You are on page 1of 10

Masusing Banghay Aralin sa Filipino III

I.Layunin

Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng 80% ng


kasanayan na:

1. Nabibigyang kahulugan ang bawat saknong ng tula.


2. Nakapagbabahagi ng sariling saloobin hinggil sa paksa.
3. Nakasusulat ng sariling komposisyon hinggil sa paksang tinatalakay.

II. Paksang Aralin

Paksa: Pag- ibig ( tula) ni Jose Corazon de Jesus


Aklat: PLUMA III
Kagamitan: sipi ng akda, cartolina, envelop, mga puso

III. Pamamaraan

A.Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagtatala ng liban

B. Balik Aral
Gawaing Guro
Klas, Sino ang makapaglalahad ng ating
aralin kahapon?
Ma’am ang ating tinalakay po ay ang nobelang
Titser. Ito po ay tungkol sa isang guro na may
pangalang Amelita.
Magaling! Nasa anong teorya ang
akdang ito?
Ma’am nasa teoryang Humanismo po.
Mahusay! Ano nga ulit ang teoryang
Humanismo?
Ma’am ang teoryang ito ay nakapokus sa damdamin ,
katangian at saloobin ng tauhan sa akda.
Magaling! Ngayon ay nabatid kong
naunawaan ninyo ang ating aralin
kahapon. Ngayon ay dadako na tayo
na tayo sa panibagong aralin .

C. Pagganyak

Klas, meron ako ritong inihandang aktibity .


Ang aktibiting ito ay tatawagin nating
”Buksan mo ang puso ko.”. tatawag ako
ng ilang mag-aaral na pupunta sa harapan
upang buksan ang aking puso para malaman
ang nilalaman nito. Nais ko lamang ay basahin
ito ng malakas .
Naunawaan ba ninyo klas?

Opo.

1
( Pagsasagawa)
Sa panahon ngayon nakakapagpapahayag
na tayo ng mga mensaheng nais ipabatid
sa pamamagitan ng mga pick up lines.
Tama ba klas?
Opo.

Okey! Matapos ninyong buksan at malaman ang


nilalaman ng aking puso . mayroon na ba kayong
ideya tungkol sa aralin ating tatalakayin
ngayong araw na ito?
Ma’am tungkol po sa mga sinasabi
ng isang manliligaw
Okey, Tama! iba pang kasagutan?
Tungkol po sa pag-ibig.

Tumpak! Ang ating tatalakayin ngayon ay


tungkol sa Pag-ibig. Pag-ibig ni Jose Corazon
de Jesus.

Ngunit bago iyan ay ilalahad ko muna ang mga


layunin para sa araw na ito.

( basahin)

Matapos ninyong malaman ang layunin ay dumako


na tayo sa paghawan ng sagabal upang lubos
ninyong maunawaan ang tula.

Paghawan ng Sagabal

Panuto: Pag-aralan ang mga salitang may salungguhit


at lagyan ng puso ang kahon ng salita o pariralang
nagpapakitang kahulugan nito.

1. Tumanda ka na at nagkauban ay hindi mo pa maintindihan.

Naging hukluban
Nagkaroon ng rayuma
Nagkaroon ng puting
buhok
Nagkaroon ng apo
2. Kahit pilitin mong intindihin di mo parin makuro
Maunawaan
Marinig
Makita
Maramdaman

3. Dahil sa sakit, nananaghoy ang pagsuyo


Namimilipit

2
Nagdadalamhati
Naghihiganti
Nagbabadya

4.Ang buhay niya’y payapa at walang agos

Tuyo
Walang sigla
Tahimik
Matinik
5.Kahit anong tapang niya sa buhay, sa labanan ng pag-ibig siya ay umuurong

Natakot
Nabahala
Umangal
Umaatras

(ipapabasa ng sabay sabay ang mga salita at


kahulugan nito.pagkatapos ay ipapagamit sa
sariling pangngusap)
sagot:
1. nagkaroon ng putting
buhok
2. maunawaan
3. nagdadalamhati
4. tuyo
5. umaatras

1.Ang nanay ay nagkauban na


senyales na siya ay tumatanda na.
2.Ugali niya di ko makuro kaya kami
ay di magkasundo.
3. Ako ay kinilabutan ng biglang
makarinig ng nananghoy na tinig.
4.Lahat tayo ay gusto ng lugar na
payapa.
5.Di siya umuurong sa laban ng
buhay.

