You are on page 1of 6

USING THE IDEA INSTRUCTIONAL PROCESS PIVOT 4A LESSON EXEMPLARS

A. Online Distance Learning Modality

LESSON School LONGOS ES Grade Level Grade 5


EXEMPL Teacher Felecitas S. Oliquino Learning Area EPP – ICT
AR Teaching Date and Time Quarter First Quarter

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Naipapaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng
produkto at serbisyo.
2. Masabi ang kahalagahan ng pabibigay ng isang de-
kalidad na produkto o serbisyo.
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay…

naipapamalas ang kaalaman at kasanayan upang maging


matagumpay na “entrepreneur “
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay…

mapahusay ang isang produkto upang maging iba sa iba.


C. Pinakamahalagang Kasanayan sa 1. Naipaliliwanag ang kahulugan at pagkakaiba
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat ang ng produkto at serbisyo
pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o MELC)
D. Pagpapaganang Kasanayan (Kung mayroon,
isulat ang pagpapaganang kasanayan.)
N/A

E. Enrichment Competencies
(If available, write the attached enrichment N/A
competencies)
II. NILALAMAN Kahulugan at Pagkakaiba ng Produkto at
Serbisyo
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC EPP, PIVOT BOW R4QUBE CG EPP5IE0a-2

Edukasyon Pangtahanan at Pangkabuhayan


Pahina 3 – 7
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-
aaral Pahina 6-9

c. Mga Pahina sa Teksbuk Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran


Pahina 6
d. Karagdagang Kagamitan mula sa
N/A
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at LRMDS DepEd Portal, Youtube, domesticurbanite.com,
Pakikipagpalihan https://www.sunstar.com.ph/ at Canva.com

IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Ang Napapanahong Pagpapaalala:
 Ipaalala ng guro sa mga bata ng mga panuntunan sa
online learning gaya ng pag-iwas sa pagbubukas ng
mikropono kung hindi kailangang magsalita at iba pa.
Pagganyak:
Naghahanap ng mahusay na manggagawa ng kalamay ang isang
malaking karinderya sa Kalayaan. Dalawang aplikante ang
nagprisinta, sina Melly at Tess.
Sino kaya sa kanila ang matatangap? Upang malamn ang
kanilang kakayahan, sinubukan silang pagawain ng kalamay.
Magsi-share ng screen ang guro upang makita ang mga larawan
gamit ang online platform. Pagmasdan itong mabuti. Piliin kung
sino sa kanila ang karapatdapat na matanggap:

Hmm. . . puwede na ito. Kailangan malinis at tama sa


Kailangan maunahan ko sa timpla upang magustuhan ng
Agad naman siyang inasikaso nito at niresetahan sya ng
paggawa iyung isang mga mamimili
aplikante
mga
Itanong sa mgagamot
bata: at bitamina tulad ng Fern C at Vit. B
Complexninyo
Sino sa palagay at pinayuhang magpahinga
ang natanggap ng ilang araw.
sa trabaho? Bakit?
Agad niya namang binili ang mga gamot at mga
Paunang Pagtataya
bitamina sa botika.
Magsi-share ng screen ang guro
Sa kanyang gamitgalling
pag-uwi ang online platform
sa botika, at
minabuti
ipakikita atniyang
ipababasa sa mga bata ang isang maikling talata.
dumaan sa isang supermarket upang mamili ng
mga gamit at pagkain sa bahay. Kumuha siya ng gatas,
sardinas,
Si pasta,ay
Alexa Rima sariwang isda,sakarne,
isang nars isang gulay at tinapay na
malaking
tulad ng Gardenia.
ospital, dahil sa sobrang dami ng mga pasyente dito,
wala na siyang oras upangniyang
Pagkatapos magpahinga.
mamili,Itosiya
ang ay
naging
kumain ng
sanhiChicken
upang siyaJoy
ay magkasakit kaya minabuti niyang
sa Jolibee at magiliw naman siyang
magpaalam muna nang
pinagsilbihan hindi
mgapapasok
crew ngdito.
ilangMatapos
araw. noon, ay
sumadya
Umaga siya sa isang
kinabukasan, Beauty Parlor
ay kumunsulta syaupang magpalinis
sa isang
ng kuko at magpagupit ng buhok.
doktor upang masuri ang kanyang kalusugan.Dahil masakit ang
kanyang katawan, minabuti niyang pumunta sa
“Massage Parlor” upang makapagmapamasahe. Dito,
hinilot sya ng isang masahista sa loob ng isang oras na
nagbigay ng lubos na kaginhawaan sa kanyang
pakiramdam.
Itanong ang mga sumusunod sa mga bata at isulat sa web diagram
ang mga sagot.
 Ano-ano ang binili ni Alexa Rima?

 Anu-ano naman ang kanyang ginawa sa “Beauty


Parlor”, Jolibee at “Massage Parlor”?

