You are on page 1of 6

Filipino sa Piling Larangan

Kagamitang Pampagkatuto/Unang Linggo

Paksa: Ang Kahalagahan ng Pagsulat at Akademikong Pagsulat

Kasanayang Pampagkatuto:
a. Nabibigyang kahulugan ang pagsulat at ang akademikong pagsulat;
b. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng pagsulat; at
c. Nakasusulat ng maikling komposisyon sa pamamagitan ng mga gamit sa pagsulat.

Pagtalakay

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT

 Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan


ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa
kanyang/kanilang kaisipan.
( Bernales, Et al)
 Ito ay isang paraan ng interkomunikasyon ng tao sa pamamagitan ng arbitraryong simbolo na
minamarkahan upang makabuo ng isang sistema. Maaaring makabuo ng isang sulatin sa pamamagitan
ng masistemang paraan, maaaring sa sistemang limitado o sa sistemang buo at ang paraang ito ay
magaganap sa pamamagitan ng pagpapahayag ng anumang konseptong nabubuo ng sumulat sa tulong
ng wika.
 Gayunman, ang kauna-unahang sistema ng pagsulat na nalinang ay may 5,500 taon na ang nakararaan.
 Para kay Ralph Waldo Emerson, may unang hakbang sa paglikha – oras para sa paghahanap ng mga
ideya, pag-eeksplor, pag-iisip kung paano mo isusulat.
 Tinukoy naman ni Fred Saberhagen “ nasa paligid lang ang mga ideya. Ang nasulat na papel na pinag-
isipan at binuo sa pamamagitan ng mga tamang salita ang talagang pinagsikapan.
 Sinabi ni Janet Ewig na nagiging ganap ang development ng ideya kapag may suporta ng lenggwahe,
partikular ng wikang ginamit sa pagsulat.
 Ayon sa isang playwright na si Edward Albee “ang pagsulat ay isang discoveri. “
 Para kay Donald Murray, nagsusulat daw siya upang bigyang-hugis ang kanyang iniisip.
 Samantala si David Olson naman ay nagwikang, ang lohika ang nakatagong consequence ng pagsulat.
 Samakatuwid, ang pagsulat ay nagbibigay-daan upang maeksaming mabuti ang mga pangungusap at
makita ang mga kamalian sa pamamagitan ng kritikal na pagsusuri sa sinulat upang pag-ibayuhin pang
lalo ng manunulat ang kanyang pagsulat.
ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

 Ang akademikong pagsulat ay isang intelektwal na gawain na nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman.


Ang mga detalye nito ay naglalayong magbigay ng impormasyon base sa matibay na ebidensya na
bunga ng obserbasyon tulad na lamang ng mga thesis at disertasyon.
 Ito ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan. Isa itong makabuluhang pagsasalaysay na
sumasailalim sa kultura, karanasan reaksyon at opinyon base sa manunulat. Gayundin ito ay tinatawag
na intelektwal na pagsusulat.
 Ang akademikong pagsulat ay tungkol sa isang sulatin na naglalaman ng mga nagbibigay-aliw,
makatotohanan, at masagisag sa mga mambabasa upang mas madaling maunawaan at maintindihan ng
mga mag-aaral na may kinalaman sa tamang proseso ng pagsulat.
 Sa kabilang dako naman, ang akademikong pagsulat ay meron ding layunin ito ay ang mailahad ng
maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong maipabataid o maiparating sa mga makakakita
o makababasa. Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing akademik mula sa antas primary
hanggang sa doktoradong pag-aaral.
Mga halimbawa ng Akademikong Sulatin

 Tesis - inilarawan bilang isang pinahabang sanaysay na tumutukoy sa mga resulta ng isang orihinal na
pananaliksik.
Pahina 1 ng 6
Filipino sa Piling Larangan
 Abstrak – Isa itong maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings at
iba pang Gawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.
 Sinopsis – Ito ay pagpapaikli ng mga pangunahing punto kadalasan ng piksyon.
 Aklat – mga pinagsamasamang nailimbag na salita sa papel. Naglalaman din ang ibang mga aklat ng
mga larawan. Kadalasan maraming mga pahina ang mga ito.
 Pagsasaling wika - Ayon kay Peter Newmark (1988), Ang pagsasalin ay isang gawaing binubuo ng
pagtatangkang palitan ang isang nakasul at na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang
wika.
 Akademikong sanaysay - Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang
maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon
na prosa na may iisang diwa at pananaw
 Konseptong papel - Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.isang kabuuang ideya
na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksang bubuuin
 Artikulo ( Maaring pahayagan, magasin, atbp.) - isang seksiyon na naglalaman ng impormasyon na
kalimitan ay makikita sa magasin, dyaryo, internet o kaya sa anumang uri ng publikasyon.
 Antolohiya - Anumang katipunan ng mga akdang pampanitikan na iba-iba ang may katha. Ito ay
nakalimbag na koleksyon ng mga tula o iba pang uri ng akda tulad ng maikling kuwento o dula.

