You are on page 1of 50

Mga Layunin ng Edukasyon At Pagtuturo

Mga Layunin ng Edukasyon


Ang mga simulain, pananalig at mithiin ng isang bansa ay nasasalamin sa
sistema at mga layunin ng edukasyon. Ang mga layunin ng pagtuturo ay
nakasasalay din sa mga layunin ng edukasyon na makikita sa mga sumusunod na
batayan.

A. Ang Layunin ng Edukasyon Ayon sa Konstitusyon


Ang pinakapangunahing basihanng mga nilalaman ng kurikulum at mga
layunin ng pagtuturo ay ang mga probisyong pang-edukasyon sa bagong
Konstitusyon 1987 na matatagpuan sa Artikulo XIV, seksyon 3, bilang 2. Sa mga
tanging bahagi ay ganito ang isinasaad:

Ang lahat ng institutsyong edukasyon ay dapat na:

1. Ikintal ang patriotism at nasyunalismo;


2. Ihasik ang pag-ibig na pangkatauhan, paggalang sa karapatang pantao,
at pagpapahalaga sa mga ginampanan ng mga pambansang bayani sa
makasaysayang pagbuo ng ating bansa;
3. Ituro ang mga karapatan at tungkuling pagkamamayan;
4. Patatagin ang mga pagpapahalagang etikal at ispiritwal;
5. Linangangin ang karakter na moral at disiplina sa sarili;
6. Pasiglahin ang mapanuri at malikhaing pag-iisip;
7. Palawakain ang kaalamang pansiyensiya at panteknolohiya; at
8. Itaguyod ang kakayahang bokasyunal.
A.Mga layunin ng Edukasyon Elementarya

Ang edukasyon elemental ay naglalayong malinang ang ispiritwal, moral,


sosyal, emosyunal, mental at pisikal na mga kakayahan ng mag-aaral sa
pamamagitan ng pagdudulot ng mga karanasang kailangan sa demokratikong
pamumuhay para sa isang matalino, makabayan, makatwiran at
kapakipakinabang na pamamayan, tulad ng mga sumusunod.

1. Pagkikintal ng mga pagpapahalagang ispiritwal at sibiko at paglinang ng


isang mabuting mamamayang Pilipino na may pananalig sa Diyos at may
pagmamahal sa kapwa tao.
2. Pagsasanay sa mga kabataan sa kanilang mga karapatan, tungkulin at
pananagutan sa isang lipunan demokratiko para sa isang aktibong
pakikilahok sa isang maunlad at pamapamayan.
3. Paglinang ng pangunahing pang-unawa sa kulturang Pilipino, mga kanais-
nais na tradisyon at gawi ng ating mga ninuno at kabutihan ng mga
mamamayan na pangunahing kailangan sa pagkakamit ng pambansang
kamalayan at kaisahan.
4. Pagtuturo ng mga batayang kaalamang pangkalusugan at paglinang ng mga
kanais-nais na gawi at ugaling pangkalusugan.
5. Panglinang ng karunungan sa bernakular , Filipio at ingles upang maging
kasangkapan sa patuloy na pagkatuto.
6. Pagkakaroon ng mga batayang kaalaman, saloobin, kasanayan at
kakayahan, sasiyensiya, araling panlipunan, matemakika, sining, at
edukasyong paggawain at ang matalinong paggamit ng mga ito sa angkop
na sitwasyon ng buhay.
B. Mga layunin ng Edukasyon Sekundarya
Bukod sa pagpapatuloy at pagpapalawak pa sa mga layunin ng edukasyong
elementarya, ang komisyon ng Reorganisasyon ng edukasyon Sekundarya ay
bumuo ng dalawang batayang layunin para sa sekunarya. Ito ay ang
sumusunod:
1. Sanayin ang mga mamamayan sa pakikilahok sa mga Gawain ng isang
nagsasariling pamahalaan.
2. Maghandog ng kailangang saligan upang magkaroon ng mga
mamamayan handang manirahan bilang indibidwal at bilang mabuting
kasapi ng kinaaanibang pangkat sa ilalim ng isang demokrasya.

Para sa ikatutupad ng mga nasabing layunin, ang edukasyong sekondarya


ay magdudulot ng mga kaalaman, kasanayan at kakayahan, at wastong
saloobin at pananawa sa pitong aspeto ng pamumuhay na alalong kilala sa
tawag na “PITONG KARDINAL NA LAYUNIN NG EDUKASYON.” Ang mga ito
ay ang mga sumusunod:

1. Kalusugan
2. Kakayanan sa mga saligang pamaraan
3. Bokasyon o hanapbuhay
4. Kapaki-pakinabang na kasapi sa angkop o pamilya
5. Pagkamamamayan
6. Kapaki-pakinabang na paggamit ng labing panahon
7. Kabutihang asal
MGA LAYUNIN NG PAGTUTURO

Ang hanguan ng mga layunin ng pagtuturo ay ang mga layunin ng


edukasyon sa iba’t ibang antas: elementarya, sekundarya at tersyarya.
kaya’t anuman ang asignatura at guro, dapat niyang isaisip na ang
paglinang sa buong katauhan ng bata na siyang panlahat na layunin ng
edukasyon.

Ano ang mga layunin sa pagtuturo? Ang mga ito ay mga tiyak na
pagpapahayag ng mga inaasahang pagbabago sa panig ng mag-aaral. Ang
mga pagbabagong inaasahang magaganap sa katauhan ng bata ay maaring
mapangkat sa tatlong lawak: pangkaisipan o pangkabatiran (cognitive),
pandamdamin (affective), at pampisikal o saykomotor (psychomotor).

Sa pagbuo ng mga layuning pangkatauhan o pangkagaiwan


(behavioral Objective), tandaan ang mga sumusunod na paalala:

1. Banggitin ang gawi o Gawain ng mag-aaral ayon sa pananaw ng


mga-aaral at hindi sa pananaw ng guro. Ang mga layunin sa
pananaw ng guro ng nagsisimula sa matutuhan, maunawaan,
maikintal, mapahalagang, atbp, ay dapat iwasan sapagka’t ang
mga ito ay walang sapat na kalinawan sa kung ano ang dapat
gampanan o dapat ipamalas ng mag-aral. Ang mga salitang tulad
ng mapaguri-uri, makapagmungkahi, makabuo, malinawan, atbp,
ang higit na mabuti sapagkat ang mga ito ay tahasang nasasabi ng
tiyak na gagawin ng mag-aaral.

2. Bumuo ng mga layunin sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga


tiyak na gawi o gampanin na maaaring makita, marinig, maisip,
maramdaman o maaaring bunga ng pagkaganap, gaya halimbawa
ng. ”magunita ang mga karanasang may kinalaman sa nagdaang
lindol;” “mabigkas ang mga salitang pares minimal nang malinaw
at tumpak;” o kaya’y “maawit ang Lupang Hinirang ng wasto at
may damdamin.”
3. Ang pagdaradag ng mga salitang nagsasaad ng antas o kasidhiang
pagganap tulad ng “mailarawang ganap,” “mabigkas nang may
katamtamang bilis,” ay ang nakapagdaragdag ng kalinawan sa
layunin.

4. Banggitin ang kaluwagan o kahigpitan ibibigay sa mag-aaral sa


pagganap sa Gawain.

Halimbawa: “makaguhit ng iba’t ibang anyo ng tatsulok sa


tulong ng ruler;” o kaya’y “makaguhit ng iba’t ibang anyo ng
tatsulok nang hindi gagamit ng ruler.”

5. Banggitin ang pinakamababa o pinakamataas na antas ng


pagkaganap na maaaring tanggapin o pahalagahan.
Halimbawa: Pagkatapos ng aralin, 100% ng panananagumpay
ng matalinong mag-aaral, 80% ng karaniwang mag-aaral at
60% ng mahihinang mag-aaral ang inaasahang:
a. Makapagpahayag nang maliwanag ng .
b. Makipagbigay ng mga katunayan ng .
c. Atbp.

