You are on page 1of 11

PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Modyul sa PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA


Final term
Kolehiyong Komunikasyon at Humanidades

Paunang Salita:

Isa sa mga pangangailangan sa Kolehiyo upang makapagtapos ng isang kurso ay ang pagkaroon
ng kaalaman hinggil sa kasanayang pasulat at higit sa lahat ang pagkamit ng batayang kaalaman sa
pananaliksik.

Makakamit lamang ang pangangailangang ito sa pamamagitan ng pagpapalinang ng kanilang


kasanayan sa pagsulat.

Ang modyul na ito, Pagbasa at Pagsulat sa Iba't ibang Disiplina (Dulog-Modyular) ay binuo ayon sa
itinakda ng Commission on Higher Education (CHED) sa kanilang CHED Memorandum Order Blg.
54, serye ng 2007.

Ang pangkalahatang layunin ng modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral at pag-unawa sa


kasanayan sa pagsulat at pananaliksik sa pamamagitan ng malinaw at mabisa na paglalahad ng
mga simulain at mga kaisipang tumutugon sa mga pangangailangang makapaglawak sa kaalaman
ng mga mag-aaral.

Ang modyul na ito ay hinati sa limang yunit.


• Yunit I : Kahulugan at Kalikasan ng Pagsusulat
• Yunit II : Mga Uri ng Pagsulat
• Yunit III : Layunin sa Pagsulat
• Yunit IV : Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat
• Yunit V : Lohikal at Mapanghikayat na Pagsulat
Modyul 1
Kalikasan at Kahulugan ng pagsulat
Panimula

Ang modyul na ito ay tungkol sa kahulugan at kalikasan ng pagsusulat. Tatalakayin din ang Sosyo-
Kognitibong Pananaw sa Pagsusulat at Mga Layunin sa Pagsulat ( Expresive o Transaksyunal).
Ang pagtalakay sa mga paksa ay makatutulong sa mga mag-aaral na matukoy at mailahad ang
kahulugan at kalikasan ng pagsusulat. Ang mga matutunang aralin ay maiuugnay ng mga mag-aaral
sa totoong buhay gaya ng pagsulat ng isang komposisyon ayon sa kani-kanilang layunin.
Ang bawat mag-aaral ay magiging isang mabuting mananaliksik sapagkat sa pagtatapos ng aralin
ay nalalaman nila ang kahulugan, katangian, tungkulin ng pananaliksik at Responsibilidad ng
Mananaliksik.

Layunin
A. Natutukoy at nailalahad ang kahulugan at kalikasan ng Pagsulat.
B Naibabalangkas nang mabisa at naipaliliwananag ang iba't ibang modelo ayon sa Sosyo-
Kognitibong Pananaw sa Pagsusulat.
C. Masigasig na nakikisali sa talakayan.
D. Nakikibahagi ng sariling kabatiran sa paksang tinatalakay.
E. Nakabubuo ng isang sulatin gamit ang iba't ibang layunin sa pagsulat.
Subukin Natin
1. Bakit mahalaga ang kasanayang pasulat sa buhay ng tao?
Alam mo ba?
Kahulugan at Kalikasan ng Pagsusulat

Ayon kina Alejo et al. (2008), may iba't ibang kahulugan ang pagsulat gaya ng mga
sumusunod:
• Angpagsulat ay gawa ng isang manunulat o anumang pagpapahayag na gamit ang mga
letra ng alpabeto.
• Ang pagsulat ay may letra o mga simbolo na nakasulat o nakalimbag sa ibabaw ng papel
para katawanin ang mga tunog at ang mga salita ng isang wika.
• Ang pagsulat ay isang proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may
layuning makabuo ng mga salita.

