You are on page 1of 8

Kwentong PPangkasarian ambata

angkasarian sa mga Kwentong PPambata


Genaro R. Gojo Cruz
Pamantasang De La Salle-Maynila, Pilipinas

Ang panitikang pambata ang madalas na nakakaligtaang uri ng panitikan. Nakakaligtaan dahil
kakaunting kritiko ang naglaan ng panahon at isip upang suriin ito. Kadalasan ang pagsusuri ay
nagtatapos lamang sa tanong na kung ang kwento ba ay nagbibigay-aral o hindi sa mga bata.
Hindi sapat ang mga pagsusuri ukol sa panitikang pambata upang makita ang kalagayan nito sa
kasalukuyan.

Itinuturing ang panitikang pambata bilang batis ng kaalaman at ng kabutihang-asal. Nagiging


instrumento tuloy ng matatanda o ng lipunan ang panitikang pambata upang hubugin ang bata
ayon sa kanilang pamantayan. Sa bawat kwentong binabasa ng mga bata, wala silang kamalay-
malay na naipapasa na sa kanila ang gender roles na kailangan nilang gampanan. Pumapaloob
sila sa sistemang patriyarkal at sa mga de-kahong representasyon ng pagiging babae at lalaki.

Hanggang kailan iiwasan ng panitikang pambata o ng mga manunulat ang maseselang paksa
tulad ng isyu sa kasarian, ng pagiging gay o lesbian? Ng pagsasama ng dalawang lalaki o
babae? Hanggang kailan bubugbugin ang mga bata ng mga kwentong malayo na sa kanilang
nararanasan? Hanggang kailan ituturing ang panitikang pambata na tagapaghubog sa halip na
tagapagmulat? Sisikapin ng papel na ito na maipakita ang representasyon ng kasarian sa mga
kwentong pambata.

Everything we read constructs us,


makes us who we are, by presenting our image
of ourselves as girls and women, as boys and men.
—Mem Fox, 1993

Sa kasalukuyang panahon, ang panitikang panitikang pambata na maaaring magpakita ng


pambata ang madalas na nakakaligtaang uri ng iniunlad o iniurong nito. Hindi sapat ang mga
panitikan. Nakakaligtaan dahil sa kakaunting pagsusuri at iskolarling babasahin ukol sa
kritiko ang naglaan ng panahon at isip upang suriin panitikang pambata upang makita ang
ang panitikang pambata. May mga iilang kritiko pangkabuuang kalagayan ng panitikang pambata
ang nagsusuri, ngunit ang pagsusuri ay nagtatapos sa kasalukuyan.
lamang sa kung ang kwento ba ay nagbibigay ng Sa mga panggradwadong tesis naman,
aral o hindi sa mga bata. Malaki ang kakulangan kapansin-pansin na hanggang sa sumusunod na
sa mga kritikal na pag-aaral at pagsusuri sa pananaliksik lamang ang naging malasakit ng mga
12 G.R.G. CRUZ

