You are on page 1of 3

Pormal na salita- ito ay tumutukoy sa salitang standard na ginagamit ng mga nakapag-aral sa wika.

Ito
ay mas koplikado kaysa sa ginagamit sa araw araw.

Impormal na salita-ito ay tumutukoy sa mga salita hindi standard na salita na ginagamit natin sa pang
araw-araw,karamihang gumagamit nito ay ang mga teenager ngayon,at mga LGBT na nahihilig magsalita
ng mga salitang pabalbal.

Halimbawa ng Pormal na salitang Pampanitikan:

Tantuin – na nangangahulugan ng alamamin

Natalastas – na nangangahulugan ng nalaman

Alipusta – na nangngahulugan ng laitin

Naparool – na nangangahulugan ng nasawi

Singkad – na nangangahulugan ng ganap

Halimbawa ng Pormal na salita na Pambansa:

Kapatid

Kaibigan

Awa

Kalaban

Saya

Tahimik

Paaralan

Uri ng Pormal na salita:

Pambansa- tumutukoy ito sa mga salita na ginagamit sa pagtuturo sa paaralan,maging sa pagbabalita at


pagsusulat ng aklat,at sa lahat ng usapan na kinakailngan ng pormal na salita.

Pampanitikan- ito ay tumutukoy sa mga salita na ginagamit ng mga manunulat,na kung iyong susuriin ay
may roong malalalim na kahulugan at hindi basta basta nauunawaan ng mga taong walang sapat na
pinag aralan.

Uri ng di-pormal na salita:


Lalawigan - ito ay tumutukoy sa mga salita na kilala lamang sa mga pook na pinanggalingan nito,kung ito
ay iyong papakinggan kakatwang meron itong ibang bigkas at tono.

Halimbawa:

Inang

Ingkong

Bana

Katipan

Balbal -ito ay kilala rin sa tawag na salitang kanto o kalye,ayon sa matatanda at mga may pinag aralan ay
hindi ito kaayaayang pakinggan,madalas silang naiinis sa tuwing naririnig nila ang mga ganitong salita.

Halimbawa:

Erpat- ama

Petmalu-malupit

Wapakels- walang pakialam

Yosi – sigarilyo

Tsikot -kotse

Kolokyal - ito ay tumutukoy sa mga salita na halos ay ginagamit natin sa pang araw-araw na pakikipag
usap, pero ito ay mayroong kagaspangan at kabulgaran.

Halimbawa:

Ganon – ganoon

Dun- doon

Sakin- sa akin

Pisan- kapisan

Konti- kaunti

Lika- halika
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/424232#readmore

You might also like