D. . Pagtakay sa aralin
Batid ko na kayo pa lamang ay nasa 14-15 taong
gulang pa lamang . Ay mayroon na kayong crush
o hinahahangaan . Hindi masama ang magkaroon
ng crush lalo kung ito ay magsisilibing inspirasyon
at hindi makakasira ng inyong kinabukasan.

Meron sa inyo ang nakaranas ng umibig?


(nagtaas ng kamay)

At ibigin?
(nagtaas ng kamay)
Anong damdamin ang nararanasan
kapag ikaw ay umiibig?

3
Masaya po.
Okey, ano pa?
Magkahalong saya at lungkot po.
Okey. Paano mo naman nasabing
magkahalong saya at lungkot?
Masaya po kc tuwing makikita mo
siya sumasaya at gumaganda yung
pakiramdam mo. Malungkot
naman kapag ikaw lamang ang
nagmamahal.
Okey. Malalaman natin ang kaugnayan ng mga
tanong na iyan sa aralin ating tatalakayin natin ngayon .
Ang tulang ating tatalakayin ay may pamagat
na Pag-ibig na isinulat ni Jose Corazon De Jesus

(pagpapakilala sa may akda)

Pakinggan ninyong mabuti at sundan ang binasa


sa ibinigay kong kopya.
“Pag-ibig” ni Jose Corazon de Jesus.

( Pagbabasa ng guro)

Ngayon ay sabay sabay nating


bigkasin ang tulang Pag-ibig.
( Pagbabasa)
Klas , naibigan niyo ba ang tula na ating binasa.?
.
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.
Bawat pangkat ay bibigyan ko ng
tig tatlong saknong upang suriin ayon
sa nilalaman at mensaheng nais ipahiwatig ng tula.

Pangkat 1 ay susuriin ang una hanggang ikatlong saknong


Pangkat II ay susuriin ang ika- 4 hanggang ika-5 saknong.
Pangkat III ay susuriin ang ika-6 hanggang huling saknong.

May isang mag uulat ng ginawa sa harapan.

Narito ang pamantayan ng inyong gagawain

Rubriks:

Dimensyon 5 4 3
Nilalaman Lubhang Naipaliwanag ng Hindi masyadong
naipaliwanag ang bawat saknong ng naipaliwanag ng
bawat saknong ng tula. bawat saknong ng
tula. tula.
Pagkakaisa Bawat miyembro ay Bilang lamang ang Iisa lamang ang
nakikiisa nakikiisa gumagawa..

Pangkat 1

Para sa unang saknong


Ang pag-ibig ay mahirap
maunawaan.
napapaluha tayo ng pag-ibig.

4
may nais pa ba kayong idagdag?

Tama! Ang tinutukoy na maputi ay ang


pag ibig at luha ang kumakatawan sa
mga bagay bagay na mahirap maintindihan
sa pag-ibig.

Kapag sinasabing pag ibig ang papasok


sa isip mo Masaya, at kung anu-anong pang
mga bagay pero bakit kaya kapag nagmamahal
na, bakit lumuluha? Iyon ang hindi natin
maintindihan sa pag-ibig.
Ikalawang saknong
Ang pag-ibig talaga ay di
maintindihan. Hindi malaman
ang gagawin .di alam kung
ano ang tama at mali.

Tingnan mo, hindi makuro.


Hindi natin mahulihuli kung baga
Ganyan ang umibig sukdulang ikaw
mismo hindi mo hindi mo na maintindihan.
Kasi klas may mga bagay na kapag na kapag
nandyan ay ndi natin nakikita ang kahalagahan
nito ngunit kapag ito ay nawala dun mo
palang mapagtatanto ang kahalagahan nito.

Magbahagi nga kayo ng karanasan


na kung kailan ito ay nawala saka
ninyo naisipan ito ay pahalagahan?
Ikatlong saknong

Kapag ikawa ay nagmahal na.handa


mo ng ibigay ang lahat tulad ng
pagmamahal ng ating mga
magulang.