mananaliksik: ang pagpili ng mga kwentong Ngunit tiyak na may mga magulang din na
pambata mula sa mga nagwagi ng Timpalak magrereklamo kung sakaling may ganitong aklat-
Palanca upang ilagay sa kalipunan, pagpili/ pambata na maaaring mahawakan at mabasa ng
pagmumungkahi ng mga panitikang pambata na kanilang mga anak sa aklatan ng paaralan. Wala
naaayon sa antas o baytang ng bata, pagsusuri sa rin sigurong magulang na bibili para sa kanyang
wikang ginamit, at bayograpikal na pagsusuri. anak ng aklat na tumatalakay sa pagmamahalan
Talagang kulang na kulang ang mga pagsusuri ng ng dalawang lalaki o babae, lalong higit sa bansang
panitikang pambata sa kasalukuyan, lalo na ang Pilipinas na pinaghaharian ng sistemang patriyarkal
pagsusuring pangnilalaman ng mga ito, pagsusuri at mahigpit na sumusunod sa mga aral ng
sa paraan ng pagkakabuo ng mga tauhan at kung Katolisismo.
paanong nakaaapekto sa mga bata ang mga
nilikhang tauhan na gumaganap ng mga tiyak na Panitikang Pambata sa Kasalukuyan
tungkulin sa kwento.
Ang panitikang pambata ay hindi lamang Itinuturing bilang batis ng kaalaman o
pambata, dahil bukod sa kakayahan nitong karunungan ang panitikang pambata. Higit sa lahat,
magbigay ng kaalaman at tulungan ang bata na itinuturing itong bukal ng kabutihang-asal at
maintindihan at matutuhang magamit ang wika, wastong pag-uugali. Nagiging instrumento tuloy ng
taglay din nito ang kakayahang mailipat o maipasa matatanda o ng lipunan ang panitikang pambata
ang kultura ng isang lipunan sa mga batang upang hubugin ang bata ayon sa kanilang
binabasahan o nagbabasa. Ang mga tungkuling kagustuhan at pamantayan. Sa bawat kwentong
pangkasarian o gender roles ng mga tao sa lipunan binabasa o ipinababasa sa mga bata, walang
ay mahalagang bahagi ng kultura. Samakatuwid, kamalay-malay ang mga bata na naipapasa na rin
ang paraan ng paglalahad o pagpapakita ng mga sa kanila ang gender roles na kailangan nilang
tungkuling pangkasarian sa kwento ay nakaaapekto gampanan sa lipunan. Pumapaloob na sila sa isang
sa pagbubuo ng imahen ng bata ng kanilang sarili sistemang patriyarkal at sa mga de-kahong
at mga tungkuling pangkasarian, halimbawa bilang representasyon o stereotyping ng pagiging babae
babae o lalaki sa lipunan. at lalaki. Kaya sa halip na ang panitikang pambata
Sa Seattle sa Amerika, isang magulang ang ay magsilbing tagapagpalaya, ito pa ang nagiging
sumulat sa elementary school librarian at hiniling dahilan ng kanilang pagkakalugmok sa pagiging
na tanggalin sa aklatan ang kwentong The Trouble sunud-sunuran, at kawalan ng tiwala sa sariling
With Cats ni Martha Freeman. Ang kwento ay kakayahan at pag-iisip. Dahil dito, paulit-ulit ang
tumalakay sa dalawang nagsasamang lalaki kasama pagkakamali—inuulit lang ng mga bata ang
ang kanilang ampon na batang lalaki. Ayon sa pagkakamali ng kanilang mga magulang o ng mga
magulang, ang kwento ay hindi nababagay sa mga nakatatanda sa kanila— mga bata silang kumikilos
bata dahil sa taglay nitong homosexual agenda. ayon sa kagustuhan ng matatanda. Kakaunti ang
Tinanggal nga sa mga aklatan ang kwentong ito ni mga kwentong naglalantad sa bata sa mahahalagang
Freeman. isyu na maaari nilang kaharapin sa hinaharap, o sa
Sa Pilipinas, wala pang nangyayaring ganito. kanilang pagiging ganap na mamamayan ng bansa.
Wala pang kwento na tinanggal sa aklatan dahil sa Ngunit hanggang kailan pa iiwasan ng panitikang
pagtalakay nito sa maselang isyu, tulad ng pambata o ng mga manunulat ang maseselang
pagsasama ng dalawang lalaki o ng babae, ng ukol paksa tulad ng isyu sa kasarian, halimbawa, ang
sa kasarian, at iba pa. Wala pa kasing kwento ang tungkol sa pagiging gay o bakla, lesbian o tomboy,
naisaaklat o mabibili sa mga bookstore tulad ng ang pagsasama ng dalawang lalaki o ng babae?
kwentong The Trouble With Cats ni Martha Hanggang kailan pa bubugbugin ang mga bata ng
Freeman, na tumatalakay sa paksang lubhang mga babasahing malayung-malayo na sa kanilang
iniiwasan ng panitikang pambata sa Pilipinas. nakikita at nararanasan sa kasalukuyan? Hanggang

