You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Mindanao State University


Fatima, Lunsod ng Heneral Santos

“gapo’’
Ni Lualhati Bautista

Isang Pagsusuri

Mangcot, Isavel M.

Wasag, Normina

Mga Tagasuri

Prof. Love Isla Batoon

Guro

Buod:
Nagsimula ang kuwento ng kung tawagin ay Freedom Pad isang panggabing
aliwan sa Olanggapo na tagpuan ng mga kanong US navy at ang Hostess na pinay.
Na kung saan nagtatrabaho si Michael Taylor, Jr. edad byenteng folk-singer na
pagmamay-ari naman ng Instik. Ang mga kinakanta ni Mike ay mga uri ng awiting
pampasaya at pampatama sa mga kano. Hindi naman ito naiintindihan ng mga kano
kaya tuwang tuwa pa rin sila na sumasabay sa musika. Ang mga babaeng bayaran
ay nakaakbay sa mga sundalong kano. Sige ang tawag ng isang pinoy sa wayter na
rumoronda sa bar subalit hindi siya nito naririnig dahil kasalukuyan pa nitong
pinaglilingkuran ang mga kano. Naiinis ang pinoy kaya nagsiklab ng away sa bar.
Galit na galit ang instik na may-ari ng bar at dahil sa nangyaring kaguluhan.
Nagreklamo ang hostess at sinabing huwag ng magpapasok ng pinoy sa bar dahil
puro gulo lang ang inihahatid ng mga ito.

Ang downtown Olongapo naman ay walang kaibahan sa ibang lugar ng


probinsya. Pagtungtong ng alas singko ay lumalabas na ang mga taga-aliw sa
lansanggan. Ang lugar ay nahahati sa iba’t ibang teritoryo. Merong lugar na puro
black American lang ang pwede meron din namang puro puti lang. Si Mike ay hindi
inaasahang napadpad sa lugar ng mga itim kaya pinaghahahabol siya ng mga ito.
Puti kasi si Mike. Naanakan ang ina niyang si Dolores ng isang sundalong kano
noon. Nakuha ni Mike ang pisikal niyan katangian kaya marami ang
napagkakakamalan siyang kano kahit na Tagalog ang salita niya. Nagtatakbo si
Mike at nakita niya sa gilid ng iskinita sina Modesto at Si Ali. Tinulungan siya ng mga
ito kaya nakaligtas siya. Nang makaalis si Mike, napag-usapan ni Modesto at ni Ali
ang diskriminasyon na nangyayari sa lipunan nila dahil sa base ng mga kano.

