You are on page 1of 24

Department of Education

Region VI – Western Visayas


SDO - Bacolod City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
8
Gabay ng Guro sa Pagtuturo

Topic: Ang Mapanagutang Pamumuno At


Pagiging Tagasunod

Cultural Icon: Bishop Antonio Y. Fortich, D.D.


“Kami Bacolodnon” (Bacolodnon City Hymn)

Writer: Josephine S. Tero

Illustrator: Engr. Victor Thomas D. Ureta, MEnE

Page 1 of 24
Copyright Page

Published by the
LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS)
Department of Education
Region VI – Western Visayas
SDO - Bacolod City
Bacolod City

Copyright 2018

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the
Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein work
is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed by the Curriculum and Instruction Division (CID) of the
Department of Education, Division of Bacolod City. It can be reproduced for educational
purposes only. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement
or a supplementary work are permitted provided all original work is acknowledged and the
copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes
and profit.

Written by: JOSEPHINE S. TERO


Illustrated by: ENGR. VICTOR THOMAS D. URETA, MEnE

Quality Assured by:


DepEd-Bacolod City LRMDS TEAM
CHARITO C. DAJAO, T3, BCNHS
GUALBERTO A. DAJAO, PhD. EPSVR-EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
ELLEN G. DE LA CRUZ, PhD. EPSVR-LRMDS

Recommending Approval:
JANALYN B. NAVARRO, PhD – CID Chief

Approved by:
CYNTHIA G. DEMAVIVAS, CESO V
Schools Division Superintendent

This first digital edition has been produced for print and online distribution within the
Department of Education, Philippines via the Learning Resources (LR) Portal by the Division
of Bacolod City, https://www.depedbacolod.net

Page 2 of 24
WRITTEN PERMISSION

Page 3 of 24
Page 4 of 24
Page 5 of 24
Page 6 of 24
Teacher’s Guide
Page 7 of 24
Grade 8

Kasanayang Pampagkatuto:
 Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod
– (EsP8P-IIg-8.1)
 Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na
nakasama, naobserbahan o napanood – (EsP8P-IIg-8.2)

Paksa: Ang Mapanagutang Pamumuno At Pagiging Tagasunod

Laang Oras: Dalawa (2)

Sanggunian:
 K to 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 8
 Edukasyon sa Pagpapakatao 8 – "Modyul sa Mag-aaral” pp. 195-221
 Edukasyon sa Pagpapakatao 8 – “Teacher’s Guide” pp. 98-128
 www.bantayog.org/fortich-antonio-y/ Fr. Niall O’Brien (Columban
priest)
 Church on a Hill, Synoptic History of the Diocese of Bacolod by
Modesto Palacios Sa-onoy
 Ang Bibliang Sambayang Pilipino, Claretians Publications 2012, ISBN-
10:9715019773

I. Layunin:

A. Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging isang mapanagutang lider at


tagasunod.
B. Natutukoy ang kahalagahan ng mga katangian ng isang
mapanagutang lider at tagasunod.
C. Nakagagawa ng “Plano ng Paglilingkod” (Action Plan) upang
mapaunlad ang kakayahang maging mapanagutang lider at
tagasunod.

II. Mga Kagamitan: (Tingnan sa Apendiks A – D)

A. Sa mga Mag-aaral:
 Gawaing Pagsasanay - Pangkatang Gawain (1-5 groups)
Unang Pangkat - “Convey the Message”
Ikalawang Pangkat - Ano ang Kaibahan?
Ikatlong Pangkat - Kuwento ng Larawan
Ikaapat na Pangkat - “Who am I?”
Ikalimang Pangkat - “Where do I Belong?”
 Gawaing Pagsasanay para sa Aksyon Plan
B. Sa Guro:
 Kraytirya at Rubrik sa Pagtataya ng Awtput
 Larawan at Talambuhay ni Bishop Msgr. Antonio Y. Fortich, D.D.
 “Kami Bacolodnon” (Bacolod City Hymn) *can be downloaded
from the internet

Page 8 of 24
III. Pamamaraan:

A. Paunang Gawain: Panalangin, Pagtatala, Kamustahan (5 minuto)

B. Gawain: (25 minuto)

Pangkatang Gawain – Tingnan ang Apendiks B

 Hatiin ang klase sa limang (5) pangkat. Ang mga miyembro


ng bawat pangkat ay pipili ng kanilang lider, isang tagasulat,
at taga-ulat.

