot ni Sir Nathan ang mga regalo niya sa'amin. Isang shoulder bag ang regalo niya kay mama, Hoodie naman ang regalo niya kay Alex at noong hinatid ko na siya sa labas ng bahay, bago siya sumakay sa kotse niya inabot niya sa akin ang regalo niya... "Sige na buksan mo na" tugon ni Sir sabay ngiti, wala naman akong nagawa kundi buksan ang regalo niya sa harap niya. Napatulala na lang ako sa laman ng paper bag na iyon, isang lumang notebook. May nakasulat sa harapan nito pero hindi ko mabasa bukod sa apat na numbers na nakasulat sa harapan... 1688 Binuklat ko pa ang lumang notebook na iyon pero punong-puno na ito ng sulat na hindi ko rin maintindihan kasi nakasulat ito sa letrang... Baybayin na minsan ko na ring sinubukang pag-aralan sa tulong ni Sir Albert pero hindi ko natapos kasi naging abala ako sa mga subjects ko. "Balang-araw mababasa mo rin ang mga nakasulat sa notebook na iyan" tugon ni Sir at unti-unting napawi ang ngiti niya habang nakatingin sa lumang notebook na regalo niya sa'kin. hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at sumisikip na naman ang puso ko. Pinagmasdan kong mabuti ang bawat letra ng Baybayin na nakasulat sa lumang notebook na iyon, ang ganda ng pagkakasulat pantay na pantay ang bawat hugis. Napatingin ako kay Sir at nahuli kong nakatitig siya sa akin. "S-sir, tungkol saan po ba ang nakasulat dito?" nagtataka kong tanong sa kaniya, gusto ko rin itanong kung bakit iyon ang regalo niya pero nahihiya ako na baka ma- of end siya. Napabuntong-hininga naman si Sir Nathan sabay tingin ng diretso sa mga mata ko "Nakasulat sa notebook na iyan ang sagot kung paano matatapos ang solution ng Asymptote" sagot niya, hindi ko namalayan na napatulala na lang din ako sa mga mata niya, nababasa ko sa mga mata niya na gusto niyang mahanap ko ang tamang solution sa isang mahirap na math equation tulad ng Algebraic Expression and Function kung saan hindi maaaring magdugtong ang dalawang linya ng... Asymptota. P 39-5 Kinabukasan, maaga akong pumasok ng school para puntahan si Sir Albert, makikiusap ako na itranslate niya para sa'kin ang nakasulat doon sa lumang diary na binigay sa'kin ni Sir Nathan, nakasulat kasi ito sa letrang Baybayin kaya hindi ko mabasa. Balak ko na rin magpaturo ulit sa kaniya para ako na lang din ang magbabasa kapag natuto na ako. Naupo muna ako sa bench sa tapat ng faculty habang hinihinatay si Sir Albert. Ilang sandali pa, bumukas na ang elevator na nasa gilid at lumabas mula doon si Sir Albert, napatayo naman ako at lalapitan ko sana siya kaya lang may kausap siyang isang lalaki na matangkad at medyo may edad na rin, sa tingin ko nasa edad 40 na yung lalaking kasama ni Sir Albert. Matalimang mga mata nito at seryosong-seryoso ang dating habang nakikinig sa mga sinasabi ni Sir Albert, ilang sandali pa biglang napatigil si Sir Albert sa paglalakad at pagsasalita nang makita niya ako. "Oh! Anak, halika may ipapakilala ako sa iyo" tawag sa'kin ni Sir Albert, nabalitaan din niya ang nangyari kay papa at isa siya sa mga dumadalaw ng madalas noon sa bahay noong burol ni papa. Naglakad na ako papalapit sa kanila at binati ko yung kasama niyang lalaki. "Siya nga pala si Aleeza ang paborito kong estudyante na mahilig sa Kasaysayan" pakilala sa'kin ni Sir, napatango naman yung lalaking kasama niya. Napansin ko agad ang hawak nitong makapal na aklat na tungkol sa Kasaysayan ng Pilipinas. Mayroon din siyang hawak sa kabilang kamay na isang libro na tungkol naman sa Sinaunang paraan ng pagsusulat at pagbabasa ng mga katutubong Pilipino... ang Baybayin. "Aleeza, siya naman si Professor Christoper Hermios, professor siya sa UST at may seminar siya ngayon dito sa school natin mamayang hapon tungkol sa Baybayin" tugon ni Sir Albert, magsasalita pa sana ako kaso biglang may dumating na iba pang mga professor at winelcome nila si Prof.Hermios. Habang nagkakamayan sila doon, napatitig na lang ako sa lumang notebook na hawak ko. Hindi ko alamkung bakit bigla akong nakaramdamng magkakahalong kaba, takot, pangamba at saya dahil mababasa ko na ang nakasulat sa lumang notebook na ito. "Tunay ngang napakakulay at makasaysayan ang ating kultura at tradisyon bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila, Amerikano, Hapon at iba pa. Isang patunay rito ay ang 'Baybayin' na siyang sinaunang paraan ng pagsulat at pagbasa ng mga katutubong Pilipino" panimula ni Prof.Hermios habang naglalakad siya sa gitna ng platform. Nandito kami ngayon sa isang lecture hall kung saan ginaganap ang seminar na pinangunahan ni Prof. Hermios. P 39-6 Para sa mga History at Social Studies major lang dapat ang seminar na ito, pinakiusap lang ako ni Sir Albert kanina dahil interesadong-interesado talaga ako matuto mag-Baybay. "Ang pinaka-unang dapat niyong malaman ay kung paano mag-Pantig. Halimbawa, ang pangalan ko ay Christoper Hermios, ang magiging pantig nito ay..." tugon ni Prof.Hermios sabay sulat sa board. K-Ri-S-To-Pe-R He-R-M-Yo-S "Kapag ang pantig ng salitang isusulat mo ay Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Nga, Pa, Ra, Sa, Ta, Wa at Ya... wala kang ilalagay na tuldok sa itaas o tuldok sa ibaba. Hindi mo rin lalagyan ng ekis/krus sa ibaba" "Kapag ang letra naman ng pantig na isusulat mo ay nagtatapos sa I/E ay lalagyan mo ng tuldok sa itaas" "Halimbawa... Bi/Be, Ki/Ke, Di/De, Gi/Ge, Hi/He, Li/Le, Mi/Me at iba pa, lalagyan niyo ng tuldok sa itaas katulad nito. "Kapag ang letra naman ng pantig na isusulat mo ay nagtatapos sa U/O ay lalagyan mo naman ng tuldok sa ibaba" "Halimbawa... Bu/Bo, Ku/Ko, Du/Do, Gu/Go, Hu/Ho, Lu/Lo, Mu/Mo at marami pang iba katulad nito" "Kapag ang letra naman na gagamitin niyo ay single lang tulad ng B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, R, S, T, W at Y... lalagyan niyo ng ekis/krus sa ibaba tulad nito" "Ngayon... Paano niyo ipapantig ang 'Mahal Kita'?" tanong ni Prof. Hermios, pero wala nag-volunteer kaya siya na ang nagsulat sa whiteboard. Ma-Ha-L Ki-Ta Napatitig lang ako doon sa powerpoint na nasa harapan, parang nakita ko na ang pattern ng Baybayin na iyon. napatingin ako sa lumang notebook na hawak ko at binuklat koi yon hanggang sa pinakadulong pahina. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na tama nga ako! Ang pinaka-huling salitang nakasulat sa lumang notebook na ito ay... Mahal Kita. Nang imulat ko ang mga mata ko, hindi ko alam kung nasaan na ako, nasa loob ako ng isang lumang bahay na punong-puno ng ilaw. Nakatayo ako sa gitna ng napakaraming tao na abala sa pakikipagkwentuhan. Halos lahat ng kababaihan ay nakasuot ng mga makukulay na baro't-saya. Ang ilan naman ay tinangkilik na ang mga magagarbong kasuotan na tulad ng mga babae sa Europa. Samantalang ang mga kalalakihan naman ay nakasuot ng mga pormal na kasuotan at itim na sumbrero. Sa gitna ng napakaraming tao ay umaalingangaw ang nakakaindak na tugtug mula sa isang orchestra na P 39-7 nasa gilid ng salas. Nagagandahang mga chandelier at mamahaling mga kagamitan ang nakapalibot sa buong paligid. Patuloy naman ang paglilibot-libot ng mga lalaking naka-barong habang dala-dala ang mga mamahaling alak at inaalok sa mga bisita. Napakakintab ng sahig na gawa sa muebles at ang bawat dingding ng bahay ay kumikinang dahil sa kulay ginto at mga nagniningingang mga porselana. Napatingin ako sa sarili ko at napagtanto ko na katulad nila ay nakasuot din ako ng baro't-saya na kulay berde at siyang pinakasimple sa lahat ng kasuotan ng mga kababaihang narito. Ilang sandali pa, may isang lalaking bumaba sa napakalaking hagdan suot ang mamahaling kasuotan at sumbrero, naglakad papalapit sa akin. Ang kaniyang mukha ay maamo, mapapansin agad ang bigote na maayos na nasuklay sa kaniyang nguso, nasa edad tatlumpu na siya. "Nasaan na sila? Hindi ba't kasama mo ang Don at Donya?" diretso niyang tanong sa'kin sabay hithit ng tabako. Napatakip naman ako sa ilong ko dahil sa usok mula sa kaniyang tabako. Magsasalita pa sana siya kaya lang biglang may naghiyawan sa tapat ng pintuan. Agad siyang napalingon sa pintuan at napangiti saka dire-diretsong sinalubong ang isang lalaki na katulad niya ay sadyang napakayaman din tingnan. May kasama itong napakagandang babae na nakahawak sa bisig ng lalaking bagong dating. " Feliz Navidad Don Alejandro Montecarlos y Donya Soledad Montecarlos" (Merry Christmas Don Alejandro Montecarlos and Donya Soledad Montecarlos) bati ng lalaking may bigote na kumausap sa akin kanina doon sa dalawang mag-asawa na bagong dating. Agad naman silang nag-beso at nagkamustahan. Sa tingin ko ay nasa edad dalawampu pataas lang ang mag-asawang iyon na bagong dating lang. " Estoy muy honrado de tenerte aqu� como mi invitado" (I amreally honored to have you here as my guest) patuloy pa ng lalaking may bigote agad namang napangiti si Don Alejandro at Donya Soledad Montecarlos na kausap niya. " Estamos muy contentos de estar aqu� en su ciudad natal, Gracias por invitarnos a Don Eulalio Villavicencio" (We're really pleased to be here in yourhometown, Thanks for inviting us Don Eulalio Villavicencio) sagot ni Donya Soledad sabay hawak sa tiyan nito na nakaumbok na. " Oh, Felicidades, usted tendr� una nueva adici�n a su familia" (Oh, Congratulations, you will have a new addition to your family) nakangiting bati ng lalaking may bigote na si Don Eulalio Villavicencio. P 39-8 " Esperamos que sea un chico esta vez, estoy realmente rezando por un chico, Mar�a y Josefina fueron suficientes, es muy dif�cil tener dos hijas traviesas" (We hope it's a boy this time, I amreally praying for a boy, Maria and Josefina were enough, it is really hard to have two naughty daughters) tugon ni Don Alejandro sabay tawa ng malakas. Kasabay niyon ang biglang yakap ng dalawang batang babae kay Donya Soledad. Nagtatakbuhan sila kaya agad silang sinuway ni Don Alejandro. Nagpalinga-linga and Don sa paligid at bigla siyang napatigil nang mapatingin sa akin "Esmeralda, iyong bantayan si Maria at Josefina" tugon niya kasabay niyon ang biglang pagtakbo ng dalawang batang babae papunta sa'kin at nag-unahan pa silang yumakap sa'kin. "Ako ang nauna!" wika ng batang babae na mestisang-mestisa at mukhang mas panganay kaysa sa isa. "Ako kaya ang nauna!" reklamo naman ng pangalawang batang babae na mestiza rin at mas maliit kaysa sa isa. "Hindi ba ako po ang nauna... Esmeralda?" biglang tugon ng panganay na batang babae habang nakayakap pa rin sa'kin. hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya. Tinawag niya akong... Esmeralda. "Ate, nananaginip ka na naman ng masama" narinig kong tawag ni Alex dahilan para maalimpungatan ako. "Hindi pa kumakain si mama mula tanghalian at hindi pa siya nalabas hanggang ngayon sa kwarto" patuloy pa ni Alex, dahan-dahan akong napabangon. Ang sakit ng ulo ko at sobrang bigat ng pakiramadamko. "Baka gabihin na ako wag niyo na ako hintayin mamayang gabi" seryosong tugon ni Alex sabay dampot sa backpack niya. Nagtataka akong napatingin sa kaniya, naka-black t-shirt, black pants siya at suot din niya ang black cap na paborito ni papa. "S-saan ka pupunta?" diretso kong tanong saka bumaba na sa kama. Napatigil naman siya sabay lingon sa'kin. "May aalamin lang ako..." sagot niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Hindi ko alampero sa pagkakataong iyon parang bigla akong nakaramdamng kaba, takot at pangamba. "A-anong aalamin mo? anong oras na? saan ka pupunta? Imposible namang may practice kayo ngayon nila Sir Albert kasi sabado naman ngayon" usisa ko sa kaniya. Sandali naman siyang hindi nagsalita sabay ayos sa black cap ni papa na suot na niya ngayon. P 39-9 "Kailangan kong malaman ang mga sagot sa tanong na matagal nang gumugulo sa'kin" seryoso niyang sagot. Magsasalita pa sana ako kaso dire-diretso na siyang lumabas ng kwarto. "Sandali! Totoy!" tawag ko pa sa kaniya at hinabol siya hanggang labas ng bahay pero parang wala siyang naririnig dire-diretso siyang sumakay sa bisikleta niya at umalis. Naiwan naman akong mag-isang nakatayo sa labas ng bahay namin habang tinatanaw siyang naglalaho sa madilimna gabi sakay ng kaniyang bisikleta. Bakit parang may mali sa mga nangyayari? Kinabukasan, Linggo na. Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana namin. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa sofa habang hinihintay si Alex na makauwi kagabi. May unan at kumot nang nakapatong sa akin. Sinong naglagay nito? Agad akong napabangon at dire- dretsong nagtungo sa kwarto namin para tingnan kung nandoon na si Alex. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong natutulog pa si Alex ng mahimbing, hindi siya nagpalit ng damit, suot niya pa rin ang itimna sumrero ni papa. Ilang sandali pa bigla akong nakarinig ng pagbagsak ng kaldero sa kusina kaya dali-dali akong nagtungo doon. "Pasensiya na, ngayon ko na lang ulit ito gagamitin Hijo" tawa ni mama habang nagdidikdik ng bawang. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung sino yung kausap niya... Si Sir Nathan! Shems! Anong ginagawa niya dito? "Tutulungan ko po kayo Tita magluto ng Caldereta, mas masarap po kung lalagyan niyo ng keso" sagot ni Sir Nathan sabay ngiti, tumango-tango naman si mama at tumawa. "Mama na lang din ang itawag mo sa akin, Hijo" tawa pa ni mama dahilan para bigla kong makitang mamula sa hiya si Sir Nathan. Humakbang na ako paatras ng dahan-dahan habang nakatalikod pa sila at hindi pa nila ako nakikita kaso huli na ang lahat dahil biglang napalingon si mama sa likod at nakita niya ako. "Oh, Gising na pala ang hinihintay mo Hijo" tugon ni mama dahilan para mapalingon din sa'kin si Sir Nathan. Waaaahh! "Hindi ka pa ata nagmumumog o naghihilamos anak, nakakahiya sa nobyo mo" pang-asar pa ni mama dahilan para gustuhin ko nang lamunin na lang ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin ni Sir Nathan at bigla siyang ngumiti sa'kin. P 39-10 Waaaahh! Naka-black polo siya kaya nangingibabaw talaga ang puti niya at ang kagwapuhan niya. "Goodmorning, Aleng" bati pa ni Sir Nathan dahilan para makaramdamako ng biglaang pag-init ng pisngi ko at dali-dali akong napatakbo papunta sa banyo. Agad akong sinara ang banyo at napaupo sa inidoro. Sana ma-flash na lang ako dito sa inidoro para hindi ko na kailangan pang harapin si Sir Nathan sa labas. Nakakahiya talaga, may muta at panis na laway pa ko sa bibig. Tapos sabog-sabog pa ang buhok ko. Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto ng banyo. "Lumabas ka na diyan Aleng, wag ka na mahiya kay Ser Neytan, nakita ka naman na niyang tumutulo yung laway mo habang natutulog ka sa salas kanina" tawag pa ni mama at narinig kong humagikhik siya. Sa totoo lang bigla akong napangiti dahil kahit papaano ngumingiti at tumatawa na ulit si mama ngayon, at sa tingin ko dahil iyon sa matiyagang pagbisita at pangungumusta ni Sir Nathan dito sa amin araw-araw. Teka nga! Ibig sabihin nakita nga niya akong natutulog kanina sa sofa! Nakakainis! Hindi man lang nila ako ginising. Nakakahiya talaga huhu. Agad akong naghilamos ng mukha at nag-toothbrush. Natataranta na ako kasi katok ng katok si mama sa pinto kaya wala na akong nagawa kundi ang lumabas na doon sa banyo. Napahinga na lang ako ng malalimsaka binuksan ang pinto. Nginitian ko na lang si mama na parang walang nangyare. "Ma'handanabaangalmusal?" mabilis kong tanong sa kaniya at dali-dali akong kumaripas ng takbo papunta sa kwarto namin ni Alex at ni-lock ko agad yung pinto. Napansandal na lang ako sa likod ng pinto at napahawak sa puso ko dahil sobrang hiningal ako sa pagtakbo ng mabilis. "Pasensiya na Sir, si ate talaga ang makalat dito sa kwarto" naringi kong tugon ni Alex dahilan para bigla akong mapalingon sa likod at laking gulat ko nang maabutan doon si Sir Nathan habang nakasandal sa cabinet namin at kausap si Alex na nakaupo naman sa kama niya. "Tingnan niyo mga damit at bra niya kung saan-saan nakakalat" patuloy pa ni Alex sabay sipa sa mga damit at bra ko na nakalagay sa study table namin kasi tutupiin ko dapat iyon ng maayos kagabi kaso nakatulog na ako kakahintay sa bwiset kong kapatid na'to na pinapahiya na ako ngayon sa harapan ni Sir Nathan! Waaaaaaahhh! BAKET NANDITO SA LOOB NG KWARTO NAMIN SI SIR NATHAN? "Oh? Ate, bakit parang may tinataguan ka?" nagtatakang tanong ni Alex, para naman akong tuod doon na hindi na makagalaw sa tapat ng pinto habang hawak-hawak ko pa rin yung door knob. "Ahh alamko na kung sino..." biglang ngiti ni Alex sabay tingin sa'kin at tingin kay Sir Nathan. Hindi naman nag-react si Sir Nathan at bigla rin siyang napaiwas ng tingin, pero nahuli kong pinipigilan niya ang tawa niya kasi mukha akong shunga na tago ng tago pero nahuli rin naman sa akto. "Ahh tulungan ko muna si mama sa kusina" biglang tugon ni Alex at dali-dali niya akong sinagi para buksan yung pinto, "Babalik ako mamaya" habol pa niya bago niya isara yung pinto. P 39-11 "TOTOY! HUMANDA KA TALAGA SA'KIN KUTO KA!" sigaw ko habang pilit na pinipihit hilahin pabukas yung pinto kaso hinihila pabalik ni Alex sa kabila, naririnig ko pa ang tawa niya dahilan para mas lalo akong maasar. pero kahit ganoon parang unti-unti ring nawawala yung inis ko kasi kahit papaano naririnig ko na ulit na tumawa si Alex. Ilang minuto rin kami naghihilahan ng pinto doon hanggang sa mapagod na ako at marealize ko na wala na akong laban kay Alex kasi mas malakas siya. Napaupo na lang ako sabay sandal sa pintuan, nakakapagod pala makipag-hilahan ng pinto. "So, you like stars?" narinig kong tugon ni Sir at nagsimula siyang maglibot sa loob ng kwarto namin sabay turo sa mga glow in the dark stars na nakadikit sa kisame. "Stars are always there, rain or shine, day and night, for centuries they stay and yet some people fail to see their presence" patuloy pa na Sir habang nakatingala doon sa mga glow in the dark stars. Napatayo na ako at napahinga ng malalim, kaming dalawa lang ni Sir Nathan dito sa loob ng kwarto, kagagawan 'to ng kutong-lupa kong kapatid. Kainis! Ilang saglit pa, humakbang si Sir papalapit sa bookshelves namin at laking gulat ko dahil nasa tabi niya lang yung mga damit at bra ko na nakapatong sa study table kaya dali-dali kong inunahan si Sir sabay sunggab sa mga bra ko at ibinato iyon sa loob ng cabinet namin, nilock ko na rin para safe. Whew! Tiningan ko ng mabuti si Sir, at mukhang patay malisya lang siya, siguro naaawkwardan din siya kaya kunwari hindi niya nakita yung mga undies ko doon sa study table. Nakakahiya talaga huhu. Biglang napatigil si Sir sabay habang nakatingin doon sa bookshelves namin, inabot niya yung lumang notebook na regalo niya sa'kin. "Nabasa mo na?" tanong niya sabay lingon sa'kin, napailing naman ako. Bigla niyang tinuro yung nakasulat sa harapan ng page nito na hindi ko mabasa kasi nakasulat sa letrang Baybayin. "Ang basa rito ay... Filipinas 1688" "Hindi mo ba itatanong kung saan tayo pupunta?" biglang tugon ni Sir sabay ngiti, nandito kami ngayon sa kotse niya habang swabe na swabe siyang nagdidrive. Pinaalamniya ako kanina kay mama, December 31 na ngayon at mamayang gabi sa bahay kami mag-cecelebrate ng New year, hindi ko rin alamkung bakit kaming dalawa lang nahihiya naman ako magtanong kasi baka kung anong isipin niya. siguro educational trip or magaaral lang kami. Tama! Tama! Magsasalita na sana ako kaso inunahan niya ako. "I remember, noong na-stranded tayo sa waiting shed, nagsinunggaling ka sa'kin, you told me that you're living in Makati pero sa bus pa- Cavite ka sumakay" tawa pa ni Sir, naaninag ko na naman yung ngiti niya na labas ngipin, ang cute talaga- Stop! "K-kasi- " P 39-12 "I got a feeling that you think that I'ma kidnapper or what" tawa pa ni Sir at medyo sumingkit yung mata niya, mag-viviolent reaction sana ako kaso naunahan ako ng liwanag ng itsura niya kaya natameme na lang ako. Shems! Idagdag pa yung bango niya na nakakabighani talaga. Hindi ko alampero natawa na lang din ako, ang shunga ko talaga totoo naman pinagbintangan ko siyang sindikato kasi out of nowhere kinausap niya ako tapos pinahiramniya pa yung payong na dala niya at gusto niya pa akong isabay sa taxi eh hindi naman kami magkakilala tsk tsk. "Sa tingin mo uulan mamaya?" pagbabago ni Sir Nathan ng topic, napalingon naman ako sa labas ng bintana, medyo makulimlimnga ang langit pero hindi naman makapal ang ulap at may sinag din ng araw. "New year ngayon wag naman sana, baka malusaw yung mga fireworks" sagot ko bigla namang napatangotango si Sir habang nakangiti pa rin. Teka nga! kanina pa siya ngiti ng ngiti diyan ah. Ilang saglit lang bigla niyang binuksan yung radio, saktong tumunog ang isang makalumang kanta na parang naririnig ko na tuwing Sunday dahil puro makaluma ang pinapatugtog sa fmradio. "Do you know the title of that song?" tanong ni Sir sabay tingin sa'kin, napalingon naman ako sa kaniya kitang-kita ko ang tangos ng ilong niya at ang pag-reflect ng sinag ng araw sa kulay brown niyang buhok at mga mata. "Desperado" saad niya, napakunot naman yung noo ko sabay tingin doon sa stereo ng kotse niya at pinakinggang mabuti ang lyrics ng kanta. ~And it seems to me some fine things Have been laid upon your table But you only want the ones that you can't get~ ~Desperado, oh, you ain't gettin' no younger Your pain and your hunger, its drivin' you home Oooh freedom, oh freedom, that's just some people talkin' Your prison is walking through this world all alone~ "Sa tingin mo? bakit kahit hindi pwede pinipilit pa rin?" tanong sa'kin ni Sir dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Hindi na siya nakangiti ngayon habang diretsong nakatingin sa daanan. Hindi ko alamkung bakit bigla akong nakaramdamng kakaibang kaba dahil sa tanong niya. "Bakit kahit anong mangyari? bakit sa kahit anong pagkakataon at sa ilang ulit na sitwasyon, bakit hindi pa rin pwede?" patuloy niya pa, sat ono ng pananalita niya parang may panghihinayang at lungkot akong nararamdaman. Magsasalita na sana ako kaso bigla na niyang iniliko yung kotse at itinabi ito sa isang gilid. nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang malaking lumang welcome sign na gawa sa bato na nasa itaas. Welcome to Taal City P 39-13 "Isa sa mga kauna-unahang lumang bayan na naitatag noong panahon ng Kastila, Matapos ang pagsabog ng bulkang Taal noong 1749 na naging dahilan ng pagkasira ng buong bayan, muling itinayo ang bayan ng Taal na naging maksaysayan at parte ng rebolusyon ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol" panimula ni Sir at bumaba na siya sa kotse. Agad naman akong sumunod sa kaniya, napanganga na lang ako sa ganda ng Taal City, natanaw ko agad sa di-kalayuan ang mga lumang bahay-na-bato na ang disenyo ay panahon pa ng mga Kastila. Sa totoo lang ngayon ko lang narinig ang tungkol dito sa Taal City, hindi ko akalain na may natatagong yaman sa kultura at tradisyon ang bayan na ito. Halos lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa pagsalubong ng 2015 mamayang gabi. ang linis din ng kalsada kitang-kita ang disiplina ng mga tao. Habang naglalakad kami ni Sir Nathan hindi ko maiwasang mapakunot ang noo sa tuwing may mga babaeng mapapatigil at magsisimulang magbulungan habang tinititigan at tinuturo si Sir. "Nakikita mo ba ang bahay na iyon?" tugon ni Sir sabay turo sa isang malaking lumang bahay na kulay puti at may bandila ng Pilipinas na nakatayo sa harapan. Casa Agoncillo "Iyan ang bahay ni Marcela Agoncillo, ang nagtahi ng watawat ng Pilipinas" patuloy ni Sir, biglang nanlaki ang mga mata ko at napanganga na lang ako dahil sa ganda ng mansyon ng Casa Agoncillo. At hindi rin ako makapaniwala na narito lang sa harapan ko ang pinangyarihan ng makasaysayang paggawa ng watawat ng Pilipinas. Casa Apacible Hindi pa ako nakaka-get-over sa bahay ni Marcela Agoncillo nang madaanan naman namin ang isang lumang bahay na kulay pula. "Iyan naman ang bahay ni Don Leon Apacible na naging Finance officer at delegate ni Heneral Emilio Aguinaldo noong Malolos Congress of 1898" tugon naman ni Sir sabay turo sa napakalakinglumang bahay na kulay pula. Napatulala na lang ako sa ganda ng disenyo nito. Lalong-lalo na ang dating ng mga bintana. Hindi pa kami nakakalayo sa Casa Apacible nang madaanan namin ang isang tindahan ng mga balisong. "Goodmorning! Welcome to Philippines" magiliw na bati sa'min ng isang matandang lalaki sabay abot ng isang balisong at winawagway niya sa ere. Natawa na lang kami ni Sir Nathan dahil sa galing niya sa paggamit ng balisong, lalo na kakaiba pa ang ang balisong nila dito dahil mahahaba, matatalimat malalaki. "Nagtatagalog po kami" tugon ko, natawa na lang yung matandang lalaki na medyo panot pero sobrang galing sa paggamit ng balisong. "Akala ko foreigner pasensiya na mga hijo at hija" tawa niya pa sabay turo kay Sir Nathan. Napangiti na lang din si Sir, sabagay mapagkakamalan talaga siya sa unang tingin na isang dayuhan. "Pwede po bang mahawakan?" tanong ni Sir Nathan sabay turo doon sa balisong, napangiti naman yung matandang lalaki sabay abot kay Sir Nathan ng balisong na iyon. "Ang tawag diyan ay Balisong fan knife" tugon nung matandang lalaki. Nanlaki naman ang mga mata ko nang malapitan kong natitigan ang balisong na iyon, gawa sa kahoy ang hawakan nito, pero yung iba gawa naman sa buto o sa mga sungay ng hayop. Hindi ko alampero sa pagkakataong iyon parang biglang sumikip ang dibdib ko habang tinititigan ang balisong na iyon, parang nakita ko na at nahawakan ko na ito dati pa, pamilyar na pamilyar ang bawat dulo at hugis nito lalong-lalo na ang matalimna dulo ng kutsilyo. P 39-14 Napatigil lang ako sa pagtitig nang biglang binalik ni Sir Nathan yung balisong doon sa matandang lalaki. "Bili na kayo, pang-souvenir at remembrance rin" ngiti pa nung matanda, pero napailing lang si Sir Nathan sabay ngiti at nagpaalamsiya bigla sabay hawak sa wrist ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Mga ilang minuto rin ako nawala sa sarili habang hawak-hawak ni Sir ang wrist ko at siyang nauuna sa paglalakad. hindi ko maintindihan kung bakit may kakaiba akong naramdaman sa balisong na iyon. "Aleng" narinig kong tawag ni Sir dahilan para matauhan ako at mapatingala sa kaniya. "Iyon ang tinatawag na Escuela Pia, ang nagsilbing paaralan ng mga kabataan na nasa mataas na estado noong panahon ng mga Kastila" tugon ni Sir sabay turo doon sa lumang bahay na isa lang ang palapag at may malaking bubuong na kulay pula. Escuela Pia Napatulala na lang ako sa ganda ng harapan nito kung saan may maliit na baitang ng hagdan papunta sa pintuan. Ilang sandali pa, natanaw na namin ang isang napakalaking simbahan. "Ang simbahan na iyan ay ang Basilica of St.Martin, ang pinaka-malaking Simbahan sa buong Asia" tugon ni Sir, bigla akong napatigil at napatulala habang nakatingala at pinagmamsdan ang laki ng simbahan. Sobrang taas at sobrang laki nito, halos malula rin ako laki at ganda ng loob ng simbahan. Pakiramdamko para akong nasa Roma. St.Martin Basilica 4 pmna ng hapon at patuloy ang pagtunog ng kampana ng simbahan. Sa bawat humpay ng kampana nito ay nagdudulot ng matinding kaba sa puso ko. naupo kami sandali sa loob ng simbahan. Maya-maya lang biglang lumuhod si Sir Nathan at nagdasal. Napatulala na lang ako sa kaniya, nakaka-inlove talaga ang mga lalaking may takot sa Diyos. Matapos ang ang ilang minuto, naupo na siya ulit at lumabas na kami. Habang naglalakad kami sa kalsada madaming mga tricycle at mga tao ang nagkalat. Ang iba ay may dala-dala ng mga pinamiling pagkain para mamayang gabi sa media noche. Medyo masakit na rin ang paa ko kasi kanina pa kami lakad ng lakad, pakiramdamko may paltos na ang talampakan ko pero ayokong ipahalata kay Sir Nathan kasi baka buhatin niya ako #Assuming haha! Casa Villavicencio Ilang saglit pa, napatigil kami tapat ng isang napakalaking mansyon na ang disenyo ay detalyadong-detalyado. Isa itong lumang bahay-na-bato na sa tingin ko ay naitayo noong panahon pa ng mga Kastila. Kulay indigo at dilaw ang kulay ng buong bahay at napapalibutan din ito ng mga bulaklak sa gilid. "Gusto mo pumasok sa loob?" biglang tanong sa'kin ni Sir Nathan dahilan para matauhan ako, hindi ko namalayan na tulo laway na akong nakatunganga sa napakagandang bahay na iyon. Agad kong hinigop pabalik yung laway ko kaysa naman tumulo pa yun sa kalsada at madumihan ang sahig. Eww! P 39-15 Buti na lang hindi napansin ni Sir kasi sumusilip siya sa bintana bago kumatok sa pintuan nito. "T-teka! Sir pwede bang pumasok diya- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang bumukas yung pintuan ng bahay at kasabay niyon ay tumambad sa harapan namin ang isang matandang babae na naka-suot ng itim. Medyo may katabaan siya, maliit ang kaniyang mga mata at matalimito kung tumingin, kulay gray na rin ang kaniyang buhok. "Maligayang pagbabalik" tugon nito sabay ngiti habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, biglang lumalakas ang kabog ng dibdib ko at bigla akong nakaramdamng hilo, animo'y biglang bumagal ang takbo ng paligid at kasabay niyon ay biglang may pumasok na alaala sa isipan ko... "Hindi ba ako po ang nauna... Esmeralda?" biglang tugon ng panganay na batang babae habang nakayakap pa rin sa'kin. hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya. "Ika'y aking isusumbong kay ina mamaya Josefina" banta pa ng panganay na batang babae sa kaniyang kapatid. Napakunot naman ang noo nito at hindi na niya pinansin ang ate niya "Nagugutom na po ako" tugon ng mas maliit na batang babae sabay hawak sa kamay ko. "Nais ko pong tikman iyon" sambit niya sabay turo sa litson baboy na pinaka-sentro ng handa sa hapag kainan. Tiningnan ko pa ng mabuti ang mga mukha nila pero unti-unti itong lumabo. Sinubukan ko pa silang titigan ng mabuti pero unti-unting lumalabo ang kanilang mga mukha, Nagpalingon-lingon ako sa paligid at tiningnan ang itsura ng lahat ng taong nasa loob ng tahanan kung nasaan ako ngayon. Nagkwekwentuhan at nagtatawanan sila pero malabo na ang mukha nilang lahat. "Esmeralda..." tawag muli sa akin ng dalawang bata sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko at hinila ako papunta sa mesa kung saan naroon nakalagay ang napakaraming masasarap na pagkain. "Nais kong makakain ng leche flan" tugon ng panganay na babae sabay ngiti sa'kin. Batid kong nakangiti siya pero malabo ang kaniyang mukha. "Masisira muli ang iyong ngipin ate Maria dahil sa hilig mo sa matatamis" sumbat ng mas nakababatang babae dahilan para kumunot ang noo ni Maria. "Josefina, Minsan lang naman- " hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil biglang inunahan siyang magsalita ng mas nakababata niyang kapatid, si Josefina. "Ikaw ay aking isusumbong kay ama at ina!" panakot nito sabay kumaripas ng takbo papunta sa kanilang mga magulang. Sinubukan kong humakbang para sundan sila ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Napahawak na lang ako sa dulo ng mesa at sinubukan ko ulit igalaw ang paa ko pero hindi ko magawa. " O� que Don Rolando Valenciano estar� aqu� esta noche" (I heard that Don Rolando Valenciano will be here tonight) narinig kong tugon ng isang babae na nakasuot ng magarang kasuotang pang-Europa, kausap niya ang isa pang babae na maganda rin ang kasuotan. P 39-16 " No lo llames as� ... Escuch� que ya cambi� su nombre" (Don't call himthat... I heard that he already changed his name) sagot ng isang babae habang kumukuha sila ng pagkain sa mesa. Nanatili lang ako doon sa gilid habang pinagmamasdan silang mabuti, kahit anong gawin ko hindi ko talaga maaninag ng malinaw ang kanilang mga mukha. " Oh enserio? entonces �por qu� cambiar�a su nombre? (Oh, really? then why would he change his name?) " No tengo ni idea, pero creo que fue por la doncella que tuvieron hace mucho tiempo" (I don't have an idea, but I think it was because of the maid they had a long time ago) " Quieres decir? �La pobre muchacha que captur� el coraz�n de Don Hilario Valenciano?" (Do you mean? The poor girl who captured Don Hilario Valenciano's heart?) "creo que si" (I think so) Napalingon sa akin ang isang babae sabay talikod ulit at nagpatuloy na sila sa pagkuha ng pagkain. Hindi ko alam pero kahit hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko nang marinig ko ang pangalang... Rolando at Hilario Valenciano. Ilang sandali pa, nagulat ako nang biglang lumapit sa akin ang isang lalaki na naalala kong tinawag nila kaninang Don Alejandro Montecarlos. "Manang Esmeralda, ayos lang po ba ang inyong pakiramdam? Mas makabubuti kung makapagpahinga na po kayo, hihilingin ko kay Don Eulalio na pahiramin muna kayo ng silid dito dahil hihintayin pa namin ang pag-sapit ng alas-dose ng gabi oras ng noche Buena" tugon ni Don Alejandro, tinitigan ko siya ng mabuti pero malabo pa rin ang kaniyang mukha, pero sa tingin ko ay nasa edad dalawampu pataas lang siya. Pilit kong inaalala ang itsura niya kanina na malinaw kong nakita nang pumasok sila ng kaniyang asawa sa pintuan. ilang sandali pa biglang may babaeng humawak sa balikat ko dahilan para mapalingon ako sa likod "Sige na po Manang, magpahinga na muna kayo ako na po muna ang bahala kina Maria at Josefina" tugon ng babaeng iyon na maumbok ang tiyan, naalala kong tinawag siyang Donya Soledad kanina. Bakit nila ako tinatawag na Manang? Hindi naman ako nakapagsalita agad, dahan-dahan akong napatingin sa kamay ko at nakita ko ang kaunting kulubot sa aking kamay. Nang tumingala ako napagtanto ko na may isang malaking salamin sa gilid ng mesa. Napatigil ako nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin na iyon... P 39-17 Hindi ako makapaniwalang... Matanda na ako. Naalimpungatan ako nang maamoy ko ang matapang na halamang gamot sa tabi ko. "Gising ka na pala Hija" narinig kong tugon ng isang matandang babae. Teka! Siya yung matanda kanina na nagbukas ng pintuan sa isang lumang bahay- Wait. Agad akong napabangon nang marealize ko na nasa loob kami ng isang lumang bahay. nakahiga ako ngayon sa isang lumang kama. "N-nasaan ako?" tanong ko sa kaniya pero abala siya sa pagsasalin ng tsaa sa baso. "Nasa salas ang iyong nobyo... Bakit kayo magkasama?" sagot niya sabay abot sa akin ng isang tasa ng tsaa na dala-dala niya. napatitig naman ako doon sa tsaa na hawak niya. "Huwag kang mag- alala wala itong lason" patuloy niya sabay inomsa tsaa na iyon para patunayan na wala nga itong lason. Bumangon na ako at tumayo pero napahawak ako sa gilid ng kama dahil nakaramdamna naman ako ng hilo "Hindi matatapos ang nararamdaman mong iyan hangga't hindi mo nalalaman ang mga kasagutan" tugon niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Sa totoo lang may kakaiba talaga sa aura niya, parang may dilimat liwanag, may saya at lungkot. Dalawang magkasalungat na bagay na hindi ko maipaliwanag. "O-okay lang po ako" sagot ko na lang kasi bigla niya akong hinawakan. Nakaramdamako ng kilabot dahil ang lamig ng mga kamay niya. Napalingon ako sa bintana at laking gulat ko nang marealize kong gabi na. Pero bago pa man ako magsalita, inunahan na akong magsalita nung matandang babae sabay hawak ulit sa braso ko "Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ni Don Eulalio Villavicencio..." panimula niya sabay turo sa isang lumang painting na nakasabit sa dingding ng kwartong ito. Isang lalaki at isang babae ang nasa larawan, kitang-kita ang kanilang karangyaan. Don Eulalio Villavicencio "Si Don Eulalio Villavicencio ay isang kapitan ng barko, ang kanilang pamilya ay mayaman at nagmamayari ng napakaraming negosyo tulad ng mga sakahan, taniman ng asukal at tobacco dito sa Batangas. Sila rin ang nag-mamayari ng barkong 'Bulusan' nasiyang ginamit ng Katipunan noong rebolusyon ng taong 1896" patuloy pa nung matandang babae, hindi ko maintindihan kung bakit biglang pamilyar na pamilyar sa akin ang lugar na ito at ang mga pangalan na binabanggit niya. Donya Gliceria Villavicencio "Sinuportahan ni Don Eulalio Villavicencio ang Katipunan maging ang kaniyang asawa na si Donya Gliceria ay suportado rin ang mga Katipunero" dagdag pa niya at dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ko. agad ko namang iniwas ang tingin ko sa lumang painting ng mag-asawang iyon, dinampot ko na ang bag ko saka dahan-dahang naglakad papalabas ng pinto. "M-maraming Salamat po... uuwi na ako" paalamko sa kaniya, ayoko ng manatili doon dahil parang hindi na P 39-18 ako makahinga, parang nilalamon ako ng mga kakaibang alaala at bagay na hindi ko maunawaan. Hindi pa man ako nakakalabas ng pinto, narinig kong nagsalita ulit yung matandang babae "Sa dulo ng bahay na ito may isang tulay na nagdudugtong patungo sa ikalawang-bahay na tinatawag na 'Casa regalo de boda' (The Wedding gift house) ang bahay na iyon ay regalo ni Don Eulalio sa kaniyang asawa na si Donya Gliceria sa kanilang kasal" tugon niya, nagtataka naman akong napalingon sa kaniya, hindi ko siya maintindihan, hindi naman kami magkakilala pero bakit kung ano-anong impormasyon tungkol sa bahay na ito ang sinasabi niya sa akin. "May kasabihan na ang tulay na nagdudugtong sa bahay na ito na tinatawag na 'Casa de Villavicencio' papunta sa kabilang bahay na tinatawag na 'Casa regalo de boda' ay nangangahulugan na muling pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang taong nagkahiwalay" tugon niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Sobrang kakaiba sa pakiramdamang hatid ng mga titig niya. Tumango na lang ako saka dire-direstong lumabas sa kwartong iyon, baba na sana ako ng hagdan ngunit napatigil ako nang makita ko ang tulay na tinutukoy ng matandang babae na nagdudugtong papunta sa kabilang bahay. Parang biglang bumagal ang takbo ng mundo nang makita ko sa kabilang dulo ng tulay si... Sir Nathan. "Sige na po Manang, magpahinga na muna kayo ako na po muna ang bahala kina Maria at Josefina" tugon ng babaeng iyon na maumbok ang tiyan, si Donya Soledad. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin na nasa gilid ng mesa. Anong nangyayari? Bakit medyo kulubot na ang balat ko? bakit matanda na ako? sa tingin ko 40 years old na ako. "Manang Esmeral- " hindi na natapos ni Donya Soledad ang sasabihin niya dahil biglang may isang malakas na boses ng lalaki ang umalingangaw sa paligid. " �Por fin est�s aqu�! Don Rolando Valenciano" (At last you're here! Don Rolando Valenciano) wika ni Don Eulalio sabay salubong sa isang lalaki na nasa edad apatnapu na rin. Matangkad, mestizo, kulay brown ang buhok at mata, matangos na ilong at makisig na pangangatawan. Sa pagkakataong iyon parang biglang huminto ang paligid lalo na nang magtama ang mga mata naming dalawa. Sa lahat ng taong naririto... tanging siya lang ang may malinaw na mukha sa aking paningin. At hindi ako makapaniwala na... Siya si Sir Nathan. P 39-19 "Aleng... are you alright?" narinig kong tugon ni Sir Nathan dahilan para matauhan ako, naramdaman ko rin ang mga kamay niya na nakahawak sa likod ko para alalayan akong hindi matumba. Napahawak na lang ako bisig niya at halos walang kurap akong nakatitig sa mukha niya na sobrang lapit ngayon sa akin. Ang pamilyar na mata. Ang pamilyar na ilong. Ang pamilyar na labi. Ang pamilyar na pakiramdam. Hindi ba ito nagkataon lang? "Aleng?" ulit niya pa at agad niya akong inalalayan mapupo sa isang lumang upuan na gawa sa kahoy na nasa gilid namin. Ang kirot-kirot ng puso ko habang pinagmamasdan ang buong paligid, ganitong-ganito ang itsura ng lugar sa paligid ng kakaibang panaginip na nakikita ko. "Gusto mo na bang umuwi? halika na- " hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil inunahan ko na siyang magsalita. "W-wag muna... ayos lang ako, masama lang siguro talaga ang pakiramdamko, madalas na rin mangyari sa'kin to kaya sanay naman na ako" paliwanag ko sa kaniya. Alamkong alamnaman niya na madalas akong mahilo at kung minsan ay nawawalan pa ng malay dahil minsan na niya akong dinala noon sa clinic nang mahimatay ako sa backastage ng theater hall sa school noong kakatapos lang ng play nila Alex noon. "Uuwi na tayo" tugon niya pa sabay akbay sa'kin para tulungan akong hindi mawalan ng balanse. Papalag pa sana ako kaso parang nanghihina na ang buong katawan ko. ilang sandali pa, bago kami makababa ng hagdan nakita ko yung matandang babae na nakasilip sa likod ng pintuan. "Kung hindi ka nawalan ng malay kanina, may gusto sana akong ipakita sayo dito" tugon ni Sir, habang inaayos ang seatbelt ko, kakasakay pa lang namin ngayon sa kotse niya. "Ang alin?" tanong ko, bigla naman siyang ngumiti sabay turo doon sa di-kalayuan kung saan natanaw ko agad ang isang hagdan pataas, gawa ito sa bato at mukhang lumang-luma na rin. Batangas!?? Batangue�a here?? kaso talaga Adya, Lipa kamiehHAHHAHAHAHAHHAHA. SiCARMELITAAAA P 39-20 Kabanata f(x - 38) 74.9K 2.5K 4.2K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 38] Our Asymptotically Love Story (page 292 - 332) Ika-Labing Walong Kabanata Filipinas 1688 "Hindi ko pa pala nasasagot ang iyong tanong kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito para sa iyo" wika ni Fidel habang nakatitig sa mga mata ni Salome na kumikinang dahil sa replica ng libo-libong mga Lantern na nagliliwanag sa kalangitan. "Te amo, Salom� ... y lo seguir� diciendo hasta que nos volvamos a encontrar" (I love you Salome... and I will still say that until we meet again) tugon ni Fidel, dahan-dahan niyang hinawakan sa baywang si Salome at unti-unti niyang inalapit ang kaniyang mukha sa dalaga. Puno man ng kaba, mas nangingibabaw pa rin ang pananabik at kakaibang saya sa puso ni Salome habang dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at mainit na sinalubong ang pagdampi ng labi ng lalaking matagal na niyang pinapangarap. Sa pagsalubong ng halik ay dahan-dahang hinugot ni Salome ang pang-ipit na patalimna nakatusok sa kaniyang buhok at inilagay iyon sa kamay ni Fidel. Isinusuko ko na sa iyo ang lahat... mahal ko. "Mas maganda pa rin pagmasdan ang mga tala sa kalangitan" panimula ni Salome habang nakatingala sa madilimna langit na punong-puno ng milyong-milyong mga bituin na kumikinang. Ang kaniyang ngiti ay sing tamis ng sariwang pulut-pukyutan. "Alammo bang may masaklap na kuwento ang mga bituin?" tanong ni Fidel na nasa tabi niya. Nakaupo sila ngayon sa isang malaking bato habang magkadikit ang kanilang mga braso. Nasa tapat nila ang isang mahabang ilog at kakatapos lamang ng pagpapalipad ng mga Lantern sa kalangitan kanina. P 40-1 Hindi naman makatingin si Salome kay Fidel na katabi niya ngayon, kanina pa hindi maawat ang lakas ng kabog ng puso niya lalo na nang halikan siya nito sa labi. Hindi na mapawi ang kaniyang ngiti kahit wala namang dahilan upang ngumiti. At sobrang nag-iinit at namumula ang kaniyang pisngi kung kaya't hindi na niya magawang lumingon o tumingin ng diretso sa mga mata ng binata. "Ang mga bituin ay palaging nariyan, umulan man o umaraw, sa pagdaan ng umaga at gabi, at sa paglipas ng ilang daang siglo palagi silang nariyan sa kalangitan... ngunit ang masaklap ay bihira lamang sila mapansin ng mga tao" wika ni Fidel at napabuntong hininga ito. "Minsan may isang dalaga na labis ang pagmamahal at paghanga sa mga tala. Ngunit ang pagkahumaling na iyon ay nagsilbi ring ilaw patungo sa kaniyang kamatayan" patuloy pa ni Fidel dahilan upang mapalingon sa kaniya si Salome nang may bahid ng pagtataka ang itsura. "Isa iyong alamat na ikinuwento sa akin ni Manang Estelita noon, kung kaya't biglang nag-iba ang pananaw ko sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga tala sa kalangitan. Maaaring naghahatid nga ito ng Kagandahan ngunit sa likod nito ay may kaakibat na trahedya at kamatayan" tugon pa ni Fidel, bigla namang napatingala si Salome sa mga bituin, nakaramdamsiya ng kakaibang lungkot dahil sa kinuwento sa kaniya ni Fidel. "Kung gayon... mula ngayon hindi ko na rin siguro ibig maging kasing ganda ng bituin sa langit" saad ni Salome habang nakatitig sa isang tala na nangingibabaw ang liwanag at ganda. Palihimnamang sinulyapan ni Fidel ang dalagang nasa tabi, sandali siyang napatulala sa ganda ni Salome. Ang mapupungay na mata ng dalaga ang pinaka-nagpapahumaling sa kaniya. "Mas maganda ka kumpara sa mga tala" biglang wika ni Fidel dahilan para mapalingon sa kaniya si Salome. Agad siyang napaiwas ng tingin ngunit ang mga ngiti niya ay hindi na niya nagawa pang itago. Sandali silang nanahimik. Matapos ang nangyaring halik sa pagitan nilang dalawa kanina ay ilang minuto rin naman silang napatihimik at parehong pinakarimdaman ang isa't-isa. Hindi inaasahan ni Salome na muli niyang makikita si Fidel at magtatapat ito ng pag-ibig sa kaniya. at hindi rin inaasahan ni Fidel na tutugunin ni Salome ang pag-ibig na buong tapang niyang ipinagtapat sa harapan ng dalaga. Ilang sandali pa, pasimpleng inabot ni Fidel ang kamay ni Salome na awtomatikong namang humawak rin sa kamay niya. Pareho silang napaiwas ng tingin habang pilit na tinatago ang ngiti sa isa't-isa. Hindi man nila sabihin, batid nilang magmula ngayon pareho ang tibok at sigaw ng kanilang damdamin. "Hindi pa kumakain ng tanghalian si Roselia, ihatid mo ito sa kaniya Lumeng" utos ni Inay Delia kay Salome matapos itong mag-igib ng tubig. Kakaupo pa lamang ni Salome sa maliit na bangkito nang utusan muli siya ng kaniyang inay. Dumating naman si Felicidad bitbit ang malalaking palayok na kaniyang hinugasan. Sandaling napatitig si Salome sa kaniyang ate Fe na ngayon ay pagod na pagod na. Mahina ang puso ni Felicidad kung kaya't madali P 40-2 itong mapagod ngunit kahit ganoon ay wala silang magagawa sapagkat wala na ngayon ang kanilang itay at kuya Ernesto na siyang gumagawa ng mabibigat na trabaho. Tumayo na si Salome at agad inalalayan ang kaniyang ate Fe "Ayos lang ako Lumeng... sige na puntahan mo na si Ate Roselia" wika ni Felicidad sabay ngiti ng marahan sa kapatid. Tumango na lang si Salome at akmang aalis na ngunit biglang hinawakan ni Felicidad ang braso niya. "Kanina sa bayan nakita ko si Se�or Fidel, batid ko na hinahanap ka niya, paano niya nalaman na narito tayo sa Pampanga?" pabulong na tanong ni Felicidad at sabay silang napatingin ni Salome sa direksyon ng kanilang inay na abala sa pagtatahi ng mga damit. Inalalayan muna ni Salome na maupo ang kaniyang ate sa gilid ng higaan at umupo rin siya sa tabi nito. "Huwag kang maingay ate... nagkita na kami ni Se�or Fidel kagabi" pag-amin ni Salome at bigla siyang napangiti, animo'y mabanggit lang ang pangalan ni Fidel ay nagdudulot na ng pambihirang kilig sa kaniya. "A-ano?" gulat na tugon ni Felicidad at napahawak pa siya sa kaniyang bibig. Agad naman silang napatingin ulit sa direksyon ni inay Delia sa takot na baka narinig nito ang usapan nila pero nanatili pa ring abala sa pagtatahi ang kanilang inay. "Anong nangyari? Bakit ka niya sinundan dito? Tiyak na mapapahamak siya!" patuloy ni Felicidad at napahawak siya ng mahigpit sa braso ni Salome upang makinig ito sa kaniya. Nabanggit na rin ni Salome noong nakaraang linggo na si se�or Fidel ang lalaking nakasuot ng salakot at nakabalot ang mukha na pumana sa kanilang taksil na tiyo na si Fernando. "Sa oras na malaman ng mga awtoridad na si Se�or Fidel ang nagligtas sa atin tiyak na- " hindi na natapos ni Felicidad ang sasabihin niya dahil bigla siyang napatigil at gulat na napatitig sa mga mata ni Salome nang mapagtanto niya ang isang bagay. "N-nabanggit ba ni se�or Fidel kung sino ang dalawa pang kasamahan niya na nagligtas sa atin noon sa plaza San Alfonso?" tugon ni Felicidad, bakas sa kaniyang mukha at pananalita ang matinding kaba na nararamdaman. Maging siya ay nahihiwagaan at nagtataka kung sino pa ang dalawang lalaking nakasalakot at nakatakip ang mukha na tumulong sa kanila bukod kay se�or Fidel. "Si Se�or Geronimo Flores at Se�or Patricio Montecarlos" sagot ni Salome na mas lalong ikinagulat ni Felicidad. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita at napahawak pa siya sa kaniyang puso nang maramdaman ang biglaang paninikip nito. "Ate Fe..." tawag ni Salome sa kaniyang ate ngunit napatango-tango na lang ito at napapikit. "Ayos lang ako Lumeng... sadyang hindi ko lang inaasahan na itataya rin ni se�or Patricio at se�or Geronimo ang buhay at pangalan nila para sa atin" sagot ni Felicidad. Agad naman siyang inalalayan ni Salome na mahiga saglit sa kama upang makapagpahinga. "Lumeng, sa oras na magkita kayo muli ni Se�or Fidel sabihin mo sa kaniya na lumayo na muna sila nina se�or Patricio at se�or Geronimo sapagkat ang ginawa nilang pagtataksil sa sarili nilang lahi ay hindi palalagpasin ng mga nasa itaas sa oras na malaman nila ang katotohanan. Hindi lang pangalan ng kanilang pamilya at estado ng buhay nila ang nasa peligro kundi maging ang kanilang buhay" patuloy pa ni Felicidad, tanging tango na lamang ang naisagot ni Salome. Alamniyang may punto ang kaniyang ate Fe, nang dahil sa pakikialamnina Fidel, Patricio at Geronimo maging sila ngayon ay nasa peligro na rin. P 40-3 Tulala lang sa daan si Salome habang naglalakad papunta sa paggamutan ng isang kilalang doktor na si Don Epifanio, siya ay isang purong kastila na sa Pilipinas na ipinanganak at lumaki ngunit nakapag-aral siya sa Europa. Nasa edad tatlumpu't walong taon na si Don Epifanio at isa siyang kilalang dalubhasa sa panggagamot. Nagtayo siya ng paggamutan na may dalawang palapag. Kadalasan sa kaniyang mga pasyente ay mga principalia na mga mayayamang pamilya. Mayroon siyang labindalawang mga katulong sa panggagamot at isa na roon si Roselia. Mula nang mamatay ang kaniyang asawa na si Ernesto Aguantar, ginawa niyang abala ang kaniyang sarili at nag-boluntaryo sa paggamutan ni Don Epifanio. Mas lalong nagpadagdag sa hinanakit ng biyudang si Roselia ang hindi inaasahang pagkalalag ng ipinagbubuntis niyang anak nila ni Ernesto makalipas lamang ang ilang araw na pagkamatay nito. "Nariyan ba si Doktor Epifanio?!" tanong ng isang do�a na punong-puno ng alahas ang buong kasuotan. Nakasakay pa ito sa kalesa habang pinapaypayan ng mga tagapagsilbi. Malayo pa lang si Salome sa paggamutan ay rinig na rinig na niya ang sigaw ng matapobreng do�a. "W-wala po do�a, n-nagtungo po siya sa Maynila k-kaninang umaga" kinakabahang sagot ng isa sa mga alalay ng paggamutan (nurse). Nakayuko ang dalaga sa harapan ng do�a na kung umasta ay parang reyna. "Nanggaling pa ako sa Maynila at hindi ko rin siya madadatnan dito?!" sigaw ng matapobreng do�a sabay hampas sa pamaypay na hawak ng tagapagsilbi at kinuha ito. Animo'y ibabato niya ito sa mukha ng dalagang nars ngunit agad humarang si Salome at nasalo niya ang matigas na pamaypay na muntikan nang tumama sa mukha ng dalagang nars. "A-ANONG- " hindi na natapos ng do�a ang kaniyang sasabihin dahil nagulat siya sa mabilis na pagsangga at paghawak ni Salome sa pamaypay. Animo'y parang isang kidlat na biglang sumulpot at walang kahiraphirap na nasalo ang pamaypay gamit lamang ang isang kamay. "Wala po siyang kasalanan. Hindi niya kasalanan na wala ngayon si Don Epifanio at hindi rin niya kasalanan na kayo ay naglakbay pa papunta rito" sabat ni Salome habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng do�a. Nasa edad limampu na ito at sa unang tingin pa lang ay mababakas na ito ay isang kastila. Matangos ang ilong, maputi ang balat at nagtataglay din ng pambihirang ganda kahit pa may edad na ito. Suot ang kulay pula na damit pang-Europa at pulang malaking sumbrero na gawa sa balahibo ng pabo (peacock) umaangat ang karangyaan, kapangyarihan at kagandahan ng do�a. Bigla namang kinuha ng dalagang nars ang pamaypay ng do�a na hawak ni Salome at dali-dali nitong ibinalik P 40-4 ng magalang sa do�a. "P-pasensiya na po at paumanhin sa kaganapang ito" nakayukong tugon ng dalagang nars na balak pa sanang lumuhod sa harapan ng do�a pero agad na itong nagsalita. "Hindi ko palalagpasin ang inasal ng babaeng iyan. Walang galang! Walang modo!" buwelta pa ng do�a habang nakatingin ng masama kay Salome. Hindi naman natinag si Salome at tiningan din siya ng masama nito. Magsasalita pa sana si Salome pero agad na siyang inawat ng dalagang nars. Mabuti na lamang dahil inutusan na ng do�a ang kutsero na patakbuhin ang kabayo. Ngunit bago pa man makaalis ang kalesang sinasakyan nito isang matalimna tingin ang pinakawalan ng do�a kay Salome. "Siguradong ikapapahamak mo ang ginawa mo" biglang tugon ng dalagang nars. Bakas sa tono ng kaniyang pananalita na nag-aalala siya para kay Salome. "Kilala mo ba ang matapobreng babaeng iyon?" tanong ni Salome sa dalaga. Napailing naman ito. "Hindi ko siya kilala ngunit batid ko na kabilang siya sa mga principalia" sagot ng dalaga. Napailing-iling naman si Salome. Pumasok na sa loob ng paggamutan ang dalagang nars at sinundan siya ni Salome. "Nais mo bang maging katuwang din ni Don Epifanio dito sa paggamutan?" tanong pa muli ng dalagang nars at napatigil ito sa paglalakad saka lumingon kay Salome. Halos kasing-edad lang naman ni Salome ang dalagang nars, maputi rin ang balat nito at mapapansin agad na may lahi itong intsik. Sinuri naman ng mabuti ni Salome ang kasuotan ng dalagang nars. Ang kaniyang puting baro't-saya ay nababahiran ng mga mantsa ng dugo. Doon niya napagtanto na ang trabaho ngayon ng kanilang ate Roselia ay hindi biro. Sandaling napalingon si Salome sa paligid. May mga higaan sa bawat sulok na kung saan may mga iilang duguang pasyente ang nagpapahinga. Amoy ng natuyong dugo at ilang matatapang na kemikal at halamang gamot ang umaalingasaw sa loob ng paggamutan. "Pag-isipan mo ng mabuti kung nais mong maging bahagi ng paggamutan na ito hanapin mo lang ako, ako nga pala si Celestina" wika pa ng dalagang nars saka nagtungo sa ikalawang palapag ng paggamutan bitbit ang ilang mga tela at panglinis sa sugat. Nanatili naman doon si Salome sa tapat ng pintuan habang pinagmamasdan ang mga pasyente. Ngayon niya lang rin napagtanto na mainamkung magiging bahagi rin ng paggamutan ang kaniyang inay sapagkat magaling ito sa panggagamot. Ilang sandali pa, natauhan na lang si Salome nang may humawak sa kaniyang balikat. "Oh, Lumeng? Anong sadya mo rito?" tanong ni Roselia na kakababa lamang mula sa ikalawang palapag ng paggamutan. Agad namang inabot ni Salome kay Roselia ang dala niyang bayong na naglalaman ng pagkaing pinadala ng kaniyang inay. "Ipinaabot po ni ina, kumain daw po muna kayo" saad ni Salome. Napangiti naman ng bahagya si Roselia, naghugas ng kamay bago kinuha ang pagkaing dala ni Salome. Nagtungo sila sa likurang bahagi ng P 40-5 paggamutan at doon kumain. Sa likurang bahagi ng paggamutan ay natatanaw nila mula sa di-kalayuan ang bundok Arayat. Maaliwalas ang sikat ng araw at napaka-presko rin ng hangin sa labas. "Pakisabi kay inay Delia na mabuti naman ang kalagayan ko rito, mababait ang mga kasamahan ko rito lalong-lalo na ang aming amo" panimula ni Roselia habang patuloy itong kumakain na animo'y ngayon lang nakakain sa buong buhay niya. Inalok niya si Salome na saluhan siya ngunit tumanggi ito sapagkat nakakain na siya kanina pa at bukod doon ay para sa isang tao lang naman ang dala niyang pagkain. "Si Don Epifanio?" tanong ni Salome. Napatango naman si Roselia at napayuko. Halos mag-iisang buwan na nang magsimulang magtrabaho si Roselia sa paggamutan at halos isang buwan na rin siyang nagsimulang manirahan doon. "Biyudo na si Don Epifanio, napag-alaman namin na namatay sa isang pambihirang sakit ang kaniyang asawa at di-kalaunan ay namatay din ang kanilang anak sa kaparehong sakit na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matukoy" wika pa ni Roselia. Hindi naman agad nakapagsalita si Salome, taimtimniyang pinagmamasdan at inoobserbahan ang kilos ni Roselia na ngayon ay hindi magawang makatingin sa kaniya. "Mabuti ang kalooban ni Don Epifanio, kailanman ay hindi niya kami pinagtaasan ng boses kahit pa madalas kaming magkamali sa pag-alalay sa mga pasyente, pinapahalagahan din niya ang aming kalusugan at hindi niya kami ginigipit sa pagbibigay ng salapi" patuloy pa ni Roselia na kahit punong- puno ng pagkain ang bibig ay patuloy pa ring nagkwekwento. Hindi maialis ni Salome ang titig niya kay Roselia lalo na dahil sa bilis nito kumain, animo'y gutomna gutom. "Akin ngang napapansin na ikaw ay lumulusog ate Roselia" wika ni Salome habang nakatitig pa rin kay Roselia, bigla namang napaiwas ng tingin si Roselia at napatigil sa pagkain. Inilapag niya saglit ang mangkok na hawak saka uminomng tubig. Nang matapos uminomay muli niyang kinuha ang mangkok at nagpatuloy muli sa pagkain "Gaya nga ng sinabi ko hindi pinapabayaan ni Don Epifanio ang aming kalusugan. Madalas niya rin kaming kamustahin- " hindi na natapos ni Roselia ang sasabihin niya dahil biglang napatayo si Salome. "Sa paanong paraan niya kayo hindi pinapabayaan? O mas tama bang sabihin na sa anong paraan ka niya hindi pinapabayaan... ate Roselia?" biglang tanong ni Salome na ikinagulat ni Roselia, nabitiwan niya pa ang mangkok na hawak kung kaya't nabasag at kumalat sa lupa ang laman nitong pagkain. Agad napaluhod si Roselia sa lupa, nanginginig ang kaniyang buong katawan at nagsimulang mamuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. "L-lumeng... pakiusap huwag mo itong sabihin kay Inay Delia at sa mga kapatid mo" pagsusumamo pa ni Roselia at hinawakan niya ang kamay ni Salome. Napapikit na lang sa inis si Salome ngunit hindi niya magawang kumalas sa pagkakahawak ng kaniyang ate Roselia na itinuring na rin nilang kapamilya sapagkat siya ay asawa ng kaniyang kuya Ernesto. "P-paano mo ipapaliwanag kay inay na ikaw ay nagdadalang-tao ngayon?" giit pa ni Salome na mas lalong ikinagulat ni Roselia. Napahugolgol siya bigla at paulit-ulit na humingi ng tawad at nakiusap kay Salome P 40-6 habang nakaluhod sa tapat nito. "H-hindi ko matanggap na isang buwan pa lang nawala si kuya Ernesto ngunit ngayon ay nakahanap ka na ng bago" naiinis na tugon ni Salome at agad niyang hinawi ang luhang namumuo sa kaniyang mga mata. Bumitiw na siya sa pagkakahawak ni Roselia at dali-daling umalis sa lugar na iyon dala-dala ang masakit na katotohanan na ang asawa ng kaniyang pinakamamahal na kuya ay tuluyan nang nakalimot sa pag-iibigan nila. Nang makarating si Salome sa kanilang tahanan dire-diretso siyang nagtungo sa kwarto ni Danilo at doon niya inilabas