You are on page 1of 1

Guro: Ako’y isang guro, kaalaman at tamang pag-uugali ang aking ibinabahagi.

Tumatayong Ikalawang magulang ng mga mag-aaral.

Nars: Ako naman ay isang Nars. Kasa-kasama at katu-katulong ng doctor sa


tuwina. Gawain ko na mapabuti ang kalagayan ng aking pasyente. Kailangan na
mayroong matibay na sikmura, matinding dedikasyon at pagmamahal sa
trabaho.

Pulis: Isa naman akong Pulis. Iwinawasto ko ang mga maling gawi. Tibay at
lakas ng loob ang ang aking puhunan. Handang ibuwis ang sarili para sa bayan.

Inhinyero: Ako ay isang inhinyero. Pagpaplano ng building at anomang istruktura,


tamang sukat nito ang aking binibigyang pansin. Hangad kong mayroong
matibay at maayos na sisilungan lahat.

Arkitekto: Ako naman ay isang Arkitekto. Pagdidisenyo ng building o anomang


istruktura ang aking forte. Kasama-kasama ng inhinyero sa pagpaplano ng
inyong mga bahay at building. Iyan ang aking gampanin sa inyo.

Doktor: Isa akong doktor. Panggagamot ang aking trabaho. Nais kong mapabuti
ang kalusugan ng lahat. Ang kalusugan ninyo ang aking prayoridad.

Bumbero: Ako’y isang bumbero. Tagapatay ng apoy. Hangad ko ang kaligtasan


kapag mayroong sakuna. Labis kong ikinasisiya kung ligtas ang lahat sa oras ng
sakuna.

Abogado: Isa naman akong abogado. Tagapagtanggl ng mga naaapi. Nais kong
bigyan ng hustisya ang mga taong nasasadlak sa dusa.

Mga linya ng mga katutubo sa pagdating ng mga Kastila… Patayo-tayo at hindi mapakali.

1. Sino sila? Ano ang pakay nila rito?


2. Nakakatakot ang mga hitsura nila?
3. Bakit kaya sila naparito sa ating lugar?
4. Nais siguro nila tayong sakupin!
5. O, ang mga anak ko, baka kunin nila!

You might also like