 Ibigay ang gawain at bigyan ng sampung (10) minuto ang


bawat pangkat na matapos nang sabay-sabay ang
itinalagang gawain.

Unang Pangkat: “Convey the Message”


Ikalawang Pangkat: “Ano ang Kaibahan?”
Ikatlong Pangkat: “Kuwento ng Larawan”
Ikaapat na Pangkat: “Who am I?”
Ikalimang Pangkat: “Where do I belong?”

 Pangkatang Pag-uulat (dalawang (2) minuto bawat pangkat)

C. Pagsusuri: (30 minuto)

Pangkatang Talakayan (Tingnan ang Apendiks C)

Panuto:

1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a. Ano-ano ang inyong natutunan sa mga gawain ng iba’t ibang


pangkat?
b. Ano ang kahalagahan ng isang mapanagutang pamumuno at
tagasunod?
c. Paano mapagtagumpayan ng isang mapanagutang
pamumuno at tagasunod ang layunin o tunguhin ng pangkat o
samahan?

2. Iulat ang sagot ng grupo sa buong klase.

Page 9 of 24
D. Pagtalakay: (40 minuto)
Maagang ibigay ang mga panuto sa mga mag-aaral.
Ang mga iba’t ibang talakayan ay gawing pangkatang pag-uulat o
pangkatang presentasyon. Bibigyan ng limang (5) minuto ang bawat
pangkat sa kanilang pag-uulat o presentasyon.

1. Talakayin ang mga sumusunod:

Unang Pangkat
a. Kahalagahan ng Pamumuno at ng lider
b. Mga Katangian ng Mapanagutang Lider (gamitin ang kanilang
mga sagot sa pangkatang gawain)

Ikalawang Pangkat
c. Pamumunong Inspirasyunal, Transpormasyonal, at Adaptibo

Ikatlong Pangkat
d. Mga Prinsipyo ng Pamumuno

Ikaapat na Pangkat
e. Ang Kahalagahan ng Pagiging Tagasunod
f. Mga Tungkulin ng Tagasunod o Follower

Ikalimang Pangkat
g. Mga Paraang Dapat Linangin ng Mapanagutang Lider at
Tagasunod Upang Magtagumpay ang Pangkat

Nota: Sumangguni sa Learner’s Module Grade 8 pp. 209- 219

2. Excerpt ng talambuhay ni Bishop Msgr. Antonio Y. Fortich.


(Tingnan ang Appendix A)

a. Ang mga katangian ni Msgr. Antonio Fortich na masasabi


nating siya ay mapanagutang lider at mabuting tagasunod.
b. Mga nagawa ni Msgr. Antonio Fortich na nagpapakita ng
integridad, malasakit, at paglilingkod sa mga Bacolodnon.

3. Community Singing “Kami Bacolonon” (Bacolod City Hymn) –


Video with Lyrics (can be downloaded from the internet)

Page 10 of 24
E. Pagtataya: (10 minuto)
Pagsubok A.
Panuto: Basahin nang mabuti at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik na katumbas nito.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng


kahalagahan ng pamumuno? (sagot: B)
a. Natutugunan ang mga pangangailangan ng bawat kasapi ng
pangkat
b. Nagkakaroon ng direksyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng
layunin
c. Nakatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng
magagandang proyekto
d. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na
kinabibilangan

2. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng __. (sagot: A)


a. impluwensiya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo
sa pagkamit ng layunin
b. awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit
ang layunin ng pangkat
c. karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang
layunin ng pangkat
d. posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos
ang pinamumunuan

3. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa


pamamagitan ng mga sumusunod, maliban sa ____. (sagot: C)
a. pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat
b. pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang
maimpluwensiyahan ang kapwa
c. pagiging estrikto o pagkakaroon ng kamay na bakal
d. pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa
iba

Pagsubok B.
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa isa o dalawang (1-2)
pangungusap lamang.
 Bilang Obispo ng Bacolod, paano ipinakita ni Msgr.
Antonio Y. Fortich ang pagiging mapanagutang lider?
(2 pts.)
Siya ay may malasakit at pagmamahal sa mga mahihirap
at itinataguyod ang karapatan at katarungan ng bawat
isa. Siya ay naging inspirasyon dahil sa kanyang
paglilingkod na walang hinihintay na kapalit.