TOMO XIX BLG. 3 ABRIL 2007


KWENTONG PANGKASARIAN SA MGA KWENTONG PAMBATA 13

kailan pa ituturing ang panitikang pambata bilang pagpapatuloy lamang sa lumang tradisyon ng mga
tagapaghubog sa halip na tagapagmulat? gawain na ginagampanan ng babae sa loob at labas
ng tahanan na ipinahihiwatig ng paglalaro ni Remigio
Kwentong Pangkasarian sa mga salitang dito at doon. Dito at maging doon,
sa mga Kwentong Pambata sa loob o labas man ng tahanan, iisa ang tungkulin
ng babae, ang gumawa ng mga gawaing bahay,
Taun-taon maraming kwentong pambata ang bukod pa sa pagiging maybahay. Tingnan ang
naisasaaklat. Nangunguna rito ang Adarna House bahaging ito ng kwento:
na kada taon ay hindi pumapalya sa paglalathala ng
mga kwentong isinulat ng mga batikan at maging ng Isang araw dumating si Tita Maring.
mga baguhang manunulat. Ang OMF naman ay kilala Ang sabi niya: “Ano ba naman Milagring!
sa paglalathala ng mga kwentong medikal ni Luis P. Kaskas-kiskis-kuskos ka nang kaskas-
Gatmaitan. Ngunit ang Tahanan Books for Young kiskis-kuskos kaya kumapal at gumaspang
Reader at Lampara Books ay tila nanlamig na sa ang mga palad mo. Parang papel de liha na
paglalathala ng mga aklat-pambata. Ngunit tulad ng pang-isis.
mga nabanggit, ang mga kwentong pambata na Hinay-hinay ka lang at magpalambot ng
nalalathala taun-taon ay hindi nabibigyan ng balat at baka hindi na hawakan ni Turing ang
kaukulang pansin ng mga kritiko upang suriin. kamay mo.” (14)
Mabuti sanang masuri ang mga kwentong
inilalathala taun-taon upang matukoy ang mga Malinaw na bukod sa pagiging ina ng tahanan
pagbabago, ang iniunlad o iniurong ng panitikang- at paggawa ng mga gawaing bahay, isa pang
pambata sa Pilipinas o ang tungkol sa usapin ng tungkulin ng babae sa kwento ay ang magpaganda
gender roles. Paano na tinitingnan o tinatalakay ng (magpalambot ng kamay) dahil kung hindi ay baka
mga manunulat ang gender roles sa lipunan sa mangyaring hindi na hawakan ng kanyang asawa
kasalukuyan? May mga pagtatangka na bang ang kanyang mga kamay, na maaaring
hamunin/ibahin ng manunulat ang mga nakamulatan magpahiwatig ng paghanap ng ibang babae na
o nakagisnang gender roles sa lipunan? O malambot ang kamay. Sa pagtupad ng babae o ng
nagpapatuloy pa rin ang mahabang tradisyon ng ina sa kanyang mga tungkulin sa tahanan, hindi pa
stereotyping ng mga lumang kwentong pambata? rin niya dapat kalimutan ang sarili o ang
Sa pag-aaral na ito, sinuri ang mga kwentong pagpapaganda para sa kanyang asawa. Nakatali
pambatang maaaring nagpapanatili sa mga at walang ibang buhay ang ina sa kwento bukod
nakagawiang paniniwala ukol sa gender roles, ang sa buhay ng pagiging isang ina. Hinangaan ng
mga kwentong may pagtatangkang wakasan ang batang babae sa kwento ang kanyang ina, kaya
mga stereotyping na sanhi ng mga gender role na tiyak na ipagpapatuloy niya ito dahil sa
ito, at ang mga kuwentong kababakasan ng paniniwalang ang magaspang na palad ng kanyang
kakaibang representasyon ng kasarian ng bata o ina ay dapat ipagmalaki.
ng matatandang tauhan. Sa kwentong Uuwi Na Ang Nanay Kong Si
Sa kwentong Papel de Liha ni Ompong Remigio Darna ni Edgar Samar, may pagtatangkang gawing
na nalathala noong 1996, inihalintulad ng batang mas aktibo ang representasyon ng babae. Ang
persona ang palad ng kanyang ina sa papel de liha. babae ang nasa labas at naghahanapbuhay, at ang
Dahil sa sobrang pagtatrabaho ng ina ng bata sa asawang lalaki naman ang nag-aalaga sa kanilang
loob ng kanilang bahay, kumapal at gumaspang ang anak. Ekonomikal ang dahilan ng pagpunta ng
mga palad nito. babae sa Hong Kong ngunit nang tanungin ng bata
Muli, hindi nakaalpas sa tradisyunal na gawain sa kanyang Tatay kung bakit umalis ang kanyang
ng babae ang paglalarawan ni Remigio sa kanyang Nanay, hindi ibinigay ng ama ang tunay na dahilan.
tauhang ina. Malinaw na ang kwento ay Tingnan ang bahaging ito ng kwento:

