Professional Documents
Culture Documents
DAAN NG KRUS (Station of The Cross)
DAAN NG KRUS (Station of The Cross)
Panginoon sinabi mong ang sino mang magnanais sumunod sa iyo’y itakwil
muna ang sarili, pasanin ang kanyang krus saka sumunod sa iyo. Babakasin namin
ngayon ang tinahak mong landas ng kapaitan sa pagtupad sa Iyong pananagutan
sa inangkin mong sambayanan, kaya’t pag-aaralan naming itakwil ang aming sarili:
UNANG ISTASYON
ANG HULING HAPUNAN
Panalangin (Lahat)
1 Ama Namin…
1 Luwalhati…
IKALAWANG ISTASYON
ANG PAGDURUSA NI HESUS SA HALAMANAN
Panalangin (Lahat)
Mahaba at kakila-kilabot ang gabing iyon, Panginoon. Ni isa sa iyong mga alagad
ay nagkaroon ng lakas na samahana ka sa iyong pagdurusa. Ang tanging lakas mo
ay ang iyong matibay na hangaring tuparin ang kalooban ng Ama, maging anuman
ang halaga.
1 Ama Namin…
1 Luwalhati…
IKATLONG ISTASYON
SI HESUS SA HARAPAN NG SANEDRIN
Pagbasa
Panalangin (Lahat)
1 Luwalhati…
IKA-APAT NA ISTASYON
ANG PAGHAMPAS AT PAGPUPUTONG NG KORONANG TINIK
Pagbasa
Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Hesus na
tinatawag na Kristo?” Suamgot ang lahat, “Ipako sa krus!” “Bakit, anong masama
ang ginawa niya?” tanong ni Pilato. Ngunit lalo pa nilang isinigaw, “Ipako sa krus!”
Panalangin (Lahat)
Natangay sa sulsol ng iyong mga kaaway ang malaking pulutong kaya‟t ninais
nilang ikaw‟y ipapatay, mahal na Hesus. At hindi rin naisip ni Pilato na
mahalagang panindigan ang katarungan at ipagtanggol ang iyong pagiging walang
sala. Kaya‟t nagtagumpay ang mga hibang. Gayundin naman ang mga kawal na
Romano, habang binatbat nila ng sugat ang iyong katawan at pinutungan ang
iyong ulo ng koronang tinik at pag-aalipusta.
Ngunit hindi ka man lamang dumaing. Tiniis mong lahat iyon, tulad ng isang
maamong tupang kakatayin; walang imik tulad ng milyun-milyong mga simpleng
taong pinagsasamantalahan, inaapi ng mga halang ang kalooban, habang marami
sa amin ang nagbubulag-bulagan sa harap ng walang pakundangang
paglapastangan sa katarungan.
1 Ama Namin…
1 Aba, Ginoong Maria…
1 Luwalhati…
IKALIMANG ISTASYON
TINANGGAP NI HESUS ANG KANYANG KRUS
Pagbasa
Minamahal kong Panginoon, ang krus ay siyang parusa para sa mga kriminal at
mga manghihimagsik. Sino ang maniniwala na ipinatong ito sa balikat ng Anak ng
Diyos, ang puno ng lahat ng kabanalan at kabutihan?
Krus namin ang krus na tinanggap mong pasanin — ang krus ng aming mga
kasalanan, ang krus ng aming mga kahinaan, ng aming mga pagkasira ng loob, ng
aming mga pagkabigo at ng aming kasamaan.
1 Ama Namin…
1 Aba, Ginoong Maria…
1 Luwalhati…
IKA-ANIM NA ISTASYON
SI HESUS AY NADAPA SA BIGAT NG KRUS
Pagbasa
Panalangin (Lahat)
Di malayo ang Kalbaryo mula sa pretoryo, iilang daang metro lamang. Ngunit,
natagalan ka, Panginoon, na tahakin ang daang iyon, hirap na hirap at bigung-
bigong umaasang may tutulong. Matagal nang naglaho ang iyong lakas. Lubak-
lubak ang daan. Malupit ang mga tao. Pabigat nang pabigat ang krus hanggang di
mo na ito makayanan, at ikaw‟y nalugmok na sa lupa!
