Professional Documents
Culture Documents
Filipino PhilIRI GST For Reproduction
Filipino PhilIRI GST For Reproduction
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang
mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
3. Ano kaya ang naramdaman ni Lolo nang mawala ang loro? (Paghinuha)
a. masaya
b. malungkot
c. nagalit
B.
O Pagong!
O, pagong na maliit
sa garapon nakatira.
Ikaw ba ay sasaya
kapag nakawala ka na?
O, batang mabait
tulungan mo ako.
Paglabas ko rito
masaya talaga ako.
Bilang ng mga salita: 30
(Filipino: Wika ng Pagbabago, Medrano, Z.S., 2004)
dianartemiz
b. loob ng garapon
c. labas ng garapon
C.
Reyna ng Duwende
Selina ang pangalan
ng reyna ng mga duwende.
Lagi siyang nakaupo
sa malaking balde.
Berdeng balde ang paborito niya
at balat ng saging
ang korona niya.
O! Kay saya ni Reyna Selina!
Bilang ng mga salita: 35
Sinulat ni:T. Nong
Manonood Ako!
May karera ng kotse.
Makukulay raw ang mga kotse.
Manonood ako ng karera.
Magdadala ako ng kamera.
Magsisimula na ito.
Sasakay na ako sa bisikleta.
Mabilis ang andar ko.
Naku! Dumulas ang bisikleta!
Aray! Kay raming putik ng tuhod ko!
Bilang ng mga salita: 42
Sinulat ni:T. Nong
20. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa kuwento?
(Pagsusuri)
a. Parada ng mga Kotse
b. Karera ng mga Kotse
c. Karera ng Bisikleta
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
dianartemiz
Ang Aso sa Lungga
May isang asong gutom na gutom na naglalakad sa kalsada. Habang naglalakad, ibinubulong niya sa sarili na
kailangan niyang makakita ng isang lunggang puno ng pagkain. Nang makakita siya ng lungga sa dulo ng
kalsada, agad siyang pumasok dito. Kumain siya hanggang mabusog. Pero kahit busog na siya, kumain pa rin at
inubos ang lahat ng pagkain sa loob ng lungga. Sa kanyang kabusugan, halos pumutok ang malaki niyang tiyan.
Nang lalabas na lamang siya, napansin niyang hindi na siya magkasya sa labasan. Sumigaw siya upang humingi
ng tulong. Dumating ang isa pang aso at nalaman ang nangyari. Bago ito umalis, nagwika siya sa kasamang aso,
“Hintayin mo na lang umimpis ang tiyan mo.”
Si Muning!
Muning! Muning!
Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni Susan ang
lalagyan ng pagkain ni Muning. May laman na ang lalagyan, pero wala
si Muning. Wala siya sa kusina. Wala rin siya sa silid. Nasaan kaya si Muning?
Bumaba ng bahay si Susan. Hinanap niya kung naroon si Muning.
Ikot na siya nang ikot, pero hindi pa rin niya nakita. Baka lumabas ito ng bahay.
Ngiyaw! Ngiyaw!
Hayun si Muning! Ngiyaw siya nang ngiyaw. Nasa loob siya ng
kahon. May mga kasama si Muning sa loob ng kahon.
Nakita ni Susan ang kasama ni Muning. Mga kuting ang kasama ni
Muning sa kahon! May puti, itim at magkahalong puti at itim na kulay ng
kuting. Tuwang-tuwa si Susan!
dianartemiz
Bilang ng mga salita: 122
(Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)
Si Brownie
Si Brownie ay aking alagang aso. Ang aking aso ay masamang magalit. Minsan ay may pumasok na malaking
manok sa aming bakuran. Kaagad niya itong tinahulan. Kung hindi lamang siya nakatali nang mahigpit,
malamang na habulin niya ito. Nagulat ang manok at tumakbo ito nang mabilis palabas ng bakuran. Kagabi ay
hindi ko naitali si Brownie. Panay ang ungol niya. Mayamaya ay may tinahulan siya nang malakas. Biglang
lumukso si Brownie
sa kanyang tulugan at may hinabol. Dali-dali kong sinilip ang aking alaga. May napatay siyang daga! Bahagya
pa niyang ginalaw ang kanyang buntot nang makita ako. Kaagad kong binitbit sa buntot ang daga at ipinakita
kay Tatay. Masayang hinimas ni Tatay si Brownie. “Talagang maaasahan ang asong ito,” sabi niya.