MALAY
14 G.R.G. CRUZ

“Tatay, bakit po ba umalis si Nanay?” naging sagot ng ama ay isang mahigpit na yakap.
Tinitigan muna ako ni Tatay bago siya Walang malinaw na sagot ang ama na ipinahayag
sumagot. sa kwento. Samakatuwid, nagpatuloy at
“Alam mo anak, kailangan kasi ang tulong magpapatuloy ang ilusyong si Darna nga ang ina ng
ng Nanay mo sa ibang bansa. Aba ang galing bata. Hinding-hindi niya mauunawaan ang tunay na
naman kasi ng Nanay mo.” (5) dahilan ng pag-alis ng kanyang ina papuntang Hong
Kong kahit siya ay bata pa at nangangailangan din
Hindi sinabi ng ama ang tunay na dahilan ng siya ng pag-aaruga ng kanyang ina.
pagtatrabaho ng ina ng bata sa Hong Kong. Sa Halos magkapareho ang kalagayan ng dalawang
halip, sinabi niya ang pangangailangan ng ibang ina sa kwento. Hindi sila nakawala sa mahabang
bansa sa tulong ng ina ng bata. Isang pagtatakip tradisyon ng pagkakahon sa babae bilang tagagawa
ito sa kanyang kawalang kakayahan bilang ama ng mga gawaing bahay, nagkaiba nga lamang sila
na siyang dapat nasa labas at naghahanapbuhay. sa kanilang pinagsisilbihan.
Maganda ang pagtatangka ng kwento na baligtarin Sa kwentong Ang Mahiyaing Manok ni Rebecca
ang gender role ng mag-asawa, ngunit ang hindi T. Anonuevo, inilarawan ang isang bunsong manok
lang katanggap-tanggap ay ang pagtakpan ito sa na si Onyok, na laging nagmumukmok dahil sa hindi
bata at gawin pang tila isang totoong Darna sa isip siya makatilaok. Isang mahalagang tungkulin ng
ng bata ang inang nasa Hong Kong. Sa halip na mga manok ang tumilaok, ngunit dahil sa pagiging
maunawaan ng bata ang tunay na dahilan ng mahiyain o kawalan ng tiwala sa sarili ni Onyok,
pagpunta ng kanyang ina sa Hong Kong, ang tungkuling ito ay hindi niya magampanan. Dahil
pinapaniwala siya sa isang ilusyon. dito, lagi siyang nasa isang sulok at
Tulad ng kwentong Papel de Liha ni Remigio, napagkakamalang nakalulon ng itlog na kailangan
ang kwento ay hindi rin nakawala sa tipikal na niyang iluwa, o isang manok na hindi galing sa itlog.
tungkulin at gawaing ginagampanan ng babae, Ngunit sa kabila ng mga kakulangang ito ni Onyok
nagkaiba nga lamang sa lunan, tahanan sa Papel bilang manok, tanggap at mahal siya ng kanyang
de Liha, Hong Kong naman sa Uuwi na… Tulad butihing ina.
ng mga OFW itinuring hindi lamang bilang isang Ngunit dahil sa mismong si Onyok na rin ang
bayani ang ina sa kwento kundi bilang isang bayani may kagustuhang maging isang ganap na manok,
na may pambihirang kapangyarihan. Ganito sinikap niyang mag-isa na matutunan ang pagtilaok.
inilarawan ang ina sa kwento: Bilang manok, ang pagtilaok ay isang mahalagang
gampanin na kailangang matutunan ni Onyok kahit
“Ang Nanay mo kasi, kayang-kayang bata pa.
talunin ang milyon-milyong mikrobyo sa Bilang isang batang manok, si Onyok ay
bahay. Isang pasada lang niya ng wonder nakapaloob sa isang sistemang kailangan niyang
walis niya Swisss! Patay lahat ng dumi na sundin. Bagama’t mayroon siyang kakulangan sa
nagdadala ng sakit.” pagiging isang manok, bilang bunso at “lalaking
“Kayang-kaya rin pataubin ng Nanay mo manok,” ipinakita sa kwento na kaya itong
ang gabundok mang labahin. Sa maghapon, lampasan o bakahin upang tupdin ang mga
kuskos dito, piga doon. Walang sinabi ang tungkuling itinakda ng lipunan. Bilang isang
mantsa! Lilinis at puputing tiyak ang labada.” pangunahing tauhan sa kwento, si Onyok ay hindi
(6-7) rin tunay na nakalaya sa mga gender role na itinakda
ng lipunan para sa kanya. Paano kung
Sa huli ng kwento, may pagkakataon na sanang pangatawanan ni Añonuevo na hindi na makatilaok
mawakasan ang ilusyong itinamin ng ama sa isip si Onyok? Tanggapin kaya siya ng kanyang
ng kanyang anak na lalaki, ngunit nang itanong ng lipunan? Paano kung matuklasan ni Onyok ang
bata kung si Darna nga ba ang kanyang ina, ang iba niyang kakayahan bukod sa pagtilaok? Hindi