Page 11 of 24
 Bilang anak ng Bacolod, paano mo ipagpatuloy ang
kanyang sinimulan na magpapaunlad sa ating lungsod.
(2 pts.)
Ako ay magpakita ng malasakit sa aking kapwa at
magsilbing inspirasyon sa mga kapwa kong kabataan.
Ako ay sasali at makibahagi sa mga organisasyon na
nagtataguyod ng karapatan ng tao.

Pagsubok C.
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga salita ni Hesukristo sa
Ebanghelyo ni Mateo 23:11 at ipaliwanag. (3 pts.)

“Datapuwa’t ang pinakadakila sa inyo ay magiging


lingkod ninyo.”

Ang isang mapanagutang lider ay isang naglilingkod nang taos-puso,


nagbibigay ng inspirasyon at direksyon sa tamang patutunguhan,
nakikinig at nakipag-uugnayan nang maayos sa iba at mabuting
tagasunod.

F. Paglalapat: (20 minuto)


Pangkatang Gawain
Panuto:
1. Magbuo ng isang pangkat na may 3 hanggang 5 kasapi. Isulat
ang pangunahing tungkulin ng bawat isa. Magplano ng isang
gawain na tutugon sa pangangailangan ng mga kamag-aral.
2. Ang bawat pangkat ay gagawa ng kanilang “Plano ng
Paglilingkod” sa loob ng Paaralan o silid-aralan upang mapaunlad
ang kanilang kakayahang maging mapanagutang lider at
tagasunod.
3. Gamitin ang Worksheet na pinamagatang “Plano ng Paglilingkod”
(Aksyon Plan) bilang gabay sa paggawa ng isang malinaw at
makatotohanang plano sa pagiging lider at pagiging tagasunod.
(Apendiks D)
4. Ipabasa ang plano at palagdaan sa magulang, gurong tagapayo
at humingi ng pahintulot at pagpapatibay sa iyong guro sa EsP.
5. Bigyang katuparan ang plano, ilapat ang hakbang na inyong
itinala.
6. Idokumento ang iyong gawain at magkaroon ng mga larawan na
magpapatunay na naisakatuparan ang plano.
7. Sumangguni sa guro kung may nararanasang balakid sa
pagtupad ng proyekto.

Nota: Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang


maisakatuparan ang gawaing ito sa loob ng ikalawang
markahan hanggang sa ikatlong markahan.

Page 12 of 24
Gawing patnubay ang nasa ibaba upang maisakatuparan ang
plano.

A. Mga mungkahing proyekto:


 “peer-tutoring”
 “clean-up drive”, tree planting: “Tagapagtaguyod ng Kalikasan”
 “Tagapagtaguyod ng mga programang laban sa “Bullying”
 Tagapagtaguyod laban sa “Droga”
B. Tao o lugar na nais Paglingkuran
 Paaralan
 Kapwa mag-aaral na nangangailangan ng tulong sa kanyang
pag-aaral
 Kapwa mag-aaral na biktima ng “Bullying”
C. Layunin/ Paraan ng Paglilingkod
 Makatulong sa kapwa mag-aaral sa kanilang suliranin sa
asignatura.
 Makatulong sa kapwa mag-aaral sa kanilang suliranin sa
“Bullying” at Droga
 Makaiwas ng mga sakit kagaya ng dengue at iba pa sa
pamamagitan ng paglilinis at panatilihin ang kalinisan ng
kapaligiran.
 Makaiwas ng baha sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga
puno sa paaralan at panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran
 Magbigay ng boluntaryong serbisyo sa kapwa mag-aaral at
paaralan
D. Mga Kakailanganin
 Flyers at pandikit
 Walis tingting
 Sako/ black bags
 Basurahan
 Seedlings
E. Inaasahang Bunga
 malinis ang paaralan
 mabigyan ng kamalayan ang mga mag-aaral ng masamang
epekto ng droga at ang “bullying”
 mabawasan na ang mga biktima ng “bullying” at gumagamit ng
droga
 maibsan ang epekto ng baha sa paaralan
F. Mga Taong Makakatulong sa Pagkamit ng Layunin
 guro
 magulang
 kapwa mag-aaral
 SSG (Supreme Student Government)
 LGU (Local Government Unit)
 NGO (Non-governmental Organization)
G. Inaasahang Panahon ng Pagsasakatuparan
 Pagkatapos ng Ikatlong Markahan