Sa kabilang pahina, makikita ang mga mungkahing panimulang parirala ng


maaaring gamitin sa paglalahad ng mga layunin pangkatauhan o panggawain.
A.Karaniwang gamit sa pagpapahayag ng mga layunin:

1. pangkabatiran o pangkaisipan (Cognitive)

a. Mga layunin pangkabatiran (knowledge objectives) sa katapusan ng


aralin, ang buhay ay;

1) Nakakikila ng mga bagay-bagay (data) kaisipan at paglalahat na nauugnay


sa (recalls, recognizes data, concept and
generalization related to )
2) Nakahihinuha na ( deduces that )
3) Nasasabi na ang pagkakaiba ng sa (distinguishes
from ).

b. mga layunin sa pagsisiyasat at kasanayan (inquiry and skill objectives)


Ang bata’y dapat nang:
1) Makapaglarawan at makapaghambing ng
(describe and compare) .
2) Makapagpaliwanag kung paano (explain how )

3) Makapagpakita ng paraankung paano ng


(demonstrate how )
4) Makilala ng pagkakaiba ng sa
(distinguishes from )
5) makapagsaalang- alang at makagamit ng (consider and use
)
6) makapagbalak na (makapagnukalang ) (plan
carefully )
7) Makapagmungkahi ng iba’t ibang paraan ng (conceive
varied ways of )
8) Makapagbalangkas nang mabisa’t
(formulate effective)
9) Makapagbigay ng mga katibayan o patunay na (give
evidence or proofs of)
10) Makapagtimbang- timbang ng katumpakan ng
(weigh the validity of )
11) Makagamit ng iba’t ibang (use a variety of )
12) Makahanap, makatipon,makapagpahalaga, makapaglagom at
makapag-ulat ng (locate, gather, appraise,
summarize and report )
13) Makabasa nang masusing kagamitan (read
material carefully)
14) Makapaghambing, makapagbigay kahulugan at makapagbuod
(compare, interpret and abstract)
15) Makapagpakahulugan (makahinuha) buhat sa mga katibayang
nagpapatunay na (conclude from available supporting
evidence that )
16) Makapagpahayag nang mabisa ng mga kaisipan sa
(express ideas effectively in )
17) Makabuo ng mga kagamitan buhat sa ilang mapagkukunang gaya ng
(organize material from several source sa )
18) Makapansin (makapuna) ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
(note sequence of events)
19) Makapagsiyasat nang masusi ng (examine critically
)
20) Maisaalang- alang ang lahat ng panig (bahagi) ng
(consider every aspect of )
21) Makagunita ng mga karanasang may kinalaman sa
(recall ecperience pertinent to )
22) Makapagpahayag nang maliwanag (state
clearly)
23) Makapili na mga kagamitang may kaugnayan sa
(select materials relevant to )
24) Mapag-uri –uri ang sa
(classify into )
25) Makasuri (analyze)
26) Malaman ang pagkakaiba ng sa
(differentiate from )
27) Makapagpaliwanag ng mabuti (define clearly)
28) Makahinuha (inter or deduce)
29) Makapag-ugnay ng sa
(correlate to )
30) Makapagsaayos (arrange )
31) Makatalakay nang may katalinuhan
(disscuss intergently )
32) Mapatunayan (makapagpatunay) (establish )
33) Makahula na (predict that )
34) Makapagbigay-diin (mabigyang-diin) na (emphasize that )
35) Makapagmasid nang masusi (observe keenly)
36) Makatukoy (makabanggit) (specify )
37) Makapagtala nang tumpak (record accurately)
38) Maabot (matamo) (attain)
39) Makapagsiyasat na mabuti (examine
carefully )
40) Makapagtala ng (list down )
41) Makapagpalaganap (mapalaganap) (disseminate)

2. pandamdamin (affective): mga saloobin, pagpapahalaga, mithiin at


kawilihan (attitudes, appreciations, ideals, interest)

Sa katapusan ng yunit, ang bata ay:

1) nakababalikat na ng pananagutan sa (assumes responsibility


for)
2) makagamit ng nang matalino at mabisa
(utilizes wisely and effectively)
3) nakapagmamasid nang masusi (observer
strictly)
4) nakikinig nang masusi at may layunin (listen critically and
purposively )
5) masigasig nang nakasali sa (participate actively in
)
6) nakikibahagi ng sa (share
with )
7) pumapayag na (tolerates )
8) Nakakasunod sa (complies with )
9) Tumatanggap (kumikilala) (accept )
10) Nakatatamo ng kasiyahan sa
(finds pleasure in )
11) Nakapagpapasiya na nang tumpak (nakabubuo ng
tumpak na pasiya) (forms sound judgement)
12) Gumagalang sa (iginagalang ang)
(venerates )
13) Nakapagpipigil )
14) Nakapagtitimbang –timbang
(equalize )
15) Humahanga sa (hinahangaan ang)
(admires )
16) Nasisiyahan
(appreciates)
17) Nakasusunod (sumusunod)
(follows) )
18) Naibibigay ang sarili sa
(values )
19) Nagpapahalaga (nakapagpapahalaga)
(values )
20) Nagbibigay-kasiyahan (nakapagbibigay-kasiyahan)
(satisfies )
21) Naninindigan (maintains )
22) Nakadadalaw (dumadalaw)
(visit )
23) Nakapangangalaga (conserves )
24) Nakapagbibigay-galang (nagpapakita ng paggalang) sa
(show respect for
)
25) Nakapagbubunsod ng mga proyectong kapaki-
pakinabang (initiates worthwhile projects)
26) Gumugunita (commemorates )
27) Nakapagpapalakas, nakapagpapatibay
(intensifies )
28) Nakapagpapatalas ng (sharpens)
29) Nagsisikap na lalo sa (exert more effort in )
30) Nakalilikha (lumilikha) (generates )

3. SAykomotor o pagkakaugnay ng kaisipan at kilos (psychomotor)

Sa katapusan ng yunit, ang bata’y maari nang:

1) Makayari o makabuo ng (construct )


2) Makagawa (makapagtayo) (build )
3) Makagawa (makahawak) (manipulate )
4) Makagamit ng (make use of )
5) Makagawa (makaganap) (perform )
6) Makasulat (measure )
7) Makapagpaandar (operate )
8) Makahawak (handle )
9) Makaganap (makagawa, makatupad)
(operate )
10) Makapagkabit (makapagdugtong- dugtong, makapag-ugnay-
ugnay) (connect )
11) Makapagkabit (install )
12) Makapag-eksperimento
sa (experiment on )
13) Makapagtipon (makapag-ipon,makapagkabit-kabit,
Makapagbuo)ng (assemble

14)makasipi(makakopya) (copy)

B.Ang nararapat gawin upang makatiyak na ang layunin ay natatamo.


Kinakailangang ang mga katawagang tiyak,namamasid,nasusukat at
nakakamtan o naaabot .Narito ang ilang mga saliiitang kilos na maaaring
gamitin sa ibat ibang paaaksang aralin .
Sulat/sumulat(write)
Basa/bumasa(read)
Bigkas/bumigkas(recite)
Kilalanin(identify
Pag-ibahin(differentiate)
Lutasin(solve)
Bumuo(construct)
Magtala(list)
Mag-utos(order)
Sundin/sumunod(obey)
Isalin(translate)
Gawin(make)
Tuklasin(discover)
Piliin(pick out)
Ilarawan(describe)
Gamitin ang tuntunin(apply the rule)
Uriin(classify)
Ipakita(demonstrate)
Tawagin(call out
Sabihin(tell)
Palangalan(name)
Iguhit(draw)
Magdisenyo(design)
Bumalangkas (formulate)
Gamitin (use)
Itayo (raise)
Gunitin/alalhanin (recall)
Itanong (ask)
Hipuin (touch)
Gawin (perform)
Ibigay ang tuntunin (state the rule)
Tanggapin (accept)
Bihasanin (caquaint)
Ibigay (adjust)
Suriin (analyze)
Asahan (anticipate)
Ayusin (arrange)
Ipalagay (assume)

Kabanata 3
Paghahanda ng mga
Kagamitan sa Pagtuturo

Ang anumang bagay na ginamit bilang pantulong sa pagtuturo at


pagkatao ay maituturing na kagamitan pampagtuturo. Dahil sa dami ng
sinasaklaw nito, ang bibigyang-pansin sa kabanatang ito ay ang mga
kagamitan sa pagtuturo na karaniwang inihahanda, ginagamit at
kinakailangan ng isang guro, tulad ng mga sumusunod:

Ang Banghay Ng Pagtuturo


Ang banghay ng pagtuturo ay ang balangkas ng Gawain ng
guro sa araw-araw bilang patnubay niya sa pagsasatuparan ng mga
layunin ng pagtuturo para sa ikapagtatamo ng mga inaaasahan bunga.
Ang Balangkas Ng Banghay Ng Pagtuturo
Kalimitan, ang balangkas ng banghay ng pagtuturo ay may apat
o limang mahahalagang bahagi (DECS MEMO BLG. 104, S. 1984). Ang
mga ito ay ang mga sumusunod:

I.Mga Layunin o Inaasahang Bunga

A. Layunin Panlahat
B. Layunin Tiyak
1. Layunin pangkaisipan- kabilang dito ang
pangkaalaman, pangkabatiran, pag unawa at
pagsusuri.
2. Layuning pamdamdamin-kabilang dito ang mga
saloobin, kawilihan, at pagpapahalaga.
3. Layunin pisikal o saykomotor-kabilang dito ang mga
kasanayang ginagamitan ng kaalaman sa pagbuo ng
mga bagay; at paghawak sa mga kagamitan. Kasama
rin dito ang pagsulat, pagbasa, at pagaaral ng kursong
panghanap-buhay at pantekniko.
Sa paagsuslat mga layunin. Tiyaking ang mga ito ay
ipinahayag sa pangkagawiang kilos (behavioral terms)
at kailangan ang mga ito ay (a) tiyak (b)
naoobsrebahan o namamasdan (c) natatamo o
nakkamtam, at (d) nasusukat.
(Tingnan ang mga paliwanag sa Kabanata II)

II. Paksang- Aralin

A. Paksa
B. Sanggunian: awtor, pamagat, pahina.
C. Mga kagamitan tanaw-dinig (audio-visual)-ang ilan sa mga ito ay: larawan,
tunay na bagay papet, mobil, tsart, dayorama, tunay na bagay, tsart,
plaskard, sini-sinihin, mapa,globo, bulitinbord, planel pelt bord tak bord,
sand table, komik istrik, teyp rekorder, prodyektor, pilm istrip film showing,
atbp.

