You are on page 1of 1

Gabay sa Pagbuo ng Translator’s Note.

Ang mga sumusunod ang inaasahang lalamanin ng inyong translator’s note.

Panimula/Introduksiyon:
Nagtataglay ng 3-4 na pangungusap tungkol sa ambag ng pagsasalin sa inyong larang/disiplina
(accounting)

Pagtalakay sa teoryang ginamit:


Ipaliwanag ang teorya, bakit sa palagay ninyo ay ito ang angkop na teoryang gamitin sa inyong
paksa?

Pagtalakay sa wikang ginamit:


Ipaliwanag ang antas/uri ng wikang ginamit (halimbawa, akademiko/kolokyal o pangkaraniwang
wika/ balbal).
Bakit ito ang ginamit na antas ng wika?

Pagtalakay sa Naging Paghahanda sa Pagsasalin:


Pag-iisa-isa sa mga hakbang na ginawa bago magsalin.
Gumamit ba ng parallel text? Paano ito nakatulong sa paghahanda sa pagsasalin?
Anu-ano ang inyong isinaalang-alang bilang paghahanda sa pagsasalin?

Pagtalakay sa Aktwal na Pagsasalin:


Ipaliwanag ang mga hakbang na ginawa sa pagsasalin.
Ipaliwanag ang isinagawang pagtutumbas sa mga salita.
Bakit may mga salitang hindi tinumbasan sa Filipino?
Aling bahagi ng teksto ang nagkaroon ng di pagkakasundo sa ginawang pagtutumbas? Paano ito
naresolba?

Pagtalakay sa Ebalwasyon ng Salin:


Ipaliwanag kung paano isinagawa ang ebalwasyon ng salin .
Paano tiniyak ang kalidad ng salin?

Kongklusyon
Sa kabuoan, ano ang naging karanasan ninyo sa isinagawang pagsasalin? Ano ang mga hamon
(difficulty) na kinaharap at paano ito nalampasan? Bilang mga bagong (novice) tagasalin, anu-
ano ang mga aral na napulot ninyo upang maging epektibong tagasalin.
Paano pa mapapaunlad ang pagsasalin sa inyong larang/disiplina?

You might also like