Page 13 of 24
Kraytirya at Rubrik ng Pagtataya ng Awtput:

Kategorya 3 2 1
(Kumpleto) (Kalahati) (Konti)
Malinaw at Lahat ng mga Halos lahat ng Kulang ang
makakatotohanan elemento o sangkap mga elemento o mga ibinigay
ang sa paggawa ng plano sangkap sa na mga
pagkakagawa ng ay malinaw at paggawa ng elemento o
plano makakatotohanan plano ay malinaw sangkap sa
at ginawang
makakatotohanan plano

Naisagawa ang 100% ay naisagawa Kulang sa Walang


gawain ayon sa ng maayos ang preparasyon ang preparasyon
plano gawain ayon sa plano pagsagawa ng ang
kanilang gawain pagsagawa ng
kanilang
gawain
May mga patunay 100% na kumpleto Marami ngunit Iilang
ng pagsasagawa ang mga dokumento hindi kumpleto dokumento
na ipinakita bilang ang mga lang ang
patunay sa kanilang dokumento na naipakita
gawain ipinakita
May kalakip na Ang pagninilay ay Ang pagninilay ay Ang pagninilay
pagninilay tungkol nagpapakita ng nagpapakita ng ay hindi
sa iyong kanilang hindi sapat na nagpapakita
karanasan at pagpapaunlad ng karanasan at ng anumang
epekto ng gawain sarili, sa epekto sa relasyon sa
mapanagutang kanilang gawain kanilang
pakikipag- ugnayan sa gawain
kapwa at pagkaroon
ng makabuluhang
buhay sa lipunan

Page 14 of 24
Apendiks A

BIOGRAPHY OF BISHOP ANTONIO Y. FORTICH

The late Antonio Y. Fortich was one of the Catholic bishops who opposed martial
law, convinced that it was devastating to the structure of social and human life in the
Philippines.

Fortich served in the 1960s in the troubled diocese of Bacolod in Negros Occidental.
The province was known for its vast sugarcane haciendas, a system of
landownership that ensured great wealth for the few landowners (hacenderos) and
extreme poverty to the sugarcane workers (sakadas). Thus the diocese was a direct
witness to the direst situations of poverty, hunger, ignorance, and social tension and
unrest.

As soon as he became bishop in 1967, Fortich started several wide-ranging reforms.


One of his first acts as bishop was to call his official residence in Bacolod City (the
Bishop’s Palace) as “the house of the people” to stress that he was taking the
people’s problem seriously. He introduced radically new policies, including the
immediate implementation of land reform on church properties in the diocese. He
pushed for the establishment of pro-poor programs, including a social action center
and legal aid for the poor in the diocese. He allowed and even encouraged his priests
to get involve in initiatives for sugarcane workers, including the organization of the
National Federation of Sugarcane Workers and the Dacongcogon Sugar, Rice and
Corn Cooperative.

Fortich even convinced several hacienderos and businessmen to support his


advocacy. He infected them with his enthusiasm, and encouraged them to get
involve in his social action projects.

He was the elder statesman of the Bishops of the Philippines, revered by all for his
wisdom. What really has made him loved especially in Bacolod was his enduring
personal relationships with so many people for whom he always had time. His door
was always open and hundreds of people will tell you a story of how he fixed up their
marriage, or helped them with problems with their children, or even with other
complicated family problems and always with that lovely smile…

The military suspected the bishop of supporting the communists. But Fortich knew
where he stood. “I have no problem with a world in which there are rich and poor.
You have an automobile, and I have a bicycle, so what? But I cannot accept that
some people have to live by scavenging for food in the garbage cans of others.”

The bishop liked to say, “there can be no peace if there is no justice.”

Fortich is a 1973 recipient of the Ramon Magsaysay Award for public service, and a
nominee of the Nobel Peace Prize.