 Nasiyahan ba siya sa pagpunta sa Klinika, “Beauty


Parlor”, Jolibee, “Massage Parlor” at sa kanyang
pinamili?
Paghahabi sa mga Layunin

Ipaliwanag sa mga mag-aaral kung ano ang kahulugan at


kaibahan ng produkto at serbisyo. Ipaunawa rin sa kanila ang
kahalagahan ng pabibigay ng isang de-kalidad na produkto o
serbisyo.

Magsi-share ng screen ang guro gamit ang online platform at


ipakikita ang mga sumusunod.

 Ang produkto ay ang mga bagay na maaaring iniaalok sa


merkado na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing
pangangailangan o kagustuhan ng isang mamimili. Ito ay
karaniwang gawa o likha ng mga kamay o makina.
Mayroon din namang likha ng isipan.

Mga Produktong Likha ng:


Kamay Makina Isipan
Hinabi na bag, Bolpen Pagsusulat ng libro
banig at basket Sardinas o nobela
computer
Paggawa ng
computer program

 Serbisyo ay tumutukoy sa paglilingkod,


pagtatrabaho, o pag-aalay ng mga gawain na may
kabayaran ayon sa iba’t ibang kasanayan at
pangangailangan sa pamayanan.
 Ang sari-saring serbisyo ay nahahati sa iba’t ibang sector
ayon sa uri ng kaalaman at kasanayang ipinamamahagi sa
iba. Ilan sa mga sector na ito ay ang propesyonal,
teknikal, at may kasanayan.

Halimbawa:
Propesyonal Teknikal May Kasanayan
(Professional) (Technical) (Skilled)
Guro Electrician Mananahi
Doctor Computer Sasatre
Nars Programmer Manikurista
Abogado Aircraft Mechanic Karpintero
Computer Technician

 Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng de-kalidad na


produkto at serbisyo.
 Matibay
 Kapaki-pakinabang
 Matatag
 Kaaya-aya sa paningin
 Nakapagbibigay saya
 Epektibo
 Mapagkakatiwalaan
 Ligtas
 Malinis
 Sariwa
C. Development
Gawain 1

Magsi-share ng screen ang guro gamit ang online platform at


ipakikita sa mag – aaral ang ilang mga larawan na kanilang
tutukuyin kung produkto o serbisyo.

Tukuyin ang mga larawan at isulat kung ito ay produkto o


serbisyo. Kung ito’y serbisyo, isulat rin ang P kung
PROPESYONAL, T kung TEKNIKAL o MK kung MAY
KASANAYAN. Iwan namang blanko ang tapat kung ang sagot
ay produkto. Ilagay ang mga sagot sa tamang hanay.

Serbisyo o Produkto Uri ng Serbisyo


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.

Gawain 2

Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod:


Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

_____1. Sinisimangutan mo ang kumakain sa iyong karinderya.


_____2. Nagbebenta ng mga expired o paso na mga delatang
pagkain.
_____3. Sinusuring mabuti ng isang store technician ang kanilang
mga computer bago ibigay sa mamimili.
_____4. Hinahaluan ng tubig ang mantika habang inirerepack ito
bago ipagbili.
_____5. Maayos ang pagkakagupit sa buhok ng customer na
nagpapagupit sa parlor.

D. Engagement (Pagpapatan) Pagtataya

Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita o grupo ng mga


salitang may salunguhit kung ito ay produkto o serbisyo. Isulat
ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Si Luisa ay pumunta sa Baguio upang mamasyal sa loob ng


ilang araw. Sa huling araw ng kanyang pananatili, pumunta siya
sa pamilihan at bumili ng peanut brittle, strawberry at ube jam.
2. Nasira ang tubo ng tubig sa bahay nila Miko, tumawag ang
kanyang ina ng tubero upang palitan at ayusin ang tagas nito.
3. Nagkaroon ng isang sunog sa malaking bahagi ng pamilihang
bayan, tumawag si Jenna ng bumbero upang patayin ang apoy na
likha ng pagsabog ng tangke ng gasul.
4. Malapit na ang kaarawan ng kapatid ni Lorena kaya minabuti
niya na bumili ng isang bag na mataas ang kalidadbilang regalo.
5. Bilang isang propesyonal, pagtuturo sa mga mag-aaral ang
palaging iniisip ni Bb. Citie tuwing siya ay papasok sa paaralan.
E. Assimilation (Paglalapat) Paglalahat:

Tanungin ang mga mag – aaral kung ano kahulugan at kaibahan


ng produkto at serbisyo. Itanong rin kung ano ang mga dapat
isaalang-alang sa pagpili ng may kalidad na produkto at serbisyo.
Paglalapat sa pang araw-araw na buhay
Kapanayamin ang iyong ina, ama o tagapag-alaga kung kalian
siya huling nakapagpagupit ng buhok, o nagpamasahe. Itanong
din kung ano ang pinaka luma nilang cellphone. Suriin ang
kanilang mga naging karanasan kung nasunod ang mga dapat
isaalang-alang sa pagpili ng may kalidad na produkto at serbisyo.

V. PAGNINILAY Type of Formative


Assessment Used for This Particular Lesson) Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o
portfolio ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na __________________.
Nabatid ko na ____________________

You might also like