Magaling! Ang pag-ibig na dakila ay


ang pag-ibig n gating mga magulang
kung dati ay aayaw nating humiwalay
sa piling nila ngayon ay mas gusto niyo
ng kasama ang inyong mga kaibigan kesa
sa inyong mga magulang tama ba?
Opo.
Kapag kayo umibig na. gugusto ninyo
palaging Makita at makasama ang
inyong minamahal tama ba.?
Opo
Parang lintik ibig sabihin ay kidlat.
ano ba ang katangian ng kidlat?
Mabilis po.
Tama mabilis.ibig sabihin
ay mabilis maramdaman ang pag-ibig.
Ang halik na ubos tindi,minsan lamang na halikan
At ang ilog kung bumaha tandaan mo’t minsan lamang!

5
Ibig lamang pakasabihin nyan klas
ay minsan lamang natin mararamdaman
ang pag-ibig.

Okey pakinggan naman natin ang ikalawang pangkat.


Pangkat II
Ika-apat na saknong
Kapag duwag ang pag-ibig payapa
Ang iyong isip. Walang dagdag
Problema.ngunit kapag matapang
ang pag-ibig mo magiging mapusok
at handa mo ng ibigay ang lahat.
Magaling! Sinasabing payapa kasi walang
problema . walang intindihin. Kalmante
lang ang iyong buhay wala kang
gaanong iniintindi at iniisip.
Ngunit kapag matapang ang pag-ibig mo
padalos dalos at masyadong nagpadala sa
bugso ng iyong damdamin at nagdala
sa init ng katawan.kaya marami sa mga kabataan
ang nabubuntis at nakakapag asawa ng maaga.

Nangyayari na iyan sa tunay na buhay klas?


Opo

Ikalimang saknongt
Kapag nagsisimula pa lamang
umibig nakikinig pa sa aral ng
magulang. Ngunit kapag nagsimula
ng umibig palaging puso na lamang
ang pinaiiral.
Magaling! Ang pag-ibig na buko= mura
pa lamang sumisibol kumbaga. Tandang
nakikinig pa sa magulang. Nakikita pa
ang ilaw = landas na matuwid. Ngunit
kapag nagmahal na nalilimutan na ang
payo ngkanilang mga magulang.

halimbawa at kung
dati iskul-bahay lang. kapag ikaw ay
nagmamahal na iskul-gala o date muna
bago palang umuwi sa bahay. Tama ba klas?
Opo.

Ika anim saknong


Kapag alam mong ito ay magdudulot
na ng kapahamakan sa iyo masabing
takot pa ang iyong pag-ibig.
Magaling! Kapag ikaw ay umatras sa panganib
Doon masusukat kung maliwanag at buo ang
iyong isip ibig lamang pakasabihin ay kung
talagang nakikinig pa kayo sa aral ng
inyong mga magulang Hindi ba’t may kasabihan
nga na hahamakin ang lahat masunod ka lamang?

6
Okey.
Ika pitong saknong

Sa kabila ng kakulangan ng taong


iyong minamahal. Handa mo siyang
tanggapin sa kabila ng kanyang mga
kakulangan.

Kapag ikaw ay umibig na handa kang


tanggapin kung ano man ang pagkukulang
ng taong iyong minamahal. Hindi totoong
bulag ang pag-ibig nakikita mo iyong ngunit
dahil sa pagmamahal mo sa taong yon hindi
mo alintana kung ano mang pagkukulang meron
siya dahil mahal mo siya.
Sinasabi rin ang pag-ibig ay sakim sapagkat sino
ba naman ang gusto ng may kahati sa pagmamahal?
wala naman db?.

Okey, ikawalong saknong

ikawalong saknong

Takot pa sa kanyang nanay. At hindi


ka pa nito kayang ipaglaban.
Kapag mahal ka na nyang tunay wala
na siyang takot pa.
Magaling! Kapag di lubos ang pagmamahal
Hindi pa siya sumusuway sa kanyang magulang.
Ngunit kapag handa na siyang sumuway at
ipaglaban ang pagmamahal lahat ng pagsubok
ay kanyang kakayanin para sa kanyang minamahal.
Handa siyang mamatay at pumatay alang alang sa
kanyang minamahal.

Klas, meron ba kayong kakilala na namatay at


pumatay dahil sa pag-ibig?

Maari ka mo bang ibahagi ito sa klase?

Okey para sa huling saknong.


Huling saknong.
Tinutukoy po riyan ay ang pagiging
mapusok ng mga kabataan.