III. Pamaraan o Istratehiya o Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimula o Paghahanda
Sakop nito ang:
1. Pagganyak
2. Balik-aral
3. Pag-aalis ng sagabal
4. Pagbibigay ng pangganyak na tanong.
(Ang bilang 3 at 4 ipinapasok kung ang aralin ay pagbasa)
B. Paglalahad-
Upang maging kawili-wili at epektibo ang paglalahad ng bagong
aralin, ang guro ay kailangang maging malikhain sa paggamit ng iba’t
ibang lunsaran sa pglalahad tulad ng mga sumusunod:
1 .Paglalhad sa pamamagitan ng kuwento
2. Paglalahad sa pamamagitan ng dula-dulaan o diyalog
3. Paglalahad sa pamamagitan ng tula o tugma
4. Paglalahad sa pamamagitan ng balitang o pagbabalita
5. Paglalahad sa pamamagitan ng liham
6. Paglalahad sa pamamagitan ng talaarawan
7. Paglalahad sa pamamagitan anunsyo
8. Paglalahad sa pamamagitan ng komiks istrip
9. Paglalahad sa pamamagitan ng laro
10.Paglalahad sa pamamagitan ng awit
11.Paglalahad sa pamamagitan ng pagtalakay o panayam
C. Pagsasanay-Ang pagbibigay ng sapat na pagsasanay, pasalita at pagsulat, ay
kinakailangan upang mapag-ibayo ang pagkatuto ng mag-aaral at matamo
ang kasanayan sa gawaing inilahad.
D. Paglalapat o pagkakapit o Paggamit (Application) Filipino ang salitang-
paglalapat, pinag-aralan; pagkakapit, upang maikapit o maging bahagi ng
katauhan ng bata ang liksyong pinag-aralan; at paggamit upang magamit sa
pangaraw-araw ng gawin ang liksyong pinag-aralan.Kaya’t ang mga gawaing
ibinibigay dito ay mga ganong tanguhin. Ang sosyodrama ay mabisang
aktibiti upang matamo ang nasabing tunguhin.
E. Pagsubok- Dito sinusukat ang natutuhan ng mga mag-aaral.
F. Takadang- Aralin-Ang tinakdang ay maaaring tungkol sa pinag-aaralan o
tungkol sa bagong aralin

IV. Pagpapahalaga- Ang bahaging ito ay nauukol sa pagbibigay-halaga sa:

A. Aralin- Nagustuhan ba ninyo ang aralin? Nasiyahan ba kayo sa ating


ginagawa?, atbp
B. Guro- Naunawaan ba ninyo ang paliwanag ng guro?
May katamtamang lakas ba ang kanyang tinig?
C. Mag-aaral- Naging tahimik ba kayo sa pakikinig?
Nagin masigla ba kayo sa pagsagot at paggawa ng mga aralin?, atbp

V. Kaunduan

Ang kasunduan ay iba sa takdang –aralin. Ang takdang aralin ay buhat sa


guro, samantalang ang kasunduan ay buhat sa mag-aaral. Pinagkakasunduan nila
kung anu-anoang mga kabutihang kanilang napulot sa kanilang pinag-aralan na
dapat pahalagahan at dapat maisakatuparan sa kanilang pang araw-araw na
buhay. Ang mga mag-aaral din ang magpupulis sa kani-kanilang sarili at kapwa-
mag-aaral upang makasiguro sa ikatutupad ng pinagkasunduan.

Uri Ng Banghay Ng Pagtuturo

Ayon Sa Kayarian

May tatlong uri ng pang araw-araw na banghay ng pagtuturo ayon sa


pagkakayari o pagkakagawa dito. Ang mga sumusunod:

1. Masusing banghay ng pagtuturo- ito ang karaniwang inihahanda ng mga


mag-aaral na magiging guro, mga bagong guro at mga gurong naatasang
magpakitang-turo sapagkat ang lahat ng mga dapat gawin at dapat itanong
ng guro, pati na ang dapat gawin at isagot ng mga-aaral ay detalyadong
nakasulat dito sa ilalim ng bahagibg paraan na nahahati sa dalawang kolum:
Gawaing –Guro at Gawaing Bata. Sa gayon, ang ganitong uri banghay ay
nagsisilbing iskript ng guro sa kanyang paghahanda sa pagtuturo o
pakitang-turo.
2. Mala-masuring banghay ng pagtuturo-Sa ganitong uri ng banghay ang mga
gawain na lamang ng guro ang isinusulat. Hindi na kasama ang gawaing-
bata. Hindi na nakikita ang pamagat na “gawaing-guro” at gawaing-bata”
sapagkat naiintindihan nang ang mga nakasulat dito ay mga sunud-sunod
na gawaing ipatutupad ng guro sa klase. Kaya’t mas maigsi ito kaysa sa
masusing banghay.
3. Maigsing banghay ng paguturo- Dapat tandaan na ang maigsi, mala-masusi
at masusing banghay ay magkakatulad sa Bahagi I at II. Nagkakaiba lamang
sila Bahagi III, ang Pamaraan/Istratehiya. Sa maikling banghay,sapat nang
banggitin sa ilalim ng pamaraan ang sunud-sunod na hakbang at gawaing
isasakatuparan sa bawat hakbang.

Bukod sa pang araw-araw na banghay ng pagtuturo, mayroon tayong


tinatawag na long range plan o pangmahabang panahong banghay ng
pagtuturo. Nangangailangan ito ng maraming sunod-sunod na pagkaklase s
halip na isang pagkaklase lamang.

Para sa mga gurong-mag-aaral, iminumungkahing huwag kaliligtaan


ang mga sumusunod sa paggawa ng pamagat ng kanilang banghay ng
pagtuturo.

Asignatura

Baiting/taon/antas ng mga mag-aaral

Petsa at oras ng pagtuturo

Halibawa: Masusing Banghay ng Pagtuturo sa Araling Panlipunan


para Ikaapat na Baitang

Disyembre 3, 1995 1:30-2:30


Mga kahalagahan ng banghay ng pagtuturo

1. nakatipid sa lahat at panahon.


2. Nagiging maayos at sistimatiko ang pagtuturo sa halip na padamput-
dampot.
3. Naihanda nang maaga ang mga kaamitan, at nababalak na mabuti
angmga itatanong at mga ipapagawa sa klase.
4. Nagkakaroon ng hangganan ang pagtuturo.
5. Napag-iisipang mabuti ang angkop na pamaraang dapat gamitin.

Isang Halimbawa ng Banghay ng Pagtuturo

Mala-masusing Banghay Pagtuturo sa Panitikan

Para sa Ikalawang taon

Hulyo 10, 2000 1:30-2:10 n: h.

I.Layunin

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang.

1. maipaliwanang ang mga kaisipang nakapaloob sa tula:


2. matukoy ang mga sanhi at bunga ng laki sa layaw;
3. makahuludan ang pgsali sa mga aktibiting may kaugnay sa aralin; at
4. makapagbigay ng mga pahayag, opinion at kuro- kuro nang may
katalinuhan sa pamamagitan ng isang debateng may kaugnayan sa paksa
ng tula.

II. Pagsang- Aralin

A.Paksa: laki sa layaw

B.Sanggunian:belvez, Paz M. Filipino II, pahina 93-95

C.Mga Kagamitang tanaw-Dinig: tsat, pisara, yeso, mga larawa, teyp


Rekorder.

III. Pamamaraan:

A. Panimula at paghahanda
1. Laro: Chinese whisper

Magandang hapon, klase. Gusto ba ninyong maglaro? Kung


gayon, sundin ninyo ang aking mga panuto. Ang lalaruin natin ay
tinatawag na Chinise whisper. Bumuo ng dalawang pangkat.bawat
pangkat ay may apat na miyembro. Ang pangkat na nasa kanan ay
pangkat A. ang nasa kaliwa naman ay pangkat B. Kinakailangang
tuwid ang inyong linya at isang metro ang layo ng bawat
meyembro sa isa’t isa. Ang dalawang unang miyembro ng bawat
pangkat ang pupunta rito sa harap at ipababasa ko sa kanila ang
nakasulat sa papel. Sasauluhin nila ang kanilang nabasa sa loob ng
dalawang minute. Babalik sila sa anilang miyembro hanggang sa
makarating ang bulong sa pinakahuling miyembro. GAnito rin ang
gagawin ng mga kasunod na miyembro ng bawat pangkat at
isusulat ang anumang naibulong sa kanya.kung sino ang nauna t
may pinakatamang naisulat ang mananalo. Madidisqualify ang
sinumang lalabag sa ating tuntunin.

Ang ibubulong

“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad sa bait at muni sa hatol ay


salat. Masaklap na bunga ng maling paglingap habang ng
magulang sa irog na anak.”