Ang mga kaalaman na nabasa at narinig na naisusulat din kaya ang tahasang pagsasanay ay dapat
na gawin upang malinang nang husto ang kasanayan sa pagsusulat. Bago magawa ito, mahalaga
na magkaroon muna ng kaalaman sa iba't ibang pananaw sa proseso ng pagsusulat.
Sosyo- Kognitibong Pananaw sa Pagsusulat

Ayon kay Kellogg (1994), ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga kasanayang pampag-iisip na
lumikha, magmanipula at makipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng isip. Ganito rin ang
sinabi ni Gilhooly (1982,p.1) na ang pag-iisip bilang set ng mga proseso, ang mga tao ay bumubo,
gumagamit at nagbabago ng panloob na simbolikong modelo.
Binanggit pa ni Kellogg na ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak. Ang pag-aaral ng
pagsulat ay may bentahe kaysa sa pag-aaral ng paglutas ng mga problema, pagbuo ng pagpapasya
at gawain sa pangangatwiran. Isang bentahe nito ay ang mayamang produkto na ginagawa ng mga
manunulat.

May ilang argumento rin na sinabi si Kellogg sa pag-aaral ng pagsulat. Una. Ang kalidad ng pagsulat
ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. Ang pag-iisip na mabuti ay maaaring hindi
sapat na kondisyon para makasulat nang maganda subalit tiyak na lilitaw pa rin ang kinakailangang
kondisyon. Ikalawa, ang pagsulat ay isang instrumento para mag-isip ang isang tao tungkol sa
kanyang paksa. Ikatlo, kasama ssa pagsulat ang apat na kognitibong operasyon na gumaganap ng
tungkulin sa lahat ng gawwaing pampag-iisip. Bilang pangwakas, ang tatak ng pag-iisip ay ang
pagsisikap o pagpupunyagi na mag-isip.
Ang modelong kognitibo nina Bereiter at Scardamalia (1987) ay nagbigay ng dalawang panukala sa
pagbuo ng pagsulat. Ang isang modelo ay nakatuon sa baguhang manunulat na isinusulat lamang
ang nalalaman gaya ng simpleng pagsasalaysay at ang ikalawang modelo ay nakatuon sa mga
bihasang manunulat na ang layunin ay mailipat ang nalalaman gaya ng ekspositoring pagsulat.
Nagkaroon din ng problema rito kung paano maipakikita ang proseso ng pagsulat at kung kailan
nagsisimulang magsulat ang manunulat
Samantala nagkaroon ng pag-aaral si Halliday noong 1980 tungkol sa sosyolinggwistika at
edukasyonal na etnograpiya sa sosolingwistikaat edukasyonal na etnograpiya. Binatikos niya rito
ang mga estratehiya o pamamaraan sa proseso ng pagsulat dahil nakaligtaan daw sa mga
prosesong ito ang aspektong panlipunan. Binigyang-diin ng kilusang pang-edukasyon sa Amerika na
ang mga manunulat ay hindi kumikilos ng isahan bilang indibidwal bagkus kasapi ng isang pangkat
na pangkultural at panlipunan.
Ang komunidad ng diskurso ay nabuo mula sa pananaw na ang pagsulat ay isang gawaing
panlipunan. Ang hinuha ng mambabasa at ang genre na pundamental dito at ang pag-unawa ay
nakatuon sa pagsulat sa antas pantersyayrya na humiling na ang mga mag-aaral ay kailangang
magsulat ng katanggap-tanggap sa komunidad na pang-akademiko.

Bumuo sina White at Arndt (1991) ng dayagram sa proseso ng pagsulat. Ipinakita sa dayagram ang
balangkas ng paulit-ulit at hindi palinya o pahabang kalikasan ng pagsulat. Narito ang dayagram
nina White at Arndt sa proseso ng pagsulat.
1. Paggawa ng burador
2. Paggawa ng estruktura
3. Muling pagtingin
4. Pagpopokus
5. Paglabas ng mga ideya
6. Pagtataya o Ebalwasyon

1. Paglabas ng mga ideya


May iba't iabng gawain para matulungan ang manunulat nalumalabas ang ideya sa paksang
tatalakayin na lumabas ang ideya sa paksang tatalakayin sa pagsulat. Isa na rito ang pagsasagawa
ng malayang talakayan sa paksang napili. Ang tanong na maaaring sagutin din ng manunulat ay
“Ano ang masasabi ko sa paksang ito?”