ang hinanakit na namumutawi ngayon sa kaniyang puso. Kasalukuyang sinasanay ngayon ni Ingkong Lui si Danilo kung kaya't walang tao sa silid nito. Ilang sandali pa, napatigil sa pag-iyak si Salome nang marinig niya ang tatlong katok mula sa pinto. Kasunod niyon ay biglang sumilip si Nay Delia sa pintuan. "Ikaw ba ay ayos lang anak ko?" nag-aalalang tanong ni Nay Delia. Hindi napansin ni Salome na nasa salas kanina ang kaniyang inay nang padabog at dire-diretso siyang pumasok sa bahay at nagtungo sa silid ni Danilo. Hindi naman nakaimik si Salome, batid niyang alamnaman ng kaniyang inay na siya ay umiiyak ngayon kung kaya't nagtaklob na lang siya ng kumot at pilit na pinipigil ang paghikbi at pagsinghot. Naramdaman na lang ni Salome na umupo ang kaniyang inay sa kama at himimas-himas nito ang kaniyang ulo. "Maaliwalas ang kalangitan kanina... ngunit ngayon tila nagbabadya na naman ang ulan" panimula ni Nay Delia saka tumayo at isinarado ang bintana dahil nagsimula nang pumatak ang ulan. Nang maisara na niya ang bintana umupo ulit siya sa kama, sa tabi ni Salome na nakataklob pa rin ng kumot. "Nang ipinanganak kita naalala kong binalot ka kaagad sa makapal na kumot ng iyong itay sapagkat malakas ang ulan noong gabing iyon, animo'y may bagyo na anumang oras ay gigibain ang ating tahanan. Naalala ko rin ang mukha ni Ernesto at Felicidad noong gabing iyon bukod sa nasasabik silang masilayan ang bago nilang kapatid, magkayakap silang umiiyak dahil napakalakas ng ulan at hangin na may kasama pang matinding pagkulog at pagkidlat" patuloy pa ni Nay Delia. Bigla namang napatigil sa paghikbi si Salome, naaninag pa rin niya ang kaniyang ina dahil manipis lang naman ang kumot na nakabalot sa kaniya. "Salome... ang wika ng iyong itay habang yakap-yakap ka niya sa kaniyang bisig at pinagmamasdan. Bagama't hindi pa rin tumila ang pag-ulan nang gabing iyon, Salome na ang ibig sabihin ay 'Kapayapaan' ang nais na ipangalan sa iyo ng iyong itay" dagdag pa ni Nay Delia. Ilang saglit pa, dahan- dahan nang ibinaba ni Salome ang kumot na nakataklob sa kaniyang mukha at isang ngiti mula sa kaniyang ina ang kaniyang nasilayan. "Naalala ko na ganiyan na ganiyan rin kung tumingin ang iyong itay noong wala siyang salapi habang namamasyal kami sa gilid ng ilog Pasig" patuloy pa ni Nay Delia dahilan para biglang mapangiti ng kaunti si Salome dahil magkwekwento na naman ang kaniyang inay nang pagiging mahiyain sa pag- ibig ng kaniyang itay. P 40-7 "Noong binata't dalaga pa kami ng iyong itay... madalas kaming maglakad-lakad sa gilid ng ilog Pasig, kung minsan ay pinapanood namin ang paglubog ng araw sa dalampasigan. Magaling na mangingisda ang iyong itay noong binata pa lamang siya, naalala ko ang una naming pagkikita..." patuloy pa ni Nay Delia at dahandahang sumilay ang kaunting ngiti sa labi ito. "Magtatakipisilimna noon nang pumunta kami ni Ingkong Lui sa daungan sa ilog Pasig upang bumili ng mga isda dahil darating ang mapapangasawa ng aking ate Lita na isang mangangalakal na intsik. Wala na noon ang aming mga magulang sapagkat isa sila sa mga sumali sa pag-aalsa ng aming lahi noong 1643 (Chinese Massacre of 1643). Kinabukasan ang kasal ni ate Lita at isasama na rin siya ng asawa niyang intsik pabalik sa Tsina kaya malungkot kami noon kahit dapat maging masaya kami dahil ikakasal na siya" tugon pa ni Nay Delia. Habang nagkwekwento siya ay parang naroon din si Salome dahil naglalaro ang kaniyang isipan sa detalyadong kwento ng kaniyang inay. "Halos lahat ng tao ay nasa daungan nang araw na iyon upang abangan ang pagdating ng mga bangka ng mga mangingisda na nagpalaot, maulan din nang araw na iyon kung kaya't kaunti lamang ang nangisda... hanggang sa nasilayan naming lahat ang paparating na bangka at nang dumaong na ito sa daungan ay nakipag-unahan din kami ni ingkong Lui na makapili at makabili ng mga nahuling isda sa bangkang iyon... doon ko unang nakita ang iyong itay" dagdag pa ni Nay Delia. "Inaamin ko na naramdaman kong tumibok ang puso ko nang masilayan ko sa kauna- unahang pagkakataon si Fransisco, abala siya noon sa pagbubuhat ng mga banyera ng isdang nahuli nila at hindi ko nagawang maialis ang titig ko sa kaniya, magmula noon palagi na akong sumasama kay ingkong sa pagpunta doon sa daungan at pasimpleng pinagmamasdan mula sa malayo si Francisco hanggang sa isang araw nagkadugtong na rin ang mga linya ng aming kapalaran..." "Inabot ko ang aking bayad sa kaniya ngunit nadulas iyon sa kamay niya at nahulog sa sahig, nakita ko pa nga kung paano namula ang mga psingi niya dahil hindi niya sinasadyang mahawakan ang aking mga kamay nang kunin niya ang isang pilak sa akin... at mula nang araw na iyon naging magkaibigan na kami hanggang sa lumalimang aming pagkakaibigan" "Hindi naman naging madali para sa amin ang lahat dahil tutol si Ingkong Lui na maikasal ako kay Francisco lalo na't nalaman nya na ito ay may dugong maharlika ngunit sadyang matigas ang ulo ko sumama ako kay Francisco at dito sa Pampanga kami unang nanirahan. Nalaman namin na sinundan kami ni Ingkong Lui dito sa Pampanga kung kaya't bumalik na kami ni Francisco sa Tondo doon ko na rin isinilang si Ernesto. Makalipas lamang ang dalawang taon isinilang ko naman si Felicidad at makalipas naman ang tatlong taon ikaw naman ang aking isinilang" patuloy pa ni nay Delia, saka napatigil sa paghimas sa buhok ng anak. "Ang pagsasama namin ng iyong ama ay hindi ganoon ka-perpekto. Ang tao ay nagbabago, ang lahat ng bagay ay nagbabago. Ang kahapon ay kailanman ay hindi magiging katulad ng kinabukasan. At ang tanging panghahawakan mo na lamang ay ang tiwala mo sa taong iyon na kahit siya ay nagbago naroon at naroon pa rin ang dating katauhan niya na nakilala mo" saad pa ni Nay Delia. Sandaling napatigil si Salome. Sa mga salitang binitiwan ng kaniyang ina patuloy na gumugulo sa kaniyang isipan ang pagbabagong nangyari kay Roselia. Posible bang mawala ang pagmamahal ng isang tao? P 40-8 Kinabukasan, maagang nagising si Salome at agad niyang inasikaso ang dalawang malaking palayok na paglalagyan niya ng tubig. kasalukuyan siyang nasa kusina habang pinupunasan ang dalawang palayok nang lumapit ang kaniyang ina sa kaniyang tabi upang sindihan ang pugon. "Kahapon ko pa hindi nakikita na suot mo ang dragon na pang-ipit na ibinigay ko sa iyo anak" wika ni Nay Delia habang abala sa paglalagay ng siga sa pugon. Agad namang napaiwas ng tingin si Salome at hindi nakapagsalita. Batid niyang hindi matutuwa ang kaniyang ina sa oras na malaman nito na ibinigay niya kay Fidel ang dragon na pang-ipit sa buhok. "Ilang dekada na ang pinagdaanan ng palamuti sa buhok na iyon Lumeng. At maaaring minsan na rin itong napasakamay mo" patuloy pa ni Nay Delia sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Muntik pang mabitiwan ni Salome ang palayok dahil sa kaba, mabuti na lamang dahil agad niya itong nasalo. "A-ako po'y magtutungo na sa batis ina habang hindi pa tumitirik ang araw" tugon ni Salome nang hindi tumitingin sa mata ng kaniyang ina at dire-diretso siyang lumabas ng bahay bitbit ang dalawang palayok. Napailing-iling na lang siya at pilit niyang pinakalma ang kaniyang sarili habang naglalakad patungo sa gitna ng gubat kung saan matatagpuan ang malinis na batis upang sumalok ng tubig na kanilang papakuluan at maaaring inumin. Natatakot siya na baka magalit sa kaniya ang kaniyang ina dahil pinamigay niya ang ipinamana nito sa kaniya. Makalipas lamang ang halos isang oras na paglalakbay papunta sa batis, narating na rin niya ang kaniyang paroroonan. Sandali siyang naupo sa gilid ng isang bato at nagpahinga. Doon ay pinagmasdan niya ang sarili niyang repleksyon sa malinaw na tubig ng batis. Napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso sapagkat naramdaman na naman niya ang kakaibang pagkirot nito. Ilang sandali pa, isinawsaw niya ang kaniyang dalawang kamay sa tubig at naghilamos siya ng kaniyang mukha upang makaramdamng lamig at magising ang kaniyang diwa. Maka-tatlong beses niyang inulit ang paghilamos sa kaniyang mukha bago siya nakahinga ng maluwag. Anong nangyayari? Bakit ko nararamdaman ito? Nang aabutin na niya ang dalawang palayok na nasa kaniyang tabi nagulat siya nang biglang may palaso P 40-9 (arrow) na diretsong dumaan sa gilid ng kaliwang tenga niya at tumama sa puno na nasa likuran niya. Ang palasong dumaan sa kaniyang gilid ay humawi sa kaniyang buhok dahil sa bilis nito. "S-SINO KA?!" gulat na sigaw ni Salome at agad niyang kinuha ang piraso ng kahoy na nasa kaniyang paanan. Sing talas ng agila ang kaniyang mga mata nang kilatisin niya ang buong paligid. Ang marahan na hangin ang pilit na humahawi sa mga punong nagsasayawan. Maging ang mga ibon ay hindi mapakali sa paglipad sa iba't-ibang direksyon. Isang matalimna palaso ang agad naaninag ni Salome na papasalubong sa kaniya kung kaya't sing bilis ng kidlat niyang inihakbang ang kaniyang kaliwang paa at kinabig ang isa upang makaikot siya sa ere para maiwasan ang palasong tatama sa balikat niya. Ang matulis na dulo ng palaso ay dumaplis ng kaunti sa baro ni Salome na agad naging sanhi ng pagkabutas ng kaniyang damit sa bandang balikat. Nang tumama ang ikalawang palaso sa puno dali-dali itong hinablot ni Salome at buong pwersa niyang pinaikot sa ere upang tumama pabalik sa pinanggalingan nito. Agad napabitaw sa puno ang isang lalaking nakasuot ng salakot at bumagsak ito sa lupa. May kalayuan ang pinupwestuhan nito kay Salome kung kaya't agad hinablot ni Salome ang isa pang palaso na nakatusok sa puno at buong pwersa niya ulit itong inihagis diretso sa lalaking nakasuot ng salakot na tumama sa dulong bahagi ng baro nito at ang palaso ay tumusok sa lupa. Kung kaya't ang matalimna palaso ay nakatusok sa dulo ng baro nito na nakatusok rin sa lupa dahilan upang hindi na ito makatakbo dahil nakasabit na ang damit nito. Dali-daling kumaripas ng takbo si Salome papunta sa lalaking nakasalakot na nakahiga sa lupa habang hawak-hawak ang balakang nito. Nang matunton niya ito agad niyang hinablot ang salakot at tinanggal ang pulang tela na nakabalot sa mukha nito. Nanlaki ang mga mata ni Salome nang makilala kung sino ang lalaking iyon na ngayon ay nakangisi na sa kaniya. "Hindi ko akalain na magagawa mo akong pabagsakin ng ganito Lumeng" tugon ni Patricio habang nakangisi ng todo. Agad napayuko si Salome at hinila niya ang palaso na nakabaon sa damit ni Patricio at nakatusok sa lupa dahilan upang hindi ito makaalis sa pwesto niya. "P-paumanhin po Se�or Patricio, hindi ko po alamna kayo ang- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil biglang napaupo si Patricio sabay pagpag ng damit nito. Tinanggal na rin niya ang pulang tela na nakabalot sa kaniyang mukha at niluwagan niya rin ang butones sa bandang leeg ng kaniyang damit. "Hindi mo rin alamna isa ako sa tumulong sa inyo" dugtong ni Patricio at biglang napawi ang ngiti nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. "A-alamko pong kayo na ni Se�or Geronimo ang tumulong po sa amin kung kaya't nais ko pong magpasala" hindi na naman natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil biglang napangisi lang si Patricio. Yung tipong ngisi na halatang sarkastiko. "Hindi mo malalaman hangga't hindi sinabi sa iyo ni Fidel. Batid kong siya lang naman ang nakilala mo noong araw na iyon" dugtong pa ni Patricio sabay iwas ng tingin kay Salome. Hindi naman nakapagsalita si Salome at napayuko na lang dahil totoo naman na hindi niya akalain na magagawa rin siyang tulungan ni Patricio maging ni Geronimo. Ilang minuto silang natahimik. Pinaglalaruan na lamang ni Patricio ang palaso sa kaniyang kamay habang P 40-10 nanatili namang nakaupo lang si Salome sa lupa sa tabi niya. "Tama nga siya, ikaw pala ay nagbago na. hindi ka na ang dating Lumeng na hindi kayang manakit ng sinuman. Ngunit ngayon isang simpleng hawak mo lamang sa palasong ito ay makapagdudulot na ng kamatayan sa sinumang tatamaan" pagbasag ni Patricio sa katahimikan habang pinagmamasdang mabuti ang matalimna palaso na hawak niya at pinapaikot-ikot niya ito sa kaniyang kamay. Gulat namang napatingin sa kaniya si Salome "S-sino po ang nagbalita sa inyo se�or?" tanong ni Salome at agad naman siyang napayuko nang tumingin sa kaniya si Patricio. Sa tuwing nakakaramdamsiya ng konsensiya ay hindi niya nagagawang tumingin ng diretso sa mata ng kausap. Muli na namang napangisi ng sarkastiko si Patricio "Hindi ka maniniwala kung sino ang taong iyon na nagbalita sa amin" tugon ni Patricio at tumayo na siya sabay pagpag sa kaniyang kasuotan. "Mula ngayon mag-iingat ka sa mga taong dapat mong pagkatiwalaan Lumeng. Ang tiwala ay hindi basta-basta binibigay sa sinuman kahit pa ang taong ito ay malapit sa iyong puso" patuloy pa ni Patricio sabay hila sa palasong nakatusok sa puno kung saan nakapwesto siya kanina. Napatayo naman si Salome at akmang magsasalita muli ngunit biglang lumingon si Patricio sa kaniya "Sa susunod na pagkakataon batid kong sa puso ko direktang tatama ang palasong ito. Marahil ay tamaan mo na ang puso ko" ngisi muli ni Patricio sabay suot ng salakot sa kaniyang ulo at naglakad na siya papalayo. Hindi naman na siya nagawang tawagin pa ni Salome sapagkat wala na rin namang sasabihin sa kaniya ang dalaga. Akmang babalik na si Salome sa batis nang biglang may narinig siyang nagsalita sa itaas ng isang puno "Kapag tinamaan nga naman ng pag-ibig, ang mga salita ay agad tumitiklop sa sariling bibig" natatawang tugon ni Geronimo Flores na kampanteng-kampante na nakaupo sa matibay na sanga ng puno. "Hindi si Patricio ang pataksil na nagpatama sa iyo ng dalawang palaso kanina" patuloy pa ni Geronimo saka lumingon at ngumiti kay Salome. Katulad ni Patricio ay nakasuot din ito ng salakot. Gulat namang nakatitig sa kaniya si Salome, hindi akalain ng dalaga na ganito makipag-usap sa kaniya ang isang Flores na kailanman ay hindi naman siya pinansin. Agad lumundag mula sa itaas na bahagi ng puno si Geronimo at walang kahirap-hirap itong nakatindig ng maayos sa lupa. Katulad ni Fidel at Patricio, si Geronimo ay nagtataglay din ng pambihirang kagwapuhan at nangingibabaw din ang dugong kastila nito. "Ngayon naiintindihan ko na kung bakit natatangi ang pagtrato sa iyo ng dalawang Montecarlos na iyon. Tunay nga na nagtataglay ka ng pambihirang karikitan" ngisi pa ni se�or Geronimo habang nakatitig kay Salome. Nagulat naman si Salome nang bigla siyang kinindatan ng binata. "Huwag kang mag-alala Binibini... wala akong balak na maki-agaw pa sa dalawang Montecarlos na nahuhumaling sa iyo" tawa pa ni Geronimo saka naglakad papunta sa harapan, napahakbang naman si Salome sa gilid nang kunin ni Geronimo ang kaniyang pana at ipinuwesto ito diretso sa malaking puno na nasa kanilang tapat. Halos dalawang daang metro rin ang layo ng malaking puno ng Mahogany na nakapwesto sa dulo ng batis. Dahan-dahang iniangat ni Geronimo ang kaniyang kamay habang hawak ang pana at buong loob niyang P 40-11 pinagmasdan mabuti ang tutudlain (target). "Nais kong malaman mo Binibini kung sino sa aming tatlo ang nagpakawala ng palaso kahit pa ang aming mga mukha ay nakatago sa likod ng salakot na aming suot" tugon ni Geronimo habang hawak-hawak ng mabuti ang pana, at nang bitawan na niya ang palaso lumihis ito ng landas at tumama sa kabilang puno. "Hindi asintado, lumilihis ang palaso sa oras na pakawalan ito... iyan ang kakayahang taglay sa pagpana ng kaibigan kong si Patricio" ngisi ni Geronimo sabay dukot ulit ng pangalawang palaso na nakalagay sa kaniyang likod. Halos wala namang kurap na nakatitig si Salome sa palasong tumama sa kabilang puno. Biglang naalala ni Salome na ang lalaking pumapana noon na nakapwesto sa tuktok ng bubong ng mga tindahan sa palengke sa tabi ng plaza San Alfonso ay hindi nagagawang asintahin ang mga guardia civil na nagtatakbuhan. Napagtanto ni Salome na ang lalaking iyon ay si Patricio. "Ngayon lamang nagsanay sa pagpana si Patricio kung kaya't hindi pa siya ganoon kabihasa sa paggamit nito" patuloy pa ni Geronimo saka pumwesto ulit upang panain muli ang puno. Makalipas lamang ang ilang segundong konsentrasyon pinakawalan na niya ang palaso na diretsong tumama sa pinaka-gilid ng puno. "Muntikan na. Hindi man ganoon kaasintado ay magagawa pa ring masugatan at tamaan ang tudla (target)... iyan naman ang kakayahang taglay ko sa paggamit ng pana na ito" wika ni Geronimo. Kasabay niyon ang marahan na pag-ihip ng hangin dahilan upang mahawi ang buhok nito. "Matagal na akong tinuruan nito ni ama. Marahil ay alammo namang isang dating miyembro ng hukbo ang aking ama. Ngunit mas bihasa ako sa paggamit ng baril" tugon pa ni Geronimo saka dumukot muli ng palaso sa kaniyang likuran. Naalala ni Salome na ang lalaking nakasuot ng salakot at nakapwesto sa puno na pumana sa kamay ni Heneral Martino na tumagos sa buto nito ay si Geronimo. Bigla namang napahakbang paatras si Salome nang buong pwersang iniangat ni Geronimo ang kaniyang kamay hawak ang pana saka taimtimna pinagduruhan (concentrate) ang malaking puno ng Mahogany mula sa malayo. Nang bitawan niya ang pana ay sing bilis ng kidlat na diretsong tumama ang palaso sa pinakagitnang bahagi ng puno. Nanlaki ang mga mata ni Salome at gulat na gulat siya sa asintadong tama ng palaso sa punong iyon. "Perpekto. Asintado. Walang makakatalo... iyan ang kakayahang taglay sa pagpana ni Fidel Montecarlos" wika ni Geronimo na mas lalong ikinagulat ni Salome. Gulat siyang napatitig muli sa asintadong tama ng palaso sa puno ng Mahogany. Kasabay niyon ay bigla niyang naalala na si Fidel ang lalaking nakasuot ng palaso na asintadong-asintadong pumana sa guardia civil na babaril sana noon sa kaniyang ama sa gitna ng entablado ng plaza San Alfonso. Si Fidel din ang pumana sa mga guardia civil na nagtatakbuhan, maging ang asintadong pagtama ng palaso nito sa taksil niyang tiyo na si Fernando Aguantar. "Sa aming tatlo... si Fidel ang may kakayahang makapatay ng isang tao sa isang tama lamang ng palasong ito" saad pa ni Geronimo sabay ayos ng salakot na suot. Tumalikod na ito at nagsimulang humakbang papalayo ngunit napatigil siya nang magsalita si Salome. P 40-12 "S-sandali Ginoo, nais kong malaman kung bakit niyo nagawang tulungan ang pamilya namin?" tanong ni Salome. Dahan-dahan namang napalingon si se�or Geronimo. "Kung si Fidel at Patricio ay may sapat na dahilan. Para sa akin ang pagtulong sa kaibigan ay higit sa sapat nang dahilan" nakangising sagot ni Geronimo sabay kindat muli kay Salome bago ito tuluyang umalis. Nanatili namang nakatayo lang doon si Salome habang umiihip ang marahan na hangin dahilan upang magsibagsakan ang mga patay na dahon mula sa mga nagtataasang puno sa paligid ng batis. At sa huling pagkakataon muling napalingon si Salome sa palaso na asintadong tumama sa pinakagitna ng puno ng Mahogany. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ni Fidel noong isang gabi... "Hinihiling ko na pakawalan mo ang lahat ng galit na mayroon ngayon sa puso mo at hayaan mong ako ang maghatid ng Kapayapaan sa iyong puso... Lumeng" - Fidel Sa dahas mo rin ba idadaan ang paghahatid mo ng kapayapaan sa puso ko... Fidel? "Para saan ito ate Fe?" nagtatakang tanong ni Salome kay Felicidad nang iabot sa kaniya nito ang isang napakagandang baro't-saya na kulay asul. Abot tenga naman ang ngiti ni Felicidad sabay tanggal sa ipit ni Salome at inayos niya ang buhok ng kapatid. Pinaupo niya ito sa isang maliit na bangkito sa tapat ng kaniyang maliit na salamin. "Magtutungo kayo ni Danilo sa Maynila kasama si Aling Teodora at Ising para sa pagbubukas ng kanilang panciteria roon" tugon ni Felicidad na ikinagulat ni Salome. "Narito si Ising at Aling Teodora?" gulat na tanong ni Salome habang kumikinang ang mga mata nito dahil sa saya. Napangiti naman si Felicidad at napatango-tango. "Matagal na palang narito sa Pampanga ang pamilya nila Ising dahil maging sila ay pinag-iinitan na rin ngayon ni Gobernador Filimon Alfonso at Heneral Martino" sagot ni Felicidad habang dahan-dahang sinusuklay at inaayos ang mahabang buhok ni Salome. "Bakit naman pag-iinitan ang pamilya nila?" "Hindi ba't may lahing intsik din sila Ising at balita ko ay dumarami na ang naninirahang mga intsik sa San Alfonso kung kaya'y hindi na napapalagay ang mga opisyal" sagot ni Felicidad saka nilagyan ng kaunting kulerete sa mukha si Salome. P 40-13 "Isa palang selebrasyon ang aming pupuntahan. Bakit hindi ka sasama ate Fe? Si inay at Julio sasama rin ba sila?" tanong pa ni Salome. Napangiti naman si Felicidad at napailing-iling. "Walang maiiwan dito sa ating tahanan, at nais na lamang ni inay na tapusin ang kaniyang mga tinatahing damit para sa atin. Ako naman ang magbabantay kay Julio at bukod doon napag-alaman ko na narito rin pala sa Pampanga si se�or Patricio. Kasalukuyan silang nanunuluyan nila se�or Fidel at se�or Geronimo sa tahanan ng alcalde mayor" tugon pa ni Felicidad na hindi matago ang kaniyang ngiti at namumulang pisngi nang mabanggit ang pangalan ni Patricio. Hindi naman nakaimik si Salome lalo na kung ang pag-uusapan lang nila ay tungkol kay Patricio na batid niyang nagpapakita ng motibo sa kaniya. At ang ginagawang iyon ng binata ay makakapag-pasakit sa damdamin ng kaniyang ate Fe sa oras na malaman nito. Matapos lamang ang halos isang oras nakahanda na si Salome suot ang bagong-bagong baro't-saya na kulay asul na napag-alaman niyang itinahi pala ng kaniyang ina para sa kaniya. Maging si Danilo naman ay presentableng-presentable tingnan, hubog na hubog ang katawan nito suot ang napakagandang barong tagalog. Isang kalesa ang tumigil sa tapat ng kanilang tahanan. Sakay nito si Aling Teodora, Ising at isang dalaga na agad nakilala ni Salome. "Lumeng! Matagal ko nang hinihintay na makita ka mul!" tuwang-tuwang tugon ni Ising sabay lundag sa kalesa at sinalubong ng malaking yakap si Salome. "Kamusta ka na Lumeng? Mabuti na lang dahil nakakatanggap ako ng lihammula kay Danilo na narito rin pala kayo sa Pampanga" ngiti ni Ising, bigla namang napaiwas ng tingin si Danilo na nasa tabi nila at napakamot pa ito ng ulo dahil sa hiya. Ngunit kahit ganoon ay hindi niya naiwasang mapangiti ng palihim dahil muli niyang nasilayan ang mga ngiti ni Ising at binanggit pa ng dalaga ang pangalan niya. "Alammo namang kahit kailan ay hindi ka matitiis nitong kapatid ko" pang-asar ni Salome kay Ising at Danilo na biglang nagkahiyaan. Agad namang nagmano si Danilo kay Aling Teodora at nagbigay galang kay Ising at sa isa pang dalaga na kasama nila. "Siya nga pala, ngayon mo lang pala nakilala ang aking nakatatandang kapatid na si Celestina" pakilala ni Ising sa dalagang kasama nila na agad namang nagbigay galang sa pamilya Aguantar. Napatulala si Salome kay Celestina nang maalala niya na ito ang dalagang nars na nakausap niya sa paggamutan ni Don Epifanio noong isang araw. Magsasalita pa sana si Salome ngunit nauna nang nagsalita si Aling Teodora "Tayo'y humayo na mga hijo at hija sapagkat mahaba pa ang ating paglalakbay, kailangan nating makarating sa Intramuros bago magtakipsilim" saad ni Aling Teodora kung kaya't agad na sumampa na sa kalesa si Ising, Salome at Danilo. Masaya silang nagpaalamhabang kumakaway kay Nay Delia, Felicidad at Julio na nakatayo sa labas ng kanilang tahanan. Makalipas lamang ang halos dalawang oras na byahe sakay ng kalesa ay narating na nila ang Maynila. halos walang kurap na napatulala si Salome sa napakalaki, napakatibay at napakataas na pader ng Intramuros. P 40-14 Alas-kuwatro pa lamang ng hapon kung kaya't abala ang mga tao maging ang mga kalesa sa paligid. Hindi naman sila nahirapang makapasok sa loob ng Intramuros sapagkat si Aling Teodora ay may panciteriang bubuksan ngayong araw sa loob ng tinaguriang kabisera ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Nagagandahang mga kasuotan ng mga kababaihan na naglalakad sa gilid ng mga calle ang agad pumukaw sa atensyon nina Salome at Ising. Maging ang porma ng mga kalalakihan ay hindi rin nakatakas sa mga mata ni Danilo. Nagtataasang mga istruktura, pagamutan, pamilihan, beateryo, simbahan, mga mansyon at mga Unibersidad at eskwelahan ang agad bumungad sa kanilang paligid. Napakalinis ng bawat calle at sa bawat sulok ay may mga guardia civil na nagbabantay. Mga magagarbong kalesa ang patuloy na naghahari sa gitna ng kalsada. At mga batang paslit na masisiglang naglalaro ang naghahari sa mga plaza. Hindi na nila namalayan na nakarating na pala sila sa panciteria na ngayon ay pagmamay-ari na ng pamilya nila Aling Teodora. "Narito na tayo" nakangiting wika ni Aling Teodora at nagagalak siyang makita ang ligaya sa mga mata ngayon ng magkapatid na Aguantar nna kamakailan lang ay nakaranas ng sunod-sunod na trahedya sa kanilang pamilya. Isang nakakaindak na tugtugan, sayawan, mga palamuti at masigabong palakpakan ang sumalubong sa kanila nang makababa silang lahat sa kalesa. Sinalubong sila ng mga kapwa nila negosyante na may lahing instik na tuwang-tuwa sapagkat magkakaroon na naman ng panibagong negosyo ang kanilang kalahi. Agad namang hinawakan ni Ising ang kamay ni Salome at dali-dali silang nagtungo sa kusina ng kanilang bagong kainan upang makakuha agad ng pagkain. Samantala, nahihiya namang nakasunod sa kanila si Danilo na hindi na mapakali at panay ang pagkamot sa ulo dahil nahihiya siya sa presensiya ni Ising. "Ising, paano na pala ang panciteria niyo sa San Alfonso?" tanong ni Salome kay Ising, inilapit pa ni Ising ang kaniyang tenga sa kaibigan dahil hindi niya ito masyadong marinig dahil sa lakas ng tugtugan sa loob ng kanilang kainan. Kasalukuyan silang nakaupo na ngayon sa pinakadulong mesa dahil halos lahat ng panauhin at bisita ay nagkakasiyahan na ngayon sa gitna. "Nakakalungkot mang isipin ngunit wala na kaming babalikan pa sa San Alfonso" sagot ni Ising at biglang nagbago ang masayang ekspresyon ng mukha nito kanina. "Katulad niyo Lumeng ay hindi rin naging maganda ang sinapit ng kabuhayan ng aming pamilya sa San Alfonso nang sumiklab ang gulo sa plaza noong..." hindi na natapos ni Ising ang kaniyang sasabihin dahil batid niyang magdudulot ng lungkot sa kaibigan sa oras na banggitin niya ang pagkamatay ng tatay at kapatid nito sa plaza San Alfonso. Sandali naman silang napatahimik. Maging sa alaala ni Salome ay hindi pa rin naghihilomang sugat mula sa mapait na karanasan na sinapit nila sa bayan ng San Alfonso noong nakaraang buwan. "Ibig sabihin dito na kayo sa Maynila maninirahan?" sabat ni Danilo na nakaupo sa tapat nila. Napatingin naman sa kaniya si Salome at Ising. Kanina pa nais makisali ni Danilo sa kanilang usapan ngunit sa tuwing ibubuka na niya ang kaniyang bibig ay bigla siyang uunahan ng kaba dahil nasa tapat niya lang si Ising. "Oo, dito na kami maninirahan... Nilong" sagot ni Ising sabay ngiti kay Danilo dahilan upang mapatulala sa gulat si Danilo at bilang namula ang pisngi nito. Ang tawagin siya sa kaniyang palayaw ay labis na nagdulot P 40-15 ng kaligayahan kay Danilo. Animo'y para siyang lumilipad sa ere. "Ikaw ay napaghahalataan Nilong" biglang kantyaw ni Salome sa kapatid na si Danilo dahilan upang mamula ang tenga nito dahil sa hiya at dali-dali siyang napainomng tubig dahil sa kaba. Natawa na lamang si Ising dahil sa kinikilos ng binata. "Saan ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Salome, kanina pa sila naglalakad at naglilibot sa buong Intramuros kung kaya't masakit na ang kaniyang paa suot ang bakya na pinahiramsa kaniya ng kaniyang ate Felicidad. Alas-sais na ng hapon ngunit nag-aagaw dilimpa lamang. Ang langit ay nababalot din ng makapal na ulap kung kaya't marami ang napapatingin sa kalangitan sapagkat mukhang nagbabadya ang ulan. "Baka abutan tayo ng ulan, mabuti pang bumalik na tayo sa panciter- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil biglang kumapit ng mas mahigpit si Ising sa kaniyang braso at naglakad ito ng mabilis dahilan upang mapabilis din ang paglakad niya. "Sandali Ising" reklamo pa ni Salome ngunit patuloy lang sa paghagikhik sa tuwa si Ising habang nakasunod naman sa kanila si Danilo sa likuran. "Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong pa ulit ni Salome habang naglalakad na sila ng mas mabilis. Ang bawat pagtapak ng kaniyang paa suot ang bakya ay mas lalong nagpapabigat sa kaniyang binti. "Babalik tayo sa nakaraan" ngiti ni Ising sabay tingin kay Danilo na napaiwas ng tingin dahil sa kilig. "Anong babalik sa nakara- " hindi na muling natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin at napatigil siya nang makita ang simbahang mula pagkabata ay kaniyang kinagisnan. Ang simbahan ng San Agustin na ngayon ay matibay na nakatayo sa kanilang tapat. Tahimik lang ang buong paligid. Animo'y silang tatlo lamang ang tao roon. May iilang kalesa ang napapadaan ngunit bibihira lamang. "Araw naman ng linggo ngayon ngunit bakit tila walang tao" tugon pa ni Salome sabay lingon kay Ising at Danilo na nakangiti at napaka-kibit balikat pa, halatang may tinatago sila. Magsasalita pa sana si Salome ngunit napatigil siya nang biglang tumunog ng malakas ang kampana dahilan upang mapalingon at mapatingala siya sa tuktok ng simbahan. Sunod-sunod na tunog ng kampana ang umaalingangaw sa buong kapaligiran. Ang bawat paghampas ng tunog nito ay naghahatid ng kakaibang pakiramdamkay Salome. "Ang simbahan ng San Agustin... Iglesia y Convento de San Pablo" natauhan si Salome at gulat na napalingon sa gilid niya. Hindi niya akalain na nasa tabi na niya si Fidel. Nakatingala ito sa tuktok ng simbahan at dahandahang napalingon sa kaniya sabay ngiti. Kasabay ng pagngiti ng binata ang pag-ihip ng marahan na hangin sa paligid dahilan upang mahawi ang buhok P 40-16 nito na tumatama sa kaniyang kilay. Maging ang buhok at kasuotan ni Salome ay dahan-dahang isinasayaw ng hangin. "Hindi ba't ang simbahang ito ang iyong kinalakihan? Ang simbahang ito ay bahagi ng iyong pagkabata at ang nakaraang buhay niyo sa bayan ng Tondo na iyong kinagisnan" wika pa ni Fidel, halos walang kurap namang nakatitig sa kaniya si Salome. Animo'y isang panaginip na hindi niya pa rin magawang paniwalaan. "At kung nagtataka kung paano ko nalaman..." patuloy ni Fidel sabay tingin kay Danilo at Ising na nakatayo sa kanilang likuran at parehong nakangiti ng todo sa kanilang dalawa. "Bukod sa naikwento sa akin ni Danilo na kada-araw ng linggo ay nagsisimba kayo rito. Hindi ka maniniwala Lumeng kung sasabihin kong dito rin sa lugar na ito kita unang nakita" dugtong pa ni Fidel sabay turo sa tapat ng pintuan ng simabahan. Dahan-dahan namang napalingon si Salome sa tapat ng pintuan ng simbahan at kasabay niyon ang pangyayari noong kanilang kabataan ang nanumbalik sa kanilang alaala... "Sampaguita... Sampaguita kayo riyan" masiglang alok ng batang si Salome sa mga taong pumapasok at lumalabas sa simbahan, siya ay halos nasa walong taong gulang pa lamang ngunit hindi hadlang ang kaniyang murang edad upang tumulong na sa kaniyang ina sa paghahanap-buhay. Sa isang gilid naroon nakalatag ang paninda ng kaniyang inay Delia na mga rosaryong purselas (bracelet) na gawa sa kahoy. Katabi ni nay Delia ang batang si Felicidad at Ernesto na abala naman sa paggawa ng mga sampaguitang kuwintas habang si Salome at Danilo naman ang naglalako at nagtitinda ng mga iyon. Sa pagsapit ng eksaktong ala-sais ng hapon ay biglang tumunog ang kampana ng simbahan ng San Agustin. Tanging si Salome lamang ang napatigil sa kaniyang gawain at napalingon sa kampana ng simbahan sa tuktok na bahagi nito. Kakaibang pakiramdam, kakaibang kaba, kakaibang ligaya at pagkasabik ang namumutawi sa kaniyang puso habang patuloy na tumutunog ang kampana. Ilang saglit pa, napatigil si Salome nang makita ang isang batang lalaki na nakatayo sa tapat ng pintuan ng simbahan. Maging ang batang lalaking ito ay napatigil sa kaniyang gawain at napatingala sa tuktok ng simbahan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nagtama ang mga paningin nila. Animo'y isang pamilyar na pangyayari na minsan na rin nilang naranasan. Sa lahat ng tao sa paligid, tanging silang dalawa lamang ang nakakaramdam ng kakaibang saya at lungkot habang ang mga tao ay abala pa rin sa paglalakad, pakwekwentuhan at pagtatawanan. Tanging silang dalawa lang ang nakakaramdam ng hindi maipaliwanag na damdamin na dulot ng tunog ng kampana at ng palitan nang titigan nila sa mata ng isa't-isa. P 40-17 "N-naalala mo rin? I-ikaw ba ang batang lalaking iyon?" gulat na tanong ni Salome kay Fidel na tanging tango at ngiti ang isinagot sa kaniya. "Kakaiba... paano nangyari iyon? paanong pareho nating naalala at naramdaman ang- " hindi na natapos pa ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil biglang humakbang papalapit sa kaniya si Fidel. "Ang tawag doon ay... tadhana" sagot ni Fidel at muli siyang humakbang papalapit kay Salome dahilan upang mapatingala si Salome sa kaniya sapagkat matangkad ang binatang nasa tapat niya. "Mula rito sa kinatatayuan mo at mula doon sa kinatatayuan ko..." patuloy pa ni Fidel sabay turo muli sa tapat ng pintuan ng simabahan. "Mula sa magkalayong distansya at agwat natin sa isa't-isa... narito ang dalawang pa-krus na linya ng isang talangguhit (graph)" saad ni Fidel sabay guhit ng isang linya sa lupa na humahati sa pagitan nilang dalawa ni Salome. "Magmula sa talangguhit (graph) na ito, magkakaroon ng isang linya na magdudugtong sa ating dalawa. Ngunit ang kabaliktaran nito ay ang tinatawag na asimptota na kung saan ang dalawang linya na pilit na pinaglalapit ay hindi pa rin nagagawang magdugtong sa bandang huli kahit anong pilit" dagdag pa ni Fidel, nagulat si Salome nang biglang tapakan ni Fidel ang linyang ginuhit nito sa lupa at binura ito gamit ang kaniyang sapatos habang nakatitig pa rin ng maigi sa mga mata ng dalaga. "At kung magkagayon, kung patuloy pa ring manaig ang asimptota sa ating kapalaran... asahan mo na kung hindi man ngayong panahon magdugtong ang ating linya, kung hindi man ngayong panahon magwakas ng masaya ang kwento nating dalawa... ipinapangako ko sa iyo na patuloy kung nanaisin na mabuhay ng paulitulit upang muling makita at makapiling ka" pagtatapat ni Fidel habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Hindi rin magawang alisin ni Salome ang pagkakatitig sa mga mata ng binatang nasa harapan niya. Bagama't hindi niya masyadong maunawaan ang linyang tinutukoy nito sa buhay at kapalaran nila kahit ganoon ay nararamdaman pa rin niya ang na tinutukoy nito ay ang pag-iibigan nila. Tahimik at taimtimlang na nagdadasal si Ising sa tabi ni Salome habang si Salome naman ay hindi mapakali dahil patuloy na bumabagabag sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Fidel kanina. Maging ang panunumbalik ng alaala ng kanilang kabataan na halos labing-isang taon nang nakararaan. Nasa loob sila ngayong ng simbahan ng San Agustin. Nakaupo naman sa kanilang likuran si Fidel at Danilo sapagkat hindi maaaring magtabi ang babae at lalaki sa pag-upo lalo na sa loob ng simbahan. Ilang saglit pa, nagpaalamsandali si Ising na pupunta siya sa palikuran sasamahan dapat siya ni Salome ngunit tumanggi ito. Ilang segundo pa lang nakakaalis si Ising ay nagpaalamna rin si Danilo at sinundan ang dalaga. Mukhang buong tapang niyang kakausapin ito kung kaya't natawa na lang si Fidel. Walang misa ngayon kung kaya't tanging mga nag-rorosaryo at mga nagdarasal lamang ang nasa loob ng simbahan. Napasandal naman si Salome sa kaniyang upuan ngunit nagitla siya nang biglang magsilat ng pabulong si P 40-18 Fidel sa kaniyang likuran. "Ano ang iyong dasal?" pilyong tanong ni Fidel kay Salome. Para namang nabalot ng kuryente si Salome nang maramdaman ang mainit na hininga ng binata mula sa likod ng kaniyang batok. Napalingon naman si Salome sa kaniya ngunit napaiwas ulit ng tingin upang itago ang ngiti nito. "Hindi ko sasabihin" pilyang sagot ni Salome dahilan upang mapangiti si Fidel, ngiting nagpapasingkit sa kaniyang mata. "Batid kong ipinagdarasal mo na ikaw ay maikasal sa lalong madaling panahon" kantyaw pa ni Fidel sa dalaga. Simpleng kantyaw lang ito ngunit para kay Fidel ay nais na niyang alukin ng kasal si Salome. "Nasa wastong edad na nga ako upang ikasal ngunit hindi pa ako handa, marami pa akong pangarap na gustong maisakatuparan" sagot ni Salome, napatango-tango naman si Fidel at pasimple niyang sinulyapan ang dalaga ngunit nang tumingin ito sa kaniya agad siyang napaiwas ng tingin ngunit ang ngiti sa kaniyang labi ay hindi na mapawi. "Katulad ng anong pangarap? Oo nga pala hindi na natin natapos ang pagtuturo ko sa iyo ng wikang Espanyol, maging ang pagbabasa at pagsusulat ng alpabeto sapagkat hindi ka sumisipot sa ating klase" tugon ni Fidel, agad namang napalingon sa kaniya si Salome sabay kunot ng noo nito. "Naging abala ka kasi kasama si se�orita Eleanor kung kaya't hindi mo na kami napapansin" giit ni Salome sabay talikod sa binata. Natawa naman si Fidel dahil mukhang nagseselos si Salome. Kung kaya't muli niyang nilapit ang kaniyang mukha sa likod ng dalaga at bumulong ulit siya. "Magkaibigan lang kami ni Eleanor. Bagama't pilit siyang ipinagkakasundo sa akin ng kaniyang tiyo at ama, batid nilang hindi nila mapapangunahan ang desisyon ko" paglalambing pa ni Fidel na agad namang ikinatunaw ni Salome pero hindi niya pinahalata sa binata na napangiti siya dahil sa sinabi nito. "Kung kaya't sabihin mo na sa akin na nais mong ikasal sa aki- " hindi na natapos ni Fidel ang sasabihin niya dahil biglang lumingon si Salome sa kaniya habang nakakunot noo pa rin ito. "Gaya nga ho ng sabi ko sa inyo se�or may pangarap pa akong nais na makamtan" saad ni Salome, napahinga naman ng malalimsi Fidel. "Bueno, ano ang pangarap na iyan na nais mong makamtan bago tayo magpakasal?" diretsong tanong ni Fidel na ikinagulat ni Salome. Ilang segundo siyang napatulala sa binata, hindi niya inaasahan ang pagpapakasal na sinasabi nito. At ngayon parang hindi na maawat ang pagdaloy ng kuryente sa buong katawan niya. Maging ang pag-iinit at pamumula ng kaniyang pisngi ay hindi na rin niya maitago. "N-nais ko sanang maging kaagapay sa paggamutan ni Don Epifanio o sa kahit anong p- paggamutan" sagot ni Salome sabay iwas ng tingin sa binata. Napahawak na lang siya sa kaniyang puso na ngayon ay dumadagundong na sa lakas ng kabog. Napaisip naman ng mabuti si Fidel at napasandal sa upuan. "Nais mong maging bahagi ng paggamutan?" tanong niya pa. sandali namang napasulyap sa kaniya si Salome at napatango-tango. Napatitig na lang si Fidel kay Salome at namalayan na lang niya na napangiti siya dahil sa pangarap at ambisyon ng babaeng sinisinta. "Bueno, kung magiging bahagi ka ba ng paggamutan ay maari ka na ring magpakasal?" tanong pa ulit ni Fidel sabay ngiti. Napalunok naman si Salome at napatakip sa mukha niya na ngayon ay pulang-pula na. P 40-19 "M-magpapakasal lamang ako kung dito mismo sa simbahang ito ako ikakasal" giit pa ni Salome dahilan para mas lalong mapangiti si Fidel at muli niyang inilapit ang mukha niya sa likod ng dalaga. "Dito sa simbahang ito?" tanong muli ni Fidel, napatango-tango naman sa hiya si Salome. "Masyado mang mataas ang ambisyon kong maikasal sa simbahang ito ngunit mula pagkabata talaga ay pangarap ko nang maikasal dito. Minsan lang ikasal ang isang binibini na tulad ko kung kaya't dapat ay pinaghahandaan talaga iyon ng ginoo... na tulad mo" diretsong sagot ni Salome, agad siyang nagtakip ng abaniko sa mukha dahil batid niyang sobrang nakakahiya ang kaniyang sinabi lalo na ngayong halos mapunit na ang mukha ni Fidel sa sobrang ngiti habang nakatitig pa rin sa kaniya. "Kung gayon... nawa'y paghandaan na sana ng binibining katulad mo na maikasal sa lalong madaling panahon sa simbahang ito sa lalaking... katulad ko" wika ni Fidel, maging siya ay napaiwas na rin ng tingin at pasimpleng napatakip sa mukha dahil sa pamumula ng kaniyang pisngi. "Saan kayo nanggaling? Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Salome kay Danilo at Ising na magkasama ngayon sa labas ng simbahan ng San Agustin. Agad naman silang napaiwas ng tingin at napahakbang palayo sa isa't-isa. "N-naisipan kasi naming maglibot-libot sandali dito sa labas" palusot ni Ising. Napatango-tango naman si Danilo. "Kaya hindi niyo kami sinabihan upang makapag-solo kayong dalawa" buwelta ni Salome na ikinawindang ni Ising at Danilo. Nasamid pa si Danilo sa sarili niyang laway dahil sa matinding pagkabigla. "Nais niyo bang mamasyal dito?" tanong ni Fidel, napatango-tango naman si Ising at Danilo. "Bueno, ito na lang ang kapalit ng pagtulong niyo sa akin na isama dito sa Maynila ang aking nobya" sagot ni Fidel kay Ising at Danilo. Gulat namang napalingon sa kaniya si Salome lalo na dahil sa pagtawag nito sa kaniya na 'nobya' Magsasalita pa sana si Salome ngunit biglang tumingin sa kaniya si Fidel habang nakangiti ito ng pagkatamis-tamis sabay kindat dahilan upang maistatwa na lang si Salome sa kinatatayuan niya. Nagtungo sila sa pamilihan ng mga damit, palamuti at mga mamahaling mga gamit sa bahay. Halos kumikinang ang mga mata ni Ising at Salome habang isa-isang pinagmamasdan ang nagagandahang palamuti na nasa kanilang harapan. P 40-20 Madilimna ang gabi ngunit maliwanag ang buwan at napakaraming mga sulo at gasera ang nakakalat sa buong sulok ng Intramuros kung kaya't maliwanag ang paligid. Napakarami ring tao ang namimili sa pamilihang kinaroroonan nila at kadalasan ay mayayamang mga principalia. Napakaganda ng suot na baro't-saya na kulay asul ni Salome kung kaya't hindi siya napagkakamalan na kabilang sa mababang antas. Gayon din si Ising napaka-garbo ng suot nitong kulay dilaw na baro't-saya. Sa kabilang banda, hindi naman maalis ni Fidel at Danilo ang titig nila kay Salome at Ising habang abala ang mga ito sa pagtinging-tingin sa mga panindang palamuti. Ang mga pasimpleng sulyap ay naghahatid ng kakaibang kilig sa dalawang binata. Nang makalabas sila sa pamilihang iyon, tuwang-tuwa si Ising sapagkat binilhan siya ni Danilo ng isang kuwintas na gawa sa pilak. May kamahalan ito ngunit para kay Ising ay gagawin ni Danilo ang lahat. Samantala, wala namang imik na lumabas si Salome sa pamilihan habang pinagmamasdan ang tuwang-tuwang si Ising at Danilo na nauna nang naglalakad sa kanila. Hindi maiwasang madismaya ni Salome sapagkat si Ising na hindi naman kasintahan ni Danilo ay nagawa nitong bigyan ng regalo ang dalaga. Ngunit ang lalaking nasa tabi niya na si Fidel ay wala man lang binili para sa kaniya. Hindi naman sa umaasa ngunit hindi niya mapigilang umasa lalo na kanina habang namimili sila. "Napakaganda ng buwan, hindi ba?" panimula ni Fidel habang naglalakad sila sa isang calle kasunod ni Ising at Danilo na kanina pa nagtatawanan at nagngingitian sa isa't-isa. Napakunot naman lalo ang noo ni Salome at napatingala sa kalangitan kung saan naghahari ang kabilugan ng buwan. "Wala akong nakikitang maganda sa buwan na iyan" pagsusungit ni Salome at binilisan niya ang paglakad niya para habulin sina Ising at Danilo ngunit nasabayan pa rin siya sa paglakad ni Fidel dahil mahahaba ang binti nito samantang maiiksi lamang ang kaniya. Mas lalo siyang nainis sapagkat ngingisi-ngisi lang si Fidel habang ang kamay nito ay nasa kaniyang likuran. "Salome... Salome... sa tuwing binibigkas ko ang pangalang iyon hindi ko mawari kung bakit naghahatid ito ng kakaibang pagpintig ng puso ko" hirit pa ni Fidel ngunit mukhang hindi naman tumalab kay Salome na ngayon ay hindi pa rin siya pinapansin. "Sa lahat ng salita na aking nababatid ang pangalan mo ay tulad ng isang malambing na himig na sa akin ay hatid" tugon pa ni Fidel, unti-unti namang nawala ang kunot sa noo ni Salome dahil sa pinagsasabi ng binata. Hindi na naman tuloy siya ngayon makatingin sa kaniya. "Nais kong malaman mo na ang pangalan mo ang pinakapaborito kong ulit-uliting sambitin at marinig" dagdag pa ng binata, napalingon naman sa kabilang direksyon si Salome dahil hindi na niya mapigilang mapangiti, ayaw niyang makita ni Fidel na tumatalab sa kaniya ang pinagsasabi nito. Pasimple naman siyang sinulyapan ni Fidel at inakala nitong nagtatampo pa rin ang dalaga sa kaniya kaya napahinga na lang siya ng malalimat muling nagsalita. "Kanina sa pamilihan naghahanap ako ng pinakamagandang palamuti na babagay sa iyo ngunit wala akong nasumpungan" saad ni Fidel, hindi naman siya pinansin ni Salome at nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Batid ng binata na nagtatampo ang dalaga sa kaniya. "Wala akong nasumpungan doon dahil matagal ko na palang nasumpungan ang pinakamagandang palamuti na P 40-21 babagay sa iyo" patuloy pa ni Fidel at bigla itong napatigil sa paglalakad dahilan upang magtaka si Salome at mapalingon sa kaniya. Isang nakakatunaw na ngiti ang sumalubong kay Salome mula kay Fidel at nang humakbang ito ng tatlong beses papalapit sa kaniya, tanging tibok ng puso na lamang niya ang kaniyang naririnig. Dahan-dahang dinukot ni Fidel ang isang bagay mula sa kaniyang bulsa. Nanlaki ang mga mata ni Salome nang makita na ang bagay na iyon ay ang dragon na pang-ipit na bigay ng kaniyang ina ngunit isinuko niya kay Fidel noong isang gabi. Maingat na itinusok ni Fidel sa naka-pusod na buhok ni Salome sa likod ang dragon na pang-ipit na iyon. halos walang kurap namang nakatitig si Salome sa mukha ng binata lalo pa't katapat na niya ang leeg nito. "Ibinabalik ko na sa iyo ang palamuti na ito, ngunit nais kong ipangako mo sa akin na hindi dadaloy ang dugo mula sa patalimna pang-ipit na ito" wika ni Fidel sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Isang tango na may halong pagsilay ng ngiti ang tanging naisagot ni Salome sa binata. At sa pagkakataong iyon, nakahinga na ng maluwag si Fidel sapagkat batid niyang hindi na muling gagamit ng dahas ang dalagang sinisinta. Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad, napadaan sila sa 'Palacio del Gobernador' ang malaking mansyon na gawa sa bato na tahanan ng Gobernador-Heneral. Napakaraming mga bantay at kawal na nakapalibot sa labas ng himpilan. Bigla namang napatigil sa paglalakad si Salome dahilan upang mapalingon sa kaniya si Fidel. "May problema ba Lumeng?" tanong ng binata at sinundan niya ng tingin ang 'Palacio del Gobernador' na tinititigan ngayon ni Salome. Palacio del Gobernador Maging si Ising at Danilo ay napatigil na rin sa paglalakad at napalingon sa kanilang dalawa. "Wala... naalala ko lang ang kwento sa akin noon ni itay na matatagpuan ang Palasyo at Kaharian sa loob ng malaking pader na ito ng Intramuros" saad ni Salome habang nakatitig pa rin sa istrukturang iyon. Ang 'Palacio del Gobernador' ay ang unang naging tahanan at himpilan ng Gobernador-Heneral ngunit nang nasira ito ng isang malakas na lindol noong 1863. Kung kaya't matapos ang pagkasira ng 'Palacio del Gobernador' sa intramuros noong 1863 lumipat na ng tirahan ang Gobernador-Heneral sa Malaca�ang. "Ang tunay na Hari, Reyna, Prinsipe at Prinsesa ay napalitan na ng bagong kaharian na ito" patuloy pa ni Salome habang nakatitig ng mabuti sa 'Palacio del Gobernador'. Ngayon naiintindihan na niya ang nais na ipahiwatig ng kaniyang ama sa ikinwento nito noon sa kaniya. P 40-22 "May namamagitan na ba sa inyo ni Nilong?" nakangising tanong ni Salome kay Ising nang makalabas ito sa palikuran. Kakatapos lamang ni Ising maligo at magpalit ng damit pangtulog habang si Salome ay kanina pa nakahiga sa kaniyang kama. Sa ikalawang palapag ng panciteria nila Ising matatagpuan ang kanilang bahay. Maliit lamang ito ngunit kasya na ang kanilang buong pamilya. At ngayong gabi ay sa kanilang tahanan muna makikitulog si Salome at Danilo dahil gabi na. Hindi naman nakapagsalita si Ising at bigla itong namula sa hiya. Dali-dali siyang lumundag sa kama at nagtaklob ng unan sa mukha. "Patawad Lumeng sadyang hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko sa iyong kapatid" pag-amin ni Ising habang nakatalob ng unan sa mukha. Natawa naman si Salome at bigla niyang pinaulanan ng kiliti ang kaibigan. "Sinasabi ko na nga ba bibigay ka rin sa kapatid kong iyon!" pang-asar pa ni Salome kay Ising na ngayon ay pumipiglas sa pangingiliti niya. Nabalot ng ingay at tawanan ang buong kwarto at napatahimik sila nang biglang kumatok ang nakatatandang kapatid ni Ising na si Celestina at sinuway sila. "Malalimna ang gabi, natutulog na ang iba nawa'y tumahimik kayong dalawa" suway ni Celestina sa dalawang magkaibigan. Napatango-tango naman si Salome at Ising sa kaniya at nang isara nito ang pinto napahagikhik na lang silang dalawa. "Basta masaya ako at tiwala ako na aalagaan mo ang puso ng kapatid ko. May pagka- masungit man si Danilo ngunit sa aming lahat siya ang may pinaka-malambot na puso" tugon ni Salome kay Ising. Napatango-tango naman si Ising at napatakip sa mukha niya dahil sa kilig. Nagsimula namang bumanat si Ising at inasar-asar naman niya si Salome kay Fidel kung kaya't si Salome naman ngayon ang halos mamatay sa pamumula ng pisngi. Ginaya-gaya pa ni Ising ang boses at kilos ni Fidel kung kaya't nabalot muli ng tawanan at asaran ang kanilang buong silid. Kinabukasan, maaga pa lang ay bumyahe na si Salome at Danilo sakay ng isang kalesa pabalik sa Pampanga. Naiwan naman sa Maynila sina Ising at ang buong pamilya nito sapagkat doon na sila maninirahan. Samantala, hindi naman makakasabay sa kanila pabalik sa Pampanga si Fidel dahil may importanteng salosalo itong dadaluhan sa Maynila. Maaliwalas ang kalangitan at napakabango ng simoy ng hangin habang mabilis na tinatahak ng sinasakyan nilang kalesa ang daan pabalik sa Pampanga. Kasalukyan silang napadaan sa isang malawak na palayan. Abala si Salome sa pagmamasid sa buong paligid, naalala niya bigla ang bayan ng San Alfonso. "Ate Lumeng..." tawag ni Danilo na nakaupo sa tabi niya. Agad siyang napalingon sa kapatid at laking gulat P 40-23 niya nang makita ang hawak nitong isang makapal na kuwaderno. "Para sa iyo ate Lumeng" wika pa ni Danilo sabay abot sa kaniyang ate ng bagay na iyon. Napakurap-kurap naman si Salome at hindi siya makapaniwala na bibigyan siya ng ganoon ni Danilo na kilala niyang kuripot at palagi siyang sinusungitan. "Isa iyang talaarawan kung kaya't huwag mong sayangin ang bawat pahina niyan" paalala pa ni Danilo, napaayos naman ng upo si Salome at dahan-dahang binuklat ang talaarawan na bigay sa kaniya ng kaniyang kapatid. Napatigil si Salome nang makilala ang sulat-kamay na nakasulat sa unang pahina ng talaarawan. Ako si Salome at ito ang kuwento nating dalawa... "Sandali! parang namumukhaan ko ang sulat na ito ah, sa aking kuwaderno ito" tugon ni Salome sabay tingin ng masama sa kapatid na ngayon ay tatawa-tawa na lang. "Ikaw talaga Nilong! Akala ko pa naman binilhan mo ako ng bago" reklamo pa ni Salome at isinara na niya ang talaarawan na kung saan iyon pala ang kuwaderno na dati niya pang pagmamay-ari. "Naubos kasi ang aking salapi nang bilhan ko ng pilak na kuwintas si Ising kagabi kung kaya't naisip kong pagandahin at dagdagan ng maraming pahina upang kumapal ang iyong kuwaderno at magmukha itong talaarawan" saad ni Danilo sabay kamot sa ulo. Bigla namang lumambot ang puso ni Salome. Napangiti siya dahil nagawa pang pagbuhusan ng oras at pagod ni Danilo ang pagsasaayos ng kaniyang kuwaderno. "Magagamit pa naman iyan, sayang lang kung bibili pa tayo ng bago, tingnan mo may nakasulat pa na baybayin sa harap oh" saad pa ni Danilo sabay turo ng titulo na nakasulat sa pinakaharap na bahagi ng talaarawan. Filipinas 1688 "Bukod doon nariyan din ang sulat-kamay ni Se�or Fidel at ang mensahe niya para sa iyo" pang-asar pa ni Danilo sabay tawa dahilan upang biglang nanlaki ang mga mata ni Salome at agad niyang binuklat ang talaarawan sa bahagi kung saan may isinulat noon si Fidel dito. "Rezo para que nos encontremos en una situaci�n diferente, donde no hay nadie que pueda evitar que nos enamoremos" (I pray that we find ourselves in dif erent situation, where there is no one who can stop us from falling inlove) nakangising wika ni Danilo sabay halakhak. Agad namang hinamapas-hampas ni Salome ang balikat ng kapatid dahil walang pahintulot na binasa ni Danilo ang nakasulat doon at inaasar-asar siya nito. "Aray!" reklamo pa ni Danilo sabay agaw kay Salome ng talaarawan. "Naiintindihan mo ba ang ibig sabihin ng mga salitang iyon sa wikang Kastila ate?" tawa pa ni Danilo, batid niyang hindi iyon naiintindihan ni Salome dahil naudlot noon ang pagtuturo sa kaniya ni Se�or Fidel. Mabuti na lamang dahil natutong makaintindi ng wikang Espanyol si Danilo kung kaya't isinalin niya iyon sa wikang tagalog "Ipinagdarasal ko na muli nating matagpuan ang isa't-isa sa ibang sitwasyon, na kung saan walang sinuman ang makahahadlang sa ating pagmamahalan" tugon ni Danilo, bigla namang napatigil si Salome sa paghampas sa kapatid at napatitig sa mga letrang nakasulat doon sa kaniyang talaarawan. P 40-24 Maging si Danilo ay napatigil din at napatulala sa mga letra. "Bakit tila may nais ipahiwatig si Se�or Fidel sa mga katagang ito?" nagtatakang tanong ni Danilo sabay tingin sa kaniyang ate. Hindi naman maalis ni Salome ang pagkakatitig sa mga letrang iyon at bigla ulit siyang nakaramdamng kakaibang kirot sa kaniyang puso. "Kung iisiping mabuti, tila may ideya si se�or Fidel sa mga mangyayari" saad pa ni Danilo at bigla siyang napasandal sa kaniyang kinauupuan. Sandali niyang ipinikit ang kaniyang mata upang makapag-isip ng mabuti. sa kanilang magkakapatid, si Danilo ang pinaka-matalino sa kanilang lahat. Ilang sandali pa muli na niyang iminulat ang kaniyang mata at bigla siyang napatingin kay Salome "Ate Lumeng, naniniwala ka ba sa muling pagkakatawang tao? (Reincarnation)" seryosong tanong ni Danilo kay Salome. Bigla namang napakunot ang noo ni Salome. "Minsan na rin iyong nasabi sa akin ni inay lalo na dahil mananampalataya pa rin siya ng kinagisnan niyang relihiyon ngunit imposibleng mangyari ang muling pagkakaktawang tao" sagot ni Salome, napatango-tango naman si Danilo. Batid niyang imposible ngang mangyari iyon. Sandali silang napatahimik. Kinuha na lang ulit ni Salome ang talaarawan na hawak ni Danilo. "Maraming Salamat nga pala dito, hindi ko akalaing bibigyan mo ako ng regalo dahil ikaw ang pinaka-pilyo kong kapatid" tugon ni Salome at ginulo niya ang buhok ni Danilo dahilan upang mainis ito at magreklamo. Natawa na lang si Salome dahil naiirita na si Danilo dahil sa ginagawa niyang panggugulo sa buhok nito kung kaya't agad gumanti si Danilo at kiniliti niya ang kaniyang ate. "Kung totoo nga ang muling pagkakatawang tao nais kong ikaw pa rin ang maging ate ko upang makaganti ako sayo" tawa pa ni Danilo at hindi na niya tinantanan ng kiliti ang kaniyang ate. Hindi na rin magkamayaw sa kakatawa si Salome habang umiiwas sa kiliti ng kaniyang kapatid. Napapalingon na lang sa kanila ang kutsero ng kalesang sinasakyan nila at maging ito ay natatawa sa kulitan ng dalawang magkapatid na Aguantar. Dumaan ang halos isang linggo at patuloy na sinasanay ni Ingkong Lui si Salome at Danilo. Madalas din silang panoorin ni Inay Delia, Felicidad at Julio. Ipinangako rin ni Ingkong Lui na sa susunod na taon ay si Julio naman ang tuturuan niyang lumaban. Samantala, gusto man ni Felicidad matuto ngunit mahina ang kaniyang puso kung kaya't hindi niya kakayanin ang pag-eensayo. Buwan na ng Enero ngunit malamig pa rin ang ihip ng hangin lalo na sa gabi. Naalimpungatan si Salome sa kalagitnaan ng hatinggabi dahil sa lamig ng hamog na pumapasok sa kanilang bahay. Dahan-dahan siyang bumangon at nakita niya ang isang bintana malapit sa salas ang nakabukas. Napatingin siya sa kaniyang ate Felicidad na ngayon ay mahimbing na natutulog. Nasa kabilang kama naman natutulog ang kaniyang inay at kapatid na si Julio na magkayakap pa. Samantala, sa tapat naman ng kanilang kwarto malapit sa salas natutulog si Ingkong Lui. Walang pintuan ang kanilang kwarto dahil hindi pa ito nagagawa ni Danilo kung kaya't tumatagos ang lamig mula sa bintana ng salas. P 40-25 Kinusot muna ni Salome ang kaniyang mata saka bumangon sa kama at naglakad papunta sa salas upang isara ang naiwang bintana na bukas na bukas. Dahan-dahan pa siyang naglakad papunta roon upang hindi magising si Ingkong Lui na ngayon ay humihilik pa at mahimbing din ang tulog. Nang maisara na niya ang bintana agad niyang pinagpagan ang kaniyang kamay. Babalik na sana siya sa kanilang silid nang mapatingin siya sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Danilo. May isang papel na nakaipit sa pinto nito. Dahan-dahang humakbang si Salome papalapit sa pinto, kinuha niya ang nakasuksok na papel at binasa ito... Patawarin niyo ako. Hindi ko na nagawang magpaalam pa ng maayos sapagkat wala ng oras. Nabalitaan ko na ginahasa ng dalawang guardia civil si Ising noong isang gabi at ngayon ay itatakas ko siya. Magtutungo kami sa malayong lugar malayo sa mga hayop na lumapastangan sa kaniya. Hinahanap na siya ngayon ng mga opisyal at hindi ako makapapayag na makuha nila siya sa akin. Nawa'y maintindihan niyo sana ang desisyon kong ito. Ina, Ingkong Lui, Ate Fe, Ate Lumeng at Julio patawarin niyo ako at palagi niyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo. Nagmamahal, Danilo Gulat na nabitawan ni Salome ang papel na iyon. Parang biglang nabalot ng napakalamig na tubig ang kaniyang buong katawan. Gigisingin na sana niya sina Ingkong Lui at ang kaniyang ina at mga kapatid ngunit napatigil siya at muling napalingon sa lihamna iniwan ni Danilo. Agad niyang binuksan ang kwarto ng kapatid at hinalughog ang gamit nito. Wala na karamihan sa mga damit nito maging ang tampipi na sisidlan ng kaniyang mga gamit. Kasabay niyon ay biglang narinig ni Salome ang mga yapak ng kabayo mula sa labas ng kanilang tahanan. Dahan-dahan siyang sumilip sa maliit na uwang sa bintana ng kwarto ni Danilo at doon ay nakita niya ang rumurondang mga guardia civil na nagtatawanan at naghahagisan pa ng mga alak. Sa oras na mahuli ng mga naglilibot na mga guardia si Ising at Danilo siguradong mapapahamak sila! Agad napalingon si Salome kay Ingkong Lui at nay Delia na mahimbing pa ring natutulog. Nais niyang ipaalamsa mga ito ang ginagwang pagtakas ni Danilo ngunit batid niyang parehong matanda na ang kaniyang ina at tiyo. At bukod doon mas lalong makakalikha ng ingay kung tatlo pa silang maabutan ng mga guardia sa labas. Muling binuksan ni Salome ang bintana sa salas. Mukhang doon dumaan si Danilo dahil nakasarado ang bahay at na kay Ingkong Lui ang susi. Pinagmasdan niyang mabuti ang labas ng bintana. Maliwanag ang buwan kung kaya't kitang-kita niya ang paligid. Agad napansin ni Salome ang dalawang bakas ng yapak ng paa na bumaon sa lupa na nasa tapat ng kanilang bintana. Pinagmasdan pa iyon ng mabuti ni Salome at doon niya napagtanto na ilang minuto pa lang nakaalis P 40-26 si Danilo dahil hindi pa naninigas sa putik ang bakas ng yapak ng paa nito. Napapikit na lang sa kaba si Salome. Buo na ang kaniyang desisyon, hindi niya hahayaang mapahamak ang kapatid maging ang kaibigang si Ising. At hindi niya rin gustong madamay pa si Ingkong Lui at ang kaniyang ina kung kaya't dali-dali siyang bumalik sa kwarto nila upang kunin ang kulay itimna talukbong (hood) na pagmamay-ari ng kaniyang Ingkong Lui. Dali-dali rin niya pinusod ang kaniyang buhok saka isinusok doon ang dragon na pangipit. Kinuha rin niya ang isang itimna panakip sa mukha upang itago ang kaniyang katauhan. Nang mapadaan siya sa salas kinuha niya ang isang gasera saka binuksan ang bintana. Walang kahirap-hirap na nakalundag si Salome papalabas ng bintana at dahan-dahan niya iyong isinara. Agad na sumalubong sa kaniya ang napakalamig na hangin sa labas at ang makapal na hamog sa buong paligid. Mabilis na sinundan ni Salome ang bakas ng yapak ng paa ni Danilo na mukhang papunta sa gitna ng kagubatan. Ingay mula sa mga uwak at kuwago ang umaalingangaw sa gitna ng masukal na kagubatan. Ngunit ilang sandali pa ay napatigil siya dahil biglang nawala na ang bakas ng paa ni Danilo dahil napakaraming mga patay na dahon ang nakakalat sa daananan kung kaya't hindi na niya malaman kung saan dumaan si Danilo at Ising. Ilang sandali pa, nagulat si Salome nang marinig niya ang kumakaripas na takbo ng mga kabayo at iilang sigawan ng mga guardia. "�Por ah�!" (Over There!) sigaw ng pinuno nila. Halos dalawampung mga guardia civil ang nagmamadali ngayong tumakbo sakay ng kani-kanilang mga kabayo papunta sa pueblo ng Pampanga. Dali-daling tumakbo si Salome at sinundan ang mga nagsisigawang mga bantay. Hindi naman nagtagal ay narating na nila ang plaza malapit sa palengke. Agad umakyat si Salome sa bubungan ng mga tindahan sa palengke na gawa lamang sa kawayan, matitibay na tabla at pawid. Mula doon ay napadapa siya sa isang bubungan habang nagtatago sa makapal na pawid nito. Taimtimniyang pinagmasdang mabuti at pinakinggan ang usapan ng mga guardia civil na napatigil sa gitna ng palengke. Napapamura sa inis ang kanilang pinuno suot ang napakagandang uniporme nito. Pinapagalitan niya sa wikang Kastila ang kaniyang mga tauhan. Ilang sandali pa, may isang matandang lalaki na naka-damit pangkutsero ang kumakaripas ng takbo papalapit sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Salome sa gulat nang makilala kung sino ang matandang lalaking iyon. Siya ang kutsero nang kalesang naghatid sa kanila ni Danilo pabalik dito sa Pampanga noong nakaraang linggo. "Se�or, nasa tabing ilog po ang binatilyo at dalagitang hinahanap niyo, mukhang sasakay po sila ng bangka patawid sa kabilang bayan!" sumbong ng matandang kutsero. Napamura naman sa inis ang pinuno ng mga guardia civil nang isalin ng isa sa kaniyang tauhan na nakakaintindi ng tagalog ang sinabi nito. "�Cons�galos!" (Get them!) sigaw ng pinuno at agad niyang pinakaripas ng takbo ang kabayong sinasakyan. Dali-dali namang sumunod sa kaniya ang kaniyang mga tauhan. Ibinigay naman ng isang guardia ang pabuyang limang pirasong pilak sa matandang kutserong nagturo sa kinaroroonan ni Danilo at Ising. Agad napatayo si Salome, dapat niyang maunahan ang mga guardia civil papunta sa ilog kung kaya't sa ibabaw ng bubungan ng mga tindahan siya dumaan. Animo'y tulad ng balahibo ng ibon ang kaniyang gaan P 40-27 habang tumatakbo sa bubungan ng mga tindahan. Nang makarating siya sa pinaka-dulong tindahan, walang kahirap-hirap siyang lumandag sa ibaba at agad kumaripas ng takbo papasok sa kagubatan. Medyo malayo na sa kaniya ang mga guardia dahil mabibilis ang takbo ng kabayo na sinasakyan nila. Dali-daling umakyat si Salome sa isang puno at doon ay lumundag siya ng lumundag sa magkakabilang sanga ng pun upang mas maabutan niya ang mga guardia. Bumagal naman ang takbo ng mga kabayo sa gitna ng kakahuyan dahil masukal ang kagubatan ng Pampanga kung kaya't ilang segundo lang ay naabutan sila ni Salome dahil sa itaas ng sanga ng mga puno siya dumaan. Ngunit bigla siyang napatigil nang biglang tumigil ang mga guardia nang magsalita ang isa sa kanila. "Espera escuch� algo" (Wait, I heard something) biglang wika ng isang guardia. Agad namang inilabas ng mga kasamahan niya ang kanilang mga baril at armas dahil sa kaba. Sandali silang napatahimik lahat at pinakiramdaman ang buong paligid. Nakatago naman sa isang malaking sanga ng puno si Salome habang nasa baba lang ng pinagtataguan niya nakatigil ang mga guardia. "�Qu� quieres decir? �Tenemos que atrapar a ese ni�o!" (What do you mean? We need to catch that young boy!) sigaw ng pinuno nila. Saka nagpatuloy na ito sa pagtahak sa gitna ng kagubatan. Agad namang sumunod sa kaniya ang labinlimang mga tauhan niya. Samantala, naiwan naman ang lima pa dahil naramdaman nila na may sumusunod sa kanila. "Tal vezsea solo un p�jaro" (Maybe it's just a bird) saad ng isa sa mga guardia saka nagpatuloy na, sumunod na rin ang iba sa kaniya. Magsasalita pa sana ang guardia na nakarinig ng paghakbang at paglipatlipat ni Salome sa mga sanga ng puno pero mukhang hindi na siya pinaniwalaan pa ng kaniyang mga kasamahan. Kinakabahan naman si Salome na nakasilip sa ilalimlalo na't mukhang mababali ang pinakadulo ng sanga ng puno na pinagtataguan niya. Walang ano-ano'y biglang nahulog ang maliit na sanga at diretso itong tumama sa ulo ng guardia civil na nakakutob na may sumusunod sa kanila. Sing bilis ng hangin na lumundag si Salome at sinunggaban niya ang guardia sakay ng kabayo nito dahilan upang mahulog ito sa kabayo at tumama ang likod sa matigas na lupa. Gulat na napatingin sa kaniya ang guardia at akmang sisigaw ito ngunit agad tinakpan ni Salome ang bibig nito saka pinulupot ang kamay at paa ng kalaban at buong pwersa niyang binali. Nagpupumiglas at nagsisigaw naman ang guardia kahit pa madiin na hawak ni Salome ang bibig nito. At dahil mukhang mapapalingon ang ilan sa mga kasamahan niyang medyo malayo na sa kanila agad hinila ni Salome ang dragon na pang-ipit na nakatusok sa kaniyang buhok at diretso niya itong hiniwa sa lalamunan ng guardia. Agad sumirit ang dugo ng guardia at napaubo pa ito ng dugo habang nanghihingalo na. Lumipas lang ang ilang segundo agad na rin itong binawian ng buhay. Napapikit na lang si Salome, maging siya ay nagulat at hindi nakapaniwala sa kaniyang nagawa. Iyon ang unang beses niyang kumitil ng buhay ng isang tao. Napatayo na lang si Salome at agad niyang pinatakbo ang kabayo sa ibang direksyon upang hindi malaman ng mga kasamahan nito na nawawala ang sakay na guardia ng kabayong iyon. Umakyat na muli sa puno si Salome at nagpatuloy siya sa pagtahak papunta sa ilog. Agad niyang pinunasan ang mga luhang namumuo sa P 40-28 kaniyang mga mata. Maging ang kaniyang mga kamay ay nanginginig na ngayon. Para sa kaniyang kapatid at kaibigan nagawa niyang pumatay. Naunahan ni Salome makarating sa ilog ang mga guardia dahil nahihirapan ang mga ito sakay ng kanikanilang mga kabayo. Narinig na ni Salome ang agos ng ilog mula sa di-kalayuan ngunit hindi niya masyado maaninag kung may tao doon kung kaya't bumaba muna siya sa isang puno at inilapag ang dala niyang gasera sa isang bato. Napapikit si Salome sabay takip sa kaniyang mata nang masindihan na niya ang gasera dahil sa nakasisilaw nitong liwanag (na parang isang flash ng camera). Ngunit di kalaunan ay luminaw na rin ang kaniyang paningin. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa ilog. Naaamoy na niya ang tubig at ang mga isdang tabang na naroroon. Ilang saglit pa, natanaw na niya si Danilo at Ising na magkahawak kamay. May isang maliit na bangka na nakapwesto sa tapat nila. at inaalalayan ni Danilo si Ising na sumapa roon. Halos umabot naman sa lalamunan ni Salome ang kaba na nararamdaman niya. Batid niyang malapit ng dumating ang mga guardia at kahit anong gawin nila ay maabutan sila nito. "Nilong! Isabela!" tawag ni Salome sa dalawa ngunit hindi nila narinig sapagkat napakalakas ng agos sa ilog. "Danilo! Ising!" tawag pa muli ni Salome habang kumakaripas siya ng takbo. Nabitawan na niya ang gaserang hawak sa pagmamadaling makalapit agad sa kanila. "Sandali! Nilong!" muling tawag ni Salome napatigil naman si Danilo at agad siyang napalingon sa kaniyang ate Salome. Napangiti ang binatilyo nang makita ang kaniyang ate ngunit isang putok ng baril ang tumapos sa pagitan ng tinginan nilang dalawa. Isang bala ang diretsong tumama sa ulo ni Danilo at tumagos pa ito sa kaniyang noo dahilan nang biglang pagdanak ng dugo nito. Parang biglang bumagal ang takbo ng paligid. Animo'y nabagsakan ng langit at lupa si Salome nang masaksihan niya ang dahan-dahang pagbasak ng kaniyang kapatid diretso sa ilog. At mula doon lumutang ang bangkay nito habang unti-unting nababalot ng kaniyang dugo ang tubig at ang dahan-dahang pagtangay ng agos sa walang buhay niyang katawan. "N-nilong... H-hindi!... H-huwag..." gulat na gulat at tulalang tugon ni Salome. Animo'y bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya at tuluyang nanlambot ang tuhod niya habang sinusundan ng tingin ang walang buhay na katawan ng kapatid na tinatangay na ng ilog. "�Gran trabajo!" (Great job!) tugon ng pinuno ng mga guardia civil sabay hagis ng dalawampung pirasong pilak sa tapat ni Ising na ngayon ay nakadapa pa rin sa lupa. Nagsidatingan na rin ang iba pang mga guardia civila at agad ipinag-utos ng pinuno nila na kunin ang bangkay ni Danilo. P 40-29 Biglang sumiklab ang galit sa puso't-isipan ni Salome na dumadaloy na ngayon sa kaniyang dugo at buong katawan. Nakita niya kung paano nagbigay galang si Ising at nagpasalamat sa pinuno ng mga guardia civil at ibinulsa na niya ang pabuyang natanggap niya dahil sa paglilinlang at pagkakanulo kay Danilo. Galit na galit si Salome na napatayo at akmang susugurin na niya ang pinuno ng hukbo at si Ising ngunit biglang may humila sa kaniya pabalik at pinigilan siya. Nanlaki ang mga mata ni Salome nang makilala kung sino ang lalaking iyon na pumigil at yumakap sa kaniya. Si Fidel. Sa pagkakataong iyon, tuloy-tuloy na kumawala ang mga luhang naiipon sa mga mata ni Salome habang nakatitig sa mga mata ng lalaking kahit anong mangyari ay nariyan sa piling niya. At ngayon unti-unting nang nadudurog ang kaniyang puso dahil wala na si Danilo... wala na ang kaniyang kapatid na bagama't madalas silang hindi nagkakasundo ay mahal na mahal pa rin niya. "Ahora, �Ising nos dice d�nde est� la familia Aguantar restante?" (Now, Ising tell us where is the remaining Aguantar family?) utos ng pinuno ng mga guardia civil kay Ising dahilan upang mapalingon sa kanila si Fidel na tanging nakakaintindi sa wikang kastila. *********************** Sources of Palacio del Gobernador: http://www.phtourguide.com/palacio-del- gobernador-in-intramuros/ Mas maganda ka Fidel. Wag ka papalamang. Ala Tarzan yung lumeng namin ee hahahah go go go! P 40-30 Kabanata f(x - 39) 53.2K 2.3K 3.3K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 39] Our Asymptotic Love Story (page 332 - 363) Ika-labing siyamna Kabanata Filipinas 1688 "Ahora, Ising nos dice d�nde est� la familia restante de Aguantar?" (Now, Ising tell us where is the remaining Aguantar family?) utos ng pinuno ng mga guardia civil kay Ising dahilan upang mapalingon sa kanila si Fidel na tanging nakakaintindi sa wikang kastila. "Tinatanong ng pinuno kung saan matatagpuan ang pamilya ng binatilyong Aguantar?" tugon ng isang guardia sabay wasiwas sa kaniyang espada, animo'y sinsindak si Ising. Nanatili pa ring nakaluhod si Ising sa harap ng mga opisyal at ngayon ay nanginginig na siya sa takot. Limang piraso pa ng pilak ang inilabas ng pinuno sa kaniyang bulsa at inihagis sa tapat ni Ising. "�Hablar�s ... o morir�s?" (You will speak... or you will die?) tugon ng pinuno na agad isinalin ng guardia sa wikang tagalog. Nanlaki ang mga mata ni Ising at paulit-ulit na lumuhod sa harapan ng mga opisyal. "M-matatagpuan po ang kanilang m-maliit na tahanan sa nayon ng Bucanan... na m- malapit sa bundok Arayat" saad ni Ising habang nanginginig at naluluha sa takot. Agad namang itong ibinulong ng guardia sa pinuno gamit ang wikang Kastila. Humiyaw na ng napakalakas ang pinuno nila saka nanguna sa pagpapatakbo ng kabayo patungo sa maliit na baryo ng Bucanan. "Vamos!" (Come on!) sigaw ng pinuno saka pinaikot na niya ang kaniyang kabayo. Agad namang sumunod sa kaniya ang kaniyang mga tauhan. Dali-dali namang hinila ng isang guardia si Ising at isinakay sa kabayo nito. Habang ang dalawang guardia naman ay pinagtulungang iahon sa ilog ang duguang bangkay ni Danilo saka isinakay sa likod ng kabayo ng isang guardia. Makapal na alikabok ang namayani sa buong paligid dahil sa mabilis na takbo ng mga kabayo sakay ang mga guardia civil na handang-handa na sa pagtugis sa pamilya Aguantar. P 41-1 Sa kabilang banda, sa likod ng naglalakihang puno sa tabing ilog ay naroon si Fidel at Salome. Hindi na maawat si Salome sa pag-iyak dahil sa sinapit ng kaniyang kapatid habang yakap- yakap naman siya ni Fidel ng mahigpit. Nang marinig ni Fidel ang pag-uusap ng mga guardia at ang pagturo ni Ising sa kinaroroonan ng pamilya nila Salome, mabilis niyang hinawakan si Salome sa mukha at pilit na pinatingin siya ng diretso sa kaniyang mga mata. "Lumeng, makinig kang mabuti. Nasa peligro ngayon ang buhay ng iyong pamilya dahil papunta na roon ang mga guardia. Ngayon ang hinihiling ko sa iyo ay tumakas ka na, magtungo ka sa malayong lugar kung saan hindi ka nila matatagpuan. Sa oras na humupa na ang tensyon padalhan mo ako ng lihamsa San Alfonso upang mapuntahan kita. Sa ngayon mas makabubuti kung lumayo ka na muna Lumeng... ako na ang bahala sa iyong pamilya. Hindi ko hahayaang saktan nila ang iyong- " hindi na natapos ni Fidel ang kaniyang sasabihin dahil agad hinawi ni Salome ang kamay ng binata na nakahawak sa kaniyang mukha. Dali-dali niyang pinunasan ang kaniyang mga luha at saka hinugot ang dragon na pang-ipit na nakasuksok sa kaniyang buhok. Napailing-iling na lang si Salome. Nanlalamig na ang kaniyang buong katawan at agad siyang nakaramdamng panghihina ngunit sa tuwing maaalala niya ang kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang ama, kuya Ernesto at maging si Danilo ay tuluyang sumisiklab ang kaniyang galit. "Hindi! H-hindi ako aalis dito! Hindi ko iiwan ang pamilya ko! ako mismo ang kikitil sa buhay ng mga taong nasa likod nito!" matapang na giit ni Salome sabay talikod sa binata. Tatakbo na sana siya papalayo ngunit agad hinawakan ni Fidel ang kamay niya para pigilan siya dahilan para inis na mapalingon si Salome sa kaniya. "Sinabi ko nang- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil seryosong nakatingin ang binata sa kaniyang mga mata. Napahinga ito ng malalimsaka tumitig muli sa kaniya. "Kung iyan ang nais mo... hindi kita iiwan. Anuman ang iyong maging desisyon... sasamahan kita sa laban" mahinahong sagot ni Fidel habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Napalingon si Fidel sa kaliwa sabay turo sa kabayong kulay itimna nakatali sa gilid ng puno. "Uunahan natin sila" habol pa ng binata saka hinila niya si Salome papunta sa kabayong itimna iyon na pagmamay-ari niya. Mabilis na binuhat ni Fidel si Salome pasakay sa kabayo at agad niyang tinanggal ang pagkakatali nito sa puno bago siya sumampa sa kabayo. Nasa unahan niya nakaupo si Salome habang nakakulong ang dalaga sa kaniyang mga bisig. Agad pinatakbo ni Fidel ang kabayo na animo'y wala ng bukas. Ngayon lang napagtanto ni Salome na nakasuot pangmagsasaka si Fidel at suot rin nito ang malaking salakot sa ulo. Napalingon din siya sa gilid ng kabayo at doon nakita niyang nakasabit ang pana at mga palaso nito. Dahan-dahang itinaas ni Fidel ang pulang tela na siyang panakip niya sa kaniyang mukha upang hindi siya makilala ng sinuman. Ang bawat bahay na kanilang nadadaanan ay napapasilip sa bintana ngunit agad din P 41-2 namang nagtatago dahil sa takot. Napansin ni Fidel na napahawak ng mahigpit si Salome sa lubid ng kabayo. Ito ang unang beses na makasakay ng dalaga sa kabayong kumakaripas talaga ng takbo. Mabuti na lamang dahil mas maliit lang sa kaniya ang dalaga kung kaya't hindi nakakasagabal ang ulo nito sa kaniyang mata upang makita ang daan. Hindi maiwasan ni Fidel na makaramdamng takot at kaba lalo na't hawak-hawak din ngayon ni Salome ng mahigpit sa kaniyang kanang kamay ang dragon na pang-ipit na siyang patalim. Para sa kaniya ang pakikisangkot ni Salome sa laban ay naghahatid ng takot sa kaniya dahil nangangamba siyang masaktan ito. Sa bawat hakbang ng kabayo ay kasabay nito ang hindi mapigilang pagbagsak ng mga luha ni Salome. Natatakot siya. Muli na na naman siyang nakaramdamng takot at matinding kaba tulad noong mga huling sandali bago namatay din sa harapan niya ang kaniyang itay at kuya. At ngayon muli na naman niyang nasaksihan ang bagay na iyon nang mamatay sa harapan niya si Danilo. Sa mga oras na ito, halo-halong emosyon na ang kaniyang nararamdaman lalo na't patungo na ang mga kalaban sa kanilang tahanan kung saan iniwan niyang mahimbing na natutulog ang kaniyang ina, tiyo at dalawang kapatid. Napatingin si Salome sa mga kamay ni Fidel na nakahawak din sa lubid ng kabayo. Kitang-kita ang higpit ng hawak nito dahil sa galit. Walang segundong sinasayang ang binata at makailang beses niyang hinahampas ang kabayo upang mas lalong bumilis ang takbo nito. Kailangan nilang maunahan ang mga guardia ngunit sa gitna ng daanan ng mga palayan sila dumaan dahil tiyak na makikita sila ng mga guardia kung sa kalsada sila mismo dadaan. Hindi naman maiwasan ni Fidel na makaramdamng pagkadismaya nang mapasulyap muli siya sa dragon na pang-ipit na hawak pa rin ngayon ni Salome. Nababalot na rin ito mismo ng dugo. Dugo mula sa unang tao na kaniyang napatay. "�Se�or! Mira, all�" (Sir! Look, Over there) tawag ng isang guardia sa kanilang pinuno sabay turo sa kanilang gilid mula sa di-kalayuan. Nanlaki ang mga mata ng kanilang pinuno nang makita ang kabayong sakay ang dalawang tao. Ang isa ay nakasuot ng talukbong na itimat ang isa naman ay nakasuot ng salakot. Nanigas sa gulat si Ising nang makilala na ang nakasuot ng talukbong ay ang pinagtaksilan niyang kaibigan na si Salome. Bigla siyang siniklaban ng takot at pangamba na baka nakita ni Salome ang nangyari kay Danilo. Maging ang pagkakanulo na ginawa niya sa kapatid nito. "�Disparales!" (Shoot them!) utos ng pinuno sa isang guardia. Nauuna na ang kabayong sinasakyan nila Salome at Fidel habang tinatahak nito ang kabilang daan na nasa gitna ng palayan. Agad iniangat ng guardia ang kaniyang mahabang baril saka itinutok ng mabuti sa dalawang taong nakasakay ngayon sa kabilang kabayo. Medyo nahihirapan ang guardia sapagkat napakadaming puno na nakaharang sa kanilang pagitan. "Mierda!" (Shit!) sigaw ng pinuno sabay hugot ng kaniyang rebolber. Agad niyang pinaputok ang baril na hawak ng tatlong beses. Saka ibinato sa pagmumukha ng guardia na kaniyang inutusan na hindi magawang barilin ang pinababaril niya. Biglang napahiyaw ang kabayong sinasakyan nina Salome at Fidel dahil sa napakalakas na putok ng baril. Maging si Fidel ay napasigaw ng malakas sabay hawak sa kaniyang balikat na tinamaan ng bala, agad siyang nawalan ng balanse at nahulog siya sa sinasakyan nilang kabayo. "Hindi!" sigaw ni Salome at gulat siyang P 41-3 napalingon kay Fidel na ngayon ay nakahandusay na sa lupa at namimilipit sa sakit. Isang bala muli ang diretsong tumama mula sa katawan ng kabayong sinasakyan ni Salome dahilan upang bigla itong mapahiyaw at bumagsak sa lupa na agad nitong ikinamatay. Maging si Salome ay diretsong sumubsob sa lupa at nagpagulong-gulong sa katabing palayan. Napatigil naman ang pinuno ng mga guardia civil at sinenyasan niya ang kaniyang mga tauhan na puntahan ang dalawang misteryosong taong iyon na nakasakay sa kabayo. Nanghihina man ay pinilit ni Salome na imulat ang kaniyang mga mata at igalaw ang kaniyang mga braso at binti. Agad niyang natanaw si Fidel na ngayon ay tinadyakan ng isang guardia sa sikmura dahilan upang mapasuka ito ng dugo. Ilang saglit pa, naramdaman ni Salome ang mga yapak ng sapatos na ngayon ay papalapit na rin sa kaniya. Dahan-dahan niyang inabot ang dragon na pang-ipit sa buhok na nabitawan niya. Nang makalapit ang isang guardia sa kaniya. Agad nitong hinawi ang itimna talukbong na nakabalot sa buong ulo niya. "Es ella- " (It's her- ) hindi na natapos ng guardia ang sasabihin niya dahil nakuha na ni Salome ang patalimna pang-ipit at agad niyang naitusok ito sa leeg ng guardia. Tumagos pa ang matalimna dulo nito sa batok ng kalaban. "�Prepararse!" (Get ready!) sigaw ng pinuno, na nakasakay sa kabayo mula sa di- kalayuan. Agad pumwesto ang mga tauhan niya sa kaniyang harapan saka itinutok ang baril diretso kay Salome. "Fuego!" (Fire!) sigaw ng pinuno. Agad hinila ni Salome ang guardia na sinaksak niya sa leeg at ginawa itong panangga sa mga bala. Nagtago rin siya sa likod ng kabayong sinakyan nila ni Fidel kanina na ngayon ay nakahandusay na rin sa gitna ng palayan at patay na. Ilang sandali pa, sigaw mula sa mga guardia ang narinig niya. Nagulat si Salome nang makita ang pagtama ng sunod-sunod na pana sa binti, balikat at sikmura ng mga guardia na namamaril. Napalingon siya sa gilid at nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng salakot na nakasabit sa isang sanga ng puno. Mabilis nitong pinapana ang mga mga guardia dahilan upang mapaatras ang mga ito at nagtago na rin sa likod ng mga puno. "Diez de ustedes! �S�gueme! mientras la otra mitad se queda aqu� y los mata!" (Ten of you! Follow me! while the other half stay here and kill them!) utos ng pinuno saka sineyasan ang sampung guardia na sumunod sa kaniya. Papunta na sila ngayon sa tahanan ng pamilya Aguantar habang ang kalahating hukbo naman ay nanatili roon upang pigilan at hulihin sina Salome at ang tatlong misteryosong lalaki na nakasuot ng salakot. Nasa walong guardia ang namamaril ngayon sa kanila. Agad namang pinaputukan ng mga guardia ang lalaking nakasuot ng salakot na nakasabit sa puno ngunit napatigil sila at muling nagtago nang sunod-sunod na tinamaan sila ng pana mula naman sa kabilang puno kung saan may isa pang lalaki na nakasuot ng salakot na ngayon ay pumapana sa kanila. Nang dahil sa pagsulpot ng dalawang lalaking nakasalakot nalihis ang atensyon ng mga kalaban kung kaya't nakatayo si Salome at nakatakbo siya sa likod ng isang puno upang makapagtago. Napalingon siya sa dalawang lalaking nakasuot ng salakot na ngayon ay nakikipagpalitan ng palaso sa mga kalaban. Walang duda ang dalawang iyon ay si Patricio at Geronimo. Napalingon din si Salome sa kinaroroonan ni Fidel na ngayon ay nakikipag-suntukan sa guardia na P 41-4 bumubogbog sa kaniya. Nasa ibabaw ang guardia at ngayon ay sinasakal niya si Fidel kasabay niyon ay agad nahawakan ng guardia ang pulang tela na nakabalot sa mukha ni Fidel at akmang hihilahin na niya ito ngunit mabilis na inihagis ni Salome ang dragon na pang-ipit diretso sa likod ng guardia na kalaban ni Fidel. Ang patalimay diretsong tumama sa spine ng guardia dahilan upang bigla itong manigas at mapahiyaw sa sakit. Agad namang kinuha ni Fidel ang matalimniyang palaso saka isinaksak ito sa dibdib ng kalaban. Habang abala ang ibang mga guardia sa pamamaril kina Patricio at Geronimo na nagtatago sa itaas ng sanga ng mga puno. Dali-daling tumakbo si Salome papunta kay Fidel, agad niyang hinugot ang dragon na pang-ipit na nakabaon sa likod ng guardia na wala na ngayong buhay. Napatigil siya nang makita ang walang-awat na pagdurugo ng balikat ni Fidel dahil sa malalimna tama ng bala nito. Napapikit na lang sa sakit si Fidel, hindi naman malaman ni Salome ang gagawin kung kaya't niyakap na lang niya ang binata. ito ang kinatatakutan niya. Ang madamay ang mga taong mahalaga sa kaniya. Isang guardia ang nakapansin kay Salome at Fidel mula sa di-kalayuan. Agad niyang itnutok ang hawak niyang mahabang baril diretso kay Salome na nakatalikod ngayon. Mabuti na lang dahil agad itong nakita ni Patricio, dali-dali siyang lumundag mula sa puno at dinaganan niya ang guardiang iyon. Napamura naman sa inis si Geronimo dahil sa ginawa ni Patricio na paglundag sa ibaba. Nang dahil doon sunod-sunod na pinaputakan ng mga guardia ang punong pinagtataguan ni Geronimo dahil wala na ang isa pang namamana sa kanila. Mabilis na naagaw ni Patricio ang baril na hawak ng guardia saka ipinutok ito sa sikmura ng kalaban. Ngunit limang sunod-sunod na bala ang tumama sa direksyon niya kaya agad siyang nagtago sa likod ng isang puno na malapit sa kaniya. Natatalo na sila ng kalaban. Hindi na ngayon maka-pana si Geronimo dahil pinupuntirya na siya ng mga guardia. Hindi na rin makaganti ng pana at baril si Patricio dahil unti-unti nang nakakalapit sa kanila ang mga kalaban. Ilang sandali pa, malakas na hiyaw mula sa mga guardia ang umalingangaw nang sunod- sunod na palaso ang tumama sa kanila. Asintadong-asintadong tumama ang mga matatalimna palaso sa sikmura, ulo, leeg, likod at sa dibdib ng mga kalaban na agad nitong ikinamatay. Sabay na napalingon si Patricio at Geronimo kung saan nanggaling ang mga palasong iyon. Hindi na sila nagtaka pa, hindi na sila nagulat pa dahil tama nga ang hinala nila. Ang asintadong pumana at nakapatay sa mga kalaban ay si Fidel. Sa palitan ng kanilang mga tingin nila sa isa't-isa ngayon ay nakahinga na sila ng maluwag dahil natalo nila ang kalaban. Ngunit isang nagliliyab na liwanag ang umusbong mula sa di-kalayuan. Napatulala silang apat lalong-lalo na si Salome nang mapagtanto niya na ang nasusunog na bahay sa gitna ng palayan ay ang kanilang tahanan. Agad lumundag pababa si Geronimo mula sa itaas ng puno "Wala na tayong oras!" giit ni Geronimo saka sumakay sa isang kabayo na pag-mamayari ng mga namatay na guardia civil. Agad namang inalalayan ni Patricio si Fidel na ngayon ay tinitiis ang tama ng bala sa kaniyang kanang balikat. "Lumeng" tawag ni Patricio sa dalaga na ngayon ay tulalang nakatinginn sa kanilang tahanan na tinutupok na P 41-5 ngayon ng apoy. Agad napalingon si Patricio kay Geronimo. "Isakay mo siya, hindi na niya kayang magpatakbo mag-isa ng kabayo. Ako na ang bahala kay Lumeng" tugon ni Patricio kay Geronimo. Magsasalita pa sana si Fidel ngunit alamniyang tama si Patricio, hindi niya magagawang mapatakbo ang kabayo dahil hindi na maawat sa pagdugo ang kaniyang sugat sa balikat. Dali-daling hinawakan ni Patricio ang magkabilang balikat ni Salome at pinilit itong tumingin sa kaniyang mga mata "Lumeng, aalis na tay- " hindi na natapos pa ni Patricio ang sasabihin niya dahil biglang napaatras si Salome sabay hawak ng mahigpit sa patalimna pang-ipit. "Papatayin ko sila!" giit ng dalaga habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa liwanag ng apoy na sumisira ngayon sa kanilang bahay. Magsasalita pa sana si Patricio ngunit dire- diretso nang umangkas si Salome sa kabayo. Wala nang nagawa pa si Patricio kundi tulungang umangkas sa kabayo ang dalaga. "Lumeng" tawag ni Fidel na nakaangkas sa kabilang kabayo habang nasa likod nito si Geronimo. Hindi na natuloy ni Fidel ang sasabihin niya dahil biglang lumingon sa kaniya si Salome "Huwag niyo akong intindihin. Kaya ko ang sarili- " hindi na natapos ni Salome ang sasabihin niya dahil biglang umangkas si Patricio sa kabayong sinasakyan ni Salome at bigla niyang hinawakan ang lubid ng kabayo dahilan upang makulong si Salome sa kaniyang mga bisig. "Hindi kita iiwan..." tugon ni Patricio sa dalaga. Gulat namang napatingin sa kaniya si Salome. At ngayon ay masama na rin ang tingin ni Fidel sa kanila. "Hindi ako aalis... kahit paalisin mo ako, hindi ako aalis sa tabi mo" giit naman ni Fidel dahilan upang mapalingon sa kaniya si Patricio na seryoso na rin ang tingin. Hindi naman nakapagsalita si Salome, alam nila na hindi ito ang tamang oras para magdiskusyon. Nabasag lang nabubuong mainit na tensyon nang tumawa at magsalita si Geronimo "Ano na? hinihintay na tayo ng mga mahihinang guardiang iyon" tawa pa ni Geronimo at pinatakbo na niya ang kabayong sinasakyan nila ni Fidel. Pinatakbo na rin ni Patricio ang kabayong sinasakyan nila ni Salome at tinahak nilang apat ang daan papunta sa kinaroroonan ng tahanan nila Salome na ngayon ay nasusunog na. Habang papalapit ng papalapit sila sa tahanan ng pamilya Aguantar unti-unti nilang naaamoy ang makapal na usok na bumabalot na ngayon sa kalangitan. May iilang mga mamamayan ang nakasilip sa kanilang mga bintana ngunit nang dumating sina Salome ay agad silang nagsipagtago. Nabalot ng matindig lamig ang buong katawan ni Salome habang pinagmamasdan ang kanilang tahanan na nilalamon na ng apoy. Nang tumigil ang kabayo na sinasakyan niya ay agad siyang lumundag pababa. Hindi na siya nagawang pigilan pa ni Patricio dahil dire-diretsong tumakbo si Salome papunta sa tapat ng bahay nila. P 41-6 Kahit hirap na hirap ay sinikap ni Fidel na lumundag sa kabayo at tumakbo upang sundan si Salome na ngayon ay mukhang gustong pasukin ang kanilang tahanan na nasusunog na. "LUMENG!" tawag ni Fidel ngunit hindi siya naririnig nito, mabuti na lang dahil agad nakatakbo si Patricio papunta kay Salome upang pigilan itong pumasok sa bahay na tinutupok na ng apoy. "INAY! ATE FE! JULIO! INGKONG!" sigaw ni Salome habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kaniyang mga mata. Ang puso niya ay parang dinurog ng libo-libong beses at ngayon ay hindi na siya makahinga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Ang bawat usok ng apoy na nanggagaling sa kanilang tahanan ay parang isang malakas na sampal na patuloy na nagpapahina sa kaniyang buong katawan. Tanging pagsigaw, pag-iyak, paghihinagpis at pagpupumiglas ang nagagawa niya ngayon habang hawakhawak siya ni Patricio. Napabagsak na lang din si Fidel sa lupa habang pinagmamasdan ang nasusunog na bahay ng kaniyang sinisinta. Ilang sandali pa, narinig nila ang tawag ni Geronimo mula sa likuran habang akay-akay ang isang matandang lalaking duguan. Nanlaki ang mga mata ni Salome nang makilala kung sino ang matandang lalaking iyon na hinang-hina na at nababalot na ng dugo... si Ingkong Lui. Dahan-dahang inalalayan ni Geronimo si Ingkong Lui paupo at pinasandal sa isang puno sa gilid nila. Agad ding tumakbo si Salome papunta sa kaniyang Ingkong at agad itong niyakap. Inalalayan na rin ni Patricio si Fidel papunta sa kinaroroonan ni Ingkong Lui. Hindi na maawat si Salome sa pag-iyak habang nakayap sa kaniyang Ingkong. Hindi na rin niya alintana ang napakaraming dugong dumidikit sa kaniyang damit at mukha mula sa kaniyang Ingkong. Dahan-dahan at nanghihinang tinapik-tapik ni Ingkong Lui ang likod ng kaniyang apo-sa-pamangkin. "L-lumeng... M-magpakatatag ka Hija" panimula nito sabay hawi sa buhok ni Salome. Dahan-dahang bumitaw na rin si Salome mula sa pagkakayakap niya kay Ingkong Lui at nakinig ng mabuti sa sasabihin nito. "A-ang iyong inay at mga kapatid ay dinakip ngayon, h-hindi ko alamkung saan sila dinala ngunit ang iyong inay ay malubha ring nasugatan nang lumaban kami sa kanila" saad ni Ingkong Lui kasabay nito ay ang paglahad niya ng kabuuang nangyari... Malalim ang gabi, mahimbing silang natutulog nang maalimpungatan si Ingkong Lui dahil sa dumadagundong na yapak ng mga paa ng kabayo na mukhang papalapit sa kanila. Agad napabangon si Ingkong Lui at napasilip sa bintana. Laking-gulat niya nang makita ang sampung guardia civil kasama ang Heneral, tumigil ito sa tapat ng kanilang tahanan at sinenyasan ng Heneral ang kaniyang mga tauhan na palibutan ang buong bahay nila. Nagising na rin si Nay Delia at nagbalot ng balabal. Akmang lalabas siya sa pintuan upang tingnan kung anong mayroon sa labas ngunit napatigil siya nang makita si Ingkong Lui sa salas habang hawak ang mahabang baston nito. P 41-7 Sa tingin pa lang ni Ingkong Lui ay naintindihan na ni Nay Delia na kalaban ang mga nasa labas ng kanilang tahanan. Kasunod nito ay tatlong malakas na kalabog sa pinto ang sumunod na nangyari dahilan upang gulat na mapabangon si Felicidad at maalimpungatan ang batang si Julio. "Inay, anong nangyayari?" gulat na tanong ni Felicidad sabay yakap kay Julio na biglang napahikbi dahil sa takot. Magsasalita na sana si Nay Delia ngunit limang sunod-sunod na kalabog sa pinto na naman ang kanilang narinig. "Nasaan si Lumeng at Nilong?" nag-aalalang tanong ni Nay Delia saka diretsong nagtungo sa kwarto ni Danilo ngunit walang tao roon. "Marahil ay magkasama silang dalawa ngayon" saad ni Ingkong Lui habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Animo'y pinapakiramdaman niya ang buong paligid. "Ngunit ako'y nangangamba na tuluyan nang nakatawid sa kabilang buhay ang isa sa kanila..." patuloy ng ingkong, dahilan upang gulat na mapalingon sa kaniya si Nay Delia, Felicidad at ang batang si Julio. "S-sino po ang nasa labas?" muling tanong ni Felicidad, agad siyang napabangon at dali-daling nagsuot ng balabal. Binalutan niya rin ng talukbong si Julio at pinatahan ito sa pag-iyak. Isang malakas na pagkabog sa pinto ang nagpasira sa tanikala ng kanilang pintuan. Napahinga na lang ng malalim si Nay Delia, animo'y tanggap na niya ang kanilang kapalaran. Muli siyang napasulyap kay Ingkong Lui at isang tango ang isinagot nito sa kaniya. kasabay ng pag-tango na iyon ay ang pagdampot ni Nay Delia ng balisong na nasa gilid ng mesa at itinago niya sa loob ng kaniyang balabal. "Lumabas kayo riyan!" sigaw ng isang guardia mula sa labas. Nagsimula namang humakbang si Nay Delia papalapit sa pinto at dahan-dahang binuksan ito. Isang matangkad na ginoo na nakasuot ng kompletong uniporme pang-Heneral ang tumambad sa harapan niya. may makapal itong bigote at balbas na siyang bumabalot ssa mukha nito. Napaktangos ng ilong at napakaputing balat ang masisilayan sa Heneral na iyon. Nasa edad apatnapu pataaas na ito ngunit bihasang-bihasa pa rin sa pakikipaglaban. "No es de extra�ar, tu hijo muerto se ve exactamente como t�" (No wonder, your dead son looks exactly like you) saad ng Heneral habang nakatitig ng mabuti sa mukha ni Nay Delia. Isang binatang guardia civil naman ang nasa tabi ng Heneral at siyang nakakaintindi at nakakapagsalita ng wikang tagalog. "Kayo ba ang pamilya Aguantar?" tanong ng guardia, napatingin naman si Nay Delia sa hawak nitong mahabang espada. Saka ibinalik ang tingin sa Heneral. "Y me asegurar� de que mueras exactamente lo que le hiciste a mi hijo!" (And I'll make sure that you will die just exactly what you did to my son!) buwelta ni Nay Delia na ikinagulat ng Heneral at ng mga guardia dahil nakakaintindi pala ito ng wikang Kastila. Huhugutin n asana ng Heneral ang kaniyang rebolber ngunit naunahan siya ni Nay Delia na mabilis pa sa kidlat na nahugot nito ang hawak na balisong at dali-daling iwinasiwas sa mukha ng Heneral. Gulat na napasigaw ang Heneral sa sakit nang mahiwa ang kaniyang mukha. Agad siyang nasalo ng mga guardia na nasa likod niya at dali-daling prinotektahan. "�M�TALOS!" (KILL THEM!) sigaw ng Heneral habang nakahawak sa mukha niyang nagdurugo na ngayon. P 41-8 Hindi naman na nag-aksaya pa ng oras ang kaniyang mga tauhan at agad nilang sinugod si Nay Delia. Ngunit nagulat sila nang bigla itong umikot papalabas at mabilis na nasipa sa ere ang mga kalaban. Napaatras sa gulat ang mga guardia lalong-lalo na nang biglang may anino ng isang matandang lalaki ang lumabas mula sa bahay. "�Mierda! �Disparales! usa tus armas!" (Shit! Shoot them! use your guns!) galit na utos ng Heneral sa kaniyang mga tauhan, hindi na siya magkamayaw ngayon dahil namimilipit na siya sa sakit ng malalim na hiwa sa kaniyang mukha. Dali-daling nilabas ng mga guardia ang kanilang mga rebolber at mahahabang baril ngunit kahit ganoon ay nanginginig pa rin sila sa takot. "Ganiyan ba kayo makipaglaban? Hindi patas? Para saan pa't ipagmamalaki niyo na kayo'y nanalo kung sa umpisa pa lang ng laban ay nandaraya na kayo" buwelta ni Ingkong Lui sabay kumpay sa kaniyang mahabang baston. Nagkatinginan naman ang mga guardia na takot na takot ngayon. Ngunit hindi pa rin nila binitiwan ang mga baril na hawak nila. "�Qu� est�s esperando? �Disparales!" (What are you all waiting for? Shoot them!) sigaw pa ng Heneral na ngayon ay nagtatago sa likod nila. Isang nagmamagaling na guardia ang nagpaputok ng baril diretso kay Ingkong Lui ngunit mabilis na nakailag ang matanda gamit lang ang isang hakbang papa-kaliwa. Kasunod nito ay agad humakbang papaikot si Ingkong Lui habang mabilis na pinapaikot-ikot ang kaniyang baston dahilan upang masindak at mapaatras ang mga kalaban. Dinukot naman ni Nay Delia ang limang maliliit na balisong na kaniyang hawak at mabilis na inihagis sa mga kalaban. Agad napasigaw ang mga ito ng tamaan sa iba't-ibang parte ng kanilang mga katawan. Ang dalawa sa kanila ay sa leeg tinamaan kung kaya't agad itong nabaiwan ng buhay. Sunod-sunod na malalakas na hampas ng baston ang tumama sa mga guardia, at hindi na nila ngayon malaman ang kanilang gagawin dahil sa bilis ng kilos ni Ingkong Lui. Ang ilan ay napasuka ng dugo ng tamaan sa kanilang mga sikmura, ulo, likod at balakang. "Delia! Tumakas na kayo! Ako na ang bahala rito" giit ni Ingkong Lui, napailing naman si Nay Delia. "Hindi ka namin iiwan Ingkong" tugon nito habang sunod-sunod na hinahagis ang mga balisong na hawak niya. "Wala ng oras! Tumakas na kayo! Iligtas mo ang mga bata!" giit pa ni Ingkong Lui, parang isang tinik na bumabaon sa puso ni Nay Delia ang pag-iyak ni Julio na ngayon ay yakap-yakap ni Felicidad ng mahigpit at pilit na pinapatahan ito. "Ingkong- " magsasalita pa sana si Nay Delia ngunit natamaan ng espada sa balikat si Ingkong Lui. "Tumakas na kayo!" sigaw pa nito. Wala nang nagawa si Nay Delia kundi pumasok muli sa loob ng bahay at hinila na niya ang anak na si Felicidad at Julio. Sa likod ng bahay sila dumaan habang hinaharang ni Ingkong Lui ang mga kalaban. Agad namang napatayo ang Heneral at galit na sinundan sina Nay Delia sa likod ng bahay. Sumakay siya sa kabayo at agad itong pinakaripas ng takbo. Nang marating niya ang likod ng bahay nakita niya ang pintuang naiwang bukas. Maging ang mga bakas ng paa na papunta sa matataas na talahiban. Dali-daling pinatakbo ng Heneral ang sinasakyang kabayo at hindi nagtagal ay natanaw na niya ang dalawang babae na tumatakbo habang ang isa ay may bitbit na batang lalaki. P 41-9 "Inay!" tawag ni Felicidad sa kaniyang ina, takot na takot na siya ngayon at kahit mahirap at hinihingal na siya habang karga-karga si Julio ay sinisikap niya pa ring makatakbo ng mabilis. Agad hinawakan ni Nay Delia ng mahigpit ang kamay ng anak. Agad hinugot ni Nay Delia ang natitirang isang pirasong balisong na nakatago sa kaniyang balabal. Mabilis na inihagis niya ito sa Heneral na humahabol sa kanila ngayon. Diretsong tumama ang matalim na balisong sa balikat ng heneral at napahiyaw ito sa sakit. Ngunit ang tamang iyon ay hindi nakahadlang sa kaniya upang patuloy na habulin sila. Nang dahil sa matinding galit at pagka-inis, agad binunot ng Heneral ang kaniyang rebolber at itnutok kay Felicidad. Isang bala ang diretsong tumama sa binti ng dalaga na agad nitong ikinabagsak sa putikan. "ANAK!" sigaw ni Nay Delia ngunit dalawang sunod-sunod na bala ang tumama sa kaniyang kaliwang binti at balikat dahilan upang maging siya ay mapabagsak sa lupa. Nang marinig ni Ingkong Lui ang tatlong sunod-sunod na putok ng baril mula sa talahiban ay bigla siyang sinaklaban ng takot at napalingon sa loob ng kanilang bahay. Naging pagkakataon iyon upang makaatake ang mga kalaban sa kaniya at agad siyang nasaksak ng isang guardia ng espada sa sikmura. Kasunod nito ay ang sabay-sabay na pag-atake ng ilang mga guardia sa kaniya dahilan upang mapabagsak siya sa sahig. Sa kabilang banda, napangisi naman ang Heneral nang mapatumba niya ang dalawang babae, pinatigil na rin niya ang kabayong sinasakyan. Agad siyang bumaba rito at naglakad papalapit kay Nay Delia at Felicidad na ngayon ay namimilipit na sa sakit. Ngunit biglang napaatras ang Heneral nang bumangon ang batang lalaki at pinagsusuntok siya sa binti. "Oh, uno dif�cil" (Oh, a tough one) pang-asar na buwelta ng Heneral sa batang si Julio na ngayon ay umiiyak habang pinagsusuntok siya sa binti. Agad naman niyang hinawakan ang ulo ng bata saka itinulak ng malakas papalayo dahilan upang mapabagsak na rin ito sa putikan. "Recuerda siempre, nadie podr�a escapar de m�" (Always remember, no one could escape from me) pangasar na buwelta ng Heneral saka itinali si Nay Delia, Felicidad at Julio. Kasunod nito ay dumating na ang iba pa niyang mga tauhan. Muling napangisi ang Heneral dahil alam niyang natalo na rin ngayon ang matandang lalaking humarang sa kanila kanina. "Ponga su casa en llamas, y supongo que la joven que queda vendr� por nosotros" (Put their house into fire, and I assume that the remaining young lady will be coming for us) tugon ng Heneral sa kaniyang mga tauhan. Agad naman itong sumunod at pinasiklaban ng apoy ang buong bahay ng pamilya Aguantar. "Lumeng... iligtas mo ang iyong pamilya, p-patawad kung hindi ko sila nagawang protektahan" nanghihinang tugon ni Ingkong Lui habang hinahawi ang buhok ni Salome. "N-nakita kong nabihag sila ng mga guardia kanina ngunit hindi ko alamkung saan sila dinala" patuloy pa nito. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha sa mata ni Salome. "N-naniniwala ako na mapagtatagumpayan mo ang laban na ito, at h-hihintayin ko na ibalita mo sa aking P 41-10 puntod ang k-katagumpayan mo apo ko" wika ni Ingkong Lui sa huling pagkakataon, kasabay niyon ay ang pag-ubo niya ng dugo at ang pagtigil ng kaniyang hininga. "Ingkong! Huwaaag!" pagtangis pa ni Salome sabay yakap ng mahigpit sa kaniyang tiyuhin na siyang naging kasangga nila noong wala na silang mapuntahan. Ito rin ang unang umintindi at nag- aruga sa kanilang pamilya. At si Ingkong Lui rin ang siyang nagturo at nagsanay sa kaniya kung paano makipaglaban. Ngunit ngayon wala na ito, katulad ng kapatid niyang si Danilo, ngayon ay magkasama na silang nakatawid sa kabilang buhay. Isang kakaibang amoy mula sa pulang kandila ang dahilan upang maalimpungatan si Salome. Agad niyang naramdaman ang sobrang bigat ng kaniyang katawan. Animo'y namamaga ang kaniyang mga braso at binti. Maging ang kaniyang ulo ay napakabigat na rin ngayon. Idagdag pa ang mga sugat, hiwa, gasgas at pasa na natamo niya sa pagtakas nila. Dahan-dahang iginala ni Salome ang kaniyang mga mata sa buong paligid. Nasa loob siya ng isang dipamilyar na silid. Nakahiga siya sa malaki at malambot na kama. At laking gulat niya na mapagtanto na iba na ang damit na suot niya. Agad siyang napabangon sa gulat at kahit masakit pa rin ang kaniyang buong katawan walang ano-ano'y inalis niya ang makapal na kumot na nakabalot sa buong katawan niya. "Maghunos dili ka, Hija" isang boses ng matandang babae ang narinig niya mula sa kaliwa. Gulat siyang napatingin sa kaliwa kung saan naroroon ang pintuan, nanlaki ang mga mata ni Salome nang makilala kung sino ang matandang babaeng nagsalita... si Inay Laya, ang manggagamot sa bayan ng San Alfonso na mula sa lahi ng mga babaylan. "Ang pabigla-biglang kilos at desisyon ay hindi nakabubuti. Magpasalamat ka dahil hindi maluba ang mga sugat at pasa na iyong natamo" wika pa ni Inay Laya saka nagkalad na papasok sa loob ng kwarto at isinara na rin niya ng dahan-dahan ang pinto. Medyo madilimang paligid ng buong kwarto dahil isang malaking pulang kandila lamang ang nagbibigay ng liwanag sa kanila. Nakatirik ang kandila sa ibabaw ng maliit na mesa sa gilid ng kama na hinihigaan ngayon ni Salome. "N-nasaan ako?" tanong ni Salome, bagama't tuyong-tuyo na ang kaniyang lalamunan ay nagawa pa rin niyang makapagsalita. Hindi naman kumibo si Inay Laya habang abala pa rin ito sa paghahalo-halo ng mga halamang gamot sa iisang lalagyan. Matanda na si Inay Laya at kitang-kita ito sa kaniya dahil kuba na ito kung tumayo at maglakad. "Nasaan ako? Anong nangyari? Nasaan sina inay at mga kapatid ko? Nasaan si Ingkong? Nasaan sina Fidel?" sunod-sunod na tanong ni Salome. Unti-unti na ring nangingilid ang kaniyang mga luha. Magsasalita pa sana ulit si Salome pero hinarap na siya ni Inay Laya, bitbit ang isang malaking lalagyan na P 41-11 gawa sa kahoy at isang makapal na puting tela. Naupo na si Inay Laya sa gilid ng kama niya at walang anoano'y kinuha nito ang kaniyang kaliwang braso saka pinunasan ng halamang gamot. "Narito tayo sa tahanan ni Don Epifanio" sagot ni Inay Laya, biglang nanlaki ang mga mata ni Salome. "Narito tayo sa paggamutan? Hindi! Aalis ako" saad ni Salome at akmang tatayo na ngunit hinawakan ng matanda ang braso niya ng mahigpit. "Hindi ka aalis. Wala nang ibang lugar na ligtas para sa iyo kundi rito" tugon ng matanda habang hawakhawak pa rin ng mahigpit ang braso ni Salome. "Isa pa, wala kang dapat ipangamba sapagkat hindi ito ang paggamutan, nasa kabilang kalye pa ang paggamutan. Ang tahanang ito ay siyang bahay mismo ni Don Epifanio" tugon pa ni Inay Laya at pinagpatuloy na niya ang pagpunas ng halamang gamot sa braso ni Salome. Hindi naman na nakapagsalita pa si Salome, sa ngayon ayaw na muna niyang alalahanin na baka makita niya rito si Roselia. "At huwag kang mag-alala ako ang nagpalit ng iyong damit" patuloy pa ng matanda. Kahit papaano ay nakahinga naman ng maluwag si Salome sa nalaman niya. "Ang totoo niyan, hindi dapat papayag si Don Epifanio na itago ka rito ngunit nang dahil sa pakiusap ni Roselia, pumayag na ang Don. Batid kong alammo na ang relasyon ni Don Epifanio at Roselia, sa ngayon tanggapin mo na lang ang katotohanan na ang pagtataksil ni Roselia ay siyang makatutulong pala para sa iyo" wika pa ni Inay Laya, bigla namang napayuko si Salome at napaisip ng malalim. Naguguluhan siya kung dapat niya bang pasalamatan si Roselia. "Bukod pa roon, mukhang hindi makakatanggi si Don Epifanio kay Se�or Patricio Montecarlos. Alamnaman nating makapangyarihan si Se�or Patricio at napag-alaman ko na malaki rin pala ang naitulong ni Se�or Patricio sa pagpapatayo ng paggamutan dito sa Pampanga" tugon pa ni Inay Laya saka kinuha ang isa pang braso ni Salome at sinimulang punasan iyon. "Sa nangyaring pakikipag-usap ni Se�or Patricio kay Don Epifanio kagabi, nakita ko ang pag-aalala sayo ng ginoo at aking napagtanto na siya'y umiibig sa iyo" saad pa ng matanda dahilan upang gulat na mapatingin si Salome sa kaniya. "Ngunit- " hindi na natapos ni Salome ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Inay Laya. "Ngunit hindi ka umiibig sa kaniya. Sapagkat ibang binata ang nilalaman ng iyong puso, hindi ba?" patuloy ni Inay Laya sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Hindi naman nakapagsalita si Salome at napaiwas na lang siya ng tingin. Kahit hindi niya sabihin batid niyang alamni Inay Laya kung sino ang lalaking nilalaman ng puso niya. "Tunay nga na hindi natin mapipili kung sino ang dapat na mahalin. Ngunit ang paulit-ulit na magkamali ay hindi na katanggap-tanggap, hindi ba?" muling tugon ni Inay Laya habang nakatingin pa rin ng diretso sa mga mata ni Salome, animo'y hinuhukay nito ang mga sikreto na nakatago sa ilalimng kaniyang puso. Hindi naman nakaimik si Salome. Pinili na lang niyang umiwas ng tingin at tanawin ang bintana sa labas. Gabi na ngunit nakikita pa rin niya ang dahan-dahang pagpatak ng ulan mula sa labas ng bintana. Napatigil si Salome nang makita ang isang pamilyar na pahabang lumang papel na nakasabit sa gilid ng bintana. Naalala ni Salome na nakita na niya ito noon sa tinutuluyang bahay ni Inay Laya noong unang beses silang nagkita nang samahan nila ni Ising si Manang Estelita magpagamot sa matandang babaylan. P 41-12 "Tama ka hija, iyan nga ang nakita mo noon sa aking tahanan" walang ano-ano'y saad ng matanda habang abala pa rin sa pagpunas sa kaniya. Napatitig muli si Salome sa pahabang lumang papel na iyon kung saan nakasulat ang isang salita sa Baybayin... Pangako Ilang sandali pa, nagulat si Salome nang kunin ni Inay Laya ang pulang kandila at itinapat ito sa harapan niya. "Pagmasdan mo ang kandilang ito, sa oras na ito'y matunaw at maubos... maaari pa rin itong mabuo at maging panibagong kandila muli" saad ni Inay Laya, hindi naman maunawaan ni Salome kung bakit hindi na niya ngayon maalis ang mga mga mata niya sa pagkatitig sa kandilang iyon. "Ang pagkakamali ng nakaraan ay maaaring mabuo at mangyari muli" patuloy ng matanda saka inilapit muli kay Salome ang kandila. "Nais mo bang malaman hija kung paano matatapos ang paulit- ulit na pangyayaring ito?" wika pa ni Inay Laya dahilan upang mailbaling ni Salome ang tingin niya sa matanda. "Simple lang... kailangang mangyari ito..." patuloy ng matanda saka pinatay niya ang sindi ng kandila gamit ang kaniyang hininga. Kinabukasan, naalimpungatan si Salome nang marinig niya ang pamilyar na tunog ng musika mula sa labas ng silid na tinutuluyan niya. Dahan-dahan siyang napabangon saka inalis ang mga dahon na nakatapal sa kaniyang buong katawan. Bago siya makatulog kagabi ay naikwento sa kaniya ni Inay Laya ang lahat. Ayon kay Inay Laya, madaling araw na raw nang kumatok sina Se�or Fidel, Patricio at Geronimo sa tahanan ni Don Epifanio. Dala-dala nila si Salome na wala nang malay matapos ang matinding paghihinagpis sa pagkawala ng kaniyang kapatid, Ingkong, ang pagdukot sa kaniyang ina at dalawa pang kapatid at ang pagsunog sa kanilang tahanan. Noong una ay ayaw tanggapin ni Don Epifanio si Salome sa kaniyang tahanan ngunit nagalit si Patricio at pinaalala sa kaniya ang lahat ng naitulong nito sa paggamutan. Kasunod rin nito ay dumating si Roselia na siyang kinakasama na ngayon ni Don Epifanio. Nang dahil din sa pakiusap ni Roselia kung kaya't pumayag si Don Epifanio na itago si Salome sa kaniyang tahanan. Si Fidel, Patricio at Geronimo naman ay agad ginamot ni Inay Laya noong gabing iyon. Lalong-lalo na si Fidel na may tama ng bala sa balikat. Silang tatlo ay tumutuloy ngayon sa tahanan ng alcalde mayor ng Pampanga at siguradong magtataka ang pamilya ng alcalde mayor sa oras na makita nilang sugatan at duguan ang mga ginoo lalo na si Se�or Fidel. Tanghaling tapat na nang mapag-desisyunan ng tatlong ginoo na bumalik sa tahanan ng alcalde mayor upang hindi sila paghinalaan nito lalo na't hinahanap na rin ngayon kung sino ang tatlong misteryosong lalaki na P 41-13 nakasuot ng salakot at siyang tumulong kay Salome. Si Inay Laya naman ay ilang buwan nang naninirahan sa Pampanga at siyang kanang kamay ni Don Epifanio sa panggagamot. Matagal nang umalis si Inay Laya sa San Alfonso dahil na rin sa mainit na dugo sa kaniya nina Padre Bernardo. Napalingon na lang si Salome sa pagkaing nakahain sa mesa sa kaniyang gilid. Batid niyang kailangang manumbalik ang kaniyang lakas kung kaya't kinuha na niya ang pagkain at nagsimula na siyang kumain habang pinapakinggan ang pamilyar na musika na naririnig niya mula sa labas ng kaniyang silid. Napalingon siya sa bintana, maaliwalas na muli ang kalangitan ngunit kita pa rin ang mga basang puno at halaman sa paligid dahil sa pag-ulan kagabi. Nang matapos siyang kumain, bumangon na siya sa kama at nagsimulang humakbang papunta sa pintuan. Mabigat at parang namamaga ang kaniyang mga binti ngunit sinikap niya pa ring makarating sa pintuan upang masilip kung anong mayroon sa labas. Pagkabukas niya ng pinto mas lalong lumakas ang musika na nanggagaling sa labas. Napatulala na lang si Salome nang makita kung sino ang lalaking tumutugtog ng biyolin at siyang pinagmumulan ng pamilyar na musikang iyon. Marahan na musika na animo'y naglalakbay papasok sa kaniyang tenga at parang kuryente na dumadaloy sa kaniyang buong katawan na siyang nagpapagaan din ng lahat ng alalahanin na kaniyang pasan-pasan. Nakatayo si Fidel sa tapat ng balkonahe at mula doon ay tinutugtog niya ang 'Canon in D' gamit ang isang itim na biyolin. Nakapikit ang kaniyang mga mata habang dinadama niya ang bawat nota, kasabay nito ang pagihip ng marahan na hangin dahilan upang mahawi ang buhok niyang tumatama sa kaniyang kilay. Ilang sandali pa, biglang napatigil si Fidel sa pagtugtog at nang imulat niya ang kaniyang mga mata nakita niya si Salome na nakatayo na ngayon sa tapat niya at nakakatitig sa kaniya. Isang matamis na ngiti ang nabitiwan na Fidel nang makita ang dalagang pinipintig ng puso niya. Isang matamis na ngiti rin ang sagot ni Salome sa pag-ibig na pinapamalas ng binatang kaharap sa kaniya. "Desear�a poder ver tu sonrisa as� cada vez que me despierto" (I wish that I could see your smile like this everytime I wake up) saad ni Fidel habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Isang ngiti at tango ang muling pinakawalan ni Salome dahilan upang hindi na mapawi ang pangiti ni Fidel. Inalapag ni Fidel ang hawak na biyolin saka niyakap ang dalaga at niyakap rin siya nito pabalik. "Nawa'y hindi mo pa rin nakalimutan ang sinabi mo noon sa akin sa Simbahan ng San Agustin" bulong ni Fidel sa tenga ni Salome habang magkayakap pa rin sila ng mahigpit. Napakunot naman ang noo ni Salome "Anong sinabi ko?" nagtatakang tanong ni Salome. Bigla namang napabusangot ang mukha ni Fidel ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin siya kumawala sa pagkakayakap sa dalaga. "Iyong sinabi na ika'y magpapakasal sa akin sa lalong madaling panahon" ngisi ng binata dahilan para mapabitaw sa yakap si Salome ngunit hindi siya nakawala dahil ayaw siyang bitawan ni Fidel na ngayon ay tinatawanan na siya. Isinubsob na lang ni Salome ang mukha niya sa dibdib ng binata dahil sa hiya, namumula P 41-14 na ang pisngi niya dahil sa sinabi nito at nahihiya siyang makita nito ang pamumula ng buong mukha niya. Sandali silang nag-usap sa balkonahe. Nalaman ni Salome na unti-unti na ring naghihilomang sugat sa balikat ni Fidel. Nakasuot ngayon ang binata ng makapal na coat upang hindi mapansin ang nakabalot na tela sa balikat nito. Siguradong magtatanong ang mga opisyal kung saan nakuha ni Fidel ang sugat na iyon. Matapos ang tanghalian, pinapasok na ni Inay Laya si Salome sa silid upang makapagpahinga. Kailangan pa nitong mabawi ang kaniyang lakas. Kung kaya't tinapalan niya muli ng mga halamang gamot ang dalaga. Nasa Maynila ngayon si Don Epifanio kasama si Roselia upang ipakilala sa isang pagpupulong ang bago niyang asawa. Kung kaya't si Inay Laya muna ang pansamantalang namamahala sa mansyon at paggamutan ni Don Epifanio. Mag-aalas singko nan ang hapon nang magising si Salome mula sa pagsisiyesta. Bago siya lumabas ng kwarto ay muli siyang napatigil at napatitig sa pahabang lumang papel na nakasabit sa gilid ng bintana na kung saan nakasulat ang isang salita sa letrang baybayin... 