2. Pahulaan Coffeepotting

Gusto pang bumawi ng natalong pangkat kaya ang susunod


nating aktibiti ay tinatawag naa Coffeepotting. Huhulaan lang
ninyo ang aking mga ilalarawan. Pagkatapos kong maglaraawan ay
magtanong kayo para makuha ninyo ang tamang sagot.
G.Ito’y isang lugar.
M.(tinitirahan ba ito?)
G. Oo, dito nakatira ang maraming tao.
M. (tinitirahan ba ito ng pamilya?)
G. Oo, binubuo ito ng mga pamilya na namumuhay rito.
M. Ito ba ay komunidad?
G. Tama.
1).G. Ito ay isang taong nilikha ng panginoon.
M. (Ito ba ay babae ?)
G. Siya ay maaring babae o lalaki.
M. (Bata pa ba siya?)
G.Oo, nagsisilbi siyang inspirasyon ng magulang.
M.(Siya ba ay anak?.)
G.Tama.
2). G. Ito ay isang katawagan sa paraan sa pagpapalaki sa mga anak.

M. (Ito ba ay pag-aaruga?)
G. Oo, negatibo ang pagpapalaki rito.
M.(Maling disiplina ba ito?)
G.Oo, ibinibigay sa anak ang lahat ng magustuhan.
M.(Ang sagot ay laki sa layaw.)
G. Tama.

3. Pagganyak: Awit at Sementik Webing

Ngayon klase, making kayong mabuti at may ipaparinig ako sa inyong isang
bahagi ng awitin (Nakinig ang klase.) Ano ang pamagat ng awit na inyong
napakinggan?. Tama “Laki sa Layaw” Kapag narinig ninyo ang salitang laki sa
layaw, anu-ano ang pumapasok sa inyong isipan?

(Paggawa ng semantik webing)


Sunod lahat ng gusto

Makasarili Walang alam sa buhay

Laki sa
Layaw
Palaasa sa magulang Maraming bisyo

Madaling igupo ng Problema Walang pakundangan sa pera

Tamad

Ngayon sino sa inyo ang makapagbibigay ng dipinisyon ng laki sa layaw na ginamit


ang lahat ng mga naisulat?.

4.Pag-aalis ng sagabal

Klase may mga salita sa tula na maaring makasagabal sa vpag-unawa ninyo


kaya’t aalamin natin ang mga kahulugan.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at hanapin sa loob


ng krosword pasel ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Gamitin sa
sariling pangungusap ang salitang binigyang kahulugan.

a. Ang batang salat sa pangangaral ay karaniwang walang galang..


b. Mapaglalabanan ng taong marunong magbata ang anumang
kahirapang kakaharapin.
c. Ikinaluluoy ng mga pananim ang tuwirang init ng araw.
d. Kung hilahil ang lagging isasaisip, sa gawi’y lagging magigipit.
e. Dahil sa magulang na mapaglingap, mga anak ay lumalaking
magalang at tapat.
f. Anumang pighati’y kayang baalikatin ng taong namimihasa sa
pagtitiis.
g. Gayon na lamang ang kanilang hinagpis nang ang anak ay
magumon sa bisyo.

A L M A G T I I S P B N
C O A B U A K A B H A E
D T P C M Y I D S I G T
K T A D A I N G C L U H
U O G E M P A O B I I E
K A A F E N L R N P O R
A L R N A H A N T A D S
N I U G L G L H C P C L
G S G H A T A O I I I A
A I A I S A N M N R T N
L U N G K O T A N N A D
S N G J I S A N E E Y P

5. Pagbibigay na pagganyak na Tanong


Narito sa tsart ang ilang mga katanunagan magsisilbing gabay sa ating
pagtatalakay ng tula. Sino ang babasa ng unang katanungan? Ikalawa?
Ikatlo? Ikaapat? Ikalima?
1.Sino ang tinaguriang laki sa layaw?
Ilarawan siya.
2.Saan ihinalintulad ang taong pinalayaw ng mga magulang?
Makatwiran ba ito?
3.Bakit walang sariling pagpapasya ang taong pinalaki sa layaw?.
4.Bukod sa mga binanggit sa tula, ano pa ang masasabi mo sa mga taong
pinalaki sa layaw?
(Ang gagawin ninyo rito ay ilalarawan ang taong laki sa layaw
at mag-uumpisa kayo sa titik A hanggang titik Z.)
5.Anu-ano ang sanhi at bunga ng laki sa layaw?
B.Paglalahad

1. Unang pagbasa

Ngayon klase, babasahin ko ang tula nang madamdamin, making kayong


mabuti.

Laki Sa Layaw
Ang taong magawi sa ligaya’t aliw
Mahina ang puso’t lubhang maramdamin,
Inaakala pa lamang ang hilahil
Na daratna’y din a matututuhang bathiin.

Para ng halaman lumaki sa tubig


daho’ y nalalanta munting di madilig,
ikinaluluoy ang sandaling init,
gayon din ang pusong sa tuwa’y manaig.

Munting kahirapa’y mamalakhing dala


Bidbid palibhasa’y di gawing magbata
Ay bago sa mundo’y bawat kisapmata,
Ang tao’ y mayroong sukat ipagdusa.

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad


sa bait at muni sa hatol ay salat.
Masaklap na buna ng maling paglingap
Habag ng magulang sa irog na anak.

Sa taguring bundo’t likong pagmamahal


Ang isinasama ng bata’y nunukal,
Ang iba’y marahil sa kapabayaan
Ng dapat nagturong tamad na magulang

3. Pagtalakay Pangkaisipan
Pagsagot sa pangganyak na Tanong
Naunawaan ba ninyo ang tula, klase? Kung gayon, sino ang
sagot sa unang katanungan? Ikalawa? Ikatlo? Ikaapat? Ikalima?

Ten things Dictation:


Magkarkaroon na naman kayo ng aktibiti.
Parehong pangkat subalit ibang miyembro naman. Kailangan ko ngaun ng
tiglilimang miyembro. Ngayon, pumili kayo sa grupo ninyo ng magsisilbing
Tagasulat at ang mga natira ang magsisilbing tagadikta. Handan a ba ang dalwang
pangkat? Ngaun maglista ng 10 pag-uugali, asal o kilos ng isang taong lumaki sa
layaw.

Cloze Dictation:
Ngaun naman, ang gagawin ninyo ay sasbihin sa akin ang nawawalang salita
sa babasahin kong mga taludtod buhat sa tula. Patapusin ninyoo muna akong
masalita at pagkasabi ko ng salitang “go” ay saka ninyo sabihin ang inyong sagot.
Ang hindi sumunod sa panuto ay madidisqualify

1. Sa taguring bunso’t likong (pagmamahal) ang


isinasama ng bata’y nunukal.
2. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad sa bait at muni sa hatol ay
(salat)
3. Para ng halamang lumaki sa tubig, daho’y nalalanta munting
(di madilig) Ikinauluoy ang sandaling init gayon din ang
pusong sa tuwa’y (nanaig)

Picture Dictation:
Kahapon,sinabi ko sa inyong magdala kayo ng lapis, kopon at krayola
o anumang pangkulay. Nagdala ba kayo? Ngayon ihanda na ang mga
ito. Ang gagawin ninyo iguguhit ang larawang nais ipabatid o ibig
ipakita ng mga babasahin kong sitwasyon.

1. Buong ligayang tinititingan ng mag-asawa ang kanilang anak na


himbing na himbing na natutulog sa kanyang kama subalit ito’y
pandalian lamang ipanaubaya na lamang nila sa yaya dahil abala
sila sa trabaho.
2. Ibinili at ibinigay ng mga magulang ang lahat na hilingi ng kanilang
anak. Sapatos, mga laruan, damit at kung anu-anu pa.tuwang-
tuwa ang bata at sa kagalaka’y nakalimutang magpasalamat sa
mga magulang.
3. Magulung-magulo ang kuwarto ng anak. Nangagkalat ang kanyang
mga gamit. Pinapangaralan at pinapagalitan siya ng kanyang mga
magulang habang nakayuko at matamang nag-iisip ang anak.

Sino ang gumuhit ng unang sitwasyon? Ikalawa? Ikatlo?


Klase mula rito sa mga larawan ay maari kayong bumuo ng isang
talata na maaring dahilan kung bakit may mga lumaki sa layaw.
Sino sa inyo ang bubuo?

3.Pagtalakay Pangkagandahan

Ngayon, balikan at suriin natin ang tula. Klase, ilang saknong


mayroon ang tula? Tama, limang saknong. Tingnan naman ninyo
ang mga taludtod ng bawat saknong. Ano ang inyong masasabi?
Tama, may sukat at tugma. Alam ninyo baa kung anong uri ng tula
ang laki sa layaw> Magaling! Ito’y isang makalumang tula.

How Many Words Dictation:


Klase, may isa pa akong inihandang aktibiti rito. At tulad ng
dati, pangkat A at pangkat B pa rin kayo. Ang gagawin lang ninyo
ay mag-iinahan kayo sa pagbilang ng salita sa babasahin kong
taludtod mula sa tula. Handa nab a. klase?
1. Sa taguring bunso’t likong pagmamahal ang isinasama na
bata’y nunukal. (10)
2. Masaklap ng bunga ng maling paglingap habang ang
magulang sa irog na anak (13)
4.Ikalawang Pagbasa
Makining kayong mabuti ay muli kong babasahin ang tula ng madamdamin.