Nang makauwi si Mike sa kanilang bahay ng nadatnan ang kaibigang si


Magda na may kasamang isang kano na nagngangalang Sam. Ibinarog ni Mike ang
pinto pagpasok niya sa kwarto. Na ikinagalit ni Sam at iniwan si Magda.
Kinaumagahan ay nag-usap si Magna at si Mike.  Nagkaroon sila ng sagutan dahil
sa nangyari. Lalong lumaki ang galit ni Mike sa mga kano. Sinabi naman ni
Magdalena na kailangan na nilang maghiwalay ng tahanan dahil kung anu-ano ang
iniisip sa kanila ng mga tao, pati na rin si Sam. Sinabi ni Mike na kung may aalis ay
si Magdalena daw ito dahil siya naman ang tunay na nakatira doon mula pa noon.
Umalis ang barko ng mga sundalo sa daungan.Nawalan ng sigla ang negosyo
sa Olongapo. Ang mga hostess ay nagsimula ng manamlay at hindi mag-ayos ng
sarili. Natuwa ang mga Pilipino dahil sa wakas ay maibebenta na ng mga hostess
ang kanilang mga colored tv na mula states. At iba pang gamit dahil mauubusan na
sila ng kita. Si Magdalena ay namili muna ng mga pagkaing galing sa states.  Niyaya
niyang kumain si Mike subalit tumanggi ito dahil sabi niya ay nabalita daw sa
telebisyon na maraming nagkasakit dahil sa imported na produkto. Sinabi din ni
Mike na tira tira lang ang dumadating na produkto sa bansa natin dahil nagsisilbi
lang tayong tapunan ng mga Amerikano. Biglang nakaramdam ng kulo sa tiyan si
Magdalena kaya isinuka niya ang kinain niya. Nagsimula na ring magbenta ng mga
gamit si Magdalena dahil wala na siyang kita. Tuwang tuwa ang pamilyang
Pilipinong nabentahan niya ng TV galing sa kano. Iniisip nila na kapag galing sa
States ang gamit mo, sikat ka. Ayos.
Maagang umalis si Mike sa bar dahil wala din namang gaanong kostumer.
Tinawag siya ni Modesto at niyayang makipag-inuman. May isang hostess dun ang
nagsisilbi sa kano, at nagsilbing waiter sa kanila Mike at Modesto. Kada utos ng
dalawa ay sige ang tawag din ng isang kano. Nainis si Modesto kaya sinabihan si
Rosalie na magbihis dahil ilalabas daw siya ni Mike. Nagulat si Mike sa sinabi ng
kaibigan. Nadarama niya na gusto ni Modesto na maghamon ng away kaya umalis
na palabas si Mike at Rosalie. Kinabukasan, sa kabila ng mga patawa ni Mike ay
kapansin pansin na nananamlay pa din ang Freedom Pad.
Si Ali naman ay problemado kasi sa kanya iniwan ang pamangking si Jeffrey
na lumaki sa Amerika. Biglang nawala ang kapatid niyang si Alicia na nabuntis ng
isang kano, kaya ito tagapag-alaga siya ngayon ng isang batang kano.Napag-
isip isip niya na kailangan niya ng makahanap ng mapapangasawa dahil baka
lumaking bakla ang pamangkin. Kailangan kasing makahanap ito ng ideyang lalaki
upang hindi ito lumaking mahina. Pinuntahan ni Ali si Modesto. Pinakiusapan na
baka pwedeng magsama sila kahit alam ni Ali na may pamilya na si Modesto. Hindi
umepek ang paiyak iyak ni Ali kaya sa huli, kinuha niya na lamang si Modesto bilang
ninong ni Jeffrey sa kumpil. Kasama din si Michael sa pagiging ninong. Dumating
ang araw ng kumpil ni Jeffrey. Pagtapos noon ay nagtungo sila sa beach. Abalang-
abala si Micheal at Modesto sa pag-aaliw kay Jeffrey. Nakatulala si Ali ng biglang
nilapitan siya ng isang kano na nagngangalang Richard Halloway.
Ang araw ng pagdaong ulit ng barko ng US sa Olongapo ay dumating na.
Nabuhayan na namang muli ang lahat. Kasabay ng mga umusbong na pangarap ng
mga hostess na makahanap ng katambal na magdadala sa kanila sa lupaing
pinapangarap. Pinana ni kupido si Ali kay Richard. Nalove at first sight daw. Hayun
naman si Magdalena at nakakilala na naman ng bagong kano na nagngangalang
Steve Taylor. Dinala ni Magda si Steve sa bahay nila ni Michael. Ipinakilala at sinabi
na pareho silang Taylor. Naabutan nila na nagpapraktis ng gitara si Mike sa tulong
ng Jingle Chord Book. Nakinig ang kano at nagkapalagayan sila ng loob ni Mike.
Masaya si Magda dahil sa wakas ay hindi na naging suplado si Mike sa mga kano.
Kinagabihan, nagtatatka si Mike kung bakit hindi niya aabutan ang kano sa
apartment. Iba si Steve sa mga naunang karelasyon ni Magdalena. May respeto ito
at masayang kasama. Masayang nag-inuman si Modesto at si Mike.
Napagkwentuhan nila ang usad ng mga relasyon ni Ali at ni Richard, Magdalena at
Steve. Masaya silang nag angat ng alak para sa ligaya ng mga kaibigan.Tuwing
dumadalaw daw kasi si Richard kay Ali ay may dala pang bulaklak at pinapasyal ang
pamangkin nitong si Jeffrey, ani ni Modesto. Naging magkaibigan naman si Mike at
Steve, lagi siyang pinapanood ng kano sa pagpapraktis.

