You are on page 1of 1

TALIPA

(Tagalog)
Ang salitang talipa ay mula sa wikang Tagalog na tumutukoy sa baliktad na
pagkakasuot ng pares ng tsinelas; ang kaliwang pares ay nakasuot sa kanan, samantalang ang
kanan naman ay nakasuot sa kaliwa. Nalalapit ang kahulugan nito sa mga salitang
nagkapalit, salisi at saliwa na pare-parehong maiuugnay sa pakahulugan ng hindi tamang
pagkakapares o maling pagkakasuot ng isang bagay. Subalit ang mga salitang ito ay
pangkalahatan. Maari silang gamitin at maiangkop sa lahat ng bagay na nagkamali o
nagkabaliktad ng pagkakasuot hindi tulad ng talipa na partikular na nakatukoy lamang sa
tsinelas.
Sa aking pakikipanayam sa iba’t ibang mag-aaral dito sa unibersidad, karamihan sa
kanila ay hindi alam kung ano ang salitang talipa, tulad na lamang ni Roniela Mae Ferrer,
tubong Pangasinan. Noong una ay wala siyang kahit anong ideya kung ano ang salitang
talipa na aking ikinagulat sapagkat halos lahat ng kilala kong dumaan sa pagkaba ay
rumanas ng talipang pagsusuot ng tsinelas. Kaya nang ipinaliwanag ko sa kaniya ang
kahulugan nito ay tsaka niya lamang naintindihan ang aking tinutukoy. Ayon sa kaniya,
naranasan na niyang magsuot ng tsinelas na talipa pero walang partikular na salita sa
kanilang wika ang tumutukoy rito. Samantala, akin ding natuklasan na kahit ang ilang mga
mag-aaral dito na may dayalek na Tagalog-Bulacan, Tagalog-Rizal, Tagalog-Batangas ay
hindi rin agad nahagilap ang ibig sabihin ng salitang talipa. Bigla lamang
nila itong maalala kapag nasimulan ko nang ipaliwanag ang kahulugan
nito. Batay rito, aking nahinuha na di tulat ng Tagalog-Mindoro,
wala silang gaanong pagpapahalaga at pakialam sa konsepto ng
talipang tsinelas sapagkat kadalasan, mas ginagamit nila ang salitang
“baliktad” imbes na talipa.
Bilang isa sa maraming bata sa aming lugar na namulat sa mga
larong kalye tulad ng tumbang preso at slipper game kung saan pangunahing
ginagamit ang tsinelas bilang instrumento ng laro, nagkaroon kami malapit
na pakiramdam o pagkakaugnay rito.

Subalit ang salitang talipa ay matagal nang nabuo at nagpasali-salin sa


iba’t ibang henerasyon sa amin.
Nang aking tanungin ang aking ina kung saan nanggaling
ang salitang talipa, ang kaniyang isinagot ay narinig din lamang niya
ito sa kaniyang mga magulang. Mas madalas maririnig sa mga matatanda
ang pagsasabi ng salitang talipa dahil karaniwang maoobserbahan
lamang ang talipang pagsusuot ng tsinelas sa mga bata.
Napukaw ang aking interes ng aking dating kaklase nang tanungin ko
siya kung may ideya ba siya kung saan nagmula ang salitang talipa. Walang
konkretong katibayan na magpapatunay ng kaniyang sinabi subalit may
katuwiran at katuturan ang kaniyang sinabi. Ayon sa kaniya, maaring nag-
ugat ang salitang talipa sa dalwang salita na taliwas + paa. Ang kahulugan
ng taliwas ay nakadepende sa konteksto, pero sa pangkalahatan, ito ay
nangangahulugang salungat o kabaliktaran sa nakasanayan, gawi o tam
habng ang paa naman ay ang siyang pinagsusuotan ng tsinelas.

You might also like