5.Ikatlong Pagbasa: (Mga mag-aaral)


Ngayon naman, sabay-sabay ninyong basahin ang tula ng buong damdamin.
Handan a ba kayo?

C.pagsasanay:
Upang lubusang malaman kung talagang naunawaan ninyo ang tula, sagutin
ninyo ang mga sumusunod. Sino ang babasa sap unto?
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na kaisipan:
1. “Kung ano ang ipinamulat nf magulang ay siyang makikita sa mga anak.”
2. “Nasa wastong pagpapasunod ng magulang ang ikinabubuti ng mga anak.”
3. “Nasa pagkakaisa at wastong pagsusunuran ng mag-anak ang ikagaganda
ng pamumuhay.”

D.Paglalat:
Ngayon ay muli ko kayong hahatiin sa dawalang pangkat. Ang lahat ng nasa
kanan ang pangkat A at pangkat B naman ang lahat ng nasa kaliwa. Magkakaroon
kayo ng pagtatalo sapaksang aking inihanda. Ang paksang inyong pagtatalunan ay:
“dapat ba o hindi sisihin ang mga magulang kung lumaki sa layaw ang kanilang
anak.” At para walang masabi ang bawat pangkat, bubunot kayo rito kung dapat o
hindi dapat ang inyong ipaglalaban. Bibigyan ko kayo ng dalawang minute upang
maghanda.
E.Pagsubok:
Ngayon naman, kumuha kayo ng kalahating bahagi ng papel at sagutan ang
mga sumusunod:
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag at magbigay ng
halimbawa.
1. Ang taong magawi sa ligaya’t aliw mahina ang puso’t lubhang
maramdamin,inaakala pa lamang ang hilahil na daratna’y din a
matutuhang bathin.
2. “Habang may buhay,may pag-asa”.
(Ang laki sa layaw ay may pag-asa pang magbabago o mapabag?
Patunayan.
F.Takdang-aralin
1. Magsaliksik ng isang kaso ng isang taong laki sa layaw.
2. Basahin ang tulang “ako ay Pilipino” sa inyong aklat sa pahina 97 at
sagutin ang mga tanong sa pahina 98.

IV.Pagpapaalaga
Naunawaan ba ninyo ang ating paksang tinalakay? NAgustuhan ba
ninyo Ito? Narinig ba ang boses ko sa likod? NAging aktibo ba kayo sa ating
talakayan? May gusto pa ba kayong itanung?

V.Kasunduan
Ngayon naman klase, ano ang gusto ninyong maging kasunduan
upang ang inyong napulot sa katatapos na liksyon ay maging bahagi ng
inyong buhay? Payag ba kayo sa iminungkahing kasunduan ng inyong
kamag-aral? Kung gayon, inaasahan kong isasakatuparan ninyo ang inyong
napagkasunduan. Paalam,klase.
PANLINANG NA GAWAIN

Maghanda ng isang masusing banghay ng pagtuturo sa anumang


asignatura,na may paksang-aralin angkop sa baiting/taon/antas/na inyong
pagtuturuan ssa hinaharap. Pagkatapos nito, magsanay para sa isang pakitang-
turo sa harap ng klase. Ang banghay ng pagtuturong inihanda ay iaabot sa guro
bago simulan ang pakitang-turo.

ANG MODYUL

DIPISNYON

Ang mudyul ay isang kagamitan sa pagtuturo-pagkatuto na buo at ganap sa


kanyang sarili at nalalahad ng mga tiyak na takdang Gawain sa isang kaparaanang
sistimatiko. Ito ay naglalayong ang estuyante ay ma-aral sa kanyang sarili nang
walang aklat at walang pamamatnubay ng guro. Kaya’t ang modyul ay maaaring
gawin sa tahanan o saanman sa labass ng paaralan.

May mga modyul na hindi maipasok na lath ang mga gawaing


kinakailangan, kaya may mga panuting ibinibigay tulad ng pagsasadya sa aklatan
at iba pang pook bilang pagpapayamang-gawain sa aralin o pakikipanayam sa
ganoon at ganitong tao. Kapag may mga ganitong panuto, tiyakin lamang na ang
mga ito ay matatagpuan sa sariling pamayanan ng mag-aaral upang maiwasan ang
anumang suliranin.

MGA BAHAGI NG MODYUL

Ang mga modyul ay nagkakaiba-iba sa uri, anyo at mga bahagi. Ang ikinaiiba
ng isang modyul sa iba pang modyul ay nababatay sa naghahanda nito, sa paraan
ng paghahanda, sa asignaturang pinaghahandaan, sa pagkakaiba-iba ng gagamit
sa lugar na paggagamitan.

Ang ayos at mga bahagi ng modyul na karaniwang ginagawa dito sa atin ay


may ganitong pagkakasunud-sunod
1. Pamagat (Title)

Ano ang pamagat ng modyul?

Halimbawa: “Mga Katutubong Kaugalian”


2. Mga Mag-aaral na Gagamit (Target Learner)
Ang mag-aaral ba sa loob ng silid-aral? O mga kabataang nasa
pamayanan? O mga kabataang hindi nag-aaral (out-of school-youth)?
3. Lagom-Pananaw (Overview)
Tungkol saan ang modyul? Ibigay ang kahalagahan nito.
4. Layunin (Objectives)
Anong mga tiyak na kaalaman, kakayahan at kasanayan ang
inaasintang makamit sa pag-aaral ng modyul?
5. Panuto o Instruksyon sa Mag-aaral (Instructions to the Leaner)
Ilalagay dito ang mga hakbang kung paano gagamitin ang kabuuang
modyul.
6. Mga Kakailangan Kahandaang Gawi (Entry Behavior)
Ang pagsusulit na ibinibigay dito ay base sa kailanganing kahandaang
gawi.
7. Paunang Pagsubok (Pre-test)
Ang pagsusulit na ibibigay dito ay base kailanganing kahandaang
gawi.
8. Mga Sagot sa Paunang Pagsubok (Feedback)
9. Mga Gawain sa Pagkatuto (Learning Activities)

Ito ang pinakakatawan ng modyul. Dito inilalahad

(a) Ang aralin o mga aralin. Kasunod ng bawat aralin


(b) Ang pagsasanay o mga tanong na sasagutin. Kasunod naman nito
(c) Ang mga inaasahang sagot sa tanong upang mabatid agad ng
mag-aaral ang wastong tugon.

10.Panukatang Sangguniang Pagsusulit (Criterion Post Tes)


Ang pangwakas na panukatang pagsusulit ay ibinibigay dito upang
masubok kung gaano ang natutuhan ng mag-aaral sa kanyang pag-aaral sa
modyul.

11.Sagot sa Panukatang Pagsusulit

12.Pagpapahalaga (Evaluation)

Nakatulong ba ang modyul sa katuparan ng mga layunin?

HALIMBAWA NG MODYUL

I.Pamagat:Kaantasan ng Pang –uri

II.Mag-aarl:Ikaanim na Baiting

III.Lagom-Pananaw:

Ang modyul na ito ay sadyang nakalaan para sa iyo.Mahalagang pag-


aralan mo ito dahil makakatulong ito sa iyo sa lubos sa pag-aaral ng pang-uri.
Napapaloob dito ang mga kaantasan ng pan-uri sa pamamagitan ng mga Gawain
sa pagkatuto. May mga pagsasanay kang sasagutin upang masukat mo ang iyong
kaalamang nalinang sa modyul na ito.

IV.Layunin:

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito,ikaw ay inaasahang:

1.makilala ang iba’t ibang kaantasan ng pang-uri;

2.matukoy ang mga kaantasan ng pang-uri sa loob ng pangungusap at

Talata;

3.mapahalagahan at masunod ang mga tuntunin hinggil sa gamit ng

kaantasan ng pang-uri; at

4.magamit nang wasto ang kaantasan ng pang-uri sa mga pagsasanay na

nasa modyul.
V. Panuto o instruksyon sa mga Mag-aaral:

1.Sagutin ang unang pagtatayang pagsusulit. Pagkatapos sagutin, iwasto


ito.

2.Kapag nakakuha ng 0-5, balikan at unawaing muli kung ano ang pang-uri
sa nakaraang modyul at ulitin ang pagsusulit. Kapag nakakuha naman nang
6-10, maari ng ipagpatuloy ang pa-aaral sa modyul na ito.

3.Basahin at unawaing mabuti ang mga gawain sa pagkatuto at sagutin ang


mga pagsasanay at iwasto rin ang mga ito.Kung nasagutan mo ng wasto ang
mga pagsasanay, handa ka ng sagutin ang lahatang pagsusulit. Kung hindi
naman, muli mong balikan ang mga gawain sa pagkatuto at muli mong
saguting muli ang pagsasanay.

4.Iwasto ang pagsasanay ng buong katapatan. Makikita ang kasagutan


pagkatapos ng pagsasanay.

5.Maari mo nang kunin ang susunod na modyul kung natapos mo at


naunawaan mo ng lubos ang mga gawain.

VI. Mga Kakailanganing Kahandaang Gawi:

Bago mo simulan ang modyul na ito, nararapat na alam mo ng pumili


at kumilala ng pang-uri , pangngalan at panghalip.