14. Bakit kaya bahagyang ginalaw ni Brownie ang buntot nang makita ang amo? (Paghinuha)
a. gusto niyang gisingin ang daga
b. nagulat siya sa kanyang ginawa
c. natakot siyang mapagalitan ng amo
d. upang ipakita sa amo ang kanyang ginawa
Balat ng Saging
18. Ano ang naramdaman ni Lito nang tinanong siya ni Mina nang pasigaw? (Paghinuha)
a. nagalit siya
b. natuwa siya
c. natakot siya
d. nagtampo siya
May biglang sumigaw sa labas ng bahay nina Lea. Narinig niya ang malakas na ungol ni Dagul, ang alaga niyang
tuta. Dumungaw si Lea sa bintana. Nakita niya ang kanyang tuta sa daan. Nakahiga at may dugo ito sa mukha.
Tumakbo siya sa labas.
“Patay na si Dagul. Nasagasaan siya ng dyip,” malungkot na sabi ng kanyang kapatid na si Bong.
“May bibilhin ako sa tindahan. Sumunod siya sa akin,” paliwanag ni Bong.
Bumalik si Lea sa bahay. Ayaw niyang kumain at maglaro. Naiisip niya si Dagul.
Kinabukasan ay Pasko na! Nagising si Lea sa ingay. Sa tabi niya ay may basket na may kard. Nakasulat sa kard ang
“Para kay Lea, mula kina Daddy at Mommy.”
Inalis ni Lea ang takip ng basket. Nakita niya ang isang magandang tuta. Ito ay katulad na katulad ni Dagul. Inakap
dianartemiz
ni Lea ang tuta!
5. Bakit kaya inisip ni Tatay regaluhan si Lea ng isa pang tuta? (Pagsusuri)
a. dahil ito ang nasa tindahan
b. dahil mura lang bilhin ang tuta
c. para maibigay kay Lea ang hiningi niya
d. para makalimutan ni Lea ang nangyari
B.
Napulot ko!
dianartemiz
7. Magkano ang laman ng pitaka? (Literal)
a. piso
b. dalawampiso
c. sampung piso
d. sandaang piso
C.
Ang Matanda
13. Ano-ano ang hindi pinansin ni Nelia habang kinakausap ang matanda? (Paghinuha)
dianartemiz
a. gutom at pagod
b. nanay at tatay
c. ang bitbit niyang mga gamit
d. kung saan ang istasyon ng bus
D.
Sinaunang Sistema ng Pagsulat at Panitikan
Ang sistema ng pagsulat ng sinaunang Pilipino ay ang baybayin. Binubuo ito ng 17 na titik – 14 na katinig at tatlong
patinig. Ang pagsulat ay mula itaas pababa at mula kaliwa pakanan. Ang sinusulatan ay balat ng puno, buho ng
kawayan, malapad na dahon, o hinabing himaymay ng halaman. Ang panulat ay matulis na kawayang patpat o
kahoy. Ang tinta at tina ay mula sa dagta ng mga halaman. Ang panitikan ay binubuo ng mga awiting bayan,
kuwentong bayan, alamat, pabula, salawikain, bugtong, at epiko. Halimbawa ng ating mga alamat ay ang “Alamat ni
Mariang Makiling,” “Alamat ni Malakas at Maganda” at “Alamat ni Mariang Sinukuan.” Ang epiko naman ay isang
mahabang tula tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang bayani. Nabibilang sa mga epiko ng ating mga ninuno ang
“Biag ni Lam-ang” nga mga Ilocano, “Ibalon” ng mga Bicolano, at “Batugan” ng mga Maranao.
19. Ano ang sinasabi ng seleksyon tungkol sa mga ninuno natin? (Pagsusuri)
a. Mahilig sila sumulat ng mga alamat at epiko.
b. Nagtulungan sila kaya nabuo nila ang baybayin.
c. Hindi madali ang paghanap nila sa pansulat at susulatan.
d. Pinakita nila ang pagiging malikhain sa maraming paraan.
20. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
(Pagsusuri)
a. Naglarawan ito at nagbigay ng mga halimbawa.
b. Binanggit ang kasaysayan ng sinaunang sistema ng pagsulat.
c. Nakasaad ang mga dahilan ng sinaunang sistema ng pagsusulat.
dianartemiz
d. Tinalakay nito ang sanhi at bunga ng sinaunang sistema ng pagsusulat.
Mga Tanong:
1. Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa isang panukalang batas? (Literal)
a. Nilalagdaan ito ng pangulo bago ito pinagtitibay.
b. Kasama ang pangulo sa pagtitibay nito sa Kongreso.
c. Maaaaring tutulan ito ng pangulo bago maging batas.
d. Hinaharap ito sa pangulo bago pinagtitibay ng Kongreso.
