You are on page 1of 1

BOLBOK INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

Bolbok, Lipa City

PTA - 10 Wisdom

June ____, 2019

Mga kapwa ko magulang,

Pagbati ng kapayapaan.

Kami pong samahan ng PTA sa Grade 10 Wisdom ay malugod na ipinaaalam sa inyo ang naganap na pagpupulong noong ika-21
ng Hunyo. Nagkaroon po ng isang kasunduan ang mga magulang na tayo po ay magkakaroon ng isang proyekto na wall at
ceiling fan. Para po maisakatuparan ito, tayo po ay magkakaroon ng isang daang piso (P100.00) na kontribusyon. Ang
pagbabayad po nito ay hanggang sa ika-12 ng Hulyo ng taong ito. Ang mga nasabi pong proyekto ay makakatulong ng malaki
sa ating mga anak para sa ikagiginhawa nila sa pagtigil sa loob ng silid aralan at kung sakali pong may lalabis sa ating malilikom
na pondo, ito po ay gagamitin sa pagpapagawa ng locker sa loob ng silid aralan.

Para po sa inyong mga katanungan, maaari niyo pong tawagan ang numero na nasa ibaba.
0909-811-6710 - Gng. Lorna Fausto

Kami po ay umaasa na sana tayo’y magtulungan para sa ikabubuti at ikagiginhawa ng ating mga anak. Maraming salamat po!

Lubos na sumasainyo,

LORNA FAUSTO
Pangulo

You might also like