Okey!
Ang tinutukoy na paro paro ay kayong
mga kalalakihan. At sa ikawang lumiligid
ibig sabihin ay nanliligaw sa mga kababaibahan.
At kapag nakadama ng pag-ibig handing harapin
ang kahit na ano masunod lamang ang tinitibok
ng kanyang puso.

Palakpakan natin ang bawat pangkat


Kayong lahat ay mahuhusay!

7
NEGATIBO
POSITIBO
nakasisira ng pag
.nagsisilbing aaral.
Gamit ang positive negative chart. inspirasyon.
nabubuntis ng
Ilahad ang mga positibo at negatibong nakapagpapasaya maaga
epektong dulot ng pag-ibig
nakakpagpapagaan .nakakapag asawa ng
ng loob. maaga

F.Paglalapat
1.Anu-ano ang mga bagay na dapat
isalang-alang kapag ikaw ay umibig?
2. Kapag umibig ka, ano ang gagamitin
mo sa pagpapasya?puso o isip?Bakit?

G.Paglalahat

Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat .

Panuto: Punan ang mga nawawalang salita sa ibaba


Upang mabuo ang mensahe.
Huwag ____________ sa _______. Ang
_________at dakilang ________ay
marunong maghintay at__________.

Damdamin magtiis

Tapat pag-ibig

Magpadaya

Huwag magpadaya sa damdamin. Ang


tapat at dakilang ____pag-ibig____ay
marunong maghintay at magtiis.

Sinasabing hindi tayo dapat magpadaya


sa ating damdamin. Dahil kapag puro damdamin
lamang ang ating pinairal ay mabubulagan tayo
sa pag-ibig maaring makagawa tayo ng mga
pagkakamaling maaring paagsisihan natin habang buhay.
Kapag tapat at dakila ang pag-ibig, hindi dadalin
tayo nito sa ipapahamak sa halip ay dadalin ka nito
sa ikabubuti at ikakaganda ng buhay mo. Taandaan klas
na may tamang tamang panahon sa mga bagay bagay
huwag sana kayong magmadali at magpadalos dalos.

IV. Pagtataya
Panuto: Suriin kung anong kaiisipan ang ipinahihiwatig ng bawat saknong o talutod ng tula.

Bilugan ang titik ng tamang sagot

8
a. Bata pa lamang ay pinag-aaralan na ang
1. Isang aklat na maputi ang isinulat luha umibig.
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata b. Mahirap maunawaan ang pag-ibig.
Kinabisa at inisip mula sa ating pagkabata c. Isang aklat na puting-puti ang naglalaman ng
Tumanda ka at nagkauban hindi mo pa naunawa. hiwaga ng pag-ibig

2. Ang pag-ibig na buko na'y nakikinig pa sa aral, a.Ang pag-ibig na nagsisimula pa lamang ay
Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw, madali pang mapagsabihan.
Ngunit kapag nag-aalab pati mundo'y nalilimutan, b.Ang pag-ibig ng kabataan ay medaling mag-
Iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin mo't puso alab at medaling makalimot.
lamang! c.Damdamin at isipan ang pinaiiral ng isang
tunay na umiibig.

3. Kapag ika'y umuurong sa sakuna't sa panganib a.Hindi maaring umibig,ang taong matatakutin.
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong pagiisip; b.Kapag may takot pa sa puso ay di pa ganap
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig ang pag-ibig.
c.Maliwanag ang isip ng taong umiiwas sa
panganib

a.Handang magsakripisyo ang tunay na


4.Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay hindi nagmamahal.
bulag; b.Makulay ang tingin sa paligid ng taong
Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak. nagmamahal.
c.Nakakikita ng maraming bagay kahit bulag man
ang isang umiibig.

a. Ang mga kabataan ay mahirap pagsabihan sa


5 .Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais pag-ibig.
Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid, b. Dapat mag-ingat sa pag-ibig ang mga
kapag kayo’y umibig na, ,hahanapin ang panganib kabataan dahil maari silang magkamali.
at ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig c. Mapusok ang isang kabataang bago pa
lamang umiibig.

V. Kasunduan

Sumulat ng isang komposisyon hinggil sa paksang Pag-ibig. Sundin ang mga sumusunod na
pamantayan

a. Binubuo ng dalawang saknong.


b. May sukat at tugma.
Inihanda ni: Jamaica M. Tolentino

9
10

You might also like