You are on page 1of 3

IBONG ADARNA (Charity)

Magandang araw sa inyong lahat! Kami ang taga seksiyon Charity at


isasadula naming ang koridong IBONG ADARNA. Ang IBONG ADARNA ay
isang korido na lumaganap sa panahon ng Espanyol. Mababatid ninyo rin
na hindi tukoy ang tunay na manunulat ng akdang ito dahil batay sa
kasasaysayan ng akda, sinasabing maaaringhinango lamang ito sa
kwentong-bayan mula sa ilang bansa sa Europa.
Bago natin simulant ang pagsasadula, ipapakilala ko muna sa inyo ang
ilan sa mga importanteng tauhan ng koridong Ibong Adarna:
 Silverio lll Giles Gabon bilang Haring Fernando.
Si Haring Fernando ay ang butihing hari ng Kahariang Berbanya na
nagkaroon ng malubhang karamdaman.
 Ziane Lorraine Enilo bilang Reyna Valeriana.
Si Reyna Valeriana ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don
Juan, Don Pedro at Don Diego.
 Jassim Penaflor bilang Don Pedro, siya ang panganay na anak
nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang unang umalis
at nakipagsapalaparang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok
Tabor.
 Rogelio Rosales Jr. bilang Don Diego, siya ang ikalawang anak
nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Nang hindi makabalik si
Don Pedro ay siya naman ang sumunod na tumungo sa
kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpagaling sa
kanilang amang may malubhang karamdaman.
 Mart Luiji Flores bilang Don Juan, siya ang bunsong anak nina
Haring Fernando at Reyna Valeriana. Makisig, matapang at may
mabuting kalooban. Siya ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa
Bundok Tabor at nakapagligtas sa kanyang dalawang kapatid.
Ang iba namang tauhan ay sina:
 Jacob Anthony Bacalla bilang Leproso o Matandang Sugatan
 Jhon Mark Abang bilang Higante
 Raizen Raditz Saz bilang Ermitanyo
 Anton Ysmael Cadigal bilang Matandang Uugod- ugod
 Ashley Nicole Esdrelon bilang Donya Juana
 Claire Fatima Gerzon bilang Donya Leonora
 Kim Charmel Barrit bilang Donya Maria Blanca
 Clark Steven Jugan bilang Lobo
 Louisedene Labandero bilang Serpiyente
 John Emmanuel Babida bilang Haring Salermo
At
Aleka Louise Maneja bilang ang IBONG ADARNA.
Narrator: sa Kaharian ng Berbanya nakatira at siyang namamahalang
si Haring Fernando kasama si Reyna Valeriana at ang kanilang
tatlong anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
Narrator: isang araw, nanaginip ng masama ang hari tungkol sa
bunsong anak niyang si Don Juan na siyang nagpa lungkot sa kanya.
Bigla siyang nagising at nakadama ng matinding kalungkutan
sapagkat napaniginipan niyang may dalawang taong mag tatraydor
kay Don Juan ngunit hindi niya alam kung sino ang dalawang taong
ito.
Giles (Haring Fernando): anak ko! Juan! Nasaan kaya ang aking anak
ngayon? Sana ay maayos lang siya.
Narrator: biglang dumating si Don Juan
Mart (Don Juan): ama! Bakit parang ang lungkot ninyo?
Giles: anak, may napaniginipan akong masama. May dalawang taong
mag tatraydor sayo. Gusto kong doblehan mo ang iyong pag iingat
Juan.

Mart: dalawang tao? Mag tatraydor sa akin? Sino naman iyon ama?
Giles: hindi ko kilala ko sino ang dalawang taong iyon ngunit gusto
ko na mag ingat ka. Huwag na huwag agad magtiwala sa mga tao.
Mart: opo ama. Maraming Salamat po ama at sinabi ninyo ito.
Narrator: nagdaan ang ilang araw. Nagkaroon ng malubhang
karamdaman ang Hari ng Berbanya at tanging ang tinig lamang ng
Ibong Adarna at ang ibong ito ay matatagpuan sa Bundok Tabor.

You might also like