TOMO XIX BLG. 3 ABRIL 2007


KWENTONG PANGKASARIAN SA MGA KWENTONG PAMBATA 15

kaya mas magkaroon siya ng kapangyarihan at laya bumuo ng idolo mula sa mga nakatatandang
bilang isang bata? Ngunit ibang kwento na ito. miyembro ng pamilya, ngunit ang kagustuhang
Marahil, ang talagang layunin lamang ng may-akda makipaglaro sa iisang pinsan sa buong maghapon
ay itanim sa mga bata ang kahalagahan ng ay iba na.
pagtitiwala sa sarili, hindi ang himukin silang Sinimulang hanapin ng bata ang kanyang Kuya
tuklasin ang kanilang ibang kayang gawin. Ganito Emil sa pag-aakalang ito ay nakidnap. Masakit
ang wakas ng kwento: para sa bata ang maraming pagbabagong kanyang
nakita sa kanyang Kuya Emil. Inakala ng bata na
Ngayo’y hindi na mapigilan ang batang pekeng Kuya Emil ang kanyang nakita. Dahil dito,
si Onyok. Minsan ang sabi sa ina at kay sinimulan niyang hanapin ang kanyang Kuya Emil.
Kokok, “Paglaki ko, ako naman ang Maraming ginawa ang bata upang malamang
magtuturo sa mga mahiyaing batang manok totoong Kuya Emil nga ang kanyang Kuya Emil.
kung paano ang pagtilaok .” (23) Inisprey ng bata ang pabango sa mukha ng kanyang
Kuya Emil, ngunit sa halip na mahatsing ito, tulad
Samakatuwid, ang kwento ay pagpapatuloy ng akala ng bata, ay nagustuhan pa nito dahil sa
lamang ng lumang tradisyon ng nakagisnang pag- amoy-pawis at amoy-araw ang kanyang Kuya
uugali at tungkulin. Ito ang sakit na namamayani sa Emil. Alam din ng bata na hindi man lang tumitingin
panitikang pambata sa Pilipinas. sa babae ang kanyang tunay na Kuya Emil. Lagi
Kakaiba naman ang kwentong Nasaan si Kuya ring dala-dala ng bata ang retrato nila ng kanyang
Emil ni Germaine Yia na nailathala noong 2000. Kuya Emil.
Kakaiba ang kwento dahil sa pagsisikap ng Aktibo ang bata sa kwento sapagkat siya mismo
manunulat na mailarawan ang nararamdaman ng ang gumawa ng paraan upang bigyang-solusyon ang
isang batang lalaki na lubhang naninibago sa kanyang problema. Walang ibang nag-isip o
ikinikilos ng kanyang pinsan na Kuya Emil. Sa mga tumulong sa kanya upang gawin ang mga bagay na
simulang pahayag sa kwento, mahihinuhang tila may gusto niyang gawin at patunayan. Binigyan ng
espesyal o natatangi ang pagtingin ng bata sa sariling isip ang bata sa kwento.
kanyang Kuya Emil. Mababakas ang matinding Ngunit isang malaking tanong lamang sa akin
hinanakit o selos sa mga pahayag ng batang lalaki. ang sensibilidad niya bilang isang bata. Natural ba
Suriin ang simula ng kwento: ang kanyang ginawa at nararamdaman bilang isang
bata sa kanyang Kuya Emil? Ganito rin ba ang
Aba, nasaan kaya si Kuya Emil? magiging hakbangin ng ibang bata kung sakaling
Dati, siya lagi ang unang sumasalubong sa kanila mangyari ang pagkawala ng
sa amin. pinakapaboritong pinsan? Natural bang silipin ng
Sabik na sabik na akong makita siya. bata ang kanyang pinsan sa banyo? Siguro’y
Dalawang taon kasi kaming hindi marumi lang ang isip ko o kinargahan ko lang ng
nagbakasyon dito sa bahay nina Kuya Emil ibang kahulugan ang mga pahayag sa kwento.
sa Probinsya. Ngunit naging malinaw sa kwento ang isyu ng
At si Kuya Emil ang pinakapaborito kong sekswalidad ng bata dahil sa ilustrasyon ng kwento.
pinsan. Sa mga inilapat na ilustrasyon, mapapansin ang
Siya lamang ang gusto kong kalaro palagiang pagsisingit ng mga bagay na matutulis o
maghapon. (2) may phallic symbol, tulad ng ruler, antenna ng TV,
suklay, pambomba ng bola, stick ng fishball,
Kakaiba ang bata sa kwento dahil sa torotot, at iba pa. Mapapansin din ang guhit ng
kadalasang mas gusto ng bata ang magkaroon ng pusong nabiyak at ang mga nakapilantik na kamay
mas maraming kalaro dahil sa mas maraming ng mga barkada ng Kuya Emil ng bata sa kwento.
pwedeng laruin kung marami. Natural sa bata ang Hindi maaaring ihiwalay ang ilustrasyon ng kwento

