You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

PANGASINAN STATE UNIVERSITY


Urdaneta Campus

MGA MALALALIM NA SALITANG FILIPINO

1. nag-apuhap siya ng makakain- hanap

2. animo’y parang bula nang siya’y mawala- wari

3. nakitaan siya ng agam-agam sa mga nangyari- pangamba

4. anaki uulan ngayon- tila

5. ang damdamin ng nobyo ay kanyang naalintana nang makipaghiwalay ito– hindi inaala-ala

6. nagising kami sa inyong alingawngaw- ingay

7. isang-daang bahagdan ang pumasa sa pagsusulit- porsyento

8. balakid siya sa aming mga plano- hadlang, harang

9. isa palang balintataw ang pinaniniwalaan niyang multo- guni guni

10. banaag ng araw- aninag

11. nakaupo siya sa aming beranda- balkunahe

12. napakabusilak ng kanyang puso- malinis

13. nagsimula ng tumunog ang batingaw ng simbahan- kampana

14. baku-bakong kalsada ang kanyang binabagtas- nilalakaran

15. nakatayo siya sa bungad ng aming tahanan- harap

16. inabutan sila ng bukang liwayway sa paghahanap- umaga

17. siya lamang ang kanyang kaulayaw sa paaralan- laging kasama , laging kausap

18. kakarampot na sweldo- konti lang

19. ang pag-ibig niya sa akin ay kahulilip- walang kapantay

20. ang tingin niya sa kanya ay kalaban- kaaway

21. kailangan niya ng kalipon upang hindi mainip sa paghihintay- kausap

22. kasiping sa pagtulog- katabi

23. kaakibat sa buhay- kaagapay, kasama

24. walang makapapantay sa kandili ng isang ina- aruga

25. nakikialam siya sapagkat kumakandili siya- nagmamalasakit


26. kumpol ng bulaklak- bunton

27. nakatira sila sa dalampasigan- tabing dapat

28. magdamag akong naghintay datapwat hindi siya dumating- subalit

29. kabilang sila sa mga pamilyang dalita - aba, dukha

30. dagok sa buhay- pagsubok

31. anong oras ka dumatal?- dumating

32. iagdong lahat ng gamit upang hindi abutan ng baha- iangat, isalba

33. isang taon nila akong inalipusta- inapi

34. iniindang sakit- idinadaing

35. lipulin lahat ng masasama- puksain

36. napakasakit ng kanyang pagkalagpak- bagsak

37. mabulid sa kasamaam- mahulog, mapasama

38. marahuyong bumili ng magandang sasakyan- maingganyo, maisama o maakit

39. malumanay niyang kinausap ang mga bata- mahinahon

40. hindi niya mawatasan ang nais ipahiwatig ng kausap- maunawaan

41. ipaliwanag mo ng maayos upang mas lalo mong mawari- maintindihan

42. magarbo siyang manamit- magara

43. magbungkal ng kaalaman- maglinang

44. kailangan mong magsikhay upang kami’y mabuhay- maghanapbuhay

45. araw-araw mong diligan upang hindi malanta- matuyo

46. binigyan niya ako ng malasutlang unan- malambot

47. likas na sa kanya ang pagiging malamyos- malambing

48. manlupaypay sa sobrang pagod- manghina

49. masimod sa pagkain- matakaw

50. naantala ba kita?- naabala

51. naudlot na kasiyahan- napigil, napahinto

52. nasadlak sa kahirapan- napapunta

53. nabanaag kitang may kasamang lalake– nakita

54. nasaktan siya sa kanyang nabatid- nalaman

55. huwag kayong maniwala sapagkat siya’y nagbabalatkayo lamang- nag-iibang anyo,
nagkukunwari

56. nagkukumahog sa paggawa ng takdang-aralin- nagmamadali


57. nagagalak akong lagi kayong nakikita- nasisiyahan

58. nakita siyang nakahandusay sa daan- nakalugmok, nakahiga

59. nalugmok sa putik- nadapa

60. nanlumo ako sa aking nakita- nanlambot

61. namamayagpag dahil sa angking talino- nagtatagumpay, sumisikat, unti unting nakikilala

62. mga bituing nagniningning- kumikinang

63. napadupilas sa hagdan- nadulas

64. nasukol siya ng mga pulis- nahuli

65. nagpalipad siya ng papagayo- sarangola

66. pinagtagni silang dalawa- pinagdugtong

67. isang dosenang supling- anak

68. tama ang kanyang sapantaha- hinala

69. sandamakmak na labada- marami

70. saklolo! saklolo! ang kanya lamang sinasambit- winiwika, sinasabi

71. bumalik kayo bago magtakipsilim- paglubog ng araw

72. malayo ang kanyang tinatahak- nilalakbay

73. tinanuran ng magdamag- binantayan

74. tumalilis ng takbo- mabilis

75.  tungayawin ka!– sumpain

76. punung-puno ng samut-saring abalabal ang katawan- abubot

77. namatay dahil sa abuab na ipinahid sa talim ng palaso- kamandag o lason

78. hinog na mangga ay kanilang inakukabkab– tinalupan

79. hinahangaan ka ng lahat alalaong baga sikat ka na- sa ibang salita, samakatwid

80. nagsusuot ka ng damit na alapot?- marumi, sira

81. hidi siya pumasok sapagkat siya’y naaalibadbadan– nasusuka, sumasama ang
pakiramdam

82. naamoy niya ang alimuom ng lupa matapos ang ulan- singaw

83. alimusom ng mga bulaklak– halimuyak; samyo

84. ang itim ng iyong kodo- siko

85. iniirog kita- minamahal 

86. isang kisap-mata ka lang- kindat 

87. ang takaw mong lumamon- kumain 


88. antabayanan ang susunod na balita– abangan

89. paborito niyang kulay ang kanaryo- dilaw

90. swapang pagdating sa usapang salapi- gahaman

91. sila’y kanilang kaalyansa- kaanib

92. ayaw niya sa mga taong hambog- mayabang

93. taglay niya ang isang katangiang mapagpakumbaba- mababang-loob

94. kilala siya sa kanila bilang isang mayuming dalaga- mahinhin

95.  bulagsak na anak- pabaya

96. masarap matulog sa aming dampa- kubo

97. ilawang aandap-andap- kukurap-kurap

98. pagkasungaba sa sugal- pagkasubasob

99. pagtaghoy sa dinaranas na hirap- pagdaing

100. bantad sa paggawa ng mabuti sa sa kapwa- sanay

You might also like