'Pangako' Bakit tila pamilyar sa akin ang bagay na iyon? Nang makarating si Salome sa kusina wala doon si Inay Laya. Maging sa salas, palikuran at sa silid nito ay wala ang matanda. Tahimik ang buong bahay, ngunit maayos at malinis ito. Kitang- kita rin ang karangyaan ni Don Epifanio. Napatigil si Salome nang makita ang iginuhit na larawan na nakasabit sa dingding ng salas. Naroon ang magkasamang iginuhit na larawan ni Don Epifanio habang hawak ang kamay ni Roselia na medyo umbok na ang tiyan. Ngayon lang napagtanto ni Salome na ikinasal na pala si Roselia kay Don Epifanio, kung kaya't ang pagbubuntis nito ay legal na. Nagtungo na lang ulit sa kusina si Salome upang kumuha ng isang basong tubig. Masama pa rin ang loob niya dahil nagawang makalimutan agad ni Roselia ang unang asawa nitong si Ernesto na kaniyang kuya. At ngayon may parte na rin sa isipan niya na kahit papaano ay kontento na rin siguro si Roselia sa buhay nito ngayon. malayo sa peligro at mahirap na pamumuhay na dinanas niya sa piling ni Ernesto. Inilapag na ni Salome ang baso ng tubig na kaniyang ininomat akmang aalis na roon ngunit napatigil siya nang marinig ang pagtama ng palaso mula sa labas. Napalingon si Salome sa bintana ng kusina sa likod ng bahay at doon natanaw niya ang malawak na hardin sa labas. P 41-15 Sa gitna ng hardin, nakita niya rin si Se�or Patricio na seryosong nag-eensayo sa pagpana. Isang malaking puno ng kaymito ang inaasinta ng binata. Hindi naman ito ganoon kalayo mula sa kinatatayuan ni Patricio ngunit hindi pa rin niya natatamaan ang puno ng kaymito. Dahan-dahang binuksan ni Salome ang pinto sa likod ng kusina at mula doon ay pinanood niya kung paano pumana si Patricio. Nakasuot ang bintana ng itimna coat at sumbrero, sa porma't- dating nito ay kitang-kita ang karangyaan na tinataglay nito. Ngunit kahit ganoon, siguradong magtataka ang sinumang makakakita sa kaniya sapagkat pana at palaso ang ginagamit nitong sandata. Halos sampung beses nang pinana ni Patricio ang puno ngunit ni isa sa palasong kaniyang pinakawalan ay walang tumama sa gitna ng puno. Hindi naman mapigilan ni Salome na mapailing-iling at matawa dahil mukhang napipikon na ngayon si Patricio. Hindi pa napapansin ni Patricio na nasa likod lang si Salome at pinapanood siya. At ilang saglit pa, hinugot na ni Salome ang dragon na pang-ipit na nakasuksok sa kaniyang buhok saka mabilis niyang inihagis ito diretso sa puno ng kaymito. Gulat namang napalingon sa kaniya si Patricio sabay tingin ulit sa dragon na pang- ipit na nakabaon na ngayon ng malalimsa gitna ng puno dahilan upang maglaglagan din ang ilang kaymito na bunga ng punong iyon. "Tama nga si Se�or Geronimo, hindi ka magaling gumamit ng pana" saad ni Salome, napakunot naman ang kilay ni Patricio saka sinubukang panain muli ang puno pero sa huling pagkakataon ay sumablay pa rin siya. Napailing-iling lang si Salome saka naglakad papunta doon sa puno sabay kuha sa dragon na pangipit na inihagis niya doon at isinuksok niya iyon muli sa kaniyang buhok. "Sadyang madaldal talaga si Geronimo, ngunit- " hindi na natapos ni Patricio ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Salome. Animo'y ito na ang pagkakataon niya para makabawi ng pang-aasar kay Patricio. "Ngunit totoo naman ang kaniyang sinabi, hindi ba?" kantyaw pa ni Salome. Napangisi lang si Patricio sa kaniya. "Iyan ang hirap sa iyo Lumeng, madali kang naniniwala" saad ni Patricio at napailing-iling pa. "Madali kang naniniwala sa sinasabi nila at madali ka ring nagtitiwala" patuloy pa ni Patricio. Hindi naman agad nakapagsalita si Salome, naalala niya noong sinabi sa kaniya ni Patricio noong nagkita sila sa batis. Sinabi nito na may nakapagsabi sa kanila na nagbago na siya "Bakit hindi mo sa akin sinabi na si Ising ang nagkwento ukol sa pagbabago ko?" biglang tanong ni Salome, napatigil naman si Patricio sa pagpana doon sa puno saka napahinga ng malalimat lumingon sa kaniya. "Ikaw ba ay maniniwala kung sinabi ko? Kaibigan mo siya samantala ako naman ay hindi. At bukod doon ang kapatid mo rin naman ang nagsabi kung nasaan ang pamilya niyo. Si Danilo ang nagpadala ng lihamkay Ising. Ngunit ang malaking palaisipan sa akin ay kung kay Ising lang ba nagpadala ng lihamsi Danilo? o baka naman nagpadala pa si Danilo ng lihamsa ibang tao bukod kay Ising. Maaaring ang taong iyon ay may alam din noon kung nasaan kayo bago pa mangyari ang lahat ng ito" sagot ni Patricio, napakunot naman ang noo ni Salome. Tila may pinapahiwatig ang binata sa kaniya ngunit hindi niya maintindihan. Ilang saglit pa, inilapag na ni Patricio ang pana at palaso na hawak niya saka nauopo sa isang mahabang troso P 41-16 sa gilid. Nagpunas din siya ng pawis gamit ang isang puting tela na nasa tabi niya. "Sinasabi ko na sa iyo Lumeng, huwag kang magtitiwala kaninuman. Kung minsan ang inaakala mong tapat at hindi magtataksil sa iyo ang siyang sisira ng tiwala mo. Ang pangako ay maaaring mapako" giit pa ni Patricio saka uminomng isang basong tubig na nasa gilid din niya. Napahakbang naman si Salome papalapit sa kaniya "Paano mo nalaman na taksil si Ising?" nagtatakang tanong ni Salome habang seryosong nakatingin ng diretso sa mata ni Patricio. Inalapag naman na ni Patricio ang baso na hawak niya saka nagpagpag ng kamay at inayos niya ang kaniyang sumbrero. "Hindi ka maniniwala kung sino ang taong kausap ni Ising noong gabing narinig ko ang plano nila" tugon ni Patricio sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Kasabay niyon ang biglaang pag-ihip ng malamig na hangin na animo'y nadala ng kilabot at kaba sa buong katawan ni Salome "S-sino ba ang tinutukoy mo?" muling tanong ni Salome, hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdamsiya ng takot sa isasagot ni Patricio. Hindi naman nakaimik si Patricio. Nakatitig lang siya sa mga mata ni Salome at ilang sandali pa dahan-dahan siyang lumingon sa kaliwa. Napalingon na rin si Salome sa kaliwa kung saan nakatingin ngayon si Patricio. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang tinitingnan nito. Si Fidel. "Minsan ang pag-ibig ang siyang bumubulag sa mga mata ng taong nagmamahal. Hindi nito nakikita ang dapat makita, Hindi nito naririnig ang dapat na marinig dahil sadyang nangingibabaw ang tibok ng puso na siyang nagtatakip sa katotohanan. Isang katotohanan na sa oras na iyong malaman ay iyong pagsisisihan" patuloy ni Patricio habang nakatingin ng diretso kay Fidel na naglalakad ngayon papalapit sa gilid ng mansyon habang hila-hila ang kabayo. Anong ibig mong sabihin Se�or Patricio? Makalipas ang tatlong araw, unti-unti nang bumabalik ang lakas ni Salome. Sa susunod na linggo pa raw babalik si Don Epifanio at ang bago nitong asawa na si Roselia. Kung kaya't silang dalawa lang ni Inay Laya P 41-17 ang nag-aasikaso sa bahay ng Don. Halos araw-araw ding bumibisita si Patricio sa kanila, habang si Fidel naman ay tuwing umaga lang dahil abala ito sa pagdating ng tiyahin nito mula sa Espanya. Isang hapon habang nakatanaw si Salome sa bintana, hindi niya maaalis sa isip niya ang sinabi ni Patricio tungkol sa kataksilan ni Ising at sa kasabwat nito. Magtatakipsilimna ngunit hindi pa rin siya gumagalaw mula sa kinauupuan niya. Ilang sandali pa, nagulat siya nang biglang sumulpot si Geronimo sa tapat ng bintana dahilan upang mapaatras at mapatayo siya sa gulat. "Nagulat ba kita binibini?" tawa ni Geronimo, napakunot na lang ang kilay ni Salome sa inis. "Siguro sa ganiyang paraan mo dinaan ang pangliligaw kay Piyang, hindi ba?" buwelta ni Salome. Napatigil naman sa pagtawa si Geronimo at mukhang naging seryoso siya nang mapasok si Piyang sa usapan. Kalat sa buong bayan ng San Alfonso na kinasal ang isang tagapagsilbi na si Piyang sa isang mangingisdang binata na si Paterno, kahit pa si Piyang ay nagdadalang-tao na at hindi raw si Paterno ang ama ng pinagbubuntis nito. "Matagal nang walang ugnayan sa amin ni Piyang, kayong mga kababaihan talaga anng hilig niyo sa mga kwentong walang kabuluhan" banat pa ni Geronimo. Napailing-iling na lang si Salome, batid niyang nililihis ni Geronimo ang usapan dahil hindi siya komportable na pag-usapan si Piyang at ang anak nilang dalawa. Sumampa na si Geronimo sa bintana dahilan upang mapaatras si Salome. Nagulat siya nang ilapag ni Geronimo ang isang itimna tela na naglalaman ng iba't-ibang gamit. "Hindi ako naparito upang makipagkwentuhan sa iyo binibini, ang totoo niyan bukod sa mga gamit na dala ko ay may balita pa akong nasagap mula sa labas" tugon pa ni Geronimo. Nagulat si Salome nang biglang isara ni Geronimo ang bintana. "Nabalitaan ko na ang matandang kutserong nagturo kay Danilo at Ising sa ilog ay si Mang Pablo, mahirap lang ang pamilya nila kung kaya't ang salap na natanggap nila mula sa mga opisyal ay pinambili nila ngayon ng bagong sakahan at lupa sa tabing ilog" wika ni Geronimo, halos walang kurap namang nakatingin sa kaniya si Salome dahil sa gulat. "Ang heneral naman na namuno nang gabing iyon sa mga guardia civil ay si Heneral Ramon Cruz na matalik ding kaibigan ni Heneral Martino Alfonso, sa tabi ng tahanan ng alcalde mayor na tinutuluyan namin ngayon nakatirik ang mansyon ni Heneral Ramon. Kakatanggap niya lang kahapon ng parangal mula sa tagapayo at kanang-kamay ng gobernador-heneral dahil sa pagkakahuli sa iyong ina at mga kapatid" patuloy pa ni Geronimo. Napahawak naman si Salome sa gilid ng dingding dahil sa matinding pagkabigla. Lalo nan ang marinig niya ang tungkol sa kaniyang ina at mga kapatid. "Ang iyong ina at mga kapatid ay bihag ngayon ni Heneral Ramon. Ang balita ko ay nakakulong sila sa himpilan ng mga guardia civil dito sa Pampanga. Malakas ang kutob ko na buhay pa sila sapagkat maaaring hatulan nila ng kamatayan ang inyong pamilya sa gitna ng plaza upang magsilbing babala sa mga mamamayan na huwag kalabanin ang pamahalaan" dagdag pa ni Geronimo. Parang nabalot ng napakalamig na tubig ang buong katawan ni Salome, ang maisip pa lang niya na bihag ngayon ang kaniyang pamilya at nakakulong sa mga selda ay hindi na niya matanggap. "At ang huli, nabalitaan ko na ang buong pamilya ni Ising ay magtutungo na sa Espanya. Bilang pabuya sa kanila ng tagapayo at kanang-kamay ng gobernador-heneral" tugon ni Geronimo. Sa pagkakataong iyon, biglang nagpintig ang tenga ni Salome. Ang walang hiya niyang taksil na kaibigan ay nakikinabang ngayon sa pagkakanulo nito sa kaniyang buong pamilya. P 41-18 Sandaling hindi nakapagsalita si Salome. Napapikit na lang siya at pilit na pinakalma niya ang kaniyang sarili. Ilang sandali pa, binuksan na ni Geronimo ang itimna tela na dala niya kung saan nakabalot ang mga iba't-ibang gamit. "Ito ang ilan sa mga gamit namin nina Patricio at Fidel" panimula ni Geronimo sabay abot ng salakot sa kaniya. naiintinidhan na niya ngayon ang nais ipahiwatig ng binata. Na susuportahan siya nito sa paghihiganti na nais niya. Ngunit napatigil si Salome at napatingin kay Geronimo "Nais ko lang malaman, paano niyo nalaman na nasa peligro ang buhay namin noong isang gabi nang linlangin ni Ising si Danilo at ang pagtatangka nilang pagtakas?" tanong ni Salome. Napatigil naman si Geronimo at napatingin ng diretso sa mga mata niya. "Bago mangyari iyon narinig namin ni Patricio ang pag-uusap ni Ising at- " hindi na natapos pa ni Geronimo ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Salome. "Tama na! pakiusap huwag niyong guluhin ang isipan ko" tugon ni Salome. Napatahimik naman si Geronimo at muli niyang binalot ang mga gamit na dala niya saka inalapag sa upuan na nasa tapat ni Salome. "Hindi ka namin masisisi kung ayaw mong maniwala, ngunit bakit hindi mo subukan itanong sa kaniya kung paano niya nalaman na naroon ka at si Danilo sa kagubatan noong gabing iyon?" patuloy pa ni Geronimo at naglakad na siya papalabas sa pinto. Sa pagkakataong iyon, mas lalong bumigat ang loob at ang isipan ni Salome. Ang mga pangyayari, ang mga kaganapan ay unti-unting nauugnay sa isa't-isa. Nang gabi ring iyon ay hindi na nagsayang pa ng oras si Salome. Dali-dali siyang nagpalit ng damit pangmagsasaka, sinuot niya rin ang pulang tela na panaklob sa mukha at ang malaking salakot na dala ni Geronimo. Sa likod ng buhok na kaniyang pinusod, isinuksok niya ang dragon na pang- ipit sa buhok. Kinuha rin niya ang isang matalimna balisong at isinuksok ito sa kaniyang tagiliran. Sa huling pagkakataon, bago siya lumabas sa tahanang iyon ay pinagmasdan muna niya ang kaniyang sarili sa harap ng salamin. Walang duda, hindi na siya makikilala at mula sa likod ng kasuotang iyon... handa na siyang maghiganti. Bago sumapit ang hatinggabi, narating na ni Salome ang maliit na bahay kubo na tinitirhan ni Mang Pablo, ang kutserong nagturo sa kinaroroonan ni Ising at Danilo. Mabilis na narating ni Salome ang likod ng bahay nina Mang Pablo at mula pagitan ng mga kawayan na siyang dingding ng bahay nito ay sinilip niya ang loob. Kakatunaw pa lang ng kandila dahilan upang kusang mapatay ang sindi nito. Natanaw ni Salome na mahimbing na natutulog ang buong mag-anak ni Mang Pablo. Hinugot na ni Salome ang dragon na pang-ipit at siyang ginamit upang mabuksan ang pinto, hindi naman siya nabigo dahil madali niya itong nabuksan. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng bahay. Hindi niya inaalis ang kaniyang mata sa padre de pamilya na mahimbing na natutulog katabi ang asawa nito. Nang marating niya ang papag na hinihigaan ng mag-asawa. Agad niyang sinaksak ang dibdib ni Mang Pablo dahilan upang bigla itong mapasigaw sa sakit. Kasabay niyon ay biglang napasigaw din ang asawa nito na naliligo sa mga pilak na natanggap nila mula sa mga opisyal. Dumanak ang napakaraming dugo mula sa dibdib ni Mang Pablo na siyang bumalot sa mga pilak na P 41-19 hinihigaan nito. Kasunod nito ay sinaksak muli ni Salome nang malakas ang puso ni Mang Pablo gamit ang balisong na hawak din niya. Nagsisisigaw ang gahaman na asawa ni Mang Pablo sabay bitbit sa mga anak nito. Sandali namang pinagmasdan ni Salome ang walang buhay na katawan ni Mang Pablo na ngayon ay naliligo sa sarili nitong dugo at sa mga pilak na tinanggap nito. Tumalikod na siya at nagsimulang lumabas sa pintuan ng bahay na parang walang nangyari habang ang asawa naman ni Mang Pablo at ang mga anak nito ay tumatakbo sa gitna ng kalsada at humihingi ng tulong. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Salome at dire-diretso na siyang nagtungo sa bayan kung saan matatagpuan ang malaking mansyon na tinitirhan ni Heneral Ramon. Ngunit nahirapan si Salome na makapasok sa bayan dahil nagkalat na ang mga guardia civil lalo na nang mabalitaang may umatake sa tinitirhan ni Mang Pablo na nasa gitna ng palayan. Sa ibabaw ng mga bubungan dumaan si Salome at sa tuwing mapapadaan siya sa grupo ng mga guardia civil ay magtatago siya sa mga sanga ng puno. Alas-dos na ng madaling araw nang marating ni Salome ang tahanan ni Heneral Ramon. Sandali niyang pinagmasdan ang buong paligid sa likod ng bubungan ng tirahan ng alcalde mayor na kapitbahay nito. Napansin ni Salome ang dalawang guadia civil na nagbabantay sa labas ng bahay ni Heneral Martino. May isang guardia na siyang nag-uutos sa mga tauhan dahil ayaw na magpaabala pa ng heneral para lang sa maliit na usapin tulad ng pagkamatay ng oridnaryong mamamayan na si Mang Pablo. Nang umalis ang dalawang guardia civil na nagbabantay sa heneral, dali-daling tumalon si Salome papunta sa kabilang bubong, ang tahanan ni Heneral Ramon. Walang ka-hirap-hirap na dumaan si Salome sa gilid ng bahay saka sinipa ng malakas ang bintana sa loob dahilan upang magising ang heneral at agad sinindihan ang gasera na nasa tabi niya. Nakasuot ng magarbong pangtulog ang heneral at ang buong bahay nito ay nababalot ng ginto at mga mamamahaling kagamitan. "Qui�n est� ah�?" (W-who's there?) gulat na tugon ng heneral at nagsisisigaw siya upang maalarma ang mga bantay sa bahay niya ngunit wala na ang mga ito. Ang ilan ay umalis para puntahan ang nangyaring gulo sa barrio nina Mang Pablo at ang ilan naman ay napatay na ni Salome. Siniklaban ng takot si Heneral Ramon ang makita ang isang anino na papalapit na sa kaniya. nanginginig niyang inabot ang rebolber na nasa ilalimng kaniyang kama ngunit makailang beses niya itong nabibitawan dahil sa kaba. Animo'y nakalimutan na niya kung paano gumamit ng baril dahil sa matinding takot. "Batid kong hindi mo naiintindihan ang sasabihin ko... ngunit isang bagay lang ang nakasisiguro akong maiintindihan mo" panimula ni Salome habang humahakbang ng dahan-dahan papalpait sa heneral. Nanlaki ang mga mata ni Heneral Ramon nang marinig ang boses ng anino. "Tu eres una ni�a" (Y-you're a girl) tugon nito at nanginginig ang kamay na itinuro siya. Agad inihagis ni Salome ang balisong na hawak niya na dumaplis sa gilid ng mukha ng heneral. Napasigaw ito sa takot, animo'y sanggol na tinatawag ang kaniyang ina. Napansin ni Salome ang sariwang sugat sa mukha ng heneral. Naalala niya ang ikinuwento ni Ingkong Lui bago ito mamatay, nagawang sugatan ni Nay Delia ang mukha ng heneral noong gabing iyon. P 41-20 "Marahil ay may awa pa si ina kung kaya't hindi ka niya nagawang paslangin noong gabing iyon, kahit pa ang totoo ay kayang-kaya naman niya" tugon pa ni Salome, patuloy namang napapatras sa kama si Heneral Ramon habang pilit na inaabot ang kaniyang rebolber na hindi niya mahawak ng maayos dahil sa matinding takot. Napatigil na si Salome sa paglalakad nang marating na niya ang dulo ng kama ng heneral. Sa pagkakataong iyon, dahan-dahang inalis ni Salome ang pulanng tela na nakabalot sa kaniyang mukha. Nanlaki ang mga mata ni Heneral Ramon nang makilala si Salome. "Ako ang magtutuloy ng sugat na hindi natapos ng aking ina" patuloy ni Salome. Kasabay niyon ay nahawakan na ng heneral ang rebolber at agad niya itong tinutok sa tapat ni Salome ngunit kasing bilis ng kidlat na sinunggaban ni Salome ang heneral at hiniwa ang leeg nito gamit ang dragon na patalimna hawak niya. Ang malambot na kama nito na puting-puti ay nabalot na ngayon ng dugo mula sa heneral na binigo ng sarili niyang baril. Magliliwanag na nang marating ni Salome ang Maynila sakay ng kalesa na ninakaw niya kay heneral Ramon. Napatigil siya mula sa di-kalayuan at tinanaw ang malalaking pader ng Intramuros. Bumaba na siya sa kalesa at iniwan ito sa gilid ng isang puno. Alamniyang hindi siya makakapasok sa loob ng intramuros suot ang salakot na iyon. Maging ang kaniyang damit ay nababalot na rin ng dugo, siguradong paghihinalaan siya ng mga bantay sa lagusan ng Intramuros. Dinukot na niya ang ilang pilak na kinuha niya kanina sa tahanan nina Mang Pablo at siyang ginamit niya upang bilhin ang isang baro't-saya na nakasampay sa maliit na bahay kubo na nasa gilid niya. napag-alaman niya na isang mangangalakal ng bulaklak ang ale na nakatira sa bahay kubo na iyon. Kung kaya't binayaran niya rin ito upang tulungan siyang makapasok sa loob ng Intramuros. Alas-sais na ng umaga nang makarating sila sa lagusan ng Intramuros kung saan may sampung guardia ang nagbabantay. Bitbit ang mga bulaklak na dala-dala ng ale at ni Salome ay madali silang nakapasok sa loob dahil kilala namang taga-suplay ng bulaklak ang ale na iyon. Pagpasok nila sa loob, bumungad ang masiglang umaga para sa lahat. Maraming mga nagtitinda ng pagkain sa calle ng kainan. Dire-dretsong sumunod si Salome sa pagdadalhan ng bulaklak at laking gulat niya na ang mga bulaklak na bitbit niya ay ihahatid pala sa panciteria nila Ising. "Dito na lang ang bulaklak na iyan, huwag mon ang hawakan baka malanta pa iyan!" matapobreng utos ni Aling Teodora na siyang nanay ni Ising. Dahan-dahan namang inilapag ng ale at ni Salome ang bulaklak na dala nila. Bago lumabas ang ale ay inihagis pa ni Aling Teodora sa sahig ang bayad nito. Dahilan upang pulutin pa ito ng ale at magmukhang kaawa-awa ang matanda. Napapikit na lang sa inis si Salome. Nakalugay ngayon ang mahaba niyang buhok kung kaya't hindi siguro siya nakilala agad ni Aling Teodora. "Lumayas na kayo rito! Malas! Malas!" buwelta pa ni Aling Teodora saka pinagtatabuyan ang ale at si Salome. Inalalayan na ni Salome papunta sa pinto ang ale na tumulong sa kaniya at ibinigay niya rito ang mga pilak na dala niya bilang kabayaran sa tulong nito sa kaniya. "Anong pang ginagawa mo riyan? Umalis ka rito sa aming tind- " hindi na natapos pa ni Aling Teodora ang sasabihin niya dahil napatigil siya sa gulat nang lumingon si Salome sa kaniya. P 41-21 "L-lumeng?" gulat na tugon nito at napaatras pa dahil sa kaba. Tiningnan naman siya ni Salome ng matalim, animo'y tigre na handa na siyang sunggaban at kainin. "I-ikaw pala iyan hija, h-hinahanap mo ba si Ising? W-wala siya ngayon- " hindi na naman natapos ni Aling Teodora ang sasabihin niya dahil nagsimulang humakbang si Salome papalapit sa kaniya. Nakasuot ito ng isang lumang baro't-saya tulad ng dati. Taliwas sa suot ngayon ni Aling Teodora na pang-do�a na. "Hindi ka ba nabubulunan sa tuwing ika'y kumakain? Hindi ka ba nababangungot sa tuwing ika'y natutulog? Paano mo naaatimmabuhay ng ganito karangya? Hindi ba kayo inuusig ng inyong konsensiya?" buwelta ni Salome habang humahakbang papalapit sa kaniya. Dali-dali namang nagsisisigaw si Aling Teodora upang tawagin ang kaniyang asawa at mga anak. Ilang sandali pa ay nagsidatingan na rin ang kaniyang mga anak. Gulat na gulat ang mga ito nang makita si Salome na nasa loob ng kanilang panciteria. Agad hinawakan ni Celestina ang kamay ng kaniyang ina at tinago ito sa likod. "Bakit kayo natatakot? Ako ito si Salome... isang Aguantar na kaibigan ng inyong pamilya, hindi ba?" banat pa ni Salome. Nang hahakbang muli siya ay sabay-sabay napaatras ang buong pamilya ni Aling Teodora dahil sa takot. Isa-isang tiningnan ni Salome ang buong pamilya ni Aling Teodora. Magagarbo na rin ang mga kasuotan nito at ang kanilang kainan at tahanan ay nababalot na rin ng mga mamamahaling gamit. Walang duda, ito ang karangyaang kapalit na natanggap nila matapos ituro ang pamilya nina Salome. Napatigil si Salome nang makita si Ising na nakatayo sa gilid ng hagdan, nakayuko ito at umiiyak. Sa pagkakataong iyon, sunod-sunod na nagpakita sa alaala ni Salome ang ginawang kataksilan ni Ising. Ang pagsisinunggaling nito kay Danilo para mahikayat na magtanan sila. Ang pagturo sa pamilya niya kung kaya't nabihag ngayon ang kaniyang ina at dalawang kapatid. Ang pagsira nito sa pagkakaibigan at tiwala na binigay niya at higit sa lahat ang pagbabale-wala niya sa pag-ibig ni Danilo para sa kaniya. Mahigpit na hinawakan ni Salome ang dragon na pang-ipit na siyang gustong-gusto na niyang ibaon sa leeg ni Ising. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawa, hindi niya magawang humakbang papalapit dito upang saksakin ito. Kung tutuusin anumang oras ay kayang-kaya niyang gawin iyon lalo na dahil walang kalaban-laban sa kaniya ang buong pamilya nito. Ngunit hindi niya mawari kung bakit hindi niya mapatay ang dating kaibigan. "Lumeng... maghunos dili ka, pakiusap huwag mong gawin iyang binabalak mo" tugon ni Aling Teodora na nagmistulang anghel. Taliwas sa inaasal nito kanina, daig pa ang mayamang do�a na matapobre. Sandaling ipinikit ni Salome ang kaniyang mga mata. At nang muli niyang imulat ito, diretso niyang tiningan si Ising. "Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag dahil wala na rin naman itong patutunguhan. Hindi na rin maibabalik pa ang dati nating pagkakaibigan. Sinayang mo ang lahat Ising. Sinayang mo ang mga taong totoong nagmamahal sa iyo" tugon ni Salome at tinalikuran sila. Ngunit bago siya makalabas sa pintuan ay bigla siyang napatigil at napalingon sa gilid. Kinuha niya ang isang malaking gasera na nasa gilid at ang isang kandila na nakasindi sa kabilang mesa. "LUMENG!" sigaw ni Aling Teodora at ng mga anak nito ngunit hindi rin naman sila makalapit kay Salome. P 41-22 Dali-daling ibinuhos ni Salome ang gas sa dingding at labas ng panciteria nina Aling Teodora, ang kanilang panciteria ay gawa sa kahoy at pawid kung kaya't nang idikit ni Salome ang apoy ng kandila sa dingding ng kanilang tindahan ay mabilis itong nagliyab. Agad napatakbo papalabas ang buong pamilya ni Aling Teodora at nagsisisigaw ito. Hindi naman na sila magkamayaw dahil mabilis na kumalat ang apoy na ngayon ay nakarating na rin sa bubungan ng kanilang tindahan. Maging ang mga taong naglalakad sa calle ay nagulat sa mga pangyayari. Dali-dali silang sumalok ng tubig upang patayin ang apoy ngunit huli na ang lahat dahil natupok na nito ang buong bahay at tindahan ng pamilya ni Aling Teodora. Sa kabilang banda, ay naglalakad lang si Salome sa gitna ng calle na parang walang nangyari. Nakakasalubong niya ang mga taong nagmamadali habang buhat-buhat ang banye- banyerang tubig para patayin ang apoy. Ilang sandali pa, nagulat si Salome nang biglang may humawak sa kaniyang braso at nang lumingon siya ay tumambad sa harapan niya si Fidel na seryosong nakatingin ngayon sa kaniya. Agad hinila ni Fidel si Salome papunta sa isang calle kung saan walang masyadong tao. Siguradong maraming nakakita kay Salome na siyang sumunog sa tahanan nila Aling Teodora. At ang ginawa nito ay siguradong makakarating sa mga opisyal. "Lumeng! Ano bang ginagawa mo? bakit naririto ka sa Maynila? at bakit lumikha ka ng gulo?!" seryosong tugon ni Fidel. Sinubukang kumawala ni Salome mula sa pagkakahawak ni Fidel ngunit hindi siya binitawan nito. "Nararapat lang iyon sa kanila! kung tutuusin maswerte pa sila sapagkat hindi ko kinitil ang mga buhay nila!" galit na sagot ni Salome habang pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak ni Fidel. "Lumeng! Gumising ka! huwag mong gawin ito" giit pa ni Fidel at hinawakan niya sa magkabilang balikat si Salome ngunit nagpupumiglas pa rin ito. "Bitawan mo ako!" sigaw ni Salome dahilan upang mabigla si Fidel at matauhan sa mga nangyayari. Dahandahan niyang binitawan si Salome at napahakbang din siya paatras. Hindi naman na ngayon makatingin si Salome sa kaniya at agad nitong pinunasan ang luhang namumuo sa kaniyang mga mata. Sandali silang napatahimik. Sandaling naghari ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ilang sandali pa ay nagsalita na si Salome "S-sabihin mo nga sa akin... ikaw ba ay tapat?" Napatingin naman ng diretso si Fidel sa kaniya, hindi niya nagustuhan ang tanong nito tungkol sa kaniyang katapatan. "Anong ibig mong sabihin?" seryosong tugon ng binata. Napahinga naman ng malalimsi Salome saka tumingin ng diretso sa mga mata ni Fidel. "Paano mo nalaman na naroon sa ilog si Danilo at Ising noong gabing sinundan ko rin sila?" diretsong tanong ni Salome. Hindi naman nakapagsalita si Fidel at bigla itong napaiwas ng tingin. Napatingala ito sa P 41-23 kalangitan at pilit na pinapakalma ang sarili. "Pinagdududahan mo ba ako?" seryosong tanong ni Fidel. Si Salome naman ang napaiwas ng tingin at napayuko. "Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko" giit ni Salome. Hindi naman nakaimik si Fidel. Sa pagkakataong iyon, nang muling tingnan ni Salome ang binatang inaakala niyang lubusan na niyang kilala. Unti-unting nabuo sa kaniyang isipan na posibleng mali ang inaakala niya. Nang araw ding iyon, inihatid din ni Fidel si Salome pabalik sa tahanan ni Don Epifanio sa Pampanga. Pinasuot niya ito ng balabal. Habang nasa byahe sila pabalik, walang umiimik sa kanilang dalawa. Nang makarating sila sa bayan ng Pampanga. Bumagal ang takbo ng kalesa dahil maraming tao ang nagkukumpulan sa labas ng tahanan ni Heneral Ramon. "Anong nangyari rito?" tanong ni Fidel sa kutsero. Napalingon naman ang kutsero sa kaniya at nagbigay galang. "Se�or natagpuan pong patay si Heneral Ramon sa kaniyang silid kaninang madaling araw, may ilang mga guardia rin ang natagpuang patay sa daan. Maging si Mang Pablo na isa sa mga kasamahan kong kutsero ay natagpuang patay din sa kanilang tahanan" sagot ng kutsero. Napatulala naman sa gulat si Fidel. Ilang araw lang siya nanatili sa Maynila dahil sa pagdating ng kaniyang tiyahin ay biglang nagkagulo na ulit. "Nahuli ba kung sino ang may gawa nito?" tanong ni Fidel, napailing naman ang kutsero. "Hindi po Se�or ngunit isang misteryosong lalaki raw ang nakasuot ng salakot ang may gawa nito" sagot ng kutsero. Sa pagkakataong iyon, biglang napatingin si Fidel kay Salome na ngayon ay nakalingon sa labas ng bintana. Nang makarating sila sa tahanan ni Don Epifanio. Naabutan nilang kumakain doon ng tanghalian si Patricio, Geronimo at Inay Laya. Dali-daling sinugod ni Fidel si Patricio at hinawakan ang kwelyo nito. "Anong ginawa mo?! bakit lumikha ka ng gulo sa bayan na ito?!" buwelta ni Fidel at akmang susuntukin si Patricio ngunit agad silang inawat ni Geronimo. "Tumigil na kayong dalawa!" awat ni Inay Laya at Salome pero hindi pa rin natigil si Fidel. Hindi naman nagpadaig si Patricio at akmang susuntukin na rin si Fidel ngunit napatigil silang lahat nang sumigaw si Salome. "Tama na! Tumigil na kayo! Ako ang pumatay sa kanila! Ako ang may kagagawan at wala ng iba!" sigaw ng dalaga dahilan upang mapatigil silang lahat at mapalingon sa kaniya. Agad namang tinulak ni Patricio si Fidel dahil hawak-hawak pa rin nito amg kwelyo niya. "Ako ang nagbigay sa kaniya ng mga gamit" saad ni Geronimo. Napamura naman sa inis si Fidel at si Geronimo naman ang susuntukin niya pero biglang humarang si Salome sa pagitan nila. P 41-24 "Pakiusap! Tama na!" awat pa ni Salome at tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa kaniyang mga mata. Napatigil naman si Fidel at napatitig kay Salome na umiiyak na ngayon. Animo'y biglang lumambot ang kaniyang puso nang makita ang mga luha ng dalaga. Akmang hahakbang siya papalapit sa dalaga ngunit bigla itong tumalikod tumakbo papasok sa silid na tinutuluyan. Napasabunot na lang si Fidel sa inis dahil sa mga nangyayari. At pinakiusapan naman ni Inay Laya sina Patricio at Geronimo na umalis na muna. Hapon nan ang lumabas si Salome sa kaniyang silid. Naabutan niya si Fidel, Patricio, Geronimo at Inay Laya sa hapag-kainan. Seryoso silang nag-uusap habang pinapalibutan nila ang mesa. Napatigil si Inay Laya sa pagsasalita nang mapalingon si Fidel sa gilid at nakita niyang nakatayo doon si Salome. Nagkatinginan silang apat ngunit sa huli ay alamnilang hindi nila maitatago ang balitang dumating para kay Salome. Itinaas ni Inay Laya ang kaniyang kamay at sinenyasan niya si Salome na lumapit sa kaniya. Nagsimula namang humakbang si Salome papalapit sa kanila, napansin niya ang malaking papel na nakalagay sa mesa. May nakasulat doon ngunit hindi niya maintindihan dahil nakasulat ito sa letrang alpabeto. "Ito ay isang anunsyo mula sa tagapayo ng gobernador-heneral" panimula ni Geronimo. Biglang siniklaban ng kaba si Salome at napatitig muli doon sa malaking sulat. "Ang pamilya Aguantar ay lilitisin sa plaza ng Pampanga. Inaasahan namin ang presensiya ni Salome Aguantar upang ipaglaban din ang kaniyang sarili at harapin ang mga reklamo ng pagpatay at paninira ng ariarian na ipinataw sa kaniya. Ang hindi pagsulpot sa paglilitis na ito ay nangangahulugang inaamin mo ang iyong kasalanan..." tugon ni Patricio habang binabasa ang nakasulat doon sa malaking kasulutan. "Iyan ang mga nakasulat dito" patuloy pa ni Patricio. Hindi naman nakapagsalita si Salome. Batid niyang darating ang araw na malalaman din nila ang lahat. At wala siyang pakialam. Hindi niya pinagsisihan ang paghihiganti na kaniyang ginawa lalo na sa heneral at sa pamilya ni Aling Teodora. "Anong oras ba ito?" ang tanging nasabi ni Salome. Gulat namang napatingin sa kaniya ang lahat lalo na si Fidel na sinubukan pang hawakan ang kamay niya. "Lumeng, may iba pang paraan. Delikado ito- " hindi na natapos ni Fidel ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Patricio. "Hindi ito magiging delikado. Dahil mayroon din tayong plano" tugon ni Patricio sabay tingin kay Salome na ngayon ay nagtatakang napatitig sa kaniya. "Hindi ako nagtitiwala sa iyong plano, Patricio" seryosong tugon ni Fidel. Tiningnan din siya ng seryoso ni Patricio. "Walang dapat pagkatiwalaan sa pagkakataong ito, maging ako ay hindi nagtitiwala sa iyo" tugon pa ni Patricio habang nakatingin ng diretso sa mata ni Fidel. Agad namang hinawakan ni Inay Laya si Fidel dahil bakas sa mukha nito na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Patricio. Magsasalita pa sana si Fidel ngunit biglang nagsalita na si Salome. "Ano ba ang plano?" seryosong tugon nito. At sa tono ng pananalita ng dalaga, batid na ni Fidel na hindi na ito makikinig sa kaniya. P 41-25 Madaling araw gaganapin ang paglilitis. Nakahanda na ngayon ang maliit na entablado na gawa sa kahoy na nakatayo sa gitna ng plaza. Naroon na ang ilan sa mga mamamayan na nais mapanood ang paglilitis. Sunod-sunod na tilaok ng mga manok ang umaalingangaw sa buong kapaligiran. Ilang sandali pa, dumating na ang grupo ng mga guardia civil at siyang pumalibot sa buong plaza. Dumating na rin ang alcalde mayor at ang asawa nito. Maging ang kura paroko ng simbahan ay naroon na rin at naupo sa gitna. Nababalot pa ng hamog ang buong paligid. Papausbong pa lamang ang araw kung kaya't nababalot pa ng balabal ang mga kababaihan dahil sa lamig. Sa kabilang banda, lingid sa kanilang kaalaman nagtatago sa likod ng bubungan at dalawang puno si Fidel, Patricio at Geronimo. Nakasuot sila ng damit pang-magsasaka, nakabalot ng pulang tela ang kanilang mga mukha at nakasuot din sila ng salakot. Taimtimna nakatingin si Fidel kay Salome na ngayon ay nakasuot ng baro't-saya na puting-puti habang naglalakad papalapit sa gitna. Hindi niya maaalis ang kaniyang mga mata sa dalaga lalong-lalo na ang dragon na pang-ipit na nakatusok sa buhok nito. Ayon sa napag-usapan nilang plano kagabi, kunwareng isusuko ni Salome ang kaniyang sarili sa paglilitis. At sa oras na dumating ang tagapayo ng gobernador-heneral na siyang may pakana sa pagpapahuli sa pamilya Aguantar dahil sa hindi malamang dahilan ay papanain ni Fidel ang tagapayo. Kalmado lang na nakatayo sa gitna si Salome habang napapalibutan siya ng mga guardia. Marahang umihip ang malamig na hangin dahilan upang mapayakap ang ilan sa kanilang mga sarili dahil sa lamig. Ilang saglit pa, dumating na ang hukbo mula sa Maynila. kasunod nito ang isang magarbong kalesa sakay ang tagapayo (advisor). Agad nagbigay pugay ang lahat nang tumigil na sa tapat nila ang kalesa. Sumenyas na si Geronimo at Patricio kay Fidel kung kaya't tumayo na ito at itinaas ang kaniyang pana. Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang P 41-26 pana at itinutok ito sa tagapayo na mukhang iika-ika sa paglalakad. Inalalayan ito ng dalawang guardia civil pababa sa kalesa at inabot ang tungkod nito na gawa sa ginto. Napatitig ng mabuti ang tagapayo kay Salome. Nasa edad limampu pataas na ito. Matangkad ito, matangos ang ilong, makapal ang balbas. Nangingibabaw din ang dugong kastila. "Ngayon na" bulong ni Patricio kay Fidel na ngayon ay nanlaki ang mga mata at gulat na napatingin sa tagapayo ng gobernador-heneral. "Fidel!" tawag pa ni Geronimo ngunit nanatiling tulala si Fidel. Animo'y nanigas na siya sa kaniyang kinatatayuan at halos walang kurap na nakatingin sa tagapayo. Sumenyas ang tagapayo sa mga gaurdia civil na itutok ang mga baril nito kay Salome. Humakbang naman papalapit ang mga guardia at pinalibutan si Salome habang nakatutok ang mahahabang baril sa dalaga. "Fidel! Ano pang hinihintay mo!" sigaw ni Geronimo dahilan upang matauhan si Fidel. Binitawan na nito ang matalimna palaso na diretsong dumaplis sa damit ng tagapayo sa bandang balikat nito dahilan upang mapunit ang mangas nito. Gulat na napalingon si Salome kay Fidel dahil hindi nito nagawang tamaan ang tagapayo. Naalala niya ang kakayahan ni Fidel sa pagpana. Asintadong-asintado ito kung pumana ngunit ngayon ay hindi niya nagawang tamaan ang kalaban. Nagkagulo ang paligid dahil sa nangyari. Agad prinotektahan ng mga guardia civil ang tagapayo. Bigla namang nanghina ang tuhod ni Salome at napabagsak siya sa lupa dahil sa takot na nabigo sila. dali-dali rin siyang hinila ng mga guardia at iginapos saka sapilitang hinila papasakay sa kalesa. Sa huling pagkakataon ay napatingala si Salome sa likod ng bubungan kung saan nagtatago si Fidel. Tulala ito at ilang sandali pa, nabitawan na nito ang hawak na pana at palaso na diretsong nahulog at nasira sa lupa. Kasabay nang pagkabihag sa kaniya ng mga kalaban ang unti-unting pagdaloy ng mga luha sa kaniyang mga P 41-27 mata. Sa katotohanang tumalikod na si Fidel at iniwan siya. Iniwan siya ng lalaking binigay niya ang lahat ng tiwala at pagmamahal niya dahil ang tagapayo na nais pumatay sa buong pamilya nila ay siyang ama ni Fidel na matagal na nitong hinahanap. ******************** Featured song: 'Maging sino ka man' by Erik Santos Muntik nakongmagtaksil kay Juanito dahilsayo Fidel hayup kaaa! Wala kang kwentaa?????? Hayp ka! P 41-28 Kabanata f(x - 40) 54.2K 2.4K 7.8K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 40] "So as long as I live I'll love you Will have and hold you You look so beautiful in white" -Westlife (Beautiful in White) "Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" ulit niya pa sabay hakbdang papalit sa akin dahan-dahan niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Ako ito... Olivia" tugon niya. sinubukan ko pang kumawala sa pagkakahwak niya pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung kabilang braso ko dahilan para makaramdam ako ng kakaibang lamig at takot na hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. "Bhava Tanha" Hindi! Naalimpungatan ako nang biglang may humawak sa balikat ko. "Anong nangyari? Hijo" narinig ko ang boses ni mama at nang imulat ko ang mga mata ko naramdaman ko na lang na nagmamadaling tinatanggal ni Sir Nathan ang seatbelt ko, lumabas siya ng kotse saka binuksan ang pinto sa gilid ko kung saan nakadungaw si mama at Alex. "Na-stranded po kami sa Casaysay church, sandali ko lang siya iniwan doon para maghanap ng tao sa paligid pero pagbalik ko wala na siyang malay sa labas ng simbahan" sagot ni Sir Nathan at naramdaman ko na lang na binuhat na niya ako papalabas ng kotse papasok ng bahay. Parang tumitibok ang ulo ko at sa tuwing sinusubukan kong imulat ang mga mata ko nanlalabo ito. Sinubukan ko ring magsalita pero walang boses na lumalabas sa lalamunan ko, parang nananuyot ito. Sa huling pagkakataon, bago ko ipikit ang mga mata ko narinig kong nagsalita si Alex. "Sir, I have something to tell you" tugon ni Alex habang seryosong nakatingin ng diretso sa mga mata ni Sir Nathan. P 42-1 Kinabukasan, tanghali na nang magising ako sa mga boses ng taong nag-uusap sa labas ng kwarto. Dahandahan akong bumangon at naabutan ko sila Jen at Leana na malungkot na nakaupo sa salas habang hinihimas ang likod ni mama. "Saang hospital siya dinala? Nakatawag na ba si Iryn ng taxi sa labas?" nagpapanic na tanong ni Jen. Hindi ko alampero parang bigla akong kinabahan nang marinig ko ang pag-uusap nila. "A-anong nangyayari dito?" tanong ko. Gulat naman silang napalingon sa'kin, agad akong lumapit kay mama na ngayon ay umiiyak at parang mahihimatay. "Ma, ano bang nangayayari? Bakit- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang hinawakan ni Jen ang kamay ko dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "M-may nangyaring masama kay Alex, nasa hospital siya ngayon" diretsong sagot ni Jen, parang biglang nanigas ang buong katawan ko at napabagsak sa sahig. Hindi pwede! Bakit nangyayari 'to?! Mag-iisang linggo nang comatose si Alex dito sa hospital kung saan siya dinala. Ayon kay Lily na siyang kasama niya kaninang umaga. Ihahatid lang daw siya ni Alex pauwi sa bahay nila dahil kakatapos lang ng practice nila sa theater play na nag-umpisa ng 6 amhanggang 10 am. Habang naglalakad daw sila sa kahabaan ng kalsada papunta sa bahay nila bigla na lang daw sumulpot ang isang kumakaripas na motorsiklo at pinagbabaril sila, bigla daw siyang niyakap ni Alex dahilan upang tamaan ito ng bala sa ulo, tiyan at binti. Napatitig na lang ako kay Alex na mahimbing pa ring natutulog ngayon dito sa hospital. Ako muna ang magbabantay sa kaniya ngayon dahil umuwi muna si mama para kumuha ng mga panibagong gamit at damit. Sabi ng doctor, nasa critical pa ang kalagayan ni Alex kaya mukhang matatagalan pa bago siya magkaroon ng malay. Tatlong katok mula sa pinto ang dahilan para matauhan ako. Kasunod niyon ay bumukas na ang pinto, napatayo ako nang makitang si Sir Nathan pala iyon. Tumango siya sa'kin habang hawak-hawak ang isang basket ng mga prutas. "Kamusta na siya?" tanong niya saka dire-diretsong pumasok at isinara ang pinto. Inilapag na rin niya ang dala niyang prutas sa isang mesa sa gilid ng kwarto ni Alex dito sa hospital. Hindi naman ako nakapagsalita. Hindi ko alamkung anong isasagot ko. Alamkong hindi pa maayos ang kalagayan ni Alex at sa tuwing sumasagi iyon sa isipan ko mas lalong nadudurog ang puso ko. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko at ilang saglit pa naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Sir Nathan habang hinihimas-himas ang likod ko. "Magiging maayos din ang lahat, Aleng. Matatapos din ang lahat ng pagsubok na ito" narinig kong tugon ni Sir Nathan. Dahan-dahan naman akong napaatras at kumawala sa pagkakayakap niya saka pinunasan ko na ang luha ko at binaling ko na lang ang atensyon ko kay Alex. P 42-2 "Hindi ako naniniwalang si Lily ang target ng mga mamamatay tao na iyon" seryoso kong tugon at inayos ko ang kumot na nakabalot sa kapatid ko. Nagsimula namang humakbang si Sir Nathan papalapit sa higaan ni Alex "Kasama niya si Lily noong araw na 'yon. Bakit naman may magpaplano ng masama kay Lily? Sigurado akong si Alex talaga ang gusto nilang saktan" patuloy ko pa. Magsasalita pa sana ako kaso biglang nagsalita si Sir Nathan. "Hindi mo ba naitanong kay Alex, kung bakit naiinis siya noon kay Lily?" tanong ni Sir, napailing naman ako. Halos lahat naman sinusungitan ni Alex, at sa tingin ko dahil palagi siya noon kinukulit ni Lily kaya siya naiinis dito. Napayuko na lang ako at napatingin ulit sa kapatid ko "Sir, narinig kong may sinabi sa inyo sa Alex noong isang gabi" panimula ko habang nakatitig kay Alex na mahimbing na natutulog habang ang daming mga apparatus ang nakakabit sa katawan niya. Sandali namang hindi nakapagsalita si Sir habang nakatingin rin kay Alex. "Sir, I have something to tell you" - Alex Nakabibinging katahimikan ang naghari sa buong kwarto. Tanging tunog lang mula sa Vital signs monitor ang naririnig namin. "Alamna niya" diretsong sagot ni Sir Nathan dahilan para gulat akong mapalingon sa kaniya. Nanatili lang siyang nakatingin kay Alex habang nakasuksok ang dalawang kamay niya sa kaniyang bulsa. "A-anong alamna niya?" nagtataka kong tanong. Napapikit naman si Sir sandali, halos walang kurap akong nakatitig sa kaniya. Hindi ko alamkung bakit sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Parang nilalamon ng matinding kaba ang buong katawan ko. Ilang sandali pa, nagulat ako nang biglang imulat ni Sir ang mga mata niya at diretso siyang tumingin sa mga mata ko. "Ang lahat ng alaala ng nakaraan na pilit binabaon ng tadhana sa kailaliman" sagot ni Sir. Hindi naman ako nakapagsalita, sa mga titig pa lang niya. Nararamdaman kong matagal na siyang may nalalaman. "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko pa pero hindi niya ako inimik at umiwas siya ng tingin. "Anong alaala ng nakaraan na binaon ng tadhana?!" habol ko pa pero hindi pa rin nagsalita si Sir Nathan. May kinalaman ba 'to sa pag-iimbestiga ni Alex sa pagkamatay ni papa? "May nasabi ba si Alex tungkol sa may kagagawan nito kay papa?" tanong ko, hindi ko na nagawang makontrol ang boses ko. Napayuko lang si sir at hindi na naman siya nagsalita. Napapikit na lang ako sa inis. Palagi na lang ganito, sa tuwing may itatanong ako sa kaniya palagi niyang sinasagot sa ibang paraan at kung minsan hindi siya nagsasalita. At dahil sa inis naglakad ako papalapit sa kaniya at hindi ko na napigilan pang hampasin ang dibdib niya. "Ano bang nangyayari? Bakit ganito? Bakit nililito mo ako?! Bakit bigla kang sumulpot sa buhay ko tapos nagkagulo na ang lahat?! Bakit di mo sabihin?!" inis kong tugon at pinaghahampas ko na siya pero nanatili pa P 42-3 rin siyang nakatayo doon at hindi gumagalaw habang nakayuko. "Pakiramdamko parang may mali! Parang hindi tama ang mga nangyayari... parang... parang nakita ko na to dati na hindi ko maintindihan at hindi ko malamaan kung saan at kung kailan?!" sigaw ko pa, nagulat ako nang biglang hawakan ni Sir Nathan ang kamay ko dahilan upang mapatigil ako sa paghampas sa kaniya. "Aleeza..." mahinahong tugon ni Sir, at sa isang salitang iyon parang biglang humupa lahat ng gumugulo sa isipan ko. Dahan-dahan akong napatingin sa mga mata niya at nababasa ko na may gusto siyang sabihin pero may kung anong bagay na pumipigil sa kaniya. Ilang sandali pa, dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Ikaw si Aleeza. Wala nang iba. Siguro nga mas makabubuti kung mabaon na lang sa limot ang lahat nang wala nang masaktan at madamay pa. K-kasalanan ko ang lahat ng ito, tama ka hindi na ako dapat nagpakita pa sayo" patuloy niya, parang unti-unting dinudurog ang puso ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya na ngayon ay may mga luha nang namumuo. Bigla siyang humakbang paatras. Hindi ko alamkung bakit parang biglang nanghina ang buong katawan ko nang bitawan niya ako. "Aalis na ako" tugon niya pa at bigla siyang tumalikod sa'kin saka dire-diretsong lumabas ng pinto. Hindi ko alampero sa pagkakataong iyon parang pamilyar sa'kin ang mga huling ikinilos niya. Napapikit na lang ako at napasabunot sa sarili ko dahil sa inis. Dali-dali akong naglakad papunta sa bintana at binuksan iyon para makalanghap ng sariwang hangin. Agad sumalubong sa'kin ang lakas ng ulan mula sa labas at ang hampas ng hangin. Napadungaw ako sa ibaba, madilimsa labas, maghahatinggabi na pero halos puno ang mga kotse sa parking lot ng hospital na'to. Napatitig lang ako sa ulan habang kasabay nito ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko na kanina ko pa pilit na pinipigilan. Ang kirot-kirot ng puso ko at parang hindi ako makahinga. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nilulubayan ng kakaibang pakiramdamna ito. Napahawak na lang ako sa puso ko at pinikit ko ang mga mata ko habang iniinda ang pagkirot nito. At sa hindi inaasahang pagkakataon kasunod nito ay ang sunod-sunod na pagpasok ng mga pamilyar na alaala at boses na minsan nang gumugulo sa isipan ko... "Marahil ay may importante kang patutunguhan upang magpabasa ka sa ulan ng ganiyan" "Oro para que nos encontremos en situaciones diferentes, donde no haya nadie que pueda evitar que nos enamoremos" (I pray that we find ourselves in dif erent situation, Where there is no one who could stop us from falling in love) "Te esperar� por siglos ... Lumeng" (I will wait for you for centuries... Lumeng) P 42-4 "Te amo, Salom�, y a�n as� lo dir� hasta que nos volvamos a encontrar" (I love you Salome, and I will still say that until we meet again) "Te amo, Esmeralda, y a�n as� lo dir� hasta que nos volvamos a encontrar" (I love you Esmeralda, and I will still say that until we meet again) "Saksi ang bawat patak ng ulan sa ating pagmamahalan, Ang ihip ng hangin ay naghahatid ng magkahalong pait at tamis na ating naranasan, Asahan mong ang pag-sinta ko sa iyo'y di mapaparam, Tanging ang pag-ibig mo lamang ang aking inaasam" "Kung ang kapalaran natin ay tulad ng numero na paulit-ulit, Maging ang buhos ng ulan na lamig at lungkot sa atin ay hatid, Kahit pa maraming bagay at pangyayari na maging balakid, Sa susunod na buhay, ikaw ay hahanapin ko at ang pag-ibig ko sa iyo'y ipababatid" "Kung patuloy pa ring manaig ang asimptota sa ating kapalaran... asahan mo na kung hindi man ngayong panahon magdugtong ang ating linya, kung hindi man ngayong panahon magwakas ng masaya ang kwento nating dalawa... ipinapangako ko sa iyo na patuloy kung nanaisin na mabuhay ng paulit-ulit upang muling makita at makapiling ka" Napagbagsak ako sa sahig at tila tumigil ang takbo ng oras at ang pag-ikot ng mundo. Ang lahat ng mga kakaibang alaalang iyon na inakala kong panaginip lang. Ang lahat ng mga pangyayari at mga taong pamilyar sa'kin ay hindi pala nagkataon lang. Nanginginig akong napatayo at napadungaw ulit sa bintana. Sobrang lakas ng buhos ng ulan sa labas. kailangan kong maabutan si Sir Nathan. Hindi pa naman siguro siya nakakalayo. Agad akong napatayo at tumakbo papaunta sa pinto pero napatigil ako sandali at napalingon kay Alex. "Katulad mo, hindi rin nagtagumpay ang tadhana na itago sa akin ang katotohanan... Danilo... Bartolome... P 42-5 kapatid ko" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kapatid kong wala pa ring malay hanggang ngayon. Pagkasara ko ng pinto, tumakbo ako papunta sa elevator pero ang daming tao na naghihintay sa pintuan nito at mukhang matatagalan pa ako makasakay kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa fire exit at bumaba sa hagdan. Nasa 7th floor lang naman ako at wala na akong pakialamkahit ilang baitang pa ang tahakin ko basta maabutan ko lang si Sir Nathan. "Salome" Sinubukan ko siyang tawagan habang tumatakbo ako pababa ng hagdan pero naka-off ang phone niya. Pagdating ko sa lobby ng hospital napahawak ako saglit sa gilid ng sofa at pilit kong hinabol ang hininga ko dahil hingal na hingal na ako ngayon. Nagpalingon-lingon ako sa paligid, umaasa akong makikita ko si Sir Nathan. Ang daming mga tao ang naglalakad sa iba't-ibang direksyon. Ang ilang mga nurse ay kinakausap ang mga pasyente at ang ilan naman ay tulak-tulak ang mga pasyenteng nakasakay sa wheelchair. "Esmeralda" Ilang sandali pa, napatingin ako sa main door ng hospital na gawa sa salamin. May iilang mga kotse ang nakapark sa labas at hindi pa rin tumitila ang malakas na buhos ng ulan. Hindi ko alampero parang may naguudyok sa'kin na lumabas sa hospital na iyon. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dire-diretso akong lumabas. Narinig kong sinabihan pa ako ng guard na delikado dahil malakas ang ulan at wala akong payong pero hindi ko na siya pinansin. Wala na rin akong pakialamkahit basang-basa na ako ngayon habang tumatakbo sa gitna ng parking lot ng hospital na ito. "Aleeza" Hindi ko na rin pinapansin ang napakalamig na hampas ng hangin at ang malakas na hampas ng ulan sa balat at mga mata ko dahilan upang hindi ako makakita ng maayos. Nagpaikot-ikot ako doon at pilit na umaasa na makikita ko ang kotse ni Sir Nathan hanggang sa isang pamilyar na pagpintig ng puso ko ang biglang naramdaman ko nang mapalingon ako sa likod at natanaw ko ang isang matangkad na lalaki na naglalakad papunta sa kotse nito habang nakatalikod sa'kin at may hawak itong itimna payong. "SE�OR FIDEL!" tawag ko sa kaniya at sa pagkakataong iyon bigla siyang napatigil sa paglalakad. Hindi na maawat ang mga luha sa pagbagsak sa mga mata ko na humahalo na ngayon sa ulan na malakas na bumabagsak sa buong paligid namin. "Se�or Rolando" tawag ko pa, animo'y parang sumasabog na ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Ilang P 42-6 sandali pa, dahan-dahang napalingon sa akin si Sir Nathan at sa pagkakataong iyon nakita ko ang pagdaloy ng mga luha sa kaniyang mga mata habang nakatingin ng diretso sa'kin. Ilang segundo kaming nanatili roon habang nakatitig sa isa't-isa. Ang makita kong umiiyak siya ng ganiyan ang mas lalong nagpapadurog sa puso ko. Sa huling pagkakataon, hindi ko na napigilan pa tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit. Nabitiwan niya ang payong na hawak niya at niyakap din ako ng mahigpit pabalik. At kahit napakalakas ng ulan rinig na rinig ko pa rin ang paghikbi niya habang basang-basa kaming dalawa. "N-naaalala ko na ang lahat... ang sagot sa tanong na matagal ko nang hinahanap" bulong ko sa kaniya, kasabay niyon ang muling pagpasok ng mga alaala sa isipan ko... ********************** Filipinas 1689 "Ngayon na" bulong ni Patricio kay Fidel na ngayon ay nanlaki ang mga mata at gulat na napatingin sa tagapayo ng gobernador-heneral. "Fidel!" tawag pa ni Geronimo ngunit nanatiling tulala si Fidel. Animo'y nanigas na siya sa kaniyang kinatatayuan at halos walang kurap na nakatingin sa tagapayo. Sumenyas ang tagapayo sa mga gaurdia civil na itutok ang mga baril nito kay Salome. Humakbang naman papalapit ang mga guardia at pinalibutan si Salome habang nakatutok ang mahahabang baril sa dalaga. "Fidel! Ano pang hinihintay mo!" sigaw ni Geronimo dahilan upang matauhan si Fidel. Binitawan na nito ang matalimna palaso na diretsong dumaplis sa damit ng tagapayo sa bandang balikat nito dahilan upang mapunit ang mangas nito. Gulat na napalingon si Salome kay Fidel dahil hindi nito nagawang tamaan ang tagapayo. Naalala niya ang kakayahan ni Fidel sa pagpana. Asintadong-asintado ito kung pumana ngunit ngayon ay hindi niya nagawang tamaan ang kalaban. Nagkagulo ang paligid dahil sa nangyari. Agad prinotektahan ng mga guardia civil ang tagapayo. Bigla namang nanghina ang tuhod ni Salome at napabagsak siya sa lupa dahil sa takot na nabigo sila. dali-dali rin siyang hinila ng mga guardia at iginapos saka sapilitang hinila papasakay sa kalesa. Sa huling pagkakataon ay napatingala si Salome sa likod ng bubungan kung saan nagtatago si Fidel. Tulala ito at ilang sandali pa, nabitawan na nito ang hawak na pana at palaso na diretsong nahulog at nasira sa lupa. Kasabay nang pagkabihag sa kaniya ng mga kalaban ang unti-unting pagdaloy ng mga luha sa kaniyang mga mata. Sa katotohanang tumalikod na si Fidel at iniwan siya. P 42-7 Iniwan siya ng lalaking binigay niya ang lahat ng tiwala at pagmamahal niya dahil ang tagapayo na nais pumatay sa buong pamilya nila ay siyang ama ni Fidel na matagal na nitong hinahanap. Huli na rin ang lahat dahil nabihag at nagapos na si Salome, sinubukan niyang lumaban at magpumiglas ngunit pinagtulungan siyang hawakan ng mga guardia. Isang guardia ang humila sa kaniya dahilan upang aksidente nitong mahila ang purselas na rosaryo na suot ni Salome. Napigtal ang purselas na rosaryo na regalo noon ni Fidel sa kaniya, kumalat ang mga 'beads' nito sa lupa, animo'y isang pangarap at pangako na tuluyan nang nasira. Napatulala si Salome sa kaniyang purselas na nagkalat na sa lupa. Akmang pupulutin niya ito ngunit dalidaling sinipa iyon ng mga guardia papalayo. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Salome habang nakatitig sa nasirang purselas. Tulad ng pagkawasak nito ay ang pagkasira ng tiwala niya sa lalaking nagbigay niyon sa kaniya. Tila namanhid ang kaniyang buong katawan. Hindi na siya lumaban pa nang bigla siyang kaladkarin ng mga guardia pasakay sa kalesa ng hukbo. Nagkalat na rin ang mga guardia civil sa buong plaza upang hanapin ang mga salarin na siyang pumana at muntikan nang pumatay sa tagapayo (advisor) ng gobernador-heneral. Nagpalingon-lingon sa paligid si Geronimo at Patricio ngunit hindi na rin nila masumpungan kung nasaan si Fidel. Animo'y naglaho na ito na parang bula. Lumipas ang halos tatlong araw na nakakulong si Salome sa himpilan ng mga guardia civil habang hinihintay ang hatol ng hukuman. Naroon din nakakulong ang kaniyang inay at dalawang kapatid ngunit hindi niya alam kung saan banda ang selda nila dahil sa lawak ng himpilan. Ilang beses siyang inabutan ng makakain ngunit hindi niya ito ginalaw. Tanging tubig lang ang nagawa niyang galawin. Bantay sarado ang buong himpilan lalong-lalo na ang selda kung nasaan si Salome. Ilang beses din siyang sinubukang kausapin ng mga malolokong guardia ngunit hindi niya ito kinibo. Ni isang salita ay wala siyang binitiwan sa loob ng tatlong araw. Nanatili lang siyang nakaupo sa isang sulok habang tulala sa sahig. Hindi na rin niya alintana ang dumi at ang mabahong amoy sa paligid. Maging ang mga luha niya ay hindi na rin niya mapigilan pa sa walang humpay nitong pagbagsak. Walang segundo na lumipas na hindi sumasagi sa kaniyang isipan ang ginawa ni Fidel. Sa tuwing naaalala niya ang ginawa nito mas lalong sumisikip ang dibdib niya. Gusto niyang magwala, manakit, sumigaw at pumatay ngunit tila nababalot ng lamig at panghihina ang buong katawan niya dahilan upang naisin niyang mamatay na lang. Ilang sandali pa, ingay mula sa labas ang kaniyang narinig. Kasunod nito ay ang yapak ng mga paa na tila papalapit na sa kaniya ngayon. Napapikit na lang si Salome, hinang-hina na siya at wala na siyang pakialam kung ito na ang huling mga oras niya. Naramdaman niya ang pagdating ng mga guardia civil habang bitbit nito ang mga nagliliyab na apoy sa sulo P 42-8 upang magbigay liwanag sa buong selda. " (Please, leave us) utos ng tagapayo sa mga guardia civil. Napatango naman ang mga ito saka umalis na. Nanatili pa ring nakapikit si Salome. Animo'y hinihintay na lang niya ang pagtama ng matalimna espada sa kaniyang leeg dahil nais na niyang mamatay. Ngunit nang magsalita ang tagapayo hindi niya napigilang tingnan ito ng diretso sa mata. "Fue un tiro muy cerca ..." (It was a very close shot...) panimula ng tagapayo na pustorang-pustora ang bihis habang kalmadong humihithit sa kaniyang tabako. Napansin ni Salome ang kanang kamay nito na putol na. "Oo nga pala, marahil ay hindi ka nakakaintindi ng wikang Kastila. Nakapanghihinayang naman kung hindi man lang ikaw naturuan ng aking anak. Kung sabagay, kaunting panahon lang naman ang palugit na binigay ko sa kaniya at napagtagumpayan naman niya ang kaniyang misyon kung kaya't wala na akong problema doon" patuloy pa nito habang tumatawa-tawa pa. Ang nakakasuklamna tawa nito ang patuloy na umaalingangaw sa buong selda. Halos walang kurap na nakatitig sa kaniya si Salome. Sa mga tingin pa lang ng dalaga ay kitang-kita na gustong-gusto na siya patayin nito. "Mag-iingat sa pamatay na tingin na iyong pinapakawalan. Baka nakakalimutan mo ako ang tagapayo ng gobernador-heneral. Anumang salitang ilabas ko sa aking bibig ay maaaring makaimpluwensiya sa desisyon ng ating minamahal na pinuno" tugon pa ng tagapayo saka sumandal sa dingding at nagsindi ng tobako. Bagama't putol na ang isang kamay nito kayang- kaya niya pa rin sindihan ang kaniyang tabako. "Ano bang kasalanan ng pamilya ko sayo? bakit ganito na lang ang galit mo sa amin?!" sigaw ni Salome na agad umalingangaw sa buong kulungan. Tila nasindak naman ang tagapayo sa tapang na ipinamalas ng dalaga ngunit di kalaunan ay bigla na lang siyang napahalakhak ulit. "Matapang ka, kitang-kita sa dugong bughaw na namumutawi sa iyong dugo. Tulad ng iyong mga ninuno na matapang na nakipaglaban sa aming lahi ngunit hindi naman sila nagtagumpay" saad pa nito, napapikit na lang sa inis si Salome. "Isa ba kaming banta sa inyo? Ni hindi na nga namin inaasamna maibalik muli ang kaharian na naitatag ng aming mga ninuno. Bakit ginugulo niyo pa ang buhay namin?!" muling sigaw ni Salome, ngunit isang nakakainsultong tawa na naman ang pinakawalan ng tagapayo. Nang matapos tumawa ang tagapayo naglakad siya papalapit sa rehas ni Salome saka ibinuga ang usok ng tabako na hinihithit niya. "Nakikita mo ba ito?" panimula ng tagapayo saka pinakita kay Salome ang kanang kamay niya na putol na ngayon. "Labing apat na taon na ang nakaraan ngunit sariwa pa rin sa aking alaala ang mapait na sinapit ko sa inyong lahi" tugon ng tagapayo. Ang tinutukoy nito ay ang pag-aaklas ng mga intsik na nangyari noong 1675. Ang pag-aaklas na iyon ay sinalihan din ng mga magulang at kamag-anakan ni Nay Delia. "Kilala mo kung sino ang nakaputol ng aking kamay?" wika pa ng tagapayo. Sabay pakita muli ng kaniyang putol na kamay kay Salome. "Si Francisco Aguantar" sagot nito sabay tingin ng matalimkay Salome. Unti-unting naging malinaw kay Salome anng lahat. Naalala nga niya na minsang sumali ang kaniyang itay sa pag- aaklas noon ng mga intsik P 42-9 upang ipagtanggol din ang ibang mga kamag-anak ni Nay Delia. Animna taong gulang pa lang noon si Salome, wala pa siyang muwang sa mundo at sa labanang nangyayari. Naalala lang niya na lumikas sila noon papunta sa ibang lugar at matapos lang ang ilang linggo muli nilang nakapiling ang kaniyang itay dala ang balitang hindi nakaligtas ang ilan sa mga kamag-anakan ng kaniyang asawang intsik na si Delia. "Hindi pa pala ako nagpapakilala sa iyo, ako nga pala si Don Mauricio Montecarlos, ang ama ng iyong sinisinta" ngisi pa nito. At sa pagkakataong iyon, malinaw na rin kay Salome na matagal nang alamng tagapayo ang relasyon nila ng anak nito. Nang gabi ring iyon. Tulala lang si Salome sa dilimhabang nakahiga sa maduming sahig ng selda. Nararamdaman niya ang paggalaw ng ilang insekto ngunit hindi na niya iyon alintana pa. Napayakap na lang siya sa sarili niya habang patuloy na pumapasok ang hamog mula sa maliit na bintana sa itaas ng kaniyang selda. Ilang sandali pa, naaninag niya ang paparating na liwanag. Agad siyang napabangon at napasandal sa pader. Sunod-sunod na yapak ang narinig niya hanggang sa isang nakasisilaw na liwanag ang tumapat sa rehas niya. "Por favor d�janos por un momento" (Please leave us for a moment) tugon ni Patricio sa mga kasamang guardia civil. Agad naman itong sumaludo at sumunod sa kaniya. Nang makaalis na ang mga guardia, naglakad si Patricio papunta sa lagayan ng sulo saka isinabit ito doon. Magsasalita na sana si Salome ngunit agad sumenyas si Patricio na huwag itong maingay. "Makinig ka Lumeng, bantay sarado ang paligid at mahihirapan kami ni Geronimo na mailabas ka rito. At kung ilalabas ka namin sa ganoong paraan siguradong mahihirapan din tayo magtago kung saan hindi tayo mahahanap ng mga guardia" panimula ni Patricio habang nakahawak ng mahigpit sa rehas. Agad namang naglakad si Salome papalapit sa rehas at napatitig sa mga mata ng binata. "Nasaan si inay, ate Fe at Julio? Anong nangyari sa kanila?" nag-aalalang tanong ni Salome kay Patricio. Napangiti naman ng marahan ang binata. "Narito rin sila sa himpilan ng mga guardia, ngunit huwag kang mag-alala nasa maayos silang kalagayan. Bukas na bukas ay papakiusapan ko na makausap mo sila" tugon ni Patricio, maluha- luhang nagpasalamat si Salome kay Patricio. Ilang sandali pa, nagitla si Salome nang biglang hawakan ni Patricio ang kamay niya na nakahawak sa pagitan ng mga rehas. "Gagawin ko ang lahat upang makalabas ka rito Lumeng, hindi kita iiwan" seryosong tugon ni Patricio habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Sa pagkakataong iyon, naramdaman ni Salome ang sineseridad sa puso ng binata. P 42-10 Kinabukasan, maagang dumating ang mga guardia at ginising si Salome. "Bangon!" sigaw nito, habang binubuksan ang selda. Hindi pa man nakakabangon si Salome ay agad na siyang hinila ng mga guardia patayo at palabas sa kulungan. Nagpupumiglas naman si Salome ngunit malakas ang dalawang guardia habang hila-hila siya. Dumaan sila sa isang makipot na daanan hanggang sa marating nila ang isa pang helera ng mga selda. Napatigil si Salome nang makita sa pinakadulong selda ang kaniyang inay habang nakapatong sa hita nito ang ulo ng kaniyang ate Fe na ngayon ay maputla na at hinang-hina na. Agad sinenyasan ng pinunong guardia ang isa na buksan ang seldang kinaroroonan ng pamilya ni Salome. Nang mabuksan ito dali-daling tumakbo si Salome papasok doon at mahigpit na niyakap ang kaniyang inay at dalawang kapatid. "A-ano pong- " hindi na natapos ni Salome ang sasabihin niya dahil napailing-iling lang ang kaniyang inay. Kasunod nito ay ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata nito. Dahan-dahang napatingin si Salome sa kaniyang ate Felicidad na ngayon ay parang lantang gulay na nakapikit ang mga mata. Nanginginig man ang kamay ni Salome ay hinawakan pa rin niya ang kamay ng kaniyang ate. Dahan-dahang iminulat ni Felicidad ang kaniyang mga mata saka tumingin kay Salome. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang makita ang kapatid. "D-dumating ka rin, L-lumeng" wika ni Felicidad at napaubo pa ito. Agad namang hinimas-himas ni Nay Delia ang lalamunan ng anak upang mahimasmasan ito. "Ate Fe, magpagaling ka. Makakalabas tayo dito" bulong ni Salome sa kaniyang ate, ngumiti lang ito kahit hinang-hina. Tuyot na ang labi nito at nagdurugo rin ang ilong kaya makailang beses na pinu-punasan ni Nay Delia ang ilong ng anak. Dahan-dahang iniangat ni Felicidad ang kaniyang kamay at hinawakan ang mukha ni Salome "L-lumeng, malayo pa ang mararating mo. A-alagaan mo ang sarili mo, si inay at si Julio. M- mahal na mahal ko kayo" patuloy pa nito, hindi na napigilan pa ni Salome ang mg luha sa kaniyang mga mata at napayakap siya ng mahigpit sa kaniyang ate Fe habang humahagulgol. "Ate Fe! Huwag mong sabihin iyan" pagsusumamo pa ni Salome, dahan-dahan namang tinapik ni Felicidad ang likod ng kapatid at pilit na hinahabol ang kaniyang paghinga. "Alammo ba, p-pangarap ko noon na mapangasawa si se�or Patricio ngunit batid ko na hindi naman ako ang babaeng napupusuan niya" tugon pa ni Felicidad sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Salome at pinunasan niya ang mga luha ng kapatid. "I-ikaw ang nilalaman ng puso niya Lumeng. N-nawa'y bigyan mo ng pansin ang pag- ibig niya sa iyo. Ppahalagahan mo ang mga taong nagmamahal sayo Lumeng" wika pa nito, magsasalita pa sana si Felicidad ngunit napaupo na ito ng malakas habang hinahabol nito ang kaniyang paghinga. "Ate Fe!" tawag pa ni Salome ngunit bigla na siyang hinila ng mga guardia papalabas. Pilit siyang P 42-11 nagpupumiglas ngunit mabilis siyang hinila ng mga ito papalayo sa selda ng kaniyang pamilya. Nang gabi ring iyon, taimtimlang na nagdadasal si Salome sa madilimna selda na kinaroroonan niya. ilang sandali pa, bigla siyang naalarma nang maramdaman ang ilang paggalaw at yapak papalapit sa kaniya ngunit wala siyang naaaninag na liwanag. Agad napatayo si Salome at pinuwesto niya ang kaniyang sarili "S-sino iyan?" panimula niya. Dalawang paggalaw mula sa labas ng kaniyang rehas na naman ang naramdaman niya. Magsasalita sana ulit siya kaya lang narinig niya ang isang pamilyar na boses. "Lumeng" halos pabulong na tugon nito. Dali-daling nagtungo si Salome papalapit sa rehas habang kinakapakapa ang sahig papunta roon. "F-felipe?" gulat na tanong ni Salome. Kasunod nito ay narinig na naman niya ang isa pang pamilyar na tinig. "Lumeng, ayos ka lang ba?" tanong nito, parang nabunutan naman ng tinik si Salome sa puso dahil muli niyang nakausap ang mga taong malapit sa puso niya. "M-mang Berto?" tugon ni Salome. Agad naman siyang sinuway nito na hinaan lang ang boses upang hindi marinig ng mga guardia na nagbabantay sa labas. Hindi niya masyado maaninag ng mabuti ang itsura ni Felipe at Mang Berto dahil napakadilimng buong paligid. "Lumeng, itatakas ka namin dito- " hindi na natapos pa ni Felipe ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Salome. "Huwag na, ayokong madamay pa kayo. Makakalabas ako rito at sisiguraduhin kong sa legal na paraan upang wala nang ibang tao ang madamay pa" sagot ni Salome habang nakatulala sa kawalan. Pinaghahawakan niya ngayon ang sinabi ni Patricio na tutulungan siya nitong makalabas sa kulungan. "Lumeng, wala na si Ising. Natagpuang patay ang buong pamilya nila. Hindi nahuli ng mga guardia kung sino ang may kagagawan niyon at mukhang ibabato nila ang sisi sa iyo" tugon naman ni Mang Berto. Napahawak naman si Salome sa bakal na rehas dahil sa gulat. "N-ngunit paano nangyari iyon? nakakulong ako rito- " "Magagawa ni Don Mauricio ang lahat upang idiin ang pangalan niyo at para makapaghiganti sa inyong pamilya" patuloy ni Mang Berto. Hindi naman nakapagsaluta si Salome at napasandal na lang sa dingding. Hindi na niya ngayon alamang kaniyang gagawin. "Bukas na bukas ay hihintayin namin ang iyong pasya, isabit mo ang bulaklak na sampaguita na ito sa labas ng iyong bintana upang malaman namin kung handa ka na makaalis dito. Gagawin din namin ang lahat upang maitakas ang iyong ina at mga kapatid" saad ni Felipe, sabay abot ng sampaguita kay Salome. P 42-12 "Hihintayin namin ang iyong pasya Lumeng" habol pa nito, magsasalita pa sana si Felipe ngunit isang malakas na kalampag ang narinig nila mula sa labas. Kung kaya't mabilis na tumakas sina Mang Berto at Felipe upang hindi sila maabutan ng mga guardia. Kinabukasan, ilang oras nang napatitig si Salome sa sampaguitang iniwan sa kaniya ni Felipe. Nagdadalawang-isip siyang humingi ng tulong mula sa kanila dahil batid niyang delikado ang gagawin ng mga ito at ayaw na niyang may buhay pang mawala nang dahil sa kaniya. "Tabi!" Nagulat si Salome nang marinig ang sigaw ng isang lalaki. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa bakal na rehas ng kaniyang selda upang tingnan kung anong mayroon sa daanan. Ilang sandali pa, nanlaki ang mga mata niya nang makita kung anong nasa likod ng apat na guardia civil na iyon. "ATE FE!" sigaw ni Salome nang makitang ang walang malay niyang ate na nakahiga sa mahabang banig habang bitbit ng apat na guardia. Agad kinuha ng isa pang guardia ang puting kumot saka itinakip iyon sa mukha ng kaniyang ate Fe. Tila tumigil ang takbo ng oras nang mapagtanto niyang... patay na ang kaniyang ate Fe. Wala na si Felicidad. "HINDI! HUWAG! ATE FE!" sigaw pa ni Salome ngunit nagpatuloy lang sa paglalakad ang apat na guardia. Nanlaki ang mga mata ni Salome nang makita na nakasunod sa kanila si Nay Delia at si Julio habang nakagapos ang mga kamay nito at hila-hila nila. "NAY! JULIO!" tawag pa ni Salome. Akmang lalapit si Nay Delia kay Salome ngunit mabilis na hinila ng guardia ang buhok ni Nay Delia dahilan upang mawalan ito ng balanse at matumba. Dali-dali namang yumakap sa kaniya si Julio at hindi na maawat ang pag-iyak nito. "�C�LLATE!" (SHUT UP!) sigaw ng guardia kay Julio sabay sampal sa mukha nito dahilan upang mapabitaw si Julio sa pagkakayakap sa kaniyang ina. Abot kamay naman na ni Salome si Julio at pilit niyang inalalayan ito patayo habang nakalusot ang dalawang kamay niya sa pagitan ng mga rehas. Parang ilog na umaagos ang luha ni Julio at agad itong yumakap sa kaniyang ate Salome. "Julio, huwag ka nang umiyak. Magagalit lalo ang- " hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nagsalita si Julio sa kauna-unahang beses. "N-nais ko pa pong mabuhay ate" wika nito, gulat na napatingin sa kaniya si Salome. Maging si Nay Delia ay napatigil din sa pag-iyak nang marinig ang boses ni Julio. "I-iligtas niyo po kami ni ina. L-lumayo na tayo sa gulo at mabuhay ng tahimik" pakiusap pa ni Julio, sa murang edad nito ay puro pasa at sugat na rin ang kaniyang mukha. P 42-13 Animo'y parang biglang lumambot ang puso ni Salome. Niyakap na lang niya muli ng mahigpit ang kapatid. Ang mga salitang binitiwan nito ay diretsong tumagos sa kaniyang puso. "H-huwag kang mag-alala, mmamakaalis tayo rito at m-mabubuhay ng payapa" tugon ni Salome sa kapatid, maging siya ay hindi na rin maawat ngayon sa pag-iyak. "Basta!" (Enough!) awat sa kanila ng guardia sabay hila kay Julio papalayo kay Salome. Napasigaw ang bata ngunit isang malakas na sampal na naman ang inabot nito sa mga guardia. Nang buksan ang pinto papalabas ng selda. Nagulat si Salome nang makitang nakatayo mula roon sa labas si Patricio. Bihis na bihis ito, ngayon niya lang napagtanto na si Patricio ang magiging abogado na magtatanggol sa kaniyang ina at kapatid na lilitisin na ngayon sa hukuman. Matapos ang halos dalawang oras hindi mapakali sa selda si Salome. Batid niyang isang abogado so Patricio at magagawa nitong maipagtanggol ng maayos si inay delia at julio. Kanina pa siya naglalakad pabalik-balik sa loob ng selda. Gumugulo rin sa kaniyang isipan ang alok na tulong ni Felipe at Mang Berto ngunit batid niyang napakadelikado ng paraang iyon. Bukod doon imposibleng maligtas din nila ang kaniyang inay at kapatid. Ilang sandali pa, hindi nga siya nagkamali. Dumating si inay Delia at Julio at umiiyak sa tuwa na yumakap sa kaniya dahil tagumpay ang pagtatanggol na ginawa ni Patricio sa hukuman. "M- maraming Salamat se�or Patricio" tugon ni Salome at akmang luluhod sa harapan ni Patricio ngunit pinigilan siya nito. "Sinabi ko naman sa iyo na gagawin ko ang lahat para tulungan ka at ang iyong pamilya" wika ng binata sabay ngiti ng marahan kay Salome. "Naipaglaban ko sa hukuman na walang kasalanan ang iyong ina, si Felicidad at Julio. Bagama't sila ay Aguantar, wala na rin naman na ang iyong ama na si Francisco Aguantar na siyang tagapagmana talaga ng trono ng dugong maharlika at siyang kinagagalitan ni Don Mauricio . Wala na rin ang inyong kuya Ernesto na siyang magmamana nito. At bukod doon walang ebidensiya na nagpapatunay na nakapatay ng tao si Inay Delia, Felicidad at lalong-lalo na ang batang si Julio" panimula ni Patricio, napatahimik silang lahat. Maging si Nay Delia at Julio ay napayuko na lang. "Ngunit ikaw Salome... matibay ang ebidensiya laban sa iyo. Ang ginawa mong pagpatay kay Mang Pablo, sa mga guardia civil na tauhan ni Heneral Ramon at ang ginawa mong pagsunog sa kabuhayan at tahanan ng pamilya nila Ising ay sapat nang mga ebidensiya upang hatulan ka ng kamatayan" wika ni Patricio. Gulat namang napatingin sa kaniya si Salome. Animo'y tinamaan siya ng kidlat dahil sa sobrang takot. Ngayong ligtas na ang kaniyang ina at kapatid, natatakot naman siya sa kahihinatnan ng kaniyang buhay. "Hindi ko na magagawa pang iligtas ang iyong buhay sa kamay ng batas... Lumeng" patuloy pa ni Patricio dahilan upang biglang siklaban ng takot si Salome, halos walang kurap siyang nakatingin sa binata dahil sa gulat. "Ngunit may isang paraan upang ikaw ay mabuhay Lumeng..." saad pa ng binata. Agad namang napahawak si Salome sa kamay ni Patricio. Nagsusumamo na iligtas siya nito. P 42-14 "Ikaw ay mabubuhay bilang si Felicidad Aguantar" tugon nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome, parang isang nakabibinging dagundong ang narinig niya. Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan at pandinig niya ang huling sinabi ni Patricio. 'Ikaw ay mabubuhay bilang si Felicidad Aguantar' Kailangan niyang itago ang pagkakakilanlan niya bilang si Felicidad na kaniyang ate. At sa ganoong paraan magagawa niyang makaligtas sa hatol ng kamatayan. Napalingon si Salome sa kaniyang ina. Nakayuko lang ito at humihikbi, animo'y nasabi na sa kaniya ni Patricio ang paraang iyon upang maligtas si Salome. "Nabanggit ko na rin ito sa iyong ina. Ito lang ang tanging paraan Lumeng upang mabuhay ka. Malinis ang pangalan ni Felicidad kung kaya't tulad ng iyong ina at kapatid na si Julio ay hindi sila nahatulan ng kamatayan ng hukuman" saad ni Patricio at naglakad siya papalapit kay Salome sabay hawak sa balikat ng dalaga. "Ako, si Geronimo, ang iyong pamilya, at ang apat na guardia civil na tagapagbantay sa inyong selda lang ang nakakaalamna patay na si Felicidad. Babayaran ko ang apat na guardiang iyon upang manahimik sila. Papalabasin natin sa lahat na wala na si Salome. Kailangang malaman ng lahat na patay ka na" patuloy pa ni Patricio habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Dahan-dahan namang napatingin si Salome sa mga mata ng binata. "Magpapakasal tayo. Gagamitin mo ang aking apelyido. At sa ganoong paraan walang sinuman ang makakapanakit sa iyo at sa iyong pamilya. Sisiguraduhin kong hindi na nila kayo magagalaw pa" tugon pa ni Patricio, ang bawat salitang binibitawan nito ay tumatagos sa puso ni Salome. Isang tango na lang ang naisagot niya sa binata at sa pagkakataong iyon, kaniya nang tinanggap ang bagong kapalaran na naghihintay sa kaniya. Makalipas ang halos tatlong linggo. Mabilis na pinaghanda ni Patricio ang lahat para sa nalalapit nilang kasal ni Salome na ngayon ay kilala ng lahat bilang si Felicidad. Hindi naman sila nahirapang paniwalain na siya si Felicidad dahil magkamukha na magkamuha sila ng kaniyang ate. Mas maputi nga lang ito sa kaniya ngunit dahil sa dami ng mga pampagandang mga kolerete at mga pabangong lana mula sa Europa at Roma na binili ni Patricio para sa kaniya ay naging makinis ang balat ni Salome. Animo'y kabilang na siya sa mga anak ng mayayamang principales. Sa isang mansyon ni Patricio sa Intramuros sila ngayon naninirahan. Madalas lang nasa bahay si Salome, bukod sa wala siyang ganang lumabas ng bahay ay mas mabuti na ring magtago na lang siya dahil baka makita siya nina Felipe at ang pamilya nila Mang Berto na siyang nakakakilala sa pagkakaiba ni Salome at Felicidad. Sa tuwing lumalabas sila ni Patricio ng bahay ay nagtataklob siya ng balabal dahil hindi na rin siya ganoon ka-komportable sa labas. Lumipas ang halos tatlong linggo na naging abala sila sa paghahanda sa kanilang nalalapit na kasal. Si Nay Delia ay naging abala sa pag-aasikaso ng traje de boda na isusuot ni Salome. Siya rin ang nakatalaga sa mga pagkaing ihahanda sa kasal at sa mga imbitasyon. Habang si Julio naman ay pinagaral ni Patricio sa San Juan de Letran. P 42-15 Enero 31, 1689 Halos abala ang lahat at nasasabik sa kasalanang gaganapin sa simbahan ng San Agustin. Nagkalat ang mga bulaklak sa labas ng simbahan. Ganoon rin ang sunod-sunod na pagdating ng mga mayayamang panauhin na karamihan ay mga kaibigan at kasosyo ni Patricio sa negosyo. Ang mga kababaihan at kalalakihang mga panauhin ay nagtitingkaran sa magagarbong mga puting barong at baro't-saya na kanilang mga suot. Napupuno rin ng mga magagandang bulaklak at makukulay na kandila ang loob ng simbahan. Alas-dos na ng hapon nang makompleto na ang mga panauhin at mapuno na ang loob ng simbahan. Ilang sandali pa, dumating na ang pari at nagsimula na ang kasal. Nakakapanindig balahibo ang musika mula sa mga biyolin na sabay-sabay tumugtog sa loob ng simbahan. Canon in D, ang napiling musika ni Salome habang naglalakad siya sa gitna ng altar. Ipinikit na lang niya ang kaniyang mga mata habang dinadama ang bawat nota ng musikang iyon na siyang nagpapaalala sa kaniya ng lahat ng masasayang sandali nila noon ng lalaking totoong nilalaman ng puso niya. Halos mapunit naman ang ngiti ng ilang mga do�a habang pinagmamasdan ang babaeng ikakasal na naglalakad sa altar. Hindi nila maitatanggi na napaka-swerte ni Patricio dahil napakaganda ng mapapangasawa nito. Habang ang ilan namang mga binibini ay napapataas na lang ang kilay dahil sa inggit. Nang muling imulat ni Salome ang kaniyang mga mata natanaw niya sa Patricio sa dulo ng altar. Nasa tabi nito si Geronimo at ang batang si Julio. ~ikaw, ikaw ang hanap hanap ko ikaw pa rin ang laging naiisip ko bakit mahal pa rin kita kahit ika'y lumimot na bakit ikaw pa rin~ ~Ngayon, ngayon akoy nag-iisa ang tanging nais ko ay makapiling ka di ba't nagako ka minsan pag-ibig na walang hanggan sa isang saglit naglaho ng ikaw ay umalis~ ~Pinilit kong limutin ka ba't di ko magawang umibig sa iba ba't laging ikaw at ako sigaw ng puso ko sayo'y umaasa pa P 42-16 pinilit kong limutan ka~ Sa bawat pagkahabang niya papalapit sa altar ay parang unti-unting winawasak nito ang kaniyang puso. Dito mismo sa loob ng simbahan ng San Agustin kung saan mula pagkabata ay pinangarap niya na maikasal, ngayon ay naisakatuparan ngunit hindi sa lalaking totoong tinitibok ng puso niya. Kahit anong pagpigil ay hindi magawang pigilan ni Salome ang pagpatak ng mga luha niya sa kaniyang mga mata habang inaalala ang mga salita at pangakong binitiwan nila ni Fidel dito mismo sa loob ng simabahang ito. "M-magpapakasal lamang ako kung dito mismo sa simbahang ito ako ikakasal" "Dito sa simbahang ito?" "Masyado mang mataas ang ambisyon kong maikasal sa simbahang ito ngunit mula pagkabata talaga ay pangarap ko nang maikasal dito. Minsan lang ikasal ang isang binibini na tulad ko kung kaya't dapat ay pinaghahandaan talaga iyon ng ginoo... na tulad mo" "Kung gayon... nawa'y paghandaan na sana ng binibining katulad mo na maikasal sa lalong madaling panahon sa simbahang ito sa lalaking... katulad ko" Ang mga salitang iyon. Ang mga alaalang iyon ang patuloy na gumugulo sa isipan ni Salome habang naglalakad siya sa gitna ng altar. Hindi ito ang pangarap niya. Hindi sa lalaking tulad ni Patricio nais niyang tuparin ang lahat ng pangarap niya. Hindi niya inakala na magbabago ang tadhana at magiging ganito kakomplikado ang lahat. Biglang napatigil si Salome sa paglalakad habang nakatulala sa sahig. Nagsimulang magtaka at magbulungbulungan ang mga tao sapagkat tumigil sa paglalakad ang babaeng ikakasal. Gulat namang napatingin sa kaniya si Patricio. Natatakot siya na anumang oras ay baka biglang tumalikod si Salome at tumakbo papalabas ng simbahan. Napatingin si Salome sa kaniyang kamay na nanginginig na ngayon habang hawak-hawak ang kumpol ng mga bulaklak. Nais na niyang tumakas. Ngunit sa huling pagkakataon ay napatingin siya sa kaniyang inay at kay Julio na ngayon ay malungkot na nakatingin sa kaniya. Maayos at malinis na ang pananamit ni Nay Delia at Julio. Animo'y kabilang sila sa mga mayayamang pamilya. Sa halos tatlong linggong pananatili nila sa tahanan ni Patricio sa loob ng Intramuros ay hindi sila nakaramdamng takot o pangamba laban sa mga kalaban. Malakas ang impluwensiya ni Patricio at hindi maikakaila na siya ay isa sa mga makapangyarihang P 42-17 principales na nagpaunlad ng kabuhayan sa San Alfonso. Marami rn itong kilalang makakapangyarihang tao sa Maynila kung kaya't ang maging asawa niya ay magbibigay ng pribilehiyo sa pamilya ni Salome. Muling bumalik sa alaala ni Salome ang lahat ng pasakit at paghihinagpis na naranasan nila noong ordinaryong mamamayan pa lang sila. Ang pang-aapi at walang awang pagpatay sa kaniiyang ama at kuya. Ang pagpatay sa kaniyang kapatid na si Danilo at ang paghihirap ng loob ng kaniyang ate Felicidad ay hindi dapat mauwi ang lahat ng iyon sa wala. At ngayon tanging si Nay Delia at si Julio na lang ang kaniyang natitirang pamilya at kailangan niyang gawin ang lahat upang maprotektahan sila. Para sa kanila ang magandang buhay na gusto niyang ialay ngunit ang kapalit niyon ay ang pagpapakasal niya sa lalaking hindi naman niya gusto. Mabigat man sa kaniyang loob ay buong tapang na lang niyang haharapin ang kaniyang kapalaran. Muli na niyang inihakbang ang kaniyang paa at pinagpatuloy muli ang paglalakad sa altar. Ilang hakbang patungo sa bagong buhay na naghihintay sa kaniya at sa kaniyang pamilya. "Inihahatid ko ang aking pagbati sa matagumpay niyong kasal" tugon ng isang pamilyar na boses ng isang babae. Napatingala naman si Salome at gulat siyang napatingin kay Se�orita Florencia na nakatayo ngayon sa tapat niya. Ang mga handa at pagdiriwang ng kasal nila ni Patricio ay pinagpatuloy sa mansyon nito sa Intramuros. Alassiyete na ng gabi at tuloy pa rin ang kasiyahan. Pagkatapos ng kanilang kasal sa simbahan ng San Agustin ay dumiretso na sila sa tahanan na ito upang idaos ang kainan at kasiyahan. Magmula ng dumating sila ay hindi umalis si Salome sa kinauupuan nito sa gitna habang patuloy na dumadating ang mga bisita upang ipaabot ang kanilang pagbati at ibigay ang kanilang mga regalo sa bagong kasal. Tanging tango at pilit na ngiti lang ang isinasagot ni Salome. Wala siya sa ulirat at parang ayaw makiaayon ng kaniyang buong katawan sa kasiyahan na nagaganap ngayon sa kanilang mansyon. "Huwag ka mag-alala, hindi ako naparito upang manggulo. At huwag ka rin mangamba sapagkat wala akong balak na ipagkalat na hindi ikaw si Felicidad" patuloy pa ni se�orita Florencia habang pinapaypayan niya ang kaniyang sarili gamit ang napakagandang abaniko na mula pa sa Europa. Hindi na lang siya inimik ni Salome pero hindi pa rin natinag si Florencia at umupo pa sa tabi niya. Malakas ang loob nitong asarin si Salome dahil wala si Patricio, kasalukuyan itong nakikipag-inuman sa labas ng kanilang mansyon kasama ang mga kaibigan nito. "Iniisip mo siguro na gagambalain ko ang buhay niyong mag-asawa? Huwag ka mag-alala Salome, wala akong balak gawin iyon" tugon pa ni Florencia habang ngumingisi-ngisi pa ito. Inis naman siyang tiningan ni P 42-18 Salome. "Ano bang pakay mo rito?" diretsong tanong niya. Napahalakhak naman saglit si Florencia dahilan upang mas lalong mainis si Salome. "Naparito nga ako upang batiin kayo at bukod doon nais ko ring magpasalamat sayo" saad pa ni Florencia. Napakunot naman ang noo ni Salome. Nauubos na ang pasensiya niya sa babaeng katabi niya at kung hindi siya makapagpigil babalian na niya ito ng buto. "At bakit ka naman magpapasalamat?" mataray na tanong ni Salome. Nagitla naman si Florencia sapagkat napagtanto niya na isa na palang Montecarlos ngayon si Salome na dating tagapagsilbi lamang at kabilang sa mababang uri. Ngunit ngayon ay asawa na ito ni Patricio Montecarlos kung kaya't kabilang na rin siya sa mayayamang indibidwal. Napatikhimna lang si Florencia at inis na napatayo "Pagsisisihan mo rin ito Salome. Nagpapasalamat na lang ako dahil mas nauna kong nakilala ang tunay na Patricio. Mabuti na lang dahil hindi ako ang naipakasal sa kaniya" nang-iinis na tugon ni Florencia habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Ikinumpas pa nito ang abaniko na hawak saka inilapit niya ang bibig niya sa tenga ni Salome at bumulong dito. "Buena suerte Lumeng. No hay manera de salir. Te ca�ste en su trampa" (Goodluck Lumeng. There's no way out. You fell on his trap) ngisi pa ni Florencia sabay talikod kay Salome at tuluyan na itong umalis. Napatayo si Salome at akmang hahabulin pa sana niya si Florencia ngunit bigla may humarang sa kaniyang dadaanan. Napatigil si Salome at gulat na napatingin sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan niya, si Padre Bernardo. "Supongo que as� es como nos separamos. No te preocupes, no me importar� si pretendes ser tu hermana. No cambia el hecho de que todav�a eres un Aguantar. Eres un Indio tan inteligente, pero no tan inteligente como crees. Somos m�s inteligentes que t� Patricio es m�s inteligente que t�" (I guess, this is how we part ways. Don't worry I won't mind if you pretend to be your sister. It doesn't change the fact that you're still an Aguantar. You're such a clever Indio, but not as smart as you think. We are smarter than you. Patricio is smarter than you) tugon ni Padre Bernardo sabay ngisi. Magsasalita pa sana si Salome ngunit tumalikod na ito at sumunod sa pamangking si Florencia na ngayon ay nakasakay na sa kanilang kalesa at tuluyan na silang umalis. Naiwan lang doon si Salome sa tapat ng pintuan ng kanilang mansyon habang tinatanaw ang kalesang sinasakyan nina Florencia at Padre Bernardo na tuluyang naglalaho na sa dilim. Hindi man naintindihan ni Salome ang mga sinabi nila sa wikang Espanyol ngunit bigla siyang nakaramdamng kaba sa mga sinabi nila. Dahan-dahang napatingin si Salome sa buong paligid. Patuloy ang pagtunog ng nakakaindak na musika na nagbibigay ng kasiyahan sa buong bahay. Masayang nagkwekwentuhan at nagtatawanan ang mga panauhin habang sarap na sarap sa mga pagkaing inihanda nila. Natanaw niya si Julio na masayang nakikipaglaro sa mga kapwa bata nito at naghahabulan sila sa loob ng bahay. Napatingin din siya sa kaniyang inay na abala sa pakikipagkwentuhan sa mga bago nitong kaibigan. At sa huli, napatingin siya kay Patricio na ngayon ay nakikipagtawanan sa mga kaibigan nitong negosyante habang patuloy ang kanilang pag-iinuman. "Felicidad!" P 42-19 "Fe!" "Felicidad, Kanina ka pa namin tinatawag" nagulat si Salome nang biglang may humawak sa balikat niya dahilan upang bigla siyang mapalingon sa likod. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Roselia habang nakakapit sa bisig ng isang matandang lalaki na medyo may katabaan, si Don Epifanio. "Magandang gabi, ipinaabot ko ang pagbati sa inyong kasal" ngiti ni Don Epifanio saka kinuha ang kamay ni Salome at hinalikan ito. Hindi naman nakapagsalita si Salome at napatingin na lang siya kay Roselia na ngayon ay sinenyasan siya na huwag mag-alala. "Ikaw pala si Felicidad, naikwento sa akin ni Roselia na ikaw ang sumunod sa inyong kuya Ernesto na dati niyang asawa" patuloy pa nito sabay hithit ng tabako. Napatakip naman ng ilong si Roselia lalo na't nakasasamang malanghap niya ito dahil buntis siya. "Ipinaabot ko rin ang pakikiramay sa pagkamatay ng iyong kapatid kamakailan lang. Nais ko nga pa lang malaman kung anong sakit ang ikinamatay ng iyong kapatid na si Salome?" tanong pa ni Don Epifanio, napatingin naman si Salome kay Roselia na ngayon ay nabigla rin sa pagtatanong ng kaniyang bagong asawa. "Ah, naikwento sa akin ni Nay Delia na namatay raw sa sakit sa puso si Salome. Ang mabuti pa mahal, huwag na muna nating pag-usapan ang bagay na iyon sapagkat sariwa pa ito sa alaala ni Fe" pakiusap ni Roselia, napatango-tango naman si Don Epifanio sabay hithit ulit ng tabako. "Bueno, kung nalaman ko lang agad ay sana nakatulong ako upang magamot ang iyong kapatid na si Salome. Nakapanghihinayang nga lang sapagkat noong gabing dinala siya nina se�or Fidel, Patricio at Geronimo sa aking tahanan ay hindi ko siya nagawang gamutin. Mabuti na lang dahil naroon si Inay Laya upang asikasuhin siya. Magmula ngayon pamilya na rin tayo kung kaya't huwag kayong mahiyang humingi ng tulong sa akin lalo na pagdating sa usaping pangkalusugan" saad ni Don Epifanio sabay tapik sa balikat ni Salome. Napatango naman si Salome at nagpasalamat sa kanila, nakahinga rin siya ng maluwag dahil mukhang hindi naman nakilala ni Don Epifanio ang mukha noon ni Salome dahil nababalot ito ng dugo noong dinala siya sa tahanan nito. Alas-diyes na ng gabi nang matapos ang kasiyahan. Nagsimula nang magligpit ang mga tagapagsilbi habang hinatid naman ni Salome at Patricio ang mga bisita sa labas ng kanilang bahay pasakay sa mga kalesa nito. "�Adi�s! �Muchas gracias!" (Goodbye! Thank you very much!) paalamni Patricio sa kaniyang mga kaibigan habang pagewang-gewang itong kumakaway sa kanila. Agad namang inalalayan ni Salome ang asawa na ngayon ay lasing na lasing na. "Pumasok na tayo sa loob- " hindi na natapos ni Salome ang sasabihin niya dahil bigla siyang hinawakan ni Patricio sa baywang at hinila papalapit sa kaniya. "Hindi ko akalaing mangyayari ang araw na ito" ngisi pa ni P 42-20 Patricio saka hinimas ang pisngi ni Salome at akmang hahalikan siya. Hindi naman nagustuhan ni Salome ang inasal nito kung kaya't naitulak niya ito papalayo. Agad naman napaatras si Patricio at napakabig sa pintuan. Muntikan pa itong matumba mabuti na lang dahil nasalo ito ng ilang tagapagsilbi na naglilinis malapit sa pinto. "Dalhin niyo na siya sa kaniyang silid" utos ni Salome sa mga tagapagsilbi at pilit niyang pinakalma ang sarili. "Hindi po ba se�ora, ngayong gabi ay sa iisang silid kayo matutu- " hindi na natapos ng tagapagsilbi ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Salome. "Sa silid ni inay ako matutulog" diretsong sagot ni Salome sabay talikod at iniwan doon si Patricio na mukhang nakatulog na sa sahig dahil sa matinding kalasingan. Lumipas ang halos dalawang linggo. Palaging iniiwasan ni Salome si Patricio, noong umpisa ay hindi pa ito napapansin ni Patricio dahil naging abala ito sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo lalo na't sa Maynila na sila maninirahan. Madalas ding balisa at wala sa ulirat si Salome habang nakatanaw sa bintana ng kanilang mansyon. Mula sa bintana ay pinagmamasdan niya ang malalaking pader ng Intramuros na nakapalibot sa kanila. Makulilimang kalangitan ngunit patuloy pa rin ang mga tao sa paglalakad sa mga calle. Ilang sandali pa, natauhan si Salome nang biglang may magsalita sa kaniyang likuran "Tila malalimang iyong iniisip anak" wika ni Nay Delia at naupo ito sa tabi ni Salome sa tapat ng bintana. Sabay ni nila ngayong pinagmamasdan ang malalaking pader ng Intramuros. "Batid kong hanggang ngayon ay marami pa rin ang gumugulo sa iyong isipan. At unang-una roon ay kung nasaan na si se�or Fidel ngayon" patuloy pa ni Nay Delia. Hindi naman nakapagsalita si Salome at napayuko na lang. Hindi naman niya iyon maitatanggi dahil totoo naman. "Sa simula pa lang ay batid ko na ang pagtingin sa iyo ng binatang kastilang iyon. Ngunit anak, hindi ka ba nagtaka kung bakit hindi ko naman tinutulan ang inyong pag-iibigan?" tugon ni Nay Delia dahilan upang mapatingin si Salome sa kaniya. Ngumiti ng marahan si Nay Delia saka hinawakan ang kamay ng anak "Batid kong alammo na noon pa man na ang iyong ate Fe ang pinaka-inaalagaan ko sa lahat. Sapagkat nakikita ko sa kaniya ang pag-asa na siyang mag-aahon sa atin sa kahirapan. Inaamin ko na mataas din ang aking ambisyon at pangarap. At patawarin mo ako anak kung palaging pinapaboran ko si Felicidad" patuloy pa ni Nay Delia, agad pinunasan ni Salome ang luhang namumuo sa mga mata ng kaniyang ina. "Huwag po kayong mag-aalala inay, totoo pong nararamdaman ko na mas pinapaboran niyo po si ate Fe ngunit batid kong masaya na siya ngayon kapiling sila itay, kuya Ernesto, Ingkong at Danilo. Tayong tatlo na lang po ni Julio ang natitira ngayon kung kaya't dapat po nating ipakita sa kanila na buo pa rin ang ating pamilya" wika ni Salome sabay hawak ng mahigpit sa kamay ng kaniyang inay. P 42-21 "Tayong tatlo na nga lang ang magkakasama ngayon at mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang nalulungkot anak. Batid kong napilitan ka lang magpakasal kay se�or Patricio para sa kapakanan namin ni Julio" saad ni Nay Delia, tuluyan nang bumuhos ang kaniyang mga luha. Hindi naman na napigilan pa ni Salome ang pagbagsak din ng kaniyang mga luha kung kaya't niyakap na lang niya ng mahigpit ang kaniyang inay. "Inay, huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Ako po ang nag-desisyon nito. Ito po ang paraan upang maging mapayapa na ang buhay natin lalong-lalo na para kay Julio na nagsisimula pa lang kilalanin ang mundo" tugon ni Salome habang nakayakap ng mahigpit sa kaniyang inay. Sandali naman silang natahimik at matapos ang ilang minuto ay nahimasmasan na silang dalawa. Bumitiw na si Salome sa pagkakayap nila at muling napatingin sa malalaking pader ng Intramuros. "Alam niyo po ba inay, noong bata po ako sinabi ni itay na ang lugar na ito ay isang palasyo. Pinangarap ko po noon na tumira sa loob ng palasyong ito at makatagpo ng prinsipe na naninirahan dito. Hindi ko po akalain na matutupad nga ang pangarap kong iyon... ngayon ay nakatira na rin po ako dito sa loob ng Intramuros ngunit hindi sa prinsipeng pinapangarap ko" wika ni Salome habang nakatulala sa makulimlimna kalangitan. Ilang saglit pa, naramdaman niyang hinawakan muli ni Nay Delia ang kaniyang kamay at napatingala rin ito sa kalangitan. "Ang dahilan kung bakit hindi ako tumutol noon sa pag-iibigan niyo ni se�or Fidel ay dahil nararamdaman ko na totoo ang pagmamahal niya sayo. Naniniwala ako na may sapat siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Kung minsan, ang taong totoong nagmamahal ay pinipiling lumayo upang hindi na masaktan pa ang kaniyang sinisinta. Bakit hindi mo inalamang lahat Lumeng? Bakit hindi mo hinahanap ang sagot sa tanong kung bakit ka niya iniwan ng ganoon?" patuloy pa ni Nay Delia sabay tingin ng diretso sa mga mata ng anak. Ang mga salitang binitiwan nito ay parang palasong asintadong tumama sa puso ni Salome na kahit anong gawin niya, ay hindi na mababawi pa ang sugat na sumira sa kaniyang puso. Kinagabihan, nahiga na si Salome sa kaniyang higaan. Hindi makakauwi ngayong gabi si Nay Delia sapagkat sumama sa mga bagong kaibigan nito sa simbahan na mag-alay ng dasal sa isang namayapa. Isinama rin nito si Julio at doon na sila magpapalipas ng gabi. Sinubukan niyang ipikit ang kaniyang mga mata ngunit hindi siya makatulog lalo na dahil rinig na rinig niya ang lakas ng buhos ng ulan mula sa labas kung kaya't naupo na lang siya at sinindihan niya muli ang pulang kandila na nasa tabi niya. Sa loob ng dalawang linggo, naging abala rin siya sa paggawa ng mga kandila sa tulong ni Inay Laya na naninirahan na rin ngayon sa Maynila kasama sina Don Epifanio at Roselia. Halos lahat ng kandila ngayon sa kanilang tahanan ay gawa ni Salome. Napili rin niya ang kulay pula sapagkat sa kanilang kultura ay maswerteng kulay ito. Nang masindihan na niya ang kandila, kinuha na niya ang talaarawan niya na bigay ni Danilo sa kaniya. Mabuti na lang dahil hindi ito nasunog sapagkat nakuha ito ni Felicidad at ang ilan pa nilang gamit bago sila tumakas noon sa mga guardia civil. P 42-22 Kinuha na rin niya ang kaniyang pluma at isinawsaw ito sa itimna tinta. Lahat ng nararamdaman niya at napagdaanan niya sa buhay ay sinulat niya sa talaarawang iyon ngunit ang pagsulat na kaniyang ginamit ay sa paraaang Baybayin sapagkat hindi pa siya masyado marunong magsulat sa letrang alpabeto. Ilang sandali pa, bigla siyang napatigil sa pagsusulat nang biglang may kumalabog sa pinto niya. Dali-dali siyang tumayo saka kinuha ang dragon na patalimna nakapatong sa gilid ng kandila. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa pinto at bago niya buksan iyon ay itinaas na niya sa ere ang patalim. Pagkabukas niya ng pinto, nakahinga siya ng maluwag nang makita na si Patricio lang pala iyon. "Ikaw lang pala" tugon niya, saka ibinaba ang patalim. Tiningan niya si Patricio mula ulo hanggang paa at laking gulat niya dahil basang-basa ito sa ulan. "Saan ka nanggaling? Bakit- " hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil mabilis na hinawakan ni Patricio ang kamay niya saka inagaw ang dragon na pang-ipit. "Akin yan!" sigaw ni Salome ngunit hindi natinag si Patricio saka inihagis papalabas ang pang-ipit na patalimna iyon. "Ano bang ginagawa mo?!" reklamo pa ni Salome at nagulat siya nang bigla siyang hilahin ni Patricio papalapit sa kaniya. "Anong ginagawa ko? ilang linggo na kitang pinagbigyan Lumeng, batid kong iniiwasan mo rin ako. Ngunit hindi habambuhay ay iiwasan mo ako ng ganito, baka nakakalimutan mo mag-asawa na tayo" seryosong tugon ni Patricio at mahigpit na hinawakan si Salome at akmang hahalikan ito ngunit nagpupumiglas siya at pilit niyang tinutulak si Patricio papalayo. "Bitawan mo 'ko! Lumayo ka!" sigaw ni Salome ngunit sadyang mas malakas sa kaniya si Patricio na ngayon ay lulong din sa alak. Sa tuwing pumipiglas si Salome ay mas lalong hinihigpitan ni Patricio ang yakap sa kaniya at hinahalikan siya nito sa leeg. "Tulong! Ano ba! Bastos ka!" sigaw pa ni Salome dahilan upang magising ang ilan sa kanilang mga tagapagsilbi. Nagulat sila nang makita ang pang-haharas na ginagawa ni Patricio sa asawa nito. "MAGSIBALIK KAYO SA INYONG MGA SILID KUNG AYAW NIYONG IPAPATAY KO KAYO!" sigaw ni Patricio sa mga tagapagsilbi na agad nagsitakbuhan pababa dahil sa takot. "Huwaaag niyo akong iwan! Tulong!" sigaw pa ni Salome ngunit agad sinara ni Patricio ang pinto saka sinuntok sa mukha si Salome dahilan upang mapasubsob ito sa sahig. "Akala mo makakatakas ka sa'kin? Asawa na kita Lumeng! Kalimutan mo na 'yang kahibangan mo kay Fidel! Wala na siya! Iniwan ka na niya! Nasaan siya ngayon? Ha! Nandoon kasama ang tatay niya na mas pinili niya kaysa sayo!" galit na sigaw ni Patricio habang dahan-dahang naglalakad papalapit kay Salome, unti-unti na rin niyang tinatanggal ang mga butones sa kaniyang damit. Napahawak na lang si Salome sa kaniyang pisngi na ngayon ay namamaga na dahil sa malakas na suntok sa kaniya ni Patricio. Agad siyang napatayo at akmang sisipain ng malakas si Patricio ngunit nahawakan nito ang paa niya saka inikot dahilan upang mabali ang kaniyang buto sa talampakan. Napabagsak na lang si Salome sa sahig at akmang susuntukin ang tuhod ni Patricio ngunit naunahan siya nito, isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Patricio diretso sa sikmura ni Salome dahilan upang mapasigaw siya sa sakit, mapasuka ng dugo at hindi na makagalaw pa. P 42-23 Animo'y naparalisa siya sa natamo niyang suntok sa kaniyang sikmura. "Magagawa ko ang lahat ng ibig kong gawin sa iyo Lumeng. Mahal kita ngunit kung patuloy mo akong kakalabanin, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka" seryosong bulong ni Patricio sa tenga ng asawa saka hinila niya ang buhok nito papunta sa kama at itinulak doon. "H-huwag! Pakiusap! H-huwag mong gawin ito!" pagsusumamo ni Salome. Hindi na siya makagalaw pa, hindi na siya makalaban ba dahil sa dami ng sugat at pasa na natamo niya sa asawa. Sapilitang hinila ni Patricio ang damit ng asawa at sa tuwing lumalaban ito ay sinasampal niya ito ng malakas sa mukha. "Hayop ka! Lumayo ka sa'kin! Demonyo ka!" sigaw ni Salome at pilit na nagpupumiglas pa rin ngunit nanghihina na siya at kumpara kay Patricio ay sadyang mas malakas ito sa kaniya kung kaya't kahit anong sigaw, pagsumamo, pag-iyak na ginagawa niya ay wala itong nagawa. Sa kalagitnaan ng gabi, habang bumubuhos ang napakalakas na ulan. Nagsusumamo si Salome na marinig ng kalangitan ang hinagpis niya dahil sa ginawang paglapastangan ni Patricio sa pagkababae niya. Kinabukasan, ingay mula sa labas ng kaniyang silid ang umalingawngaw sa buong bahay. Sumisigaw si Patricio, minumura at pinapalayas niya ang mga tagapagsilbi. Hindi naman makagalaw si Salome habang walang saplot na nakahiga sa kama. Sinusubukan niyang bumangon ngunit napapapikit na lang siya sa kirot at hapdi ng buong katawan niya. Hindi na rin maawat ang pagbagsak ng mga luha niya. Naliligo na siya sa dugo, pawis at mga luhang pilit na kumakawala sa kaniyang mga mata. Animo'y nabagsakan siya ng langit at lupa nang makita ang mantsa ng napakaraming dugo sa kamang hinihigaan niya. Ang mga dugong iyon ay mula sa kaniyang sarili na kung saan senyales na nakuha na ni Patricio ang pagka-birhen niya. Wala nang nagawa si Salome kundi ang umiyak na lang ng umiyak habang pilit na sinasabunutan ang sarili. Bukod sa nabalot siya ng matinding paghihinagpis ay sumisiklab na rin ngayon sa kaniyang puso ang matinding galit sa lalaking lumapastangan sa kaniya. Kahit mahirap ay pilit siyang gumapang sa kama upang puntahan sa labas si Patricio. Buo na ang desisyon niya. Papatayin niya ito. Maka-ilang beses siyang natumba sa sahig ngunit pinilit niya pa ring bumangon makarating lang sa pintuan. Kinuha niya ang talukbong na itimna nakasabit sa gilid ng pinto at ibinalot niya iyon sa hubo't hubad niyang katawan. Pagbukas niya ng pinto nakita niyang wala ng tao doon kung kaya't naglakad siya pababa ng hagdan. At kahit paika-ika siya ay tiniis niya pa rin ang lahat ng sakit na nararamdaman. Agad siyang nagtago sa gilid ng isang aparador sa salas nang makita niyang mapadaan sa kusina si Patricio. May hawak itong matalimna espada saka dire-diretsong nagtungo sa likod ng kusina. Hindi mawari ni Salome kung bakit bigla siyang kinilabutan. Sobrang lakas na ng kabog ng kaniyang dibdib P 42-24 at animo'y naglalakbay ito papunta sa kaniyang lalamunan. Dali-dali siyang sumunod sa kusina at kumuha ng kutsilyo doon, napapakabig pa siya sa mesa at upuan habang tinatahak ang daan papunta sa likod ng kusina. "Ilibing niyo sila malayo dito sa Maynila. Wala na akong pakialamkung saan niyo dalhin ang bangkay nila" matapang na utos ni Patricio sa sampung kalalakihan na nakasuot ng itimat salakot. Inabot na rin niya sa mga ito ang sampung dosenang ginto bilang kabayaran sa kanila. "Maraming Salamat po se�or" sabay-sabay na tugon ng mga ito, binuhat na nila ang dalawang bangkay na nakabalot sa puting kumot na punong-puno na ngayon ng dugo ngunit bago nila ito ibalot sa banig ay aksidenteng nahila ng isa ang kumot kung kaya't natanggal ito sa pagkakabalot. Laking gulat ni Salome nang makitang duguan at wala ng buhay ang kaniyang ina na siyang nakabalot sa puting kumot na iyon. "Hindi!" sigaw niya at dali-daling tumakbo papunta sa kaniyang ina kahit pa paika-ika na siya ay parang biglang namanhid ang buong katawan niya nang makita ang sinapit ng kaniyang ina. "INAY!" sigaw niya pa ngunit bigla siyang hinila ng mga tauhan ni Patricio papalayo sa mga bangkay. Tila nanghina ang buong katawan ni Salome nang makita ang ikalawang bangkay na nasa tabi ng kaniyang inay, si Julio. "Hindi! Hindi! Hindi!" sigaw ni Salome na animo'y nasisiraan na ng ulo habang nagsisisgaw at nagpupumiglas doon. Dali-daling binuhat ng mga tauhan ang bangkay ni Nay Delia at Julio saka isinakay sa kabayo sa likod ng bahay. Habang ang iba naman ay pilit na hinahawakan at pinipigilan si Salome na nagwawala na ngayon. Galit na galit na napalingon si Salome kay Patricio na seryosong nakatingin lang sa kaniya ngayon. "ANO BANG GINAWA KO SAYO?! BAKIT DINAMAY MO PA ANG INAY AT KAPATID KO?!" sigaw ni Salome at akmang susugudin na si Patricio ngunit mahigpit siyang hinawakan ng mga tauhan nito. "Sa oras na malaman ng iyong inay at kapatid ang nangyari sa atin kagabi siguradong papatayin nila ako kung kaya't inunahan ko na sila" ngisi pa ni Patricio saka naglakad papasok sa loob ng mansyon. Sunod namang dumating ang ilan sa mga tauhan niya bitbit ang apat pang bangkay ng mga tagapagsilbi na nakasaksi sa panggagahasa na ginawa ni Patricio sa asawa nito kagabi kung kaya't pinapatay niya rin ang mga ito. Marso 26, 1689 "Se�ora Fe, kumain na po kayo, makakasama po sa batang dinadala niyo kung magpapalipas po kayo ng pagkain" tugon ng isang tagapagsilbi at akmang susubuan si Salome ngunit hindi ito kumibo. Tulala lang ito sa labas ng bintana habang tinatanaw ang pagdaan ng mga nagagandahang kalesa sa calle ng Intramuros. "Sige na ho se�ora kaila- " hindi na nito natapos pa ang sasabihin niya dahil biglang bumukas ang pinto at P 42-25 dire-diretsong pumasok si Roselia na ngayon ay tatlong buwan nang buntis. Sinenyasan niya ang tagapagsilbi na lumabas na muna at siya na lang ang magpapakain kay Salome. Hindi naman umimik si Salome, ni hindi rin niya nilingon o tiningnan kung sino ang dumating. Naupo na si Roselia sa tabi ni Salome at hinawakan niya ang kamay nito. "Lumeng, magpakatatag ka. Kumain ka na upang- " hindi na natapos ni Roselia ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Salome sa unang pagkakataon matapos ang halos isang buwan nitong pananahimik at ni isang tao ay wala itong kinausap. "Nais ko nang mamatay" diretsong tugon nito dahilan upang mapatulala si Roselia sa kaniya dahil sa pagkabigla. "Ngunit paano ang bata sa iyong sinapupunan? Lumeng- " "Kung gayon, dapat na ring mamatay ang batang ito" giit muli ni Salome. Sandali namang napatahimik si Roselia at tinitigan ng mabuti si Salome. Hindi niya akalain na ang dating palabiro, makatwiran at pilyang dalaga na si Salome ay ngayon ay magiging matigas, matapang at palaban na. Napahinga na lang ng malalimsi Roselia saka sumandal sa balikat ni Salome. Dahan- dahan din niyang hinawakan ang tiyan nito na ngayon ay medyo maumbok na dahil mag-iisang buwan na itong buntis. "Naririnig ko mula rito ang tibok ng puso ng iyong anak. Naririnig ko mula rito na nais niyang masilayan ang ganda ng mundong ito. Naririnig ko mula rito na nagsusumamo siyang mabuhay... Lumeng, batid ko ang lahat ng hinanakit at hinagpis na nararanasan mo ngayon ngunit walang kasalanan ang bata, nawa'y bigyan mo siya ng pagkakataong mabuhay" panimula ni Roselia, nagulat naman siya nang biglang bumitiw si Salome sa kamay niya at tumayo ito saka naglakad papalapit sa tapat ng bintana. Payat, maputla at kakikitaan pa rin ng ilang pasa at peklat ang katawan ni Salome dahil sa natamo niyang pambubugbog at panghahalay ng sarili niyang asawa. "Hindi dapat mabuhay ang batang ito dala ang pangalan ng kaniyang ama" giit ni Salome. Napabuntong-hininga na lang muli si Roselia saka tumayo at naglakad na rin papunta sa tapat ng bintana. "Kung gayon, bakit ka pumayag na magpakasal kay Patricio kung ayaw mo rin namang magkaanak sa kaniya?" diretsong tanong ni Roselia dahilan upang mapatingin sa kaniya si Salome. "Pumayag lang akong magpakasal sa kaniya upang maligtas ang aking inay, kapatid at maging ang sarili kong buhay. Hindi ko akalaing sa kamay niya mismo mamatay si inay at Julio!" matapang na sagot ni Salome. Napatingin naman si Roselia sa labas ng bintana kung saan maraming tao ang abala sa iba't-ibang gawain habang naglalakad sa mga calle. "Pagmasdan mo ang mga taong iyon. May kani-kaniya silang mga pinagkakaabalahan. Ang gawain ng isa ay konektado sa isa. Tingnan mo ang matandang lalaking nagtitinda ng tela, ang mga paninda niya ay ginawa niya mismo, pinaghirapan at pinagpuyatan niya ngunit kailangan niyang ibenta sa mas mababang halaga upang mabili ng mga taong iyon na ang kabuhayan ay pananahi naman" tugon ni Roselia, napatingin naman si Salome sa mga taong abala sa labas. "Hindi mo ba nauunawaan ang takbo ng buhay Lumeng? Kung minsan, ang mga bagay na pinaghirapan at P 42-26 pinagpuyatan mo ay iba ang makikinabang nito at kadalasan ay nauuwi pa sa wala. Ang lahat ng pinaghirapan mo at sinakripisyo mo maprotektahan lang ang iyong pamilya ay nauwi na ngayon sa wala. Ngunit nangyari na iyon, wala na tayong magagawa pa. Batid kong ilang beses mon ang sinubukang pagtangkaan ang buhay ni Patricio ngunit hindi ka pa rin nagtatagumpay" wika ni Roselia, nagitla naman si Salome sa sinabi nito. Totoong ilang beses na niyang plinano na patayin si Patricio ngunit sa oras na gawin niya iyon ay wala rin naman siyang mapupuntahan at uusugin siya ng batas. Madalas na ring sumasagi sa kaniyang isip na patayin si Patricio ngunit mas malaki ang magiging kapalit nito. Mahahatulan siya sa hukuman at papatayin sa gitna ng maraming tao kung saan mayuyukaran ang kaniyang pagkatao at ang pangalan ng kaniyang ate Fe. Kung tatakas naman siya ay wala rin siyang mapupuntahan. Sa oras na may tumulong sa kaniya na patirahin at itago siya ay siguradong mapapahamak ang pamilya ng taong tutulong sa kaniya lalo na't isang makapangyarihan at kilalang tao si Patricio Montecarlos. At bukod doon, wala rin siyang laban sa hukuman kung sasampahan niya ng kaso si Patricio sapagkat legal na asawa niya ito kung kaya't posibleng nga na may mangyari sa kanila. Wala rin naman siyang ebidensiya na magpapatunay na sapilitan siyang hinalay nito. At wala rin siyang ebidensiya na maipapakita na ito rin mismo ang pumatay sa kaniyang nanay at kapatid dahil naglaho na parang bula ang mga tauhan ni Patricio na sangkot sa krimeng iyon. "Ngayon, kung nais mo na talagang mamatay bakit hindi mo gilitan ang sarili mong leeg? Bakit hanggang ngayon narito ka pa rin humihinga at tulala sa bintanang ito na parang may hinihintay" patuloy pa ni Roselia. Bigla namang napaiwas ng tingin si Salome sapagkat mukhang naiintindihan ni Roselia ang takbo ng isip niya. "Kahit hindi mo sabihin Lumeng, batid kong hinihintay mo pa rin ang pagdating ni se�or Fidel. Umaasa ka na muli siyang makikita at maririnig mo mula sa kaniyang labi ang dahilan kung bakit ilang buwan na itong nawawala" dagdag pa ni Roselia. Napapikit na lang si Salome at pilit na dinama ang marahan na hangin na tumatama ngayon sa mukha nila. "At alammo ba kung bakit ako naparito? Bukod sa nais kong ikaw ay kamustahin, ipinaabot din ni Felipe ang lihamna ito" wika pa ni Roselia sabay abot ng isang puting sobre kay Salome. Nagtataka namang napatingin si Salome sa lihamna iyon. "Ayon kay Felipe, ang lihamna ito ay pinadala ni Ising kay Piyang bago pinapatay ni Patricio ang buong pamilya nila" saad ni Roselia, gulat namang napatingin doon si Salome. Nanginginig man ang kamay niya ay nagawa niya pa ring buksan ang lihamna iyon at binasa ito... Mahal kong Lumeng, Ako'y humihingi ng tawad sapagkat nagawa kong pagtaksilan ang pamilya niyo lalong- lalo na si Danilo. Patawarin mo ako Lumeng, noong nagpakita ka sa aming tindahan kitang-kita ko ang galit sa iyong mga mata at nais mong patayin ako ngunit hindi mo pa rin ginawa. Sa totoo lang, ginusto kong patayin mo na lang ako noong araw na iyon bilang kabayaran sa lahat kataksilang nagawa ko sa iyo. P 42-27 Nais kong makausap ka upang magpaliwanag sa iyo ngunit batid kong hindi na magtatagal pa ang buhay ko at ng aking pamilya. Gusto kong malaman mo Lumeng na si se�or Patricio ang may pakana ng lahat ng ito. Tinakot niya ako at ang pamilya ko, pinangakuan niya ako ng salapi upang kumbinsihin si Danilo na magtanan kami at kapag hindi ako pumayag papatayin niya ang buong pamilya ko kung kaya't wala na akong nagawa pa. Nang gabing iyon, pinuntahan ko si Danilo sa inyong tahanan at pinaniwala ko siya na ako'y ginahasa at hinahabol na ngayon ng mga guardia kung kaya't sumulat siya sa inyo bago siya sumama sa akin. Si Se�or Patricio rin ang nagsabi kay Heneral Ramon na nasa Pampanga ang pamilya Aguantar na pinapahanap ng tagapayo ng gobernador-heneral. Malaki kasing pabuya ang matatanggap ng hukbo na makakahuli sa inyong pamiya kung kaya't ganoon na lang ang determinasyon noon ni Heneral Martino Alfonso na mahuli kayo ngunit nabigo siya kung kaya't si Heneral Ramon naman ang nagkaroon ng interes sa inyong pamilya. At para maging kapani-paniwala ang plano ni se�or Patricio binayaran niya rin ng maraming pilak si Mang Pablo na siyang nagturo sa amin ni Danilo sa ilog. Narinig kong tinawag mo kami ni Danilo noong gabing iyon ngunit nagkunwari akong hindi ka narinig upang maisakatuparan ko ang plano. Lumeng, sa maniwala ka man o sa hindi, hindi ko akalain na papatayin nila ng ganoon si Danilo. Ang sabi sa akin ni se�or Patricio ay huhulihin lang daw si Danilo ngunit hindi ko inaasahan na papatayin nila siya. Naniniwala rin ako na walang kinalaman si se�or Fidel. Nang gabing iyon, nang tumalon si Danilo sa bintana ng inyong tahanan upang itakas ako ay naabutan kami ni se�or Fidel. May dala siyang bulaklak at isang bayong na puno ng pagkain. Ang sabi niya sa amin ay susurpresahin ka raw niya at papanoorin niyo raw ang mga bituin sa dalampasigan. Humihingi rin ako ng tawad kay se�or Fidel sapagkat nagsinunggaling din ako sa kaniya, pinaniwala ko siya na hinahabol na ako ng mga guardia. Nagulat ako nang pasakayin kami ni se�or Fidel sa kaniyang kabayo upang tulungan kaming tumakas. Tinanong niya sa akin kung saan kami pupunta ni Danilo at sinabi ko sa kaniya na sasakay kami ng bangka sa ilog papunta sa kabilang isla. Iyon ang planong sinabi sa akin ni se�or Patricio, sa ilog ko dadalhin si Danilo at doon mo makikita na mahuhuli kami ng mga guardia. Ngunit hindi ko akalain na papatayin mismo si Danilo noong gabing iyon at naniniwala akong walang kinalaman si se�or Fidel dahil tinulungan niya lang kami makarating sa ilog kung kaya't nandoon siya noong gabing iyon. Matapos ang trahedyang iyon agad kami nilikas ni se�or Patricio papunta sa Maynila at doon binigyan niya kami ng tahanan at tindahan sa loob ng Intramuros. Hindi ko akalain na ang sinasabi niyang kabayaran na iyon ay parte pala ng plano niya upang palabasin na pinagkanulo ko kayo dahil lang sa salapi. Kilala ni se�or Patricio ang kakayahan mo at ang takbo ng isipan mo Lumeng. Kung kaya't inaasahan na niya na gagantihan mo ang lahat ng taong sangkot sa pagkamatay ni Danilo at ang pagkabihag ng iyong pamilya. Batid ni se�or Patricio na papatayin mo si Mang Pablo, Heneral Ramon at maging ako. Hindi nga siya nagkamali dahil napatay mo sila ngunit hindi niya rin inaasahan na hindi mo ako nagawang patayin at sa halip ay sinunog mo lang ang lahat ng ari-arian namin. P 42-28 Si Mang Pablo, Heneral Ramon, ako at ang pamilya ko ang siyang nakakaalam na si se�or Patricio ang may kagagawan ng lahat ng ito. Kung kaya't ang paghihiganti mo na patayin kami ay paraan din ni se�or Patricio upang mamatay ang mga magtetestigo laban sa kaniya. Ngunit hindi mo ako napatay at ang pamilya ko kung kaya't ngayon ay hinahanap na niya kami. Wala na rin akong lakas ng loob na magpakita pa sa iyo Lumeng dahil wala na akong mukhang ihaharap sa iyo kung kaya't sa pamamagitan na lang ng liham na ito ko ipapaabot ang lahat ng nalalaman ko at ang paghingi ko ng tawad sa iyo. Ang tahanan na lang nila Piyang sa San Alfonso ang natatandaan ko kung kaya't sa kaniya ko pinadala ang liham na ito. Sa tingin ko ay planong sirain ni se�or Patricio ang tiwala mo kay se�or Fidel. Hindi ko alam kung paano niya gagawin ngunit malakas ang kutob ko na gusto niyang kamuhian mo si se�or Fidel dahil napag-alaman ko na sinasabi ni se�or Geronimo na nakita niyang magkausap kami ni se�or Fidel at nagsasagawa ng plano, ngunit ang totoo walang nangyaring ganoon. Huling nagkausap kami ni se�or Fidel ay noong nasa San Alfonso pa kami at nakatanggap kaming dalawa ng liham mula kay Danilo na nasa Pampanga kayo. At naniniwala ako na ang liham na iyon ang nagpasimula ng lahat ng masamang plano ni se�or Patricio, nang malaman niya na nagkaroon na kayo ng relasyon ni se�or Fidel. Lumeng, marahil ay sa mga oras na ito habang binabasa mo ang liham kong ito sa iyo ay wala na ako sa mundong ito. Maraming Salamat sa lahat Lumeng, isa kang tunay na kaibigan. Bagama't nagawa kong talikuran ka, hindi mo naman ako nagawang saktan. Habambuhay kong pagsisisihan ang lahat ng kasalanan ko sa iyo at kung sakaling mabuhay ako sa panibagong henerasyon. Asahan mong hindi na kita guguluhin pa. Ang tulad ko na isang taksil ay hindi nararapat na maging kaibigan mo. Hanggang sa muli, paalam Lumeng, kaibigan ko. Nagmamahal, Ising Gulat na nabitawan ni Salome ang lihamat napabagsak siya sa sahig matapos niyang mabasa ang nilalaman nito. Tila tumigil ang takbo ng kaniyang mund habang pilit siyang tinatawag ni Roselia at inaalalayan patayo. Hinawakan ni Roselia ang mukha ni Salome at iniharap ito sa kaniya upang makinig ito ng mabuti sa sasabihin niya. "Lumeng, makinig ka. Naikwento sa akin ni Epifanio na pinagdududahan na niya noon pa ang kilos ni Patricio lalo na noong nakiusap ito na itago ka sa tahanan namin sa Pampanga. Ipinagtataka rin niya noon kung bakit naglabas ng anunsyo ang mga opisyal na lilitisin sa plaza ang iyong inay, si Fe at Julio gayong maaari naman itong gawin sa loob ng himpilan ng mga opisyal. At ang isa pa naming pinagtataka ay kung bakit kailangan ang iyong presensiya sa paglilitis na iyon, kung saan hindi inaasahan ng lahat na darating P 42-29 ang tagapayo ng gobernador-heneral. Nasabi rin sa akin ni Epifanio na naalala niyang naroon sa isang pagdiriwang noon si Patricio at mukhang kakilala nito si Don Mauricio Montecarlos na tagapayo ng gobernador-heneral na siyang ama pala ni se�or Fidel. Ibig sabihin, bago pa man sumiklab ang gulo, matagal nang alamni se�or Patricio na ang nawawalang ama ni se�or Fidel ay ang tagapayo ng gobernador-heneral na siyang nagpapahanap sa pamilya niyo ngunit hindi niya ito sinabi sa kaniyang pinsan na si se�or Fidel. Ngayon, ang tanong bakit hindi niya sinabi kay se�or Fidel na nakita na pala niya ang ama nito?" saad ni Roselia. Halos walang kurap namang nakatingin sa kaniya si Salome na animo'y nababalot ng matinding takot ang buong mukha. "Hindi niya sinabi kay se�or Fidel na nakita na niya ang ama nito dahil balak niyang pag-awayin kayong dalawa. Naniniwala akong walang kamalay-malay si se�or Fidel na ang tagapayo pala ng gobernadorheneral na papanain niya noong umagang iyon ay ang kaniyang ama na matagal na niyang hinahanap. Ang pangyayaring iyon sa plaza ay pakana rin lahat ni Patricio. Hindi nga siya nabigo, alamniyang hindi mapapatay ni se�or Fidel ang ama nito at siyang magiging dahilan upang masira ang tiwala mo sa kaniya" patuloy pa ni Roselia, kasabay niyon ay ang pagpatak ng mga luha ni Salome. Muling bumalik sa kaniyang alaala ang pangyayaring iyon kung saan hindi nagawang panain ni Fidel ang tagapayo habang kinakaladkalad na siya ng mga guardia pasakay sa kalesa. Ang inakala niyang pagtataksil na ginawa ni Fidel ay isang napakalaking kamalian pala. Maging si Fidel ay biktima rin noong araw na iyon, at ang lahat ng may kagagawan niyon ay si Patricio. Biglang naalala ni Salome ang sinabi sa kaniya noon ni Fidel noong nag-uusap sila sa tapat ng bintana sa hacienda Montecarlos... "Kailan po ba ang huling punta niyo sa Espanya?" Napaisip naman si Fidel "Matagal na rin, labing tatlong taong gulang lamang ako nang magtungo ako dito sa Pilipinas, nais kong sundan ang ama ko at hanapin siya" wika ni Fidel dahilan para mapatingin sa kaniya si Salome. Hindi akalain ng dalaga na may ganoong kwento pala ang binata. "H-hindi po ba may dugong Pilipino ang inyong ama?" tanong pa muli ni Salome, naalala niya na nabanggit ito ni Fidel sa kaniya noong umiinom sila ng kapeng bigas sa panciteria ni Aling Teodora. "Oo, ang aking ama ay kalahating Pilipino at kalahating Kastila, sa Espanya na siya lumaki dahil dinala siya roon ng kaniyang ama na aking lolo, ang kaniyang ina ay isang Pilipina na namatay sa panganganak sa kaniya, sa Espanya rin nakilala ni ama ang aking ina na isang anak ng mayamang pamilyang Kastila, nakapagtapos naman ng abogasya ang aking ama kung kaya't hindi tumutol ang pamilya ni ina, nang ikasal sila sa Madrid na sila nanirahan at doon kami ipinanganak ng tatlo ko pang kapatid, ngunit hindi naglaon ay napapadalas ang pagtatalo ni ama at ina hanggang sa isang araw bigla na lang kaming nilayasan ni ama, nag-iwan lang siya ng sulat na babalik siya sa Pilipinas at magsisimula ng panibagong buhay" tugon ni Fidel at bakas sa mukha nito ang kalungkutan habang inaalala ang masaklap na paghihiwalay ng kaniyang mga magulang. P 42-30 "Nahanap niyo na po ba ang inyong ama dito... Senor?" tanong pa muli ni Salome, maging siya ay nakaramdam din ng matinding kalungkutan dahil sa kwento ni Fidel. "Hindi pa, halos labing apat na taon na akong namamalagi rito sa Pilipinas ngunit ni isang balita ay wala akong nahahagip tungkol sa kaniya, may nagsabi sa akin na sa Intramuros daw namalagi noon si ama ngunit nalibot ko na ang buong Maynila pero hindi ko pa rin siya natunton" sagot ni Fidel at napayuko ito. Parang nakaramdam naman ng konsyensiya si Salome dahil mukhang mas napasama ang pag-iiba niya ng usapan kanina. Hindi niya nais na malungkot ang binata. Napatulala na lang si Salome sa kawalan habang patuloy na pumapatak ang mga luha sa kaniyang mga mata. Kasabay niyon ay ang pagbuhos ng ulan mula sa labas dahilan upang magsitakbuhan ang mga tao at maghanap ng masisilungan. Nasasaktan siya. Nagdurugo na ngayon ang kaniyang puso. Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit sariling damdamin lamang ang pinairal niya. Hindi niya inisip ang nararamdaman ni Fidel noong araw na iyon kung saan muntikan na nitong patayin ang sariling ama na ilang taon na nitong hinahanap. Makalipas ang dalawang araw, malalimna ang gabi habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng napakalakas na ulan sa labas. Halos mabalot naman ng kaba si Salome habang sinisilid sa kaniyang tampipi ang ilan sa mga damit at gamit na kaniyang dadalhin. Napag-desisyunan na niyang tumakas. Napag-alaman niya mula kay Felipe na nagpadala ng lihamsa kaniya kahapon na halos dalawang buwan daw na nakaratay sa higaan si Fidel matapos ipabugbog ito ni Patricio na muntikan na nitong kinamatay. Ayon kay Felipe, nakasalubong daw niya si se�or Fidel sa palacio del gobernador- heneral nang minsan itong maghatid ng mga malalaking paso sa loob ng Intramuros. Naging kabuhayan na ni Felipe at nina Mang Berto ang paghahatid ng kalakal sa loob ng Intramuros kung kaya't laking gulat niya nang makita si se�or Fidel na paika-ika habang may hawak na tungkod na naglalakad papalabas sa palacio del gobernador-heneral. Hindi na ito nag-aksaya pa ng oras at nilapitan ang binata. Nakilala naman ni se�or Fidel si Felipe nang minsan silang nagbatian noong kaarawan ni Danilo sa San Alfonso. Nang dahil sa hindi inaasahang pagkikitang iyon, napag-alaman ni Felipe na halos dalawang buwan ngang nakaratay sa kama si Fidel. Magtutungo dapat ito sa himpilan ng mga guardia civil sa Pampanga kung saan nakakulong noon si Salome para makausap at itakas ito ngunit may dalawampung kalalakihan na nakasuot ng itimat salakot na humarang sa kaniya. Pinagbubugbog siya ng mga iyon na muntikan na niyang ikamatay. Mabuti na lamang dahil may rumurondang mga guardia civil ang napadaan dahilan upang magsitakbuhan ang mga salarin. Napahawak na lang si Salome sa tapat ng kaniyang puso, parang sumisikip ang kaniyang dibdib sa tuwing P 42-31 naiisip niya ang mga malalakas na suntok, sipa, saksak at tadyak na natamo ni Fidel dahilan upang halos dalawang buwan itong nakaratay sa kama. Sa loob ng dalawang buwan na iyon, pinaniwala siya ni Patricio na tuluyan na ngang nagtaksil si Fidel. Sa loob ng dalawang buwang iyon, kinasal siya kay Patricio na hindi naman niya mahal para lang maligtas ang kaniyang pamilya dahil iyon na lamang ang natatanging paraan. Sa loob ng dalawang buwang iyon, hindi niya akalain na yuyurakan ni Patricio ang pagkababae niya at papatayin rin niyo ang kaniyang ina at kapatid. At sa loob ng dalawang buwang iyon, pinagbubuntis na niya ang bunga ng panggagahasa sa kaniya ni Patricio. "Lumeng? Handa ka na ba?" natauhan lang siya nang marinig niyang kumatok si Roselia sa pinto at dumungaw ito. Agad pinunasan ni Salome ang mga luha sa kaniyang mata at dali-daling nag- alsabalutan. Alas-dose na nang hatinggabi. Tahimik ang buong paligid, dali-daling inalalayan ni Roselia si Salome papalabas sa silid nito. Agad silang nagtungo pababa at dumiretso sa likod ng bahay kung saan may maliit na butas doon sa dingding ng kusina. Sarado ang buong bahay sapagkat sinisigurado palagi ni Patricio na hindi makakatakas sa kaniya si Salome. Dahan-dahang tinibag ni Roselia ang maliit na lagusan at nang mabuksan iyon, agad niyang inalalayan si Salome na makalabas doon. Bawat segundong lumilipas ay nagdudulot sa kanila ng matinding kaba. Idagdag pa ang napakalas na ulan sa labas habang sumasabay ang pagkulog at pagkidlat. Nakakasiguro sila na walang mga bantay ngayon sa labas dahil sa lakas ng ulan. Sigruadong naghanap ang mga iyon ng kanilang masisilungan. Ilang saglit pa, nakalabas na si Salome sa maliit na lagusan. Inabot naman ni Roselia ang tampipi nito saka tumango kay Salome. "Naghihintay sa likod si Felipe, dala niya ang kalesa na maghahatid sa inyo sa daungan" wika nito, napatango naman si Salome at nagsimula nang tumakbo papalayo sa bahay na iyon. Malakas na ulan ang sumalubong kay Salome nang siya ay makalabas. Bitbit ang isang maliit na tampipi ay payuko siyang gumapang sa likod ng bahay hanggang sa makarating siya sa harapan ng mismong mansyon. Malalimna ang gabi kung kaya't tahimik na ang palagid, tanging buhos ng ulan lamang ang maririnig sa buong kahabaan ng kalye. Napapapikit na lamang si Salome dahil sa lakas ng hampas ng ulan na tumatama sa kaniyang mukha habang yakap-yakap ang kaniyang tampipi. Mabuti na lamang dahil nakasuot din siya ng malaking talukbong na nakabalot sa kaniyang buong katawan kung kaya't hindi siya gaano nababasa ng ulan. Animo'y bigla siyang nabuhayan ng pag-asa nang makita ang isang luma at sira-sirang kalesa na nakaabang sa tapat ng mansyon ni Patricio "Felipe! Maraming Salamat" tugon ni Salome nang makalapit siya sa kalesa, agad niyang inihagis sa loob ang tampipi na kaniyang dala-dala. Napalingon naman sa kaniya si Felipe. "Bilisan mo Lumeng itinakas ko lamang itong kalesang ito sa aking amo" wika ni Felipe sabay suot ng malaking salakot sa kaniyang ulo upang hindi siya makilala nang sinuman. Inilahad na ni Felipe ang kaniyang palad upang tulungan si Salome makaakyat sa kalesa ngunit napatigil sila nang marinig nila ang boses ni Roselia mula sa likuran. "Salome!" tawag muli ni Roselia habang kumakaripas ng takbo papalapit sa kaniya, hindi nito alintana ang malakas na buhos na ulan. "Ate Roselia- " hindi na natapos pa ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil agad P 42-32 kinuha ni Roselia ang kaniyang kamay at inilagay ang isang lihamsa kaniyang palad. "Nagdadalawang isip akong iabot sa iyo ito kanina. Nais kong tumakas ka na at lumayo sa lugar na ito ngunit sa tingin ko ay karapatan mo ring malaman ito. Nakasaad sa imbitasyon na iyan kung anong magaganap bukas sa Simbahan ng San Agustin" wika ni Roselia, gulat namang napatingin si Salome sa sulat na iyon. "Isang lihammula kay Fidel na pinadala niya kay Don Epifanio. Ang buong akala ni Fidel ay patay ka na Lumeng. Hindi naman alamng aking asawa na tinago mo lang ang iyong katauhan bilang Felicidad. Ang akala ni Fidel ay si Felicidad ang napangasawa ni Patricio. Kung nais mo pang maabutan si se�or Fidel ...puntahan mo na siya bago mahuli ang lahat!" seryosong tugon ni Roselia at inalalayang makaakyat si Salome sa kalesa ngunit napatigil ito at napalingon sa kaniya. "Nagawa mo nang tumakas kay se�or Patricio! Bakit nag-aalinlangan ka pa ring umalis?!" buwelta pa ni Roselia. Hindi naman agad nakapagsalita si Salome, sandali siyang napatitig sa mga mata ni Roselia. "M-maraming Salamat ate Roselia" iyon na lamang ang mga salitang pinakawalan ni Salome at hinawakan niya ang kamay nito. Ang pagtakas na ginawa niya ngayon ay maaaring magdulot ng kapahamakan kay Felipe at Roselia. "Wala iyon... basta para sa iyo Lumeng..." tugon ni Roselia, at kahit pa basang- basa na ito sa ulan nakita pa rin ni Salome ang namuuong luha sa mga mata nito. Magsasalita pa sana si Salome ngunit bigla silang nakarinig ng kalabog mula sa loob ng mansyon. "Puntahan mo siya Lumeng! Huwag mo nang intindihin si se�or Patricio... ako na ang bahala!" nagmamadaling tugon ni Roselia saka lumapit kay Felipe, "Dalhin mo siya sa simbahan ng San Agustin" tugon ni Roselia, agad namang napatango ng ulo si Felipe at pinatakbo na niya ang kabayo. "Paalam! Mag-iingat kayo... at ipagdarasal ko na maabutan mo si se�or Fidel!" wika ni Roselia habang kumakaway kina Salome at Felipe na unti-unting lumalayo. Ngunit nagulat si Roselia nang makita si se�or Patricio na nakadungaw sa bintana. Animo'y biglang nanghina ang kaniyang tuhod at napabagsak na lamang siya sa lupa. "S-se�or Patricio" gulat na wika ni Roselia at agad siyang napalauhod sa lupa "P-patawarin niyo po ako se�or Patricio" pagsusumamo niya, kasabay ng pagpatak ng ulan ang patuloy ring pagdaloy ng kaniyang mga luha dahil sa takot. Gulat namang napatingin si Salome sa ikalawang-palapag ng kanilang tahanan. Animo'y binagsakan siya ng langit at lupa nang malaman na nahuli siya ni Patricio na tumatakas. Namumula ang mga mata nito at kitang-kita ang labis na galit habang tinatanaw si Salome papalayo, may hawak itong pulang kandila sa kaliwang kamay. "�C�mo pudiste hacerme esto ... Salom�?" (How could you do this to me... Salome?!) sigaw ni se�or Patricio at malakas na inihagis ang pulang kandilang iyon sa labas ng bintana dahil sa galit. Nagkalat ang pira-piraso ng kandila sa lupa habang patuloy na nilalamon ng buhos ng ulan. Ang malakas na sigaw ni Patricio ay nagdulot ng labis na takot kay Felipe at Salome kung kaya't agad pinatakbo ng mabilis ni Felipe ang kabayo. Napakapit na lamang si Salome sa gilid ng kalesa habang P 42-33 tinatanaw ang galit na galit na mukha ni Patricio. Dali-daling bumaba si Patricio at agad hinila ang buhok ni Roselia na nakaluhod sa gitna ng kalsada. May hawak itong mahabang baril na ipuputok sana sa ulo ni Roselia ngunit napatigil siya nang maglabasan ang kaniyang mga guardia personal. "�SIGUELOS!" (FOLLOW THEM!) utos ni Patricio sa kaniyang mga guardia personal na nasa dalwampu rin ang bilang. Agad nilang kinuha ang kanilang mga kabayo, maging si Patricio ay sumakay na rin sa kabayo bitbit ang kanikanilang mga baril ay agad nilang hinabol ang kalesang sinasakyan ni Salome. "FUEGO!" (FIRE!) sigaw ni Patricio, hindi naman nag-atubili na magpaputok ng baril ang mga guardia personal upang pigilan ang kumakaripas na kalesa papalayo. "Yumuko ka!" sigaw ni Felipe kay Salome sabay hawak sa ulo nito at sabay silang yumuko upang hindi sila tamaan ng bala na sunod-sunod na pinapakawalan ng mga kalaban. "P*nyeta! Hindi ka ba titigilan ng kastilang iyan!" reklamo ni Felipe kay Salome, napalingon naman si Salome sa likuran at unti-unti na ngang nakakalapit sa kanila ang mga kalaban. Agad iniliko ni Felipe ang kalesa papunta sa isang lagusan kung saan nakaharang ang ilang mga guardia civil na nagbabantay doon. Sinesenyasan sila nito na tumigil ngunit hindi nagpadaig si Felipe at dire-dreitso niyang pinatakbo ang kabayo kung kaya't nagsitabihan na lang ang mga guardia civil at pinaulanan sila ng bala. Inakala niyang hindi na sila susundan doon ng mga kalaban ngunit nagkamali siya dahil hindi titigil si Patricio hangga't hindi sila naabutan. Mabilis na pinatakbo ni Felipe ang kabayo patungo sa kakahuyan at napadaan sila sa gilid ng isang ilog. "FUEGO!" (FIRE!) muling utos ni Patricio sa mga alagad niya, sabay-sabay naman itong nagpaputok ng baril hanggang sa tamaan ang kaliwang paa ng kabayo sa kalesang sinasakyan nina Felipe at Salome. "HINDI!" napasigaw na lamang silang dalawa nang biglang matumba ang kabayo at tumagilid ang kalesang sinasakyan nila. nagkapira-piraso ang kalesa habang patuloy na humihiyaw ang kabayo dahil sa sakit. Nahulog si Salome at Felipe sa ilog. "�ENCU�NTRALOS!" (FIND THEM!) muling utos ni Patricio sa mga tauhan, agad namang bumaba sa kani-kanilang mga kabayo ang mga guardia personal at maingat na naglibot sa paligid. Napakadilimng paligid, tanging mga apoy sa sulo na kanilang bitbit ang nagbibigay liwanag sa buong kagubatan. Sa kabilang dako ng ilog ay agad nakaahon si Felipe, mabilis siyang nagkubli sa kumpol ng mga Liryo (Water Lily) na nagkalat sa gilid ng ilog. nagpalinga-linga si Felipe sa buong paligid, bigla siyang nakaramdamng takot nang hindi makita si Salome. Muli niyang tinanaw ang mga guardia personal na nasa gilid ng ilog, patuloy pa rin ito sa paghahanap sa kanila. Dali-dali siyang lumangoy sa ilalimng ilog, halos kalahating segundo rin siya naghanap sa ilalim, mabuti na lamang dahil may napadaan na isang guardia personal na may dalang sulo kung kaya't nakita niya mula sa di-kalayuan si Salome habang pilit na kumakawala sa mga Liryong (Water Lily) na pumulupot sa kaniya. P 42-34 Agad siyang lumangoy papunta sa kinaroroonan ni Salome at tinulungan itong tanggaling ang pagkakabuholbuhol ng halaman sa katawan ng kaibigan. Ilang sandali pa ay nakawala na rin si Salome at agad siyang hinila ni Felipe upang makaahon na sila. "Se�or Patricio ... se han ido" (Se�or Patricio... they're gone) wika ng isang guardia personal, halos ilang minuto na rin kasi silang nagpalibot-libot sa ilog ngunit hindi nila mamataan ang dalawang indio. "�AP�RTATE DE MI VISTA! �BASTARDO!" (GET OUT OF MY SIGHT! BASTARD!) sigaw ni Patricio sabay hampas ng kaniyang mahabang baril sa mukha ng guardia personal na iyon dahilan para mapatumba ito sa lupa at dumugo ang ilong. "�LOS MATAR� A TODOS SI USTED NO PUEDE ENCONTRARLOS!" (I WILL KILL YOU ALL IF YOU'RE NOT ABLE TO FIND THEM!) sigaw ni Patricio na umalingangaw sa buong kagubatan, nagpaputok pa siya ng baril sa ere dahilan para mabulabog ang mga hayop sa buong kagubatan. Nang makaahon na si Salome at Felipe ay agad silang gumapang sa gilid ng matatas na punong-kahoy sa buong paligid. Nang makalayo na sila ay dali-dali silang tumakbo papalayo. Mabuti na lamang dahil kabisado ni Felipe ang lahat ng pasikot-sikot sa kagubatan kung kaya't madali silang nakapagtago at nagpahinga saglit sa isang puno. Madaling araw na, nakapikit lang ang mga mata ni Salome habang nakasandal siya doon sa puno. Tatlong beses din siyang napabahing dahil basang-basa pa rin sila sa ulan at nang mahulog sila sa ilog kanina. "Hindi alamni se�or Fidel na buhay ka pa, Lumeng" panimula ni Felipe dahilan upang dahan-dahang iminulat ni Salome ang kaniyang mga mata at napatingin siya sa binata. "Mula noong makita ko siya, kitang-kita ko ang pagdadalamhati at pangungula niya sa pag-aakalang wala ka na" patuloy pa ng binata at napasandal na rin ito sa puno. "Alammo ba, hindi rin ako naniwala noon na patay ka na. Ilanga raw din akong naghintay sa labas ng himpilan ng mga iyong selda upang tingnan kung iiwan mon a doon sa bintana ang bulaklak ng sampaguita, senyales na pumapayag ka na itakas ka na namin. Ngunit noong araw ding iyon, nagulat ako nang mabalitaan ko mula mismo sa mga guardia na patay ka na. Hindi mo raw nakayanan ang lahat kung kaya't bumigay ang iyong puso. Halos dalawang buwan din akong nagdalamhati sapagkat akala ko'y wala ka na. Hindi rin ako nakadalo noon sa inaakala kong kasal ng iyong ate Fe at Patricio dahil hindi kami pinapasok ng mga bantay. Maging sa inyong tahanan ay hindi kami makapasok dahil palaging bantay sarado ang palibot ng mansyon ni se�or Patricio, matagal ko nang gustong makausap si Nay Delia at si Felicidad ngunit hindi ako nagkaroon ngpagkakataon hanggang sa isang araw hindi ko inaasahang makikita ko si Roselia sa pamilihan kasama ang kaniyang bagong asawa. Humingi ako ng tulong sa kaniya na makausap man lang si Nay Delia o si Felicidad upang malaman ko kung ka inilibing Lumeng. Laking gulat ko nang ipagtapat sa'kin ni Roselia na buhay ka pa. At ang Aguantar na namatay sa himpilan ng mga guardia civil sa Pampanga ay si Felicidad pala" wika ni Felipe. Napatulala lang sa kaniya si Salome. Hindi niya akalain na ang pagsisinunggaling na iyon ay magdudulot pala ng paghihinagpis sa mga taong malalapit sa kaniya. "Batid kong walang dapat na makaalamna si Salome Aguantar na kinatatakutan ng mga opisyal ay buhay pa ngayon dahil siguradong malalagay na naman sa panganib ang buhay mo. Asahan mong wala akong pagsasabihan na iba, kahit pa kay nais kong sabihin iyon kay se�or Fidel ay inalala ko pa rin ang iyong kaligtasan" tugon pa ni Felipe sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Salome. P 42-35 Napangiti naman ng marahan si Salome habang nakatitig kay Felipe "Maraming Salamat sa lahat, Felipe" ang tanging naisagot ni Salome. Isang ngiti naman ang pinakawalan ng binata bilang sagot sa pagpapasalamat niya. Sa pagkakataong iyon, malinaw na kay Felipe na hanggang magkaibigan lang talaga sila ni Salome at hindi na iyon hihigit pa roon. Magbubukang liwayway na nang mapagdesisyunan nilang magpatuloy sa paglalakbay. Nang makarating sila sa isang pintuan ng Intramuros ay nakihalo lang sila sa mga mangangalakal na papasok mula doon. Hindi naman na sila napansin pa ng mga bantay. Dire-diretso silang naglakad sa mga tagong calle papunta sa simbahan ng San Agustin. Ilang sandali pa ay narating na nila iyon. Nakabalot pa rin ng itimna talukbong si Salome habang nakasuot naman ng salakot si Felipe. Naabutan nila ang maraming tao sa labas ng simbahan at halos ang lahat ng ito ay nakasuot ng puti. Nababalot din ng bulaklak ang buong paligid ng labas ng simabahan at sunod-sunod ang pagdating ng mga magagarbong kalesa sakay ang mga mayayamang panauhin na nakasuot din ng puti. "May kasal ba na magaganap ngayon?" tanong ni Felipe, hindi naman nakapagsalita si Salome. Bigla niyang naalala ang liham na binigay sa kaniya ni Roselia kanina noong tumakas sila... "Nagdadalawang isip akong iabot sa iyo ito kanina. Nais kong tumakas ka na at lumayo sa lugar na ito ngunit sa tingin ko ay karapatan mo ring malaman ito. Nakasaad sa imbitasyon na iyan kung anong magaganap bukas sa Simbahan ng San Agustin" - Roselia. Tila tumigil ang mundo ni Salome nang mapagtanto niya baka si Fidel ang ikakasal ngayong araw. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa pintuan ng simbahan at humalo sa napakaraming tao na nasal abas ngayong ng simabahan. Naiinis ang ilan sa mga taong nababangga niya makalapit lang siya sa pintuan ng simbahan. "Sandali! Lumeng!" tawag ni Felipe kay Salome habang sumalubong na rin ito sa napakaraming tao. Hindi naman na siya napansin ni Salome dahil nakatuon ang buong pansin nito sa pintuan ng simbahan para pigilan ang nagaganap na kasal. Ilang sandali pa, biglang tumunog ng malakas ang kampana ng simbahan dahilan upang mapatigil si Salome at mapatingala sa kampana sa itaas. Ang pamilyar na tunog na iyon na matagal nang naghahatid ng pakiramdam sa kaniya ay muli na naman niyang narinig. Kasunod nito ay nakarinig siya ng masigabong palakpakan mula sa loob ng simbahan. Sakto namang tumigil ang isang kalesa sa tapat ng simbahan at bumaba mula doon ang isang pamilyar na babae na hindi inaasahan ni Salome na muli niyang makikita, si se�orita Eleanor. Nakasuot ito ng magarbong puting baro't-saya habang inaalalayan ng mga guardia personal pababa sa kalesa. Napatigil si Eleanor nang makita si Salome na gulat ding nakatingin sa kaniya. ilang segundo silang P 42-36 nagkatitigan ngunit si Eleanor na rin ang unang bumasag sa tininginan nila. Naglakad na ito papasok ng simbahan. Akmang hahabulin siya ni Salome ngunit isinara na ang pinto ng simbahan at humarang ang ilang mga guardia. Magpupumilit pa sana si Salome na makapasok sa loob ngunit bigla siyang hinawakan ni Felipe sa balikat at bumulong ito. "May alamakong daan sa itaas ng simbahang ito" bulong ni Felipe, dahilan upang muling mabuhayan ng pag-asa si Salome at sumunod sa kaniya. Pasimple nilang tinahak ang gilid ng simbahan at nang mamataan na walang bantay sa gilid nito ay dirediretso silang pumasok sa isang pinto sa gilid papunta sa loob ng simbahan. Nang makarating sila sa loob ay agad sumalubong ang mahabang pagkalansing ng kampanilya (bell) kasabay niyon ay sabay-sabay na napaluhod ang mga tao sa loob ng simbahan. Maging ang loob ng simbahan ay napapalibutan ng napakaraming palamuti ang mga bulaklak na puti. Ang lahat ng tao na nasa loob ay nakasuot ng puti habang kumikinang ang liwanag ng mga kandila sa palibot ng simbahan. Ilang sandali pa, nang makaluhod na ang lahat ng tao, gulat na napatulala si Salome sa tapat ng altar kung saan nakita niya doon si Fidel habang nakaluhod sa tapat ng isang pari. Nakasuot ng kulay brown na damit si Fidel tulad ng isang prayle. Matapos ang pagluhod nito ay dumapa si Fidel sa sahig ng altar kasama ang apat pang mga kalalakihan na nakasuot din ng damit na pang-pari. Sa pagkakataong iyon biglang nanghina ang tuhod ni Salome. Nagkamali siya ng akala, hindi isang kasal ang magaganap ngayon sa simbahang ito kundi pagbibinyag sa mga bagong pari ng simbahan. Napaatras na lang sa gulat si Salome habang pinagmamasdan si Fidel na binibinyagan na ngayon. Ngunit bigla siyang napatigil nang may mabangga siya sa likuran at bago pa man siya makalingon ay nagsalita na ito sa tapat ng kaniyang tenga. "Naaalala mo ba Lumeng noong sinabi ko sa iyo na hindi ka dapat mahulog kay Fidel? Ngunit hindi ka nakinig sa kabila nang pagbibigay ko sa iyo ng babala. Ngayon sabihin mo, sino sa aming dalawa ang matagal na naglihimng mahalagang bagay sa iyo?" bulong ni Patricio, at bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ni Salome dahilan upang hindi na ito makaalis pa. "Bitiwan- " hindi na natapos niya natapos ang sasabihin niya dahil bumulong ulit si Patricio sa kaniya. P 42-37 "Kailanman ay hindi ba sumagi sa iyong isipan kung anong natapos ni Fidel? Malamang nakatapos siya ng kolehiyo ngunit hindi mo pala alamkung anong natapos niya..." saad pa ni Patricio sabay hawak ng mas mahigpit kay Salome at bumulong muli ito sa huling pagkakataon. "Licenciatura en teologia Sagrada" (Bachelor of Sacred theology) tugon ni Patricio, kasabay niyon ay parang hinigop ang buong enerhiya ni Salome habang nakatingin kay Fidel na ngayon ay isa nang ganap na pari. ************************ Featured Song: 'Pinilit kong Limutin ka' by Nina. Ito yung background music noong kinakasal si Salome :'( 'Pinilit kong Limutin ka' by Nina. huh?? Shhh! Mabuking kayo remeber syasiatefeeling?? P 42-38 Kabanata f(x - 41) 50.7K 2.6K 4.1K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 41] Our Asymptotic Love Story (page 404 - 425) Ang Huling Kabanata Filipinas 1689 Sa pagkakataong iyon biglang nanghina ang tuhod ni Salome. Nagkamali siya ng akala, hindi isang kasal ang magaganap ngayon sa simbahang ito kundi pagbibinyag sa mga bagong pari ng simbahan. Napaatras na lang sa gulat si Salome habang pinagmamasdan si Fidel na binibinyagan na ngayon. Ngunit bigla siyang napatigil nang may mabangga siya sa likuran at bago pa man siya makalingon ay nagsalita na ito sa tapat ng kaniyang tenga. "Naaalala mo ba Lumeng noong sinabi ko sa iyo na hindi ka dapat mahulog kay Fidel? Ngunit hindi ka nakinig sa kabila nang pagbibigay ko sa iyo ng babala. Ngayon sabihin mo, sino sa aming dalawa ang matagal na naglihimng mahalagang bagay sa iyo?" bulong ni Patricio, at bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ni Salome dahilan upang hindi na ito makaalis pa. "Bitiwan- " hindi na natapos niya natapos ang sasabihin niya dahil bumulong ulit si Patricio sa kaniya. "Kailanman ay hindi ba sumagi sa iyong isipan kung anong natapos ni Fidel? Malamang nakatapos siya ng kolehiyo ngunit hindi mo pala alamkung anong natapos niya..." saad pa ni Patricio sabay hawak ng mas mahigpit kay Salome at bumulong muli ito sa huling pagkakataon. "Licenciatura en teologia Sagrada" (Bachelor of Sacred theology) tugon ni Patricio, kasabay niyon ay parang hinigop ang buong enerhiya ni Salome habang nakatingin kay Fidel na ngayon ay isa nang ganap na pari. Malakas na palakpakana ang umalingangaw sa loob ng simbahan kasabay niyon ang patuloy na pagtunog ng kampana. Tila bumagal ang takbo ng paligid para kay Salome habang nakatanaw sa kaniyang sinisinta na ngayon ay binabasbasan na ng mga Obispo. Huli na ang lahat, wala na siyang magagawa pa. Wala na rin siyang takas mula sa kamay ng asawa niyang si Patricio. Tuluyan nang pumatak ang kaniyang mga luha habang tulalang nakatitig kay Fidel mula sa di-kalayuan. Nagsimula nang lumabas ang mga tao sa loob ng simbahan habang nagkakaroon na ng parada at kasiyahan sa labas. "Lumeng, nandito ka lang pala, kanina pa kita- " hindi na natapos pa ni Felipe ang sasabihin niya nang P 43-1 makita si Patricio sa likod ni Salome habang nakahawak ito sa braso ng asawa. Pagpasok nila kanina sa simbahan ay biglang nawala si Salome sa paningin ni Felipe kung kaya't nagpaikot- ikot pa ito sa loob upang hanapin ang kaibigan. "Hanggang diyan ka na lang Indio. Sa oras na tangkain mo pang lumapit at tulungan ang asawa ko ay pagsisisihan mo na ito" banta ni Patricio kay Felipe sabay pakita ng rebolber na nakasuksok sa damit niya. Napatigil naman si Felipe sabay tingin kay Salome na ngayon ay tulalang lumuluha habang nakatingin kay Fidel. Ilang sandali pa ay natanaw ni Salome na lumapit si Don Mauricio kay Fidel at hinagkan ang anak. Kasunod nito ay ang paglapit ng dalawang do�a kay Fidel. Ang isang do�a ay hinang-hina na habang akay-akay ng mga tagapagsilbi habang ang isang do�a naman ay malakas pa nanlaki ang mga mata ni Salome nang makilala ang isang do�a na iyon na medyo bata at malakas pa... iyon ang matapobreng do�a na nagsisisigaw noon sa labas ng paggamutan ni Don Epifanio sa Pampanga. "Lumeng..." tawag pa ni Felipe ngunit bigla siyang tiningnan ni Patricio ng masama. "Huwag mo na siyang tatawagin sa pangalan na iyan. Sa oras na malaman kong alamna ni Fidel ang lahat, ikaw at si Roselia ang una kong papatayin" seryosong tugon ni Patricio sabay hila sa asawa. Nais pa sanang sundan ni Felipe si Patricio at Salome ngunit napagtanto niya na magiging magulo lang ang lahat lalo na't isang makapangyarihang tao si Patricio at mukhang malalagay din sa kapahamakan si Salome kapag nagpumilit pa siya. Pagdating nila sa bahay agad kinaladkad ni Patricio si Salome papunta sa silid nito saka itinulak sa sahig. "KUNG HINDI MO LANG DALA SA SINAPUPUNAN MO ANG ANAK NATIN PAPATAYIN TALAGA KITA!" galit na galit na sigaw ni Patricio. Nanlilisik na ang mga mata nito sa galit at kanina niya pa pinipigilan ang sarili na saktan ang asawa. "ANG LAKAS NG LOOB MONG TUMAKAS SA'KIN?! WALA KA RIN NAMANG IBANG MAPUPUNTAHAN! AT KUNG PATULOY MO PA RIN AKONG KAKALABANIN... TANDAAN MO MAGAGAWA KONG IPAPATAY ANG PINSAN KO" sigaw pa ni Patricio sabay sipa sa silya na nasa gilid ni Salome. Tumilapon ito sa ere at muntikan pang mabagsakan ang asawa, mabuti na lamang dahil hindi ito natamaan. "ITO NA ANG HULING PAALALA KO SAYO LUMENG, ISANG PAGKAKAMALI MO PA, KAHIT KADUGO AT PINSANG BUO KO SIYA MAGAGAWA KO SIYANG PASLANGIN!" galit na galit na banta ni Patricio sabay talikod at sinarado niya ng napakalakas ang pinto sa silid ni Salome. Kinuha niya pa ang susi at kinandado ito. Nanginginig si Salome na tumatangis habang nakadapa sa sahig. Manhid na manhid na ang kaniyang buong katawan, maging ang kaniyang puso ay durog na durog na ngayon na animo'y di na nakakaramdam. Sa pagtataong iyon, habang unti-unti niyang ipinikit ang kaniyang namamagang mata, nagsusumamo siya na sa oras na makatulog siya ay hindi na siya magising pa. Nang gabi ring iyon, nagising si Salome nang biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa harapan niya si Patricio na seryosong nakatingin sa kaniya habang nasa likod nito si Roselia na nanginginig sa takot habang P 43-2 hawak-hawak ang pagkain at tubig para kay Salome. Dahan-dahang napabangon si Salome, ngayon niya lang napagtanto na nakatulog nga siya sa sahig. Biglang napalingon si Patricio kay Roselia "Tandaan mo ang pangakong binitiwan mo" seryosong tugon nito kay Roselia, napatango-tango naman si Roselia na animo'y batang takot na takot. Sumenyas na si Patricio kay Roselia na maaari na itong pumasok sa loob ng silid ni Salome. Nakayuko lang si Roselia habang naglalakad papasok sa kwarto. Bago isara ni Patricio ang pinto tiningnan niya pa ng mabuti si Roselia na animo'y kinikilatis niya ito. Pagkasara ng pinto biglang napabagsak sa sahig si Roselia at napahinga ng malalim, animo'y nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib. Dahan-dahan namang napaupo si Salome at lumapit sa kaniya. "Lumeng" panimula ni Roselia sabay yakap ng mahigpit kay Salome. Ilang minuto rin ang lumipas na nanatili silang ganoon habang yakap-yakap ang isa't-isa at sabay na tumatangis sa katotohanang nabigo sila sa planong tumakas kay Patricio. "N-nagpapasalamat ako sapagkat hindi ka niya sinaktan" wika ni Salome habang yakap- yakap si Roselia. Dahan-dahan namang kumawala si Roselia sa pagkakayapak niya at tiningnan ito ng diretso sa mata. "Lumeng, sa tingin ko ay ito na ang huling pagkikita natin" saad ni Roselia na ikinagulat ni Salome. Hindi pa rin matigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanilang mga mata. "B-bakit? A-ano na namang ginawa ni- " Napahinga muna ng malalimsi Roselia bago ito nagsalita "Kagabi nang tulungan kitang tumakas nahuli tayo ni se�or Patricio, nang abutan niya ako kanina sa gitna ng alon habang tumatakbo papalayo ang kalesang sinasakyan niyo ni Felipe, pilit niya akong pinapaamin kung saan ka dadalhin ni Felipe. Wala akong balak sabihin ngunit bigla niyang itinutok ang kaniyang baril sa ulo ko at sinabing papatayin niya rin si Epifanio at ang batang nasa sinapupunan ko kung kaya't wala na akong nagawa po Lumeng... patawarin mo ako dahil sinabi ko sa kaniya na magtutungo kayo sa simbahan ng San Agustin" pagsusumamo ni Roselia at napahagulgol na ito. Ilang segundong hindi nakakibo si Salome ngunit naiintindihan naman niya na nalagay sa alanganin ang buhay ni Roselia at ang pamilya nito kaya nagawa niyang magsalita. Kapag ako nag kaanak in thefuturefidelang ipapangalan ko hakhakhak?? Stob it. S TO P .... I T?? P 43-3 Kabanata f(x - 42) 68.2K 2.7K 6.2K byUndeniablyGorgeous [Kabanata 42] (Note: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng makasaysayang pagkatuklas ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas. Hinango ang kabanatang ito sa kasaysayan ng ating bansa ngunit tulad nga ng genre ng kwentong ito ay naglalaman din ito ng Fiction. Ang pag-iibigan ni Sinagtala at Franco Velez ay pawang kathang-isip lamang. Hindi ito nasusulat sa Kasaysayan.) (Ang lenggwaheng kanilang ginagamit sa pag-uusap ay pinaniniwalaan na Old Malay Language ngunit hindi ako ganoon kasigurado kung kaya't hayaan niyong gamitin ko na lang ang Malaysian language. Hindi ako marunong magsalita ng Malay kung kaya't si pareng google translate ang kasangga ko ngayon haha. This is it!) ******************* Filipinas 1521 Ang pagdaong ng barkong Trinidad lulan ang manlalakbay na si Ferdinand Magellan sa lupain ng Homonhon, Samar. Kasama ang dalawa pang barkong Concepcion at Victoria lulan ang mga paring misyonaryong Kastila na kasama rin sa ekspedisyon. Halos 150 mga tauhan ang lulan ng apat na barkong iyon kasama rin ang historian na si Antonio Pigafetta, ang Kastilang pari na si padre Pedro De Valderrama at ang katuwang nitong pari na si Franco Velez. Sa kanilang paglalakbay na nagsimula pa noong Septyembre 20, 1519 sa ilalimng kapangyarihan ni Haring Charles V ng Espanya ay hinarap nila ang napakaraming pagsubok sa gitna ng dagat. Si Ferdinand Magellan ay isang Portugese na nagsisilbi sa kaharian ng Espanya. Sa gitna ng kanilang paglalakbay ay nagkaroon ng pag-aalsa ang ilang pinuno ng mga barko. Limang barko ang orihinal na naglayag paalis ng Espanya ngunit apat na lang ang nakarating sa Pilipinas sapagkat ang barkong San Antonio at Santigao ay bumalik sa Espanya at hindi na nagpatuloy pa. Ang kanilang misyon ay ang marating ang lupain ng Moluccas (spice island) noong mga panahong iyon nagkaroon ng pasiklaban ang mga bansa sa Europa sa pagtuklas ng mga bansa sa Silangan. Ganoon na rin ang kanilang pag-aasamna makakuha ng mga 'spices' para sa kanilang mga pagkain na maaari ring gamitin sa pagreserba ng mga karne lalo na sa panahon ng tag-lamig. Bukod doon ay nais din nilang ipakalat ang relihiyong Katolisismo kung kaya't ang bawat ekspedisyon ay naglululan ng mga pari at historian upang maitala ang kanilang naging paglalakbay. Marso 16, 1521 Natanaw nila ang isang isla na tinawag ni Antonio Pigafetta na 'Humunu' na ngayon ay kilala bilang P 44-1 Homonhon, Samar. Sa pagkakataong iyon sinalubong sila ng mga makapangyarihang datu na sina Datu Inaroyan, Limbas, Bucad, Layong, Calipay, Badiao, Cabuling at Datu Garas-garas. Ang wikang kanilang ginagamit ay ang 'Malay Language' kasama ang isang tagasalin ng wika na nagngangalang Enrique, ipinaliwanang nina Ferdinand Magellan sa mga katutubong datu na sila ay representante ng kaharian ng Espanya at ang kanilang misyon ay ang maipalaganap ang relihiyong Katoliko. Malugod na tinanggap ng mga katutubo ang mga dayuhang Kastila. Binigyan nila ng makakain ang mga bisita lalo na ang mga tauhan ng barko na nanghihina na sa gutomat pagkauhaw. Agad nagtayo ng mga tolda ang mga kastila sa dalampasigan habang patuloy silang binibigyan ng mga mamamayan ng mga prutas, gulay at mga pagkain. Ang barangay na pinamumunuan ni Datu Gars-garas ay mayroong mga bangka na ginagamit sa pangingisda. Nagkaroon sila ng salo-salo at ang lahat ng mga nahuling isda ay inihain ng mga katutubo sa mga kaibigang dayuhan. Ang bawat barangay ay pinamumunuan ng isang makapangyarihang datu. Magiliw silang sinalubong ng mga mamamayan na nakatira sa maliliit na barong-barong na nakapalibot sa buong barangay na kinabibilingan nila. Nagkalat ang mga bata, matanda, kalalakihan at kababaihan. Karamihan sa mga kalalakihan ay may mga tattoo at may hawak ng mahahabang palaso at armas. Habang ang mga kababaihan naman ay may mga dalang garapon, palayok at ang iba ay nagpapasuso sa kanilang mga sanggol. Napagtanto ng mga dayuhan na ang lugar na kanilang napuntahan ay mayroon nang matibay na Sistema ng pamayanan dahil sa herarkiya ng pamumuno mula sa mga datu hanggang sa mga ordinaryong mamamayan at mga alipin. Kinabukasan, hinandugan ni Datu Garas-garas sina Ferdinand Magellan ng dalawang malaking palayok na naglalaman ng bigas, isang mahabang kawayan na puno ng pulut-pukyutan, mga baboy, manok, prutas, gulay at isang baton na gawa sa ginto. Ngunit hindi tinanggap ni Ferdinand Magellan ang baton na gawa sa ginto at sinabi sa kaibigang datu na napakataas ng halaga niyon. Bilang kapalit niregaluhan naman ni Magellan si datu Garas-garas ng isang kapa at mga damit na gawa sa balahibo ng hayop (wool), isang sumbrero na kulay-ube, mga kutsilyong Toledo, mga salamin at butones na gawa sa pilak. Halos walong araw din silang nanatili roon at sa loob ng walong araw na iyon ay pinag-aralan mabuti ni Franco ang lenggwahe ng mga katutubo. Matalino si Franco at madali lang para sa kaniya ang kabisaduhin ang mga salita. Makalipas ang walong araw hindi na sapat ang mga pagkain doon para sa mga dayuhan na halos isang daan ang bilang kung kaya't muli silang naglayag papunta sa kalapit na isla ng Limasawa. Kung saan namumuno ang makapangyarihang rajah na si Rajah Culambu at Rajah Ciagu. Marso 25, 1521 Malugod din silang tinanggap nina Rajah Culambu (Kulambo) at Rajah Ciagu. Binigyan sila ng mga ito ng mga pagkain. Natuklasan nila na ang Limasawa ay may maraming mga pastulan ng hayop tulad ng mga P 44-2 kambing, baboy at mga manok. Mayroon ding mga malalaking palayan na kung saan nakatanimang mga saging, luya, palay at trigo. Nang sumapit ang katapusan ng Marso, ito ang araw ng pista ng San Lazarus ng mga Kastila kung kaya't naghain sila ng banal na misa sa bayan na iyon. Ito ay kinilala bilang Unang Misa ng relihiyong Katoliko sa bansang Pilipinas at ito ay ginanap sa isla ng Limasawa, Leyte. Sa pangunguna ng paring Kastila na si Padre Pedro De Valderrama naganap ang unang banal na misa. Matapos nito ay muling nagipit na naman sa pagkain ang mga dayuhan lalo na ang halos isang daang mga tauhan ni Ferdinand Magellan sa kanilang barko kung kaya't itinuro sila ni datu Culambu sa kalapit na isla ng Sugbu (Cebu) na pinamumunuan ni Rajah Humabon. Abril 07, 1521 Nang marating nila ang isla ng Cebu agad nilang ipinaliwanang ng mga dayuhan sa tulong ng mga kaibigang datu kay Rajah Humabon na ang pakay nina Ferdinand Magellan ay hindi digmaan kundi pagkakaibigan. Natuklasan ng mga dayuhan na kumpara sa naunang isla ng Homonhon at Limasawa na kanilang napuntahan ay mas malaki ang teritoryo at mas maunlad ang isla ng Cebu. Sa daungan ay nakita nila ang ilan sa mga mangangalakal na Tsino, Borneo at mga malalakal mula sa bansang Siam(Thaliand), senyales na mayroon nang malawak na kalakalan ang lupaing kanilang napuntahan. Ang isla ng Cebu ay mayroong halos dalawang libong mga mandirigmang kalalakihan. Nahirapan ang mga dayuhan na kumbinsihin ang mga mamayan ng Cebu ngunit di kalaunan ay nagkasundo rin sila at sa pamamagitan ng Sanduguan ay nagpasimula ang pakikipagkaibigan nina Ferdinand Magellan sa pinuno ng Cebu na si Rajah Humabon. Ang sanduguan (blood compact) ay isang ritwal na kung saan hihiwain nila ang kanilang pulso at ang dugo na tutulo mula roon ay ilalagay sa baso at iinumin, isang tanda ng habambuhay nilang pagkakaibigan. Nagkaroon ng malawakang salo-salo at kasiyahan. Sari-saring mga prutas, gulay, isda at mga karne ang nakahain sa mesa habang ang mga katutubo ay nagsasayaw bilang tanda ng kanilang masigabong pagsalubong sa mga bagong kaibigang dayuhan. Ingay mula sa mga nakakaindak na mga tambol ang umaalingangaw sa buong paligid. Malamig ang ihip ng hangin ng gabing iyon habang nagkakasiyahan ang lahat at nagsasalo-salo sa mga pagkain sa hapag, sariwang sabaw ng buko at mga masasarap na alak na mula sa tuba. Maliwanang ang buong paligid dahil sa kabilugan ng buwan at sa kumikinang na mga tala sa kalangitan. Bukod doon ay may isang malaking siga ng apoy na nasa pinakagitna ng kasiyahan habang sumasayaw ang mga mananayaw at umiikot sa palibot ng apoy. May napakahabang mesa sa gitna kung saan nakaupo sa pinasentro nito ang maharlikang si Rajah Humabon at katabi niya ang kaniyang asawa na si Humani. Habang nasa tabi naman ng reyna ang kanilang mga anak. Samantala, nasa tabi naman ni Rajah Humabon sina Ferdinand Magellan, Antonio Pigafetta, si Enrique na siyang tagasalin ng kanilang mga wika, si padre Pedro De Valderrama at si padre Franco Velez. P 44-3 Inilalahad ng mga dayuhan ang relihiyong Katoliko, magiliw silang nakikipag-usap kay Rajah Humabon at sa asawa nito. Ang mga aral at katuruan ng simbahang Katoliko ay buong detalye nilang binabahagi sa mga bagong kaibigan. Interesado rin naman makinig ang mga maharlika sa kanilang mga sinasambit. Habang abala ang lahat sa kasiyahang nagaganap, sa di inaasahang pagkakataon ay biglang dumating ang grupo ng mga Babaylan sa pangunguna ng matandang babae at siyang pinakamakapangyarihan at pinunong babaylan na nagngangalang tandang Idla. Nasa edad walongpu't-pito na ito, kulubot na ang mga balat ngunit malakas pa rin kumpara sa kaniyang edad. Kasunod niya ay ang apat pang babaeng Babaylan na susunod sa kaniyang yapak. Tatlo sa babaylan na kaniyang kasama ay babaylan nina Datu Garas-garas ng Homonhon, Datu Culambu at Datu Ciagu ng Limasawa. Habang ang pinakabatang babaylan naman na kaniyang kasama ay nagngangalang Sinagtala. Si Sinagtala ang siyang sinasanay ni tandang Idla na susunod mismo sa kaniyang yapak bilang pangunahing babaylan sa ilalim ng kaharian ni Rajah Homabon. Si Sinagtala ay nasa edad labing siyamna taon pa lang ngunit sa kabila ng kaniyang murang edad ay kinakitaan na siya agad ng kapangyarihan at abilidad na makausap ang mga anito at maging isang babaylan. Noong bata pa ito ay nagkaroon siya ng malubhang karamdaman na muntikan na niyang ikamatay, nabulag din siya ng halos dalawang linggo ngunit bumalik din ang kaniyang paningin matapos ang ritwal na isinagawa ni tandang Idla. Ang kaganapang iyon sa buhay ni Sinagtala ay isang senyales na siya ay napili mismo ni Bathala at ng iba pang mga diyos na maging tagapag-ugnay ng mensahe ng kalangitan para sa mga tao. Ang pagkabulag ng kaniyang mga mata ay pinaniniwalaang senyales na nakita niya mismo ang mga diyos na bumubuo ng langit, lupa, tubig, apoy at kagubatan. Si Sinagtala ay isang maharlika rin sapagkat siya ay pamangkin ni Rajah Humabon. Kung kaya't isang malaking kabanalan sa kanilang angkan ang magkaroon ng kapamilyang babaylan na siyang napili mismo ng kanilang dakilang diyos na si Bathala. "Selamat petang" (Magandang gabi) bati ni tandang Idla kay Rajah Humabon, sa pamilya nito at sa mga kastilang dayuhan at nagbigay pugay sa kanilang pinunong rajah. Ganoon din ang ginawa ng apat na babaylan na kaniyang kasama, nagbigay pugay din ang mga ito sa kanilang hari. "Saya gembira kerana anda dating ke sini dalamperhimpunan kami dan senang melihat anda lagi tandalng Idla" (Mabuti naman at nakarating kayo ngayon dito sa aming salo-salo, ikinagagalak kong makita kang muli tandang Idla) tugon ni Rajah Humabon sabay abot ng baso ng alak na tuba kay tandang Idla, napatango at napangiti naman ng marahan si tandang Idla at malugod na tinanggap ang alak na inabot sa kaniya ng Rajah. "Saya sangat berbesar hati berada di sini, raja saya" (Ikinararangal ko ang maparito, Kamahalan) saad ni tandang Idla sabay inomng alak na inabot sa kaniya ng hari. "Bagaimanapun, saya ingin bertemu rakan-rakan baru saya dari Sepanyol. Mereka adalah Fernando, Antonio, Enrique, Pedro dan Franco" (Siya nga pala, nais kong ipakilala sa inyo ang aking mga bagong kaibigan mula sa bansang Espanya. Si Ferdinand, Antonio, Enrique, Pedro at Franco) wika pa ng hari sabay at isaisang itinuro ang mga dayuhang Kastila. Agad namang nagbigay galang ang mga dayuhan kay tandang Idla at P 44-4 pinasabi nila kay Enrique na siyang tagasalin ng wikang kastila sa wikang Malay na kinagagalak nilang makilala sina tandang Idla at ang mga kasama nitong babaylan. Sa unang pagkakataon ay nagtama ang paningin ng babaylan na si Sinagtala at ang paring kastila na nagngangalang Franco Velez. Kasabay niyon ay biglang umihip ang marahan na hangin, tila bumagal din ang takbo ng paligid at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pareho nilang naramdaman ang kakaibang pagpintig ng kanilang mga puso habang nakatingin sa mata ng isa't-isa. Naunang napaiwas ng tingin si Sinagtala nang biglang hawakan ni tandang Idla ang kaniyang kamay. "Raja saya, saya ingin anda tahu bahawa saya akan lulus kuasa dan kedudukan saya kepada keponakan anda Sinagtala pada hari terkahir bulan ini" (Kamahalan, nais ko ring ipabatid sa inyo na sa susunod na sa katapusan ay akin nang ipapasa ang aking kapangyarihan at posisyon sa inyong pamangkin na si Sinagtala) tugon ni tandang Idla saka inihirap si Sinagtala sa kanila. Agad namang napayukod si Sinagtala ngunit napatigil siya nang magsalita ang hari. "Saya gembira untuk mengetahui. Tetapi mengapa annda mengubah perbualan kami? Kawan-kawan saya menunggu ucapan salamanda" (Ako'y nagagalak na malaman iyan. Ngunit bakit tila iniiba mo ang usapan tandang Idla? Kanina pa naghihintay ng pagbati mula sa iyo ang mga bagong kaibigan ko) saad ng hari, napatigil naman si tandang Idla, Sinagtala at ang tatlo pang babaylan. Kinakabahan sila sapagkat tila nakakaramdamang Rajah na may iba silang pakay sa pagpunta sa kasiyahang nagaganap ngayon. Agad namang hinawakan ni tandang Idla ang kamay ni Sinagtala at pinapunta ito sa likuran niya saka hinarap ang Rajah. Hindi naman magkamayaw si Enrique sa pagsalin ng kanilang usapan sa wikang Kastila at ibinulong ito kina Magellan at sa mga kasama. "Raja saya, maafkan saya tapi jujur ??saya tidak mempercayai mereka" (Patawarin niyo po ako Kamahalan ngunit sa totoo lang ay hindi ako nagtitiwala sa mga dayuhan na iyan) diretsong sagot ni tandang Idla dahilan upang matahimik sandali ang Rajah at ang asawa nito. Hindi naman kumibo ang apat pang babaylan at nang ibulong ni Enrique sa mga kasama ang sinabi ng matandang babaylan, maging sila ay nagulat sa katapangan na ipinamalas nito. Napaisip ng malalimang hari at napatingin sa mga dayuhan. Magaan naman agad ang loob niya sa kanila ngunit kailangan niya pa ring isaalang-alang ang sinabi ng punong Babaylan. Ang opinyon ng babaylan ay mahalaga para sa isang hari na tulad niya. Agad siyang uminomng isang basong alak ng tuba saka muling hinarap ang mga babaylan. " Saya ingin tahu pendapat anda Sinagtala. Mengapa anda tidak mempercayai mereka?" (Nais kong malaman ang iyong opinyon Sinagtala, bakit hindi natin dapat pagkatiwalaan ang mga dayuhang ito?) mausisang tanong ng Rajah sa kaniyang pamangkin na si Sinagtala na gulat na napatingin sa kaniya. Hindi nito inaasahan na siya ang tatanungin mismo ng hari, maging sina tandang Idla at ang iba pa niyang mga kasamahan na babaylan ay nagulat din. Marahil ay sinusubok nito ang kaniyang angking talino at kakayahan. Sinenyasan agad ni tandang Idla si Sinagtala na maglakad papunta sa harapan at yumukod muli sa hari. Nang matapos ang pagbibigay galang ni Sinagtala ay agad siyang nagsalita " P 44-5 Raja saya, berdasarkan tanda-tanda yang dihantar oleh langit dan bintang-bintang di atasnya bermakna persahabatan ini tidak akan menghasilkan yang baik. Mereka mempunyai motif mereka sendiri untuk memusnahkan kerajaan kita" (Kamahalan, ang mga senyales mula sa kalangitan at sa mga tala ay nagpapahayag na hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng pakikipag-mabutihan sa mga dayuhang ito. Sila ay may ibang motibo at ang pakikipagkasundo sa kanila ay magdudulot ng pagbagsak ng ating kaharian) matapang at diretsong sagot ni Sinagtala sabay tingin sa mga dayuhan na ngayon ay kinakabahan na. Ngunit bigla siyang napaiwas ulit ng tingin nang makita niyang nakatingin din sa kaniya si Franco. Bigla namang napasandal sa upuan si Rajah Humabon at napaisip ng mabuti habang pinagmamasdan ang kaniyang pamangkin na si Sinagtala. Walang duda, napabilib siya sa angking talino ng kaniyang pamangkin. "Dan selain itu, tidak semua ketua akan bersetuju dengan mereka. walaupun datu Garas-garas, Datu Culambu, Datu Ciagu ada di sana. Walaupun datu zula akan mencari persahabatan dengan mereka itu bukanlah alasan yang dapat diterima untuk anda berkawan dengan mereka juga" (At bukod po doon ay hindi lahat ng pinuno ay makakapayag sa inyong pakikipag-mabutihan sa mga dayuhang ito. Bagama't nariyan sina Datu Garas-garas, Datu Culambu, Datu Ciagu at maging ang susunod na makikipag-kaibigan sa kanila na si Datu Zula ng Mactan ay hindi pa rin iyon sapat upang umayon ka na rin po Kamahalan sa kanilang lahat) patuloy pa ni Sinagtala at isa-isa niyang tiningnan ng diretso ang iba pang mga Datu na naroon din sa kasiyahang iyon. Agad namang napakunot ang noo ni Rajah Humabon "A dakah anda mengatakan bahawa datu zula juga akan mencari persahabatan dengan mereka?" (Sinasabi mo bang balak din makipag-kaibigan ni Datu Zula sa mga dayuhang ito?) nagtatakang tanong ng Rajah sapagkat nasabi na ni Sinagtala ang mga mangyayari sa hinaharap. Napatango naman si Sinagtala "Ya, kebesaranmu" (Opo, Kamahalan) magalang nitong sagot. Sandali namang hindi nakakibo si Rajah Humabon at isa-isang tiningnan ang mga dayuhan. Kumpara naman sa mga tauhang kasama nito ay imposibleng maagaw sa kaniya ang kanilang kaharian dahil halos dalawang libo ang mga mandirigma ng kaniyang hukbo. "Sangat bagus. Anda kagumsaya keponakan saya. Bathala benar-benar berada pada anda. Tetapi saya ingin anda tahu bahawa kami sudah melakukan ritual darah padat dan saya percaya bahawa orang-orang ini baik" (Magaling, napabilib mo ako aking pamangkin. Ikaw nga ay talagang kinalulugdan ni Bathala. Ngunit nais kong ipaalam sa inyo na naisagawa na namin ang Sanduguan. Naniniwala ako na mabubuting tao ang mga dayuhang ito) tugon ng hari. Napayuko na lang si Sinagtala at napaatras nang biglang maglakad sa hara psi tandang Idla. "Maafkan saya, Yang Mulia tetapi saya tidak bersetuju dengan kebaikan dan persahabatan yang mereka tawarkan. mereka mahu kita dilindungi dengan agama mereka. tindakan ini akan membuat Bathala marah dan dia akan menghantar ribut dan penyakit di tanah kita" (Ipagpaumanhin niyo po Kamahalan ngunit ako po'y hindi sumasangayon sa kanilang pagparito at pakikipagkaibigan sa inyo. Nais nilang hikayatin kayo na sambahin ang kanilang diyos. Tiyak na ikagagalit ito ni Bathala at kami po'y nangangamba na magpadala ng bagyo at salot dito sa ating lipunan) matapang na tugon ni tandang Idla na hindi nagustuhan ng hari dahil sa kaniyang pakikisabat sa usapan. Animo'y binastos niya ang reputasyon nito. P 44-6 "A pa yang anda lakukan tandang Idla tidak dapat diterima. cari pengampunan kepada raja kami" (Mapangahas ang iyong ginawa tandang Idla, humingi ka ng tawad sa ating Kamahalan) utos ng isang maharlika na naroon na sinang-ayunan naman ng karamihan. Agad naibagsak ng hari ang kaniyang kamay sa mesa upang patahimikin ang lahat. " Berhenti yang" (Magsitigil kayo!) sigaw nito dahilan para biglang mapatahimik ang lahat. Maging ang tunog ng mga tambol at ang mga mananayaw ay napatigil nang marinig nila ang tinuran ng kanilang pinuno. "Anda boleh meninggalkan tandang Idla" (Maaari na kayong umalis tandang Idla) tugon pa nito ngunit mas mahinahon na ang tono kumpara kanina. Wala namang nagawa sina tandang Idla kundi ang sumunod na lang. Agad silang nagbigay galang bago tuluyang umalis. Ngunit bago tuluyang makalabas si Sinagtala sa tolda ng Rajah, napalingon siya kay Franco na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kaniya. Nang gabi ring iyon, hindi makatulog ng maayos si Sinagtala. Kanina pa siya nagpaikot-ikot sa kaniyang higaan at nagtaklob ng kumot ngunit kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. At ang mas lalong kinaiinisan niya pa ay hindi mawala sa kaniyang isipan ang itsura ni Franco. Napaupo na lang siya at napasilip sa bintana sa kaniyang gilid. Tahimik na ang buong paligid, natanaw niya mula sa di-kalayuan ang tahanan ni Rajah Humabon kung saan ginaganap ngayon ang kasiyahan ngunit mukhang tapos na ang pagdiriwang dahil wala na silang ingay na naririnig, mukhang tulog na rin ang lahat. Ipinikit na lang niya ang kaniyang mga mata at pilit na dinama ang malamig na hangin. Humihingi siya ngayon ng saklolo sa mga anito na tanggalin ang kakaibang pakiramdamna gumugulo ngayon sa puso't-isipan niya. Sa kaniyang palagay ay isa itong pagsubok ng mga diyos sa kaniya. Ngunit bigla siyang napatauhan nang marinig ang boses ni tandang Idla na tumabi sa kaniya sa tapat ng bintana. " Saya dapat merasakan bahawa hujung saya sudah hampir. Sinagtala anda satu-satunya harapan saya. silakan melayani dengan baik tuhan-tuhan dan rakyat. jangan berbuat apa-apa yang akan memusnahkan hak yang telah saya berikan kepada anda" (Nararamdaman ko na malapit nang matapos ang aking tungkulin sa mundong ito, ikaw Sinagtala ang siyang pag-asa ko. Nawa'y pagsilbihan mong mabuti ang ating mga kababayan at ang mga diyos. Huwag kang gagawa ng bagay na ikasisira ng karangalang ibinigay ko sa iyo) panimula ni tandang Idla habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Sinagtala. Maliwanag naman ang buwan kung kaya't kahit walang apoy sa paligid ay nakikita naman niya ng maayos ang dalaga. P 44-7 Bukod doon ay maputi ang balat ni Sinagtala sapagkat ang kaniyang ina ay taga-Tsina na nabuntis ng kaniyang ama na isang maharlika at kamag-anak ni Rajah Humabon. Sanggol na siya nang dalhin siya ng kaniyang ina kay tandang Idla, kung kaya't halos kay tandang Idla na siya lumaki. Samantala, namatay naman ang kaniyang ina sa isang pambihirang sakit. Ang ama naman ni Sinagtala ay isang mandirigmang maharlika ngunit namatay din ito sa isang digmaan laban sa mga kalapit na tribo noong bata pa lamang siya. "S entiasa ingat bahawa ini adalah nasib anda Sinagtala. anda akan berkuasa seperti saya. melayani rakyat adalah tanggungjawab anda di dunia ini. sentiasa meletakkan orang lain terlebih dahulu sebelumdiri anda. kita dilahirkan sebagai orang tengah antara para dewa dan rakyat" (Palagi mong tatandaan Sinagtala na ito ang kapalaran mo. Ikaw ay magiging makapangyarihang Babaylan tulad ko. Ang pagsisilbi sa bayan ang siyang tungkulin mo sa mundong ito. Unahin mo palagi ang ibang tao kaysa sa iyong sarili. Tayo ay pinanganak upang maging tagapamagitan ng diyos at ng tao... wala kang dapat na intindihin kundi ang ating mga kababayan) saad ni tandang Idla. Napatango naman si Sinagtala, ang mga salitang binitiwan ng kaniyang ina-inahan ay nagpagaan sa kaniyang kalooban sapagkat kanina pa gumugulo sa kaniyang isipan ang dayuhang si Franco. " sekali anda gagal dalamkehidupan ini. jiwa anda tidak akan selamat. bathala akan membenci kamu dan dia akan menghukumkamu" (Sa oras na mabigo ka sa iyong tungkulin sa mundong ito. Tiyak na hindi matatahimik ang iyong kaluluwa. Kamumuhian ka ni Bathala at siguradong matinding parusa ang mapapataw sa iyo) tugon pa ni tandang Idla, animo'y binibigyan na niya ng babala si Sinagtala sapagkat nababasa nito ang isipan at ang kilos ng dalaga lalong-lalo na ang pakikipag-titigan nito kanina sa dayuhang si Franco. Napayuko na lang si Sinagtala. Bigla siyang siniklaban ng takot, sa oras na magalit ang mga diyos sa kaniya ay katapusan na rin niya iyon. Ilang sandali pa, nagulat siya nang hawakan ni tandang idla ang kaniyang kamay. " Apabila ibu anda masih hidup, sebelumdia mati, dia telah memberitahu saya sebelumini. Mereka mendakwa bahawa agamanya dia percaya bahawa dia dilahirkan lagi kerana dia tidak dapat menerima nasib hidupnya. Apabila dia jatuh dan ayah anda hamil dia hilang keluarganya jadi lebih baik baginya untuk membawa anda ke mana ayah anda tinggal. Tetapi ia tidak dapat diterima oleh masyarakat kita, terutamanya kerana ibu anda tidak berada di dalamdarah diraja. Ia membawa saya ibumu ketika beliau menunggu ketibaan ayahmu tetapi selepas beberapa hari kita mendengar bahawa bapa meninggal dunia dalampertempuran. Ibunya menyembah agama tercintanya yang dinamakan Buddhisme. Sebelumdia meninggal, dia memberitahu saya bahawa jika dia hidup semula nanti dia mahu melihat anda membesar, dia mahu bersama ayah anda dan mempunyai lebih banyak anak. Dia juga memberikan saya itemini dan mengaku bahawa saya memberikannya kepada anda pada masa yang tepat" (Noong nabubuhay pa ang iyong ina, bago siya pumanaw ay may sinabi siya noon sa akin. Ayon daw sa kaniyang relihiyon naniniwala siya na muli siyang isisilang muli sapagkat hindi niya matanggap ang P 44-8 sinapit ng buhay niya. Nang mahulog siya at mabuntis ng iyong ama itinakwil siya ng kaniyang pamilya kung kaya't minabuti niyang dalhin ka dito kung saan nakatira ang iyong ama. Ngunit hindi iyon katanggap-tanggap sa ating lipunan lalo na't hindi naman mula sa dugong maharlika ang iyong ina. Dito ka sa akin dinala ng iyong ina habang hinihintay niya ang pagdating ng iyong ama ngunit makalipas lang ang ilang araw ay nabalitaan namin na namatay ang iyong ama sa pakikipaglaban. Ang iyong ina ay sumasamba sa kaniyang kinagisnang relihiyon na tinatawag na Buddhismo. Bago siya pumanaw, sinabi niya sa akin na kung mabubuhay siyang muli sa ibang panahon ay nais niyang makita kang lumaki, nais din niyang makapiling ang iyong itay at magkaroon pa ng maraming supling. Ibinigay niya rin sa akin ang bagay na ito at nakiusap na ibigay ko raw ito sa iyo sa tamang panahon) saad ni tandang Idla sabay abot kay Sinagtala ng isang palamuti sa buhok na ginagamit ng mga babae mula sa Tsina. May disenyo itong pulang dragon sa dulo habang sa kabilang dulo naman nito ay matalimna maaaring makapatay. Napatitig naman si Sinagtala sa patalimna pang-ipit na iyon. Animo'y kinukurot ngayon ang kaniyang puso nang malaman na galing pa iyon sa kaniyang ina. Mahaba ang kaniyang buhok at bihira lamang niya ipusod ang kaniyang buhok lalo na sapagkat ang nakakatulong din ang kaniyang buhok na nakalugay upanng hindi lamigin agad dahil isang pulang tela lang ang nakapalibot sa kaniyang dibdib at isang pulang tela rin ang nakapalibot sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. "P ada akhir bulan saya akan lulus kuasa saya untuk anda jadi sila bersiap sedia" (Sa