MALAY
16 G.R.G. CRUZ

sa kwento mismo. Integral na bahagi ng kwento kalikasan ni Ruming bilang isang lalaking pusa o
ang ilustrasyon. Sa mga batang hindi pa bilang isang batang pusa. Tumuklas ng mga bagay-
nakababasa, malaki ang ginagampanan ng mga bagay, tuklasin ang mundo sa labas ng bahay. Ang
ilustrasyon. Pinupunan ng ilustrasyon ang mga hindi mga lihim ng gabi ni Ruming ay gabi ng pagiging
nila mabasa/maunawaan sa teksto ng kwento. Ang malaya mula sa kanyang mga amo. Sabi nga ng
mga ilustrasyon ay kwento ring sinusundan ng bata. isang manunulat din ng mga kwentong pambata, si
Isang babae ang sumulat ng kwento, kung kaya Ruming daw ay isang pusang rumarampa kung gabi.
masasabing dalisay ang kanyang layuning ipakita Oo nga ano? Kung susuriin ngang mabuti, ang
lang ang dilemang dinadaanan ng bata kapag Ruming ay pangalang hindi likas na panlalaki. Bakit
nagbabago ang pisikal na anyo, ugali, at iba pa, ng mga lihim sa gabi ni Ruming? Dahil ba ang paglabas
kanilang mga iniidolo. Ngunit dahil nga sa niya sa gabi ay bawal kung kaya kailangang ilihim?
ilustrasyon ng kwento, masasabi kong may sasang- Mayroon bang sinusuway na patakaran si Ruming
ayon sa mga unang pahayag ukol sa posibleng bilang bata o lalaking pusa?
maging kasarian ng bata sa kwento. Pero hindi na Samakatuwid, binuwag ng kwento ang mga
ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay nagkaroon ng nakagawiang representasyon ng lalaki sa mga
kalayaan ang bata sa kwento na ipahayag/ipakita kwentong pambata, na ang lalaki ay laging malakas,
ang kanyang nadarama sa mga pagbabago ng taong nag-iisip, at hindi emosyonal. Sa kwento ni Garlitos,
mahalaga sa kanya. Ipinakita sa kuwento na ang mga katangian ni Ruming ay tila katangiang
sensitibo ang mga bata sa mga pagbabago sa kadalasan taglay ng mga babae, tulad ng pagpunta
kapaligiran. sa hardin, pagtanaw sa mga bituin, magpahangin,
Tulad ng kwentong Ang Mahiyaing Manok ni sumukob sa malalaking puno, umawit sa buwang
Rebecca T. Añonuevo, isang hayop ang bida sa hugis karit, at ang humalik sa kanyang amo bago
kwentong Mga Lihim sa Gabi ni Ruming ni Raymund matulog. Hindi tulad ng ibang kwento na bida ang
Magno Garlitos. Ang kwento ay tungkol sa isang lalaki, ang pusang si Ruming ay nakadarama ng
lalaking pusa na pumupuslit o tumatakas kung gabi. pagod. Ang lalaking tulad ni Ruming ay pwede ring
Sa konteksto ng lipunan o pamilyang Pilipino, maging malambot o magtaglay ng katangian ng isang
ang mga anak na lalaki ay kadalasang pinapayagang babae na hindi nangangahulugang bakla o bading.
lumabas ng bahay. Sa kwento, ang pagtakas ng Binuwag ng kwento ang kategorya ng kasarian,
pusang si Ruming ay nagpapahiwatig na maski ang sapagkat ang lahat naman ay tao muna bago naging
mga bata ay nangangailangan din ng privacy o lalaki o babae, bakla o tomboy. Ipinakita ng kwento
minsang pag-iisa. Ngunit ano nga ba ang ginagawa na ang pagiging taung-tao ang tunay na mahalaga.
ni Ruming kapag siya ay nasa labas ng bahay ng Sa ikalawang kwento ni Garlitos na Chenelyn!
kanyang amo? Suriin ang mga gawain ni Ruming: Chenelyn! ginamit naman niya bilang titulo ang noo’y
sikat na sikat na gay lingo na tienes, na ang kahulugan
Naroon sa tindahan at nakikipagkwentuhan noon ay biro lang, loko lang, o wala lang.
tungkol sa dumaang hapunan. Nagkaroon agad ng register ang titulo ng kwento
O nagpapatintero, taguan, tumbang-preso, sa mga bata, maging sa matatandang mahilig sa
kasama ng mga kalaro. kwentong pambata, kung kaya hanggang ngayon,
Minsan ay nagmimiryenda ng barbekyu sa ang Chenelyn! Chenelyn! ay isa sa pinakamabiling
kalsada kasama ang barkada. mga aklat-pambata ng Adarna House.
Gumagala buong gabi, sinusuyod ang tabi- Matapang ang ginawang ito ni Garlitos na
tabi—sa kalye ay parang hari! (11-17) magamit ang gay lingo na Chenelyn bilang pangalan
ng kanyang pangunahing tauhan. Sa pamamagitan
Lubhang nakapapagod ang gawaing ito ni Ruming nito, hindi na lamang eksklusibong pag-aari ng mga
tuwing gabi, kaya’t pagdating niya sa bahay ng nasa ikatlong kasarian ang salitang ito.
kanyang amo, hapung-hapo siya. Ngunit ito ang Napatunayang maaari ring maging makabuluhan at

