You are on page 1of 1

Ang mahiwagang Mansanas ng Matandang babae

Noong unang panahon, may isang matandang babae ng may magandang hacienda ng mga
puno ng mansanas, mangga,coco, at iba pa. Malapit ang matandang babae sa mga magsasaka
naninirahan sa kalapit ng baryo. Madalas na bumibisita ang mga magsasaka at ang kani-
kanilang pamilya sa matandang babae upang magbigay ng palay kapalit ng ilang pirasong
masasarap at namumulang mansanas.

Naniniwala ang mga magsasaka na mayroong angking kapangyarihan ang matandang babae
dahil palaging nagliliwanag ang kapaligiran ay may kasamang magandang babae at duwendeng
tumutulong sa pag aalaga ng mga puno ng mansanas. Sinubukan nilang tanungin ang matanda
ngunit sinabi ng matanda na wala siyang kasama.

Isang araw ay may mag-kapatid na bumisita sa baryo at nakita nila ang malawak na hacienda.
Pumasok sila at pumitas ng mga mansanas sa puno na walang pahintulot. Nakita sila ng
matanda at pinakiusapang umalis ngunit pinagkatuwaan lamang dahil sa pangit nitong
itsura
Dahil sa katigasan ng ulo ng dalawa, ginawa silang magandang ibon. Noon din ay nagbago ang
anyo ng dalawa naging kabayo sila at nakita lamang ng taumbayan na may dalawang
kakaibang kabayo na aalialigid sa hacienda.

You might also like