katapusan nang buwan na ito ay ipapasa ko na ang aking kapangyarihan sa iyo kung kaya't maghanda ka na) tugon pa ni tandang Idla saka tumayo na at bumalik sa higaan nito. Napatitig na lang muli si Sinagtala sa dragon na pang-ipit na mula pa sa kaniyang ina. Malaking palaisipan din sa kaniya ang sinabi nitong 'Muling pagkabuhay sa ibang panahon' Kinabukasan, maagang nagising si Sinagtala. Nang lumabas siya sa kanilang bahay na gawa sa pinagtagpitagping dayami ay naabutan niyang nagkakagulo ang mga tao sa labas. Sabay-sabay silang dumadaing at nagsusumamo kay tandang Idla na magdasal sa kalangitan upang bumuhos ang ulan sapagkat kailangang madiligan ang kanilang mga palayan. Agad inutusan ni tandang Idla si Sinagtala na siyang manguna sa ritwal upang humingi ng ulan mula sa kalangitan. Mabilis na nagpalit ng kasuotan si Sinagtala at naglagay ng mga tintang puti sa katawan na bahagi ng ritwal na kaniyang gagawin. Inihanda na rin niya ang dalawang kumpol ng mahahabang dayami at isang malaking tapayan na naglalaman ng tubig. Nang matapos ang paghahanda ay pumwesto na siya sa gitna ng palayan at doon niya isinagawa ang ritwal. Isang mahabang dasal na awitin ang kaniyang kinanta na siyang daan upang marinig ng mga diyos ang kanilang dasal. Tahimik lang ang mga tao habang nakaluhod palibot sa kaniya at taimtimding nagdadasal. Patuloy namang iwinawasiwas ni Sinagtala ang hawak niyang dayami, sinasawsaw niya ito sa tubig at iwinawasiwas sa ere na parang ulan. Kasabay niyon ay ang patuloy niyang pag-awit ng dasal habang umiikot-ikot at kinakampay ang dayami sa ere. P 44-9 Habang ginagawa niya ang ritwal na iyon ay hindi niya namalayan na naroon din si Franco at pinapanood siya. Nakatayo ito sa gilid ng isang puno at pinagmamasdan ang pangunguna ni Sinagtala sa pagdarasal. Hindi maitatanggi ni Franco na siya ay humahanga sa babaylang si Sinagtala. Lalong-lalo na nang marinig niya ang napakagandang tinig nito habang umiikot-ikot sa gitna ng mga tao. Ilang sandali pa, nang imulat ni Sinagtala ang kaniyang mga mata, natanaw niya si Franco sa di-kalayuan. Bigla siyang napatigil sa gulat at sa kaniyang pag-ikot ay nagkamali siya ng hakbang kung kaya't bigla siyang napabagsak sa lupa at napatigil sa pag-awit. Nang dahil sa pangyayaring iyon gulat na napatingin sa kaniya si tandang Idla. Maging ang mga tao ay hindi makapaniwala sa nangyari, ang pagtigil sa dasal at ang pagkabagsak ni Sinagtala sa lupa ay isang malaking kasalanan sa riwal. Animo'y nasindak sa takot ang lahat nang biglang naglakad si tandang Idla papalapit kay Sinagtala at sinampal ito sa mukha. Dali-dali namang naglakad papalapit si Franco upang pigilan sana si tandang Idla ngunit bigla siyang hinawakan ni Enrique upang pigilan ang kaibigan. "Por favor, no interrumpas. pueden malinterpretar si te involucras con esto" (Pakiusap, huwag na niyo na pong pakialaman pa sila sapagkat baka hindi nila magustuhan ang inyong pakikisangkot) paalala ni Enrique, si Enrique ay taga-Molocca na naging kaibigan ni Ferdinand Magellan noong lumahok ito sa paglalakbay na pinumuan ng mga Portoguese. Magsasalita na sana si Franco ngunit napatigil siya nang biglang pumatak ang ulan. Napatingin siya kay Sinagtala at sa mga taong napatingala sa kalangitan, ilang sandali pa tuluyan nang bumuhos ang ulan kung kaya't nagtatalon ang mga tao at nagpasalamat kay Bathala. Agad namang bumalik si tandang Idla sa loob ng tahanan nito at sinenyasan si Sinagtala na sumunod sa kaniya. Bago pumasok si Sinagtala sa pintuan ni tandang Idla nagbigay galang muna siya. "M engapa kamu berhenti menyanyikan doa?" (Bakit ka napatigil sa pag-awit ng dasal kanina?) diretsong tanong ni tandang idla. Nakaupo ito sa kaniyang papag habang nakatanaw sa labas ng bintana. " Saya membuat kesilapan supaya saya kehilangan baki saya, maafkan saya ----" (Nagkamali po ako ng hakbang kung kaya't nawalan po ako ng balanse, patawad po- ) hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita si tandang Idla. "P astikan anda mengatakan kebenaran. anda tidak berbohong kepada saya tetapi kepada Bathala" (Siguraduhin mo lang na totoo ang iyang sinasabi mo. Hindi ka sa akin nangsisinunggaling kundi kay P 44-10 Bathala) seryosong tugon nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Sinagtala. Napayuko na lang si Sinagtala at muling humingi ng tawad. At kahit pa nagtagumpay ang ritwal na pinangunahan niya kanina, hindi pa rin nagustuhan ni tandang Idla ang pagkakamali na nagawa niya kung kaya't bilang parusa ay hindi siya isinama nito sa gagawin nitong pagdadasal mamayang hapon sa kabundukan. Kinahapunan, habang abala si Sinagtala sa pagdadasal ng taimtimbiglang kumatok sa kaniyang silid ang isang batang lalaki. Basang-basa ito sa ulan at nababalot ng putik sapagkat nagmamadali itong makapunta kay Sinagtala. Biglang napatayo si Sinagtala sa gulat nang mabalitaan na inatake ng panghihina si tandang Idla habang nagdarasal ito sa kabundukan. Ang batang iyon ay isinama ni tandang Idla kasama pa ang dalawang babaylan kanina papunta sa bundok. Dali-daling kinuha ni Sinagtala ang gamot sa panghihina ni tandang Idla na nakalagay sa isang maliit na palayok. Hindi na nagdalawang isip pa si Sinagtala at dali-dali siyang lumusong sa ulan at tinahak ang daan papunta sa kabundukan. Hindi na niya alintana ang lakas ng hangin at ng buhos ng ulan na tumatama ngayon sa kaniyang balat. Maging ang lamig na dulot nito na bumabalot sa kaniyang buong katawan ay hindi na rin niya pansin. Tinahak niya ang maputik na daan patungo sa paanan ng bundok ngunit napatigil siya nang makaramdamng pagod. Halos kalahating oras na siyang tumatakbo sa gitna ng ulan at bukod doon basang-basa na rin ang gamot na dala niya para kay tandang Idla kung kaya't tumigil muna siya sa lilimng isang malaking puno at naupo doon. Ngunit bigla siyang napatigil nang may narinig siyang nagsalita mula sa likuran niya " Mungkin saya mempunyai destinasi yang sangat penting untuk membaca hujan seperti itu" (Marahil ay may mahalaga kang patutunguhan upang magpabasa ka sa ulan ng ganiyan) wika ni Franco na nakatayo sa likod ng punong iyon, maging siya ay sumilong din sa punong iyon dahil sa lakas ng ulan. Gulat na napatayo si Sinagtala at halos walang kurap na nakatingin ng diretso sa mga mata ni Franco. "A dakah anda fahambahasa kami?" (Naiintindihan mo ang aming wika?) gulat niyang tanong, napatango naman si Franco at napangiti ng marahan. "K erana saya datang ke sini saya minta Enrique mengajar saya. Saya berminat untuk mempelajari bahasa anda" (Magmula nang makarating kami rito ay nagpaturo ako kay Enrique, nais kong matutunan ang inyong lenggwahe) sagot nito at nagsimula siyang humakbang papalapit kay Sinagtala. Animo'y naistatwa naman si Sinagtala sa kaniyang kinatatayuan dahil sa gulat. P 44-11 Mas lalo niyang ikinagulat ay nang biglang iabot sa kaniya ni Franco ang suot nitong talukbong "A nda boleh mempunyai ini" (Sa iyo na muna ito) wika ni Franco, napatulala naman si Sinagtala sa talukbong na iyon at agad siyang napailing. "Baiklah, saya dekat- " (Hindi na, malapit na rin ako at- ) hindi na natapos ni Sinagtala ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Franco. "Sila ambil" (Sige na, tanggapin mo na) muling tugon nito sabay ngiti, hindi malaman ni Sinagtala kung bakit sobrang lakas na ngayon ng kabog ng kaniyang puso at nang muli siyang tumingin kay Franco, napatulala na lamang siya sa ngiting pinakawalan nito. Kasabay nito ay parang biglang bumagal ang takbo ng paligid sa paningin ni Sinagtala. Unti-unting bumagal ang bagsak ng ulan at marahan ding umihip ang hangin dahilan para mahawi ang buhok ni Franco na tumatama sa kilay nito. Kinagabihan, habang abala si Sinagtala sa pagpunas sa braso at binti ni tandang Idla hindi mapawi sa kaniyang isipan ang naging tagpo at unang pag-uusap nila ni Franco kanina. Ilang sandali pa, bigla siyang napatigil nang iminulat ni tandang Idla ang kaniyang mga mata at nagsalita ito "Kenapa awak tersenyum?" (Kanina ka pa nakangiti, anong dahilan ng mga iyan) biglang saad nito na ikinagulat ni Sinagtala, hindi niya namalayan na kanina pa pala siya nakangiti. " Saya hanya gembira bahawa upacara itu berjaya. sehingga kini Bathala memberkati kita" (M-masaya lang po ako sapagkat naging matagumpay ang ritwal, hanggang ngayon ay binibibiyaan pa rin tayo ni Bathala ng ulan) sagot ni Sinagtala ngunit hindi niya magawang tumingin ng diretso sa mga mata ni tandang Idla dahil natatakot siya na mahuli nito ang kasinunggalingan niya. "S aya dapat merasakan bahawa hujan yang anda panggil sebentar tadi bukanlah rahmat dari Bathala" (Nararamdaman ko na ang ulan na tinawag mo kanina ay hindi biyaya na mula kay Bathala) wika pa ni tandang Idla at napaubo pa ito dahil sa lamig ng panahon. Agad naman siyang inabutan ni Sinagtala ng isang basong tubig at pinainom. "A pa maksud awak? hujan adalah rahmat dari Bathala" (Ano pong ibig niyong sabihin? Ang ulan ay biyaya mula kay Bathala) saad ni Sinagtala, nang matapos uminomng tubig si tandang Idla ay bigla itong tumingin ng diretso sa mga mata niya. " P 44-12 Hujan yang anda panggil bukanlah rahmat kerana anda tidak menyiapkan doa tadi. Hujan yang menumpahkan sekarang adalah amaran ... amaran dari langit bahawa pada masa anda tidak mematuhi akan menjadi kutukan" (Hindi biyaya ang ulan na iyong tinawag dahil hindi mo natapos ang pag-awit ng dasal kanina. Ang ulan na bumubuhos ngayon ay isang babala... isang babala ng kalangitan na sa oras na iyong sinuway ay magiging sumpa) seryosong tugon ni tandang Idla dahilan upang biglang siklaban ng takot si Sinagtala. Nang gabi ring iyon, habang inaayos ni Sinagtala ang kaniyang higaan, nagulat na lang siya nang biglang may kumatok sa kaniyang pinto. Nang buksan niya ito ay laking gulat niya nang makita ang ilan sa mga mamamayan ng kanilang barangay kasama ang mga bantay ni Rajah Humabon. " Raja kami meminta anda untuk menyembuhkannya" (Nakikiusap ang ating kamahalan na inyong bigyang lunas ang karamdaman ng dayuhang ito) tugon ng isang bantay ng hari. Nanlaki naman ang mga mata ni Sinagtala nang makilala kung sino ang dayuhang nakaratay ngayon sa mahabang papag habang bitbit ng mga bantay... si Franco. Agad pinapasok ni Sinagtala ang mga bantay at inihiga nila si Franco sa higaan nito. Hinawakan ni Sinagtala ang noo ni Franco na ngayon ay inaapoy na ng lagnat. Kinuha na ni Sinagtala ang mga halamang gamot na makakatulong upang mapababa ang mataas na lagnat ng dayuhan at pinahid niya ito sa katawan nito. Matapos ang halos isang oras na panggagamot ni Sinagtala kay Franco ay kinumutan na niya ito. Silang dalawa ang nasa loob ng kaniyang silid habang nasa labas naman ang mga bantay. Ilang sandali pa habang tinatapal ni Sinagtala ang isang dahon sa noo ni Franco, nagulat siya nang bigla itong nagising at nang magtama ang kanilang mga matai sang ngiti ang muling pinakawalan ng dayuhan. Nagulat naman si Sinagtala at agad napatayo " A-awak terjaga" (G-gising ka na pala) wika niya at dali-dali niyang iniligpit ang mga ginamit niya sa panggagamot. Sinubukan naman ni Franco na bumangon ngunit hindi niya pa kaya kung kaya't inalalayan siya muli ni Sinagtala na mahiga. " Terima kasih. Bagaimanapun saya adalah Franco Velez. Apa nama awak?" (Maraming Salamat, Oo nga pala hindi pa pala ako nagpapakilala, ako nga si Franco Velez. Ano ang iyong ngalan?) wika pa ni Franco at inilahad niya ang palad niya sa tapat ni Sinagtala. Gulat namang napatingin si Sinagtala sa kamay niya at hindi nito maintindihan ang pakikipag- kamay na nakagawiang batian ng mga taga-Europa. "Sinagtala" (Sinagtala) matipid na sagot ni Sinagtala at agad siyang tumayo saka ibinalik sa lagayan ang mga P 44-13 gamit niya sa panggagamot. "Apa yang kamu tengok di sini di tanah kita?" (Ano ang pakay niyo dito sa aming lupain?) tanong pa muli ni Sinagtala habang nakatalikod kay Franco, abala siya sa pagliligpit ng kaniyang gamit. Habang si Franco naman ay abala sa paglilibot ng kaniyang mga mata sa buong silid ni Sinagtala " Saya seorang imamyang mengiringi Ferdinand Magellan dalamperjalanan ini" (Ako ay isang pari na kasama ni se�or Ferdinand sa paglalakbay na ito) sagot ni Franco, bigla namang napatigil si Sinagtala at napalingon sa kaniya. "Paderi?" (Pari?) nagtataka nitong tanong, napangiti naman si Franco. "S eperti anda, saya berkhidmat kepada tuhan" (Katulad mo ay isa akong alagad ng Diyos) " Adakah anda seorang mata-mata? bagaimana anda tahu tanggungjawab saya di sini?" (Kayo ba ay isang espiya? Paano mo nalaman ang tungkulin ko?) seryosong tanong ni Sinagtala. Sinubukan namang bumangon muli ni Franco ngunit hindi niya pa rin kaya. "Kami bukan mata-mata. Selain dari belayar kami juga mencatat segala yang kita lihat" (Hindi kami espiya. Bukod sa aming paglalakbay ay isinusulat din namin ang aming mga nakikita at natutuklasan upang maisulat ito sa kasaysayan) sagot ni Franco, napaisip naman ng malalimsi Sinagtala ngunit hindi pa rin siya ganoon kakumbinsido sa sinasabi ng dayuhan. "Menulis? Adakah anda juga menulis?" (Nagsusulat? Kayo rin ay nagsusulat?) tanong niya, napatangotango naman si Franco saka inilabas niya ang isang maliit na kuwaderno na nakaipit sa kaniyang damit. Inabot niya ito kay Sinagtala at sinuri itong mabuti ng dalaga. "S aya tidak fahamapa yang tertulis di sini?" (Hindi ko maintindihan ang nakasaad dito) saad ni Sinagtala, napangiti naman si Franco. " Cara kita menulis dipanggil abjad. Saya telah melihat bahawa anda juga mempunyai cara menulis sendiri dan saya juga ingin belajar" (Ang paraan ng aming pagsusulat ay tinatawag na alpabeto. Nakita ko na mayroon din kayong sariling paraan ng pagsusulat at nais ko ring matutunan iyon) tugon ni Franco. Hindi naman agad nakapagsalita si Sinagtala, bukod sa wala na siyang masabi ay hindi rin niya maintindihan kung bakit tila sumasabog na P 44-14 ngayon ang kaniyang puso sa harapan ng dayuhang si Franco. Makalipas lang ang ilang araw madalas dumalaw si Franco sa tahanan ni Sinagtala upang ituloy ang kaniyang pagsusulat sa kultura nila. Bukod doon ay tinuturuan niya rin si Sinagtala na magsulat sa letrang alpabeto at kapalit naman niyon ay tinuturuan din siya nito na magsulat sa paraang Baybayin. Ilang araw at gabi pa ang nagdaan, naging malapit silang dalawa sa isa't-isa. Maging sa mga mamamayan ay naging malapit din si Franco, madalas siyang makipaglaro at makipagusap sa mga bata. Kinukwentuhan niya ang mga ito ng mga bagay tungkol sa Europa. Habang si Sinagtala naman ay paminsang nakikinig ng palihimsa mga kwento niya. Hindi niya rin mapigilang mamangha sa mga kinukwento nito lalo na ang mga alamat ng kanilang bansa. Isang gabi, dinalaw ni Sinagtala si tandang Idla na hinang-hina na ngayon. Hindi na ito nakakalabas ng bahay kung kaya't malayang nakakapunta si Franco sa kanilang lugar. Habang naglalakad si Sinagtala papunta sa kaniyang tahanan nagulat siya nang biglang humarang si Franco sa kaniyang nilalakaran. "S aya mahu anda melihat ini" (May nais akong ipakita sa iyo) tugon ni Franco, dinala niya si Sinagtala sa tapat ng isang lawa. Maliwanag ang buong gabi habang kumikislap ang milyong-milyong mga bituin sa kalangitan. " Saya telah mengetahui bahawa nama anda bermaksud bintang" (Aking napag-alaman na may kinalaman pala sa tala ang iyong pangalan) panimula ni Franco sabay lingon kay Sinagtala na ngayon ay nakangiti rin habang nakatingala sa kalangitan. "A wak betul. nama saya berasal dari dewi bintang" (Tama ka, si Tala ang diyosa ng mga bituin) nakangiting sagot ni Sinagtala. Ilang saglit pa, napayuko si Franco dahilan upang mapatingin sa kaniya si Sinagtala. " Adakah masalah?" (May problema ba?) tanong ni Sinagtala, napahinga naman ng malalimsi Franco. " P 44-15 Saya tertanya-tanya. Kenapa kita tidak fahamantara satu sama lain, Kenapa kita datang dari hujung dunia ini, Dan kenapa kita berbeza dengan orang yang percaya pada Tuhan, saya tahu bahawa saya juga merasakan bagaimana perasaan saya sekarang" (Ako'y nagtataka. Bakit kahit hindi natin nauunawaan noon ang isa't-isa, Bakit kahit nagmula tayo sa magkabilang dulo ng mundong ito, At bakit kahit magkaiba tayo ng pinaniwalaang diyos ay alam kong nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko ngayon) tugon ni Franco, bigla namang nanlaki ang mga mata ni Sinagtala at napatulala ito sa kaniya. Ilang sandali pa ay bigla itong humakbang papalapit sa kaniya. Animo'y naistatwa naman si Sinagtala sa kinatatayuan niya at hindi siya makagalaw habang walang awat na ngayon ang pagpintig ng kaniyang puso. "Esok, ketua anda akan ditukar kepada agama kita" (Bukas, magpapabinyag na ang inyong pinuno sa aming relihiyon) tugon ni Franco na ikinagulat ni Sinagtala. Batid ni Sinagtala na mangyayari ang kinatatakutan ni tandang Idla dahil napapalapit talaga ang mga pinuno at mga mamamayan sa mga dayuhan at iyon ang nais sana niyang pigilan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla naman siyang nanghina nitong mga nakaraang araw kung kaya't hindi niya masyadong natutukan ang mga kaganapan sa bayan. " Besok esok akan menjadi bantalan besar Peter bagi mereka semua. Saya ingin anda tahu bahawa saya meminta anda untuk bersama kami" (Bukas na bukas din ay magdadaos ng misa si padre Pedro sa kanilang lahat. Nais kong malaman mo na hinihiling ko na maging ikaw ay makasama namin) patuloy ni Franco, gulat namang napatingin sa kaniya si Sinagtala, hindi niya maintindihan ang magkahalong saya at takot na nararamdaman niya ngayon. Sa halos ilang araw na lumipas na palagi silang magkasama at magkausap. Maraming bagay siyang natutunan at nalaman mula kay Franco. At isa na rin doon ang relihiyong ipinapakilala nito. Alamni Sinagtala sa sarili niya na maging siya ay unti-unti na ring nahihikayat ni Franco sa paniniwala nito. Bukod doon ay hindi niya rin maitatanggi na humahanga na nga siya sa dayuhang iyon. Ilang sandali pa, nagulat si Sinagtala nang may iabot sa kaniya si Franco na isang purselas na gawa sa kahoy at may krus ito sa gitna. " Ini dipanggil rosario. Kami menggunakannya dalamdoa. Saya ingin memberikannya kepada anda dan jika anda menerima tawaran saya, saya akan melihat anda memakainya" (Ang tawag dito ay rosaryo. Ginagamit namin ito sa pagdarasal. Nais kong ibigay sa iyo ito at kung tinatanggap mo ang aking alok nawa'y makita kong suot mo ito) tugon pa ni Franco, hindi naman malaman ni Sinagtala ang kaniyang gagawin. Nagtatalo ang kaniyang puso't-isipan kung ano ba ang tama at mali. Abril 14, 1521 Sa pangunguna ni Padre Pedro Valderrama, sina Rajah Humabon at ang asawa nito kasama ang iba pang mga P 44-16 pinuno at walong daang Cebuano ay bininyagan at naging ganap nang katoliko. Nang araw ding iyon ay niregaluhan ni Ferdinand Magellan ang asawa na Rajah Humabon na ngayon ay kilala na bilang Reyna Juana na hinango sa pangalan ng ina ni haring Carlo V (King Charles V). Samantala, si Rajah Humabon naman ay pinalitan na ang pangalan at kinilala bilang Don Carlos na hinango rin sa pangalan ng hari ng Espanya. Nang araw ding iyon ay pinatayo ni Ferdinand Magellan ang isang malaking krus upang maging simbolo ng kanilang pananampalataya at ang bagong relihiyon ni Rajah Humabon at ng ibang mga mamamayan. Sa gitna ng misa, naroon si Franco sa likod ni padre Pedro habang isinasagawa nito ang pagbibinyag. Ilang sanadli lang ay natanaw niya mula sa di-kalayuan si Sinagtala, nakatingin ito sa kaniya at marahan na ngumiti. Napangiti rin si Franco nang makita na suot-suot na ni Sinagtala ang rosaryong regalo niya sa dalaga. Nang malaman ni tandang Idla na nahikayat na mapabinyag sa ibang relihiyon si Rajah Humabon ay dali-dali siyang nagalsa-balutan at sinabihan niya si Sinagtala at ang dalawa pang babaylan na aalis na sila sa lugar na iyon. Nais sanang pigilan ni Sinagtala si tandang Idla ngunit galit na galit ito at kahit hinang-hina na ay pinipilit pa rin nitong magligpit ng mga gamit niya. Napatingin naman siya sa dalawa pang babaylan na kaniyang kasamahan, maging ang mga ito ay dismayado at labis din ang galit sa mga dayuhan. " kami akan ke Mactan" (Magtutungo tayo sa Mactan) giit ni tandang Idla, wala nang nagawa si Sinagtala kundi ang sumunod na lang. Sa mga oras na ito ayaw na niyang madagdagan pa ang problema ng kaniyang ina- inahan. At kung malalaman nito na maging siya ay nais na niyang sumunod kina Franco ay tiyak na magagalit ito. Kinabukasan, narating na nila ang karatig isla ng Mactan na pinnamumunuan ni Datu Zula at Datu Lapu-lapu. Agad ibinalita ni tandang Idla ang kaganapan sa Cebu at ang pagpapasailalimni Rajah Humabon at ng ilang mga tagasunod nito sa mga dayuhang Kastila. Nanindigan si datu Lapu-Lapu na hindi siya magpapasailalimsa mga dayuhan. Habang si datu Zula naman ay tila nadala ng mga usap-usapan na magaganda raw ang mga dalang gamit at barko ng mga dayuhan. Agad inutusan ni datu Zula ang kaniyang dalawang anak na puntahan si Ferdinand Magellan at iparating dito na nais niyang makipagkasundo rin sa dayuhan. Nang makarating kay Magellan ang balita ay ikinatuwa niya ito. Nalaman ni Magellan na mortal na kaaway ni Rajah Humabon at datu Zula si datu Lapu- lapu kung kaya't nagpadala siya ng mensahe kay datu Lapu-lapu na kapag hindi ito sumuko at kilalanin ang kaharian ng Espanya at magbayad ng tributo sa kanila ay mag-uumpisa ang digmaan sa pagitan nilang dalawa. Sinabi naman ni datu Lapu-Lapu na kailanman ay hindi niya kikilalanin ang kapangyarihan ng isang dayuhan at pinili nito ang digmaan. P 44-17 Abril 27, 1521 Magbubukang liwayway pa lang ay narating na ng mga dayuhang kastila ang dalampasigan ng Mactan. Halos limampu (50) mga kalalakihang magagaling sa pakikipaglaban ang kasama ni Ferdinand Magellan. Kasama rin niya si Antonio Pigaffeta, Enrique at Franco. Maging ang ilang mga tauhan ni Rajah Humabon ay kasama rin niya. Nag-alok ng tulong si Rajah Humabon ngunit tinanggihan iyon ni Ferdinand Magellan. Nais niyang ipakita ang mga armas at matatalimna espada ng Europa at sinabihan niya ang mga mamamayan na panoorin ang kanilang laban at kung paano nila uubusin ang hukbo ni datu Lapu-lapu. Ngunit nagkamali siya nang akala, halos isang libo't limang daan (1,500) ang mga mandirigmang sumalubong sa kanila sa dalampasigan. Agad sinenyasan ni datu Lapu-lapu ang kaniyang mga tauhan na pumwesto na at sasabak na sila sa laban. Sabay-sabay na umatake ang mga mandirigma ni datu Lapu-lapu gamit ang kanilang matatalimna sibat na gawa sa matibay na kawayan. Nagpaulan din sila ng mga palaso na kung saan tinamaan din si Magellan sa binti. Ang mga palasong iyon ay may lason na nakakaparalisa at nakamamatay. Agad ipinag-utos ni Magellan sa kaniyang mga tauhan na bumalik na ito sa kanilang mga bangka at tumakas na. Wala nang nagawa ang kaniyang mga kaibigan at tauhan nang maabutan na si Magellan ng mga kalaban at mapatay ito sa dalampasigan. Nang makabalik ang mga dayuhan sa Sugbu (Cebu), dismayado si Rajah Humabon sa nangyari. Nagpahanda siya ng piging at pinakain ang mga dayuhan kahit pa natalo ang mga ito. Ginamot naman ng ilang kababaihan ang mga sugat ng mga nakaligtas sa digmaan. Ilang sandali pa, habang kumakain sila tahimik ang lahat. Animo'y nakakabinging ingay ang naghahari sa buong paligid. Ramdamna ramdamng bawat isa ang matinding pagkadismaya lalo na ang mga dayuhan na natalo sa labanan. Dumating ang dalawang magadang babae dala ang isang malaking palayok na naglalaman ng alak ng tuba, isa-isa nilang binigyan ang mga dayuhan at napapangiti ang mga ito habang tinititigan sila. Nang mabigyan si Franco ng alak, akmang iinumin niya na ito ngunit biglang may humawak sa kaniyang braso dahilan para hindi matuloy ang kaniyang pag-inom. Gulat na napatingin si Franco sa babaeng nakabalot ang tela ang mukha at mata lang ang nakikita, nakahawak pa rin ito sa braso niya. "Ikut saya" (Sumunod ka sa akin) bulong nito, laking gulat ni Franco nang makilala ang boses ng babaeng iyon... si Sinagtala. Magsasalita pa sana si Franco ngunit biglang tumayo na si Sinagtala at umalis doon sa piging. Palihim namang sumunod sa kaniya si Franco at hindi na rin siya napansin ng mga bantay dahil abala ang mga ito sa labas. Maging si Rajah Humabon ay abala din sa pagkain at sa pakikipag-usap sa kaniyang asawa. P 44-18 Nang makarating sila sa likod ng piging. Agad inalis ni Sinagtala ang telang nakabalot sa kaniyang mukha. Magsasalita n asana si Franco ngunit inunahan siya ni Sinagtala " Datang dengan saya, mari meninggalkan tempat ini" (Sumama ka sa akin, lalayo na tayo sa lugar na ito) saad ni Sinagtala na ikinagulat ni Franco. Hindi niya pa nasasabi kay Sinagtala ang kaniyang tunay na nararamdaman para sa dalaga dahil hindi ito tama at alam niyang hindi na niya dapat sabihin pa dahil alamniyang wala na rin naman itong patutunguhan pa. "Kenapa- " (Bakit- ) hindi na natapos ni Franco ang kaniyang sasabihin dahil isang malakas na sigawan ang narinig niya mula sa loob ng piging. Agad siyang napasilip sa maliit na butas sa dingding at laking gulat niya nang makita na sabay-sabay na nalason ang mga kasamahan niya na kumakain sa piging na iyon. " Kamu akan dibunuh dan dibunuh oleh semua raja kita. Dia belajar bahawa sesetengah daripada anda telah diperkosa oleh beberapa warganegara kita sehingga dia menjadi marah. Dia akan membunuh awak semua! mereka akan membunuh kamu pada masa mereka sampai kepada kamu!" (Lalasuninat papatayin kayong lahat ng aming hari. Nalaman niya na ginahasa ng ilan sainyo ang ilan sa aming mga mamamayan kung kaya't labis siyang nagalit.Papatayin niya kayong lahat! papatayin ka nila Franco sa oras na maabutan kanila!) saad ni Sinagtala, animo'y biglang siniklaban ng matinding takot si Franco. Naistatwa na lang siya sa kinatatayuan niya at parang isang madilimna bangungot sa kaniya ang makitang patay na ngayon ang kaniyang mga kasamahan. Si tandang Idla ang nagbigay ng lason kay Rajah Humabon kung kaya't alamni Sinagtala ang plano nilang pagpatay sa mga dayuhan. Agad binuhat ng mga katutubo ang mga bangkay ng mga dayuhang nalason at inalabas ito. " Kebesaran anda, yang lain hilang" (Kamahalan, nawawala po ang isa sa kanila) saad ng isang bantay. Agad namang pinag- utos ng hari na habulin ang isang nawawala habang ang iba namang dayuhan na hindi kumain sa piging ay itinaboy na nila papalayo. Napag-desisyunan ng mga dayuhan na iwan na lang ang barkong 'Concepcion' dahil kakaunti na lang sila. Tanging ang barkong 'Trinidad' na pinamumunuan ni Gonzalo G�mez de Espinoza at barkong 'Victoria' naman na pinamumunuan ni Juan Sebasti�n Elcano ang naglayag pabalik sa Espanya. Ang barkong Trinidad ay dumaan pasilangan sa dagat pasipiko ngunit tinamaan ng isang pambihirang sakit ang mga tauhan kung kaya't karamihan sa kanila ay namatay. Habang ang barkong 'Victoria' naman ay dumaan pa-kanluran at nakabalik sa Espanya matapos ang isang taon. Dali-daling hinawakan ni Sinagtala ang kamay ni Franco at hinila na ito papalayo sa lugar na iyon. Habang tumatakbo sila sa kakahuyan ay nagsimula namang bumuhos ang napakalakas na ulan. "Ada mereka!" (Naroon sila!) sigaw ng isang mandirigma at agad silang hinabol. Malalakas na hangin ang humahampas na ngayon sa mga puno dahilan upang maglaglagan ang mga dahon at P 44-19 ilang sanga nito. Napaka-kulimlimna rin ng kalangitan at nababalot ng maitimna ulap ang buong kapaligiran. Kasabay nito ay nakabibinging mga kulog at kidlat din ang naghahari sa buong kalupaan. Maka-ilang beses nadadapa si Sinagtala at Franco ngunit magkahawak kamay pa rin silang bumabangon at tumatakbo papalayo. Ang kanilang buong katawan at damit ay basang-basa na ngayon at nababalot na rin sila ng putik. "SINAGTALA!" (SINAGTALA!) sigaw ni tandang Idla mula sa di-kalayuan, bigla namang napatigil si Sinagtala at napalingon sa kaniya. Hindi niya ito gaano makita ngunit malinaw na malinaw sa kaniyang tenga ang boses nito na labis ang galit, poot, pagkadismaya at lungkot dahil sa ginawa niyang pagtataksil. " MENGAPA ANDA MEMBUAT ITU? MENGAPA ANDA MEMILIH HARI INI DENGAN MEREKA MEREKA, KEPADA ORANG YANG APA YANG TELAH DIPERLUKAN!" (BAKIT MO NAGAWA ITO?! BAKIT MAS PINILI MO ANG DAYUHAN NA IYAN KAYSA KAY BATHALA, SA MGA TAONG UMAASA SA IYO AT SA AKIN!) sigaw ni tandang Idla, agad namang hinawakan ni Franco ang kaniyang kamay at inakbayan siya nito upang mapagpatuloy na nila ang kanilang pagtakas. " A BIG SIN INI MEMBUAT ANDA! BAGAIMANA ORANG ANDA AKAN SEPERTI MELAKUKAN DENGAN JAMINAN ANDA PERCAYA!" (ISANG MALAKING KASALANAN ANG GINAWA MONG IYAN! MAGING ANG LALAKING NAIS MONG ILIGTAS AY NAGTAKSIL DIN SA KANIYANG SINUMPAANG PANGAKO AT PANINIWALA!) sigaw ni tandang Idla dahilan upang mas lalong lumakas ang ulan at sunod-sunod na dumagundong ang malakas na kulog at kidlat sa buong paligid. Ilang saglit pa, narating na nila ang dagat, agad silang sumakay sa isang bangka na nasa dalampasigan. Dalidaling binuhat ni Franco si Sinagtala pasakay sa bangkang iyon at nang sasampa na siya sa bangka ay bigla siyang napasigaw nang tamaan siya ng palaso sa sikmura. " TIDAK!" (HINDI!) sigaw ni Sinagtala at dali-daling niyakap si Franco pahiga sa bangka. Namimilipit na sa sakit si Franco at hindi na rin maawat sa pagdugo ang kaniyang sikmura. Gulat namang napatingin si Sinagtala sa mga mandirigma na humahabol sa kanila. Sumisigaw ang mga ito habang hawak ang kanilang matatalimna sibat at matatalas na pana. Agad kinuha ni Sinagtala ang mga bato nasa loob ng bangkang sinasakyan nila at pinagbabato niya iyon sa mga humahabol sa kanila. Natamaan ang ilan na napasigaw na lang sa sakit at natumba sa dalampasigan habang ang ilan namang nakalapit sa bangkang sinasakyan nila Sinagtala ay agad niyang sinaksak sa leeg gamit ang dragon na pang-ipit na nakasuksok sa kaniyang buhok. Napatigil na ang ilan sa mga humahabol sa kanila nang mapagtanto ng mga ito na nasa malalimnang bahagi P 44-20 ang bangkang sinasakyan nila Sinagtala kung kaya't agad silang pumwesto at pinaulanan ng mga palaso sina Sinagtala at Franco na nasa gitna na ng dagat. Agad niyakap ni Sinagtala si Franco upang hindi ito tamaan pa ng palaso kung kaya't siya ang tinamaan ng isang palaso sa binti at isa naman sa braso. " SINAGTALA! BUKA ANDA! ANDA MEMBUAT PENGEMBANGAN INI AKAN MEMBAYAR IT!" (SINAGTALA! TANDAAN MO! ANG GINAWA MONG PAGTATAKSIL NA ITO AY PAGBABAYARAN NIYO!) sigaw ni tandang Idla na labis-labis ang galit, paghihinagpis at lungkot ngayon dahil nagawa siyang talikuran at iwan ni Sinagtala na tinuring niyang anak at minahal niya ng lubos. Napaluha na lang si Sinagtala habang yakap-yakap si Franco na ngayon ay namimilipit sa sakit. At kahit pa takpan niya ang kaniyang tenga, hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang mga huling sinabi ni tandang Idla na kahit papaano ay minahal niya at tinuring niyang ina. Makalipas lang ang halos isang oras nagising si Sinagtala nang maramdaman niyang tumigil na ang bangkang sinasakyan nila. Nakayakap siya kay Franco at nang tapikin niya ang mukha nito ay hinang-hina na ito. Agad siyang napabangon at napalingon sa paligid. May malawak na tuyot na lupain ang natanaw niya. Tumila na rin ang ulan ngunit nang tumingala siya sa langit at makulimlimpa rin ito. Agad niyang hinawakan ang mukha ni Franco at ginising ito " Awake, kami telah melepaskan mereka. Saya akan menjaga anda" (Gumising ka, nakatakas na tayo sa kanila. Halika gagamutin kita) tugon ni Sinagtala at inalalayan niya si Franco pababa ng bangka. At kahit hirap na hirap siya dahil maging siya ay may tama ng palaso sab inti at braso, ginawa niya pa rin ang lahat para maalalayan si Franco pababa sa bangka kahit pa mas malaki ito sa kaniya. " Jangan risau! Saya akan menyembuhkan anda" (H-huwag ka mag-alala! gagamutin kita) saad pa ni Sinagtala habang inaalalayan si Franco na mahiga sa tuyot na dalampasigan. Akmang aalis na siya para manguha ng mga halamang gamot sa kagubatan ngunit bigla siyang hinawakan ni Franco sa kamay upang pigilan siya. "J angan tinggalkan saya" (H-huwag mo akong iwan) tugon ni Franco at bigla itong napaubo ng dugo. Animo'y nabuhusan ng malamig na tubig si Sinagtala at parang biglang namanhid ang kaniyang buong katawan. Napatingin ulit siya sa palasong nakabaon ngayon sa sikmura ni Franco at laking gulat niya nang makilala ang ganoong uri ng palaso. Ang palasong itimna iyon ay nagtataglay ng lason mula sa kobra. Ang sinumang tamaan ng palasong iyon ay mapaparalisa at mamamatay. P 44-21 Agad hinugot ni Sinagtala ang palaso at napasigaw si Franco ng sobrang lakas. Dali- daling kinuha ni Sinagtala ang tela na ibinalot niya sa kaniyang mukha kanina at inipit iyon sa itaas na bahagi ng sikmura ni Franco para sana ipitin ang mga ugat nito at mapalabas ang makamandag na lason. Ngunit napatigil si Sinagtala nang hawakan ni Franco ang balikat niya. " Anda perlu hidup! tidak! tidak! tidak!" ( K-kailangan mong mabuhay! Hindi! Hindi! Hindi!) sigaw ni Sinagtala na ngayon ay nanginginig na sa takot at patuloy na umaagos na ang luha sa kaniyang mga mata. Hinang-hina man ay pinilit ni Franco na kunin ang isang papel na nakasuksok sa kaniyang bulsa, maging ang kamay niya ay nanginginig na rin ngayon habang inaabot kay Sinagtala ang papel na iyon " Saya menulis bahawa dengan darah saya. Saya ingin anda tahu bahawa setiap perkataan yang saya tulis ada bersamaan dengan hidup saya. Hati saya, darah dan kehidupan adalah untuk anda Sinagala" (Isinulat ko iyan gamit ang aking dugo. Nais kong malaman mo na ang bawat salitang isinulat ko riyan ay katumbas ng buhay ko. Ang puso, dugo at buhay ko ay para sa iyo Sinagtala) tugon ni Franco, dahan-dahan namang binuksan ni Sinagtala ang papel na iyon at tumambad sa kaniya ang nakasulat doon sa letrang alpabeto. " Oro para que nos encontremos en situaciones diferentes, donde no haya nadie que pueda evitar que nos enamoramos" (I pray that we find ourselves in dif erent situation, where there is no one who can stop us from falling in love) patuloy pa ni Franco habang sinasabayan niya ng pagbabasa si Sinagtala. Hindi man iyon maunawaan ni Sinagtala dahil hindi siya nakakaintindi ng wikang Kastila, batid niya na buong puso ang inalay ni Franco sa mga salitang iyon. Dahan-dahang hinawakan ni Franco ang mukha ni Sinagtala at pinunasan ang luha nito. " Terima kasih atas segala-galanya. Saya tidak menyesal peluang ini untuk bertemu dengan anda. Sama ada anda berfikir tentang hal itu tetapi jika kita bertemu semula dalamkehidupan seterusnya, saya ingin anda tahu bahawa saya akan cuba dan cuba mengubah nasib saya" (M-maraming Salamat sa lahat. Hindi ko pinagsisisihan ang pagkakataong ito na makilala ka. Gahaman man kung iisipin ngunit kung muli tayong magkikita sa susunod na buhay, n-nais kong malaman mo na susubukan at susubukan ko pa ring baguhin ang tadhana nating dalawa) patuloy pa ni Franco, muli na naman siyang napaubo ng dugo at napahawak siya sa kaniyang dibdib. Hinahabol na niya ang kaniyang paghinga ngayon. Dali-dali namang yumakap si Sinagtala sa kaniya at hindi na rin ito maawat sa pag- iyak. Alamnilang pareho na ilang minuto na lang ang itatagal ng buhay ni Franco. Natatakot siya, natatakot siya sa punto na gusto na niyang magsisigaw at magwala ngayon huwag lang siya iwan ng lalaking minamahal niya. Ilang saglit pa, naramdaman niya na yumakap si Franco pabalik sa kaniya at bumulong ito sa kaniyang tenga P 44-22 habang nakahiga ito sa dalampasigan. " Saya mencintaimu Sinagtala ... dan saya masih akan berkata sehingga kita bertemu semula" (I love you Sinagtala... and I will still say that until we m-meet again) ang huling nasabi ni Franco, kasabay niyon ay unti-unti na nitong ipinikit ang kaniyang mga mata, dahan-dahang bumitaw ang kaniyang kamay mula sa pagkakayakap kay Sinagtala at bumagsak ito sa lupa. Napasigaw ng malakas si Sinagtala at pilit niyang ginising si Franco ngunit hindi na ito kumikibo. Maputla na rin ang buong mukha nito habang patuloy na lumalabas ang dugo mula sa bibig nito. Nagsisisigaw sa labis na paghihinagpis, galit, poot at lungkot si Sinagtala habang yakap-yakap si Franco na ngayon ay wala ng buhay at iniwan na siya. Ilang sandali pa, biglang bumuhos muli ang napakalakas na ulan. Sinubukan ni Sinagtala na buhatin ang bangkay ni Franco ngunit hindi niya ito kaya. Inalis na rin niya ang dalawang palaso na nakabaon sa kaniyang binti at braso at inihagis iyon sa lupa. Ang palasong tumama sa kaniya ay hindi nagtataglay ng lason kung kaya't tanging sugat lang ang natamo niya. Agad siyang nagdasal sa kalangitan at kay Bathala na muling ibalik ang buhay ni Franco ngunit kahit anong pagsusumamo na ginawa niya ay walang nangyari. Wala siyang tugon na narinig mula sa kalangitan. Mas lalo pang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi na rin maawat sa pag-iyak si Sinagtala. Nakita niya ang papel na binigay ni Franco sa kaniya, kinuha niya iyon at binasa muli. Animo'y durog na durog na ngayon ang kaniyang puso. Hindi niya matanggap na kung kailan tinalikuran na nila ang lahat at maaari na silang mabuhay ng malaya ay saka naman binawian ng buhay si Franco. Dahan-dahan niyang binuklat muli ang papel na iyon, kinuha niya ang matalimna palaso na may lason at sinugatan niya mismo ang kaniyang pulso. Dumanak ang kaniyang dugo sa lupa at ang sarili niyang dugo ang ginamit niya ring tinta sa pagsulat ng isang salita sa likod ng papel na iyon. 'Pangako' "P-janji bahawa apa sahaja yang berlaku adalah hasrat saya untuk hidup ribuan kali untuk cuba untuk tidak membayangkan nasib kita" (P-pangako na kahit anong mangyari ay hahangarin ko rin mabuhay kahit ilang libong beses para subukan na hind imaging ganito ang ating kapalaran) hinang-hina na tugon ni Sinagtala habang sinusulat ang salitang 'Pangako' sa papel na iyon sa letrang baybayin. Nang matapos niyang isulat iyon, ibinalik niya ito sa bulsa ni Franco at muling yumakap sa binata. Ipinikit na lang niya ang kaniyang mga mata, patuloy pa rin ang pagbagsak ng kaniyang mga luha habang hinihintay niya na patigilin ng lason ang pagtibok ng puso niya. Sa gitna ng tuyot na dalamapsigan na iyon, naroon ang dalawang taong ang tanging kasalanan lang ay ang umibig kahit alamnilang hindi dapat. Kasabay ng pagbuhos ng napakalas na ulan ay tuluyan nang napuno ng tubig ang tuyot na dalampasigan na iyon na ngayon ay kilala na sa tawag na... Lawa ng Luha. *********************** P 44-23 Philippines April 2015 (Graduation day) Kitang-kita sa mga mata at sa mga ngiti ng lahat ng tao na narito na masaya silang lahat. Ngayon ang araw ng aming pagtatapos, at sa loob ng halos apat na taon na paghihirap namin sa kolehiyo ay sa wakas nagbunga na rin ang lahat. "Picture tayo! Aleeza, Jen dali!" tawag sa'kin nila Iryn at Leana, magkakaakbay na sila ngayon at tumatalontalon pa suot din ang kanilang mga toga. Agad naman akong hinila ni Jen papunta sa kanila at nagpa-picture kaming apat. Isa-isa ko silang tiningnan, hindi ko akalain na sa loob ng apat na taon na kasama ko si Iryn at Leana naging masaya at puno ng katatawanan ang buhay kolehiyo ko. Sa aming pagtatapos ngayon, bukod sa masaya kami na nakatapos na kami sa pag-aaral, naroon din ang malungkot na katotohanan na kailangan naming tanggapin na maghihiwalay-hiwalay na rin kami. Si Iryn ay uuwi na sa kanilang probinsya sa Bacolod at doon na siya magtatrabaho. Si Leana at Jen naman ay parehong magtatrabaho sa abroad. Samantala, ako... heto, hindi ko pa alamang gagawin sa buhay ko. "Ngets! mag-picture din kayo nila tita at Alex!" tugon pa ni Jen matapos ang picture taking namin kasama nila Iryn at Leana. Nagpaalaamna kami sa kanila at dire-diretso akong hinila ni Jen papunta sa upuan nila mama at Alex. Nakangiti ngayon sa'kin si mama at maluha-luha siyang yumakap sa'kin. "Siguradong pinagmamalaki ka ngayon ng papa mo" bulong niya sa'kin habang yakap ako ng mahigpit. Sa pagkakataong iyon, bigla na lang kumawala ang luha sa mga mata ko. Namimiss ko na si papa, namimiss na namin siya at kahit hindi na namin siya kapiling ngayon alamko na masaya siya ngayon dahil nakatapos na ako sa pag- aaral na tanging pangarap niya para sa aming dalawa ni Alex. "Wag na nga kayo umiyak, ang panget niyo ng dalawa" pang-asar sa'min ni Alex. Napatigil naman kami ni mama at sabay-sabay kaming napatawa. Tiningnan ko na lang ng masama si Alex saka ginulo ko ang buhok niyang naka-wax ngayon. Nag-fefeeling cool na naman tong kapatid na mukha namang rugby boy. "Ate! Ano ba!" reklamo niya pero di ko siya tinantanan at kiniliti ko pa siya. "Aleng! Totoy! Itigil niyo na 'yan" awat sa'min ni mama pero natatawa siya kasi parang batang nagtatantrums na ang mukha ni Alex habang pumipiglas sa pangingiliti ko sa kaniya. Nakaupo siya ngayon sa wheel chair dahil nagpapagaling pa siya pero dahil namiss ko siya kaya nilalambing ko siya ngayon. Halos isang buwan din siya na-comatose, hindi ko alamkung saan namin noon kukunin ang perang ibabayad sa hospital buti na lang tinulungan kami ni Sir Albert at sinabi niyang tumulong din daw si Sir Nathan para mabayaran ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot kay Alex. "Picture picture na! dali One... Two... Three!" saad ni Jen, dali-dali namang yumakap sa'min si mama at bigla na kaming pinicturan ni Jen kaya ang resulta nakanganga kami ni Alex sa picture kasi hindi pa kami ready. Agad namang tumakbo papalayo si Jen kasi alamniyang hahabulin ko siya para ipabura yung picture pero hindi ko na siya nahabol kasi bigla kong narinig yung boses ni Sir Albert sa likuran namin. Nakangiti siya ngayon sa'kin at may dala-dala siyang regalo. P 44-24 "Galing 'yan kay Nathan" panimula ni Sir Albert sabay abot sa'kin nung isang malaking paper bag na dala niya. Nandito kami ngayon nakaupo sa isang bench sa labas ng PICC. Walang masyadong tao dito sa labas at tahimik lang ang buong paligid. Tapos naman na ang graduation ceremony namin kaya lang halos abala pa ang lahat sa pagpapapicture sa stage. Hinubad ko na ang toga na nasa ulo ko at inalapag muna iyon sa tabi ko saka ko kinuha yung paper bag na hawak ni Sir Albert. Napatitig na lang ako doon sa paper bag saka dahan-dahang binuksan iyon. Noong nawalan ako ng malay sa bahay ni Sir Albert nang makita ko ang lumang papel ng 'Pangako' pagkagising ko wala na si Sir Nathan, hindi na rin siya nagpakita sa school at nag-resign na siya bago pa sumapit ang graduation ko. At Kahit alamkong hindi ngayon umattend ng graduation si Sir Nathan ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko dahil may pinapabigay pala siya para sa'kin. Napatulala ako sa laman ng paper bag na iyon. Isang malaking frame na kung saan may isang black and white na drawing ng isang babae at isang lalaki habang nakatingin sa mata ng isa't-isa, di-alintana ang lakas ng buhos ng ulan sa paligid nila. Naramdaman ko ang biglaang pag-ihip ng marahan na hangin dahilan upang hawiin ang mga luha ko na namumuo na ngayon sa mga mata ko. Dahan-dahan kong hinipo ang bawat detalye ng drawing na iyon. Ang bigat sa pakiramdam, ang bigat sa puso. Ilang sandali pa, napatigil ako nang makita ang mga numerong nakasulat sa ibaba. 1521-1688-1841-2014 Sa pagkakataong iyon, hindi ko na napigilan pa ang mga luha sa aking mga mata. Napahawak na lang din ako sa puso ko na ngayon ay kumikirot na naman. Hindi ko matanggap na sa halos ilang daang taon ang dumaan sa aming dalawa, magkikita at magkikita nga kami ngunit hindi pa rin maaaring magkatuluyan. "Bumalik na si Nathan sa Spain. Hindi na niya pinaalamsayo dahil para iyon sa ikabubuti mo at ng pamilya mo. Ang paglayo na ginawa niya ay ang tanging paraan upang mabuhay si Alex at ang mama mo" tugon pa ni Sir Albert, napahawak na lang ako sa mukha ko at pilit kong pinipigilan ang mga luha ko ngunit kahit anong gawin ko ayaw nang maawat pa ng mga luha ko at ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko matanggap na umalis na siya nang hindi man lang nagpapaalam. Siya na ang kusang lumayo para hindi na maulit pa ang trahedya na paulit-ulit nangyayari sa buhay namin. Napatitig na lang ako sa black and white na drawing na iyon na regalo sa'kin ni Sir Nathan. Isinabit ko iyon ngayon sa dingding ng kwarto namin ni Alex. Isinabit ko rin yung isa pang regalo na natanggap ko mula naman kay Sir Albert, binigay niya sa'kin ang lumang papel na pinagsulatan ni Sinagtala at Franco ng kanilang pangako sa isa't-isa. "Ate, ano nang gagawin mo ngayon?" narinig kong tanong ni Alex na nasa pintuan dahilan upang matauhan ako. Hinawakan na niya ang wheel chair na sinasakyan niya saka tinulak ito ng kusa papalit sa'kin. P 44-25 "Hindi ko alam. Ano bang dapat kong gawin?" sagot ko sabay tingin ulit sa dalawang larawan na iyon na nakasabit sa dingding. Sa totoo lang hindi ko talaga alamang gagawin ko. Hindi ko alamkung paano magsimula muli. Napabuntong-hininga naman si Alex sabay tingin sa dalawang larawang iyon. "Dapat mo nang kalimutan ang lahat. Dapat mo na siyang kalimutan at tanggapin na hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa" sagot ni Alex. Sandali naman akong natahimik, parang biglang tinamaan ng kutsilyo ang puso ko na tumagos pa hanggang likod dahil sa masakit na katotohanan. "Nakausap ko noon si Sir Nathan bago ako maaksidente" biglang tugon ni Alex dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Sinabi ko sa kaniya na naaalala ko na ang lahat, na ilang beses na rin pala akong nabuhay sa mundong ito sa magkakaibang panahon at paulit-ulit lang din ang nangyayari. Si Lily talaga ang gusto ko pero hindi ko maintindihan kung bakit parang may pumipigil sa'kin na gustuhin ko siya kung kaya't pinaramdamko sa kaniya na ang ate niyang si Jen ang gusto ko para tumigil na siya. Sinabi ko kay Sir Nathan na alamkong mamatay din ako sa panahong ito at kahit ganoon ayos lang sa akin ang mamatay basta lumigaya kayong dalawa" tugon ni Alex habang tulalang nakatingin sa mga larawan sa dingding. Napatulala naman ako sa kaniya, hindi ko akalaing magagawa niya iyon. Bigla siyang lumingon sa'kin at tumingin ng diretso sa mga mata ko "Naalala mo ba noong sinabi ko sayo noon na kung totoo nga ang reincarnation, hihilingin ko na ikaw pa rin ang maging ate ko kahit anong mangyari. At kahit madamay pa ako sa pag-iibigan niyong dalawa ay ayos lang sa akin basta alamkong masaya ka ate" patuloy pa ni Alex sabay ngiti ng marahan at tuluyan nang pumatak ang mga luha niya. Napayakap na lang ako sa kaniya at parang dinudurog na ngayon ang puso ko. Hindi ko akalain na kahit ilang henerasyon pa ang lumipas handa pa rin siyang magsakripisyo para sa akin. "P-pero ngayon si Sir Nathan na ang kusang lumayo. A-alamniyang handa naman ako sa kung anong mangyayari sa'kin basta para sa inyong dalawa. P-pero wala na siya ate, kaya hinihiling ko na matutunan mong tanggapin na h-hindi na siya babalik pa para hindi na maulit muli ang nakaraan" tugon pa ni Alex, niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito kaya nasasaktan ako na pati siya ay nadadamay pa sa pagiging gahaman ng puso ko. After a year (Philippines February 29, 2016) "Ang aga mo pumasok Aleeza ah, kaka-overtime mo lang noong isang araw diba?" bungad sa'kin ng katrabaho kong si Angelica habang kumakain siya ng noodles at may binabasa siyang libro. Inilapag ko na lang yung bag ko sa gilid niya saka binuksan ang desktop kung saan nakalagay ang mga records ng mga gamot at medical supplies namin dito sa clinic para ma-update ko na. "Isa ka talagang alamat Aleeza, kaya hindi ka pa nagkaka-boyfriend dahil masyado kang workaholic" kantyaw pa sa'kin ni Angelica sabay higop ng sabaw sa noodles na kinakain niya. Hilig niya talaga ako asarin. Naalala ko bigla si Jen na palagi akong pinagtitripan araw-araw pero wala na siya ngayon dito sa Pilipinas, nasa Canada na siya kasama si Lily. Nagtatrabaho siya doon habang pinapaaral naman niya si Lily. "Magtrabaho ka na rin. Baka maabutan pa tayo ni boss sige ka mapagalitan ka na naman" pang-asar ko sa kaniya natauhan naman siya at dali-dali niyang inubos yung noodles niya "Oo nga no' grabe pa man din P 44-26 mabeast mode si Ma'amtsk" tawa niya pa sabay inomng tubig, sinara na rin niya ang librong binabasa niya saka inalapag iyon sa isang gilid. Napayuko na lang ako nang marealize ko na ang librong binabasa pala niya ay ang 'Our Asymptotic Love Story'. Napahinga na lang ako ng malalimsaka bumalik sa trabaho ko, inuupdate ko ngayon isa-isa ang mga supplies para sa susunod na buwan dito sa clinic ng UST. Ilang sandali lang, napatigil ako at napasandal na lang sa upuan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang mga pangyayari. Napatulala na lang ako sa mga papel na hawak ko, halos isang taon na rin ang lumipas pero parang sariwa pa rin ang lahat. "Baka naman matulad ka dito sa bidang babae ng kwento na binabasa ko. Mukhang di sila magkakatuluyan ni Fidel kasi kinasal na siya sa pinsan nitong si Patricio na masama pala ang ugali. Haays! Miserable din ba ang love life mo Aleeza kaya hanggang ngayon hindi ka pa nagkaka-boyfriend?" pang-asar pa sa'kin ni Angelica sabay takbo papunta sa C.R dahil alamniyang hahabulin ko siya pero nanatili na lang ako dito sa kinauupuan ko. Sabi nga nila, mas mabuting huwag mo na lang alamin ang katotohanan dahil kung minsan mas masakit pa pala tanggapin ang katotohanan kaysa sa pinaniniwalaan mong kasinunggalingan. Ngayong alamko na ang trahedyang sinapit ng buhay ko noon at hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap kung bakit nagkaganoon. Pagkatapos namin mag-lunch ni Angelica pinatawag siya ng head namin kaya ako na lang ang mag-isang dumiretso pabalik sa clinic. Pinagmasdan ko ang buong paligid, mukhang abala ang lahat ng estudyante ngayon dahil malapit ng mag-finals. Habang naglalakad ako napalingon ako sa kaliwa at bigla akong napatigil nang matanaw ko ang isang matandang babae na nakasuot ng purong itim, may suot din siyang belo na kulay itimat nakatayo siya ngayon sa tapat ng Arch of the Centuries habang nakatitig doon. Hindi ko alampero parang may umuudyok sa'kin na maglakad papunta sa kaniya. ilang sandali pa, namalayan ko na lang na malapit na ako sa kaniya. Hindi nga ako nagkakamali, siya yung matandang babae na nakausap namin noon ni Sir Nathan sa Taal, Batangas. "Ito na ang araw na pinakihihintay ko, halos isang daan at dalawang pu't apat na taon din ang hinihintay ko upang dumating ang araw na ito" tugon niya habang nakatalikod sa'kin dahilan para bigla akong mapatigil sa paglalakad. Halos limang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya at nasa tapat namin ngayon ang Arch of the Centuries. "Ang pag-iibigan ng dalawang tao ay muling maisusulat sa araw na ito" patuloy niya pa at dahan-dahan siyang napalingon sa'kin. Sa totoo lang bigla akong kinilabutan tulad noong una ko siyang makita sa Taal. "A-ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kaniya, napahakbang naman ako paatras nang magsimula siyang humakbang papalapit sa'kin. "Huwag kang matakot Esmeralda, hindi ikaw ang pakay ko dito at wala akong karapatan na pakialaman ang buhay mo" sagot niya, napakunot naman ang noo ko dahil bigla siyang ngumiti ng marahan. P 44-27 "P-pero bakit mo ako tinakot noon nung nagkita tayo sa Taal?" tanong ko pa, bigla naman siyang napatitig ng diretso sa mga mata ko. "Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na minsan na rin tayong nagkakilala, Esmeralda. Binigyan lang kita ng babala noong gabing iyon upang hindi na maulit pa ang trahedyang paulit-ulit na nangyayari sa buhay niyo. Ang pagkauhaw sa muling pagkabuhay sa iba't-ibang panahon ay isang kasalanan ng pagiging gahaman. Kayong dalawa ay uhaw na magkita muli kahit pa alamniyo sa inyong sarili na hindi pa rin kayo magkakatuluyan hanggang sa huli" seryoso niyang sagot, kasabay niyon ay biglang umihip ng malakas ang hangin dahilan upang maglaglagan ang mga patay na dahoon sa puno sa paligid. "Dumating na ang oras, mangyayari na ang muling pagkakasulat ng tadhana ng ikalawang kahilingan. At ikaw ay bahagi rin ng kaniyang nakaraan" saad pa ng matandang babae at bigla siyang lumingon sa kanan. Napalingon din ako sa kanan kung saan siya nakatingin. "Siya ang nakatakdang magbago sa tadhana ng ikalawang kahilingan. Siya ay mula rin sa salinlahi mo... Lumeng" patuloy niya pa, animo'y biglang nagsitindigan ang mga balahibo ko at halos walang kurap kong sinundan ng tingin ang isang mestisang babae na naglalakad ngayon papunta sa library habang nakasuot ng earphones sa tenga. Naka-suot ito ng mini skirt habang ngumunguya pa ng bubble gum. "Sinong- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi paglingon ko sa harap ay wala na yung matandang babaeng kausap ko. Napatingala ako sa kalangitan, makulimlimna ito ngayon at malakas ang kutob ko na may masamang mangyayari. Pagbalik ko sa clinic, naupo na ako sa tapat ng desktop at napatulala doon. Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi ng matandang babaeng iyon kanina at ang kakaibang pakiramdamko nang makita ang babaeng estudyanteng papunta sa library kanina na tinutukoy niya. Ilang sandali pa, bigla akong natauhan nang bumukas ang pinto ng clinic. Isang lalaki na naka-blue na polo ang pumasok at may dala siyang pagkain. Agad siyang napangiti nang makita ako, napangiti rin ako saka sinalubong siya. "Ngayon na ba ang final interview mo?" usisa ko sa kaniya, tumango naman siya sabay abot ng pagkain sa'kin at tatlong paper bag. "Oo, kinakabahan nga ako eh pero sana talaga matanggap ako para naman malibre ko na kayo sa restaurant" tawa niya pa, napangiti naman ako saka kinuha ko na yung pagkain at paper bags na dala niya. "Ano to? suhol?" pang-asar ko pa. Natawa naman siya sabay kamot sa ulo. "Pasasalamat ko yan sa inyo kasi tinulungan niyo ako. Tig-iisa kayo ni Alex at tita Cath" ngiti niya pa. "Kailan uuwi si Alex? ilang linggo na siya doon sa Palawan ah, may balak pa ba siyang bumalik?" tawa pa niya, hindi ko alampero natawa na lang din ako loko talaga tong bestfriend ni Alex na si Oscar. Parang kailan lang sila ang tropa sa palengke at nagpapaunahan pa sa pagbubuhat ng mga banyera pero ngayon untiunti na rin nila natutupad ang kanilang mga pangarap. P 44-28 "Pakiramdamko talaga magkakatuluyan kayo ng kapatid ko. Isang linggo pa lang siya doon namiss mo na siya agad" pang-asar ko pa, tumawa lang naman siya. "Salamat sa regalo ah, sana madami pa sa susunod" hirit ko pa, tumango-tango naman siya sabay tawa. "Oo nga pala, may regalo pa pala ako sayo. Late graduation gift ko sayo, bigay sa'kin ni mama 'yan kaso pang babae naman tsaka hindi ako nagsusuot ng singsing. Sayo na 'yan" sabi pa niya sabay abot sa'kin ng isang maliit na kahon. Pagbukas ko nito, napatulala ako sa lama niyon na singsing na gawa sa kahoy. "May gumagawa pa pala ng gan'to? ang galing naman" tugon ko habang tinititigang mabuti yung singsing. "Ang sabi ni mama matagal na raw ang singsing na 'yan, panahon pa ng Kastila dito sa bansa. Ang lolo ng lolo ng lolo ko ay isang sundalong kastila, ayon sa kwento nila binigay daw ng isang dalagang mayaman ang singsing na 'yan sa lolo ko kapalit ang baril nito. Binigyan din daw si lolo ng mamahaling hikaw para ibigay nung lolo kong sundalo yung baril niya doon sa mayamang babaeng iyon" sabi pa ni Oscar, napatitig naman ako doon sa singsing at napatigil ako nang mabasa ko ang nakasulat sa gitna... I Love You since 1892. Kanina pa nakaalis si Oscar papunta sa kompanya kung saan iinterviewhin siya ngayon. Halos dalawang oras na rin akong nakatitig ngayon sa singsing na gawa sa kahoy na hawak ko ngayon. Pakiramdamko kilala ko ang tunay na may ari nito. Ilang sandali pa nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at may mga babaeng estudyante na nagpapanic habang buhat-buhat ng isang guard ang isang babae na wala ng malay at puro galos ang katawan. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ang babaeng walang malay na iyon. Siya yung babaeng papunta sa library kanina na tinutukoy ni Olivia. Agad kong kinuha ang pulse rate at blood pressure ng babaeng iyon at kinabitan siya ng dextrose. "Anong nangyari sa kaniya?" tanong ko sa mga kasamahan niya, hindi naman magkamayaw yung mga babaeng kikay na maluha-luha na ngayon. "We don't know. Naabutan na lang namin siya na nakadapa sa tapat ng Arch of the Centuries like My Gosh! baka tumalab sa kaniya yung myth may reporting pa naman kami mamaya sa Philippine History baka di siya pumasa" sagot nung isang kikay na nagpaypay pa. "Sa Arch of the Centuries?" gulat kong tanong sa kanila, sabay-sabay naman silang napatango. "Ang weird nga kasi di namin alamkung anong ginagawa niya doon? and look ang dami niyang bruise and scars" sabi naman nung isang kikay. Bigla akong napatigil at napatingin doon sa pasyente. Naalala ko kanina na nakatitig doon yung matandang babae na si Olivia sa tapat ng arko at nung tinuro niya sa'kin ang babaeng eto bigla siyang nawala sa harapan ko. Kinuha ko na lang yung records saka kinausap ulit yung mga babaeng kikay "Ano palang name niya?" tanong ko sa kanila. P 44-29 "Carmela Isabella" sagot nung isa. Sa pagkakataong iyon bigla akong napatigil at napatingin muli sa babaeng walang malay ngayon na nakahiga sa clinic na ito. Ngayon alamko na, kaya pala parang pamilyar ang mukha niya sa'kin dahil ang totoo matagal ko na pala siyang nakilala. Pagdating ni Dr. Reyes kasama si Angelica, inasikaso nila agad si Carmela at ginamot ang mga sugat nito. Habang abala naman ako sa pagkuha ng contact records ni Carmela para matawagan ang pamilya niya. Hindi naman nagtagal ay nacontact ko na ang daddy niya at agad naman itong dumating matapos ang isang oras. "Should I bring her to the hospital?" tanong ng daddy ni Carmela na Mr. Daniel pala ang pangalan. Pagpasok niya kanina dito sa clinic dumiretso agad siya sa ward section para tingnan ang kalagayan ng anak. Kitangkita ko ang sobrang pag-aalala niya. Nasa labas na kami ngayon ng ward habang hinihintay na magising ang anak niya. "No sir, I think she's already fine na, Dr. Reyes said that she's just overfatigued" sagot ko, napasandal naman sa dingding si Mr. Daniel at mukhang nahimasmasan na ito. "I think so, kakagaling lang din kasi namin sa vacation yesterday and something bad happened to her while we're staying there" sagot niya. "If you mind sir, pwede ko po ba malaman kung anong nangyari sa kaniya yesterday?" tanong ko, gusto kong malaman kung anong nangyari sa kaniya noong mga nakaraang araw. Malakas ang kutob ko na may kinalaman si Olivia sa lahat ng ito. "Actually, the other day nangyari yun and yesterday lang kami bumyahe pabalik dito sa Manila she's unconscious while we drove back here, her sisters and lola were scared after she was closely become a victimof kidnapping and rape by a stranger he met in a bar, buti na lang someone save her and bring her to the police station" "Oh, it was too bad, Sir I think po na-trauma siya, and that's where she got those bruise and scars in her arms and forehead" "In fact, I told her not to come in school today but she's so stubborn... matigas ang ulo ng batang yan" "Intindihin niyo na lang po sir, ibang-iba na ang mga kabataan ngayon kaysa sa mga kabataan noong sinaunang panahon" "Well, I still love her no matter what, anyway thanks for taking care of my daughter" "No problemsir, I know that you really love your daughter" sagot ko, napangiti naman si Mr.Daniel saka pumasok na sa loob upang tingnan ulit ang anak niya. Tama nga ako, maaaring nakapunta sa makalumang panahon si Carmela. P 44-30 Nagpaalamsaglit si Mr. Daniel kung kaya ako na muna ang magbabantay sa anak niya. Sakto ring dumating ang flower delivery para sa clinic. Kinuha ko na iyon at dinala sa loob ng ward section. Pagbukas ko ng pinto, naabutan kong gising na si Carmela at nakaupo na siya. "Hi, How are you?" tanong ko sa kaniya sabay ngiti. Nilagay ko na sa vase na nakapatong sa maliit na mesa sa gilid niya yung mga puting rosas. "Weekly flower delivery to' dito sa clinic, para gumaan ang atmosphere dito" patuloy ko pa, lumapit na ako sa kaniya at dahan-dahan kong inalis yung karayomna naka-konekta sa dextrose niya dahil ubos na rin ito. "Anyway, how are you?" tanong ko pa ulit, pinagmasdan ko siyang mabuti, tulala siya at parang nababalot ng kalungkutan. Napatingin din ako sa mga pasa at gasgas niya sa katawan. Posibleng nakuha niya iyon sa sinaunang panahon. At ngayon dala-dala niya pa rin ang lahat ng sakit ng kahapon. Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para bigla siyang mapatingin sa akin "It's going to be fine, maybe not now... but soon you will be okay" tugon ko sabay ngiti, hindi naman siya umimik at napayuko na lang. Alam ko na kahit anong sabihin ko sa kaniya walang salita na makakapagpagaan ngayon ng bigat na nararamdaman niya. Kinuha ko na lang ulit yung record at nagsulat doon. "See? Mabilis kang naka- recover ngayon... and I hope mabilis ka din makaka-recover emotionally" tugon ko pa pero tulala pa rin siya. "Hmm... Do you believe in second chances? Do you believe that you will meet someone you already know fromthe past?" tugon ko sabay ngiti at gulat naman siyang napalingon sa'kin. Gusto kong malaman niya na tulad ko malaki rin ang pag-asa na makikita niya rin ulit sa panahong ito ang lalaking minamahal niya. Napailing naman siya bilang sagot sa tanong ko kung kaya't lumapit pa ako sa kaniya "I have a secret to tell you, in this life there's a lot of possibilities... people will come and go in your life, some will stay with you, some will leave you, however there's an 80% chance that you will meet someone you know fromyour past life and when your path crossed for the second time around... your story will begin again" sagot ko. Bigla naman nanlaki ang mga mata niya at parang napaisip siya ng malalim. "A-anong ibig mong sabihin?" nagtataka niyang tanong, alamkong naguguluhan siya ngayon sa pinagsasabi ko pero gusto kong malaman niya na maaaring hindi pa rin huli ang lahat para sa kanila ng minamahal niya. "A story has a beginning and an end... Our life also begins and ends, but our destiny and our purpose in this life would never end" sagot ko sabay ngiti at tinapik ko ang ulo niya. Lalabas na dapat ako pero bigla siyang nagsalita. "W-wait, s-sino ka?" tanong niya dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Oh, I forgot to introduce myself to you... " panimula ko, naglakad ulit ako papalapit sa kaniya at inilahad ko ang palad ko sa tapat niya "I amAleeza Mae Agcaoili" tugon ko sabay ngiti, napatitig naman siya sa kamay ko. "I am...." magsasalita pa lang siya pero inunahan ko na siya. Gusto kong malaman at maramdaman niya na nagkakilala na kami noon pa man. "Carmela Isabella, right?" sagot ko, gulat naman siyang napatingin sa akin. P 44-31 "I told you... it is rare to meet someone you know fromthe past... but if that happens, I wish you luck" dagdag ko pa sabay ngiti at diretso na akong umalis doon. Pagkasara ko sa pintuan, napasandal na lang ako sa pinto at napatitig sa singsing na gawa sa kahoy na binigay sa'kin ni Oscar kanina. Ang singsing na ito ay pagmamay-ari niya. Mukhang galing ito sa lalaking nakilala niya na nabubuhay sa sinaunang panahon. Nang gabi ring iyon, habang naglalakad ako sa kalye pauwi sa bahay namin bigla akong napatigil nang makita ko ang isang kotse na nakaparada sa tapat ng bahay namin at ang mas lalong ikinagulat ko ay ang makita kung sino ang lalaking nakasandal sa kotseng iyon... Si Bryan. Bigla siyang ngumiti nang makita ako at naglakad papalapit sa'kin. "Gusto sana kitang makita at makausap bago ako umalis" tugon niya sabay abot ng isang soda sa'kin. Sa tapat ng basketball court dito sa barangay namin kami nag-usap. Walang nag- babasketball ngayon kaya tahimik ang buong paligid. Kaming dalawa lang ang nakaupo doon sa gilid habang pinagmamasdan ang ilang bata na naglalaro at naghahabulan sa gitna ng court. "May tatlong bagay akong gustong sabihin sa iyo..." panimula niya sabay inomng soda. Napatitig na lang ako sa hawak kong soda na bigay niya kanina. Sa totoo lang hindi pa rin ako handa na muling makita siya. "Una, patawad sa lahat ng katarantaduhan na ginawa ko sayo, sa pamilya mo at sa pinsan ko" tugon niya sabay lapag nung soda in can sa gilid niya at napatingala siya sa kalangitan. "Hindi ko dapat ginawa iyon sa iyo at hindi ko na rin dapat pa dinamay ang pamilya mo at ang ibang tao noon" patuloy niya pa, hindi naman ako nakapagsalita at napayuko na lang. "Pangalawa, Mahal naman talaga kita ngunit nilamon ako ng selos at galit dahil kahit anong gawin ko ay hindi mo ako magawang mahalin" tugon pa niya, napahinga naman ako ng malalimat akmang magsasalita na pero inunahan niya ako. "Napatunayan ko na kahit saang panahon man ako dalhin hinding-hindi mo pa rin magagawang suklian ang pagmamahal ko sayo" saad niya pa at nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin. "At pangatlo, magpapaalamna ako sa iyo. Mabuti na lang dahil maaga kong nalaman ang lahat sa panahong ito kaya hindi ko na pinilit pa ang sarili ko na mapalapit sayo dahil alamkong sa huli ang pinsan ko pa rin ang pipiliin mo" patuloy niya pa at bigla siyang tumayo. "Oo nga pala, inalamko kung sino ang nagpapapaty sa papa mo at bumaril kay Alex- " hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi nagsalita na ako. "Si Aling Cynthia. Matagal na naming alampero sinabi ni mama na huwag na naming ungkatin pa dahil ang totoong rason naman kung bakit nangyari iyon ay ang sumpa ng tadhana sa buhay ko" tugon ko, napayuko naman si Bryan. Tumayo na ako at naglakad papalapit sa kaniya. P 44-32 "At sa tatlong bagay na sinabi mo sa'kin ngayon gusto ko ring malaman mo na... Pinapatawad na kita" dagdag ko pa sabay ngiti ng marahan sa kaniya. Napangiti naman siya at napahinga ng maluwag. Sa buhay na ito, hangad ko na mahanap na rin niya ang kapayapaan sa puso niya at matagpuan ang babaeng mas nararapat sa pagmamahal niya. Kinabukasan, maaga akong nagising at naghanda ng almusal. Mas maaga pala nagising sa'kin si mama at nagtext siya na nasa palengke na siya. Nakabili kami ulit ng bagong pwesto sa palengke at tinuloy ni mama ang pagbebenta ng isda. Mayroon na rin kaming sariling bahay na hinuhulugan ko ngayon. Lumipat na kami ng bahay pero dito pa rin kami bumili ng bahay sa subdivision na ito. Malaki rin ang sideline ni Alex kahit nag-aaral pa lang siya dahil kasama siya sa isang sikat na research sa Palawan. Sunday ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho. Habang kumakain ako biglang napukaw ng atensyon ko yung maliit na kahon na bigay ni Oscar na pinatong ko kagabi sa tabi ng TV. Bigla kong naalala ang singsing na iyon na mula pa sa San Alfonso. Napatayo na lang ako bigla saka kinuha ko ang singsing na iyon at nagpalit na ng damit at napag-desisyunan ko na pupunta ako ngayon sa San Alfonso. Halos walong oras din ang itinigal ng byahe sakay ng bus papunta sa probinsya ng San Alfonso. 4 pmna nang makarating kami sa terminal ng bus ng San Alfonso. Marami rin akong kasabay na mga pasahero na sabik na sabik ngayong sinalubong ng kanilang mga kamag-anak. Agad akong nagtext kay mama na nakarating na ako dito sa San Alfonso at sinabi kong babalik ako sa Tuesday. Nagpaalamna rin ako kay Dr. Reyes na sa Tuesday pa ako makakabalik sa trabaho dahil may aasikasuhin lang akong importanteng bagay, buti na lang dahil hindi na siya nagtanong pa at pumayag na agad. Agad akong sumakay sa tricycle na nakapila sa labas ng terminal. "Manong, sa hacienda Montecarlos po" tugon ko, napaisip naman ng malalimsi manong driver. "Hacienda? Wala nang hacienda dito" saad niya, napakamot na lang din ako sa ulo kasi hacienda Montecarlos lang ang natatandaan ko. "Pero may kilala akong taga-dito na Montecarlos ang apelyido ng mga ninuno, si madamCarmina na nakatira doon sa malaking bahay" sagot niya, napatango na lang ako kahit hindi rin ako sigurado. Halos 15 minutes din ang byahe sakay ng tricycle at ang laki rin ng binayaran ko dahil malayo pala talaga ang nilakbay namin. Pagbaba ko sa tricycle, nagulat ako nang makita ang malaking gate ng bahay. Ang pamilyar na mga rehas at bakod na iyon. Ang pamilyar na malaking mansyon na natatanaw ko mula doon ay muli kong narating ngayong panahon. Natauhan na lang ako nang biglang may isang matandang babae na naka-daster ang biglang nagsalita. Hindi P 44-33 ko namalayan na nasa tapat pala siya ng gate at may hawak na walis tingting. "May maitutulong ba ako sayo? hija" tanong niya sabay ngiti. Agad naman ako naglakad papalapit sa kaniya. "I-ito po ba ang hacienda Montecarlos?" tanong ko, napatango naman siya ng marahan. "Ang bahay na ito ay pag-aari ng aking mga ninuno mula pa noong panahon ng mga Kastila. Ako nga pala ang kasalukuyang may ari ngayon nito, tawagin mo na lang akong Lola Carmina" ngiti pa ng matanda, agad naman akong nagmano at nagpakilala rin sa kaniya. Gusto pa sana niya akong imbitahan pumasok sa loob ng bahay na iyon pero mukhang aalis sila kasi biglang may dumating na tricycle na susundo sa kaniya papunta raw sa palengke. May kasama siyang isang binatilyo na pinakilala niya sa'kin at isang dalagita na kakambal nito. Ang pangalan nila ay Lorenzo at Laurecia. Nang makaalis sila, ilang minuto pa akong napatitig sa mansyon na iyon. Hindi na ito ang malawak at maunlad na hacienda na kinagisnan ni Salome at Esmeralda. Ngunit kahit ganoon, naroon pa rin ang kakaibang pakiramdamng mga masasaya, malulungkot at mapapait na alaala na dala ng bahay na iyon. Magtatakipisilimnan ang mapag-isipan kong umalis na doon at maghanap na lang ng hotel sa bayan. Naglakad na lang ako dahil wala ng tricycle na napapadaan sa kalsada. Napadaan ako sa malalawak na palayan at ilang mga maliliit na bahay kubo. Ilang sandali pa, bigla akong napatigil nang matanaw ko mula sa di-kalayuan ang Lawa ng Luha. Animo'y parang sinasaksak na naman ngayon ang puso ko nang maalala na ako pala ang tinutukoy sa alamat na iyon. Ang babaeng umiyak ng umiyak nang mamatay ang lalaking pinakamamahal niya. Ngunit ayon sa kwento, isang sundalo raw ang kasintahan ng diwata. Isang patunay lang ito na ang isang pangyayari kapag pinagpasapasahan na ng kwento ng kung sino-sino ay nababago na ang laman ng kwentong iyon. Nang marating ko ang dalampasigan sa lawa ng luha, naupo ako sa lupa saglit at pinagmasdan ang paglubog ng araw. Kung iisipin, napakaganda pagmasdan ang araw na papalubog na ngunit kaakibat din nito ang kalungkutan na nangangahulugan ng katapusan. Ilang sandali pa, nagulat ako nang biglang pumatak ang ulan. Dali-dali akong napatayo at akmang tatakbo na para maghanap ng masisilungan nang biglang may magsalita mula sa likuran ko. "Hindi ko akalain na makikita rin kita dito kung saan nagsimula at natapos ang kwento ni Sinagtala at Franco" tugon ng isang pamilyar na boses ng lalaki, dahan-dahan akong napalingon sa likod at hindi ako makapaniwala na muli ko siyang makikita. "Ang bulong ng hangin, ang dilimna hatid ng makulimlimna kalangitan at ang direksyon ng ulan ay patuloy na tinuturo ako papalapit sa iyo" patuloy pa ni Sir Nathan at naglakad siya papalapit sa'kin. Patuloy na umaambon pero pareho naming hindi alintana iyon. Halos walang kurap akong napatitig sa mukha niya. Parang wala siyang pinagbago, naroon pa rin ang mga titig at ngiti niya na naghahatid ng kuryente sa buong katawan ko at nagpapakabog ng todo sa puso ko. "Aleng, patawad kung sa pagkakataong ito ay nabigo pa rin ako. Pinili ko na lang na lumayo upang hindi na P 44-34 madamay pa ang pamilya mo" wika pa niya, napayuko naman ako at bigla akong napatigil nang makita ang isang rosaryo na suot niya sa kaniyang leeg at nakatago sa loob ng putting polo na suot niya ngayon. Gulat akong napatingin sa kaniya at isang tango lang ang isinagot niya sa akin "Naalala mo ba noong tinanong mo ako kung bakit ako nandito sa Pilipinas, sinabi ko sayo ang dahilan kung bakit nandito ako sa Pilipinas ay dahil sa isang pangako... at ang pangakong tinutukoy ko ay ang pangakong binitiwan ko sa aking ina" sagot niya. Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Hanggang ngayon, hanggang sa buhay na ito patuloy pa ring nagtagumpay ang tadhana sa magiging kapalaran naming dalawa. "A-ang totoo niyan, noong una kitang nakita sa klase doon ko pa lang naalala ang lahat ng alaala na pilit tinatago ng tadhana" tugon pa niya, kasunod niyon ay inilahad na niya sa akin na kaya lang siya nakapagturo ng Physics at Algebra ay dahil nakakuha siya ng education noon at Mathematics ang major niya. Bukod doon ay maaari rin naman maging propesor ang mga pari. "A-akala ko maaari pang mabago ang lahat sa pagkakataong ito ngunit hindi pala mula nang mamatay ang papa mo, natakot ako... natakot ako na baka hanggang ngayon ganoon pa rin ang mangyayari sa atin" dagdag pa niya tapos bigla siyang napaiwas ng tingin. Alamkong ayaw niya lang ipakita sa'kin na umiiyak siya. Napayuko na lang din ako. Parang dinudurog ngayon ang puso ko, hindi ko alamkung anong gagawin ko ngayong nakikita kong umiiyak siya. Napahinga na lang ako ng malalimat sinikap kong makapagsalita "Bbakit hindi mo na lang sinabi agad sa akin ang lahat?" tanong ko, bigla naman siyang napalingon sa'kin at kitang-kita ko ang mga luha na namumuo sa mga mata niya. "M-minsan mas mabuti pang walang kang nalalaman dahil sa oras na malaman mo ang lahat habambuhay ka nang uusigin ng pagsisisi at panghihinayang kung bakit naging ganoon ang dati mong buhay? Magiging miserable ang buhay mo, ang mga bangungot ng nakaraan ay hindi ka patatahimikin hanggang ngayon. Bukod doon, upang mahanap mo ang kapayapaan at kasiyahan sa buhay na ito, isang malaking hadlang para sayo ang maalala ang trahedya ng kahapon" paliwanang ni Sir habang nakatitig siya sa Lawa ng Luha at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Galingggg?? Whaaaaaaaaathis reallymade mecry.???? Bakit ba kasi hindi nalang sila magkatuluyan?! Sobraakong nasaktan saending ng ILYS 1892 taposeto na namaaaan ?? Mababaliwnaako.?? They both loveeach other naman pero bakitayaw? Bakitayawng tadhana? Pinagtagpo ngasilasaiba't-ibang panahon ngunit hindi naman sila nagkatuluyan ?? P 44-35 Epilogo (Original) 36.9K 2.1K 4K byUndeniablyGorgeous [Epilogo] Pilipinas 2085 �Ma! Anong gusto mo pong kainin? Nagluto po ako ng paborito niyong Kaldereta� nakangiting tanong ng isang babae na nagngangalang Elisa, nasa edad limampu�t-animna taong gulang na (56). Maputi ang balat nito na namana niya sa kaniyang inay at medyo singkit din ang kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang buhok ng kaniyang ina na nasa edad walumpu�t-siyamna (89), kulubot na ang balat ng matandang babae at nitong mga nagdaang buwan ay napansin nila na madalang na itong magsalita, palaging nanghihina at tulala na lang sa tapat ng bintana. Napatingin ang matandang babae sa kaniya bagama�t malabo na ang mga mata nito pilit niya pa ring pagmasdan ang nag-iisang anak na si Elisa. Sinubukan niyang hawakan ang mukha ng anak na agad naman siyang nginitian pabalik. �Sabi ko na nga ba basta usapang Kaldereta hindi ka makakatanggi mama� ngiti pa ni Elisa sabay halik sa noo ng kaniyang ina na matandang-matanda na. �Sige ma, kukuhaan lang kita ng kalderet- � hindi na niya natapos pa ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita ang matandang babae. �M-maraming salamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa akin anak, n-nasaan na nga pala ang tito Alex mo? Makakarating ba siya ngayon?� tanong ng matandang babae, hindi naman nakapagsalita si Elisa at napahinga na lang siya ng malalimsaka hinawakan muli ng mahigpit ang kamay ng kaniyang ina na makakalimutin na. �Ma, hindi ba�t nasabi ko na po sa inyo noong isang araw na hindi makakarating ngayong piyesta si tito Alex dahil hindi siya pinayagan ng kaniyang mga anak doon sa Espanya na bumyahe papunta rito. Hindi na po kaya ni tito Alex na bumyahe pa ng matagal� sagot ni Elisa, napayuko na lang ang kaniyang ina saka ngumiti kahit pa nababakas naman sa mukha nito na nananabik na siya na muling makita ang kapatid. Tulad niya matanda na rin si Alex na nasa edad walumpu�t-animna (86). Nitong nakaraang linggo ay nakapag-usap sila gamit ang telepono at marami rin itong kinuwento sa kaniya lalo na ang buhay sa Espanya. Nang makatapos si Alex sa kolehiyo halos narating na niya ang iba�t-ibang bansa dahil madalas siyang kasama sa mga research tungkol sa mga gamot. Sa Espanya na siya namalagi at doon na rin siya nakapagasawa ng isang pilipina na nagtatrabaho roon. �Don�t worry ma, tatawagan natin sila tito Alex mamayang gabi para mabalita mo naman sa kaniya ang piyesta ngayon dito� patuloy pa ni Elisa. Ngayon ang piyesta sa kanilang barangay at kakatapos lang nila magsimba kaninang umaga, kasalukuyan silang abala sa pagaasikaso sa kanilang mga bisita na isa-isa nang dumarating ngayong hapon. Nagpaalamsaglit si Elisa sa kaniyang ina para kumuha ng Kaldereta at iba pang pagkain na inihanda nila ngayong piyesta. Pagkababa niya sa hagdan agad siyang sinalubong ng isang anak niyang kakarating pa lang galing sa trabaho. Alas-singko na ng hapon ngunit maliwanag pa rin ang paligid kahit na panaka-naka ang P 45-1 ambon sa labas. �Mom! I made it� nakangiting bati ni Raenvien na kaniyang panganay na anak, kakatapos lang nito sa kolehiyo noong nakaraang taon at maganda na agad ang naging trabaho nito bilang guro sa isang kilalang pribadong paaralan. �Buti naman nakaabot ka, mag-bless ka sa lola mo noong isang linggo ka pa niya hinahanap� tugon ni Elisa sa anak niyang si Raenvien na abala sa pagbaba ng mga dala nitong mga libro. Isang guro sa matematika si Raenvien, bagay na namana niya sa kaniyang lola na magaling sa matematika. �Oo nga pala ma, kasama ko ngayon ang co-teacher ko at ang asawa niya� saad pa ni Raenvien saka pinakilala ang isang babae at isang lalaki na kasama niya. �Siya po si Carmela, history major naman po siya. Naalala niyo po ba si tita Emily na kaibigan ni lola?� patuloy pa ni Raenvien, bigla namang napangiti ang inay Elisa niya saka hinawakan ang kamay ni Carmela. �Ikaw ang apo ni tita Emily? Siguradong matutuwa si mama kapag nakita ka niya, nabalitaan namin ang pagkamatay ng iyong lola noong nakaraang taon, pasensiya na hindi kami nakapunta hija dahil hindi na rin kayang bumyahe ni mama papuntang San Alfonso� tugon ni Elisa habang nakangiti kay Carmela. �Ayos lang po, oo nga pala maligayang piyesta dito sa bayan niyo� sagot ni Carmela, nasa edad dalawampu�t-tatlong taong gulang na si Carmela at kasalukuyan siyang buntis sa panganay nilang anak ng kaniyang asawa. �Oo nga pala ma, si Juanito po asawa ni Carms, gusto niya rin sumama dito para ma- check up na rin si lola, nakwento ko kasi sa kanila kahapon na nanghihina na si lola� wika pa ni Raenvien, napatingin naman si Elisa sa lalaking kasama ni Carmela. Matangkad ito at mababakas sa tindig pa lang ang taglay nitong kagwapuhan at sa isang ngiti lang ay mararamdaman mong isa itong maginoong binata. �Maligayang piyesta po sa inyo� bati ni Juanito at nagmano siya kay Elisa. �Isa kang doktor hijo? Nakakatuwa naman, alammo bang ang aking mama ay isang nurse� Raenvien anak ipakilala mo sila sa lola mo siguradong matutuwa siya kapag nakita niya kayo� ngiti ni Elisa, nagtungo na siya sa kusina upang kumuha ng mga pagkain at inasikaso na rin niya ang ibang bisita habang ang anak naman niyang si Raenvien ang nagpatuloy kay Carmela at Juanito paakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila na kung saan naroroon ang kaniyang lola. �Medyo mahina na rin ang pangrinig ni lola kaya lakasan niyo na lang din ang boses niyo� nakangiting tugon ni Raenvien saka kumatok ng tatlong beses sa pinto ng silid ng kaniyang lola bago niya binuksan ito. Pagbukas ng pinto tumambad sa kanilang harapan ang malinis na kwarto ng matanda. Isang old Spanish house ang disenyo ng bahay nila na binili pa ng kaniyang lola at lolo nang makaipon ang kaniyang asawa ng sapat na pera para magkaroon sila ng sariling bahay. �Mahilig talaga si Lola sa mga lumang bagay kaya si lolo puro mga lumang gamit ang nireregalo sa kaniya. Maging ang bahay na ito ay pinag-ipunan talaga ni lolo kasi ayaw ni lola ng mga modern style na bahay� tugon pa ni Raenvien habang naglalakad sila papasok sa kwarto ng matanda. Natanaw na nila ang matandang babae na ngayon ay nakatalikod sa kanila habang nakaharap ito sa malaking bintana at tinatanaw ang dahan-dahan na pagbagsak ng ulan. Nakaupo ang matandang babae sa isang malaking P 45-2 upuan na gawa sa kahoy at tahimik lang itong nakatulala sa labas. �Mahilig din kami sa mga lumang bagay, yung bahay nga namin sa San Alfonso ipapa- renovate namin ulit para maging matibay lalo. Ilang daang taon na rin ang edad ng bahay na �yon� sagot naman ni Carmela, ilang buwan pa lang sila magkatrabaho ni Raenvien bilang mga guro sa isang pribadong paaralan ngunit malapit na agad ang loob nila sa isa�t-isa. �Ah, sa inyo ba yung hacienda Montecarlos sa San Alfonso? palagi kasi sa�ming kinukwento ni lola na makasaysayan daw ang bahay na �yon, noong kabataan niya tuwing bakasyon lagi siyang nandoon kasama ni tita Emily� saad ni Raenvien, si Emily Isabella Nuestro ay isang dentista na palaging nakakasama ng lola ni Raenvien sa mga medical mission noon. �Hacienda Alfonso naman ang sa asawa ko, balak din namin ipa-renovate ulit �yon kaso nag-iipon muna kami para sa panganganak ko� ngiti pa ni Carmela na medyo namula pa ang pisngi. Napangiti naman si Juanito dahil maging siya ay nasasabik na masilayan na ang kanilang panganay na anak. �Kailan ka ba manganganak?� tanong ni Raenvien saka hinawakan niya ang tiyan ni Carmela na medyo may kalakihan na. �Sa February pa, tatlong buwan na lang manganganak na ko kaya nga inaasikaso ko na ang leave sa trabaho natin� sagot ni Carmela, bigla naman silang natawa ni Raenvien dahil madalas nilang pagusapan ni Carmela tuwing break time ang bagal ng proseso ng leave sa trabaho nila. �Tulog ba ang lola mo?� tanong ni Juanito inilabas na rin niya sa kaniyang bag ang kaniyang stethoscope at ilang gamit sa panggagamot. Samantala, inilibot naman ni Carmela ang kaniyang mga mata sa loob ng kwarto ng matanda. Napatigil siya nang makita ang isang obra na nakasabit sa dingding, �Pa-nga-ko� basa ni Carmela sa tatlong letra ng baybayin na nakasulat sa lumang papel at nakalagay sa malaking frame. �Marunong ka rin pala magbasa ng baybayin, hanga na talaga ako sayo history teacher� pang-asar ni Juanito sa asawa sabay ngiti. Napakunot na lang ang noo ni Carmela dahil mukhang inaasar na naman siya ng asawa niya ngunit bumibigay din naman agad siya dahil sa ngiti nitong nakakatunaw. �Gamutin na ang lola ni Raenvien, hanga na rin talaga ako sayo doktor Juanito VII� bawi naman ni Carmela, palagi niyang tinatawag na �the seventh� ang kaniyang asawa na ikinaasar naman nito kasi napaka-haba na ng salinlahi na pinagpasahan ng kanilang pangalan. Sa kabilang banda, dahan-dahan namang lumapit si Raenvien sa kaniyang lola at hinawakan niya ang balikat nito. �La, checheck up po muna kayo saglit ng kaibigan ko, nandito rin ang asawa niya na apo ni tita Emily� tugon ni Raenvien sa kaniyang lola, dahan-dahan namang napalingon ang matandang babae sa mga bisita na tila hindi niya inaasahan ang pagdating ng mga ito ngayong araw. �Siya pala ang lola ko, Aleeza Mae Agcaoili Enriquez, Lola Aleng na lang ang itawag niyo sa kaniya� wika ni Raenvien, agad namang lumapit si Carmela at Juanito sa matanda at nagmano sila rito. �Magandang hapon po lola Aleng� sabay na wika ni Carmela at Juanito habang nakangiti sa matanda. Sa pagkakataong iyon, isang pamilyar na ngiti ang kanilang nasaksihan ng ngumiti ito pabalik sa kanila. Agad namang naupo si Juanito sa kabilang silya saka chineck up ang heartbeat, pulse rate at blood pressure ni lola Aleng na ngayon ay pinagmamasdan siyang mabuti. �Sa wakas naging doktor ka rin� wika ni lola Aleng, bigla namang napangiti si Juanito. �Akala ko nga po hindi ako makakatapos sa pag-aaral pero sabi P 45-3 nga po nila kapag gusto mo talaga palaging may paraan� sagot ni Juanito sabay ngiti habang chineck up pa rin ang matanda. Napangiti na lang si lola Aleng dahil alamniyang hindi naintindihan ni Juanito ang kaniyang sinabi. Habang sa kabilang banda naman ay abala si Carmela at Raenvien sa pagtingin sa palibot ng silid. �Sampung taon nang patay si lolo Oscar pero alamkong lagi niya kaming ginagabayan� kwento ni Raenvien kay Carmela sabay turo sa isang wedding picture ni Aleeza at Oscar na nakasabit sa dingding. �Alammo ba ang kwento sa�kin noon ni lolo, matagal na raw siyang may gusto noon kay lola. College pa lang noon si lola habang siya naman ay high school graduate lang kasi mahirap lang sila kung kaya�t nagsiside line siya sa pagbubuhat ng banyera ng isda sa palengke. Matalik na magkaibigan si lolo Oscar at ang kapatid ni lola na si tito Alex. Ang sabi pa noon sa�kin ni lolo na-love at first sight daw siya kay lola nung una niya itong makita. Kaya lang alamniyang may ibang napupusuan daw noon si lola kaya nagsikap na lang siya na makatapos sa pag-aaral para naman kahit papaano ay may maipagmalaki siya kay lola kasi nakagraduate na si lola at nagtrabaho na bilang nurse� panimula ni Raenvien, napangiti naman si Carmela habang nakatitig sa wedding picture ni Aleeza at Oscar. �Ang sabi pa ni lolo, halos sampung taon daw niyang niligawan si lola kasi sawing- sawi raw talaga noon si lola sa first love nito, hindi naman niya sa�kin nakwento kung sino ba yung first love ni lola pero nabanggit niya na prof daw iyon dati ni lola� patuloy pa ni Raenvien, bigla namang nakaramdamng lungkot si Carmela at napatulala na lang siya sa wedding picture na iyon. Magsasalita pa sana si Carmela ngunit bigla na siyang tinawag ng kaniyang asawa �Mahal, gusto ka raw makausap ni lola Aleng� tugon ni Juanito habang nililigpit na niya ang gamit niya sa panggagamot. Agad naman silang naglakad ni Raenvien papalapit kay lola Aleng. Napatingin si Raenvien kay Juanito na ngayon ay malungkot ang itsura, �Ah, Raenvien saan ba ang cr niyo dito?� tanong ni Juanito saka sumenyas na gusto niyang makausap si Raenvien at ang pamilya nito tungkol sa kalagayan ng lola nila. �Mahal, maiwan muna namin kayo rito� paalamni Juanito sa kaniyang asawa na ngayon ay nakaupo na sa katabing silya ng matanda. Napatango naman si Carmela at naglakad na papalabas ng kwarto si Raenvien at Juanito saka dumirteso sa kusina kung nasaan naroon si Elisa. �Kamusta po kayo?� panimula ni Carmela, nagulat naman siya nang dahan-dahang inabot ni lola Aleng ang kamay niya. �Sa ikatalong pagkakataon nagkita ulit tayo� tugon ni lola Aleng sabay ngiti ng marahan. Napatulala lang sa kaniya si Carmela at bigla itong napatingin sa kamay niya na hawak ngayon ng matanda. Naramdaman niyang may isang bagay na inilagay ang matanda sa loob ng kamay niya at nang buksan niya iyon napatulala siya sa singsing na gawa sa kahoy na hawak na niya ngayon. �A-ano po ito?� nagtataka niyang tanong, ngumiti lang si lola Aleng saka muling ibinaling nito ang kaniyang tingin sa tapat ng bintana kung saan umuulan ngayon sa labas. �Sayo ang singsing na iyan, kamakailan lang ay napagtanto ko na siguro kaya napunta kay Oscar ang singsing na iyan ay dahil nakatadhana talaga na sa panahong ito ay bigyan ko ng pagkakataon ang pag-ibig niya para sa�kin. Ang singsing na iyan ang naglapit sa aming dalawa at ang singsing na iyan rin ang naging tulay upang magkita tayong muli� tugon ni lola Aleng, hindi naman agad nakapagsalita si Carmela at napatitig na lang siya sa singsing na iyon na gawa sa kahoy. P 45-4 Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa niya ang nakaukit na salita sa singsing na iyon, I Love you since 1892. �I-ibig sabihin matagal na po ang singsing na ito?� gulat na tanong ni Carmela sabay tingin sa matanda. Marahan namang napatango si lola Aleng sa kaniya. �Sa sobrang tagal nang paglipas ng panahon may mga bagay na dapat ibinabaon na sa limot, ngunit may mga bagay din na dapat inaalala dahil ito ay magsisilbing babala upang hindi na muling maulit ang nakaraan. Kung ano man ang nagawa ng isang tao noon, hindi na dapat niyang hayaang mangyari ulit iyon ngayon� saad pa ni lola Aleng saka muling hinawakan ang kamay ni Carmela. �Naniniwala ka ba sa reincarnation?� diretsong tanong ng matanda dahilan upang mapatulala na lang si Carmela at hindi agad siya nakapagsalita. �Nais kong sabihin sayo na kung ano man ang mga naging pagkukulang mo sa buhay na ito dapat gawin mo ang lahat upang mahanap mo ang kapayapaan at kasiyahan sa puso mo. Ngayon pa lang siguraduhin mo na magiging mapayapa at masaya ang buhay mo kahit anong mangyari at huwag mon ang hihilingin pa na isilang ka muli sa ibang panahon dahil patuloy ka lang aasa na siguro sa susunod na panahon ay magtatagpo muli ang landas namin at magtatapos ng masaya ang kwento naming dalawa� patuloy pa ni lola Aleng, sa pagkakataong iyon habang nakatitig si Carmela sa mga mata ng matanda hindi niya maunawaan kung bakit parang pamilyar sa kaniya ang babaeng kaharap. Parang minsan na rin niyang nakapiling ito at nakausap kahit pa ngayon pa lang niya ito nakita. �A-ano pong ibig niyong sabihin?� tanong muli ni Carmela, naramdaman niya ang unti- unting pagbigat ng kaniyang pakiramdamngunit sa tuwing ngingiti ang matandang babae sa kaniya tila gumagaan ang kaniyang saloobin. Napahinga naman ng malalimsi lola Aleng saka muling napatulala sa tapat ng bintana. �May isang babae na nagkaroon ng pambihirang karanasan sa ibang panahon. Ang lahat ng alaala ng nakaraan ay dala-dala niya hanggang sa kasalukuyan ngunit alammo kung anong magandang bagay na natanggap niya? � saad ni lola Aleng, napailing naman si Carmela. �Muling naisulat ang pag-iibigan nilang dalawa ng kaniyang sinisinta. At ngayon alamko at nararamdaman ko na sa panahong ito magiging masaya na silang dalawa� ngiti pa ni lola Aleng sabay tingin sa tiyan ni Carmela na malaki na. Batid niyang hindi maiintindihan ngayon ni Carmela na siya at si Juanito ang tinutukoy niya. Ang pag-iibigan ng dalawang taong minsan na niyang nakasalamuha at dumanas ng matitinding pagsubok at pasakit ay ngayo�y magiging maligaya na. �Sino po ang tinutukoy niyo?� tanong pa muli ni Carmela, ngumiti lang ng marahan si lola Aleng sa kaniya. �May nakapagsabi noon sa�kin na mas mabuting huwag nang alamin ang alaala ng buhay mo sa nakaraan dahil siguradong sa oras na maalala mo ito ay magiging hadlang ito upang mahanap mo ang kapayapaan at kasiyahan sa puso mo� tugon pa ni lola Aleng saka muling tumingin ng diretso sa mga mata ni Carmela. �Sa buhay na ito hangad kong mahanap mo at ni Juanito ang kapayapaan at kasiyahan sa mga puso niyo� dagdag pa niya, napatulala naman sa kaniya si Carmela, tila nakaramdamito ng kakaibang paggaan ng kaniyang pakiramdam. Ilang sandali pa, itinuro ni lola Aleng ang tanawin sa labas kung saan natatanaw nila ngayon ang papalubong na araw mula sa di-kalayuan. Kasabay niyon ang patuloy pa ring pagbagsak ng ulan mula sa kalangitan. P 45-5 �Nakikita mo ang araw na iyon na papalubog na? bakit sa tingin mo kahit may araw ngayon ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan?� tanong ni lola Aleng, napatulala naman si Carmela sa labas ng bintana. Kulay orange na ang kalangitan at napakaganda ng tanawin sa labas kung saan nasasaksihan nila ngayn ang paglubog ng araw habang patuloy din ang pagbagsak ng ulan sa paligid. �Kasi� may kinakasal na tikbalang?� sagot ni Carmela dahilan upang bigla silang matawang dalawa. �Kahit kailan palaging saya ang hatid mo sa amin hija, alammo ba ang ibig sabihin ng churva ek ek?� tanong pa muli ni lola Aleng na ngayon ay halos sumingkit na ang mga mata dahil muli na naman niyang naalala ang kalokohan at pang-uuto sa kaniya noon ni Carmela. �Lola? Saan niyo po natutunan �yan? nako! daig niyo pa po pala si Raenvien, millennial lola po pala kayo churva ek ek� tawa ni Carmela, sa pagkakataong iyon napuno ng tawanan ang loob ng kwarto ni lola Aleng. Animo�y parang magka-edad lang sila ni Carmela na nagkwekwentuhan ng mga nakakatawang bagay. Ilang sandali pa, napatigil sila sa pagtatawanan nang mapansin ni Carmela ang isang libro na hawak ni lola Aleng. �Our Asymptotic Love Story?� basa ni Carmela sa pamagat ng librong iyon. Unti-unti namang napawi ang ngiti ni lola Aleng saka napayuko at napatingin sa librong hawak niya. �Nabasa ko na rin po iyan lola, hindi ko rin matanggap kung bakit hindi nagkatuluyan si Salome at Fidel sa kwentong iyan� saad ni Carmela, inabot naman sa kaniya ni lola Aleng ang librong iyon at pinagmasdan niya ito ng mabuti. �Alammo ba kung sino ang nagsulat ng librong iyan?� tanong muli ni lola Aleng, napailing-iling naman si Carmela. Napatitig naman si Carmela sa pangalan ng author na nakasulat sa ibaba. f(x � 1) �Ang �F� ay tumutukoy sa apat na pangalan� si Franco, Fidel, Fabricio Rolando at Francis Nathan� paliwanag ni lola Aleng. �Hindi po ba ang � F� dito ay tumutukoy sa functions?� nagtatakang tanong ni Carmela, kahit history major siya ay paborito rin niya ang math. Napangiti naman si lola Aleng sa kaniya �Ang � x� naman ay tumutukoy sa salitang � Xian� na ang ibig sabihin sa Chinese ay enlightened person. Bukod doon ang Xian ay tumutukoy din sa mga Shaman. Ang kwento sa librong ito ay nag-ugat sa pag-ibig ng isang Shaman o Babaylan sa atin� patuloy pa ni lola Aleng at bigla siyang napalingon sa lumang kuwaderno na binigay sa kaniya noon ni Sir Nathan. Ang kuwadernong iyon ay nakasulat sa baybayin at nang matuto siyang magbasa at magsulat sa baybayin nabasa na niya ang nakasulat sa lumang kuwadernong iyon. �Ang sumulat ng kwentong ito ay dalawang tao. Si ( F) ang nag-ayos at nag-publish ng librong ito na binase niya sa kwento ng buhay at pag-ibig ni ( X) na siyang pinakamamahal niya� dagdag pa ni lola Aleng. Napatulala at napanganga na lang sa gulat si Carmela dahil hindi niya akalain na dalawang tao pala ang sumulat ng istoryang iyon. Ang pag-iibigan ng dalawang tao na pilit pinaglalayo ng tadhana. �At gaya nga ng sabi mo ang buong pangalan ng may akda ng kwentong ito ay tumutukoy sa functions ng mathematics. In mathematics, to solve an equation you need to find its solution. Wherein, x = 1� tugon pa ni lola Aleng saka sumulat siya sa likod ng librong iyon at sinagutan niya ito. P 45-6 �f[x(1) � 1] = 0� sagot ni lola Aleng, nanlaki naman ang mga mata ni Carmela at napatitig sa sagot na nakasulat sa papel. �Ang sagot ay 0� muling tugon ni lola Aleng. �Ang sagot sa kwentong ito ay 0, at kahit anong solution ang gamitin, kahit anong paraan ang hanapin ang magiging sagot pa rin hanggang sa huli ay 0. Kung saan kahit anong mangyari patuloy na iikot at iikot lang ang kwento, paulit-ulit lamang ito at walang katapusan� patuloy pa ni lola Aleng. Sa pagkakataong iyon, tila parang sinaksak ang kaniyang puso ng mga salitang iyon. Ang malaman niya na wala nang paraan ang asimptotang pag-iibigan nila ay tila unti- unting sinasaksak at dinudurog nito ang kaniyang puso. Napansin ni Carmela na tila may namumung luha sa mga mata ng matandang babae habang nakatitig ito sa librong iyon. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni lola Aleng, naalala niya bigla ang ikinuwento ni Raenvien sa kaniya kanina na nabigo ito sa pag-ibig at ngayon ay napagtanto niya na ang lalaking tinutukoy nito ay siya pa ring lalaking nilalaman ng puso nito. �Kung ano man po ang sakit at panghihinayang na dala-dala po ninyo sa inyong puso nawa�y pakawalan niyo na po ito. Ang mga bagay at alaala na hindi pinapakawalan ay patuloy lang na makukulong sa puso at katauhan niyo. Hindi po kayo makakausad hangga�t hindi niyo binibitawan ang mga bagay na matagal nang nagpapahirap sa inyo� tugon ni Carmela habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni lola Aleng na pakiramdamniya ay nakilala na niya noon pa man. Sa pagkakataong iyon, nang yakapain niya ang matanda tila muli niyang naramdaman ang pamilyar na presensiya nito. Ilang sandali pa, bumukas na ang pinto sa silid ni lola Aleng, dumating na sina Juanito, Raenvien at Elisa kasama ang isang sakristan sa simbahan ng kanilang bayan. �Isang sulat po mula sa Espanya� tugon ng pari sabay abot kay lola Aleng ng isang puting sobre. Nang makuha niya ang sulat nagpaalamna ang sakristan sinamahan ito ni Elisa upang asikasuhin ang bisita. Tila tumigil ang takbo ng paligid nang mabasa niya ang nakasulat sa likod ng sobreng iyon. Naka-address ang sobre sa simbahan ng kanilang bayan. Natanggal na rin ang seal ng sulat kung kaya�t batid niyang nabuksan na iyon ng kura paroko ng simbahan. �Lola Aleng, uuwi na po kami pero wag po kayo mag-alala babalik po kami sa susunod na linggo dahil madami pa po akong ikwekwento sa inyo� saad ni Carmela, kailangan na nilang umalis ng kaniyang asawa dahil may night shift duty pa ito mamayang gabi sa hospital sa Maynila. Dahan-dahan namang napatingin sa kaniya ang matanda saka ngumiti ito ng marahan. Ang pagngiti niya ay para bang namamaalamna. Hindi naman mapigilan ni Raenvien na punasan ang kaniyang mga luha dahil ipinagtapat na sa kanila ni Juanito kanina na kaunting oras at araw na lang ang nalalabi kay lola Aleng dahil mahinang-mahina na ang tibok ng puso nito. Naglakad na papalabas ng pinto si Carmela at Juanito at sa huling pagkakataon bago nila isara ang pinto napalingon sa kaniya si Carmela. Isang lingon na alamni Aleng na iyon na ang huli nilang pagkikita. �La, magpahinga na po kayo� saad ni Raenvien saka inalalayan ang kaniyang lola na tumayo sa silya ngunit napailing ito. �La, kailangan niyo na pong- � hindi na natapos pa ni Raenvien ang kaniyang sasabihin nang mabasa niya ang nakasulat sa sobre. Napatingin ulit siya sa kaniyang lola na ngayon ay unti-unti nang bumabagsak ang luha sa mga mata nito. P 45-7 We would like to inform you that Reverent Francis Nathan Abrantes passed away this morning at 7:54 am here in Madrid, Spain. This information was addressed to the local and international churches he once served during his youthful years. A mass prayer for him should be held and our prayers may guide his journey to the Almighty God. Nabitiwan niya ang sulat na dahan-dahang bumagsak sa lupa. Sa pagkatataong iyon, tuluyan nang bumuhos ang mga luhang pilit itinago ni Aleeza sa loob ng halos ilang dekada. Mga sakit, paghihirap, panghihinayang at pangungulila sa sinapit ng pag-iibig nila na ilang siglo na nilang pinaglaban ngunit hanggang sa huli ay hindi pa rin sila nagkatuluyan. Agad siyang niyakap ng apo niyang si Raenvien na ngayon ay umiiyak na rin dahil hindi niya kayang makita ang matinding paghihinagpis ng kaniyang pinakamamahal na lola. Nabalot ng mga luha at pagtangis ang buong kwarto ni Aleeza na magpa-hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniya ang lahat ng saya, lungkot at pagdadalamhati na sinapit nila sa kabila nang paghahangad lamang na magkatagpo ang dalawang linya ng kanilang kapalaran. Tila namanhid ang buong katawan ni Aleeza at hindi na rin ngayon maawat ang pagkawala ng mga luha sa kaniyang mga mata habang nagsusumamo siya at paulit-ulit na naghihinagpis at kumakawala sa yakap ng apo. Hindi niya matanggap na sa mga oras na ito, binawian na ng buhay ang taong tanging nilalaman ng puso niya. Bagama�t hindi man niya ito kapiling, masaya at kontento na siya sa mga impormasyong sinasabi sa kaniya ng kapatid niyang si Alex na nasa Espanya rin. Sa nagdaang ilang dekadang lumipas, palaging ibinabalita ni Alex sa kaniya ang kalagayan ni Nathan doon sa Espanya na kung saan aktibo itong naglilingkod sa simbahan at sa mga programa at pagkakawang-gawa na pinapangunahan ng mga charity sa simbahan. Masaya na siya na malaman na maayos na nabubuhay si Nathan sa ibang bansa habang unti-unti nitong tinutupad ang pangako niya sa kaniyang ina at tinatanggap ang kaniyang kapalaran. Kahit pa hindi niya nakakausap si Nathan, masaya na siya na malamang buhay ito at patuloy na nagsusumikap na mabuhay kahit nasa malayo. Ngunit ngayon ang lahat ng iyon ay tuluyan nang nagwakas dahil wala na ang lalaking ilang siglo niyang minahal ng paulit-ulit. Wala na ang lalaking sa piling niya ay naramdaman niya ang totoong kahulugan ng pagibig. Wala na ang lalaking siyang nagmamay-ari ng puso niya ilang taon, dekada at siglo man ang dumaan. Wala na ang lalaking tanging hahanap-hanapin niya upang muling marinig ang mga salitang nagpapagaan sa kalooban niya. At higit sa lahat wala na ang lalaking nagsakripisyo para sa kaniya at para sa kanila huwag lang maulit ang mapait na kapalaran nilang dalawa. Alas sais na ng hapon, sandaling nagpaalamsi Raenvien na kukuha lang ng tubig sa kusina upang mahimasmasan ang kaniyang lola na nabigla sa balitang nakarating sa kanila. Pilit mang pinipigil ni Aleeza ang kaniyang pagluha ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na ito maawat pa. Dahan-dahan na lang siyang napasandal sa kaniyang silya, nanginginig man ang kaniyang kamay pilit niyang hinimas-himas ang kaniyang puso na ngayon ay durog na durog na. Muli niyang pinagmasdan ang tanawin sa labas kung saan tuluyan nang nakalubog ang araw habang ang ulan ay patuloy pa ring bumubuhos mula sa kalangitan. Sa huling pagkakataon, bago niya ipikit ang kaniyang mga mata, bago tumigil ang pagtibok ng puso niya at bago siya malagutan ng hininga. Iisang tao pa rin ang kahulihulihang laman ng isipan niya... P 45-8 Nararamdaman ko na ito na ang huling buhay nating dalawa. Alam ko na hindi na tayo muling magkikta pa, maging sa susunod na buhay ayoko nang umasa pa. Masaya na akong malaman na kahit ilang siglo man ang dumaan, na kahit ilang ulit maulit ang ating nakaraan, pag-ibig mo at pag- ibig ko lang ang tangi nating inaasam. Tama nga sila, sa umpisa pa lang hindi na dapat natin hinangad na muling magkadugtong ang ating kapalaran. Ngunit hindi ko naman masisisi ang sarili kung hanggang ngayon patuloy akong umaasa na baka nga sa buhay na ito matapos ng masaya ang kwento nating dalawa. Ngunit hindi lahat ng istorya ay nagwawakas sa kagustuhan natin. May mga bagay na kahit anong pilit natin hinding-hindi ito mapapasaatin. Gayunpaman, kahit hindi tayo ang para sa isa't-isa masaya na ako na kahit minsan naranasan ko ang ibigin ka. Na kahit hindi kita nakasama at makakasama habambuhay sapat na sa akin na naranasan ko ang pag-ibig mo. Naiintindihan ko na kung bakit hindi lahat ng tao nagkakatuluyan sa ikalawa, ikatlo o ikaapat mang pagkakataon... Dahil hindi talaga sila ang para sa isa't-isa. Iyon ang katotohonan, isang katotohanan na mahirap at masakit mang tanggapin wala tayong magagawa dahil ito ang realidad ng buhay. Hindi lahat ng minahal mo ng totoo ay siyang makakasama mo habang buhay. Hindi lahat ng inakala mo siya na ay siyang makakasama mong maglakad sa altar at siyang makakasama mong tumanda. Ngayon ay malinaw na sa akin na kahit ilang beses maulit ang kwento nating dalawa. Na kahit ilang beses maisulat ang mga salita sa bawat pahina at sa kahit ilang dekada o siglo man ang lumipas ang dalawang linya ng asimptota ay kailanman ay hindi maaaring magdugtong sa isa't-isa. Sabi nga nila, hindi ka makakausad sa paglalakad kung hindi mo bibitawan ang mga bagay na patuloy na pumipigil sayo. Hindi mo matatapos ang librong binabasa mo hangga't hindi mo inililipat ang pahina nito. Hindi mo makakalimutan ang lahat ng sakit kung patuloy kang aasa na baka sa ikalawang pagkakataon ay maging masaya na. Nauunuwaan ko na, na ang tanging paraan upang matapos ang paulit-ulit na pangyayaring ito sa buhay natin ay ang matuto ako at ikaw na tanggapin ang kapalaran natin na kahit anong gawin natin, kahit ilang buhay pa ang dumaan hinding-hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa. Ngayon ay makakaasa ka na sa pagkakataong ito, sa buhay na ito handa na akong tanggapin ang lahat. Hindi ko na panghahawakan pa ang alaala ng ating nakaraan at hindi na ako magbabakasakali pa na baka sa susunod na buhay ay pwede na. Nais kong malaman mo na sapat na sa akin na mahal mo ako at mahal din kita kahit pa hindi tayo ang nakatadhana para sa isa't-isa. Nagpapasalamat ako dahil sa ilang buhay na nagdaan kahit pinaglapit man tayo ngunit hindi itinadhana sinubukan pa rin nating lumaban kahit sa umpisa pa lang ay imposible nang makamit natin ang kaligayahan. Nais kong wakasan na ang paulit-ulit na sakit na nararanasan nating dalawa. At sa pagkakataong ito, kung muli tayong mabubuhay sa susunod na panahon at sa ibang katauhan, hinihiling ko na sa oras na magkasalubong muli ang kapalaran nating dalawa... Ipagpatuloy mo lang ang paglalakad, huwag kang lilingon sa akin, huwag mo akong kakausapin at huwag mo na akong hintayin. P 45-9 Dito ko na tatapusin ang lahat upang mahanap natin ang kapayapaan at kaligayahan sa mga puso natin kailangan nating tanggapin na ang pag-iibigan natin ay parang asimptota. Pilit mang paglapitin ang mga linya... Sa huli hindi pa rin ito magdudugtong upang maging isa. Maraming Salamat sa lahat at paalam na aking sinta... Sa pagpatak ng huling luha mula sa kaniyang mga mata na tumuloy hanggang sa kaniyang labi na ngayon ay nakangiti habang unti-unting bumagsak ang kaniyang katawan at tuluyan na siyang binawian ng buhay. Kasabay ng pagdating ng dapithapon ng kaniyang buhay, sa gitna ng malakas na ulan habang umiihip ang malamig na hangin, naroon ang isang babae na buong pusong tinanggap ang katotohanan na ang kaligayahan at kapayapaan ay hindi lang matatagpuan sa oras na makapiling mo ang taong minamahal mo kundi ang totoong pagkakaroroon ng kapayapaan at kaligayahan sa puso ay ang maging masaya at kontento ka na kahit papaano ay nakapiling mo ang taong tinitibok ng puso mo kahit pa ito ay sa sandaling panahon lamang. (Wakas) ***************************** Featured song: ' Pinilit kong limutin ka' by Nina Note: Panoorin niyo mga anak ang fan made video na ito na likha ni Bb.Cha Dizon ang ganda ? Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Ang tagpuan at panahon sa istoryang ito ay panahon na naka-pokus sa ika-17 na siglo sa Kasaysayan ng Pilipinas na kung saan halos isang daang taon pa lang tayo nasasakop ng mga Kastila. Ang ilan sa mga makasaysayang lugar ay nabanggit din sa istoryang ito upang magbalik tanaw sa mga pook na naging bahagi na ng ating kasaysayan. Muli, ang ilan sa mga kaganapan, pangyayari at trahedya sa kwentong ito ay walang kinalaman at walang katotohanan, hindi ito nasusulat sa kasaysayan ng Pilipinas. Maraming Salamat! This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are eitherthe products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actualevents is purely coincidental. Plagiarismis a crime punished by Law. � All Rights Reserved 2017 Butisila Hanggang sa hulisila parin ang nagkatuluyan. Sanasasusunod na generation yung anak naman o apo nila nialeezaatsir nathan nalang magkatuluyan????ang kaso nagpari nga palasisir HAHAHAHANakakaloka gorang na ko dito ah 86 nako hahahahaha P 45-10 Author's Note 46.1K 2.4K 997 byUndeniablyGorgeous "Once you accept the version of reality you'll be at peace" - OALS "Our Asymptotic Love Story" is a story of history, love, family, friendship, trust and acceptance. Una sa lahat ako'y humihingi ng paumanhin sa inyo mga anak dahil binago ko ang epilogo ng OALS. Gaya nga ng sinabi io sa inyo noon may original ending talaga ang OALS at ito nga iyon. Reasons why I rewrite the ending of #OALS: 1. Mag-iisang buwan na since natapos ko isulat ang OALS pero hanggang ngayon hindi pa rin ako mapanatag. Palagi akong binabagabag ng original ending nito, parang inuusig ako ng konsensiya ko at sinasabing "Hey, you cheated on your own life story" Sa totoo lang kasi mga anak ang OALS talaga ay 40% ng buhay ko kaya siguro apektadong-apektado ako at hindi makontento kung lolokohin ko ang sarili ko na may happy ending nga kami. 2. Hindi ako makapag-focus sa "Sirene" dahil ginugulo ako ng OALS lalo na ang epilogo nito. Alamniyo yung feeling na hindi ka makapagsimula sa bagong story kasi nandoon pa rin yung hindi ka makausad dahil di ka makontento sa sariling ending na ginawa mo sa isang story na tinapos mo na. 3. Recently ulan ng ulan and I can't help myself to think about the real ending of OALS. Yung feeling na hindi talaga ako makapag-focus sa ibang bagay kasi naroon at naroon pa rin yung pakiramdamko na parang may mali. Na parang gusto ko paniwalain yung sarili ko na may happy ending nga (sa amin). Kung napansin niyo mga anak sobrang bilis ng takbo ng story sa naunang epilogo. Inaamin ko na parang pilit lang din yung bigyan sila ng happy ending kahit alamko sa sarili ko na hindi naman talaga iyon ang original. 4. I wish that I could find the peace and happiness in my heart as what the protagonists of the story longed for... Sabi nga sa kwento, hindi lang naman sa happy ending mo mahahanap ang kapayapaan at kaligayahan sa puso mo. Minsan kasi may mga bagay na gusto mong paniwalain ang sarili mo na "Hey, everyone deserves a happy ending" Oo naman lahat tayo ay deserve na maging masaya pero in reality hindi lang puro saya ang buhay. Mas maganda kung bago mo makamit ang kasiyahan dapat may natutunan kang isang bagay at iyon ay ang.... Acceptance. Acceptance is a key mga anak. Acceptance ang sagot sa asimptotang pag-ibig. Ang istoryang ito ay parte ng buhay nating lahat na dapat matutunan nating tanggapin ang lahat para makausad tayo. Parang sa magkarelasyon lang yan, hindi ka makaka-move on sa ex mo kung hindi mo tatanggapin na hanggang doon na lang talaga kayo. Hindi ka makakamove-on sa mga hindi magandang nangyari sa past mo hangga't hindi mo tinatanggap sa sarili mo na "Tapos na iyon". Sabi nga nila, sa buhay palaging may pag-asa pero bago mo sabihin na buong-buo ka na at handa ka ng lumaya sa iyong nakaraan umpisahan mo munang tanggapin na hindi lahat ng bagay ay mangyayari ayon sa kagustuhan mo. Na may mga bagay pang darating in the future na mas better at mas deserve mo. Kaya mga anak nais kong iparating sa inyo sa pamamagitan ng istorya na ito na kalimutan na natin ang lahat P 46-1 ng bagay na nagpapabigat sa damdamin natin. Ika nga nila "Don't hold back" wag tayong maging Sinagtala, Salome, Esmeralda, Aleeza, Franco, Fidel, Rolando at Nathan na hindi nakakausad sa mga buhay nila dahil hindi nila tinatanggap ang kinahinatnan ng kanilang kapalaran. Masakit man tanggapin ang katotohanan pero ito ang dapat. Cherish the memories of the past but don't let your past dictate your future. "If it's meant to be it will be. And if there comes a time that some things are not meant for you, learn to accept it then you'll find peace and happiness in your heart" This is Life. This is Reality. ******************** Maraming Maraming Salamat mga anak isa kayo sa aking inspirasyon upang matapos ko ang istoryang ito. Nais kong ibahagi sa inyo ang mga inspirasyon ko sa pagsulat ng " Our Asymptotic Love Story" or OALS hihi. 1. Because of a dreamagain. Haay nako mga anak sa maniwala kayo o sa hindi isang weird na panaginip na naman ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng idea na isulat ang OALS. Ganito kasi yun nanaginip ako na parang nasa maduming daungan ako. Basta ang dumi ang daming mga kalat tapos may mga tao rin sa paligid kaso sobrang blurred lahat pati yung dagat tsaka langit medyo blurred din. So eto na nga natanaw ko yung isang malaking barko na parang Galleon ship My gaaawd! Feel ko talaga kaya ako nanaginip ng ganoon kasi kakaresearch ko ng History ng Spanish era haha. Tapos ayun nga, nakita ko yung galleon ship as in ang ganda basta ang bilis ng pangyayari tapos may dumaan na grupo ng mga lalaki sa harapan ko and Boom! nakita ko yung isang lalaki na nakapang-pari na outfit. Yung kulay brown na pang prayle. Blurred din yung mukha niya pero alamko nakita niya ko basta ang gulo tapos di ko na matandaan yung mga sumunod na nangyare haha! 2. May crush akong prof. Bwahahaha! Oo tama kayo may crush talaga akong prof dati like Sir Nathan kaso wala na siya sa school petmalu talaga ang lupet ng tadhana haha! 3. History of Rajah, Datu, Babaylan and Maharlikas. Nais kong ipakilala sa inyo ang buhay noong mga panahong may hari at reyna na namumuno sa ating bayan. Kaya mga anak nawa'y huwag din nating kalimutan ang naging kabayanihan nila. 4. Baybayin. Sobrang ganda ng ating sinaunang paraan ng pagsusulat at hinihiling ko mga anak na nawa'y huwag nating hayaang makalimutan ang kultura nating ito. Isapuso at Pag-aralan nating mabuti ang pagsulat ng Baybayin. 5. Canon inD. Totoo mga anak ang canon in D ay narinig ko noong bata pa ako sa isang mall. Tinutugtog siya ng isang guy na hindi ko na rin maalala haha. Tapos nung napanood ko yung "Windstruck" na kdrama nung high school ako doon ko lang nalaman yung title ng musikang iyon. 6. Ulan. Ito talaga ang isa sa may pinakamalaking part ng story. Sa tuwing umuulan hindi ko alamkung bakit ako nalulungkot na ewan tapos palagi ring umuulan kapag wala akong dalang payong #petmalu talaga haha! Malas lang kasi wala namang Sir Nathan na dumadating para magpahiramng payong haha! 7. OALS is unexpected. Sa totoo lang mga anak wala talaga sa plano ang maisulat ko ang OALS at maging prequel ito ng ILYS1892. Sakto rin na sabay-sabay ang schoolworks, thesis, ojt etc. sa buhay ko last sem P 46-2 noong sinusulat ko ang OALS. May times na kahit sa byahe gumagawa ako ng assignment tapos pag-break time sa ojt sinusulat ko ang pov ni Juanito tapos pag-uwi sa bahay mag-rerevise ng thesis tapos kinabukasan papasok pa sa school tapos gabi na makakauwi tapos pag-weekend iuupdate ko ang OALS kaso kailangan ko pa muna mag- research kaya kadalasan hatinggabi ko na napopost ang update ng OALS hahaha kaloka nasunog na talaga kilay ko mga anak pero ayos lang dahil ang goal ko talaga ay matapos ang istoryang ito habang nag- aalab pa ang damdamin ko sa pagsusulat ng pag-iibigan nila Salome at Fidel. 8 . Wala na pong Book 2 ang OALS. Tulad ng ILYS1892 parehong wala na po silang book 2 dahil pinagsama ko na ang Happy ending sa Epilogo ng kwentong ito hehe. Ngunit subalit datapwat bagamat huwag kayong mag-alala mga anak dahil gagawa ako ng panibagong Historical Fiction at may bonus pa tentenenenen... with a touch of FANTASY! Napost ko na ang new story na gagawin ko at ang title nito ay "Sirene" Ang kwentong ito ay magfofocus sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. And wait there's more isa itong mermaid story charot haha! Kaya mga anak ang tanging dasal ko ay ang tumatak sa inyong mga puso at isipan ang ilan sa mga kwento ng ating Kasaysayan na hindi masyadong natatalakay. Nawa'y isapuso ninyo ang kabayanihan ng ating mga ninuno na nakipaglaban sa kalayaan. Maging ang mga kultura at tradisyon natin na unti-unti nang nawawala ngayon dahil sa pag-usad ng modernong panahon. "Tayong mga Kabataan ang pag-asa ng bayan" ika nga ni Senor Jose Rizal, at patunayan natin sa ating mga ninuno na ang kabataan sa panahon ngayon ay papahalagahan at aalalahanin ang kanilang kabayanihan. �Oo nga pala mga anak, #OALS ang official hashtag natin sa "Our Asymptotic Love Story" at ang #1 rule ay BAWAL ANG SPOILERS haha! Parang-awa niyo na mga anak huwag niyong iispoil sa iba ang plot twists ng OALS dahil kapag ginawa niyo iyon kayo rin ang nagiging dahilan kung bakit hindi na nila babasahin at kapag hindi na nila binasa ang istoryang ito hindi na nila matutuklasan pa ang ilang mga aral sa Kasaysayan na nakapaloob dito kung kaya't huwag tayong spoilers mga anak. Kahit sa pagreread (#rr) sa istoryang ito huwag niyong ispoil ang kwento huhu. Muli, Maraming Salamat mga anak mahal ko kayo! and God Bless you all Nagmamahal, Binibining Mia (UndeniablyGorgeous) Nacucurious talagaako salovelife niateauthor hahaha Best Historicalfictions P 46-3 To be Published Soon 9.4K 808 268 byUndeniablyGorgeous Magandang Umaga/Gabi mga anak ?? Ang masasabi ko lang ay... Tayo'y magsimula ng mag-ipon para sa "Our Asymptotic Love Story" #OALS ngunit wag kayo mag-alala mga anak dahil matagal-tagal pa ito baka sa bakasyon pa at asahan niyong hardbound din ang OALS ? Wala munang magsesend ng order sa "Watty online bookshoppe" o sa "Fairy Publishing House" dahil hindi pa po tatanggap ng order. Ang nais ko lang munang ipapaalamsa inyo ay mag-ipon na tayo upang mapaghandaan na natin ang OALS hihi. Maraming Salamat mga anak *Huuugs* Nagmamahal, Binibining Mia (Undeniably Gorgeous) Magkano po pala? Nawala po ba yung fb group? P 47-1