You are on page 1of 2

Panlapi

Ang panlapi o morpemang di-malaya ay isang morpema na


ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang salita.

Uri ng panlapi
Ang mga sumusunod ang mga uri ng panlapi na ginagamit
sa wikang Filipino (at Tagalog):

1. Unlapi
Ang unlapi ay kapag inilalagay sa unahan ng salita.Halimbawa:

 Mag-/Ma-
Halimbawa: magbasa, magawit

 Nag-/Na-
Halimbawa: nagtapos, nagsimula, napili

 Pag-/Pa-
Halimbawa: pagasa, paalis

1. Gitlapi
Ang gitlapi ay kapag nakalagay sa loob ng salita.Halimbawa:

 -um-
Halimbawa: sumayaw, lumakad

 -in-
Halimbawa: sinagot, ginawa
1. Hulapi
Ang hulapi ay kapag nakalagay sa hulihan ng salita.Halimbawa:

 -an
Halimbawa: sabihan, sulatan

 -in
Halimbawa: ibigin, gabihin, isipin, tapusin

1. Kabilaan
Ang kabilaan ay kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa
unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita. Halimbawa: mag-
awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan

1. Laguhan
Ang laguhan ay Kapag mayroong panlapi sa unahan,gitna at
hulihan. Halimbawa: pagsumikapan

You might also like