Resource: www.bantayog.org/fortich-antonio-y/ Fr. Niall O’Brien (Columban


priest)

Page 15 of 24
Bishop Fortich came at the time when the world was experiencing widespread
protests against the existing social, economic, religious, educational, moral and
political situation.

While Bishop Fortich gave vent to the modernization inside the diocese, he focused
more on social and economic conditions of the masses of the people. Nowhere in the
Philippines was the gap between the rich and poor as glaring and scandalous as in
Negros. The bishop described the situation as a “social volcano” and the nation is
sitting right on top of it. The clergy and religious of the diocese supported the thrust
laid down by the bishop in a new pastoral program – the social and economic
amelioration of the masses.

He convoked a Pastoral Congress in 1968 and with the strong support of his clergy
he confronted the exploitation of labor and worked for the cause of justice and peace.
His pastoral letter relating the “social volcano” in Negros and his call for radical
change to remove the causes of worker exploitation and injustice, particularly of the
sacadas or seasonal migrant sugar farm workers, caused many of the wealthy who
supported his elevation to the episcopate to lambaste him and withdraw their support
for the diocese and the parishes. He summarized his thrust as “preferential option for
the poor” in line with the Papal Encyclical on the “Development of People.

What the diocese lost, however, was more than regained by the support of the
masses for the Church. Mass attendance grew as he mobilized the masses for faith
renewal in the Cursillo-type Sa Maria Movement and the grassroots organization of
the Basic Christian Communities in the hinterlands and squatter areas. The BCC or
Kristianong Katilingban was the training center for the poor and the marginalized in
their faith and developing and protecting human dignity. The poor were finally
welcomed into the Bishop’s Palace that was renamed Bishop’s House and the
masses looked to the Church as their champion against oppression and injustice.

The Diocese protected and sheltered the victims of land grabbing by powerful
political groups north to south of the island and established the Social Action Center
to help the exploited workers, including providing legal assistance. He carved out of
the hinterlands of Kabankalan new lands and there established the Dacongcogon
Sugar and Rice mill in 1968, a cooperative of poor farmers, as concrete
manifestation of the Church’s concern and to show that he was not merely preaching
but providing a pulsating example. Part of this mass mobilization was the Visayan
Educational Radio and Television Association he founded in 1968 to manage the
diocesan media of social communication – Channel 10 television and DYAF radio
station.

His numerous works received notice from the Vatican that on February 21, 1981,
Pope John Paul II came to Bacolod in clear support of the bishop’s work for justice,
peace and development.

Resource: Church on a Hill, Synoptic History of the Diocese of Bacolod by Modesto


Palacios Sa-onoy

Page 16 of 24
Gabay ng Guro
Grade 8
Ang Mapanagutang Pamumuno At Pagiging Tagasunod
Pangkatang Gawain

Apendiks B-1

Unang Pangkat - “Convey the Message”

Panuto:
1. Basahin at ipaliwanag ang kasabihan.

“Ang pinakamahusay na mga lider ay ang mga taong naging


matapat na tagasunod.”
Alexander Aslam

2. Isulat ang mga sagot sa ibaba at iulat sa buong klase.

Posibleng Sagot:

Ang pinakamahusay na lider ay isang pinakamahusay na

tagasunod dahil marunong makinig at sumunod sa mga

tuntunin upang matupad ang layunin ng samahan.

Page 17 of 24
Apendiks B-2

Ikalawang Pangkat: “Ano ang Kaibahan?”

Panuto:
1. Piliin sa ibaba ang mga halimbawang katangian ng isang mabuting
lider at ang mga kabaliktaran nito at isulat sa loob ng kahon sa tamang
hanay. Ang kaliwang hanay ay ang mga halimbawang katangian ng
isang mabuting lider at ang mga kabaliktaran nito ay sa loob ng kahon
sa kanang hanay.
2. Maaaring magbigay ng iba pang mga halimbawa sa mga bakanteng
kahon.
3. Isulat ang mga sagot sa ibaba at iulat sa buong klase.

naglilingkod may integridad nagbibigay lang ng utos

iniisip ang sariling kapakanan mapagmalasakit

ibinibigay ang sisi sa ibang tao nagbibigay inspirasyon

kinatakutan ng lahat mabuting tagasunod mapanagutan

Sagot:

Katangian ng Mabuting Lider Kabaliktaran na Katangian

mapagmalasakit kinakatakutan ng lahat

iniisip ang sariling


mapanagutan
kapakanan

nagbibigay lang ng utos


naglilingkod

mabuting tagasunod ibinibigay ang sisi sa


ibang tao

may integridad

nagbibigay inspirasyon

Page 18 of 24
Apendiks B-3

Ikatlong Pangkat – Kuwento ng Larawan

Panuto:
1. Ano ang kuwento ng larawan? Sa dalawang larawan, sino sa kanila
ang boss at ang leader. Ipaliwanag.