MGA URI NG PAGSULAT

1. Akademik – Ito ay may sinusunod na particular na kumbinasyon. Layunin nito ay maipakita ang resulta
ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil
layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng mga mag-aaral.
Halimbawa: konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon

2. Teknikal – isang teknikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyunal na tao


upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t ibang uri ng mambabasa para sa teknikal o
komersyal na layunin. Nagsasaad ito ng impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa
isang komplikadong suliranin. Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mambabasa.
Halimbawa: ulat panlaboratoryo, feasibility study, korespondensyang pampangalakals

3. Jornalistik – isang uri ng pagsulat ng balita. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang
ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Sa jornalistik na pagsulat, isinaalang-alang ang mga
sumusunod na mungkahi: a). Kunin agad ang punto ng istorya, b). Iwasan ang mahahabang
pangungusap hanggat maaari, c). Sumulat ng malinaw
Halimbawa: pagsulat ng balita, kolum, lathalain at magasin

4. Referensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang
paksa.
Halimbawa: pagawa ng bibliyograpiya, indeks, at note cards

5. Profesyonal – uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang tiyak na propesyon.


Halimbawa: police report, investigative report, legal forms, at medical report

6. Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat
bagamat maaaring fiksyonal at di- fiksyonal ang akdang isinusulat.
Halimbawa: pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, pagbabasa ng mga tekstong akademiko

MGA GAMIT SA AKADEMIKONG PAGSULAT

1. WIKA – nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan,
impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.
2. PAKSA – nagsisilbing pangkalahatang iikutin ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
3. LAYUNIN – nagsisilbing gabay mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isang sulatin.
4. PAMAMARAAN NG PAGSULAT – mayroong limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang
mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat.
Pahina 2 ng 6
Filipino sa Piling Larangan
5. KASANAYANG PAMPAG-IISIP – dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o
magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, maging ng mga impormasyong dapat
isama sa akdang susulatin.
6. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT – dapat isaalang-alang ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular na sa mga sumusunod:
 Wastong paggamit ng malaki at maliit na titik
 Wastong pagbabaybay
 Paggamit ng bantas
 Pagbuo ng makabuluang pangungusap
 Pagbuo ng talata
 Masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan
7. KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN – kakayahang mailatag ang mga kaisipan at
impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo at masining na pamamaraan mula sa panimula ng
akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.

Pinagkukunan:

https://brainly.ph/question/672469#readmore
https://www.slideshare.net/ihartdenzelflores/konseptong-papel-filipino
https://www.scribd.com/document/352452800/10-AKADEMIKONG-SANAYSAY
https://tl.wikipedia.org/wiki/Artikulo_(paglilimbag)
https://www.scribd.com/document/419552004/Mga-Gamit-o-Pangangailangan-Sa-Akademikong-Pagsulat
Filipino sa Pling Larangan (Akademik) ni Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra

Mga Gawain/Aktbidad

Gawain 1 Panuto: Ibigay ang mga hinihinging kasagutan at ilagay sa patlang ang sagot. (5 pts. Bawat
bilang)

Tandaan:
Bawat kulang na salita mula sa tumpak na pagpapakahulugan sa tekstong binasa ay may kaakibat na kaltas sa kabuuang puntos na ibinigay.

1. Ayon sa isang playwright na si Edward Albee “ang pagsulat ay isang discoveri. “, ano naman ang
kahulugan ng pagsulat ayon kina Bernales, et al?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________.
2. Ano ang kahulugan ng akademikong pagsulat?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_______________________.

Gawain 2 Panuto: Kilalanin kung anong halimbawa ng akademikong sulatin ang nasa bawat larawang
binigay. (5 puntos bawat bilang)

1. SAGOT: 2.SAGOT:

Pahina 3 ng 6
Filipino sa Piling Larangan

3.SAGOT: 4.SAGOT:

Gawain 3 Panuto: Maghanap ng limang larawan batay sa mga uri ng pagsulat. Gupitin at idikit sa
espasyong inilaan sa bawat bilang. (2 puntos)
HALIMBAWA:
Disertasyon

1.

LARAWAN Pahina 4 ng 6
Filipino sa Piling Larangan

2. 3.

LARAWAN
LARAWAN

4 5.
A. PAGSUSULIT
.

LARAWAN LARAWAN

Pagtataya

Pagtataya 1 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang sagot sa espasyong
inilaan.

1. Ang fokus ng pagsulat dito ay ang imahinasyon ng manunulat. ____________


2. Layunin nito ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa._____________
3. Uri ng pagsulat na nakatuon sa isang tiyak na propesyon.________________
4. Nagsasaad ito ng impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay solusyon sa isang komplikadong
suliranin._______________
5. Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang
paksa.___________________
6. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag.
____________________
7. Para kay __________________, nagsusulat daw siya upang bigyang-hugis ang kanyang iniisip.
8. Ang kauna-unahang sistema ng pagsulat na nalinang ay may ______ taon na ang nakararaan.
9. Mga pinagsamasamang nailimbag na salita sa papel ____________________

Pahina 5 ng 6
Filipino sa Piling Larangan
10. Ito ay nakalimbag na koleksyon ng mga tula o iba pang uri ng akda tulad ng maikling kuwento o dula.
_______________

Pagtataya 2 Panuto: Sumulat ng maikling komposisyon (sanaysay) sa pamamagitan ng mga gamit sa


pagsulat. Isulat sa kahon ang iyong sanaysay.

Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay

Nilalaman 45%
Kaugnay sa paksa 30%
Paggamit ng salita 25%
KABUUAN 100%

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
________________________________________ .

“Ang wastong edukasyon ay pahalagahan, ito ay susi sa iyong k

GOD BLESS 😊 😊

Pahina 6 ng 6

You might also like