Pumasa sa eksamin ang anak ni Modesto na makapagtrabaho sa Base.


Natatakot siya kung paano sasabihin sa ama. Ayaw kasi ni Modesto na magtrabaho
dun si Jun dahil nga alam niya na ang patakaran doon.Sinabi ni Jun na natanggap
na nga siya. Tinanung nito sa ama kung ano ang ibig sabihin ng salitang “yardbird”.
Nanlamig ang pakiramdam ni Modesto. Sinabi niya na ang kahulugan nun ay
pataygutom at walang dapat magsabi nun sa anak. Sinagot naman ni Jun ang ama,
sinabi nito na hindi naman siya ang tinatawag na ganoon ni Johnson kundi ang ama.
Natahimik si Modesto, nalaman na ng anak niya ang pang-aapi sa kanya sa base na
araw-araw niyang tinitiis. Ang alam kasi nila ay matigas ang tatay nila at walang
makakapang-api dito.

Nakaka-ilang alak na si Modesto at kahit sino ay hindi nito pinapansin pati na


si Mike. Noong pumasok siya sa trabaho hindi rin niya kinakausap ang kaibigan
niyang si William Smith. Isa itong kanong naging sobrang bait kay Modesto. Hindi ito
sang-ayon sa patakaran ng Amerikano. Tunay na kaibigan ang turing ni William kay
Modesto. Sa trabaho, habang nagwewelding si Modesto ay may tumatawag sa
kanya ng yardbird. Hindi niya ito pinapansin dahil baka ibang kasamahang Pilipino
ang tinatawag ni Johnson. Lahat na ng empleyadon Pilipino ay lumingon kay
Johnson liban kay Modesto. Nagpatuloy ang pagtawag. Napuno si Modesto at
sinabing wags na wag siyang tatawaging yardbird. Nagkainitan ang dalawa.
Pumagitna si William subalit hindi nita ito naawat. Sinapak ni Modesto si Johnson.
Babawi na si Johnson subalit bumanat ulit si Modesto. Umawat na rin ang mga
Pilipinong nagtatrabaho sa Base. Hinampas ng puting kamay ang tubo sa ulo ni
Modesto. Nakita ni William ang lahat ng nangyari sa kaibigan, sa kanya tumatalsik
ang dulo kada hampas ng tubo. Nagluluksa ang lahat. Dumalaw sa burol ni Modesto
si Mike. Inuuyam siya ng mga nakikiramay dahil akala ay kano siya. Nagpaliwanag
siya na kaibigan niya ang namapatay. Si Ali naman ay hindi man lamang nakadalaw
sa burol hanggang pagkalibing ni Modesto dahil sa sobrang seloso ni Richard.
Handang tumestigo si William dahil alam niya ang nagyari at may pinagsamahan sila
ng kaibigan. Subalit inutos ng pinakamataas sa barko na gawin na lamang ang
idinidikta niya. Pinabalik si William sa US kahit hindi siya sang-ayon upang
mapagtakpan ang kaso laban sa mga puti.
Sa bar, bigalang may tumawag sa telepono, hinahanap si Mike. Nang
makarating siya sa telepono ay wala namang nagsasalita. Panay ang “Hello”’ niya sa
linya. Naisip niya ang kaibigang si Ali kaya pinuntahan niya ito.Saradong sarado ang
bahay nila Ali. Sumilip siya sa bintana ng biglang may narinig siyang tinig ng
paghihingalo. Binasag niya ang bintana. Tumawag ng pulis ang mga kapit-bahay
dahil akala magnanakaw si MIke. Nang makapasok sila sa bahay ay nakalupasay si
Ali at hinang-hina. Sinabi nito na pinagnakawan siya ni Richard. Dala nito ang kaha
de yero.Ginamit lamang siya nito dahil alam na mapera siya. Umuwi na si Mike.
Umaga na ng muli siyang magising. Napansin niya na may kumakaluskos sa ibaba
kay bumanggon na siya. Si Magdalena pala. Hindi ito pumasok at napansin ni Mike
na namumugto ang mga mata nito. Sa bar, napansin niyang nag iisa sa table si
Steve. Matapos kumanta ay pinuntahan niya ang kaibigan. Sinabi ni Steve na
kaibigan lang talaga ang turing niya ka Magdalena at may pamilya siya sa Amerika.
Kaya lang, masyadong umasa si Magdalena kaya nabuntis ito dahil hindi nag-iingat.
Nagpantig ang tengga ni Mike sa mga pinagsasabi ni Steve. Kinuha niya ang gitara
at hinampas sa ulo ni Steve. At sa huli hulihang bahagi ng nobela ay dumalaw si
Magdalena kay Mike. Dinalahan ito ng pagkain. Homicide ang kaso nito.Huminge ng
pabor si Mike na habang nagpapagaling si Ali ay si Magda muna ang mag-alaga kay
Jefferey. Masaya si Magdalena sa pabor dahil gusto niya na daw maranasan
makitungo sa batang kano upang paghahanda sa paglabas ng anak.