2. Paggawa ng Estruktura
Ipinakikita rito ang pag-00rganisa at muling pag-aayos ng teksto at sinasagot nito ang tanong na
“Paano ko mailahad ang aking ideya sa paraang katanggap-tanggap sa aking mga mambabasa?”

3. Paggawa ng Burador
Ang burador ay nangangahulugan ng pansamantalang pagbuo ng komposisyon o anumang isinulat
na aayusin at lilinisin pa. Sabahaging ito pa lamang sisimulan ang pagbuo ng teksto.

4. Pagpopokus
Tumutukoy ito sa mabilisang pagsulat na ang gabay na tanong ay “Ano ang kabuuang layunin ko sa
pagsulat ng paksang ito?”

5. Pagtataya o Ebalwasyon
Ang pagbubuo ng talatanungan na magagamit sa pagkuha ng reaksyon o puna ay isang paraan ng
pagtataya o ebalwasyon sa isinulat na teksto.

6. Muling Pagtingin
Ito ay muling pagbabasa ng teksto at pagtingin kung tama ang ginawa. Ang kabuuang layunin nito
ay makalikha ng makabuluhan at mabisang teksto. Kailangan dito ang pagtutulungan ng mga mag-
aaral at guro upang maging maganda ang resulta ng produkto ng pagsulat.
Gawin natin
Pag-unawa sa Paksa
1. Ilahadsa sariling pangungusap kung ano ang kahulugan ng pagsulat?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Bakit sinasabing magkakambal ang utak at ang pagsulat?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Ilahad ang argumento na binanggit ni Kelly sa pag-aaral ng pagsulat.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Modyul 2

Mga Layunin Sa Pagsulat

Panimula

Ang Modyul 2 ay tumatalakay sa iba’t ibang layunin ng pagsulat. Ang layuning ekspresib at
transaksyunal ang 2 layuning bibigyang-diin sa ating talakayan. Aalamin natin ang pagkakaiba ng
ekspresib at transaksyunal na layunin sa pagsulat. Susubukin rin na makabuo ng isang teksto na
nagtataglay ng layuning tatalakayin.
Layunin

Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang…


A. Matukoy ang dalawang layunin sa pagsulat
B. Maisa-isa ang pagkakaiba ng ekspresib at transaksyunal
C. Makapagbigay ng sarilingopinyon o kaisipan hinggil sa mga dahilan kung bakit nagsusulat
ang isang tao
D. Makabuo ng isang maikling teksto na ang layunin ay ekspresiv sa pamamagitan ng
pagsulat ng tula
Subukin Natin
Batay sa mga uri ng sulatin/teksto, tukuyin kung ito ay PAMPERSONAL O PANSOSYAL.
______________1.Balita
______________2.Lihampangkalakal
______________3.Anunsyo
______________4.Tula
______________5.Maiklingkwento
______________6.Jornal
______________7. Diary
______________8. Editorial
Ano Sa Palagay Mo?
1. Bakit nagsusulat ang isang tao?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________
2. Ano-ano sa tingin mo ang nag-uudyok sa tao upang magsulat?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________
3. Kailan masasabing ang sulatin ay pampersonal? Pansosyal? Pangatwiranan.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________
Alam mo ba?

Mga Layunin sa Pagsulat ( Eksresiv o Tansaksyunal)

Ang anumang bagay na isinusulat ay may tiyak na layunin. Iba-iba nga lamang ang mga layunin sa
pagsulat ng bawat manunulat.
May dalawang uri ng layunin sa pagsulat, ang tinatawag na ekspresiv at transaksyunal. Makikita sa
talahanayan ang pagkakaiba ng ekspresiv at transaksyunal na pagsulat.