1 BOSS O LEADER?

LEADER O BOSS?

2. Isulat ang mga sagot sa ibaba at iulat sa buong klase.

Posibleng Sagot:

Ang unang larawan ay nagpapakita na nagbibigay


lang ng utos at hindi nakikibahagi sa mga gawain
upang matupad ang kanilang misyon o tunguhin
at pinagsisilbihan lang habang ang ikalawang
larawan ay nagpapakita na ang tunay na lider ay
nangunguna, nakikibahagi, tumutulong at
naninilbihan upang matupad ang kanilang misyon
o tunguhin bilang samahan.

Ang unang larawan ay nagpapakita na siya ay


hindi lider kundi bos ngunit ang ikalawang
larawan ay nagpapakita ng isang mabuti at
mapanagutan na lider na naglilingkod, nagbibigay
ng inspirasyon at mabuting tagasunod.

Page 19 of 24
Apendiks B-4

Ikaapat na Pangkat: “Who am I?”


Panuto:
1. Kumpletuhin ang talahanayan sa pamamagitan ng pagsulat ng mga
katangian at tungkulin ng isang tagasunod at ang mga salungat na
mga katangian. Piliin sa mga ibinibigay na makikita sa ibaba.

2. Isulat ang mga sagot sa ibaba at iulat sa buong klase.

pagtutupad sa
Kinikilala ang inaatang na
awtoridad ng lider tungkulin at pagiging
maaasahan

pagkakaroon ng gumagawa ng
komitment/ aktibo aksyon upang
sa pakikilahok matupad ang
sariling plano

Tumutulong upang
makinabang para
sa sariling palaging umaangal
kapakanan

Tumutulong sa
pagsakatuparan Palaging inaasa
ng mga gawain ng ang kanyang
pangkat tungkulin sa iba

Mga Sagot:
Mga Katangian at Mga Kasalungat na
Tungkulin ng Isang Katangian at Tungkulin ng
Tagasunod Isang Tagasunod

Kinikilala ang awtoridad ng Gumagawa ng aksyon upang


lider matupad ang sariling plano

Pagkakaroon ng Komitment/ Tumutulong upang


aktibo sa pakikilahok makinabang para sa sariling
kapakanan

Pagtutupad sa inaatang na Palaging inaasa ang kanyang


tungkulin at pagiging tungkulin sa iba
maaasahan
Tumutulong sa Palaging umaangal
pagsakatuparan ng mga
gawain ng pangkat

Page 20 of 24
Apendiks B-4

Ikalimang Pangkat: “Where do I belong?”

Panuto:
1. Basahin at pagnilayan ang talambuhay ni Bishop Antonio Y. Fortich,
D.D. (Appendix A)
2. Itala ang kanyang mga katangian bilang isang mapanagutang lider sa
talahanayan. Ipaliwanag.
3. Magtala ng mga hindi kanais-nais na katangian na makikita mo sa
ating mga kasalukuyang lider.
4. Maaaring magbigay ng karagdagang sagot sa talahanayan.
5. Isulat ang mga sagot sa ibaba at iulat sa buong klase.