Talambuhay ng may-akda

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat.

Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945.


Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High
School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines,
ngunit nag-drop out bago man niya matapos angkanyang unang taon.

Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka


Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong
1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa
dalawa sa kanyang mga maikling kwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan
Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng
Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa
Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila
Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards.

A.Tagpuan

mga nabanggit na lugar:


Olongapo - kung saan naganap ang malaking bahagi ng nobela. Dito nakatirik ang
mga clubs na pinapasukan ng mga tauhan

Freedom Pad - isang club sa Ologgapo kung saan kumakanta si Mike

White Men's Territory - lugar sa Ologgapo kung saan naroon ang maraming
amerikanong puti

Brown Community - bahagi ng Ologgapo kung saan marami ang mga Pilipino
(brown nga eh)

Black Men's Row - tinatawag ring 'the junggle.' Narito marami ang mga
amerikanong itim

base-militar sa Subic at Clark - kung saan nagtratrabaho ang maraming pinoy at


kano

Music Box - isang club na nangangalandakan ang mga palabas nilang a-go-go
dancers

bahay ni Magda at Mike

kailan:

panahon pagkatapos sakupin ng Pilipinas ng mga Amerikano kung saan dito sila
nanirahan at nagnegosyo.

B. Tauhan

Michael "Mike" Taylor, Jr. (pangunahing tauhan) - anak nina Dolores at Michael


Taylor, Sr.; kasama si Magdalena sa bahay bagamat wala silang relason; kaibigan
nina Desto, Ali, Steve, Igna, William, Jun, at Jeffrey

Dolores - ina ni Mike; nahulog ang loob kay Michael Taylor, Sr. kaya nabunga si
Mike

Michael Taylor, Sr. - ama ni Mike; nangakong babalik sa Pilipinas para pakasalan si
Dolores, ngunit di ginawa

Magdalena "Magda" - kaibigan ni Dolores; kasama ni Mike sa tinutulugang bahay


dahil sa usisa ng ina nito; nagkaron ng relasyon kay Sam na isang kano, ngunit
iniwan siya nito dahil sa akalang may namagitan sa kanila ni Mike; mahulog ang loob
kay Steve; kaibigan ni Desto

Steve Taylor - inibig ni Magda; napatay ni Mike

Modesto "Desto" - may asawa; tatay ni Jun; kaibigan nina Mike, Ali, Magda,
William, Igna, at Jeffrey; kaaway ni Johnson na isang kano; inaaway ni Richard
Jun- anak ni Desto na napunta sa base liban sa kagustuhan ng ama.