TOMO XIX BLG. 3 ABRIL 2007


KWENTONG PANGKASARIAN SA MGA KWENTONG PAMBATA 17

lumikha ng ibang kahulugan tulad ng kabayanihan lamang namamayani sa panitikang-pambata sa


ang salitang dati ay itinuturing na loko lang o wala Pilipinas, ganito rin ang namamayani sa mga
lang. Sa ngayon, kaugnay na ng pangalang kwentong kanluranin. Ganito ang binanggit ni
Chenelyn ang kabayanihan o pagpapakasakit sa Manjari Singh sa kanyang artikulong Gender Issues
kapwa. in Children’s Literature:
Ang kwento ay tungkol sa isang katulong na si
Chenelyn na napagkakamalang may madyik dahil Girls are represented as sweet, naïve,
lahat ng hilingin ng bawat miyembro ng pamilya sa comforming, and dependent, while boys are
kanya, agad niyang nagagawa. Bibigkasin lang nila typically described as strong, adventurous,
ang pangalang Chenelyn!, agad na lalabas ang independent, and capable. (Ernst, 1995;
mainit na kape, plantsadong damit at iba pa. Tila Jett-Simpson& Masland, 1993)
isang madyik ang pangalang Chenelyn sa buong Boys tend to have roles as fighters,
pamilya. Ngunit isang araw, biglang nagbago ang adventurers, and rescuers, while girls in their
lahat, nawala ang madyik ng pangalan ni Chenelyn. passive role tend to be caretakers, mothers,
Nagkasakit si Chenelyn at hindi niya magampanan princesses in need of rescuing, and characters
ang kanyang mga gawain. that support the male figure. (Temple, 1993)
Ang maganda sa kwento, bagamat isang babae
pa rin si Chenelyn na gumagawa ng mga gawaing Tulad ng mga babae, ang mga lalaki ay nanatili
bahay bilang isang katulong, natutunan ng pamilya rin sa mga de-kahong representasyon sa kwento.
na tulungan siya. Ang pagkakasakit ni Chenelyn sa Sa kwentong Mahiyaing Manok, bagamat ipinakita
kwento ay nagpapahiwatig na kailangan niya ng ang kakulangan ni Onyok bilang lalaki na
tulong buhat sa pamilya. Isang pag-amin ito na siya makatilaok, sa huli’y sumunod at pumaloob pa rin
ay napapagod at lubhang nahihirapan sa mga siya sa kinagisnang sistema. Sa kwentong Nasaan
gawaing-bahay na nakaatang sa kanya. Tumulong si Kuya Emil, ang batang lalaki ay naging mas
kay Chenelyn ang pamilyang kanyang aktibo sa paghahanap ng kanyang nawawalang
pinagsisilbihan. Ang katulong ay hindi lamang pinsan. Ang mga pagbabago sa pisikal at pag-uugali
katulong, siya ay katuwang sa mga gawaing-bahay. ni Emil ay nakalikha ng takot at pangamba sa
Siya ay tao ring nakadarama ng pagkapagod. Hindi pinsang umiidolo sa kanya. Emosyonal
rin pinahalagahan sa kwento kung ang mga gawain (nalulungkot, nagseselos, sentimental, at iba pa) ang
ba ay panlalake o pambabae. Sa pamamagitan ng bata sa kwento na bihirang makita sa mga
pagkakasakit ni Chenelyn, natutunan ng buong kwentong namamayani sa kasalukuyan.
pamilya na huwag na lang iasa ang lahat sa Sa kwentong Mga Lihim sa Gabi ni Ruming,
katulong. Ang mga gawaing-bahay ay higit na ang pagtakas ng pusa ay nagsusulong ng ideyang
dumadali kung ang lahat ay magtutulungan. ang lalaki ay mas binibigyang-laya upang lumabas
Binigyang-buhay ng mga sinuring kwento ang ng bahay. Ang pagtuklas ng mundo sa labas ng
iba’t ibang tauhan na gumaganap ng kani-kanilang bahay ay napakagpapatibay at nakadaragdag ng
gender role sa lipunan. Ngunit masasabing pagkalalaki. Ngunit hindi ekonomikal ang dahilan
karamihan sa mga tauhan, lalo na ang mga babae ng paglabas ni Ruming kundi ang bigyang luho at
ay hindi pa rin tahasang nakakawala sa mga laya ang sarili upang gawin niya ang kanyang mga
sinauna, negatibo, at de-kahong representasyon sa gustong gawin.
mga kwento. Tulad ng ipinakita sa mga kuwentong Ginamit naman ang dating usung-usong gay lingo
Papel de Liha at Uuwi na ang Nanay Kong si na tienes bilang pangalan ni Chenelyn na isang
Darna, namamayani pa rin sa mga kwento ang katulong. Sa pamamagitan ng kwento, ang dating
maka-lalaki o patriyarkal na sistema ng lipunan eksklusibong wika na ginagamit ng mga nasa
dahil siguro sa mga lalaki rin ang nagsulat. Ang ikatlong kasarian ay naunawaan at ginamit na rin
ganitong suliranin sa kwentong pambata ay hindi ng mga wala sa ganitong kasarian.