Posibleng Sagot:

Mga Katangian ni Bishop Mga Hindi Kanais-nais na


Antonio Y. Fortich, D.D. Bilang Katangian ng mga
Mapanagutang Lider Kasalukuyang Lider

o Naninindigan sa pagtutol sa o Kalupitan


“Martial Law”
o Pagpapatupad ng “Land o Pambabastos
Reform” ng mga lupain na
pag-aari ng Simbahan
o May pagmamalasakit sa mga o Pabago-bago ang mga
mahihirap. Tinawag niya ang desisyon
“Bishop’s Palace” “House of
the People”
o Siya ay naging inspirasyon ng o Pangurakot sa Kaban ng
mga Bacolodnon dahil sa Bayan
kanyang integridad at
malasakit sa mga mahihirap
o Naglilingkod sa lahat ng tao o Pandaraya sa Eleksyon
mahirap man o mayaman
dahil bukas sa lahat ng tao
ang “Bishop’s House”
o May integridad bilang lider. o Mapaglapastangan sa
Nabigyan ng parangal noong karapatan ng tao
1973 ng “Ramon Magsaysay
Award” at naging “nominee”
ng “Nobel Peace Prize.”
o o

o o

Page 21 of 24
Apendiks C
Pangkatang Talakayan
Panuto:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Ano-ano ang inyong natutunan sa mga gawain ng iba’t ibang pangkat?
b. Ano ang kahalagahan ng isang mapanagutang pamumuno at tagasunod?
c. Paano mapagtagumpayan ng isang mapanagutang pamumuno at tagasunod
ang layunin o tunguhin ng pangkat o samahan?

Iulat ang sagot ng grupo sa buong klase.

Mga Posibleng Sagot:

Ano-ano ang inyong natutunan sa


mga gawain ng iba’t ibang pangkat?

 Ang pinakamahusay na mga


lider ay ang mga taong naging
matapat na tagasunod na
marunong makinig at sumunod
sa mga tuntunin upang
matupad ang layunin ng
samahan.
 Ang mga iba’t ibang positibong
katangian at ang mga
negatibong katangian ng mga
lider. Ano ang kahalagahan ng isang
 Ang mga katangian at tungkulin mapanagutang pamumuno at
ng mabuting tagasunod tagasunod?
Ang kahalagahan ng isang
mapanagutang pamumuno ay
nagbibigay ng direksyon,
nagbibigay ng inspirasyon at
impluwensiya na magpapakilos sa
mga tagasunod tungo sa pagkamit
ng layunin ng pangkat o samahan.
Paano mapagtagumpayan ng
isang mapanagutang
pamumuno at tagasunod ang
layunin ng pangkat o samahan?
Mapagtagumpayan ng isang
mapanagutang pamumuno at
tagasunod ang layunin o tunguhin
ng pangkat o samahan kung
kumilos sila ng sabay, gawin ang
kanilang mga tungkulin at
itataguyod na makamit ang layunin
ng pangkat o samahan.

Page 22 of 24
Apendiks D

Grade & Section: __________________

AKSYON PLAN
(Pangkatang Gawain)

Ang Mapanagutang Pamumuno at


Pagiging Tagasunod

PLANO NG
PAGLILINGKOD
Panuto: Gumawa ng
“Plano ng Paglilingkod” sa
loob ng paaralan o silid-
aralan upang mapaunlad
ang inyong kakayahang
Pangalan ng Lider at Pamagat ng Proyekto
maging mapanagutang
Kasapi sa Pangkat
lider at tagasunod.
Gamitin ang pormat sa
ibaba.

Tao o lugar na nais Layunin/ Paraan


Paglingkuran ng Paglilingkod

Mga Kakailanganin Inaasahang Bunga

Mga Taong Makatutulong sa Inaasahang Panahon ng


Pagkamit ng Layunin Pagsasakatuparan

Lagda ng Magulang Lagda ng Guro Page 23 of 24


______________________________________________________________

ACKNOWLEDGMENT

Special thanks to the following:


 His Excellency Most Reverend Patricio A. Buzon, SDB, D.D. for the
permission given in using the Church on a Hill, Synoptic History of the
Diocese of Bacolod by Modesto Palacios Sa-onoy.

 Office of the Mayor-Mayor Evelio “Bing” R. Leonardia for giving the


permission to use the “Kami Bacolodnon” (Bacolod City Hymn) in this
lesson exemplar.

 May V. Rodriguez, Executive Director, Bantayog Foundation for granting


the use of the biography of the late Msgr. Antonio Y. Fortich, D.D. written
by Fr. Niall O’Brien (Columban priest)

 Robert U. Laurio, Production Manager, Claretian Communications


Foundation, Inc. for the permission granted on the use of “Ang Bibliang
Sambayang Pilipino”, Claretians Publications 2012

______________________________________________________________

Page 24 of 24

You might also like