William Smith- mabuting asawa ni Irene; mabuting atay ni Willy; amerikanong tapat
at mabait; kaibigan nina Mike at Desto

Irene- asawa ni William na hindi nabigo sa paghihintay dito

Alipio "Ali" - kapatid ni Alicia; baklang tiyuhin ni Jeffrey; amo ni Igna; kaibigan ni
Mike at Desto; nahulog ang loob kay Richard

Ignacio "Igna" - katulong ni Ali; tagabantay ni Jeffrey; kakuntsaba ni Richard

Jeffrey - anak ni Alicia na purong Pilipino gunit lumaki sa Amerika; pamangkin ni Ali;
binabantayan ni Igna

Richard Halloway- gumago kay Ali; kinuntsaba ni Igna

Pagsusuri:

Teoryang Pampanitikan:
Para sa akin ay ibat-ibang teorya ang maaaring iugnay sa nobelang GAPO dahil na
rin sa layunin nitongunti-unting gisingin ang kamalayan at kaalaman ng mga
mambabasa sa bawat kabanata na nagpapakita ng magkakaibang katangian sa
bawat isa subalit nananatiling magkakaugnay. Ang mga sumusunod ay ilan sa
mganakita kong teoryang pampanitikan na napapaloob sa nobela:

1.Teoryang Humanismo -
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-
tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
 Pagtugtug ng gitara
Patunay: patlang, napaupo s Mike at mabagal na kinalbit-kalbit ang gitara
niya
(kabanata 4,pahina 32)
Paliwanag: Ang galing ni Mike sa pagtugtog ng gitara ay isa ng patunay dito. At sa
kabila ng masalimuot na pamumuhaysa Olonggapo at buhul-buhol na kagaspangan
ng ugali ng mga tagaroon dala na rin ng kahirapan ng buhay aymay parte pa rin sa
nobela na nagpapatunay na ang tao ay may itinatagong kabaitan. Ang pagtulong ni
Modestokay Mike nang siya ay hinahabol sa Jungle, ang pakikipagkapwa-tao at
pakikipagkaibigan din ni William Smithkay Modesto at miminsang tawanan at
maayos na samahan nina Magda at Mike sa Apartment ay ilan lamang halimbawa
nito.

2.Teoryang Realismo
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-
akdasa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay
ngunit hindi tuwirang totoosapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagka-epektibo ng kanyang sinulat.

 Diskriminasyon
Patunay: hindi kumporme si Carding do’n. Kaso raw talaga iyon ng
diskriminasyon.Kaso ng malalang colonial mentality.Kustiyon ng kulay ng balat.
Kustiyon ng pagkakaiba ng piso at dolyar?tanong ni Marie
(paunang salita, pahina 1)
Paliwanag: Sa paunang salita ng may-akdang si Lualhati Bautista, kanyang
ibinahagi ang kanyang karanasan sa kanyang pananatili sa Olonggapo kasama ang
dalawang kapatid na sina Marie at Lumen at pinsang si Carding. Sakanilang
pagpunta sa isang bar doon ay nakakuwentuhan nila ang iba pang kasamahan ni
Carding sa Base ukolsa ilang mga lihim at mapapait na katotohan sa loob o labas
man ng Olonggapo. Dito, mapapatunayan na ang nobelang Gapo ay nabigyang-
buhay ng karanasang iyon.

 Pagiging huli sa lahat ng bagay


Patunay:”hus, kasalanan ba natin yon e sa sinakop nila tayo....at baby pa
tayo non sa laban masinggan na ang minamaster nila, tirador pa lang ang
pinag-aaralan natin!. (kabanata 3,pahina 22)

Paliwanag: sa nobela, matutukoy natin kung paano tayo sinakop ng dalawang


bansa na kung ay nagkaroon pa ng hidwaan ang dalawang pangkat na dito
mismo sa ating bansa nakipaglabanan. Habang tayo naman ay walang
magawa kundi ang magpasakop sa kadahilanang wala pa tayong sapat na
kagamitan pang digmaan upang tayo ay makipaglaban at ipagtanggol ang
sariling atin.

 Pagbebenta ng sarili
Patunay: siguro’y dahil maituturing na re-inkarnasyon ni Dolores si
Magdalena: isang babaeng nang magutom ay nagbenta na pati ng katawan.
Paliwanag: hindi na nakakapanibago ang pagkakaroon ng babaeng bayaran,
dahil noon pa man nakaugalian na ito tanda narin ng kahirapan na kung saan
karamihan sa mga kababaihan ay nagbebenta na lamang ng kanilang sarili
sa mga kano upang matugunan ang sariling pangangailanagan.