VII. Unang Pagtatayang Pagsusulit:

Salungguhitan ang mga pang-uri sa sumusunod na mga


pangungusap:

1. Siya ang pinakamatalino sa buong klase.


2. Malawak ang kanilang bukirin.
3. Ang pilak ay di-gaanong mamahalin tulad ng ginto.
4. Sariwa pa ang isdang binili ng nanay.
5. Napakamahal na ngayon ng dolyar kumpara sa piso.
6. Singganda ni Mutya si Paraluman.
7. Malinis na ang bahay ng dumating ang mga bisita.
8. Magkasingtangkad lamang ang magkaibigan.
9. Pagkataas-taas naman ng gusaling iyon.
10. Ubod ng tamis ang manggang binili niya.

VIII. Mga Sagot Para sa Unang Pagtatayang Pagsusulit

1. Pinakamatalino
2. Malawak
3. Di-gaanong mamahalin
4. Sariwa
5. Napakamahal
6. Singganda
7. Malinis
8. Magkasingtangkad
9. Pagkataas-taas
10.Ubod ng tamis

IX. Mga Gawain sa Pagkatuto


Aralin 1

Mga Kaantasan ng pang-uri

Lantay

Ang lantay ay pang-uring nasa karaniwang baitang ng kaantasan, gaya


ng payak o basal na pang-uri na walang tinutukoy kundi ang sariling
katangian ng pangagalan o panghalip.

Halimbawa:

1.maganda ang bulaklak.

pang-uri pangngalan
2.maamong mukha.

pang-uri pangngalan

3.sikat na basketbolista.

pang-uri pangngalan

4.walang pera

Pang-uri pangngalan

Pagsasanay I.

Salungguhitan ang mga pang-uri sa mga sumusunod na mga


pangungusap at isulat sa patlang ang salitang lantay kung ang pang-uri
ay lantay, at di –lantay kung ang pang-uri ay di-lantay.

1. Masarap pala ang hamon.


2. Ang ampalaya ay mapait.
3. Matangos ang ilong ng aking pinsan.
4. Mahirap ang buhay nila.
5. Maganit ang karne.
6. Masakit ang sinapit ni Rosi.
7. Simple lamang ang kanyang damit.
8. Umalis kaming magulo ang ayos ng bahay.
9. Umakyat sila sa mataas na burol.
10.Maganda pa rin si Dina kahit umiiyak.

Sagot sa Pagsasanay
Lantay 1. Masarap

Lantay 2. Mapait

Lantay 3. Matangos

Lantay 4. Mahirap

Lantay 5. Maganit

Lantay 6. Masakit

Lantay 7. Simple

Lantay 8. Magulo

Lantay 9. Mataas

Lantay 10. Maganda

ARALIN II

Pahambing

Ang pahambing ay isang kaantasan ng pang-uring ginagamit sa pagtutulad


ng mga pangalan o panghalip. Dalawa ang uri ng pahambing:

a. Magkatulad- nagpapakitang ang dalawang bagay ay pareho ng


katangian. Gumagamit ito ng panglaping: kasing , magsing,
magkasing, at sing, kung ang pang-uring uunlapian ay nagsisimula
sa D, L, R, S, T, alisin ang titik G mula sa panlapi, kung ang pang-
uring uunlapian ay nagsisimula sa P at B ang NG sa hulihan ng
panlapi ay pinapalitan ng M.

Halimbawa:

1. Ang bahay nina Riza ay sintaas ng kina Vina.


2. Kasingyaman ni Don Sebastian si Don Ben.
3. Magsimbilis ang mga kabato nina Lander at Marc.
4. Kung kumilos si Maria ay Kasimpino ni Vi.

b. Di- magkatulad – nagpapakitang ang dalwng bagay ay hindi


pareho ng katangian. Gumagamit ito ng mga salitang mas, di-
gaano, di –gasino, higit o lalo, bago ang pang-uri; at ng salitang
kaysa pagkatapos ng pang-uri.

Halimbawa;
1. Higit na maligaya ang taong nagbibihay kaysa tumatanggap
2. Mas masipag si Rina kaysa kay Lin.

Pagsasanay II

Salungguhitan ang gma pang-uri sa sumusunod na mga pangungusap.


Isulat sapatlang kung ang hambngan ng pang-uri ay magkatulad o di-
magkatulad.

1. Magkasinsarap ang atis at guyabano.


2. Lalong mapalad si maria kaysa kay Clara.
3. Kasinlawak n gaming lupain ang lupain ni Rowena.
4. Magkasingyabang sina Juan at pedro.
5. Higit na matigas ang bakal sa bato.

Sagot sa pagsasanay II

magkatuald 1. Magkasinsarap

di-magkatulad 2. Lalong mapalad

magkatulad 3. Kasinlawak

magkatulad 4. Magkasingyabang

di-magkatulad 5. Higit na matigas

ARALIN III
PASUKDOL

Ang pasuklod ay ginagamit upang Makita ang kahigitan ng isang


bagay sa karamihan o sa lahat. Iba’t iba ang paraan ng pagpapakita ng
pasukdol na antas ng pang-uri:

a. Pag-uulit ng pang-uri na kadalasan ay ginagamit ng mga pang-


angkop na na at alomorp na {-ng –g }

HALIMBAWA:

Mabait na mabait

Masuwerteng masuwerte

Masunuring masunurin

b. Paggamit ng panlaping napaka, totoo, lubha, masayado, talaga,


ubod ng ,hari ng, saksakan at atbp.
HALIMBAWA:
Totoong malakas, lubhang mapangaib, hari ng yabang,
masayadong maliit, napakahambog, ibod ng tamad, saksakan ng
pangit.

Pagsasanay III

Salungguhitan ang mga ginagamit na pasukdol na antas ng pang-uri sa mga


pangungusap.

1. Ubod ng ganda ni Venus ngayon.


2. Napakatigas ng ulo ni Bobby.
3. Mataas na mataas ang pagtingin ni Onin kay Beth.
4. Masyadong matalino ang mga anak ni Mang Lucio.
5. Bakit bang lubhang makurakot ang mga nasa pamahalaan?

Sagot sa Pagsasanay III

1. Ubod ng ganda
2. Napakatigas
3. Mataas na mataas
4. Masyadong matalino
5. Lubhang makurakot

X. Panukatang Sangguniang Pagsusulit

A. Salungguhitan ang pang-uri sa bawat pangungusap at isulat sa patlang


kung anong antas ng pang-uri ang mga ito.

1. Masyadong makipot ang daan papuntang bayan.

2. Napakalambot ng kanyang buhok.

3. Matinis na matinis ang kanyang boses.

4. Ubod ng hinhin ni Maria.

5. Magkasintalino ang magkapatid.

6. Masarap pala ang malagkit na iniuwi ni Lolo

7. Magkasindami ang mga isda na nakuha nina Mang Lino at Mang


bonifacio.

8. higit na malaki ang bahay nila kaysa sa amin

9. Para sa akin, pinakamasaya ang Bagong Taon.

10.Ang tubig sa sapa ay malinaw.

B. Salunnguhitan ang mga pang-uri at talata at isulat ang kaantasan nito sa


itaas ng pan-uring sinalungguhitan.

Ang Magkapatid
May anak na kambal sina Aling Rosa at Mang Rolly. Ito ay sina Roy at
jay. Magkasmukhang Magkamukha sila at Magsintaas din ang dalawa. Halos
Magkatulad din ang kanilang katangian. Pareho silang masipag sa mga
gawaing –bahay.Bukod sa kanilang kasipagan, napakamatulungin pa nila at
masunurin sa kanilang mga magulang. Lahat ay natutuwa sa kanila, dahil
ubod rin ng bait nila. Mahilig silang kumain ng sariwang prutas,maligo sa
malamig na batis,matulog sa lilim ng napakalagong mangga at mamingwit
ng isda sa malawak na ilog. May pagkakaiba rin ang dalawa. Madaldal si
Roy, Tahimik naman si Jay. Si Roy ay sumpungin. Si jay ay
napakamaunawain.Gayunpaman, napakaganda parin ng kanilang samahan.
Masayang angkanilang pamilya lalung lalo na ang kanilang mga magulang.

XI. Mga Sagot para sa Panukatang Sangguniang Pagsusulit:

1.masyadong pakipot-pasukdol

2.napakalambot-pasukdol

3.matinis na matinis- pasukdol

4.ubod ng hinhin- pasukdol

5.magkasintalino- pahambing

6.masarap- lantay

7.magkasindami- pahambing

8.higit na malaki- pasukdol

9.pinakamasaya- pasukdol

10.malinaw-lantay

B.
1. magkamukhang magkamukha- pasukdol

2.halos magkatulad- pahambing

3. napakamatulungin- pasukdol

4.masunurin-lantay

5.ubod ng bait- pasukdol

6.sariwa-lantay

7.malamig-lantay

8.napakalago- pasukdol

9.malawak-lantay

10.madaldal-lantay

11.tahmik-lantay

12.Sumpungin-lantay

13.Napakamasunurin- pasukdol

14.Napakaganda- pasukdol

15.Masayang Masaya- pasukdol

XII. Pagpapahalaga

Natatandaan mo ba ang iyong napag-aralan samodyul na ito?