MALAY
18 G.R.G. CRUZ

Samakatuwid, taglay ng panitikang pambata, Nasa mga bata pa rin ang huli nating pag-asa,
partikular ang kwento ang kabisaan upang maimulat upang malikha ang isang lipunang malaya, maunlad
ang mga bata sa tamang pagtingin o pagtanaw sa at, higit sa lahat, pantay na kumikilala sa lahat ng
kasarian at gender roles. Maaaring ituro ng mga tao—anumang kasarian—mamamayang hindi
kwento, nang hindi namamalayan ng mga bata, ang humuhusga sa kanyang kapwa. Dahil ang
patas o pantay na representasyon ng lahat ng tao, katotohanan, tao muna tayong lahat bago nagiging
anuman ang kasarian o katayuan sa buhay. isang babae o lalaki.
Nagsisilbing salamin ng kasalukuyang lipunang
Pilipino ang mga kwentong sinuri, kung kaya
masasabing namamayani pa rin ang mga gender bias MGA SANGGUNIAN
at patriyarkal na sistema. Darating ang panahon na
ang mga batang nakabasa ng mga kwentong ito ay Añonuevo, Rebecca T. Ang Mahiyaing Manok. QC:
magsisilaki at silang magiging mamamayan ng ating Adarna House, 2000.
bansa. Sa kanilang kamalayan, tiyak na mamamayani Diloy, Casamira B. “Pagbuo at Balidasyon ng
pa rin ang mga gender bias at magsisilbing Antolohiya ng mga Maikling Kuwentong
tagapagsulong ng patriyarkal na sistema. Kailangang Pambata.” Diss. Philippine Normal University,
alisin na ang takip sa tenga ng mga bata. Kailangang 2001.
mapakinggan o mabasa na nila ang mga kwentong Garlitos, Rhandee. Chenelyn! Chenelyn!. QC:
nagsasalamin ng kanilang kapaligiran. Mahalagang Adarna House, 2003.
mailagay na sa mga payak na sitwasyon ang mga .Mga Lihim sa Gabi ni Ruming. QC:
pangyayari sa kanilang kapaligiran upang lubos nila Lampara Publishing House, 2001.
itong maiproseso at maunawaan. Sa pamamagitan Remigio, Ompong. Papel de Liha. QC: Adarna
nito, naihahanda ang mga bata sa mga sitwasyon na House, 1996.
maaaring niyang kaharapin sa kinabukasan. Kung Samar, Edgar. Uuwi na ang Nanay Kong si Darna.
mangyayari ito, hindi na maituturing na isang paraan QC: Adarna House, 2002.
ng pagkondisyon ng isipan ng mga bata ang Santiago, Mary Ann A. “Maikling Kuwentong
Pambatang Nagwagi sa Palanca Memorial
kwentong pambata, kung hindi isang hakbang upang
Award.” Diss. Philippine Normal University,
mahikayat silang maging mulat at aktibo.
2000.
Taglay ng kwentong pambata ang kakayahang
Singh, Manjari. Gender Issues in Children’s
maitama o maiwasto ang mga pagkakamali.
Literature. ERIC Clearinghouse on Reading,
Kailangang maisulat at maisalibro ang mga kwentong
English, and Communication Digest # 135, 1998.
magwawasto sa mga de-kahong representasyon ng Indiana University School of Education. 9 March
babae at ng lalaki. Isang cultural artifact ang 2007 (http://www.indiana.edu/~reading/ieo/
panitikang pambata. Taglay nito kultura, wika, digests/d135.html).
pananaw, at paniniwala ng isang lipunan. Kung kaya, Yi, Germaine. Nasaan si Kuya Emil? QC: Adarna
maaari itong magamit upang maipaliwanag ang House, 2000.
lipunan o ang mga kasalukuyang pangyayari.

TOMO XIX BLG. 3 ABRIL 2007

You might also like