Mga Layunin sa Pagsulat


Ekspresiv Transaksyunal

• Isa itong pormal na paraan ng pagsulat. Ito ay isang pormal na paraan ng pagsulat na may
tiyak na target na mambabasa, tiyak na layunin at tiyak na paksa.
• Gumagamit ito ng unang panauhan na ako, Karaniwang ginagamit dito ang ikatlong
ko, akin at iba pa sa pagsasalaysay. Panauhan na siya, sila, niya, nila at iba pa sa
paglalahad ng teksto.
• Sarili ng manunulat ang target nitong Ibang tao ang target nitong mambabasa.
mambabasa.
• Naglalarawan ito ng personal na damdamin, Hindi ito masining o malikhaing pagsulat
saloobin, ideya at paniniwala. Bagkus ito'y naglalahad ng katotohanan na sumusuporta sa
pangunahing ideya.
• Nakapaloob din dito ang sariling karanasan Nagbibigay ito ng interpretasyon sa
ng manunulat at pala-palagay sa mga bagay panitikan, nagsusuri, nagbibigay ng impor--
bagay na nangyayari sa paligid. masyon, nanghihikayat, nangangatwiran, nagtuturo o kaya'y
nagbibigay ng mensahe
sa iba.
• Malaya ang paraan ng pagsulat dito at Kontrolado ang paraan ng pagsulat dahil may
walang sensura. Hindi gaanong mahalaga pormat o istilo ng pagsulat na kailangang sundin.
rito ang gramatika at pagbaybay ng mga salita bagkus mahalaga rito na mailabas kung ano
ang talagang naiisip at nararam-daman ng isang tao
• Halimbawa nito ay dyornal, talaarawan, Halimbawanito ay balita, artikulo, talambuhay,
personal na liham at pagtugon sa ilang patalastas, liham sa pangangalakal, papel sa isyu.
Pananaliksik, ulat, rebyu, pampanitikan, sanaysay na nanghihikayat, sanaysay na
nangangatwiran, interbyu, editoryal, dokumento at iba pa
• Layunin nito na maipahayag ang sariling
pananaw, kaisipan at damdamin sa pangyayari
Gawin Natin
A. Gamitang Venn diagram, paghambingin ang ekspresib at transaksyunal.

B. Bumuo ng isang ekspresiv na pagsulat, isang maikling tula tungkol sa kapayapaan na binubuo ng
2 saknong na may tig aapat na taludtod.
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

Modyul 3

Mga Uri ng Pagsulat

Panimula

Ang Modyul 3 ay naglalaman ng mga talakayin hinggil sa iba’t ibang uri ng pagsulat.
Saklaw nito ang 4 na uri ng pagsulat: Teknikal, Referensyal, Jornalistik, akademiko. Tutukuyin
sa modyul na ito ano ang pagkakaiba ng 4 na uri at ang kanilang mga katangian.

Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mag-aaral ay inaasahang…

A. Matukoy ang apat na uri ng pagsulat at mga katangian nito;


B. Makapagbigay ng sariling kaisipan , kuro-kuro, pananaw hinggil sa iba’t ibang
pangangailan ng tao sa pagsulat;
C. Maihambing ang mga katangian ng apat na uri ng pagsulat.
Subukin Natin
A. Bilugan ang anim 6 na salita na matatagpuan sa ibaba.
(Clue: Ang mga salitangi to ay inyong nababasa at sinusulat.)
stgwbpananaliksikdma
miakmanualhotgnmdrph
usbwpotkemteksbukdan
diyonsdbrmiomeyrpalt
rsmvleoawrkbyhkoymdm
yaeednwsbalitauwzsqd
tmedicalreportoiekrl
Ano Sa Palagay Mo?
Magbigay ng sariling opinyon o reaksyon hinggil sa pagkakaiba ng ginagawang pagsulat sa hayskul
kumpara sa kolehiyo?
Alam mo ba?