Nagging matiyaga ka ba at naging masigasig sa iyong pagsagot sa mga


pagsasanay? Nauunwaan mo bang mabuti ang mga aralin? Kung oo, binabati kita
dahil natapos mo ang modyul na ito nang may kasiyahan at puno ng kaalaman.
Sana ay maging kapakipakinabang ang susunod na modyul na ito nang may
kasiyahan at puno ng kaalaman. Sana ay maging kapakipakinabang ang susunod
na modyul na katulad nito sa patuloy mangpagkatuto.

ANG PINALATUTUNANG KAGAMITAN


(Programmed Instruction materials)
Ang pinalatuntunang kagamitan ay kinakailangan sa Pianalatuntungang
pagtuturo (Programmed Instruction) na ipinakilala sa larangan ng edukasyon nina
skinner, Crowder, Mager, atbp. bagama’t kung pakasusuriin, may gumamit na ng
kaparaanang ito noon pa mang 1800.
Binibigyan-diin sa pinalatuntunang pagtuturo ang simulating bawat isang
indibidwal ay may sariling bilis ng pagkatuto at maaari siyang matuto kahit walang
gurong magtuturo.Sa ganitong paniniwala nag-ugat ang Sariling linangan Kit o SLK
na isang uri ng pinalatuntunang Kagamitan.
Ano ang pinalatuntunang kagamitan? Ito ay serye ng mga aralin at
kaalaman na nasa kuwardong pampagtuturo (Frames) na isinaayos sa isang
lohikal na pagkakabuo kung kaya’t ang unang natutuhan ay nagagamit sa pag-
unawa at pagkatuto ng kasunod na aralin. Sa Skinnerean style, ang mga aralin ay
binubuo sa paraang linear, kaya’t kilala rin ito sa taguring linear style. Sa ganitong
sistema,kapag ang mag-aaral ay nagkamali sa pagbibigay ng tugon, siya ay
pinababalik sa pinagkamaliang aralin upang basahing muli at nang maiwasto ang
mali.
Sa Crowder style, ang mga aralin ay nagsasanga kaya’t kilala rin ito sa tawag
na branching style. Sa ganitong sistema, kung may mali,may pinasasagot na isa
pang aralin sa halip na bumalik sa unang araling pinagkamalian. Ang mga hindi
nagkamali ay hindi kailangan sagutin ang “sanga” na inilaan para sa mga
magkakamali.
Ang pinalatuntunang kagamitan, katulad ng modyul at SLK, ay nakatutulong
upang matugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan at mga gurong magtuturo.
Nakatutulong din ito sa mga mag-aaral na lumiliban para makahabol sa kanilang
mga Gawain. Ang mga mahihinang mag-aaral ay nabibigyan ng mga panlunas na
Gawain samantalang ang matatalinong mag-aaral ay nabibigyan ng kagamitang
pagpapayaman ng kaalaman sa paksa.
Maraming uri ang pinalatuntunang kagamitan. May angyong pangakat at naming
nasa anyo ng microfilm slide na ginagamitan ng filmstrip o photographic slides.
Bagama’t maraming kabutihan ang naibibgay ng pinalatuntunang
kagamitan may mga balakid na nasasabat sa pagpapairal nito Una , walang sapat
na kakayahan ang maraming guro na maghanda ng ganitong uri ng kagamitan.
Pangalawa, walang sapat na halagang magaamit ang mga naming sapat na
kakayahan ang mga guro sa mabisang paggamit ng mga ito.

MGA KAGAMITAN SA PAGTUTURONG KARANIWANG GAMITIN NG GURO SA


ARAW_ARAW
Bukod sa banghay ng pagtuturo, ang mga kagamitan sa pagtuturo
karaniwang ginagamit ng isang guro sa araw-araw ay ang mga sumusunod:
1.Batayang Aklat (Textbook)
Ito ay babasahin para sa isang tiyak na asignatura at tiyak na
baitang/taon /antas at naglalaman ng mga kaisipan, kasanayan o kaalaman
na inilalahad sa iba’t ibang paraan upang maging batayan ng pagtuturo at
pag-aaral.

2.Manwal ng Guro (Teacher’s Manual)


Ito ay balangkas ng mga aralin ituturo ng base sa batayang aklat.
Naglalaman din ito ng mga mungkahing layunin,kagamitan at pamaraan o
istratehiya para sa isang tiyak na aralin.

3.patnubay o Balangkas ng pagtuturo (Teachers Guide)


Ito ay balangkas ng mga pasksa na hinati-hati sa mga yunit at inangkupan
ng mga pangkalahatan at tiyak na layunin at mungkahing mgagawain.
Inihanda ito para sa isang tanging asignatura ng walang batayang aklat na
magamit.

4.Hanguang yunit (Resource Unit1)


Ito ay isang maayos na talaan ng mga layunin mga paksa, mga Gawain, mga
pamamaraan mga panukala para sa pagbibigay-halaga at mga kagamitan na
labis-labis sa pangangailangan ng isang klase kung kaya’t nagbibigay ito ng
iba’t ibang posibilidad para s paglinang ng ilang yunit ng pagtuturo.
Karaniwang inihahanda ito ng isang pangkat ng mga guro upang magsilbing
paminggalang magpagpipilian ng mga layunin, Gawain at kagamitan para
sa isang partikular na klase.

5.Yunit ng pagtuturo (Unit Plan)


Ito ay balak na inihanda buhat sa hanguang yunit ukol sa pag-aaral ng isang
pangunahing suliranin, ideya o paksa para sa isang tiyak na klase.
Naglalaman ito ng mga layuning tiyak,balangkas ng paksa o talaan ng mga
tanong,talaan ng mga tiyak na Gawain at mga proyekto, mga kagamitan at
sangguniang aklat, at mga panukala para sa pagbibigay-halaga.

PANLINANG NG GAWAIN
Magdala ng mga sumusunod na halimbawang kagamitang pampagtuturo
upang matalakay sa harap ng klase ang anyo at nilalaman ng mga ito;
a)Manwal ng Guro
b)Patnubay o Balangkas ng pagtuturo
c)Hanguang yunit
d)Yunit ng pagtuturo

MGA IBA PANG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO


I.Ang paghahanda ng pagsusulit
Ang mga pagsusulit at pagsasanay ay mga kagamitan ng mag-aaral ng
karaniwang inihahanda ng guro.
Sa paghahanda ng pagsusulit alamin muna kung anong uri ng pagsusulit ang
inihanda.
May mga uri ng pagsusulit ayon sa layunin o tungkulin nais gampanan nito.
Halimbawa:
a)Diagnostic Test, kung naglalayong tuklasin ang kahusayan o kahinaan ng mag-
aaral sa particular na aralin o asignatura;
b)achievement test, kung ang layunin ay sukatin ang kaalamang natamo sa isang
aralin, asignatura o kurso;
c)aptitude test, kung ang layunin ay tiyakin ang kahandaan mag-aaral sa pagkuha
ng kurso.
Dalawa ang uri ng pagsusulit ayon sa paraan ng pagsagot ng mag-aaral;
a)pasalita (oral)
b)pasulat (written)

Dalawa rin ang uri ng pagsusulit ayon sa pagsagot ng mag-aaral;


A) pagsusulat na tukuyan (objective type)- Ang ganitong uri ng pagsusulat ay
nangangailangan lamang ng maiikling kasagutan kaya’t madali ang pag-iskor.
B) pagsusulat na pagsasanay (Essay type)- mahirap iwasto at tambusan ng iskor
ang ganitong uri ng pagsusulit subalit madali naming ihanda. May kalayaang
sumagot ang mag-aaral sa mga tanong at higit niyang naipapahayag ang kanyang
mga kaisipan.

My iba’t ibang uri ng pagsusulit na tukuyan:


a pagpili (multiple choice)
b pagtatapat-tapat (Matching type)
c Tama o Mali (True or False)
d Pag-iisa-isa (Enumeration)
e Pagsusulit na maigsi ang sagot (short response items test), gaya ng pagpupuno
sa puwang, pagbibigay ng kasingkahulugan, atbp.
F close Test- binubuo ito ng isa o higit pang talata o saknong na kinakaltasan ng
mga salita.
Halimbawa: Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang kanta.

