You are on page 1of 3

Phil-IRI Form 1 - Pretest

Pangalan: _________________________________________________
Baitang at Pangkat: _______________________________________
Nagugol na Oras sa Pagbasa: _____________Iskor: ___________
(Reading Time in Seconds) (Score)

Panuto: Basahin nang tahimik ang seleksyon. Matapos


magbasa, isulat ang oras na nagugol sa pagbasa.
Basahin ang mga tanong at bilugan ang titik ng
tamang sagot.

Kokak Palaka

Sa tabing-ilog na mababaw
Maraming itlog na nakalitaw
Makalipas ng ilang araw
Napisa ng sabay-sabay at nangibabaw.

Masayang lumangoy, maliliit na isda


Paglipas ng araw, may nagtaka sa kaiba nilang itsura
Habang lumalaki, lumalabas dalawang paa
“Hindi kayo isda,” bulalas ng iba.

“Kayo ay butete,” ani ng malaking isda.


“Dalawang paa ninyo’y magiging apat na
Buntot ninyo’y mawawala, kayo’y tatalon pa.”
Naunawaan ng mga butete, mangyayari sa kanila.

Unti-unting nawala buntot na mahaba


Tumalon ng paitaas, tumungo sa lupa
Minasdan ang paligid, ngunit may naalala
Bumalik sa tubig, ang sabi nila’y “Kami’y palaka na!”

Gr. II
Bilang ng mga salita: 86

SY 2012-2013
Mga Tanong:

1. Ano ang napisa ng sabay-sabay sa tabing-ilog?


a. uod
b. isda
c. itlog
d. pagong

2. Sino ang nagpaliwanag sa anyo ng palaka?


a. Malaking isda
b. Maliit na isda
c. Matabang isda
d. Malusog na isda

3. Piliin ang daloy ng buhay ng isang palaka?


a. itlog, palaka, butete
b. butete, palaka, itlog
c. itlog, butete, palaka
d. wala sa mga ito

4. Alin sa mga sumusunod ang paksa ng tula?


a. Ang itlog sa ilog
b. Ang malaking isda
c. Dalawang paa ng butete
d. Daloy ng buhay ng palaka

5. Bakit kaya minasdan ng palaka ang paligid sa lupa?


a. Bago sa kanya ang paligid
b. Ayaw niya na sa ilog tumira
c. Walang pumapansin sa kanya
d. Tinatawag siya ng kapwa palaka

6. Paano mo ipapakita ang iyong pagmamahal sa mga hayop


na nakatira sa tubig?
a. Hindi ako pupunta sa ilog
b. Hindi ako magtatapon ng basura
c. Hindi ako mamimingwit ng isda
d. Hindi ako maliligo sa tabing-ilog

SY 2012-2013
7. Mahal din ng mga inang hayop ang kanilang anak.
Inaalagaan nila ang mga ito. Bilang anak, paano mo
mamahalin ang iyong ina?
a. Susuway sa kanyang utos
b. Maglalaro hanggang gusto ko
c. Susunod sa kanyang utos
d. Uuwi ng gabi na

SY 2012-2013

You might also like