You are on page 1of 2

ANGE:

Ang mamili ng kasarian ay isang karapatan.


FRIO:
Dahil kung ang tingin mo rito ay isang sala;
Ikaw na ang may kasalanan.
JOT:
Maging sino ka man, ikaw ay malaya.

ORSO:
Ngunit ang lipunan ay natatakot umamin;
Napakahusay silang magpanggap.
Pero sa oras na wala ng nakaaligid at nakatingin,
Ang katotohanan ay hindi nila kayo matatanggap.
Kung kayo ay parte ng bahag-hari,
Magpakonsulta sa simbahan- sa isang pari.

FRIO:
Kahit pa dinidikta ng mundo na ikaw ay isang babae o lalake para sa mata ng nakakarami.
ANGE:
Hindi mo responsibilidad na sundan ito kung hindi kumportable.
HARJOT:
Huwag pigilan ang pagkatao kung lahat ay natatakot walang magbabago.

ORSO:
Ngunit ang kasarian ay sadyang maihahalintulad sa pag-aasawa!
Makuntento ka na rito at huwag ng mangaliwa!
Kapag ito ay iyong ginawa, ang pagsubok sa iba...
Kahit saang anggulo mo ‘to tignan, ikaw ay nagksala.

ANGE:
Ngunit sa bandang huli ay tao parin kami!
ORSO:
Taong binababoy ang sarili’t imahe ng sangkatuhan para sa kanyang sarili?
-Tanggalin ang mask-

FRIO:
Ang pag-ibig ay walang pinipiling tao, ito’y di mapipigilan!
ORSO:
Ikaw ay nabiyayan ng moralidad, wag mong dumihan ang biyaya ng kalangitan!
-Tanggalin ang mask-

HARJOT:
Ito ang tunay naming anyo, wag mo kaming ituring na isang demonyo!
ORSO:
Kung ayaw mong mawala o sa huli ay maiwang duguan,
sumunod na lamang saking payo’t manahimik na lamang.
-Tanggalin ang mask-

ORSO:
O mga binata, umasta kang malakas at makisig!
Ikaw ang may kapangyarihan,
kaya wag magpakita ng kahit katiting na kahinaan!

Para naman sa’king mga binibini, manamit ng maayos at manatiling mahinhin,


Huwag bubukaka, hintaying ikaw ay ibigin!

Ito ang realidad ng ating lipunan,


Kaya wag niyo akong sisihin o pagbintangan,
Dahil sa mundong ito, tayong lahat ay patuloy na magmaang-maangan.

You might also like