1 Ama Namin…
1 Luwalhati…
IKAPITONG ISTASYON
TINULUNGAN NI SIMON SI HESUS SA PAGPASAN NG KRUS
Pagbasa
Nakasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid, si Simon na taga-Cirene, ama
nina Alejandro at Rufo. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus. (Mc
15:21)
Panalangin (Lahat)
Napadaan lamang si Simon habang pauwi na siya mula sa bukid. Napilitan siyang
mag-iba ng landas isang paglihis na nagbago ng takbo ng kanyang buhay.
Napilitang pasanin ang iyong krus, siya man ay biktima ng pang-aapi at kawalan ng
katarungan. Naranasan niya ang iyong sakit, Panginoon, kung kaya‟t natuklasan
niya ang ibig sabihin ng buhay, kapag nagnanais na tumulong sa kapwa.
Magsugo ka pa ng maraming tulad ni Simon ng Cirene, Panginoon. Padalhan mo
kami ng mga taong may lakas ng loob upang pasanin ang krus ng iba nang may
pakikiisa at pagtitiyaga tulad ng magkakapatid. Gawin mo kaming tulad ni Simon,
Panginoon. Bigyan mo kami ng lakas at kagandahang-loob na magdamayan,
sapagkat ang aming lipunan ay puno ng nagdurusang Kristo na hindi na
makaagapay sa bigat ng kanilang pasang krus na may iba‟t ibang hugis at bigat.
1 Ama Namin…
1 Luwalhati…
IKAWALONG ISTASYON
NASALUBONG NI HESUS ANG KABABAIHAN NG JERUSALEM
Pagbasa
Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang mga babain nananaghoy at
nananambitan dahil sa kanya. Nilingon sila ni Hesus at sinasabi sa kanila, “Mga
kakabaihan ng Jerusalem, hiwag ninyo akong tangisan. Ang tangisan ninyo‟y ang
inyong sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo: darating ang mga araw na
sasabihin nila, „Mapapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi
nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.‟ Sa mga araw na iyo‟y
sasabihin ng mga tao sa mga bundok,
„Gumuho kayo sa amin!‟ at sa mga burol, „Tabunan ninyo kami!‟ Sapagkat kung
ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang gagawin sa tuyo?
(Lu 23: 27-31)
Panalangin (Lahat)
1 Ama Namin…
1 Luwalhati…
IKASIYAM NA ISTASYON
SI HESUS AY IPINAKO SA KRUS
Pagbasa
Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo, ipinako nila sa krus si Hesus.
Ipinako rin ang dalawang salarin, isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa.
sinabi ni Hsus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang
kanilang ginagawa.” At nagsapalaran sila upang malaman kung alin sa kanyang
kasuutan ang mapupunta sa isa‟t isa. Ang mga tao‟y nakatayo roon at nanonood;
nililibak naman siya ng mga pinuno ng bayan. Anila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas
naman niya ngayon ang kanyang sarili, kung siya nga ang Mesiyas, ang hinirang ng
Diyos!” (Lu 23: 33-35)
Panalangin (Lahat)
Panginoon, ang mga kamay mong dati‟y humahaplos sa mga bata, nagbabasbas
sa mga maysakit, at nagpapalayas sa mga demonyo, ngayo‟y nakapako na sa krus.
Ang iyong mga paa na nagdala sa iyo sa maraming bayan upang ihatid ang
Magandang Balita ng Kaharian sa lahat, ngayo‟y di na maaaring makagalaw pa
magpakailanman. Hinahamon ka ng iyong mga kaaway na bumaba sa krus. Subalit
di mo pinansin ang kanilang panunukso. Hindi dahil sa ikaw ay nakapako, kundi
dahil sa pag-ibig mo sa mga makasalanan. Pag-ibig ang naghatid sa iyo roon. Pag-
ibig ang pumipigil sa iyo roon. Panginoong Hesus, pagkalooban mo kami ng biyaya
na makatupad sa maing tungkulin nang buong pagmamahal, kahit na ang mga ito
ay magdulot pa sa amin ng pait tulad ng pagkapako sa krus.