3.Teoryang Feminismo
- Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at
kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
Madaling matukoy kung ang isang panitikanay feminismo sapagkat babae o sagisag
babae ang pangunahing tauhan at ipinamamayagpag ang mabubuti atmagagandang
katangian ng tauhan
.
 Pagiging mabuting ina
Patunay : kinapa ni Magda ang pipis na tiyan. Kung mamamatayan tayo ng
isang ng isang batang Asyano, h’wag ang anak ko! (kabanata 16,pahina
148).

Paliwanag: Ang may-akda ay isang babae at isa sa mga pangunahing tauhan na si


Magdalena ay babae.Naipakita sa atin niLualhati na ang mga babaing tulad ni
Magda ay may mga pangarap din sa buhay, may dignidad na kadalasan ay
ipinagbabawalang-bahala na lang makamit lamang ang kaginhawaan. Sa
pagtatapos ng nobela ay napatunayan na siMagda ay isang babaing may
pagmamahal sa buhay µpagkat kanyang piniling huwag ipalaglag ang bata sa
kanyangsinapupunan. Bagkus kanya itong bubuhayin kasama ni Mike, siya ay
handing matuto at pinatutunayan ito ng kanyanghanding pag-aaruga kay Jeffrey
habang nasa ospital pa si Ali.

5.Teoryang Historikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na
siyangmasasalamin sa kasaysayan ang bahagi ng kanyang pagkahubog.
 Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
 Pagsakop ng mga Hapon
Patunay : inatake ng hapon ang Pearl Harbor. Nagalit ang amerikanat
nagdeklara ng giyera laban sa teritoryo.
(kabanata 6,pahina 48)

Paliwanag: Sa nobela ay binigyang paliwanag ang ilan sa mga kadahilan ng bagay-


bagay at mahahalagang kasaysayan ng bansa. Isang halimbawa nito ay ang
kuwento ukol sa pagbomba sa Pearl Harbor at ang napakaraming kabuntotan
epekto nito sa ating bansa at ng bansang Amerika.

6. Teoryang Simbolismo: naglalahad ng damdamin sa pamamagitan ng mga


simbolo kaysa lantarang paghahayag nito sa akda.
 Magdalena
Patunay: “you grew up here?”right!”
“an’ they call you Magdalene?” “why, yes!
“haha! Isn’t she christ’s lover?

Paliwanag: naging tatak na ang pangalang Magdalena para sa mga babaing


nagbebenta ng katawan, para sa kanila ang pangalang ito ay wala ng ibig
kahulugan,kundi isang babaing marumi at kapit sa patalim na umaasa saw ala
kagaya nalang sa mga babae sa nobelang ito

C.Tagpuan

Freedom Pad
 
Ito ang pangalan ng bar na pinagtatrabahuan nina Magda at Mike. Dito rin sa
bar na ito nagkakilala sinaModesto at Ali. Dito nakilala ni Magda si Steve, dito
nagkaroon ng gulo sa pagitan ng mga Kano atPinoy at marami pang iba na
hanggang ang bandang dulong bahagi ng nobela na maituturing naµpagkawala ng
dambuhalang galit ni Mike sa mga Kano ay dito naganap. .Ang Freedom Pad ang
siyangnaging piping saksi sa iba’t ibang pangyayari sa buhay ng mga pangunahing
tauhan
 
Apartment nina Magda at Mike

  Ito ang bahay na pinagsaluhan nina Dolores at Magda kasama ang noo’y
maliit pang si Mike. Nang mamatay na si Dolores at binata na si Mike, mababasa sa
ikalawang kabanata ng nobela ang naging pagtatalo nina Mike at Magda sa tuwina
sapagkat hinihiling ng huli na lumipat na si Mike ng ibangtirahan tutal ay matanda na
siya at nakatatayo na sa sariling mga paa. Ang tunay na dahilan nito ay
dahilnagiging sagabal si Mike sa abisnes ni Magda, sa kanyang pag-uuwi ng
kostumer sa kanilang bahay atmakikita si Mike ay inaayawan na siya nito.
Siyaempre, mayroon din namang masasayang pangyayarina naganap dito na
nagpapatunay na sina Magda at Mike ay may pag-aalala din sa isa’t isa
bilangmagkasambahay at magkaibigan. Sa huli, ang apartment na ito ay isa rin sa
mahahalagang tagpuan ng Gapo