Uri ng Pagsulat

1. Teknikal na Pagsulat – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa


komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya.
Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang
maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t ibang uri ng mambabasa.
Karaniwang nagtataglay ito ng mga paksang teknikal. Halimbawa: manwal, gabay sa pagg
ayos ng kompyuter, at iba pa.
2. Referensyal na Pagsulat – isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng
impormasyon o nagsusuri. Layunin nito na maiharap ang impormasyon batay sa katotohanan.
Ito ay may kaugnayan sa malinaw at wastong presentasyon ng paksa. Ito ay isang uri ng pagsulat
na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri. Ang ilang halimbawa nito ay teksbuk,
balita, ulat panlaboratoryo, pagsusuring pangkasaysayan.
3. Jornalistik na Pagsulat – isang uri ng pagsulat ng balita. Ang isang balita ay sumasagot sa lahat
ng mga tanong na pangjornalistik; sino, ano, saan, kailan, bakit, paano.
Pinipili nang maingat ang mga salita at panatilihing simple at tuwiran ang istilo ng pagsulat.
4. Akademikong Pagsulat – ito ay may sinusunod na particular na kumbensyon. Ito ay may layunin
na maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa.
Katangian ng akademikong pagsulat: maliwanag, may paninindigan, may pananagutan.
GawinNatin
A. Sagutinangmgatanong.
1. Bakitkailanganbigyang-suportaangmgaideya o kaisipansaakademikongpagsulat?
_____________________________________________________________________
2. Saiyongpagkakaunawa, ano-anoangpangangailanganngtao kung bakitsiyanagsusulat?
_____________________________________________________________________
B. Sa mas payaknapagpapaliwanag, isa-isahinangapatnauringpagsulat at
ibigayangkatangianngbawatisa.
URI NG PAGSULAT
Modyul 4
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Panimula
Ang Modyul 4 ay nakatuon sa mga kasanayan sa akademikong pagsulat. Nakapaloob din sa modyul
na ito ang kahalagahan ng konseptong papel. Isa sa pinakakaraniwang sinusulat ng mga mag-aaral
sa kolehiyo. Maliban sa konseptong papel ay tatalakayin rin ang pag-aayos ng mga datos at ang
wastong pagbabalangkas ng mga paksa. Ang paksang ito ay lubhang makatutulong sa inyong
paghahanda sa pagsulat ng pananaliksik.

Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang…
A. Makapagbibigay ng sariling kaisipan o opinion hinggil sa kahalagahan ng konseptong papel, ng
pag-aayos ng datos at pagbabalangkas sa kanilang pag-aaral at pananaliksik;
B. Maipapahayag ang kabutihang dulot ng mga kasanayan sa pag-aayos ng datos sa pagsulat ng
mga akademikong sulatin;
C. Matukoy ang iba’t ibang paraan ng pagbabalangkas ng mga paksa;
D. Matukoy ang pagkakaiba ng iba’tibang paraan ng paggamit at pagkuha ng datos.
Subukin Natin
A. Maramimg dahilan kung bakit ang tao ay nagsasaliksik o gumagawa ng pag-aaral. Gamit ang
word association. Magbigay ng mga dahilan kung bakit gumagawa ng pananaliksik.
Ano Sa Palagay Mo?
1. Ano ang pananaliksik?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Bakit isang pangangailangan sa kolehiyo ang pananaliksik? Bakit ito mahalaga?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Ano ang pagbabalangkas? Paano ito nakatutulong sa pag-aaral?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________
4. Bakit mahalagang ang iyong mgadatos ay nakaayos?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________

Alam mo ba?
KONSEPTONG PAPEL

Ano ang konseptong papel? Ito ay nagsisilbing proposal para maihanda ang isang
pananaliksik.isang kabuuang ideya na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksang
bubuuin. Ito ay isang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang gawaing balangkas o framework ng
paksang bubuuin.

