You are on page 1of 1

“”Ang Makabagong Kultura ng Lutopan: Isang Pananaliksik”

Sinasabing ang kultura ay isang kaluluwa ng isang bansa. Dahil dito, ang isang
lahi ay nagkakaroon ng kaisahan na siyang nagbubuklod ng iisang layunin at damdamin. Ito ay
ang paniniwala, mga bagay na kadalasang ginagawa ng tao. Mga sining ng isang particular na
pamayanan, grupo, lugar o oras. Paraan ito ng pag-iisip, paraan ng pamumuhay at pagkilos.
Ang kultura ay may dalawang uri, material at di-materyal. Ang material na
kultura ay ang mga bagay na madali nating makikita. Ito ay ang mga pisikal na bagay na
ginigawa ng tao. Halimbawa nito ay itong sanaysay na binabasa mo, ang paaralan na
pinapasukan mo at ang magagandang tanawin na ginawa ng tao. Sa kabilang banda, ang isang
uri ng kultura ay di-materyal. Ito ay mas mahalaga dahil ito ay nakatatak sa isip at puso ng
bawat mamamayan. Ito ay mga bagay na hindi natin makikita sa pisikal na mundo. Mga
halimbawa nito ay wika, paniniwala, ideya, asal at kaalaman. Makikita ito sa loob ng tao.
Ang paggawa ng iba sa dati, kilos mula sa isa tungo sa kabila, paraan upang
maging iba (Virgilio S. Amario, 2010). Ayon sa isinaad, ang pagbabago ay paggawa ng iba sa
dati. Ang pagbabago ay isang bagay na nagpapatuloy sa buhay ng tao. (Heraclitus, Greek
Philosophy). Ang pagbabago ay parang parte na sa buhay ng tao. Hindi ito mawawala dahil ito
ay nakikita noon pa.
Walang sino man ang makakaiwas sa pagbabago. Hindi natin maikakaila na ang
pagbabago ay mararanasan ng lahat. Isa sa mga lugar na nakitaan naming ng malaking
pagbabago ay ang barangay Don Andres Soriano, Lutopan. Kung ibabalik natin ang mga
panahon, makikita natin na ang Lutopan ay isa pang maliit na barangay. Dahil sa pagdami ng
pagbabago ng kultura ng Lutopan, naging hudyat ito sa pagbabago ng pamumuhay ng mga tao
sa makabagong henerasyon. At dahil sa kaisipan na ito, naisipan naming na maglunsad ng isang
pananaliksik ukol sa pagbabago ng kultura sa pagdaan ng maraming taon.

You might also like