5. Ano kaya ang dahilan kung bakit kinailangang makapagpatibay ng mga bagong
panukalang-batas? (Paghinuha)
a. Isinasaalang-alang nito ang ikabubuti ng Kongreso.
b. Kailangan ng batas para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
c. Pinagtitibay ang batas para sundin ang panukala ng pangulo.
d. Trabaho ng Kongreso na makabuo at makapaglimbag na batas.
6. Ano kaya ang mangyayari kapag hindi napagpatibay ang isang batas sa Kongreso?
(Paghinuha)
a. Ito ay hindi maaaring maipatupad.
b. Madadagdagan ang batas na susundin.
c. Ipaaalam na ito sa lahat para ipatupad.
d. Hindi ito lalagdaan ng pangulo bilang pagtutol.
10. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
(Pagsusuri)
a. Binanggit ang kasaysayan ng pagbuo ng batas.
b. Nakasaad ang mga dahilan ng pagbuo ng batas.
c. Inilarawan ang sanhi bunga ng pagbuo ng batas.
d. Tinalakay ang pinagdaraanan sa pabuo ng batas.
B.
Panahon ng Bagong Bato
Sa pagdaan ng mga panahon nagkaroon ng bagong pangangailangan ang mga sinaunang tao. Kinailangan nila ng mga
bagong kagamitang yari rin sa mga bato na lubos na pinakinis at inayos. Sa paglabas ng mga gamit na ito ay dumating ang
isang bagong panahon, ang Panahon ng Bagong Bato. Ang mga tao ay natutong magtanim, magsaka at mag-alaga ng mga
hayop. Palay ang sinasabing pinakaunang produkto ng mga sinaunang
tao na ginamitan ng ararong bato na lalong nagpaunlad ng pagsasaka. Patuloy pa rin ang kanilang pangangaso kahit
gumawa na sila ng mga sasakyang pantubig. Bukod dito, natutong gumawa at gumamit ang mga tao ng mga
kasangkapang yari sa putik (earthenware). Isang pinakamagandang halimbawa nito ay ang Bangang Manunggul na
sinasabing ginawa noong 900 BC. Nagsimula na rin silang maniwala sa buhay pagkatapos ng
kamatayan. Mapapatunayan ito sa pamamagitan ng ginawa nilang pagsama ng mga gamit ng yumao sa kanilang mga labi.
Ito rin ang naging gamit ng Bangang Manunggul. May iba’t ibang paraan pang ginagawa sa mga labi depende sa lipunang
ginalawan ng yumao.
dianartemiz
11. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay kung bakit Panahon ng Bagong Bato ang
tawag sa panahong tinalakay sa seleksyon? (Literal)
a. Yari sa bato ang lahat ng mga kagamitan nila.
b. Gumamit sila ng mga kagamitang gawa sa pinakinis na bato.
c. Nakahanap sila ng bago at pinakinis na bato na ginamit nila.
d. Dumating sila sa lugar na may kagamitang pinakinis na bato.
15. Anong mga katangian ng mga sinaunang tao ang ipinakita sa seleksyon?(Paghinuha)
Sila ay ____________________________.
a. matapang at magalang
b. masipag at maka-Diyos
c. mapamaraan at masipag
d. matulungin at mapamaraan
16. Ano kaya ang magiging bunga nang nakagawa ang mga sinaunang tao ng
sasakyang pantubig? (Paghinuha)
a. Maaari silang maglakbay sa tubig.
b. Walang pagbabago sa paglalakbay nila.
c. Makaaalis silang ligtas kapag may bagyo.
d. Magkakaroon na sila ng bago at ligtas na tirahan.
17. Ano ang naging halaga ng Bangang Manunggul sa panahong iyon? (Paghinuha)
a. Magandang pag-aari ito ng mga yumao.
b. Isinasama ito sa yumao sa kabilang buhay.
c. Ito ay tanda ng paniniwala sa kabilang buhay.
d. Magandang gamit ito na yari sa pinakinis na bato.
18. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?
(Pagsusuri)
a. Ibang Uri ng Kagamitang Bato
b. Pamumuhay ng Sinaunang Tao
c. Masisipag na mga Sinaunang Tao
d. Mga Kagamitan ng Panahon ng Bagong Bato
20. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito? (Pagsusuri)
dianartemiz
a. Binanggit ang suliranin ng paksa.
b. Nakasaad ang mga solusyon sa paksa.
c. Tinalakay ang maraming sanhi ng paksa.
d. Inilarawan ang paksa gamit ang mga halimbawa.
dianartemiz