Bahagi ng konseptong papel


1. Tiyak na paksa 2. Rasyunal 3. Layunin 4. Panimulang haka 5. Sarbey ng mga sanggunian
6.Metodolohiya

2.PAGGAWA NG BALANGKAS
Ang balangkas ay pinagbabatayan ng mga mananaliksik sa pagtalakay sa mga paksang napili. Ito
ay nagbibigay ng direksyon sa manunulat kung paano tatalakayin ang paksang napili niya
A. Uri ng balangkas
1. Balangkas na papaksa- gumagamit ng salita o kataga lamang
2. Balangkas na papangungusap- binubuo ito ng mga pangungusap
B. Uri ng balangkas
Balangkas decimal- 1. ________________________
1.1 _____________________
1.2 _____________________
2. ________________________
2.1 ____________________
2.2 ____________________
Balangkas romano at arabiko
I. _________________________________
A. _______________________________
B. _______________________________
1. ____________________________
2. ____________________________
II. __________________________________
A._________________________________
1. ______________________________

PAG-AAYOS NG DATOS

Kailangang malaman mo kung ano –ano ang mga uri ng sangguniang gagamitin at kung papaano
ito aayusin. May dalawang uri ng mapaghahanguan ng mga datos: pangunahin at sekondaryang
datos

PAGKUHA NG DATOS

1. Direktang sipi- paghango ng mga ideya mula sa orihinal na teksto. Ang mg


Papanalita ay ganap na hiniram sa isang aklat o artikulo. Gumagamit ng panipi upang matukoy na
anng pahayag ay hinango lamang mula sa ibang source.
2. Buod o synopsis –nakapaloob dito sa buod o synopsis ang paglalahad ng pangunahing ideya sa
sariling pananalita. Kadalasan ito ay higit na maikli kaysa sa orihinal na teksto.
3. Presi – ito ay hindi isang personal na interpretasyon sa isang akda o ekspresyon ng saloobin. Ito
ay isang replica sa mas maikling pahayag na kadalasan ay 1/5 lamang ang haba kung ihahambing
sa orihinal na teksto.
4. Hawig o paraphrase- ito ay muling paglalahad ng ideya ng iba sa sariling pananalita. Nagkaroon
ng pagbabago sa estruktura ng salita at pangungusap ngunit kailangan hindi ito lumihis sa orihinal
na teksto.
5. Abstrak o halaw- pinaikling deskripsyon ng isang pahayag o sulatin. Sa mga sulating
pampanitikan maaaring ito ay bahagi ng isang buo at mahabang sulatin, aklat, diyalogo, sanaysay,
pelikula, at iba pang na hinahango ang bahagi upang bigyang diin ang pahayag o gamitin bilang sipi.
6. Pagsasalin o translate- isang napakahalagang kaalaman sa pagbuo ng pananalisik. Ang
pagsasalin ay paglilipat mula sa orihinal sa anyo ng wika patungo sa iba pang wika.

Gawin Natin
1. Umisip at magtala ng 5 paksa na gusto mong pag-aralan na may kinalaman sa iyong kurso.
Kurso: ________________________________
Paksa #1.
Paksa #2.
Paksa #3.
Paksa #4.
Paksa #5.
2. Sa 5 paksang, pumili ng isang paksa at bumuo ng 3 layunin sa paggawa ng konseptong papel.
MgaLayunin :
1.
2.
3.
3. Gamit ang Balangkas romano at arabiko. Balangkasin ang mga datos na maaaring talakayin sa
paksang ito. “Ang mga suliraning nagpapahirap sa bayan”
Modyul 5

Lohikal at Mapanghikayat naPagsulat


Panimula

Ang Modyul 5 ay tumatalakay sa lohikal at mapanghikayat na pagsulat. Bibigyang-diin sa bahaging


ito ang tungkol sa pangangatwtiran. Aalamin natin ang pasaklaw at pabuod na pangangatwiran at
ang lihis o palisa na pangangatwiran. Mahalagang marunong tayong magbigay katwiran sa mga
isyung napapanahon at sa mga bagay na tayo ay may alam. Nararapat rin na alamin natin kung
paano tayong magiging mabisa sa ating pinangangatwiranan.

Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mag-aaral ay inaasahang…
A. Matukoy ang dalawang uri o paraan ng pangangatwiran;
B. Makapagbigay ng mga halimbawa ng pabuod at pasaklaw na pangangatwiran;
C. Makapgbigay ng sariling opinion hinggil sa kahalagahan ng lohika at mabisang pangangatwiran
sa pang-araw-araw na buhay sa pamayanan man o sa paaralan;
D. Makilala ang mga lihis at palisang pangangatwiran na ginagamit.
SubukinNatin
A. Magbigay ng mga kasingkahulugan ng salitang HIKAYAT.
B. Paano mo mahihikayat ang mga mambabasa o makikinig? Ano-ano ang mga katangian dapat
tagalayin ng isang manunulat o tagapagsalita? Magbigayng 5 katangian.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________
1.
2.
3.
4.
5.
Ano Sa Palagay Mo?
1. Bakit bahaging pang – araw-araw na pakikipag-ugnayan ang pangangatwiran? Sa ano-anong
mga pangyayari nagagamit ang pangangatwiran?
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Bakit may mga taong di kapani-paniwala sa kanilang mga sinasabi o sinusulat?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________
Alam mo ba?
Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip. May dalawang panlahat nga
kategorya ang lohikal na pangangatwiran: pabuod o inductive na pangangatwiran-nagsisimula sa
maliit na halimbawa o kaya’y sa mga particular na bagay at nagtatapos sa panlahay na tuntunin; at
pasaklaw o deductive na pangangatwiran ay nagsisimula sa panlahat sa tuntunin konsepto o ideya
na sinusundan ng mga particular na bagay o sumusuporta sa inilalahad sa una.
Lihis o Palasi na pangangatwiran
Sa pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga lihi o palasi na pangangatwuran
dahil sa nagpapahina ang mga ito ng argumento.
a. Argumentum ad hominem- pag-atake sa personal na katangian at hindi sa paksa o argumento.
b. Argumentum ad baculum- paggamit ng pwersa o awtoridad.
c. Argumentum ad misericordiam- pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran
d. Argumentum ad ignorantiam- nagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi napapatunayano
kaya’y totoo ang anumang hindi napapasinungalingan.
e. Non-sequitor- paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does not
follow the premise.
f. Ignoratio elenchi- pagpapatotoo sa isang kongklusyon hindi naman siyang dapat patotohanan.
g. Maling paglalahat-pagbatay sa isang kongklusyon sa isa o ilang limitadong premis.
h. Maling analohiya- paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon
i. Maling saligan- paggamit ng maling batayan sa humahantong sa maling kongklusyon.
j. Maling awtoridad- paggamit ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isang paksa
k. Dilemma – pagbibigay ng dalwang opsyon lamang na para bang wala ng iba pang alternatib
l. Mapanlinlang na tanong - paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay sa
isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.
“ GawinNatin
A. Sagutin ang mga katanungan.
1. Bakit mahalagang may mgapatunay o ebidensya sa mga tesis o paksang nais pag-aaralan?
________________________________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Isa-isahin ang mga instrumentong magagamit sa paglalatag ng ebidensya. Ipaliwanag sa sariling
pangungusap kung paano magagamit ang mga ito.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________________________________
3. Paano naiiba ang pasaklaw at pabuod na pangangatwiran? Magbigay ng halimbawa ng bawat
isa.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________
Pabuod Pasaklaw
Hal._________________________ hal.__________________________
_____________________________ ______________________________
_____________________________ ______________________________
4. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga lihis o maling pangangatwiran?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________________________________

You might also like