You are on page 1of 1

Sa ating tagamasid pampurok, Ginang Maria Teresa T.

Suarin, ang ating pinagpipitagang punong guro, Ginoong Rolan Q.


Englisa, sa aking mga nagagandahang kapwa guro, minamahal
naming mga magulang, mga bisita, magandang umaga po sa
lahat.
Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiwang natin ang
Buwan ng Wikang Pambansa at sa taong ito ang tema natin ay “
Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.” Ang ibig
sabihin ay kailangang bigyan ng importansya ang ating Wikang
Filipino dahil mahalaga ang wikang ito at ang mga katutubong
wika sa pagsulong ng pagkakaunawaan sa bansang Pilipinas. Ating
paunlarin ang Wikang Filipino at mga katutubong wika.
Kaya sa pagdiwang natin ngayon, ay maisakatuparan
sana ang mithiing mapahalagahan na gamitin natin ang Wikang
Filipino sa maayos na pamamaraan at dapat nating mahalin ito
sapagkat ayon sa sabi ni Dr. Jose P. Rizal, ang hindi marunong
magmahal sa sariling wika ay higit na mabaho kaysa sa malansang
isda.
Maraming salamat po at naway maging makabuluhan
ang pagdiriwang na ito.

You might also like