1 Ama Namin…
IKASAMPUNG ISTASYON
ANG NAGTITIKANG MAGNANAKAW
Pagbasa
Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi, “Hindi ba ikaw na
gMesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami!” Ngunit pinagsabihan siya ng
kanyang kasama, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma‟y pinarusahang tulad
niya! Matuwid lamang na tayo‟y parusahan nang ganito dahil sa ating mga
ginawa; ngunit ang taong ito‟y walang ginawang masama.” At sinabi niya, “Hesus,
alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo:
ngayon di‟y isasama kita sa Paraiso.” (Lu 23: 39-43)
1 Ama Namin…
1 Luwalhati…
IKALABING-ISANG ISTASYON
SINA MARIA AT JUAN SA PAANAN NG KRUS
Pagbasa
Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong
si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni
Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang
sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong
ina!” Mula noon, siya‟y pinatira ng alagad na ito sa kanyang buhay. (Jn 19: 25-27)
Panalangin (Lahat)
“Tulad ng isang sibat, ang paghihirap ay tatarak sa iyong puso.” Ito ang hila ng
matandang Simeon. Sa Kalbaryo, naranasan ni Maria ang katuparan ng huland ito.
At muli niyang binigkas sa kanyang puso: “Maganap nawa sa aking ang iyong
salita.”
Walang sinuman sa balat ng lupa ang umibig sa iyo nang higit pa sa iyong Ina,
Panginoon. Gayundin naman, wala kang inibig sa balat ng lupa nang higit pa sa
kanya. Naroroon siya, saksi at kabahagi ng iyong pagdurusang naghatid ng
kaligtasan. Sa paghahabilin mo sa kanya kay Juan, binigyan mo ng katiwasayan
ang mga nalalabi pa niyang araw dito sa lupa; sa paghahabilin mo naman kay Juan
sa kanya, binigyan mo kami ng katiwasayan habang-buhay, sapagkat ibinigay
mosa amin ang lahat, ang iyong ina at amin ding Ina.
1 Ama Namin…
1 Luwalhati…
IKALABING-DALAWANG ISTASYON
SI HESUS AY NAMATAY SA KRUS
Panalangin (Lahat)
1 Ama Namin…
1 Luwalhati…
IKALABING-TATLONG ISTASYON
SI HESUS AY INILIBING
Pagbasa
Panalangin (Lahat)
Binigyan ng kahulugan at pag-asa ng iyong libing ang aming libing. Salamat sa iyo,
naging isang mapayapang pamamahinga ito sa kandungan ng inang lupa, na
naghihintay ng isang masayang paggising sa pagdating ng bukang-liwayway na
muling pagkabuhay na wawasak sa mga tanikala ng kamatayan magpakailanman.
1 Ama Namin…
1 Luwalhati…
IKALABING-APAT NA ISTASYON
ANG MULING PAGKABUHAY NI HESUS
Pagbasa
Ngunit sinabi nito sa mga babae, “Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap
ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, sapagkat siya‟y muling
nabuhay tulad ng kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa
kanya.” (Mt 28: 1-6)
Panalangin (Lahat)
Hesus, hindi maaring mabulok ang iyong banal nabangkay sa libingan. Hindi ka
maaaring pigilan ang higit pa sa kinakailangan sa loob ng iyong libingan. Ngayon,
pinatutunayan ng naigulong na malaking bato na nagpinid sa iyong libingan at ng
pagpapatunay ng anghel na ang iyong muling pagkabuhay ay totoo. Pinagtitibay
rin nila ang katotohanang kami man sa darating na panhon ay babangong muli sa
kamatayan.
Ang iyong muling pagkabuhay, Panginoon, ang ang huwaran ng aming muling
pagkabuhay, maging ngayon pa man. Isang hamon ito para sa aming lahat na
bumangon mula sa kamatayang dulot ng kasalanan para sa pinagpalang buhay.
1 Ama Namin…
1 Luwalhati…
PANALANGIN PARA SA INTENSIYON NG SANTO PAPA
1 Ama Namin…
1 Luwalhati…
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Gabay: Panginoon makita kaya namin ang nais mong makita sa landas na tinahak
Mo nuhat sa tahanan ni Pilato hanggang dito sa iyong libingan?
Makita kaya namin ang aming sarili at ang aming mga kapatid nang Iyong
makatagpo sa gitna ng daan?
Sino nga kaya ang aming hinahanap sa aming paglalakbaysa buhay? Ang amin
kayang sarili – O IKAW?
Igawad mo sa amin ang biyayang matamo ang bunga ng iyong PAGKABUHAY nang
makilala namin at maisabalikat ang aming pananagutan sa isa’t-isa sa buong
sambayanan
Amen