Beach sa Olongapo

  Dito nagpunta sina Modesto, Mike, Ali, Jeffrey at Igna bilang paglilibang nila
kay Jeffrey.Sa dagat aynagkakatuwaan sina Modesto, Jeffrey at Mike na animo
isang masayang pamilya. Subalit si Ali aynagmukmok lang sa kanilang nirentahang
kubo sapagkat siya ay naghahanap ng isang lalaking kanyangmamahalin at handa
rin naman magmahal sa kanya.
  Nang malapit nang lumubog ang araw at habang patuloy si Ali sa pagbuo ng
kung anu-anong imahinasyon sa kanyang sarili ukol sa kanyang ideal boy ay biglang
sulpot ang napakakisig na Kano na nagpakilalang Richard Halloway. At dito
nagsimula angµmatamis na pagmamahalan ng dalawa.

 Base ng mga Kano sa Olongapo


 
Lingid sa kaalaman ng kahit sino, matindi ang diskriminasyong nararanasan
ni Modesto sa loob ng Basekapiling ang mga katrabahong mapang-alipusta tulad ni
Johnson. Dito di lamang siya binubulyawan, pinagpipiyestahan at kinakantiyawan ng
mga sundalong Kano, kundi natatapakan na rin ang kanyangdangal at pagkalalaki.
Mabuti na lamang ay may isang William Smith na sa katulad niyang Pilipino
aymarunong makisuyo, nakikipagkuwentuhan at nang-aalok ng mansanas sa bawat
makatrabaho.
  Nguni t isang karumal-dumal na pangyayari ang dito ay naganap matapos ang
ilang araw na pananahimik niModesto mula malaman ng anak na si Jun ang
kanyang tunay na sitwasyon sa loob. Isang araw, hindina natiis ni Modesto ang
pang-aapi sa kanya ng mga sundalong Amerikano sa base militar.
 Nakipagsagutan siya kay Johnson at nauwi ito sa suntukan. Lamang sana si
Modesto nang pagtulungansiya ng mga kasamahan ng sundalong Puti. Sa kabila ng
pagpipigil at pakikiusap ni William, napatay nila si Modesto

Mga Bisa
Bisa sa isip
Ang nobelang Gapo ay naglalayon na maipasok sa ating isipan kung paano
tayo sinakop noon ng mga Amerikano at Hapon,at kung ano ang naging kalagayan
ng mga Pilipino sa olonggapo. Ipinakita din sa nobelang ito kung paano tayo nilait ng
mga dayuhan kung gaano ang kababa ng tingin nila sa ating mga kababaihan.
Ipinakita din sa nobelang ito ang diskriminasyon sa bawat lahi.

Bisa sa damdamin
Nakakapukaw ng damdamin ang nobelang ito sapagkat nailalahad ng may
akda kung ano ang naging karanasan ng mga Filipino sa olonggapo noong sinakop
tayo ng mga dayuhan at para sa mga kababaihan na nagnanais ng kaginhawaan sa
buhay at umaasa pang magkaroon ng pagbabago.

Bias sa asal
Maraming asal ang makukuha sa nobelang ito, isa na dito ang pagiging
mapanlait sa ibang lahi( diskriminasyo) at minsan nilalait din ang kapwa nila dahil sa
hindi marangal na trabaho, ikalawa ay ang huwag masyadong umasa sa iba, katulad
nalang sa nobelang ito, karamihan sa mga kababaihan sa olonggapo ay umaasa na
isama sila ng mga kano sa states na akala nila ay doon gaganda ang kanilang mga
buhay.

You might also like