Leron-leron sinta
Buko ng
Dala-dala’y ___________
___________ ng Sinta
Pagdating sa dulo’y
____________ ang sanga
Kapus-kapalaran
____________ ng iba.
Ilang Mungkahi para sa Paghahanda ng Pagsusulit.
1. Gumawa ng talahanayan ng ispesipikasyon (Table of Specification) upang
matiyak ang lawak na sasaklawin ng pagsusulit at ang dami ng aytem sa
bawat uri
2. Magkaroon ng iba-ibang uri ng pagsusulit upang hindi maging kabagut-
bagot sa kumukuha ng eksamin.Ang mga aytem sa isang uri ng pagsusulit ay
dapat na pagsama samahin.
3. Ang mga aytem ay dapat maging malinaw at tiyak. Iwasan ang paglalagay
ng mga salita na makapagpapalabo o makagugulo sa kahulugan ng
pangungusap o “stem.” Iwasan ring magkaroon ng higit sa isang sagot ang
bawat aytem...
4. Iwasan ang pagkakaroon ng regular na hulwaran o pardon ang mga sagot.
Halimbawa, sa pagsusulit na Tama-Mali, ang ginamit na pardon ay may
pagkakasunod-sunod na tatlong TAMA ta dalawang MALI. Ang padrong ito
ay maaring madiskubre ng mag-aaral kaya’t masasagutan niya ang
pagsusulit nang walang kahirap-hirap. Madali ring ipasa ang pardon sa
kapwa mag-aaral.
5. Iwasan ang mga “”clue” o paggamit ng mga negatibong salita na
magpapahina sa aytem gaya ng wala,hindi, tanging-tangi, at kabuuan.
6. Ayusin ang mga aytem mula sa madali hanggang sa maging pahirap nang
pahirap.Hindi masisiraan ng loob ang mga kumuha ng pagsuusulit kung
madadali muna ang sinasagutan nila.
7. Tiyaking ang isang aytem ay sumusubok sa isa lamang kaalaman o
kakayahan.
8. Tiyaking ang alin man sa mga “options” ay angkop na idugtong sa “stem”
Halimbawa:
Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang ayon sa binibigay na kahulugan
ng salitang may salungguhit.
_____ 1. Si Aling Rose ay padpad lamang sa aming lugar.
a) matagal ng nahihirapan
b) dayo
c) katutubo
pansinin na dapat alisin ang salitang lamang sa “stem” upang maging angkop ang
lahat ng “option” dito.
9. Sa pagpili ng mga “jokers” tiyaking ito ay sadyang mabuting panlansi o
panlito at hindi naglalantad agad sa wastong sagot. (Pansinin ang
halimbawang aytem sa itaas nito.)
10.Tiyaking malinaw, kumpleto ang mga panuto upang maunawaan agad ng
sinumang kukuha ng kesamen.

PAGGAWA NG TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON


Ang Talahanayan ng Ispesipikasyon ay naglalaman ng mga kasanayan at
kaalamang pahahalagahan, bahagdan ng aytem, bilang ng aytem para sa
bawat kasanayan at ang kinalalagyan an aytem.
Halimbawa:
Talahanayan Ng Ispesikasyon
Para sa Pagbasa
Ikaapat na Markahan
Ikaanim Na Batang

KasanayanKaalaman Bahagdan ng Bilang ng Aytem Kinalagyan ng


aytem Aytem
A.Talasalitaan
1. Nagagamit ang
talasalitaang 25% 15 1-15
angkop sa nilalaman
ng pangungusap.
2.Natutukoy ang
angkop na 17% 10 16-25
kasingkahulugan ng
mga salita.

B.Pag-uunawa sa
binasa 26, 27,
1. Napipili ang 8% 5 36,41
mahalagang detalye 42
o impormasyon
tungkol sa binasa

Kasanayan Bahagdan ng Biang ng Aytem Kinalalagyan ng


kaalaman Aytem Aytem
2.Natutukoy ang 30,35,
lohokal na wakas sa 12% 7 39,43,
akdang binasa 49,54
59
3.Natutukoy ang
mga katangian, 13% 8 28,29,
saloobin, pakay at 33,34,
motibo mga binasa 44,45,
50,51,
4.Napipili ang 8% 5
angkop na 32,38,
kongklusyon sa 46,52,
bansa 55

5.Natutukoy ang 31,37,


pangunahing 17% 10 40,47,
kaisapan ng binasa 48,53,
56,57,
58,60,
kabuuan 100% 60 60

Sapaggawa ng Talahanayan ng Ispesikasyon, tiyakking una ang mga


kasanayan o kaalamang pahahalagahan.Kasunod nito tiyakin ang kabuuang
bilang Aytem, halimbawa, 60 aytem.Pagkatapos nito, tiyakin ang
ibabahaging bahagdan sa bawat kasanayan.
Ngayon, upang makuha ang bilang ng aytem na ibabahagi sa bawat
kasanayann sundin ang sumusunod na pormal.
Bahagdan ng bawat kasanayan (na pinalitan desimal) X kabuuang bilang ng
aytem =bilang ng aytem sa bawat kasanayan.
Halimbawa:
Kasanayan A.1-25%
.25x 60 = 15 aytem

Kasanayan A.2 – 17%


.17 x60 = 10. aytem

Tungkol naman sa kinalalagyan ng mga aytem, mapapnsin na ang mga


aytem na susukat sa kasanayan A1 at A2 ay matatagpuan sa mga bilang 1-
25 at ang mga aytem ay para sa kasanayan B1 ay matatagpuan sa bilang 26,
27, 36, 41 at 42. Isinusulat ang entry sa hanay na ito matapos mabuo ang
pagsusulit.

Pangalan:____________________________Iskedyul:__________________

PAGSASANAY
Tuusin ang magiging bilang ng aytem para sa mga sumusunod na
kasanayan at isulat ang result sa kolum na kumakatawan sa bilang ng
aytem. (Sa likod ngf talahanayan magkuwenta.)

Bilang Bahgdan ng Aytem Bilang na Aytem


I 25%

II 15%

III 10%

IV 30%

V 20%
___________ ___________
kabuuan 100% 80
II. Paghahanda ng mga Tanong
Ang isang mabuting tanong ay walang pasubaling isang mahlagang
tulong sa mga gawaing pagtuturo-pagkatuto.
Sa pagtuturo ng guro, ang pamamaraang tanong-sagot ang
karaniwang ginagamit lalo na’t siya ay may layuning tulad ng mga
sumusunod:
1. Subukin ang pang-unawa sa paksang tinatalakay.
2. Pukawin ang kawilihan sa paksang aralin.
3. Tiyakin ang kakayahan sa isang bagay o kaalaman.
4. Pagbalik-aralan ang araling natapos.
5. Ganyaking magbigay ng sariling opinion o palagay, saloobin at
pagpapahalaga.
6. Bigyang-diin ang isang pangyayari sa kuwento o artikulong pinag-
aaralan.
7. Ihanda ang klase sa isang pagsusulit.
8. Ihanda ang klase sa pagtalakay sa isang yunit
9. Siguraduhing nauunawaan ang binasa.

MGA KATANGIAN NG MABUTING TANONG


Ang isang mabuting tanong ay kailangang mag-angkin ng mga
sumusunod na katangian:
1. Tiyak
2. Maikla at tuwiran (hindi maligoy)
3. May sapat na kahirapan upang hamunin ang kakayahan ng mag-
aaral.
4. Hindi nasasagot ng “oo” o “hindi.”
5. Hindi nasasaad ang tiyak na pananalita ng pagkapahayag sa aklat.
6. Nakalilinang ng kakayahang makapatimbang-timbang.
7. May sapat na kalinawan at mayroon lamang iisang pakahulugan.
Iyong kung hindi man alam ang sagot sa tanong ay alam naman ng
mag-aaral kung ano ang itatanong.
8. Nagsisimula sa “bakit”, “paano”, o mga tanong na nakatutlong sa
paglinang ng kakayahang magpaliwanag, magmatwid, o magbigay ng
palagay o opinion.
9. Nakapupukaw ng pag-iisip at nakagigising ng kawilihan.

Ilang mungkahi sa pagtatanong nang maayos at pagpapahalaga ng


tugon sa tanong:
1. Ibigay ang tanong nang may katamtamang lakas ng tinig.
2. Mattanong sa natural at kawili-wiling paraan ng pagsasalita na
parang nakikipag-usap at hindi parang nagtatanong sa loob ng
hukuman.
3. Ibigay ang tanong bago tumawag ng mag-aaral na sasagot. Sa
gayon, ang tanong ay nakaukol sa buong klase at hindi sa isang
tao lamang.
4. Iwasan ang pagtawag ng mag-aaral na sasagot sa tanong nang
may tiyak kaayusan, o paalpabeto, o ayon sa talaan o sa
pagkakasunod-sunod sa upuan.
5. Iwasan ang pag-uulit-ulit ng tanong at pag-uulit ng bawat sagot sa
tanong. Ito ay nakagaganyak ng hindi pakikinig. Hindi ito
makabubuti sa disiplina ng klase.
6. Ibigay ang tanong, huminto nang bahagya bago tumawag ng
sasagot.sa gayon ay nabibigyan ang lahat ng pagkakataong
makapag-isip ng isasagot.
7. Sikaping maikalat ang tanong sa mga mag-aaral. Ilaan ang
madadaling tanong medyo mahihina sa klase at ang mahihirapan
na tanong ay para sa matatalinong mag-aaral.
8. Iwasan pagbibigay ng pahiwatig sa wastong sagot sa
pamamagitan ng tunog ng tinig, ng kumpas ng kamay o killing ng
ulo.
9. Ibigay ang tanong at pahalagahan ang sagot.Sabihin kung tama o
di-tama ang sagot at huwag bayaang manghula ang klase kung
tama o di-tama ang nagging tugon.
10. Ang wastong tugon ay dapat pag-ukulan ng guro ng pagtanggap at
manaka-nakang papuri, lubha pa kung talagang napakabuti ng
pagkakasagot o pagkaka-paliwanag ng mag-aaral.

You might also like