TA4

You might also like

You are on page 1of 1

Ang antas ng wikang ginagamit ng mga tao sa palagid ko habang nag-uusap ay ang

Kolokyal o salitang ginagamit sa pang-araw -araw . Ito ay nagagamit ko kapag kausap ko


ang mga kaibigan ko o kaya naman ang mga tambay sa gilid ng aming bahay. Ginagamit din
ito ng mga magulang ko sa pakikipag-usap sa aming kapitbahay o kaya naman sa mga
kanilang kaibigan.Ang mga halimbawa nito ay ang “Kumare” at “Pare”. Kadalasan
naririnig ko sa iba na ang mga mahahabang salita ay kanilang pinaiikli gaya na lamang ng
salitang “meron” na ang mahabang kahulugan ay “mayroon” , ang salitang “pa’ no” na ang
mahabang kahulugan nito ay “paano”.

Ang sumunod naman na antas ng wika na ginagamit ng mga tao sa ain ay ang
Lalawiganin o Salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigano. Madalas naming itong
ginagamit sa loob ng aming tahanan at ang lalawiganing salita na aming ginagamit ay
Cantilanon o Surigaonon at Aklanon o Akeanon lalo kapag kausap ko ang aking mga
magulang. Ginagamit din nila ito kapag sila ay nakikipag-usap sa kanilang kaibigan o
kapitbahay na may alam ng aming diyalekto. Ang mga halimbawa nito ay adlaw (araw) ,
manong (kuya), manang (ate), gwapa ( maganda) ,bayay sa Cantilanon o balay sa
Aklanon (bahay), baji sa Cantilanon o bayi sa Aklanon (babae) , at yaot na wayong sa
Cantilanon o law-ay sa Aklanon ( pangit).

Ang dahilan kung bakit madali silang nagkakaintidihan at madali nilang maunawaan
ang isat-isa sa pakikipag-konbersasyon ay dahil sila ay pamilyar sa mga salita o estilo na
nahahawig sa kung paano sila nagsasalita. Kagaya na lamang ng mga Lalawiganin na salita
madami ito ngunit madaming pagkakatulad.Kadalasan naman ay dahil nabibilang sila sa
isang grupo at sila ay naiimpluwensyahan kaya’t nadadala nila ang mga paraan kung paano
binibigakas at binibigyang buhay ang mga bagong salita.

You might also like